You are on page 1of 8

ARALIN 3

Heterogenous at Homogenous na Wika


Barayti ng Wika

Mga Layunin

Sa modyul na ito, gagabayan ka sa mga barayti ng wikang ginagamit sa lipunan.


Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumsusunod na
kasanayang pampagkatuto:
a. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google,
at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika F11EP – Ic – 30
b. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa
lipunan (Ayon kay M. A. K. Halliday) F11PT – Ic – 86

A. LUNSARAN

Simula Natin
Lunes ng umaga, tulad ng dati, maraming tao kang makakasalubong at makakausap.
Paano mo sila kakausapin o babatiin? Isulat sa mga callout ang sasabihin mo sa
bawat isa.

Sa kaibigan
mong coño o
sosyal.

Sa isa sa mga
guro.

Ano ang Sa kaibigan mong


sasabihin mo…. “beki” o bakla.

Sa kaibigan mong
jejemon.

Sa lolo mong
kagagaling lang sa
probinsya niyo.

 Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan


mo ng pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____________

 Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang
paraan ng iyong pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
B. SURIIN

ANG HETEROGENEOUS AT HOMOGENEOUS NA WIKA

Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa


pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya tumutukoy
sapagkakaroon ng iisang porma o kaya ay pagkakaroon ng iba't ibang porma o
barayti

Heterogeneous Na Wika

Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous


(magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous na wika. Dahil sa
pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang
ginagalawan, antas ng pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at
interes sa buhay, nagkaroon ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang
permanenteng barayti kung saan ay nakasama dito ang mga idyolek at
dayalektong uri ng wika.

Halimbawa:Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat


lugar dito ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas,
Tagalog Laguna, Tagalog Quezon.

Ang Homogeneos na Wika

Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng


pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang
kahulugan.

Halimbawa: Ang panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at pagbibigay ng


sariling kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick"
na nasa wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng
atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na "pamamasyal kasama
ng mga kaibigan."

C. PAGYAMANIN
Barayti ng Wika

Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang


epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang
kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng
wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.

Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao


mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o
bayan..Gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar
subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang
kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang
pagbuo ng pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar.Kahit na
iisa ang wika ay may natatanging paraan ng pagsasalita ang bawat
isa.Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang natatangi ng taong
nagsasalita. Ang sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika.
IDYOLEK
Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehong- magkapareho.Itinuturing din itong inbidibwal na dayalek ng isang
tao na makikita sa punto at paraan ng kanyang pagsasalita, vokabulari at iba pang
aspektong pangwika.Hal:Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro, Mike
Enriquez, “Hindi naming kayo tatantanan!”.

SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga
taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansin kung paano makikitang
nagkakapangkat-pangkat ang mga tao batay sa ilang katangian. Ayon kay
Rubrico(2009), ang sosyolek ang pinakamahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng
paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan
sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang
isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutunan ang sosyolek
na ito.Hal:Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka" Coño- “Let’s
make kain na. Jejemon- 3o1 ph02, mUsZtAH nA phow laOw? “Hello po,
kamusta na po kayo?”

ETNOLEK
Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo.Ang salitang
etnolek ay nagmula sa mga salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga
salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-
etniko.Halimbawa: Vakuul = tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa
ulo sa init man o saulan Bulanon= full moon Ang paggamit ng mga Ibaloy ng
SH sa simula, gitna at dulo ng salitatulad ng shuwa(dalawa) sadshak
(kaligayahan), pershen (hawak).Hal:Panghihiram ng salita - Ang paghiram natin
ng salitang credit card mula sa mga banyaga, Ang bulanon na ang ibig sabihin
ay full moon, ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya.

PIDGIN
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na
‘nobody’s native language’ o katutubong wikang di pag-aari
ninuman.Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap
subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan
dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
Hal: Chinese Filipino“Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na
ng paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)

CREOLE
Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na
ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang
panahon, kaya’t nabuo ito hangggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning
sinusunod na ng karamihan. Ito ngayon ang creole, ang wikang nagmula sa
isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.Hal:Buenas dias. (Chavacano)
(magandang umaga.)
Paalala:
1.Bawat mag aaral ay magsumite ng natapos na gawain sa inyong cluster
leader o mga magulang/guardian sa oras na nakatakda ng pagpasa
Pagpapatupad ng health protocols ay dapat isalang-alang
2. Para sa may access sa internet maaaring ipasa ang output sa guro sa
pamamagitan ng email o messenger
3. Sa mga mag-aaral na nag home quarantine, maaring ipagpatuloy ang
pagsagot sa modyul at hintayin ang instruksyon ng City Health sa
panahon na maaring na kayong makalabas at ipasa ang mga output.
4. Sa mga mag-aaral na nastranded sa mga lugal na ECQ , maaring ipasa online
ang mga gawain.
5. Maaaring makipagchat, text or call ang mga mag-aaral sa mga guro mula

Lunes hanggang Biyernes 8:00 am -5:00 Pm lamang.

D. ISAGAWA
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan (F11PS-lb-86)
Punan ang mga sumusunod na gawain. Pumili lamang ng isa. Isulat ito sagutang
papel.

A. Panoorin ang Word of the Lourd segment tungkol sa jejemon


(https//www.youtube.com/watch/v=UfUTcm6cg). Suriin ang nilalaman ng video gamit
ang sumusunod na gabay na mga tanong.
1. Ano ang paksa ng video?
2. Sang-ayon k aba o hindi sa video tungkol sa jejemon?
3. Ano ang iyong sariling opinion tungkol sa jejemon?

B. Gamit ang iyong sariling facebook account , gumawa ng glosari ng termino/salitang


madalas lumabas sa iyong facebook newsfeed. Tukuyin ang profile ng inyong
linggwistikong komunidad.

Ilan lahat ang pinagsama-sama ninyong Tukuyin ang tantiyang pinagsamang


friend sa facebook Profile ng Lingguwistikong
porsiyento ng komunidad
sumususnod:
Itsek kung sino-sino sila
Kaibigan
Kaklase
Kapitbahay
Kapamilya
Kamag-anak
Kakilala lamang sa facebook
Hindi lubos na kakilala
Ano-ano ang wika na ginamit na
nauunawaan ng iyong grupo sa facebook
Mga Termino/salita/katawagan/ekspresyon
na mula sa facebook na nauunawaan ng
karamihan sa inyong pangkat(sosyolek)
MGA SALITA KAHULUGAN
Mga termino/salita/katawagan/ekspresyon
o paraan ng pagbigkas at paggamit ng
mga salita na pinakatatangi lamang sa
isang idibidwal (idyolek)
MGA IMBENTONG SALITA/TERMINO KAHULUGAN

BUOD AT PAGLALAHAT

Mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika sa atin, dahil dito


nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang lahat ng tao. Kung
wala ito mawawalan ng saysay ang lahat ng ating sinasabi. Mahalagang
pag-aralan ang iba't ibang barayti ng wika upang:
1. Maintindihan natin ang ating kapwa. Balik- tanaw sa
ating kasaysayan at mga pamumuhay ng mga tao
noong unang panahon.

2. Ito ang sumisimbolo ng pakakakilanlan ng isang indibidwal.

3. Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon


at damdamin kapag mayroon siyang gustong sabihin

Mas napapaliwanag ng isang tao ang gusto niyang ihayag kung gagamitin niya ang
kanyang sariling dayalekto kumpara sa kung gagamit siya ng wikang Ingles kung siya
ay purong Pilipino.

E. TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat


aytem.Isulat lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot
sa patlang bago ang bawat bilang.

1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De


Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang
Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek

2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto
silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek

3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang


malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a.Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek
d. Dayalek

4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa


Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang
alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na
estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a.Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole
5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay
nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na
maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng
mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo


a.k.a. “Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek

7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang


babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson
plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro
ang mga nakaupo sa harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register

8. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay


maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang
maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng
klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal na paraan nila ng
pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek

9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal
siya sa Batanes. Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang
salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy
sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a.Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek

10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina


Sanchez sa kanyang programang Rated K.

a.Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole

SANGGUNIAN
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.
1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

You might also like