You are on page 1of 1

Ang Pasko at ang Bagong Taon ay ang dalawang pagdiriwang na talagang inaabangan ko

bawat taon. Para sa akin ito ang pinakamasayang pagdiriwang maliban sa aking
kaarawan. Nakakatanggap ako ng maraming regalo mula sa aking mga magulang, ninong
at ninang, tito at tita at lalo na sa aking mamita lola. Bilang bata ang mga regalo
na natatanggap ay simbolo ng pagmamahal sa akin ng mga taong nagbibigay.

Sa pagsapit pa lang ng buwan ng Setyembre ay abala na ang aming pamilya sa paglagay


ng mga pamaskong pandekorasyon at pagpabuo ng aming Christmas Tree. Iniintay ko din
ang araw na magsisimula ang Simbang Gabi, dahil noong wala pa ang pandemya kami ng
aking pamilya ay laging pumupunta sa simbahan, para magsimba. Pero dahil ngayon na
bawal kaming mga bata na lumabas, sa telebisyon na lang kami nanunuod ng "Misa de
Gallo". Tinatapos namin ito hanggang Disyembre 24, lalo na ako dahil gusto ko na
matupad ang aking mga pinapanalangin.

Disyembre 24 ng madaling araw, umalis kami ng aking ina para pumunta sa palengke
upang bumili ng mga ihahanda sa "Noche Buena". Nagluto agad ang nanay pagkadating
sa bahay. Marami kaming inihandang pagkain para aming mapagsaluhan. Nadagdagan ang
saya ng paskong ito dahil dumating ang aking Tita Rox at dito makisaya sa amin.

Katulad din noong pasko maaga kaming pumunta ng palenge ng aking ina para mamili ng
lulutuin sa "Media Noche". Naghanap kami ng labindalawang bilog na prutas na siyang
pangunahing inihahanda tuwing bagong taon, ito sumisimbolo ng labindalawang buwan
sa isang taon. Pagdating sa bahay, tinulungan ko ulit ang aking ina sa pagluluto at
paghahanda sa mga pagkain na aming pagsasaluhan. ang aking ama at kapatid ang
naggayak ng mesa na paglalagyan ng mga pagkain. Sampung sgundo bago ang alos dose
ng gabi sabay-sabay kaming nagbilang pababa para salubungin ang Taong 2022. Kaming
magkapatid ay talon ng talon sa paniniwalang kami ay tatangkad at lalaki kung
gagawin namin iyon. Bago kami nagpaputok, kumain muna kami. Kaonting paputok lang
ang binili ng aking ama, para lamang mailayo ang malas, sapagkat ito ay nakaugalian
na ng aming pamilya.

Kahit sa gitna ng pandemya, masasabi ko na masaya ang aking pasko at bagong taon
dahil kasama ko ang aking buong pamilya.

You might also like