You are on page 1of 9

FILIPINO

SA PILING LARANG
W E E K 5

MA'AM SALAS

COMIA, JEMYCA A.

G12 PHILIP CROSBY


F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga

katanungan. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay maituturing na isang uri ng lagom na

ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.

A. Abstrak B. Bionote C. Paglalagom D. Sinopsis

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa

lagom na bionote?

A. Ang buod ay maaaring buuin nang maikli.

B. Banggitin ang mga impormasyon tungkol sa

academic career.

C. Pagpapakilala ng sarili sa isang propesyonal na

layunin.

D. Subhetibo ang pagsulat nito

3. Nakahiligan ni Diana ang paggawa ng blog. Nais

niyang ipakilala ang kanyang sarili sa kanyang social

media account. Alin sa sumusunod ang maaari niyang

gamitin?

A. Abstrak B. Bionote C. Paglalagom D. Sinopsis


F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G

4. Lubhang marami ang tagumpay na nakamit ni G.

Cabaruan sa kanyang napiling larangan. Kailangan

niyang sumulat ng kanyang bionote subalit hindi niya

alam kung alin ang dapat niyang isama. Alin sa mga

sumusunod ang dapat niyang gawin?

A. Isamang lahat upang mas makilala siya.

B. Piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.

C. Piliin lamang ang 7 pinakamahalaga.

D. Piliin lamang ang 10 pinakamahalaga.

5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng

lagom na bionote?

A. Para maipakilala ang sarili sa maikli at direktang

paraan.

B. Para detalyadong maipakilala ang sarili sa social

network.

C. Para makagamit ng matatalinhagang salita sa

pagpapakilala ng sarili.

D. Para matutuhang isulat ang mga natamong

tagumpay.
F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G

Gawain 1.

Sa buong panahon ng iyong pag-aaral, marahil

marami ka nang narinig na pagpapakilala sa mga

taong naging tagapagsalita sa iba’t ibang

palatuntunan sa paaralan. Maging sa mga aklat mong

nagamit, karaniwan ding makikita sa likurang bahagi

nito ang pagpapakilala sa manunulat. Ganoon din sa

mga nadaluhan mong seminar, ipinapakilala ang mga

panauhing tagapagsalita. Sa lahat ng ito, napansin mo

ba kung paano sila ipinapakilala?

- Sa tuwing dumadalo ako ng seminar at mga

palatuntunan sa aming paaralan ay laging

ipinakikilala ang mga bisita na magiging

tagapagsalita, napansin ko na sa tuwing sila ay

ipinakikilala ay laging kasama ang kanilang natapos

na kurso at kung saan sila naging magaling, kung

saan nagkapagtapos, kung ano ang kanilang

propesyon, mga sertipikong kanilang natangggap

dahil sa kanilang galing at husay, kung saan sila

nakatira at higit sa lahat ay ang kanilang pangalan,

yan lang ang ilan sa mga natatandaan ko sa tuwing

ipinakikilala sila.
F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G

Panuto: Basahin at suriin ang bionote sa ibaba.

Habang nagbabasa, alamin kung ano ang nilalaman ng

personal profile. Sagutin ang mga tanong sa isang

papel.

Si Bb. Carmen Rivera ay nagtapos ng Bachelor of Science in Secondary

Education sa Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU), magna cum laude.

Nakatanggap siya ng scholarship mula Department of Science and

Technology kaya’t nagpakadalubhasa sa Amerika sa kursong M.A. in

Biology. Siya ay nagturo sa Unibersidad ng Sto. Tomas ng limang taon.

Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang komperensiyang pangguro. Nagkamit ng

mga pagkilala sa iba’t ibang pananaliksik na kanyang isinagawa. Naging

Academic Coordinator sa kaparehong Unibersidad ng tatlong taon. Sa

kasalukuyan, siya ang punongguro ng Mataas na Paaralang Pang-agham

ng Pilipinas.

Sagutin:

1. Ano ang nilalaman ng binasang personal profile?

- Ang nilalaman ng binasang personal profile ay ang pagpapakilala sa

isang babae at kung ano ang kanyang propesyon at mga natanggap

niyang parangal,kung saan siya nakapagtapos at nagtatrabaho sa

kasalukuyan at iba pa.

2. Sa paanong paraan isinulat ang bionote?

- Ang bionote ay sinulat sa paraang maikli at ito'y nakasulat ng anim na

pangungusap.Isinulat ito sa simpleng paraan subalit lahat ng kailangan

at dapat ay nailagay sa madaling maiintindihan.

3. Ano-ano ang ipinagkaiba sa pagkasulat ng bionote sa itaas at sa

pagsulat ng isang talambuhay gaya ng natutuhan mo noong nasa Junior

High School ka pa? Ipaliwanag.

- Ang ipinagkaiba nilang dalawa ay ang bionote ay hindi ito kahabaan

at mga dapat at mahahalagang impormasyon ang mga nakapaloob

dito at maikling paglalarawan


F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G

ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na

kadalasang inilalakip sa kanyang mga naisulat samantalang ang

talambuhay ay kailangang bawat dtalye ng buhay ay nakasaad dito, mga

karanasan na nagyayari. At ang pagsulat ng talambuhay ay kasaysayan

ng buhay parang nagkukwento ka lang kung ano nangyare sa araw mo

at sa buong buhay mo.


F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G

Gawain 2

Panuto: Sumulat ng bionote tungkol dito sa inyong

tagapayo (class adviser). Ipakilala siya ayon sa

maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa

kanyang buhay.

Si Mr. Joeseph Lontok ay nakapagtapos sa

kursong Bachelor of Science in Information

Technology sa Pamantasang Liseo ng Pilipinas

(Lyceum of the Philippines University) noong 2015.

Siya ay nakapag-trabaho bilang isang Checker sa

San Miguel Mills noong 2015. Sa kasalukuyan, siya

ay nagtuturo sa Alangilan Senior High School sa

asignaturang Empowerment Technologies at

naniniwala sa kasabihang " We all make choices,

but in the end our choices make us. "


F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga

katanungan. Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay maituturing na isang uri ng lagom na

ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.

A. Abstrak B. Bionote C. Paglalagom D. Sinopsis

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa

lagom na bionote?

A. Ang buod ay maaaring buuin nang maikli.

B. Banggitin ang mga impormasyon tungkol sa

academic career.

C. Pagpapakilala ng sarili sa isang propesyonal na

layunin.

D. Subhetibo ang pagsulat nito

3. Nakahiligan ni Diana ang paggawa ng blog. Nais

niyang ipakilala ang kanyang sarili sa kanyang social

media account. Alin sa sumusunod ang maaari niyang

gamitin?

A. Abstrak B. Bionote C. Paglalagom D. Sinopsis


F I L I P I N O S A P I L I N G L A R A N G

4. Lubhang marami ang tagumpay na nakamit ni G.

Cabaruan sa kanyang napiling larangan. Kailangan

niyang sumulat ng kanyang bionote subalit hindi niya

alam kung alin ang dapat niyang isama. Alin sa mga

sumusunod ang dapat niyang gawin?

A. Isamang lahat upang mas makilala siya.

B. Piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.

C. Piliin lamang ang 7 pinakamahalaga.

D. Piliin lamang ang 10 pinakamahalaga.

5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng

lagom na bionote?

A. Para maipakilala ang sarili sa maikli at direktang

paraan.

B. Para detalyadong maipakilala ang sarili sa social

network.

C. Para makagamit ng matatalinhagang salita sa

pagpapakilala ng sarili.

D. Para matutuhang isulat ang mga natamong

tagumpay.

You might also like