You are on page 1of 53

Body:

�Pero kapag hinayaan kitang umalis ngayong gabi, para ko na ring hinayaang mamatay
ang kalahati ng buhay ko. Pagsisisihan ko iyon ng buong buhay ko. Kailangan ko na
itong sabihin ngayon. Hindi ko dapat hayaang lumagpas ang pagkakataong mahalin ka
habambuhay.�

CHAPTER ONE

Kampanteng nilalakad ni Zhei ang kabuuan ng supermarket sa tapat ng company kung


saan siya nagtatrabaho. Kailangan kasi niyang bumili ng konting makakain bilang
paghahanda sa date nila ng kanyang computer. Writer siya ng isang company na
nagtatanghal ng iba�t ibang theater plays sa elementary, highschool at college
schools, at bihasa sa iba�t ibang klase ng media production. Ngayon ay naka-
schedule siya sa final revision ng script na gagamitin sa pagtatanghal sa iba�t
ibang universities.

Iisa lang ang may-ari ng dalawang establishment kaya halos magkapareho lang sila ng
unipormeng suot. Sa paligid ay mapapansing magkapareho lang ng tipo ng uniporme ang
mga empleyado doon sa kabila ng pagkakaiba nila ng posisyon. Kahit ang manager ay
nakasuot ng parehong shirt na suot ng salesperson at di rin nalalayo iyon sa
unipormeng suot niya. Araw ng Biyernes, wash day nila kaya hindi nakasuot ng
corporate attire ang mga empleyado.

Dumampot siya ng calamansi extract juice at isang balot ng paborito niyang biscuit.
Dinampot din niya ang nadaanang mamon at ensaymada. Papunta na siya sa counter nang
mamataan niya ang isang binatang naka-long sleeves at tie na papalapit sa kanya.
Medyo hindi sinuwerte ang binata sa height pero bumawi naman sa face. Sa tantiya
niya ay mga five feet and six inches lang ito. He looks very mature and handsome
with his baby face. Straight hair, expressive eyes, red lips!At dahil extinct na
ang mga ganitong lahi ng tao ay napatanga na lang siya habang sinusundan ang bawat
hakbang nito palapit sa kanya.

�Excuse me, Miss,� bungad ng binata. �Saan dito ang mga insecticide?�

Insecticide? Maglalason ba ang binatang �to? �Wag naman, sayang ka sa pederasyon ng


mga good-looking guys!

�Miss, narinig mo ba ako? Saan dito ang mga insecticide? Mahirap bang intindihin
ang tanong ko?� Sa pagkakarinig niya ay medyo nagtaas ng tono ito. Dahil ligaw ang
utak, hindi niya agad nasagot ang tanong nito.

Antipatiko! Anong karapatan mong sigawan ako ha? �Ando�n ata sa may dulo,� inis na
tugon niya sabay turo sa dulong bahagi ng supermarket.

Napakunot-noo ito. �Ata? Hindi ka pa sigurado. Saan do�n? Ayusin mo nga ang
pagtuturo mo ng posisyon ng mga products dito! Hindi ganyan ang dapat mong sabihin
kapag may nagtanong na customers sa �yo. Bago ka ba dito?� singhal nito.

�Teka lang, Sir! Wala pong maidudulot na maganda sa buhay ko ang pagsasaulo ng
posisyon ng mga products dito. Opo, empleyado ako ng Pontez Group of Companies pero
hindi po ako dito nagtatrabaho. Kita n�yo iyong building dyan sa tapat? Doon ako
nagtatrabaho. Sir, kung namo-mroblema kayo sa insecticide, lapitan n�yo iyong sales
staff dito at hindi akong nananahimik na customer dito ang inaabala n�yo! If you
don�t mind Sir, can I go now?� Nilayasan na niya ang antipatikong binata. Hindi na
niya hinintay na humirit pa ito ng isa.

Matapos bayaran sa counter ang pinamili ay dali-dali siyang tumawid at pumasok sa


katapat na gusali. Nagdiretso muna siya sa rest room ng ground floor at namataan
niya ang kaibigan niyang si Mona sa may pinto sa pagitan ng female at male rest
room. Janitress ito sa building na iyon na kasalukuyang abala sa pagma-mop ng
sahig.

�Good morning, Zhei!� magiliw na bati nito sa kanya.

�Good morning! Hay naku Ate Mona nakakainis. Hadya na nga ako makakita ng lalaking
mala-anghel ang hitsura tapos akalain mong napaka-antipatiko. Napagkamalan akong
sales lady sa kabila. Nasinghalan pa ako, eh malay ko ba naman talaga kung saan
nakalagay iyong mga insecticide. Hindi naman ako umiinom noon,� litanya niya.

Napatawa ito habang sige pa rin sa ginagawa. �Hindi mo naman masisisi iyon. Pare-
pareho kaya ang shirt na suot natin. Natural lang na may magkamali ng approach.
Hayaan mo na lang, tutal guwapo naman siya di ba?� Isinandal nito sa pader ang
hawak na mop at pumasok sa loob ng rest room ng girls para kumuha ng tubig.

�Well, yeah. Guwapo nga siya kaya lang saksakan ng sungit. Kahit na! Ala pa rin
siya right na singhalan ako!� Sinalo agad niya ang na-out balance na mop na
nakasandal sa pader. Hawak pa rin niya ang mop nang may narinig siyang nagsalita
mula sa likuran niya.

�Ngayong nadito ka na sa building na �to, puwede na ba kitang sitahin? Bakit hawak


mo lang iyang mop at tatayo-tayo ka lang dyan? Malilinis ba ang sahig kung
tititigan mo lang? Sayang lang ang binabayad ng kompanya sa �yo.�

Paglingon niya ay tumambad sa kanya ang binatang naghahanap ng insecticide. May


bitbit itong plastic bag mula sa katapat na supermarket. �Nagkaka��

�Sorry kanina. Nagkamali ako. Hindi ka nga naman sales lady sa kabila. So, ano pang
tinatayo-tayo mo riyan?� Tinaktak pa nito ang sapatos nito kaya nagapukan ang sahig
na nalinis na ng kaibigan niyang si Mona. �Maglinis ka na, bago ko pa maisipang
sesantehin ka,� pahabol nito sabay talikod sa kanya at pumunta na sa may elevator.

Kumulo ang dugo niya. Hindi lang dahil sa napagkamalan naman siya ngayong janitress
kundi dahil sa pagiging mapagmataas ng antipatikong lalaki.

Dala-dala pa rin ang hawak na mop, sinugod niya ito sa may elevator at dinuro-duro
ng mop.

�Hoy lalaki! Una, hindi ako janitress dito. Pangalawa, wala kang karapatang
maliitin ang kapwa mo. Hindi manyapa�t janitress lang eh sasamantalahin mo na. Alam
mo bang pinaghirapan ng kaibigan ko na linisin ang area na iyon tapos dudumihan mo
lang! Napakaepal mo. Nagtatrabaho ng matino ang kaibigan ko tapos iinsultuhin mo
lang ang mga tulad nila?� singhal niya.

Nakatingin lang ito sa kanya. �Kundi madumi ang sahig, walang lilinisin ang mga
janitress.�

Nagpanting ang tenga niya. Ayaw niya talaga sa lahat ang mga nangaagrabyado ng
kapwa. �Ang yabang mo ah! Hoy lalaki! May pera ka lang. Hindi ikaw ang hari ng
mundo! Antipatiko!�

Hindi na siya inintindi nito. Bagkus ay pumasok na lang ito ng elevator. Inis na
inis na pinunasan niya ang kinalatan ng binata at saka iniabot kay Mona ang mop.
�Anong nangyari? Sino iyong kaaway mo?� tanong ni Mona.

�Ah wala. May isa lang talipandas na umiinom ng insecticide ang nagkalat dito sa
nilinisan mo. Sige Ate Mona, aakyat na ako sa taas. See you,� tugon niya.

�Zhei, hindi mo na siya dapat pinatulan pa. Baka sesantehin ka noon,� nag-aalalang
sambit nito.

Ngumiti siya. �Don�t worry. Hindi ako mawawalan ng trabaho.� Iyon lang at iniwan na
rin niya ito.

PAGPASOK niya ng kanyang opisina sa seventeenth floor, sinalubong agad siya ng


editor nila.

�Zhei, bakit mukhang high blood ka ata? Hoy, gaga! Wala kang karapatenis na
magaletski at mabad-trip. Baka dehins mo ma-finish ang script, �day! Malalagot tayo
sa �kaitaas-taasan� niyan,� litanya ni Agnes, Agapito Nemesio noong pinanganak pero
Agnes na ito ngayong pinagpipilitan nitong babae ito.

Sa loob ng dalawang taon niyang pamamalagi sa kompanya, ito na ang naging


supervisor niya na sa pagtagal ay naging kaibigan na rin niya.

�Don�t worry, Mudra! Carry kinetch! Bad trip lang talaga ang umaga ko, pero hiwalay
ditech ang trabaho siyempre,� nakangiting tugon niya kahit alam niyang halata pa
rin ang pagka-inis sa mukha niya. Sa tagal ng kanilang pinagsamahan, maging ang
sariling language ni Agnes ay nakuha niya.

�At bakit naman? Aber!� Umupo ito sa mesa niya habang siya ay nagbubukas na rin ng
mga files sa computer niya.

�Paano naman kasi, naka-encounter ako ng isang lalaking naka-long sleeves na


mukhang anghel pero pusong demonyo! Una, napagkamalan niya akong saleslady sa
supermarket tapos napagkamalan din niya akong janitress kanina. Dalawang beses niya
akong sininghalan. At hindi lang iyon! Dinumihan pa niya iyong nilinisan ni Ate
Mona. Napaka-antipatiko!�

�Eh anong ginawa mo?�

�Ano pa?! Sinugod ko siya. Sinabi ko sa kanya na wala siyang karapatang maliitin
ang iba, por que mapera lang siya akala niya kung sino na siya. Hindi siya ang hari
ng mundo!�

�Good! Manalangin ka na �day, dahil �pag nagkataong bossing pala natin ang
sininghalan mon iyon tiyak akong bukas wala ka ng trabaho.�

�No!� eksaheradong reaksyon niya. �Hindi puwede! Problema ko pa nga ang pambayad ko
sa renta ng bahay eh! Pero malamang bossing nga natin iyon kasi sisesantihin daw
niya ako. Pero wala akong pakialam. At least naipagtanggol ko si Mona.�

�Ikaw talaga, lahat na lang ng giyera eh dinadaluhan mo. Kailangan mo ngang


manalangin. Siyangapala �day, after niyang ginagawa mo eh pumunta ka sa opisina ni
Boss Robert. Ni-recommend kitang maging writer para sa unang Indie Film na ipo-
produce ng company. Sa pagkakaalam ko eh magiging co-writer ka ng anak ni Boss na
kararating lang mula sa four years na pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa.�

�Talaga!� bulalas niya. It�s a dream come true! Ang tagal niyang pinangarap na sana
dumating ang oportunidad na makapagsulat siya ng obra na magiging isang pelikula.
Tumango-tango ito. Niyakap niya ito sa sobrang tuwa. �Salamat, Mudra! You�re really
my Godmother!�
�Godmother ka dyan! Goddess ako ano!� biro nito bago siya seryosohang hinarap.
�Babae, �wag kang sesemplang ha! �Wag mo akong ipapahiya do�n sa papable na anak ni
Boss Robert. Sasabunutan kita, gaga kapag umecklavou ka na naman!�

�Promises! Hindi kita bibiguin.�

Lalo siyang na-inspire na magsulat kaya tuluy-tuloy ang pasok ng mga concepts at
idea sa isipan niya habang maingat na isinasalita ang mga iyon sa ginagawang
script. Pero tulad ng inaasahan, inabot pa rin siya ng gabi sa pagsusulat. Nag-iisa
na siya sa opisina ng department nila at marahil ay dalawa lang sila ng
nagrorondang guard sa buong building na iyon nang mga sandaling iyon. Puwera na
lang kung umaaligid na naman ang mga papansing multo ng gusali. Matagal na siyang
pinagpaparamdaman ng mga di nakikitang nilalang pero di na lang niya binibigyang
pansin.

Katatapos lang niyang i-print ang natapos na script. Isine-send na lang niya iyon
sa email ni Agnes nang biglang may sumulpot na instant message sa monitor niya mula
sa internal chat room ng company.

�Ay pusa!�

Heraldprudence: Still inside my office?

Heraldprudence? Sino �to? Baka isa ito sa mga empleyado na nag-overtime din sa
trabaho. Kung ganon hindi pala siya nag-iisa.

My office? Ibig sabihin lang noon ay bossing niya ang herodes na ito. Tinugon niya
ito.

Azhiella: Yes Sir, I just finished the script needed for evaluation tomorrow.

Heraldprudence: It�s getting too late. �Wag ka masyado pagabi baka wala ka
masakyan.

Aba, isa siyang concerned bossing. Marahil ay ito na ang anak ni Boss Robert nila
na tinutukoy sa kanya ni Agnes kanina. Aba, baka papable nga ang isang ito. Lalo
tuloy siyang na-excite sa Indie Film project. Sa wakas nai-send na rin niya kay
Agnes ang script.

Heraldprudence: Hey, still there?

Hinihintay pala nito ang reply niya. Nagpaalam muna siya dito bago patayin ang
computer.

Azhiella: Don�t worry, Sir. Sanay na po ako umuwi ng gabi and sanay na rin po ang
mga suki kong taxi driver sa labas. Paalis na po ako, Sir. I need to log out. Good
evening.

Hindi na niya hinintay ang tugon nito. Pinatay na niya ang kanyang computer.
Inaayos na niya ang kanyang sarili nang biglang nag-ring ang extension phone sa
mesa niya.

Natigilan siya. Nadala na siyang sumagot ng phone kapag gabi dahil madalas ay napa-
power trip lang siya ng nagmumultong lalaki. Naalala agad niya nang huling nangyari
ang ganong insidente. Nang iangat niya noon ang receiver ng phone puro hangin lang
at nakakakilabot na boses ng lalaking bumubulong ang naririnig niya. Mabuti na lang
at kasama niya noon ang tatlo pang empleyado kaya hindi siya masyadong nag-freak
out. Pero ngayon, nag-iisa lang siya sa seventeen floor at kahit sumigaw pa siya sa
takot ay hindi siya maririnig ng guard sa lobby.

Nagri-ring pa rin ang telepono at bumibilis na lalo ang tibok ng puso niya sa
takot. Buong tapang niyang iniangat ang receiver kahit na nanginginig na ang
kanyang kamay.

�H-hello?� aniya. Napapikit siya. Handa na siyang marinig ang kakila-kilabot na


tinig pero hindi iyon ang narinig niya. Mala-anghel na tinig pa ang narinig niya.

�Ms. Azhiella Quijado? This is Herald Prudence Pontez. You�re still up there. You
better go home now.�

Nakahinga siya ng maluwag. At least, hindi naman pala mumu ang kausap niya.

�Sir, I�m about to leave the office when you called.�

�Okay. Bumaba ka na sa lobby. Nagpatawag na ako ng taxi sa guard to make sure na


may masasakyan ka pauwi.�

Ow, how nice! Napakabait naman ng bossing na �to. Well, nasa lahi naman ng mga
Pontez ang kabaitan. Marahil ay namana nito ang ugali sa mga magulang nito.

�Thank you very much, Sir.�

Pagkababa niya ng receiver ay dali-dali niyang tinungo ang elevator. Nawala


pansamantala ang takot sa puso niya dahil sa scenic view sa loob ng elevator. Yari
kasi sa glass wall ang isang corner ng elevator at tanaw doon ang lightings ng
siyudad. Quite relaxing ang view. Maya-maya lang ay nakarating na rin siya sa
ground floor.

Nang magbukas ang elevator ay biglang siyang napamulagat kasabay ng muling pagbilis
ng tibok ng puso niya. Bumalik lahat ng nerbyos na naramdaman niya nang tumambad sa
kanya ang isang lalaking naka-pure white shirt at pajamas. Muntik na siyang
mapatili kung hindi lang biglang kinausap ng guard ang lalaki.

Anak ng�! Buti na lang tao pala siya. Lumabas siya ng elevator. Nang muling
bumaling ito sa kanya ay saka niya napansing iyon pala ang antipatikong lalaki na
nagkalat sa nilinisan ng kaibigan niya. Kung ganon, siya din ang concerned bossing
na halos puri-puriin na niya sa kabaitan kani-kanina lang. Asar!

�Oh, so you�re Azhiella Quijado. Nice meeting you again huh,� sabi nito habang siya
naman ay hindi pa maka-recover sa nerbyos na nararamdaman nang mapagkamalan niya
itong multo. �Hey, are you okay? Para kang nakakita ng multo.�

Litung-lito na siya. Kung anu-ano ang sinabi niya dito kaninang umaga pero parang
di apektado ang loko. Kahit late reaction na, pakiramdam niya ay binuhasan siya
unti-unti ng malamig na tubig. Malaki ang posibilidad na ito rin ang magiging co-
writer niya sa inaasam-asam niyang Indie Film project. Kung ganon, maaaring
makagawa pa ito ng ambush attack laban sa kanya. Parang gusto na niyang kalimutan
ang pangarap niyang Indie Film obra.

Napako lang siya sa labas ng elevator habang nakatitig sa guwapo nitong mukha. This
guy is super appealing! Napaka-masculine ng dating nito sa purong puti. Sa unang
pagkakataon sa buhay niya, natukso siyang tumingin ng ganon sa isang lalaki� mula
ulo hanggang hinlalaki nito sa paa.

�Hoy, magsalita ka naman. Kaninang umaga eh nabingi ako sa katatalak mo tapos


ngayon namumutla ka na diyan sa isang tabi.� Lumapit ito sa kanya habang lumalayo
naman siya dito. �Okay ka lang ba?�
Sinubukan nitong hawakan siya pero pinalis niya ang kamay nito. �Ah, oho Sir. S-
sige po. A-alis na po ako. Nice meeting you din ho.� Hindi na siya nagtagal sa
ganoong sitwasyon, kumaripas na agad siya ng takbo hanggang sa taxi na nakaparada
sa labas ng gusali.

CHAPTER TWO

�O ate, ginabi ka ata ngayon,� bungad sa kanya ni Luisa, ang kanyang pinsan na
nursing student at nagdu-duty sa St. Lukes.

�Ah, tinapos ko lang iyong script para sa evaluation bukas. Alam mo naman ang utak
ko, hindi puwedeng pigilan kapag nasiglahang magbuo ng kwento.�

Nakaupo ito sa hapag kainan kasama ang kaibigan at kaklase nitong si Selene.
Kaharap nilang dalawa ang kanilang makapal na textbooks. Parang ampon na niya ang
dalawang ito dahil mula ng mag-duty ang mga ito sa Manila ay sa kanyang maliit na
inuupahang bahay na tumira ang dalawang ito kasama na rin ang best friend niyang si
Maryanne na isa namang attending nurse sa Makati Med.

�Ate, kumain ka na ba? Nagluto ako kanina bago umalis si Ate Maryanne,� tanong
naman ni Selene.

�Sige, papatulan ko iyang pagkain na iyan dahil nakakagutom talagang mag-isip.�


Ibinaba niya ang hawak na bag sa sofa. Tinungo niya ang kusina at sumandok ng
pagkain.

Alas-dose pasado na ng gabi at nagsusunog na naman ng kilay ang dalawa niyang


ampon. Tumabi siya sa dalawang seryoso sa binabasang libro. Hindi niya inistorbo
ang dalawa kaya napaisip na naman siya ng malalim. Ang di niya mawari ay kung bakit
sumulpot sa malalim niyang pagmumuni-muni ang mala-anghel na mukha ng antipatikong
anak ni Boss Robert. Iyan tuloy kung anu-anong wirdong bagay na naman ang
nagrambulan sa utak niya.

�Ate, huwag pakalalalim sa pag-iisip baka malunod ka. Ano ba iniisip mo dyan?�
Binulabog ni Selene ang pagmumuni-muni niya.

Bumalik sa reyalidad ang utak niya at saka lang niya namalayang naubos na pala niya
ang laman ng kanyang pinggan. �Ha? Wala. Nakakita lang ako ng anghel na demonyo.�

�Anghel na demonyo? Meron bang ganon?� usisa ni Luisa.

�Oo, iyong anak ng Boss ko. Mukhang anghel pero may pagka-antipatiko!�

�Anak ng boss mo? Single pa? Kung mukhang anghel ibig sabihin guwapo?�usisa ni
Selene.

�Papable? Naks ate, baka siya na ang para sa �yo. Sa wakas! Ate, magpaganda ka ng
husto para magka-boyfriend ka na!� panggagatong pa ni Luisa.

Pinandilatan niya ang mga ito. �Kayo, ang babata n�yo pa eh napaka-excited na ninyo
sa love story ano. Sininghalan niya ako, mayabang siya at antipatiko. Hindi ko type
ang mga ganong klaseng tao. Hay naku, mabuti pa ipagdasal n�yo ako kasi malaki ang
posibilidad na umuwi ako bukas na wala ng trabaho. Sinugod ko kasi siya kaninang
umaga at kung anu-anong kagagahan ang pinagsasabi ko kaya ipagdasal n�yo na lang
ako.�

�Teka, �pag ako ang nagdasal baka malasin ka pa,� biro ni Luisa. �Diyan ka kay
Selene magpadasal, banal-banalan iyan eh.�
�Teka, marunong ba ako no�n? Medyo lang ata,� sabi ni Selene.

�Puwede na rin iyan,� tugon naman niya.

�Dapat kasi di mo sinugod iyon. Eh boss mo pala iyon,� sabat ni Luisa.

�Matigas kasi ulo mo ate,� dagdag pa ni Selene.

�Weh, may ulo bang malambot?�

Nagtawanan silang tatlo. Masaya na siya sa buhay niya kahit wala pa siyang nagiging
love life. Sapat na sa kanya ang makasama sa iisang bahay ang tatlong importanteng
tao sa buhay niya. Kahit anong problema pa ang sapitin niya sa trabaho, at least
pag-uwi niya ay nakakahagalpak pa rin siya ng tawa kapag nagkakawentuhan silang
apat.

Apat na taon na siyang nakikipagsapalaran sa Manila. Nagtapos siya ng degree sa


Business Administration pero minalas na makakuha ng trabahong fitted siya. At dahil
desperado na siyang kumita ng pera, binalikan niya ang first love niya, ang
pagsusulat. At dahil walang formal lesson sa pagsusulat, limang beses din siyang
nabasted ng mga publisher. Noong huling beses na itapon pabalik sa kanya ang kopya
ng isa sa kanyang nobela ay tila tuluyan na siyang binagsakan ng langit.

�Not so romantic daw! Eh ano pa ba ang romantic para sa kanila? Ano bang problema
sa nobelang walang bed scene? Eh sa ayokong magsulat ng kahalayan, pake nila!�
mukmok niya habang naglalakad sa may Magallanes.

Gumuho na ang kumpyansa niya sa pagsusulat. Naupo siya sa isang bench at ngumawa
nang ngumawa. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga taong nagdaraan.
Wala siyang pakialam kung isipin ng mga ito na desperada siya dahil iniwan siya ng
boyfriend at gusto na niyang magpakamatay.

Until may isang mama na nag-abot sa kanya ng isang pakete ng tissue. Nilingon niya
ito at tumambad sa kanya ang isang mama na sa hula niya ay nasa late fifties. Kahit
�oldies� na ito ay bakas pa rin sa masayang mukha nito na may hitsura ito. Malamang
ay guwapo ito noong kabataan pa nito. Tinitigan lang niya ang tissue. Mahirap nang
magtiwala sa mga strangers lalo na sa Manila.

�Tissue paper lang ito, hija. Hindi ka mamamatay dahil dito unless kainin mo,� biro
ng mama.

Napangiti siya at tumigil din ang pagluha niya. Tinanggap niya ang tissue at pinawi
nang tuluyan ang mga luha niya. �Salamat po.�

�Bakit ka umiiyak, hija? Inaway ka ng boyfriend mo?�

�Hindi po, binasted po ako.�

�Binasted?� napangiti ulit ito.

�Binasted po ng publisher. Itinapon nila pabalik sa akin ang nobela ko.�

�Eto ba iyon?�

Hindi na niya napigilan ang mama nang damputin nito ang kopya ng manuscript niya.
Binuklat nito iyon at binasa.

��Wag n�yo na po basahin. Baka di n�yo rin lang magustuhan.�


Ngumiti ito. Ibinalik nito sa kanya ang manuscript at binunot nito sa bulsa ang
wallet. Maya-maya pa ay iniabot nito ang calling card sa kanya.

�I owned a theater and media production company na nagpe-present ng stage plays sa


mga schools. I can see you have the potentials. Pumunta ka sa office ko bukas.
Ipapasok kita sa isang training para magkaroon ka ng formal lesson sa script
writing. Then, I�ll hire you after the training.�

Tila bigla siyang nabuhayan ng loob. �Talaga po? Naku, maraming salamat po!�

�Welcome, hija. I always want to help others as long as I can. Just look for me
tomorrow. Sabihin mo lang sa receptionist na may appointment ka kay Mr. Roberto
Pontez. Hihintayin kita bukas, Miss� ano nga ba pangalan mo hija?�

�Azhiella Quijado po.�

Laking pasalamat niya at nakilala niya si Boss Robert dahil kung nagkataong hindi
nagtagpo ang landas nila, malamang mananatili na lang siyang isang �Frustrated
Writer�.

INATAKE na naman siya ng pagmumuni-muni sa tapat ng artificial waterfalls sa lobby


ng company. Hawak niya ang limang pisong barya na isinukli sa kanya sa jeep kanina.
Dahil tapos na ang ginagawa niyang script, any moment sa araw na iyon ay ipapatawag
na siya ni Boss Robert para pag-usapan ang pagsusulat niya kasama ang unico hijo
nito. At dahil hindi maganda ang mga unang pagkikita nila ng Herald Pontez na iyon,
malamang eh masesante rin siya ngayon.

Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho ngayon. Kailangan ko pa ng pambayad sa renta


ng bahay, ipapadala kay Nanay Mameng at pangkain naming apat. Dapat siguro mag-
sorry ako. Hindi! Wala akong kasalanan kaya wala akong dapat ihingi ng sorry!

�Hija, artificial waterfalls lang iyan at hindi wishing well.�

Nilingon niya ang may-ari ng tinig.

�Good morning po, Boss Robert!� nakangiting bati niya dito.

Ngumiti ito sa kanya.�Good morning. Hay, para kang anak ko. Nang bisitahin ko siya
kanina sa bachelor�s pad niya, naabutan ko siyang tulala sa tapat ng inidoro.�

Napatawa lang siya.

�Hija, I need to talk to you in my office mga around 10am. It regards with Mr.
Nemesio�s recommendation for the Indie Film. I hope nasabi na niya sa iyo ang
tungkol doon.�

�Ah, oho. I�ll be there on your office on time ho.�

�Okay, see you later.�

NAG-AYOS siya ng sarili sa rest room bago umakyat sa thirty-third floor ng gusali
kung saan ang buong floor ay opisina ng pamilya Pontez. Sumakay siya sa elevator at
pinindot ang floor na pupuntahan niya. Pagdating niya sa tapat ng pinto ng opisina
ay nagdasal muna siya. Ito na ang pinakahihintay kong katuparan ng aking mga
pangarap. Lord tulungan N�yo ako. Hindi ako puwedeng mabigo! Kumatok siya ng tatlo
at saka dahan-dahang binuksan ang seradura. Agad niyang namataan si Boss Robert sa
mesa nito at sa mini-sala sa bandang kaliwa ay ang misis nito na si Mrs. Marciella
at siyempre si Herald na nakasandal sa sofa, nakapikit ito na tila nahihilo ata.
Ano kayang nangyari sa kumag na iyon?

�Anak, uminom ka ulit ng tubig ng mahimasmasan ka,� narinig niyang sambit ni Mrs.
Marciella.

�Come in, and have a seat there sa sala, hija.� Natigil ang pang-uusyoso niya nang
batiin siya si Boss Robert.

�Yes Sir.� Agad siyang tumalima.

Nagtuloy siya sa mini-sala. Binati muna niya ng �good morning� ang mag-ina bago
siya umupo sa tapat ni Herald. Tiningnan siya nito ng masama kaya umiwas agad siya
ng tingin. Patay, ambush na ako!

�Are you alright now?� bigla nitong tanong sa kanya.

Napalingon siya dito at kataka-takang nakangiti na ito sa kanya.Nailang tuloy siya.


�Ah, oo. Pasensiya na po kagabi,� tugon niya.

�Aba, nagkakilala na pala kayo. That�s good,� sabat naman ni Mrs. Marciella. Iilang
beses pa lang niya nakikita ang asawa ni Boss Robert ngunit batid niyang mabait ito
at magiliw ito sa kanya.

�What�s good in knowing this weird lady?� pambabara ni Herald. Sumimangot na naman
ito.

Ah ganon, weird pala ha.

�Hijo, siya ang magiging co-writer mo kaya maganda na iyang magkakilala kayo ng
personal,� sabat ni Boss Robert habang umuupo sa tabi ng misis nito sa tapat niya.
Pakiramdam niya ngayon ay lilitisin siya sa korte. Nasa harapan niya ang pamilya na
siyang nagmamay-ari ng kompanya.

�Hija my dear, don�t worry. Just relax. We just need to ask some questions related
to your qualifications. Since you are the most recommended writer here, we need to
make sure that you�re the perfect writer for this project,� litanya ni Mrs.
Marciella. Palibhasa ay pangarap nito ang magkaanak ng babae na hindi naman
natupad, lahat ng babaeng empleyado doon na halos kaedad niya ay �hija my dear� ang
tawag nito.

Tumango-tango lang siya. Panel interview lang naman pala. Mukhang hindi nga siya
mawawalan ng trabaho ngayon unless humirit si Herald na tahimik lang na nakamasid
sa kanya.

�You just need to answer some questions. This is to make sure that I will be
working with a real human being that has conscious mind and soul, and not with an
alien that has out-of-this-world mentality.� At humirit na nga ito. Sabi na nga ba.

Elyen?! �Sir Herald, I�m a real human being. Maybe I�m a bit weird pero
sinisigurado ko sa inyo na tao akong kausap. Kung alien ako, matagal ko ng sinakop
ang planetang ito,� naiinis na tugon niya. Sinimangutan niya ito.

Napatawa lang ang mag-asawa samantalang nanatiling nakasimangot din sa kanya si


Herald.

�Kayo talagang mga bata, nakakatuwa kayo. Let�s begin,� sabi ni Boss Robert.

�So hija, may boyfriend ka na ba?� unang taong ni Mrs. Marciella.


Ha? Anong kinalaman noon sa qualifications ko bilang writer?

�Wala pa po,� magalang na tugon niya.

Ngumiti ito. �Good. Pero bakit wala?�

�Ah, eh� kasi po wala pa pong nagseseryoso sa akin at hindi ko pa po nakikita iyong
lalaking gusto kong mapangasawa.�

�Ow, I think you have a very different perception of relationship hija,� comment ni
Boss Robert. �That�s good!�

�So, kelan mo balak mag-boyfriend?� biglang tanong ni Herald.

�Ha?� kunot-noong binalingan niya ito.

�Bingi ka ba? Sagutin mo nga ng maayos ang tanong ko. Bakit �pag si Mama ang
nagtatanong maayos ang sagot mo?�

�Ang hirap kaya ng tanong mo. Kelan? As in definite date? Eh sino bang
makakapagsabi na andyan na ang future husband ko? I will make myself clear, Sir
Herald. I�m looking for my future husband at hindi pet dog kaya hindi iyon ganon
kadali. Kaya hahayaan ko na lang na ang fate ang mag-decide para sa akin tungkol sa
love life ko.�

�Good attitude. So what is love?� sunod nitong tanong.

Napakunot an noo niya kasabay din ng pagtawa ng mag-asawa. Tila pati sila ay di
mawari kung bakit iyon tinanong ng anak.

�What�s the problem with the question? Sagutin mo na lang.�

�Parang slum book ha. Love?�� Letse! Bakit name-mental block ako ngayon eh napaka-
common ng tanong na what is love? Binalingan niya si Herald. Kumag, �wag mo nga ako
titigan ng ganyan! bulyaw ng kanyang isipan. �Love is� is� all that matters,� wala
sa sariling tugon niya.

Sa unang pagkakataon ay nakita niya si Herald na tumatawa kasabay ng pagbungisngis


ng mga magulang nito. Ano bang sagot �yon Azhiella?! Umayos ka nga! Sinisinghalan
pa siya ng utak niya kaya lalo siyang hindi makapag-isip.

Tumikhim siya para i-compose ulit ang sarili at saka muling binalingan ang mga ito.
�Love is an unpredictable, magical feeling that God created for us. Love is a gift
of God and the center of all emotions. If you�re pertaining to romantic love, it
only means having a lifetime commitment with your chosen partner in God�s will.� O,
ang lalim noon ha. Akala siguro ng kumag na ito wala akong matinong pananaw sa
buhay ha.

Biglang natahimik ang pamilya Pontez sa sinabi niya. Tila nagulat sila sa mga
�kabanalang� pinagsasabi niya. Pero totoo naman talaga ang mga iyon. Ang tanging
dahilan lang kung bakit ayaw pa niyang magka-boyfriend ay dahil hindi pa niya
nakikita ang taong gusto niyang makasama ng pang habambuhay. Wala pa siyang
nakikitang lalaki na nagmamay-ari ng mukhang gusto niyang unang masilayan sa tuwing
gigising siya sa umaga.

�Muntik na akong maniwalang isa ka lang engot na writer. Nagkamali ako,� sambit ni
Herald.

�Hija, what about patience?� tanong naman ni Boss Robert.


�Patience po? Marami akong baon no�n. Mahaba ang pasensya ko sa mga taong paiba-iba
ng ugali.�

�Tulad ng hijo ko. Kapag sinagad ni Herald ang pasensiya mo hija, isumbong mo siya
sa akin at itatali ko siyang patiwarik sa puno ng narra sa garden namin,� biro ni
Mrs. Marciella.

�Ma!� sita ni Herald.

Napatawa siya pero nang lingunin niya si Herald ay nakasimangot lang ito kaya
umurong na ng kusa ang pagtawa niya. �Okay po.�

�Last one hija.� Tumayo si Mrs. Marciella at binuksan ang monitor ng flatscreen tv.
Nang makabalik sa inuupuan nito kanina ay iniabot nito sa kanya ang isang clear
book. �List iyan ng videoke songs. Will you kindly sing your favorite song?�

What? Ang weird talaga!

�Wag na Ma, baka magkadelubyo lang at hindi na natin matutupad ang pagpasok natin
sa film industry,� pambabara ni Herald.

Aba, napapansin ko, nakakailan ka na ha!

�Hijo, just shut up there okay,� pakli ni Mrs. Marciella.

Nahuli pa niyang umiiling si Herald waring sinasabing, �sige bahala kayo, binalaan
ko na kayo.�

�Go ahead, hija,� sambit ni Boss Robert. Mukhang excited ito. Bigla niyang naalala
na minsan na nga pala siyang narinig kumanta ng boss niya.

Hindi na niya tiningnan ang lists dahil saulo na naman niya ang numero ng favorite
song niya sa videoke. Pinindot niya ang number code sa player. Tumayo siya para
lang mas dramatic ang pagpapamukha niya kay Herald na may talent siya sa pagkanta
taliwas sa iniisip nito.

�This is my favorite song, How Deep is Your Love.� At sinimulan niya ang pagkanta.

�I know your eyes in the morning sun. I feel you touch me in the pouring rain. And
the moment that you wander far from me I wanna feel you in my arms again. And you
come to me on a summer breeze. Keep me warm in your love then you softly leave. And
it's me you need to show. How deep is your love? Oh, how deep is your love? I
really meant to learn. �Coz we're living in a world of fools, breaking us down when
they all should let us be. We belong to you and me.I believe in you��

Kinanta niya iyon with emotions. Maano pa�t part time singer siya sa isang Music
Lounge tuwing Friday at Saturday nights. She succeeded, dahil bakas sa mukha ni
Herald na impress ito sa golden voice niya.

�Oh, hija. I love the way you sing it! I�m starting to like you huh,� tuwang-tuwa
bulalas ni Mrs. Marciella.

�Thank you po.� Nilingon niya si Herald pero parang wala na naman itong pakialam.

�I told you Hon� she�s good in music,� sambit ni Boss Robert sa misis nito.

�Now, I know!� Nilingon siya ni Mrs. Marciella. �Now it�s time to clear all those
things to you hija. Romance is the concept of the film. We want to see a typical
love story with a wonderful twist. Iyong tipong with humor pero may kilig. Isang
makamasang kuwento pero hindi masyadong OA o baduy.�

Tumango-tango lang siya.

�The reason why we asked you about boyfriend and love is because we want to know
your perception about those things. Ang mga obra ng mga writer ay parang reflection
din ng pagkatao nila. And because you have such good perception about love, I can
merely figure out a good love story from the two of you,� dagdag pa ni Boss Robert.

�No problem po. Makakaasa po kayo. I will do my best since making a film has been
one of my dreams. And the fulfillment of it is already in my hands. It was such an
honor to be part of this project. Hindi ko po kayo bibiguin. �

�Well, since this is our first time with this project, I want you and Herald to put
all the pressures in it. But make sure you will enjoy the experience,� sabat ni
Mrs. Marciella. Bumaling ito sa anak. �Herald, may gusto ka pa ba linawin o itanong
sa kanya?�

Tumingin ng diretso si Herald sa kanya. Sa hindi niya mawaring dahilan ay biglang


kumabog ang kanyang puso. Pawang nakakatunaw ang titig nito lalo na ngayong
nakangiti na ito sa kanya. Gone the sungit effect. Hello, smiling Herald. Guwapo ka
na kahit nakasimangot ka, bakit ngumiti ka pa?!

�Azhiella, may nickname ka ba?� tanong nito.

�Zhei po Sir Herald.�

�Zhei. It�s cute. I have two rules. First, don�t call me �Sir Herald�, it�s
�Herald� only. Do you understand?�

Natatameme siya. Napaka-well modulated kasi ng boses nito na parang sinusuyo siya.
Pakiramdam niya ay lalong gumaganda ang pangalan niya �pag ito ang bumabanggit.

�Zhei?� untag nito.

�Ah, yes� �Herald� only,� nawawala sa sariling tugon niya. Napansin niyang tumawa
na naman ang mga magulang nito at napailing naman ito. Gaga, ano ba �yang sinasabi
mo?

�Just �Herald�,� pagtatama nito.

�Oo na sige, just �Herald�.�

Napatawa na naman ang mag-asawa.

�Alam mo Zhei, makulit ka rin ano.�

�Teka lang�Ano ba talaga ang gusto mong itawag ko sa �yo? Herald only o just
Herald. Ikaw nga itong malabong kausap!� Puma-punch line na siya. Naaaliw kasi
siyang makitang tumatawa sina Boss Robert at Mrs. Marciella. Naaalala niya ang
pagtawa ng kinagisnan niyang mga magulang sa mga ito. Palibahasa kasi eh matagal na
niyang hindi nakikita ang mag-asawang nag-ampon sa kanya. Halos dalawang taon na
ata siyang hindi umuuwi sa Romblon.

Pumatok naman ang hirit niya dahil napabungisngis ng husto si Herald. Siguro dahil
sa sobrang kakulitan niya.

��Herald� lang, Zhei.�


��Herald lang� naman ngayon.�

�Isang-isa na lang ihahagis na kita sa bintana!� Tumayo ito na akmang bubuhatin


siya. Napikon na ata. Pero nang tingnan niya ito ay wala namang maaninag na
iritasyon sa mukha nito.

�Huwag, Herald! Suko na ako,� awat niya dito. �Di pa ako puwedeng matsugi hangga�t
hindi pa nalalagay sa tahimik ang mga ampon ko.�

�May ampon ka hija?� tila gulat na reaction ni Mrs. Marciella.

�Ah..eh kasi ganito po iyon. Iyong pinsan ko at iyong kaibigan niya ay sa akin
nakatira ngayon. Andito sila sa Maynila for internship. Eh siyempre, kargo ko ang
mga iyon at tinuring ko na ring mga kapatid. Maliban po doon, may lima pa po akong
kapatid sa pagkakaampon na sinusuportahan ko po.�

�Kapatid sa pagkakaampon?� kunot-noong tanong ni Boss Robert.

�Opo. Pito po kaming ampon ng tinuturing kong nanay at tatay. Iyong pinakapanganay
po ay nag-asawa na tapos ako po iyong sumunod.�

�Where are your real parents?� tanong naman ni Herald.

�Si mother nasa heaven na siya at ang tatay ko, ewan ko kung buhay pa. Sundalo siya
at pinadala sa Mindanao noong bata pa ako. Hindi na siya bumalik. Ang huling balita
naming eh namatay na daw siya pero di na namin nakita ang bangkay niya. Iyong How
Deep is Your Love ang palagi niyang kinakanta noon kaya naging favorite song ko
siya,� biglang lungkot na tugon niya.

�Don�t be sad, hija. You still have adoptive parents na minahal ka na parang tunay
na anak for sure,� sambit ni Mrs. Marciella na tila nakikisimpatya sa kanya.

�Tama po kayo. Kaya nga po ginagawa ko ang lahat para makatulong ako sa kanila.�

�Ah Zhei, I haven�t finish discussing my rules,� sabat ni Herald na tila paraan
nito para ilihis ang usapan. �Rule number two, never sing that song again whenever
we�re together.�

�Bakit?�Anong mali sa How Deep is your Love?

�Basta. May isa pa pala akong request.�

�Ano iyon?�

�Can we use your name and my name as lead characters of the story?� Tinitigan siya
nito na waring nagsusumamo na pumayag na siya sa request nito. Sumesemplang na
naman ang puso niya. Nagma-malfunction na ata iyon dahil kanina pa iyong kumakabog.

�Please, Zhei. You really got a nice name. I think maganda siyang maging name ng
character. Please.�

Ow, nakadalawang please na ito. Makakatanggi pa ba siya?

�Okay lang. Sus, akala ko naman eh kung ano na �yan.�

�Thanks, last question na lang.�

�Sige, Sir este Herald.�


�Nag-lunch ka na ba? Will you please join us for lunch?�

Tinapunan niya ng tingin ang mga magulang nito na tila sumasang-ayon sa alok ni
Herald.

Tumango-tango siya. �Sige po.� Tumayo na sila palabas ng office. Nauna itong
maglakad sa kanya.

�Good. But please eliminate �po� while talking to me. I�m just twenty-nine, single,
no girlfriend.� Nilingon siya nito at ngumiti. �Just in case you wanna know.�

CHAPTER THREE

Matapos niyang tumunganga sa harap ng artificial waterfalls na palagi niyang


ginagawa, nagtuloy agad siya sa opisina niya sa seventeenth floor. Sinalubong siya
ng kakaibang tingin ng mga kaopisina. Anong problema ng mga chakang ito? Kahit noon
pa man ay di na maganda ang trato sa kanya ng ilan sa mga kaopisina niya dahil alam
nila kung paano siya nakapasok sa company. Iniisip ng mga ito na unfair ang
pagkaka-hire sa kanya kahit na mismong ang CEO pa ang nagpasok sa kanya. Aside from
it, pinaggigiitan din ng mga ito na wala siyang karapatang maging writer o
technical staff ng theater plays dahil hindi naman siya nakapag-aral ng ganoong
field. Kaya kahit taon na ang tinagal niya doon, iilan lang ang talagang
maituturing niyang kaibigan.

Sinalubong siya ni Agnes. ��Wag mo silang intindihin. Ang mga imbey na iyan eh
najijinggit lang.� Napansin ata nito ang mga katrabaho nila. �By the way, late ka
na �day!�

�Ha?� Sinipat niya ang alarm clock sa mesa niya. �Hindi ah, quarter to eight pa
lang.�

�Hindi sa trabaho, gaga! Dumaan dito si Sir Papable, hinahanap ka.�

�Bakit daw?�

Itinuro nito ang laptop sa mesa niya na may nakasipit na note. Dinampot niya ang
note at binasa iyon ng medyo mahina, tama lang para sila lang dalawa ni Agnes ang
makarinig.

�Partner, this laptop is an advance thank you gift for being my writing partner.
Hope you like it. Dalhin mo ito �pag umakyat ka dito sa opisina ni Papa. I�ll wait
for you. Your partner, Herald.�

Napatili si Agnes. �Ang ganda mong bakla ka! Mukhang type ka ni Sir Papable. Naku
Zhei, umayos ka ng trabaho ha!�

Papaalis na sana ito nang pabirong sinabunutan niya ito. �Hindi ko type ang kulugo
na iyon kung gusto mo sa �yo na lang!�

�Gaga! Nasisiraan ka na ata ng ulo �day! Subukan mong maghilamos para matuhan ka.
Magtrabaho ka na nga!� At tuluyan na siyang iniwan nito.

Binalingan niya ang laptop sa mesa niya. Latest model iyon ng laptop na matagal na
niyang pinapangarap na magkaroon. Bumuntong-hininga siya bago niya binitbit ang
laptop at nagdiretso sa elevator.

Pagpasok niya ng opisina ni Boss Robert ay nakangiting binati niya ito. Saglit na
inalis nito sa binabasang business reports ang mata para balingan siya at
sinenyasan siyang magtuloy sa conference room sa kanang bahagi ng opisina. Tumalima
siya. Pagpasok niya ng conference room ay naabutan niya doon si Herald na may
kausap sa cellphone nito.

�Okay na si Love? O, sige po. Maraming salamat po,� narinig niyang sinabi nito sa
kausap.

Love? Ibig sabihin, may girlfriend siya. Eh bakit sabi niya kahapon wala? Napaisip
tuloy siya. At sa di niya mawaring dahilan ay tila bigla siyang nalungkot sa napag-
alaman. Nang mapansin siya nito ay tinapos na nito ang pakikipag-usap sa phone at
sinenyasan siyang umupo sa may mesa. Katapat niya ang marahil ay seat nito na may
naka-set up na laptop na katulad ng ibinigay nito sa kanya. Maya-maya lang ay umupo
na ito sa nasabing seat sa tapat niya.

�Like it?� Itinuro nito ang laptop na dala niya. Binuksan na rin niya iyon.

�Yes, Sir. Salamat po. Para saan po ba itong bagong laptop? May computer naman po
ako sa opisina ko eh.�

�Partner, you just violated my rules!�

Napakunot-noo siya hanggang sa maalala ang mga rules na sinasabi nito.

�Ah, sorry Sir este Herald.� Nakalimutan na niya tuloy na ayaw nga pala nitong
ituturing niya itong �boss.� Ayon ditto, pantay lang sila ng estado sa kompanya
kahit na anak ito ng boss niya.

Ngumiti lang ito saglit at naging seryoso na ulit ang mukha nito. �Ibinigay ko
�yang laptop sa �yo para sa convenience natin sa pagsusulat ng script. Baka kasi
maisipan ko na lang bigla na kaladkarin ka palabas ng opisina ko para magsulat sa
ibang lugar. Alangan naman buhatin mo ang computer mo.�

Sungit!

�Ah, sabi ko nga. Salamat ulit.� Ilang minuto pa ay hinahalungkat na niya ang
features ng laptop.

�Zhei, hindi mo dapat kinanta ang kantang iyon sa harap ni Mama. You just gave me a
big headache,� walang anu-anong sabi nito.

Headache? Ano ako, virus? Infection? Sakit?

�Bakit ba? Ano bang masama sa pagkakakanta ko?� iritableng tugon niya.

�You have a golden voice. It�s just, the song is the issue. Wanna know?�

Tumango lang siya dahil parang lumutang na naman sa kawalan ang puso niya ng
purihin nito ang ginintuang tinig niya.

�How Deep is Your Love has a significant part in my life,� pagpapatuloy nito.
�Tatlong beses iyong ine-air sa FM station noong pinapanganak ako. And from that
day on, my Mom promised to look for a woman who could sing that song with all her
heart. That woman is for me, to be my wife.�

Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya nang marinig iyon. Namutla siya. Teka
sandali, hindi pa ako ready mag-asawa!

�Teka, bakit naman ang nanay mo ang naghahanap ng mapapangasawa mo? Di ba dapat eh
ikaw ang naghahanap noon?�
�I�m too busy with my work. At tulad mo, wala pa akong nakikitang babae na gusto
kong makasama sa habambuhay. At dahil kinanta mo iyon, hindi ka titigilan ng Mama
ko hangga�t di ka pumapayag na pakasalan ako. That�s a big problem, pero �wag kang
mag-alala. Umiisip na ako ng paraan para diyan.�

�Seryoso ka ba talaga? Sigurado ka? Baka naman nasabi lang iyan ng mother mo.�

�It�s not time for joke. Sinabi niyang she�s starting to like you di ba? Alam ko na
ang ibig sabihin no�n. Kung meron man ditong mas nakakakilala sa Mama ko, ako
iyon,� seryosong tugon nito.

She had a deep sigh. Nanlalamig na ang kamay niya. Kung sabagay, ang guwapo naman
ng mapapangasawa niya kung sakaling di sila makahanap ng paraan. Okay na rin. Pero
paano na ang prinsipyo niya, ngayong ang tingin naman niya sa lalaking ito ay isang
antipatikong kulugo at hindi isang ideal future husband?

Napaisip siya ng malalim habang nakatingin dito.

�We shall start the brainstorming bago ka pa malunod sa kakaisip mo dyan. At puwede
ba �wag mo akong tingnan ng ganyan na parang gusto mo akong lamunin ng buong-buo at
isara mo iyang bibig mo.�

Nagising siya sa kagagahan niya at mabilis na tinikom niya ang nakaawang na bibig.

Binuksan na niya ang laptop para mai-type niya ang mga mapag-uusapan nila.

�Na-receive ko ang proposed concept mo kagabi. Pinag-aralan ko �to and found out
that your idea is good but not enough to excite the viewers. Ahm, parang super
common na ito at walang ka-thrill thrill. Parang kahit grade one ay maiisip ito.
Walang dating, null, at saka hindi ko talaga nagustuhan,� seryosong litanya nito.

Daig pa niya ang binato ng bola ng basketball sa ulo sa mga pinagsasabi ni Herald.
Di niya akalaing ang pinag-isipang mabuting konsepto ay ganun-ganon na lang nito
aalipustahin. Nasaktan siya. Nasaktan ang talent niya.

Naka-focus lang ito sa laptop kaya siguro hindi nito napapansin ang reaction niya.
Gusto na niya itong kaladkarin sa bintana at ihagis ito sa labas. Napaka-prangka
naman nitong sabihin iyon sa kanya. Natabunan na ng negatives ang nag-iisang �good�
na papuri nito.

�At isa pa,� pagpapatuloy pa nito. Hindi pa pala ito tapos. �Parang baduy ang
kalalabasan nito. In short, ayoko ng concept, palitan natin.� Nilamukot nito ang
printed copy ng proposed concept niya.

Ganon na lang iyon. Wala man lang pasakalye. Doon na nag-init ang kanyang mata at
sumikip ang paghinga niya. Konti na lang ang maiiyak na siya sa harap ng kumag na
ito.

Limang beses na siyang na-reject ng publishers pero parang pinakamasakit na ata ang
mga pinagsasabi ng herodes na ito.

�Zhei, nakikinig ka ba sa akin?� saka lang siya nilingon nito.

�Alam kong hindi ako mahusay na manunulat, Sir. Hindi mo na kailangang pamukha ito
sa �kin iyon. Sabihin mo lang na disappointed ka at nagbago na ang isip mo for
having me as your writing partner at aalis na ako,� walang gatol na sambit niya
habang pinipigilang hindi pumatak ang luha niya.
�Hindi naman kita--�

Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil tumayo na siya at nagmadaling lumabas
ng conference room. Bago tuluyang lumabas ng opisina ni Boss Robert ay yumuko muna
siya sa harap ng boss bilang paggalang at dali-dali niyang tinungo ang elevator.
Nang bumukas iyon ay pumasok siya at pinindot ang close button pero di pa man ito
sumasara ng tuluyan ay bumukas na ulit ito. Tumambad sa harap niya si Herald.

�Partner, we�re not yet through! Puwede ba, let me finish first,� sabi nito sa
authoritarian na tinig. Wala siyang pakialam kung mag-ala-Hitler pa ito. Basta ang
gusto lang niya ay makalayo.

Pinindot muli niya ang close button pero pinindot ulit nito ang open button at saka
pumasok na rin sa loob ng elevator.

�I�m sorry, Sir. Wala na akong gana sa Indie film na iyan. Kung gusto mo eh
magsulat kang mag-isa o maghanap ka na lang ng mas qualified kasi madi-disappoint
ka lang sa akin. Babalik na lang ako sa normal kong trabaho dito o magre-resign na
lang ako,� puno ng himutok na sambit niya.

�Zhei, I just said my opinion. Di ko naman sinabi na��

�Ganon na rin iyon. Tinapakan mo na ang talent ko, ang pagkatao ko. Buong buhay ko
na lang, tinatapakan ako ng lahat ng tao.�

�Sino bang tumatapak sa �yo? Dapat kasi nagpalaki ka ng husto para nakikita ka nila
at di ka nila natatapakan!�

�Aba, anong pakialam mo sa height ko?� Nanlait ka na nga ng talent, pati ba naman
height ko eh lalaitin mo din?

�I didn�t meant to��

�You just did.�

�Look, kung sana eh hinahayaan mo akong magsalita, baka hindi sumama ng ganyan ang
loob mo!� singhal nito.

Hinarap niya ito. �Kung sana marunong kang makisimpatya sa damdamin ng iba, hindi
sana sasama ng ganito ang loob ko,� singhal din niya. Napupuno na siya. Lumalabas
kasi na siya pa ang hindi marunong umintindi sa sitwasyon.

�Napaka-sensitive mo naman!� napapailing na sambit nito.

�Hindi ako sensitive. Hindi lang ako manhid.�

Napabuntong-hininga ito. Pumunta siya sa sulok at ibinuhos na lang ang sama ng loob
sa scenic view sa elevator samantalang tahimik lang ito sa isang tabi at sapo ang
sintido. Wala silang imikan hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator sa
seventeenth floor. Antipatiko! Akala ko pa man din eh mabait ka!

Habang naglalakad siya sa hallway ay pinagtitinginan na naman sila ng mga maeepal


niyang kaopsina. Pero wala na siyang pakialam. Mabigat pa rin ang puso niya at
pakiramdam niya ay tumutulo na ang luha niya. Kaya sa halip na sa mesa niya siya
nagpunta ay nag-diretso na siya sa CR. At least doon, alam niyang hindi siya
masusundan ng Herald na iyon.

Pagkapasok niya sa isang cubicle ay humagulhol agad siya ng iyak. Matapang nga
siyang tao pero may mga sandaling nauubusan din siya ng reserbang lakas ng loob. At
isa sa mga kahinaan talaga niya ay ang malait siya ng walang kalaban-laban lalo na
kapag ang pinakamamahal niyang talent ang involved.

�Walanghiya talaga. Siguro gumaganti ang antipatikong iyon dahil sa pagsugod ko sa


kanya noong isang araw. Ang sakit magsalita! Di ba niya alam na ang dami ko ng
pinagdadaanan sa company na �to tapos dadagdag pa siya. Masaya ako sa pagsusulat
pero di na ako masaya dito. Lahat sila, hindi nila ako gusto!� tuluy-tuloy ang
paglalabas niya ng sama ng loob. Umiyak siya hangga't kaya niya. At nang okay na
siya ay lumabas na siya ng CR.

Nasa labas pa rin ng CR si Herald at hinihintay siya.

�Partner, okay ka na ba?� tanong nito. Nang tapunan niya ng tingin ito ay napansin
niyang may bakas ng pag-aalala sa mga mga nito. Binalewala lang niya iyon.

Iniwasan niya ito. Pero sunod pa rin ng sunod ito sa kanya. �Sir, kung puwede lang
po lubayan mo na ako. May tatapusan pa akong adjusments do�n sa stage play script.�
Nadoon na sila sa mesa niya.

�Hindi ako aalis dito hangga�t hindi ka pumapayag na bumalik doon sa taas para
ituloy ang brainstorming natin!� Nag-uutos na ang tinig nito. Pinagtitinginan na
sila ng ibang empleyado roon.

�Ayoko na nga po! Marami pa naman pong writers dito na mas deserving,� giit niya.

�Alam mo, sa konting salita sumusuko ka na agad. Hindi ka aasenso kung ganyan ka,
masyadong emotional,� pagsesermon nito.

Binalingan niya ito. �Sir, walang maidudulot na maganda sa buhay mo ang pag-aalala
sa pag-asenso ko! Wala ka ring magagawa kung emotional ako dahil ako po ito eh.
Hindi naman po ako iyong tipo ng tao na magpe-pretend para lang magpa-cute sa �yo.�

�Puwede ba, pakitanggal ng Sir at po! You�re breaking my rules again!�

Napupuno na talaga siya. Pero dahil kailangan pa talaga niya ng trabaho ay nagpigil
siya. Napailing lang siya at lumabas ng opisina. Bumaba siya sa ground floor at
hanggang doon eh sinusundan pa rin siya nito kaya lumabas na siya ng gusali. Wala
sa sariling tumawid siya ng kalsada. Hindi niya napansin agad ang paparating na
bus. Sa sobrang takot at pagkagulat ay napapikit na lang siya at nagdasal habang
hinihintay na tamaan siya ng bus na tatapos sa nakakaloka niyang buhay.

Lord, sa akin pong pagkawala, �wag N�yo po pababayaan ang mga ampon ko at kapatid
ko. Binabawi ko na po lahat ng assassination attack na naiisip ko para sa
antipatikong iyon. Kayo na po ang magpatawad sa kanya para sa akin.

Narinig niya ang malakas na busina ng bus kasabay ng mainit na brasong yumakap sa
kanya. Dahil doon, napamulat siya at tumambad sa harap niya si Herald na siyang
masuyong nakayakap sa kanya waring pinoprotektahan siya sa paparating na bus.
Nakapikit ito na tila willing masagasaan kasama niya. Bumilis ang tibok ng kanyang
puso. Hindi siya sigurado kung iyon ay dahil sa nerbyos o dahil sa mainit na braso
nito na nakayakap pa rin ng mahigpit sa kanya. Naghatid iyon sa kanya ng kakaibang
damdamin na dumaloy sa buong sistema niya. Nakahinto na ang bus na nasa harapan
niya at ang mga pasahero doon ay pinapanood na sila. Akala siguro ay may shooting.

Minulat nito ang mga mata. �I�m sorry�� sambit nito habang nakatitig sa kanya ang
mga mata nitong puno ng pag-aalala.

Di niya alam kung paniniwalan niya ito. Napaluha na naman siya nang maalala ang mga
panlalait nito sa talent niya kani-kanina lang.
Dahil sa pagkalito at samu�t saring emosyon ay bigla siyang nahilo.

�Zhei�� Paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Herald pero blangko na ang
kanyang paningin. Tuluyan siyang nawalan ng malay.

CHAPTER FOUR

Nang iminulat niya ang mabibigat na mata ay tumambad sa paningin niya ang picture
ni Herald na nakapatong sa bedside table. Kumislot siya at inilibot ang paningin sa
silid na kinaroroonan niya. Naroon siya ngayon sa bachelor�s pad ng binata sa unang
palapag ng gusali. Wala siyang taong makita. Marahil ay nagtatago na ngayon ang
lokong iyon. Aba, dapat lang dahil �pag nakita ko pa siya ay papatayin ko na talaga
ang mga kuko niya sa paa! Nagngingitngit pa rin siya sa galit nang maalala ang mga
nangyari. Parang masama pa sa loob niyang tanggapin na iniligtas siya nito mula sa
muntik ng pakikipag-eyeball kay Kamatayan.

�Okay ka na ba, hija my dear?� Bahagya pa siyang nagulat nang humangos mula sa
pinto si Mrs. Marciella. �Pagpesensyahan mo na sana itong bato kong anak ha.�

Hay, kayo nga talaga ang ina niya kasi alam ninyong bato ang anak niyong
antipatiko. Gusto sana niyang sabihin iyon pero hindi puwede. �Okay na po ako,
pasensiya na po sa abala.� Sinubukan niyang bumangon. �Mag-under time na lang po
ako. Uuwi na lang po muna ako para hindi��

Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang nahilo nang magtangka
siyang bumangon. Akala niya ay babagsak siya sa kama ngunit mainit na pamilyar na
braso ang naramdaman niyang sumalo sa nanghihina niyang likod. Nang sandaling
lingunin niya ang may-ari nito ay tumambad sa kanya ang mala-anghel na mukha ni
Herald ngunit nakikita niyang may sungay ito. Muntik na siyang matawa sa
imahinasyon niya nang bigla siyang nakaramdam ng kakaiba habang inalalayan nitong
makahiga muli.

�Two rules of life.. One, never cross the road when your out of your mind and soul,
especially when your angry. And two, do not rush up things. Ang sabi ng company
doctor, anxiety attack daw iyan kaya wala kang choice kundi ang humiga dyan sa kama
ko at magpahinga. Kapag hindi ka na nahihilo saka na lang kita iuuwi sa inyo,�
litanya ni Herald.

�Kaya kong umuwing mag-isa.� Sinimangutan niya ito.

�Ihahatid nga kita. �Wag ng matigas ang ulo. Baka ipakulong pa ako ng angkan mo
kapag pinabayaan lang kita!� masungit na sambit nito.

�Hijo, be gentle on her. Masama pa pakiramdam niya,� sita ni Boss Robert.


Nanggaling ito sa pantry at may dalang tray ng pagkain at iniabot iyon sa anak.
�Ikaw na bahala sa kanya, Herald. I told you, be gentle on her.� Bumaling ang
matanda sa kanya. �Hija, just dial 461 to reach me in my office just in case maging
violent ang anak ko sa �yo.� Napatawa siya. Maswerte si Herald dahil bibihira lang
sa mayayamang tulad ng pamilya nito ang mga magulang na may gana pang magbiro sa
mga sitwasyon katulad nito.

Nilapitan siya ni Mrs. Marciella. �Hay naku hija, pagpasensiyahan mo na talaga kasi
ganyan talaga iyang anak kong iyan. Noong high school nga iyan andaming
nakakabangga niya kasi--�

�Pa! Kindly bring Mama with you,� narinig niyang sabi ni Herald. Kung anu-ano pa
kasing ikinukwento ni Marciella sa kanya tungkol dito.
�Sige hija, next time itutuloy ko ang kwento,� pahabol pa ng ginang bago lumabas ng
silid kasama ang asawa nito.

At ganon nga ang nangyari. Ilang minuto lang ang lumipas at wala nang imikan sa
loob ng silid na iyon. Dahil medyo nanghihina pa ang pakiramdam niya ay ipinikit na
lang niya ang mga mata para hindi na niya makita ang antipatikong guwapong ito.

�Nahihilo ka pa ba? Kumain ka kaya muna kasi baka lumamig itong soup.� Naramdaman
niyang umupo ito sa gilid ng kama.

�As if naman na concern ka. Salamat na lang at di pa naman ako nagugutom,� pabalang
na sagot niya.

�Galit ka pa rin talaga ano.� Hinawakan nito ang kanyang kamay.

Muntik na siyang mapapitlag dahil sa kakaibang damdaming hatid ng palad nito sa


kanyang nanlalamig na kamay. Hindi pa rin niya imunulat ang kanyang mga mata sa
takot na baka mapansin pa nito ang nararamdaman niya. Ano bang nangyayari sa akin?
Hoy, mahal kong puso, umayos ka! Wag kang mai-in love sa antipatikong �yan!

�I�m sorry if I hurt you. It�s all my fault. I don�t want to see those tears again.
Weakness ko �yon. I�m sorry.�

Natunaw lahat ng sama ng loob niya nang marinig niya ang apology nito. Dahan-dahan
niyang imunulat ang mga mata at tumambad ang sinserong pagtitig sa kanya nito.
Letse kang demonyo ka! Nahi- hypnotize na ako!

�Maybe you should not be too harsh in using your words. I know you just want to say
some criticism pero alam mo ba ang pakiramdam ko kanina? Parang binato mo ako sa
ulo ng basketball�ng pitong beses. But since kailangan ko pa ng trabaho, hindi ako
makapag-resign agad.�

�Hindi ka puwedeng mag-resign dahil papagalitan ako ng mga magulang ko.�

�Umamin ka nga Sir Herald, you planned this, right?�

�Why should I?� Kumunot pa ang noo nito.

�Dahil may balak kang masama sa akin. Gagantihan mo ako di ba dahil sa mga
pinagsasabi ko noon?�

Tumawa ito at pabirong pinisil ng kanyang ilong. �Silly. Parang kang bata. Kayo
talagang mga writer, praning.� Kinuha nito ang pagkain at iniabot sa kanya. �Forget
it. Kainin mo na ito. Si Papa ang nagluto nito para sa �yo. Bukas na lang tayo
magtrabaho ulit para okay ka na talaga. And please, never walk out again.
Masisiraan ako ng bait sa �yo.�

Wow, ipinagluto pa siya ng soup ng ama nito. Ang haba ng hair niya! Inasikaso
siyang maigi ng pamilya nito.

�Never talk to me like that, Sir kung ayaw n�yo akong magmartsa palabas. And by the
way Sir, hindi ko na kasalan kung masiraan kayo ng bait dahil sa tingin ko naman ay
matagal na kayong sira-ulo.�

Pinagmasdan siya nito ng tahimik at seryoso, waring may inuungkat itong kung ano sa
kanyang mga mata. Naku patay, I�m fired!

�You�re violating my rules again, Partner.� Tapos ay ngumiti ito at itinaas pa ang
kanang kamay sa anyong panunumpa. �I, Herald Prudence Pontez, will never ever hurt
Azhiella Quijado again. I promise.�

Tumitili na ang puso niya. Nangako na ito na hindi siya sasaktan. Pero agad niyang
naisip ang dahilan kung bakit nito ginagawa iyon. Kailangan pa siya nito para sa
Indie Film. Muntik na siyang napasimangot sa na-realize.

�Dapat siguro hindi Herald ang itawag ko sa �yo. Kung Prudence kaya o Prudz?�

Sumimangot ito na ikinangiti niya. �Ang sama namang pakinggan. �Herald� is fine
with me.�

KINABUKASAN, mas maaga nilang sinimulan ang brainstorming. Tanggap na niya na hindi
nito type ang konsepto niya kaya hinayaan na lang niya itong mag-isip ng concept.
Dinadakdak na nito ang idea daw na naisip nito nang mahalata niyang familiar sa
kanya ang pinagsasabi nito.

�Teka lang! Iyan iyong concept na ipinasa ko sa �yo ah! Nanloloko ka ba?�
Nagsisimula na ulit siyang mainis dito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad
papunta sa pinto.

�Wait. Wag kang magwo-walk out!� Humarang pa ito sa pintuan. �Naisip ko kasing
lagyan na lang natin ng twist ang concept mo. Maganda naman iyon eh. Medyo hindi ko
lang napag-isipan ng maayos noong una ko siyang nabasa kahapon.�

�What? Kahapon mo lang nabasa iyon? Ang sabi mo pinag-aralan mo iyong mabuti tapos
kung anu-anong sinabi mo sa akin kahapon? Ine-eching mo lang pala ako! Naku,
pasalamat ka Heraldo Prudencio dahil kung hindi ka anak ng boos ay naihagis na kita
sa bintana!�

�What? At kaninong pangalan iyon? Sa boyfriend mo?� kunot-noong tanong nito.

�Pangalan mo iyon, sira! Filipino version, Heraldo Prudencio. Wala akong boyfriend,
ano. Sinabi ko na �yon sa panel interview. Hindi mo ba naintindihan iyon ha?�

Napailing ito. �Kayo talagang mga writers, ang galing umimbento ng pangalan.�

�At ikaw, �wag kang pa-cute!� Pangiti-ngiti kasi ito sa kanya at dahil doon ay
nawawala siya sa huwisyo.

Biglang sumeryoso ang mukha nito. �Balik sa upuan!� utos nito na animo�y prep
teacher na nagpapaupo ng sutil na bata. Itinuro pa nito ang upuan niya.
Sinimangutan niya ito sabay irap. �Isa! Balik!� Pinandilatan siya nito. Pero di
siya nito nasindak. Natutuwa pa nga siya dito. Buti na lang at hindi ito naging
teacher o kaya general. Bumalik siya sa puwesto niya.

Bumalik din ito sa upuan sa tapat niya. �You think of the guy�s attitude and
attributes and I think for the girl�s.�

Napagkasunduan na nila na pangalan nila ang gagamitin sa story kaya attributes na


lang ang una nilang binuo.

Itinukod niya ang siko sa mesa at tinapik-tapik ang sintido habang nag-iisip at
nakatingin dito. �Ang guy ay antipatiko, suplado, mayabang, at tsaka��

�Teka, may ganyang lalaki ba sa mundo? May mai-in love ba sa ganyan?� pakli nito.

�Aba, gusto mong makakita ng isang ganon? Humarap ka sa salamin and you will see a
perfect example.� Sinundan pa niya iyon ng nakakaasar na tawa.
Pinandilatan siya nito. �Hoy, sino may sabi sa iyong ganon ako? Romantic ako,
simpatiko�.�

�Antipatiko, suplado, mayabang, maepal kahit na guwapo. Iyong tipong sa unang


encounter ay masasabing hindi ito marunong magmahal.� Tinapos niya ang litanya
nito. Natahimik ito at tila balak ng ihagis siya sa bintana. He crossed his arms
around his chest. �But the guy has a soft side as always. Weakness niya ang umiiyak
na babae o iyong mga nabibigong babae. That makes him a one great lovable
gentleman.� Bumawi na siya bago pa siya mahambalos nito ng laptop.

Sumilay ang makahulugang ngiti sa labi nito. �Ang babae naman ay atribida, mataray,
masungit, suplada, at sa sobrang tapang ay masasabing galing sa angkan ni Gabriela
Silang.� Parang gumaganti lang ito sa sinabi niya. �Maliit, mahaba ang buhok, flat-
chested at walang shape ang katawan. Face the mirror and you will see a concrete
example!� nang-aasar na sambit nito.

Napamulagat siya. �Oy, gumaganti ang lolo ha. Hindi ka rin katangkaran ano. Ilang
inches lang ang tangkad mo sa akin at kung ihahambing ka sa mga pang-pocketbook na
kuwento, unano ka pa rin compare sa mga bidang lalaki. At kahit ganito lang ako,
maganda ako!� Nakatingin lang ito sa kanya habang nagsasalita siya.

�I agree! You�re beautiful.�

Nagimbal na naman ang puso niyang hadya na nga niyang ma-control. He just
compliment her beauty.

�But the girl like the guy has a soft side. Mahina siya pagdating sa personal na
bagay. She has a fragile heart that makes the guy fell in love with her.�

Tumango-tango siya. �The story is typical pero lalagyan natin ng twist.�

�Such as�?�

�How the way the conversation goes. Gagamit tayo ng mga lines na hindi masyadong
�literary� ang dating. Iyong tipong natural lang at parang nag-uusap lang ng
personal na walang camera. Not too serious, not too vulgar. Just smooth-sailing
conversation na parang ganito. Balahuraan kung balahuraan, seryoso kung seryoso.�

�And the setting, too. Puwedeng sa mga tipikal na lugar pero ang mga eksena ay
extra-ordinary, hindi baduy at hindi OA.� Bigla itong napaisip. �Paano ba main-love
ang mga babae? Ano ba iyong ideal love story para sa mga babae?�

�Aba malay ko, nain-love na ba ako? Let�s just make it like its real. Writers naman
tayo at ito talaga ang purpose natin sa buhay.�

CHAPTER FIVE

Araw ng Linggo. Nakapangako na sana si Zhei na manonood sila ng sine ng kanyang


dalawang ampon nang bigla siya ipatawag ni Herald. Kaya inis na inis siya dahil
panira ito sa kanyang plano. Kasabay niya sa sinasakyang jeep ang best friend
niyang si Maryanne.

�Hay naku sis, kapag hindi nga naman ako nakapagpigil eh sasapakin ko na talaga
siya. Aba, Linggo ngayon tapos ipapatawag niya ako for petty reason na pakiramdam
daw niya ay nasa mood siyang sumulat. Eh so what? Napag-usapan na namin ang draft
ng story. He can even work without me!� Tuluy-tuloy ang reklamo niya.

�Sis, �yaan mo na. Eh di ba talaga namang may sari-sariling kawirduhan ang mga
writers. Katulad mo, kumakanta ka muna ng love song bago gumawa ng comedy scenes.
Baka iyon lang talaga ang topak niya. Walang sinasantong oras at panahon kapag
nagsusulat,� tugon ni Maryanne na kampanteng nakaupo sa tabi niya at suot ang
unipormeng puti ng mga nurse. Linggo nga, at may trabaho pa rin ang masipag niyang
kaibigan.

�Eh paano naman ang human right kong magpahinga? Tatlong oras lang ata ako
nakatulog dahil inabot na ako ng siyam-siyam sa pagkanta sa Music Lounge.� Umuusok
pa rin ang tenga niya sa inis. Hindi kasi niya talaga ma-predict ang trip ni Herald
sa buhay. Minsan ay suplado ito, minsan naman ay napakabait na halos pumaligid sa
kanila ang mga anghel sa kabaitan nito. Unpredictable. At pati ang puso niya ay
nagiging unpredictable na rin kaya litung-lito na siya sa buhay niya.

�Kay Herald mo na lang ireklamo �yan, sis. Manong para po. �Ge, ingat ka! I-enjoy
mo lang ang biyayang makasama ang isa sa mga extinct creatures of the world.� At
mabilis na nakaibis ito ng sasakyan kaya di na niya nagawang kontrahin pa ang mga
sinabi nito.

Nang makababa siya ng jeep ay namataan niyang nakaabang na sa labas ng opisina si


Herald at ang pulang Toyota Altis car nito. Nakasuot lang ito ng simpleng t-shirt
at pants na tama lang ang fit dito kaya pansin ang magandang shape ng katawan nito�
ala commercial model. Hmm, mukhang ayoko ng mainis�So papable! Mataman niyang
tinitigan ang built ng katawan nito. She bet, every muscles of this guy is very
well defined. Ano pa kaya kung wala itong shirt na suot? Ipinilig niya ang ulo sa
kung anu-anong naiisip na naman niya. Pinanindigan na lang niya na naiinis siya
dahil nasira nito ang plano niya at nahirapan siyang bitbitin lahat ng dala niya.
Pinagkasya kasi niya sa isang malaking shoulder bag ang kanyang laptop, ilang
pocketbooks, hardcopies ng mga researches nila para sa story ,at ang ie-edit pa
niyang stage play script.

�Good morning, Partner!� nakangiting salubong nito sa kanya sabay hablot ng mabigat
na dala niya.

Naku naman, sabi ng guwapo ka na nga kapag seryoso ka bakit kailangang ngumiti ka
pa?! Wooh!!! My heart, �wag kang maglulundag d�yan, hoy! Patuloy niyang sinasaway
ang sarili sa kung anu-anong pumapasok na kalokohan sa utak niya. Dahil alam niyang
sa bandang huli, kapag nahulog na siya sa lalaking ito ay mahihirapan na siyang
mabuhay ng normal.

Inayos niya ang sarili� ang mataray na si Zhei. �Walang good sa morning dahil bigla
mo na lang sinira ang buong maghapon ko. O bakit nadito tayo sa labas? Tara na sa
loob at magtrabaho na tayo.�

�Wag ka namang magalit, Partner. Nagkaroon lang ako ng ng adrenalin rush para
magsulat.� Inilagay nito ang gamit niya sa backseat ng kotse.

�Natapos na natin ang draft, you can write on your own. Kaya di ko talaga ma-gets
kung bakit may paeme-emergency ka pang nalalaman. Kung tumatakbo iyang adrenalin
rush mo eh di habulin mong mag-isa. Bakit pati ako mamomroblema?�

�Ang sungit mo talaga. O sige aaminin ko na. Puwede naman talaga akong magsulat
mag-isa kaso hindi ko maisulat iyong gusto kong isulat kasi wala akong inspiration
unlike those past few days na magkaharap tayo habang nagsusulat. Hinahanap ng utak
ko ang presence mo. And I think, mas maganda talaga na sabay tayo sa pagsusulat
para madaling ma-elliminate ang mga loopholes ng script.�

What? Hinahanap daw ng utak nito ang presence niya? Natunaw na tuloy lahat ng inis
niya dito. Noong isang araw lang ay sumang-ayon ito na maganda siya at ngayon naman
ay parang sinasabi nito na gusto nito ang makasama siya palagi.
Natural, co-writer ka niya. Iyon lang iyon. Wag kang ilusyonada. Kumontra naman
agad ang utak niya.

Hinawakan nitong bigla ang kamay niya. Napapiksi siya. Binuksan nito ang pinto ng
kotse at iginiya siya papasok.

�Teka, saan mo ako dadalhin?� kunot-noong tanong niya nang sandaling makapasok na
rin ito sa loob ng sasakyan.

�Road Trip.�

�Teka, ang sabi mo, Heraldo Prudencio eh magsusulat tayo?�

Kumunot ang noo nito bago binuksan ang makina ng kotse. �Yes, we will write the
script when we get there. And don�t call me with that name. Sumasakit ang ulo ko.�

Maya-maya pa ay tumatakbo na ang sasakyan nila.

�Eh saan nga tayo pupunta?� usisa pa rin niya. Paano kung dalhin siya nito sa kung
saan at hindi na siya maibalik sa pamilya niya ng buhay?

�Mag-seatbelt ka muna,� tugon nito.

Di siya sumunod. �Saan nga tayo pupunta?�

�Don�t worry, Partner. I�ll take you home safe mamaya. Kaya mag-seatbelt ka na bago
pa tayo mahuli ng traffic enforcers at mapurnada ang lakad natin. Madi-disappoint
ang adrenalin rush ko.�

�Saan tayo pupunta?! Nagagalit na ako!� singhal niya dito.

Inihinto nito ang kotse. Tinitigan siya nito na tila may kung anong iniisip tungkol
sa kanya. Hindi siya umiwas ng tingin kahit pakiramdam niya lilipad na ang puso
niya sa sobrang pagkabog. Kailangan niyang harapin ang nararamdaman niya na bago
rin lang sa kanyang sistema. Nagulat siya nang bigla itong yumakap sa kanya.
Nahigit niya ang kanyang paghinga. Dahil sa pagkakalapit ng kanilang katawan ay
nasamyo niya ang kabanguhan ng herodes. Ang bango mo! Nakakaadik ka! Ikinabit lang
pala nito ang seatbelt niya. Gumuho ang pantasya niya. Akala pa man din niya ay
gusto siya nitong yakapin. Nang lumayo na ito sa kanya ay ipinukol na lang niya sa
bintana ang atensyon niya at saka niya napakawalan ang pinigil na paghinga.

�Huwag ka ng magtampo, Partner.� Umaandar na ulit ang sasakyan.

�Don�t talk to me, Sir. And don�t call me with that name, too. Hindi ako si
Partner. Naaalibadbaran ako! Azhiella ang pangalan ko.�

�Zhei, nagtatampo ka na naman. Sa rami ng pagkakataong nilalabag mo ang rules ko eh


dumadami ang atraso mo sa akin, Ms. Azhiella Quijado pero pinalalagpas ko �yon.�

Binalingan niya ito. �Anong gusto mong palabasin ngayon? Na dapat magpasalamat pa
ako sa �yo? Neknek mo! At ako pa talaga ang may atraso sa �yo? Kausapin mo iyang
manibela mo!�

Ngumisi ito. �Puwede ka bang ma-kidnap? Sandali lang naman. Ihahatid din kita ng
buhay at walang galos sa pamilya mo.�

�Walang pambayad ng ransom ang mga ampon ko.�

�Di naman ako hihingi ng ransom. Oras lang naman.�


�Saan mo nga ako dadalhin?� Matamang naka-concentrate ito sa pagmamaneho.

�Tagaytay. Marami tayong makikitang inspiration doon. Mga couple na nagde-date.�

�Kung couple na nagde-date lang ang kailangan mo, pumasok ka na lang sana ng
sinehan,� pakli niya sa sinabi nito kahit aminado naman siyang maganda nga ang
naisip nitong idea.

�Alam mo, sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw na ata ang pinakapasaway.
Napakasungit mo at matampuhin.�

�Sir Herald, okay lang na ganyan ang tingin mo sa akin. Kasi, ikaw rin lang naman
ang pinakaantipatiko at walang consideration na taong nakilala ko. Quits!� bumaling
ulit siya sa bintana.

Narinig pa niyang bumuntong-hining pa ito. Marahil ay tanda ng pagsuko nito.

Matapos ang ilang oras ng biyahe ay narating din nila ang Tagaytay. Tumambay sila
sa isang magandang park kung saan maraming pamilyang nagpi-picnic at mag-syotang
naglalampungan. At tulad nga ng sinabi nito ay parang gusto lang talaga nito na
kasama siya habang nagsusulat dahil walang-imik itong tuluy-tuloy sa pagtipa ng mga
letra sa laptop. Ganon din naman siya.

�Teka lang, matagal kasi akong nawala sa Pilipinas. Ano ba ang in ngayon sa mga
love story?� biglang tanong nito matapos pagmasdan ang dalawang mag-syotang
magkayakap habang naglalakad na parang gustong angkinin ang buong park sa sobrang
ka-sweet-an. Halos sabay din silang napangiwi sa nakita.

�In?� Naalala niya ang mga dalang pocketbooks. Kinuha niya iyon sa bag. �Ang in sa
love story ngayon ay lalaking antipatikong katulad mo at luka-lukang babae��

�Katulad mo.�

�Sige, Heraldo Prudencio galitin mo ako at ihahagis kita sa bangin dyan. Dapat pala
doon tayo pumuwesto malapit sa bangin eh.�

�Grabe ka naman, Partner. Have pity on me.� Nagpa-cute ito sa kanya na tila pusang
nanlilimos ng lambing.

Oh come on, hamon! Wag kang magpa-cute!

�Pity ka dyan! Pero seryoso iyong sinabi ko. Sa mga movie at dito sa mga librong
ito, halos palaging ganon ang concept at patok iyon sa masa.� Inilatag niya sa
harap nito ang ilan sa mga binabasa niyang mga Tagalog romantic pocketbooks.

Napataas ang kilay nito. �You�re reading something like that?�

�Oo naman. Cover to cover. At iyang �something like that� na iyan ang isa sa hilig
kong basahin.� Isa siya sa mga taong haling sa mga Tagalog romance pocketbooks kaya
nga minsan na rin niyang sinubukang magsulat ng ganoong klaseng nobela. Iyon nga
lang, sumablay siya.

�Cover to cover? With that� bed� scenes?� alanganin at kunot-noong tanong nito.

Tumawa siya. �Eng eng! Pumipili naman ako ng author kahit papaano. Wholesome itong
writers ng mga binabasa ko. Walang bed scenes dahil hanggang kissing scene lang na
hindi pa nga detailed. At kung makabasa naman ako na may love scene, I opt not to
read that part. I skip those pages. Hindi ko naman kailangang mabasa pa iyon even
if it was written with full of art. I believe in God�s will sa kahit anong bagay,
including that� that make love chuva.�

Kunot pa rin ang noo nito tila hindi convince. Hindi niya alam kung dahil sa mahaba
ang sinabi niya o dahil sa salitang �chuva�.

�Kung ayaw mong maniwala eh di heto basahin mo ang tatlong iyan. Kapag may nakita
kang love scene dyan, ihampas mo iyang nobela na iyan sa mukha ko pagkatapos mong
basahin.�

�I believe in you,� seryosong sambit nito habang nakatitig sa kanya.

Naku naman. Ang ikli ng sinabi nito pero parang ang haba na ng narating ng puso
niya sa pag-iilusyon.

Kinuha nito ang tatlong pocketbooks at isinilid iyon sa dalang body bag. Maya-maya
ay balik sila sa eksenang �serious writers kami at busy�. Ilang minutong walang
imikan. Hanggang sa makuha ng isang couple na naglalakad ang atensyon nila. Matanda
na ang lalaki at napakabata pa ng babae. Akala nila ay mag-amang sweet lang ang
dalawa. Pero pareho silang napatanga nang biglang maghalikan ang dalawa sa harap
nila.

Naiiling na nagkatinginan pa sila at pagkuwa�y napatawa na rin.

�Naranasan mo na bang makipa-date, Zhei?�

�Ha?� Nagulat siya sa tanong nito. Mabilisan tuloy niyang in-assess kung nakipag-
date na nga ba siya ng seryoso.

�Tinatanong kita Partner, kung naranasan mo na ang makipag-date,� ulit nito.


�Ganyan ka ba talaga, madalas nasa Pluto ang utak? Lagi ka na lang nawawala sa
sarili mo.�

Sinenyasan niya ito na manahimik. �Teka, iniisip ko kasi kung nakipag-date na nga
ako.�

Ngumiti ito. He shut down his laptop, stood up, and did the same thing on her
laptop.

�Tapos na tayo? Uuwi na tayo? Nagalit ka ba sa sagot ko?� nagtatakang tanong ni


Zhei.

Binitbit nito ang dalawang laptop. �Just wait there. Ilalagay ko lang ito sa
kotse.� Ilang metro lang naman ang layo ng kotse sa kanila. Pagkatapos nitong
ideposito sa backseat ng kotse ang mga laptop ay nakita niyang may kinausap itong
mama na kung hindi siya nagkakamali ay isa sa mga rumorondang guards sa kalawakan
ng park.

Napatanga na lang siya. Magaan sa pakiramdam niya na titigan ito sa malayo.


Hinaplos niya ang kumakabog na puso. Pinakiramdaman niya ang bawat pagtibok na iyon
na tila love song dahil sinasabi ng puso niyang, �mahal ko na ata ang papable na
iyan�. Ngunit bigla rin niyang binawi ang idea na iyon. Sa hindi mawaring dahilan
ay parang ayaw niyang sumugal ngayong alam naman niya na hindi siya magugustuhan ng
isang Herald Prudence Pontez. May Love na ito. At kahit baligtarin ang mundo,
imposible mangyari iyon sa pananaw niya.

Inayos niya ang sarili at binurang lahat sa isipan niya ang mga naisip nang makita
itong papalapit na sa kanya. Ang nanatili na lang sa sistema niya ay ang bumibilis
pa lalong pagtibok ng kanyang puso.
�Tara, Partner. Mag-date muna tayo.� Hindi na nito hinintay na magsalita siya.
Hinagip agad nito ang kanyang kamay at sa isang iglap lang ay magkasalikop na ang
kanilang mga palad.

�Teka, paano iyong kotse mo?� angal niya.

Umiling ito. �Grabe ka naman. Ako na itong nasa harapan mo, iyong kotse pa ang
inalala mo. Ibinilin ko iyong kotse sa guard na kausap ko kanina. Hindi siya
mawawala. Kaya tara na, mag-date tayo. Di pa rin kasi ako nakakapag-date eh.�

Nilingon niya ito. Nakatitig pala ito sa kanya kanina pa at nang lingunin niya ito
ay bigla itong umiwas ng tingin kasabay ng paghigpit ng paghawak nito sa kamay
niya.

�Wala ka pang naide-date? Ows! Imposible naman ata iyon sa isang tulad mo na
kabilang sa elite na Bachelors� Club ng Pilipinas. Mukha mong iyan, wala pang dine-
date?�

�Bakit ano bang mali sa mukha ko? Eh sa wala pa nga akong naide-date, magagawa ko.
Busy ako sa trabaho at pag-aaral at hindi uso sa France ang makipag-date. Ang uso
doon makipag-kiss. Well, ikaw ang una kong ide-date kaya ipagsaya mo iyon. Ikaw ang
nakauna sa akin.�

�Ipagsaya ko? Neknek mo!� eksaheradong sambit niya. ��Wag kang gagawa ng ikasasama
ko at isusumpa kita. O ihahagis na lang kita sa bangin para makabiyahe ka na agad
patungo sa langit. Iyon ay kung doon ka nga mapupunta.� Nilingon niya ito at nahuli
niya ang kagyat na pagbungisngis nito. Napangiti siya. �Kung wala ka pang nai-date
siguro may na-kiss ka na since sa France ang uso ay kiss.�

�Wala pa rin. Hahalikan ko lang ang babaeng pakakasalan ko. Bakit mo tinatanong
iyan? Gusto mo ba akong halikan?� Tiningnan siya nito ng may kahulugang ngiti. Then
he moved his face closer to hers.

Nang-aakit na ata ito at siya naman ay parang natutuksong patulan ang sinasabi
nito. Kinibot-kibot nito ang labi na waring nananadyang tuksuhin siya. Huminga siya
ng malalim. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Tinapik ng isa pa niyang kamay ang
kabilang pisngi nito.�Gumising ka, hijo. Ni maging girlfriend mo nga hindi ko
pinangarap, ang mahalikan ka pa kaya?�

Ows, really?? Kontra ng kanyang puso.

Nakita niya ang pagbabago sa expression ng mukha nito. Dahan-dahan nitong inilayo
ang mukha sa kanya. Biglang naglaho ang ngiti nito at sumeryoso ang mukha nito.
�Hindi mo ako type ano?�

�Ah, buti alam mo. Mai-inlove lang ako sa taong makikitaan ko ng milagro sa mukha
nito sa isang tipikal na scenario.� Napabaling siya sa magkasalikop nilang mga
kamay. May napansin siyang kakaiba. Sinipat niyang maigi ang kamay ng binata at
nakumpirmang ang suot nitong silver bracelet ay pambabae ang design!

O, hinde!!! Kaya ba wala pa siyang naide-date at wala pang hinahalikan dahil badesh
ang lolo???

�Milagro?� untag nito.

Nadistract ang malalim niyang pag-iisip. �Ah, sa akin na lang ang ex-factor na
iyon. Basta there�s something in the face na hinahanap ko.�
Huminto sila sa paglalakad at hinarap siya nito. �Pero sa ngayon, Partner sa akin
muna ang oras mo ha. Magde-date tayo.�

�Ano pa bang magagawa ko? Hawak mo na ang kamay ko,� tugon niya sabay iwas-tingin.
Baka kasi mapansin nito na konti na lang ay magba-blush na siya.

Naglakad-lakad sila sa buong park at nagkuhanan ng mga pictures. Kung papanoorin


sila, para nga silang mag-boyfriend. They shared eating one footlong hotdog
sandwich together. At matapos kumain ay nagpatuloy sila sa paglalakad.

Bigla nitong naisipang bumili ng ice cream on a sugar cone. Muli ay hinawakan nito
ang kanyang kamay habang naglalakad sila at nilalasap ang ice cream. At tulad ng
palagi na lang nangyayari, may kakaiba pa rin siyang nararamdaman na hindi pa rin
niya matukoy kung ano pero pinag-aaralan na niya ngayong tanggapin.

�Zhei��

�Hmm��

�Ngayon rin lang ako nakipag-holding hands. May iba akong nararamdaman. Ikaw rin
ba? Anong nararamdaman mo ngayong hawak ko ang kamay mo?�

Muntik na niyang mabitawan ang ice cream na hawak. Siyet!!! May iba daw itong
nararamdaman. Maaari kayang pareho lang sila ng nararamdaman?

�Ah, eh... ang hirap naman ng mga tinatanong mo. Nabibigla tuloy ako. Ang totoo eh,
naiilang ako.�

�Naiilang ka?�

Tumangu-tango siya. Totoo naman iyon nakakailang dahil conscious pa siya sa


pagtibok ng puso niya.

Papalapit na sila sa pinagparadahan ng kotse.

�Alam mo Partner, the guy who will have the sole privilege of holding your hand
forever will be the luckiest guy on earth.� Dahan-dahan nitong binitawan ang
kanyang kamay. Ayaw pa sana niyang bumitaw. Gusto sana niyang sabihin dito na ito
lang ang gusto niyang humawak sa kamay niya ng ganon.

Hindi siya umimik. Iginiya siya nito palapit sa kotse at pinagbuksan ng pinto. Nang
makaupo na siya ay nagsalita ulit ito.

�I felt so comfortable holding your hands, Zhei.� At saka nito isinara ang pinto.

Parang biglang lumutang na naman ang utak niya at tumitili ang puso niya. Maybe
that�s the sign. Tanggap na niya ngayon. Maybe, she�s in love�sa antipatiko kunong
co-writer niya. Pero biglang umeksena sa utak niya ang bracelet na suot nito at si
Love. Naku-curious na talaga siya. Bakit pa ito nagpapakita ng sweetness sa kanya
kung taken naman pala ito o kaya naman bading?

CHAPTER SIX

Sa hindi sinasadyang pagkakataon eh tinulugan lang niya ito sa kanilang biyahe


papauwi. Napagod talaga siya at maliban doon, binawi niya ang kulang na tulog ng
nagdaang araw. Mainit na palad na tumatapik sa pisngi niya ang gumising sa kanya.

�Zhei, sorry to interrupt you but you need to wake up. We�re here,� sambit ni
Herald.
Pupungas-pungas na bumaba siya ng kotse. Nasa tapat na pala sila ng bahay niya.

�Salamat, Herald. Nag-enjoy ako.�

Ngumiti ito. Tinanggal nito ang suot na bracelet pagkatapos ay masuyong hinawakan
ang kamay niya at isinuot sa kanya ang bracelet. Nagulat siya at kunot-noong
binalingan niya ito.

�I saw you a while ago. Kunot ang noo mo habang tinitingnan ang bracelet na �to.
�Wag mo sanang isipin na bading ako. Everything in this world exists with reasons.
Take care of this bracelet of mine as a remembrance of this day� our first
experience of dating. Iyon ay kung date nga matatawag ang mga ginawa natin. For me,
it�s a wonderful date. Thanks, Zhei.�

Bigla siyang nahulasan sa pagkaantok. Kumabog bigla ang puso niya na tuwang-tuwa sa
sinabi nito.

�Puwede ko bang malaman kung bakit ka may suot ng ganitong klase ng bracelet,�
tanong niya.

Tiningnan siya nito. �Para isipin ng mga babae na bading ako. I don�t want
flirting. I have my own way of showing affection. Ayoko ng lalapitan ako ng girls
to flirt. Kaya nga napapaisip na ang mga kasamahan ko sa Bachelors� Club kung
bading ba ako o hindi.�

Napailing siya. Ang babaw naman ata ng dahilan nito. �Petty reason. Nilalagay mo
lang ang sarili mo sa complicated scenario. Eh paano �pag dumating iyong araw na
makilala mo ang babaeng mamahalin mo tapos di siya naniniwala na lalaki ka ngang
talaga at magkaiba kayo ng gustong lahi.�

Tumawa ito. �Sa tingin ko naman ay naniniwala ka na certified man ako.�

So, anong gusto nitong palabasin?

�Muntik na nga ako magduda kanina. Napapaisip na nga ako,� biro niya.

�You would know the true reason in right time, Zhei.� He was looking at her
intently.

�Ah, pasok ka muna. Maaga pa naman. Dito ka na lang mag-dinner,� anyaya na lang
niya bilang pag-iiba ng usapan.

Biglang nag-ring ang cellphone nito. Nanatili ito sa harap niya. �Yes, Ma. Si Love?
Okay na po si Love. Wala na kaming problema kasi nakikisama na siya ng maayos. Ano
po, pupuntahan n�yo si Azhiella dito? Bakit po? Ha? Teka lang, Ma! Ma?�

Kunot-noong binalingan siya nito. �Pupuntahan ka daw dito ni Mama. Hintayin ko na


lang daw siya. She wants to invite you to sing in our family reunion next month.�

�O, walang problema sa akin iyon. Bigyan n�yo lang ako ng list ng mga anticipated
songs na ipapakanta n�yo sa akin.�

�Problema iyon ano. I know, front lang ni Mama iyong gimik na pakakantahin ka lang
niya sa reunion namin. She really wants you to be there. Ilang araw na naming
pinagdidiskusyon ang bagay na �yon.�

�Bakit?� kunot-noong tanong niya.


�Gusto niyang ipakilala ka sa buong angkan ng Pontez,� tinitigan siya nito.

Anong masama doon eh ipapakilala lang naman siya? What?!!! Ipapakilala siya sa
buong angkan ng mga Pontez! Problema nga iyon.

�Bilang special girl ko, kuno,� pagpapatuloy nito. �Ilang beses na niyang
pinagyayabang sa mga Tito at Tita ko na sooner or later eh mag-aasawa na ako. And
she kept on telling them about you. Nahuli ko minsan si Mama na ginagawa iyon. And
I told you already. She likes you to be my wife.�

�H-ha? Eh akala ko ba gagawan mo ng paraan iyan?� tanong niya.

�Aaminin kong nakalimutan kong gawin iyon. Ito kasing si Love parating nasisira
kaya nakalimutan ko ang bagay na iyon.� Tinapik pa nito ang kotse.

Ha? Si Love ay isang kotse? Weird!

Nagpapalit-palit ditto at sa kotse ang mata niya. Hindi siya nakaimik kaya nang
balingan siya nito ay napatawa ito.

�Si Love ay itong kotseng ito. Siguro iniisip mo rin kung sino si Love.
Pinangalanan ni Mama ang kotseng ito dahil sa frustration niya na magkaanak ng
babae na hindi naman natupad. Wala akong ibang babae sa buhay ko, as of now, kundi
ikaw lang at si Mama.�

�Ah, tara pasok ka muna sa bahay,� pagbabago niya ng topic. Nato-torete na kasi
siya sa mga pinagsasasabi nito.

Wala naman pala siyang karibal. Kotse lang naman pala si Love! At hindi ito bading.
Okay na. Available na available ito para sa kanya. Pero bakit ayaw pa rin niyang
sumugal?

Pumasok na sila sa loob ng bahay. At sumalubong sa kanila sina Luisa at Selene.


Ipinakilala niya agad ang mga ito kay Herald at iniwan saglit para pumunta sa
kusina.

�Tama nga si Ate Zhei, mukha ka ngang anghel!� komento ni Luisa.

�Saan ba kayo galing? Nag-date kayo?� usisa ni Selene.

�Sinong nag-date?� Napalingon sila sa pintuan kung saan galing ang tinig.

�Hay naku, Maryanne. Iyang mga ampon natin ang kukulit. Sabi ng hindi nga kami nag-
date nitong si Herald. Nagsulat lang kami,� sumbong ni Zhei.

�Don�t mind it. Eh di ba nag-date naman talaga tayo. And besides, sanay na ako sa
mga makukulit,� sabat ni Herald.

Nagtilian ang tatlo habang siya naman ay gusto ng batuhin ng kutsilyo ang tatawa-
tawang si Herald.

Pumasok na ng bahay si Maryanne at nakita niyang nilapitan nito si Herald at


inusisa na rin ng kung anu-ano habang siya ay andon sa kusina sa di kalayuan at
nagluluto ng dinner nila.

Inilagay niya sa tray ang tinimplang juice at inihain iyon kay Herald. Binalingan
niya ang tatlo.

�Hoy, hinay-hinay sa pagtatanong kay Herald ha. Baka mawalan ako ng trabaho. Hindi
iyan sanay sa usapang �jungle� baka madala iyang pumunta dito. Pang-conference room
na usapan lang ang sanay iyang galawan. Hindi iyan sanay makipag-usap sa animals!�
sita niya sa mga ito.

Malutong na tawanan ang kasunod ng biro niya. At lalo siya kinilig nang mapansin
niya si Herald na humahagalpak sa pagtawa dahil ang biro niya ay sinundan pa ng
pag-out-of-this-world punch lines ng mga kaibigan niya. Damn that ex-factor on your
face, Herald! Bakit nakikita ko na ang bagay na iyon sa mukha mo?!

�Nakakatuwa itong mga housemates mo, Zhei. Ang kukulit. Ngayon naniniwala na ako sa
kasabihang kung ano ka iyon din ang mga nagiging kaibigan mo,� komento ni Herald.

�Kaya mag-ingat ka kay Ate Azhiella dahil kapag palagi mo iyang kasama magiging
animal ka na rin,� biro ni Luisa.

�Pero parang di bagay sa �yo. Mukhang pang-executive meeting ka nga lang eh,�
segunda pa ni Maryanne.

�Parang lalabas ata ako dito sa bahay na isa ng baliw, Zhei,� sambit ni Herald
pagkatapos inumin ang inihain niyang juice.

Nagtawanan ulit sila. �Sabi ko nga eh. Usapang jungle lang ang meron kami dito kaya
magtiis ka dyan,� hirit naman niya.

Bumalik siya sa kusina para makalayo ng konti sa presence nito. Di na talaga


maganda ang nangyayari. Tuluyan na ata nahuhulog ang loob niya dito. Mula doon ay
naririnig pa rin niya ang tawanan ng mga ito. Nahinto lang ang mga ito nang
dumating si Mrs. Marciella.

Sinalubong agad niya ito at inimbitahan ang lahat sa hapag kainan. Eksakto kasing
katatapos lang niyang ihain ang niluto nang dumating ang ina ni Herald.

�Hija, so would you take my proposal? I listed some songs na gusto ko sanang
kantahin mo sa reunion ng pamilya Pontez,� sabi ni Mrs. Marciella sa pagitan ng
pagkain nito. �You cook well, hija.�

�Ah, thanks po. Okay lang po sa akin na kumanta sa party n�yo. Walang problema,�
tugon niya.

Pinakiramdaman niya ang paligid. Himalang natahimik ang mga kaibigan niya na
mahilig dumaldal at maging si Herald ay wala ding kaimik�imik habang kumakain.
Naubusan ata ng energy ang mga ito sa walang humpay na tawanan kanina.

�Hija, I think my son likes the food so much. Thanks for the dinner,� pakli ni Mrs.
Marciella.

�Wala po iyon. Masyado lang po sigurong napagod si Herald sa pagsusulat kaya


nagutom siya ng husto.�

Napansin niyang nilingon lang siya ni Herald at bumalik na ulit ito sa pagkain. At
pagbaling naman niya kay Mrs. Marciella ay nakatingin ang ginang sa kamay niya at
nakangiti.

�You�re wearing my son�s treasured bracelet. Alam mo ba inakala kong bakla ang
unico hijo ko nang bigla na lang niyang naisipang bilhin ang bracelet na iyan noong
minsang namili kami sa mall. Tapos palagi pa niyang suot. Pero naliwanagan naman
ako noong sabihin niya sa akin ang reason kung bakit niya binili iyan.�

�Ma, don�t dare to tell her my secret,� sita ni Herald sa ina.


Binalingan nito ang anak. �Okay son, I will not.� Bumaling ulit ito sa kanya. �I�m
happy na ikaw ang may suot niyan. Don�t worry hija. Malalaman mo rin kung bakit mo
suot iyan.�

PAGKATAPOS ng kanilang pagsusulat ng script, nag-overtime pa si Zhei para tapusin


naman ang adjustments sa script ng stage play na nire-rehearse na ngayon ng mga
artista ng teatro. At tulad ng madalas na nangyayari, nag-iisa na lamang siya sa
buong seventeenth floor. Alas-nuebe na pero nasa kalagitnaan pa lang siya ng
ginagawa niya.

Kumukurap-kurap na naman ang ilaw sa hallway. Kitang-kita niya iyon dahil ang mesa
niya ay malapit sa glass door ng kanilang office. Bumuntong-hininga siya sa pagitan
ng nerbyos. Kanina pa niya gusto magtatakbo palabas ng opisina pero hindi pa siya
tapos sa ginagawa niya kaya pinagtitiisan muna niya ang maeepal na espiritung ligaw
sa opisina.

�Ay pusa!� bahagya siyang nagulat nang nag-buzz in ang computer niya at sumulpot
ang isang instant message.

Heraldprudence: Hey Partner, akala ko eh umuwi ka na. Still working?

Azhiella: May tinatapos pa akong revision ng script ng stage play. Kailangan na ito
bukas. Malapit na ako matapos. Matulog ka na.

Heraldprudence: �Wag kang papagabi ha. Ibibilin ko na lang ulit sa guard na ihanap
ka ng masasakyang taxi. Are you sure okay ka lang dyan?

Azhiella: Oo sanay na ako.

Heraldprudence: Gusto mo samahan kita dyan?

Kinilig na naman siya. Nagpapakita na naman kasi ito ng concern.

Azhiella: Okay lang ako. Matulog ka na lang dyan... thanks.

Hindi na ito muling nag-send ng message kaya ipinagpatuloy na niya ang ginagawa. At
dahil nadi-distract siya sa maeepal na espiritung pina-power trip siya, inabot siya
ng alas-onse ng gabi. Dapat pala ay di na siya nagpakipot at pumayag na lang siya
sa alok ni Herald na samahan siya.

Nag-sign of the cross siya habang naglalakad sa hallway hanggang sa tapat ng


elevator. Walang multo, walang ganon, hindi iyon totoo. Patuloy niyang kinukumbinsi
na may depekto lang talaga ang mga ilaw sa hallway. Hanggang sa narinig niya ang
mababang boses ng isang lalaking tinatawag ang pangalan niya. Kaboses noon ang
lalaking nagmumulto sa phone noon. Kinilabutan siya. Takot na takot na talaga siya
pero ang elevator ay di nakisama sa kanya. Pawang mas mabagal ang takbo noon mula
sa baba kaya ilang minuto na siyang naghihintay. Napalingon siya sa kabilang bahagi
ng hallway at nakita niyang lumabas mula sa saradong CR ang nagmumultong lalaki.
Pure white ang suot nito, gulo-gulo ang buhok at nakatungo. Totoo nga ang sinasabi
ng mga empleyado doon. May lalaki ngang nakaputi na nagmumulto sa floor na iyon!

�Azhiella�Azhiella�� patuloy nitong tinatawag ang pangalan niya. Unti-unti itong


lumalapit sa kanya at inihain pa nito ang dalawa nitong kamay sa kanya na waring
gusto siyang hawakan. Nakatungo pa rin ito.

Di na niya napigilan ang sarili. Tumili siya sa takot habang patuloy ang paglapit
ng multo sa kanya. Binalingan niya ang elevator pero nasa tenth floor pa lang ito.
Ipinikit na lang niya ang mga mata. Bahala na ang mga santo sa kanya, si Batman at
pati si Robin na rin. Tuluyan na siyang napaiyak sa sobrang takot nang maramdaman
niya ang pamilyar na brasong yumakap sa kanya. Damang-dama niya sa kanyang likod
ang maiinit nitong palad.

�Zhei, bakit ka umiiyak at nagsisisigaw?� pabulong ng yumakap sa kanya.

Iminulat niya ang kanyang mata at tumabad sa kanya ang mukhang bagong gising na si
Herald, ang lalaking nanakot sa kanya. Pupungas-pungas pa ito at halatang napilitan
lang bumangon mula sa mahimbing na tulog. Itinulak niya ito papalayo sa kanya sa
sobrang inis at sa wakas ay bumukas ang elevator kaya pumasok na siya doon. Hinabol
siya ni Herald pero hindi na nito napigilan ang pagsara ng pinto ng elevator. Inis
na inis siya. Pakiramdam kasi niya ay pinagtripan lang siya nito. Pumunta ito sa
seventeenth floor na nakasuot ng purong puti at tinawag-tawag pa nito ang pangalan
niya para takutin lang siya. Peste! Bakit ba ako nagpapaloko pa sa gagong iyon eh
demonyo nga siya! Naiiyak pa rin siya nang bumukas ang elevator sa ground floor.

Papalabas na siya ng building nang tawagin ni Herald ang pangalan niya. Huminto
siya sa may pinto. Pinunasan muna niya ng likod ng kanyang kamay ang mga luha niya
at saka matapang na binalingan ito.

�Alam mo tama na ha. Ayoko sa lahat pinaglalaruan ako!� untag niya.

�Hindi kita pinaglalaruan. Aba malay ko bang mapagkamalan mo akong multo? Eh kaya
nga kita sinundan kasi baka may magmulto ulit sa �yo.�

�Sinungaling!� singhal niya.

�All right, I�m sorry!�

�You broke your promise!�

Inis na inis niyang tinalikuran ito. Nadoon na siya sa hagdan pababa sa pavement ng
gusali nang hatakin siya nito. Dahil hindi niya inaasahan, na-out balance siya.
Akala niya ay tatama ang mukha niya sa konkretong pavement kaya napapikit siya.
Nagtaka siya nang malambot ang nabagsakan niya. Sa pagkakatanda niya, ni basahan eh
walang nakaharang sa pavement na iyon. Pagmulat niya ay bumulaga sa kanya si Herald
na nakahiga at impit na napasinghap. Nakahara ito sa dapat babagsakan niya at ang
kanya palang mukha ay sa dibdib nito tumama.

Dahan-dahang hinila niya ito para maiayos ng upo. Mukha kasing nasaktan ang katawan
nito sa nangyari.

�Gago! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?� singhal niya.

Ngunit sa halip na sagutin ang singhal niya ay agad nitong sinipat ang braso niya.
�Nasaktan ka ba?�

�I�m fine! Kasalanan mo naman ito. Kung hindi mo ako basta-basta hinahatak eh hindi
ako mahuhulog ng hagdan. Kung may balak kang magpatihulog dapat sa rooftop mo
ginagawa iyan. Dinamay mo pa ako. Mababalian ka lang sa ganitong kababang
hagdanan.�

Mataman na tinigan siya nito. �I just try to save you. Hindi ko hahayaang masaktan
ka na lang sa harap ko kung puwede naman kitang protektahan. I promise myself to
take care of you!�

Natigilan siya. Pakiramdam niya ay hinaplos ng mga sinabi nito ang puso niya.
Naglahong parang bula ang inis niya ditto. Dahil wala siyang masabi at napahiya na
rin siya sa sarili niya, tumayo siya sa pagkakaupo at walang lingon niyang pinara
ang taxi at mabilis siyang nakaibis sa lugar na iyon. Nakita niyang nag-attempt pa
itong pigilan siya pero hindi na talaga siya naabutan nito.

CHAPTER SEVEN

Wala siya sa mood makipag-usap kaya binuhos na lang niya ang buong focus sa
sinusulat. Nasa conference room silang dalawa ni Herald at sa tuwing magtatanong
ito ay tango at iling lang ang tugon niya. Naiilang pa rin siya sa nangyari noong
nagdaang gabi. Ayaw niyang maabala sa ginagawa dahil nasa critical stage na sila ng
story, ang conflict and revelation part.

Hanggang sa tumayo na ito at itinigil ang pagsusulat. Humarap ito sa may bintana.

�Partner, galit ka pa ba sa akin?� walang anu-ano�y tanong nito. Bakas sa tono nito
ang pag-aalala.

Wala na siyang maisulat kaya naisip niyang puwedeng isulat ang mga pinagsisintir ni
Herald. Sinimulan niyang i-type ang sinabi nito at ganon din ang mga itutugon niya.

�Bakit? May dapat ba akong ikagalit sa �yo?� tugon niya.

�Zhei naman, I thought I�ve done something wrong last night.�

�Eh alam mo naman pala bakit nagtatanong ka pa? Alam mo ang mga ganyang bagay hindi
na dapat pag-usapan pa. Magugulo lang lalo eh.�

Lihim siyang natutuwa dahil umaakma ang mga ito sa eksena ng Indie Film na
sinusulat nila. Ipinagpatuloy niya ang pagta-type.

�Kaya ayaw mo akong kausapin?� frustrated na sambit nito.

�Bakit? Kinakausap naman kita ah,� tugon niya habang sige pa rin sa pagta-type.

�Yeah, damn right. Kinakausap mo nga ako but your attention is not mine, andyan sa
ginagawa mo,� giit nito.

�Nagtatrabaho ako, Herald. Anong gusto mong gawin ko? Makipagsintiran sa iyo? Kung
gagawin ko iyon, masasayang lang ang oras ko. Pero kung talagang napa-praning ka
na, eh di umakyat ka sa rooftop at tumalon ka.�

Napatigil siya sa tina-type at napangiti. Natumbok mo! Ito ang conversation na


kanina ko pa sinusubukang gawin! She felt so satisfied sa pagkakasulat niya sa
script tulad ng pagkakabigkas ng mga iyon ni Herald. Itinigil na niya ang
pagnanakaw ng linya kay Herald at sinimulan na niya ang revelation scene ng script.
Malapit na silang matapos kaya excited siya sa magiging ending ng story.

Nilingon siya nito. �Bakit ka tatawa-tawa lang dyan? Eh ikaw ata ang napa-praning
eh.� Nilapitan siya nito at nabasa ang script na ginawa niya. �Bakit mo
pinagsusulat dyan ang sentimyento ko?�

Binalingan niya ito. �Bakit? Cute naman ah. Tsaka nauubusan na ako ng lines kaya
iyang pagsisintir mo na lang ang pinagdiskitahan ko. At least, may naging
pakinabang. Hindi nasayang ang laway mo.�

�So, you�re not angry with me?� Tiningnan siya nito na tila may ibig sabihin.

Ibinaling ulit niya ang atensyon sa laptop. �Eh, sino ba ang napapraning dyan na
ang iniisip ay galit ako sa kanya? Magsulat ka na lang ulit at nasa critical part
na tayo.�
Bigla nitong kinintalan ng halik ang sentido niya. Napapitlag siya. �Sa susunod
Partner, lilinawin mo agad sa akin iyan ha ng hindi ako nage-effort na mag-emote.�
Bumalik agad ito sa sariling pwesto. Saglit na tumalon ang puso niya. Nawala na
naman siya sa concentration dahil sa ginawa nito.

Lumipas ang ilang oras at hindi na sila natinag sa kinauupuan nila. Hinabol nila
ang pagkakataong matapos ang script nang araw na iyon. Nagtagumpay naman sila.

�Finally, natapos na rin! Congrats, Partner!� bulalas nito.

�Congrats din. At least natapos na siya. Konting proofread na lang at edit, puwede
na itong isabak sa evaluation ng board,� nakangiting tugon niya.

�Zhei��

�Hmm...� Dahil nasa mood pa siya ay sinimulan na niya ang pag-proofread ng


katatapos lang na script na sinulat nila.

�Puwedeng magtanong?�

�Nagtatanong ka na, Herald.�

Tumawa ito. �Seryoso �to.�

�Seryoso din ako.�

Bumuntong hininga pa ito. Binalingan niya ito. �Sige, ano ba �yon?�

�Ano iyong ex-factor na hinahanap mo sa mukha ng guy? Iyong sinasabi mo na parang


sign na siya na nga ang lucky guy na mamahalin mo.�

Natigilan siya sa pagbabasa dahil emeksena bigla ang puso niya. Heto na naman ang
puso niya, naaaliw na naman. Kung bakit naman kasi bigla-bigla itong nagtatanong ng
kung anu-ano sa kanya.

�Bakit mo tinatanong iyan?� untag niya.

�Hmm..wala lang. Para may mapag-usapan lang. Pero kung ayaw mong sabihin eh okay
rin lang.� Ibinalik nito ang paningin sa laptop. Malamang eh binabasa din nito ang
natapos nilang script.

Napangiti siya. �Gusto kong makita ang guy kapag tulog siya. I need to see some
expressions in his face while sleeping soundly,� tugon niya. Nakita niyang
nagkibit-balikat lang ito at maya-maya ay tumayo. Pumunta ito sa kalapit na sofa.

�Biglang sumakit ang ulo ko. Tulog muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag gusto mo
ng umuwi.� Hindi na nito hinintay na mang-usisa pa siya. Humiga na ito sa sofa at
ipinikit ang mga mata.

Gusto na niyang matawa sa ginawi nito. Nakukuha naman niyang gusto lang nito
sigurong silipin niya ang mukha nito �pag tulog. Napailing na lang siya at
napangiti hanggang sa balikan niya ang pagbabasa. Ilang minuto pa ay naririnig na
niya humihilig na ito. Itinigil niya pansamantala ang pagbabasa at nilapitan ito.
Tumalon ulit ang puso niya nang mapagmasdan si Herald. Para itong bata habang
yakap-yakap ang throw pillow. Napakamaaliwalas ng mukha nito. Mukha talagang anghel
ang isang ito. Maya-maya pa ay umibot ito para umayos ng posisyon at ang anggulo ng
mukha nito ngayon ang lalong nagpatili sa puso niya. Ayokong aminin pero ang
mukhang iyan ang gusto kong unang makita tuwing gumigising ako! Bakit ikaw pa ang
nagmay-ari ng maamong mukha na iyan!

Sinipat niya ang kanyang puso. Her heart only confirms all. Kailangan na talaga
niyang tanggapin. Mahal na niya si Herald.

Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at kinuhanan ng ilang shots ang natutulog na si
Herald. Matapos gawin iyon ay kinuha niya ang coat nito na nakasabit sa swivel
chair at ikinumot dito.

�Sleep tight, Partner!� bulong niya dito. Binalikan niya ang ginagawa.

Makalipas ang isang oras ay nagising na rin ito at walang kamalay-malay sa


pagnanakaw niya ng pictures dito. Nakakaisip na nga siya ng puwedeng gawin. Kung
ipa-print kaya niya ang pictures nito at idikit sa dingding ng kwarto niya? At sa
tapat pa mismo ng kama niya, para pag-gising niya ay ito agad ang makikita niya.

�Tama na iyan, Partner. You deserve some rest.� Inistorbo nito ang pagninilay-nilay
niya.

Nagyaya na si Herald na umuwi. Nagsabay sila sa elevator pababa mula sa thirty-


third floor. Pinindot nito ang ground floor button at tinungo ang gilid ng elevator
na may metal wall samantalang siya ay naaaliw pa sa panonood ng mga bagay-bagay na
tanaw sa glass wall ng elevator. Nang lingunin niya ito ay nakapikit ito at tila
inip na inip sa pagbaba ng elevator. Sila lamang dalawa ang nasa loob.

�Sir Herald, napagod ka? Isang oras ka din nakatulog eh.�

�Don�t break my rule, Partner.�

�Sorry, Herald napagod ka ba?�

�Hindi,� tipid na sagot nito. �Nakatulog na ako, di ba?�

Ay, nagsusungit na naman! Mang-uusisa pa sana siya nang biglang huminto ang
elevator sa twenty-fifth floor at nawalan ito ng kuryente. Stranded sila sa loob.

�What the� mukhang trapped tayo dito, Partner.� Kalmado ang mukha nito ngunit bigla
itong namutla nang makita sa glass wall kung gaano sila kataas. Mukhang ga-monggo
lang ang taong naglalakad nang silipin nila. �Ow, medyo mataas!�

Pinindot nito ang intercom at pinaalam sa security na na-trap sila sa twenty-fifth


floor. Matapos ay nagtungo agad ito sa parte ng elevator na hindi tanaw kung gaano
sila kataas.

�Herald, walang magandang view dyan. Dito ka sa tabi ko para hindi ka mapraning na
na-trap tayo dito.�

�Mas malaking gulo kapag pinilit mo akong tingnan kung gaano tayo kataas.� Walang
anu-ano ay bigla nitong hinubad ang suot na coat pati necktie at ngumiti ito sa
kanya.

�Come near me, Zhei.�

What? Anong gagawin nito sa kanya ngayong sila lang ang nasa elevator at trapped pa
sila? Hindi siya umibo. Bumilis ang tibok ng puso niya.

�Partner, I just want you to be near me.�

�Teka lang, Herald. �Wag kang magtangkang gumawa ng masama dahil papatayin talaga
kita. May balisong ako sa bag ko.� Agad na kinuha niya ang maliit na balisong sa
dalang bag. �Galing ito sa friend kong taga-Batangas.� Binuksan niya ang balisong
at itinutok iyon dito.

�Praning! Hindi kita re-rape-in kaya i-fold mo na lang uli iyan. I just need
someone to lean on.�

She folded it and keep it. �Lean on? Anong tingin mo sa akin? Haligi?�

�Hay naku. Di bale na nga lang.� Isinandal nito ang sarili sa metal wall ng
elevator.

Nilingon niya ito at napansing namumutla na nga ito kaya nilapitan na rin niya ito.

�Herald, okay ka lang ba?� Hindi pa man din ito nakasagot ay biglang yumanig ang
elevator. Kinabahan na rin siya lalo nang maalalang nasa twenty-fifth floor nga
pala sila. Saglit lang naman ang pagyanig pero dahil doon ay napayakap siya kay
Herald.

�Just stay beside me, Zhei. I�ll�� Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bigla
na lang itong nawalan ng malay at dumagan sa kanya.

�Herald! Ang bigat mo!�

At sa eksenang iyon ay biglang gumana na ulit ang pesteng elevator at pagbukas ng


pinto sa ground floor ay nakita sila ng ibang empleyado at security sa di magandang
posisyon.

Sininghalan niya ang mga usiserong nakatingin lang sa kanila sa halip na tulungan
siya. �Anong tinitingin-tingin n�yo dyan ha? Kung binubuhat n�yo na kaya itong si
Sir Herald para makahinga naman ako ng maluwag. Can�t you see? Nawalan ng malay
ito,oy!�

At saka lang tila nahulasan ang mga ito at tinulungan siyang buhatin ang hinimatay
na boss.

SINUSURI na ng company doctor si Herald sa loob ng bachelor�s pad nito habang


kausap naman niya ang Mama nito sa labas ng silid.

�He had an Acrophobia, an extreme and irrational fear of heights. Nakuha niya iyon
nang mahulog siya mula sa isang hanging bridge sa aming rest house at muntik ng
malunod sa artificial river. He was already seventeen that time kaya hindi gano�ng
kadali para sa kanya na labanan ang takot niya. Mula noon, ayaw na niya sa matataas
na lugar kaya yamot na yamot siya dahil nagiging perwisyo sa kanya ang pagsakay sa
elevator dito. He opted to stay near glass windows dahil takot siyang makita kung
gaano na siya kataas,� kuwento sa kanya ni Mrs. Marciella.

�Now, I understand. Pero di ba dapat po kahit papaano eh subukan niyang harapin ang
fear niya?� sambit niya.

�Yeah, pero hindi pa siguro siya handa dahil maliban sa akin, alam kong naghahanap
din siya ng ibang makakatulong sa kanya. At kasamaang-palad hindi niya makita ang
tulong na iyon sa mga specialist.�

Lumabas mula sa silid si Boss Robert. �Hija, hinahanap ka ni Herald.�

Agad siyang nagpaalam sa mag-asawa at pumasok sa loob ng silid. Nakahiga si Herald


at halatang medyo nanghihina pa sa nangyari.
�Zhei, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?� bungad agad nito.

Ow, stop being so concern�nakaka-in love na eh.

�Ikaw talaga. Ikaw na nga itong nawalan ng malay dyan, ako pa itong kinamusta mo.
Okay lang ako. Aray!� Bigla kasi nitong hinatak ang braso niya.

�Oh my! May mga pasa at galos ka! I�m so sorry.� Kitang-kita sa mga mata nito ang
pag-aalala.

�Sus, okay lang iyan. Malayo sa bituka. Dinaganan mo kaya ako. Eh sa liit kong ito,
hindi nga ako nakatayo agad. Pero don�t worry, I�m fine.�

�For sure, sinabi na ni Mama sa iyo ang lahat.� Tumango-tango siya. �Nakakahiya sa
�yo.� Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso habang hindi pa rin binibitawan ng
kanyang kamay.

�Herald, lahat ng tao may fear kaya wala ka dapat ikahiya doon.�

�Samahan mo ako.� Bigla itong bumangon.

�Teka, okay ka na ba? Magpahinga ka kaya muna,� awat niya dito.

�Okay na ako. Tara.� Kinaladkad siya nito palabas ng bachelor�s pad nito. Nakita pa
niya ang gulat na expression ng mga magulang nito nang lumabas sila.

�Teka, saan tayo pupunta?� usisa niya.

�I�m going to face my fear.� Sumakay ulit sila ng elevator.

Napansin niyang kinakabahan pa rin ito kaya hinigpitan niya ang paghawak niya sa
kamay nito.

Nilingon siya nito. �Stay with me, Zhei.�

�I will.�

Dahan-dahan niyang inilapit ito sa glass wall ng elevator. Ilang beses din itong
napaatras pero patuloy niyang inilalapit ito hanggang sa parang nasasanay na ito.
Naabot nila ang rooftop. Binitawan niya ang kamay nito pero parang ayaw pa rin siya
nitong pakawalan.

�You must do this on your own, Herald. Bitawan mo ako. I promise, hindi naman ako
lalayo.�

Binitawan nito ang kamay niya at nagpunta sila sa may gilid ng rooftop. Mataas
naman ang bakod noon kaya kampante silang hindi sila mahuhulog.

�May advantage ang heights. Kapag nasa itaas ka, tinitingala ka ng nasa ibaba.
Kapag nasa itaas ka pakiramdam mo kaya mong gawin lahat. Malaya kang gawin ang
lahat. Iyan ang pakiramdam ko kapag nasa mataas akong lugar.� Nilingon niya ito.
Halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan sa ginagawa nila. Halata pa rin na
natatakot ito tuwing nagagawi sa baba ang paningin nito.

�At tulad ng ibang bagay, may disadvantage din ito. It can kill. I almost die
because of heights,� sabi nito.

�Ganon talaga ang buhay, Partner. Nasa tao na lang kung paano niya ibabalanse ang
advantages at disadvantages ng mga bagay sa paligid niya,� komento niya.
Tumango ito bilang pagsang-ayon.

�Kamusta ang pakiramdam mo ngayon Herald? You just face your fear.�

Iginiya siya nito pabalik sa elevator. �I feel much better. I just conquerred my
fear. And you�re here with me.�

Pumasok sila sa elevator at pabalik na sa gound floor.

�Thanks, Zhei.� Bigla siya nitong niyakap. Hindi na siya nagprotesta. Kung tutuusin
naman ay matagal na niyang naramdaman kung gaano kasarap ang ikulong sa mga bisig
nito. Nang bumitaw ito sa kanya ay inilapit naman nito ang mukha nito sa kanya.
Nagwala ang puso niya. He is about to kiss her. And this will be her first kiss. He
closed his eyes as he aimed to land sweet kisses on her lips. Napapikit na rin siya
at buong pusong tinanggap ang paglapat ng mainit at malambot nitong labi sa kanya.
Masayang-masaya siya. She felt her heart filled with his love. Hindi nito pinaabot
sa mas malalim na level ang halik na iyon kahit na ang tagal nitong inilapat ang
labi nito sa kanya at paulit-ulit siyang hinalikan. And that makes her proud of
having him in her life. He is the first man who respect her entirely.

Ang taray! Saan ko nga ba napanood ang eksenang parang ganito? Komento ng utak
niya.

Matapos ang simple first kiss nila ay nanatili silang magkayakap at nagtititigan
habang bumababa ang elevator. Kaya pareho silang hindi magkamayaw kung saan
babaling nang biglang bumukas ang elevator sa seventeenth floor at nahuli sila sa
akto ng mga kapwa niya empleyado kabilang na si Agnes.

�Ay! Bakla! Ang taray mo!� Narinig pa niya ang tili ni Agnes nang biglang pinindot
ni Herald ang close button. Hindi nito hinayaang may ibang sumabay sa kanila.

CHAPTER EIGHT

�Teka sandali! Wag niyong patatalunin sa tubig si Zhei or else sesante kayong
lahat!� narinig niyang bulalas ni Herald.

Kasalukuyan siyang nakatayo sa flatform at naghahanda sa pagtalon sa olympic pool.


Sport Fest ng Pontez Group of Companies at siya ang representative ng Pontez Media
Productions para sa swimming competition. Tatalon na sana siya kasama ang ilan pang
representatives ng iba pang company ng pamilya Pontez nang biglang umeksena si
Herald.

Napailing na lang siya habang ang iba kabilang ang mga magulang ni Herald at ilang
kaanak nito ay nagtatawanan na.

Humahangos na nilapitan siya ni Herald.

�Ano bang naisipan mo at sasali ka pa dyan?� kunot-noong tanong nito.

�Di ba dapat ako ang magtanong ng ganyan sa �yo. Ano bang naisipan mo at inaawat mo
akong tumalon ha?�

�Gaano kalalim ang pool na iyan?� Hindi nito sinagot ang tanong niya.

�Seven feet.�

�Seven feet! Eh five feet ka lang, tapos tatalon ka dyan? Malulunod ka dyan.�
Naningkit ang mata niya sa inis. �Oo na pandak na ako. Hindi mo na kailangang
ipangalandakan sa buong Pontez Group of Companies na five feet lang ang height ko!
Tumabi ka na nga at tatalon na kami para matapos na ang competition na �to.�

�Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Baka kasi malunod ka.�

Hindi na niya inintindi ito. Sinenyasan niya ang fireman. Kakalabitin na nito ang
gatilyo ng baril nang humirit na naman si Herald.

�Teka kung tatalon ka, tatalon din ako.� Mabilis pa sa alas-kwatrong hinubad nito
ang suot na t-shirt at tsinelas.

Nagtilian ang mga babaeng empleyado. He�s now half-naked, revealing his superb
well-defined body. Napamulagat siya. Parang naaakit siyang yakap-yakapin na lang
ito sa halip na tumalon sa tubig at makipag-compete. Kanila na ang award, basta
siya lang ang yayakap dito. Wala siyang masabi. Pang-model talaga ang dating nito
kahit kinulang sa height.

Naalala niyang muntik na rin itong malunod noon ayon na rin sa kwento ng Mama nito.
Hindi niya alam kung marunong itong lumangoy. �Hey, hindi ka puwedeng tumalon
kasama ko. Ano ka ba?� sita niya.

�Bakit hindi? Ako ang may-ari ng estabishment na ito at gagawin ko ang gusto ko.�

�Marunong kang lumangoy?�

�Ah�basta tatalon ako kasama mo.� Tumuntong ito sa flatform sa tabi niya. Napailing
na lang siya at nilingon ulit ito. Gusto na rin niyang makitawa sa mga nanonood. Ni
tamang posisyon nga sa swimming competition ay hindi nito alam. But yet, ginusto
nitong tumalon kasama niya dahil nag-aalala ito sa kanya. Okay. Puwede na rin.
Hindi na lang siya tumawa bilang pakonswelo sa pagkamalambing nito.

Nang marinig niya ang hudyat ay tumalon na siya sa tubig. Noong nakaraang taon ay
naiuwi niya ang gold medal sa swimming competition ng sport fest na iyon at ngayon,
wala siyang balak magpatalo. Ngunit wala pa siya sa one-fourth ng pool ay napatigil
siya nang mapansing nawawala si Herald.

�Herald! Nalulunod na ata ang anak ko!� patiling sambit ni Mrs. Marciella.

Naalarma siya. Sinisid niya ang tubig pabalik at nakita niya na palubog na si
Herald. Habol na nito ang paghinga. Nagmadali siyang lumangoy papalapit dito at
madaling iniangat ito mula sa tubig. Mabuti na lang at may malay pa ito.

�Magpapakamatay ka ba?� inis na inis na tanong niya. Bigla kasi siya natakot sa
nangyari. Natakot siyang mawala ito sa kanya. �Akala ko marunong kang lumangoy!�

Tinulungan sila ng iba para makasampa sila sa gilid ng pool.

Habol pa rin nito ang paghinga. �Narinig ko na ata ang mga linyang iyan sa isang
Koreanovela. �Hindi ako marunong lumangoy,� pag-amin nito.

�Hindi ako nakikipagbiruan Herald Prudence Pontez. Hindi ka naman pala marunong
lumangoy bakit nagprisinta ka pang tumalon? Alam mo, magpatingin ka sa doctor.�
Sininghalan niya ito. Sa sobrang inis nawala sa isip niyang ang dami palang
nakakarinig sa kanya kabilang na ang kanyang mga boss. Gusto niyang lunurin ulit
ito sa katangahang taglay nito.

�No need okay na ako.�


�Eh hindi naman iyang pagkalunod mo ang tinutukoy ko. Magpatingin ka sa doctor sa
utak dahil may sayad ka na!� Siniko niya ito at napansin niyang humugot ito ng
malalim na paghinga. �O, �wag kang titigil sa paghinga kung ayaw mong patayin kita!

Narinig niyang umugong ang tawanan. Nagiging clown na tuloy siya doon o stand-up
comedienne.

�Parang parehong patay ang kalalabasan ko do�n ah.�

�Tumahimik ka dyan! Mag-ipon ka ng oxygen dyan sa baga mo!�

�Bakit mo ba ako sinisigawan? Muntik na nga ako malunod naninigaw ka pa!�

�Eh kung hindi ka naman eng-eng. Kasalanan mo naman eh. Tatalon ka sa tubig eh
hindi ka naman pala marunong lumangoy. Tapos ako pa itong sisisihin mo?�

�Ayaw ko lang sana na mapahamak ka.� Nag-iba ang expression ng mukha nito.

�Eh ikaw nga itong napahamak sa ginawa mo. Di mo ba nage-gets? �Pag hindi mo kaya
�wag mong gawin.�

Dumilim ang mukha nito. Bigla itong tumayo. Seryoso ang mukha nito nang lingunin
siya nito. �Alam ko naman na noon pa man, isang walang kwentang tao lang ang tingin
mo sa akin. Well, I just tried to protect you. I promised myself to take care of
you. That�s the only reason why I jumped into water kahit my Aquaphobia pa ako. I
thought malalabanan ko rin iyon dahil andyan ka. Nagkamali ako.�

Hindi siya sigurado pero parang nakita niya ang pain at hopelessness sa mga mata
nito. Umusbong ang guilt sa puso niya.

Umalis na ito papalayo sa kanya at sinalubong ito ng mga magulang nito.

�Okay ka lang ba, anak?� humahangos na tanong ng ginang.

�May masakit ba sa �yo, hijo?� tanong ni Boss Robert.

�I�m okay, �Ma,� tipid na tugon nito at saka nilagpasan ang mga magulang.

Naguguluhan pa siya sa sinabi nito kaya hindi siya agad nakapag-react. Pero sa
bandang huli ay hinabol niya ito.

�Sir Herald, sandali!�

Tumakbo siya para maabutan ito ngunit dahil basa ang sahig ay nadulas siya. Nakita
niyang nilingon pa siya nito. Akala niya ay babalikan siya nito at tutulungan tulad
ng pagprotekta nito sa kanya noon ngunit hindi iyon ang nangyari. Nagpatuloy ito sa
paglalakad.

Nasaktan siya sa nangyari. Pakiramdam niya ay isinuko na nito ang lahat at iniwan
na lang siya sa ere. Pinigilan niyang mapaluha habang inaalalayan siya ni Agnes
tumayo. Nakita niya ang tinging nakikisimpatsya ng mga magulang ni Herald bago
sinundan ng mga ito ang anak. Wala na. Hanggang doon na lang siguro ang kwento
nila.

PAULIT-ULIT na pinanood ni Zhei sa youtube.com ang nakakaiyak na video ng Because


I�m a Girl ng Kiss kung saan isinakripisyo ng lalaki ang sariling mga mata para
makakitang muli ang babaeng mahal niya kahit na ang kapalit noon ay ang kamunghian
siya ng babae sa pag-aakalang inabandona na niya ito.
Iyon ang pauli-ulit niyang ginagawa kasabay ng pagtitig din niya sa picture ni
Herald sa cellphone niya. Nakaka-relate siya sa video kahit hindi niya naintindihan
ang senting kanta. Pakiramdam kasi niya ay isang parte ng buhay niya ang nawala
ngayong hindi na niya nakakasama si Herald. Ilang araw na ang nagdaan at hindi na
muling nagkrus ang landas nila ni Herald matapos ang insidente sa Sport fest. Ni
hindi man lang siya nakapag-sorry kung sakaling may offensive siyang nasabi.

Isinasapelikula na ang script na ginawa nila ni Herald kaya mas madalas ay nasa
shooting area ito at nagma-manage. Kapag may adjustment sa script ay pinapadaan pa
nito kay Agnes ang ipapagawa sa kanya. Kapag naman magkakasalubong sila ay nag-iiba
ito ng ruta o kung hindi maiiwasan ay nilalagpasan lang siya nito na parang hangin
at hindi man lang siya nito nililingon. Nasasaktan na ang puso niya. At gaya nga ng
kinatatakutan niya, hindi na niya magawang mamuhay ng normal. Palagi niya itong
naiisip. Alam niyang masama ang loob nito sa kanya at naiinis na rin siya sa sarili
dahil hindi man lang niya magawang lapitan ito at kausapin para maayos na ang
lahat.

Maging ang Windows Media Player ng computer niya ay umeepal din. Nang buksan niya
ang program na ito ay How Deep is your Love ang biglang nag-play in. Favorite song
niya ito pero bakit ngayon nasasaktan na siya habang naririnig ito? Nilipat niya
ang song at ang pumalit, The Art of Letting Go. �Now here it comes, the hardest
part of all. Unchain my heart that�s holding on. How do I start to live my life
alone. Guess I�m just learning, learning the art of letting go�� Gusto na niyang
ihagis ang computer niyang walang pakisama.

�Magandang babae, pinapaayos ito ni Sir Papable,� sambit ni Agnes sabay patong ng
folder sa mesa niya. �Ayaw ka pa rin kausapin ni Sir Herald, ano. Okay lang iyan,
�day. Marami pang lalaki sa mundo. Meron ding naka-reserve para sa iyo.�

Binuklat niya ang folder. �Hindi sa ganon eh. Ayokong mag-goodbye sa taong may sama
ng loob sa akin. Pakiramdam ko eh nasaktan ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ko
siya nasaktan.�

�Mag-sorry ka, �day,� payo nito.

�Nagawa ko na iyon. Nag-send ako ng email sa kanya pero hindi niya pinansin. Ang
mga natatanggap kong email mula sa kanya ay puro trabaho ang laman. Nakakaloka pala
ang ma-inlove. Iwan mo muna ako, Agnes. Tatapusin ko lang itong pinapaayos ni Sir
Herald.�

�Sige, don�t worry. Maaayos din iyan.�

Sana nga�

Hanggang sa Music lounge kung saan siya nagpa-part time singer ay windang pa rin
siya. Malapit na siyang sumalang sa stage kaya nag-aayos na siya sa backstage.
Walang dapat makahalata na problemado ang puso niya. Pinanatili niyang nakangiti
siya kahit na ang totoo ay gusto na niyang umatungal sa isang sulok.

�Zhei, may magshu-shooting daw dito ng pelikula. Nagre-request sila ng singer. Ikaw
na lang ang isasabak namin since ikaw ang pinakamagaling dito,� nakangiting bida sa
kanya ng manager ng Music lounge.

Nag-pretend siyang okay lang siya. �O sige po. Ano po bang kakantahin ko habang
nagshu-shoot sila?�

Ibinigay nito ang list ng mga kanta. May bigla siyang naalala sa listahan ng mga
kanta. Mga paborito niyang kanta ang mga iyon at sa natatandaan niya, ganon din ang
mga kantang ine-recommend niya kay Herald nang magtanong ito kung anu-ano ang
magagandang kanta na puwedeng magamit sa isang scene ng Indie Film. Napaisip siya.
Posible kayang ang magshu-shooting sa videoke bar ay sina Herald? �Pag nagkataon ay
makikita niya ito ngayong gabi.

Bumuntong-hininga siya. Inalis niya sa utak niya ang naisip. Nang hustong maihanda
na niya ang sarili ay biglang may lumitaw sa likod niya.

�Miss, puwede bang makahiram ng gunting?� Familiar ang boses nito.

At nang lingunin niya ito ay nakita niya agad ang pagkailang sa mukha nito.
Nagkatitigan sila ngunit siya na ang unang umiwas ng tingin. Kinuha niya ang
gunting sa isang kahon at iniabot iyon kay Herald.

�Sir, heto po.� Hindi niya sinalubong ang tingin nito.

�What are you doing here?� malamyang tanong nito.

�Part time singer ako dito �pag Friday at Saturday nights. Ako daw iyong kakanta
pag nag-shoot kayo.�

�Hindi mo na dapat pinapagod ang sarili mo �pag weekends. Nakakabuhay naman ng tao
ang sweldo mo sa kompanya ah.�

�Matagal ko na pong ginagawa ito. Kumakanta na ako dito bago pa ako ma-hire sa
Pontez Media Productions. At masaya ako sa ginagawa ko. Don�t worry, hindi ito
makakasama sa imahe ng kompanya mo.�

Akala niya ay makikipagtalo pa ito tulad ng dati pero nagkamali siya. Nagkibit-
balikat lang ito. �Okay, thanks sa gunting. Isasauli ko na lang sa staff mamaya.�
At sa isang iglap lang ay iniwan na siya nito.

Iyon na lang �yon. Para siyang stranger kung kausapin nito. Nasasaktan na talaga
siya. Napaluha na tuloy siya ngunit saglit lang iyon. Hindi ito ang tamang oras
para ipagluksa niya ang kanyang sugatang puso dahil may trabaho pa siya. At sa
linya niya bilang singer slash comedienne ay hindi puwede ang mag-inarte.

Pinilit niyang magmatapang. Nang umayat siya ng stage ay nagpalakpakan ang mga
palaging tambay ng bar tuwing weekends. Kilala na siya ng mga ito kaya palagi na
lang siyang may warm welcome. Mula sa stage ay tanaw niya si Herald na abala sa
pagtulong sa director sa magiging anggulo ng shooting. Dahil alam niyang hindi pa
naman nagsisimulang mag-shoot ng film sina Herald ay humirit muna siya ng ilang
punch lines.

�Alam n�yo ba mga katoto, may magshu-shooting dito ngayon. Palakpakan muna natin
sila!� hirit niya. Pumalakpak naman ang mga cooperative tambays. Napalingon sa
kanya si Herald.

�Ayan, welcome mga nagshu-shooting!� Kinawayan pa niya si Herald. �Enjoy lang kayo
dyan ha! Balita ko kasi magagaling ang nagsulat ng film na iyan. Ehem, Ehem� At
alam n�yo ba mga tambays, narito ngayon ang isa sa mga writers ng film na ishu-
shoot nila. Palakpakan naman natin si Mr. Herald Pontez!� Itinutuok pa ng spotlight
si Herald. Natural na ang ganong eksena sa mga music at comedy bars kaya enjoy lang
ang lahat. Maliban kay Herald na tila napipikon sa ginawa niya kahit nakangiti ito.
Oo nakangiti ito pero hindi siya sigurado kung totoo ang mga iyon o napilitan lang
itong ngumiti bilang pakikisama.

�Tama na spotlight at naiistorbo natin si Mr. Papable!� Bumalik ang spotlight sa


kanya. �Sumesenyas na si Manager, kumanta na daw ako. So kakanta na ako. Pero teka,
may ie-explain pa nga pala ako. Di muna kami tatanggap ng request hanggang sa
matapos nina Papable over there ang shooting kasi kailangan nila iyong mga kanta sa
ikagaganda ng pelikula. Okay lang ba iyon sa inyo?�

�Okay lang. Okay lang,� sigaw ng audience.

�Sure? Sige kakanta na ako� kakanta na ako� kakanta na talaga ako. Hindi n�yo ba
ako aawatin?� Nagtawanan ang audience. Nakita rin niyang napatawa rin si Herald
pero nang tingnan niya ito ay bigla itong nagseryoso.

�Tunay na, kakanta na ako. Ang song na ito ay medyo luma na pero masarap balikan.
This song is one of the requested songs from the film makers over there. I dedicate
this song for the guy who gave me his treasured bracelet.� Nakita niyang
napatunghay bigla si Herald. Nginitian niya ito.

�I want somebody to share,share the rest of my life. Share my innermost thoughts,


know my intimate details. Someone who'll stand by my side and give me support. And
in return he'll get my support. He will listen to me when I want to speak about the
world we live in and life in general. Though my views may be wrong, they may even
be perverted. He'll hear me out and won't easily be converted. To my way of
thinking in fact he'll often disagree. But at the end of it all, he will understand
me��

At habang kumakanta siya ay nakikita niyang umaarte na sa harap ng camera ang mga
artista ng Indie Film habang si Herald ay naupo na rin sa isang mesa doon. I hope
kami na lang ni Herald ang dalawang iyon. At least alam kong may happy ending sila.
Hindi katulad ng real life� walang nakakaalam kung anong klaseng ending ang
mangyayari sa aming dalawa o kung tapos na nga ba ang kwento namin.

Marami pa siyang kinanta hanggang sa matapos ang shoot at magsara ang music lounge.

Pag-uwi niya ng bahay ay naabutan niya ang sina Maryanne, Selene, at Luisa na tila
hinihintay talaga siya.

�Bakit gising pa kayo? Alas-dos na ng umaga ah. Matulog na nga kayo,� sita niya sa
mga ito. Alam niyang nahahalata na rin siya ng mga ito pero pagod na pagod na
siyang isipin pa ang lahat sa kanila ni Herald.

�Zhei, alam naming may nangyayari sa �yo. Sabihin mo na sa amin. Magkaaway ba kayo
ni Herald?� tugon ni Maryanne.

�Sinaktan ka ba niya? Bakit ganon? Ang bait naman niya sa amin noong nadito siya
tapos ganon na lang iyon?� komento ni Luisa.

��Wag n�yo na problemahin iyon. Okay lang ako. Kaya ko �to. Lalaki lang siya. Hindi
niya ako mapapataob,� tugon na lang niya habang pinipigilan ang mapaiyak.

�Ate, hindi iyan ang nakikita namin sa mata mo,� sabat ni Selene.

Sa di niya mawaring dahilan ay sumuko na ang puso niya. Sunud-sunod na pumatak ang
luha mula sa kanyang mga mata. Agad siyang niyakap ng mga kaibigan.

�Don�t worry ate, may araw din ang lalaking iyon.�

�Sis, nadito naman kami. Di ka namin pababayaan.�

�Ate, one day pagsisisihan din niya na pinakawalan ka niya.�

Unti-unting gumaan ang loob niya dahil sa pag-comfort ng mga kaibigan niya.
�Nabuhay ako ng wala siya. Kaya ko rin iyon ngayon. Walang pinagkaiba. After all,
hindi naman niya sinabi kahit minsan na mahal niya ako. Bangenge lang ako at
hinayaan ko lang basta-basta ang sarili kong magmahal.�

Nagdiretso siya sa sariling kwarto matapos ang usapan nila ng mga kaibigan. Humiga
siya sa kama. Ngunit nang bumaling siya sa kanan ay mukha pa rin ni Herald ang
nakikita niya. Idinikit niya kasi ang mga pictures nito sa dingding para tuwing
gigising siya sa umaga ay mukha nito ang una niyang makikita. Hinaplos niya ang mga
larawan nito na nakapikit at tulog na tulog. Hindi niya maintindihan ang sarili
niya. Nasasaktan na nga siya pero hindi pa rin niya maikakaila na mahal pa rin niya
ito. Gano�n ba talaga kapag true love o first love?

I love you, Partner and I miss you so much!

CHAPTER NINE

Kahit na hindi pa sila nagkakaayos ni Herald, nagpunta pa rin siya sa


Family Reunion ng mga Pontez. Bago kasi ang gabing iyon ay sinadya ulit siya ni
Mrs. Marciella sa bahay niya at sinabing welcome pa rin siyang maging singer sa
gabi ng swimming party. Sa bahay nina Herald ang venue. Mas maaga siyang pinapunta
doon ni Mrs. Marciella para daw makapag-rehearse pa siya kasama ng arkilado nitong
banda. Kumpleto sila sa manunugtog. May pianist, acoustic guitarist, violinist, at
isa pang whole package na rock band. Any kind of songs will do. Pero mas pinili
nila ng mga musikero na medyo reggae, acoustic, at Bossa Nova ang tutugtugin nila
base na rin sa tema ng party maliban na lang kung biglang may mag-request ng ibang
type ng kanta.

Nakatayo ang stage malapit sa pool. Kinakanta niya ang MYMP revival
version ng Game of Love bilang rehearsal piece nang lumabas sa may swimming pool si
Herald. Nakatingin lang ito sa kanila habang kumakanta siya. Hindi siya nag-iwas ng
tingin. Pansin pa rin niya sa mga titig nito ang sama ng loob sa bagay na hindi
niya alam kung ano. Ano ba talaga ang problema natin, Herald? Pilit niyang
tinatanong iyon ng isip niya pero wala siyang nahagilap na sagot.

Hanggang sa gumabi na at dumarami na ang tao sa paligid. Dumating na


ang mga kamag-anak nina Herald. Ang iba dito ay pamilyar sa kanya dahil sa nagdaang
Sport Fest at ang iba naman ay hindi. Nakakanta na siya ng ilan sa mga kantang nasa
listahan na ibinigay ni Mrs. Marciella. Kasalukuyang ang kahalili niyang banda ang
nakasalang sa stage. Nakaupo lang siya sa mini bar at umiinom ng iced tea habang
pinapanood ang paligid. Ang dami palang myembro ng prominenteng angkan ng mga
Pontez. Iniisip niya kung talagang exclusive lang sa pamilya ang party. Siguro
naman ay may ibang hindi kamag-anak na dumalo din kaya marami ang bisita. Nakita
niyang dumaan sa harap niya si Herald kasama ng mga pinsan nito. At tulad ng dati,
para lang siyang hangin na nilagpasan nito.

��Insan, iyon ba �yong Azhiella na sinasabi mo? Cute ha.� Narinig pa


niyang sabi ng isa pero wala siyang narinig na tugon mula kay Herald. Blangko din
ang ekspresyon sa mukha nito.

Napabuntong-hininga siya at nalungkot habang inaabala ang sarili sa pagsimsim ng


iced tea niya. Konti na lang at kakausapin na sana niya ang bartender na panay ang
tingin sa kanya nang biglang may dalawang babaeng sa tantiya niya ay kaedad niya
lang ang tumabi sa kanya at magiliw na binati siya.

�Hi, ako nga pala si Sophie and this is my younger sister Sandra,�
pakilala ng isang babae.
�Hi,� bati rin niya.

�Pinsan kami ni Kuya Herald. So maybe you�re Azhiella Quijado,� sabi ni


Sandra.

�Yeah. Mrs. Marciella invited me to sing throughout the party.�

�Oh, so ikaw na nga!� bulalas ni Sophie na parang excited.

�Ang alin?� napakunot-noo siya.

�Ang nag-iisang babae sa buhay ni Kuya Herald! So totoo pala, mag-


aasawa na nga si Kuya.�

�Palagi kang bukang-bibig ni Kuya. Si Zhei ay ganito, si Zhei ay


ganyan, at palagi ka daw niya naiisip,� dagdag pa ni Sandra.

Ha? Iniisip siya nito? Totoo kaya ang pinagsasabi ng mga ito sa kanya?

�Ah, eh.. siguro dahil co-writer niya ako sa Indie Film kaya ganon,�
depensa naman niya.

�I don�t think so. Marami nang nakatrabaho si Kuya na babaeng single


pero ikaw lang talaga ang kinukwento niya with all excitement,� sabi ni Sandra.

�Oh my God!� iniangat ni Sophie ang kamay niya. �You�re wearing his
treasured bracelet! Zhei, welcome to Pontez family!� Niyakap pa siya nito.

Teka, ano ba ang pinagsasabi ng dalawang ito? Naalala niya bigla ang
mga sinabi ni Herald tungkol sa kagustuhan ng nanay nito na siya ang maging asawa
nito at ang misteryosong bracelet.

�Ah, teka sandali. Para saan ba itong bracelet niya? Kasi basta na lang
niya ito ibinigay sa akin.�

Nagkatinginan ang dalawa at bumaling ulit sa kanya. �Hindi niya sinabi


sa �yo kung para saan iyan? Si Kuya talaga! Ang bracelet na iyan ay parang
engagement ring ni Kuya. Tatanggalin lang daw niya iyan at ibibigay sa taong mahal
niya kapag handa na siyang magmahal,� paliwanag ni Sophie.

�At ikaw na nga ang maswerteng babaeng iyon,�segunda pa ni Sandra.

Natameme siya. Nalilito na kasi siya. Kung totoo ang mga sinasabi ng
mga ito, ibig sabihin ba noon ay mahal na rin siya ni Herald? Pero bakit kuntodo-
iwas ito sa kanya ngayon?

Maya-maya pa ay iniwan na rin siya ng dalawa para makipagkwentuhan sa


iba pang mga kamag-anak ng mga ito. Nag-iisa na ulit siyang nahuhulog sa malaim na
pag-iisip habang pinagtitiyagaan ang isang basong iced tea. Bahagya pa siyang
nagulat nang biglang may nagpatong ng plato sa harap niya na may lamang lasagna.
Nilingon niya ang nagpatong noon at tumambad sa kanya ang nakangiting si Mrs.
Marciella. Tumabi ito sa kanya.

�Are you enjoying the party, hija my dear?� tanong nito. �This is my
specialty. You need to taste it!�

�Oo naman po. Salamat po.� Pilit siyang ngumiti. Ayaw naman niyang
madismaya si Mrs. Marciella sa kanya. �Kayo po ba nag-enjoy sa mga punch lines ko
kanina?�
Habang nasa stage kasi siya kanina ay humihirit siya ng ilang patawa na lagi naman
niyang ginagawa kapag nagpe-perform siya sa mga informal gatherings tulad nito.
Tinikman niya ang lasagna bilang pagpapakita ng appreciation kahit na wala naman
siya sa mood kumain.

Tumawa ito.�Oh yes, hija. I enjoy your humor so much. Kaya nga gustong-
gusto kita eh.� Biglang nagbago ang ekspresyon nito na pinagtaka niya.
�Nanghihinayang lang talaga ako sa inyo ng anak ko. I admit hija, gusto talaga kita
para kay Herald dahil ikaw lang ang taong nakatulong sa kanya na labanan ang phobia
niya. Masaya siyang tuwing magkasama kayo. At ikaw lang ang tanging taong hinayaan
niyang mag-break ng mga rules niya.�

Itinuon niya sa iced tea ang paningin. �Hindi ko nga po alam kung ano
ang ikinagalit niya sa akin at parang hangin na lang akong nilalagpas-lagpasan niya
ngayon. Kunsabagay, pagkakaibigan lang naman po ang meron kami. But I definitely
agree, Mrs. Marciella. Nakakapanghinayang na sa ganon lang natapos ang
pagkakaibigan namin.� Pansamantala niyang kinalimutan na nag-kiss na nga pala sila
at nagholding-hands.

�Alam mo ba, palagi ka niyang binibida sa mga Tito at Tita niya. Sooner
or later daw ay mag-aasawa na rin siya kaya tuwang-tuwa ang angkan namin. Sinabi pa
niya na imbitahan daw kitang singer sa reunion na �to para makilala ka daw ng iba
pa naming relatives.�

Muntik na siyang masamid sa narinig. Kabaligtaran kasi ang sinabi nito


sa sinabi ni Herald noon sa kanya.

�H-ho? Parang kabaligtaran po ata ang sinabi sa akin ni Herald noon.�

�Bakit? Ano bang sinabi niya?� nagtatakang tanong ng ginang.

�Na kayo daw po ang nagi-insist na pumunta ako dito dahil ipapakilala
n�yo daw ako sa angkan ninyo bilang future wife niya. At dahil kinanta ko daw noon
ang How Deep is Your Love sa harap n�yo eh hindi n�yo daw ako titigilan hangga�t di
ako pumapayag na maging asawa niya.�

Tumawa ng malakas si Mrs. Marciella. �Ang anak ko talaga, dinamay pa


ako sa kalokohan niya. Siya ang naghahanap ng babaeng kakanta ng How Deep is Your
Love ng buong puso parang maging asawa niya at hindi ako,� paglilinaw nito. �Isa
iyon sa kawirduhan ng anak ko. Palagay ko eh mahal ka ng anak ko noon pa. At dahil
sa ego ng mga lalaki ay nag-imbento pa siya ng gimik na ganon. Now, I understand
him better. Noong iniwan niya sa �yo ang bracelet na iyan, naramdaman ko na agad
na may pagbabagong magaganap sa anak ko. At nakita ko nga ang mga bagay na iyon ng
sumunod na mga araw.�

�Gimik lang iyon? Eching?� nilingon niya ang tatawa-tawa pa ring si


Mrs. Marciella. �Mrs. Marciella, pasensiya na po pero gusto kong sabihin na�
praning po ang anak n�yong iyon. Pero, masaya po ako dahil naging parte ako ng
buhay niya sa maikling panahon.�

�Pagpasensyahan mo na lang muna ang anak ko. Kung talagang mahal ka


niya ay darating din ang pagkakataong aamin din iyon.�

Iyon ay kung hindi pa nagbabago ang damdamin nito sa kanya.

Tumayo siya nang marinig niyang tinawag na siya ng emcee ng party.


Nagpaalam siya kay Mrs. Marciella at nagpunta sa stage. Habang naglalakad ay halo-
halong emosyon ang nararamdaman niya. Base sa mga sinabi ni Mrs. Marciella,
lumalabas na minahal din siya ni Herald. Pero bakit tumigil na lang ito sa
pagmamahal sa kanya? Agad siyang bumuo ng desisyon. Tatapusin na niya ang lahat at
magmo-move on. Sabi nga ni Agnes, marami pang lalaki dyan. Meron ding para sa kanya
at marahil hindi si Herald iyon.

Pag-akyat niya ng stage ay nag-ibang anyo na naman siya. Isang makulit


at makwelang si Azhiella, isang singer slash comedienne. Humirit ulit siya ng ilang
punch lines.

�Hello, mga ka-family. I�m back on the stage! Na-miss n�yo ba ako?�
bungad niya.

�Si Kuya Herald, miss ka na sobra as in!� sabay na sigaw nina Sandra at
Sophie. Napalingon siya sa direction ng mga ito. Katabi ng dalawa si Herald na
umiiwas na tingnan siya.

Ouch, kahit isang lingon man lang ay hindi siya nito pinagbigyan.

�Isa lang ang nakaka-miss sa akin, grabe naman iyan.� Nagtawanan ang
audience. Biglang lumapit sa kanya ang bartender at may inabot na maliit na papel.
�Aba! May love letter si Mr. Bartender! Koya ha. Sombong keta sa asawa mo �dung!�
tumawa ulit ang audience habang binabasa niya ang pirasong papel.

�Okay, Pontez Family. Sabi sa love letter ni Koya�. kumanta naman daw
ako ng isang song para kay� Herald.� Biglang lumungkot ang mukha niya ngunit
pinilit niyang bawiin ang emosyon. Pinilit niyang ngumiti. �Request ito ng butihing
mother dear ni Herald kaya nawalan ako ng human right na tumanggi. Okay sige, ano
ba ang kakantahin ko?� Hack the Herald angel sing, glory to the new born King��
Umugong ang malakas na tawanan nang kumanta siya ng maikling linya ng Christmas
song.

�Nagbibiro lang ako� kayo naman masyado naman kayong nagpapaniwala sa


hirit ko. Seryoso na. Tama na muna ang tawa at nag-iisip pa ako ng kakantahin��
Nagpalipat-lipat siya ng pwesto sa stage. Letse! Anong bang kanta ang best para sa
iyo? Ayokong kantahin ang How Deep is your Love dahil nakanta ko na iyon kanina at
nakakasawa na!

�Okay. Seryoso na ha� last song ko na ito kaya grab ko na ang opportunity na ito
habang akin pa ang stage.� Sumeryoso ang audience. �Gusto kong magpasalamat sa
Pontez Family. Si Boss Robert ang nagbigay sa akin ng trabaho, pinagkatiwalaan din
ako ni Mrs. Marciella para maging co-writer ng anak niya sa unang Indie Film
project ng kompanya, at binigyan din ako ni Sir Herald ng sakit sa ulo.� At puso.
Ang seryosong audience ay nagtawanan ulit.

�Last song ko na ito kasi mag-aalas dose na, kailangan ko ng umalis�� umugong ang
pagtutol ng audience. �Baka kasi magpalit na ako ng ibang anyo sa harap n�yo. Baka
mahati ako dito, malapa ko pa kayong lahat eh di lalo akong nawalan ng trabaho
niyan. Pagdating ng Monday makakatanggap pa ako ng napakahabang memo na ang mensahe
lang naman ay �lumayas ka na dito sa Pontez, Azhiella, aswang ka!� O di ba, kaya
aalis na ako bago mag-alas dose.� Umugong ulit ang tawanan.

�Bakit ba kayo tawa ng tawa? Seryoso na talaga ako. After singing this wonderful
song eh, eeskapo na ako kasi baka �pag nagtagal pa ako dito ay�. masaktan pa ako
lalo.� Sumeryoso ulit ang audience.

�Humihingi ako ng sorry sa isang bata dyan dahil hindi ko talaga alam kung bakit
siya nagalit sa akin. Sana kahit sa maikling panahon ay may mabuti naman akong
nagawa sa buhay mo.� Sinenyasan niya ang banda sa likod niya. �I heard him singing
this song while we were on our way home from our writing session in Tagaytay.
Nakatulog nga ako noon habang kinakanta niya ang kantang ito. This song is for you�
Herald.�

Tumahimik ang paligid. Marahil ay binigyang daan ng mga ito ang pagkanta niya.
Maya-maya pa ay sinimulan na niya.

�Lift your head, baby, don't be scared of the things that could go wrong along the
way. You'll get by with a smile. You can't win at everything but you can try. Baby,
you don't have to worry 'coz there ain't no need to hurry. No one ever said that
there's an easy way. When they're closing all their doors and they don't want you
anymore. This sounds funny but I'll say it anyway. Boy I'll stay through the bad
times. Even if I have to fetch you everyday. I'll get by if you smile.You can never
be too happy in this life...�

Habang kumakanta siya ay napansin niyang lumapit sa may stage si Herald at


pinagmasdan lang siya nito. Tinitigan siya nito tulad ng dati na parang siya lang
ang nag-iisang babae sa mundo nito. Muntik na siyang pumiyok dahil naramdaman na
naman niya ang pagtalon ng puso niya. Akala niya ay nakalimutan na niya ang
pakiramdam na iyon. Ngunit nagbalik ang kakaibang damdaming iyon na ipinukol ng
puso niya para dito. Para kay Herald lang.

Pagkatapos niyang kumanta ay nagpalakpakan ang audience.

�Thank you guys for having me here. I have to go.� Ibinigay niya ang mic sa
vocalist ng banda at bumaba na siya ng stage. Nakaharang sa daraanan niya ang
ngingiti-ngiting si Herald pero gaya ng ginagawa nito sa kanya ay nilagpasan na
lang niya ito na parang hangin. Dinampot niya ang kanyang bag sa mesa ng mini-bar.

CHAPTER TEN

�Harangan n�yo siya. Hindi ka puwedeng umalis agad, Partner!� Narinig niyang utos
ni Herald sa mga tauhan nito. Humarang agad sa daraanan niya ang ilan sa bodyguards
ni Boss Robert.

�Ano na naman ba ang problema mo ha?� Nilingon niya ito. �Nagpaalam naman ako ng
maayos sa inyo, sana man lang ay hayaan mo na ako makaalis. Sige ka, kapag dito ako
nagpalit ng anyo ikaw ang una kong lalapain!�

Nakuha nila ang atensyon ng lahat. Narinig pa niya ang konting tawanan ng mga
kamag-anak nito dahil sa sinabi niya. �Hindi ka pa puwedeng umalis dahil may bagay
kang tinangay mula sa akin,� mahinahong sambit nito. Naiinis siya dahil pangiti-
ngiti lang ang loko at hindi niya alam kung bakit. Samantalang siya, patuloy na
pinipigilan ang sariling tuluyang masaktan. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan na
naman siya nito.

�What?� Naalala niya ang bracelet. Hinubad niya iyon at ipinatong sa mini-bar. �O
iyan ha. Nadito sa mini-bar ang bracelet mo. Okay, ba-bye!� Tinalikuran niya ito
pero nakahara pa rin ang mga guards.

�Hindi iyan ang tinutukoy ko, Partner.�

Binalingan niya ulit ito. �Ah iyong laptop! Isasauli ko sa iyo bukas ng umaga.
Alas-otso, dadalihin ko dito.� Tinalikuran ulit niya ito.

�Hindi rin iyon. Hindi ka pa puwedeng umalis.�

Naiinis na siya. �Ano pa bang gusto mo?� Hinarap niya ulit ito. Ilang metro pa ang
layo nila sa isa�t isa. Konti na lang at gusto na niya itong sugudin at suntukin sa
mukha. Nakakaloko na kasi ang mga ngiti nito na lalong nagpapabilis ng tibok ng
puso niya. Mahal kong puso, ano ka ba? Tumigil ka na nga! Masasaktan ka lang eh.

�You can�t just leave this place while carrying something important you got from
me, Zhei.�

�Alam mo, wala akong oras sa palaisipan mo kaya paalisin mo na ako, please!�
Tinalikuran ulit niya ito.

�My heart, Partner. You stole it from me. Hindi ka puwedeng mag-walk out na lang
basta dyan tulad ng palagi mong ginagawa dahil ako ang magsa-suffer dahil tangay mo
ang puso ko. Ibalik mo iyon o iyong puso mo na lang ang iwan mo dito. I love you,
Zhei,� pagtatapat nito.

Natigilan siya. Sa sobrang pagkagulat ay binalingan ulit niya ito. Umamin na ito sa
kanya. Kahit na kanina pa niya alam na minahal din siya nito dahil sa mga kwento ng
ibang tao, nagulat pa rin siya. Mismong dito na kasi galing ang mga salitang iyon
at hindi na basta-basta kwento lang. Nagtangka itong lumapit sa kanya pero inawat
niya ito.

�Hep! �Wag na �wag kang lalapit sa akin ngayong hindi ko maintindihan iyang mga
pinagsasasabi mo. Subukan mong lumapit sa akin at ihahagis kita sa six feet
swimming pool na iyan!� banta niya.

�Zhei, please listen to me first. Mahirap sa akin ang ginagawa kong ito dahil
nagmumukha akong tanga sa harap ng pamilya ko.� Oo nga naman, pinapanood nga pala
sila ang buong pamilya nito na parang shooting sa pelikula.

�Alam mo, simple lang ang buhay eh. Kung nahihirapan ka, �wag mong gawin.�

�Pero kapag hinayaan kitang umalis ngayong gabi, para ko na ring hinayaang mamatay
ang kalahati ng buhay ko. Pagsisisihan ko iyon ng buong buhay ko. Kailangan ko na
itong sabihin ngayon. Hindi ko dapat hayaang lumagpas ang pagkakataong mahalin ka
habambuhay.�

Napabuntong-hininga siya. Masyado siyang nagugulantang sa mga sinasabi nito. Okay


na sana sa kanya ang sinabi nito na mahal siya nito pero kung anu-ano pang
pagpapaliwanag ang sinasabi nito kaya lalo tuloy niyang nararamdaman ang pagmamahal
nito. Lalo tuloy siyang nalilito. Nilingon niya ang bartender na nakikiusyoso sa
nangyayari. �Kuya, pahingi ngang tubig. Hindi ko na ma-absorb ang pinagsasabi
nitong amo ninyong may sapi.�

Agad naman nitong iniabot ang tubig sa kanya at straight na ininom niya iyon. Pero
kahit ang tubig ay walang nagawa sa nagwawala niyang puso.

Pinabayaan niya itong mag-explain. �I never thought I�m going to fell in love with
you. I never even thought I�m capable of such thing as falling in love. Tahimik,
smooth, at walang thrill ang buhay ko noon until dumating ka. Nag-iba ang takbo ng
buhay ko noong sigawan at tarayan mo ako sa supermarket hanggang do�n sa elevator.
Lalo kang tumatak sa isip ko nang bigla mo na lang akong takbuhan noong gabing iyon
na para kang nakakita ng multo. Yes, you stayed in my mind from the very first time
I saw your face until now.

�I thought it was just a mere attraction, crush maybe. But everything confirmed na
hindi lang ganon ang nararamdaman ko. Nang sinubukan kong hawakan ang kamay mo, it
made me realized that I�m falling already. Ikaw lang ang kabukod-tanging taong
nakatulong sa akin na harapin ang phobia ko sa heights at sa �yo lang ako nagtiwala
ng ganon. Dahil doon, I fell in love with you even more and that made me promise
myself to take care of you. Nasabi ko na iyan sa �yo noon. I �ll promise to take
care of you, Partner. Pero sa tuwing kailangan mo ng saklolo, sumasablay ako. I
supposed to save you from that damn roaming ghost in the seventeenth floor pero
anong nangyari? Napagkamalan mo pa akong multo, natakot pa kita at nagalit ka sa
akin. At doon sa elevator, sa halip na alisin ko ang takot sa puso mo, ako pa ang
naunang hinimatay. Sa halip na protektahan ka, napahiya lang ako sa harap mo.

�Until that sport fest came. Nang muntik na akong malunod, na-realize ko na
napakaliit ko pala despite of money and power. Wala akong silbi dahil hindi pala
kita kayang ipagtanggol, protektahan, at alagaan ng buong-buo dahil maging sarili
ko nga ay di ko kayang iligtas. That made me back off with my plans. I supposed to
tell you everything about this strange feeling on that date pero dahil do�n,
mabilis akong nagpasya na sumuko na lang.�

�Ay, sino bang nagsabi na gawin mo ang mga bagay na iyan? Kung sinabi mo na lang
iyan noon eh di sana nagkaintindihan tayo.� Tatlong baso na ng tubig ang naiinom
niya.

Lumapit na ito sa kanya at sa pagkakataong ito, hindi na niya ito inawat. �Wala
akong lakas ng loob. Sinabi mo ring hindi mo ako type, na hindi mo pinangarap man
lang na maging girlfriend ko kaya paano ako aamin? Mas risky pa �yon kaysa sa isang
multi-million business deal. And I don�t want to take risk when it comes to you.
Takot akong masaktan kita ng hindi ko sinasadya.�

�You just did!� paangil na sagot niya.

�I know, ilang beses kong nabali ang pangako kong hindi kita sasaktan. Sa simula ay
nasakatan agad kita dahil hindi ako naging maingat sa mga salita ko noon. Muntik ka
pang masagasaan ng bus. Ang dami ko ng pagkakamali. Kaya nga umiwas na lang ako sa
pag-aakalang iyon ang pinakamabuti para sa iyo at sa akin. Ginawa ko ang lahat para
di na tayo magtagpo, magkasalubong o magkita man lang. Mahirap at masakit sa akin
iyon pero tiniis ko para sa iyo. Pinadaan ko kay Mr. Nemesio lahat ng kailangan ko
sa �yo. Sa kanya na rin lang kita kinakamusta. Pero pati iyon, sumablay. Nainis ako
sa sarili ko nang malaman ko kay Mr. Nemesio na nasasaktan na pala kita. Nagkamali
na naman ako. I�m sorry, Zhei.�

Napaiyak na siya ng tuluyan. Wala naman sana siyang balak ipakita pa ang sakit na
iyon na nararamdaman ng puso niya pero dahil sa paliwanag nito ay nag-give in na
rin ang lakas ng loob niya.

�Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ko noong araw na iyon? Pakiramdam ko nag-iisa
lang ako kahit na ang daming tao sa paligid ko. Iniwan mo na lang ako sa ere na
mag-isa. Nadapa ako, at sa unang pagkakataon ay wala kang ginawa para tulungan ako.
Tinalikuran mo lang ako.�

Lumapit pa ito ng mas malapit sa kanya at marahang pinawi ng mga kamay nito ang
luha sa pisngi niya. �That�s why I�m sorry. Pinagsisisihan ko talaga ang katangahan
kong iyon. Kung alam mo lang, gusto kong balikan ka, yakapin ka, at sabihin sa
iyong okay lang lahat dahil andon ako sa tabi mo pero nang pumasok sa isipan ko na
hindi ako ang karapat-dapat sa iyo, umatras na naman ako.�

�Sino bang may sabi sa iyo niyan? Ni ako nga hindi ko alam kung sino ba ang para sa
akin. Ibinigay ka ng Diyos sa akin. Wala akong karapatang tumanggi!� Nakita niyang
sumilay ang ngiti sa seryosong mukha nito. Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang
mukha nito at ibinaling iyon sa kanan at kaliwa na tila iniinspeksyon. Napakunot
ang noo nito sa ginawa niya. Tumawa siya. �Kung sabagay, guwapo ka naman, mukhang
mabait�baka romantic ka rin� puwede na rin. Hindi na ako aapila kay Mr. Kupido at
sa Diyos!�
Kunot pa rin ang noo nito. �Parang napilitan ka lang na puriin ako ah.�

�Ah, napansin mo pala iyon!� Narinig niyang tumatawa na ulit ang mga kamag-anak
nito.

�Zhei, I still wanna know what your heart feels about me. Nag-aalinlangan pa rin
ako sa ginagawa kong ito. Di ko alam kung paanong paraan ko pa puwedeng ipakita sa
iyo na kaya kitang protektahan at alagaan gaya ng ipinangako ko sa sarili ko.�

�You don�t have to prove anything, Herald. You just did and comply with your
promise.� Napakunot ang noo nito. �Noong mag-walk out ako at tumawid ako ng kalsada
na wala sa sarili, akala ko noon mamamatay na ako. I even pray for the safety of my
love ones na maiiwan ko in an instant. Pero hindi sumagi sa katawan ko ang bus
dahil pagmulat ng mata ko andon ka. Sa halip na kaladkarin mo ako pabalik ng
pavement nanatili ka doon sa tabi ko at iniharang ang sarili mo sa paparating na
bus. Simple way of saying, willing kang masagasaan din kasama ko. Sa unang
pagkakataon ng buhay ko, may taong nagprotekta sa akin ng ganon. At noong ma-out
balance ako sa hagdan, sinalo mo ako kahit na ang kapalit noon ay sakit ng katawan
dahil nadaganan kita. That was the day you told me about your promise.

�You have done everything to take care of me kaya walang dahilan na mag-self pity
ka pa dyan. Kung ginulo ko ang mundo mo, mas nagulo ang mundo ko. Ayos na sana ako
sa buhay ko kahit wala akong love life pero bigla kang umeksena. Totoong binigyan
mo ako ng sakit ng ulo pero ikaw din ang dahilan kung bakit nagkaroon ng direction
ang buhay ko. Pareho lang tayo ng nararamdaman. At masaya ako sa nararamdaman kong
iyon para sa iyo.�

�Mahal mo ba ako?� tanong nito.

Pinandilatan niya ito. �Alam mo parang gusto ko ng magpalit ng anyo dito at kagatin
ka na lang sa leeg. Tutal, alas-dose na naman. Hindi mo ba naiintindihan ang mga
sinabi ko?�

Tumawa ito. �You always make me laugh dahil dyan sa mga hirit mo na iyan. That
makes you look lovelier into my eyes! I want you to say it to me, straight. I love
you so much, Zhei.�

�Same here.� Kumunot ang noo nito at tumawa siya. �Sige na nga, I love you more,
Herald!�

Nagsigawan ang kanilang live audience. Kinuha nito ang bracelet na ipinatong niya
sa mini-bar. Masuyo nitong hinawakan ang kanyang kamay at isinuot muli sa kanya ang
treasured bracelet nito.

�Wear my treasured bracelet as a symbol of my love��

�Hep! Teka! Palitan mo iyang linya mo. Linya iyan ni �Herald� sa Indie Film.
Original script ang gusto ko.�

Napailing ito habang tumatawa. �Sinisira mo ang proposal mo.�

�Plagiarism iyan!� Tumatawa na rin pati ang mga kamag-anak nito.

�Okay!� Bumuntong-hininga muna ito at waring saglit na nag-isip. �Ibinibigay ko ang


bracelet na �to sa pinaka-reklamadora, suplada, masungit, at matampuhing babaeng
nakilala ko,� sambit nito.

Sinimangutan niya ito habang pangiti-ngiti naman ito.


�Pero siyang nagmamay-ari ng puso ko habambuhay,� pagpapatuloy nito. Ngumiti na
siya lalo na ng niyakap na siya nito. Nang kumalas ito sa pagkakayap sa kanya ay
hinawakan nito ang kanyang kamay at iginiya siya papalapit sa pool.

�May isa ka pang unfinished mission sa akin, Partner. Kailangan mo akong samahan,�
sambit nito.

�Ha? Saan naman?� Napaisip siya.

�I need to face my fear � of water.�

Hindi na siya nakapag-react pa dahil bigla na lang siya nitong hinapit at siniil ng
halik. She closed her eyes and welcome his warm sweet kisses. This time, hinayaan
niya ang sariling matutunan ang bagay na iyon. Hanggang sa di niya namalayan na
tinutugon na pala niya ang malalambot na labi nito. They went on kissing na tila
nakalimutan nila pareho na nasa kalagitnaan nga pala sila ng isang party. They seem
both travel to other dimension. Maya-maya pa ay niyakap siya nito at isinama sa
pagtalon sa swimming pool. They continued kissing underwater. Ilang beses na niyang
napanood at nabasa ang mga eksenang tulad noon pero na-realized niya na iba pa rin
pala kapag ikaw na mismo ang nasa ganoong sitwasyon. Naalala niya tuloy na isa sa
mga pocketbooks na pinahiram niya kay Herald ay may kissing scene sa ilalim ng
tubig. Lihim siyang natawa sa naisip.

Pag-ahon nila ng tubig ay naghiwalay rin sila. They�re both chasing their breath.
Hindi nga lang siya sigurado kung dahil ba talaga iyon sa kiss o dahil hindi naman
talaga madaling huminga sa ilalim ng tubig. Wala na rin siyang pakialam doon dahil
yakap-yakap pa rin siya nito.

�Still afraid of water?� tanong niya.

�Nope. I�m more afraid of losing you.�

�Don�t worry. It will never happened.� She wrapped her arms around his neck.

�Promise?�

�Promise!� Itinaas pa niya ang isang kamay sa anyong panunumpa. From that day on,
she promised herself to take care of
him�also�<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>2##################################################
#########</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like