You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Republic of the Philippines


Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City

Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Pagbabagong Nakaimpluwensya sa Pangalan ng
Kinabibilangang Komunidad
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinoman sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangang
may pahintulot ang ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anomang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Maria Trinidad C. De Mesa


Editors: Ricardo B. Flordeliza
Tagasuri: Ricardo B. Flordeliza
• Nilalaman: Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
• Wika: Teresita P. Tagulao, EdD, EPS Mathematics,
• Teknikal: ABM
Tagaguhit: Edison P. Clet Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Michael D. Morella Filipino/GAS/Piling Larang
Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Management Team: MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Librada L. Agon, EdD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent EPP/TLE/TVL/TVE
Carolina T. Rivera, CESE Dulce O. Santos, PhD, EPS
Assistant Schools Division Superintendent Kindergarten/MTB-MLE
Manuel A. Laguerta, EdD Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Chief, Curriculum Implementation Division Education Program
Victor M. Javeña, EdD Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Chief, School Governance and Operations
Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City

Department of Education – National Capital Region

Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City


Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City

Araling
Panlipunan 2
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Mga Pagbabagong Nakaimpluwensya sa
Pangalan ng Kinabibilangang Komunidad
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 2 ng Modyul
para sa araling Mga Pagbabagong Nakaimpluwensya sa Pangalan ng
Kinabibilangang Komunidad

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 2 Modyul ukol sa Mga


Pagbabagong Nakaimpluwensya sa Pangalan ng Kinabibilangang Komunidad
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makompleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito mabubuo ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City

MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1. Nabibigyang puna ang mga pagbabagong


nakaimpluwensiya sa pangalan ng kinabibilangang
komunidad.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ito ay makikita


sa komunidad at ekis kung hindi.

_____1. Libreng Sakay sa Bus

_____2. Revolving Tower

_____3. Mega Market

_____4. Bantayog ni Andres Bonifacio

_____5. Tinawag na Bitukang Manok

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City

BALIK-ARAL

Panuto: Lagyan ng Tsek (/) ang mga bagay na makikita


sa kasalukuyang kapaligiran ng iyong komunidad.
Lagyan ng Ekis (X) kung hindi.

_____ 1.
Kongkreto ang mga kalsada.
_____ 2.
Ang mga bahay ay gawa sa semento.
_____ 3.
Maraming lumang istruktura sa komunidad.
_____ 4.
Ang kaparangan o bukirin ay ginawang mga
subdibisyon o condominium.
_____ 5. Malinis pa ang mga sapa at ilog.

ARALIN

Basahin:

Napakarami ang naging pagbabago sa


komunidad mula noon hanggang ngayon.

Kapaligiran

Higit na makikita ang mga pagbabagong ito sa


mga komunidad sa lungsod. Naging sementado ang
mga kalsada. Nagbukas ng mas maraming daan at
nagpatayo ng mga tulay at overpass o flyover.
Iniba ang pangalan ng mga kalye. Maraming estruktura
2

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
ang naitayo sa komunidad tulad ng gusali, paaralan,
simbahan, tanggapan, pamilihan, at mga tindahan.

Transportasyon

Ang mga sasakyan ay makabago na rin at mas


dumami pa sa pag-usad ng panahon. Sa mga abalang
kalsada sa lungsod ay makikita ang mga motorsiklo,
kotse, dyip, bus, van, taksi, trak, at traysikel. Mabibilis ang
mga uri ng transportasyon. Ang mga ordinaryong tren ay
napalitan na ng mga tren na pinatatakbo ng kuryente.

Tirahan

Sa kasalukuyan, karamihan ng mga bahay ay


gawa sa semento. May malalaki at matataas na gusali
na tinatawag na condominium na makikita sa mga
lungsod.

Kasuotan

Nagbago ang uri ng pananamit ng mga tao.


Mula sa baro’t saya, naging makabago ang mga
ito. Bestida, blusa at palda, shirt, pantalon at shorts
na ang kasuotan na ng mga kababaihan. Polo, T-
shirt, pantalong pormal maong, at shorts naman
sa mga kalalakihan. Ang gown at barong tagalog
ay isinusuot sa mahahalagang okasyon.

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
Laro at Libangan

Ang libangan o laro ng mga kabataan noon ay


ginagamitan ng pisikal na lakas. Kasama rito ang
pagtakbo, paghabol, at pagtalon ayon sa tuntunin ng
larong ginagawa. Ang mga laro noon ay taguan,
patintero, tumbang preso, luksong baka, piko at iba pa.
Sa ngayon, mga gadget na laruan at libangan ang lubos
na kinagigiliwan ng mga bata. Nakapaglalaro ang mga
bata ng mga video games gamit ang mga computer,
cellphone, tablet at PSP. Libangan din ang manood ng
telebisyon, pakikinig ng video gamit ang computer at
cellphone.

Sistema ng Komunikasyon

Ang sulat ang paraan noon ng pagpapadala ng


mensahe. Ang internet, landline phones at mobile phones
ngayon ang pinakamabilis na paraan ng pakikipag-usap
sa mga taong nasa malalayong lugar.

Sagutin Mo!

1. Anong pagbabago ang nasabi tungkol sa ating


kapaligiran?

2. Ano- anong mga libangan ng mga bata noon


ang nabanggit sa kuwento?

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
3. Anong mga pagbabago ang nabanggit sa mga
transportasyon noon?

4. Anong sistemang pangkomunikasyon ang


ginagamit noon upang makipag-usap sa
malalayong kamag- anak?

5. Ano-anong makabagong tirahan ang mayroon sa


ngayon?

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Sa inyong sagutang papel, Iguhit ang bituin


kung ito ay nagpapakita nang pagpuna sa mga
pagbabagong nakaimpluwensiya sa pangalan ng
kinabibilangang komunidad at puso kung hindi.

_____ 1. Nakakapag-aral sa loob ng bahay gamit ang


tablet.
_____ 2. Magaganda at maayos na paaralan
mayroon sa komunidad.
5

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
_____ 3. Maayos na naipatutupad ang mga
programa ng pamahalaan.
_____ 4. May sapat na pagkain ang mga
mamamayan sa komunidad.
_____ 5. Magulo ang pamamahala ng pinuno sa
komunidad.

Pagsasanay 2

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Kulayan ng


pula ang puso kung sang-ayon ka sa sinasabi ng
pangungusap at asul kung hindi sang-ayon.

_____ 1. Malaki ang natitipid ngpamunuang lungsod


Pasig sa mga proyekto ng pamahalaan.

_____ 2. Napapanatiling maayos at sapat ang pagkain


ng mga mamamayan ng komunidad.

_____ 3. Nabibigyan nang atensiyon ang pag-aaral


nang mga kabataan sa komunidad.

_____ 4. Hindi maayos na naipatutupad ang kaligtasan


ng mga mamamayan.

_____ 5. Walang krimeng nagaganap sa komunidad.

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City

PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang patlang sa pamamagitan ng pagpili


ng salita sa ibaba upang mabu ang kaisipan.

Sa kinabibilangan naming komunidad ay may


(1)__________________ at ligtas na (2)_____________. Kaya
kami ay nakakakilos nang malaya, nakakapag-aral at
may (3)_____________ tapat na naglilingkod sa
(4)_______________ .

bayan pamunuang maayos pamumuhay

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon.Sagutin ang


tanong at isulat sa inyong sagutang papel.

Maraming pagbabagong naganap sa ating


komunidad. Ilan sa mga ito ay ang uri ng mga
tirahan,gusali,sasakyan, sistema ng komunikasyon
libangan at mahing kasuotan. Bilang mag-aaral paano
ka naapektuhan ng mga pagbabagong ito?

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Ilarawan ang mga pagbabago sa isang


komunidad. Punan ang hanay ng mga sagot.

Makikita sa
Noon Ngayon
Komunidad

1. Kasuotan

2. Komunikasyon

3. Libangan

4. Tirahan

5. Transportasyon

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5


SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5
9
Pagsasanay 2 Paunang Pagsubok
1. 1. /
2. 2. /
3. 3. /
4. 4. /
5. 5. /
Paglalahat Balik Aral
1. maayos 1. /
2. pamumuhay 2. /
3. pamunuan 3. /
4. bayan 4. /
5. /
Pagsasanay 1
1.
2.
3.
4.
5.
SUSI SA PAGWAWASTO
Schools Division of Pasig City
National Capital Region
Department of Education
Republic of the Philippines
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Pasig City
Sanggunian

Cruz, R. M. (2016). Ang mga Pagbabago sa Aking


Komunidad. Bigkis ng Lahi 2 Araling Panlipunan (pp. 111-
115). Sta. Maria, Bulacan: PrimeBooks Publishing.

https://jamiecenteno47.wixsite.com/morefuninthephil/lar
ong-pinoy?lightbox=dataItem- ith3g4ua

https://webstockreview.net/pict/getfirst

https://classroomclipart.com/images/gallery/Clipart/Blac
k_and_White_Clipart/Cars/mercedes
-benz-m-class-black-white-outline-clipart.jpg

https://thumbs.dreamstime.com/b/smiling-boy-texting-
cellular-phone-cartoon-hand-drawn- illustration-
54224031.jpg

10

SDO Pasig_Q2_AP 2_Modyul 5

You might also like