You are on page 1of 43

SOJU's Horror Collections (All Original)

by Kuya_Soju

Dito ko po ilalagay lahat ng horror story ko. One shot nga lang. Humanda po kayong
matakot at mawindang!

=================

Tara Dun, Pare! [1.2]

''TARA DUN, PARE''

MALIKOT ang mga ilaw sa loob ng bar na iyon. Maharot ang pagsayaw ng mga babaeng
halos wala nang saplot sa katawan.

Binilang ni Rey ang bote ng mga beer na naubos na niya.

Isa, dalawa, tatlo...Sampu.

Pero ang pagkalasing ay tila mailap.

Gusto niyang magpakalasing. Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak pero di niya
alam kung bakit.

Tumayo na siya. Lalabas siya sandali. Lalanghap siya ng sariwang hangin. Sumisikip
kasi ang dibdib niya sa loob ng bar.

Papalabas na siya ng bar nang may tumapik sa balikat niya at umakbay.

''Pareng Rey! Kumusta?'' Ang kaibigan niya palang si Jomel.

Bagaman at masaya ang pagbati nito ay nababanaag niya sa mata nito ang lungkot.

''Pareng Jomel, kaw pala!'' Gumanti siya ng pag-akbay sa kaibigan at sabay silang
lumabas ng naturang club.

''Pauwi kana ba, pare?'' Nagsindi ng yosi si Jomel.

''Hindi, nais ko lamang sumagap ng sariwang hangin,'' sagot niya.

Ano't tila nakakaramdam siya ng kung anong kilabot ng mga sandaling iyon.
''Kung di ka pa uuwi, tara dun pare,'' yaya sa kanya ni Jomel.

''Saan pare?''

''Ah, basta! Sumama ka na lang sa akin pare,'' ani Jomel.

Sumama siya kay Jomel. Naglakad-lakad sila hanggang sa makarating sila sa isang
talahiban.

''Teka, san ba talaga tayo pupunta, pare?'' Nakakaramdam na si Rey na may mali.

''Basta...Tara dun, pare!''

Umatras si Rey. Talagang may mali. Ewan niya pero natatakot siyang puntahan ang
lugar na sinasabi ni Jomel.

''A-ayaw ko pare. Babalik na lang ako,'' at nagtatakbong pabalik ng bar si Rey.

Agad naman niyang narating ang bar. Humihingal pa siya.

Papasok na sana siya nang may tumapik at umakbay muli sa kanya.

''P-pareng Jomel!'' Labis ang gulat niya nang makilala kung sino ito.

''Tara dun, pare...'' May lungkot na naman ang mga mata nito.

May takot man sa dibdib ay sumama na rin siya dito...

=================

Tara Dun, Pare! [2.2]

''SAAN ba talaga tayo pupunta, pare?'' Hindi na nakatiis na tanong niya habang
tinatahak nila ang kadiliman.

''Basta, dun lang pare,'' at itinuro nito ang gitna ng talahiban.

Ano bang nais nito at pupunta sila roon?

Sa kanyang paglalakad ay may natapakan siya.


''Teka, pre may natapakan ako,'' aniya at ganun na lang ang pagsigaw niya nang
malaman kung ano ang natapakan niya.

Isang naaagnas na bangkay at kumikiwal-kiwal ang mga puti at matatabang uod na


nagpipiyesta sa nabubulok nitong katawan.

Tinignan niya si Jomel at gumapang ang kilabot sa katawan niya nang biglang magbago
ang anyo nito. Kamukha na ito ng naaagnas ng bangkay.

''Tama ang iyong iniisip pareng Rey, ang bangkay na iyan ay sa akin. Patay na ako,
pare! Kaya kita pinapunta dito ay upang malaman mong patay na ako. Isang gabi,
habang papauwi na ako, isang grupo ng kalalakihan ang napag-tripan ako. Walang awa
nila akong pinagsasaksak at dito sa lugar na ito nila tinapon ang bangkay ko,''
mahabang paliwanag ni Jomel.

''H-hindi...Hindi ito totoo, hindi ka totoo!''

Nagtatakbong palayo si Rey pero muli ay may natapakan na naman siya at siya ay
nadapa.

''Waaaaaah!!!!!'' Napasigaw na naman siya nang malamang isang bangkay na naman ang
natapakan niya.

''K-kaninong bangkay naman ito?!'' Gulantang na tanong niya.

Marahang lumapit sa kanya si Jomel at hinawakan siya sa balikat.

''Hindi mo ba natatandaan Pareng Rey? Magkasama tayo nang gabing pinagsasaksak


tayo!'' Labis ang pagka-gimbal ni Rey sa sinabi ni Jomel.

---W A K A S---

pls commen at vote po kayo :))

[sojuismyname]

=================

ONLINE [1/3]

''ONLINE''
ALA-UNA na ng madaling araw pero walang puknat pa rin sa pag-cocomputer si Carl.
Isang fourth year student.

Napangiti siya nang mapa-level 201 na niya ang brawler character niya sa RanOnline.
Sa wakas, naungusan din niya ang kaklase at kaibigan na si Ken. May ipagyayabang na
naman siya dito bukas.

Nag-log off na siya sa RanOnline.

Uumpisahan na naman niya ang pakikipag-chat sa YM. Hiling niya ay makakita siya ng
babaeng ''game'' sa chatroom.

Lumabas sa bottom-right ng screen niya ang 253 EMAIL RECEIVED.

Hindi niya binigyang pansin iyon dahil alam niyang puro Facebook notifications lang
yun.

Papasok na sana siya sa isang chatroom nang may nag pop-up na instant message sa
kanya.

lonely_girl013 ang username.

Binasa niya ang message nito.

''Tulungan mo ako, may lalakeng pumasok sa bahay ko. Ginahasa niya ako...Ang sama-
sama niya. Tulungan mo ako...Para mo nang awa...''

Napangiti siya sa nabasa.

''Walanghiya ka talaga, Ken. Ginugudtaym mo na naman ako!'' Naibulong niya sa


sarili.

Cli-nose na niya ang window na iyon pero agad ding lumitaw ang mensaheng iyon.

Natigilan siya. Close ulit pero ang mensaheng iyon ay agad ding nagpa-pop-up!

Napag-desisyunan niyang mag-reply dito: ULOL KA KEN! DI MU AQ MATATAKOT ..HAHAHA.


Sabay click sa Send.

Ilang minuto pa siyang naghintay. Walang reply mula kay ''lonely_girl013''.

Bigla siyang nakaramdam ng antok kaya napagdesisyunan na niyang patayin ang


computer at matulog na.
KINABUKASAN, SA SCHOOL...

Agad na kinausap ni Carl si Ken. Ibinida niya dito na mas mataas na ang level niya
sa naturang online game.

''Maaabutan ko din yun Carl. Level 201? Sisiw!'' Pagmamayabang pa sa kanya ni Ken.

Naalala bigla ni Carl ang nangyari kagabi.

''Nga pala, Ken. Ikaw ba yung nang-gudtaym sa akin sa chat?'' Tanong niya sa
kaibigan.

Nakakunot ang noong sumagot si Ken. ''Huh? Anong gudtaym sa chat ang pinagsasabi
mo?''

''Ako pa niloko mo, Ken. Tinatakot mo pa nga ako eh,'' aniya.

=================

ONLINE [2/3]

''Ulol mo, Carl! Wala akong time para i-good time ka,'' natatawang sagot sa kanya
nito.

''Hindi nga. Seryoso ako Ken.''

''OK. Seryoso na ako Carl. Hindi ako yung nang go-goodtime sa'yo,'' seryoso na ring
sagot ni Ken. ''Teka, ano bang nangyari sa pagcha-chat mo kagabi?'' Dugtong pa
nito.

''May nag send kasi sa akin ng IM kagabi. Isang babae at humihingi siya sa akin ng
tulong...''

NAGING palaisipan na sa kanya kung sino ang nagsend ng mensaheng iyon.

Natagpuan na lang niya ang sarili na hinihintay ang pag-oonline ni lonely_girl013.


Hindi niya alam pero naku-curios siya kung sino talaga ito.

Hanggang sa may nag pop-up na IM sa screen niya.

From: katrina09
Message: care 2 chat?

Napa-isip siya. Mukhang hot, username pa lang. At nakipag-chat nga siya dito dahil
napaka-ganda nito sa display picture nito.

carl16: ok. asl

katrina09: 15,f,qc. kw?

carl16: 16,m,qc rin

At nagpatuloy pa ang chat session nila at nakalimutan na niya si lonely_girl013.

katrina09: can i view ur cam

carl16: sure, w8 lng

Tumayo siya sandali at tinignan muna ang sarili sa salamin. Nang ma-satisfy sa ayos
ng kanyang buhok ay bumalik na siya sa harap ng computer.

Huminga muna siya ng malalim bago cli-nick ang INVITE TO VIEW MY WEBCAM.

katrina09: cute mu pla

carl16: tnx, cn u giv ur address

Walang kiyeme namang binigay ng babae ang address nito.

carl16: alone kb ngaun xa haus neo

katrina09: yes

carl16: puntahn kta

katrina09: kaw bhala

Natigilan si Carl.

Para kasing nangyari na ito. Itong chat session na ito...Parang...Pamilyar.


=================

ONLINE [3/3]

Muling tumipa sa keyboard si Carl.

carl16: can i view ur cam too?

katrina09: ok,w8 lang magpapasexy lang aq pra xau

Napangiti siya. Jackpot, naisip ni Carl.

Agad niyang inaccept ang invitation nito. Pero napalitan ng kilabot ang excitement
niya nang makita ang webcam nito.

Ang ka-chat niya pala ay isang malamig na bangkay. Puro dugo ang katawan nito.
Tadtad ito ng saksak at talagang nakakadiri ang ginawang pagpatay dito!

At muli...Nag pop-up ang isang mensahe.

''Tulungan mo ako, may lalakeng pumasok sa bahay ko. Ginahasa niya ako...Ang sama-
sama niya! Tulungan mo ako...Para mo nang awa...''

Tuluyan na siyang napasigaw nang makitang biglang nagbago ang username ni katrina09
at naging lonely_girl013 ito...

KINABUKASAN, nagtungo si Carl sa mga pulis. Hindi na kaya ng konsensiya niya ang
NAGAWANG KASALANAN!

3 DAYS BEFORE...

Hirapan na gumapang ang babae papalapit sa computer niya. Kailangang humingi siya
ng tulong.

Isang pagkakamali ang nagawa niya dahil ibinigay niya agad sa ka-chat na si Carl
ang address niya.

Masakit ang katawan niya dahil sa ilang ulit siyang ginahasa nito.

Tulog na tulog pa si Carl nang tinignan niya ito kaya mabilis siyang nag-type sa
computer: ''Tulungan mo ako, may lalakeng pumasok sa bahay ko. Ginahasa niya
ako...Ang sama-sama niya! Tulungan mo ako...Para mo nang awa...''

At sinend na niya agad ito.

Pero nagulantang siya nang ma-realize na sa mismong YM Account ni Carl niya ito
nai-send!

''Anong ginagawa mo?!!'' Napalingon siya sa nagsalita.

Si Carl. At gising na ito!

Papalapit na ito sa kanya habang hawak-hawak nito ang isang matalim na kutsilyo...

-------------------------------

A.N.

Na-gets nyo ba? Sori kung medyo magulo :))

Pasensya rin po kung hiwa-hiwalay o chop-chop ung bawat kwento. Cellphone lang kasi
ang gamit ko sa pag-u-update.

Feel free to vote and comment. Gagawa ulet ako pag maraming vote at comment.
Hehe..Takaw eh :))

Till next!

Tnx 4 reading.

-soju-

=================

Bintana (My REAL Ghost Experience)

''BINTANA''

This story is 100 percent real. Opo, this really happen to me...Cliche pero totoo!

--------------------------------
UMALIS papuntang Cavite ang lola ko kaya mag-isa sa bahay na iyon ang pinsan kong
si Kate.

Pinakiusapan ako ng pinsan ko na dun sa house nila matulog dahil mag-isa lang siya.

Pumayag naman ako. Seperate naman kami ng room.

We started to chit-chat and we decided to get sleep around 10pm.

''Dun ka na lang matulog sa kwarto ni tito,'' aniya.

Matagal nang hindi nagagamit ang kwartong yun dahil nasa malayo nagtatrabaho ang
tito namin.

Maliit lang yung kwarto. Sakop nung bed ang buong space. Tapos may bintana na
walang pang-sara pero may sali-saliwat na kawayan na parang grills.

Actually, di naman ako matatakutin kaya di ko na pinansin yung bukas na bintana.

Agad naman akong nakatulog...

Maybe around 3am, naalimpungatan ako at napatingin ako dun sa bintana. At alam nyo
ba ang nakita ko?

Isang batang lalake! Kalbo siya tapos maputi. Maybe 4feet siya dahil ung ulo lang
niya ang kita ko at ung two hands niyang nakahawak dun sa kawayang grills!

He's just staring straight at di naman siya nakatingin sa akin!

Nagtalukbong ako ng kumot. Grabeng kilabot ko talaga nun!

Sumilip ako sa kumot and to my shock! Andun pa rin siya! Parang may tinitignan siya
sa loob. Di ko naman malaman kung galit sya o ano dahil wla syang expression.

I prayed, hoping na mawawala siya pero useless. Di talaga siya umaalis...

I hide under my sheet at nagdasal ng bonggang-bongga. Di na ako tumingin pa sa


bintana hanggang sa makatulog ako...

-------------------------------
Kinikilabutan tlga ako while typing this. Medyo marami na rin akong scary
encounters like i saw a manananggal dats y i biliv dey exists! Saka, i saw an old
woman from afar transform into a dog. For real!

Bahala na po kayo kung maniniwala kayo or not basta alam ko na this really happen!

-soju-

=================

Brownout [1.2]

''BROWNOUT''

''SHIT!''

Napamura si Sam nang biglang mamatay ang kaharap na computer at ang lahat ng ilaw
sa buong kabahayan.

''Ate Sam? Asan ka?'' Narinig na tawag ni Sam ng kanyang kapatid na si Tina.

Isang taon lang ang tanda ni Sam sa kapatid niyang si Tina.

''Andito ako!'' Pinailaw ni Sam ang hawak na cellphone upang maging signal iyon
para makita siya ng kapatid.

Agad naman na yumakap si Tina sa kapatid.

''Ang tanda-tanda mo na Tina pero takot ka pa rin sa dilim!'' Biro ni Sam sa


kapatid.

''Eh ang dilim dilim kaya! Bakit kasi nag brownout pa eh.''

''Ang alam ko, may padating yatang bagyo,'' sagot ni Sam.


Iniwan sandali ni Sam si Tina sa kwarto nilang magkapatid. Nagtungo siya sa kusina
upang maghanap ng kandila.

Nasa kalagitnaan siya ng paghahanap ng kandila sa kabinet nang maramdaman niyang


may nakamasid sa kanya.

Hindi niya alam pero kinikilabutan siya ng mga oras na iyon.

Nagtataasan ang mga balahibo sa braso niya.

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa kanyang likuran.

At may nakita siyang isang babaeng nakatayo sa gitna ng salas. Nakatingin ito sa
kanya, alam niya!

''Tina? Ikaw ba yan?'' Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa kadilimang
bumabalot sa buong kabahayan.

Pero hindi iyon nagsalita bagkus ay lumakad ito at pumanhik pataas ng hagdan.

Hindi niya alam pero hindi niya magawang igalaw ni isang parte ng katawan niya.
Nanatili siyang nakatingin sa pag-akyat ng nilalang na iyon hanggang sa tuluyan na
iton maglaho sa paningin niya.

Ding! Dong!

Bumalik ang huwisiyo ni Sam sa pagtunog ng doorbell.

Madali niyang tinungo ang pintuan at binuksan ito.

''Tita Mara!'' Bulalas niya ng makilala ito. ''Akala ko po bukas pa ang uwi nyo?''

''Ewan ko pero nung mabalitaan kong may paparating na bagyo ay umuwi na agad ako
dito. Ayokong maabutan ng bagyo sa pagbiyahe,'' at pumasok na ito sa loob. ''Teka,
bakit madilim?''

''Brownout po kasi Ti--''

Hindi na naituloy ni Sam nang madinig niya ang isang malakas na tili mula sa itaas.

Si Tina!

=================

Brownout [2.2]

AGAD na pinuntahan ni Sam ang kapatid sa itaas at nakita niyang nasa sulok ito ng
kwarto at nakaupo ito habang yakap-yakap ang sarili. Nanginginig ito at halatang
takot na takot.

''Tina, anong nangyari?!'' Kinabahan si Sam nang makita ang ayos ng kapatid.

''A-ate..M-may babae...''

''Anong babae?''

''Pumasok siya dito sa kwarto...Nakakatakot siya, ate!''

Niyakap ni Sam ang kapatid upang kumalma ito. Doon na pumasok si Tita Mara.

''Anong nangyayari dito?''

''Tita, may n-nakita daw pong babae si Tina dito sa kwarto,'' sagot ni Sam habang
inaalalayan ang kapatid sa paghiga nito sa kama.

''S-sam...A-anong pinagsasabi mo?'' Naramdaman ni Sam ang takot sa boses ng kanyang


tita.

''Tita? Si Tin--'', nanlaki ang mga mata ni Sam dahil pagtingin niya sa
kinaroroonan ni Tina ay wala na ito!

Ganun na lamang ang paggapang ng kilabot sa buo niyang katawan.

Natulala siya. Nilapitan siya ng kanyang tita at hinawakan siya sa magkabilang


balikat.

''Papaanong nandito si Tina, hindi ba sumama siya sa akin sa probinsiya! At bukas


pa ang uwi ni Tina!'' Hayag ng kanyang tita.

Hindi malaman ni Sam ang sasabihin. Sino ang Tina na nakasama niya sa oras ng
brownout?

WAKAS

--------------------------------

A.N.

Dedicated sa dalawa kong idol: AnakDalita (Sam) at kay lady_phoenix16 (Tina).

Sorry kung di nakakatakot. This is a doppelganger story. Sino sa inyo ang naka-
encounter na sa doppelganger? Taas ang kaliwang pisngi :))

Ako? Medyo pero ako yung ginaya. Ganito un...Kwento lang to ng kapitbhay nmin.
Nakita niya daw kasi ako tapos kinausap niya daw ako and kept asking question pero
di daw ako sumasagot. The next day, kinausap nya ako. Sungit much ko daw nung the
other day. Takang-taka naman ako, sabi ako: ''Huh? Hindi ako un! Hindi ko nga
nakita yang pagmumukha mo khpon saka di kaya ako lumabas ng bahay kahapon.''

A doppelganger story huh.

Abangan!

GAYUMA

ONE NIGHT (Urban Legend Inspired)

...and more!

=================
Gayuma (Author's Note)

GAYUMA

Author's Note:

Before tayo dumako sa story please read this muna...

Sa mga new reader, lahat po ng story ko ay chop-chop or short updates. Dahil


cellphone lang gamit ko sa pagtatype, pag-edit at pag-update ng story ko. Mahirap
pero keri lang, basta para sa inyo :))

Next, sasabihin ko na ang kwentong GAYUMA ay bitin. Kayo na po bahalang mag-


conclude ng ending. Hindi naman siya nakakatakot. This is my first horror-romance-
comedy story so sana magustuhan niyo...

Dedicated to sa mga lover ng horror story ko. Yung mga taong sinusuportahan ako
since i made my first horror ko.. T E N K Y U

Thanks... Enjoy reading GAYUMA!

-soju-

=================

Gayuma 1/6

GAYUMA

''BESTFRIEEEND!!!''

Malakas kong sigaw nang makita ko ang pagbaba ng bestfriend kong si Amiel sa bus.

Hi-nug ko siya.

Mahigpeeeet at may kasamang gigil.

Hay! Oo na, malamang katulad nyo rin ako na inlove sa inyong mga bestfriend!
''Ek ek ek! Sandali lang Namie...Di ako makahinga...'', tinapik pa niya ako sa
braso ko.

Wala naman akong gusto noon kay Amiel pero after nung magkahiwalay kami pagkatapos
ng graduation dun ko na-feel na i need and love him.

Oh diba?

Andito siya sa probinsya ko to have a vacation. Dyosko! One year lang kaming di
nagkita pero lumevel-up na siya.

Umuulan sa yummyness ang BFF ko!

''Kumusta ang Maynila?'', tanong ko sa kanya nang nasa tricycle na kami.

''Ganun pa rin...Mukhang maganda nga dito sa Quezon Province ah!'', patingin-tingin


pa si Amiel sa mga tanawing dinaraanan namin.

Sa Maynila kaming dalawa nag-aral pero umuwi rin ako dito sa Lucban, Quezon pagka
graduate. Mas mura daw kasi ang college sa probinsya.

Tumigil sa tapat ng bahay namin yung tricycle. Konkreto ang bahay namin at two-
storey pa. Bunga yan ng pagiging Japayuki ng ate ko.

Pagkababa namin ng tricycle ay sinalubong kami ng aking mudra na si Mama Lulai.


Naka Maria Clara outfit pa ito. Bongga!

''Welcome! Welcome!'', sabay yakap ni Mama Lulai kay Amiel. Hinalik-halikan pa ang
magka-bilang pisngi ng bestfriend ko.

Nang makita kong hahalikan ni Mama Lulai sa lips si Amiel ay mabilis kong hinila
ang buhok ni Mama upang di matuloy ang paglapastangan nito sa lalakeng iniirog ko.

''Ma, behave...Akin yan eh. Gusto mo bang multuhin ka mamaya ni Papa?'', bulong ko
kay Mama Lulai.
''Ay hindi. Behave na ako..Pasok na kayo, may konting salu-salo sa lamesa. May
lechon, pancit, spaghetti, tapsilog, longsilog, tapalongsikalog!'', mahilo-hilo si
Mama sa pagre-recite ng mga handa.

''Mukhang di nyo pinaghandaan ang pagdating ko ah.'', natatawang sabi ni Amiel.

''Tara na nga!'', yakag ko.

Tumugtog na ang banda na pang-fiesta na hi-nire pa namin bilang pang salubong sa


kanya.

=================

Gayuma 2/6

Pagpasok namin sa loob ay napasigaw sa takot si Amiel.

''Waaaaaaaah!!!'', sigaw much si Amiel.

''Bakit? Bakit!'', hindi ko alam kung bakit siya napasigaw.

''Namie...M-may multooo!'', sabay turo niya sa matandang babae na nasa rocking


chair. Mahaba at kulay puti ang buhok nito.

Hinambalos ko sa batok si Amiel. ''Grabe ka ha, lola ko yan! Si Lola Veonsey! Di


siya multo..''

''Akala ko kasi,.''
Biglang tumayo si Lola Veonsey. ''Anchaket naman magsalita ng kasama mo, apo!
Tawagin ba akong multo? Makapag-laptop na nga lang sa kwarto. Mabuti pa yung mga
ka-FB, Twitter, Tumblr, Wattpad at mga ka-chat ko di ako tinatawag na multo! Mga
kabataan talaga o-o.!'', at tuloy-tuloy na um-enter si lola sa kwarto.

''Naku, dont mind Lola Veonsey. Masungit lang talaga yun..Tara, papakainin na kita
sa loob.'', sabi ko kay Amiel.

''Anong ipapakain mo sa akin?''

''Eeeee...Hulaan mo..'' n_~____landee ko noh!

--------------------------------

Its 11 PM na...

Tulog na si Amiel.

Gora ako sa kwarto ni Lola Veonsey. Pagpasok ko nakita kong naka indian sit si lola
at nag-memeditate.

Before I forget, isang albularya dito sa amin si lola. At di lang basta-basta


albularya kundi isang mahusay na albularya!

Oo, totoo yan!

''Lola...Yuuhooo..''.

''Siya ba ang tinutukoy mong lalake, apo?'', tanong ni lola sabay mulat ng mata.
''Siya nga po. Si Amiel..'',umupo na rin ako sa harap ni lola.

''Desidido ka ba talagang gayumahin siya, Namie?'', tanong ni lola.

''Oo naman, lola. Papupuntahin ko ba naman yun dito kung hindi. Saka Lola Veonsey,
trully, deeply, madly inlababetch aketch kay Amiel.''

''Handa ka bang harapin ang mga consequences oras na mapa-ibig mo sya gamit ang
gayuma?''

''Yes! Yes! Lola naman, daming tanong. Sabihin nyo na ang mga sangkap ng gayuma.''

''Mahirap makuha ang tatlong sangkap at ikaw ang dapat ang kumuha ng mga iyon upang
maging mabisa ang gayuma. Ready kana ba, Namie?'', tugon ni lola.

''Reydi na po!'', sagot ko.

=================

Gayuma 3/6

''Ang unang sangkap ay buhok ng tikbalang!''

Nagulat ako sa unang sangkap pero quiet na lang ako baka kasi mapikon na sa akin si
Lola Veonsey at di na ako tulungang gumawa ng mabisang gayuma para kay Amiel ko!

''Ikalawang sangkap...Kuko sa paa ng manananggal..''

Dyosme! Anubeyen mga sangkap ng gayuma ni lola! Ano naman kaya ang sunod?

''Ang pangatlo at huling sangkap ay ang dugo ng lalakeng gagayumahin..''


--------------------------------

KAYA naman andito ako sa kakahuyan at nang-ha-haunting ng tikbalang. May suot akong
medalyon na ayon sa witchy-pedia ni Lola Veonsey ay suotin ko daw upang di ako
masaktang ng mga bad spirits.

''Tikbalang Paulate! Yuhoo! Pakita kana, puh-lease!'' tawag ko.

Si Tikbalang Paulate ang kaibigang tikbalang ni Lola Veonsey.

Maya-maya nga ay biglang nag-amoy mapalot (amoy ng ihi), senyales na may tikbalang
sa paligid.

Umatras ako at may tinamaan ang likod ko. Ang tikbalang! Pang-tao ang katawan nito
na puno ng balahibo pero ang ulo nito ay sa kabayo.

''H-hi...'' Hindi ko malaman ang sasabihin. Ikaw kaya ang maka-face to face ng
tikbalang, noh!

''Ano at binubulabog mo ako!'' Katakot voice niya, infernez!

''Naku pasensiya kana Tikbalang Paulate, ako nga pala si Namie. Apo ako ni Lola
Veonsey, knowing mo siya, diba?''

''Plangak! Friendship ngaertz kamison!'' Ay, bading na tikbalang?

''Me kelangan ako sa'yo eh.''

''Anetch?''

''Kung pwede sanang makahingi ng buhok mo. Kailangan lang namin ni lola,
please...'' pakiusap ko.

''Naku, naku! Needing mo kako ang hairlalu ketch? Oki, kung di ka lang apo hiking
society ni Veonsey, wiz kita gives ng herlalu ko!''

Happy'ng-happy ako nang bigyan na niya ako ng buhok. After kong mag-thank you ay
nagsimula na akong lumabas sa kakahuyan.

Hindi naman ako matatakutin sa mga ganyang bagay. Pap naging lola mo si Lola
Veonsey, naku..Talagang mai-immune ka sa mga multo, maligno at mga aswang!
=================

Gayuma 4/6

PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!

Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ako pwedeng magkamali. Pagaspas ng manananggal


ang narinig ko. Pagkakataon nga naman.

Pero kailangan kong mag-ingat dahil mapanganib ang manananggal. Hindi ito katulad
ng tikbalang na pwedeng kaibiganin.

Kailangan kong mahanap kung nasan ang kalahating katawan ng manananggal para
makuhaan ko na siya ng kuko sa paa.

Naglibot ako sa kakahuyan. Alam ko, somewhere here ay makikita ko rin ang hinahanap
ko.

At di nga ako nagkamali. Ayun ang ibabang bahagi ng manananggal.

Jackpot!

Mabilis pa sa kabayo na nilapitan ko ito at inilabas ko ang nail cutter sa kikay


kit ko. Maingat kong pinutulan ng kuko ang mga daliri niya sa paa.

Infairness, Havaianas ang slipper na suot ng manananggal na itey.

Inilagay ko sa supot ang mga nakolektang kuko. Isang sangkap na lamang ang kulang-
ang dugo ni Amiel!

Pero bukas na ko iyon poproblemahin. Antok na ako and I need my beauty rest!

--------------------------------
''GOOD morning bestfriend!''

Ang nakangiti at maaliwalas na mukha ni Amiel ang sumalubong sa akin the next
morning.

Nag-aalmusal siya with my mudra and lola.

''Morning Amiel...'' Mahinhin kong bati.

''Ah Namie, nabanggit ko kay Amiel na may magandang batis dyan sa gubat. Gusto daw
niyang puntahan. Samahan mo siya, huh,'' sabi sa akin ni Mama Lulai.

''Oo naman Mama. Sasamahan ko siya,'' at tumingin pa ako kay Amiel.

Haist, ang gwapo talaga ng bestfriend ko. Humanda ka! Malapit na kitang mapa-ibig
Amiel.

--------------------------------

SA BATIS...

Parang bata na nagtatampisaw sa batis si Amiel habang ako ay nakaupo lang sa


malaking bato habang pinapanood siya.
''Ang ganda naman dito, Namie! Halika, samahan mo ako!'' tuwang-tuwang turan ni
Amiel.

''Wag na Amiel, may regla ako eh saka masaya na akong makitang masaya ka..''

''Tala--- Aray!''

Napatayo ako nang makita kong bigla natumba si Amiel at nang itinaas niya ang paa
niya, kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa talampakan niya...

=================

Gayuma 5/6

''ANONG nangyari sa'yo Amiel?!'' tarantang sabi ko nang nasa pampang na kami.

''N-nasugatan yata ako dun sa m-matulis na bato,'' namumutlang sagot niya. Oo nga
pala, takot si Amiel sa dugo.

Malaki ang hiwa niya sa talampakan at napangiti ako sa nakikita kong dugo.

Pinapikit ko si Amiel upang di niya makita ang dugo. Agad ko namang inilabas ang
botelyang hawak ko at isinahod iyon sa umaagos niyang dugo.

This is it!

Nakompleto ko na ang tatlong sangkap ng gayuma ng di man lang ako nahirapan.


Bwuhahahaha!!!

--------------------------------

''LOLA, heto na po ang mga sangkap,'' at inabot ko ang buhok ng tikbalang, kuko sa
paa ng manananggal at dugo ni Amiel kay Lola Veonsey.

''Magaling apo. Gagawin ko na ang gayuma, balikan mo ako dito sa kwarto makalipas
ang isang oras,'' utos ni lola sa akin.
After ng longest one hour ay kinatok ko na si Lola Veonsey sa kanyang kwarto. Pero
nakailang katok na ako pero di pa rin ako pinagbubuksan kaya i decided na pumasok
na.

Anak ng---

Kaya naman pala di ako pinagbubuksan dahil sa nakahilata si Lola Veonsey at tulog
na tulog pa!

''Lola! Andyan si Piolo Pascual!'' sigaw ko.

Dali-daling bumangon si Lola Veonsey. ''Asan? Asan si Papa P?!'' exxagerated na


sabi ni lola.

''Joke lang lola. Akina na po yung gayuma.''

''Dyaske kang bata ka!'' Tumayo si lola at binuksan ang drawer ng mga potion niya
at inabot sa akin ang isang botelya na may kulay pulang likido.

Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ko yun.

''Paano po ito gamitin lola?''

''Ihalo mo lamang ang laman ng boteng yan sa inumin ni Amiel at agad ka niyang
iibigin. Paalala lang apo, maging handa ka sana sa mga mangyayari. Hangad ko ang
kaligayahan mo apo,'' ani lola.

''Si lola, ang drama. Alam ko po lola at thank you po!'' Hinalikan ko sa pisngi si
Lola bilang pasasalamat.

Nagtimpla ako ng orange juice at inilagay ko ang gayuma. Ipapainom ko ito kay
Amiel!

=================

Gayuma 6/6

''KUMUSTA na ang sugat mo sa paa?'' tanong ko kay Amiel na nanonood ng tv sa salas.

''OK na. Hindi na makirot.''


''Mag-meryenda ka pala muna. Ipinaghanda kita ng tikoy at juice,'' sabay lapag ko
ng mga foods sa harapan niya.

Napapikit ako nang dire-diretsong inumin niya ang juice. Malamang ilang sandali na
lang at tatalab na ang gayuma.

Patawarin mo ako Amiel...Nagawa ko lamang ito dahil sa pagmamahal ko sayo...

Charot!

''Namie,'' tawag sa akin ni Amiel pagkatapos.

Kinabahan ako. Eto na siguro un!

''Ano yun, Amiel?''

''Mahal na mahal kita, Namie! Gusto kong sumama ka sa akin sa Manila.''

''M-mahal na mahal din kita at oo, sasama ako sayo!''

Ayiiieeee....! The gayuma works!!!

--------------------------------
AFTER 3 YEARS...

Heto ako, nakaharap sa salamin at naka-wedding gown.

Andito ako sa kwarto ni Amiel at ikakasal na ako sa kanya.

Napangiti ako nang makita kong nasa likod ko si Lola Veonsey.

''Apo patawarin mo ako...''

''Lola, bakit po kayo nahingi ng tawad?''

''Tungkol dun sa gayumang binigay ko sayo.''

''W-what about the gayuma, lola?'' kinakabahan na tanong ko.

''Maling bote ang naibigay ko sa'yo apo! Hindi gayuma ang naibigay ko kundi isang
simpleng gamot lang..''

Napatayo ako. ''Imposible lola. Heto nga at ikakasal na kami..'' napaisip ako.
''Teka, kung di gayuma yung naibigay nyo it means mahal talaga ako ni Amiel!''

Labis ang saya ko matapos lumabas ng kwarto si lola. Mahal pala talaga ako ni Amiel
kahit walang gayuma.

Papalabas na sana ako ng kwarto ni Amiel nang may napansin akong box sa ilalim ng
kama ni Amiel. Out of curiosity, kinuha ko at binuksan ung box.
May nakita akong parang vodoo doll sa loob ng box at may pangalan ko pa ung manika.

Bigla akong nanlamig. Hindi ako pwedeng magkamali...

Ang manikang ito...Ibig sabihin, ginayuma ako ni Amiel!

Kaya pala bigla na lang akong nagkagusto sa kanya! Kaya pala patay na patay ako sa
kanya! Kaya pala.!

Nang mga sandaling iyon, di ko alam ang gagawin ko...

W A K A S.

=================

Last Trip Scare

"LAST TRIP SCARE"

written by SOJU

Author's Note:

Una ko itong pinost sa Tagalog Romance Etc. na isang facebook page at


Soeursbelle...

All Rights Reserved.


Do not plagiarize

---------------------------------------------------------------------------

MAGULO ANG MUNDONG ATING GINAGALAWAN KUNG SAAN HINDI NATIN ALAM KUNG TAO PA BA ANG
ATING KAHARAP. 

ITO AY ISANG KWENTONG BASE SA TOTOONG PANGYAYARI...ISANG KARANASAN NA HANGGANG


NGAYON AY PATULOY NA GUMUGULO SA ISIPAN NI JEANNE...

-------------------------------------------

"LAST TRIP! Last trip! Huling biyahe na oh! Sakay na! Sakay na!"

Naku, inabot na naman ako ng last trip ng jeep ba bumabiyahe papasok sa aming
subdivision na ewan ko ba kung bakit sa may pagkaliblib na lugar inilagay. At ewan
ko rin ba kung bakit ko pa doon naisipan na tumira. Bukod sa malayo sa mall,
hospital at church ay bihira pa ang bumabiyaheng jeep palabas at papasok ng
naturang subdivision.
"Kuya may pwesto pa po ba?" tanong ko sa barker ng jeep.

Sandali niyang binilang ang mga taong nagsisiksikan sa loob ng jeep. "Meron pa
miss. Isa sa kaliwa!" sagot niya. 

Pumasok na ako sa jeep. Ano ba iyan? Wala na namang pwesto sa kaliwa ah. "Kuya wala
na namang mauupuan!" reklamo ko.

"Ano ba?! Konting ipit pa po ng makaalis na tayo!" sigaw ng barker habang


pinupukpok ang gilid ng jeep.

Nakarinig ako ng samu't-saring reklamo sa mga pasahero. Ang mga Pilipino talaga oh.
Hindi na nasanay sa mga patakaran ng mga ilang gahamang jeepney drivers sa
Pilipinas. Kapag sampuan ang kasya sasabihin labing isa ang kasya...

Umupo na ako sa konting espasyo na inilaan sa akin. Hindi ako komportable pero okey
na din. No choice eh. Mahirap kung magpapaiwan ako dahil huling jeep na ang isang
ito.
Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko. Alas-onse na ng gabi. Tatlumpung minuto pa
ang biyahe kaya minabuti kong umidlip sandali upang makabawi ng lakas kahit papaano
sa nakakapagod kong trabaho. Kumapit ako sa hawakan na nasa jeep. Ipinikit ko ang
aking mga mata at umidlip. Hanggang sa nahulog ako sa isang malalim na panaginip...

Sakay daw ako ng isang jeepney at gabi noon. Umuulan ng bahagya at binabagtas namin
ang kadiliman ng daan ng walang anu-ano ay gumewang-gewang ang jeep na aming
sinasakyan.

Nagkagulo ang lahat ng tao sa jeep. Mapanganib kasi ang daan dahil sa may matatarik
na bangin sa gilid ng kalsadang makipot. May sumisigaw. May umiiyak.

Hindi ko daw alam ang gagawin ko hanggang sa isa na ako sa mga taong sumisigaw
dahil sa mabilis na kaming nahuhulog sa bangin...

NAPASINGHAP ako ng magising ako. Andito pa rin ako sa jeep at malapit na akong
bumaba. Bakit ganun? Bakit parang totoo ang napanaginipan ko?
"Grabe iyong nadaanan natin no?" narinig kong sinabi nung babaeng katabi ko sa
lalaking kaharap nito.

"Oo nga eh. Siguradong walang buhay sa mga sakay ng jeep na iyon." sagot naman nung
lalaki.

Kinabahan ako. Dahil sa curious ako at may pagka-tsismosa rin ay hindi ko napigilan
ang mag-usisa at magtanong doon sa babae. "Bakit po? Ano pi bang nadaanan natin?"
tanong ko.

Sumagot naman iyong babae. "Hindi mo ba nakita?"

"Ang alin?" tanong ko.

"Wala ka bang natatandaan?" iyong lalaki naman ang sumagot.

"Natatandaan ang alin?" nalilito ko ng tanong.


At sa pagkakataong iyon ay sabay na sumagot iyong babae at lalaki. "HINDI MO BA
TALAGA NATATANDAAN? BUMAGSAK ITONG JEEP NA SINASAKYAN NATIN SA BANGIN!" at mala-
demonyong tumawa iyong dalawa.

Sa isang kisap ay nagbago ang anyo ng mga tao sa jeep. May basag ang ulo at labas
ang utak. May wasak ang mukha na marahil ay humampas sa kung saan...

Doon na ako napasigaw...

"EEEEEEEEEEEEEEEE!!!"

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakatingin lahat sa akin ang mga pasahero ng jeep.
Tinapik-tapik ko ang aking pisngi...Panaginip lang ang lahat? Kinurot ko ang braso
ko. Panaginip nga...Diyos ko salamat po!

Doon ko lang na-realize ang ginawa kong pagsigaw sa loob ng jeep. Namumula ang
aking mukha na pumara na ako at bumaba ng naturang jeepney...

-------------------------------------------

"JEANNE...Gising na..."

"Hmmm...Anong oras na ba, Ma?" tinatamad kong tanong. Ibinalot ko pa ang kumot ko
sa aking katawan.

"Alas-dose na ng tanghali. Baka ma-late ka na niyan," pagkasabi noon ni Mama ay


bumangon na ako.

Alas-dos pa ang pasok ko pero halos isang oras ang biyahe papunta sa trabaho ko.
Isa akong supervisor sa isang food company.

Nagpunta ako sa kusina at nadatnan kong naghahain na si Mama para sa pananghalian.


Dalawa lang kaming naninirahan ni Mama sa bahay na ito. Ang Papa kasi ay
nagtatrabaho sa Korea bilang machine operator sa isang pabrika doon.

"Buti nakaabot ka pa sa last trip ng jeep kagabi," panimula ni Mama ng usapan


habang kumakain kami.

"Muntik na nga akong maiwanan, Ma. Bakit kasi hindi niyo pa ako payagang mag-
board?"

"Tigilan mo nga ako Jeanne ng board-board na iyan. Ayoko! Baka kung mapaano ka
lang!" mataas ang boses ni Mama pero alam kong nag-aalala lang siya.

Matagal ko na kasing inuungot na mag-board na lang pero ayaw talaga ni Mama.

"Nabalitaan mo ba iyong nangyari kagabi?" tanong ni Mama sa akin pagkalipas.

"Ang alin po?"


"Aba, may jeep daw na nahulog sa bangin ah. Yung jeep na bumabiyahe papasok ng
subdivision natin. Wala daw nakaligtas! Patay lahat!"

Natigilan ako. Napaka-morbid naman ng kwento ni Mama. To think na kumakain kami


niyan huh. Pero hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking balahibo. So maaaring totoo
ang napanaginipan ko sa jeep?

-------------------------------------------

"LAST TRIP! LAST TRIP! Isa na lang aalis na oh!" kumakaway na sigaw na naman nung
barker.

Heto na naman. Last trip na naman! Sasakay na sana ako ng jeep ng maunahan ako ng
isang ale. Napasimangot ako.

"Kuya meron pa ba?" tanong ko.


"Sorry miss...Wala na eh!"

"Sabit na lang ako," ani ko.

"May nakasabit na miss!"

"Sa bubong na lang ako!"

Okey, ako na ang desperada! Eh sa wala na talaga akong masasakyan eh.

"Bawal sa bubong miss!" at di na ako kinausap nung barker. Pinatok na nito ang
bubong ng jeep senyales na aalis na ang sasakyan.
"Sandali kuya! Pasakay ako! Kahit sa bubong o sa gulong lang!!! O kaya sa kandungan
ni Mamang Driver!!! Wait!!!" sigaw ko. Pero mapapaos na lang ako kakasigaw pero
hindi na nila ako binalikan pa.

Mangiyak-ngiyak akong napaupo na lamang. No choice ako kundi ang maglakad. Hay
naku!

Mag-uumpisa na sana akong maglakad ng isang jeep ang bumusina mula sa aking
likuran.

Tumigil ako sa paglalakad.

"Naiwanan ka yata ng last trip miss..." sabi nung driver na sa tingin ko ay nasa
edad na sixty years old. Tipikal na matandang jeepney driver.

"Oo nga manong..." sagot ko nalang.


"Sakay ka na," anyaya niya.

"Bumabiyahe pa po ba kayo?"

"Oo, iha...Sa Sunset Subdivision din ako."

Nag-alinlangan ako kung sasakay ba ako o hindi. Uso pa naman ngayon ang rapist na
driver. Lalo na at mag-isa niya lang akong pasahero. Nakakatakot...

Hmp! Tama na ang kaartehan Jeanne! Mukha namang friendly si Manong.

"Sige po..." sabi ko. Pero bago ako sumakay ay kinuha ko muna ang plate number ng
jeep. Hindi iyong mismong plate number ha.
Kinopya ko lang at isinulat ko lang sa papel.

SYG-222

Malakas maka-Samsung Galaxy Young ang plate number niya huh!

Sa katabi ng driver ako umupo. Nagkwentuhan kami at napatunayan kong mabait si


Manong Jun. Iyon ang pangalan niya.

"Manong Jun...Ano po iyon?" tukoy ko sa taong nakaputi na nakatayo sa gilid ng


daan. Papalapit na kami sa daan kung saan maraming bangin.

"Huwag mo siyang titignan iha. Ipikit mo lang ang iyong mga mata," utos ni Manong
Jun.

Dahil sa takot ay ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa iutos niyang imulat ko
na ulit ang eyes ko.
"Manong Jun, ano po iyon?" tanong ko kapagkuwan.

"Maraming hindi maipaliwanag na bagay sa mundo iha. Ang inaakala mong buhay ay
maaaring patay na pala. Ang nakita mong lalaki sa gilid ng bangin ay isang patunay
doon. Wag kang masyadong magtitiwala sa nakikita ng iyong mga mata..."
matalinghagang sagot ni Manong Jun.

Napasimangot ako. Anong lalaking nakita? Eh pinapikit nga niya ako kanina. Si
Manong Jun ay mapagbiro pala!

----------------------------

MAGMULA noon ay kay Manong Jun na ako sumasakay. At sa tuwing dumadaan kami sa
tapat ng bangin ay palagi akong may nakikitang lalaking kumakaway sa amin. Pero
palagi akong pinapapikit ni Mang Jun. Sa tuwing nakikita ko ang lalaking iyon ay
laging tumataas ang aking balahibo at hindi nawawala ang takot ko.
Isang gabi, muli ay sakay ako ng jeep ni Mang Jun. Malayo pa lamang ay nakita ko na
naman ang lalaking iyon. Kumakaway. Parang may gustong sabihin.

"Pumikit ka lamang iha para hindi ka matakot..." utos ni Mang Jun.

Sinunod ko siya. Pumikit ako.

Pero napamulat ako ng mata ng marinig ko ang sinisigaw ng lalaking nakaputi.


"Bumaba ka ng jeep! Tumalon ka na!!!"

Pagtingin ko kay Mang Jun ay ganun na lamang ang pagsigaw ko. "EEEEEEEEEEEEEE!!!"

Umaagos ang dugo sa buong mukha ni Mang Jun. Halos naaagnas na din ang kanyang
kulubot na kamay na nakahawak sa manibela. Paglingon ko sa likuran ko ay nahindik
ako dahil ang kaninang walang pasaherong jeep ay punum-puno na ng mga pasaherong
mga mukhang zombie!
Thriller lang ni Mama Michael Jackson ang peg?

Patuloy ako sa pagsigaw ng biglang kabigin ni Manong Jun ang manibela pakaliwa kung
saan andun ang bangin. Diyos ko! Mahuhulog ang jeep sa bangin.

"Tumalon ka naaa!!!" sigaw pang muli nung lalaking nakaputi.

Hindi na ako nag-isip. Tumalon na ako jeep bago pa ako mapasama sa pagbulusok nito
sa bangin. Nagpagulong-gulong ako sa kalsada. Naramdaman ko ang sakit ng
pagkakabugbog ng aking katawan.

Tinulungan naman ako ng lalaking nakaputi. Hindi pala siya isang multo. Isa pala
siyang tunay na tao...

At ikwenento niya sa akin ang lahat...


Ang jeepney pala ni Mang Jun ay ang jeep na napabalitaang nahulog sa bangin ilang
gabi na ang lumilipas...

Walang nakaligtas sa aksidenteng iyon at simula noon ay bumabiyahe pa rin ang jeep
ni Mang Jun kapag last trip upang mambiktima ng mga pasaherong naiiwan ng last
trip.

At ang lalaking nakaputi pala ay anak ni Mang Jun na nagbababala sa mga taong
sumasakay sa jeep ng tatay niyang namayapa na!

Simula noon ay hindi na ako sumakay sa jeep na ako lang mag-isa ang pasahero...

-WAKAS-
Sana po ay nagustuhan niyo. Wag kakalimutang mag VOTE at COMMENT...

You might also like