You are on page 1of 25

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES 1

ABSTRAK

Agaloos, Jantte C; Blando, Renato II V; Cabanit, Eloisa U.; Rico, Dan Jr. B;

University of Northern Philippines, College of Teacher Education, Marso, 2003.

“PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHAN NG MGA MAG-AARAL SA WASTONG

GAMIT NG SALITA”

Tagapayo: Pacita R. Anicoche, MAT Fil,

Ang Pananaliksik na ito ay may layuning matasa o mabigyang karunungan ang

mga salik na nagpupuna man o mabuti sa mga kakayahan ng mga mag-aaral ng Narvacan

National Central High School sa Unang Taon, Ikaapat na Seksyon; na gumamit sa

wastong paraan ng mga salita sa ating wika Filipino.

Ito’y sumusuklaw sa mababang paaralan ng Narvacan National Central High

School partikular sa Ika-unang baitang sa ika-apat na seksyon ng paaralan. Ang layuning

mapaunlad ang bawat kakayahan ng mga mag-aaral sa mga wastong paggamit ng ng,

nang, may, mayroon, kung, at kong; ay isinusulong ng pananaliksik na ito.

Nagkaroon ng mainam na proseso sa paraan ng paglalahad ng usapan sa pagitan

ng mga mananaliksik, pagpapamahagi ng impormasyon sa tulong ng mga kasangkapan sa

pananaliksik, mula sa pretest, posttest, hanggang sa tradisyunal maparaan na paglalathala

o pagtuturo ng mga wastong paggamit ng ng, nang, may, mayroon, kung at kong.

Binubuo ang unang pangkat na Usapang Paraan, ng dalawam’put lima na mag-aaral ang

klase, sampu ang lalaki at labin-lima ang mga babae. Sa ikalawang pangkat ang

Tradisyunal na Pamamaraan, binubuo ito ng dalawa’mput apat na mag-aaral, 17 ang mga

ginoo at 7 naman ang mga binibini.


UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES 2

Sa ika-3 ng Marso, sinimulang ipamahagi ng mga mananaliksik ang posttest

sa mga respondents, ditto nila nalaman batay sa nakuha nilang mean na ang pagkakaiba

ng Pamaraang Usapan, at Pamaraang Tradisyunal, higit na mas epektibo ang Pamaraang

Usapan.

Batay sa resulta ng pananaliksik na ito, ang ginamit ng mananaliksik na teknik

ay ang Pamaraang Usapan. Ang 49 na respondents/subjects ay hinati sa dalawang

pangkat upang malaman o masiyasat ng husto ang mas higit na epektibo sa paglunas sa

suliranin ng pananaliksik na ito. 25 sa unang hati ng Pamaraang Usapan at 24 na mag-

aaral sa Pamaraang Tradisyunal. Sa isinagawang posttest pagitan ng Pamaraang

Tradisyunal at Pamaraang Usapan, lumabas ditto na mas mabisa ang Pamaraang Usapan.

Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik na upang mas aktibo ang klase sa Filipino,

Gamitin ang sariling wika sa mga usapan o pagtuturo ng asignatura, at sa aktibong klase,

angkop at malikhaing dayalogo ang gamitin.


Republic of the Philippines
University of Northern Philippines
Laboratory Schools
Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

ABSTRAK

Bañaga, Jessy A.
Reotutar, Ohna Patricia

Mrs. Rosalina Pascua


Guro

A.Y. 2018-2019

You might also like