You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

_________________________ ) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si JONJON A. VALDERAMA, nasa hustong gulang, may-asawa, Pilipino at may


pahatairang sulat sa 499 Brgy. Labas Subd. Nepumuceno Sta. Rosa, Laguna, matapos makapanumpa ng
naaayon sa batas, ay malayang nagsasalysay ng mga sumusunod:

1.Ako ay nag apply para sa trabaho sa WATSON’S DISTIBUTION CENTER (“Watson’s) noong
ika-05 ng July 2019 sa kanilang address sa LIIP Mamplasan, Binan, Laguna, at mula doon ay ako ay i-
rinefer ng empleyado ng Watsons sa LOGICORE, INC. dahil dun daw ako ma-hired at ito raw ang
agency na may hawak sa kanila. Kaya ako ay nagtungo kaagad sa LOGICORE, INC. Bldg. 1-B, Sunblest
Copound, Km. 23 West Service Road, Cupang Muntinlupa City, Metro Manila, Philippines. Ako ay
natanggap bilang “Sealer/Warehouse Staff” at itinalaga at nagsimula sa WATSON’S DISTIBUTION
CENTER (“Watson’s) noong ika-09 July 2019 sa kanilang address sa LIIP Mamplasan, Binan, Laguna.

2. Bilang isang sealer at warehouse staff na nakatalaga sa WATSONS DISTRIBUTION CENTER ay


trabaho kong isalansan ang mga produckto ng watsons sa kahon at ito ay i-selyo ng tape, isalansan muli
ang mga kahon at isakay sa mg truck kung saan ito iodistribute sa iba’t-ibang branches ng WATSONS.
Lumipas ang ilang buwan at may pinapirmahan sa aking ang LOGICORE na employee evaluation, at ng
mga sumunod na buwan ay pinapirmahan na nila sa aking ang regularization form.

3. Ang aking sahod ay Php 400.00 kada araw mula sa loob ng labing dalawang (12) oras na walang
overtime pay at ganun din ang bayad sa amin sa mga araw na aming pinasok kahit holiday o rest-day.

4. Sa aking aking pagtratrabaho sa WATSONS DISTRIBUTION CENTER sa Binan Laguna ay wala


naman naibigay ang LOGICORE na gamit sa amin para sa aming trabaho dahil ang mga forklift, pallets,
trolly at iba pang equipment sa bodega ay pag-aari ng WATSONS.

5. Noong ika-22 ng December 2019 at ika-24 ng December 2019 ako ay lumiban sa pagpasok dahil
masama ang aking pakiramdam. Sa mga araw na ito at bago ako lumiban ay nagpaalam ako sa aming
Officer-In-Charge/Supervisor.

6. Noong 29 December 2019, mga 8:00 PM ng gabi ay nagkaroon ng pagpupulong sa aming mga
empleyado ng LOGICORE na patawag ni MR. RENATO MACOLON, patungkol daw po sa mga hindi
pumasok ng mula ng 21 December 2019 hanggang 27 December 2019. Sinabi rin ni MR. RENATO
MACOLON na bumalik na lang daw kami sa trabaho sa January 2, 2020, kaya umuwi na lang ako.
Noong January 2, 2020, pagpasok kosa trabaho ay hinold kami at hindi pinapasok sa WATSONS.
Kinausap kami ng Supervisor na si Mr. Eduard Mayor na sinabihan kami na mag-report na lang daw kami
sa head office ng LOGICORE sa January 2, 2020, sabi daw po ng Operations Manager na si MR.
RENATO MACOLON.

7. Noong araw na rin na iyun o noong January 2, 2020, nagtungo ako sa head office ng LOGICORE sa
Cupang, buong pag-aakala ko at ng mga kasamahan ko na makakabalik na kami sa trabaho. Kinausap
kami ng HR Supervisor na si PRINCESS CAPUA. Pinaghintay po ako ng ilang oras at pinipilit kami
mag-resign. Ang sabi ng HR ay kung gusto namin makabalik sa pagtratrabaho sa WATSONS ay dapat
daw ay magresign muna kami sa LOGICORE at mag-apply daw sa “RED DOT” na siyang bagong
ahensya na nakatalaga sa WATSONS. Hind kami pumayag ng mga kasama ko at minabuting umuwi na
lang muna dahil inabot na kami ng dis-oras ng gabi sa head office ng LOGICORE.

8. Simula nang ako ay tanggalin sa trabaho ay nabalisa ako at makatulog ng maayos sa kaiisip kung
saan ko kukunin ang panggastos sa pang-araw araw ng aking pamilya. Na sa hirap ng buhay ngayon at
laki ng gastusin ay lalo akong nawalan ng pagasa lab na't nagkakaedad na din po ako. Kasama na rin dito
ang paghahanap ng abugadong magtatanggol sa amin na sadyang malaki ang bayarin. Ginawa ko ang
salaysay na ito upang patunayan ang mga nakalahad sa itaas at batay sa aking lubos na pagkakaalam sa.
mga pangyayari at sa dokumento na aming hawak.

9. SA NGAYON WALA NA MUNA AKONG SASABIHING IBA.

BILANG PATUNAY, Aking nilalagdaan ang papel na ito ngayong Enero __, 2021 dito sa
______________________, _______________________.

JONJON A. VALDERAMA
Nagsasalaysay

PINIRMAHAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika__ ng Enero 2021, sa lungsod ng


_______________________, Pilipinas ang nagsalaysay na si JONJON A. VALDERAMA ay nagpakita
ng Government Issued ID na UMID ID 0111-9818617-8, bilang patunay ng kanyang pagkakakilanlan na
naayon sa batas. Pinapatunayan ko rin na na suri ko ng mabuti ang Nagsasaysay at ang salaysay na ito ay
kanyang pinatotohanan sa akin at kanyang isnilaysay ito ng buong laya at hindi labag sa kanyang
kalooban.

Doc. No. :____;


Page No. :____;
Book No. :____;
Series of No. 2021.

You might also like