You are on page 1of 4

GROUP 4 Lecture report

Mercado Jayve..

Kahulugan ng Pagsasalita
kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap o
Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao nagsasalita at damdamin sa pamamagitan ng mga
simbolong nakikita at naririnig mula sa tagapagsalita-Kahusayan o kapangyarihan ng isip sa pananalita na
nangungusap o mga salita upang maipahayag ang mga kuru-kuro.

Kahalagan ng pagsasalita

Mahalaga ang pagsasalita dahil- naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng
nagsasalita
Nagiging kasangkapan sa -pagkakaunawaan ng mga tao • nakapag aanyaya o nakaiimpluwensiya ng
saloobin ng nakikinig
naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang
magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito

Madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao

Uri ng Gawi Pagsasalita


1, Ang Kumakatawan–kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa pag-iba ng mga antas
patungo sa tamang preposisyon na dapatnilang sinabi; panunumpa, paniniwala at pag-uulat.
Halimbawa: Ipinapangako ko na aking pagyayamanin lalo ang mga naiwan ng aking mga magulang.
2.Direktibo- kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa paghimok sa mga tagapakinig na
gumawa ng kahit na ano;mag-utos, makiusap, makipagtalo. Halimbawa: Gawin mo ang lahat ng aking
ipinagagawa at huwag ka nang magtanong ng ano pa man.
3.Commissive–kung saan ang mga nagsasalita ay gumagawa ng alinmang pag-iba sa mga antas patungo
sa aksiyon; mangako, sumumpa o mga gawain.
Halimbawa: Gagawin ko ang bagay na iyong gusto, ano man ang iyong ipagawa.
4. Deklarasyon- kung saan sa pamamagitanng nagsasalita na baguhin ang estado ng mga gawain sa
pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi ng pagsasalita. Halimbawa:Ipinababatid ko sa inyong
lahat na ang sinuman ang lumabag sa aking batas ay magkakamit ng parusa.
5. Ekspresibo– kung saan angtagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang pag-uugali; pagbati o paghingi
ng paumanhin. Halimbawa: Siya ay humingi ng tawad sa kanyangmga nagawa at akin namang
pinagbigyan

Sangkap ng Gawi sa pagsasalita


1. Lokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita–
 ito ay paglalarawan kung ano ang sinasabi ng nagsasalita. Halimbawa: Si Ana angpinakamagandang dilag
sa nayon.
2. Ilokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita –
ang layunin ng gawi ng pagsasalita sa pagbigkas ngpangungusap kabilang ang paglalahad, pangangako,
humihingi ng paumanhin. Ito ay pagpapahayag ng kung ano ang nais gawin ngnagsasalita. Halimbawa:
Pakikuha ang baso sa lamesa.
3.Perlokusyonaryong Gawi ng Pagsasalita–
 bisa ng sinasabi ng nagsasalita sa nakikinig o epekto ng sinasabi ng nagsasalita sa nakikinig. Literal at Di-
Literal na Gawi ng Pananalita Literal o masasabi nating literal ang isang gawi ng pananalita kung sa
pangungusap ay gumagamit ng mga salitang may eksaktong kahulugan o kung may tiyak na konteksto
o kitang-kita o lantad na ang nais iparating ng isang naglalarawan
Halimbawa; Nakakasama ng kalooban ang mga masasakit na salitang kanyang binitiwan.Diliteral o kung
di kaagad mailalarawan ang konteksto na nais ipahayag at nangangailangan pa ng masusing pag-iisip o
kung sa pangungusap ay gumagamit ng mga matatalinghagang salita

Kahalagahan ng Pagsasalita
1.Komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng mga simbolong nakikita at naririnig
mula sa tagapagsalita.
2.Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao.
3.Nakakapanghiyakat o impluwensiya ng saloobin ng nakikinig.
4.Higit na may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay magsalita.
5.Naipapahayag sa publiko ang pananaw ng katwirang maykabuluhan at kapakanang panlipunan upang
magamit sapagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad nito.
6.Maiibahagi at magpamana ng karunungan sa mga susunod sasalinlahi.
7.Magbahagi ng karunungang natatamo sa pamamagitan ngpakikipagusap ay higit na mabilis at marami.
8.Magagamit sa iba’t-ibang pagkakataon, kasama na ang mgagawaing pang akademiko

Dalawang pagkakataon kung saan kailangan mag salita.


Interaktibo-
Pakikipag usap sa ibang tao o group ng tao Maaring harap harapan
sa pamamagitan ng telepono ,sulat kagamitan pang elektroniko

Semi aktibo
Pagsasalita sa harap ng awdyens kadalasan ang ispiker lamang ang nagsasalita habnag ang mga
awdyens ay tagatangap lamang ng mensahe

KAWASTUHAN Wastong gamit ng salita


(Pagbubuo ng pangungusap at pag-uugnay ng mga pahayag

Pagbigkas- Wasto at malinaw na pagbigkas o pagbasa ng salita


KALIDAD NG BOSES -Ang boses ay dapat buo, malinaw at katamtamang lakas
BOKABULARYO Nakapaloob dito ang tamang pagpili ng mga salitang gagamitin ang malawak na
bokabularyo ng tagapag salita sa wikang ginagamit
DULAS Tuloy-tuloy na pag sasalita;
madulas na gamit ng wika.

MGA URI NG SANGKAP AT BAHAGI NG KATAWAN NA KAILANGAN SA PAGSASALITA

TINIG
-Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita.Sa maraming pagkakataon
kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakaakitakit pakinggan may sitwasyong
nangangailangan ng malakas na tinig may roon naman na mahinang tinig lamang.kinakailangan
na i angkop ang himig ng pagsasalita sa sitwasyon o damdamin ng ng nagsasalita

BIGKAS-Nakapahalaga na maging wasto ang bigkas ng nagsasalita.kailangan maging mataas at


malinaw ang pagbigkas sa mga salita.Ang maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring
magbunga ng ibang pagpapakahulugan ng salitang iyon lalo pa't ang wika natin ay maraming
homonimo(mga salitang pareho ang baybay,ngunit magkaiba ang bigkas at magkaibang
kahulugan)maaring ding maging isang katawa-tawa ang tagapagsalita kung palaging mali ang
pagbigkas.gamitin ng wasto at tama ang pagbikas upang maging maayos ang ating pananalit
KUMPAS
-Ang kumpas ng kamay ay importante sa nagsasalita.kung wala ito.ang nagsasalita ay
magmumukhang tuod o robot. Ngunit ang kumpas ng kamay ay maging angkop sa salita o mga
salitang binabanggit. Tandaan na ang bawat kumpas ay may kaakibat na kahulugan.kung gayon
ang kahulugan ng mga kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay
ng kumpas.dapat iwasan ang pagiging mekanikal ng mga ito.hindi rin magandang tignan ang
labis maging ang kulang o alanganing kumpas ng mga kamay
KILOS
-Sa pagsasalita,ang bahagi ng katawan ay maaari din na gumalaw. Ang mga mata,balikat,paa at
ulo ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong ito sa isang nagsasalita.bahagi ng
pagsasalita ang kilos upang ipahayag ang kanyang sinasabi o binibigkas ng isang tagapagsalita.
• ENERHIYA O PINANGGAGALINGAN NG LAKAS
• ARTIKULADOR O KUMAKATAL NG BAGAY
• RESONADOR O PATUNUGAN

MGA LAYUNIN NG PAGSASALITA


 Pagpapaliwanag ng sa Sarili
 Pagpapahayag ng sariling pananaw at pagpapakahulugan sa sarili bilang bahagi ng lipunan.
 Pagbibigay ng Impormasyon
 Pagbabahagi ng impormasyon sa iba
 Paglilinaw ng Argumento
 Paglalahad ng opinyon o katotohan tungkol sa isang isyu.
 Pagkakaroon ng pagbabago
 Pagsasalita upang matamo ang Pagbabago

ANG MABISANG PAGSASALITA

 Ang mabisang Pagsasalita ay ang kakayahang masabi at maiparating sa harap ng


tagapakinig ang anumang naiisip o nadarama sa Pormal man o di Pormal na paraan.
 Ito ay kahusayan o kapangyarihan ng isip sa pananalita na nangungusap o mga salita
upang maipahayag ang mga opinyon
 Mga katangian ng isang mahusay na Tagapagsalita
 May maayos na personalidad, wastong pananamit at kagalang-galang na tindig
 May layunin at lubos na kaalaman sa paksa na ibinabagay sa pinag-uukulan at sa okasyon
 May mamatag na damdamin at malawak na kaisipan
 May kasanayan sa wika, retorika at balarila

You might also like