You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

_________________________ ) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si JOVIT PENAFLOR, nasa hustong gulang, may-asawa, Pilipino at


nakatira sa Baranggay Ganado, Binan, Laguna, matapos makapanumpa ng naaayon sa
batas, ay malayang nagsasalysay ng mga sumusunod:

1.Ako ay nag apply ng trabaho bilang WAREHOUSE STAFF sa LOGICORE, INC. 1-


B, Sunblest Copound, Km. 23 West Service Road, Cupang Muntinlupa City, Metro
Manila. Noong ako ay natangap ako ay nadeploy WATSON’S DISTIBUTION CENTER
(“Watson’s) simula noong January 2, 2019 sa LIIP Mamplasan, Binan, Laguna, ,
Philippines.

2. Bilang warehouse staff na nakatalaga sa WATSONS DISTRIBUTION CENTER ay


trabaho kong isalansan ang mga produckto ng watsons sa kahon at ito ay i-selyo ng
tape, isalansan muli ang mga kahon at isakay sa mg truck kung saan ito iodistribute sa
iba’t-ibang branches ng WATSONS.

3. Noong December 27, 2019, ay tinipon ni MR. RENATO MACOLON ang lahat ng
staff ng LOGICORE na nak-deploy sa WATSONS DISTRIBUTION CENTER na may
absent na dalawa (2) hanggan Limang (5) araw. Kami ay ideneklara na suspendido at
hindi na pinapasok sa WATSONS DISTIBUTION CENTER, dahil ako daw ay
suspended na at pinagrereport na na lang sa Head Office ng LOGICORE sa Alabang,
Muntinlupa sa January 2, 2020. Ang dahilan daw po ay ang pag-absent ko ng dalawang
(2); noong December 23, 2019 at December 26, 2019, na ipinaalam ko naman po sa aking
Supervisor na si Sir JOSH. Pinauwi na lang po kaming lahat ng Operations Manager na
si MR. RENATO MACOLON.

4. Nakiusap po ako sa aking supervisor na si MR. ALDIN ESTRELLADO at


operations Manager RENATO MACOLON na ang aking pagliban ay may paalam sa
aking immediate supervisor, ngunit ako ay hindi pinakingan at sinabihan na magreport
na lang ng January 3, 2020 sa LOGICORE head office sa Alabang, pagkatapos ako ay
pinauwi na lang.
5. Noong January 3, 2020, ay nagtungo ako sa head office ng LOGICORE sa Cupang,
Alabang, Muntinlupa. Laking gulat ko ng sabihan kamig ng HR Supervisor na si
PRINCESS CAPUA na pirmahan na lang naming ang “Resignation Letter” dahil wala
na raw po kami pag ussapan.

6. Ng hindi kami pumayag ng kasamahan ko ay kinausap kami ng HR Manager ng


Logicore, hindi man lang kami hinanapan ng ibang account o ibang made-deployan
para hindi mawalan ng trabaho. Bagkus sinabi niya na dalawa (2) lang daw ang choices
naming ay “mag-resign” o “Ma-dismiss sa trabaho”. Pinipilit niya kami magresign na
lang para malinis daw ang pangalan naming sa kumpanya.

7. Hindi pa rin po kami pumayag hanggang umabot ng 7:00 PM ng gabi.


Nagpatawag na ng Security Guard anf HR Manager at pinapahold kami. Nang hindi pa
rim kami sumunod o pumirma ay binigyan kami ng Dalawapung (20) araw na
suspension at fifth (5th) offense na daw naming kahit wala pa kami dumaan ng first
offense.

8. Simula noon pinag-initan na kami, kahit ilang minutes lang ma-late ay hindi na
kami pinapapasok at pinapauwi na kami ng aming supervisor at Operations Manager
na si Renato Macolon.

9. Hindi na rin po naibigay ang one (1) year incentive namin at nagkakaroon ng
kaltas sa sahod naming na walang abisoo kasunduan.

10. SA NGAYON WALA NA MUNA AKONG SASABIHING IBA.

BILANG PATUNAY, Aking nilalagdaan ang papel na ito ngayong Enero __, 2021 dito
sa ______________________, Calamba City, Laguna.

JOVIT PENAFLOR
Nagsasalaysay

PINIRMAHAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika__ ng Hulyo 2018, sa


lungsod ng  _______________________, Pilipinas ang nagsalaysay na si ARNEL L.
WASLO ay nagpakita ng Government Issued ID na ____________________________,
bilang patunay ng kanyang pagkakakilanlan na naayon sa batas. Pinapatunayan ko rin
na na suri ko ng mabuti ang Nagsasaysay at ang salaysay na ito ay kanyang
pinatotohanan sa akin at kanyang isnilaysay ito ng buong laya at hindi labag sa
kanyang kalooban.

                                                                             NOTARYO PUBLIKO

Doc. No. :____;


Page No. :____;
Book No. :____;
Series of No. 2021.

You might also like