You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
DIPACULAO NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY MUCDOL NATIONAL HIGH SCHOOL)
MUCDOL, DIPACULAO, AURORA
Isang Reaksyong Papel
Paksa: Isang estudyanteng ang nagpatiwakal dahil sa Cyberbullying
Uri ng teksto: Balita
Katangian at kabuluhan nito sa:
Sarili – Marami sa atin, sa panahon ngayon ang gumagamit ng internet. Talaga namang
napadali nito ang ating pamumuhay. Bilang isang estudyante na gumagamit din ng
internet, ang tekstong ito ay nagdulot ng halo-halong emosyon para sa akin. Hindi natin
maiiwasan na mayroon talagang hindi magandang dulot ang teknolohiya sa atin, isa na
dito ang maging biktima ng cyberbullying. Marapat lamang na maging disiplinado tayo
sa ating paggamit dito upang maiwasan ang hindi magandang mga sitwasyon.

Pamilya – Ang tekstong ito ang naging isang babala para sa pamilya. Nagbibigay ito ng
aral na ang bawat isa sa myembro ng ating pamilya ay maaring maging isang biktima ng
cyberbullying. Lalo na sa panahon ngayon, halos lahat ng interaksyon ay nangyayari sa
social media. Bilang isang pamilya, marapat lamang na tumayo tayo bilang tagapayo at
magbigay ng gabay sa ating mga kapamilya.

Lipunan – Ngayon, alam kong marami rin ang biktima ng cyberbullying. Dahil dito,
marami sa atin ang nakakaranas ng depresyon na umaabot sa desisyon na katulad ng
ginawa ng estudyanteng si Demaferis. Sa aking palagay, marapat lamang na managot ang
sinumang salarin sa pagpapadala ng masamang mensahe sa kanya. Kailangan ding
magkaroon ng pagtitipon ang mga paaralan upang pag-usapan at pagplanuhan ang mga
paraan upang maiwasan ito upang hindi matulad sa ibang estudyante ang nangyari kay
Dema Feliz.

Bansa – Malaki rin ang epekto nito sa imahe ng ating bansa. Si Dema Feliz ay isa lamang
sa mga estudyante sa Pilipinas na nakakaranas ng cyberbullying at piniling magpatiwakal
dahil sa sinapit nito. Marami pang Pilipino sa bansa ang lumalaban sa pagsubok na dulot
ng cyberbullying. Ang ganitong sitwasyon ay hindi dapat ipinagsasawalang bahala ng
mga awtoridad sa ating bansa. Bago pa man dumami ang katulad ng ganitong kaso,

Address:Mucdol, Dipaculao, Aurora 3203


Telephone No.: +63 947 457 3930
Facebook Page:DepEd Tayo – Youth Formation – Dipaculao National High School
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
DIPACULAO NATIONAL HIGH SCHOOL
(FORMERLY MUCDOL NATIONAL HIGH SCHOOL)
MUCDOL, DIPACULAO, AURORA
marapat na aksyunan na agad ito dahil mayroong batas ang Pilipinas na maaring gamitin
para sa ganitong kaso, ang Anti-Bullying Act of 2013.

Daigdig – Maging sa saan mang sulok ng mundo, marami ang nakararanas ng


cryberbullying. Ang tekstong ito ay isang ebidensya ng hindi tamang paggamit sa
makabagong teknolohiya. Sa isang simpleng pagpapadala ng mensahe at salita mo
lamang maari ka ng maging isang kriminal. Bilang isang tao, na mamayaman ng lupang
ating sinilangan, tayo ay pantay-pantay ng katayuan. Maging isang aral, at huwag na
sanang muling umabot pa sa kawalan ng buhay ang hindi natin paggamit ng tama sa
teknolohiya.

Address:Mucdol, Dipaculao, Aurora 3203


Telephone No.: +63 947 457 3930
Facebook Page:DepEd Tayo – Youth Formation – Dipaculao National High School

You might also like