You are on page 1of 31

Kagawaran ng Edukasyon - Republika ng Pilipinas

Filipino – Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Paghahatol o Pagmamatuwid
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Emma B. Cabibil
Author/s:

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT-III


Gideon J. Pascubillo, HT-III
Wilgermina D. Juhaili, HT-I
Mary Cecille D. Luzano, HT
Roland Z. Lauron

Illustrator and Layout Artist:

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Neil A. Improgo,
EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief Lorena R. Simbajon, EPS
Members: - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS Marilyn C.
Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-
charge Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro
City Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 2
Pagbubuo ng Paghahatol
o Pagmamatuwid

This instructional material was collaboratively developed and re- viewed by educators from p
Your feedback and recommendations are highly valued.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 2
ukol sa Pagbubuo ng Paghahatol o Pagmamatuwid
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahag- ing ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipaki-


Tuklasin
kilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matu-
lungan kang maunawaan ang bagong kon-
septo at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa ma-
Pagyamanin
layang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pag-
wawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pu-
Isaisip
punan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o reali- dad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o ma-
Tayahin
sukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain
pani- bagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa la-
Susi sa Pagwawasto
hat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompe- tensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Aralin 1 ---------------- 5

Balikan ---------------- 5

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 9

Pagyamanin ---------------- 11

Isaisip ---------------- 16

Isagawa ---------------- 17

Tayahin ---------------- 19

Karagdagang Gawain ---------------- 22

Susi sa Pagwawasto ---------------- 23

Sanggunian ---------------- 24
Nakapaloob sa modyul na ito ang mga gawain sa ikalawang markahan
para sa mag-aaral sa ikapitong baitang. Dito matutunghayan mo ang mga
piling akda mula sa kabisayan na awiting-bayan.
Sa panahon ng ating mga ninuno, kung saan hindi pa uso ang
mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, kompyuter, ipad at iba pa.
Ang pagpapalaganap ng iba’t ibang akdang pampanitikan ay nagsimula sa
pasalindila na kung saan ang panitikang ito ay nagpalipat-lipat sa iba’t ibang
henerasyon upang makabuo ng mga awiting-bayan na nagsisilbing yaman ng
Kabisayaan.

Layunin:

a. Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang


nakapaloob sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-
Kabisayaan.(F7PN-II-b-7)

a.1 Nakapangangatuwiran sa mahahalagang detalye sa akdang


pampanitikang binasa.

a.2 Napahahalagahan ang kaisipang natutunan hinggil sa


binasang akda.

Sa pagpapatuloy ng modyul na ito, kinakailangan ang mahabang


pasen- sya sa pag-uunawa at pag-aanalisa sa iyong babasahin. Sundin ang
mga pa- nuto o direksyon sa mga gawain. Sagutin nang maayos ang buong
pasulit o gawain sa itinakdang oras o panahon.

1
Sa bahaging ito ay masusukat ang iyong nakatagong kaala- man batay sa bagong aralin.

Gawain A
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat akda. Pagkatapos, sagutin
ang mga katanungang nakasaad sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel o notbuk.

Akda 1 Lawiswis Kawayan

Sabi ng binata halina’t O hirang Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan Pugad ng p


Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y ganyan Akala ko’y tapat at ako’y minam
Ang dalaga naman ay biglang umiyak Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad

1. Saan gustong mamasyal ng binata?


a. tabing dagat b. lawiswis kawayan
c. bundukin d. ilog

2
2. Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit
magmahalan
Sa taludtod ng awiting-bayan, anong damdamin ang nangingibabaw?
a. takot b. lungkot
c. nag -alinlangan d. napilitang pagmamahal
3. Ang dalaga naman ay bigla pang
umayaw Sasabihin pa kay Inang nang
malaman
Ano ang umiiral na kaugalian ng dalaga sa taludtod na ito?
a. malikot b. magalang
c. matapat d. mayabang
4. Binata’y nagtampo at ang wika’y ikaw pala’y
ganyan Akala ko’y tapat at ako’y minamahal
Ano ang nangingibabaw na damdamin ng binata?
a. nagtampo b.nagalit
c. nalungkot d. nagmayabang
5. Ang dalaga naman ay biglang
umiyak Luha ay tumulo sa dibdib
pumatak
Anong damdamin ang umiiral sa taludtod na ito?
a. tuwa b.saya
c. galak d. lungkot

Gawain B
Panuto: Kilalanin ang mga dahilan sa paghahatol o pagmamatuwid. Lagyan
ng tsek ( / ) kung ito ay nagsasaad ng pagmamatuwid, ekis ( X )
naman kung hindi at isulat sa sagutang papel o notbuk.
1. Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu
2. Maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban
sa kanya
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao
4. Hindi maniwala sa ibang tao

3
5. Makapagpahayag ng kanyang saloobin

4
Gawain C
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Lagyan ng titik P kung Pamahiin
ang isang pahayag K na naman kung Paniniwala. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel o notbuk.
1. Bawal humiga kapag basa pa ang buhok, dahil mabubulag ka.
2. Hindi puwedeng magpaulan ang isang babaeng may buwanang dalaw.
3. Magkakaroon ng suwerte kapag lalaki ang unang nakasalubong sa araw
ng bagong taon.
4. Ang sinumang babeng sumunod sa dinaanan ng bagong kasal habang pa-
pasok sa simbahan ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling panahon.
5. Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag ang isang maybahay ay
buntis dahil tiyak na mahihirapan itong manganak.

Aralin

Pagbubuo ng Paghahatol
2 o Pagmamatuwid

Sa araling ito ay matututunan at makikilala mo ang maikling kuwento,


awiting-bayan, at bahagi ng akda ng Kabisayaang sumasalamin sa kani-kanil-
ang

tradisyon. Handa ka na ba? Halina’t ating simulan!

5
Bago natin simulan ang ating talakayan, ano sa palagay mo ang mga
salitang may kaugnayan sa pagpapaliwanag at paghahatol o pagmamatuwid?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga salita nasa loob ng kahon na
nasa ibaba. Pagkatapos ay pangatuwiranan ito ayon sa iyong pagkakaunawa.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

Mga salitang may kaugnayan sa Mga salitang may kaugnayan sa pa-


pagpapaliwanag ayon sa inyong na- ghahatol o pagmamatuwid.
tutunan sa nakaraang talakayan.

pakikipag-ugnayan Sapat na katibayan


nagbibigay linaw sa kahulugan Katanggap-tanggap
may mga hudyat o senyas ng ka- Kapani-paniwala
may hikayatin

Pangangatuwiranan ang pagkakaiba sa pagpapaliwanag at paghahatol o pag-


mamatuwid? _

6
Halina’t basahin at alamin natin ang mga mahahalagang kaisipan tungkol sa araling ito

Paghahatol o Pagmamatuwid -ito ay isang pagpapahayag na nagbib-


igay ng sapat na katibayan o patunay. Ang isang panukala ay maging ka-
tanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga ta-
gapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala
sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (Badayos)
Paghahatol o Pagmamatuwid - ang katotohanang pinagtitibay o pinatu-
tunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason. (Arogante)
Mga Dahilan sa Paghahatol o Pagmamatuwid:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu
2. maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa isang
tao
3. makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao
4. makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa
Tradisyon ito ay mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga
magulang papunta sa mga anak nila. Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig
su- munod sa mga nakagawian na at sa mga tradisyon.
Mga uri ng tradisyon ay ang pista, araw ng mga patay, araw ng pasko,
mahal na araw, simbang gabi. at iba pa.
Ang pamahiin o superstition ay isang paniniwala o kasanayan na ka-
dalasang na hindi batay sa dahilan at walang pang-agham o siyentipikong ka-
totohanan. Gayunpaman, ang mga pamahiin ng mga matatanda ay nagaga-
wang impluwensiyahan sa pag-uugali ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraan.
Halimbawa:
1. Pamahiin sa Bagong Taon

7
 Sa eksaktong alas dose ng bagong taon ay lumundag ng tatlong beses
para tumangkad.
 Magkakaroon ng suwerte kapag lalaki ang unang nakasalubong sa
araw ng bagong taon.
 Huwag gastusin ang perang papasok sa bagong taon.

. Tiyaking puno ang mga lalagyan ng bigas at asin sa paglipat ng bagong


taon upang maging masagana ang darating na taon.

2. Pamahiin Sa Bahay

 Hindi sinusuwerte ang bahay na hindi nakaharap sa kalye.


 Kapag magpapagawa ng bahay, ilagay ang pinto sa gawing silangan
para masikatan ng araw, sa gayon ay maghahatid iyon ng suwerte sa
mga nakatira doon.
 Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika- ng anumang buwan.
 Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay,
huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang
mangyayari sa iyo.
 Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong
beses upang hindi ito maglayas.

3. Pamahiin sa Kasal

 Ang sinumang babeng sumunod sa dinaanan ng bagong kasal habang


papasok sa simbahan ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling
panahon.
 Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod
na mag-aasawa.
 Ang pagreregalo ng arenola ay buwenas para sa bagong kasal.

4. Pamahiin sa Buntis
 Kapag madalas na pumintig ang kaliwang bahagi ng tiyan ng isang
buntis, siya ay magkakaanak ng babae.
Kabaligtaran naman kapag sa kanan.

8
 Masama ang magpakumpuni ng bahay kapag ang isang maybahay ay
buntis dahil tiyak na mahihirapan itong manganak.

Paniniwala ay isang pagkakaroon ng kumpiyansa o pananalig sa isang bagay


na walang matibay na patunay sa katotohanan nitó
Halimbawa:
Bawal magbunot sa gabi.
Bawal maggupit kapag gabi.
Bawal magwalis kapag may patay.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang awiting- bayan at pangatuwir-


anan ang iyong sagot. Isulat sa sagutang papel o notbuk.

Lawiswis Kawayan

Sabi ng binata halina O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis
kawayan Pugad ng pag-ibig at
kaligayahan Ang mga puso ay pilit
magmahalan
Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y
ganyan Akala ko’y tapat at ako;y minamahal

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad

9
1. Sino-sino ang mga tauhan?
2. Saan gustong mamasyal ng binata?
3. Kung ikaw ang dalaga, pagbibigyan mo ba ang paanyaya ng binata? Bakit?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.

1. Sabi ng binata, halina O hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis
kawayan
Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang nang malaman.
Anong tradisyon ang masasalamin sa bahaging ito ng awiting –bayan?
a. paggalang at respeto sa magulang
b. takot sa magulang
Paghahatol o
Pagmamatuwid:
Ang tradisyon na masasalamin sa bahaging ito ng awiting-bayan
ay _

2. Ang dalaga naman ay biglang


umiyak Luha ay tumulo sa dibdib
pumatak Binata’y naawa lumuhod
kaagad Nagmakaamo at humingi ng
patawad
Anong magandang kaugalian ang makikita sa bahaging ito?
a. Matiisin ang binata
b. Marunong humingi ng patawad ang binate

Paghahatol o Pagmamatuwid:
Ang magandang kaugaliang makikita sa bahaging ito ay

1
Panuto: Kilalanin ang nais ipahiwatig sa mga larawang nasa ibaba. Uriin
kung anong uri ng tradisyon at pangatuwiranan ang iyong sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel o notbuk.
Ginawa ko na ang unang bilang para sa’yo.
Halimbawa:

1. Uri ng Tradisyon:
Pista Pangangatuwiran.
Para sa akin ang pagdiriwang ng Pista ay isang pasasalamat sa
la- hat na mga biyayang natanggap sa buong taon.Ito rin ay pag-
aalay sa Patron sa nasasabing lugar.

Magsimula ka rito, gawing gabay ang na unang halimbawa.

1
https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pili-
pino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chro
me&ie=UTF-8

2. Uri ng Tradisyon: _
Pangangatuwiran.
_
_
_ _

1
https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pili-
pino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chr
o me&ie=UTF-8

3. Uri ng Tradisyon: _
Pangangatuwiran.
_
_

1
https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pili-
pino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chr
o me&ie=UTF-8

4. Uri ng Tradisyon: _
Pangangatuwiran.
_
_

1
https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pili-
pino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chr
o me&ie=UTF-8

5. Uri ng Tradisyon: _
Pangangatuwiran.

1
Kung umabot ka na sa bahaging ito, ibig sabihin ay natutunan mo na ang mga dapat mo

Ang katotohaanan
Sa paghahatol o pagmamatuwid
ay ipinagtitibay o
ay nagbibigay ng sapat na kati-
pinatutunayan sa
bayan o patunay upang ang isang
pamamagitan ng
panukala ay maging katanggap -
mga katwiran o ra-
tanggap o kapani-paniwala
son

https://www.google.com/search?q=Juan+De+la+Cruz+im-
ages&oq=Juan+De+la+Cruz+im-
ages&aqs=chrome..69i57j33.19871j1j9&sourceid=chrome&ie=UTF-8

1
Palawakin ang kaalaman at isabuhay kung ano ang mayroon tayo. Halina’t patunayan m

Mayroon tayong kakayahan na manghihikayat, upang mapatunayan


mo, mag-isip ka ng mga patunay upang makuha mo ang puso ng isang dilag.

Panuto: Suriin ang kaugalian o katangian na nangingibabaw sa sitwasyon.


Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag para makabuo ng isang
pahayag hinggil sa iyong natutunan sa araling ito. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel o notbuk.

Mula sa akda ng Lawiswis Kawayan:


1. Inanyayahan mo ang iyong kasintahan na mamasyal sa inyong lugar. Ayaw
ng iyong kasintahan na sumama sapagkat pinagbawalan siya ng kanyang ina
na sumama siya rito nang hindi nagpapaalam sa kanya.
Ang kaugalian o katangiang ngingibabaw ay
Pangangatuwiran: _ _

Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Handa ka na bang gam

1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon na nasa loob
ng kahon. Pangatwiranan ang iyong sagot at isulat sa sagutang papel o
notbuk.

Masayang-masaya si Margene habang pinagma- masdan ang nakasabit na d

1. Sa kasalukuyan, nangyayari pa rin ba ang ganitong paniniwala? Pan-


gatuwiranan ang iyong sagot.
_
_
_
_

Matapos ang hapunan ay minabuti ni Ariel na magwalis ng mga nahulog na mumo ng ka

2. Tama ba si Jessica na pagbawalan ang kanyang anak na magwalis


tuwing gabi? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
_
_
_

1
Bagong kasal ang aming kapitbahay na si Liza at nabalitaang namatay ang kanyan

3. Naniniwala ka bang mahihirapang umakyat sa langit ang kaluluwa ka-


pag napatakan ng luha ang kabaong? Pangatuwiranan ang iyong
sagot.

Gawain A
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o talata.Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel o notbuk.

1. Ito ay mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang


papunta sa mga anak nila.
a.tradisyon b, araw ng manggagawa
c. araw ng patay d. kasal
2. Isang paniniwala o kasanayan na kadalasang na hindi batay sa dahilan
at walang pang-agham o siyentipikong katotohanan.
a. tardisyon b. pamahiin
c.paniniwala d. kasalan

1
3. Ang katotohanang pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng
mga katwiran o rason.
a. pagmamatuwid c. Pagpapaliwanag
b. pagpapasalaysay d. paglalahad
4. Ito ay isang pagkakaroon ng kumpiyansa o pananalig sa isang bagay
na walang matibay na patunay sa katotohanan nitó.
a. tardisyon c.paniniwala
b. pamahiin d. kasalan
5. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o
patunay.
a. pagmamatuwid c. Pagpapaliwanag
b. pagpapasalaysay d. paglalahad
6. Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng
pitong beses upang hindi ito maglayas. Ito ang isang halimbawang…
a. tardisyon c. pamahiin
b. pamahiin d.kultura
7. Bawal magwalis kapag may patay. Ito ay isang halimbawang…
a. pamahiin c. kultura
b. paniniwala d. tradisyon
8. Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod
na mag-aasawa. Ito ay isang halimbawang…
a. pamahiin c.kultura
b. paniniwala d. tradisyon
9. Ang dalaga naman ay bigla pang
umayaw Sasabihin pa kay Inang ng
malaman
Ano kaugalian o katangian ang nangingibabaw sa
taludtod? a.magalang c. mayabang
b. matapat d. matakot

1
10. Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad
Ang binata ay nagpapakita na siya
ay?
a. mapagmataas
b. mapagmayabang
c. magalitin
d. mapagkumbaba

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag at


kiilalanin kung anong uri ng tradisyon.Titik ang isulat sa tamang sagot at isulat
sa sagu- tang papel o notbuk.

1. Ito ay ipinagdiriwang ang araw ng kapanganakan.


a. Pista c. Araw ng Kasal
b. Kaarawan d. Araw ng Patay
2. Pagpapasalamat sa nasabing Patron sa isang lugar.
a. Kaarawan c. Araw ng Patay
b. Araw ng kasal d. Pista
3. Paggunita sa kaanak na sumakabilang buhay.
a. Pista c. Araw ng Kasal
b. Kaarawan d. Araw ng Patay
4. Ito ay ipinagdiriwang ang araw ng pag-iisang dibdib ng mag-asawa.
a. Kaarawan c. Araw ng Patay
b. Araw ng kasal d. Pista
5. Ito ang isang paraan ng panliligaw noong unang panahon.
a. Harana c. araw ng kasal
b. kaarawan d. Pista

2
Tapos na! Tapos na! Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman ay huwag kaligtaang sag

Panuto: Bilang nagbibinata at nagdadalaga, magtala ng mga paraan sa panli-


ligaw noon at ngayon. Pangatuwiranan ang sagot at isulat sa sagutang papel
o notbuk.

Noon Ngayon

2
2
Ailene G. Baisa at Alma M. Dayag, Pluma. Wika at Panitikan. Phoenix Publish-
ing House, Inc.
Pamahiin&oq=Pa-
mahiin&aqs=chrome.0.69i59j0l9.14040j1j8&sourceid=chrome&ie=UTF-8
https://www.wattpad.com/262945614-mga-pamahiin-part-1
https://www.google.com/search?q=Kahulugan+ng+paniniwala&oq=Ka-
hulugan+ng+panini-
wala&aqs=chrome..69i57j0l9.17054j1j9&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pili-
pino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sor-
ceid=chrome&ie=UTF-8

2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address:

You might also like