You are on page 1of 154

GENTLEMAN'S QUEEN #1: DIWATA

Synopsis

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual
events is purely coincidental.

Paalala:

Ang istoryang ito ay puno ng grammatical errors and typographical errors. Wala na
pong time para iedit pa ni Author...

salamuch.....

Isang Bilyonaryong nasa panganib ang buhay.

At isang probinsyanang Pulis na matinik sa bakbakan.

Paano kung magkrus ang daan ng dalawa.

Can they find love in each other's arm.

O hanggang sa friendship overload lang ang drama ng dalawa.

...............

Prologue
            

"Matagal ka ng sinusubaybayan ng mga tauhan ko para mahuli ka sa akto. Lulusot ka


pa talaga ngayon."gigil niyang pinagtutulak ang nahuli niyang isang drug pusher sa
isang barangay di kalayuan sa bayan nila.

Kakatapos lang ng isang entrapment operation nila para sa mga gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot. At isa sa mga pakay nila sa lakad na iyon ay ang mahuli ang
isa sa mga bigatin na nagbebenta nito.

"Inspektor Dimaguiba kami na pong bahala dito"ani ng isa sa mga tauhan niya.

Tinanguan lang niya iyon at ibinigay ang nahuli sa mga ito.

Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa police mobile na


sinakyan niya patungo sa lugar na iyon.

Pabalik na siya sa istasyon ng may tumawag sa kanyang hindi kilalang number.

"Hello"sangot niya sa tawag.


"Good evening Inspector Dimaguiba, these is PNP Chief Makaso. May I speak with you
for a minute"sagot naman ng nasa kabilang linya.

Pagkarinig pa lang ng salating general bigla niyang naapakan ang preno ng


sinasakyan niya. Buti nalang wala siyang kasunod kundi nabunggo na siya sa ginawa
niya.

"Sir!"napasaludo pa siya sa sobrang gulat.

Ikaw ba naman kasi kausapin ng PNP Chief of Police hindi ka mabibigla. Kahit pa nga
hindi ito nakatingin sa kanya mapapasaludo ka talaga ng wala sa oras.

"I want you to report in my office immediately. If possible tomorrow morning your
at my office"maawtoridad na utos nito.

"Sir yes Sir"sagot naman niya agad.

Iyon lang ang sinabi sa kanya ng kausap at pinagpatayan na siya ng tawag nito.

Nagtataka na pinagmasdan niya ang cellphone niya matapos ang makikipag-usap niya sa
Boss nila.

Hindi siya makapaniwala na nakausap niya ang PNP Chief nila. Isa lang naman siyang
hamak na provincial police.

Ano naman kaya ang nagawa niya at bakit siya pinapatawag nito sa office nito. At
bukas na agad ang gusto nitong pakikipag-usap sa kanya.

Isang malakas na busina ang narinig niya mula sa likuran niya ang nagpabalik sa
wisyo niya.

Napapailing nalang siyang nagmaneho pabalik sa office nila. Pero hindi mawala wala
sa isip niya ang tawag na natanggap niya.
One
            

One

Lance's POV

"Sir, tumawag po si Mr. Katakutan. Nagschedule po ulit ng meeting sa inyo"inform sa


kanya ng secretary niya.

Nag-angat siya ng tingin sa secretary niya na nakatayo sa tapat ng table niya.

Napakadami ng mga folder sa lamesa niya hindi na nga niya alam kung ano ang uunahin
niya. Hangga't maari sana ayaw niyang maabala siya sa mga ginagawa niya.

"Jacob, anong sinabi ko sayo"he looks at him in his most intimidating look.

Nakita pa niya kung paano napalunok ito at pinagpawisan sa sinabi niya.

"Ahhh..sir...kasi..."kinakabahan na nagsalita ito.

"Stop stammering Jacob, now out"utos niya dito.

Nagmamadali naman na lumabas ang kausap niya at pinagpatuloy na niya ang ginagawa
niya. napakadaming proposal ang nasa lamesa niya at kailangan niyang pag-aralang
mabuti ang mga iyon para sa ikagaganda pa lalo ng negosyo niya.
Hindi naman likas na mainitin ang ulo niya kaso naman kung ganito kadami ang
trabaho niya ayaw niyang maistorbo.

Nagpatuloy siya sa lahat ng trabaho niya, wala siyang inaksayang oras para sa araw
na iyon.

He's so focus in all what his doing. Kaya hindi kataka taka na sa murang edad his
one of the youngest successful businessman in the country.

Kali-kaliwa ang mga dumadating na opportunity sa kanya para lalong lumago ang
negosyo niya. wala yata siyang pinasok na negosyo na hindi siya naging successful.

Nakalagitnaan na siya ng ginagawa niya ngayon ng biglang tumunog ang cellphone


niya. he got a text message, hindi sana niya papansinin iyon kung hindi sunod sunod
ang dating niyon sa kanya.

"Fuck!!!"mahinang mura niya ng mabasa ang text message niya.

McDaniel, humanda ka na araw nalang ang itatagal mo.

Is this some kind of a threat to his life.

Ito ang unang beses na nakatanggap siya ng ganitong klase na message.

Pero hindi siya naintimidate sa natanggap niya. Nainis siya dahil naabala siya sa
ginagawa niya.

Hindi naman siya natatakot sa mga ganitong klase ng pananakot sa kanya.

Naiinis na pinatay niya ang cellphone niya dahil wala pa din tigil sa pagtunog ang
cellphone niya. Nang mai-off na niya ang cellphone nagpatuloy siya ulit sa pagta-
trabaho niya.

Sa sobrang seryoso niya sa ginagawa niya hindi na niya namalayan na gabi na pala ng
mag-angat siya ng tingin sa bintana niya. nadistract lang siya ng marinig niya ang
mahinang katok sa may pintuan niya.

"Sir, may iuutos pa po ba kayo?"tanong sa kanya ng secretary niya.

"No, wala na sige umuwi ka na"sagot niya dito.

"Sige po sir, ingat po kayo sa pag-uwi"paalam naman nito.

Sumasakit ang mata niyang napasandal siya sa swivel chair niya at hinilot ang
sintido niya. ngayon lang niya naramdaman ang sakit ng ulo niya sa maghapon na
nakadukduk sa sangkaterbang trabaho niya.

Pero kahit na maghapon na siya doon na nagtatrabaho parang hindi pa din siya
nababawasan ng gagawin.

Nangtagal pa siya ng ilang minuto loob ng opisina niya, nang sa tingin niya malalim
na ang gabi nagpasya na siyang tumayo at lumabas na ng opisina niya para umuwi na
at magpahinga.

Habang nagda-drive siya pauwe sa condo niya hindi niya napansin na may sumusunod
palang sasakyan sa kanya. Kaya naman nabigla siya ng may nag-overtake sa kanya at
biglang hinarang ang sasakyan nito sa kanyang harapan. Buti nalang at naipreno niya
agad ang sasakyan niya kundi nabangga niya ang nasaharapan niya.
Bababa na sana siya ng makita niya may bumaba ding mga lalaki sa sasakyan na
nakaitim at nakaitim ang mga ito may suot ding bonet. Ang malala pa may dalang
mahahabang baril ang mga ito.

Wala na siyang nagawa ng paulanan siya ng mga ito ng bala.

Yumuko nalang siya at pilit na siniksik ang katawan niya sa pinakababa ng sasakyan
niya.

Ilang Segundo lang ang lumipas at tumigil din ang mga ito sa pagbaril sa kanya.
hindi naman siya agad lumabas ng sasakyan niya, pinakiramdaman niya ang paligid
niya.

Narinig niyang umalis na ang mga ito at iniwanan na siya ng mga ito.

Hindi niya alam kung ano ang balak ng mga ito sa kanya.

Pakiramdam niya alam ng mga taong iyon na hindi siya napuruhan sa mga bala na
pinakawalan ng mga ito.

Kaya nagtataka siya sa nangyayari ngayon.

Nang masiguro niyang wala na ang mga gustong pumatay sa kanya pinilit niyang umayos
ng upo at paandarin ang sasakyan niya.

Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon baka biglang bumalik ang mga taong iyon
at siguraduhin na patayin na siya ng mga ito.

..................

"Brod, hindi maganda ang nangyari sayo"sermon sa kanya ni Ezekeil.

Kasama niya ang mga kaibigan niya, pagkagaling niya sa police station dumeretso
siya sa hang out place nilang magkakaibigan.

Apat silang magkakaibigan at lahat sila may sinasabi sa buhay. Hindi naman sa
pagmamalaki lahat silang apat ay mga young billionaire na ngayon sa edad palang ng
26 years old.

Siya may pinamanage sa kanya ang mga magulang niya na mga negosyo at napalagula
niya ang mga iyon sa pagsisikap niya. ganoon din ang mga kaibigan niya na
nagsumikap din sa kanya-kanyang negosyong namana din sa mga magulang ng mga ito.

"Lance, buhay mo ang nakataya dito. You better be careful. "dagdag pa ni Rome.

"Yeah, kaya nga pinaiimbestigahan ko na ang nangyari"sagot naman niya.

Kahit naman nanggaling siya sa ganoong klase ng pangyayari sa buhay niya. hindi pa
din niya pinakita na apektado siya ng nangyari. Kailangan niyang ipakita na walang
epekto sa kanya ang nangyari. Kung ipapakita niya na sobra siyang naapektohan mas
lalo pa siyang lalapitan ng mga guston g gumawa ng hindi maganda sa kanya.

"Kumuha ka kaya ng body guard"suwesyon naman ni Leigh.

"I'm thinking of that."sagot niya bago inisang lagok ang alak na nasa baso niya.

"Grabe, ano sa tingin mo ang dahilan ng lahat ng ito?"pagkuwa'y tanong sa kanya ni


Leigh.
"Ano ka ba naman Leigh, para kang hindi nag-iisip. Natural dahil sa negosyo, kilala
mo naman itong si Lance bilang TIGRE sa negosyo. Malamang may nakakumpitensya na
naman siyang big time."si Ezekiel ang sumagot.

"Is that true Lance?"tanong naman ni Rome.

"I don't have any idea"nailing naman na sagot niya.

Maaring tama naman ang kaibigan niya sa sinabi nito. nitong mga nakaraang araw kasi
madami siyang nakabanggang mga negosyante din sa mga huling bidding na pinuntahan
nila para sa mga ipapatayong mga beach houses and resorts sa iba't ibang parte ng
pilipinas.

Marun din kasi siyang mga pinatanggal na nga board of director niya sa mismong
company niya.

Kapag hindi kasi niya nagustuhan ang ugali ng kasosyo niya kahit pa malaki ang
investment nito sa kumpanya niya pinapaalis niya na ang mga ito.

Kilala nga siya bilang 'The Tiger' sa business world sa sobrang tapang niyang
makiharap sa mga tao.

Well ang sa kanya lang kung wala siyang pakinabang sa isang tao hindi na niya ito
kailangan pa bakit pa niya ito pakikiharapan ng mahusay. At kung ayaw niya ang
isang tao ayaw niya talaga ang mga ito.

Kaya mabibilang sa kamay ang mga totoo niyang mga kaibigan.

"Isa lang ang masasabi ko brod, extra careful"paalala sa kanya ni Rome.

Hindi naman sila nagtagal sa lugar na iyon kasi kinabukasan may pasok pa silang
lahat sa kanya kanya nilang kumpanya.

Nagderetso siya sa condo niya, himala nga na wala ng tumamban sa kanya ng pauwi
siya sa condo niya.

Nakapagpalit na siya ng damit pantulog ng maalala niya ang cellphone niya. hinanap
niya ito at nang makia niya nagtaka pa siya kung bakit nakapatay ang cellphone
niya.

Nang nabuhay na niya ito, sunod sunod na may dumating na message sa kanyang inbox. 
Karamihan sa mga message na natanggap niya ay mula sa isang hindi kilala number.
Kaya naman nakakunot ang noo na binasa niya iyon.

Napamura siya ng mabasa niyang message.

Umurong na ba ang tumbong mo McDaniel. Sa susunod sa ulo mo na tatama ang mga bala.
At sisiguraduhin kong sa sementeryo na ang deretso mo.

Doon niya lang naalala ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Ang natanggap niyang
text message din na nagbabanta sa buhay niya.

Pinaghambing niya ang number ng naunang nagtext sa kanya at sa huling message na


natanggap niya. magkapareha ang mga iyon.

Sinubukan niyang tawagan ang number na nagtext sa kanya pero hindi na niya iyon
makontak.
"Fuck, sino ka bang hayop ka?"gigil niyang naibato ang cellphone niya sa kama niya.

Kahit pagod siya sa maghapon na iyon hindi siya nakaramdam ng antok. Kaya naman
magdamang siyang nag-iisip kung sino ang gagawa ng ganitong bagay sa kanya.

..................................

Diwata's POV

Madaling araw pa lang gising na siya at nag-e-exercise na siya pangpakundisyon sa


katawan niya para sa maghapon niyang trabaho.

"One hundred ninety-nine...two hundred"pagtatapos niya sa bilang ng pagsi-sit-ups


niya.

New record niya iyon ngayon. Dati kasi hanggang 150 lang ang kinakaya niya o
lalagpas lang ng kaunti doon pero ngayon naka200 na siya. Kaya naman achievement
ito para sa kanya ngayon araw.

Pawisan tumayo siya at inabot ang kanyang bimpo para punasan ang pawis sa kanyang
mukha at leeg. Pagud na uminom siya ng tubig mula sa mineral water na nasa tabi
lang ng bimpo niya.

"Hey, an gaga mo naman yatang natapos?"nagulat pa siya sa boses na bigla nalang


nagsalita sa tabi niya.

Nang lingunin niya ito nakita niya si Andres, ang nakakatanda niyang kapatid.

"Kuya naman nanggugulat ka"nakasimangot na sagot niya sa kapatid.

Tinawanan lang siya nito at nagsimula ng magjogging sa thread mill nila.

May mini gym kasi sila sa loob ng bahay nila, pinagtulungan nilang magkakapatid na
makabili sila ng mga gamit nila para may magamit sila sa pag-e-exercise.

"Asan si kuya Dom?"hanap niya sa isa pa niyang kuya.

Tatlo lang silang magkakapatid, at lahat sila mga pulis gaya ng nanay at tatay
nila. So matatawag na isa silang pamilya ng mga pulis.

"Baka tulog pa"sagot ng kapatid niya.

Nailing naman nagpatuloy siya sa pag-e-exercise niya kasanay ang kapatid niya.

Nang matapos siya sa pag-eehersisyo agad na siyang nag-ayos para pumasok na sa


trabaho niya.

Pagbaba niya sa kusina nila nakaluto na ang nanay niya at naghahain na ito ngayon
ng agahan nila.

"Nay, magandang umaga po"masayang bati niya sa ina niya.

"Magandang umaga din"bati sa kanya ng ina.

Hindi naman nagtagal dumating na din ang mga kapatid niya at ang ama niya.

"Magandang umaga po Tay"bati niya sa ama niya.

"Magandang umaga din"


Ganito sila palagi sa umaga sabay sabay silang mag-aagahan bago sila papasok sa mga
kanya kanya nilang trabaho na mag-anak. Dahil sa agahan lang sila nagkakasabay
sabay na kumain sa bahay nila. Kahit naman pare-parehas sila ng trabaho iba iba
naman ang istasyon na pinapasukan nilang lima.

Iba iba din ang mga hinahawakan nilang mga trabaho.

"Anong balita sa hawak mo na kaso ngayon Diwata?"tanong sa kanya ng kanyang ama.

"Malapit na po namin mahuli 'tay. Ilang surveillance pa siguro bago kami mag-
entrapment operation para mahuli na namin"sagot naman niya.

"Hmmm, mukhang mapo-promote ka ngayon"biro ng kapatid niyang si Dominador.

Inirapan niya ito, alam naman ng mga kapatid niya na hindi pabor sa kanya ang hepe
niya kaya kahit yata magpakamatay siya sa kakatrabaho hindi siya basta basta mapo-
promote ngayon.

"Buti sana kung kavibes ni Diwata ang Hepe niya"ani naman ni Andres.

"Insecure lang iyon sayo anak"ani naman ng ina niya.

"Salamat po 'nay. Alam ko naman eh talagang hindi ako gusto ng Hepe ko"sagot niya.

"Basta gawin mo lang ang trabaho mo, hayaan mo siya sa gusto niya"ani naman ng ama
niya.

"Ang mahalaga anak wala kang tinatapakan na kahit na sino para umangat sa posisyon
mo ngayon"dagdag pa ng kanyang ina sa sinabi ng ama niya.

Tumango nalang siya sa mga pangaral ng kanyang mga magulang sa kanya.

Nang matapos silang mag-agahan naghiwahiwalay na silang mag-anak para pumasok sa


mga trabaho nila.

Sinalubong naman siya ng partner niya pagdating na pagdating pa lang niya sa


istasyon nila. Kabababa pa lang niya ng sasakyan niya sinalubong na siya nito ng
tanong.

"Boss, bakit ngayon lang kayo kanina pa kayo hinahanap ni hepe."salubong sa kanya
nito.

"Ano ka ba naman, De gracia. Ang aga pa naman ah, hindi pa naman ako huli sa oras
ng pasok ko"sagot nalang niya dito.

"Mainit ang ulo niya, Boss"bulong sa kanya nito ng makapasok na sila sa loob ng
istasyon nila.

Nailing nalang siya at nagderetso nalang siya sa loob ng opisina ng Hepe nila. Kung
ano man ang sermon nito sa kanya ngayong araw wala naman siyang magagawa kundi ang
sundin nalang ang sasabihin o iuutos nito ngayon.

"Sir"bati niya sa hepe nila kasabay ng pagsaludo dito.

Tinitigan lang siya nito at hindi man lang tinitugon ang saludo niya. hindi din
siya nito sinasabihan na ibaba na niya ang kanyang kamay.

Gusto niyang sungitan ito pero hindi naman niya magawang sagutin ang kanyang Hepe,
pinangaralan pa naman kasi siya ng mga magulang niya na igalang ang mga nakakataas
sa kanya. at nagkataon naman na Hepe niya ito kaya hindi niya ito magawang tarayan.

"Ilang araw na kayong nagsu- surveillance sa kasong hawak mo hanggang ngayon wala
pa din akong nakikitang resulta"pagalit nito.

Hindi siya sumasagot hanggat hindi nito sinasabi na ibaba niya ang kamay niya na
nakasaludo pa din dito.

"Dimaguiba, I want a result now. Kung hindi kaya ng team mo ang trabahong ito
sabihin mo lang at ipapasa ko sa mas may kakayahan na hawakan ang operasyon na ito.
hindi iyong nagsasayang lang tayo ng pera na pinapasweldo sa inyo. You may go"galit
na sermon nito sa kanya.

Ibinaba na niya ang kamay niya at magalang na nagpaalam siya sa kanyang hepe.

Bagay na bagay ang apilyido ng hepe niya sa itsura nito ngayon.

Katakutan.

Nakakatakot naman kasi ang itsura nito, parang dragon na nakalunok ng palakang kaya
hindi makapagbuga ng apoy.

Nagwawala ang Hepe niya ng wala naman basehan, mukhang hindi pa nito pinag-uukulan
ng pansin ang kanyang mga report. Kung babasahin naman kasi nito ang report niya na
pinasa niya sa tanggapan nito malalaman nito na okay naman ang lahat ng trabaho
niya.

"Boss, anong sabi sayo ni Hepe?"ninenerbiyos na tanong sa kanya ng partner niya.

"Tawagin mo ang tropa, magmi-meeting tayo" nanggigigil niyang utos dito.

Dumiretso naman siya sa kanyang sariling opisina at doon hintay ang mga tauhan na
kasama niya kasong hinahawakan niya.

At habang hinihintay niya ang mga kasama niya nag-iisip na siya ng maaari niyang
gawin para masunod niya ang sinasabi ng Hepe niya sa kanya.

Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay iyong pinagdudu-dahan siya sa ginagawa niya.

Kulang na ngalang magpakamatay na siya sa kakasunod sa mga taong huhulihin nila


para naman lang magustuhan ng Hepe niya ang trabaho niya tapos sasabihin nito na
hindi niya kaya.

Hindi naman kasi porket babae siya eh mamaliitin na nito ang kakayahan niya.

Iyon kasi ang dahilan kung bakit naiinis sa kanya ang Hepe niya.

Babae kasi siya at sa murang edad niya ang bilis ng pag-angat niya sa estado ng
rango niya sa pagkapulis niya. Sa sobrang dedikasyon niya sa trabaho kaya naman
naabot niya ang rango niya ngayon.

Samantalang ang hepe niya ilang tanong ang ginugul nito marating lang ang posisyon
nito ngayon. Actually kinatandaan na nito ang trabaho, kung hindi pa nga yata ito
matanda baka hindi pa nga ito magiging hepe.

Kung ililista lang ang mga nagawa niya sa nagawa ng hepe niya mas madami pa nga
yata siyang nagawa kaysa dito eh.
"Boss, nandito na kami"tawag pansin ni Reyes.

Nang mag-angat siyang mata niya nakita niyang kompleto na ang mga tauhan niya sa
loob ng opisina niya.

"Okay, humanda kayo ngayon gabi natin gagawin ang plano natin na paghuli sa mga
hinayupak na drug pusher na iyan"nanggigigil n autos niya sa mga ito.

Nakita niyang natuwa ang mga ito sa kanyang sinabi. Alam naman niyang iyon lang ang
hinihintay ng mga ito.

Gaya kasi niya mataas ang adrenalin rush sa katawan kapag nakarinig ng salitang
operation.

Ibig sabihin kasi sa kanilang mga pulis, may bakbakan na silang pupuntahan.

At iyon ang gustong gusto nilang mga pulis.

...............

A/N : Its my second story here. sana magustuhan niyo gaya nila Malik at Issay.

pagbubutihan ko ang story na ito promise...

comment and vote po mga kapatid...


Two

Two

Lance's POV

Hindi naman na nasundan ang insidente na nangyari sa kanya noong isang linggo.

Sinunod din kasi niya ang sinabi ng mga kaibigan niya, kumuha siya ng body guard
niya kaya naman kahit papaano naging kampante naman siya sa safety niya.

Nawala na nga sa isip niya ang nangyari na pananambang sa kanya not unil today.

Papasok pa lang siya sa company niya ng biglang may humarang sa sasakyan niyang
minamaneho ng isa sa mga body guard niya. at ang siste, huminto ang body guard niya
at walang ginawang kahit na ano ang mga ito para protektahan siya.

Mismong ang body guard pa niya ang nagtangka sa buhay niya ngayon, buti nalang at
hindi napansin ng mga loko na napadaan sila sa isang police station at hindi pa
hinintay ng mga ito na makalayo sa lugar na iyon bago siya kunwaring dudukutin ng
mga kasama ng mga ito.

Agad na nakaresponde ang mga pulis at hindi natuloy ang tangkang pagdukot sa kanya.

"Brod"tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.

Kasama na ng mga ito ang attorney niya, nasa police station pa din siya ngayon at
kinakausap siya sa pagsasampa niya ng kaso sa mga gustong dumukot sa kanya.

"Damn brod, para kayong mga bakla kung makasigaw"sita siya sa mga ito.

Ang mga loko naman parang nang aasar pa na aktong yayakapin siya ng mga ito.
"Sige, yumakap kayo at pagsasapakin ko kayong mga hayop kayo"banta niya sa mga ito.

"Mr. McDaniel, may ideya ba kayo kung sino ang pwedeng gumawa nito sa inyo?"tanong
muli ng pulis na kaharap niya.

"As of now, wala pa din. Meron lang akong natatanggap na mga death threat thru text
messages"sagot nalang niya.

"Mr. McDaniel, you better go now. Ako nalang ang bahala sa mga ito"turan naman ng
abogado niya.

"Its fine attorney Katapatan, mas gusto kong nandito ako. Isa pa hindi na biro ang
nangyayari ito sa akin. They want me dead. Now I want to know how's behind this
mess"nagpipigil niyang sagot naman sa kanyang abogado.

Wala naman nagawa ang abogado niya kaya naman naroon lang siya at pinakinggan ang
lahat ng mga sinabi ng mga pulis. Maging ang interrogation sa mga dati niyang body
guard at sa mga kasama ng mga ito nandoon din siya kasama ang mga kaibigan niya.

Pero wala naman silang nakuhang sagot sa mga ito kasi naman ayaw kumanta ng mga ito
kung sino ang nag-utos sa mga ito.

"Tsk...ibang usapan na ito. mukhang hindi titigil ang gustong pumatay sayo hanggang
hindi ka nadadala sa hukay ah"turan ni Ezekiel sa kanya.

Nasa police station pa din sila ng mga kaibigan niya ng mga oras na iyon.
Hinihintay nila ang pagdating ng ninong niyang PNP Chief ngayon ng bansa.

Nakaabot na din kasi sa kaalaman ng    mga magulang niya ang nangyari kaya naman
tinawagan ng mga ito ang ninong niya para naman tulungan siya sa bagay na iyon.

"Yeah, kahit na mga respected body guards nagawa pa nilang suhulan para lang
mapatay ako."naiiling na sagot naman niya sa kaibigan niya.

"Hay naku buti nalang ako babae lang ang problema ko"ani Ezekiel na umani ng iba't
ibang sermon mula sa mga kaibigan nila.

"Tangna mo Turner, kala mo naman kung sino kang gwapo"ani Leigh.

"bakit totoo naman ah, gwapo ako"mayabang pang sagot naman ni Ezekiel.

"Ulol, ako ang pinakagwapo sa atin apat. Tanggapin mo na 'yon Turner"pangbabara


naman ni Leigh sa sinabi ni Ezekeil.

Naiiling nalang niya pinagmasdan ang dalawa niyang kaibigan. Pagdating talaga sa
kahanginan magkaribal lagi ang dalawang ito.

Si Rome lang yata ang matinong kausap sa mga ito bukod sa kanya.

"Oh..oh..oh...wag kayong mga feeling. Ako kaya ang pinaka gwapo sa'ting apat"sabad
naman ni Rome sa usapan ng mga tukmol niyang kaibigan.

Kakasabi pa lang niya na matinong kausap si Rome, pero ngayon binabawi niya na. Mga
siraulo talaga ang mga kaibigan niya. Wala ng matino sa kanila, kala mo hindi mga
respitadong tao ang mga ito kung mag-usap usap

Nasa kalagitnaan ng pagtatalo ang tatlo ng dumating ang ninong niya kaya naman
biglang natahimik ang mga kaibigan niya.
"Nong"bati niya sa kanyang ninong.

Nagmamadali itong umupo sa swivel chair sa harapan nilang magkakaibigan.

"How are you now, Lance?"seryosong tanong sa kanya ng ninong niya.

"Now, I'm good ninong. Medyo pissed off lang dahil sa nangyari"sagot niya.

"Tumawag na sakin ang hepe dito regarding sa kaso mo, ako na ang bahala sa mga
taong iyon. Now all our concern is your safety."ani ng ninong niya.

"Yes ninong, and even my hired body guard betray me"naiiling niyang    sagot sa
ninong niya.

"I learned about it this morning. Kaya naman pinatawag ko na ang isa sa
pinakamagaling sa hanay ng mga pulis"

Nakakunot noo naman siya sa sinabi ng matanda sa kanya. Ibig bang sabihin nito ito
na ang magbibigay sa kanya ng magiging body guard niya. Well mas okay para sa kanya
ang sinabi ng ninong niya, may tiwala naman siya sa mga desisyon nito ngayon para
sa kaligtasan niya.

Wala na siyang tiwala sa mga security firm ngayon dahil sa nangyari.

"Mawalang galang na po sir, pulis na ang magiging body guard ng kaibigan


namin?"singit na tanong ni Rome.

"Yes, magaling ang isang ito"pagyayabang pa ng kanyang ninong.

"Isa?"takang tanong naman niya.

Kung iyon ngang dalawa hindi siya naprotektahan pano pa ang isa lang. Sabagay kahit
dalawa ang body guard niya noon hindi naman talaga siya prinotektahan ng mga ito
kundi kasabwat pa ang mga ito sa tangkang pagdukot sa kanya.

"Oo, kahit nag-iisa lang siya kayang kaya niya pabagsakin ang 10 hanggang 15 katao
ng mag-isa. Expert sa hand in hand combat, long distance shooting at one of the
best sharp shooter in all police."pagbibida pa ng ninong niya.

"Whoa"react naman ng mga kaibigan niya.

Napataas naman ang kilay niya sa narinig niya sinabi ng ninong niya tungkol sa
magiging body guard niya.

Bihira naman siyang mabilib sa mga tao pero mukhang nakukuha nan g magiging body
guard niya ang paghanga niya kung totoo nga ang lahat ng sinasabi ng ninong niya.

"Wow, may ganoong pulis pala. Ang akala ko ang mga pulis pangdisplay
lang"exaggerated na turan ni Leigh hindi na nito naisip na PNP Chief of police ang
kaharap nila.

"Not all police men are like what you said young man, may mga pulis na may
dedikasyon sa sinumpaan nilang tungkulin"matiim na sagot naman ng ninong niya.

Napatuwid naman ng upo ang mga kaibigan niya sa sinagot ng ninong niya.
Naintimidate marahil sa ninong niyang sobrang seryoso na ngayon. Ang mga loko kasi
walang pinipiling lugar ng pagbibiro.
Bakit ba naging kaibigan niya ang mga siraulong ito.

"You will have a very trusted men, Lance. Hindi ka lang niya babantayan isa din
siya sa mag-iimbistiga sa kaso mo. And I tell you, isa siya sa pinakamagaling mag-
imbistiga ng mga kaso. Baka nga magulat ka nalang mahuli na niya in no time ang mga
gustong pumatay sayo."balik sa pagbibida ang ninong niya.

Tatangu tango lang siya sa lahat ng sinasabi ng ninong niya.

"Makakasama mo siya twenty four seven hanggang sa mahuli ang mga tao na gustong
pumatay sayo. Siya na ang bahala sa lahat patungkol sa kaligtasan mo."dagdag pa ng
ninong niya.

"Kailan po dadating ang bagong body guard ko?"tanong naman niya.

As if on cue nakarinig sila ng ingay sa labas ng opisina na parang may artistang


pinagkakaguluhan ang mga tao sa labas. Hindi tuloy sila makapag concentrate sa
pinag-uusapan nila ngayon.

Hindi niya tuloy alam kung narinig siya ng ninong niya sa tanong niya dahil hindi
naman sumagot ang ninong niya kundi tumingin din ito sa may pinto na akala mo may
hinihintay na papasok doon in any minute.

Naaasar naman siya sa ingay na naririnig niya sa labas.

Tatayo na sana siya para silipin at pagbawalan ang mga taong nag-iingay sa labas ng
biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae.

Hindi lang isang simpleng babae, isang maganda, maputi at super sexy na babae.

She's wearing black summer dress na off shoulder na halos kalahati lang ng hita
nito ang natatakpan. Nakashade din ito na naka sunny hat pa na brown na akala mo
talaga pupunta lang ng mall ito ngayon at maglilibot.

Blond ang buhok nito na maganda ang pagkakaayos na mukhang pinaparlor pa bago ito
nagpunta doon.

If he will describe this woman in three words, he will say DROP DEAD GORGEOUS.

Akala mo isang professional model kung maglakad at tumindig ito.

    

A/N outfit ni Diwata, imagine niyo nalang na naka shades siya ha.. hehe

"Sir"anito sabay saludo sa kanyang ninong.

Laglag ang kanyang panga sa narinig niyang bati nito.

Palihim siyang tumingin sa mga kaibigan niya na mukha din nagulat sa pagdating ng
babaeng ito sa harapan nila.

Pulis siya?! Hindi niya naisatinig ang gusto niyang sabihin ng tumayo ang ninong
niya at gumanti ng saludo sa bagong dating.

"Glad you are here now, Demaguiba."nakangiting turan na ninong niya sa babaeng
kaharap nila ngayon.

"Yes, sir"seryoso naman ang babae na deretso lang na nakaharap sa ninong niya.
"Lance, I want you to meet Police Inspector Diwata Mayumi Demaguiba. Your new
personal body guard"pakilala ng kanyang ninong sa dalaga.

Tuluyan ng nalaglag ang panga niya sa pagkabigla sa sinabi ng ninong niya.

Itong babae sa harapan niya ang magiging body guard niya.

Noway!!! Himutok niya sa sarili niya.

Baka siya pa ang gawing body guard nito kung sakali.

Kung titingnan kasi ito mula ulo hanggang paa mapagkakamalan mo naman itong
maarteng babae na ayaw masayaran ang ni dulo ng daliri nito ng dumi. Tapos ito
ngayon ang magiging body guard niya.

"Ninong, baka nagkakamali ka lang?"hindi niya naiwasan na maisatinig ang nasa isip
niyang protesta.

Doon naman bumaling sa kanya ang dalaga at nagtanggal ito ng shades na tumingin sa
kanya na parang sinusukat ang kakayahan niya.

Tumaas baba pa ang ulo nito na mukhang tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"May problem ka ba sakin boss?"tanong pa sa kanya ng babae.

Fuck! Ang angas niyang makatanong. Inis niyang protesta sa sarili niya.

"Lance, Ins. Demaguiba is well known in all kind of fighting skills. Oo nga at
babae siya pero kaya ka niyang protektahan sa kahit na anong sitwasyon. Isa pa siya
lang ang pwede natin ipareha sayo na makakasama mo ng 24/7 na hindi mahahalata ng
mga gustong pumatay sayo na isa siyang pulis."paliwanag sa kanya ng ninong niya.

"Sir, mukhang ayaw naman po ng subject sakin. Mas magandang iba nalang po ang kunin
niyo. Iyong sa tingin ko ay hindi naman siya magmumukhang bakla kung kasama niya
ang magiging body guard niya"sagot naman ng babae.

Nanlilisik ang mata na tiningnan niya ito.

Siya bakla?

Bah baka gustong makatikim ng langit ngayon ng babae ito.

Kayang kaya niyang buntisin ito kung gugustuhin lang niya.

"Ako bakla?"napatayo na siya sa kinauupuan niya.

"Hindi ko sinabi na bakla ka. Ang sabi ko kumuha ng ibang body guard si Sir Makaso
na babagay sayo na hindi ka magmumukhang bakla"pag-uulit pa nito.

Papatulan n asana niya ito kaso pinigilan lang siya ng mga kaibigan niya.

"Enough!..nakaplano na ang lahat Lance. You have to accept Ins. Demaguiba as your
body guard. And she will start her job today. Now pwede na kayong umalis dito at
gawin niyo na ang mga dapat niyong gawin."maawtoridad na pahayag ng ninong niya.

Tinapunan niya ng masamang tingin ang babaeng kasama na nilang lumabas sa opisina
ng hepe ng pulis sa istasyon na iyon.
"Brod kita kita nalang tayo mamayang gabi sa Fortress"ani Rome ng maghiwahiwalay na
silang apat sa labas ng presinto.

Tumango nalang siya bilang sagot gaya ng iba pa niyang mga kasama.

Tumapat na siya sa sariling sasakyan ng makita niya ang babae na nakasunod sa kanya
at ngayon ay nakatayo na sa tapat ng passenger seat. Mukhang hinihintay na buksan
niya ang sasakyan niya.

"What are you looking at?"inis pa din niyang tanong sa babae.

"Buksan mo na ang pinto para makaalis na tayo"malumanay na sagot naman ng babae.

Kung kanina maangas itong magsalita noong nasa loob sila ng opisina ngayon naman
kala mo hindi makabasag pinggan ang pagkilos at pananalita nito.

Naguguluhan man siya pero sinunod nalang niya ang sinabi ng babae.

Sabay silang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Nang nasa loob na sila, bigla
itong nagsalita.

"I will be you body guard kung tayo lang dalawa ang magkasama. Pero kung may
kaharap tayo I will be you girlfriend Mr. McDaniel. Its part of my job to disguise
as your girlfriend para kahit saan ka magpunta nandoon ako na walang manghihinala.
So meaning to say starting today ipapakilala mo ako bilang girlfriend mo sa lahat
ng oras. And you have to cooperate, para maging successful ang lahat ng ito at
mapadali ang paghuli ng mga gustong pumatay sayo. I have already review your
profile, so I know the do's and don't in this situation. Is that clear?"mahapang
pahayag nito sa kanya.

Napatanga nalang sila at napatitig dito habang nagsasalita ito. wala nga siyang
masyadong naintindihan sa mga sinabi nito.

Hindi naman kasi ito nakatingin sa kanya kaya malaya niya itong natitigan. Napansin
niyang inalis na nito ang shades na suot nito at malikot ang mata nito sa kabuuan
ng sasakyan niya. na para bang may hinahanap ito.

Hindi nalang niya iyon pinagtuuanan ng pansin. Kasi hanggang ngayon naguguluhan pa
sin siya sa nangyayari sa kanya.

Pero may isang bagay lang ang tumatak sa isip niya iyon ay magpapanggap itong
girlfriend niya.

This is insane... reaction niya sa mga naiisip niya.

Nagpasya na lang siyang pumasok sa opisina niya kahit na sobrang late na siya sa
lahat ng schedule niya.

Ang naisip na siyang isama ang babaeng kasama niya. Ano na nga ulit ang pangalan
nito, Diwata ba?.

Habang nagda-drive siya hindi niya maiwasang lingunin ito tahimik lang ito at
deretso ang tingin sa dinadaan nila. Parang nagmamasid lang ito ng kung ano ang
maaring mangyari.

"Eyes on the road Boss, baka mabangga tayo"nagulat pa siya ng bigla itong
nagsalita.

Kaya naman bigla niyang ibinaling ang mata sa daan, hindi niya inaasahan na alam
pala nitong nakatingin siya dito.

Ang weird niya sa totoo lang, hindi naman ito kahit kailan tumingin sa kanya pero
alam nito na nakatingin siya dito.

Nang makarating na sila sa building ng company niya, agad siyang bumaba at inabot
sa susi sa guard para ipark ang sasakyan niya.

Dederetso n asana siyang papasok sa loo ng mapansin niya hindi pa bumababa ang
kasama niya sa sasakyan niya. kaya naman papilitan siyang bumalik sa tapat ng
sasakyan niya.

Nagtataka pa nga ang guard ng bumalik siya tapat ng sasakyan niya.

Kinatok niya ang bintana katapat ng babae.

"Wala ka pang balak bumababa?"nakakunot noo na tanong niya ng ibaba nito ang
salamin.

"Bakit hindi mo ako ipagbukas ng pinto baby?"nakapout na balik tanong sa kanya


nito.

Nagulat naman siya sa inakto nito, pero nakabawi naman siya ng maalala niyang
magpapanggap nga palang girlfriend niya ito. Kaya siya tinawag na baby nito.

So it only means one thing.

its action baby...start na ng pagpapanggap niya. aniya sa sarili.

Kaya naman kusa niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. hindi na siya nagulat
ng bigla nalang ikinawit nito ang kamay sa braso niya ng makababa ito sa sasakyan.

Lahat yata ng tao nakatingin sa babaeng kasama niya.

Hindi na nakapagtataka na makitang gulat ang mga tauhan niya na nakakakita sa


kanila ngayon. Kasi hindi naman siya nagdadala ng babae sa company niya.
hinihiwalay niya ang personal niyang buhay sa trabaho kaya naman.

"Pwede bang lumayo ka ng konti"bulong niya sa babae.

"Magboyfriend girlfriend remember"ganting bulong sa kanya ng babae na mas lalo pang


dumikit sa kanya.

Wrong move men, wrong move. Sobrang lapit na kasi sa kanya nito, na nakaamoy na
niya ang mabangong amoy nito.

At ang amoy nito ay nagdadala ng kakaibang sensasyon sa kanyang kalamnan.

Well lalaki lang naman siya, natutukso din. At isang magandang babae ang kasama
niya ngayon. Hindi lang isang magandang babae kundi isang maganda at sexy na babae.

Mababaliw yata ako ngayong araw na ito. napailing nalang siya habang naglalakad
palapit sa elevator.

In just a snap nabago ang takbo ng buhay niya.

Nagkaroon siya bigla ng girlfriend.

Girldfrien slash body guard niya.


Urgh what a life...    

    

A/N : picture ni Diwata Mayumi Demaguiba


Three

Three

Diwata's POV

Kanina pa siya nilalamok sa pwesto niya, kaso hindi naman siya makakilos ng maayos
dahil baka may makapansin sa kanya.

Nasa ilalim siya ngayon ng isang sasakyan malapit sa nangyayaring trasaksyon ng


pagbebenta ng bawal na gamut.

Ngayong gabi nila lulusubin ang nasabing lugar kung saan iyon nagaganap. At kanina
pa siya sa pwesto niya mula yata kaninang magdadapit hapon. Nanghihintay lang siya
ng magandang timing para lumabas sa kinatataguan niya.

Nakapalibot na ang mga tauhan niya sa paligid.

Pero hindi pa kasi niya nakikita ang tauhan niya sa loob ng sindikato kaya hindi pa
siya makapagbigay ng go signal sa iba niyang tauhan.

Kainis naman ang mga lamok na ito. mukhang namamaga na ang paa ko kakakagat niyo.
Baka hindi na ako makatakbo mamaya nian. Reklamo niya.

Sinilip niyang muli ang labas kung ano na ang nangyayari.

Nasa isang liblib na barangay sila di kalayuan sa pinakasentro ng lungsod. Dito


madalas mangyari ang bentahan ng droga kasi medyo malayo ito sa mga kabahayan.

Isang abandunadong piggery ang lugar na iyon kaya naman malaya ang mga masasamang
loob na pumunta sa lugar na iyon. Hindi din kasi pansinan dahil medyo malapit na
bundok ang lugar na iyon.

Nang makita niya ang kasamahan niyang asset, hinintay nalang niyang mabigay ito ng
go signal sa kanya.

Ang usapan nila maglalaglag ito ng panyo paanan nito sa oras na nagaganap na ang
trasakyon ng mga ito.

At iyon ang nakita niya kaya naman dali dali niyang binigay ang go signal sa mga
kasama niya

Naingat naman niyang pinaputukan ng baril ang isang bumbilyang nagsisilbing liwanag
sa lugar na iyon.

Mabilis siyang kumilos para mahuli ang pinakapinuno ng sindikato.

Mabuti nalang at nasanay na sa dilim ang mga mata nilang magkakasama kaya naman
hindi sila nahirapan na makipagbunong braso sa mga kalaban nila.
Hangga't maari hindi sila gagamit ng baril ng mga kasamahan niyang pulis. Gusto
kasi niyang mahuli ang mga ito ng buhay. Pero kung alanganin na ang sitwasyon
gumagamit na sila ng baril.

At laking pasasalamat niya at hindi naman masyadong nanlaban ang mga kalalakihan na
hinuli nila.

"Matagal ka ng sinusubaybayan ng mga tauhan ko para mahuli ka sa akto. Lulusot ka


pa talaga ngayon."gigil niyang pinagtutulak ang nahuli niyang isang drug pusher sa
isang barangay di kalayuan sa bayan nila.

Kakatapos lang ng isang entrapment operation nila para sa mga gumagamit ng


ipinagbabawal na gamot. At isa sa mga pakay nila sa lakad na iyon ay ang mahuli ang
isa sa mga bigatin na nagbebenta nito.

"Inspektor Dimaguiba kami na pong bahala dito"ani ng isa sa mga tauhan niya.

Tinanguan lang niya iyon at ibinigay ang nahuli sa mga ito.

Nagpatuloy naman siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa police mobile na


sinakyan niya patungo sa lugar na iyon.

Pabalik na siya sa istasyon ng may tumawag sa kanyang hindi kilalang number.

"Hello"sangot niya sa tawag.

"Good evening Inspector Dimaguiba, these is PNP Chief Makaso. May I speak with you
for a minute"sagot naman ng nasa kabilang linya.

Pagkarinig pa lang ng salating general bigla niyang naapakan ang preno ng


sinasakyan niya. Buti nalang wala siyang kasunod kundi nabunggo na siya sa ginawa
niya.

"Sir!"napasaludo pa siya sa sobrang gulat.

Ikaw ba naman kasi kausapin ng PNP Chief of Police hindi ka mabibigla. Kahit pa nga
hindi ito nakatingin sa kanya mapapasaludo ka talaga ng wala sa oras.

"I want you to report in my office immediately. If possible tomorrow morning your
at my office"maawtoridad na utos nito.

"Sir yes Sir"sagot naman niya agad.

Iyon lang ang sinabi sa kanya ng kausap at pinagpatayan na siya ng tawag nito.

Nagtataka na pinagmasdan niya ang cellphone niya matapos ang makikipag-usap niya sa
Boss nila.

Hindi siya makapaniwala na nakausap niya ang PNP Chief nila. Isa lang naman siyang
hamak na provincial police.

Ano naman kaya ang nagawa niya at bakit siya pinapatawag nito sa office nito. At
bukas na agad ang gusto nitong pakikipag-usap sa kanya.

Isang malakas na busina ang narinig niya mula sa likuran niya ang nagpabalik sa
wisyo niya.

Napapailing nalang siyang nagmaneho pabalik sa office nila. Pero hindi mawala wala
sa isip niya ang tawag na natanggap niya.
...................

Kinabukasan maaga palang nasa biyahe na siya papuntang Manila. Ngayong araw niya
kakausapin ang PNP Chief nila, medyo kinakabahan siya.

Nang ikwento nga niya sa nanay at tatay niya ang tungkol sa tawag niya. Nakita
niyang mukhang natuwa ang mga ito, they are a proud parents. Ang iniisip ng mga ito
ay baka parangalan siya ng PNP Chief nila kaya naman pinatawag siya nito.

Pero paano naman kung hindi naman pala parangal ang dahilan kung bakit siya
pinatawag nito ngayon. Ayaw niyang mag-isip ng negative pero napapaisip talaga
siya.

Hindi pa naman kapara-parangal ang nagawa niyang operation kagabi. Ni hindi pa nga
sila nakakagawa ng report kagabi para makaabot na sa kaalaman ng PNP Chief ang
nagawa niya.

"Terminal, terminal.."sigaw ng konduktor.

Nagulat siya sa sobrang lalim ng iniisip niya nakarating na pala sila sa Cubao ng
hindi niya namamalayan. Pagbaba niya sa bus, agad siyang pumara ng taxi at
nagpahatid sa CRAME. Hindi naman siya nahirapan na makapasok pinakita lang    niya
ang kanyang ID.

Hindi naman siya nahirapan na mahanap ang opisina ng PNP Chief nila dahil mag nag-
assist sa kanya para makarating doon.

"SIR!"sumaludo siya dito ng magkabukas pa lang ng pinto.

Sinenyasan siya nito na pumasok na sa loob at maupo na. maingat siyang pumasok sa
loob at naupo sa katapat nitong upuan.

Mukha ngang hinihintay siya nito dahil wala naman itong ginagawa pa ng mga oras na
iyon.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Ins. Demaguiba. Pinatawag kita ngayon dito


dahil gusto kong ikaw ang humawak ng kaso ng isang malapit sa akin."iniabot sa
kanya ang isang folder.

Medyo nakahinga na siya ng maluwag, hindi naman pala siya pagagalitan nito kundi
kukunin nito ang serbisyo niya. pero nagtataka naman siya kung paano siya nakilala
ito gayong napakaraming pulis sa buong pilipinas na pinamumunuan nito.

"Nagkakata ka ba na nandito ka ngayon at sayo ko ibibigay ang assignment na


iyan."nabasa marahil nito ang pagtataka sa mukha niya.

Nahihiyang tumango nalang siya.

"Kilala ko ang ama mo. Actualy kabatch ko ang tatay mo noon sa training. Tinawagan
ko siya noong isang araw para magtanong kung mayroon siyang kilalang isang mahusay
na Police women. At ikaw nga ang sinabi niya sakin, hindi ko alam na may anak pala
siyang babae na sumunod sa yapak nilang mag-asawa"paliwanag nito.

"Actualy po, lahat po kaming magkakapatid mga pulis na po"nahihiya niyang sabi.

Humalakhak lang ang naturang opisyal sa kanyang sinabi.

"Mas lalo akong nabilib sa pagpapalaki sa inyo ng kaibigan kong si Juan. Mantakin
mo lahat ng anak niya pulis din pala."masaya pang sagot nito.

Nawala na ang pag-aalinlangan niya sa mga oras na iyon.

"So, back to your assignment. I want you to guard my godchild, he's having a
trouble regarding in his safety. I already review your profile Ins. Dimaguiba, kaya
alam na alam kong iniisip mong malayo ang propesyon mo sa binibigay ko sayo. But I
find it an advantage, hindi mo lang naman babantayan ang inaanak ko. You will also
investigate kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito"paliwanag sa kanya nito.

Tumatango naman na binuksan na niya ang folder na binigay sa kanya nito at binasa
ang laman nito.

LANCE MCDANIEL

Iyon ang pangalan na nakasulat sa ibabaw ng folder na hawak niya.

Napataas ang kilay niya ng makita ang litrato ng babantayan niya.

Wow naman ang gwapo ha... puna niya dito.

Para siyang may kamukhang artista hindi lang niya maalala ang pangalan.

Hunk ang unang pumasok sa isip niya kung ide-describe niya ito.

Tantalizing greenish eyes, kissable lips, prominent jaw line, maputi at matangos
ang ilong. Medyo nakafocus lang sa mukha ang picture kaya hindi niya makita kung
macho din ba ito.

Isa itong kilalang business man. Sa murang edad nagawa na nitong mapalago ng bongga
ang negosyo ng mga magulang nito at kabi-kabila ang negosyo nito hindi lang sa dito
sa bansa maging sa ibang bansa din.

Binuklat buklat pa niya ang folder nito.

Nasa pinakadulo ang detalye ng assignment niya.

Nanlalaki ang mata niya ng mabasa ang gagawin niya sa binigay sa kanyang assigment.

Magpapanggap siyang girlfriend nito para makasama niya ito sa kahit na anong lakad
nito, maging sa loob ng bahay nito.

"Sir, may mali yata sa binigay niyo sakin na trabaho. Ako? Magpapanggap na
girlfriend?"baling niya agad sa pinakapinuno nila.

Tango lang ang nakuha niyang sagot mula dito.

Binalikan niya ang litrato ng babantayan niya.

Nagawa naman na niyang maging body guard ng anak ng governor nila sa probinsya pero
purely pagbabantay lang ang ginawa niya at hindi na niya kailangan pang magdiguise
para lang sa trabaho na iyon.

"Mas mababantayan mo siya kung makakasama ka niya kahit saan siya magpunta bilang
girlfriend niya. isa pa mas makakapag-imbestiga ka din ng malaya kung ganoon ang
status niyong dalawa. Malaya kang makakapasok sa lahat ng sulok ng opisina o bahay
niya para maobserbahan mo ang mga tao sa paligid niya. Kung ang alam lang ng mga
tao na may body guard siya mas lalo pa siyang lalapitan ng gustong pumatay sa kanya
na walang kahirap hirap"paliwanag nito.
May punto naman ang paliwanag nito sa kanya.

"You perfectly fit to the job"sabi pa nito sa pagitan ng katahimikan niya.

"Paano po ang trabaho ko sa probinsya naming?"natanong niya kahit alam naman na


niya ang sagot.

"Ako na ang bahala doon, may iba ka pa bang sasabihin?"tanong nito.

"Ako lang po ba ang involve sa trabahong ito?"alangan niyang tanong.

Gusto kasi niyang isama ang buong team niya. hindi naman alangan ang mga kasama
niya, lahat naman iyon ay natrained na niyang mabuti. Kaya alam niyang hindi siya
mapapahiya sa mga ito.

"May gusto ka bang isama sa misyon mo na ito?"ganting tanong nito sa kanya.

"Yes, sir. Gusto kong isama ang team ko. Apat lang naman po kami. Kasi naka
discreet lang po sila"sagot niya.

"Sige papayag ako, may tiwala ako sa mga galaw mo. Alam kong mapamumunoan mo silang
mabuti"sagot pa sa kanya nito.

"pag-aralan mong mabuti ang magiging role mo sa misyon ito. Ins. Demaguiba.
Bibigyan kita ng isang linggo para maghanda sa misyong ito. itatawag ko nalang sayo
kung kailan at saan ka magsisimula."iyon lang ang huling sinabi nito bago siya
umalis sa tanggapan na iyon.

Dala na niya ang folder ng hahawakan niyang kaso.

Sa bahay nalang niya pag-aaralang mabuti ang lahat ng detalye ng misyon niya.

.............

Magpapanggap siyang girlfriend ng subject niya. ipapaalam naman nila ang lahat ng
detalye sa kanyang babantayan.

She will act like a naïve girl infront of everybody kapag kasama niya ito.

Ipapakita niyang isa siyang simple, mahinhin, childlike girl at higit sa lahat
mahinang babae sa mga tao.

Ang pinakaayaw pa niyang ugali sa lahat.

Kapag nakakakita nga siya ng mga ganitong asal ng kapwa babae niya, naasar siya.
Feeling niya ang aarte ng mga ito. tapos ito ngayon ang gagawin niyang
pagpapanggap.

"Kainis!!!!"kulang nalang ibato niya ang folder na hawak niya.

Hindi na siya pumapasok ngayon sa presinto nila. Pinaghahandaan na kasi niya ang
gagawin niyang misyon.

Binigyan pa nga siya ng allowance para sa misyon na iyon.

May instruction kasi na babaguhin niya ang style niya ng pananamit at posture niya
para maging kapani-paniwala siya sa harapan ng ibang tao.
Problema niya ngayon kung sino ang lalapitan niya para magpaturo ng mga kilos na
iyon. Wala naman kasi siyang kapatid na babae o kaya naman malapit na kaibigan na
kagaya ng sinasabi sa instruction.

"Ang aga-aga ang init ng ulo mo"sita sa kanya ng kuya Andres niya.

Nasa mini gym sila ngayon ng kapatid niya. madaling araw pa lang nga naman pero ang
lalim na ng iniisip niya.

"Nakasimangot ka? Anong nangrayi sayo?"puna din sa kanya ng Kuya Dominador niya.

Himala at maagang nagising ang kuya Dominador niya.

"May bago akong mission"sagot nalang niya sa mga kapatid niya.

Nilapag niya sa lamesa ang folder na hawak niya at nagsimula na siyang mag
exercise.

Kung iisipin na naman niya iyon ngayon baka hindi siya makagalaw maghapon sa
kakaisip kung kanino siya magpapaturo kung pano magpakaclumsy na girlfriend.

Kainis naman kasi bakit ba naman kasi wala sa dugo nila ang magpakalampa. Isama pa
na wala pa siyang experience sa pakikipagrelasyon.

Paano niya gagampanan ang role niya bilang girlfriend kung kahit sa pinakamaliit na
detalye sa pagiging girlfriend o pagiging clumsy eh hindi niya alam.

"Bago 'yan ah. Mukhang hindi mo gusto ang bagong mission mo. Pinapahirapan ka
talaga ni Katakutan"ani ng kuya Andres niya.

Huminto siya sa pagsi-sit-up para sagutin ang kuya niya.

"Hindi naman ang hepe ko ang nagbigay sa akin ng trabaho. Si PNP Chief Makaso ang
nagbigay sa akin ng mission ko"nakasimangot na sagot niya.

Napahinto naman sa ginagawa ang mga kuya niya, at bigla siyang nilapitan ng mga
ito.

"Loko ka, bakit kung makasimangot ka parang kang lugi sa binigay sayo na trabaho.
Hoy masuwerte ka kasi napansin ka ng PNP Chief natin"sita sa kanya ng Kuya
Dominador niya.

Hindi niya sinagot ang mga sinabi nito, bagkus binigay niya ang folder sa mga ito
para doon nalang makuha ng mga kapatid niya ang dahilan ng pagsimangot niya.

Halos mag-agawan pa nga ang mga ito sa folder. Alam niyang bawal ang ginawa niyang
pagbibigay sa mga kapatid niya ng folder pero alam naman niyang hindi siya
ipapahamak ng mga ito.

Ilang minuto lang mula ng ibigay niya sa mga kapatid niya ang folder, narinig na
niya ang malakas na tawa ng dalawa.

Kaya naman mas lalo pa siyang nainis.

"Stop laughing"naiirita niyang sita sa mga kapatid niya.

"Kaya naman pala hindi maipinta ang mukha mo dyan. Halla sige mag exercise ka na
dyan. Sasamahan kita kay Tiffany, sigurado ako matuturuan ka 'non"tumatawa pa din
sagot ng kuya Andres niya.
Naghahaba ang nguso niyang sinunod ang kuya niya. hindi niya kilala si Tiffany na
sinasabi nito. pero alam niyang matutulungan na siya ng kapatid niya. buti nalang
talaga nasabi niya sa mga kapatid niya ang problema niya.

..................

Nanlalaki ang mata niya ng makilala niya ang sinasabi sa kanya ng kuya Andres
niyang si Tiffany. Kulang na lang din malaglag ang panga niya sa sobrang gulat
niya.

Ang buong akala niya babae ang tinutukoy nitong Tiffany iyon naman pala isang
bakla.

"Oh, fafa Andy, naligaw ka sa akin kaharian"malanding bati nito sa kanyang kuya.

Nagtataka naman siya sa kapatid kung paano ito nagkaroon ng kakilalang bakla na
mukhang close pa nito.

"Hoy, Tomas ikaw tigil tigil mo ako sa kaka fafa mo sakin. Tatamaan ka na talaga
sakin"banta naman ng kapatid niya.

Lalo naman siyang nagulat sa tinawag ng kapatid niya sa kaharap.

Kilala niya si Tomas. Iyon kasi ang alam niyang bestfriend ng kuya Andres niya
simula pa noong bata sila. Pero ang alam niya lalaking lalaki iyon, hindi isang
bakla na kaharap nila ngayon.

"Hmp, hindi ka na malambing ngayon"kunwari ay inirapan pa nito ang kuya niya.

"Oh Diwata Mayumi, kasama ka pala ng Kuya mo."baling nito sa kanya.

"Kilala mo ako?"tinuro pa niya ang sarili niya.

"Ay, ano ka ba naman Diwata. Ako ito si Tomas. Tiffany na nga lang nayon"pinalaki
pa nito ang boses nito kaya naman nakilala niya ang kaharap niya.

Ganoon nalang ang lakas ng tawa niya sa nalaman niya.

"Grabe sya oh...tama na ganda. Alam ko na epic ang transformation ko. From maton to
super sereyna"malanding saway nito sa kanya.

"Tama na iyan. Dinala ko ang kapatid ko dito para turuan mo siyang maging girl na
girl. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin. 'kaw na bahala sa kanya."iyon lang
ang binilin ng kuya niya bago siya nito iniwanan sa kaibigan nito.

Pinaliwanag naman niyang mabuti dito ang lahat ng kailangan niyang matutunan, at
game na game ang lola niyo. Tuwang tuwa pa nga ito sa pagiging beauty consultan daw
niya.

Naiiling nalang siya sa kalandian ng kasama niya. Hindi pa nga din siya
makapaniwala na bakla ang kaibigan na ito ng kuya Andres niya.

Ito ang kasama niya sa loob ng apat na araw. Itinuro na nito ang lahat ng alam
nitong kalandian at kaartehan sa katawan. Tinulungan na din siya nito sa pamimili
ng mga gagamitin niya para sa mission niya na iyon.

Maging ang make over niya ito na din ang gumawa. Buti nalang may parlor na ito kaya
naman hindi na siya nahirapan pa.
Kinulayan nito ng blond ang buhok niya at tinuruan siya kung paano mag-ayos ng
sarili niya. kung paano siya maglalagay ng make-up sa mukha niya.

Lahat iyon tinandaan niyang lahat dahil malapit na siyang bumalik sa Manila para sa
mission niya.

Tinawagan lang niya ang mga team niya ng mga gagawin ng mga ito. hindi na siya
nagpakita pa sa mga ito kasi alam niyang mag-aalaska lang ang mga ito kapag nakita
siya ng mga ito sa bagong itsura niya.

From being a plain provincial girl to a sophisticated Manila girl.

Kahit siya hindi niya nakilala ang sarili niya matapos ang make over sa kanya ni
Tiffany.

Maging ang mga magulang niya ay hindi makapaniwala sa naging resulta ng itsura niya
ngayon. Ang unang sinabi nga ng tatay niya nagmukha siyang japayuki.

Iyong mga dalagang pilipina na umalis ng bansa papuntang japan pagbalik kala mo nga
amerkanong hilaw na dahil sa kulay ng buhok.

Pinaliwanag naman niya sa mga ito ang dahilan ng pagbabago niya at naintindihan
naman ng mga ito. maayos din siyang nagpaalam sa mga ito na sa manila muna siya
lalagi para sab ago niyang mission.

Kaya pinaghandaan niya ang pagbalik niya sa Manila. Nang tawag siya ng PNP Chief
nila na lumuwas na siya handang handa na siya.

Kagaya ngayon tumawag sa kanya si Chief Makaso na ngayon na niya makikilala ng


personal ang babantayan niya. ang utos pa sakanyan on character na siya pagpunta
niya sa lugar kung saan niya makikilala ito.

Kuntodo make-up siya at lahat ng tinuro sa kanya ni Tiffany ginawa niya para naman
hindi siya mapahiya.

Hindi pa niya kabisado ang Manila kaya naman hindi niya dinala ang kotse niya.
nagtaxi lang siya papunta sa sinabi sa kanyang lugar ni Chief Makaso.

Nagulat pa nga siya ng makitang police station ang hinintuan ng taxi na sinakyan
niya. Building address lang kasi ang sinabi sakanya kaya hindi niya alam.

Pagpasok niya sa loob, the usual scenario sa isang presinto. May mga nagrereklamo,
may nirereklamo, at mga pulis na nakatambay habang wala pang ganap. Lahat sila
natahimik pag pasok niya, pero sandali lang bigla din kasi umingay ang paligid niya
at pumuno ng paghanga sa kanya.

"Ang ganda mo naman miss may boyfriend ka na"

"Libre ka ba mamaya miss"

"Ang ganda at ang sexy"

Ilan lang iyan sa mga sinabi sa kanya ng mga kalalakihan doon, gusto na nga niyang
manuntok at manutok ng baril ng mga oras na iyon kaso pinigilan niya ang sarili
niya.

On character siya. Meaning isa siyang maarting, sosyal na babae na taga Manila na
hinahanap ang boyfriend niya.
Hindi ang isang probinsyanang pulis na isang maling kilos mo lang manununtok na o
aangilan ang mga nambabastos sa kanya ngayon.

Kaya naman nagtitimpi siyang lumapit sa information desk ng presinto at ginalingan


ang pag-arte.

"Ahm.. I'm looking for boyfriend..si Lance McDaniel. I heared na dito siya dinala
kanina"parang may imaginary magulong buhok pa siyang inaayos habang nagsaalita
niya.

Gusto niyang masuka sa pinaggagawa niya kaso kailangan niyang panindigan ang lahat
ng ito.

"Boyfriend?"parang magpanghihinayang na tanong naman sa kanya pabalik ng pulis na


kausap.

"Yeah, iyon muntik ng makidnap"maarte niyang sagot.

"sayang"bulong iyon pero rinig na rinig niyang sinabi ng mga kalalakihan doon.

Maging ang mga pulis naki 'sayang' na dialog din sa mga tao doon.

Nginitian niya ang mga ito ng sobrang tamis. Kaya naman mas lalong nag-ingay ang
mga ito ng mga oras na iyon.

"Ahh...ano nga ulit miss ang pangalan mo..este ng hinahanap mo?"tanong sa kanya ng
pinagtatanungan niyang pulis.

"Lance McDaniel, my boyfriend"at nginitian niya iulit ang mga ito.

Buti nalang at nakashades siya kaya hindi nakikita ng mga ito na nakairap siya ng
mga oras na iyon.

"Oh, diba iyon 'yong kausap ni PNP Chief Makaso sa loob ng opisina ni Hepe"bulong
naman ng katabi nito.

"Oo nga"sagot naman nito.

Nakuha pang magdaldalan sa harapan ko... naiinis niya sita sa mga ito sa isip niya.

"Ahh.. dito miss samahan na kita"prisinta pa ng kaharap niya at itinuro ang daan
papunta sa pupuntahan niya.

Hindi naman na siya sumagot pa kasi naasar na siya sa mga kaharap niya. nakakita
lang ng nakaayos na babae kala mo nga natubigang palaka na sobrang ingay sa
pagpapansin sa kanya.

Hanggang sa nakarating sila sa second floor ng tanggapan na iyon, nagpaiwan na siya


sa pulis na sinamahan siya. Isang mahinang katok lang ang ginawa niya at pumasok na
siya sa loob.

Pagpasok niya sa loob nakita niya ang apat na kalalakihan, at nasa unahan ang
kausap niya si Chief Makaso. Tuwid lang ang tingin nito sa kanya nito, mukhang
kinikilala pa siya nito. hindi pa kasi sila nagkita nito mula noong huli silang
nagkausap na dalawa.

"Sir"saludo niya ditto.


"Glad you are here now, Demaguiba."nakangiting turan na ng Chief of Police sa
kanya.

"Yes, sir"seryoso namang sagot niya.

"Lance, I want you to meet Police Inspector Diwata Mayumi Demaguiba. Your new
personal body guard"pakilala sa kanyang nito sa magiging assignment niya.

"Ninong, baka nagkakamali ka lang?"protesta naman noong Lance.

Napataas naman ang kilay niya sa narinig niyang protesta sa kanya nito. Doon naman
niya binaling ang binata at nagtanggal ng shades niya para makita niya ng maigi ang
kaharap.

Oh lala... mas hot pa pala siya sa personal...shet na malupet... naisip niya.

Tama siya ng naisip noong unang nakita niya ang picture nito. macho ito sobra,
hindi na niya mahanap ang tamang salita para idescribe ito.

"May problem ka ba sakin boss?"naitanong nalang niya dito.

Nakita niya kung paano ito nainis sa kanyang way ng pagtatanong ditto.

"Lance, Ins. Demaguiba is well known in all kind of fighting skills. Oo nga at
babae siya pero kaya ka niyang protektahan sa kahit na anong sitwasyon. Isa pa siya
lang ang pwede natin ipareha sayo na makakasama mo ng 24/7 na hindi mahahalata ng
mga gustong pumatay sayo na isa siyang pulis."paliwanag ni Chief Makaso ng magiging
trabaho niya sa binata.

Hindi man nagsasalita ang lalaki nahahalata naman niya na hindi siya gusto nito.
siguro dahil babae siya. Hindi na bago sa kanya ang ganitong uri ng sitwasyon.
Palagi naman siyang minamaliit ng mga taong hindi nakakakilala sa kanya ng totoo.

"Sir, mukhang ayaw naman po ng subject sakin. Mas magandang iba nalang po ang kunin
niyo. Iyong sa tingin ko ay hindi naman siya magmumukhang bakla kung kasama niya
ang magiging body guard niya"hindi niya napigilan na sabihin habang nakatitig sa
binata.

Nanlilisik ang mata nito na tinitigan siya ng binata matapos niyang sabihin iyon.

Sabihan ba naman niyang bakla ito hindi ba magalit ito sa kanya.

"Ako bakla?"napatayo pa ito sa kinauupuan nito.

"Hindi ko sinabi na bakla ka. Ang sabi ko kumuha ng ibang body guard si Sir Makaso
na babagay sayo na hindi ka magmumukhang bakla"paliwanag niya.

"Enough!..nakaplano na ang lahat Lance. You have to accept Ins. Demaguiba as your
body guard. And she will start her job today. Now pwede na kayong umalis dito at
gawin niyo na ang mga dapat niyong gawin."maawtoridad na pahayag ni Chief Makaso.

Tinapunan siya nito ng masamang tingin habang palabas sila sa opisina ng Hepe ng
tanggapan na iyon.

Nakipag-usap pa ang binata sa mga kasama ng mga nito bago ito lumapit sa sasakyan
nito.

Ngayon na ang simula ng trabaho niya.


Mukhang hindi pa nito alam ang mangyayari sa pagitan nila. Kaya naman ipapaliwanag
niya iyong mabuti.

"What are you looking at?"inis na tanong nito sa kanya.

"Buksan mo na ang pinto para makaalis na tayo"malumanay na sagot naman niya.

Pagpasok pa lang niya sa loob ng sasakyan agad niya pinagana ang mata niya sa loob
niyon. Baka kasi naman may hidden camera o hidden listening devise sa loob ng
sasakyan nito. nang masiguro niyang wala namang kakaiba sa sasakyan nito nagsalita
na siya.

"I will be you body guard kung tayo lang dalawa ang magkasama. Pero kung may
kaharap tayo I will be you girlfriend Mr. McDaniel. Its part of my job to disguise
as your girlfriend para kahit saan ka magpunta nandoon ako na walang manghihinala.
So meaning to say starting today ipapakilala mo ako bilang girlfriend mo sa lahat
ng oras. And you have to cooperate, para maging successful ang lahat ng ito at
mapadali ang paghuli ng mga gustong pumatay sayo. I have already review your
profile, so I know the do's and don't in this situation. Is that clear?"paliwanag
niya sa binata ng set-up nila mula sa araw na iyon.

So pagbaba nila sa sasakyan na iyon simula na ang kanilang pagpapanggap na dalawa.


Maging ang trabaho niya sa lalaki.

Sana kayanin niyang matapos ang trabaho niya.

Hirap naman kasi magtimpi sa binatang kasama niya.

Very tempting sa paningin.

Tingnan ka lang para na siyang malulusaw.

Isa kasi ang binata sa tinatawag ni Tiffany na 'makalaglag panty' na fafa.

Oh Lord give me strength... piping dasal niya.

    

A/N : picture ni Lance McDaniel

.....................

A/N : nag-enjoy ako ng sobra sa pagttype...

hindo napansin na naka almost 4200 words na ako haha...

comment and votes po...


Four

Four

Diwata's POV

Shems kung alam lang niyang mas nakakainip pa sa pagsu-surveillance ang bago niyang
assignment sana nagpunilit nalang siyang wag tanggapin ito.

Kanina pa sila dumating sa opisina ng binabantayan niya.

At mula noon hindi na siya kinibo nito, pinakilala lang siya nito kanina sa
secretary nito tapos wala na.

Ito nakaupo na siya sa receiving area nito. natapos na din kasi siyang mag-ikot
ikot sa loob ng opisina nito. wala pa naman siya nakikitang kahinahinala sa loob ng
opisina niya. Pero hindi naman siya sigurado. Wala pa kasi ang mga gamit niya.

Kaya naman sa sobra pagkainip niya masimple niyang tinawagan ang partner niya para
dalin ang mga gamit niya.

"Hello, de Gracia dalin mo ditto ang mga gamit ko. 'yong blue na back pack ko"utos
niya sa tauhan niya.

"Copy boss"sagot lang nito.

Nag-aalangan naman niyang tiningnan ang binatang kasama niya. Sobrang busy kasi
nito ngayon kala mo wala ng bukas kung magtrabaho ito ngayon.

Kaya pala sa murong edad nito mayaman na agad ito kasi subsob naman kasi sa
trabaho.

"Ahm, Mr. McDaniel"alanganin niyang tawag sa binata.

Nakita niyang nag-angat ito ng ulo at tiningnan siya nito.

"Yes?"takang tanong naman nito.

"Ahm, may tauhan akong pupunta ditto, dadalin niya ang gamit ko pwede ba akong
bumaba para kunin?"paalam niya ditto.

Hindi siya nito sinagot, bagkus inangat nito ang telephone sa tabi nito.

"Jacob, go to reception area. Pick up my girlfriend things"utos nito sa kausap sa


telephone.

Napataas ang kilay niya sa narinig niya.

Aba ang bilis naman naka-adopt ng mokong. Pinanindigan na nito na girlfriend ako
nito.

Matapos itong makipag-usap sa telepono nagpatuloy ulit ito sa ginagawa nito.

Hindi na naman siya nito pinansin.

Ilang sandali lang naman ang hinintay niya kasi alam naman niyang nasa malapit lang
ang mga tauhan niya at katulad niya nagbabantay lang din ang mga ito.

Nakarinig siya ng katok sa pinto bago bumukas iyon at pumasok ang secretary ng
binata.

"Sir, ito na po ang gamit ni Miss Diwata"ani ng secretary niya.

Well, may kasama silang ibang tao kaya naman masusubukan na naman ang acting skills
niya ngayon.
"Kuya pogi, here can you leave it here na"maarteng agaw niya ng pansin sa secretary
ng binata.

Alangan naman na lumapit sa kanya ang lalaki.

"G*dd*mmit, Jacob!!!"pagwawala naman bigla ni Lance ng makalapit na sa kanya ang


secretary nito.

Parang itinulos naman sa kinatatayuan ang kawawang secretary nito. kitang kita ang
takot sa mukha ng lalaki, napataas naman ang kilay niya sa nakikita niya.

Grabe naman itong si Lance kala mo isang matapang na tigre kakagatin ang mga taong
lalapit ditto.

"Hey, baby? What is G*dd*mmit?"painosenteng tanong niya kay Lance.

Yuck, kainins mukha akong tanga sa kainosentehan na iyan. Sermon niya sa sarili
niya.

Nanlalaki ang mata na tinitigan siya ni Lance, matagal din itong nakatingin sa
kanya bago nito binalingan ang secretary nito.

"Just leave that damn things in the table Jacob then go"pagalit na utos nito sa
secretary nito.

Nagmamadali naman na sinunod ng lalaki ang utos ni Lance. Sa isang kisap-mata


nakalabas na agad ang tauhan nito opisina nito at naiwan na naman silang dalawa sa
loob.

Naiiling nalang siyang naupo sa dati niyang kinauupuan at kinuha ang laptop niya.

Isa pa sa kinaiinis niya, ang laptop na dala niya ay bigay sa kanya ni Chief
Makaso.

Sobrang pagirlie, mantakin ba naman niya may mga sticker iyon ng Hellow Kitty.

Pero syempre kailangan iyon para sa disguise niya.

"Pwedeng malaman ang password ng wifi"tanong niya sa binata ng mabuksan niya ang
laptop.

Ang buong akala niya sasabihin lang sa kanya nito ang hinihingi niya pero laking
gulat niya ng tumayo ito at lumapit sa kanya. umupo pa nga ito sa tabi niya at
inagaw ang laptop sa kanya.

Ito na mismo ang nagconnect sa kanya sa wifi.

"Don't go near with a random guy while they knew were in a relationship"bulong sa
kanya nito habang nagta-type ito sa laptop.

Napataas naman ang kilay niya sa tinuran nito.

"There"at iniabot sa kanya ang laptop.

Tumayo na ito at iniwanan na naman siya nito at nagpatuloy sa ginagawa nito.

Hindi nalang niya pinansin ang mga sinabi nito kanina. Inabala nalang niya ang
sarili niya sa mga bagay na kailangan niyang gawin.
Sinimulan na niyang ihack ang CCTV ng buong building kung nasaan sila. Buti nalang
kompleto ang ng application ang gamit niyang computer.

Pinagana na din niya ang iba pa niyang alam sa tech na natutunan niya noong
pinadala siya ng mga magulang sa ibang bansa para magsanay sa pag-iimbistiga.

Shit!!! Bingo. Napangiti siya ng may mapansin siyang kakaibang nangyayari sa loob
ng kompanya ng binata.

Isang upuan pa lang siya pero mukhang malaki na agad ang nakikita niyang butas sa
kompanya ni Lance na magtuturo sa kung sino ang gustong pumatay ditto.

Sa sobrang enjoy niya sa ginagawa hindi niya napansin na maggagabi na pala. Kung
hindi pa kumalam ang sikmura niya hindi pa niya papansin ang oras.

"Let's go"gulat pa siya ng makitang nakatayo na sa harapan niya ang kasama niya.

"Wait, ayusin ko lang ito"turo niya sa laptop niya.

"You can leave it here"iritang sagot naman sa kanya ni Lance.

"Hindi pwede"matigas na tanggi niya.

Nakipagtitigan pa sa kanya ito, pero bandang huli wala din naman nagawa pa ang
binata kundi ang umupo sa tapat niyang upuan at hintayin siyang matapos sa ginagawa
niya.

Hindi naman siya matagal mag-ayos ng mga gamit niya kaya naman nakaalis naman sila
agad. Pinabitbit pa niya kay Lance ang bag niya na lalong ikinainis ng binata sa
kanya.

Nang nasa parking lot na sila laking gulat niya ng makita na ibang sasakyan na ang
tinatahak nilang dalawa. Hindi na kasi ito ang sasakyan na gamit nila kanina galing
sa presinto.

"Wait"pigil niya sa binata.

"Ano na naman?"iritang humarap ito sa kanya.

"Asan ang sasakyan mo?"takang tanong niya ditto.

"Well, this is my real car. 'yong gamit natin kanina spare car lang iyon kasi
kasama ko ang mga body guard ko kaninang umaga ng pumasok ako kaya iyon ang
ginagamit ko pansamantala"paliwanag nito.

Ang mayaman talaga ang daming sasakyan. Naisip nalang niya.

Wala naman na siyang nagawa kundi ang pumasok na din sa loob ng sasakyan nito. gaya
kaninang umaga agad niya pinagana ang mata niya at inobserbahan ang loob ng
sasakyan nito.

Kung kaninang umaga simpleng kotse lang ang gamit nila ngayon naman isang
mamahaling sports car ang gamit ng binata.

Mahahalata mo na ito talaga ang ginagamit ng binata na sasakyan, amoy palang sa


loob masasabi mo ng kay Lance nga itong sasakyan na iyon.

May bigla nahagip ang mata niya sa may dash board nito. maging sa malapit sa may
pintuan ng sasakyan nito.
"Alam mo---"tinakpan niya ang bibig ng lalaki.

Kung tama ang hinala niya isang listening devise at camera ang nakikita niya sa
loob ng sasakyan nito.

Inilapit niya ang mukha niya sa binata at bumulong. Sinigurado niyang magmumukha
silang naghahalikan na dalawa sa paglapit niya.

"Wag kang maingay, may listening devise at hidden camera ang sasakyan mo. So you
have to act sweet, like a lovey dovey"bulong siya sa binata.

Nang lumayo siya ng konti nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.

"Baby saan na tayo pupunta uuwe na ba tayo ngayon?"pinalambing niya ang boses niya.

"Ha..ahh"parang gulat pa din ito hanggang ngayon.

"I'm tired na, baby"sumandal pa siya sa balikat nito at hinimas himas ang braso
nito.

"Okay"iyon nalang ang nasagot nito at nagsimula ng magdrive.

Tahimik lang sila sa buong biyahe pero hindi siya umaayos ng upo, nakahilig pa din
siya sa binata.

Hanggang sa makapasok sila sa isang subdivision, sa tingin niya panay mayayaman


lang ang mga nakatira doon. Lahat kasi ng madadaanan nilang bahay malaki at
napakagagandan ng bahay.

Naghuhumiyaw na mayaman ang mga nakatira doon sa sobrang engrande ng mga bahay.

Hindi na nga maalis ang mata niya sa labas ng bintana ng sasakyan ni Lance kasi
humahanga siya sa bawat bahay ng madadaanan nila.

Mas lalo siyang humanga sa bahay sa harapan nila, nasa pinakasentro ito ng daan.

Sa palagay niya ito ang pinakamalaki at pinakamagandang bahay sa subdivision na


iyon.

Sobrang ang paghanga niya, ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase ng bahay sa
tanangbuhay niya.

Wala naman kasing ganito sa probinsya nila. Maging noong nagpunta siya sa ibang
bansa para magsanay wala naman siyang nakita na ganito kagandang bahay.

Mansion na nga ito sa palagay niya.

Lalo pang nanlaki ang mata niya ng doon sila mismo pumasok ni Lance. Hindi na nga
kailangan na magbusina ni Lance kasi kusang bumukas ang gate nito para makapasok
ang sasakyan ng binata.

"Dito ka nakatira?"hindi na niya napigilan na tanungin ang kasama n iya.

Nakita niyang nagsmirk lang ang binata.

Pinarada ng lalaki ang sasakyan nito sa entrada ng mansion nito. May sumalubong sa
kanilang deuniformeng lalaki at inabot ang susi ni Lance at ito na ang nagpark ng
sasakyan nito. nanlaki pa lalo ang mata niya ng makita kung saan pinarada nito ang
sasakyan na gamit nila ni Lance.

Paano naman hindi lalaki ang mata niya, makita ba naman niya ang iba't ibang klase
ng mamahaling sasakyan ang nakaparada doon.

Oh sige ikaw na ikaw na ang mayaman at madaming sasakyan na may malaking bahay.
Manghang naisip niya.

Hindi pa nga siya nakakabawi sa pagkamangha niya sa mga sasakyan ni Lance,


nadagdagan pa kasi pumasok na sila sa loob ng bahay nito.

Kung maganda sa labas, de hamak na mas maganda sa loob nito.

Napakaelegante ng bahay nito sa loob.

"You like it?"bulong sa kanya ni Lance.

Wala naman sa sariling napatango nalang siya bilang sagot.

"Sir, maghahanda na po ba kami ng hapunan niyo?"tanong kay Lance ng isang medyo may
edad ng babae.

"Sige po manang"nakangiti namang sagot ni Lance sa ginang.

Nakita niyang tinapunan siya ng pansin ng matandang tagasilbi ng binata. Kaya naman
naisip niya na kailangan niyang galingan ang pagpapanggap kahit nasa loob na sila
ng bahay ng binata.

"Hindi mo ba ako ipapakilala, Baby?"tanong niya kay Lance.

Nakakunot ang noo nito na tiningnan siya.

"Di bale ako nalang ako magpapakilala sa sarili ko. Hi po ako si Diwata Mayumi
Demaguiba, 24 years old, from the rice granary of the Philippines, Nueva
Ecija"pagpapakilala niya sa sarili niya.

Inalala niya ang pagpapakilala na tinuro sa kanya ni Tiffany. Kung siya ang
tatanungin feeling niya sumasali siya sa Miss Gay sa paraan ng pagpapakilala niya.

Kaya lang kailangan niyang gayahin ito kasi naman wala naman ibang nagturo sa kanya
kundi ang baklitang iyon lang. malamang magmumukha siyang sasali sa Miss Gay
talaga.

Nakita niyang tumawa ang mga naroon sa loob ng bahay ni Lance kasama ang matandang
kaharap nila.

"Naku sir, nakakatawa naman ang kasama niyo"nakangiting turan ni Manang.

"Salamat Manang, I intension to give you happy face"siya ang sumagot sa matanda at
sinadya pa niyang maging wrong grammar para mas maging katuwa-tuwa ang dating niya.

"Enough with that Diwata"saway naman sa kanya ni Lance.

Nang tingnan niya ito hindi niya alam kung ano ang reaction nito. para kasing galit
na nagpipigil lang na tumawa ang nakikita niya sa mukha nito.

"Bakit baby? Mali ba ako? Dapat ba I like happy face nalang ang sinabi
ko"painosenteng dagdag pa niya.
Lalo naman lumakas ang mga nagpipigil ng tawa ang mga tao sa paligid nila.

Pero wala siyang pakialam sa mga iyon ang lahat ng atensyon niya ngayon ay nakay
Lance. Nakangiti na kasi ito ngayon na halatang halatang nagpipigil ng tawa.

Pero infairness naman ang gwapo nitong ngumiti. Parang naaakit siyang ipagpatuloy
ang katangahan niya para makita naman niyang tumawa ito ng malakas.

Baka mas pogi siya kapag nakatawa. Naisip pa niya habang nakatitig sa mukha ng
binata.

"Naku Ma'am, nakakatuwa talaga kayo. Tayo na nga po sa loob ng Dinning room baka
nagugutom na kayo"agaw ng pansin niya na turan ng kaharap nila.

Nakapout pa siya ng tumango siya sa matanda. Totoo na ang reaction siya, nagugutom
na siya. Kasi naman hindi man lang ba naisip na kumain ng tanghalian nitong kasama
niya.

Ngayon lang niya naalala na hindi sila kumain ng tanghalian na dalawa.

"Please manang, I starving na, tingin ko nga sa kasama ko pagkain na. parang ang
sarap kainin"sabay tingin niya kay Lance.

Napataas ang kilay niya ng mapansin niya ang pamumula ng pisngi ni Lance.

Tama ba siya ng nakikita niya nagba-blush ang binata.

Oh lala, mas gwapo siya kapag nagba-blush kaysa sa nakangiti. Natulala na siya sa
harapan ni Lance sa nakita niya. 

............

comment and vote po


Five
            

Five

Lance's POV

Napapantastikuhan siya habang nakatitig kay Diwata.

He can't believe that this girl infront of him has two different personality.

Kapag silang dalawa lang seryoso at sobrang istrikta. Madami siyang bawal na gawin,
at parang kakagaling lang sa gyera. May war shock.

Pero kung may ibang nakaharap sa kanila, para itong isang inosenteng babae na may
kapak sa pag-iisip. Madalas na tinatawanan ito ng mga tao sa paligid niya na para
bang ang tanga tanga nitong kumilos. Maski nga sa pagsasalita parang wala itong
pinag-aralan.

"Hey Lance, kamusta naman baby mo?"pang-aasar sa kanya ni Leigh.

Alam ng mga ito ang set-up nila ni Diwata. Kaya naman kapag ito ang kasama niya
hindi masyado lumalapit si Diwata sa kanya.

Kagaya ngayon nasa isang Bar sila at nag-iinuman silang magkakaibigan, samantalang
nasa hindi kalayuan si Diwata nagmamasid lang.
"Okay naman"sagot lang niya.

"Shit brod, hindi ka ba naiilang na ang bantay mo ganyan kaganda at kasexy"ani


Ezekiel.

Lahat sila nakatingin ngayon kay Diwata na kala mo nanunood lang sila ng isang
drama sa TV.

Totoo naman ang papuri ni Ezekiel, maganda at sexy din ang una niyang nakita ang
babae.

Napansin niyang may lalaking lumapit kay Diwata, nakakunot noo naman siya habang
pinagmamasdan ang ginagawa ng dalawa.

Seryosong nag-uusap ang dalawa, mukha naman kilala ni Diwata ang kausap nito.

Nagulat pa nga siya ng makita na ngumiti pa si Diwata sa kausap nito.

Napatayo naman siya ng makitang lumapit ang lalaki kay Diwata na akala mo hahalikan
ang huli. Hindi na niya namalayan na nakalapit na pala siya sa mga ito at ngayon ay
nakaakbay na siya sa dalaga.

"Hey, what's your problem with my girl?"maangas niyang tanong sa lalaking kausap ni
Diwata.

"Whoa..."react naman ng lalaki sa sinabi niya.

"Hmmm. Mr. McDaniel its okay. Tao ko yan"bulong sa kanya ni Diwata.

"I don't care, diba sabi mo girlfriend kita kapag may iba tayong kasama. Were here
at a Bar for pete's sake. So technically girlfriend kita"hindi niya alam kung bakit
niya nasabi ang mga bagay na iyon sa dalaga.

Basta may nagtutulak sa kanya na maging possessive sa dalaga. Na para bang he's
owning Diwata.

"Sige na Cage, ako na bahala dito. Basta on call lang kayo"utos naman ni Diwata sa
lalaki.

Nang makaalis na ito sa harapan nila hinila niya si Diwata sa grupo niya at doon na
pinaupo ang dalaga. Baka kasi mamaya niyan may iba pang lalaking lumapit sa dalaga.
Na hindi naman malayong mangyari kasi agaw pansin naman ang babae.

"Hey, Diwata right"ani Rome sa dalaga.

"Yeah"sagot naman ni Diwata in her normal state.

Alam naman kasi ng mga kaibigan niya ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Kaya hindi
kailangan na magpanggap si Diwata sa harapan ng mga kaibigan niya.

"How old are you?"tanong naman ni Ezekiel dito.

"24"sabay pa nilang sagot ni Diwata.

"Wow ha, alam ni Lance ang edad mo."kantiyaw naman ni Ezekiel.

Hindi nalang niya pinansin ang pang-aalaska sa kanya ni Ezekiel.


"Taga saan ka?"tanong ni Rome kay Diwata.

Daig pa ng mga kaibigan niya ang mga pulis kung makapag-enterogate sa dalaga.

"Nueva Ecija"simple lang sumagot si Diawata.

"My boyfriend ka?"sabay pang tanong ni Ezekiel at Liegh.

"No"Diwata

"Yes"siya

Sabay naman na sagot nila ng dalawa ng dalaga.

"Whoa!!!"sabay sabay naman na Alaska ng talo niyang kaibigan sa kanila ni Diwata.

"I told you Diwata, kung may iba tayong kasama girlfriend kita, boyfriend mo
ako"bulong niya sa dalaga.

"What's the use of that info kung ang kaharap natin alam ang sitwasyon mo"ganting
bulong naman sa kanya nito.

Hindi nalang siya nakipagtalo pa sa dalaga. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan
nilang dalawa.

"Okay, last question Diwata. Pulis ka ba talaga?"si Rome ulit ang nagtanong sa
dalaga.

"Oo"sagot lang ni Diwata.

"Urgh... ang tipid mo namang sumagot"angal ni Rome.

Napangiti lang naman si Diwata sa inasal ng kaibigan niya.

"Inom nalang tayo."aya naman ni Ezekiel sa kanila.

"Hindi ako pwedeng uminom, on duty ako"tanggi naman ni Diwata.

"Wag kang masyadong mag-alala sa alaga mo Diwata. Kaming bahala sa kanya. we have
body guards too. Nakakalat lang sa tabi tabi kaya hindi kayo mapapano."pagbibigay
naman assurance ni Ezekiel kay Diwata.

"Hmm, thanks but no thanks"magalang pa din tanggi ni Diwata.

"Baka naman kasi hindi siya talaga umiinom. Ang balita ko kasi mahihina talaga
umiinom ang mga taga Province. Wala kasing bar doon"painosenteng sabad naman ni
Leigh.

Napataas naman ang kilay ni Diwata sa sinabi ng kaibigan niya.

"Who the hell told you that false info. Hindi kami mahihinang uminom"mataray naman
na sagot ni Diwata.

Bigla siyang nachallange sa pagsasalita naman ni Diwata.

"Sige kung hindi kayo mahihinang uminom, lets have a competition"hamon niya sa
dalaga.

"Hindi ako madadala sa paghahamon niyo. Lalo ka na"mataray na sagot sa kanya ni


Diwata.

"Oh c'mon Diwata. Ako naman ang naghahamon sayo. I will make sure na okay ako at
walang makakaalam sa mangyayari ngayon gabi. I will not tell this to my
ninong."dagdag niya pa sa pagkokumbinsi dito.

"Still no"sagot ng dalaga.

"Wala weak ka pala"sulsul naman ni Liegh sa sinabi niya kanina.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Diwata ng tapunan nito ng tingin ang mga kaibigan
niya. inagaw nalang bigla ni Diwata ang baso niya at deretsong tinungga ang alak na
laman nito.

"Tinatanggap ko ang hamon niyo"anito ng maubos nito ang alak sa baso.

Ginanahan naman silang magkakaibigan kaya naman lumipat silang lima sa isang VIP
room ng bar na iyon at doon nagpatuloy sa pag-iinuman.

Kampante naman siya na walang mangyayaring masama ngayong gabi sa kanila. Kasi
simula ng maging bantay niya si Diwata naging okay naman na siya at mukhang walang
nagtatangka nagumawa ng masama sa kanya.

"So anong iinumin natin?"kinikiskis pa ni Liegh ang kamay na parang natutuwa sa


nangyayari.

"The hardest drink perhaps"sagot naman ni Diwata.

Tinanggal pa ni Diwata ang blazer nito at lumantad sa kanila ang makinis na balikat
ng dalaga, nakared tube ang dalaga kaya kitang kita niya ang kinis ng balikat nito.

"Hardest talaga?"parang bata na sagot naman ni Liegh.

Siya na ang nag-order ng alak para sa kanilang lima. Sinunod niya ang sinabi ng
dalaga.

"Tig isang bote muna tayo"aniya pa sa mga ito.

Nang dumating ang order nila kanya kanya na sila ng baso at bote na hawak. Pero
laking gulat nila ng tunggain nalang ni Diwata ang alak deretso mula sa bote na
hawak nito.

Pasikat puna naman niya sa babae.

Naiiling nalang siya habang pinagmamasdan ang babae habang umiinom ito. siya naman
pinagpatuloy ang pag inom ng alak mula sa baso na hawak niya.

"Shit, okay ka pa Diwata?"nag-aalalang tanong ni Ezekiel sa dalaga.

Sabi na eh.. naiiling niyang naisip sa pag-aakalang lasing na ang dalaga.

"Ayos lang, bitin pa nga"maangas na sagot pa ni Diwata.

Kaya naman tiningnan niya ito.

Ubos na nito ang laman ng bote ng alak na hawak nito. Pero mukhang wala namang
nangyari sa dalaga, parang hindi pa ito nakainom.

"Order ka pa"utos pa sa kanya nito.


"Hey, hindi ba masyado ka namang nagmamadali."napapantastikohan niyang sagot sa
dalaga.

"Hindi naman, ayoko lang ng nabibitin. Kayo eh hinamon niyo ako"sabi pa nito.

Si Ezekiel na ang nag-order para kay Diwata, but this time dalawang bote na ang
inorder ni Ezekiel with beers na din ang inorder nito. ginanahan yata o kaya naman
nahamon ang ego ng mga ito kaya bumilis na din ang pag-iinom ng mga ito.

Siya hindi na nagpadala pa sa hamon niya kay Diwata. Hindi kasi niya nakikita ang
sense ng paglalasing nila, nadala lang siya kanina sa pang-aalaska ng mga kaibigan
niya.

"Hey, Lance ang hina mo naman yatang uminom ngayon?"pansin sa kanya ni Liegh.

"I'm good, wala ako sa mood maglasing ngayon"sagot nalang niya sa kaibigan niya.

"Hooo....so your having a plan to get laid tonight?"pangbubuyo pa ni Liegh sa


kanya.

"F*ck, hindi ako kagaya mo"sagot naman niya dito.

Tawanan lang ang nakuha niya sa mga kaibigan niya, nakita niya din nakitawa na din
si Diwata sa mga kaibigan niya.

"So. Mr. McDaniel suko ka na agad"sabi pa ni Diwata.

Pinaktitigan muna niya ang dalaga. Mukhang nasisiyahan naman si Diwata sa pagsuko
niya, kaya naman he will give all the satisfaction to Diwata tonight.

"Yes, pero hindi ibig sabihin na mas malakas kang uminom sakin. Sumuko lang ako
kasi wala ako sa mood maglasing ngayong gabi"sagot naman niya na nakatitig sa mga
mata ni Diwata.

Ngayon lang niya napansin na maganda din pala ang mga mata ni Diwata.

Bagay sa maliit niyang mukha.

"Wala ka pala eh, ikaw mag-aayaaya ng inuman tapos aayaw ka."pang-aalaska nito.

Hindi siya nagpadala sa pang-aalaska nito sa kanya bagkus nginitian lang niya ito
ng pagkatamis tamis.

"Wag mo ng pansinin yan Diwata may pagka KJ talaga minsan yan. Dito pa naman kaming
tatlo, ano game ka pa ba?"singit naman ni Leigh.

"Lagyan natin ng pustahan, wala kasing dating kung walang pustahan"sabi pa ni


Diwata.

"Hoy, pulis ka diba. Bakit ka nagyaya ng pustahan. Baka hulihin tayo, sige ikaw
din"biro naman ni Rome.

Tsk lasing na... napailing naman siya sa kaibigan niya.

Sa kanilang apat kasi si Rome ang pinakamahina ang alcohol tolerance kaya naman
hinala niya lasing na ang kaibigan niya ito.

"Hindi yan, kasama niyo naman ako. Your all safe with me"mayabang pang sagot naman
ni Diwata.

Wow, mukhang malapit na ding malasing ang isang 'to. Madaldal na eh. Puna naman
niya kay Diwata.

"Okay, ano naman ang pustahan natin?"tanong ni Leigh.

"Hmmm, kung sino ang unang aayaw o malalasing sa atin siya magbabayad ng lahat ng
ito. tapos gagawin pa ng natalo ang lahat ng gusto ng mananalo. Ano deal?"tinaas
taas pa ni Diwata ang kilay nito.

"Deal!!!"sabay sabay na sagot ng mga kaibigan niya.

"Hindi naman na tayo ang magbabayad ngayon kasi may natalo na...si Lance"sabi pa ni
Leigh.

"Bakit may bago pa ba, ako naman palagi niyong pinagbabayad ng mga naiinom niyo
dito"sarcastic niyang sagot.

Nagtawanan lang ang mga ito maging si Diwata ay nakitawa na din sa mga ito.

Nagpatuloy ang pustahan ng mga ito, siya naman na pinapanood lang ang mga ito
habang dahan dahan lang sa pag-iinom.

Unang sumuko sa tatlo niyang kaibigan si Rome, hindi na nga nito kinakaya bigla
nalang itong napadukduk sa lamesa. Ayon tulog na agad, di naman nagtagal sumunod
agad si Ezekiel. Minuto lang ang pagitan nila Rome at Ezekiel.

Ngayon one on one na sila Leigh at Diwata, pero nakikita niyang matino pa si Diwata
kahit na nakatatlong bote na ito ng hard drink at ngayon nasa ikaapat naman na bote
ng beer. Samantalang si Leigh nasa ikadalawa palang na bote ng hard drink, mukhang
pipikit na din ang mata.

"Kaya pa?"tanong ni Diwata sa kaibigan niya.

"Ako phaa, huh"napangisi pa ang loko at itinaasa ang bote papuntang bibig nito pero
hindi na umabot bigla nalang itong napasubsub sa lamesa.

Nang silipin niya iyon, gaya ng naunang dalawa tulog.

Napailing nalang siya, kala mo kasi kung sinong magagaling uminom hindi naman pala
kaya ang makipagsabayan.

Humahanga naman na napatingin siya kay Diwata na tuloy pa din sa pag-inom ng beer
nito.

"Tigil mo na 'yan, ikaw na panalo"awat niya sa dalaga.

"Wala pala ang mga ito, weak."umiling iling pa ito at nagthumbs down pa.

Natawa naman siya kasi mukhang lasing na din ang dalaga hindi lang nito
pinapahalata.

"Umuwi na Diwata"aya niya sa dalaga.

Tumayo na siya ganon din ang dalaga.

"Pano mga kaibigan mo?"tanong pa sa kanya nito ng naglalakad na sila palabas.


"Matatanda na iyong mga iyon, kaya na nila mga sarili nila"sagot nalang niya.

Pero ang totoo naitawag na niya sa mga assistant ng mga ito at naibilin na ang mga
kaibigan niya.

Nang nasa parking lot na sila palapit na siya sa sasakyan niya ng makarinig siya ng
kalabog. Paglingon niya nakita niya si Diwata nakasandal sa isang sasakyan at
mukhang natutulog na din.

Natawa naman siya sa itsura ng dalaga. Sa sobrang tuwa niya nilabas niya ang
smartphone niya at kinunan ng litrato ang dalaga.

Humanda ka skin bukas... tumatawa pa niyang sabi sa isip niya habang kinukuhanan
ang dalaga.

...................

Maaga siyang nagising kahit na wala naman siyang pasok ngayon sa opisina.

Paglabas niya sa kwarto niya napansin niyang may nakaupo sa may hagdan.

Magtataka na sana niya kung sino ang nakaupo sa hagdan ng ganitong kaaga, pero
nakilala niya agad kung sino ito dahil sa kulay ng buhok.

"Ang aga mo naman nakamuknok dyan?"tanong niya ng malapitan si Diwata.

Nilingon siya nito, kulang nalang mapaupo siya sa gulat ng makita ang itsura nito.

Kalat kasi ang make-up nito partikular na sa eyeshadow at eyeliner nito. Pati na
din ang lipstick nito, magulo ang buhok na galing pagkakatulog o pagkakahiga.

"You like a clown, naluging clown"natatawa pa niyang pang-aasar sa kaharap.

Inirapan siya nito at tumayo na, naglakad ito papasok sa kwartong binigay niya sa
dalaga.

Natatawa na naiiling naman siyang nagpatuloy sa pagbaba, nagtuloy siya sa kusina at


naabutan ang kasambahay nila doon na abala sa gawaing bahay.

"Sir, coffee po?"tanong sa kanya ng isa sa mga ito.

"Yes please"umupo siya at inabot ang newspaper sa lamesa.

Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aalmusal ng makita niyang bumungad sa pinto ng


kusina si Diwata, bagong paligo na ito at maayos na ang itsura nito.

"Ma'am milk po?"tanong ng isang kasambahay kay Diwata.

Kabisado na kasi ng mga kasambahay nila ang gusto ng dalaga.

Hindi niya alam kung talaga bang gusto nito ng gatas sa umaga o kasama sa
pagpapanggap nito iyon.

"Ayoko, Minerva. Gusto ko ng malamig na malamig na malamig na malamig na tubig.


'yong tipo na magkakabrain freeze ako pag ininom ko"sagot naman nito.

Nakangiti naman ang kasambahay nila na sinunod ito.

"Masakit ba ulo mo?"tanong naman niya.


Nagpout ito at nakapangalumbaba na humarap sa kanya. pinagsisilbihan ito ng mga
kasambahay niya at pinaghahain nan g agahan.

"Ano sa tingin mo baby? Ang sakit sakit ng ulo ko. Tapos pinabayaan mo lang ako
kagabi"nakasimangot na sagot nito sa kanya.

"Ako na dito Bevs, kaya ko nay an. Kumain na ba kayo? Sila manang nasaan?"saway pa
nito sa kasambahay nila na naghahain para dito.

"Opo ma'am, tapos na po. Nasa garden po si Manang Lita at Mang Delfin naglilinis at
nagdidilig po"magalang na sagot naman nit okay Diwata.

"Ma'am ito na po ang tubig niyo"ani naman ni Minerva.

"Salamuch, Nervs"nakangiting sagot naman ni Diwata.

Napailing naman siya, si Diwata lang kasi ang nagbibigay ng palaway sa mga tauhan
niya sa bahay. Isama mo pa na madali nitong nakagaanan ng loo bang mga kasama niya
sa bahay.

"Minerva, ikuha mo ng gamut si Diwata"utos naman niya sa kasambahay.

Maganang kumain naman si Diwata matapos ubusin ang tubig na hiningi nito. Tahimik
lang naman niya itong tinititigan habang kumakain.

Habang tumatagal na kasama niya ito mas nakikilala niya ang ugali nito. noong una
naaasar pa siya pero ngayon naman para nasasanay na siyang palagi itong kasama.

Nasanay na nga siya sa tawag nito sa kanya na Baby.

Pakiramdam niya hindi buo ang araw niya kung hindi niya nakikita o nakakasama si
Diwata.

"Wala kang pasok ngayon diba?"nagulat pa siya ng bigla itong magsalita.

Nahuli tuloy siya nitong nakatitig siya dito.

"O-oo"nauutal pa siyang sumagot.

"Hmmm...Good wag kang lalabas ng bahay ngayon. Aalis lang ako sandali"paalam nito.

Napakunot noo naman siya, sa halos dalawang linggo niyang kasama ito ngayon lang
ito nagpaalam na aalis ito na hindi siya kasama.

"Saan ka pupunta?"takang tanong naman niya dito.

"Dyan lang a tabi tabi. Saglit lang ako"sagot naman nito.

"Hindi kita papayagan kung hindi mo sasabihin sakin kung saan ka pupunta"tanggi
naman niya.

Tiningna lang siya nito tsaka umiling. Siguro medyo OA na siya, his kind asound a
possessive jerk boyfriend na pinagbabawalan na lumabas ang girlfriend.

"Hmmm, practice lang"bulong naman ni Diwata na narinig naman niya.

Hindi niya naintidihan kung saan patungkol ang sinabi nito. Para sa kanya,
kailangan kasama siya nito.
"Sama mo nalang ako. Wala naman akong gagawin dito sa bahay"sabi niya habang
nagsisimula na ulit kumain.

"Okay, bahala ka"hindi niya inasahan na ganon lang kadali ang sagot nito.

Naexite naman siyang bigla kaya naman nagmadali na siyang tapusin ang pagkain niya.

Madali lang naman silang nakagayak ni Diwata nasa beyahe na sila ngayon dalawa. Si
Diwata ang nagdrive at hindi naman niya alam ang pupuntahan nilang dalawa.

Habang nasa biyahe sila sobrang tahimik na naman nilang dalawa. Kaya naman nagpasya
siyang mag-open ng topic nilang dalawa.

"Diwata, mind if I ask you something?"panimula niya.

"Okay, ano 'yon?"sagot nito hindi man lang siya tinapunan ng pansin.

"can you tell something about your self. Ang daya kasi, ikaw alam mo na halos lahat
ng info sakin while ako pangalan mo lang ang alam ko."aniya dito.

Simulyapan siya nito ng kaunti at ibinalik ang mga mata sa harap ng daan.

"Seryoso ka sa tanong mo"sagot naman nito pagkalipas ng ilang segundo.

"Oo, mukha bang hindi"aniya.

"Ano naman ang gusto mong malaman tungkol sakin?"tanong naman nito.

"Kahit ano,if Diwata ba talaga pangalan mo, kung totoo ang edad mo na sinabi sakin.
Sino mga magulang mo something like that"wala sa loob niyang sagot.

Para naman gusto niyang murahin ang sirili niya sa mga sinabi niya. It's kind a
weird for him to ask such things, para siyang nagtatanong ng galing slumbook ng
isang teenager.

"Diwata Mayumi Demaguiba, iyan talaga ang pangalan ko 24 years old from Nueva Ecija
talaga ako. Hindi naman ako nagbibiro pagdating sa pangalan ko at edad."nakangiting
sagot nito.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng hindi naman nito pinansin ang pagkacheesy ng
tanong niya.

"Hmmm, bakit ka nagpulis?"another question from him.

"ahh, My father is a policemen, may mother is also a policewoman, same as my two


big brother ano pa nga ba aasahan mo sa bunso edi magpulis din"nakangisi naman
paliwanag nito.

Holy Shit, pamilya ng pulis. Ang hirap sigurong manligaw kay Diwata kung nagkataon.
Naisip niya.

Wait did he said manligaw?.

Siguro nga nababaliw na siya.

Dalawang linggo pa lang niyang kasama si Diwata naiisip na niya ang mga ganoon
bagay. No bata pa siya he's only 26 years old for f*ck sake. Palagi nga nilang
pinag-uusapan na magkakaibigan na kung mag-aasawa na sila sa edad na 40 years old
sila magse-settle down. Not in 26, oh no marriage naman ngayon ang naiisip niya.

I must be crazy...
Six
            

Six

Lance's POV

Sa isang shooting range sila nagpunta ni Diwata, ito pala ang sinasabi nitong
practice.

Sinalubong sila ng apat na lalaki, ang isa sa mga ito nakita na niya kagabi.

"Reyes sigurado kang walang nakasunod samin?"tanong ni Diwata sa kausap nito


kagabi.

"Yes bossing, walang nakasunod sa inyo. Safe si Boss Lance dito."nakangisi pang
sagot ng tinawag na Reyes ni Diwata.

"Mr. McDaniel, meet my team. Ito si Kevin De Gracia- PO2 , Johnny Reyes – SPO1,
Roberto Dela Cruz – SPO1, at George Lim – PO2 sila ang mga kasama ko sa lahat ng
mga lakad ko. Meaning kasama ko sila sa pagbabantay sayo. Hindi mo nga lang sila
makikita madalas kagaya ko."pagpapakilala naman ni Diwata sa mga kasamahan nitong
pulis.

"Nice meeting you guys, I'm Lance McDaniel"pakilala naman sa sarili niya.

"Kilala ka na namin boss"masayang turan naman noong Kevin.

Nginitian lang niya ang mga ito. wala naman kasi siyang mahanap na sasabihin sa mga
ito.

Nagsimula ng maglakad ang mga ito at pumasok na sa loob ng shooting range.

Nagtigi-tigisang cubicle ang mga ito hindi niya alam kung saan siya papasok, kasi
sa totoo lang hindi pa siya nakakapasok sa lugar na iyon. Lalo na hindi pa siya
nakakahawak ng totoong baril.

Anong magagawa niya, isa siyang negosyante hindi naman siya pulis kaya ano naman
ang rason niya para magkaroon ng baril.

"Hey, dito ka sa tabi ko. Tuturuan kitang gumamit ng baril"tawag sa kanya ni


Diwata.

Kaya naman nilapitan niya ito, binigyan siya nito ng earmuffs or ear plugs at
shades.

Tumabi lang siya sa bandang kanan ng dalaga pinanood lang niya ito sa ginagawa
nitong pag-aasemble ng baril nito.

Nakakakita naman na siya ng mga ganito, kaso sa Tv lang niya ito napapanood ngayon
lang siya nakakita ng personal na nag-aasemble ng baril.

Hindi naman sa inosente siya sa mga ganitong bagay, sadyang hindi lang siya mahilig
sa mga ganitong Gawain.

"Nakahawak ka na ban g baril Mr. McDaniel?"tanong sa kanya ni Diwata.


"Lance, you can call me Lance"iba ang sagot niya.

"Okay, Lance nakahawak ka nan g baril?"ulit nito sa tanong nito.

"Oo, pero hindi ko pa natry na magpaputok."honest niyang sagot.

Tatangu-tango naman ito at binaling ang atensyon sa harapan nila. Walang anu-ano
bigla itong nagpaputok ng tatlong sunod sunod.

"Nakita mo iyon, ganon magpaputok ng baril"nakangisi na baling nito sa kanya.

"Haha, funny. Ano naman tingin mo sakin, hindi marunog magpaputok ng baril."naiinis
niyang sagot.

"Joke lang, ito hindi mabiro. oh"iniabot sa kanya nito ang hawak na baril.

Alangan man pero inabot na din niya ang baril.

"Okay, aim your fire boss"utos naman nito.

Siya naman ginawa ang inutos nito, itinutok niya ang baril sa target sa harapan
niya.

"Nanginginig ka boss"puna naman ni Diwata sa kanya.

Nagtungo ito sa bandang likuran niya at walang sabi-sabi na hinawakan ang kanyang
mga kamay. Sa pwesto nilang dalawa parang nakayakap sa kanya si Diwata. Mas lalo
siyang kinabahan.

"Hawakan mong mabuti ang baril, asintahin mong mabuti ang papuputukan mo. Kapag
nakuha mo na ang tamang angulo saka mo kalabitin ang gatilyo."instruction sa kanya
nito na ang mata ay nasa harapan.

Samantalang siya naman hindi maalis ang tingin sa dalaga, tutuk na tutuk ang mata
niya sa mukha nito habang nagsasalita ito. sobrang lapit kasi nito sa kanya, kaya
naman amoy na amoy niya ang mabango nitong anoy maging ang hininga nito.

"Hoy, natulala ka na dyan"sita sa kanya ni Diwata.

Nakakahiya nahuli siya nitong nakatitig sa mukha nito.

"Pano na ulit?"pag-iiba niya ng usapan.

Inulit lang nito ang sinabi sa kanya kanina, siya naman pinilit na ituon doon ang
atensyon niya para naman ma divert ang tumatakbo sa isip niya.

Halos kalahating araw silang naroon sa shooting range. Siguro naka tatlong load
naman siya ng magazine ng baril bago siya umayaw. Wala kasing kahit isa na tumama
sa target nila, hindi naman siya tinawanan ni Diwata, pero feeling niya deep inside
ng dalaga tinatawanan siya nito.

Lalo pa siyang natahimik ng makita niya kung gaano kagaling sa pag-asinta asi
Diwata.

Naisip niya kung ipapakita pala niya ang mga picture ni Diwata na kinuha niya
kagabi baka bigla nalang siyang paputukan nito sa noo niya ng hindi niya
namamalayan.
Kaya naman nagpasya siyang burahin nalang ang mga iyon kapag nahawakan niya ulit
ang cellphone niya. mahirap nab aka biglang pakialaman ng dalaga ang cellphone niya
makita pa ang litrato. Lagot siya kung nagkataon.

"Hindi pa ba tayo aalis?"naiinip na niyang tanong ng bandang makapananghali na.

Nagugutom na din kasi siya, samantalang ang mga nandoon na kasama niya parang
walang ibang importante kundo ang pagta-target shoot ng mga ito.

"Aalis na, saan mo gustong pumunta boss?"sagot sa kanya ni Diwata.

"Restaurant"sagot niya habang tumatayo na siya.

Tahimik lang silang dalawa habang nasa biyahe silang dalawa. Hanggang sa makarating
sila sa loob ng restaurant ay walang nagtatangkang magsalita sa kanilang dalawa.

Hindi naman nila kasama ang apat na ka-team ng dalaga.

"So, nakasunod lang satin palagi ang mga kasama mo?"pagbabasag niya sa katahimikan
ng makaorder na sila.

"Oo, andyan lang sila sa tabi tabi"sagot naman nito.

Tatangu-tango naman siya, wala na kasi siyang maisip na pag-uusapan nila.

"Pwedeng magkatanong?"si Diwata naman ngayon ang naunang magsalita.

"Ofcourse"sagot naman niya.

"Di ba ako nanalo kagabi?"tanong nito.

Noong una hindi pa niya maalala ang sinasabi ng nito, pero bigla niya din naalala
ang inuman na may kasamang pustahan kagabi. Siya ang natalo at si Diwata naman ang
nanalo.

"Yes, why?"

"Di ba ang usapan gagawin lahat ng natalo ang ipapagawa ng nanalo"paalala pa nito.

"Yes"sagot niya na may kasama pang pagtangu.

"Hmmm. So susundin mo lahat ng ipapagawa ko?"pangungulit pa nito.

"Oo na nga diba. Ano ba kasi ipapagawa mo?"naiinip na niyang tanong paulit-ulit
lang kasi ang sinasabi ng dalaga.

"Wala pa akong naiisip, basta sasabihin ko nalang sayo kapag may naisip na
ako."sagot nalang nito.

Magsasalita pa sana siya kaso dumating na ang order nila kaya naman hindi na siya
nagsalita pa at nagsimula na silang kumain.

"Anong favorite mong pagkain?"tanong sa kanya ni Diwata habang kumakain sila.

"Nothing in particular, kahit ano naman kasi basta masarap kakainin ko"sagot niya.

"Ahh, bakit hanggang ngayon wala kang girlfriend?"sunod na tanong nito na


nagpasamid sa kanya.
Buti nalang napigilan niyang ibuga ang kakasubo pa lang niyang pagkain sa mukha ng
dalaga.

"Anong nakakagulat sa tanong ko"nakatawang sita sa kanya ng dalaga.

"Ano naman din kasing connect ng favorite kong pagkain sa hindi ko pa pagkakaroon
ng girlfriend?"angil naman niya ng makabawi na siya sa pagkabigla.

"Hahaha, wala pero gusto ko lang malaman. Nakalagay kasi sa folder mo na wala ka
pang nakarelasyon. Nacurious lang ako kaya natanong ko lang, pati 'yong favorite
mong pagkain wala kasi doon"natatawang paliwanag nito.

"Tsk...I just find it weird"sagot niya.

"Weird? Ang alin ang tanong ko o ang pagkakaroon ng girlfriend?"takang tanong sa


kanya ni Diwata.

"Both"sagot niya tapos uminom ng wine.

"Ops, magdi-drive ka pa wag kang masyadong uminom alak"awat sa kanya ni Diwata sa


pag-inom ng wine.

"Its just a wine, isa pa isang baso lang naman ang iinumin ko"natatawa niyang sagot
sa dalaga.

"Kahit na, mahirap na baka malasin ka"pagpupumilit na naman ni Diwata.

Ewan ba bakit parang may kung ano sa utos ng dalaga at sinunod niya ang sinabi
nito. itinigil niya ang pag-inom ng ng wine at nagconcentrate nalang sa pagkain.

"Sagutin mo na ang tanong ko"pangungulit na naman ni Diwata sa kanya.

"Ano ba sa mga tanong mo ang sasagutin ko"

"Bakit hindi ka pa nagkakagirlfriend?"ulit na naman sa kanya nito ng tanong.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa dalaga. Parang may iba sa kanya ngayon
kasi naman ang kulit talaga ng dalaga ngayon. Ibang iba sa unang pagkakakilala niya
dito na seryoso lang palagi kapag silang dalawa lang ang magkasama.

"What wrong with? Bakit ang kulit mo yata ngayon?"takang tanong niya sa dalaga.

Nakita niyang pinamulahan ito ng mukha.

"Di wag mo ng sagutin"iwas naman nito.

Napangiti siya sa naging reaksyon ni Diwata.

"Hindi ko pa nakikilala noon ang babaeng gusto kong makasama, I believe in true
love. Sabihin mo ng corney ako pero sa tingin ko, true love exist. And I intend to
wait for the right girl for me"paliwanag niya.

"Sa tanda mong iyan naniniwala ka sa ganon?"manghang tanong sa kanya ni Diwata.

Nginitian naman niya ito ng sobrang tamis.

"Oo, ikaw ba nagkaboyfriend na?"ganting tanong niya.

"Wala pa sa isip ko 'yan. Nag-eenjoy pa ako sa trabaho ko"walang gatol na sagot


naman nito.

"Wala pang nagtangkang ligawan ka?"siya naman na ngayon ang curious sa dalaga.

"Meron, kasi hindi naman nagtutuloy. Kasi basted na agad sakin."anito.

"Bakit naman?"tanong niya muli.

"Wala pa kasi sa isip ko ang love life. Kita mo nga kung may boyfriend ba ako
ngayon papayag ba iyon na nandito ako sa Manila tapos nagpapanggap na girlfriend
mo. Gusto ko kapag makikipagrelasyon na ako 'yong willing na din akong magresign at
magpakasal"paliwanag nito habang kumakain sila.

Napaisip naman siya habang pinagmamasdan ang dalaga. Wala na naman kasi siyang
maisip na sabihin o mapag-usapan nila.

Hindi naman siya ganoon dati, kasi naman kapag ganitong usapan hindi siya nauub
usan ng topic. Pero siguro may pinipili din, nagging makwento lang naman kasi siya
sa mga kaibigan niya.

Iyon siguro ang dahilan kaya natatahimik siya pagkaharap niya si Diwata.

"Shit!!!"mahina at pabulong na mura ni Diwata.

Kahit na ganoon narinig pa din niya ito, wala naman na siyang matandaan na pinag-
usapan nila para mag mura ang dalaga.

.................

Third Person's POV

"Bossing may bisita tayo"narinig ni Diwata sa kanyang earpiece.

"Shit"mura naman ni Diwata sa narinig.

Kasalukuyan kumakain ng tanghalian sila Diwata at Lance.

"Shit, kala ko ba walang nakasunod samin?"mahinang tanong ni Diwata sa kausap niya.

"Nasa bandang kaliwa mo bossing"info naman sa kanya ni De gracia.

"Ilan sila?"tanong niya dito.

"Nasa anim silang sa loob, may nakapaikot pa sa labas"sagot nito.

"Ay! T*ng*na naman, gawan niyo na ng paraan iyang nasa labas ako ng bahala dito sa
loob."naiinis utos ng dalaga sa mga kasamahan nito.

"May problema ba Diwata?"takang tanong naman ni Lance sa kaharap.

Ngumiti lang ito sa kanya at umiling.

"Tapos ka na bang kumain, baby? Tara magmall, bili mo naman ako ng gusto
ko"paglalambing naman ni Diwata.

Alam na ni Lance na may hindi tama sa kinikilos ng dalaga, tinatawag lang naman
siyang baby nito kung may nakaharap silang ibang tao na hindi alam ang pagpapanggap
nila.
"Okay"sang-ayon nalang ni Lance kay Diwata.

Agad naman na tumayo si Diwata na sinundan naman ni Lance. Kahit na hindi pa nila
nakakalahati ang kinakain nila ay umalis na sila, nang may makasalubong na waiter
si Lance nag-abot siya ng pera dito para pangbayad sa bill nila.

Deretso lang sila sa sasakyan ni Lance. Si Diwata ang nagprisintang magdrive sa


kanilang dalawa.

"Anong nangyayari?"tanong agad ni Lance ng makasakay na silang dalawa.

Wala na kasi ang listening divice at hidden camera sa sasakyan ni Lance kaya naman
malaya na silang mag-usap sa loob ng sasakyan niya.

"May nakasunod sa atin"sagot lang ni Diwata.

"What? Hanggang ngayon ba din ba hindi pa din sila tumitigil?"naasar na sagot naman
ni Lance.

"Oo, hangga't hindi ka nila nakukuha o napapatay hindi sila titigil"sabi ni Diwata.

Mabilis ang pagpapatakbo na ginawa ni Diwata, nag-eenjoy pa nga siya kasi sports
car ang dinadrive niya ngayon, kaya ramdam niya ang bilis ng sasakyan.

"Hey, slow down will you. Baka hulihin ka ng pulis"saway naman sa kanya ni Lance.

"Alam mo, pabebe ka. Ang ganda ng sasakyan mo, mabilis tapos ayaw mo ng mabilis na
takbo. Saka wag kang kabahan, ano ba ako. Di ba pulis"sagot pa ni Diwata.

"I just want to be safe"ani naman ni Lance.

"Trust me boss, akong bahala sayo. Just sit back and relax. Walang mangyayari sayo
basta kasama mo ako"mayabang pang sagot ni Diwata.

Para namang expert na car racer si Diwata kung magpatakbo, buti nalang hindi pa
rush hour sa Metro Manila kaya wala pang traffic. Mabilis ang patakbo ni Diwata
dahil na din gusto niyang mailigaw ang mga sumusunod sa kanila.

Sa tingin niya tatlo hanggang apat ang sasakyan na nakasunod sa kanila ngayon.

At mukhang gaya ng dalaga magaling din ang mga ito sa pagmamaneho hindi kasi sila
nakakalayo sa mga ito at talagang nakakadikit lang ang mga ito sa kanila. Kaya
naman naisipan ng dalaga ng maghanap ng lugar na malayo sa mga building ng
Kamaynilaan.

"Hey, palabas na tayo ng manila"sita ni Lance kany Diwata.

"Oo, hindi naman tayo pwedeng makipaggitgitan sa kanila dito. madaming madadamay na
inosenteng tao kung magkataon."sagot ni Diwata.

Panay ang tingin niya sa rear mirror para hanapin kung nakasunod ang mga kasamahan
niya.

"anong plano mo?"kinakabahan na tanong ni Lance.

"Patahimikin silang lahat"nakangising sagot naman ng dalaga.

"Bossing, nasa likod mo lang kami"ani Reyes.


Nang makalabas na sila ng Manila at nasa isang lugar na sila na halos napapaligiran
na ng bukid ang daan, nakarinig na sila ng putok ng baril.

"Shit, YUKO!!!"sigaw ng dalaga.

Agad naman napayuko ang binata.

"Kainis, Reyes, Degracia. Asan na kayo pinapaputukan na kami"kausap ni Diwata sa


mga kasamahan niya.

"Nakikipagpalitan na din ng putok bossing"boses iyon ni Degracia.

Nang lingunin ni Diwata ang likod niya may dalawa pa din sasakyan na nakasunod sa
kanila. Nakita pa niyang may nakalitaw na dalawang lalaki sa bawat sasakyan at
nakaturo ang mga baril ng mga ito sa kanila.

"Shit!!!"mura ng babae dinukot na nito ang baril niya sa kanyang bewang at gumanti
na ng putok.

"Lance, hawakan mo ang manibela"utos ni Diwata kay Lance.

Kinakabahan man ginawa naman ni Lance ang inutos sa kanya. deretso lang tingin niya
sa daan habang si Diwata naman at nakikipagpalitan ng putok sa sumusunod sa kanila.

Nang bumalik na si Diwata sa pagkakaupo hindi nito hinawakan ang manibera naglo-
load ito ng magazine ng baril.

"Ihinto mo dyan sa tabi"utos pa ni Diwata kay Lance.

"Are you crazy? Bakit ko ihihinto dyan sa tabi ang sasakyan, edi pinaulanan nila
tayo ng bala"hindik naman na sagot ni Lance.

"Ako bahala sayo basta ihinto mo dyan sa tabi, wag kang bababa"utos pa din ni
Diwata.

Wala naman nagawa si Lance ng bigla nalang nagbrake si Diwata kaya naman kinabig
niya ang manibela sa papunta sa isang tabi.

Mabilis ang naging kilos ni Diwata, bumababa ito sa sasakyan at walang takot na
sinalubong ang mga sasakyan na nakasunod sa kanila, inasinta naman ng dalaga ang
driver ng bawat sasakyan.

Walang kahirap hirap na napatamaan niya ang mga driver ng bawat sasakyan, lahat sa
noo ang tama kaya naman napahinto ang sasakyan ng mga ito bago pa makaabot sa
kanya.

May mga nakaligtas pa din na mga lulan ng sasakyan kahit na ang ilan ay nabangga na
sa poste at sa center island ang mga ito.

Nakipagpalitan pa siya ng putok sa mga ito, dahil sa akin na galing pag-asinta ang
dalaga lahat ng kabarilan niya at sa noo lahat ang tama.

Ending lahat ng humahabol sa kanila ngayon nakabulagta na ngayon at naliligo na sa


sariling dugo.

Kinikilabutan naman si Lance habang pinapanood niya ang ginagawa ng dalaga sa


labas.

Puno din ng paghanga ang paraan ng pagtingi ni Lance kay Diwata. Kakaiba talaga ang
dating ng dalaga.

"Astig"bulong pa ni Lance.

Nang makita ni Lance na okay na at nakatumba na ang lahat ng kalaban ni Diwata doon
lang siya lumabas ng sasakyan para tingnan ang lagay ng dalaga.

"Are you okay?"puno ng pag-aalala na tanong ni Lance kay Diwata.

"Oo naman ako pa"mayabang nasagot ni Diwata kay Lance.

Pero ang totoo may daplis ng bala sa may tagiliran ang dalaga. Nakaitim lang kasi
ito ng damit at jacket kaya naman hindi pansin ang sugat niya.

Doon naman dumating ang mga kasamahan ni Diwata.

"Anak ng tipaklong, ang astig mo talaga bossing. Napatumba mo lahat ng mga ito ng
mag-isa."puri pa ni Degracia kay Diwata.

"Para ka namang bago, kilala mo naman si bossing Diwata natin. Malinis


magtrabaho."si Reyes ang sumagot.

"Tama na iyan, Lim at Dela Cruz linisin niyo na ito. Reyes tumawag ka ng back up
para may kasama sila Lim dito."utos naman ni Diwata sa mga kasama.

Napansin ni Diwata si Lance na nakatitig sa isa sa mga nakahigang bangkay sa


kalsada.

"Anong problema Lance?"lumapit na ang dalaga dito.

"He looks familiar"turo naman ng binata sa tinitingnan nito.

"Kilala mo?"takang tanong naman ni Diwata.

"I don't think so, para lang nakita ko na siya hindi ko lang alam kung saan ko siya
nakita"paliwanag ni Lance.

"Degracia!!!"tawag ni Diwata sa kasamahan.

"Yes bossing?"tumatakbong lumapit sa dalawa ang lalaki.

"Iback ground check mo lahat ng mga ito. Pangalan, edad, tirahan, saan
nagtatrabaho, kanino nagtatrabaho lahat kailangan ko iyon bukas"utos ni Diwata sa
kasama.

"Yes Ma'am"sumaludo pa ito bago sila iniwanan.

"Tara na Lance, hindi tayo dapat abutan dito ng mga pulis. Hindi dapat mangkaroon
ng record ito masisira ang takbo ng imbestigasyon kung magkakataon"paliwanag naman
ni Diwata.

Tumango lang ang binata at sinundan na ang dalaga papunta sa kotse ng binata.

Bago sumakay si Diwata pasimple niyang binulungan si Reyes.

"Reyes, papuntahin mo si Kuya Andres sa bahay ni Lance. May ipapagawa lang ako sa
kanya. ituro mo nalang, dalin kamo ang mga gamit niya"utos niya sa kasama niya.

"Bakit Boss may tama ka ba?"nag-aalalang tanong ng binata kay Diwata.


Tinapik ni Diwata ang balikat ni Reyes at nginitian ito ng pilit na nauwi sa ngiwi.

"Daplis lang, kaya pa basta ang bilin ko. Walang dapat makaalam ng lahat ng ito.
alam mo naman ang imbestigasyon natin on going pa lang"bilin pa ni Diwata bago niya
iwan ang mga kasama niya.

Si Lance na ang nagdrive pauwi sa bahay niya. halos dalawang oras din ang tinagal
ng biyahe nila dahil na rin nagsimula na ang traffic sa kamaynilaan. Tahimik lang
ang dalawa sa biyahe nila, si Lance dahil sa iniisip nito ang nangyari kani-kanina
lang. samantalang si Diwata naman ay nanghihina na sa dami ng dugo na nawawala na
sa kanya.

Nang makarating sila sa bahay ni Lance napansin ni Lance ang pamumutla ng mukha ni
Diwata, pero bago pa man niya ito sitahin nakababa na ang dalaga sa sasakyan.

Napansin ni Lance na parang basa ang upuan ng sasakyan niya. dahil black leather
ang cover ng upuan nito kumintab lang ang sa tingin niya ay basa sa upuan. Nang
hipuin niya kung ano iyon nagimbal ang binata ng makita niyang dugo iyon.

Nagmamadali namang bumaba si Lance para sundan si Diwata, nakita na niya itong nasa
kalagitnaan na ng hagdan paakyat sa ikalawang palapag.

"Hey Diwata!!!"tawag niya sa dalaga.

Nanghihina naman na nilingun ni Diwata si Lance. Gusto na niyang makapasok sa loob


ng kwarto para matingnan na niya ang sugat niya.

"Bakit?"mahina na ang boses ng dalaga.

Nangmamadaling nilapitan ni Lance si Diwata, nang nakatapat na si Lance sa dalaga


inilalayan niya ito.

"Saan ang tama mo, bakit hindi mo sinabi sakin. Dadalin na kita sa ospital"sunod
sunod na salita ng binata.

Akmang bubuhatin na niya ang dalaga ng pigilan ni Diwata si Lance.

"Hindi pwede, masisira ang plano. Parating na ang gagamot sakin. Daplis lang ito
kaya wag kang OA. Kaya koi to. Dalin mo nalang ako sa kwarto para malinisan ko na
ang sugat"halos bulong nalang ang nagawang pagsagot ni Diwata.

Nagdadalawang isp man sinunod naman ni Lance ang sinabi ng dalaga sa kanya. binuhat
na niya ang dalaga papunta sa loob ng kwarto nito.

............

A0A3B17X

Seven
            

Seven

Diwata's POV

Nanlalabo na ang mata niya habang paakyat na siya sa hagdan buti nalang to da
rescue naman si Lance sa kanya. kaya bago pa siya mawalan ng malay nabuhat na siya
ni Lance papunta sa kwarto.
"What am I gonna do?"nag-aalala at nagpapanic na si Lance.

Lalo naman siyang nahilo sa kakalad ni Lance ng paroon at parito nito.

"Kumuha ng ka malinis na tubig, iyong medyo maligamgam lang. Tapos panlinis ng


sugat"nanghihina na niyang utos.

Ang slow naman kasi nito, alam na nga nito na may sugat siya tapos hindi pa ito
kumilos para gamutin siya.

Nakapikit na siya at iniinda niya ang kirot ng sugat niya, pinakiramdaman naman
niya ang sugat niya sa palagay naman niya daplis lang ito. nakarinig siya ng
pagbukas at pagsara ng pinto, at pagbukas at pagsara ulit ng into.

Hindi na niya magawang imulat ang mga mata niya sa sobrang pamimigat ng talukap ng
mata niya.

"Diwata, hey wake up"naramdaman niyang may nagyuyug-yug sa kanya.

Pilit niyang iminulat ang mata niya. nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Lance.

"F*ck those bastard, wala na akong pakialam kung masira na naman ang plano, basta
dadalin nalang kita sa ospital"sabi pa nito.

"Shit ka naman eh, ang nagpapahinga lang ako. Okay ako wag kang OA dyan"sermon
niya.

Pinilit niyang tumayo at sinimulan na tanggalin ang jacket niya. Napansin siguro ni
Lance na hirap siya kaya naman tinulungan siya nitong mangtanggal ng jacket.

Nang matanggal niya ang jacket niya sinunod naman niya ang blouse niya.

"Fvck!!!!"mura naman ni Lanca ng makita nito ang sugat niya.

"Ang arte mo naman, asan na ang tubig?"angil naman niya sa binata.

Wala naman nagawa ang binata kundi ang tulungan siya, ito na nga ang naglinis ng
sugat niya.

"Masyadong malalim ang sugat mo Diwata, its better we go to the hospital. Wag ng
matigas ang ulo mo"sermon sa kanya ni Lance habang patuloy pa din ito sa paglilinis
ng sugat niya.

"Nasisiraan ka na ba, pagdinala mo ako sa ospital masisira lahat ng pinaghirapan


natin. Mabubuking ng gustong pumatay sayo ang disguise ko. Kaya ko naman na ito,
parating na ang gagamot sakin. Basta linisin mo lang ang sugat ko"angil na naman
niya.

Hindi siya papayag na mabulilyaso ang trabaho nila, dalawang linggo na nilang
tinatrabaho ito kaya dapat lang na mag positive out come ang lahat. Isama pa na
hindi siya sanay na hindi maganda ang resulta ng trabaho niya.

"Ang tigas ng ulo mo"pagalit na sabi ni Lance.

"Oo alam ko iyon"ani naman niya.

Nalinisan na nito ang sugat niya at nabendahan na din nito iyon kahit papano naman
ay natigil ang pagdurugo ng sugat niya. napalitan na din siya nito ng damit.
Hindi naman siya iniwanan ni Lance sa loob ng kwarto niya hangga't hindi pa
dumating ang Kuya niya para tingnan siya.

"This is crazy, dapat dinadala na kita sa ospital ngayon. But look what I'am doing,
hinihintay ang kung sinong pupunta dito para gamutin ka. Saan ba manggagaling ang
hinihintay natin at bakit hanggang ngayon wala pa siya gayon mukha kang mauubusan
ng dugo dyan"maya maya'y nagsalita na naman si Lance.

"Sa Nueva Ecija"mahinang sagot niya.

Sunod sunod naman na nagmura si Lance sa sinagot niya. ngayon lang niya nakita ang
ganoong ugali ng binata. Usually kasi kalmado lang ito o kaya naman ay tahimik lang
ito kapag kasama niya.

Nakita niya noon na mukhang galit ito noong unang beses na nagkita sila pero slight
lang. Hindi katulad ngayon na kala mo magbubuga na ito ng apoy mula sa ilong at
mukhang any time kakain na ito ng buhay na tao sa sobrang galit.

"No, you will listen to me. Dadalin na kita sa ospital sa ayaw at sa gusto mo"gigil
na lumapit ito sa kanya at akmang bubuhatin na siya nito ng may kumatok sa pintuan.

"Come in"siagw naman ni Lance.

Si Minerva ang pumasok, bakas ang pagkagulat at pagtataka sa mukha nito. alam naman
niya ang dahilan nagkalat pa kasi sa tabi niya ang ginamit ni Lance ng linisin nito
ang sugat niya kaya kitang kita nito ang mga dugo na nakakalat.

"S-sir may nagha-hahanap p okay Ma'am Diwata sa ibaba"nauutal na salita ni Minerva.

Tiningnan naman siya ng masama ni Lance.

"Anong pangalan?"tanong naman niya kay Minerva.

"Andres daw po Ma'am"sagot ni Minerva.

"Pasuyo naman Nervs pakituro naman siya dito"pakiusap niya sa dalaga.

Tumango lang ito at iniwanan na sila ni Lance.

"Its him"bulong naman niya sa binata.

Kaya naman tumayo na ng maayos ang binata sa side niya at hinintay kung sino ang
bagong dating. Ilang minuto lang bumukas muli ang pinto at iniluwa noon ang kanyang
kuya na madilim ang mukha.

Gaya ni Lance mukhang galit na galit din ito sa kanya. walang Sali-salita na
lumapit ito sa kanya at hindi na naghintay ng paliwanag na iniangat nito ang damit
niya.

Sanay naman na siya sa kuya niya na ganoon ito.

"Hey!!! Can you be more careful"angil ni Lance sa nakitang ginawa sa kanya ng kuya
niya.

Hindi naman ito pinansin ng kuya niya at patuloy lang ito sa ginagawa. Napangiwi pa
siya sa paraan ng paghiklat nito ng gawa para tingnan ang sugat niya.

"Pasalamat ka daplis lang"pagalit na salita ng kuya niya.


Nagdadabog na binuksan ng kuya niya ang bag na dala nito at nilabas ang lahat ng
kailangan nito para gamutin siya.

"Oh nganga"utos nito sabay lagay ng isang nakarolyong tela sa bibig niya.

Kinabahan naman siyang bigla, alam na niya ang mga susunod na mangyayari.

"URGH!!!"impit na daing niya, nakagat niya ng sobrang diin ang tela sa bibig niya
ng biglang dukutin ng kuya niya ang sugat niya.

"FVCK!!!"sigaw na mura naman ni Lance ng makita ang ginawa ng kuya niya.

Lalapitan na sana ni Lance ang kuya ng pigilan niya ito. nahihirapan man siya
umiling siya bilang signal sa binata.

"Can't you see your hurting her"pasigaw na turan ni Lance sa kapatid niya.

Tiningnan lang ng masama ng kuya niya si Lance at tinuloy ang ginagawa. Lalong
itinaas ng kuya niya ang damit niya para simulan na siyang gamutin nito.

"Hey, baka nakakalimutan mo babae si Diwata, you should be more careful to her.
Halos makita na ang katawan niya"angil na naman ni Lance.

Para namang walang narinig ang kapatid niya at pinagpatuloy ang lahat ng ginagawa
nito.

"Ang tigas din ng ulo mo, nagpakafeeling action star ka na naman siguro"pagalit na
sermon sa kanya ng kuya niya.

Nang matapos na dukutin at masiguro nito na walang bala sa loob ng sugat niya
kinuha na nito ang pantahi ng sugat.

Walang ani-anistisyang tinahi ng kuya niya ang sugat niya, panay naman ang impit
niyang daing sa ginagawang parusa sa kanya ng kuya niya.

Ganito naman palagi ang kuya niya hindi lang sa kanya maging sa isa pa niyang kuya
na si Dominador kapag nasusugatan silang magkakapatid ito ang gagamot sa kanila.

Nakapag-aral kasi ito ng first aid sa ibang bansa, nag-aral din ng ilang taon sa
kursong medisina ang kuya niya pero hindi nagtuloy kasi mas matimbang ang
pagpupulis sa puso nito.

"Shit, alam mob a ang ginagawa mo?"hindik na hindik na tanong ni Lance sa kuya
niya.

"Believe me alam ko, hindi ako tatawagin ng malditang ito kung wala itong tiwala
sakin"nanggigigil na sagot ng kuya niya kay Lance.

Nagpalakad lakad naman si Lance na halata ang gulat at pag-aalala sa mukha nito.

Nang matapos ng tahini ng kuya niya ang sugat niya pabalya nitong tinanggal ang
tela sa bibig niya.

"Kailangan mong masalinan ng dugo, putlang putla ka na meaning madami ng dugo ang
nawala sayo"sabi pa ng kuya niya.

"Anong type ng dugo ang kailangan ni Diwata?"si Lance ang sumagot para sa kanya.
"AB+"sagot ng kuya niya habang nagsisinop ito ng gamit nito.

"I'm an AB+. I can donate, pero wala tayong gamit dito"nanghihinayang na sagot ni
Lance.

"Okay, don't worry meron ako, halla! sige higa"maangas na utos ng kuya niya.

Naiiling naman siya sa inaasta ng kuya niya, ngayon lang ito actually naging
ganito.

"Diwata, are you okay now?"nag-aalala pa ding tanong sa kanya ni Lance.

Nanaghihinang tinanguan lang niya ito, pinilit niyang ipikit ang mata niya, gusto
na niyang matulog at magpahinga.

Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na siya.

....................

Lance's POV

"Ito ang bibilin mo na gamot ni Diwata, palagi mong papalitan ng gasa at lilinisin
ang sugat niya everyday. Ipatawag mo nalang ako sa kanya kung may magiging
problema. Pero sa tingin ko bukas lang okay na ulit 'yan"bilin sa kanya ng lalaking
tumingin kay Diwata.

Kakatapos lang niyang magdonate ng dugo, pero pinilit niya ang sarili na tumayo at
kausapin ang lalaking nagngangalang Andres.

Nahihiya kasi siya, siya ang dahilan kung bakit may tama ng baril si Diwata. Siya
ang lalaki pero ang nagtanggol sa kanya ay babae. Muntikan pang manganib ang buhay
ng dalaga ng dahil sa kanya.

Simple lang naman ang ginawa niyang pagdo-donate ng dugo alangan namang mag-inarte
pa siya. Kung si Diwata nga, halos maubusan ng dugo kinakaya pang maglakad kanina.

"Okay, salamat"sagot niya.

Wala siya sa mood na makipagbangayan pa sa kaharap niya ngayon. Nanghihina pa kasi


siya.

"May pagka action super star talaga si Diwata. Sanay na kami dyan, alam kong
nabigla ka kanina nangyari. Part ng trabaho namin ito kaya wala kang dapat
ipagngamba."paliwanag sa kanya nito.

Nakita naman niyang mukhang mabait ang binatang kausap niya, kanina lang mukha
itong sinasaniban sag alit marahil.

"If you don't mind, may I ask you. Kaanu-ano mo si Diwata?, bakit ikaw pa din ang
tinawag niya para gumamot sa kanya kahit na sa Nueva Ecija ka pa
manggagaling"deretso na niyang tanong dito.

Tumawa naman ng malakas ang kausap niya. parang bigla naman siyang nainsulto sa
pagtawa nito. may mali ba sa tanong niya.

"Selos ka ba?"tanong pa nito sa kanya.

Aba't!!!. napapikit naman siya, pilit niyang kinakalma ang sarili niya.
Siya magseselos, bakit ano ba sila ni Diwata. Hindi ba isa lang naman silang mag-
amo kung tutuusin. Siya ang amo at si Diwata ang body guard niya. bakit naman siya
magseselos.

"Do I look like a jealous guy here?"seryosong tanong niya dito.

"Oo, sige aalis na ako. Ingat mo na sa susunod si Diwata. Kapag feeling action star
na naman itali mo na sa bewang mo ng hindi naman na niya ako abalahin pa may
trabaho din naman ako. Pakisabi nalang sa kanya"at iniwan siya nito.

Nang makaalis na ito, nagpasya naman siyang bumalik sa taas at tingnan si Diwata.
Nag-utos na din siya sa mga kasambahay niya na ibili siya ng mga kailangan na gamot
ni Diwata.

Nakita naman niyang mahimbing ang tulog nito kaya naman hindi na niya ito inabala
pa.

Kaya naman nagpunta na siya sa sarili niyang kwarto para magpahinga na din. Nang
tingnan niya ang oras nakita niyang alas siyete pa lang ng gabi. Maaga pa para sa
pagtulog, kaya naman nahiga lang muna siya sa kama niya.

Inisip niya ang mga nangyari ngayong araw, mukhang nablock nga ng mga kasamahan ni
Diwata ang balita. Wala naman na din siyang balita pa sa mga kasamahan ni Diwata.
Malalim na ang kanyang iniisip niya ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag sa kanya, ang ninong niya pala iyon.

"Kamusta Lance?"bungad sa kanya nito.

"Okay lang po ninong"kalma niyang sagot.

"Balita ko may engkwentro kayo kaninang tanghali. Kamusta na si Ins.


Demaguiba?"tanong naman ng ninong niya patungkol kay Diwata.

"She's fine now"sagot naman niya.

Hindi kasi niya alam kung alam ng ninong niya ang nangyari kay Diwata.

"Hindi maganda ang nangyari ngayon. Mas makakabuting magpalamig muna kayo ni Ins.
Demaguiba. I will instruct her what to do. Kailangan muna niyang magpagaling ng
sugat niya ng walang makakaalam ng nangyari."ani ng ninong niya.

Napapikit naman siya sa sinabi nito, alam nito ang tungkol sa pagkakabaril ng
dalaga. He felt so guilty about it. Kung sana hindi nalang siya sumama sa dlaga
hindi mangyayari ito, edi sana nasa bahay lang sila ngayon baka nga nagku-kwentuhan
pa sila ng mga oras na ito kung sakali.

"Yes ninong"sagot nalang niya.

"May alam ka bang pwede niyong puntahan ni Ins. Demaguiba na magmumukhang


magbabakasyon lang kayo, somewhere you two can relax"tanong pa sa kanya ng ninong
niya.

"I will think about it Ninong"iyon nalang ang nasagot niya.

Wala pa kasi siyang naiisip na lugar na pwede nilang puntahan, it's a sudden move
for him.

Siya pa naman ang tipo ng tao na nakaplano ang lahat ang lakad ahead of time. Hindi
gaya nito na kailangan niyang agad magdesisyon.

"How about sa probinsyan nila Ins. Demaguiba. Maganda naman sa lugar nila, I been
there years back. At masasabi kong maganda doon. Plus points na ang makakasama mo
sa bahay ay mga pulis kaya naman safe kayong dalawa doon."pagbibigay ng ideya ng
ninong niya.

"Okay ninong pag-iisipan ko po"iyon nalang ang nasagot niya.

Nang matapos ang tawag ng ninong niya, bumalik na siya sa pagkakahiga. Iniisip niya
ang sinabi ng ninong niya, hanggang hindi na niya namalayan na nakatulog na pala
siya.

Naalimpungatan nalang siya ng sa palagay niya may taong pumasok sa loob ng kwarto
niya.

"Gising na, aalis tayo"boses ni Diwata ang narinig niya.

Ang pakiramdam niya nananaginip siya ng mga sandali na iyon.

"Hoy gising"sigaw pa ng dalawa.

Napabalikwas siya ng may humampas sa bandang tyan niya.

"Bakit ka nanghahampas?"tanong niya agad ng makita si Diwata.

Hindi nga siya nananaginip ng mga oras na iyon, talaganga nandoon si Diwata para
ginisingin siya nito.

"Aalis tayo, maghanda ka na. aalis tayo after one hour"utos nito at nagsimula ng
maglakad palabas ng kwarto niya.

"Hey, sandali. Kamusta ang sugat mo?"nakuha pa niyang tanungin bago ito makalabas.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Okay na, salamat ha"nakangiting sagot nito bago ito lumabas ng tuluyan sa kwarto
niya.

Napatulala naman siya sa pinto kung saan lumabas si Diwata.

Ang ganda naman ng umaga niya, naiiling na tumayo na siya at nagpunta ng banyo para
maligo.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagligo niya nga maisip niya ang sinabi ng dalaga sa
kanya kanina habang ginigising siya nito.

Aalis daw sila after one hour.

Saan sila pupunta ng ganito kaaga, alam niya madaling araw pa lang kasi madilim pa
sa labas ng silipin niya kanina.

Patapos na siya ng maalala ang tawag sa kanya ng ninong niya kagabi. Lahat ng
napag-usapan nila kagabi naalala na niya.

Ibig bang sabihin ngayon na agad sila aalis ng dalaga para magpalamig gaya ng
sinasabi ng ninong niya.

Ang bata ko namang maging makakalimutin...sita niya sa sarili niya habang


nagbibihis siya.   

Pinagpatuloy nalang niya ang pagbibihis niya habang iniisip ang pwedeng mangyari
ngayong araw na ito.

Linggo ngayon kaya wala pa naman siyang pasok sa opisina. Pero kailangan niyang
tawagan ang secretary niya para sabihin na mawawala muna siya ng ilang araw para
magbakasyon. Tutal hindi naman siya madalas mawala sa opisina hindi naman siguro
masama na magbakasyon siya ngayon.

Ano ba naman ang ilang araw na wala siya sa opisina niya.

It will not harm his company at all, kaya kampante siyang iwan pansamantala ang
company niya.

......................
Eight
             

Eight

Diwata's POV

Apat na oras ang naging biyahe nila pauwe sa probinsya niya.

Tinawagan siya kagabi ni PNP Chief Makaso, at sinabi na magpahinga siya at isama sa
pagpapahinga niya si Lance. Ang sabi pa ng opisyal na mas maganda kung isama niya
si Lance sa probinsya nila para doon magbakasyon.

Kailangan pa din kasi naaayon sa plano ang lahat kahit pa sa totoo lang wala sa
plano ang pagbalik niya sa probinsya nila.

Si Reyes lang ang kasama nila sa pagbalik, dahil patuloy pa din sa trabaho sila De
gracia, Lim at Dela cruz.

Kagaya niya nagpanggap na inarkila nilang driver si Reyes para sa araw na iyon,
pero ang totoo kailangan nilang maging maingat sa biyahe nila.

Umalis nga sila ng manila ng alas tres ng madaling araw para walang makakasunod sa
kanila.

Seven o'clock in the morning ng dumating sila sa bahay nila. Nandoon pa ang mga
magulang niya at mga kapatid, dahil nakaparada pa ang sasakyan ng mga ito sa garahe
nila.

"Welcome to Nueva Ecija"sabi pa niya kay Lance ng huminto na sila sa tapat ng bahay
nila.

"Dito ka nakatira?"tanong naman ni Lance sa kanya.

Tiningnan pa niya ang bahay nila bago siya sumagot ng tango sa binata.

"Cute house"puri pa nito.

Bungalow style kasi ang bahay nila, maliit lang pero kompleto naman ito sa loob, at
presentable naman sa paningin niya.

Sabay sabay silang bumabang tatlo sa sasakyan. Hindi alam ng mga magulang niya na
darating sila kaya naman nagulat ang nanay niya ng makita silang papasok sa loob ng
bahay nila.

"Diwata?"gulat na tawag sa kanya ng ina.

Nakapangbahay pa ang nanay niya, linggo kasi kaya naman wala itong pasok. Tanging
ang tatay niya at mga kapatid niya ang papasok ng linggo.

Noong nandoon pa siya silang dalawa ng nanay niya ang naiiwan sa bahay kapag
linggo, magkasama sila ng nanay niya sa gawaing bahay. Siya ang maglalaba ng damit
nila ng buong linggo at nanay niya ang maglilinis ng bahay.

"Mano po 'nay"nilapitan niya ito at nagmano siya.

"Kaawaan ka ng Diyos"sagot naman ng kaniya ng nanay.

"Kasama mo pala si Johnny"tukoy ng nanay niya sa kasama niyang pulis.

"Oo, nay. Kasama ko din po pala si Mr. Lance McDaniel"pakilala niya sa binata.

Alam ng nanay niya ang pangalan ng binabantayan niya.

"Naku, tumawag ka sana bago kayo umuwi para naman nakapaghanda ako"sabi pa ng nanay
niya.

"Ahh, okay lang po biglaan naman po ang pagpunta namin dito"si Lance na ang sumagot
para sa kanya.

Nasa ganoong tagpo sila ng sabay sabay na lumabas ang mga kuya niya at ang tatay
niya mula sa mga kwarto ng mga ito.

"Oh, anong ginagawa niyo dito?"nagtatakang tanong ng kuya Andres niya.

"Bakasyon si Bossing, Sir Andy"masayang imporma ni Reyes sa kapatid niya.

Pinaghabaan niya ng nguso ang kapartner niya ng unahan siya nito ng sasabihin.

"Ang aga naman ng bakasyon mo anak?"ani ng tatay niya.

Nilapitan niya ito para magmano at ipinakilala na din niya ang bisita nila.

"Tara ng kumain ng agahan"aya ng kanyang ina sa kanila.

Buti nalang talaga malaki ang kusina nilang mag-anak at kasya silang lahat.
Pinaghahandaan yata ng tatay niya ang pag-aasawa nilang magkakapatid kasi ang haba
ng lamesa nila kasya ang walong tao na kakain ng sabay sabay.

Simple lang ang pagkain nila ngayon agahan. Na sobrang namiss na niya dahil
dalawang linggo din siyang hindi umuwi sa kanila.

"Wow!!!...my favorite"exaggerated pa niyang bati sa ulam nila.

Sinangang na kanin, tuyo, scramble egg, at ginisang kamatis na may sibuyas na puti.

"Naku, Mr. McDaniel pagpasensyahan mo na ang ulam namin."nahihiyang turan ng


kanyang ina.

"Ah, don't bother po ma'am. Okay lang po sakin kung ano po ang nakahain sa hapag
kainan niyo po"magalang naman na sagot ni Lance.
"Kumakain ka ng ganito?"siya naman ang nagtanong dito.

"I will be honest, it will be my first time seeing those kind of food"bulong sa
kanya ni Lance.

Napangiti naman siya sinabi ng binata sa kanya.

Paupo na sila ng hatakin siya ng binata at muling nagbulong sa kanya.

"What do that Andres guy doing here in your parents house?"bulong nito.

Muntik na siyang mapabunghati ng tawa sa tanong sa kanya ni Lance. Hindi nga pala
niya nasabi na kapatid niya ito kahapon, ang nakakapagtaka hindi din pala
nagpakilala ang kuya niya sa binata bilang kapatid niya.

"Ano sa palagay mo?"pang-aasar pa niya dito.

Iniwanan na niya ito at masiglang naupo na para makakain na sila.

"Ilang araw kayo dito, Diwata?"tanong sa kanya ng tatay niya ng magsimula na silang
kumain.

"Ahm, baka po mga tatlo hanggang apat na araw tay. Hindi ko pa din kasi talaga alam
kung ilan, depende po sa instruction ni Chief Makaso ang magiging pagstay namin
dito"sagot niya.

"Dito din ba tutuloy itong si Mr. McDaniel?"tanong ulit ng tatay niya.

"Lance nalang po, Sir"ani Lance.

"Lance"ulit naman ng tatay niya sa pangalan ng binata.

"Yes pot ay, dito siya magstay kasama ko. Alam niyo naman po ang bagong assignment
ko, ang alam ng lahat sa maynila magnobyo kami. Alam din sa Maynila, nagpunta kami
dito para makilala niyo na siya bilang nobyo ko. Parte pa din po ng trabaho
ko"paliwanag niya.

"Wag po kayong mag-alala Ma'am, Sir. Hindi po ako magiging pabigat sa inyo."dagdag
pa ni Lance sa sinabi niya.

"Naku, wala naman ang pagtigil mo dito hijo. Mabuti pa nga at nakauwi na ulit dito
ang anak namin. Dalawang linggo ko ding hindi nakasama ang anak ko"ani ng nanay
niya.

"Sya sige, kumain na tayo at ng makapagpahinga na ang anak mo at ang mga bisita
niya. siguradong pagod ang mga ito sa mahabang biyahe"sabad naman ng tatay niya.

Magana silang kumain na buong mag-anak. Maliban nalang kay Lance, hindi kasi nito
alam kung ano ang kakainin niya, ang alam lang niya sa harapan niya ay ang kanin at
itlog lang. hindi naman siya kumakain ng itlog kung scramble egg ang pagkakaluto.

"May problema ba brother?"tanong ng kuya Andres niya kay Lance.

"Hmmm, nothing"umiling pa si Lance bilang sagot nito.

"Masarap ito"turo naman niya sa ginisang kamatis na may itlog at puting sibuyas.

"Okay"mukhang napipilitan naman si Lance sa pagsagot nito.


Kaya naman bilang numero-unong pasaway sa magkakapatid pinagsalin niya ng mga ulam
ang binata, lahat ng klase ng ulam na meron sila sa lamesa nilagay niya sa plato
nito.

"Diwata"may himig pagbabanta sa boses nito.

"Ano?"bulong niya.

Hindi naman nagsalita pa ang binata at tiningnan lang ang pagkain sa plato nito.

"Ubusin mong lahat yan"bulong niya muli sa binata.

Nanlalaki ang mata na tiningnan siya nito, na nginitian lang niya ito ng pagkatamis
tamis. Ang sarap kasing asarin ni Lance.

"Anak, mukhang hindi naman siya nakain ng ganitong pagkain wag mong ipilit"saway sa
kanya ng nanay niya.

"No, hindi naman po. Its like hindi ko lang po alam kung paano kainin ito"turo pa
ni Lance sa tuyo.

"Ahh, iyan ba ganito lang ang pagkain niya, maghugas ka muna ng kamay. Mas masarap
kasing kumain ng nakakamay. Tanggalin mo ang ulo pwede mong himayin para matanggal
ang tinik kung gusto mo. Pero ako hindi ko na tinatanggal masarap naman kahit
meron. Tapos isawsaw mo dito sa suka. The best ang lasa"ang kuya Dominador niya ang
nagpaliwanag kay Lance kung paano kainin tuyo.

Ginagaya naman ni Lance ang ginawa ng kuya niya. Hanggang sa pagsubo nito ng
pagkain ginaya pa nito. Ang cute namang tingnan ni Lance habang kumakain ng
nakakamay. Halatang hindi ito marunong kumain ng nakakamay kasi may mga nalalaglag
na kanin at ulam habang nagsusubo.

Nagpatuloy na sila sa pagkain ng agahan nila, nakikita naman niyang nag-eenjoy na


si Lance sa pagkain.

.....................

Naiwan silang dalawa ni Lance sa bahay nila, nagpunta kasi ng palengke ang nanay
niya at umuwi naman si Reyes sa pamilya nito.

Kaya naman wala silang magawa na dalawa sa loob ng bahay, nanonood lang siya ng TV
kasama si Lance na nagla-laptop naman sa tabi niya.

"Bakasyon oh"saway niya sa binata.

Sinilip kasi niya kung ano ang ginagawa nito at nakita niyang trabaho na naman ang
inaatupag nito.

"I have to check on these, para maipasa ko sa secretary ko at iyon ang gagawin niya
habang wala ako"paliwanag nito.

Inirapan niya ito at pinagpatuloy ang panunood niya samantalang ito naman
pinagpatuloy ang ginagawa. Pero wala pa yatang ten minutes nakaramdam na siya ng
pagkainip.

Sanay din kasi siyang may trabaho siya o may ginagawa palagi.

"How's your wound?"kulang nalang mapatalon siya sa pagkagulat niya ng biglang


magsalita si Lance.
"Kainis ka, bakit ka nanggugulat."turan naman niya dito.

"I'm not"tumigil na pala ito sa ginagawa at nakatitig lang sa kanya.

"Ewan ko sayo"inirapan niya ito.

"Seryoso, kamusta ang sugat mo Diwata?"seryoso nga itong nakatingin sa kanya.

"Okay na, makirot nalang pero hindi na madugo"sagot niya.

Tinitigan siya nito sa mata, na para bang inaalam kung nagsasabi siya ng totoo.
Kaya naman nakipagtitigan nalang din siya, napangisi siya ng si Lance ang unang
nagbaba ng tingin.

"Naiinip ako"siya ang unang nagsalita.

Bumuntong hininga naman si Lance bago sumagot

"Me too..."segunda ni Lance sa sinabi niya.

Nag-iisip naman siya ng pwede nilang gawin na dalawa habang nasa probinsya sila.
Bigla niyang naisip na pumunta ng falls para maiba naman. Kaso naalala niya may
sugat pa siya, hindi din niya ma-eenjoy ang falls. Kung pupunta sila doon ngayon
hindi siya makakaligo.

"Urgh!!!!"nangisay-ngisay siya sa sobrang pagkainip niya.

"Hey, watch out. Ung sugat mob aka bumuka sa kakagalaw mo"nang-aalalang saway sa
kanya ni Lance.

Nagpadulas siya na upon a halos nakahiga na siya tsaka niya nilingon ang binata sa
tabi niya.

"Naiinip ako"sabi niya ulit sa binata.

Natawa naman si Lance sa kanya, ang lakas ng tawa nito rinig sa buong bahay nila.

"What will we do para maalis ang boredom mo?"nakangiti pa din tanong sa kanya.

Nastar struck yata siya nakita niya, natulala na pala siya sa binata hindi pa niya
alam. Kasi naman ang gwapo ng kaharap niya grabe.

Mas bumagay kasi sa mukha ni Lance ang nakangiti, pero mas bagay dito ang nakatawa.
Ang macho pa nitong tumawa lalaking lalaki ang dating, ang sexy sa pandinig.

Pano kaya kapag kasex mo na ito, sexy din kaya siya pag umungol...bigla niyang
natanong sa sarili niya.

Napapailing siya sa naisip niya, gusto pa nga niyang sampalin ang sarili niya sa
naisip niya.

"May problema ba?"tanong sa kanya ni Lance.

"Wala, tara maglibot nalang tayo. Marami namang lilibutan dyan, gusto mo punta tayo
ng bukid?"iyon nalang ang naisip niyang isagot sa binata.

Mas mainam na iyong lumabas sila kaysa naman sa nandito lang sila sa loob ng bahay,
tapos sila lang dalawa. Baka kung ano pa isipin niyang gawin nilang dalawa.
Nakakahiya, naturingan na virgin siya tapos kung anu-ano ang iniisip niya.

"Okay"sang-ayon nalang ni Lance sa kanya.

Hinintay lang nila saglit ang nanay niya tsaka sila nagpaalam na lalabas lang
saglit.

"Alam mo bang magmaneho ng motor?"tanong niya sa binata ng nasa garahe na sila.

"Medyo"alanganin na sagot naman nito sa kanya.

"Ayoko kasing magsasakyan, magmotor nalang tayo."turo niya sa motor niya.

Nanlaki pa ang mata ni Lance ng makita ang motor niya. Malaki kasi ang motor niya,
parang hindi bagay sa kanya na babae.

  

(A/N : Motor ni Diwata)

"Is that your's?"gulat pang tanong ni Lance.

"Oo, ganda ba? Namiss ko nga iyan kasi nasa manila tayo"tinaas-taas pa niya ang
kilay niya.

Nilapitan na nila ang motor niya at akmang sasakay na siya ng pigilan siya nito.

"I'll drive"sabi pa nito.

"Kaya mo?"panghahamon niya.

"Watch me"pagyayabang pa ni Lance sa kanya.

Siya naman napangiti nalang ng lihim, ngayon lang kasi siya aangkas sa motor na
hindi siya ang magda-drive.

"Kumapit ka"utos pa sa kanya ni Lance ng makasakay na sila.

"Sigurado ka kaya mong madrive nito?"pangungulit niya dito.

"Oo, don't you trust me?"ganting tanong sa kanya ni Lance.

"Wala sa karakas mo ang marunong magdrive ng ganito eh, bagay lang sayo sports
car"sagot niya.

"Kumapit ka nalang at ituro mo ang daan kung saan tayo pupunta"hinawakan pa ni


Lance ang mga kamay niya at iniyak sa bewang nito.

Para naman siyang napaso sa lakas ng kuryente na dumaloy sa katawan niya ng hawakan
siya nito. hindi lang iyon ng magdikit ang katawan nilang dalawa para
nakikipagkarera siya sa pabilisan ng pagtakbo sa bilis ng tibok ng puso niya.

Ano bang nangyayari sa kanya. may sakit na ba siya sa puso, bakit ang bilis bilis
ng tibok ng puso niya.

.......................

Lance's POV
Kasalukuyan silang nagbibiyahe ni Diwata papunta sa isang baryo, pupuntahan daw
nila ang isang kakilala ng dalaga at manghihingi sila ng manga.

Motor ng dalaga ang gamit nila, at siya ang nagda-drive.

Panay nga ang mahinang mura niya habang nasa biyahe sila. Lalo na kapag nagpe-preno
siya, kasi naman ramdam na ramdam niya ang dibdib ng dalaga na tumatama sa kanyang
likuran.

Nagdadala ng kakaibang init ng katawan ang pagtatama ng mga katawan nila ni Diwata.
Hindi naman siya santo para hindi makaramdam ng pagnanasa sa kaangkas niya.

Hindi ordenaryong babae lang ang kasama niya.

Diwata is so damn hot babe.

He thinks that every man that will see how beautiful, oh no scratch that... how
gorgeous Diwata was. All them are now drooling over Diwata.

At walang exemption sa mga iyon maging siya isa sa mga lalaking iyon.

Kaya nga ang taas ng self-esteem niya ngayon na siya ang kasama ni Diwata at siya
ang kayakap nito ngayon.

Mamatay kayo sa inggit. Sabi pa niya sa mga nakakasalubong nila.

Wala kasi silang gamit na helmet kasi malapit lang naman daw ang pupuntahan nila.
Lahat ng nakakasalubong nila ni Diwata na mga sasakyan o motor napapalingon sa
kanila ang driver. Alam naman niyang this time hindi siya ang tinitingnan ng mga
ito kundi ang dalagang angkas niya.

"Liko mo dyan"utos sa kanya ni Diwata.

Napansin niyang papasok sila sa isang farm, 'Side Farm' ang nakita niyang nakalagay
sa may gate nito.

"Busina ka ng tatlong magkakasunod"utos pa sa kanya ni Diwata ng nasa tapat na sila


ng gate.

Ilang sandali pa may isang maliit na lalaki ang humahangos na tumatakbo palapit sa
kanila at pinagbukas sila ng gate.

"Oy, bossing Diwata napasyal ka?"bati nit okay Diwata.

"Oo naman Boyet, diyan ba si Liwayway?"tanong pa ni Diwata sa lalaki.

"Oo bossing, nandyan silang mag-asawa"masayang sagot ng lalaki.

"Sige diretso mo nalang doon sa maliit na kubo"utos sa kanya ni Diwata na sinunod


naman niya.

Nang makababa sila sa motor may isang babae at isang lalaki ang papalapit sa
kanila.

Baka ito na iyon sinasabi noong Boyet na mag-asawa.

"Liwayway!!!"tili ni Diwata.

"Diwata!!!"ganting tili naman ng babae.


Tumatakbo pa ang dalawa para salubungin ang bawat isa at nagyakapan ang dalawa.

"Kainis ka bakit ngayon mo lang ako dinalaw dito?"may himig pagtatampo sa kayakap
ni Liwayway.

"Busy lang sa trabaho, gaga"natatawang humiwalay na si Diwata sa kayakapan.

"Ano, wala pa din?"tanong ni Diwata sabay himas sa tyan ng babaeng kausap nito.

"Wala pa din eh"nakasimangot na sagot nito.

"Ang hina niyon naman, mauunahan ko pa kayo pustahan"pabirong sagot ni Diwata.

"May kasama ka yata ngayon Diwata"puna ng lalaki.

Doon lang yata naalala ni Diwata na kasama siya nito. nilingon pa nga siya nito na
parang inaalam kung totoo ngang may kasama ito.

"Ahh, oo nga pala"nagpeace sign pa si Diwata sa kanya.

Hindi nalang siya kumibo at lumapit nalang sa mga ito, siya na mismo nagpakilala sa
sarili niya.

"Hi, I'm Lance McDaniel"pakilala niya sa mga ito.

Dahil business man siya he offer his hand to the couple as a sign of hand shake,
which is the later gladly accept.

"Liwayway Meneses at ito naman si Homer Meneses asawa ko"ganting pakilala ni


Liwayway sa kanya.

"Glad to meet you both"nakangiti pa niyang sagot sa kaharap.

Laking gulat niya ng biglang batukan ni Liwayway si Diwata.

"Gaga, nakipagtanan ka ba kaya hindi ka nagpupunta dito? at ito ba ang mister


mo?"exaggerated na sabi nito.

"Aray ko naman, gagang 'to. Kung makabatok ka naman wagas"react naman ni Diwata.

Hinila siya ni Diwata papunta sa kubo at sinundan lang sila ng mag-asawa. Habang
naglalakad sila panay ang daldal ni Liwayway na pinapagalitan si Diwata.

"Gaga, ikuha mo naman ako ng manga"utos ni Diwata sa kaibigan nito.

"BUNTIS KA!!!!!"sigaw naman ni Liwayway.

Wala naman siyang iniinom pareho ni Diwata pero nasamid silang pareho sa sinabi ng
kaibigan nito.

What the hell, ni kiss nga hindi pa namin ginagawa ni Diwata. Paggawa pa kaya ng
bata. Exaggerated niyang naisip.

"OA ha, nagpakuha lang ng manga buntis agad. Loko ka ha"unang nakapagreact si
Diwata.

"Ano mo ba itong si Lance Diwata?"si Homer na ang nagtanong.


"Boyfriend"walang pagdadalawang isip na sagot ni Diwata.

Hindi naman na siya nabigla na ipakilala siya nitong boyfriend nito. pero hindi
lang niya expected na pati pala ditto sa probinsya ng dalaga ipapakilala siya nito
bilang nobyo.

Nang tapunan niya ng tingin ang mag-asawa he can sense disbelief    in their faces.

Mukhang bang hindi kapani-paniwala si Diwata sa mga sinabi nito.

"Kung totoong boyfriend mo Lance...kiss nga"pang-aalaska pa ni Liwayway ng makabawi


na ito sa pagkabigla.

"Utot mo, kala mo naman maniniwala ako sa pang-aalaska mo."nakairap na tugon naman
ni Diwata.

"Edi lumabas din ang totoo. Itong si Lance papatulan ka, eh ang lakas ng kapak mo
sa utak. Mukha naman matino si Lance para patulan ka niya"pagbubuyo pa si Liwayway
kay Diwata.

"Grabe ka, kaibigan ba talaga kita"react ni Diwata.

"Mahal, nagsisimula na naman kayo"awat ng asawa ni Liwayway.

"Ito kasing si Diwata, lakas maka day dream"dagdag pa ni Liwayway.

Laking gulat niya ng walang sabi sabi ng hawakan ni Diwata ang magkabilang pisngi
niya at halikan siya sa labi niya.

It's not his first kiss pero pakiramdam niya namanhid ang buong katawan niya sa
ginawa ni Diwata. Sandali lang na naglapat ang labi nilang dalawa pero ang laki ng
epekto non sa kanya.

"Oh, naniniwala ka na"sabi pa ni Diwata ng maghiwalay na ang mga labi niya.

Unknowingly nakatulala na pala siya sa mukha ng dalaga.

Hindi kasi niya malaman kung ano ba ang nararamdaman niya ng mga sandali iyon.

Pero isa lang ang nangingibabaw, gusto niyang matikman muli ang labi ni Diwata.

But that time hindi lang smack ang gusto niya kundi isang passionate kissing na.

.............
Nine
             

Nine

Diwata's POV

Gustong gusto na niyang sabunutan ang sarili niya mula pa kanina. Hindi lang niya
magawa kasi may mga kasama siya.

Paano ba naman kasi nagpadala siya sa pang-aasar sa kanya ng kaibigan niya, tuloy
ang first kiss niya wala na.

Naibigay na niya kay Lance.


"Pre tara doon kuha tayo ng manga"aya ng asawa ni Liway kay Lance.

Hindi naman nagsasalita mula pa kanina si Lance, wala din salita itong sumama sa
asawa ng kabigan niya. naiwan naman silang dalawa ni Liwayway sa kubo.

"Gaga, magkwento ka na dali"exited na simula ng kaibigan niya.

"Ano naman ang ikwento ko sayo?"nakasimangot na tanong niya.

Kung bakit ba naman kasi boyfriend pa ang pakilala niya kay Lance sa hitad niyang
kaibigan.

"Yong sa inyo ni Lance. Pano mo siya naging boyfriend? Kailan kayo naging magjowa,
saan mo siya nakilala. Yong mga ganon"kinikilig na paliwanag ng kaibigan niya.

"Hmp ayoko, kainis ka."inirapan niya ito at iniwanan.

At home na siya sa lugar ng kaibigan niya. matagal na silang magkaibigan simula pa


noong mga elementary pa sila, tatlo silang magkakaibigan, siya, si Liwayway at si
Jenny. Kaso wala na silang balita kay Jenny.

Pulis silang tatlong magkakaibigan kaso maagang umalis sa serbisyo ang mga kaibigan
niya, si Liwayway obvious naman kasi nag-asawa na, samantalang si Jenny wala pa
yatang isang taon na pulis nagresign na agad sa hindi nila alam na dahilan.

Basta nalang umalis ito maging sa bayan nila.

Nagtuloy siya sa loob ng bahay ng kaibigan niya hanggang sa kusina.

Siya na ang kumuha ng mga kailangan niya, kumuha siya ng kutsilyo at asin. Ang
kaibigan naman niya ang kumuha ng plangganita na may tubig.

"Gaga, kuha ka ng bagoong na maraming sili"utos niya sa kaibigan niya.

"Okay"sagot nito.

Naglakad na siya pabalik sa kubo, doon sila tumatambay kapag nandoon siya.
Nanginginain ng kung ano anon a pwede nilang pitasin sa bukid ng kaibigan n iya.

Madami kasing tanim ang kaibigan niya. meron manga, santol, saging, kaimito, chesa,
may mga ibang ibang klase din ng gulay at may maliit pa itong palayan. May mga
alaga ding hayop ang kaibigan niya mula sa manok, bibi, kambing, baboy na native at
kalabaw.

At ang pinakapaborito niya sa lahat may maliit itong fish fond na may iba ibang
klase ng isda na alaga. Pangsarili lang naman ang alaga nila Liwayway hindi naman
nagbebenta ang mag-asawa ng mga tanim o alaga ng mga ito.

"Kwento mo na dali"pangungulit sa kanya ni Liway ng makabalik na sila sa kubo.

"Tigilan mo ako, hindi ko ikukwento. Kainis ka talaga kahit kailan"sagot pa niya sa


kaibigan.

"Hmp, damot. Pero infairness ha ang gwapo ng jowa mo ha"sinundoksundot pa nito ang
tagiliran niya.

"Tigilan mo nga ako Liway"saway niya sa kaibigan niya.

Pero hindi siya nito tinigilan hanggang sa nauwi na sa kilitian ang pang-aasar sa
kanya ng kaibigan niya ng sa hindi naman sinasadya, nasaling ng kaibigan niya ang
sugat niya.

"Aww!!!"daing niya.

Doon naman dumating sila Lance at Homer. Humahangos na lumapit sa kanya si Lance at
kitang kita sa mata nito ang pag-aalala.

"What happen? Are you okay?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Lance.

Tulala ang mga kaibigan niya na nakatingin sa kanilang dalawa ni Lance. Ang OA
naman kasi ng reaction ni Lance, kala mo naman mamamatay na siya kung makapag-alala
naman sa kanya ang binata.

"Okay lang ako Lance, wag OA"natatawa pa niyang sagot sa binata.

"What okay, look at your wound it's bleeding"turo naman ni Lance sa sugat niya.

"Halla!!!"si Liway ang nagreact para sa kanya.

Sabay pa sila ni Liway na tumingin sa sugat niya. oo nga naman dumudugo ang sugat
niya, napadiin siguro si Liway sa pagkiliti sa kanya.

"Gaga ka bakit hindi mo sinabi na may sugat ka?"sermon sa kanya ni Liway.

"Hehe, peace"sabi niya sabay peace sign pa siya.

"Tsk"naiiling nalang si Lance na tinitingnan siya nito.

"Ako na bahala sa gaga 'tong"angil pa ni Liway sabay hatak sa kanya patayo nito.

"You sure?, hindi ba mas magandang tawagin natin ung si Andres"alangan na sabi ni
Lance kay Liway.

"Ow, so si Great Andres pala ang doctor nitong gaga na ito"baling naman sa kanya ni
Liway.

"Yap"sagot lang ni Lance na may kasama pang tango.

"Don't worry Lance, leave it to me. Dati akong doctor nito, noong pulis pa ako kaya
yakang yaka ko ito"mayabang na pagbibigay ng assurance ni Liway kay Lance.

"Okay, sabi mo. So I will not be worry now"sagot pa ni Lance na ipinagtaka niya.

Ano 'to nagpapanggap lang si Lance wag kang paepal puso.... Saway niya sa puso
niyang nagwawala na sa bilis ng pagpintig nito.

....................

Lance' POV

"Buti pinapayagan mo pa si Diwata sa serbisyo"ani Homer ng sila nalang ang naiwan


sa kubo.

Nang lingunin niya ito nagsisimula na itong magbalat ng manga na nakababad na sa


plangganitang may tubig.

"Hmmm, pardon?"takang tanong niya dito.


"Totoo bang may relasyon kayo o nagpapanggap lang din kayo?"iba na ang tanong nito.

"What do you mean nagpapanggap lang din kayo? Can you enlighten me"napapangiti
niyang tanong.

Ayaw naman niyang aminin dito na nagpapanggap lang sila ni Diwata. Pinakilala na
nga siyang boyfriend nito kokontrahin pa ba niya. gusto din naman niya ang tawagin
niyang boyfriend ni Diwata.

"Kami kasi ni Liway nagsimula lang sa pagpapanggap na magnobyo dahil sa mission


niya noon, hanggang sa naging totohanan na at ito nga kasal na kami"natatawa pang
paliwanag nito.

"Wow, I didn't see that. Talaga nagpanggap lang kayo dati, how did it end like
this? I mean paano mo naamin kay Liwayway na may gusto ka sa kanya"nakuha na nito
ang curiosity niya.

"Basta nalang nangyari, nagkaamin ganon. Hindi ko na pinakawalan pre inaya ko agad
ng kasal"halata sa mukha nito na masaya ito sa buhay may asawa nito.

Tatangu-tango nalang siya sa sinabi ng kaharap niya.

"Kayo ba? Totoo bang may relasyon kayo ni Diwata?"naalala pa nito ang tanong
kanina.

Hindi niya alam tuloy kung magsasabi na siya ng totoo dito.

"Kilala ko na ang magkaibigan na iyan, sa halos dalawang taon na namin na kasal ni


Liway, palaging nandito iyang si Diwata kaya alam ko kung ano ang standard non sa
lalaki. Alam mo bang wala pang nagiging boyfriend iyon"natatawa pa nitong
paliwanag.

"Really?"para naman pumapalakpak ang tenga niya sa narinig niya.

Wala pa palang nagiging nobyo si Diwata, siya palang.

"Swerte mo kay Diwata, kasi mabait iyon hindi lang sa mga kakilala niya maging sa
mga lahat na yata. Maawain kasi iyon lalo na sa mga matatanda at bata."puri pa ni
Homer kay Diwata.

"Hindi ko pa kasi nakikita ang side niya na ganon, kasi simula noong nagkasama kami
palagi lang siya sa tabi ko sa opisina"sagot naman niya.

"Sa opisina? Hindi na ba siya pulis?"gulat na tanong sa kanya ni Homer.

"Ha...ah"napapikit pa siya kasi nadulas na siya.

"Kung hindi na siya pulis, bakit may sugat siya? Umamin ka na pre, alam ko naman
trabaho ito tama ba?"pangungulit pa sa kanya ni Homer.

"Oo, wala kami talagang relasyon ni Diwata. Actually she's my body guard, and I'm
the reason why she had a gun shot wound"pag-amin niya.

Wala na, buking na siya magsisinungaling pa ba siya.

"Sabi ko na, so ibig bang sabihin nagpapalamig lang kayo kaya nandito kayo sa
probinsya namin"nakangiti pa ito habang nagsasalita.

"Sort off, gusto ko din naman na gumaling si Diwata. Kapag magstay kami sa Manila
alam ko hindi maiiwasan na maulit 'yong nangyari. Ayoko naman na masaktan siya
ulit"amin niya.

"May gusto ka ba kay Diwata?"tanong pa nito.

May gusto nga ba siya kay Diwata. Pinakiramdaman niya ang sarili niya.

Bumibilis ang tibok ng puso niya kapag magkakalapit sila ni Diwata. May time din na
si Diwata ang naiisip niya kapag wala siyang masyadong ginagawa.

"Ewan ko ba?"iyon naman ang nasagot niya.

Natawa itong naiiling sa sagot niya, tuloy lang ito sa pagbabalat ng manga.

"Alam mo bang muntikan na ako humanga sayo"sabi ni Homer ng matapos na ito sa


ginagawa nito.

Lumapit na ito sa kanya dala na ang mga nabalatan nitong manga.

"Bakit mo naman nasabi?"takang tanong niya.

"Kasi pre alam mo may standard si Diwata sa lalaki. Hindi ko sasabihin sayo kaw na
ang bahalang makaalam sa standard niyang iyon. Mukhang may gusto ka naman na sa
kanya. sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Diwata. Maganda, mabait, matapang
at higit sa lahat sexy"sabi pa nito.

Tiningnan niya ito ng masama sa huling sinabi nito sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin na may gusto ka din kay Diwata?"nakakunot noo niyang
tanong dito.

"Meron, pero bilang isang kaibigan lang. mahal ko ang asawa ko, lalo na ang buhay
ko"natatawa pang sagot nito sa sinabi niya.

Magsasalita pa sana siya kaso dumating na sila Diwata at Liway.

"Wow!!!"nanlaki pa ang mata ni Diwata habang nakatingin sa manga hinihiwa ni Homer.

"Makawow ka wagas, gaga"sita naman ni Liway.

Pero wala namang pakialam si Diwata sa pagsaway sa kanya ni Liwayway. Basta nalang
itong naupo sa tabi niya at dinukwang ang manga na hinihiwa ni Homer at walang
sabi-sabing kumuha ito ng isang hiwa at isinawsaw sa isang liquid na kulay brown na
may siling pula na hinati-hati sa maliit na piraso na hindi niya alam kung anong
tawag.

"Sarap!!!"exaggerated na react ni Diwata.

Abot hanggang sa tenga ang pagkakangiti ni Diwata, ang simple bagay lang nito kung
tutuusin pero sobra na ang saya ng dalaga.

Lumingo pa sa kanya si Diwata na sobrang saya ang pagkakangiti nito.

Nahigit niya ang sariling hininga niya sa nakita, kung gaano kaganda si Diwata
habang sobra ang ganda ng ngiti nito.

For him Diwata is glowing when ever she's smiling like this. And he love to see her
smile, parang nagslowmo ang paligid niya kapag nakikita niya si Diwata ng ganito.
Inlove na yata siya kay Diwata.

He loves to see Diwata always, palaging si Diwata ang naiisip niya kapag wala
siyang ginagawa. Idagdag pa ang mabilis niyang tibok ng puso kapag malapit si
Diwata sa kanya.

"Hey, Lance tikman mo"sinusubuan siya ni Diwata ng manga na sinawsaw nito sa kulay
brown na sawsawan.

Without hesitation and second thought he open his mouth and eat what Diwata's
putting in his mouth.

Napangiwi pa siya sa lasa ng nginunguya niya, maasim na maalat na maanghang isama


pa na ngayon lang niya napansin na may mabahong amoy ang isinubo sa kanya ni
Diwata.

"Sarap diba?"sabi pa ni Diwata ng maisubo na niya ang manga.

"Ano iyong pinagsasawan mo?"tanong niya kay Diwata.

"Bagoong"sabay pang sagot ni Liway at Diwata.

Naiiling nalang siya wala naman siyang magagawa kasi naisubo na sa kanya ni Diwata
ang manga na sinawsaw sa bagoong.

Masayang nagku-kwentuhan sila Liway at Diwata ng kung ano-ano lang, nakikinig lang
silang dalawa ni Homer sa kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Wala din naman siyang
maintindihan sa mga sinasabi ng mga ito.

Hanggang sa lumingon sa kanya si Diwat habang tumatawa.

Shit!!!. Napamura siya sa nakikita niya.

Bagay na bagay kay Diwata ang pangalan niya. para nga itong diwata na naligaw sa
mundo ng mga tao. Na sa sobrang ganda ng dalaga, lahat mapapansin siya sa sobrang
ganda.

Nilabas niya ang smartphone niya mula sa bulsa at palihim na kinunan ng litrato si
Diwata.

Alam niyang hindi tama na kumuha ng litrato ng isang tao na hindi pinagpaalam pero
hindi niya kasi maiwasan na hindi gawin iyon. Lalo pa ngayon na ang ganda-ganda sa
paningin niya si Diwata.

  

(A/N : stolen picture ni Lance kay Diwata.)

Nagmamadali pa siyang itago ang cellphone niya at nagkunwaring sa ibang dereksyon


siya nakatingin ng biglang lumingon sa kanya si Diwata.

Nahihiya siya nab aka kung ano ang isipin sa kanya ni Diwata kung nagkataon.

Fvck, ano bang nangyayari sakin. Para akong teenager na nahuli ng crush niyang
nakatingin sa kanya. kausap niya sa sarili niya.

"Hoy, Lance kumain ka pa ng manga. Ang sarap kaya ng manga na isawsaw mo pa sa


bagoong na ang daming sili"aya pa sa kanya ni Diwata.
Nginitian pa siya ng pagkatamis tamis ni Diwata. Nahipnotismo yata siya sa mga
ngiti ni Diwata kaya naman kusang gumalaw ang kamay niya at kumiha ng manga at
isinawsaw sa bagoong.

Epic ang reaction ng mukha niya alam niya iyon, pero ng makita niyang natuwa si
Diwata sa pagkain niya ng manga na isinawsaw sa bagoong, wala na sa kanya kahit
pangit ang lasa sa kanya basta makita lang niyang nakangiti ang dalaga.

Nakatulala na pala siya sa dalaga ng hindi niya namamalayan.

Gulat nalang siya ng tapikin siya ni Homer sa balikat niya.

Nang lingunin niya ito nakangisi lang ito sa kanya.

Muli niyang pinagtuuanan ng pansin sila Diwata na busy pa din pagkukwentuhan na


para bang wala itong mga kasama ng mga oras na iyon.

"Iba na iyan Pre. Tinamaan ka na ng kamandag ni Diwata. Natutulala ka na eh"bulong


sa kanya ni Homer.

Napasmirk naman siya sa sinabi sa kanya ni Homer.

Well kung inlove na nga siya, wala siyang plano na pigilan ang nararamdaman niya.
After all he believe in true love eka nga niya.   

"Oo, inlove na nga yata ako"pag-amin pa niya.

"Ligawan mo Pre"pag-encourage pa sa kanya ni Homer.

Binalingan niya pa ito ulit, sa way ng pagtingin niya dito para sinasabi na paano-
ko-siya-liligawan- look.

"Pamilya muna ang ligawan mo lalo na ang dalawang kuya niya"bulong nito sa kanya.

"Dalawa? Hindi ba isa lang si Dominapor lang?"takang tanong niya.

"Diba kilala mo na si Andres?"ganting tanong naman sa kanya ni Homer.

Tumango lang siya bilang sagot sa sinabi nito.

"Oh, edi kilala mo na ang dalawang kuya niya. si Andres at Dominador"masaya pa si


Homer na sinabi.

Holy shit, kapatid din ni Diwata si Andres...fvck nakakahiya ang inakto ko sa


harapan ni Andres kahapon... napapikit pa siya ng maalala niya kung paano siya
nakipag-usap kay Andres kahapon.

"Bakit Pre, may problema ba?"takang tanong ni Homer sa kanya.

Nakangiwi siyang umiling sa kausap niya.

Nahihiya naman siyang sabihin ang ginawa niya kay Andres sa kaibigan ni Diwata,
baka naman pagtawanan    niya nito.

"Mahal anong pinagbubulungan niyong dalawa dyan?"sita sa kanila ni Liway.

Sila namang dalawa todo ang iling lang ang sinagot at mas lumapit sa dalawang
babaeng nag-uusap. Nakisama na sila sa usapan ng mga ito, mamaya niya na lang
iisipin kung paano siya makikipaglapit sa mga kapatid ni Diwata. Lalo na kay
Andres.

B�

Ten
            

Ten

Lance's POV

Halos pagabi na din sila nakauwe ni Diwata, ang dami pa kasing daldal ng dalawa
kanina kaya hinapon na sila. Kung hindi pa nga tumawag ang nanay ni Diwata hindi pa
sila uuwi na dalawa.

Gaya kanina ng papunta sila ni Diwata siya pa sin ang nagdrive ng motor ni Diwata
pauwe.

Habang nasa biyahe masaya siya kasi nakayakap na naman sa kanya si Diwata. Isama mo
pa na ngayong araw na ito nahalikan niya si Diwata, ay mali pala nahalikan siya ni
Diwata. Nakakahiya nga siya ang lalaki pero si Diwata ang gumawa ng first move.

Kaninang umaga nga nagpa-plano palang siya kung pano ang first kiss nila ni Diwata,
gusto niya sana romantic, at especial sa kanila para hindi nila makakalimutan.

He's planning their future ahead, ng hindi pa niya natatanong o nasasabi kay Diwata
ang nararamdaman niya, nang bigla nalang nagsalita si Diwata.

"Bilisan mo naman magdrive ang bagal mo"angal ni Diwata sa kanya.

"Pano ko bibilisan eh ang daming nasa unahan natin"ganting angil niya.

Nasira tuloy ang pagda-daydream niya.

"Kasing bagal mong magdrive si Kuya Andres, ihinto mo sa tabi at ako na magda-
drive"utos pa nito.

Dahil nabanggit nito ang salitang KUYA ANDRES bigla niyang naalala ang suliranin
niya kanina.

"Bakit nga pala hindi mo sinabi na kuya mo pala si Andres?"tanong niya sa dalaga.

"Ihinto mo sabi eh"pag-iiba nito ng usapan.

Wala naman siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito. kaya hininto niya sa
tabi ang motor nito at bumaba siya.

"Sagotin mo nga ako"pangungulit niya.

"Bakit nagtanong ka ba kasi kung kaano-ano ko si Kuya Andres."maangas na sagot nito


sa kanya.

Napailing nalang siya sa naging agot sa kanya ni Diwata, may laban pa ba siya. Sa
una palang alam na niyang wala siyang laban sa dalaga.

Nang nakapagpalit na silang dalawa ng dalaga nagulat pa siya ng pagkasakay pa lang


niya ng biritin na nito ang motor.

Mahihimatay yata siya sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito sa motor nito. Ang
hilig sumingit nito sa mga malalaking sasakyan.

Lalabas na yata sa dibdib niya ang puso niya sa sobrang kaba na nararamdaman niya
habang nasa biyahe silang dalawa. Mahilig naman siya sa mabibilis na sasakyan, sa
totoo lang may koleksyon siyang mga sports car.

Pero kahit nag anon, ginagamit lang niya ang sasakyan niya kapag may car racing
silang magkakaibigan. Doon lang niya nagagamit mga sasakyan niya na mada-drive niya
ng mabilis.

Its his first time na sumakay sa motor na ganito kabilis.

Buti nalang natanaw na niya ang bahay nila Diwata na malapit na sila.

Sila lang ang hinihintay ng mga kamang-anak ni Diwata pagdating nila, nandoon na
ang mga kapatid ni Diwata at ama nito.

Bigla naman siyang nakaramdam ng hiya ng magtama ang mata nila ng kuya Andres ni
Diwata. Ewan ba niya kung bakit para naman siyang pinitpit na lata habang
naglalakad siya papasok sa loob ng bahay nila Diwata.

Nasa terrace ang mga kuya at tatay ni Diwata, mukhang nagkayayaan ang mga ito ng
inuman, kasi may nakaharap na bote ng alak ang mga ito.

"Aga naman ng painit niyo"sita ni Diwata sa mga ito ng matapat sila sa mga ito.

"Pang pagana lang ng gabi"nakangising sagot ng Kuya Dominador.

"Tara dito Lance"yaya sa kanya ng Kuya Andres.

Natulos na siya sa kinatatayuan niya, feeling niya ito na ang time na gigisahin
siya ng kuya ni Diwata. Tapos advise pa sa kanya ni Homer na humingi siya ng tulog
sa mga kapatid ni Diwata kung plano talaga niyang ligawan si Diwata.

Nakita pa niyang nilingon siya ni Diwata, pero wala kay Diwata ang atensyon niya
ngayon kundi sa mga kuya nito.

"Hoy, namumutla ka na dyan"sita pa sa kanya ni Diwata.

"Ha?!"baling niya kay Diwata.

"Mr. McDaniel, hindi kami kumakain ng tao. Upo ka samahan mo kaming uminom. Diwata
ikuha mo ng beer itong bisita mo"utos pa ng tatay ni Diwata sa dalaga.

Iniwanan na siya ni Diwata doon, wala na siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ng
Kuya Dominador ni Diwata.

"Ilang taon ka na Hijo?"tanong sa kanya ng tatay ni Diwata.

"26 years old sir"magalang niyang sagot.

"Oy, kaedad lang pala kita"react ni Andres sa sinabi niya.

Nagulat naman siya sa sinabi ng binata, kaedad lang pala niya ang kuya ni Diwata.
Sabagay 24 pa lang naman ang dalaga.

"Anong naman ang negosyo mo at sobrang yaman mo na nalalagay sa panganib ang buhay
mo?"tanong sa kanya ni Dominador.
"Madami, real estate, hotels, malls, resorts and the likes"sagot niya.

"Big time"sabay na react ng magkapatid.

Nagulat pa siya ng biglang sumulpot sa tabi niya si Diwata at padabog nitong


ibinaba sa lamesa ang bote ng beer na dala nito.

"Kayo nga eh tigilan niyo si Lance"nakapameywang pang saway nito sa mga kapatid.

"May lead ka na kung sino gustong pumatay dito kay McDaniel?"tanong ng kuya Andres
nito sa dalaga.

Naupo naman sa kanang arm rest ng inuupuan niya ang dalaga. Medyo humilig pa nga sa
kanya ito kaya naman nagdikit silang dalawa.

Naging uneasy naman siya sa pwesto nilang dalawa ngayon kasi sobrang lapit sa kanya
ng dalaga. Naamoy niya ang natural na pabango nito sa katawan.

"Wala pa, iyon ang pinapalakad ko kay De gracia kuya."sagot ng dalaga.

"Oy, sobrang lapit mo naman yata kay McDaniel bunso?"sita naman ni Dominador sa
dalaga.

"Hehehe, peace"nagpeace sign pa ang dalaga bago tumayo at tumayo na sa pagkakaupo.

Sayang!...panghihinayang niya ng tuluyan ng lumayo sa kanya si Diwata.

Chance na niya iyon na makalapit kay Diwata ulit eh, naadik na yata siya sa sobrang
closeness nila kanina habang magkasakay sila sa motor nito.

"Oh oh oh...bakit uupo ka dito? doon ka loob pang boys lang itong umpukan na
ito"saway na naman ni Dominador sa kapatid niya.

Nakapout na tumayo na naman si Diwata sa uupuan sana nito ngayon.

"Tatay oh"sumbong naman ni Diwata sa tatay nila.

"Pumasok ka na doon sa loob anak, usapang lalaki ito"pagsang-ayon naman ng tatay


nila.

Nanguso naman na naglakad na si Diwata papasok sa loob ng bahay ng mga ito. pero
bago ito tuluyan na makapasok lumingon pa ito sa kanila.

"Hoy, kayo wag niyong tatakutin si Lance. Tandaan niyo boss ko iyan"bilin pa nito
sa mga kapatid niya.

"Kaming bahala sa boss mo"nakangising sagot ni Dominador.

Liningon niya ang mga kapatid ni Diwata, they grinning like an idiot na pataas taas
pa ang kilay ng mga ito habang nakatingin sa kanya.

Parang gusto niya tuloy na tumayo na doon at sumunod na sa loob kay Diwata.
Kinakabahan siya sa way ng tingin at ngisi ng mga ito sa kanya. lalo na kay Andres,
alam kasi niyang nasungitan niya ito kahapon.

Malay ba naman kasi niyang kuya pala ito ni Diwata.

Si Diwata naman kasi hindi manlang sinabi na kapatid nito si Andres edi sana
nakipagkwentuhan pa siya dito kahapon. Naalok pa sana niya ito ng alak o kaya hindi
na niya ito pinaalis kapahon at dinala niya ng bar kasama ng mga kaibigan niya.

............................

"So, lets go straight to the point 'tay"pinagkiskis pa ni Dominador ang mga palad
ng mga ito.

Napapalunok siya ng wala sa oras, gusto na niya talagang tumayo at pumasok na lang
sa loob. Naiintimidate siya sa paraan ng pagtitig ng mga ito sa kanya.

Hell siya si Lance McDaniel, his known to be a heartless monster, a tiger in


business world. Lahat ng mga empleyado niya nanginginig na sa takot tingnan lang
niya ang mga ito. maging ang mga business partners niya ganon din.

Kung ayaw niya sa mga tao ipapakita niya ang pagiging tigre niya iwasan lang siya
ng mga ito.

Wala siyang sinasanto pagdating sa pakikisama sa mga tao. Wala siyang pinipili
kahit yata president ng bansa hindi niya sasantuhin kung ayaw niya ayaw niya.

Pero ano siya ngayon, tatlong magigiting na pulis lang ang nasa harapan niya
tumitiklop na siya.

"May gusto ka ba sa dalaga ko?"deretsang tanong sa kanya ng ama ni Diwata.

"P-po?"he don't want to stammer in front of these guys pero takte nautal siya na
parang may speech defect siya.

"Ang sabi ni tatay may gusto ka daw ba kay Diwata?"pang-uulit pa si Dominador.

Sunod sunod na napalunok siya sa harapan ng mga ito, isa isa pa niyang tiningnan
ang mga ito. seryoso lang ang mga ito na nakatingin sa kanya, noon lang niya
napansin na hindi naman pala umiinom ng alak ang tatay nila Diwata kundi kape ang
iniinom nito.

Nagawi ang mata niya sa bote ng beer na binigay sa kanya ni Diwata ngayon.
Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalaluman sa pagtingin sa kanya ng mga ito maging sa
tanong ng mga ito sa kanya.

Kaya naman inabot niya iyon at halos lagukin na niya ang lahat ng laman niyon.

"Relax McDaniel, nagtatanong lang si Tatay"tinapik pa siya sa balikat ni Andres.

"Uulitin ko Mr. McDaniel may gusto ka ba sa dalaga ko?"pag-uulit na tanong ng


matanda sa kanya.

Pinagpapawisan na siya ng malapot sa kinauupuan niya, anong gagawin sa kanya ng mga


ito kung sakaling umamin siya sa mga ito na may gusto nga siya sa dalaga.

"mahirap bang sagutin?"nakangisi pang tanong sa kanya ni Dominador.

"No, actually. I like Diwata very much sir"pag-amin niya sa mga kaharap.

Tahimik lang ang mga ito na nakatitig sa kanya. hindi niya mabasa ang reaction ng
mga ito. they just remaind poker face to him.

May mali bas a sinabi niya, o baka naman iniisip ng mga ito na lolokohin niya lang
si Diwata.
They are from the province so baka ang mind set ng mga ito kagaya ng isa sa mga
kasambahay niya na si manang Lita na mga manloloko lang at playboy ang mga taga
Manila.

"Gaano mo naman kagusto si Diwata?"tanong sa kanya ni Andres.

"I don't, basta gusto ko siyang ligawan so I can know her better"honest niyang
sagot.

Natahimik na naman ang mga ito na para bang ang lalim ng iniisip ng mga ito.

Ilang minuto pa ang lumipas bigla namang tumawa ng malakas ang magkapatid na kala
mo wala ng bukas kung makahalakhak.

"Sabi ko sayo tay, magkakabayaw na kami eh"natatawa pa din salita ni Andres.

Napakunot noo naman siya sa inaasta ng mga ito. Kanina lang para siyang kakatayin
ng mga ito kung makatingin sa kanya, ngayon naman tuwang tuwa naman ang mga ito sa
kanya.

"Hindi pa naman pumapasa ang manok niyo"baling ng tatay ng mga ito sa kanila.

"Oo nga pala, naku bayaw na hilaw muna kita. Nakapagsabi ka na ba kay
Diwata?"baling sa kanya ni Dominador.

"Ha?"hindi talaga niya maintindihan ang mga ito.

Lumapit pa sa kanya si Dominador at inakbayan siya nito.

"Ganito kasi iyan bayaw na hilaw, kung talagang may gusto ka na sa kapatid namin
you better brace your self"sabi sa kanya nito.

Lalo naman siyang naguluhan sa mga pinagsasabi nito.

"Ganito nalang, lets call Diwata to explain everything to you"dugtong pa ni


Dominador sa sinabi nito.

Tumayo ito at pumasok sa loob ng bahay, pagbalik nito kasama na nito si Diwata.
Nagtatalo pa nga ang mga ito habang palapit sa kanila.

"Kala ko ba for boys only? Bakit niyo ako tinawag doon sa loo bang sarap nan g upo
ko eh"narinig niyang angal ni Diwata sa kapatid.

"Ano k aba naman, your one of the boys naman"biro pa ni Dominador sa kapatid.

"Eh, kung magsparing nalang tayo Kuya. One of the boys pala ako"angal ulit ni
Diwata pero nakaupo na ito sa tabi niya.

Wala lang siyang imik, kasi sa totoo lang lalo na naman siyang naguluhan ngayon na
nandito na si Diwata. Diba nga ang pinag-uusapan nila eh kung may gusto siya kay
Diwata.

Kulang nalang mapakamot pa siya sa ulo niya sa sobrang magkalito niya. pinigilan
lang niya ang sarili.

"Sparing, ayoko masakit pa ang katawan ko sa huling sparing namin ni Kuya


Andy"tanggi pa ni Dominador sa hamon ni Diwata.

"Wala ka pala kuya eh"pang-aasar naman ni Diwata.


"Maiba ako ng kaunti anak, may nagpaparamdam ba naman na sayo sa manila?"singit ng
ama n I Diwata sa usapan ng magkapatid.

"Tay, hindi na uso sakin ang multo"pang-aalaska ni Diwata.

He find it cute, close pala si Diwata sa ama nito ang akala niya sa mga kapatid
lang nito ito kayang mang-alaska ng ganoon. Pero kahit ang tatay nito hindi
nakaligtas sa pagkamataray na ewan ng dalaga. Nabibiro pa nito ng ganoon ang ama eh
mukhang seryoso ang tatay ni Diwata sa tanong nito.

"Diwata Mayumi Roque Demaguiba"may babala ang boses ng tatay ni Diwata.

Nakangisi naman na nagpeace sign si Diwata. Napansin niyang ngayon araw parang
sobrang naging isip bata si Diwata ngayon. Siguro nga ganito talaga ang ugali ng
dalaga kung nasa home town nito o sa lugar kung saan kampante ito.

"Wala po 'tay, tsaka si Lance lang po palagi ang kasama ko."maayos na sagot ni
Diwata.

"Sabagay, wala namang magtatangkang pumatol sayo"pang-aalaska ni Dominador.

"Anong wala, hindi ko lang maharap kasi madami akong trabaho. At wala pa akong
nakikitang kagaya ni Tatay. Alam niyo naman si tatay ang Clark Ken ng buhay
ko."maangas na sagot ni Diwata.

"Eh tay ihanda mo na may tatandang dalaga kang anak. Kasi naman Diwata nag-iisa
lang si Tatay. Walang katulad ang tatay natin sa buong mundo"ani naman ni Andres.

"Hmp, sige ibababa ko na ang standard ko. Kapag may lalaking magsasabi na liligawan
niya ako well he need to undergo an intensive training. Kailangan kasing lakas siya
ni Clark Ken, at kapag inaya ko siya ng sparing dapat matalo niya ako"ani Diwata.

Makahulugan ang mga tingin sa kanya ng mga kapatid ni Diwata.

"Kailangan kaya niya akong higitan, bah dapat siya ang magtatanggol sakin noh.
Dapat siya ang superhero ko, not the other way around"dagdag pa nito.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Diwata.

Pano na siya, eh siya iyong 'other way around' na tinutukoy ni Diwata. Sa ngayon si
Diwata ang superhero niya at siya ang pinagtatanggol nito. at higit sa lahat alam
niya ang kakayahan niya. hindi niya kayang higitan ang kakayahan ni Diwata sa
pakikipaglaban.

Gusto niyang biglang magsisi, bakit kasi ang tamad niya noong bata siya na pumasok
sa mga club sa school nila. Pinasasali siya dati ng mommy niya sa taekwondo club
pero ayaw niya, mas ginusto niyang nakatambay lang kasama ang mga ugok niyang
kaibigan.

"Iyon lang ba?"ani Andres.

"Oo naman kuya, alam niyo naman na iyon noon pa"sagot naman ni Diwata sa kapatid.

Pinagpapawisan siya ng malapot sa totoo lang, pano pa niya ngayon sasabihin kay
Diwata na may gusto na siya sa dalaga. Na gusto niya itong ligawan.

Kainis naman...
........................

A/N : Sorry guys ngayon lang nakapag UD kasi naman naging busy lang si Author sa
LOVELIFE hahaha...

kailangan kasi ng madaming baon na lambingan para may inspiration sa pagsusulat...

enjoy niyo ang kababawan ni Lance...

Comment...

vote....

mga kapatid....

libre naman...
Eleven
            

Eleven

Diwata's POV

Maaga siyang nagising ngayon, mas maaga sa dating gising niya noong nandito siya sa
probinsya nila. Tulog pa nga ang nanay niya gising na siya, nasa kusina siya ngayon
at nag-iisip ng lulutuin niyang agahan nila.

Sa totoo lang hindi siya nakatulog kagabi, dahil sa mga sinabi ni Lance sa mga
kapatid niya.

"Anong gagawin ko ngayon, hindi naman ako kasing lakas ni Clark Ken. Lalong hindi
ko kayang tapatan ang kakayahan ni Diwata. I'm just an ordinary business man"
narinig niya salita ni Lance.

Matapos kasi nilang magkwentuhan pinapasok na naman siya ng mga kapatid niya sa
loob ng bahay nila. Nainis pa nga siya kasi naman tinawag siya tapos paalisin na
naman siya. Tapos ng maisip niyang tingnan kung may iiniinom pa ang mga ito narinig
niyang masinsinan na nag-uusap ang mga ito.

"Kami na bahala sayo, kailangan mo lang ng trainor."narinig niyang sagot ng Kuya


Andres niya.

Kaya naman palihim siyang nakinis sa mga pinag-uusapan ng mga ito. sinisilip pa nga
niya ang mga ito, kitang kita niya sa pwesto niya na sobrang seryoso ang mga ito sa
pinag-uusapan ng mga ito.

Nasa likod kasi siya ng pintuan malapit sa terece nila.

"You're not against with me?"nakita niyang manghang tanong ni Lance.

Ano kaya ang pinag-uusapan ng mga ito at sobrang seryoso ng mga ito.

"Minsan lang may magkagusto sa kapatid namin na gusto din namin para sa kanya. kaya
maswerte ka"sagot ng kuya Dominador niya.

May gusto sa kanya na gusto din ng mga kapatid niya. ibig bang sabihin nito may
gusto sa kanya si Lance.

Weh di nga, two weeks pa lang kaming magkakilala. Isa pa ang sungit sungit kaya
niya sakin. Bigla niyang naisip.

"Kahit na sinungitan kita kahapon?"si Lance ulit ang nagsalita.

"Sinungitan mob a ako 'non, para ka kasing maagawan ng babae kahapon sa itsura mo.
Selos na selos" pang-aalaska pa ng Kuya andres niya.

"Diwata kasi, hindi naman niya sinabi na kapatid ka niya. So I thought nanliligaw
ka sakanya or what. You are also one of my reason I finally admit that I have
feelings for Diwata." Napatakip siya sa bibig niya sa sinabing iyon ni Lance.

Confirm may gusto sa kanya si Lance, nyemas dalawang linggo pa lang silang
magkakilala ng binata parang ang bilis naman yata. Isama pa na puro kasungitan lang
ang nakikita niyang ugali ng binata sa kanya.

Nitong nakaraang araw lang naman ito nagbago ng pakikitungo sa kanya.

"So, anong plano mo?" narinig niyang tanong nag tatay niya.

Pati ba naman ang tatay nila kasali din sa pag-uusap ng mga ito. feeling tuloy niya
pinagkakaisahan siya ng mga ito.

"Liligawan ko po ang anak niyo"deretsong sagot naman ni Lance sa tatay niya.

"Tingnan nga muna namin ang deskarte mo, bago ka namin tulungan"sabi naman ni Kuya
Dominador niya.

"Kailan mo balak simulan?"tanong naman ng kuya Andres niya.

"Bukas"sagot naman ni Lance sa mga kapatid niya.

Hindi na niya kinaya pang makinig sa usapan ng mga ito. baka kasi hindi na niya
mapigilan at makisali pa siya sa usapan ng mga ito gayong alam niyang siya ang
pinag-uusapan ng mga ito.

"Uy! Ang aga naman natin ngayon bunso"sita sa kanya ni Kuya Andres niya.

Doon lang siya nagising sa malalim niyang pagbabalik tanaw sa narinig niya kagabi.

Tiningnan lang niya ang kuya niya, nagsalang ito ng tubig sa takure nila.

Sa kanila kasi ito ang pinakamahilig sa kape.

"Nag-iisip lang ng pwedeng gawin ngayong araw kuya"sagot niya.

"Ang layo naman ng sagot mo, ang tanong ko bakit an gaga mo nagising. Tapos ang
sagot mo nag-iisip ka ng pwedeng gawin ngayon araw."natatawang puna ng kuya niya.

Sinimangutan nalang niya ito at inirapan. Nagpunta siya sa tapat ng ref nila at
naghalungkat ng pwede nilang ulam ngayon agahan nila.

Naglabas siya ng ham at itlog sa ref nila. At nagsimula na siyang magluto.

"Hindi ka mage-exercise?"tanong sa kanya ng kuya Andres niya na nagtitimpla na ng


kape.

"Hindi, makirot pa sugat ko Kuya"sagot niya habang naglalagay ng mantika sa kawali.

"Oo nga pala, nilinis mob a 'yang sugat mo kahapon?"tanong sa kanya ng kuya niya.
"Oo kuya, si Liway naglinis kahapon."sagot niya.

Nagtagal pa doon ang kuya niya hanggang sa maubos nito ang kape na iniinom niya.
nagpunta na ito sa mini gym nila doon sa bahay. Hindi naman siya natagalan ng
magluto dahil mabilis siyang kumilos.

Kaya naman habang hinihintay niyang gumising ang nanay niya naupo lang siya sa
lamesa at dumokduk doon at inisip na naman niya ang mga nalaman niya kagabi.

"Good morning"bati sa kanya ni Lance.

"AY PALAKANG LIGAW!!!"gulat niyang sigaw.

Malakas na tawa lang ang narinig niyang sagot ni Lance sa kanya. nang lingunin niya
ito nakita niyang bagong ligo ito at nagpupunas palang ng basang buhok ang binata.
Wala pa din itong pang itaas kaya naman kitang kita niya ang katawan nito.

Shemay naman, what a morning view. Napapalunok siya sa nakikita niya.

Noon iniisip ang niya kung may abs ang binata, ngayon ito nakabalandra sa mukha
niya ang mga pandesal nito.

"Enjoying the view"pagbibiro pa sa kanya ni Lance.

Nag-iwas naman siya ng tingin niya, alam niya pinamumulahan na siya ng mukha niya.
ramdam kasi niya ang init ng mukha niya.

"Bakit kasi wala ka pang damit, parang gusto ko tuloy ng kape. Daming pandesal sa
harapan ko"bulong niya.

"May sinasabi ka Diwata?"tanong sa kanya ni Lance.

Nang lumingon siya sa gawi ng binata kulang nalang malaglag siya sa kinauupuan
niya. kulang nalang kasi idikit na ng tuluyan ni Lance ang mukha nito sa kanya sa
sobrang lapit.

Maduling duling na din siya sa pagtingin dito kaya naman ibinaba niya ang mata niya
sa may bandang dibdib ng binata.

Para may maliliit na paru-paro sa sikmura niya sa nakikita niya, titig na titig
siya sa katawan ni Lance. Nasundan pa nga niya iyong tumutulo na tubig mula sa
basang buhok nito papunta sa dibdib nito pababa sa matitigas na abs nito.

Shit naman kainggit naman 'tong tubig na ito. sita niya sa tubig na kanina pa niya
sinusundan ng pansin.

"S-sabi ko, gu-gusto mo ng ka-kape?"nauutal niyang tanong sa binata.

Kailan pa siya kinabahan ng ganito sa presensya ng isang lalaki. Lahat ng


nakapaligid sa kanya puro barako pero wala naman siyang nakitang ganito ka hot na
lalaki.

Lahat ng mga kabaro ni Adan para sa kanya kaibigan lang at hindi naman siya
naattract sa mga ito.

Pero bakit pagdating kay Lance iba na ang nangyayari sa katawan niya, parang
magkakasakit na siya sa puso kasi palaging may kakaiba sa puso niya. ngayon naman
sa tyan niya.
Kaloka!.

........................

Naloka siya sa abs ni Lance kanina. Siya nga ang nagluto pero hindi siya nakasabay
sa agahan kasi naman nagkulong siya sa loob ng kwarto niya after niyang ipagtimple
ng kape si Lance.

"Anak, aalis na kami"tawag sa kanya ng nanay niya.

Kaya naman napilitan siyang bumangon sa kama niya.

Compose yourself Diwata, hindi ka pwedeng maout of fucos. Mission mo si Lance,


kailangan mong siyang bantayang mabuti at mahuli ang gustong pumatay sa kanya.
hindi ka pwedeng madistract ngayon.Fucos... fucos...fucos... mahabang kastigo niya
sa sarili niya.

"Ingat po kayo 'nay"nakangiti na siya ng lumabas siya ng kwarto niya.

Nakita niya ang mga kuya niya at tatay na hinihintay ang nanay niya sa sala.
Nandoon din si Lance at nakagayak din ang binata.

Kaya naman kunot noo niya itong nilapitan.

"Saan ka pupunta?"takang tanong niya sa binata.

"Hmmm...wala naman"nakailing pa ito ng sumagot sa kanya.

"Alis na kami"paalam ng tatay niya.

Hanggang sa naiwan na silang dalawa ni Lance sa bahay, nakaramdam na naman siya ng


pagkailang ng mga sandali na iyon.

Bakit naman kasi kailangang marinig ko pa iyon kagabi. Nakapikit niyang naiisip ang
mga narinig niya kagabi.

"Inaantok ka pa ba Diwata?"tanong sa kanya ni Lance.

Gulat naman siyang napamulat at nilingon ang binata, na agad din siyang nag-iwas ng
tingin ng makitang napakalapit pala ng mukha ng lalaki sa kanya.

"Hindi naman na, medyo nag-iisip lang ako"sagot niya.

"Hmmm, saan kaya magandang pumunta ngayon?"tanong sa kanya ni Lance.

Maging siya nag-iisip na din ng pwede nilang puntahan na dalawa ngayon para naman
hindi sila maburo dito sa loob ng bahay.

"Tawagan ko lang si Reyes"sagot niya.

Hindi na sila pwedeng lumakad ng sila lang dalawa, magmumukhang na kasing date
iyon.

Huh nasabi ko bang date. Ang assuming mo Diwata. Kastigo niya sa sarili niya.

"Wag mo ng tawagin si Johnny, may mall ba dito?"tanong sa kanyan ni Lance.

"Oo meron naman, bakit?"tanong niya.


"Magmall nalang muna tayo, may bibilin lang ako"sagot nito.

"Okay, maliligo lang ako"paalam niya.

Tumakbo pa siya papunta sa kwarto niya para kumuha ng gamit. Mabilis lang siyang
naligo at gumayak, paglabas niya ng kwarto niya wala na sa sala si Lance.
Nagmamadali siyang lumabas ng bahay nila nakita niya itong nakasandal sa sasakyan
nito.

Oh lala...

Ang gwapo naman ni Lance habang nakasandal ito sa sasakyan nito, nakapamulsa pa.
ngayon lang niya napansin na simpleng get-up lang ito. Naka shirt at jeans lang ito
at naka sneakers lang ito, malayo sa palaging formal na get-up nito. Kahit ano
naman yata kasi bagay sa binata.

"Tara na"nakangiti pa ito habang nagsasalita.

Tulala siya habang palapit sa binata, hindi maalis ang mata niya dito.

Ito na ba 'yon?tanong pa niya sa sarili niya.

Ito na ba iyong sinabi ni Lance kagabi na simula ng panliligaw nito. pinagbukas pa


siya nito ng pintuan, pagsakay niya ito pa ang nagkabit ng seat belt niya.

"Turo mo nalang ang daan ha?"sabi pa ni Lance ng nakasakay na ito.

Tumango lang siya at deretso lang ang tingin niya sa daan. Mabilis lang naman sila
nakarating sa mall nila doon. Maliit lang ang mall nila sa bayan na iyon hindi
kagaya ng sa maynila. Two floor nga lang ang mall nila, sa baba grocery store at sa
taas naman damitan at school supplies lang ang makikita.

"Hmmm, so ito na iyon?"tanong sa kanya ni Lance.

Nasa loob na kasi sila ngayon sa second floor niya dinala si Lance kasi ano nga
naman ang bibilin ni Lance sa grocery.

"Meron pa namang isa banda roon. Ano ba kasi ang bibilin mo?"siya naman ang
nagtanong.

"Nothing particular, gusto lang kita makasama"bulong sa kanya ni Lance.

Lahat yata ng buhok niya sa batok niya nagsitayuan na sa ginawa ni Lance.

"Mga da moves mo parang ka hokage"dinaan naman niya sa biro ang ginawa ni Lance
para maiwasan niyang mailing.

"Hokage?"takang tanong sa kanya ni Lance.

Natatawa naman niyang nilingon ito, mukhang hindi nito alam ang tawag sa mga
galawang hokage.

"Hindi mo alam iyon?"nagsisimula na siyang mapabungisngis.

"Oo"painosenteng sagot ni Lnace.

"May gusto ka ba sakin?"lakas loob na niyang tanong sa binata kahit na alam na niya
ang sagot.
"Oo"deretsang sagot naman ni Lance.

Nagitilan siya sa pagiging direct to the point ni Lance, ang akala niya
magpapaliguyligoy pa si Lance.

"Seryoso?"paninigurado niya.

Iba pala an gang dating kapag harapan ng sinabi sayo na may gusto sayo ang isang
tao.

"Oo, actually I already told this to your brothers and Tatay last night. I ask
their permission to court you"sagot pa ni Lance.

"Ang honest mo naman"bulong niya.

"Balak ko naman talagang maging honest sayo, so Diwata pwede ba akong manligaw
sayo?"narinig pala nito ang binulong niya.

"Ha?"natulala na siya hindi na niya alam ang sasabihin niya.

"I might not be as strong like Clark Ken or as courageous as your father, pero
siguro I can protect you in my own way"sabi pa ni Lance.

Lalo naman na siyang natulala, feeling niya nalunok pa niya ang dila niya sa sinabi
ni Lance.

"Okay, makakahinga na ako ng maluwag ngayon kasi nasabi ko na ang gusto kong
sabihin. So tara na My Princess"inakbayan pa siya nito at inakay siya sa
paglalakad.

Sa buong oras na nasa mall sila hindi siya kumikibo, hanggang ngayon kasi inaabsorb
pa niya ang mga sinabi ni Lance sa kanya.

"Maliit lang ang bayan niyo, pero maunlad naman"puna pa ni Lance sa bayan nila.

"Magaling iyong Mayor namin"tipid na sagot niya.

"I can see that"nakangiti pa si Lance habang nagsasalita ito.

Nang mapagud sa paglilibot si Lance nag-aya na itong kumain. Dinala lang niya ito
sa isang fastfood.

Si Lance na ang nag-order ng pagkain nila at siya naman ang naghanap ng mauupuan
nilang dalawa. Nang makahanap na siya agad siyang naupo paharap sa may counter para
makita niya si Lance kung papalapit na sa kanya.

Napansin niyang parang nagkakagulo sa may bandang counter, karamihan mga teenager
na nagtutulakan o kaya naman busy sa pagcecellphone na mukhang may kinukuhanan.

Sinundan niya ng tingin ang isa sa mga teenager na nakaturo sa kung sino, at nakita
niyang si Lance ang tinuturo ng mga ito.

Bakit nga naman hindi kasi naman si Lance, kahit yata nakapangbahay lang ito mukha
pa din artista. Kaya siguro nagkakagulo ang mga kababaihan sa paligid nito.

Ito namang si Lance parang manhid naman na walang ibang pinapansin kundi siya.
Nakatitig kasi sa kanya si Lance kahit na nakapila ito ngayon. Kung totoong
nakakalusaw ang tingin kanina pa siguro siya nalusaw.
"Ate Diwata"tawag sa kanya ng isang boses bata.

Hinanap niya ito at nakita niya ang isang grupo ng mga teenager sa likod niya. May
lumapit sa kanyang isang batang babae, kilala niya ito pero sa mukha lang, hindi
niya maalala ang pangalan nito.

"Ako ba?"tanong pa niya.

"Oo ate, hidi mo na ba ako kilala ate? Ako iyong kausap niyo dati sa St. Luis
School noong magdi-drill po kayo ng safety earthquake drill sa school
namin."pakilala ng bata sa kanya.

Naalala naman niya ang sinasabi nito pero hindi pa din niya maalala ang pangalan ng
bata na kaharap niya.

"Oo naalala ko na, pero pasyensa na ha. Hindi ko na kasi maalala ang pangalan
mo"nahihiya niyang pa-amin.

"Okay lang po, Beth po pala pangalan ko"pagpapakilala sa kanya nito.

"Oh Beth ano naman ang atin?"tanong niya dito.

"Itatanong ko lang po kung kaanu-ano niyo po si Lance McDaniel bakit po kasama niyo
siyang pumasok dito?"medyo nahihiya pa ang bata sa kanya habang nagsasalita nito.

Nagulat naman siya at kilala ng batang kaharap niya si Lance.

"Kilala mo si Lance?"takang tanong pa niya sa bata.

Tumango ito ng marahan at may iniabot itong magazine sa kanya. Lalo naman siyang
nagulat sa nakita niya sa magazine. Si Lance at ang tatlo pa nitong kaibigan ang
cover ng magazine.

'Most Eligible Bachelor in Metro Town'

Iyon ang title na nakalagay sa ibaba ng litrato ng mga ito. nasa pinakagitna si
Lance. Ang gwapo nito sa litrato nito na nakasuit na sobrang pormal. Wala siyang
nakitang nakangiti sa apat na lalaki. Lahat sila mga seryoso lang ang mukha.

"Si Lance po kasi ang pinakagwapo sa kanilang apat. Tapos ngayon ate nakita ko pa
na kasama mo siya. Pwede po ba kami magpapicture kay Kuya Lance kung sakali. Ano
niyo po ba si Kuya Lance?"pangungulit pa ni Beth sa kanya.

"Boyfriend"napaangat pa siya sa pagkakaupo niya ng marinig niya ang boses ni Lance.

Nagtilian ang mga nakarinig sa sinabi ni Lance. Tiningala niya si Lance kasi hindi
pa ito nakakaupo, dala nito ang tray ng pagkain nila. Nakangiti ito sa kanila, more
on sa kanya lang naman ito nakatingin at nakangiti.

"bagay po kayo"kinikilig turan ni Beth sa knila ni Lance.

"That's also my thought my dear, na bagay na bagay kani nitong prinsesa ko"pagsang-
ayon pa ni Lance sa sinabi ng bata.

Lalo naman nagtilian sa sobrang kilig ang mga nakakarinig sa kanila.

"Pwede ba Lance, umupo ka na at kumain na tayo"nakangiti siya habang sinasabi iyon


sa binata.
Pero deep in side her, nahihiya na siya sa nakukuha niyang atensyon sa
mganakapaligid sa kanila. Alam niyang pulang pula na ang pisngi niya sa sobrang
kahihiyan.

"Sige Dear naguguton na kasi ang prinsesa ko."paalam pa ni Lance kay Beth bago ito
naupo sa tabi niya.

Nakayuko nalang siya sa buong time na kumakain silang dalawa ni Lance. Nahihiya
siya sa mga nakapaligid sa kanila ni Lance. Kung pwede lang na utusan niya ang lupa
na kainin na siya nito ngayon kanina pa niya inutasan ito.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ni Lance ng may tumawag sa kanya.

Si De Gracia.

"De Gracia bakit?"sagot niya sa tawag.

"Bossing, nagawa ko nap o iyong pinapagawa niyo. Kailan po kayo babalik dito sa
manila?"sagot nito.

"Hindi ko pa alam, dalin mo nalang dito."sagot naman niya.

"Sige po bossing"masayang sagot nito.

"Isama mo na din iyong dalawa pagbalik mo dito"utos pa niya.

Kailangan na din niya nandito na ang mga kasamahan niya, hindi sila pwede maging
kampante kahit pa nasa probinsya siya ngayon ni Lance. Hindi pa nila kilala kung
sino ang gustong pumatay sa binata.

Nang matapos silang mag-usap ni De gracia tinapunan na niya ng pansin si Lance baka
kasi tapos na itong kumain.

Tapos na nga itong kumain at nakatitig nalang ito sa kanya habang umiinom ng
softdrinks.

"Uwi na tayo, makirot 'yong sugat ko"pagdadahilan niya.

Pero sa totoo lang naiilang lang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"Okay, gusto mo idaan na muna natin sa ospital iyan"may pag-aalala sa tono ng


pananalita nito.

"Hindi na, kaya ko na ito iinum nalang ako ng gamot mamaya"tanggi niya.

"Sige, sabi mo"tumayo na si Lance at hindi niya inaasahan na aalalayan pa siya nito
sa pagtayo.

"Hindi naman ako imbalido Lance"bulong niya dito.

"Haha, I just want to serve you"nakangiti pa nitong sagot.

Hindi siya kumino hanggang sa makasakay na sila sa loob ng sasakyan nito.

"Sige, papayag akong ligawan mo ako sa isang kundisyon"bigla siyang nagsalita sa


gitna ng biyahe nila pauwe.

Hinto pa ni Lance sa tabi ang sasakyan at hinarap niya nito.


"Talaga!, ano namang kundisyon mo?"exited na tanong nito.

"Talunin mo muna ako sa isang sparing. Bibigyan kita ng dalawang linggo na


magpractise. Kapag natalo mo ako, payag na akong ligawan mo ako. Pero kapag natalo
kita after ng mission ko kakalimutan mo na ako"paliwanag niya.

Kitang kita niya ang pagtaas ng adams apple nito. pati na din ang pagtulo ng pawis
nito sa noo kahit na naka-aircon naman sila sa loob ng sasakyan.

Napangiti naman siya sa nakita niyang reaction nito. sa dalawang linggo nilang
palaging magkasama alam na niya na kinakabahan ito ngayon.

"Ano deal?"panghahamon pa niya.

"D-deal"pilit pa itong ngumiti sa kanya.

Masaya na sumandal siya sa upuan niya at nagcross arm pa siya na may ngiting
tagumpay.

kala mo ikaw lang ang marunong mag-intimidate..nyek nyek mo... humanda ka sakin
after two weeks...

..................

comment....

and 

vote....
twelve

            

Twelve

Lance's POV

Iniwanan siya ni Diwata sa bahay ng mga magulang nito kasama sina Johnny at
Roberto. Umalis si Diwata kasama sila George at Kevin, hindi naman niya alam kung
saan pupunta ang mga ito.

Kahapon kasi dumating ang mga kasamahan na pulis ni Diwata, mula kahapon hindi na
niya nakausap ng matino si Diwata.

Nasabi na niya kay Diwata na liligawan na niya ito pero hindi pa man niya
nasisimulan ito naman at may kundisyon pa muna bago siya magsimula na manligaw.

"Ang lalim yata ng iniisip mo boss?"puna sa kanya ni Johnny.

"Medyo, may kilala ka bang magaling sa pakikipagsuntukan"tanong niya dito.

"Ha!!!"gulat naman ito sa tanong niya.

Maging si Roberto halata din ang gulat sa mukha nito. may nakakagulat bas a sinabi
niya.
"Bakit bigla yatang gusto mong mag-aral ng boxing? boss"nakangising sagot ni Johnny
ng makabawi ito sa pagkabigla.

"Boxing?..Lance nalang, parang pang gangster ang boss"ani naman niya.

"Sorry po, nasanay kasi kami kay bossing Diwata"napakamot pa ito sa batok nito
habang nagsasalita.

"Pero maiba ako bo-ay Sir Lance po pala, bakit biglang niyong naisip magboxing.
Ayaw niyo na bang maging negosyante?"tanong ni Roberto.

"Not that, ayaw ko ng magnegosyo. Ito na ang buhay ko, hindi naman boxing ang
gagawin ko. Gusto ko lang ng sparing partner"sagot niya.

"Sparing partner lang pala eh"tinaas taas pa ni Roberto ang kuwelyo nito.

"Yabang nito, sino po ba sir ang tatapatan natin. Pwede naman kasi kami nalang
magturo sayo"sabi ni Johnny.

"Si Diwata"maikling sagot niya.

Wala namang iniinom ang dalawa pero ng marinig ang sagot niya bigla nalang nasamid
ang mga ito.

"Bossing Lance, may gusto k aba kay bossing Diwata namin?"nanlalaki pa ang mata ni
Roberto sa pagtatanong sa kanya.

"Yeah, and she give me this condition na kapag natalo ko siya sa sparing namin
pwede ko na siyang ligawan. And she only give me two weeks to practice."problemado
niyang sagot.

Nang tignan niya ang mga kausap niya parang doble ang problema ng mga ito kaysa sa
kanya.

"Bakit ganyan mga mukha niyo? Para kayong nalugi ng ilang milyon ah"puna niya sa
mga ito.

"Bossing Lance, kahit yata pagsamahin tayong limang mga gwapo hindi natin kaya si
Bossing Diwata"sagot ni Roberto.

"Lima? Sino pa iyong dalawa, tatlo lang tayo dito"takang tanong naman niya.

Bigla naman nagliwanag ang mukha ni Roberto sa sinabi niya.

"Ibig sabihin bossing Lance tanggap mo na gwapo din kaming apat?"masaya pang tanong
ni Roberto.

Napailing nalang siya, ngayon niya naiisip mga pulis ba talaga ang mga kasama niya
para kasi hindi.

"Si De gracia at Lim bossing"sagot naman ni Johnny.

"So, matutulungan niyo ako?"tanong niya ulit sa mga ito.

"Sige bossing Lance"pagsang-ayon naman ni Roberto.

"I said stop calling me bossing"sita niya sa mga ito.

"Kailan tayo magsisimula, sir?"si johnny ang nagtanong.


"Ngayon na"tumayo pa siya.

Hindi naman sila pwede dito, kaya hahanap sila ng gym na pwede silang magpractise.
Meron naman siguro alam ang mga ito kung sakali. Kung nasa Manila lang sana sila
ngayon pwede na sa bahay niya, meron kasi siyang mini gym sa loob ng bahay niya.

"Bossing"tawag sa kanya ni Roberto na tiningnan naman niya ng masama.

"Sir pala, kick boxing ang paborito ni Bossing Diwata"pagbibigay pa sa kanya ni


Roberto ng ideya.

"Fvck! Kick boxing. shit"napapamura nalang siya sa sobrang pagkamangha.

"Oo Sir, gustong gutso pa ni Bossing Diwata iyong putok ang nguso naming kapag
nags-sparing kami"dagdag pa ni Johnny.

Kinabahan naman siyang bigla sa sinabi nito. unknowingly napahawak siya sa nguso
niya, paano nalang kapag sila na ni Diwata ang nagsparing.

Walang sinasanto si Diwata, kahit lalaki kayang nitong patumbahin.

Napalunok siya ng sunod sunod, nakahanap na siya ng katapat niya. kung siya tigre
ang bansag sa business world si Diwata naman sa larangan ng palakasan.

Palabas na sila ng bahay ng masalubong nila si Diwata at ang dalawa pang pulis na
kasama nito.

"Saan kayo pupunta?"tanong nito.

"Dyan lang sa tabi"siya na ang sumagot.

"Hindi ka pwedeng lumabas, may mga taong nakapaligid satin ngayon. Hinihintay ko
lang sila kuya ngayon babalik na tayo sa Manila"awat sa kanya nito.

"What?"gulat siya, ang akala naman niya hindi na sila nasundan ng mga ito kasi
naman madaling araw na sila umalis noon sa manila.

Isama pa na maingat sila Diwata at Johnny habang nagmamaneho ang huli papunta sa
probinsya. Paano sila nasundan doon.

"Iyon nga din ang nakakapagtaka, paano nila nalaman na nandito tayo."nakapameywang
pa si Diwata habang nagsasalita.

Halata sa mukha nito ang problema. Naalala niyang bigla ang sugat nito. hindi pa
ito magaling dalawang araw palang itong nagpapahinga kaya alam niyang hindi pa iyon
hilom.

"You stay here, kailangan mong magpagaling muna"utos niya sa dalaga.

"Are nuts? Hindi kita pwedeng hiwalayan ng tingin, lalo pa ngayon na wala na silang
sinasantong lugar"angil naman ni Diwata.

Kakaupo palang ni Diwata sa sofa ng dumating naman ang mga kuya nito kasama ang
tatay ng mga ito.

"Ano na ang plano mo ngayon?"agad na tanong naman ng tatay ni Diwata.

"Babalik na po kami ng Manila"sagot ni Diwata.


"Mas safe dito Diwata."awat naman ni Andres sa kapatid.

"Safe nga dito pero sigurado madadamay na kayo kuya. Kailangan ko lang ng convoy
pabalik ng manila maliban kila De gracia."tumayo na si Diwata.

"You stay here, kami nalang muna ang babalik ng Manila"sabad niya.

Lahat ng tao napatingin sa kanya ng sabihin niya ang mga salita iyon.

"Uulitin ko, hindi ako pwedeng maiwan dito, trabaho ko na bantayan ka. Kaya kung
nasaan ka andoon ako"pagdidiin ni Diwata sa bawat katagang binitawan nito.

"Then, I'm cutting your service from now on. Hindi ko kaya irisk ulit ang buhay mo,
ayoko ng makita na may tumatagas na dugo dyan sa katawan mo. I rather risk my own
life than seeing you risking your life for me. Balato mo na sakin ito My
Princess"paliwanag niya.

Lahat ng tao doon ay natahimik sa sinabi niya, lalo na si Diwata na pinamulahan pa


ng pisngi.

"Yan ang future bayaw ko"pagyayabang pa ni Dominador na unang nakarecover sa


pagkabigla.

"Mr. McDaniel, for your information hindi ikaw ang naghire sakin para bantayan ka.
Kaya hindi ikaw ang magtatanggal sakin sa trabaho kong ito."pagmamatigas ni Diwata
ng makabawi na ito sa pagkabigla.

Napasabunot naman siya sa sarili niyang buhok, wala talaga hindi niya kayang
supilin si Diwata. Nagpapakasweet na nga siya ngayon eh, wala pa din hindi man lang
tinalaban.

"Tay, please I need a help here"baling niya sa tatay ni Diwata.

Napailing naman ang tatay niya, hindi niya alam maging ito hindi kayang pigilan ang
anak.

"Hoy, ikaw kailan ka pa binigyan ng permiso na tawiging tay ang tatay ko"sita naman
ni Diwata.

"The moment that tatay gives me the permission to court you."nakangiti naman niyang
sagot sa dalaga.

"Tay naman"angal ni Diwata.

"Makinig ka nalang kay Lance"iyon naman ang sagot ng tatay ni Diwata.

Nagpapapadyak padyak pa si Diwata sa inis nito.

"Susunduin naman kita dito kapag magaling iyang sugat mo. Isasama ko sila Johnny
para mapanatag ka"sabi pa niya.

"No, wala ng aalis. Kung aalis ka man dito kasama ako and that final"galit na sagot
ni Diwata sa kanya bago ito nagdabog na pumasok sa loob ng kwarto nito.

Napailing naman silang lahat sa inasta ni Diwata.

"Ihanda mo na bayaw, sigurado ako under ka 'pag nasakal ka na sa kapatid ko"tinapik


pa ni Andres ang balikat niya.
Nagtawanan naman ang lahat ng nakarinig sa sinabing iyon ni Andres.

.....................

Hindi nga sila natuloy na umalis ng araw na iyon, dalawang araw na sila doon, at sa
mga araw na iyon wala siyang ibang ginawa kundi ang magpractise ng kick boxing. Sa
mga araw na iyon sobrang sakit ng katawan niya, anim ang naging trainor niya. Sila
Johnny, Kevin, George, Roberto, Dominador at Andres. Noong si Andres na ang
kasparing niya sobra siyang nabugbog, parang personalan na ang laban nilang dalawa
noon.

Dumugo pa nga ang ilong siya at pumutok ang kilay niya sa sobrang pahirap sa kanya
ni Andres.

"You're a mess"pang-aasar pa sa kanya ni Diwata habang ginagamot nito ang mga sigat
niya.

"Okay lang, atleast your this near to me"nakuha pa niyang ngumisi sa lagay niya.

"Desidido ka ba talagang makalaban ako, kasi kung magkataon mas malala pa gagawin
ko sayo"ani Diwata.

"Yap, I still have eleven days left para sa magpractise My Princess"sagot naman
niya.

"Hibang ka na"pang-aalaska pa nito.

"Maybe, crazy about you"nakangiti niyang sagot.

Bigla naman nitong diniinan ang bulak na may batadine sa kilay niya.

"Aww"daing niya.

"Bagay iyan sayo, matigas ang ulo mo."sermon pa sa kanya ni Diwata.

Natawa lang siya sa ginawa ng dalaga, tahimik na sila habang ginagamot siya nito.

"May kilala ka bang Scott Jones?"out of nowhere biglang natanong sa kanya ni


Diwata.

Napakunot noo naman siya sa tanong sa kanya ni Diwata. Bakit kilala ng dalaga ang
pinsan niya.

"Yeah, pinsan ko. My one and only cousin"sagot naman niya.

Patangutango naman si Diwata sa naging sagot niya. natahimik na din ito at hindi na
nagsalita pa. lalo naman siyang nacurious kung bakit nito natanong ang pinsan niya.

"Bakit mo kilala ang pinsan ko?"hindi na niya napigilan na tanungin ang dalaga.

"Nasa profile mo, hindi nga lang sinabi kung ano mo siya kaya natanong ko lang.
kwento mo nga kung paano kayo naging magpinsan at isasama ko sa report"sagot ni
Diwata ng matapos bendahan ang sugat niya.

Nakahinga naman siya ng maluwag sa narinig. Kala niya naman kung ano na kilala kasi
niya ang pinsan niya bilang dakilang playboy. Pero ang alam niya wala dito sa
pilipinas ang pinsan niya.
"Hmm, his mom and my dad are the only sibling of McDaniel's. mas matanda ang mom
niya sa dad ko ng five years. Scott also is older than me, siguro mga six to seven
years ang tanda niya sakin. His base in New York, a business man like me."paliwanag
niya.

"Close kayo?"tanong ulit ni Diwata.

"Not really, sa New York kasi siya lumaki, while me dito na sa Pilipinas. Both his
parents are American, while me half American half Filipino."ginaganahan na siyang
sagotin ang lahat ng tanong sa kanya ni Diwata.

Ngayon lang kasi naging interisado ng ganito si Diwata sa kanya, kaya naman
sasamantalahin na niya.

"Hindi naman ba kayo nagkaroon ng pagtatalong dalawa?"deretso sa pagtatanong si


Diwata.

"Who?"takang tanong niya.

"Scott"nakataas pa ang kilay nito ng sinagot siya.

Napakamot pa siya sa ulo niya bago sumagot.

"Hindi naman, like what I said sa New York siya naka base. Hindi naman siya madalas
pumunta dito sa Pilipinas"sagot niya.

"Kailan kayo huling nagkausap o nagkita?"tanong na naman ni Diwata.

Feeling niya ine-enterogate na siya ni Diwata sa paraan ng pagtatanong nito. ano pa


nga ba asahan niya eh una pa lang alam niyang pulis ito, inspector pa.

"I think three to four months ago. Nagpunta ako sa New York to visit some of my
business there"sagot ulit niya.

"Wala ka naman napansin na kakaiba sa pinsan mo?"tutok na tutok sa kanya si Diwata


ngayon. Seryoso pa ito.

"Hey, is there something about my cousin.?"hindi na niya napigilan na tanungin ito.

"Sagutin mo nalang ang mga tanong ko"naiiritang sagot sa kanya ni Diwata.

"Ayoko, sabihin mo muna bakit sobrang interesado ka sa pinsan ko"nakapout niyang


tanggi sa sinabi nito.

Naramdaman niyang hinampas siya nito sa balikat niya. hindi naman ganoon kalakas
kaya hindi siya nasaktan.

"Umayos ka nga, tapyasan ko yang nguso mo eh"sita pa sa kanya nito.

"Kiss mo nalang"pagbibiro niya.

Tinaas nito ang kamao nito hangga sa nguso niya.

"Ito gusto mong mahalikan"banta pa nito.

"Pwede din"tinaas taas pa niya ang kilay niya baka sakaling makalusot.

Tumayo na ito at iniwanan na siya nito sa sala, natatawa naman siya kasi nagiging
habit na ni Diwata ang magwalk out sa kanya. kasalukuyan niyang tinatanaw si Diwata
ng tumunog ang cellphone niya.

Secretarya niya lang naman ang tumatawag. Mula noong umalis sila ng manila ngayon
nalang ulit ito tumawag sa kanya. instruction kasi niya na wag siyang abalahin sa
bakasyon niya. emergency siguro kaya siya nito tinawagan ngayon.

"Yes, Jacob"sagot niya.

"Sir, sorry to interrupt you in your vacation. But I just want to remind you sir
regarding to your Birthday party this coming Sunday."sagot naman ng kausap.

Napapikit naman siya, oo nga pala nagpaset siya ng birthday party niya sa Sunday.
Pasasalamat niya iyon sa lahat ng staff niya at sa mga business partner niya.
nakalimutan na niya, naging busy na kasi siya sa lovelife niya.

Nakakabakla naman. Reaction niya.

"Okay, thanks for reminding me Jacob. Nakalimutan ko na nga iyan"pag-amin pa niya.

"Its my work sir"sagot pa ni Jacob.

"Okay, we will be there"iyon lang at tinapos na niya ang tawag nito.

Napabuntong hininga pa siya ng ibinulsa niya ang cellphone niya. hindi pa niya
nasasabi kay Diwata iyon, paano kaya niya sasabihin sa dalaga.

"Bahala na nga"bulong niya sa sarili niya.   

Lumabas siya ng bahay nila Diwata at hinanap ang dalaga, nakita niya ito sa garahe
at nagsisimula ng maglinis ng motor nito.

"My Princess"tawag niya sa dalaga.

Nakakunot ang noo na nilingon siya nito.

"Bakit?"mataray na tanong sa kanya nito.

"Okay na ba ang sugat mo?"pasimula niya.

"Medyo, hindi ko na nga binebentahan"sagot pa nito.

Tatangu tango naman siya, mas lola pa siyang lumapit dito. makikigulo na din siya
sa paglilinis nito ng motor.

"Pwede na ba tayong bumalik ng Manila?"tanong niya.

Umayos ito ng tayo at tiningnan siya.

"Bakit kailangan ka na ba sa opisina?"nag-aalala na tanong nito.

"Not really, birthday ko na kasi sa linggo"mahina niyang sagot.

"Tapos?"alangan na tanong ni Diwata.

"May party"pahina nan g pahina ang boses niya.

Aayain kasi niya na maging date niya si Diwata sa linggo, at hindi niya alam kung
paano niya sasabihin sa dalaga.
"Sige, ihahanda ko na ang mga gamit natin"kinuha nito ang hose at sinabuyan na ang
motor nito para hugasan.

"Pwede ba kitang maging date sa Sunday?"lakas loob na niyang tanong sa dalaga.

Nakataas ang kilay nito ng bumaling sa kanya.

"Natural, diba nga alam sa company na girlfriend mo ako. So ako talaga ang date
mo"mataray na sagot niya.

Hanggang tenga naman ang ngiti niya sa sinagot ng dalaga sa kanya.

Friday na ng magpaalam silang babalik na sila ng manila. Kasama pa din nila si


Johnny sa sasakyan at nakaconvoy naman sa kanila ang tatlong pulis na kasama ng mga
ito. meron din silang iba pang kasama na nakaconvoy.

Naitawag na din ni Diwata sa ninong niya ang party sa linggo. Kaya naman doble ang
tauhan na ng mga pulis na dadalo sa party niya.

"Pupunta ba ang pinsan mo?"tanong sa kanya ni Diwata habang nasa biyahe sila.

"Hindi ko alam kung dadating siya"sagot naman niya.

"Can you confirm it?"tanong na naman nito.

"My Princess ha, kahapon ka pa. nagseselos na ako"sita niya dito.

"Selos ka dyan"inirapan siya nito at ibinaling nalang ang ulo sa labas ng bintana.

Hindi na ito nagsalita pa mula noon.

Naiinis siya kasi bakit ba interesado si Diwata sa pinsan niya. hindi niya alam
kung ano ba ang dahilan ni Diwata bakit ang daming tanong nito tungkol sa pinsan
niya.

And he don't want what his feeling right now, kaya naman kaysa kung ano pa ang
masabi niya natahimik nalang din siya.

Hanggang sa makaratig sila sa bahay hindi na sila nagpansinan pa ni Diwata.

I hate this feeling...


Thirteen
             

Thirteen

Diwata's POV

Nagkakaroon na sila ng lead sa kung sino ang gustong pumatay kay Lance. Pero
aaminin niya nadidistract siya sa mga pinapakita sa kanya ni Lance.

Simula ng sinabi nitong liligawan siya nito, nakikita niya ang lahat ng effort
nito. mula sa pagsasanay nito ng kick boxing, nakikita niya din na hindi na
nakadepende ang security nito sa kanya. mas gusto pa nga ng binata na hindi na siya
kasama kung lalabas ito.

Ang rason nito kung sakaling may magtangka na naman sa buhay nito atleast safe daw
siya.
Naiinis niya kasi naman trabaho niya iyon. Ang bantayan at siguraduhin na safe din
ang binata.

Kagaya ngayon sabado, iniwanan ba naman siya sa loob ng bahay nito. umalis itong
mag-isa ngayon at may pupuntahan lang daw ito. hindi pa ito nagpaalam sa kanya sa
kasambahay lang nila ito nagpaalam.

"Ma'am Diwata"tawag sa kanya ni Minerva.

"Nervs, bakit?"tanong niya dito.

Kailangan na naman niyang magpanggap na aanga-anga ngayon kasi nasa Manila na naman
sila.

"Pinapatanong po ni Sir Lance kung may isusuot na daw po ba kayo para bukas sa
party?"tanong nito.

Napasimangot siya ng marinig niya ang pangalan ni Lance.

"Hmp, mahuhubad lang ako bukas. Madami naman akong panty at bra dyan"nakasimangot
na sagot niya.

Hindi niya tinitignan ang kausap niya, nakatuon lang ang mata niya sa TV. Nanunood
siya ng powerpuff girls sa carton network at kumakain ng popcorn.

Kaya naman nagulat pa siya ng bigla nalang may tumapat na telepono sa tenga niya.

"Anong maghuhubad ka bukas. That will never happen Diwata, kung maghuhubad ka man
iyon ay sa honeymoon lang natin"pasigaw pa na sabi ni Lance sa kabilang linya.

Hinawakan niya ang telepono at nanggigigil na pumikit siya. Nakawireless phone siya
ngayon.

"Wala kang magagawa kung gusto kong maghubad lang bukas. Isa pa hindi naman ako
hubad na hubad kasi magpa-panty at bra ako. O diba bonga iyon lahat ng tao
nakatingin sakin 101% sure 'yon sikat ako bukas"sarcastic niyang sagot sa binata.

"What?!!"parang nakikita niyang umuusok ang ilong ngayon ni Lance.

Kaya naman napasmirk naman siya kasi nararamdaman niya naiinis na si Lance.

"Wala ka ng sasabihin?"tanong niya.

Narinig niyang bumontonghinga ito.

"Galit k aba kasi iniwanan kita ngayon dyan?"malayong sagot nito.

"Buti alam mo"sagot niya at tinapos na ang tawag.

Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan si Tiffany.

"Hoy bakla, lumuwas ka ng manila ngayon magdala ka ng mga evening gown iyong
desente ha. Sunduin kita sa terminal within 4 hours."hindi na niya hinintay na
sumagot ito at tinapos na niya ang tawag niya.

Natawa nalang siya ng magtext ito sa kanya.

Bruha ka, kung makautos ka wagas. Wala akong pamasehe.


Iyon ang text sa kanya ni Tiffany.

Manghingi ka kay Kuya Andres, dal aka ng extra mong damit sa Monday ka na balik
dyan. Ingat

Nakangising nireplyan niya ito.

"Ma'am Diwata, ang taray niyo naman"manghang puna sa kanya ni Minerva.

"Ayos ba Nervs, dapat magmaganda ako ngayon. Si Lance kasi iniwanan ako"nakapout
niyang sagot.

"Mahal na mahal po kayo ni Sir Lance, ma'am Diwata. Ang dami po niyang bilin kanina
bago umalis"nakangiting sagot nito.

"Ano naman ang bilin niya?"takang tanong niya.

"Simple lang naman po, dapat po may pagkain na kayo paggising niyo. Ibigay lahat ng
gusto niyo, kung ayaw niyo ng niluto ni manang Lita ipagluto kayo ng gusto niyo.
Mga ganon lang po"nakangiti pa ding sagot nito.

"Utot niya"nakapout pa din sagot niya pero deep inside parang kinikiliti ang puso
niya.

"Naku, ma'am Diwata, maniwala po kayo. Sa totoo lang po hindi naman dito tumutuloy
si sir Lance noon. Sa may condo lang siya nakatira noong wala pa kayo. Kasi ang
sabi ni sir Lance titira lang siya dito kung may makakasama na siyang titira
dito"nag-aalala pa nitong paliwanag.

"Talaga?"nakuha naman noon ang atensyon niya.

Wala kasi sa folder ni Lance ang ganoong impormasyon.

"Oo ma'am, kaya nga nagulat kami kasi biglang umuwi si Sir Lance kasama kayo. Kaya
alam na namin na malapit ng ikasal si Sir Lance."para itong kinikilig na teenager
habang nagsasalita.

"Bagay na bagay nga po kayo ni Sir Lance"dagdag pa nito.

"Bagay kami?"nakataas pa ang kilay niya ng sabihin niya iyan ha.

"Oo ma'am, maganda at gwapo kayo ni sir. Kaya bagay na bagay po kayo"excited na
sagot ng kausap niya.

"Naku, wag ka nga. Binubola mo lang ako"sagot niya.

Marami pa siyang nalaman sa binata galing sa kasambahay nila. Hindi nalang si


Minerva ang kausap niya kasi maging sila manang Lita ay nakisali na din sa
pakikipagkwentuhan sa kanya. hindi na nga niya namalayan ang oras, tinawagan lang
siya ni Tiffany na nasa terminal na daw ito.

Kaya naman nagmamadali siyang umalis ng bahay kasama ang Si Mang Delfin, hindi kasi
siya pinayagan ni Manang Lita na umalis na siya lang. dapat daw kasama nila si Mang
Delfin para safe daw siya at iyon daw ang bilin naman ni Lance sa mga ito bago ito
umalis kaninang umaga.

Kung alam lang ng mga ito kaya naman niya ang sarili niya.

"Bakla"tawag niya kay Tiffany ng nakarating sila sa terminal.


Napataas ang kilay niya ng makita kung gaano karami ang dala nitong abubot.

"Ang tagal mo naman ganda, naloss ang beauty ko dito"reklamo nito.

"Beauty? Saan banda?"pang-aasar naman niya.

Natatawa siya habang iniirapan naman siya nito at pakendeng kendeng pa itong
lumakad palapit sa sasakyan nila.

"Mang Delfin, kaibigan ko po. Tomas sa umaga, Tiffany sa gabi"pang-aasar niya sa


kaibigan niya.

"Hoy bruha ka, Tiffany nalang umaga altheway hanggang umaga ulit. Loka loka ka
talaga"reklamo ulit nito sa kanya.

Tinawanan lang sila ni Mang Delfin, tinulungan sila ni Mang Delfin na ipasok sa
sasakyan ang lahat ng dala ng hitad niyang kaibigan.

Panay ang reklamo nito hanggang sa makarating sila sa bahay nila Lance.

Pagpark ng sasakyan nila napansin niyang nandoon na ang paboritong sasakyan ni


Lance. Ibig sabihin nandoon na ang binata.

Kaya naman nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan para komprontahin ang binata.

"Hoy! ikaw lalaki"tawag niya kay Lance.

Prenteng nakaupo lang ito sa sofa at mukhang hinihintay siya nito. hindi naman siya
nag-alala dito kasi tinawagan na niya ang mga kasamahan niya na bantayan si Lance.

"My Princess, na miss mo ba ako"nakangisi pa itong tumayo at akmang sasalubungin


siya nito ng yakap nakabuka kasi ang mga kamay nito.

Paglapit naman niya dito kagad niyang ininspeksyon ang kabuuan ng binata. Tumatawa
nga ang mga kasambahay nila sa pinaggagagawa niya kay Lance maging si Lance din ay
tuwang tuwa sa ginagawa niya.

"I'm fine my princess"bulong sa kanya ni Lance.

Tiningala niya ito ng nakasimangot siya dito. Naiinis pa din siya dito sa pang-
iiwan sa kanya nito ngayon. Sesermunan pa sana niya ito ng bigla nalang nitong
saluhin ang mga pisngi niya at walang sabi sabi na hinalikan siya nito sa mga labi
niya.

Nanlalaki ang mata niya sa sobrang pagkabigla, pero maya maya lang napapikit na
siya at dinama ang mga halik sa kanya ni Lance.

Iba ito sa unang kiss nilang dalawa kasi naman smack lang ang ginawa niya noon
dito. pero itong halik nito ngayon matagal at kakaiba.

Gumalaw galaw ang mga labi ni Lance habang nakahinang sa kanyang mga labi.
Gagayahin na sana niya iyon ng biglang mag tumili sa likod niya.

"Eiiiiiiiii....may tukaan mode"nakikisay pa si Tiffany sa sobrang kilig nito sa


nakikita.

Nang lumingon siya nakita niya sila Manang Lita, Minerva, Beverly, Angie, Mang
Delfin at Tiffany na nakatingin sa kanila ni Lance na kala mo nanunood lang ng
pelikula sa sinehan. Nahihiya tuloy siyang humarap sa mga ito kaya naman isiniksik
niya ang mukha sa dibdib ni Lance.

Ito namang si Lance kala mo nakajackpot kung makangisi. Para ng mapupunit ang
pisngi nito sa sobrang pagkakangiti. Niyakap nalang siya ni Lance ng mahigpit.

"Sino ka?"narinig niyang tanong ni Lance.

"Hmmm, beks hindi mo sinabi na super hot na hot ng fafa Lance mo"ani naman ni
Tiffany.

Doon naman siya kumawala sa pagkakayakap ni Lance sa kanya at hinarap na ang


baklita niyang bisita baka kasi madulas pa ang bibig nito, nakaharap pa naman ang
mga kasambahay nila ni Lance mabuking pa sila.

Kaya naman nilapitan niya agad si Tiffany.

"Ahh Bakla, Ito si Lance, si manang Lita, Minerva, Beverly, Angie at kilala mo na
si Mang Delfin diba, everybody meet Tomas sa umaga Tiffany sa gabi my
friend"pagpapakilala niya sa mga ito.

Habang sinasabi ang mga iyon pinaglalakihan niya ng mata si Tiffany, na


pinapahiwatig niyang wag itong magsasalita pa.

"Why he is here?"nakataas ang kilay ni Lance habang nakatitig sa kanya.

"Ouch naman, He talaga. Kita mong naghuhumiyaw ang make-up ko sa mukha at halos
pumutok na ang dede ko sa suot kong dress He pa din ginamit mong pronoun"reklamo ni
Tiffany kay Lance.

Nagtawanan naman sila ng mga kasambahay nila sa mahabang litanya ni Tiffany.


Samantalang nakasimangot naman si Lance na nakatingin sa kanila.

"My Princess"tawag sa kanya    ni Lance. Siya naman nilingon ito at hininto ang
pagtawa.

"What?!"takang tanong niya.

Nagpalipat lipat ng tingin sa kanya at kay Tiffany bago siya tinapunan ng tingin na
ano-ang-ginagawa-ng-baklang-iyan-dito look. She roll her eyes heavenward and took
ang deed sigh.

"Diba birthday mo na bukas and we birthday party have attend. Siya stylish ko"sadya
niyang maliin ang grammar gaya ng pagpapanggap niya.

"What?"takang tanong sa kanya ni Lance.

"Ewan ko sayo baby, ang hina mo naman"nagpapadyak pa siya kunwari para makimbinsi
ang mga nakatingin sa kanila.

Inirapan niya si Lance bago niya hinatak si Tiffany paakyat sa taas para pumunta sa
kwarto niya.

"Diwata"tawag pa sa kanya ni Lance.

"ano na naman, magbeauty rest na kami kasi dapat beautiful ako bukas"sigaw niya at
nagderetso sila ni Tiffany sa taas.

...........................
"Kainis ka naman Tiffany, hindi ako sasali ng Miss Gay"reklamo niya ng makita niya
ang mga dala nitong gown.

Panay mga nakakatawang gown ang dala nito, may mga head dress pa na kakaiba. Kaya
naman pala ang dami nitong dala kahapon kasi ang dami nga naman talagang abubot
nitong dala.

"Gaga, ang gaganda nga nitong dala ko. Bagay na bagay sayo"sagot pa nito.

Naiinis siyang napasabunot sa sarili niyang buhok sa sobrang inis niya.

"And sabi ko desente ang dalin mo"frustrated na sagot niya.

Tumawa lang loka loka niyang kausap, dapat talaga tiningnan na niya kagabi ang mga
dala nitong gown, hindi ngayon na halos tatlong oras nalang kailangan na nilang
pumunta sa venue ng party ni Lance.

"Ang pangit mo namang mafrustrate Beks, binibiro lang kita."tumatwa pa ito habang
naglalabas ito ng gown mula sa pinakadulo ng dala nitong maleta.

Naglabas ito ng isang black na dress, halter dress na off shoulder ang tabas. Hindi
pa man niya naisusuot ito alam niyang mababakat ang kurba ng katawan niya dito.

  

A/N: dress na dala ni Tiffany para kay Diwata.

"Wow"iyon nalang ang nasabi niya sa ganda ng gown.

"Wow talaga, alam mo bang para sa alaga kong Binibining San Jose ito para sa
darating ng fiesta. Bagong bago ito bruha"sabi pa nito.

"Babayaran ko nalang bakla. Bili mo ng bago iyong alaga mo"sagot niya na nakatitig
pa din sa damit.

Nalove at first sight yata siya sa damit, bihira siyang magkagusto sa mga ganitong
klase ng damit, mas gusto kasi niya ang simple shirt at jeans lang.

"Babayaran mo talaga ito"mataray na sagot pa sa kanya ni Tiffany.

"maliligo na ako"excited na siyang isuot ang gown na ito.

Gusto na niyang makita kung ano ang reaction ni Lance kapag suot niya ang gown na
ito. hindi man niya aminin mukha nagkakaroon na ng puwang sa buhay niya si Lance.
Mahalaga na kasi sa kanya kung ano ang masasabi nito.

Sana magustuhan niya... kinikilig pa siya habang naliligo siya.

Hanggang sa matapos siya at naayusan ni Tiffany si Lance pa rin ang nasa isip niya.
birthday nito ngayon at wala pa siyang naiisip na regalo na ibibigay sa binata.

Kiss ko nalang siya mamaya, mayaman naman na siya nasa kanya na lahat. Napailing pa
siya sa naisip niya.

Nakatikim lang siya ng kiss para na siyang timang na nakakaisip na ng mahahalay na


Gawain.

"Oh, bongga. Maglalaway ngayon niya si Fafa Lance kapag nakita ka niya"masayang
reaction ni Tiffany ng makapagbihis na siya.

"Sigurado ka?"paninigurado pa niya.

"Hoy ikaw ha, may gusto ka na ba sa mission mo?"pag-iiba naman nito ng usapan.

"Masama ba? Single naman kaming parehas"pag-amin niya.

Para namang naiipitan kung makatili ang bakla sa sobrang kilig.

"Alam mo bagay kayo, wag kang mag-alala hindi ko muna sasabihin kay Kuya Andy mo
ito"sabi pa nito.

Inirapan niya ito. "Bakla, tanggap na nila si Lance. Bayaw na nga tawag nila"sagot
pa niya.

Sinipat sipat niya ang sarili sa salamin, at tama si Tiffany magugustuhan naman
siguro ni Lance ang itsura niya ngayong gabi.

"Oh, nanliligaw na ba?"tanong pa ni Tiffany.

"Nagsabi, pero sabi ko naman dapat matalo pa niya ako sa sparing namin"pag-amin
niya.

Tinulak siya nito ng bahagya."Loka ka talaga, ang brutal mo hanggang sa lovelife


mo. Baka umurong na iyon kapag nakatikim ng kamao mo"sermon nito sa kanya.

"No, doon ko makikita kung seryoso siya skin"nakairap niyang sagot.

"Bahala ka nga dyan, sige na gora na baka naghihintay na ang prince mo"pagtataboy
nito sa kanya.

Inirapan niya ito, nagspray pa muna siya ng pabango bago siya lumabas ng kwarto
niya at naglakad na pababa. Kinatok na siya kanina ni Minerva at sinabing
hinihintay na siya ni Lance sa sala.

Ibibigay ko na lang ba ang 'oo' ko ngayon gabi. Hindi ko nalang ba siya


pahihirapan?.... iyon ang iniisip niya habang naglalakad siya pababa.

Nang nasa hagdan na niya, nakita niya si Lance na nakatingala sa kanya. kitang kita
sa mga mata nito ang paghanga at pagmamahal sa kanya.

Hindi din naman niya maalis ang mga mata niya sa binata, palagi na niyang nakikita
na nakaformal ito pero iba ngayon ang tingin niya. napakagwapo nito sa paningin
niya sobra.

Hanggang sa makababa siya sa hagdan at nakatingin nalang silang dalawa sa mga mata
nilang dalawa.

"Your so beautiful tonight"puri nito sa kanya.

"Happy birthday"bati naman niya dito.

Ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis tamis.

Iyong pang sinasabi ng mga kakilala niyang babae, makalaglag panty na ngiti.

At mukhang malalaglag ngayon ang panty niya kaya naman wala sa isip niyang
napahawak siya sa bandang garter ng panty niya.
Bahala na...

.............
Fourteen
            

Fourteen

Lance's POV

Hindi na niya maalis ang mga mata niya sa babaeng pinakamahalaga sa buhay niya.
Shes so gorgeous, parang ayaw na niyang tumuloy sa sarili niyang party. Gusto
nalang yata niyang magkulong sa bahay nila at titigan si Diwata magdamag.

"Bibig mo"sabi sa kanya ni Diwata ng makalapit ito sa kanya.

Hinawakan pa nito ang baba niya na para bang pinapatikom ang bibig niya dahil
nakanganga siya.

Well okay lang sa kanya kasi nakakanganga naman talaga ang ganda ng dalaga. Tumulo
pa nga yata ang laway niya.

Hay naku para siyang hindi desenteng tao kung makaasta kapag nasa paligid si
Diwata.

"Your so gorgeous"puri niya dito.

"I know right"nakataas pa ang kilay nito habang sinasabi iyon.

"Shall we"aya niya dito.

Kumapit ito sa braso niya at inalalayan niya itong maglakad hanggang sa pagsakay sa
sasakyan.

Hindi na matagal ang mata niya sa dalaga kahit na nasa biyahe silang dalawa. Buti
nalang pinagdrive sila ni Mang Delfin kung hindi baka nabangga na sila sa gate
palang palabas ng bahay nila.

"Isuot mo ito"utos sa kanya ni Diwata.

Isang earpiece ang binigay sa kanya nito at parang isang butones. Sinunod naman
niya ang sinabi nito, alam naman niya kung ano ang mga ito. ang hindi lang niya
maintindihan kung bakit siya binigyan ng mga ganito.

"Safety first. Para alam mo kung sino o ano ang nagyayari sa paligid mo"bulong sa
kanya ni Diwata.

"Okay"nangiti siya habang kinakagit ang mga binigay nito sa kanya.

Hindi naman masyadong nagsasalita si Diwata hanggang sa makarating sila sa venue ng


party. Alam naman niyang nag-iingat lang ito kasi may kasama sila sa sasakyan.

"Sir, anong oras ko po kayo susunduin?"tanong sa kaniya ni Mang Delfin ng makababa


na sila ni Diwata.

"I just call you"sagot niya at umalis na ang matanda.

Marami ng tao sa venue, invited kasi ang mga staff niya kaya naman madaming tao.
Pinilit niyang makaattend ang halos lahat ng mga staff niya ay makadalo sa party na
iyon. Taon taon iyon na ginaganap, dati sa birthday ng daddy niya, ngayon sa kanya
na.

"Let us all welcome our beloved CEO Mr. Lance McDaniel lets give him a big
hand"announce ng emcee sa pagdating nila.

Gusto niyang itama ang intro sa kanya, may kulang kasi hindi naipakilala si Diwata
na kasama niya. di bale nalang mamaya sa speech niya babanggitin nalang niya ang
dalaga.

Nakangiti lang sila habang pumapasok sa loob ng venue, kita niya ang paghanga sa
mga mata ng mga tao sa loob nito. lahat ng mata ng mga kalalakihan kay Diwata
nakatingin.

Mamatay kayo sa inggit, because this gorgeous lady besides me is mine...nakasmirk


siya sa lahat ng mga lalaking nadadaan nila.

Kung kanina lang nasa braso lang ni Diwata ang kamay niya ngayon he possessively
round his arms in Diwata's waist. Showing to those shit head that Diwata is his
property.

Naupo sila sa nakalaan na table para sa kanila. Sinimulan na ang program ng gabi na
iyon, hindi naman masyadong mahaba ang party na iyon.

"You really are gorgeous tonight"puri na naman niya kay Diwata.

"Talaga, remind me later about that. Bibigyan ko ng bonus si Bakla"bulong sa kanya


ni Diwata.

"Nah, I will be the who will give her a bonus for doing so"ganting bulong niya.

Napabungisngis pa si Diwata sa sinabi niya.

Oh shit what a very lovely girl I have. Bulong niya sa isip niya.

"Her na gamit mong pronoun ngayon para kay Tiffany"bulong nito.

"Ha?! Did I use her?"maangang maangan niya pang biro sa dalaga.

"Bossing Lance, mga banat mo pamatay din minsan"narinig niya ang boses ni De gracia
sa earpiece niya.

"De gracia, wag ka nga nakikinig sa usapan namin"si Diwata ang sumagot. Nagtataray
na naman ito, pero kahit ganon ang ganda pa din niya.

"Bossing Diwata naman, pano naman ako hindi makikinig eh kayo lang naririg ko mula
dito"reklamo naman ni De gracia.

Nasa labas kasi si De gracia para magmatyag sa mga taong nasa labas baka daw
magkaroon ng sniper sa labas.

Nakakalat ang mga kasamahan ni Diwata na mga pulis hindi lang ang lima ang nandito
nagpadagdag din kasi si Diwata. For emergency ika nga ng dalaga, open space daw
kasi ang party kaya pwedeng may makapasok kahit na higpitan nila ang seguridad
doon.

"Boss naman kasi mamaya na ang lambingan niyong dalawa"saway pa ni Reyes.


"Magagawa niyo, ang ganda naman kasi ni Diwata"sabad niya.

Tinitigan niya si Diwata nakita niya ang pamumula ng pisngi nito.

"Hi Babe"nagulat pa siya ng bigla nalang may humimas sa balikat niya at bumulong sa
tenga niya.

Nang lingunin    niya ito nakita niya si Vienna, anak ng isa sa mga business partner
niya sa chain of restaurant niya. matagal ng nagpaparamdam sa kanya ang dalaga na
may gusto ito sa kanya, pero hindi naman niya ito pinapansin.

"Oh Vienna"tumayo pa siya para bumeso dito.

"Happy birthday, babe"malanding bati nito sa kanya.

Nginitian lang niya ito para hindi naman magmukha siyang ungentleman.

"Well thank you"sagot nalang niya.

"Do you have date tonight?"tanong pa sa kanya nito.

Halata naman niyang nagfi-flirt ito sa kanya, she's making a move para maakit siya
nito. sorry nalang ito kasi hindi naman siya tinatablan ng mga pang-aakit nito.

"Well yes"napaigtad pa siya sa sagot ni Diwata.

Nang lingunin niya si Diwata nakita niya itong nakatayo na din at nakapameywang
pang nakatingin sa kanila.

Kinabahan siya sa paraan ng pagkakatingin nito ngayon sa kanila. Nakayapos naman


kasi si Vienna sa kanya kulang nalang magpabuhat na kasi ito sa kanya.

"And who are you?"maarteng tanong ni Vienna kay Diwata.

Tumaas naman ang kilay ni Diwata sa inasta ni Vienna.

"Ehem"he clear his throat and gently removed Vienna's hand in his necktie and went
near Diwata.

"Vienna I like you to meet Di---"pinigil siya ni Diwata sa sasabihin pa niya.

"Nuh ah ah...baby let me introduce my self to this girl"simula ni Diwata.

Tumayo ito ng maayos at ininaas ang noo nito sa harapan ni Vienna. Nagpipigil naman
siya ng tawa sa nakikita niyang ginagawa ni Diwata.

Diwata is acting like a jealous girlfriend right now and he love's it.

"I'm Diwata Mayumi Demaguiba, 24 years old, from the rice granary of the
Philippines, Nueva Ecija"pakilala ni Diwata with matching poss pa na parang beauty
queen.

Diwata never fail to amaze him, kahit alam niyang part iyon ng pag-arte nito
nakakaamaze naman talaga kung gaano ang tindi ang self confidence ni Diwata.

"Whoa.."react naman ni Vienna.

"You also want to know my vital's statistic, it 36 cup c, 24-36"dagdag pa ni Diwata


exposing her beautiful sexy hot body.
Nag-init naman ang pakiramdam niya sa binitiwang salita ni Diwata. Now his
imagining Diwata wearing only a bikini.

Fvck!!!...its giving me a hard on... daing niya. nararamdaman kasi niya ang
pagkabuhay ng inaalagaan niya nga mga oras na iyon.

"What is this Lance, kailan ka pa pumatol sa isang clown"maarteng reklamo ni


Vienna.

"Oh no miss Vienna sausage, if I'm a clown. Maybe I'm the hottest and sexiest clown
on earth alive"pang-aasar pa ni Diwata dito.

"Hoooo....that's our Bossing Diwata"ani Reyes.

"Go..go..go...bossing"ani naman ni De gracia.

"Bossing namin iyan"sabay pang cheer ni Lim at Dela Cruz.

"Princess"tawag niya kay Diwata.

Nilingon siya nito pero nakairap ito sa kanya, and his enjoying the view.

"Ayaw ko na pala sa baby"sabi pa ni Diwata habang nakatingin kay Vienna.

"Call me what ever you want"sagot naman niya.

"You call me My Princess so I will call you my Prince para match. Para
tayo"pagdidiin pa nito sa huling sinabi nito.

Napangiti naman siya sa inaasta ni Diwata, kanina pa siya namamangha sa pinapakita


nito sa kanila.

"Lance"tawag sa kanya ni Vienna.

"Tara na My Prince may speech ka pa"yakag sa kanya ni Diwata.

"I'm sorry Vienna but my Princess is my boss"paghingi niya ng paumanhin sa dalaga.

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Vienna nagpahila na siya kay Diwata palapit sa
stage.

"mukha akong clown"bulong sa kanya ni Diwata habang naglalakad sila.

"No of course not"sagot naman niya.

"Huh, humanda sakin iyong baklitang Tiffany na iyon"umuusok ang ilong ni Diwata.

"Wag ka ng magalit dyan, maganda ka. Ikaw ang pinakamaganda sa lahat ngayong
gabi"bulong pa niya.

Tiningnan siya nito ng masama, bago siya nito inirapan.

Nakasimangot lang ito hanggang sa makaakyat sila sa stage, ngumiti lang ito ng
naupo na ito sa harapan ng maraming tao.

"Good evening everyone"panimulang bati niya sa lahat.

Nagpalakpakan ang ilan sa mga tao na naroon, ang iba naman ay nagtaas ng hawak ng
mga ito na glass of wine.

"All of you know that every year we celebrate my birthday eversince I manage the
McDaniels group of Companies, lahat kayo naging saksi sa paglago natin mula sa
maliit na opisina hanggang sa lumaki ang company natin. Again this night I would
like to take this opportunity to take each everyone of you whose behind in our
success. Kung wala kayo wala ako dito sa harapan niyo ngayon"pasasalamat niya sa
mga staff niya.

Masigabong palakpakan ang naging tugon ng mga tao sa kanyang speech.

"But tonight, hindi lang natin ia-acknowledge ang top performing staff ng
company.di lang birthday ko ang icecelabrate natin. Baka kasi ito na ang huling
birthday ko..."pangbibitin niya.

Marami ang napasinghap, marami ang nagreact, meron pa nga hindi nakatiis at
nagtanong na kung anong nangyayari. May nakapagsabi pa nga na magreresign na daw ba
siya.

Siya naman ngumisi lang sa mga ito.

"kayo naman, ang advance na agad ng narating ng imagination niyo"natatawa niyang


sagot sa mga tauhan niya.

Marami ang nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.

"Perhaps this will be my last birthday party being a bachelor"umami siya ng malakas
na kantiyaw at palakpakan sa sinabi niya.

"May I call on My beloved Princess, Diwata to join me here in stage"tawag niya sa


dalaga sa kanyang likuran.

Nang lingunin niya ito nakita niyang pulang pula na ang mukha nito ay hindi na alam
kung tatayo ba o hindi. Kaya naman sinundo na niya ito at inakay papunta sa harapan
mismo ng mga audience nila.

"How sure are you na maikakasal ka na next year?"bulong sa kanya ni Diwata habang
palapit sila sa microphone.

He chuckle, the thought of gatting married.

"101% sure ako next birthday ko kasal na tayo"sagot niya.

Magsasalita pa sana si Diwata kaso nasa tapat na sila ng microphone.

"Every meets her already, palagi ko ba naman siyang kasama for the past three
weeks. But I didn't introduce her well, so I would like to take this event to
introduce to you my Princess, soon to be my Queen, Diwata Mayumi
Demaguiba"pagpapakilala niya sa babaeng nagmamay-ari ng puso niya.

Malakas na palakpakan ang narinig nilang dalawa. Tuwang tuwa ang mga tao sa paligid
nila, alam naman niya iyon dahil sa anim na taon niyang nagtatrabaho kasama ang mga
ito hindi pa siya nagpakilala ng babae sa mga ito.

Sa kabila ng tuwa ng mga tao siya naman gusto ng mangiwi sa sobrang higpit ng
pagkakahawak sa braso niya ni Diwata. Hindi naman nakatingin sa kanya si Diwata
kundi sa ibang gawi ito nakatingin, na para bang may kinikilala ito o kakilala
mismo na nakita.
"Incoming"bulong ni Reyes sa earpiece nila.

Nagkatinginan pa sila ni Diwata, hindi niya alam kung anong ibig sabihin ni Reyes
sa 'incoming'. Pero laking gulat nalang niya ng bigla siyang hapitin ni Diwata sa
kanyang batok.

"Lance I love you na"sabi nito sabay halik sa kanyang labi.

Kasunod noon ay dalawang sunod na putok ng baril, nagkagulo na ang mga tao. Sunod
sunod na din ang mga narinig niyang mura ng mga kasamahan na pulis ni Diwata.

Pero ang ikinagulat niya sa lahat ang unti-unting pagbagsak ng katawan ni Diwata sa
sahig.

Niyakap niya ito, at napaupo na sila sa stage.

May tama si Diwata, at hindi niya alam kung saan iyon nanggaling.

Nakatitig lang siya sa mukha ng dalaga.

"Please Diwata, stay with me"naiiyak na niyang kausap sa dalaga.

Nagpanic na siya ng makita niyang umubo na ng dugo ang dalaga.

"Somebody help us"hiyaw niya.

Nakita niyang palapit na sa kanila ang ibang kasamahan na pulis ni Diwata.

Nakuha lang attensyon niya ni Diwata ng hawakan siya nito sa pisngi.

"Buhatin mo na ako tanga, hindi ako gagaling kung tititigan mo lang ako"mahinang
bulong nito.

Doon para siyang natauhan sa sinabi nito, agad niya itong binuhat at itinakbo
palabas sa lugar na iyon.

Sinalubong siya nila Reyes at Lim, at sinamahan sila nito palabas hanggang sa
sasakyan. Hindi na nga niya alam kung kaninong sasakyan ang gamit nila basta ang
alam niya nakasakay na sila at papunta na sila sa ospital.

Nakatitig lang siya sa mukha ni Diwata.

"Diwata, princess...stay on me okay...wag kang matutulog"pagmamakaaw niya dito.

Pero hindi ito nakinig sa kanya, unti unti na itong pumikit hanggang tuluyan na
itong nawalan ng malay. Halos magwala na siya sa loob ng sasakyan habang nasa
biyahe sila hanggang sa makarating sa ospital.

Agad naman silang inasikaso ng mga doctor doon.

Nanghihina na napaupo nalang siya sa pinto kung saan pinasok si Diwata para
operahan.

"Sir Lance"tawag sa kanya ni Reyes.

"Johnny, tell me whose behind all of this. Alam kong may alam na kayo kung sinong
gustong pumatay sa sakin."nakatulala niyang tanong dito.

Isang malalim na buntong hininga ang sinagot sa kanya nito.


"May lead na kami, pero ayaw pang sabihin ni Bossing Diwata sayo kasi hindi pa
naman kami sigurado. Hanggang ngayong gabi, pinaghahanap na ang suspect"sagot sa
kanya nito.

Naikuyom niya ang mga kamao niya. nanggigigil siyang tumayo at kinuwelyuhan ang
kausap niya.

"Ang sabi ko sino ang may pakana ng lahat ng ito"sigaw niya dito.

"Ang pinsan mo si Scott Jones"sagot nito.

Binitiwan niya ito at naglakad palabas ng ospital na iyon. Hahanapin niya ang
pinsan niya, siya ang kailangan nito.

Hindi niya mapapatawad ito kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay Diwata.

Nasalubong niya sila De gracia at Dela cruz sa entrance ng hospital.

"Bossing Lance"tawag sa kanya ni de Gracia.

"Kayo na munang bahala kay Diwata, call me when something happen"iyon lang ang
sinabi niya at umalis na doon.

Bakit?... iyon lang umiikot na tanong sa isip niya habang papaalis sa hospital.

Nagtaxi lang siya kasi wala naman siyang dalang sasakya papuntang ospital.

Wala naman siyang maalala na dahilan ng pinsan niya para gawin nito sa sakanya.

Kaya bakit siya gustong patayin nito, anong dahilan ng pinsan niya.

"Lance I love you na" bigla niyang naalala ang huling sinabi ni Diwata bago ito
nabaril.

Sinalo ni Diwata ang bala na para sana sa kanya, kung hindi niya sana tinawag si
Diwata sa tabi niya hindi ito mababaril. Wala sana ito sa loob ng operating room
ngayon at nakikipaglaban para sa buhay nito.

Mariing siyang napapikit, ayaw niyang umiyak ng mga oras na iyon. Kailangan niyang
maging matapang ng mga sandali na iyon.

Hintayin mo lang ako Diwata, aayusin ko ang gusot ko ng mag-isa. Pagbalik ko


sisiguraduhin kong maayos na ang lahat...

.............

comment and votes......


Fifteen
            

Fifteen

Lance's POV

Hindi niya alam kung nasaan ang pinsan niya ngayon ang alam niya nasa New York ito
ngayon pero ng itawag niya sa branch niya doon para iconfirm nga kung nandoon ang
pinsan niya wala naman daw doon ang pinsan niya.
"Kevin ibigay mo na kasi sakin ang report mo kay Diwata"nanggigigil na siya sa
kakapilit niya kay De gracia.

Dalawang araw ng nasa ospital si Diwata at hindi pa ito nagigising simula noon. At
sa dalawang araw na iyon pilit niyang hinahanap ang pinsan niya para makausap ito.

Alam niyang may alam ang mga kasamahan ni Diwata kung nasaan ang pinsan niya.

"Bossing Lance, hindi nga pwede"sagot naman sa kanya ni Kevin.

"Kaso ko naman ito, kaya pwede kong makita ang mga iyon"pagpupumilit pa niya.

Hindi na siya sinagot nito ngayon nakatitig lang ito ngayon sa kanya. si De gracia
at Lim lang ang bantay niya, dahil si Reyes at Dela Cruz naman ang lumalakad para
ituloy ang imbestigasyon sa kaso niya.

May mga bantay din pulis si Diwata sa ospital, kasama na din ng dalaga ang mga
magulang nito doon.

Tumayo na siya sa swivel chair niya sa loob ng opisina niya at tumingin sa bintana
niya.

"Bossing Lance, pwede po bang lumayo nalang po muna kayo sa bintana. Baka kasi may
sniper na naman sa paligid mahirap na"pagsasaway sa kanya ni De gracia.

"Tell me where can I find Scott, Kevin."kaysa sundin ito iyon ang sinabi niya.

"Bossing naman"sagot nito sa kanya.

"I said Tell me where can I find my cousin, Kevin"nagpipigil na siya ng galit niya.

"Kung sasabihin ko sayo kung nasaan siya anong gagawin mo bossing?"tanong sa kanya
ni De gracia.

Nilingon niya ang mga ito at pinakatitigan.

"Kung pupuntahan mo siya ng walang kahit na anong malinaw na plano, nagpapakamatay


ka lang noon. Hindi matutuwa si bossing Diwata 'pag nagkataon"dagdag pa nito.

"Just tell me"sagot niya.

Wala ng ibang tumatakbo sa isip niya ngayon kundi ang makausap ang pinsan niya at
itanong kung bakit nito gustong patayin siya.

At aaminin niya, gusto niyang ipaghigante si Diwata sa pinsan niya. nang dahil sa
gulo nilang magpinsan nadamay pa si Diwata.

Umiiling lang ang mga ito sa kanya, tanda na ayaw sabihin ng mga ito ang gusto
niyang malaman.

"Sir"hindi niya napansin na pumasok na pala ang secretary niya sa loob ng opisina
niya.

"Yes Jacob"nakakunot noo na tanong niya dito.

Sinabihan na niya itong hindi sila aabalahin nito ngayon dahil busy siya.

"You have a call sir, line 1"alanganin na imporma nito.


Hindi na niya tinanong pa kung sino ang tumawag sa kanya.

"This is Lance, whose these?"sagot niya.

"Lance"boses iyon ng pinsan niya.

Hindi siya agad nakapagsalita, pinigilan niya ang kumakawalang galit sa dibdib
niya. kailangan niyang magpanggap na wala siyang alam sa nangyayari.

"Oh, why did you call me?"pinasaya pa niya ang boses niya para wala itong mapansin.

Maging ang mga pulis na kasama niya wala din mapansin. Kung ayaw sabihin ng mga ito
kung nasaan ang pinsan niya siya na ang aalam.

"I heared the news hows your girl?"tanong nito.

"She's in critical condition"sagot niya.

Totoo ang sinabi niya, tinamaan kasi ang kaliwang baga nito kaya under observation
pa ito ngayon. Isama pa na comatose ito at hindi pa alam kung kailan gigising.

"Sorry 'bout that. Well I'm here in Philippines, can we see each other. For old
time sake"pag-aaya nito.

"Sure why not. Just tell me where and I'll try to come"sagot niya.

Sinabi naman nito ang lugar kung saan sila magkikita nito at tinapos na ang tawag.

"Tara, puntahan natin si Diwata"aya niya sa mga pulis na kasama niya.

Sinundan naman siya ng mga ito.

"Jacob, kung may maghahanap sakin tell them I'm busy. And also reschedule every
appointment I have"bilin niya sa secretary niya.

"Okay sir."sagot nito.

Naglakad na sila papuntang elevator ng tawagin siya ng secretary niya.

"Ah Sir, I know wala po ako sa lugar. But I just want to say malalagpasan niyo din
po itong lahat. And ma'am Diwata will be fine and hopefully she woke up in no
time"pagbibigay nito ng encouragement.

Nginitian niya ito at tinapik sa balikan. Ito na ang kasama niya mula pa noong
nagsisimula siya sa kompanya, kaya naman para narin niyang kaibigan ito.

"Mang Delfin daan muna tayo sa bahay"utos niya sa driver niya.

Hindi na kasi siya pinayagan na magdrive ng ninong niya, kasama na niya palagi ang
mga pulis maging sa sasakyan.

Pagdating niya sa bahay dumeretso siya sa kwarto niya para magbihis ng


komportableng damit. Makikipagkita siya ngayon sa pinsan niya kaya dapat
makakagalaw siya ng maayos.

Habang nagpapalit siya hinanap din niya ang binigay sa kanya ni Diwata na baril
noong nagtarget shoting sila noon. Maliit lang ito kayang itago sa pinasulok ng
katawan. Pasimple lang siyang inabot noon sa kanya ni Diwata.
Hindi niya alam na magagamit pala niya ito ngayon.

Nang makapagpalit na siya kukuha sana siya ng relo niya ng may mapansin siyang
isang maliit na box.

Nang buksan niya ito nakita niya ang isang bagong relo na may maliit na note.

Happy Birthday...wala akong maisip na regalo sayo. Naisip ko lang may isang regalo
kang gusto sa tingin ko lang. hindi ang relo na ito but the meaning behind of these
watch...

Diwata.

P.S. palagi mong isuot iyan kung hindi uupakan kita.

Napangiti naman siya sa note ni Diwata, hindi niya inaasahan na may regalo pala ito
sa kanya.

Agad niyang sinuot ito at umalis nan g bahay.

Babalik ako Diwata...babalik ako.

............

Sa ospital naman naabutan niyang walang bantay si Diwata sa loob ng kwarto nito.
may binili lang daw ang nanay nito samantalang nasa Crame naman ang tatay ni Diwata
para magfollow up tungkol sa kaso.

Kaya naman malaya niyang natitigan si Diwata.

"Hey, gumising ka na"hinimas niya ang ulo ni Diwata.

She's peacefully sleeping, beautiful as ever in his eyes.

Talagang dumaan siya sa ospital, gusto niyang makita pa muna si Diwata.

"Miss ko na 'yong pagiging bossy mo"bulong pa niya dito.

Pero wala pa ding reaksyon ito, kaya naman hinalikan niya ito sa labi.

"I love you Diwata. Pagbalik ko dapat gising ka na ha. Suot ko nga pala ang relo na
bigay mo"pinakita pa niya ang wrist watch na binigay nito.

"I really want your gift behind this watch. Promise we will spend our time
together"sabi pa niya dito na para siyang naririnig nito.

"But this let me fight my own fight huh, just take a rest and I will do rest. Laban
ko naman ito eh in the first place, nadamay ka lang."bulong niya dito bago siya
muling humalik sa labi nito at umalis na.

"Saan tayo Bossing?"tanong sa kanya ni De gracia habang naglalakad sila palabas ng


hospital.

"Sa Bar, kailangan ko mag-unwind. Masyado na akong stress"pagdadahilan niya.

"Masyadong madaming tao doon bossing"reklamo ni Lim.

"Sa Bar lang naman ng kaibigan ko tayo pupunta"sagot niya.


Hindi na nila sinama si Mang Delfin silang tatlo nalang ang lumakad ngayon.

"Maaga pa naman kaya hindi pa madaming tao doon"pagdadahilan pa niya.

Siya din naman ang nasunod kaya naman nakarating sila doon ng halos trenta minutos
lang. tama nga siya wala pang masyadong tao ng pumasok siya. Nagderetso siya sa VIP
room na palagi nilang inuukupa ng mga kaibigan niya.

"Brod"tawag sa kanya ni Ezekiel.

Naroon na ang mga kaibigan niya, tinawagan kasi niya ang mga ito kanina habang nasa
bahay pa sila.

"Mga brod"nakangiti siya habang nakaharap sa mga ito.

"Ayos ka lang?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Rome.

"You want to know the truth"sagot niya.

Tango lang naman ang sagot nito sa kanya. kaya naman nagpakawala muna siya ng isang
malalim na buntonghining.

"No, I'm not okay. Diwata is critical right now, hindi namin alam kung kailan siya
magigising."huminga siyang muli ng malalim. "O kung gigising pa siya"pinipigilan
niyang wag maiyak sa harapan ng mga kaibigan niya.

"Brod, manalig ka gigising iyon. Parang hindi mo naman kilala di ba sayo na


nanggaling astig siya. Hindi naman basta basta matutuluyan si Diwata. Isa pa I
think of her as a fighter."pagpapalakas ng loob sa kanya ni Leigh.

Nginitian niya ang mga ito. wala ang mga ito noong party, papunta pa lang ang mga
ito noong nangyari ang barilan kaya hindi na nakita ng mga ito ang itsura ni Diwata
noong nabaril iyon.

"Dala niyo ba ang tinext ko kanina?"tanong niya sa mga ito.

"Oo"si Rome ang sumagot.

"Anong balak mob rod?"tanong naman ni Leigh.

"Kakausapin ko lang si Scott. Hindi ko siya makakausap kung kasama ko pa din ang
mga pulis na kasama ko ngayon"sagot niya habang binubuklat ang bag na dala ng mga
ito.

"Are you crazy?"sita sa kanya ni Leigh.

Alam na ng mga ito kung sino ang may gawa ng lahat ng ito sa buhay niya.

"Papunta na 'don kapag hindi nagising si Diwata"biro naman niya.

"Shit men, nahihibang ka na. alam mong gusto kang patayin ng gago mong pinsan tapos
makikipagkita ka pa para makausap siya"angil ni Rome.

"Kailangan kong malaman kung bakit niya ito ginagawa. Kilala ko si Scott, mabait
siya. Wala din akong matandaan na pinagtalunan namin noon para gawin niya ito
sakin. Baka may malalim lang na dahilan na pwede pa namin madaan sa
usapan"paliwanag niya.

Nagsisimula na siyang magpalit ng damit sa harapan ng mga ito. nagpadala kasi siya
ng pangdisguise sa mga kaibigan niya para matakasan niya ang mga bantay niya.

"Brod, hindi ka namin papayagan na pumuntang mag-isa doon"awat sa kanya ni Ezekiel


habang nagbibihis siya.

"Kaya ko brod, huh ngayon ko magagamit ang lahat ng tinuro sakin ng mga bayaw
ko"natatawa pa siya habang nagsasalit.

Ngayon lang niya narealize na halos siang linggo nga pala siyang nagpabugbug sa mga
kapatid at bantay niya para sa sparing nila ni Diwata. At ngayon siguro magagamit
niya ang lahat ng natutunan niya sa mga ito kung sakali, maging ang tinuro sa kanya
ni Diwata na paggamit ng baril.

"Ano naman tinuro nila sayo?"nagtatakang tanong ni Leigh.

"Kick boxing, and most of all target shoting courtesy of my one and only
Princess"pagyayabang pa niya.

"Gago, kahit may alam ka na sa kick boxing at sa tangnang target shoting na iyan
paano kung madaming baon na tauhan ang pinsan mo. Hindi mo magagamit iyan"sermon sa
kanya ni Ezekiel.

"Kahit na, kaya ko ito"natapos din siya sa pagbibihis.

"Sasama kami brod"ani Rome.

Nanlaki naman ang mata ng dalawa niya pang kaibigan. Mukhang hindi handa sa sinabi
ni Rome ang mga ito.

"Loko ka talaga, kung gusto mong magpakabayani ikaw nalang. Madaming iiyak na babae
kapag namatay ako"sagot ni Leigh ng makabawi ito.

"Hayop ka men, nandadamay ka"segundang reklamo ni Ezekiel.

Natawa naman siya sa mga kaibigan niya, kahit kailan talaga mga duwang ang mga ito.

"Salamat brod, but I can manage. Tumawag na kayo ng waiter"utos pa niya sa mga ito.

Inayos pa niya ang ilang gamit na dadalin niya, hindi naman niya hinubad ang relo
na bigay sa kanya ni Diwata. Itinuring na niyang lucky charm iyon kahit na kakasuot
pa palang niya dito.

Sunod na nang yari nakalabas siya ng Bar na hindi napansin nila De gracia na
nakadaan na siya sa harapan ng mga ito. pinagdala din siya ng mga kaibigan niya ng
sasakyan na iyon ang gagamitin niya papunta sa resthouse ng pinsan niya sa
Pangasinan.

Doon gustong makipagkita ng pinsan niya. alam naman niya iyon kasi nakarating na
siya minsan doon kaya hindi siya nahirapan na makapunta doon.

Gabi na ng makarating siya sa resthouse ng pinsan niya, walang masyadong pinagbago


ang lugar na iyon ganoon pa din mula noong huling punta niya dito. sa pagkakatanda
niya graduation gift sa kanya ng pinsan niya ang bakasyon niya sa resthouse na
iyon.

Pagbaba niya sa kotse napansin niyang parang wala namang tao sa lugar na iyon.
Nakapatay kasi ang ilaw ng resthouse kaya naman nagtataka siyang lumapit sa bahay.

Habang naglalakad siya hindi niya napansin na may nakasunod pala sa kanyang tao, na
bigla siyang hinampas sa likod niya at sa ulo.

Dahil doon nawalan siya ng panimbang at bumagsak sa lupa.

Ang huli niyang nakita ay ang pinsan niyang papalapit sa kanya na may nakakalokong
ngiti sa labi nito, bago siya tuluyang nawalan ng ulirat.

Diwata...
Sixteen
             

Sixteen

Lance's POV

Nagising siya na sobrang sakit ng kanyang batok at ulo. Aabutin sana niya ang
kanyang ulo para himasin ito ngunit hindi niya nagawa kasi naramdaman niyang
nakatali ang mga kamay niya.

Napaungol siya ng gumalaw siya dahil hindi lang pala batok at ulo ang masakit sa
kanya maging ang likod niya.

Masakit na din ang mga kamay niya sa higpit ng pagkakatali ng mga ito.

"Your awake"narinig niya ang boses ng pinsan niya.

Hinanap niya ito at nakita niya itong prenteng nakaupo sa harapan niya.

Nakaupo din pala siya sa isang silya na nakatali ang mga kamay niya patikod maging
ang mga paa niya ay nakatali din.

"Scott"tawag niya sa pinsan niya.

"Lance"ganting tawag nito sa kanya na may kakaibang ngisi sa mga labi nito.

"What is the meaning of all these?"pagalit niyang tanong sa pinsan niya kahit naman
alam na niya kung ano ang rason.

"I want you dead"nakakalokong sagot naman nito.

Kasunod noon ay isang putok ng baril na hawak nito.

Fvck!... nakaramdam siya ng mainit na bagay na umagos galing sa kanang balikat


niya.

"The next will be in your head"sabi pa ni Scott saka tumawa ng pagkalakas lakas.

Para siyang demonyo sa paraan ng pagtawa nito ngayon. Ibang iba sa pinsan siyang
nakilala noon, iyong pinsan niyang mabait at palakaibigan.

"Why are you doing this, Scott?"tanong niya sa pinsan niya.

"Why?...your asking me why?"napatayo pa ito at lumapit sa kanya at sinabunutan ang


buhok niya at iniangat ang ulo niya at itinutok ang baril sa sintido niya.

"Because of your father"madiin na sagot nito.

"My father?"nahihirapan siyang magsalita dahil narin sa tindi ng pagkakahawak nito


sa kanyang buhok.
"Yes, your fvcking father."tumawa pa ito na para ng nababaliw.

"What my father did to you? You know how my father care's about you"sagot niya.

Kaysa sagutin siya nito hinampas nito ang baril sa kanyang pisngi at parang
nasisiraan nan g bait na sinabunutan ang sarili.

"Your father doesn't care about me. He only care about money, he worship those
goddamn money of your's. he killed my mother so that he can owned the company by
his own"sigaw nito.

Nagimbal naman siya sa binabi nito sa kanya. hindi niya alam kung totoo ang
sinasabi nito.

Ang alam kasi niya naaksidente ang mga magulang nito noon sa isang car accident.
Paanong nadamay ang ama niya sa nangyaring iyon noon.

Nakita niya kung paano nagluksa ang tatay niya sa pagkawala ng kapatid nito noon.
Mahal na mahal kasi ng tatay niya ang kapatid nito kaya paanong ang tatay niya ang
magpapatay sa mga magulang nito.

"No, that's not true"tanggi niya.

"It is the truth, your father is a monster"baling nito sa kanya at tinutukan muli
siya ng baril nito.

"Your father planned to kill my parents and he succeeded. Now I planned to kill you
first then your monster father and I will make you mother my slut. Is it a good
idea"tumatawa pa itong nagsasabi ng plano niya.

"Then your company will be mine, but suppose to be that company is mine in the
first place"para na itong hibang habang nagsasalita ito.

Naiiling naman siya sa mga sinasabi nito. naawa siya sa pinsan niya, sa tingin kasi
niya nasisiraan na ito ng bait.

Hindi na siya nagsalita pa kahit na salita ito ng salita na kung anu-ano. Pilit
nalang niyang iniintindi ang lahat ng sinasabi nito. hanggang para itong baliw na
pinagsusuntok siya at hinahampas ng baril na hawak nito.

Hindi pa ito nakuntento at pinatanggal ang tali niya at pinabugbog siya sa mga
tauhan nito.

Nang magsawa ang mga ito kinulong siya sa isang kwarto na naroon at iniwanang mang-
isa.

.................

Tatlong araw na siya doon, hinang hina na ang katawan niya sa sobrang dami ng
tinanggap niyang pangbubugbog sa kanya ng pinsan niya at ng mga tauhan nito. Hindi
na niya alam kung ano ba talaga ang plano nito sa kanya.

Ginamot naman kasi nito ang sugat niya na tama ng baril, pero patulay lang ang
pagpapahirap sa kanya. hindi pa naman nito ginagawa ang plano nitong patayin siya.

Natutuwa pa raw itong makita siyang naghihirap. Pinipilit talaga nitong pinapatay
ng ama niya ang mga magulang nito. kahit na anong paliwanag niya sarado na ang isip
nito at hindi na nakikinig sa kahit na anong sabihin niya.
Gustuhin man niyang lumaban hindi na niya kaya dahil sa dami ng tinamu niyang
suntok at sipa. Wala na din ang baril na dala niya, siguro noong wala siyang malay
tao kinapkapan siya ng mga tauhan ni Scott kaya nakuha na nito ang baril niya.

Nagpapahinga lang siya ngayon kakatapos lang kasi siyang gawing punching bag ni
Scott kanina, nang biglang may magsaboy ng tubig sa kanya.

Kahit na naghihina pa siya napamulat nalang siya ng mata niya. laking gulat niya ng
makita niya ang isang pamilyar na lalaki sa harapan niya.

Makikitang may edad na ang lalaking kaharap niya ngayon, hindi niya maalala kung
saan niya ito nakita. Pero alam niya kilala niya ito hindi lang talaga niya
matandaan ang pangalan nito.

"Its my pleasure to see you like this Lance McDaniel"nakangising sabi nito.

Hindi naman siya sumagot dahil parang pinupunit ang panga niya ng mga sandaling
iyon sa sobrang sakit nito.

"Oh, asan na ang tamang mo McDaniel. Hindi ba ikaw ang tinatawag nilang Tigre,
bakit ngayon mukha ka ng pusang bahag ang buntot"pang-uuyaw pa nito sa kanya.

"I don't talk to strangers"ganting pang-aasar pa niya.

Tumawa naman ito ng sobrang lakas sa sinabi niya.

"Stranger?..sabagay hindi ka nga pala nakipagtrasact sakin. Well ipapakilala ko ang


sarili ko."inayos pa nito ang damit nito at tumayo ng maayos.

"Ako nga pala si Leon Katakutan, ng Katakutan Ventures. Na ilang beses mo ng


tinanggihan na makasosyo mo sa negosyo"pagpapakilala nito.

Natawa naman siya sa sinabi nito, naalala na niya ngayon kung sino ito.

Ito iyong makulit na negosyanteng palaging nagpapaset ng meeting sa kanya para mag-
invest siya sa company nito, pero hindi naman niya iyon pinapansin kasi hindi
maganda ang estado ng negosyo nito.

"Masyado bang naapakan ang ego mo kaya nagawa mo ito?"sabi niya.

Nakita niya ang pagtiim bagang nito tanda ng pagtitimpi sa kanya. napasmirk naman
siya sa inasal nito, alam niya hanggang ngayon hindi pa siya nito malalamangan
kahit na nasa ganito siyang kalagayan.

"Mayabang ka pa din kahit na alam mong dehado ka na ngayon"dumura pa ito sa harapan


niya.

Lalo naman siyang ginanahan na asarin pa ito, kahit dito man lang makabawi siya.

"May ipagyayabang naman ako, hindi katulad mo tumanda na at lahat wala pa din
nararating. Patunay ang negosyo mong palubog na sa utang"pagpapatuloy niya.

Agad itong lumapit sa kanya at kinuwelyuhan siya nito at inambahan na susuntukin.

"Hindi malulubog sa utang ang kumpanya ko kung hindi dahil sayo. Kung pinakinggan
mo lang ang proposal ko di sana nasalba pa ang negosyo ko."gigil na sagot nito sa
sinabi niya.
Napangisi naman siya sa sinabi nito, ganito naman ang mga tao. Kung hindi naging
matagumpay maninisi ng iba para maging malinis ang kamay ng mga ito.

"Bago ka pa man lumapit sa kumpanya ko palubog na talaga ang negosyo mo. Kaya wag
mong ipasa sakin ang mga pagkakamali mo sa pagpapatakbo mo sa kumpanya mo"maangas
pa niyang turan.

Marahas siya nitong binitawan at nanlilisik ang mga mata na tumingin sa kanya.

"Hindi lang ako ang lulubog ngayon kasama kita. Mamamatay ka na dito at hinding
hindi mo na makikita pa kung anong mangyayari sa kumpanya mong pinakamamahal"anito
pa na nginisihan naman niya.

"I don't care kung ano pa man ang mangyari sa kumpanya ko"sagot naman niya.

"Pwes, para sa kaalaman mo. Nasa pilipinas na ang mga magulang mo dahil sa balitang
patay ka na, ngayon kinakausap na ni Scott ang mga magulang mo at kinukombinsi ang
mga ito na ang pinsan mo ang magmanage ng buong negosyo mo habang
nawawala"nakangisi na paliwanag nito sa kanya.

Wala naman siyang pakialam kung iyon ang gagawin ng pinsan niya. he's also willing
na ibigay sa pinsan niya ang kumpanya niya ng buo. Alam kasi niyang ito lang ang
pinagmulan ng lahat, kaya niyang mabuhay ng walang pera.

Iniisip kasi ng pinsan niyang inagaw lang ng tatay niya ang kumpanya n asana ay
para sa pinsan niya.

Hindi kasi napapansin ng pinsan niya na ang kumpanya na minamanage nito sa New York
ay ang kumpanyang iniwanan ng mga magulang nito para sa kanya. marahil inaakala ng
pinsan niya binigay lang iyon ng tatay niya dala ng awa sa kanya.

"Hindi lang iyon, ung girlfriend mong comatose gising na"dagdag pa nito.

Nanlaki naman ang mata niya sa pagkabigla. Sa ilang araw niya kasi doon hindi na
niya naalala pa si Diwata dala ng palaging sakit ng katawan niya na lang ang
naiisip niya.

Masaya siyang nalaman niyang gising na si Diwata. Makakahinga na siya ng maluwag


ngayon kasi alam niyang okay na ito.

"At trinatrabaho na siya ng pinsan mo. Ang huling sabi ni Scott sakin mukhang
madali lang niyang makukuha ang girlfriend mo. Pinapasabi din ni Scott siya nalang
ang magpapakasal sa girlfriend mo tutal bukas mamamatay ka na. kaya wag kang mag-
alala masyado sa girlfriend mo si Scott na ang bahala"anito pa.

Gusto niyang magwala ngayon sa narinig niyang plano ng pinsan niya.

Hindi pwedeng mangyari iyon. Kahit mamatay siya dito wala siyang pakialam basta ang
mahalasa sakanya ngayon ay makitang safe at malayo si Diwata kay Scott. Pero anong
magagawa niya eh nandito siya at bihag ng mga ito.

"Kung papalag naman ang girlfriend m okay Scott, isusunod naman niya sayo iyon sa
hukay. Titikman lang niya"pang-aasar pa nito bago siya iwanan nito.

Hindi na niya kaya pa kaya naman nagwala siya at nagsisisigaw sa sobrang galit
niya. pero wala naman nangyari kasi sobrang higpit ng pagkakatali niya sa upuan,
natumba lang siya kaya nagsisisigaw siya ng nagsisisigaw.

............................
Third Person's POV

Nag-aagaw ang araw at dilim ng dumating ang isang grupo ng mga kalalakihan sa lugar
kung saan nakalagak si Lance. Mabibilis ang bawat kilos ng mga kalalakihan na
pumuwesto sa kani-kanilang nakalaan na lugar. Naghihintay ng tamang oras para
sumalakay sa naturang lumang bahay.

Samantalang alaba naman ang isang pares ng kamay sa pag-aayos ng riffle na dala
nito. bihasang bihasa at halatang alam na alam nito ang ginagawa nito sa bawat
pagkilos ng kamay nito.

Nang maayos na niya ang lahat pumuwesto na siya at sumilip sa binocular na dala
upang alamin kung ano na ang nangyayari sa loob at alamin din kung anon gang lagay
ng kanilang pakay sa lugar.

"Shit!!!"mura niya nang makita ang kalagayan ni Lance.

"Bossing, kalma"bulong sa kanya ng isa sa mga kasamahan niya.

"Mag-aadjust tayo ng oras, instead of 12mm, pagkumagat na ang dilim sugud na


tayo."utos niya sa mga ito.

"Copy"sabay sabay na sagot ng mga ito.

Matiyaga silang naghintay sa kani-kanilang pwesto, walang gumagalaw sa kanila sa


lugar kung saan sila naroroon.

Hanggang sa sumapit na ang hinihintay nilang oras. Nang sipatin niya kung anong
oras na ngayon nakita niyang alas nuebe na ng gabi.

"Humanda na kayo"utos niya sa mga tauhan niya.

Sa lugar kung nasaan siya nakita niya ang mga tauhan niyang isa-isang ng kumilikos
palapit sa target nila. Nakita niya ang mga ito na matagumpay na nakapasok sa loob
ng bakuran na walang nakakapansin sa mga ito.

Nang makita niyang okay na ang mga ito muli siyang sumilip sa binocular niya at
tiningnan ang lagay ni Lance sa loob. Buti nalang at open ang bintana at ang ilaw
sa loob ng kwarto kung nasaan ang binata. Kaya naman kitang kita niya kung anong
nangyayari na sa loob.

"Bossing, sa tingin ko mas dumami ang tauhan dito ngayon"imporma sa kanya ng isa sa
mga tauhan niya.

"Mag-ingat kayo"iyon naman ang nasabi niya.

Hindi naman ito ang unang beses na may ganito silang mission pero doble ang kaba
niya ngayon.

Napahawak din siya sa sugat niyang ngayon ay kumikirot na.

Hindi siya pwedeng madistract ngayon dahil sa isang maling kilos lang niya maraming
pwedeng mangyari na hindi maganda. Kaya kahit na makirot ang sugat niya pilit pa
din niyang iminulat ang mga mata niya.

Nang mamatay ang ilaw sa buong kabahay iyon ang hudyat na magsisimula na ang lahat
ng plano nila.
Siya naman ginamit na ang kanyang sniper na may night vision para makita ang target
nila.

Napapaligiran na ito ngayon ng mga kalalakihan na sa tantya niya ay nasa sampo ang
bilang.

"Boss, kasama ko na si sir Lance"tinig iyon ni Reyes.

Napapikit naman siya sa narinig niya, hindi na siya sumagot pa at nagfucos na siya
sa susunod na gagawin niya. ang trabaho niya ay iclear ang dadaanan ng mga ito kaya
naman nagsimula na siya sa trabaho niya.

Nakikita niyang may palitan nan g putok ng baril sa loob ng bahay. Naririnig din
niya ang mga tauhan niya na nagsasabi ng kung ano ang ginagawa ng mga ito habang
nakikipaglaban.

"Shit!!!"boses iyon ni Lance.

"Takte ka Reyes, ingat mo si Lance"react niya.

Hindi na kasi niya nakikita kung ano ang nagyayari sa loob ngayon, simula ng makuha
ni Reyes si Lance.

"Boss, naman chill lang"bulong na sagot ni Reyes sa kanya.

Siya naman pilit na hinanap ang mga ito ng may makita siyang mga lalaki na
tumatakbo palabas ng bahay agad niyang sinipat kung sino ang mga ito. nang makita
niyang si Reyes at si Lance iyon hindi na niya hiniwalayan ng tingin ang mga ito.

Nang makita niya na may nakasunod na mga lalaki sa mga ito isa isa niya itong
pinaputukan ng baril.

"Bossing back up"sigaw naman ni Lim sa kanya.

"Saan ka?"tanong niya.

"Second floor bossing"sagot nito.

Ibinaling naman niya ang sniper niya sa second floor para tingnan ang kalagayan
nito, hindi niya agad makita ito pero nakikita niyang madaming tao sa paligid nito.

"Lim magtago ka hindi ko makilala ang mga tao sa sobrang dilim"utos niya.

"Copy bossing"

At sinimulan na niyang isa-isahin ang mga taong nakikita niyang nakatayo sa loob ng
silid na iyon.

"Nasa labas na kami"tinig ni Reyes iyon kasabay noon ang pagbalik ng ilaw sa
kabahayan.

"Tangna!!....shit...."sabay sabay na mura ng mga tauhan niya.

"Ay!!..Takte naman"reklamo niya.

Wala sa plano ang pagbabalik ng ilaw, siguro may nangialam na sa pagbabalik ng


ilaw.

"Naisip pa nilang ayusin ang ilaw"reklamo ni De gracia.


"Johnny, give a gun I'll help"narinig niyang utos ni Lance sa tauhan niya.

Napailing nalang siya, naiba ang takbo ng plano nila.

Nakatago na ang mga tauhan niya ngayon apat lang sila sa loob ngayon. Hindi
kakayanin ng mga ito ang dami ng tauhan sa loob, hindi din kasi nila inaasahan na
ganito kadami ang tauhan sa loob ng bahay.

"Bigyan mo Reyes"utos niya.

Wala ng patid ang palitan ng putukan sa loob rinig na niya ang mga iyon sa pwesto
niya.

"Kapag namatay ako dito ilayo niyo si Diwata"narinig niyang sigaw ni Lance.

"Bossing Lance walang mamamatay dito ngayon"ganting sigaw ni Reyes.

"May mamatay dito kung hindi niyo magagawa ang trabaho niyo"sigaw naman niya.

Patuloy lang sa pakikipaglaban ang mga kasamahan niya sa loob ng bahay na iyon.
Siya naman ay naka alalay lang sa mga ito sa malayo. Ngunit isang hindi inaasahan
na bala ang tumama malapit sa kanya.

"Shit!!!"mura niya.

Agad niyang hinanap kung nasaan ang gun man niya.    nakita niya ito na naroon sa
rooftop ng bahay sa harapan niya.

"Tanga, duling ka ba?"pangtutuya niya sa tao na kala mo naman naririnig niya.

Tunutuk niya ang baril niya doon at walang anu ano na pinatamaan niya ito, sapol
naman ang lalaki sa noo nito.

"Ganoon babaril...engot"sabi pa niya nang makitang bumagsak ito.

Hinimas pa niya ang kanyang hawak nab aril.

"Hindi mo talaga ako pinapahiya baby ko"puri pa niya sa baril niya.

    

A/N : gamit na baril AWSM sniper

................

A/N: Mukhang tatapusin ko na muna itong GQ:MBMMA....

4 to 5 chapters nalang naman na kasi bago ko ituloy ang My Submissive Partner

comment and vote po


Seventeen
            

Seventeen

Lance's POV

Nagulat siya ng biglang namatay ang ilaw, ang alam niya kasi ngayon na gagawin ni
Scott ang plano nitong pagpatay sa kanya.

"Secure the area, find the reason why there's no light"sigaw ni Scott.

Nagkagulo naman ang ilan sa mga tauhan nito na nakapaligid sa kanila.

"Bossing"kinilabutan siya sa narinig niya.

Tama ba siya ng naririnig si Johnny ang naririnig niyang tumawag sa kanya. ayaw
niyang sumagot baka kasi nag-iilusyon na siya na may magliligtas sa kanya gayong
alam naman niyang walang nakakaalam kung nasaan siya ngayon.

Pero naramdaman nalang niyang may kamay na nagkakalag ng tali niya sa kamay niya.
hindi pa din siya kumikilos kahit na tapos na nitong tanggalin ang tali niya sa
kamay at ngayon nga ay sa paa naman niya ito nagtatanggal ng tali.

"Boss, kapag sinabi kong tumayo ka tumayo ka na"bulong sa kanya nito.

Napalunok siya, totoo nga nandito si Johnny ngayon at nililigtas siya nito. pero
paano napakaraming tauhan ang pinsan niya na naroon ngayon sa loob ng kwarto kung
nasaan sila ngayon.

"Boss, kasama ko na si sir Lance"tinig iyon ni Reyes.

Boss? Sino kaya ang kausap nito?    pero bago pa man siya makapagtanong kay Johnny
nahila na siya nito patayo dahil nagkagulo na sa loob. Nakarinig siya ng mga putok
ng baril sa labas.

"bantayan niyo si McDaniel"sigaw iyon ng isa sa mga tauhan ni Scott.

Dahil sa madilim sa loob ng kwarto hindi napansin ng mga ito na nakakilos na si


Johnny sa likod niya at ngayon ay akay akay na siya nito papalabas ng kwarto.

"Nawawala si Lance boss"narinig niyang sigaw ng isa sa mga lalaking nandoon.

"Tangna!!!"bulong ni Johnny.

Doon naman naging magulo ang mga tao sa tabi nila, napansin na din ng isa sa mga
lapit sa kanila ang presensya nila. Wala naman nagawa si Johnny kundi ang
makipagbarilan sa mga ito.

Inilagay siya ni Johnny sa isang sulok na malayo sa putukan ng baril. Habang busy
sa pakikipagbarilan si Johnny napapansin niyang bukod sa tinatamaan nito may paisa
isa din natutumba kasabay ng mga nababaril ni Johnny.

Mukhang may sniper silang kasama ngayon.

"Bossing tara na"hinila siya nito palabas sa kwarto na iyon.

"Shit!!!"napamura siya ng naramdaman niya nadaplisan siya sa bandang kaliwang braso


niya.

"Boss naman chill lang"narinig pa niyang sabi ni Johnny.

Hindi naman na niya ininda pa ang tama ng baril sa kanya kasi naman hindi naman
lalim ang sugat niya.

Mabilis silang tumakbo lahat ng makakasalubong nila na tauhan ng pinsan niya ay


agad na natutmba bago pa man mabaril ng kasama niya.
Shit ang astig!!!

"Nasa labas na kami"tinig ni Reyes iyon kasabay noon ang pagbalik ng ilaw sa
kabahayan.

Hanggang sa makalabas sila pero hindi din lahat smooth ang takbo ng sitwasyon nila.
Bigla nalang kasing bumukas ang ilaw, kaya naman mas naging maganda ang access ng
mga kalaban nila sa kanila..

"Tangina!!"mura ni Johnny ng nagkailaw na.

Pinaulanan sila ng bala ng mga ito kaya naman nagtago na naman silang dalawa pero
magkahiwalay sila ng napagtaguan na dalawa.

"Johnny, give a gun I'll help" sabi niya kay Johnny.

Naiipit na kasi silang dalawa doon. Ewan ba naman niya bakit parang si Johnny lang
ang naroon para iligtas siya. Nasaan naman kaya ang tatlo pa nitong kasama. Hindi
man lang ba nagtawag ng ibang pulis ito para may back up man lang sila.   

Nakita niyang nag-alangan ang kasama niya na bigyan siya ng baril. Pero kalaunan
binigyan din siya ng baril nito at tumulong na siya sa pakikipagbarilan.

Kahit na dalawa na silang nakikipagbarilan kulang pa din iyon, talagang madami ang
tauhan ni Scott. Nagtataka man siya kung paano nagkaroon ng ganitong kadaming
tauhan ang pinsan niya ditto sa pilipinas, wala naman na din siyang time para
makipagkwentuhan    pa sa pinsan niya.

And speaking of, nasaan na kaya ang pinsan niyang magaling. Bigla nalang nawala ito
kanina ng mawala ang kuryente.

Nang maubos ang bala niya maging si Johnny, biglang pumasok sa isip niya si Diwata.

Kung nakatakas ang pinsan niya ditto malamang nasa panganib na din si Diwata
ngayon. Hindi pa naman makakalaban ang dalaga ngayon dahil na rin sa kalagayan
nito.

"Kapag namatay ako dito ilayo niyo si Diwata"bilin niya kay Johnny.

"Bossing Lance walang mamamatay dito ngayon"ganting sigaw ni Reyes sa kanya.

Tumigil sa pagbaril sa kanila ang mga kalaban nila, napansin siguro na wala na
silang bala kaya naman tinigilan na sila ng mga ito. nakikita din niya sa gilid ng
mata niya na may mga papalapit na sa kanila ngayon.

Pero bago pa man makalapit ang mga ito nakita niyang may tumumbang isang tauhan ng
mga ito. nanlaki pa ang mata niya ng makitang sa noo ang tama ng baril nito.

Maging ang ilan pa nitong mga kasama ganoon din ang tama kaya nagsi pagtago ang mga
natira pa sa mga ito.

"Sinong ang bumabaril?"tanong niya kay Johnny.

Ngimisi lang ito sa kanya at hindi siya sinagot.

Nasa ganoon silang sitwasyon ng makarinig siya ng paparating na police patrol. Sa


isang iglap lang naging mabilis ang pagkalat ng mga pulis sa lugar na iyon.
May mga barilan pa din pero dahil na din sa madami din pulis ang naroon hindi din
nagtagal barilan at agad na nahuli ang mga tauhan ng pinsan niya.

Nakatayo na sila at hinihintay ang iba pang kasamahan ng pinsan niya maging ang
pinsan niya kung nahuli din ng mga pulis ito.

"Bossing Lance"tawag sa kanya ni De gracia.

Nanghihina na iniangat niya ang ulo niya at nakita niya ang papalapit na tatlo pang
kasama ni Johnny. Sina Lim, Dela Cruz at De gracia kasama pala ang mga ito naghiwa-
hiwalay pala ang mga ito.

"Halla sya, patay tayo dyan"exaggerated na reaksyon ni De gracia ng makita siya.

"Lagot"si Lim naman ang sumonod na nagreact.

Alam na niya ang ibig sabihin ng mga ito kasi naman bugbog sarado siya ngayon. At
ito ang mga bantay niya na tinakasan niya noon.

"Don't worry to much guys. Its all my fault"sagot niya sa mga ito.

"kahit na bossing Lance, lagot pa din sila kay bossing Diwata"ani naman ni Johnny.

Speaking of Diwata, hindi niya na nagawang tanungin ito kanina kung kamusta na ang
dalaga.

"Bossing naman"napapakamot pa sa ulo si De gracia.

Napakunot noo naman siya sa nakikita niya, tumawa din kasi ang iba pa niyang
kasama.

Okay ako na ang out of place kasi wala akong earpiece. Napailing nalang sila.

"Ayoko nga"sigaw ni De gracia.

"Gusto konga marinig ang sasabihin mo bossing"ani Lim.

"Bigay na kasi, lahat pa tayo malalagot niyan eh"ani pa ni Johnny.

"Saakin nalang okay lang nakarecord naman ito balikan ko nalang pag nasa head
quarters na tayo"si Dela Cruz na hinubad ang earpiece nito at iniabot sa kanya.

Nagtataka man sinuot na din niya ang biigayn nito.

"Bakit ka nagpabugbog?"iyon ang agad niyang narinig.

Para naman siyang napako sa kinatatayuan niya ng marinig niya ang boses na iyon.
Hindi din siya nakapagsalita sa sobrang pagkabigla niya.

"Hoy, nalunok mo na ba ang dila mo?"sabi pa nito.

"Ha!"iyon lang ang nasabi niya.

"Bikit ka pumayag na mabugbog ng mga gago na iyon. Ako lang may karapatan na
bugbogin ka."sabi pa nito.

"Ang harsh mo talaga bossing"natatawa pang sabi ni Johnny.

Hindi naman siya makabawi sa pagkabigla niya. hanggang ngayon kasi hindi pa din
siya makapaniwala na naririnig niya ang boses nito.

"'yong bibig mo nga itikom mo, tumutulo na laway mo"sabi pa ni Diwata.

"Diwata"iyon lang na naman ang nasabi niya.

"Oo bakit, may iba ka pa bang inaasahan na magliligtas sayo?"maangas na tanong


nito.

Umiling naman siya na kala niya nakikita siya ni Diwata. Malamang naman nasa
ospital ito ngayon at nagpapahinga.

"Anong iniiling iling mo dyan?"tanong nito.

Napakunot noo na naman siya ngayon, nakikita ba siya nito.

"Nakikita mo ako?"takang tanong niya.

"Malamang"sabay sabay pang sagot ng mga kasamahan ni Diwata at maging ng dalaga.

Naguguluhan na itinuro ng mga ito ang likuran niya, kaya naman kahit hirap siyang
gumalaw tumalikod siya para makita ang tinuturo ng mga ito.

Medyo may kadiliman sa lugar na tinuro ng mga ito, pero nakita niya ang
pinapangarap niya. naroon ang dalaga nakatayo ito ngayon at nakatanaw sa kanila.
Medyo may kalayuan iyon at medyo mataas pero sapat na iyon para makita niya ito.

"Oh, natulala ka na dyan"sagot pa nito.

Napangiti nalang siya sa habang nakatitig siya sa dalaga.

"My Princess"tawag niya ditto.

"Huh, may kasalanan ka pa sakin. Isa pa hindi pa tapos ang usapan natin. Humanda
ka, ako naman manbubugbog sayo ngayon"sabi pa nito.

"I'm always ready"sabi naman niya.

Nabulabog sila ng isang malakas na hiyaw mula sa likod nila. Nang lingunin nila ito
nakita niya ang pinsan niyang nagwawala na habang hawak pa din ng mga pulis.

"I will kill you!!!!"dinuduro pa siya nito.

"You know Scott if you obly need the company, you can just say it. I'm willing to
give it to you, you just have to ask. You did not have to do this"kalmado pa niyang
sagot sa pinsan niya.

"No, that company belongs only to me...I will kill you!!!"sigaw pa din nito.

"Baliw na pinsan mo bossing Lance"turan ni De gracia.

Napailing nalang siya, nakita niyang naglalabas nan g mga namatay sa loob ng bahay.
Isa na doon si Mr. Katakutan, kaya naman lalo siya ng napailing. Wala talagang
magagawang maganda kung ang isang tao naghahangad ng higit pa sa kaya nitong
nakuha.

"Uwian na"masayang sigaw ni De gracia.

"Oo nga miss ko na asawa ko"dagdag naman ni Lim.


Nagtawanan naman silang lahat.

......................

Naiinis na siya, sobrang naiinis na siya. Halos isang linggo na siya sa loob ng
ospital. Gusto na niyang lumabas doon kasi naman naiinip na siya ng sobra.

"Fvck men, ang pangit mo"naiinip na tinapunan niya ng pansin ang mga bagong dating
na kaibigan niya.

"Tangna brod, mukha kang monster"natatawang puna pa sa kanya ni Ezekiel.

"Damn you all"napapagud niyang sagot sa mga ito.

Tinawanan lang naman siya ng mga ito, mga insensitive ang mga hayop niyang mga
kaibigan. Nagawa pa siyang tawanan ng mga ito ngayon.

"Its good na hindi tayo sumama. Kung nagkataon maraming iiyak na babae kung
nagkaganyan ang mukha ko"dagdag pa ni Leigh.

"Oo nga, buti nalang si Lance lang ang nabugbug satin. Wala naman girls na
nagkakagusto sa kanya"pang-aasar pa ni Ezekiel.

"Tangna niyo, magsialis na nga kayo ditto. tsaka anong walang nagkakagusto. Para sa
kaalaman niyo may girlfriend na ako"pagyayabang niya.

"At sino naman ang girlfriend mo McDaniel?"napalunok siya sa narinig na nagsalita.

Mula kasi ng ipinasok siya sa hospital hindi na niya nakita pa si Diwata. Ang alam
niya nakaconfine din ang dalaga. Kapag tinatanong niya kung anong room number nito
hindi siya sinasagot ng mga kasamahan nito.

Nang tumingin siya sa dalaga nakita niya ito nakatayo sa pinto.

For another time nainlove na naman siya ditto.

Naka fitted jeans ito na nakaboots, naka polo din ito na nakatiklop hanggang siko
at hindi nakasara, nakasando itong itim na fit. Kitang kita ang hubog ng katawan
nito sa suot nito.

"Laway mo"napaigtad pa siya ng nakalapit na pala ito sa kanya at ngayon ay hawak na


nito ang baba niya.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya. natulala na kasi siya kaya hindi naiwasan
ng mga ito na tawanan siya.

"Sino sabi ko ang girlfriend mo?"nakataas ang kilay nito habang nagtatanong.

"Ikaw"nakangiti naman na sagot niya.

"Whoa!!!"sabay sabay na react ng mga kaibigan niyang mga sira ulo.

"Ako?"tinuro pa ni Diwata ang sarili nito.

"Oo, my Princess. Di ba noon birthday ko nag I love you ka na sakin. So ibig


sabihin tayo na?"paliwanag niya.

Pinitik naman siya nito sa noo niya.


"Aww!"reklamo niya.

"Hindi mo pa nga ako natatalo sa sparing na usapan natin"sabi naman nito.

"Ha!! May sparing pa din?"nanghihinayang natanong niya.

"Oo, ano sa tingin mo. Kaya magpagaling ka na"tinapik pa siya nito sa balikat bago
naglakad palabas ng kwarto niya.

"See in three days McDaniel"huling sabi nito bago ito lumabas ng tuluyan.

Nang makaalis ng tuluyan si Diwata, napuno ng asaran ang buong silid niya. hindi na
siya tinantanan ng mga ito sa kakaasar sa kanya.

"Bukas ang labas mo ditto diba?"ani ni Rome sa kanya.

"Oo, atlast"exaggerated niyang sagot.

Sobrang bagot na bagot na kasi siya sa ospital na ito. hindi naman kasi siya
makalabas dahil nandoon na ang magulang niya. ang mga ito ang nasunod sa lahat
habang nandoon siya sa ospital.

Ang gusto ng mga magulang niya fully recover siya bago siya lumabas ng ospital.

"Ano iyong sinasabi ni Diwata na sparing?"takang tanong ni Rome.

Hindi nga pala alam ng mga ito ang tungkol sa usapan nila ni Diwata noon. Sasabihin
n asana niya ang tungkol doon ng bigla naman siyang nagka-ideya. Napangiti naman
siya sa sobrang excitement niya sa naisip niya.

"Bukas mag gym naman tayo"pag-aaya niya sa mga ito.

"Sure, pero kaya mo na ba?"tanong sa kanya ni Ezekiel.

"Oo naman, kayang kaya ko na."pagyayabang pa niya.

Tumayo pa siya para ipakita na kaya na niya.

Malakas naman na siya ngayon noong isang araw pa siya okay. May mga sugat pa naman
siya pero hindi naman na ganoon kalalim kaya hindi na niya iniinda.

"Sige magkita kita nalang tayo bukas sa gym. Dating gawi, ang huling dumating taya
sa night life"sabi pa ni Leigh.

Sumang-ayon naman ang mga ito sa pag-aaya niya.

Napangisi niya sa sobrang excitement na nararamdaman niya.

Naisip kasi niyang gawing sparing partner ang mga ito bukas. Para naman
makapagpractise pa siya bago ang araw na sinabi ni Diwata.

Buong akala talaga niya hindi na sila magsparing na dalawa.

Natuwa pa nga siya kanina kasi dinalaw na siya nito. kaso sandali lang naman siya
nito kinausap.

Pakipot pa muna... naisip niya.


Eighteen
            

            

Eighteen

Diwata's POV

Uuwi na sila sa Nueva Ecija, ng makalabas siya sa ospital. Tapos na kasi ang
mission nila sa Manila, umuwe na nga din ang iba niyang kasamahan. May mga
nagbabantay pa din naman kay Lance pero mga Manila Pulis na ang mga ito na pinadala
ng Chief of Police nila.

Pero bago siya tuluyan na umuwe naisip niyang puntahan muna si Lance sa kwarto
nito. mula kasi ng mailigtas ito sa pagkakadukot dito hindi na sila nagkita na
dalawa. Pinagbawalan kasi niya ito, ayaw din kasi niyang makita siya ni Lance na
nanghihina.

Hindi pa siya magaling noong sumugod sila noon para iligtas si Lance. Nagpumilit
lang siya noon, nang malaman niyang nawawala si Lance ng magising siya.

Kahit na anong pigil sa kanya ng mga magulang niya at mga kapatid hindi pa din siya
nagpapigil na hindi sumama sa pagliligtas sa binata.

Sa sobrang tigas ng ulo niya, ayon mintikan na siyang maubusan ng dugo, bumuka kasi
ang sugat niya. ang akala lang niya simpleng kumikirot lang, yon pala nakabukas na
ang sugat niya at dumadanak na ang dugo niya.

"May girlfriend na ako" narinig niyang pinagyayabang ni Lance sa mga kausap nito.

Hindi pa niya alam kung sino ang kausap ni Lance pero may ideya na siya na ang mga
kaibigan lang nito iyon. Kaya naman pumasok na siya sa loob noon ng hindi man lang
kumatok. Tama nga siya ng hinala, ang tatlo lang namang kaibigan ni Lance ang
nandoon.

"At sino naman ang girlfriend mo McDaniel?"nakataas ang kilay na nakapameywang pa


niyang tanong sa binata.

Natulala ito sa kanya, gusto nga niyang matawa sa itsura nito kaya lang ayaw naman
niyang mapahiya ito sa mga kaibigan nito. kaya naman lumapit nalang siya dito at
pasimpleng hinawakan ang baba para itikom ang bibig nito.

"Laway mo"sabi pa niya.

Nagtawanan naman ang mga kaibigan nito at tulala pa din ito pero nakangisi na ito
ngayon.

"Sino sabi ko ang girlfriend mo?"nakataas ang kilay niyang ulit sa tanong niya.

"Ikaw"nakangiti naman na sagot nito.

Kinilig siya, pero hindi niya maipakita    sa binata, nahihiya kasi siya. Kung
siguro silang dalawa lang nayakap na niya ito at nahalikan. Kaso may audience sila
ngayon nahihiya siya, 'yong birthday nito nagawa lang niya itong halikan sa harapan
ng maraming tao kasi naman may babaril dito.

"Whoa!!!"sabay sabay na react ng mga kaibigan nito.

"Ako?"tinuro pa niya ang sarili bilang paninigurado kahit naman kulang nalang
mahimatay na siya sa sobrang kilig.

Alam naman niya na halos inamin na niya sa binata ang nararamdaman niya, at hindi
naman manhid si Lance para hindi maisip ang huling sinabi niya dito noon.

"Oo, my Princess. Di ba noon birthday ko nag I love you ka na sakin. So ibig


sabihin tayo na?"paliwanag pa nito.

Naalala tuloy niya kung ano ang ginawa niya noong birthday nito. Para hindi
mahalatang pinamulahan siya ng pisngi pinitik niya ito sa noo.

"Aww!"reklamo nito.

"Hindi mo pa nga ako natatalo sa sparing na usapan natin"pagtatakip niya sa


pagkapahiya.

"Ha!! May sparing pa din?"nanghihinayang natanong nito.

"Oo, ano sa tingin mo. Kaya magpagaling ka na"tinapik nalang niya sa balikta ito
bago naglakad palabas ng kwarto nito.

Gusto pa sana niyang magstay ng matagal doon, sa totoo lang gusto niya din itong
yakapin ngayon kaso nahihiya siya nandon kasi ang mga kaibigan nito.   

"See in three days McDaniel"huling sabi niya bago lumabas ng tuluyan.

Napabuntong hininga nalang siya ng makalabas na siya. Maiiba na kasi ang schedule
niya, kahit pa nga sabihin na halos isang buwan lang naman silang magkasama nasanay
na siya na kasama ito.

Kulang nalang kasi magtabi na din sila sa pagtulog noon kaya nasanay na siya na
kasama ito. ngayon uuwi na siya sa kanila, back to normal na siya.

Nanghihinayang nanaglakad na siya paalis ng naturang ospital.

..............

Lance's POV

Buong akala niya, nasa Manila lang si Diwata. Iyon naman pala bumalik na ito sa
Nueva Ecija.

Kaya naman ngayon nasa biyahe siya papunta ng Nueva Ecija.

Balak niyang sunduin si Diwata at isama ulit sa Manila, kung papayag ito sa plano
niya.

"Brod"tawag sa kanya ni Leigh.

Naghelicopter na lang sila, nagpumilit kasing sumama ang mga kaibigan niya. gusto
daw kasi makita ng mga ito kung paano siya lalampasuhin ni Diwata.

Tahimik naman sa loob ng helicopter niya kaya nagkakarinigan silang magkakaibigan.

Naalala naman niya kung paano niya nilampaso ang mga kaibigan niya kahapon. Hindi
man lang nakasuntok ang mga ito sa kanya.

"Bakit?"tanong niya dito.


"Madami bang chicks don?"tanong nito sa kanya.

Napailing naman siya, kahit kailan talaga playboy ito.

"Loko, madaming kalabaw doon"si Ezekiel naman ang sumagot.

"Tarantado!"sagot ni Leigh.

Tahimik naman si Rome kasi may kasama itong 'assistant daw' nito,kahapon lang niya
nakilala ang kasama nitong babae.

"Hey, Jen tingnan mo nga ito"narinig niyang turan ni Rome sa kasama nito.

Tinuro naman ni Rome ang pasa nito sa gilid ng labi nito na kagagawan niya. nailing
na naman siya kasi nag-iinarte ang kaibigan niya sa kasama nitong babae.

"Ang sagwang tingnan Rome"si Ezekiel ang unang nagreact.

"Inggit ka lang"nakapout naman na sagot ni Rome.

Dumantay pa si Rome sa balikat ng babaeng kasama nito ngayon. Nakita niyang nahiya
ang kasama nito, namula kasi ang pisngi nito.

Maganda naman ang kasama nito, kaso para sa kanya walang papantay sa Prinsesa niya.

Napangiti naman siya ng malala kung gaano kaganda si Diwata.

Naeexcite na siyang makita ito ngayon. Si Johnny ang susundo sa kanila paglapag ng
sinasakyan nilang helicopter, kaya hindi niya agad makikita si Diwata.

"Wow!!!"parang bata na react ni Leigh ng makita nito ang paglalapagan nila.

Narinig niya din sinabi ng pilot nila na lalapag na nga sila. Kaya naman naghanda
na sila.

Nang makababa na siya nakita niya agad si Johnny na naghihintay sa kanila, kasama
nito si De gracia na ngayon ay nakangisi na sa kanya.

"Bossing Lance"masayang bati sa kanya ng dalawa.

"I told you na ayokong bossing ang tawag niyo sakin. Mukha akong gangster kung
ganon ang tawag niyo sakin."reklamo niya.

Napakamot naman ang dalawa sa batok ang mga ito.

Nang makababa na ang lahat ng kasama niya napansin niyang napakunot noo ang
dalawang pulis na kaharap niya. alam naman ng mga ito na kasama niya ang mga
kaibigan niya bakit parang nagulat ang mga ito na makita ang mga ito.

"Bossing Jen?"alangan na tanong ni De gracia sa kasama ni Rome.

Kaya naman lahat kami natuon ang pansin sa kasama ni Rome. Mukhan din nagulat ito
na makita ang mga pulis na kasama nila ngayon.

"De gracia? Reyes?"gulat na tawag nito sa mga ito.

Mas lalo silang nagulat ng sugurin ng saludo ng dalawang pulis ang dalaga. Wala
silang kaide-ideya kung ano ang nagyayari. Ang alam lang niya assistant ito ni
Rome, bakit kilala ito nila Johnny.
"Ma'am"sabay na bati pa ng dalawa.

"Tigilan niyo nga ako"natatawa pang saway ng dalaga sa mga ito.

"Naku matutuwa si Bossing Diwata kapag nagkataon"tuwang tuwa na sabi ni Kevin.

"Asaan si Demaguiba?"tuwang tuwa naman na hinanap nito si Diwata.

Napataas naman ang kilay niya ng malaman na kilala pala nito si Diwata.

"You know Diwata?"si Rome na ang nagtanong para sa kanya.

"Oo naman bossing, si Bossing Diwata, si Bossing Liwayway at si Bossing Jen


magkakaklase noon."masayang bida ni de gracia.

"What? Are also a police woman?"takang tanong ni Rome.

Nahihiyang tumango naman sa kanya ang dalaga. Natawa silang lahat sa reaction ni
Rome, kulang nalang lumuwa ang mata nito sa sobrang pagkagulat.

"Tara, na naghihintay na ang prinsesa ko"pag-aaya niya.

Walang nagsasalita sa kanila habang nagbibiyahe sila, malapit lang naman ang biyahe
nila. Sa bahay nila Diwat sila unang nagpunta. Sinalubong sila ng mga magulang ni
Diwata.

"Lance, kamusta?"masayang bati sa kanya ng tatay ni Diwata.

"Maayos na po 'tay"sagot niya.

Hindi man niya nakita, alam niyang nagtaasan ang kilay ng mga kaibigan niya.
nahihiya lang na magreact ang mga ito kasi naman napapaligiran sila ng mga pulis.

"Tara na dito sa loob, pabalik na din si Diwata"tawag naman ng nanay ni Diwata.

Hindi pa man sila nakakapasok may narinig na silang tunog ng motor na huminto sa
harapan ng bahay nila Diwata. Lahat sila napalingon sa gawi ng gate nila Diwata,
doon nila nakita ang isang motor rider na nakahelmet pa.

Natulala na siya ng alisin na nito ang helmet, si Diwata pala ito.

Nagulat siya kasi hindi na blonde ang kulay ng buhok nito. itim na itim na ito na
medyo nakulot na dala siguro ng nakahelmet ito.

Naka uniform din ito, na unang beses niyang nakita. Nakadagdag iyon ng paghanga
niya, napakaformal na tingnan nito ngayon.

"Diwata?"tawag ng dalagang kasama ni Rome.

Nakalimutan na niya kung anong pangalan nito, kanina lang narinig na niya kung
anong pangalan nito.

"OMG!!! Jen is that you???"exaggerated na sagot naman ni Diwata.

Tumakbo pa ang dalawang dalaga at nagyakapan ng sobrang higpit.

Shit sana ako nalang iyon...nakapout siya habang nakatitig sa dalawang


nagyayakapan.
Namimiss na niyang malapit kay Diwata.

"shit, hindi ako prepared... sandali tawagan natin si Liway"excited na nilabas ni


Diwata ang cellphone nito.

"Hello, Liway...andito si Gaga...bilis punt aka sa bahay"excited na kausap ni


Diwata sa cellphone.

Natapos na nitong kausapin si Liway, hinila na nito sa loob ng bahay ang dalagang
kasama ni Rome. Nilagpasan nga lang siya nito at hindi pinansin, kaya naman nainis
naman siya.

Hey, ako ang dahilan kung bakit kami nandito diba. Kainis naman...reklamo niya sa
isip.

Sinundan nalang nila ang mga ito sa loob ng bahay, nakita niya ang mga ito na
nagderetso sa loob ng kwarto ng dalaga.

"Naku, pagpasensyahan niyo na ang mga bata na iyon. Ngayon lang kasi ulit nagkita
ang mga iyon. Halos tatlong taon ding nawala si Jen dito sa amin"paliwanag ng nanay
ni Diwata.

Naghahaba naman ang nguso niya sa sobrang pagkainis, pero wala naman siyang
magagawa.

Pinagmeryenda na muna sila ng mga magulang ni Diwata, hindi na muna pumasok sa


trabaho ang mga ito para asikasuhin sila.

Nasa kalagitnaan sila ng magkukwentuhan ng dumating ang mag-asawang Homer at


Liwayway. Gaya ng dalawa iniwanan ni Liway ang asawa sa kanila at nagtuloy tuloy sa
loob ng kwarto ni Diwata.

Napatayo siya ng makarinig sila ng tili galing kwarto ni Diwata.

"Naku, kompleto ba ang tres maria's nay?"tanong ni Andres na kararating lang.

"Oo"tumatawang sagot naman ng ginang.

"maupo ka nab away, hayaan mo na ang mga iyan. Ganyan talaga ang mga iyan"si
Dominador na kasunod naman ni Andres.

Napailing naman siya habang paupo na siya sa kina-uupuan niya. hindi pa man
sumasaya ang pwetan niya sa upuan ng lumabas si Diwata sa kwarto nito kasama ang
dalawa pang babae.

"Hep, McDaniel tara na sa gym"aya sa kanya nito.

Nakapagbihis na ito ngayon, maging ang mga kasama nito.    nang hindi siya kumilos
nilapitan siya ni Diwata at hinila palabas ng bahay.

Deretso sila sa motor ni Diwata, samantalang ang dalawa naman na kasama nito sa
sasakyan na dala nila Liway sumakay.

"Sunod nalang kayo"sigaw ni Diwata sa mga kaibigan niya.

"Oh ano pang hinihintay mo"baling naman sa kanya ni Diwata ng makita siyang hindi
pa siya sumasakay sa motor.
"Ako magdrive?"takang tanong pa niya.

"Oo, sino ba lalaki satin?"nakapameywang pang tanong sa kanya nito.

Napailing naman siya habang sumasamba sa motor nito.

Ngayon pa lang ramdam ko na, UNDERstanting ako pagdating kay Diwata. Naisip niya.

"Sundan mo nalang si Liway"utos pa sa kanya ni Diwata ng makasakay na sila.

"Okay."sagot niya.

...................

Kagaya lang din ni Diwata si Liway kung magmaneho. Kala mo palaging may hinahabol
na magnanakaw. Bagay sa Manila ang mga kagaya nila Diwata, mabilis magpatakbo.

Pagdating nila sa gym na sinabi ni Diwata, mabilis na pumasok ang mga ito.

"U yang tres maria's kompleto na"narinig niyang hiyawan ng mga tao sa loob.

Maangas naman na nakipag fist boom tatlong kasama niya sa mga kalalakihan doon.
Mukhang kilala ang mga itp doon.

"Kuya Roger, boxing lang"ani naman ni Liway sa isa sa mga lalaking nandoon na
mukhang may-ari ng gym.

"May kasama naman kayo"puna nito.

"Ahh. Boyfriend ko kuya Roger"nabuhayan naman siya ng loob sa pakilala sa kanya ni


Diwata.

Pumapalakpak ang tenga niya sa narinig niya, gusto na nga niyang yakapin at halikan
si Diwata ngayon palang.

Tsk sabi na pakipot lang ito. nagdidiwang na sabi niya.

Umingay naman sa loob ng gym ng dahil sa sinabi ni Diwata. May ilan na hindi
naniwala sa sinabi ni Diwata, may ibang natuwa naman. At naasar siya sa mga hindi
naniwala sa sinabi ni Diwata.

"Ay, gaga hindi sila naniniwala"sita ni Liway kay Diwata.

Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ni Diwata. Hinila nito ang kwelyo niya at
walang anu-ano na hinalikan siya nito sa labi. Smack lang pero ang laki ng epekto
nito sa kanya.

"Ano naniniwala na kayo?"nakataas pa ang noo ni Diwata habang sinasabi iyon.

Natahimik naman ang mga kalalakihan doon na kanina lang ang iingay na hindi
naniniwala sa sinabi ni Diwata.

"Uy, ang tahimik ah.. alam na ba nilang may wrestling na magaganap"masayang bungad
ni Andres ng dumating ang mga ito.

Fvck!.

Nakaramdam siya ng kaba ng makita niya ang mga ito, kompleto nandoon ang mga
magulang at kapatid ni Diwata. Kasama ang mga siraulo niyang mga kaibigan, na
ngayon lang niya napansin na may hawak na banner ang mga ito.

Sa mga kaibigan niya pagkapahiya ang nararamdaman niya.

Napapikit nalang siya ng lapitan siya ng mga ito at iabot sa kanya ang isang bag na
may laman ng pangpalit niya.

"Go! Fafa Lance"pabakla pang pagce-cheer sa kanya ng mga kaibigan niyang mga sira
ulo.

"May fans ka pang dala"bulong sa kanya ni Diwata.

"You know I only want your attention my Princess"ganting bulong niya.

"Relax ka muna, kami muna magpapainit ni Jen"bulong ulit nito bago siya nito
iniwanan.

Nagtaka man siya sa sinabi ni agad namang nasagot ang tanong sa isip niya ng
makitang nasa loob na ng ring si Jen. Pinahiram siguro ito ni Diwata ng damit, kasi
sa pagkakatanda niya nakaformal dress ito kanina. Pero ngayon nakafitted sando na
ito at nakaleggings na gaya ni Diwata.

"Go! Mga gaga kong kaibigan"pagce-cheer naman ni Liway.

"Hindi ka sasali?"tanong niya naman kay Liway.

Nakangiti namang umiling ito sabay himas sa tyan nito.

"Nah, preggy na Lance"tipid na sagot nito.

"Wow, congrats"masaya naman niyang

"Thank you kaya ikaw bilisan mo din naiinggit na si Diwata. Lakas makatili kanina
narinig mo ba?"masayang sagot nito.

Napanganga naman siya sa naging sagot nito. natuon naman ang mata niya ngayon kay
Diwata na nasa loob na din ng Ring at nagsisimula na ang sparing ng dalawa.

Nahinto din ang mga ginagawa ng mga tao doon at nakipanood na din sa sparing nila
Diwata at Jen.

"Naku, magandang laba ito"sabi pa ni Dominador na nasa tabi na pala niya.

"Magpalit ka na bayaw. Para maabutan mo ang pinakaClimax ng laban nila Diwata"utos


naman sa kanya ni Andres.

Sinunod naman niya ito at nagpunta ng locker room ng gym na iyon para magbihis.
Saglit lang siya sa pagbibihis gusto din naman niyang mapanood ang laban ni Diwata
hindi pa kasi niya nakikita makipaglaban si Diwata sa totoo lang.

Hindi naman masyado noong nakipagbarilan ito noong may nakasunod sa kanila. Nakita
lang niya ito kung gaano kagaling bumaril. Pero sa suntukan hindi pa niya ito
nakita, ngayon pa lang kaya naman excited siya.

"AWW!!!"sabay sabay na sigaw ng mga nandoon ng lumabas siya.

Lahat ng tao tutok sa laban ni Diwata at Jen na kala mo pati ang mga nanunood ay
nasasaktan sa laban na napapanood.
Nang nasa harapan na siya nakita niya kung paanong nakadagan si Diwata kay Jen
habang nakaipit sa binti ni Diwata ang kanang braso ni Jen habang hila hila ito.

"Sagot?"narinig pa niyang hiyaw ni Diwata.

"Wala akong sasagutin!"pasigaw naman na sagot ni Jen.

Kasabay noon umigkas ang paa ni Jen at tinamaan sa panga si Diwata kaya nabitawan
ng huli si Jen. Nakatayo naman silang dalawa at nakabawi na ulit para sa panibagong
atake.

Napapanganga siya sa sobrang intense ng laban nila Diwata at Jen. Parang hindi
babae ang mga ito kung kumilos, may dugo na nga sa kilay si Diwata samantalang sa
bibig at kilay naman si Jen.

Nilingon niya si Rome na gaya niya gulat na gulat din sa napapanood.

Pagbalik ng mata niya sa harapan nakasakay na si Diwata sa likod ni Jen na nakadapa


naman.

"Give up na"sigaw ni Diwata.

"Urgh!!!"daing naman ni Jen.

Pero sa isang kisapmata lang nagkapalit ang pwesto ng dalawa at ngayon si Diwata na
ang nasa baba ni Jen at dinidiinan ni Jen ang mukha ni Diwata sa sahig habang hawak
ang kaliwang kamay nito patalikod.

"Walang nagbago, magpapatayan pa din kahit sparing lang ang laban."bulong ng tatay
ni Diwata bago ito tumayo.

"Tama na 'yan"awat nito sa dalawang naglalaban.

Parang naging bell naman iyon ng dalawa at naghiwalay sa isa't isa.

"Kainis ka naman, hindi ka pa nagpatalo. Gagang ito pinaputok mo pa kilay


ko"reklamo ni Diwata kay Jen pero nakangiti naman ang mga ito.

"Gaga namiss ko kasing sirain mukha mo"sagot naman ni Jen.

Nilingon niya ang mga kaibigan niya, ayun mga tahimik lang na nakaupo habang
nanunood.

Bumaba naman sila Diwata mula sa Ring at nanghingi ng tubig. Nanginginig na


nilapitan niya si Diwata. Kinakabahan siya.

"Water"abot    niya ng bote ng mineral sa dalaga.

Hinihingal na binuksan nito ang bote ng tubig at uminom.

"Pahinga lang ng konti"sabi ni Diwata ng matapos na itong uminom.

Napapalunok siya habang tumatango siya dito.

"Warm-up Bayaw"sabi naman ni Dominador sa kanya.

Nakangiwi siya habang lumalapit dito, kahit yata magwarm up siya hindi na niya alam
kung mananalo pa siya.
Konti lang napanood niya pero alam niyang talo na siya.

"Wag kang kabahan. Pagud na si bunso"bulong pa sa kanya ni Andres.

"Halikan mo nalang tapos na laban"dagdag pa ni Dominador.

"Ulol ka talaga. Kung makabugaw ka parang hindi mo kapatid si Diwata"sita naman ni


Andres sa kapatid.

"Bakit?...sigurado naman naghalikan na itong dalawang ito. sabi ni Tiffany kung


magtukaan itong dalawa itong parang walang audience"nakanguso pa na sagot ni
Dominador.

Wala naman siyang iniinom pero para siyang nabilaukan ng wala sa oras.

Naalala niya ang sinabi nito, ito iyong umuwi si Diwata na may kasamang bakla.

"Kahit na, nakaharap sila Nanay at Tatay"ani naman ni Andres.

"Basta Bayaw, kapag hindi mo na kaya yakapin mo tapos halikan mo. Sigurado talo si
Diwata kapag ginawa mo iyon"bulong pa sa kanya ni Dominador.

Nag-alangan naman siya sa binigay nitong advise. Parang mas matatalo yata siya
kapag ganon ang nangyari. Baka kasi kaysa magpatalo na si Diwata mas tumindi pa ang
gawin sa kanya nito. mas lalo siyang mabubugbog nito.

"Lance"tawag sa kanya ni Diwata.

Napangiwi naman siya ng makitang nasa loob na ito ng ring at hinihintay siya nito.
wala pa yatang limang minuto ang nakaraan simula ng matapos ang laban nito kay Jen.
Mabagal lang ang paglapit niya sa ring maging ang pagsampa niya.

"Go!! Brod"cheer sa kanya ng mga kaibigan niya.

"Goodluck Lance"sigaw naman ni Liway.

"Wag mo silang pansinin"agaw ng pansin niya ni Diwata.

Pagbaling niya ng pansin niya biglang bigwas sa kanya ni Diwata ng isang suntok na
tumama sa ilong siya. Hindi naman malakas pero medyo nahilo siya.

"sakin lang ang tingin"sabi pa sa kanya ni Diwata.

Pinunasan niya ang dugo na lumabas sa ilong niya.

"Sayo lang naman ako titingin habang buhay my Princess"sagot niya habang nagpupunas
ng ilos.

Isang sipa naman ang sagot sa kanya ni Diwata kaya naman napaluhod siya sa sakit.

"Ang dami mo namang satsat"sagot ni Diwata.

Agad siyang tumayo at itinaas ang kamay niya, hinarang niya sa mukha niya.

"Sige lang Princess, punch me, kick me.hindi ako lalaban, kasi mula ng minahal kita
sinumpa ko ng hindi kita sasaktan kahit kailan"sabi niya.

Nilapitan siya ni Diwata at pinagsisipa sa iba't ibang parte ng katawan niya, siya
naman sinasangga lang lahat ng sipa at suntok nito. Habang panay ang sipa at suntok
sa kanya nito umaatras siya hanggang sa nacorner na sila.

"Bossing Lance, 'yong tinuro ko sayo"sigaw ni De gracia pero hindi niya ito
pinansin.

"Naku Bayaw 'yong bulong ko sayo kanina"sigaw din ni Dominador.

Iyon naman ang naisip niya, nagdalawang isip pa nga siya kung susundin niya ito.
pero sa huli ginawa niya ang sinabi nito sa kanya. sinugod niya ng yakap si Diwata
para tumigil ito sa pag-atake sa kanya.

"I love you Diwata"bulong niya dito.

Tumigil na ito sa pagpupumiglas sa kanya.

"Anong sabi mo?"nilingon siya nito na naging way niya para halikan naman ito sa
labi pero smack lang.

Isang malakas na siko sa sikmura ang naging tugon naman ni Diwata sa ginawa niya
kaya nabitawan niya si Diwata at nagkahiwalay sila.

"Iyon ba ang turo mo De gracia?"asik ni Diwata sa kasamahang pulis.

"Naku bossing hindi ahh"tigas na tanggi naman nito.

Nakita niyang nanlisik ang mata nito na tumingin sa kuya Dominador nito.

"Ako nakaisip non my Princess"sabi naman niya na ikinalingon sa kanya nito.

"Ahh ganon!!"sinugod siyang nito ng sipa, suntok at tuhod.

Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang salagin ang lahat ng binibitawan nito.
nang makakita siya ng pagkakataon niyakap niya ulit ito patalikod na hawak ang
kamay nito sa liokd nito.

"Will you marry me?"bulong niya dito at hinalikan ito sa leeg.

Nababaliw na yata siya at nagagawa niya it okay Diwata infront of her family. Kaysa
sagutin siya nito isang head bat tang nakuha niya kaya naman dumugo na naman ang
ilong niya sa ginawa ni Diwata.

"Anong sabi mo?"asik na naman ni Diwata.

Sapo ang ilong na lumuhod siya dito sabay dukot ng singsing sa kanyang bulsa.
Kahapon lang niya naisip iyon at kahapon lang din siya nakabili ng singsing.

"Will you marry me?"propose siya kay Diwata.

Natigilan naman si Diwata sa pag-atake sa kanya.

"Whoa!!! Ikaw na bayaw..."sigaw ni Dominador.

Maging ang mga tao doon nakikisigaw na din sa pagce-cheer sa kanya.

"Kung papakasalan mo ako habang buhay kitang bubugbugin"hinihingal na turan ni


Diwata.

"Wala akong pakialam kung gawin mo akong punching bag"nakangiti niyang sagot.
Binitawan na niya ang ilong niya pero ramdam niyang umaagos pa din ang dugo sa
ilong niya.

"Kakikilala mo palang sakin"turan muli ni Diwata.

"Yeah, pero kilalang kilala ka nan g puso ko"sagot niya ulit.

"Di pa nga kita sinasagot diba?"hindi talaga mauubusan ng sasabihin sa kanya si


Diwata.

"Edi sagutin mo na ako ngayon. Kasi naman kahit kailan hinding hindi kita matatalo
sa sparing na ito. 'coz I'm a willing victim...handa akong magpabugbog sayo. At
hinding hindi ko kayang masaktan ka"turan niya.

Natulala na si Diwata.

Yes!!!...naspeechless din sa wakas...

"Pero walang ulan"napapikit naman siya ng magsalita pa din Diwata at hindi pa din
'yes I will marry you' ang sagot nito.

"Hooo...naku naman kasi Lance, bakit kasi marriage proposal na agad?"sigaw ni


Liway.

"May dream wedding proposal si Diwata"dagdag na sigaw naman ni Jen.

Kaya naman napatayo na siya at binalingan ang mga ito.

"What!"react niya, hindi kasi niya alam iyon.

Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya si Diwata at bigla siyang inatak nito
at biglang ibinalibag sa ere nito kaya bagsak siya at nasa ibabaw na niya si Diwata
ngayon.

"Kainis ka naman eh, usapan diba sasagutin pa lang kita ngayon bilang boyfriend
ko"sita sa kanya nito habang nakaupo sa tyan niya.

"But I'm your boyfriend already"nahihirapan niyang sagot.

Napapikit siya n gang buong akala niya ay susuntukin siya ni Diwata kaya naman agad
siyang napamulat ng maramdaman ang mga labi nito sa labi niya.

Hinahalikan siya nito ng hindi smack kundi passionate kiss.

Kaya naman niyakap na niya si Diwata at tinugon na ang halik nito.

"Ala uwian na"narinig niyang sigaw ng isa sa mga kaibigan niya.

Hindi niya pinansin iyon maging si Diwata ay tanging ang halikan lang nila ang
iniintindi nila.

Bahala kayo, basta ako mahal ko si Diwata...

...............

A/N: haha sorry nabusy sa love life.... bawi ako


Nineteen
            
Nineteen

Lance's POV

Nakalutang sa cloud nine.

Kulang pang description sa nararamdaman niya ngayon na kasama na niya si Diwata. Na


alam niya the feeling is mutual, na officially they are on.

"Hmmm...enough na Lance..."awat sa kanya ni Diwata.

Nakahiga pa din sila sa boxing ring na dalawa at ninanamnam ang bawat segundo na
magkalapat ang kanilang mga labi.

"Cant get enough with your lips Princess"bulong niya.

"Sir aka talaga, cant get enough, can't get enough ka dyan. Hoy nasa boxing ring pa
din tayo mahiya ka naman kila nanay"sermon sa kanya nito.

Sabay pa silang lumingon sa gawi kung nasaan ang mga magulang ng dalawa maging ang
mga kapatid at kaibigan naman niya. pero wala na doon ang mga ito, 'yong mga naggi-
gym nalang ang nandoon at nagpapatuloy na sa ginagawa. Ang nanunood nalang sa
kanila ngayon ay iyong tinawag nila Diwata kanina na Kuya Roger.

"Wala na mga kasama niyo Diwata"nakangising turan ng lalaki.

Kaya naman tumayo na sila ni Diwata at bumaba na sa boxing ring. Hinanap niya ang
bag na dala niya kanina pero hindi na niya makita.

"Kung ung bag ang hinahanap mo, dala na nung mga lalaki kanina ung mga nakaupo
dito"turo naman nito sa kinauupuan ng mga kaibigan niya.

Tinanguan nalang niya ito at inakbayan si Diwata.

"Magbayad ka na"bulong sa kanya ni Diwata.

"Ahh okay"dinukot niya ang likurang bulsa niya.

Nang walang makapa na bulsa doon lang niya naalala na nakasports shorts nalang siya
at wala nga palang bulsa ito kaya wala ang wallet niya nasa pantalon niya na
hinubad.

"Wala yong wallet ko"bulong niya kay Diwata.

"Ha!!, nadukutan ka?"exaggerated na tanong sa kanya ni Diwata.

Akmang maghahalughog na ito ng pigilan niya. iba talaga kung ang girlfriend mo ay
pulis, kala lagi may nangyaring krimen.

"No, princess. I put my wallet on my pants. And my pants are on the bag na dala ng
mga kumag"bulong niya.

"Naku patay tayo dyan, wala din akong dalang pera"nahihiyang bulong ni Diwata.

Napakamot naman siya sa batok niya sa nangyari.

"Sige na Diwata, regalo ko na sainyo 'yan"salo naman noong Kuya Roger.

"Naku, salamat kuya Roger. Di bale babalik kami kukunin lang namin ung wallet
niya"nahihiyang sagot naman ni Diwata.

Nagkaroon lang ng konting paalamanan bago sila tuluyan na lumabas ng gym.

"So, your officially my Princess now"sabi niya kay Diwata ng makalabas na sila.

"Nong birthday mo pa"sagot naman sa kanya nito.

Nanlaki naman ang mata niya sa naging sagot ni Diwata.

"Ang akala ko ba ngayon lang kasi naman kailangan ko munang dumaan sa pagsubok
mo?"maguguluhan na tanong niya.

"Gusto lang kitang bugbogin kasi nagpabugbog ka sa iba"nakangising sagot nito.

Hindi na siya nakasagot pa, kakaiba talaga ang trip nitong babaeng ito.

Siya ulit ang nagdrive sa motor ni Diwata pabalik sa bahay ng mga magulang nito.
feel na feel niya ang yakap ni Diwata ngayon, nakikiliti pa nga siya kasi
nararamdaman niyang hinahalikan siya ni Diwata sa batok niya.

"Bayaw!!!"sigaw na tawag sa kanya ni Dominador ng makatapat na sila sa bakuran nila


Diwata.

Pagbaba naman nila sa motor agad siyang hinila ni Andres, doon lang niya napansin
na mukhang nakaset na ang inuman ng mga ito ngayon. Nandoon pa din ang mga kaibigan
niya pero wala si Rome.

"Asan si Rome?"tanong niya sa iba niyang kaibigan.

"Pinagamot si Jen"simpleng sagot ni Leigh at tumungga ng alak.

"Kuya naman"narinig niyang reklamo ni Diwata sa likuran niya.

Nakasimangot ito habang nakacross arm itong nakatitig sa kanya. nilapitan niya ito
at niyakap, tinaas naman nito ang mukha na akmang nagpapahalik sa kanya.

Well he is gladly to oblige to what his woman wants.

"Hep hep mamaya na ang tukan"awat ni Andres bago pa man lumapat ang labi niya sa
labi ni Diwata.

"Kuya!!!"sigaw ni Diwata sabay hawak sa magkabilang pisngi niya at walang nakapigil


ng halikan siya nito.

"Oh tama na 'yan. Tuloy niyo nalang sa kwarto"nanlaki naman ang mata niya sa umawat
sa kanila.

Talagang binuyo pa sila ng tatay lang naman ni Diwata. Hindi ba nila alam na
mahirap ng magpigil kapag nasa isang kwarto nalang sila ng anak nito. tapos may
kama pa naman doon, naku hindi maganda ang naiisip niya.

"Tatay talaga"natatawang sagot naman ni Diwata.

"Oh, gusto ko ng putot"singit naman ni Andres.

"Ako batik"dagdag pa ni Dominador.

Para namang tigre si Diwata na bigla nalang nanigaw sa mga ito.


"Ano tingin niyo sa matres ko, matres ng aso"angil naman ni Diwata.

Nagtawanan lang ang lahat ng nandon, kasama ang mga magulang ni Diwata.

"Ahh, basta. Lets celebrate, may boyfriend na sawakas si Bunso"masayang itinaas pa


ni Dominador ang baso nito na may alak.

"Hep, hindi pwedeng mag-inom si Lance"pagpipigil ni Diwata sa kanya.

Wala naman siyang say, kung ayaw ng mahal niya hindi na siya iinom kahit kailan ng
mga alak.

"Hmmm. KJ mo naman"nakapout na react ni Andres.

"KJ na kung KJ basta hindi iinom ang mahal ko. Period!!!"iyon lang sinabi ni Diwata
bago siya hinila nito papasok sa loob.

Pero nagtaka din siya ng bumuwelta ito pabalik.

"Nakanino ung bag na dala ni Lance kanina?"tanong nito sa mga kaharap.

Tinaas naman ni Ezekiel ang bag na nasa baba lang upuan nito. kinuha iyon ni Diwata
at hinalungkat nito ang loob, napansin niyang hawak na nito ang wallet niya.

"Mahal, okay lang ba kung ilibre mo nalang sila?"lambing sa kanya ni Diwata sabay
abot sa kanyang ng wallet niya at niyakap siya.

Napangiti naman siya sa tawag nito sa kanya.

"As you wish my princess"iyon lang at kumuha siya ng isa sa mga credit cards niya.

"Sky is the limit"abot pa niya ng card niya kay Andres.

Nagsigawan pa ang mga kumag niyang kaibigan, kala mo naman mga walang pera kung
makaasta ang mga ito ng ilibre niya.

"Yon, sky is the limit talaga bayaw?"tanong ulit ni Andres sa kanya.

"Yeah"sagot niya

"Hindi"sagot ni Diwata

Sabay pa sila ni Diwata sa pagsagot.

"Hanggang limang libo lang, tsaka mahiya ka nga kuya, card iyang binigay ni Lance.
Ibig sabihin sa supermarket ka lang pwedeng bumili"nakapout na sagot ni Diwata.

"Nah, let them Princess. Minsan lang naman tsaka hindi naman siguro kayang imax out
ng mga kuya mo ang credit card ko"bulong niya.

"No"kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya.

Iniwanan na sila nito sa labas at tuloy tuloy na itong pumasok sa loob ng bahay.

"Hayaan niyo na si Diwata, ako ng bahala. Basta sky is the limit"bulong naman niya
sa mga kapatid ni Diwata at sinundan na ang dalaga.

........................
Maayos naman ang naging relasyon nila ni Diwata, so far masaya naman sila.
Naipakilala na din niya ito sa mga magulang niya na ang buong akala niya siya ang
talagang magpapakilala iyon naman pala magkakilala na ang mga magulang siya at si
Diwata noong nasa ospital silang dalawa ng nobya.

Hindi naman sila nahirapan kahit na LDR sila o Long distance Relationship.

Madalas kasi siyang bumisita sa probinsya nila Diwata. Maging ang dalaga ay adalas
din siyang pinupuntahan sa Manila.

Sobrang bilis ng panahon mag-lilimang buwan na silang dalawa ni Diwata. Gusto na


niya itong ayain ng kasal kaso hindi pa niya nalalaman kung ano ang 'Dream Wedding
Proposal' nito.

Kapag nagtatanong siya sa mga malalapit ditto ayaw nilang sabihin sa kanya o kaya
naman hindi alam ng mga ito. kagaya ngayon kaharapan niya sa inuman ang mga kapatid
ng nobya niya.

"Bakit kasi hindi mo pa ayain ng kasal ulit?"tanong sa kanya ni Dominador.

Napag-usapan kasi nila kung hindi daw ba siya napapagod na pabalik-balik ng Manila
at Nueva Ecija.

"Gusto ko na kaso may Dream Wedding Proposal nga si Diwata. Di ba nga she turn me
down noong ng propose ako noon sa kanya sa gym"sagot naman niya.

Sobrang close na kasi silang tatlo na lalaki, kala nga niya noon hindi niya
makakasundo si Andres dahil nasungitan niya ito noon. Pero isa pa ito sa mga
nagbubuyo na magpakasal na sila ni Diwata.

"Ano ba naman kasi ang daming arte"reklamo ni Dominador.

"Ayain mo nalang basta ng kasal, sigurado papayag naman din iyon"dagdag pa ni


Andres.

"Andy, hindi pwede iyon. I want to give all the best for Diwata. Hindi niyo ba
talaga alam, kahit simpleng ideya lang"pangungulit pa niya sa mga ito.

"Sandali, kausapin ko si Tiffany"sagot sa kanya ni andres.

Tinawagan nito ang kaibigan na bakla ni Diwata, at pinapunta ito ni Andres sa lugar
kung saan sila nag-iinom.

Nakaduty kasi si Diwata ngayong gabi kaya naman nagkayayaan na mag-inuman sila
habang hinihintay niyang pwede ng makapag-out ang dalaga at susunduin niya ito.

"Hi fafa Lance"bati sa kanya ni Tiffany ng dumating na ito.

Napangiwi naman siya, hindi pa din siya sanay sa pagtawag sa kanya nito ng fafa.
Actually hindi pa siya sanay na may kaibigan na bakla, pero dahil kaibigan ito nila
Diwata pinakikisamahan na lang din niya.

"Tigilan mo nga iyan Tomas"pang-iinis naman ni Andres sa kaibigan.

Si Andres pala ang totoong kaibigan ni Tiffany. Magkaklase noong highschool ang
dalawa.

"Ikaw ang tigil tigil akong tawagin Tomas, kundi hahalikan kita dyan."pagbabanta
naman nito kay Andres.

"Tangna mo, ikukulong kita sa prisinto ng walang piyansa"ganting banta naman ng


binata.

"Ano ba kasi at pinapunta niyo ako dito"naiinis na tanong ni Tiffany sa kanila.

"Di ba iyong kapatid mong si Karen classmate si Diwata noong highschool?"simula ni


Andres.

"Oo, bakit?"maarteng tanong naman ni Tiffany.

"Di ba mahilig sa slambook 'yon"ani pa ni Andres.

"Oo, bakit?"same tone ng pagtatanong kanina.

"Tanong mo nga kung napapirma niya si Diwata noon, may kailangan lang kami na
malaman"utos ni Dominador kay Tiffany.

"Hmp, may bayad kapag kinakausap ang kapatid ko na iyon"maarteng sagot pa nito.

"I'll pay, kahit magkano"sabad niya.

Kung kinakailangan niyang gumastos kahit ilang milyon pa iyon makuha lang niya ang
kailangan niyang malaman handa siyang magbayad.

Nakairap na nilabas nito ang cellphone.

"Hello...may itatanong ako...ay wag mo akong tanungin kung may pera ako kasi
wala...hindi iyan ang dahilan ng pagtawag ko...tigilan mo ako kerengkeng...wala
akong pera...sige ibaba mo si CRUSH mo lang naman ang nagpapatanong..."pagbabanta
ni Tiffany sa kausap.

Tahimik lang naman silang nakikinig sa pakikipag-usapan nito.

"Hanapin mo...tapos din mo dito"sinabi nito ang lugar kung nasaan sila.
"Bayad?.."tumingin ito sa kanya.

"kahit magkano"he mouth.

"Kotse?"nakataas ang kilay na sabi nito.

"Deal"sagot niya.

Tumili naman si Tiffany.

"Fafa Lance, ako din gusto ko din ng kotse"malanding baling sa kanya ni Tiffany.

"I will give it you and to your sister kung makukuha ko ang gusto kong sagot. Plus
one million pesos in cash"sagot pa niya.

"Shit!!"sabay naman na mura ng magkapatid.

"Grabe ka bayaw, ikaw na talaga mayaman"react ni Andres.

"I can triple it sa inyo kapag sinagot na ako ni Diwata ng 'oo' sa proposal ko. I
can give you a house and lot, brand new car, and cash as a gift to you
family"baling naman niya sa mga kapatid ng nobya.
"Tangina, Tomas madaliin mo na ang kapatid mo."namamadaling utos ni Dominador kay
Tiffany.

Hindi naman sila naghintay ng matagal dumating din agad ang kapatid ni Tiffany.

"Fvcking shit!!!"tili nito ng makalapit na sa kanila.

"Bakit ka ba tumitili?"sermon ditto ni Tiffany.

"Shit, magpapalit na ako ng crush"exaggerated na sagot nito habang nakatitig sa


kanya.

"Hoy Karen, tumigil ka nga. Si Lance para kay Diwata lang iyan"si Andres ang
sumuway ditto.

Inirapan naman nito si Andres bago ito naupo sa tabi ni Tiffany.

"Oh"nagdadabog na inilapag nito sa lamesa ang isang may kalumaan na notebook.

Nagmamadaling binuklat buklat niya ito hinahanap niya kung saan page nagsulat si
Diwata.

"Sa unang page siya, kasi siya ang long time crush ko at idol ko"sabi sa kanya ni
Karen.

Tiningnan niya ito ng marinig niya ang salitang crush. Mukha namang hindi ito
tomboy bakit may crush ito sa girlfriend niya.

"Hindi ako tomboy"nabasa siguro nito ang nasa isip niya.

Umiling nalang siya at binalik sa unang pahina ang notebook. Binasa niya ang
nakasulat doon.

Name: Diwata Mayumi Demaguiba

Age: 15

Birthday: September 26 19**

Zodiac sign : Libra

Favorite food: basta lahat ng see foods

Favorite Color:violet and red

Dream Job: to be a police woman

Crush: Sarili ko

Natawa naman siya sa sinagot nito kung sino ang crush nito, kala niya may
pagseselosan na siya pero mukhang wala.

Madami pang nakasulat doon na hindi naman niya kailangan ng malaman kasi alam na
niya. kaya naman laking panghihinayang niya ng matapos niya ang lahat ng nakasulat
doon tungkol sa nobya ng hindi niya nalalaman ang gusto niyang malaman.

Bagsak ang balikat na binaba niya ang binabasa.

"Wala bayaw?"tanong pa sa kanya ni Dominador.


"Yeah, wala eh"nakatungo na sagot niya.

Buong akala niya talaga malalaman na niya ang 'dream wedding proposal' ni Diwata.

"Ano ba kasi ang hinahanap niyo?"tanong ni Karen.

Wala na siya sa mood na sagutin pa ang tanong nito. wala naman kasi doon ang gusto
niyang malaman.

"Dream wedding proposal ni Diwata"si Andres na ang sumagot sa kanya.

"Ahh iyon lang ba"mayabang nasagot naman ni Karen kay Andres.

Para naman siyang nabuhayan ng loob sa narinig niya.

"Alam mo bruha?"si Tiffany na ang nagtanong para sa kanila.

"Oo naman, diba nga crush ko tsaka idol ko"natatawa pang sagot nito.

"Then what it is?"hindi na niyang mahintay ang sasabihin nito.

"Ganito kasi iyon..."at kinuwento nito ag buong detalye ng sinasabing 'dream


wedding proposal' ni Diwata.

Nakikinig lang siya, at iniintiding mabuti lahat ng sinasabi ni Karen. Natuwa pa


nga ito kasi maging 'dream wedding' ni Diwata nakwento na din nito sa kanila. Na
ikinatuwa naman niya kasi iyon naman kasi talaga ang susunod niyang aalamin kung
nagkataon.

Kung baga nga hitting two birds in one stone.


Twenty
             

Twenty

Diwata's POV

Its their fifth monthasarry, nag-aya si Lance na magpunta sa Batangas para doon
magcelebrate. May beach house daw ito doon, kasama niya ang buong pamilya niya
maging ang pamilya din ni Lance.

Pinasama din ni Lance ang mga kasamahan niyang mga pulis na pwedeng sumama at ang
mga kaibigan nilang parehas.

"Fvck!!"narinig niyang mura ni Lance pagkakita sa kanya.

Inirapan niya ito, palagi nalang kung magmura ito. medyo sana naman na siya sa
ugali ni Lance.

Nang makalapit siya dito tinapik niya ang bibig nito.

"Bibig mo, wala kang kiss"pagalit niya.

"Sorry na princess, I just....ugrh!!!"frustrated na sinabunutan nito ang sarili.

"Problema mo?"nakakunot noo niyang tanong dito.

"Your soooo...sexy"bulong nito.


Tinitigan pa siya nito ng may paghanga at para sa tingin niya pagnanasa.

"Tigilan mo ako Lance"inirapan niya ito.

Akmang lalabas na siya sa resthouse nito para puntahan ang mga kasama nila ng
yakapin siya nito at walang kaabog abog na hinalikan siya nito sa labi niya.

A very intimate and passionate kiss.

"Hmm..Lance...kamay... mo.."sabi niya in between ng halikan nila.

Naglilikot na kasi ang kamay ni Lance, kanina nasa bewang lang niya iyon tapos
nagsimula ng manghimas ang kaliwang kamay niya at ngayon nga nasa ibabang bahagi
nan g dibdib niya.

"Shit, sorry princess...sorry"hinihingal na salita nito.

Niyakap nalang niya ito, hindi naman siya nagalit sa ginawa nito. naiintindihan
naman niya ang boyfriend niya, ang mga lalaki may pangangailangan naman ang mga
ito.

Kaya naman niyang ibigay ang gusto nito hilingan lang ni Lance ng maayos sa kanya.
kaso lang si Lance na mismo ang humindi.

Natatandaan nga niya noong napag-usapan nila noong kung gusto ni Lance na magkaroon
sila ng intimate relationship na dalawa ang sagot lang nya.

"I prefer it after our wedding, para mas intimate talaga, and special"

Kaya naman hindi na niya pa tinanong pa si Lance.

Pero kung magbabago isip nito ngayon, go lang naman siya. Hindi niya ipagkakait kay
Lance ang pinakaiingatan na Perlas ng Silangan niya.

"Damn, parang ayoko ng lumabas ka"sabi pa ni Lance habang nakayakap sa kanya ito.

Nakatwo piece swim suit kasi siya na black.

  

A/N: suot na swim suit ni Diwata.

"Mahal naman, alangan namang dito lang tayo sa loob pano sila nanay doon tsaka mga
parents mo"sagot nalang niya dito.

"Bakit kasi kailangan mo pang magtwo piece swim suit"parang bata itong nagmamaktol
dahil naagawan ng laruan.

Natatawa naman siyang lumapit dito at niyakap ito.

"Mahal, alangan din naman na maglong sleeve at maong pants ako dito eh beach ito.
Dagat. Kaya dapat lang sulitin na natin. Isa pa summer ngayon mainit"paglalambing
niya dito.

Napilit din naman niya itong lumabas sila at saluhan ang mga kasama nila doon.
Simple lang naman ang celebration nila ni Lance.

Masayang salu-salu ang pinasanda ni Lance para sa tanghalian nila. Pero nagulat
nalang siya ng ayain siya ni Lance at iniwanan ang mga magulang nila, kapatid at
mga kaibigan.

"Saan tayo pupunta Mahal?"nagtatakang tanong niya sa binata.

"Basta Princess"hinatak siya nito papuntang dalampasigan.

Napatakip siya ng bibig ng may makita siyang nakaset na table for two doon. Very
romantic ang pagkakaayos nito at may manipis lang na tela na nagsisilbing lilim
nila ni Lance habang kumakain.

"You like it my princess?"tanong sa kanya ni Lance habang kumakain sila.

Speechless naman siya habang nakaupo sila doon kaya tango nalang ang naisagot niya
dito.

"Hey, magsalita ka naman princess"nakapout na turan ni Lance.

"Lance, kainis ka naman okay na tayo doon bakit may ganito pang surprise?"tanong
niya.

"Simple, its our special day that's all"sagot nito.

Pinagsilbihan siya ni Lance, ito ang naglagay ng pagkain sa plato niya, ng tubig sa
baso niya maging ang wine ito din ang nagsalin.

A true gentleman.

Noong unang makilala niya ito buong akala niya antipatiko ito at masungit kasi
mayaman na gwapo pa, yummy din kasi sobrang hot ng katawan. Parang ngayon kitang
kita niya ang mga nagpuputukang abs nito.

"Diwata"tawag sa kanya nito.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng tanghalian, bihira lang siyang tawagin nito sa
pangalan niya. kaya naman nakakunot noo siyang tiningnan ito.

"You know, I love you right?"simula nito.

Lalo naman lumalim ang pagkunot ng noo niya. Muntikan na ngang maging isang guhit
ang kilay niya sa sobrang pagkakadikit.

"Yes..."alangan niyang sagot.

"You know also how much I want you to be happy"dagdag na naman nito.

Doon hindi na niya kayanga makinig nalang.

"Teka nga, teka nga...ano ito nakikipaghiwalay ka na ba sakin?"nag-iinit ang ulo


niya ang damit kasing paligoy ligoy ni Lance.

Bago pa man makasagot si Lance, biglang umambon hanggang unti unti itong lumakas.

"Lance, tara sumilong uulan na"tumayo na siya para yayain itong sumilong pero kaysa
tumakbo para silang naglalakad sa ilalim ng buwan sa sobrang bagal nito.

"Lance!!!"naiinis na siya nababasa na kasi sila ng ulan.

Kainis naman kasing ulan ito, panira ng moment.


Nagmomoment pa sila ni Lance bigla biglang uulan, samantalang tirik na tirik naman
ang araw ngayon.

Hay naku global warming...naiinis niyang naisip.

"Maligo na tayo sa ulan Princess"sabi sa kanya ni Lance.

Napahinto naman siya sa paglalakad at napapantastikuhan na tiningnan niya ito.

Kanina gusto niyang maligo na sa dagat ayaw nitong mabasa, ngayon na umuulan gusto
na nitong maligo. Kakaiba talaga ngayon si Lance, ang weird yatang bigla.

Mas lalo pa ng bigla nalang siyang kilitiin nito, kaya naman para silang bata na
naghabulan habang malakas ang ulan. Andyan pa nga na umabot sila sa mababaw na
parte ng dagat at nagsasabuyan sila ng tubig na dalawa.

Nang mahabol siya ni Lance, niyakap siya nito.

"I know its to early, were only knew each other for less than a year. And we are
only five months in a relationship. Pero kasi Diwata, I can't wait for you to be my
Queen"bigla bigla nalang itong bumanat ng mga ganon salita.

Ang lalo pa niyang kinabigla ay ang pagluhod nito sa harapan niya at nilabas nito
ang isang maliit na kahon mula sa bulsa nito. at pinakita sa kanya ang isang
napakagandang singsing. Ito 'yong singsing na ibibigay sana sa kanya ni Lance noon
sa boxing ring. Ang akala niya nawala na iyon kasi bigla na lang niyang sinipa at
sinuntok noon si Lance. Ang alam niya nabitawan iyon ni Lance at hindi naman niya
napansin na kinuha iyon ni Lanc o hinanap man lang.

"Nagtataka ka siguro kung bakit hawak ko ito. its your Kuya Andres doing. Siya ang
nakasalo ng singsing ng mabitawan ko that's why I'm holding this now. But cut the
crap"huminga ito ng malalim. "Wala na akong ibang naiisip simula ng naging tayo
kundi ang itali ka sakin, ang makasama ka sa habang buhay. Mahal na mahal kit.
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Diwata. Will you marry me?"sa sobrang bilis ng
pagsasalita niya 'will you marry me' nalang ang naintindihan niya.

"Pano mo nalaman ang 'dream proposal' ko?"ewan ba bakit iyon ang lumabas sa bibig
niya.

"Ha!?"gulat na tanong nito.

Umiling nalang siya at pinilit na pinapatayo si Lance.

Gusto naman niya talagang magpakasal kay Lance, hinihintay na nga lang niya ulit na
ayain siya nito ng kasal. Nahihiya naman siyang tanungin ang nobyo kung kailan
uulitin ni Lance ung proposal.

Wala naman na din sa kanya ang 'dream wedding proposal' niya. ang mahalaga si Lance
ang mag-aaya sa kanya ng kasal, tapos ang usapan.

Bunos nalang na nangyayari ito ngayon.

She was dreaming before na kapag may boyfriend na siya at kapag aayain na siya ng
kasal nito, gusto niya nasa tabing dagat sila at nagdadate. Tapos biglang uulan ng
malakas mababasa sila at magtatampisaw sa dagat, maghahabulan na parang mga bata.
Tapos biglang luluhod sa sa harapan niya ang boyfriend niya at ilalabas ang
singsing tapos aayain siya ng kasal.
Hindi niya alam kung paano nito nalaman iyon, wala naman siyang napagsabihan ng
pangarap niyang iyon kundi ang mga kaibigan lang niya. kahit nga mga magulang o
kapatid niya walang alam tungkol doon.

Kaya kanino nito nalaman ang ganitong eksena sa buhay nila.

"Bahala na nga, yes I will marry you"sagot nalang niya.

"TALAGA!!!"tuwang tuwa si Lance na tumayo at binuhat siya at inikot ikot.

Nang ibinaba siya nito sinuot nito ang singsing sa kamay niya at buong puso siya
nitong hinalikan. Kaya nagpaubaya naman siya kay Lance.

"Hmmm"tinulak niya si Lance ng mapansing tumigil na ang ulan.

"Brod!!!! OKAY NA!!!!"sigaw ni Ezekiel.

Nang lingunin niya ito nanlaki ang mata niya ng makitang magtangan tangan itong
host. Nang sundan niya nakita niya ang tatlong truck ng bomber sa malapit sa
kanila.

Nandoon nakangisi ang mga kaibigan ni Lance at maging ang mga magulang nilang
dalawa ay natutuwa habang pinapanood sila ni Lance.

Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ni Lance kaya sinamaan niya ng tingin ito na
ngayon ay ngiting ngiti ito ng sobra. Naka thumbs up pa ang loko sa mga kaibigan
niya, kaya nakuha na niya ang lahat.

"Aww, princess that's hurt"daing nito ng sikuhin niya sa tagiliran .

"So, fake ang ulan?"asik niya dito.

"Princess naman, paano naman kasi uulan alam mo namang summer ngayon. Kung
hihintayin ko pang umulan baka matagalan pa, gusto na talaga kitang itali sakin
para hindi ka na makawala pa"paliwanag nito.

"Kuhhh...pasalamat ka mahal kita"nakairap niyang sagot.

"Mahal din kita sobra...my Princess"

...................

Lance's POV

3 years later...

"LANCE!!!!!!!!!!"sigaw ng pinakamamahal niyang asawa.

Nasa kwarto nila ito ngayon, kabuwanan na kasi ni Diwata ngayon kaya hindi na niya
masyadong pinapakilos pa ito.

Nagkanda dapa-dapa pa siya sa pagmamadali niyang tumakbo paakyat sa kwarto nilang


mag-asawa.

"Yes my queen"hinihingal na tanong niya sa asawa.

Kinakabahan din siya baka kasi manganganak na ito. hindi na nga siya pumasok sa
opisina para mabantayan niya ito ngayon.
Isang buwan mula noong nagpropose siya kay Diwata kinasal na din sila nito. sobrang
saya nga nilang dalawa after ng kasal nila. Nagleave ng isang buwan si Diwata sa
trabaho nito kaya naman kung saang saan bansa sila nagpunta.

Pagbalik nila sa Pilipinas bumalik ulit sa pagpupulis si Diwata. Nagpalipat na nga


lang ito sa Manila para makasama niya ito palagi.

Noong unang taon ng pagsasama nila maayos naman silang dalawa, may pagtatalo pero
naayos naman nila.

Palagi lang nilang pinagtatalunan na mag-asawa ay ang trabaho ni Diwata.

Bilang lalaki hindi maalis sa kanya na hindi mag-alala lalo pa at alam niya kung
gaano kadedikado ang asawa niya sa sinumpaang tungkulin.

Hindi isang beses na nalagay sa panganib ang buhay ng asawa niya, may mga time na
umuuwe ito ng bahay nila na maraming pasa at gasgas kasi nakipagsuntukan o kaya
naman nasemplang sa motor dahil may hinabol na snatcher.

Pinapatigil na niya ito noong pa sa trabaho nito kasi kaya naman niyang ibigay ang
lahat ng kailangan nito.

Aanhin niya ang pera niya kung hindi niya mabigay ang pangangailangan ng asawa
niya.

Sa halos dalawang taon nilang mag-asawa iyon ang pinagtatalunan nila.

Hanggang sa mabuntis si Diwata sa una nilang anak.

Pero sa kasamaang palad hindi nagtuloy ang unang anak nila. Hindi alam ni Diwata
noon na nagdadalangtao na ito noon kaya ng sumabak ito sa operation nila na huhuli
ng sindikato nakunan noon si Diwata.

Doon naman parang nagising si Diwata at ito na ang kusang nagpasa ng resignation.

Hindi naman nagtagal mula noong nagresign ito nagbuntis muli ang asawa niya kaya
ito alagang alaga na niya ang asawa.

"Gusto ko ng tubig"lambing na utos nito.

Doon naman siya nakahinga ng maluwag, akala talaga niya manganganak na ito.

"Water my Queen? Right away"masigla siyang lumabas ng kwarto nila at nagmamadaling


bumaba para kumuha ng tubig.

Nagmamadali din siya sa pag-akyat para maibigay na ang tubig sa asawa niya, only to
be disappointed kasi may tangan na itong baso ng tubig na halos mangalahati na
nito. nakasimangot pa ito ng lumingon sa kanya.

"Kainis ka naman Lance, may ref dito sa kwarto remember. Ipapaabot ko lang sayo
tumakbo ka pa sa kusina"nakairap na turan nito sa kanya.

Napakamot naman siya sa ulo ng maalala ang sinabi ng asawa niya. siya pa nga ang
nagpalagay ng mini ref sa kwarto nila para hindi na lumabas labas pa si Diwata.

Natatawa nalang siyang lumapit sa asawa niya at naupo na din sa tabi nito sa kama
nila.

"Sorry my Queen. Nataranta kasi ako sa pagsigaw mo"paliwanag niya.


Niyakap niya ito patalikod, hinihimas niya ang tyan ng asawa niya.

"I'm so excited to see our little angel, my queen"turan niya habang hinahaplos ang
tyan nito.

"Ako din, di bale ilang araw nalang naman na makikita na natin siya"sagot sa kanya
nito.

"Yeah, I love you my queen"aniya sa asawa.

"I love you too my king"sagot naman ni Diwata sa kanya.

He cant resist kaya naman hinalikan niya si Diwata in a very intimate and
passionate kiss na alam niya.

He can't get enough with his wife, parang laging first time nilang dalawa. Kung
hindi nga lang kabuwanan nito baka ending nilang dalawa, sa kama with a sexy
activity.

"Mahal, masakit balakang ko"reklamo ni Diwata ng pakawalan na niya ang mga labi ng
asawa niya.

"Hmm...gusto mo ba puntahan natin ang OB mo"nag-aalala niyang sagot sa asawa.

"No, yakapin mo nalang kami"lambing nito.

Kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit.

Nagstay pa sila sa ganoong posisyon, patuloy lang siya sa paghimas ng tumayo bigla
si Diwata.

"Naihi yata ako Mahal"nakapout na turan nito.

Tumingin siya sa pinanggalingan nito nakita nga niyang basa ito.

"Nah, okay lang iyan. Papalitan ko nalang kay Manang Lita ang bedsheet"tumayo na
din siya para alalayan ang asawa papuntang banyo.

Nasakalagitnaan na sila ng biglang huminto si Diwata sa paglalakad at biglang


sinapo ang tyan nito at napangiwi.

Nanlalaki ang mata niya ng makitang hindi nalang tubig ang umaagos sa binti ng
asawa niya. pinaghalong tubig at dugo na ang nakikita niya.

"Fvck!!!"napamura siya sa sobrang pagkabigla.

"Lance manganganak na yata ako"halos pabulong nalang na turan ni Diwata.

Nang tingnan niya ang mukha ng asawa niya, sobrang putla na nito at pinagpapawisan.

"Shit!!!"natataranta naman siya ng sobra.

Hindi niya alam kung anong uunahin niya, kukunin ba niya ang bag na dadalin niya,
ang papalitan ng damit ang asawa niya, ang buhatin ang asawa niya o lumabas na ng
kwarto.

"Lance, tigil tigilan mo nga ang pagmumura. At dalin mo na ako sa ospital"pasigaw


ng turan ni Diwata sa kanya.
Kaya naman dali dali niya itong binuhat.

"Magdahan dahan ka. Baka malaglag tayo sa pagkakataranta mo"babala sa kanya ni


Diwata.

"Oo naman yes my queen"kinakabahan na sagot niya.

Nang makababa na sila sa sinalubong sila ni Manang Lita.

"Manang, pakitawag si Mang Delfin. Sumunod kayo sa ospital dalin niyo yong bag at
iba pang kailangan naming. Mauuna na kami ni Diwata doon"nagmamadali niyang utos sa
matanda.

Tumango lang ito at iniwanan na niya ito.

Mabilis siyang nagmaneho papuntang ospital, panay pa nga ang busina niya para lang
maparaan sila agad dahil medyo traffic ngayon sa daan.

"Lance, hinto mo doon sa tapat ng pulis"utos sa kanya ng asawa.

"Ha!..Diwata naman hindi ito ang time para makipagkwentuhan sa mga


pulis"natatarantang sagot naman niya.

Madalas kasi kapag lumalabas sila mula ng magresign ito kapag may nakikita silang
pulis nagpapahinto ito at nakikipag-usap o kaya naman ay nakikipagkilala.

"Shit, hindi ako makikipagkwentuhan. Basta ihinto mo"sigaw nito.

Wala siyang nagawa ng tumapat na sila dito ay hininto niya ang sasakya.

"Boss"tawag ng asawa niya sa pulis.

"Oy, ma'am Diwata kayo pala"nakilala nito ang asawa niya.

"Bautista. Buti naman ikaw ang natyempuhan naming. Manganganak ako, traffic pa
hindi kami makadaan. Makikisuyo naman ako sayo"nanghihina ng turan ng asawa niya.

Ngayon naintindihan na niya, hindi nga naman pinapansin ng mga kapwa niya driver
ang pagbubusina lang niya.

Mabilis pa sa alaskwatro tinulungan sila ng pulis, ito ang nauna sa daan at


ginamitan nito ng wang-wang para bumilid sa daan ang mga sasakyan.

Kaya nakaabot sila sa ospital ng mabilis dahil doon.

"Salamat ha"sasalamat niya.

Agad na inasikaso ang asawa niya, naiwan siya sa labas ng delivery room.
Kinakabahan siya para siyang maiihi na matatae sa sobrang kaba niya. daig pa ang
kaba niya noong ikakasal sila ni Diwata.

"Lance hijo"tawag sa kanya ng mama niya.

Nang lingunin niya ito magkakasama na ang papa niya at sila Mang Delfin at Manang
Lita.

"Tumawag samin si Lita, manganganak na daw si Diwata"nag-aalalang turan ng mama


niya ng makalapit na ang mga ito.
"Yes, Ma. Nasa loob na siya ng delivery room"sagot niya.

"Keep calm anak, alam kong nakakakaba ang ganitong sitwasyon pero you have to keep
calm for your wife and your baby"payo ng ama niya.

Tumango naman siya bilang sagot.

"You better call your in-law's anak, inform them na manganganak na si Diwata"utos
ng mama niya.

Tumango naman siya at inilabas ang cellphone niya, tinawagan niya ang biyanan
niyang babae para sabihin ang balita. Luluwas na daw ang mga ito ngayon para
mabisita na si Diwata.

Naghintay pa sila ng ilang minuto sa labas. Excited na siyang malaman kung ano ang
magiging anak nila. Hindi kasi nagpa-ultra sound si Diwata para surprise daw kung
ano ang anak nila.

Para sa kanya kahit ano naman, kasi alam niyang bunga ng pagmamahalan nilang dalawa
ito ni Diwata.

"McDaniel's guardian?"tawag ng nurse na kakalabas lang mula sa delivery room.

"Yes"sagot niya.

"Congatulation po, it's a boy"imporma nito.

"Thanks God"tuwang tuwa naman na react ng mama niya.

Napapikit naman siya sa sobrang tuwa niya sa nalaman.

He's now a certified father.

Parents na sila ni Diwata, buo na ang pamilya nila ni Diwata.

"How's my wife?"hindi pa din maiaalis ang pag-aalala sa asawa niya.

"She's okay naman po. Dadalin nalang po si Mrs Mcdaniel sa recovery room. And si
Baby naman po pwede niyo na pong puntahan sa nursery room"iyon lang bago sila
iwanan ng nurse.

Nagmamadali naman na iniwanan siya ng mga magulang niya at sila Mang Delfin at
Manang Lita. Hindi naman niya kayang iwanan ang asawa niya. sabay nalang sila ni
Diwata kapag nagising na ito na pupunta ng nursery para silipin ang anak nila.

Hinintay niyang nailagay ang asawa niya sa recovery room at maging gising ito.

"Hi my queen"bati niya sa asawa ng magising ito.

"Asan si Baby?"paos pa ang boses ng asawa niya habang nagtatanong.

"He's in the nursery. I love you Diwata. Thank you for giving me our
child"hinalikan niya ito sa labi.

"Mas mahal kita"sagot naman ni Diwata after ng kiss nila.

Sobrang ang saya na nararamdaman niya ngayon, kompleto na siya.


He found his Queen now.

The End

..................

e�

Epilogue
            

Prologue

Lance's POV

Sobrang sakit ng katawan niya, putok na yata ang nguso siya o buong mukha niya na
yata sabog na.

Pinanggigi-gilan ba naman kasi siya ngayon ni Diwata, inaya lang naman siya nitong
magsparing silang dalawa.

Sa loob lang naman ng bahay nila sila nagsparing, nagpagawa na kasi siya ng mini
gym nila sa loob ng bahay nila para hindi na kailangan pang lumabas ng asawa niya
kung gusto nitong maggym sila.

Kagaya ngayon, atleast wala silang audience na dalawa habang binubugbug siya ng
asawa niya mga anak lang nila.

"Give up na Mahal?"tanong pa sa kanya ni Diwata.

Kahit naman sabihin niya 'Oo suko na my Queen' hindi pa din naman siya titigilan ng
asawa niya hangga't hindi pa ito pagud.

"Go Daddy"cheer ni Perlas ang pangalawang anak nila at nag-iisang babae.

They have three beautiful kids, ang pangay na si Issac na 7 years old, the second
one is Perlas 6 years old and David 5 years old.

Well kung mapapansin nagsunod sunod talaga ang mga anak nila. Sinadya niya iyon
kasi naman kahit na kapapanganak pa lang ni Diwata may isang lalaking umaaligid sa
asawa niya. kaya naman hindi niya tinantanan si Diwata.

Mas gugustuhin niyang hindi na makitang maliit ang tyan ng asawa niya kaysa naman
kung sinong kumag pa ang lumapit sa asawa niya.

Seloso na kung seloso wala siyang pakialam.

Natigil lang sa pagbubuntis si Diwata ng magreklamo na ito at nagtake ng pills


kahit na ayaw niya.

"Suko na kasi"feeling niya naiirita na si Diwata.

"No my queen. Hindi ako susuko"nahihirapan niyang sagot.

"Mommy, daddy is choking"umiiyak na puna ng anak niyang babae.

"No, Perlas. Daddy is okay"sagot ni Diwata.

Nawala naman sa concentration ang asawa niya kaya kinuha niya itong pagkakataon
para magkapalit sila ng posisyon na mag-asawa.

Si Diwata na ngayon ang nasa ilalim niya.

"I like it when I'm on the top"mapang-akit pa niyang pang-aasar sa asawa.

"Manyak"iyon lang at umigkas na naman ang paa ng asawa niya.

Kaya naman tumilapon siya paalis sa pagkakadagan sa asawa niya. medyo na hilo na
nga siya sa sobrang dami na ng inabot niya sa asawa niya kaya hindi na siya
nakabangon.

Doon naman naglapitan ang mga anak niyang lalaki na nagmistulang referee nila at
binilangan pa talaga siya ng mga ito.

"Ten...teng...teng...teng"sabay pang turan ng mga anak niya na kumopya pa ang bell


sa mga boxing ring.

"Mommy is the winner"tuwang tuwa na announce ni Issac.

"Yehey!!!...si mommy ulit ang winner"tumatalon talon pa si Perlas habang


nagsasalita.

Napapailing naman na bumangon siya at naupong pinagmasdan ang mag-iina niya.

A perfect picture of a family.

Kahit masakit ang katawan niya iba pa din ang saya na nararamdaman niya kapag
nakikita niyang masaya ang mga anak niya at asawa.

"Wala akong kakampi"nagkunwari siyang malungkot at nagpout pa siya at nag-inarteng


iiyak na siya.

"Daddy"tumakbo naman si Perlas para yakapin siya nito.

"Ako po kakampi niyo daddy"sabi pa ng anak niya habang kayakap siya nito.

"Hmm...thank you my princess"niyakap na niya ang anak niya.

"How about my two boys?"nakapout na baling niya sa mga anak na lalaki.

"Kay mommy ako"sagot naman ni David ang bunso nila.

Medyo attach pa kasi it okay Diwata, walang ibang nakakabuhat sa bunso niya kundi
si Diwata lang. kahit siya nga hindi ito malambing, pero mukha namang daddy's boy
kapag may gustong ipabili.

"Bili mo ako ng PS3 dadn kakampi mo ako"turan pa ng panganay niya.

"What?!"gulat na react niya.

Hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Diwata sa kanya, gulat nalang siya ng
may pumingot sa kanyang tenga.

"Ayan kasi, masyado mong naispoiled ang mga anak mo. Hindi ka na lalapitan ng mga
iyan hangga't walang suhol"sermon sa kanya ni Diwata.

Natatawa naman siya habang hinihimas ang tenga niya na piningot ng asawa.
"Mom, hindi ko po kailangan ng suhod. I love daddy po"singit naman ni Perlas.

"Ahh..that's my princess. Kaya mahal na mahal ka ni Daddy eh. Anong gusto mo


prinsesa ko?"tanong niya sa anak niya.

"Daddy I saw a beautiful babrie doll house in SM I want that Daddy. Can you buy me
one"ayon may gusto nga itong ipabili nilambing lang siya.

"That's my princess pa more Mr. McDaniel..."pang-aasar ng asawa niya.

Tumayo na siya at ito naman ang hinarap niya. niyakap niya ito at hinalikan sa
pisngi.

"Ikaw naman my Queen my gusto ka ba?"lambing niya dito.

"Oo, gusto ko ng halayang ube na kulang brown at manga na walang buto"naglambitin


pa ito sa batok niya habang nagsasalita.

Nagbeautiful eyes pa nga ito sa kanya na halatang nagpapacute.

"Wait, what? Halayang ube na kulay brown at manga na walang buto saan naman ako
makakakita 'non"reklamo niya.

Wala namang ganon di ba?...naguguluhang tanong pa niya sa sarili niya.

"Ahh basta, iyon ang gusto ko. Maghanap ka, tinanong mo ako kung ano ang gusto ko
di ba. Maghanap ka" tumalikod pa ito sa kanya at nagpout pa.

Mariing napapikit naman siya at napahawak sa batok niya habang nag-iisip ng palusot
niya.

Anak naman kasi ng pitong kalabasa, saan siya hahanap ng mga sinasabi ng asawa
niya.

Buti sana kung naglilihi...

Nanlaki ang mata niya sa biglang pumasok sa isip niya.

Hindi naman kasi maghahanap ng ganing kawirdong pagkain ang asawa niya kung hindi
ito naglilihi.

Naaalala niya noong nagbubuntis ito sa panganay nila pinaghanap siya ng bagoong jam
at atis na walang buto. Sa pangalawang anak naman nila buko pie na walang buko at
chocolate cake na maasim. At sa bunso niya naman pinyang isa lang ang mata na
isasawsaw niya sa ketsup na may bagoong.

"Fvck!!!"malakas siyang napamura sa naisip.

Umani naman siya ng tapik sa bibig galing sa asawa niya.

"Bibig mo, ang mga bata oh"sermon sa kanya nito.

"Shit, are we?..."hindi niya pinansin ang sinabi ng asawa at binitin pa niya ang
sasabisin na tiningnan ang tyan ng asawa niya.

Pipis pa naman ang tyan ng asawa niya. hindi mo masasabi kung bustis nga ito o
pinagti-tripan lang siya ng asawa niya.

"Are we ano?"mataray na tanong sa kanya ni Diwata.


"We will have a baby"si David ang nagsalita.

Nanlalaki ang mata na napatitig sa asawa niya. Tumango naman si Diwata bilang
pagsang-ayon sa sinabi ng anak nila.

"Fvck...shit..your pregnant...AGAIN..your pregnant again my queen"tuwang tuwa na


turan niya.

Sobra ang tuwa niya ngayon, hindi niya inaasahan ito. buong akala niyang ayaw ng
sundan pa bunso nila.

Bigla naman siya natigilan ng maalala niya ang naging sparing nila kanina. Inialala
niya kung nasakyan ba niya ito.

"Shit, did I hurt you?"nag-aalalang tanong niya.

"Wag kang mag-alala, makapit ito. Isa pa hindi mo pansin maingat ako kanina.
Pinanggigigilan lang kita kaya kita inaya ng sparing"lambing nito.

Nagtawanan naman ang mga anak niya, ibig sabihin alam ng mga anak niya na buntis si
Diwata.

"Hay, mahal na mahal ko ang pamilya kong ito eh. Group hug"yagang niya sa mga anak
niya ng yakapin niya ang asawa.

Wala na siyang mahihiling pa.

..........................

A/N: Maikli lang talaga ang balak ko sa Series na ito...

sana magustuhan niyo ito kahit maiksi lang at talagang may mga parts na namadali.

may mga nashortcut pero feeling ko naman okay ang story...

well tapos ko na ang Gentleman's Queen #1: Mr. Billionaire meets Ms. Astig

Makakapagfocus na ako sa  My Submissive Partner...

a/n
Opp! Hindi po ito update...

Sa lahat po na nakaabot dito, maraming salamat.

Salamat sa pagbabasa lalo na po sa pagvote at comment.

Sana makasama ko Pa kayo sa ibang chapter at ibang kwentong magagawa ko.

Ang story na ito Ay may mga SPECIAL CHAPTER.


Pero hindi ko na po ipost dito sa Wattpad dahil may balak po akong ipasa siya sa
publisher at gawin book.

Sana support niyo din po ako sa another journey ko bilang amatuer writer.

At syempre segway na din.

Gusto ko kayong makakwentuhan ay makakulitan sa FB page ko.

Libre naman sumali. Wag kayong mahiya. Mas marami mas maingay mas masaya.

Nasa baba po ang link salamat po ulit sa lahat.

https://www.facebook.com/groups/564156334247167/?ref=share

You might also like