You are on page 1of 194

Disclaimer: This is a work of fiction.

Names, Characters, Businesses, Place, Events


And Incidents. Are either the product of the author's imaginations or used in a
fictitious manner.
Any resemblance to actual Persons, Living or Dead, Or actual events is purely
coincidental. Do not Distribute, Publish, Transmit, Modify, Display or Create
derivative work's from or Exploit. The contents of this story in anyway. Please,
obtain permission.

Prologue...
Mabangis at makisig ang kanyang mukha. Ang buhok nya na hanggang batok nya ang haba
ang syang lalong nagpapagwapo sa isang katulad nya. Nakaupo sya sa upuan na gawa sa
malambot at matatag na kahoy na tila upuan ng isang hari.
Hubad ang pang-itaas nya na nagpapakita sa maputi nyang balat ngunit mamasel na
katawan. Mabato ang tiyan at malapad ang balikat na syang nagpapakita ng bato-bato
nyang braso.
6 foot sya at 27 years old na. Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa matanda
sa akin ng siyam na taon.
Lumapit ako sa kanya kaya napatingin sya sa akin. Agad syang napatayo at lumakad
palapit sa akin.
Napangiti ako at humawak sa leeg nya kaya hinawakan nya ako sa bewang at hinapit
palapit sa kanya.
"I miss you." aniya at ngumiti habang tinititigan ako sa mukha.
Napakagat ako ng labi at tumitig din sa napakakisig nyang mukha na syang
nagpapahulog pa lalo ng damdamin ko sa kanya.
Hindi ko akalain ng mapadpad ako sa lugar kung saan ako lumagi ay matatagpuan ko
ang isang tulad nya.
Nagtagpo ang aming mga labi na parehong sabik sa isa't-isa. Kahit ilang beses na
nya akong nahalikan ay para paring nanlalambot ang katawan ko tuwing sasakupin nya
ang mga labi ko.
Binaba nya ang zipper ng dress ko kaya bumitaw ako ng yakap sa kanya at napakagat-
labi ako ng tuluyang maibaba ang dress ko. Kung kaya, malaya rin ang mga mata nya
na pagmasdan ang hubad kong pang-itaas habang tanging panty na lamang ang tumatakip
sa aking pang-ibaba.
Muli kaming naglapit at muling dumampi ang kanyang labi sa akin. Gumapang ang
kanyang kamay sa aking pang-upo kung kaya kusang tumaas ang mga binti ko para
ipulupot sa bewang nya. Gumapang ang halik nya sa gilid ng labi ko patungo sa likod
ng tenga ko hanggang magtungo naman sa panga ko.
Napalunok ako at napatingala ng gumapang ang labi nya sa leeg ko ng maihiga nya ako
sa napakalambot nyang kama.
"Ahhhh.." napahalinghing ako ng paikutin nya ang dila sa dibdib ko. Napakagat ako
ng labi at hinawakan ko ang ulo nya para mas ilapit pa sya sa dibdib ko.
"This is mine." aniya ng bitawan nya ang dibdib ko at dilaan ang guhit sa pagitan
ng dibdib ko patungo sa leeg ko hanggang sa muling pagsakop nya sa labi ko.
Napangiti ako ng mabitaw kami ng labi. Mahal na mahal ko talaga sya. Kahit pa
masyado syang misteryoso sa akin ay gusto ko ng makasama habang buhay ang lalakeng
ito.
Napaarko ang katawan ko at napakapit ako sa balikat nya ng gumapang ang kamay nya
pababa sa puson ko at pinasok nya ang kamay sa loob ng panty ko para paglaruan ang
pagkababae ko.
"It's hot inside." aniya habang dinadama ng daliri nya ang kalooban ko.
Hinawakan ko sya sa mukha at hinalikan na kinangiti nya bago tumugon sa halik ko.
Inalis nya ang daliri nya at hinawakan ako sa bewang bago pagpalitin ang posisyon
namin.
Napabitaw ako ng halik at binaba ko ang panty ko. Bumaba ako sa pagitan ng hita nya
at binaba ko ang boxer nya. Tumingin ako sa kanya ng makita ko kung gaano kasabik
ang kahabaan nya na ngayon ay galit na galit. Hinawakan ko ang kahabaan nya na
nagpanganga sa bibig nya.
"You like it?" tanong ko.
Namula ang mukha nya habang tinitignan ang ginagawa ko sa kahabaan nya. Ngumisi ako
at sinubo sa bibig ko ang kanya na lalong napamura at napatense sa katawan nya.
"Fuck! Fuck!"
Napangiti ako at sinipsip ang dulo ng kahabaan nya na lalong nagpawala sa kanya.
Hinila nya ang ulo ko kaya huminto ako sa pagsubo sa kahabaan nya at naupo sa tiyan
nya.
Inangat nya ako kaya napahawak ako sa dibdib nya habang sinesentro nya ang kahabaan
nya.
Pareho kaming napaungol ng sumagad sya sa kaloob-looban ko. Gigil na nilamukos nya
ang pang-upo ko habang nagsisimula na akong mangabayo sa kanya.
"Ahh! You're still tight, baby."
"You like it?" malandi kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako sabik na
sabik sa kanya. Hindi ako ganito. Pero simula ng makuha nya ang kainosentehan ko ay
parang biglang may dumaloy sa dugo ko na gusto kong akin lang ang lalakeng ito.
"Yes, let's say I fucking love it." aniya kaya napangiti ako.
Tumagal kami sa ganung posisyon at nanginig muli ako sa pangalawang pagkakataon.
Pinagpalit nya ang posisyon namin kaya sya muli ang nasa ibabaw. Tinukod nya ang
kamay sa gilid ko at walang habas na gumalaw sya sa ibabaw ko.
"Ohhh! Fa-Faster please."
"I can't hear you, baby?" nanunukso pa sya at binagalan ang paggalaw habang puno
naman ng diin syang pumapasok.
Hinawakan ko ang pang-upo nya para mas sumagad pa sya.
"Sige na, bilisan mo."
"Masusunod, baby." aniya at bumilis muli sya.
Habang wala syang kasing bilis na gumagalaw ay walang kasawa-sawa nyang hinahalikan
ang labi ko.
Gusto ko ito. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat. Sya ang lalakeng nagparamdam sa
akin ng kakaibang feelings. Pakiramdam ko ay lubos akong masasaktan oras na iwanan
nya ako. Kaya gagawin ko ang lahat para ako lamang ang babaeng para sa kanya.
Napayakap kami sa isa't-isa at napanganga ako ng isagad nya ang kahuli-hulihang
lakas nya. Napahinga ako ng malalim at tinanggap ang mainit na likidong nilabas nya
sa kaloob-looban ko.
Muli kaming naghalikan at napangiti sa isa't-isa. Hinugot nya ang kahabaan nya at
umalis sya sa ibabaw ko. Tumabi sya sa akin at niyakap ako kaya sumandal ako sa
dibdib nya at pumikit.
"Malandi!"
Nagising ako ng may humablot sa buhok ko kaya napangiwi ako sa sakit lalo na ng
hatakin ako nito pabagsak sa kama.
"Suzane!"
"Hayop kayo! Hayop ka, Atreo!"
Naguguluhan ako habang pinupulupot ko ang kumot sa hubad kong katawan. Tumingin ako
sa babaeng maganda, sophistikada, maganda manamit, at siguro ay kaedaran nila Kuya.
"Suzane, please, wag dito."
Napatingin ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko maunawaan kung bakit umiiyak ang
babae.
Tumingin sa akin ang babae ng tumayo ako. Nabigla ako ng sampalin nya ako kaya
napahawak ako sa pisngi ko at tumingin rito. Kita ko ang pagluha nya at galit sa
mukha nya.
"Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!"
Halos matulos ako at hindi makahinga sa sinabi nya. Asawa? Asawa nya si Atreo?
Napatingin ako kay Atreo Ripler Alvarez. Ang lalakeng akala ko ay single. Ang
lalakeng akala ko ay pwede kong akinin.
"Grace, let me explain."
Napaiyak ako at halos gusto kong lumubog sa lupa sa sitwasyon ko. Diring-diri ako
sa sarili ko.
Tumakbo ako palabas habang tanging kumot lamang ang tumatakip sa kahubaran ko.
Halos hindi ko makita ang daan dahil sa bumabaha kong luha na nagpapablurred sa
paningin ko.
"Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!"
"Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!"
"Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!"
Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang sinabi ng babae.
Napaupo ako sa isang bato at napayakap ako sa sarili ko habang panay ang hagulgol
ko.
"You are nothing but a mistress, Grace."
*******************************************
This is the story of Grace Jane Esteban.. And let's see how she become the Greek
Innocent Mistress.
Copyrights 2017 © MinieMendz

Kabanata 1
"Good job, Models. And also to you, Grace." ngumiti ako kay Derek. Ang photographer
ng Lux Calisse Model Agency.
Naupo ako sa high chair sa harap ng malaking salamin. Ngumiti ako kay Won ng lagyan
nya ng balabal ang balikat ko.
"Thanks, Won." pagpapasalamat ko at kinuha ang bag ko para kunin ang phone.
"Grace, may gagawin ka ba today?"
"Meron. Nag-aaya kasi si Daddy na magbakasyon daw kami sa palawan."
Nasaan ba iyon? Tsk. Palagi nalang nawawala ang phone ko. Bibili na naman ba ako?
"Ganun ba."
Hindi ko na pinansin si Won dahil busy ako sa paghahanap.
"Hey, Won, may tawag ka!" dinig ko ang masakit sa tengang boses ni Benny. Gay
stylist.
"Wait lang, Grace." tinanguan ko lang sya at napangiti ako ng makita ko na ang
phone ko. Ang kalat kasi ng bag ko. Hindi inayos ni Daddy.
Agad kong tinext si Dad na tapos na ako. Ayaw pa naman no'n na hindi ako nagtetext
kapag susunduin. Nakakatakot kapag pinairal no'n ang pagiging protective father.
Nang matext ko na si Dad ay tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko.
Napatingin ako kay Won na madilim ang mukha at tila lutang na naupo muli sa tabi
ko.
Sya ang kaibigan ko simula nang magsimula akong magmodel sa agency na ito. Sya ang
unang nag-approuch sa akin at gumabay kung paano ako magsisimula. Tinutukso nga ako
ng mga kapwa model ko dahil tingin nila ay may gusto daw sa akin si Won. But for
me, wala lang iyon.
"Anong problema mo, Won?" tanong ko sa kanya. Napahinga sya ng malalim at napahilot
sa sentido.
"My brother is now here."
"Oh, edi mabuti. Sya ba yung general ng army sa ibang bansa na kinukwento mo?"
tumango sya at napahawak sa kamay nya habang minamasahe dahil sa pagkuyom ng kamay
nya.
"Oo, sya nga. Sana nga hindi na sya umuwi. Tiyak na puro kaguluhan lang ang hatid
nya."
"Grabe ka naman sa kapatid mo. Malay mo naman kaya sya narito ay dahil gusto nyang
makatulong sa gulo ng pilipinas ngayon."
"Hindi makikisali sa gulo ng pilipinas iyon. Dahil may sarili syang army sa amerika
na dadalhin rito. Sabi ay may kumuha sa kanilang private agency na pagagalawin para
mas mabilis matugis ang mga kriminal sa bansa."
Pinatong ko ang siko ko sa legs ko at pinatong ko ang baba ko sa likod ng palad ko.
Tinignan ko sya ng maigi at kita ko na tila sya galit.
"Mukhang matindi ang galit mo sa kanya? 'Di ba eldest brother mo sya?"
"Half brother ko lang sya. Ang ina nya ay may lahing griyego at ama nya ay ama ko
rin. At may dahilan kaya matindi ang galit ko sa kanya. Lahat nalang din kasi nang
sa akin ay kinukuha nya. Pati ang dati kong kasintahan na kinuha nya."
Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi ko akalain na may ganito pala syang dinadalang
sama ng loob.
May nag pop sa phone ko kaya kinuha ko ulit sa loob ng bag ko. Nakita ko si Dad ang
nagtext at sinabing nasa labas na sila ng building.
"Ah, Won, mauna na ako sa'yo. Till next time."
"Hatid na kita sa labas." agad ko syang inilingan sa nais nya, "Wag na. I'm okay."
Umalis na ako sa pagkakaupo ko sa high chair at bitbit ang hand bag ko na itim bago
alo naglakad palabas ng studio.
Malaki rin ang studio na ito. At sikat din sa mga artista at media. Minsan na akong
nafeature sa isang show at nais nga nila akong kuning artista pero hindi ko
tinanggap dahil ayaw ni Dad. Sa pagmomodel nga ay ayaw pa nya, kung hindi ko lang
nilambing ay baka wala ako ngayon rito.
Paglabas ko ay nakita ko na ang itim na Porsche ni daddy kaya napangiti ako na
lumapit. Binuksan ko ang pinto sa backseat at sumakay na ako.
"Hi, mom." bumeso ako kay Mommy na nasa front seat at tumingin ako kay Dad, "Hi,
Dad." bumeso rin ako.
"Are you done to your photoshoot?"
"Yes, dad. Pero dapat may isa pa sa beach resort pero hindi ko na tinanggap dahil
sabi nyo po ay aalis tayo. Bakit nyo nga po pala ako sinama ni mommy?"
"Mag ba-bakasyon tayo. Hindi ka naman namin pwedeng iwanan dahil delikado."
"Ginagawa nyo akong bata, Dad. Dalaga na kaya ako." ngumuso ako ng humalakhak si
Dad and mom.
"Yes, you are. Kaya nga hindi kita pwedeng pabayaan."
"Kaya pala pati manliligaw ko tinatakot nyo? Dad naman eh. Paano ako
magkakaboyfriend nya'n?"
Napapreno si Dad sa sinabi ko kaya napakagat ako ng labi. Tumingin sya sa akin na
may pagbabanta.
"Eighteen years old ka palang, baby. Hindi pwede ang boyfriend-boyfriend. At kung
sino man ang lalakeng iibigin mo ay dapat na dumaan muna sa akin at sa mga kuya mo,
maliwanag?"
Humalukipkip nalang ako at napasimangot. Tawang-tawa lang si Mommy at hindi talaga
nya ako ipagtatanggol dahil pabor sya sa nais ni Dad.
God. Hindi ko alam kung anong taon ako pwedeng magkaboyfriend. Inaasar tuloy ako ng
mga ka-co-model ko na dalagang filipina. Kapag nag-uusap sila about boys ay hindi
ako makarelate.
Kinuha ko nalang ang phone ko para malibang. Nagtext si Zylene at Alisson. Ang
dalawang bitch friend ko from my all girls school na pinapasukan ko dati.
From Zylene: Hey Bitches, want to go bar? Dami daw gwapo ngayon.
From Alisson: God bitches! May naka-one night stand ako. Yummy sya. Gusto nya na
mameet din kayo.
Sa kanila ko natutunan kung paano makipagflirt. Kaso hindi ko naman magawa ng
actual dahil palaging nandyan si Daddy para ihatid-sundo ako. Kaya silang dalawa
nalang parati ang nakakalabas at nakakapag-bar.
Me: Can't go with you two, bitches. I'm going somewhere with my parents. Sorry. :(
"Here we are."
Napatingin ako sa labas ng sabihin ni Dad iyon. Narito kami sa isang paliparan.
Sinilid ko na sa bag ko ang phone ko. Agad kaming pinagbuksan ng tauhan ni Dad na
nauna pala rito. Bumaba ako ng kotse at tumingin sa paligid.
Maraming eroplano at chopper na nakapark. May isa na chopper na buhay na kaya
malakas ang hangin ang tumatama sa amin.
Mabuti nalang at nakablack short ako. Ang top ko ay spaghetti strap with white
leather jacket. Sa pang-yapak ay naka-groove mallory black ankle boots ako. Buti
nalang at hindi ko naisipang magskirt, kundi mahihirapan tiyak ako kung sakali.
Agad kaming inalalayan ni Mommy upang sumakay sa chopper. Nauna kami ni Mommy dahil
may sinabi pa si Dad sa mga tauhan nya.
"Mom, hindi po ba kasama ang mga bodyguard ni Daddy?"
"Hindi, anak. Sabi ng dad mo ay magbabakasyon na rin tayo sa palawan habang nandoon
tayo. Kaya naman daw nya tayong protektahan kung sakaling magkaaberya."
Napatango ako at tumingin sa loob ng chopper. Napangiti ako na kinuha ko ang ear
phone set para sa tenga ko.
"Mom, bagay ba? Pwede na ba akong maging plioto?"
Natawa sya sa tanong ko at tumango kaya napangiti ako.
"Gusto mo bang maging flight attendant?"
"Hindi po. I want to be a star. A shining star. But dad will never let me to be a
celebrity."
"Grace, hindi ka naman pinipigilan ng dad mo. Gusto lang nya na wag kang masyadong
maexpose sa media. Alam mo naman na maraming nakaabang na panganib sa pamilya
natin. Kaya sa pagmomodel mo nalang sya pumayag para hindi ka magtampo."
Napahinga ako ng malalim at sumandal sa balikat nya. Hindi ko alam kung maganda ba
talaga ang maging anak ng mafia. Buong pamilya namin ay tradisyon na iyon mula
palang kay Lolo. Pero minsan naiisip ko na sana ay hindi nalang ganun ang work
nila. Minsan kasi ang iniisip ng iba ay masama ang mga mafia. Kasamahan daw ng mga
illegal sindicate.
Tumatahimik ako kapag nakakarinig ako ng chismis sa mga kaklase ko noon at sa ilang
co-model ko. Minsan ay halata ko na pinaplastick lang ako ng ilang model. Alam kasi
nila na anak ako ng mafia. Takot sila sa maaaring gawin ni Dad.
Pero kapag nakakarinig naman ako ngayon ng may mga inosenteng nadadamay gawa ng mga
masasamang tao ay hindi ko mapigilan na sumang-ayon sa kalakaran ng trabaho nila
Dad. Legal ang agency nila dad. Private agency na madalas lapitan ng mga rich
businessman at ang ilan pa ay mga gobernor at senador. Malawak ang connections ni
Dad. Kaya sya ang palaging hinihingan ng tulong kahit pa ng mga mabababang
mamamayan.
"Mark, let's go." ani dad ng makasakay sya at tumabi sa amin ni Mommy. Sumara na
ang pinto ng chopper at ilang saglit lang ay umangat na..
Tumingin ako sa bintana at napangiti ako dahil ang ganda. Ang sarap sa feeling na
nasa taas. Kita ang bawat building at kabahayan sa clark pampanga na tila mga bahay
nalang ng langgam sa liit.
"Baby, you want drink?"
Tumingin ako kay Dad at tumango. Lumipat sya ng upuan sa harap at may kinuha sya
doon. Napangiti ako dahil may baon pala syang food.
"Thanks, Dad." Inabot ko ang milk shake na nasa bote na gawa ni mommy. Inalog ko
muna bago ko binuksan ang takip kung saan ay may straw para mahigop ko ang milk
shake.
"Wow. The best talaga ng milk shake nyo, Mom. Sarap."
"Syempre, expert na ako d'yan. Favorite ng baby ko, e."
Napangiti ako kay Mom sa sinabi nya. May cheese pie pa. Kaya kumuha ako at tumikim.
Medyo diet ako. Yari ako kay Derek kapag tumaba ako.
"Mga ilang oras kaya tayo bago makarating doon, Dad?"
"One hour nalang ang byahe mula sa palawan."
Napatango ako dahil saglit lang din pala, akala ko ay matagal. Sinulit namin ang
bawat view na nakita namin. Hindi naman ako nabagok dahil nakakatuwa si Mommy kapag
nakakakita ng maganda.
"Alam mo, anak, nakapunta na ako sa palawan dati. May mga kaibigan ako na nakilala
ko noon. Sila Tito chris and tita junior mo."
"Oh really? Sa palawan sila nakatira noon, mom?"
Tumango sya at ngumiti. Hindi ko akalain na doon pala nakatira dati sila tito chris
at tita junior. Ngayon kasi nasa ibang bansa si tito junior dahil isa na itong
sikat na stylist. Habang si Tito chris ay balita ko ay may asawa na.
"Roger, one minute before we land in palawan port."
"Ano yun, dad?" tanong ko.
"Narito na tayo sa palawan." napatango ako sa sinabi nya at tumingin ako sa
bintana.
Bigla namang nakarinig kami ng pagtama sa chopper na sinasakyan namin kaya napamura
si Dad.
"Fuck. Mark, anong nangyayari?" tanong ni Dad sa suot nyang mic sa head seat sa
tenga nya.
"May nagpatama sa atin ng isang machine gun, Lord. Babagsak na ang chopper in one
minute."
Nang sabihin ni mark iyon ay hindi kami mapakali ni Mom. Agad na lumipat si Dad
palapit sa amin at may hawak syang life vest.
"Grace, Sweet heart, wear this." pagmamadali nya kaya kahit na kabadong-kabado kami
ni mom ay nataranta kami sa pagsuot no'n.
Nang maisuot namin iyon ay binuksan ni Dad ang pinto ng chopper kaya pumasok ang
hangin.
"Grace, come here."
"But Dad, natatakot ako." umiling-iling ako dahil kinakabahan ako sa nais ni Dad.
"Grace, wala na tayong oras. Bilis."
Tumingin ako kay Mom na tumango habang bakas din sa mukha nya ang takot dahil sa
pamumutla ng mukha nya. Nanginginig ang tuhod ko na lumapit kay Dad.
"Ano mang mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita, Baby."
"Dad, sabay-sabay na tayo." umiiyak na ako pero umiling sya.
"Ikaw muna, anak. Susunod kami ng mom mo." sabi nya.
"Lord, hindi ko na makontrol!"
Nang sabihin iyon ni Mark ay nabigla ako ng itulak na ako ni Dad. Napasigaw ako at
napapikit sa sobrang takot.
"Mom! Dad!" hiyaw ko ng dumilat ako at nakita ko ang pagsabog ng chopper. Napaluha
ako pero agad ding napapikit ng bumagsak ako sa tubig.
Hindi ako makahinga ng bumagsak ako sa pinakailalim ng tubig. Sinikap ko na
makahinga at lumangoy para makaahon. Pero napatingin ako sa life vest na suot ko na
may nakakawit kaya hindi ako makaalis. Pinilit kong hinahatak ang life vest at
panay na ang kampay ng mga paa ko dahil hindi na ako makahinga.
Huminga ako sa tubig pero halos makainom lang ako. Nanlabo ang paningin ko sa tubig
pero may nakita akong lalake na bumagsak sa tubig.
"Please, help me!" hiling ko na sana ay marinig nya.
Pumikit ako ng makita kong lumangoy sya patungo sa akin. Ramdam ko ang matigas
nyang braso na humawak sa bewang ko. Pinilit kong idinilat ang mga mata ko at
nakita ko lang ang pag-igting ng panga nya.
Pumikit ako ng tuluyan ng maubusan na ako ng hangin.
"Hey Miss, wake up!"
Napaubo ako ng may hanging pumasok sa bibig ko. Napahawak ako sa leeg ko at
dumilat. Isang mukha ang nakatunghay sa akin ngunit malabo pa ang paningin ko kaya
hindi ko makita ang itsura nya. Pero rinig ko ang boses nya na lalakeng-lalake at
barito na may pagkaswabe.
Pumikit muli ako at dumilat kung kaya unti-unti nang luminaw ang kanyang mukha.
Nakatitig ang mabrown nyang mga mata sa akin na may tila mabangis na agila ang
hugis. Maputi sya at basa ang kanyang long hair na hanggang batok ang haba.
Matangos ang ilong nya at mapula ang labi. Maganda din ang shape ng mukha nya na
may clef chin.
Tumayo sya kung kaya napakurap pa ako dahil nawala sya sa paningin ko. Naupo ako at
tumingin sa paligid. Napamaang ako ng makita na nakaupo ako sa maputing buhangin
habang asul na asul ang karagatan.
Tumingin ako sa lalakeng tumulong sa akin na ngayon ay naglalakad palayo. Nakita ko
ang hubad nyang katawan sa pang-itaas at may tattoo sya sa likod ng isang baril
habang may ahas na nakapulupot. Ang lapad ng balikat nya. Ang bicep nya ay mabato.
Magkasing-tangkad sila ni Kuya Jam at Gab. At magkasing-katawan din..
"Naku Hija, ayos ka lang ba?"
May biglang sumulpot na medyo maedad na babae sa harap ko. Tinulungan nya akong
tumayo bago nya ibalabal sa balikat ko ang dala nyang tuwalya.
"Sino po sya?" tanong ko habang nakatingin sa lalakeng nag ligtas sa akin.
"Si General Atreo Ripler Alvarez iyon. Nag speed boat sya sa buong karagatan ng
makita ka. Ano bang nangyari sa'yo at napadpad ka rito, Hija?"
Atreo Ripler Alvarez. Napakagandang pangalan. Napakagwapo nya. Marami na akong
nakikitang gwapo sa paningin ko, pero iba sya. Parang napakalakas ng dating nya.
Ngayon lamang may nakapukaw ng interes ko.

Kabanata 2
Dinala ako ni Aling Consuelo sa isang two-storey nipa house. Tingin ko ay isa itong
private beach resort.
"Hija, suotin mo muna itong damit ko. Baka lamigin ka dahil matagal kang nababad sa
tubig."
"Salamat po." inabot ko ang isang bestidang bulaklakin na madalas ay paboritong
suotin ng matatanda. Ganito iyong palaging sinusuot ni Mayordoma Sally kapag
matutulog sya.
Tumingin ako sa loob ng kubo at masasabi ko na malinis at hindi naman karamihan ang
gamit. Malamig rin sa loob dahil gawa sa kahoy ang buong kabahayan tapos tabi pa ng
dagat.
Pumasok ako sa tingin ko ay banyo. Natuwa ako dahil de-slide pa ang pinto pero gawa
rin sa kawayan. Tinignan ko muna kung safe bang magbihis, nang makita kong ayos at
walang anumang butas ay nagpalit na ako. Kaso ang problema ay wala akong underwear.
Kaya binuksan ko ng kaunti ang pinto.
"Aling Consuelo! Aling Consuelo!"
Narinig ko ang yapak nito at pag-akyat nito. May dala syang tuwalya.
"Bakit?"
"Aling Consuelo, paano po kaya 'to, wala po akong underwear na tiyo?"
"Hubarin mo muna at lalabhan ko. May dryer sa rest house. Lalabhan ko muna at ida-
dryer para mabilis na matiyo ang damit mo."
"Ganun po ba, sige po, salamat po." sinara ko na ang pinto at inayos ko ang
pagkakatali ng bestida. Nakakailang. Bakat sa tela ang katawan ko. Pero si Aling
Consuelo lang naman ang kasama ko kaya ayos na iyon.
Lumabas ako ng banyo at binigay kay Aling consuelo ang basa kong damit. Inabot nya
ang tuwalya kaya tinapis ko iyon sa katawan ko para kahit paano ay matakpan ang
bakat kong katawan.
"Maiwan muna kita, Hija. Dumito ka muna at wag lalabas. Ayaw ng amo ko na may
palisaw-lisaw sa beach resort nya kapag nagpaplano sya ng operation."
Tumango ako rito at pinanood na lumabas ng kubo. Napahinga ako ng malalim at naupo
sa isang matigas na higaan. Iniisip ko kung ano kaya ang nangyari kela mommy? Ang
nakita ko lang ay ang pagsabog ng chopper?
Pero alam ko na hindi pababayaan ni Daddy si Mommy. At alam ko na nakatalon na sila
bago pa sumabog. Pero paano 'to ngayon, paano ako makakaalis rito?
Tumayo ako at naglakad-lakad. Lumapit ako sa bintanang nakataas lang habang may
tukod na kahoy. Pumalumbaba ako at dinama ang sarap ng simoy ng hangin. Kitang-kita
rito ang mabuhanging lupa at isang rest house.
Napamaang ako ng makita ko ang mga lalakeng naglalakihan ang katawan habang
nakasuot lamang ng pantalon ng army. Wow. Ang gaganda ng katawan nila at may packs
of abs. Tiyak ako na kapag narito sila Zylene at Alisson ay tiyak na tuwang-tuwa
ang dalawang bitch.
Tila sila nag-wa-warm up. At napaayos ako ng tayo ng makita ko si Atreo Ripler
Alvarez. Nakasuot sya ng black army pants habang nakablack sando kung kaya ay
kitang-kita ang mabato nyang biceps. Nakatali din ang buhok nya na mas nagpagwapo
sa kanya.
"Escueta, 1000 push up. Ferer, 500 sit ups."
Pinanood ko kung paano sya macommmand sa tila mga tauhan nya. Seryoso lamang ang
kanyang mukha habang pinapanood ang pag-wa-warm up ng mga tauhan nya.
Nakita ko si Aling Consuelo na dumaan sa kanila. Nakita ko rin ang pagtawag ni
Atreo rito at tila may tinatanong ito kay Aling Consuelo. Nang ambang mapapatingin
sila sa kubo ay agad akong nagtago. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kapag
nahuli nya akong nakatingin.
Umiling-iling ako at napakagat ng labi dahil para akong tanga. Kelan pa ako
natutong mahiya?
Napahinga ako ng malalim at nilibang nalang ang aking sarili sa pagtingin sa mga
display sa bahay ni Aling Consuelo. Hinawakan ko ang sea shell na may mga beads pa
na ang pinakatali ay nylon kung kaya nagawang kurtina ito sa pinto.
Hinawi ko ito at bumaba ako sa hagdang gawa rin sa kawayan. Nakita ko ang pinaka
kusina ng bahay at malapit lang din sa pinaka sala. Simple sya pero maaliwalas..
Mahilig siguro si Aling Consuelo sa pagdedesign. Halos puro gawa sa sea shell ang
mga design ng bahay nya. At inferness ang ganda ng pagkadesign ng bahay nya.
Napatango ako habang sinusuyod ko ng tingin ang buong kabahayaan nya. Naisipan kong
lumabas ng bahay kahit nakayapak lang ako.
Tinahak ko ang daan kung saan nag-eehersisyo ang grupo ni Atreo. May nakita akong
malaki at mahabang makinis na kahoy na pormang upuan. Naupo ako doon at pinanood
sila kung paano mag-warm up.
Napatingin sa akin ang ilan hanggang lahat na ay nakatingin sa akin. Napaayos ako
ng upo ng makita kong tumingin rin sya. Lumakas ang tibok ng puso ko sa hindi ko
malamang dahilan.
"Focus, Vipers!"
Agad na umiwas sa akin ng tingin ang mga lalake dahil sa maawtoridad na suway ni
Atreo. Bakit ganun, kahit galit sya ay napakalakas parin ng impak nya sa akin? Ang
pag-igting ng panga nya. Ang pamumula ng mukha nya. Pati ang pagsalubong ng kilay
nya ay napakasexy ng dating.
My god. My crush na ata ako agad sa kanya. Para akong nalove and first sight.
"Hija, bakit ka nandyan?"
Napatingin ako kay Aling Consuelo na hindi ko namalayan na narito na pala. Dala nya
ang tila mga damit.
"Nainip ho ako sa loob kaya lumabas ako, Aling Consuelo."
"Ganun ba. Halika sa loob. Natiyo agad itong underwear mo ng isalang ko sa dryer.
Isuot mo ito at nang makomportable ka sa suot mo."
"Naku, Salamat po." Kinuha ko ang underwear ko na nilagay pa ni Aling consuelo sa
plastick. Nauna syang naglakad kaya sumunod ako.
"Oo nga pala, Hija, saan ka ba galing at napadpad ka rito sa Villa Alvarez?"
"Anong lugar po ba ito? Patungo po sana kami ng parents ko sa palawan, kaso po ay
nagkaroon po ng trahedya sa sinasakyan naming chopper. Hindi ko po alam kung ano
pong lagay ng parents ko."
Kita ko na hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.
"Malayo pala ang pinagbagsakan mo, Hija. Narito ka sa La Carlota, Negros
Occidental." Naupo sya sa upuan kaya naupo rin ako.
"Meron po kayang plane rito pabalik ng maynila o paliparan patungo sa clark
pampanga airport?"
"Wala rito ibang sakayan, Hija. Private island ito ni General Alvarez. Kaya mga
ilang residente lamang ang nakatira rito na dito na mismo namuhay. Kaya walang
anumang pampublikong sakayan ang nakakarating rito."
Napabagsak ang balikat ko dahil sa sinabi nya. Kung hindi ako makakahanap ng
sasakyan rito...Dapat siguro ay tumawag ako sa bahay para magpasundo. Pero lalo
akong nanlumo ng maalala ko na ni isa sa contact number ng pamilya ko ay hindi ko
kabisado.
Kung alam ko lang na magkakaganito, edi sana kinabisado ko na. Kasi naman, laging
nawawala ang phone ko kaya tinatamad na akong magsaulo ng numero sa contact ko.
"Kung gusto mo ay tatanungin ko si General kung anong araw sya babalik ng maynila.
Sumabay ka nalang sa kanya pauwi."
Para namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Aling Consuelo. Pero hindi ko
pinahalata rito.
"Saglit lang po ba sya rito? Makakauwi ho ba ako agad?"
"Hindi ko pa alam, Hija. Mano mamaya ay matanong ko sya. Hindi pwedeng istorbohin
ito kapag may seryoso syang gagawin, lalo't konektado sa trabaho nya. Mamaya nalang
natin sya gambalain."
Tumango ako dahil tama sya. Tila seryoso nga ang ginagawa ni Atreo sa mga tauhan
nya kung kaya galit sya ng mawala ang pokus ng tauhan nya ng mapatingin sa akin.
"Aling Consuelo, ilang taon na po ba si Atreo?"
Nabitin ang pagtayo nya ng magtanong ako. Nakita ko na naniningkit ang mata nya sa
akin pero hindi ko pinahalata na interesado ako.
"Bakit nais mong malaman?"
"Syempre po, malay nyo makausap ko sya kapag nagtanong ako sa pagsabay sa kanya
pauwi. Gusto ko lang ho malaman para alam ko naman po kung gagalangin ko sya."
Napatango si Aling Consuelo na tila nawala ang pagdududa nyang tingin. Tumayo sya
at lumapit sa isang estante.
"Bente syete anyos na ang general."
Bente syete. So it means siyam na taon ang tanda nya sa akin. Para ko na rin syang
kuya. Napanguso ako dahil ang layo pala ng agwat namin.
"Bakit nga po pala general ang tawag nyo sa kanya?"
"Ang pagkakaalam ko lang ay isa syang heneral ng army mula sa ibang bansa."
Wow. Kaya pala gano'n nalang ang tindig nya. Para syang sundalo kung kumilos. At
ang katawan nya ay nakakapang-tiyo ng laway at dugo.
"Bakit tila hindi ho kayo sigurado?"
Lumapit sya sa akin at nakita ko na may hawak syang pamusod sa buhok. Pinatalikod
nya ako sa kanya kaya sinunod ko naman.
"Dahil mula ng bilhin ito ni General noong nagsisimula palang sya ay doon ko lamang
sya nakilala. Binili lang nya ang lupaing ito dahil nais nya na malayo sa syudad at
para makaroon ng training area para sa trabaho nya. Hindi din naman palakwento ang
general. Limitado lamang ang alam ko sa kanya."
Napatango ako habang sarap na sarap sa pagtatarintas nya sa buhok ko. Napangiti ako
dahil para syang si Mommy.
"Alam mo, pangarap ko ang ganito, ang magkaroon ng anak na babae na maaayusan ko "
"Talaga po? Wala po ba kayong anak at asawa?"
"Meron akong asawa si Feliciano. Kaso hindi kami biniyayaan ng anak dahil matanda
na kami ng kami ay magkatuluyan....Ayan ayos na."
Nang maayos na nya ang pag-aayos sa buhok ko ay humarap ako sa kanya.
"Gusto nyo po, habang narito pa ako ay ako muna ang anak nyo."
Nakita ko na nagliwanag ang mukha nya at napangiti sya kaya napangiti rin ako.
"Napakabait mo naman, Hija. Napakaganda mo pa."
"Hindi naman po masyado." inipit ko pa kunwari ang buhok tila nahihiya na kinatawa
nya.
"Maganda ka nga, Hija. Para kang may lahing banyaga."
"Ang alam ko po ay may lahi si Daddy na australian at amerikan."
"Kaya pala kulay blue ang mata mo. Nakakatuwang titigan. Tapos ang tangos ng ilong
mo at ganda ng hugis ng iyong mukha."
"Masyado nyo naman po ata akong binobola, Aling Consuelo. Pumayag po ako na maging
anak-anakan nyo pero hindi ibig sabihin no'n ay mabobola nyo ako."
Natawa sya kaya natawa na rin ako. Masarap kausap si Aling consuelo. Ramdam ko na
hindi sya yung tipong paplastikin ka.
Tumayo na kami dahil dadalhin lang daw nya ang damit sa damitan nila ni mang
feliciano. Ako naman ay nagtungo sa banyo para isuot ang panloob ko. Tinali ko pa
ang dulo ng bestida para maging fit dress.
"Hija, pupunta ako sa rest house para magluto. Kaya mo bang mag-isa muna saglit
rito?"
Bigla naman ay napalabas ako ng banyo sa sinabi nya. May dala syang basket.
"Pwede po bang sumama? Baka po mabagok lang ako rito."
"Sigurado ka? Kukuha pa kasi ako ng gulay sa taniman."
Lalo naman akong naexcite. Kaya tumango ako na kinangiti nya. Pinasuot nya sa akin
ang extrang tsinelas. Malaki sa akin pero ayos lang atleast meron akong pang-yapak.
Lumabas kami ng bahay kaya kinabahan ako dahil madadaanan namin ang grupo nila
Atreo. Humawak ako sa braso ni Aling Consuelo na kinatingin nya pero ngumiti lang
ako kaya ngumiti sya bago sya tumingin sa daan.
Tumingin ako kela Atreo at napatingin sila sa amin ng dumaan kami. Maging sya.
"Hi po!" bati ko sa kanila. Agad namang napaubo ang mga ito na kinataka ko. Habang
si Atreo ay seryoso lang ang mukha.
"General, isasama ko lang ho sya sa pagluluto. Tsaka itatanong ko lang ho kung
kelan ang uwi nyo sa maynila."
"No permanent day. Bakit, Aling Consuelo?" swabe ng boses. Nakakahalina.
"Heto ho kasing si Grace ay nais na sumabay pa maynila dahil wala ho syang maaaring
sakyan paalis ng resort nyo."
Tumingin sa akin si Atreo kaya lihim na napalunok ako dahil nakakangatog ng tuhod
ang tingin nya na hindi ko mabasa.
"I'm not sure about that. Kakarating ko lang dito kaya baka matagalan bago ko
lisanin ito."
Matatagalan? Hala! Paano ako? Tiyak na mag-aalala sila Kuya. Ligtas lang kaya sila
Dad? Sana naman para masundo ako.
"Grace, hindi mo ba alam ang number ng pamilya mo? Tawagan natin sila."
Napaisip naman ako. Hindi ko kasi talaga maalala..
"Hindi po, Aling Consuelo." napahinga sya ng malalim.
"Sige ho, General. Baka dumito muna si Grace habang narito kayo."
Agad na akong inaya ni Aling Consuelo kaya sumunod ako. Sa isang two storey rest
house na halos puting-puti ang mga pintura. Maganda sya. Malaki rin. May mga
kagamitan na mga brand new appliances.
"Paano ka ngayon n'yan, Hija. Baka abutin pa ng ilang buwan rito si General."
Tumingin ako kay Aling consuelo na nilapag ang basket sa kitchen bar. Tumingin ako
sa kusina na amerikan style. Parang masyadong malungkot ang bahay na ito. Minsan
lang siguro tirahan.
"Ayos lang ho, Aling Consuelo. Ang mahalaga ho ay makasabay ako pauwi."
Naupo ako sa high chair habang tinitignan sya na may kinuhang matatalas na guting.
Ngumiti sya sa akin at inabot ang isang guting.
"Ang mabuti pa ay pumitas na tayo ng gulay bago dumilim. At nang makapagluto na ako
dahil tiyak na kakain na sila General kapag natapos sila sa ginagawa nila."
Tumango ako at naexcite na bumaba ng high chair. Ngayon ko lang maeexperience ang
mamitas.
Lumabas muli kami at duman muli sa grupo nila Atreo. Nakaupo sya ngayon sa isang
beach chair habang pinapanood ang mga tauhan nya. Napatingin sya sa akin kaya
ngumiti ako. Iniwas nya ang tingin kaya napanguso ako. Suplado naman! Hmp!
Napatingin ako kay Aling Consuelo na nauuna sa akin. Nagmadali ako sa pagsunod
dahil napabagal pala ang paglalakad ko ng tumingin ako kay Atreo.
Sa likod ng bahay ni Aling consuelo ay nilakad namin ang daan na may mga harang na
kawayan bilang pagbabahagi sa daan. Sinuong namin ang mahabang daan na puno ng
halaman ang makikita.
Habang tinatahak namin iyon ay nakita ko na ang mga tanim na iba't-ibang klase ng
vegetable.
"Wow. Ang daming vegetable, Aling Consuelo."
Natawa si Aling Consuelo sa reaksyon ko. Nilapag nya ang dalang basket sa lupa.
"Marami talaga dahil ito at ito lang din ang parati naming kinakain ni
Feliciano.... Ilagay mo rito ang makukuha mong gulay."
"Paano po ba malalaman kung alin ang dapat kong kunin?"
Lumapit ako sa kanya ng magpunta sya sa taniman ng egg plant.
"Kapag ganitong makinis, katam-taman ang laki at walang anumang kagat ng hayop ay
pwede mong kunin." napatango ako sa mga tinuturo nya. Maging sa iba pang vegetable.
Nang matandaan ko lahat kung paano ay nagpunta ako sa parte ng tomato. I love
tomato.
Ganadong-ganado ako sa pagkuha kaya hindi ko namalayan na napadami pala ang kuha
ko. Natawa nalang si Aling Consuelo.
"Aling consuelo! Ano pong tawag rito?" ngayon ko lang kasi nakita itong mahaba at
matabang gulay. Maputlang berde sya na makinis.
"Ah 'yan ba...upo yan! Hija, wag kang masyadong lumayo at baka mapano ka!" hiyaw
nya.
Hindi ko naman alam kung pwede na ba itong pitasin kaya nilagpasan ko nalang.
Nakita ko ang taniman ng mga orange kaya tila nangislap ang mata ko. Naglakad ako
patungo doon at napangiti ng maluwag.
"Aling Consuelo, meron palang puno ng orange rito." tumingin ako sa likod ko at
napatingin pa ako sa paligid dahil biglang nawala si Aling consuelo.
Nasaan ako? Sinubukan kong lakarin ang dinaraanan ko kanina pero bakit parang iba
naman ito. Patungo na ata ako sa gubat.
"Aling Consuelo! Nasaan po kayo? Ouch!" napaupo ako ng maapakan ko ang madulas na
bato.
Napahawak ako sa pang-upo ko dahil masakit ang pagkakabagsak ko. Tatayo na sana ako
ng mapatingin ako sa mahabang bagay na unti-unting gumagapang palapit sa akin.
Namutla ako at hindi makagalaw ng mapagtanto ko kung ano iyon.
Ahas!
"A-Aling consuelo! Tulong! Tulungan nyo ako!"
Napaiyak ako dahil sa sobrang takot lalo pa't hayan na ang ahas. Hindi ako
makagalaw sa kinauupuan ko dahil baka mamaya ay sugurin ako nito. Napapikit ako ng
gumapang ito sa paa ko. Nakarinig ako ng putok ng baril kaya napaidtad ako
"Tsk."
Agad akong napadilat ng marinig ko ang asik na iyon. Napatingin ako sa paligid at
nakita ko si Atreo na may hawak na baril. Napatingin ako sa ahas at nakahinga ako
ng luwag dahil patay na ito. Agad akong tumayo at pinagpag ang kamay pati ang pang-
upo ko.
"Salamat." ngumiti ako sa kanya.
"Sa susunod wag kang lalayo kung hindi mo kaya protektahan ang sarili mo. Pinag-
aalala mo pa si Aling Consuelo."
Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumalikod na sya kaya napasimangot ako dahil ang
sungit pala nya. Agad akong sumunod sa kanya.
"Paano mo ako nahanap?" tanong ko habang nakasunod sa kanya. Hindi nya ako sinagot
kaya lalo akong napanguso. Napatingin ako sa likod nya na medyo kita ang tattoo nya
sa suot nyang black sando. Kita ko nang malapitan ang guhit sa katawan nya na alam
mong matigas kapag hinawakan.
"Juskong bata ka, saan ka ba nagsusuot?"
Napatingin ako kay Aling consuelo na agad lumapit sa akin ng makabalik kami.
"Salamat ho, General. Pasensya na sa istorbo."
Hinawakan ni Atreo sa balikat si Aling Consuelo at sinabing ayos lang. Tumingin sya
sa akin bago sya tumalikod.
"Aling Consuelo, muntik na akong makagat ng ahas, mabuti nalang po at dumating
sya."
"Sabi ko kasi sa'yo ay wag kang lalayo. Kagubatan na kasi ang kasunod at tiyak na
may mga ahas na ligaw d'yan."
"Pasensya na po. May nakita ho kasi akong orange tree."
"Dapat sinabi mo at ako na ang kumuha. Sa susunod ay wag kang lalayo dahil
delikado."
Tumango ako rito at naglakad na kami patungo sa basket. Tinulungan ko sya sa
pagbuhat na napunong basket. Nilakad muli namin ang daan pabalik.
Padaan namin kung saan nag-wa-warm up sila Atreo ay hindi ko na sya nakita doon.
Hindi ko na pinansin ang mga tauhan nya at sumabay ako kay Aling Consuelo patungo
sa rest house.
Pero pagpasok namin ay nabigla ako dahil nandito pala sa loob si Atreo. Nakaupo sa
sofa habang nakasandal ang ulo sa sandalan. Nakapikit sya kung kaya malaya kong
napagmasdan ang mukha nya. Nang mapapadilat sya ay umiwas ako ng tingin.
"Aling Consuelo, nais ko ng adobong manok nyo."
Napahinto si Aling Consuelo ng magsalita si Atreo kaya napahinto rin ako at
napatingin rito. Tumingin sya sa akin at nagkatitigan ang malalim naming mga mata.
"Oh sige, General. Ipagluluto kita." umiwas ako ng tingin dahil baka makahalata si
Aling Consuelo. Tumingin pa ako ng isang beses sa kanya pero hindi na sya
nakatingin.
Pagdating sa kusina ay napailing ako. Nababaliw na talaga ako. Shocks. May gusto
talaga ako sa kanya. Ang gwapo nya at mas lalo pa akong humanga ng iligtas nya ako.
"Hija, pakikuha mo nga yung manok d'yan sa ref."
Nakapalumbaba ako habang napangiti na ini-imagine ang gwapo nyang mukha.
"Aling Consuelo, may girlfriend na po ba si Atreo?"
"Bakit mo naman natanong?" bakas sa boses ni Aling consuelo ang pagdududa, "Wag
mong sabihin na may pagtingin ka sa general? Naku, bata ka pa."
"Hindi po. Kasi 'di ba po nasa right age na sya. Baka po may girlfriend na sya."
Naniningkit ang mata ni Aling Consuelo habang nakatingin sa akin. Pero napahinga
sya ng malalim at sinagot din naman ako.
"Hindi ko pa sya nakikitang nagdala ng babae rito. Hindi ko lang alam kung may
nobya o asawa na sya."
Baka wala pa. Pero sa gwapo nyang iyon ay imposible naman na hindi sya nagkaroon ng
nobya. Argh. Nakakainis naman kung ganun. Nakakawalang gana tuloy. Paano kung may
nobya na nga sya?
Tumingin ako sa ref para hanapin ang manok. Tinignan ko sa ibaba pero wala doon.
Kaya tinignan ko sa taas at nakita ko na nandoon ang frozen chicken kasama ng ilang
frozen food. Kinuha ko iyon at humarap ako para ibigay agad kay Aling Consuelo
dahil ang lamig, pero nagulat pa ako ng mabunggo ako sa matigas na katawan.
Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang pagkibot ng labi ni Atreo.
May kinuha sya sa gilid ko at napasinghap ako ng hawakan nya ako sa likod ko
palapit sa kanya. Napatingin ako sa kanya na seryoso lang ang mukha.
"Aksaya sa kuryente." aniya at doon ko lang napagtanto na sinara nya ang
refrigerator kaya nya ako hinatak palapit sa kanya.
Binitawan nya ako at umalis na sya sa harap ko habang bitbit ang maliit na bote ng
mineral water. Napakurap pa ako at napalunok dahil natulala ako doon. Ramdam ko ang
lakas ng tibok ng puso ko ng masinghot ko ang napakamanly nyang amoy.
"Hija, anong nangyari sa'yo? Tsaka bakit mo niyakap yang manok? Nabasa ka tuloy."
Napatingin ako sa manok na kinuha ko at yakap-yakap ko nga ito na kinainit ng mukha
ko.
God. Nakakahiya!

Kabanata 3
Saktong paglapag namin ng mga pagkain sa mahabang lamesa ay syang pasok nila Atreo
Ripler. Hinawakan ako sa braso ni Aling Consuelo at sinenyasan ako na tila
kailangan na naming umalis muna doon.
"General, tumawag nalang ho kayo kapag may kailangan pa kayo. Doon lang ho kami sa
kusina."
Mga pawisan sila pero ang bango parin ni Atreo ng dumaan sya sa harap ko. Ang pawis
nya sa braso ay mas lalong nakakapanghina. Hinatak na ako ni Aling Consuelo kaya
inalis ko na ang pahabol kong tingin kay Atreo.
Sumandal ako sa pintuan at tinanaw nalang tingin ang mga ito.
"Aling Consuelo, ano po bang favorite food ni Atreo?"
"Bakit mo natanong? Tsaka pansin ko na tila bukang-bibig mo si General buong araw.
At pansin ko rin na sa pangalan mo lang sya tinatawag."
Napalingon ako kay Aling Consuelo na may hawak ng tiyong basahan habang pinupunasan
ang kitchen bar.
"Syempre po, gusto ko syang makilala para naman po makapagpasalamat ako sa
pagligtas nya sa akin kanina. Hindi ko naman po alam ang itatawag sa kanya. Baka
mamaya ay maoffend ko sya."
"Akala ko ay may gusto ka sa General. Wag kang masyadong magpadala sa bugso ng
damdamin mo, Hija. Bata ka pa. At hindi naman sa sinisiraan ko si General, pero ang
katulad nyang army ay madalas habulin ng babae lalo pa't may kakisigang taglay si
General at mayaman."
Napatango ako kay Aling Consuelo kahit na medyo napanghina ako ng loob sa sinabi
nya.
"Aling Consuelo!"
Napahinto si Aling Consuelo sa pagpupunas ng tawagin sya ni Atreo.
"Saglit lang at pupuntahan ko lang saglit si General. Dito ka muna." tumango ako
rito at sinundan ko sya ng tingin. Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kitchen
bar upang ipagpatuloy ang naiwang trabaho ni Aling Consuelo.
Hindi pa ako nangangalahati sa pagpunas ng pumasok muli si Aling Consuelo na may
bitbit nang serving plate.
"Bakit po kayo pinatawag, Aling Consuelo?"
"Ah, naubos kasi ang adobong manok. Nagpapakuha ulit si General." napahinto ako sa
pagpupunas at iniwan ko ito para lumapit kay Aling Consuelo.
Nilagay ko sa likod ko ang mga kamay ko bago ako tumabi kay Aling Consuelo na
kumukuha ng manok para ilagay serving plate.
"Aling Consuelo, kung gusto nyo po ay ako na ang magdala nya'n sa kanila."
Napatingin sya sa akin na nagtataka pero ibinalik din naman nya ang mata sa
sinasandok nyang manok.
"Oh, sige. Nang matapos ko na ang paglilinis ko rito at nang makauwi na tayo."
Napangiti naman ako at hinintay sya na matapos magsandok. Nang tapos na sya ay
inabot nya sa akin ang plato kaya agad kong hinawakan.
"Tanungin mo rin sila kung ano pa ang nais nila." tumango ako sa kanya at tumalikod
na. Naglakad ako palapit sa pinto ng kusina pero nilapag ko muna ang plato sa isang
lamesa. Inayos ko ang buhok ko at damit ko bago ako napangiti na kinuha muli ang
serving plate.
Nang makalabas ako ng kusina ay rinig ko na agad ang kaluskos ng mga nagtutunugang
kurbyertos at tawanan nila. Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo sa kanila.
"Oh, oh.."
Agad na napatingin sa akin ang ilan ng mapansin akong palapit. Hanggang sa mahinto
ang tawanan at napatingin sa akin lahat maging si Atreo.
"Magandang gabi po. Heto na yung chicken adobo." ngumiti ako ng malaki sa kanila at
nilahad ang serving plate. Nataranta naman ang isa na natapatan ko at tumayo bago
kunin ang hawak kong serving plate na may lamang adobong manok.
"Salamat, miss." sabi nito kaya ngumiti ako at tumango.
"Sabi ni Aling Consuelo, sabihin nyo raw sa akin kung may nais pa kayo."
Nagkatinginan pa ang mga ito kaya tumingin muna ako kay Atreo na umiinom ng tubig
habang nakatingin lamang sa kawalan. Lihim na napasimangot ako dahil hindi nya ako
napapansin.
"Ang ganda mo namang bata. Dami mo sigurong manliligaw."
Napatingin ako sa mohawk style ng hair habang may tattoo ito sa leeg. Mukha naman
syang friendly.
"Marami talaga akong manliligaw."
Napapalakpak naman sila kaya napangiti ako. Nabilang ko sa aking mga tingin na dose
silang lahat maliban kay Atreo. May tattoo silang lahat ng ahas. Kaya siguro vipers
ang tawag sa kanila ni Atreo.
"May sinagot kana ba sa mga manliligaw mo?" curious na tanong ng isa na tingin ko
ay mas bata sa kanila.
"Wala, dahil wala pa man naman akong type sa kanila."
"Talaga? Sabagay, ang ganda mo, dapat ay gwapo at kalevel mo."
"Maupo ka muna dito, miss, magkwentuhan tayo." aya nung isa kaya malugod akong
sumunod at naupo sa gitna.
"Ano ba ang tipo mo?" nakangiting tanong nung nakamohawk. Pasimpleng tumingin ako
kay Atreo na patuloy sa pagsubo sa pagkain nya.
"Hmmm.. Siguro yung medyo matanda sa akin."
Napaubo sila kaya napangiti ako. Tumingin ako kay Atreo na napahinto sa pagkain
pero nagpatuloy parin.
"Ano pa?.."
"Hmm, yung serious at suplado."
"Bakit naman ganun ang type mo? Ayaw mo ba sa sweet at romantiko?"
"Ayoko, masyadong boring. Gusto ko yung maginoo pero--"
"Pero bastos." Sabi ng pinakabata sa kanila na hindi pa ako pinatapos sa sinasabi
ko at sya ang humirit pero umiling ako rito kaya hinampas sya ng sumbrero ng katabi
nya.
"Gusto ko yung maginoo pero mysterious." habang sinasabi ko iyon ay nakatingin ako
kay Atreo. Pumalumbaba ako at nakangiti na tinignan sya.
"Ako, maginoo ako." may umakbay sa akin kaya tumingin ako rito. Aalisin ko sana ang
pagkaka-akbay nito dahil sino sya para akbayan ako, pero napatingin kami kay Atreo
ng malakas nyang ibinagsak ang kurbyertos sa lamesa.
"This is not a playground, kiddo." tumayo sya at kinuha ang sumbreo nya na
nakalapag sa lamesa, "Vipers, 4 o'clock." yun lang ang sinabi nya na kinatayo ng
mga tauhan nya at sumaludo.
Tinignan ko sya na naglakad palayo tila patungo sya sa kwarto nya. Medyo mahurt ako
sa sinabi nya. Kiddo daw? Tsk. I'm not a kid anymore.
"Haris, vipers, back to camp. Maaga pa tayo bukas."
Tumayo ang maputing lalake na katabi kanina ni Atreo kumain. Mukha ring suplado
dahil tahimik din sya ng magkatuwaan kami.
"Ang sungit talaga ni Sebastian. Mabuti nalang at kanang-kamay sya ni General."
sabi ng mukhang bata sa kanila.
"Oo nga pala, Miss, ako si Sonny." pakilala ng palangiti sa kanila kaya tumango ako
at tango muli ng magpakilala din ang iba kahit na hindi ko agad matandaan ang
pangalan nila.
"Sige, una na kami. Maaga pa kami bukas."
Tumango nalang ako sa kanila ng magtayuan sila sa kanila-kanilang upuan.. Nang
maiwan nalang ako ay napasimangot ako ng maalala ko ang sinabi ni Atreo.
Why he's so hard to me?
Napahinga ako ng malalim at nagulat pa ako ng mapatingin ako sa tabi ko. Hindi ko
namalayan na narito pa pala ang isa sa mga tauhan ni Atreo.
"Anong ginagawa mo pa po d'yan?"
Nakapalumbaba sya ng tinitignan nya ako at napailing sya na sumandal sa upuan.
"May gusto ka kay General." hindi iyon tanong. Dahil halata naman na alam nya ang
kinikilos ko, "Tigilan mo na yan. Tama si General, bata ka pa. Wala ka ring
mapapala kung ipagpapatuloy mo yan, kiddo." nakangisi nyang sabi at tumayo na.
Napakuyom ako ng kamay dahil sa inis sa sinabi nya.
"Sino ka ba para magsabi n'yan? Wala akong gusto sa kanya, okay? Kayo ata ang bata,
e."
Umiling-iling lang sya na umalis na. Naiinis na napapukpok ako sa lamesa.
"Hija, anong problema at narinig ko ang galit mong boses?"
Napatigil naman ako sa pagpukpok ng biglang sumulpot si Aling Consuelo.
"Wala po. Kasi sila ay iniwan nalang ang pagkain." Napangiti naman sya at lumapit
sa lamesa.
"Ganyan talaga. Mabuti nga at meron pa silang natitira, meron tayong makakain."
Nawala naman ang pagkakakunot ng noo ko at pinagmasdan ko si Aling Consuelo na
nililigpit ang mga plato.
"Yun mga natitira po ba nilang pagkain ang kinakain nyo?"
"Hindi naman madalas. Dahil minsan ay gulay ang niluluto namin ni Feliciano. Pero
minsan ay yung huli sa dagat na mga isda. Pero ngayon nalang muli kami makakain ng
karne kapag narito si General."
Napatango naman ako at tumayo na para tulungan si Aling Consuelo. Isa-isa lang ang
buhat ko sa mga pinaglagyan ng ulam na meron pa, baka kasi malaglag ko.
"Hija, pagkatapos mo d'yan ay pwede bang makisuyo na dalhin mo ito sa kubo. Mauna
ka na at tiyak akong nandoon na ang asawa ko."
"Sige po." tugon ko agad at nilapag ang huling pinggan sa kitchen bar. Kinuha ko
ang platong naglalaman ng natirang adobo at gulay. Maingat na naglakad ako palabas
ng kusina bitbit ang dalawang plato.
Nang nasa sala na ako ay syang labas ni Atreo mula sa isang kwarto. Napahinto ako
at maging sya pero nauna syang umiwas at naglakad palabas ng bahay habang bitbit
ang isang tuwalya.
Agad akong sumunod sa kanya. Paglabas ko ay nakita ko syang lumiko. Susunod sana
ako kaso nang mapatingin ako sa dala kong mga plato ay napabuntong-hininga ako.
Dinala ko nalang ito sa kubo. At pagpasok ko sa loob ng bahay ni Aling Consuelo ay
nakita ko ang maedad na ring lalake na nakaupo sa harap ng lamesa habang may isang
baso ng tubig sa harap nito.
"Sino ka, Hija?"
"Kayo po ba si Mang Feliciano? Asawa ni Aling Consuelo?"
Tumango sya kaya ngumiti ako at excited na lumapit sa kanya.
"May natira po sa pagkain doon sa malaking bahay. Ulam daw po natin ito ngayon."
"Huh?" alam ko na nalilito sya kung bakit ako kasama. Kaya nang mailapag ko sa
harap nya ang plato na may lamang ulam ay naupo ako sa mahabang upuan na gawa sa
kahoy paharap sa kanya.
"Kanina po kasing mga bandang katanghalian, patungo po kami sa palawan ng parents
ko para sana po magbakasyon. Kaso po may nangyaring trahedya kaya po napadpad ako
rito at nasagip ni Atreo... I mean ni General po. Ngayon po ay sa inyo po muna ako
manunuluyan. Maaari po ba?"
"Ah ganun ba. Walang problema iyon, Hija. Bukas ang aming pinto sa'yo."
Napangiti ako lalo sa sinabi nya. Kaya pumalakpak ako.
"Thank you po, Mang Feliciano." tumango sya at ngumiti.
"Walang anuman, Hija. Pero paano ka nga pala makakabalik sa inyo? May contact ka na
ba sa pamilya mo?"
Umiling ako at napabuntong-hininga para palabasin na nalulungkot ako sa pagkawalay
sa pamilya ko. Pero ang totoo ay parang nagugustuhan ko na rito. I like the sea. I
like the accomodation of people here. And also I like Atreo. So it's more fun to
stay here. I know, my family will be okay if I stay more than a months here. Sana
ay matagal pa bago nila ako mahanap at sana matagal pa bago umalis rito si Atreo.
Ewan ko. Para akong nabihag sa kanya. Kahit seryoso sya at suplado ay mas nakaka-
challenge sa akin iyon. Pakiramdam ko naman ay wala syang girlfriend. Kasi kung
meron edi sana kasama nya rito iyon. Right?
"Sasabay nalang po ako kay General pauwi ng maynila. Hindi ko po kasi kabisado ang
contact number ng pamilya ko."
Napatango naman sya at tumayo ngunit pinigilan ko.
"Naku, ako na po, Mang Feliciano. Mukhang pagod kayo galing sa trabaho nyo."
Umalis ako sa harap ng lamesa at lumapit sa plate stand. Kumuha ako ng tatlong
plato at nilapag ko ang isa kay Mang feliciano habang ang dalawa ay sa tabi nya at
sa kabila. Kumuha naman ako ng spoon and fork. Maayos ko iyong nilagay sa plato
nya.
"Naku, Hija, ayos na sa akin ang magkamay." aniya.
"Ho? Kamay? Bakit po kayo magkakamay? 'Di ba po marumi ang kamay nyo. Baka
magkabacteria pa kayo."
Natawa sya sa reaksyon ko at sinabi ko. Para bang hindi sya makapaniwala.
"Mukhang hindi ka sanay sa pangkaraniwang buhay, Hija. Pero sa katulad naming mga
probinsyano ay masarap lalong kumain kung magkakamay ka. Hindi naman maruming kamay
kapag kakain ka. Dahil maghuhugas din naman ng mabuti ng kamay. Tignan mo."
Tumayo sya at lumapit sa gripo, kaya lumapit ako at pinanood ko sya. Napatango
naman ako dahil tama. Maghugas at sabon ng kamay. Nang mahugasan nya ng mabuti ang
kamay nya ay mahinang pinagpag nya ang kamay nya bago sya bumalik sa lamesa.
"Ganito. Yung kanin at ulam. Paghaluin mo tapos iipit mo sa dulo ng mga daliri mo.
Ganito."
Pinanood ko sya at pati ang pagsubo nya. Napamaang ako kaya nagpunta ako sa gripo
at naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naupo na ako sa harap ng lamesa at sinubukan
ang ginagawa nya.
Kumuha ako ng kanin at ulam at medyo nahihirapan ako kaya kaunti lang ang nasubo
ko, ang ilan ay nalalaglag ang butil ng kanin.
"Mas masarap namnamin ang pagkain kapag ganyan, 'di ba?" natatawa nyang sabi habang
pinapanood ako.
"Opo. Tipid pa sa paghuhugas."
Pareho kaming natawa at nagpatuloy sa pagkain.
"Aba. Aba. Tila may pinagkakatuwaan kayo d'yan."
Napalingon kami sa pintuan ng magsalita si Aling Consuelo. Pero halos mabulunan ako
ng makita ko si Atreo na nasa likod ni Aling Consuelo na nakatingin din sa amin.
Agad akong humarap sa pagkain habang tila nag-init ang pisngi ko dahil nakakahiya.
"Tinuturuan ko lang itong si Hija. Nakakatuwa at mabilis syang matutong magkamay."
natutuwang sabi ni Aling Feliciano, "Oh General, nariyan pala kayo." napatayo pa si
Mang Feliciano ng mapansin si Atreo. Pinahid ko ang labi ko dahil baka may musmos
pa ako.
"Pasensya na ho sa istorbo, Mang Feliciano. Narito lang ako ngayon dahil tatanungin
ko sana kung gagamitin nyo ang bangka?"
"Hindi naman, General. Magpapahinga muna ako bukas. Maaari nyong gamitin."
"Sige ho... Mauna na ako." yun lang ang sinabi nya kaya lihim na napabuntong-
hininga ako.
"Nakilala mo na ba itong si Grace, Feliciano?" lumapit sa amin si Aling Consuelo
kaya lumingon ako sa pinto at wala na nga si Atreo. God. This is embarrassing. Ano
kaya itsura ko kanina?
"Grace pala ang pangalan mo, Hija. Magandang pangalan, bagay sa'yo."
"Salamat po. Halika na po, Aling Consuelo, sabay-sabay na po tayong magkamay."
Nagtawanan kami sa sinabi ko. Ang sarap ng feeling maging ganito. Simple lang. Ang
boring kasi kapag lahat ng gusto ko ay meron ako. Pero ngayon ay may gusto ako pero
mukhang mahirap abutin. Pero atleast ngayon ay hindi ako mababagok rito. Dahil
sisiguraduhin kong makukuha ko ang gusto ko.
-
Para magpababa ng kinain ay naisipan kong maglakad-lakad sa dalampasigan. Naparami
ang kinain ko. Grabe, yari ako kay Derek kapag tumaba ako. Hinamas ko ang tiyan ko
dahil ramdam ko ang kabusugan ko. Di bale na, mabilis namang mawawala ito. Atleast
nasubukan kong kumain ng maayos. Hindi yung bread and vegetable salad lang. Brown
rice and tuna. Minsan wala akong kain. Para masunod lang daily diet ko at para
maging fitness fit ako. Minsan ay nahimatay na ako ng hindi kumain at sinabayan ng
exercise.. Hindi alam ng parents ko dahil tiyak na paalis na ako ni Dad sa modeling
kapag nalaman nya na dinadiet ko ang sarili ko.
Naupo ako sa isang beach chair at dinama ang hangin galing sa dagat. Parang ang
sarap magswimming ngayon. Kaso wala na akong extra underwear kapag nabasa ako. Pero
bahala na, ang importante ay maginhawaan ako.
Tumayo ako at hinubad ang bestidang suot ko. Nilapag ko ito sa inuupuan ko bago ko
hinubad ang tsinelas at lumakad patungo sa dagat.
Napangiti ako ng maramdaman ko ang maligamgam at medyo malamig na tubig sa paa ko.
Agad akong sumisid ng makarating ako sa medyo malalim..
Umahon ako at hinagod ko ang buhok ko para maalis ang tubig. Napatingala ako at
napapikit dahil ang sarap sa pakiramdam.
Nagback stroke ako at nakita ko ang maliwanag na buwan. Muling akong sumisid sa
ilalim at nagpavertical-vertical. Nang mauubusan na ako ng hangin ay umahon na ako.
"Refreshing!" hiyaw ko pa at natawa. Umahon na ako ng matagal-tagal kong ibinabad
sa tubig ang katawan ko. Pinilipit ko ang buhok ko ng makarating ako sa pangpang.
Inayos ko ang suot kong bikini bra habang lumalapit sa beach chair. Pero napatigil
ako ng makitang wala doon ang bestida ko.
Tumingin pa ako sa paligid ngunit wala talaga. Napakamot ako ng pisngi at
napamewang habang iniisip kung saan ko nga ba nilapag? Alam kong dito lang sa beach
chair.
Napahinga ako ng malalim at sinuot ang tsinelas bago lumakad pabalik sa bahay nila
Aling Consuelo. Sana lang ay hindi ako pagalitan kapag sinabi kong nawawala ang
bestida nya.
Sanay naman akong lumakad ng nakabikini. Kaya wala akong pakialam kung may makakita
man sa akin ng ganitong itsura. Tumingin ako sa bahay ni Atreo. At hindi ko alam
kung namamalik-mata lang ba ako o ano, pero parang nakita ko na may nakatayo sa
bandang sliding door sa may veranda. Nakiba't-balikat nalang ako at nagpatuloy sa
paglalakad.
"Aling Consuelo!"
"Oh Hija...jusko, bakit ka nakaganyan nalang? Nasaan ang bestida na suot mo?"
histerikal nya kaya napangiti ako.
"Nagswimming lang ho ako sa dagat at nilapag ko po sa beach chair ang bestida nyo,
pero nang balikan ko ho ay wala na."
"Halika nga rito. Jusko. Hihimatayin ata ako sa ayos mo." aniya kaya natawa ako
dahil masyado palang conservative si Aling Consuelo.
Pinahiram nya ako muli ng damit nya at wala man daw syang choice ay pinahiram nya
ang hindi pa nya nagagamit na underwear. Payat naman si Aling consuelo kaya siguro
ay kasya na sa akin ito.
Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit na bulaklakin sya pero maikli na
bestida. Ayos na ito. I love it. Mukhang nauuso ngayon. Kita ang shoulder ko. At
fit na fit sa akin.
"Aling Consuelo, bakit tila maliit na ho ito? Sa inyo po ba talaga ito?" tanong ko
at lumapit ako sa kanya na nagtutupi ng mga damit.
"Pinaglumaan ko na iyan, Hija. Mabuti at kasya sa'yo. Hindi na malaki katulad
kanina. Meron pa akong mga pinaglumaang damit, ibibigay ko sa'yo para may pamalit
ka."
"Naku, salamat po talaga. Pero saan po kayo bumibili ng mga damit nyo at
underwear?"
"Kapag nagpupunta si Feliciano sa kabilang isla ay doon sya nakakabili ng mga
damit. Hayaan mo at bukas ay ibibili kita ng panloob mo, para hindi ko na rin
labhan paulit-ulit ang underwear mong suot."
"Salamat po talaga. Hayaan nyo po, balang-araw ay makakabawi rin po ako sa inyo."
"Walang anuman, Hija. Ang mahalaga ay nakatulong kaming mag-asawa sa'yo kahit
papaano. Oh sya, sya.. Mahiga ka na rito at doon kami ng asawa ko sa kabilang
kwarto."
"Okay po. Good night, Aling Consuelo." sabi ko habang kumakaway. Napangiti sya at
napailing habang buhat-buhat palabas ang tinupi nyang mga damit.
Pinatiyo ko muna ang buhok ko gamit ang tuwalya. Pagkatapos ay nahiga na ako sa
matigas na higaan na may saping manipis. Medyo masakit pala sa likod. Pero carry
lang.
-
Kinabukasan ay maaga akong nagising. At nang maalala ko ang training nila Atreo ay
agad akong lumapit sa bintana na may pawid. Tinaas ko ito at tinukod ang kahoy na
tukuran. Tumingin ako sa labas pero katahimikan ang sumalubong sa akin. Napanguso
ako at umalis sa harap ng bintana.
"Aling Consuelo, nasaan ho ang mga tao sa rest house?" tanong ko kay Aling Consuelo
na nagluluto ng agahan.
Lumingon sya sa akin saglit at binalik muli ang tingin sa niluluto nya.
"Wala d'yan ang General at mga tauhan nya. Meron silang operation sa kabilang isla
kaya baka gabihin sila makauwi."
Nanlumo naman ako dahil maghapon ko pala hindi makikita si Atreo.
"Di ba po pupunta kayo sa kabilang isla? Pwede po bang sumama?"
"Si Mang Feliciano mo nalang ang pinalakad ko, Hija. Wala kasing maiiwan sa resort
kung lahat tayo ay aalis."
Lalo akong nanlumo dahil wala talagang paraan para masilayan ko ngayong umaga si
Atreo.
-
Kesa tumunganga ako sa maghapon ay tinulungan ko si Aling Consuelo sa ginagawa nya.
Nang matapos kami sa tanghalian ay tinuruan naman nya ako na gumawa ng mga palamuti
na gawa sa sea shell at beads.
"Hilig ko na kasi mula ng bata ako ng gumawa ng ganito. Mula ng mag-asawa kami ni
Feliciano at tumira rito ay heto ang ginagawa kong libangan."
"Kaya po pala ang daming palamuti sa bahay nyo. At ang ganda pa ng pagkakagawa."
sabi ko habang tutok na tutok ang mata ko sa pag shoot ng mga beads sa nylon.
"Kaya nga kapag natuto ka nito ay baka hindi ka mabagok rito habang narito ka pa."
Napatigil naman ako sa paggawa ng palamuti at tumingin ako kay Aling Consuelo.
"Kapag nakabalik na po ako ng maynila, ipagmamalaki ko po itong gawa nyo. Marami
pong store sa maynila ang bumibili ng ganito."
"Talaga?"
"Opo. At pwede rin po itong picturan at i-upload sa social media para kung sakaling
gusto nyo po ng mapagkakakitaan pa ay pwede po nating ibenta ang gawa nyo thru
social media."
"Hindi ko alam na meron palang ganun. Iniisip ko kasi na hanggang dito nalang ang
paggawa ko ng ganito. Hindi ko alam na pwede ko palang ibenta... Salamat sa'yo,
hija."
Ngumiti ako sa kanya at inipit ko ang buhok ko sa tenga ko bago ako tumingin muli
sa ginagawa ko.
Hanggang sa inabot na ako ng hapon ay hindi ko na tinigilan ang paggawa. Nakarating
na ako rito sa beach chair dahil dito malamig at maginhawa gumawa ng mga palamuti
sa bahay at katawan. Isang anklet ang ginagawa ko. Maganda kasi ang mga beads sa
paa. At may pagbibigyan ako.
Nang matapos ako ay napangiti ako na tinaas ito upang pagmasdan. Hindi ko akalain
na makakagawa ako ng ganito. Mahirap sya para sa baguhan, pero kapag nagtyagang
matuto ay magiging expert ka na rin.
Napatingin ako sa karagatan ng makarinig ng paparating. At malayo palang ay nakita
ko na ang grupo nila Atreo na mga nakasuot ng pang sundalo. Napangiti ako at
niligpit ang gamit sa mga palamuti. Inayos ko ang buhok ko at damit ko bago ko
hinintay ang pagdaong nila.
Nang makasampa sa pangpang ang bangka na sinasakyan nila ay isa-isa silang bumaba
sa pangunguna ni Atreo. Kaya nang maglakad sya paalis ng dalampasigan ay naglakad
ako palapit sa kanya.
Napahinto sya ng makita ako kaya napahinto din ang grupo nya dahil sa paghinto nya.
"Hello sa inyo." bati ko.
"Hello din little kid." bati ng nakamohawk na hindi ko maalala ang pangalan.
Napasimangot ako rito bago ako tumingin kay Atreo na walang mabakas na ano mang
emosyon sa mukha nya pero nakatingin sya sa akin.
Nilahad ko ang gawa kong anklet na kinatingin nya doon.
"For you.."
Napatikim ang mga tauhan nya at sumisipol-sipol pa. Nangangawit na ako dahil ayaw
pang kunin ni Atreo.
"Tsk. It's so childish." aniya at nakapamulsa na nilagpasan ako. Napamaang ako sa
sinabi nya. Tinignan ko ang anklet na sinasabi nya na pang bata.
"Ang arte naman." sabi ko at tumingin ako sa pinakabata sa kanila. Ang cute nya
kasi. Kaya ngumiti ako rito at kinuha ko ang kamay nya, "Sa'yo nalang. Cutie-
cutie." sabi ko at pinat ko pa ang ulo nya bago ako tumalikod sa mga ito. Tumingin
ako kay Atreo na napahinto kaya inismiran ko ito bago ako lumapit sa lalagyan ng
mga palamuti.
Nang makuha ko ang dala kong gamit sa palamuti ay naglakad na ako at inirapan ko si
Atreo ng madaanan ko sya. Nang tumingin sya sa akin ay nagflip ako ng hair at
naunang maglakad sa kanya.
"Tsss, ang arte naman nya. Huhu gagawa na naman ako ng iba."
Nanlalata na naupo ako sa upuan sa sala nila Aling Consuelo. Ang sakit ng likod ko
sa pagyuko dahil sa paggawa ng anklet, pero hindi naman nya kinuha. Inunat ko ang
mga paa ko sa upuan habang nakapatong ang likod ko sa unan.
Nais ko munang umidlip at tsaka ko nalang ulit ipagpapatuloy ang paggawa ng anklet.
Baka kasi maliit sa kanya kaya sinabi nya na pangbata.

Kabanata 4
Dating gawi. Narito muli kami ni Aling Consuelo sa bahay ni Atreo dahil kailangang
ipaghanda ng hapunan. Pero nagtataka ako dahil tanging mga tauhan lang nya ang
kumakain. Hindi sya lumabas ng kwarto para kumain.
"Saglit lang, Grace, at dadalhan ko lang si General ng pagkain nya."
Agad na nalipat ang tingin ko sa hawak na tray ni Aling Consuelo na may lamang
pagkain at inumin. Agad akong nagpunas ng kamay bago lumapit sa kanya habang
inaalis ang apron.
"Ako na po, Aling Consuelo. Magpahinga na po kayo dahil alam kong napagod kayo sa
pagluluto."
"Huh? Pero kaya ko pa naman. Tsaka baka mahirapan ka kung ikaw lang mag-isa ang
magliligpit ng pinagkainan nila."
Umiling ako at ngumiti rito, "Don't worry, Aling Consuelo. Yakang-yaka ko ito."
Natawa sya at walang nagawa kundi iabot sa akin ang tray. Napangiti naman ako at
binitbit iyon palabas ng kusina.
Sa dinning area ay nakita kong tapos na ang Vipers sa pagkain. Ang ilan ay nakita
ako kaya kumaway sa akin na kinangiti ko. Hindi naman ako suplada.
Pagdating sa room ni Atreo kung saan ko sya huling nakitang lumabas kagabi.
Tumikhim muna ako at binasa ko ang labi ko gamit ng aking dila.
"General, here's your food." sabi ko sa harap ng pinto. Naghintay ako ng tugon
ngunit walang sumasagot kaya inulit ko ulit baka hindi lang nya narinig. Pero wala
talagang sumasagot, kaya nilapag ko muna sa nakita kong table ang tray at lumapit
muli ako sa pintuan. Hinawakan ko ang seradura ng pinto at maingat kong binuksan.
Sumilip ako sa loob at tinignan ang loob. Wala akong makita kundi tanging pader
lang. Kaya tuluyan kong binuksan iyong pinto at kinuha ko muna ang tray bago ako
pumasok.
Maingat akong humakbang habang tumitingin sa loob. Nang makalagpas ako sa dalawang
pader, nakita ko na ang malaking kama na puro itim ang kulay. Sapin, unan, at
kumot. All black. May paintings din sa dingding kung saan ang nakaharap ang head
board ng kama. Very simple and very manly ang buong kwarto nya. Konti lamang ang
gamit.
Lumapit ako sa side table malapit sa kama nya para ilapag doon ang tray. Lumakad
lakad ako para tignan kung nasaan sya?
Tinignan ko ang work table area nya. May ilang papel na nakakakalat doon. Tinignan
ko kung ano iyon at puro sa plano kung paano sila magtrain o puntahan ang isang
lugar.
Binaba ko iyon at napatingin ako sa isang small kit box. Binuksan ko iyon at kinuha
ko ang laman. Condom. Shocks! Meron sya? It means palagi syang gumagamit? At ibig
sabihin rin ay meron syang babae na ginagamitan nito?
Bigla ay kumulo ang dugo ko. Bumigat ang hininga ko dahil maiisip ko palang na may
ibang babae syang nakasex na ay parang nanghihina ako.
Binitawan ko na iyon at binalik sa box bago isarado. Humarap na ako para sana
umalis na at balak na iwan nalang ang tray, ngunit sa aking pagharap ay bumulaga sa
akin ang basang dibdib ng isang tao. May tattoo na ahas sa dibdib habang kitang-
kita ko ang mamuscle na katawan. Tumingala ako at halos mahigit ko ang hininga ko
ng malaman na si Atreo ang nasa harap ko na basa ang buhok nyang mahaba. Habang
nakatingin sya sa akin ng walang emosyon.
"Why are you here?" malamig nyang tanong.
Napakagat ako ng labi ng mapababa ako ng tingin sa ibaba nya. Tanging towel lamang
ang nakatakip doon. Kitang-kita ko ang eight packs abs nya. Habang tumutulo ang
tubig sa mabato nyang abs pababa.
"I'm just here to bring your food." habang sinasabi ko iyon ay tumingin ako sa mata
nya.
Lumapit sya sa akin kung kaya napasandal ako sa work table nya. Hinapit nya ako sa
bewang kung kaya halos magkadikit na ang katawan ko sa katawan nyang basa. Humawak
ako sa dibdib nya habang nakatingin parin sa mga mata nya.
"Napakaganda mo. Maaari ko bang tikman ang labi mo?" mapang-akit nyang tanong.
Tumango ako habang nakatingin sa kanya ng malalim.
"Oo. Wag ka nang magpaalam."
"Ano?"
Nagbalik ako sa sarili ng sigawan ako ni Atreo. Halos napatanga pa ako sa kanya na
ngayon ay nakakunot ang noo sa akin.
"Huh?" maging ako ay napatanong. Dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya?
God. Anong pumasok sa kokote ko at naimagine ko iyon? I'm so desperate bitch.
"Sabi ko wag mong sandalan ang table ko." malamig nyang sabi kung kaya ay agad
akong umalis sa pagkakasandal sa table nya,
Napapikit ako at napakagat ng labi habang naglalakad palapit sa pinto. Nakakahiya.
"Where are you going?"
Napahinto ako sa paglalakad sa tanong nya. Humarap ako sa kanya kahit na alam ko na
namumula ang pisngi ko sa kahihiyan.
"I'm going now. Dinala ko lang talaga ang food mo."
Lumapit sya kung saan nakasabit ang roba nya, "No, just stay."
Napamaang ako sa sinabi nya. Just stay. Wag nyang sabihin.
"Tinatamad akong lumabas kaya bitbitin mo ito palabas." dugtong nya kaya napatikhim
ako dahil napahiya na naman ako.
"Okay." tumayo lang ako at tinignan sya. Naupo sya sa kama at alam kong malambot
iyon dahil nang maupo sya ay medyo lumubog ang inuupuan nya. Napatingin ako sa
mahaba nyang legs na medyo mabalahibo. Nakabukaka sya habang kumakain. Kita din ang
dibdib nya dahil sa hindi nakaayos nyang roba.
Humalukipkip ako at pinanood ko sya. Tumingin sya sa akin kaya umayos ako ng tayo
habang nakahalukipkip. Tinignan nya ako at nakita ko na napalunok sya bago umiwas
at umiling. Naguguluhan naman ako sa kinilos nya?
"General, do you have girlfriend?" napatigil sya sa pagsubo dahil sa tanong ko.
Hindi sya sumagot kaya napanguso ako. Ang hirap naman nyang abutin. Suplado talaga.
Naku. Naku. Kapag naging akin ka, titiyakin kong mawawala ang pagkasuplado mo.
Tsss.
"I'm done."
Nang sabihin nya iyon ay agad akong lumapit. Yumuko ako para buhatin ang tray. Pero
napatigil ako at nanlaki ang mata ko ng tumayo si Atreo sa likod ko. Medyo
nakakailang ang posisyon dahil medyo nakalean ang katawan ko habang sya ay nakatayo
sa likod ko at tila natigilan din.
"Move."
"Okay, heto na. Heto na." dali-dali akong umalis sa tabi nya at nakahinga ako ng
maluwag ng makalayo ako. Tinignan ko sya na may kukunin pala sa isang book shelf na
malapit sa side table.
Nang makuha nya ang isang libro ay napatingin sya sa akin kaya ngumiti ako at agad
na tumalikod habang napapapikit ako sa kagagahan ko.
Paglabas ko ng kwarto nya ay sumandal ako sa pinto at huminga ng malalim. God.
Halos pigilin ko pala ang hininga ko dahil sa nangyari. Nakakataas ng balahibo yung
pagdikit ng katawan nya sa akin.
Umiling-iling ako at umalis na doon para bumalik sa kusina.
Yakap ang unan na nahiga ako sa matigas na higaan nila Aling Consuelo. Dahil sa
pagod sa pagligpit ng pinagkainan ay agad akong ginopo ng antok.
"Grace, gising."
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Aling Consuelo. Bumangon ako ng higa
at nagkukusot ako ng mata na tumingin sa kanya.
"Bakit po?"
"Pasensya na sa istorbo sa pagtulog mo, pero magpapaalam lang sana kami sa'yo.
Namatay kasi ang kaibigan ni Feliciano sa kabilang probinsya, kaya baka matagalan
kami makabalik." Nagising ang diwa ko sa sinabi nya.
"Pero paano po rito sa resort?"
"Nagpaalam na ako kay General. Kaya habang wala kami ay sya muna ang makakasama mo
at mga tauhan nya. Pasensya na kung maiwan ka namin, ha?"
Ngumiti ako rito at umiling, "Wala po iyon. Ayos lang po."
Kung alam lang ni Aling Consuelo kung gaano ako kasaya. Ibig sabihin, kapag aalis
si Atreo ay dapat kasama ako.
"Oh sige, ipagpatuloy mo na ang pagtulog mo at kami ay aalis na."
Tumango ako rito at pinanood ko sya na lumabas ng kwarto. Nang ako nalang ang
naiwan ay nahiga muli ako at kinuha ko ang unan para yakapin.
Napangiti ako at tinakip ko ang unan sa bibig ko para tumili. Ang saya.
Bumangon agad ako sa higaan at ginawa ko ang morning ritual. Mabuti at may extrang
tooth brush sa bahay ni Atreo kaya may nagagamit ako. Nagsuklay ako ng buhok at
tumingin ako sa bestidang suot ko. Inalis ko ang tali sa bandang dibdib ko kung
kaya medyo lumitaw ang cleavage ko. Ayos na ang kaiklian ng bestida. Maaari ng
makapang-akit ng supladong lalake.
Nang ayos na ako ay lumabas ako ng bahay at medyo pasikat na ang liwanag. Ang sarap
ng hangin. Ang lamig na galing sa dagat ang mas nagpahangin sa paligid. Tumingin
ako sa rest house ni Atreo at nakita ko ang ilang bukas na ilaw kaya napangiti ako.
Nagtungo na ako sa bahay nito para makita sya. Pagpasok ko ay nabugaran ko ang
grupo nya na mga nagcocoffee habang nakaupo sa mga sofa at ang ilan ay nakatayo at
nakasandal sa pader.
Napatingin sila sa akin na halos maibuga ang kape ng makita ako kaya napangiti ako
at lumapit sa kanila.
"Good morning. Have a nice day." bati ko habang maluwang akong nakangiti sa kanila.
"Good morning, little girl. Ang aga mo ata?" tanong ni Quest. Kilala ko na sya. Sya
yung mohawk ang style ng hair. Sinamangutan ko sya sa tawag nya sa akin.
"Bakit bawal ba? Tsaka dalaga na ako kaya wag mo akong matawag-tawag na little
girl, tsss."
Napailing sya at humigop ng kape. Inismiran ko sya at hinanap si Atreo.
"Vipers, let's go."
Agad akong napatingin sa gilid ko ng magsalita si Atreo na galing palang kwarto
nya. Nakasuot sya ng army pants at white shirt habang nakasumbrero at nakatali ang
buhok nya.
Napatingin ako sa nagtayuang mga grupo nya at naguluhan akong tumingin kay Atreo ng
mapagtanto ko ang sinabi nya.
"Saan kayo pupunta?"
Tumingin sya sa akin tila ba nagtataka kung bakit ko tinatanong?
"You just stay here." yun lamang ang sinabi nya bago sya umalis sa gilid ko para
lumabas. Nanlumo ako dahil aalis na naman sya. Pero lalo akong nanlumo dahil
maiiwan akong mag-isa sa resort nito.
Nang makalabas silang lahat ng bahay ay nanlulumo ako na naupo sa sofa. Ang boring.
Ano naman ang gagawin ko? Tutunganga? Aist. Bakit hindi nalang nya ako isama?
"Get up, kiddo."
Agad akong napaayos ng upo sa sofa at napatingin sa pinto ng marinig ko ang boses
ni Atreo. Malamig ang tingin nya at tumalikod agad kaya napangiti ako ng maunawaan
ko ang sinabi nya. Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at agad na hinabol sya.
Sinara ko ang pinto at maluwang ang ngiti ko na sumunod sa kanya.
Nakita ko ang vipers na nakasakay sa bangka tila bago na dahil hindi na yung bangka
ni Mang Feliciano ang gamit nila. Kumaway ako sa Vipers para ipaalam na kasama ako.
"I'm excited! Where are we going?" tanong ko ng alalayan akong sumakay ng bangka at
maupo sa gitna.
"General, bakit sinama pa natin ito?" tanong ni Von na una palang ay alam ko na
mayabang.
"Bakit naman hindi? Alangan naman maiwan ako mag-isa?" tinarayan ko nga ito.
"Enough. Can you please shut up for a while." suway sa akin ni Atreo kaya
nginisihan ako ni Von na kinasimangot ko, "Kailangan natin syang isama dahil baka
pag may nangyari sa kanya ay kasalanan ko pa." paliwanag ni Atreo sa vipers.
"Wear this." dagdag ni Atreo at inabot ang life vest.
"I don't need that. Thank you but I'm okay."
"Just wear this. I can see your clevage for god sake." masungit nyang sabi at
dinuldol sa akin ang life vest bago bitawan kaya agad kong kinuha. Napasipol ang
ilan at ang ilan ay walang reaksyon sa sinabi ni Atreo.
Tila naman ako napahiya kaya sinuot ko ang life vest na bigay nya. Tumahimik na rin
naman tila ramdam nila ang asiwa kong feelings.
Napasungit nya. Kung alam ko lang, kanina pa sya nagnanasa sa cleavage ko. Tsss.
Tumahimik nalang ako habang nag-uusap sila sa pinagpaplanuhan nila. Seryoso silang
lahat kaya alangan namang istorbohin ko sila. Nakatingin nalang ako sa dagat na kay
gandang pagmasdan. Pasikat na ang araw at kita sa karagatan ang repleksyon ng
pagliwanag.
Natanaw ko na rin ang kabilang islang sinasabi nila Aling Consuelo. Naexcite ako
dahil ngayon ko lang makikita kung anong klaseng isla naman ang isang ito.
"Talasan nyo ang mga mata nyo at alam ko na merong kakaibang kinikilos ang ilan sa
mga bakasyunista na nagpunta sa isla."
"Yes, General!" sabay-sabay na sagot ng Vipers na talagang maawtoridad din ang
kanilang tono.
Pagdating namin sa pangpang ay isa-isang nagsibabaan ang vipers. Bumaba na rin si
Atreo kaya ako nalang ang naiwan. Lumapit ako sa dulo ng bangka at ambang bababa
ako ng may dalawang kamay ang nag-offer sa akin kaya napatingin ako kung sino? Ang
isa ay si Gorge na pinaka tahimik sa vipers. At ang isa ay si Atreo.
Nagkatinginan sila at tila balak na ni Gorge na alisin ang kamay dahil General nga
naman nila ang isang nag offer. Ewan ko kung anong nangyari kay Atreo at talagang
gentleman sya. Pero kanina ay ang sungit nya.
Kaya para isnabin sya ay yung kamay ni Gorge ang kinuha ko na kinagulat nito.
Ngumiti ako rito at nagpaalalay sa kanya na bumaba.
Anong akala ni Atreo, porket patay na patay ako sa kanya ay hindi ko sya kayang
tanggihan? Tsss. Napahiya kaya ako kanina. Para namang hindi sya nakakakita ng
clevage sa state kung makareact.
Tila nagkaroon ng something awkward sa pagitan ni Gorge at Atreo. And nafefeel ko
na masama ang awra ni Atreo. Siguro napahiya sya dahil hindi ko tinanggap ang kamay
nya.
"Grupo ni Seb, sa kabilang kanto kayo. And the rest follow me."
Nakita ko ang pitong vipers na sumaludo kay Atreo bago tumalikod sa amin at
nagtungo nga sa kabilang kanto. Ang naiwan kay Atreo ay ang limang vipers at ako.
Sumunod lamang ako sa kanilang sa hulihan habang nililibot ko ang tingin sa
paligid. Maraming tao na hindi gaya sa isla kung saan nakatira sila Aling Consuelo.
May mga pamilihan na kinangiti ko. Tama nga si Aling Consuelo, meron ritong
pamilihan. Nakakita ako ng mga tindahan ng summer dress na kahit simpleng tindahan
lang sya at hindi botique ay magaganda naman ang style ng summer dress.
Hindi ko namalayan na lumapit ako doon para tumingin. Natutuwa ako dahil ang daming
maaaring bilhin rito. Nakakita ako ng may tuhog-tuhog na banana na kulay brown kaya
lumapit ako doon.
"Manang, ano pong pagkain ito?" turo ko sa tinda nya.
"Ah ine, banana que yan." banana que? Ngayon ko lang narinig ang tawag sa pagkaing
iyon.
"Pwede po bang patikim?"
"Ah-eh, Ine, binebenta ko kasi ito."
"Ah, gano'n po ba." napalabi ako dahil wala naman akong dalang pera, "Pautang po,
bayaran ko po kapag may pera na po ako."
"Hindi ako nagpapautang, Ine. Malulugi naman ako."
Napabuntong hininga ako at napahawak sa suot kong necklace na hindi nawala sa akin.
Inalis ko ito at nilahad sa kanya.
"This is worth of fifty thousand. Maybe this is enough?"
"Yan ang ipangbabayad mo?" tumango ako at ngumiti, "Pero wala akong isusukli
sa'yo."
"It's okay. Keep the change."
Tila naman natuwa sya at kinuha ang kwintas ko.
"Sige, Ine, iyon na lahat ito."
Nanlaki ang mata ko na sabihin nya na akin na ang lahat ng paninda nya.
"Really?" natuwa ako dahil ibibigay nya sa akin lahat. Wow.
Tumingin ako kay Manang na iniwan na ang food stand nya habang manghang-mangha na
nakatingin sa kwintas ko. Napailing ako at hinawakan ko ang basket na naglalaman ng
paninda nya. Binitbit ko ito at tsaka ako lumingon sa likod para hanapin sila
Atreo, pero napakunot-noo ako ng malaman na iniwan nila ako.
Napahinga ako ng malalim at naglakad. Kumuha ako ng isang stick ng banana que.
Kumagat ako at halos manlaki ang mata ko dahil masarap sya. Matamis na gustong-
gusto ko.
Naupo ako sa isang kahoy na upuan kung saan nakaharap sa mga batang naglalaro.
Sarap na sarap ako sa pagkain ng biglang maglapitan sa akin ang mga bata.
"Ate, ate, pahingi kami."
Napatigil naman ako sa pagkagat at napatingin sa mga batang nakapalibot sa akin.
Ngumiti ako at tumango na kinatuwa nila.
"Okay, pili na kayo ng gusto nyo."
Agad naman silang kumuha ng banana que. At natuwa ako ng maupo sila sa tabi ko.
"Salamat, Ate. Grabe, gutom na gutom na kami." tumingin ako sa batang lalake na
tingin ko ay seven years old na.
"Bakit, hindi pa ba kayo kumakain?"
"Opo. Kasi nagtitinda pa sila nanay para sa pagkain namin ngayong araw." tumingin
naman ako sa little girl. Bigla naman ay naaawa ako sa kanila.
"Kaya ba narito kayo at hindi nag-aaral?"
"Nag-aaral kami tuwing sabado at linggo lang po."
Napahinga ako ng malalim at inabot sa kanilang ang basket.
"Sa inyo nalang ito, paghatian nyo. At para may makain kayo habang nagtatrabaho ang
parents nyo."
"Talaga po?" tuwang-tuwa nilang paniniguro tila hindi makapaniwala na binibigay ko
sa kanila ang lahat ng banana que.
"Oo, sige, inyo na 'yan."
Napangiti ako ng kumuha sila ng tig-lilimang banana que. Nagpaalam na sila sa akin
at nagsitakbuhan habang tuwang-tuwa.
"You're here."
Napatingala agad ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Atreo. Tinignan ko ang
grupo nya kung kasunod nya pero wala. Tanging sya lang.
"Uuwi na ba tayo?"
Tumayo ako habang kinakagat ang banana que. Napatingin ako bigla sa kamay ko ng
hawakan iyon ni Atreo. Napatingin ako sa kanya na seryoso lang ang mukha.
"Let's go. Tsss, pinapahirapan mo ako." aniya at nabigla ako ng hatakin na nya ako.
Nagpatangay ako sa kanya habang tinitignan ko ang kamay nya na nakahawak sa kamay
ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil nahawakan ko ang kamay nya.
Kinain ko ang huling kagat sa banana que at tinapon ko sa basurahang nadaanan namin
ang stick. Sumabay ako sa kanya at humawak sa braso nya na kinatingin nya.
Nginitian ko sya kaya umiwas sya ng tingin at hinayaan akong lumingkis sa kanya.
Ang bango nya. Ang tigas ng braso nya. Napapangiti ako dahil abot-kamay ko na sya.
Nakita namin ang ilang vipers na seryosong nagmamasid habang nakakalat sila sa
bawat kabahayan. Napatingin sila sa amin at kita ko ang pagtingin nila sa kamay
namin. Syempre, sino ba ang hindi magtataka kung bakit kami magkaholding hands
while walking?
"Just stay here." dinala nya ako sa tabi ng mga tauhan nya kung saan ay may isang
army car. Sumandal ako sa gilid ng nguso ng army car at humalukipkip doon habang
tinitignan sila na nag uusap habang nagmamasid.
Ano kaya ang meron rito at tila binabantayan nila?
May biglang sumabog kaya naging alerto sila. Habang ako ay natakot kaya hindi ko
alam kung ano ang gagawin ko?
"Tara na, kiddo." nagsakayan ang dalawa na si Quest at Sonny.
"Pero si Atreo?" tanong ko at tumingin kay Atreo na tumakbo habang may hawakan na
dalawang baril.
"Wag mong intindihin, General. Kaya nya ang sarili nya."
Pinasakay ako si Quest sa army car kaya agad akong sumakay. Nasa driver seat si
Sonny habang nakatayo sa likod si Quest.
"Ano bang nangyayari?"
"Dito dumadaong at nagtatago ang ilang teroristang nais na manggulo sa bansa."
tumingin ako kay Quest na seryosong nagmamaneho.
"Kaya ba mula sa amerika ay umuwi kayo para tulungan ang islang ito?"
"Mahalaga kay General ang lugar na ito kaya kahit iwanan namin ang trabaho sa
amerika ay mas pinili nyang unahin ang maalis ang salot sa lugar na ito."
Napatango ako at lalong humanga sa kabutihan ni Atreo. Hindi ko man alam ang
dahilan kung bakit mahalaga kay Atreo ang La Carlota, ang mahalaga ay alam kong
tama na nagustuhan ko si Atreo.
Inikot namin ang buong lugar ng isla at nakita ko ang ilang kasamahan nila na
nakikipagputukan. Nakita ko na nagtatakbuhan din ang ilang mamamayan para makaiwas
sa putukan.
Hininto ni Sonny ang army car sa isang malaking evacuation. Bumaba rin ako ng
bumaba sila si Quest.
"Dito ka muna, Kiddo. Kailangan naming alamin kung may nasugatang mamamayan."
Tumango ako kay Sonny kaya umalis na sila ni Quest. Dinala lang pala ako rito para
hindi mapahamak. Napatingin ako sa mga mamamayan na mga takot sa mga naririnig na
barilan.
"Ate! Ate!"
Napatingin ako sa batang umiiyak. Pinatayan ko sya para madali ko syang matanong.
"Bakit, little girl? Nasaan ang parents mo?"
Umiling-iling sya habang umiiyak. Nilibot ko ang tingin at tumayo ako baka sakaling
may naghahanap sa bata. Pero dahil halo-halo na ang mga tao at sa dami kaya siguro
nawala ang batang ito sa magulang nya.
"Kasama mo bang pumunta rito ang magulang mo?" tanong ko sa bata.
"Hindi po." napahinga ako ng malalim dahil paano itong bata?
Inakay ko sya para hanapin ang parents nya. Baka sakaling narito na rin.
"Manang, kilala nyo ba ang batang ito?"
"Hindi, hija." tumango ako rito at tumingin sa bata na bakas ang luha sa mukha
habang tumitingin sa paligid.
"Rica, anak!"
Napatingin ako sa babaeng sumisigaw. Kaya inaya ko ang batang babae doon.
"Excuse me, Ale." lumingon ito sa akin at napatingin sya sa batang hawak ko.
"Rica, diyos ko, mabuti narito ka lang." agad syang lumuhod at niyakap ang anak nya
kaya binitawan ko ang kamay ni Rica at napangiti ng may nagawa ako para sa mag-ina.
Tumingin sa akin ang ale at tumayo habang nakangiti.
"Salamat, hija."
"Walang anuman ho, Ale." ngumiti ako rito bago sila iwanan.
Bumalik ako sa entrance para tignan kung pabalik na sila. Nakita ko na may ilang
sugatang mamamayan na agad na inasikasyo ng mga nakaabang na medic. Napatingin ako
sa isang lalake na nakasumbrero at may takip na panyo sa bibig. Pumasok sya rito sa
evacuation habang palinga-linga. Nasense ko na meron syang hatid na masama.
Napaatras ako ng mapatingin sya sa akin. Lalo akong napaatras ng lumakad sya
palapit sa akin. Tumalikod na ako para sana tumakbo ngunit agad nitong sinakal ang
leeg ko gamit ang braso nya kaya napangiwi ako. Napatingin ako sa baril na tinutok
nya sa sentido ko.
"Sige, lumapit kayo!"
Nagsigawan na ang mga tao at nagsilayo ng makitang hostage ako ng lalake.
Napatingin ako kela Atreo na pumalibot sa amin.
"Ibaba mo yan, kung ayaw mong lumabas ang dugo sa bibig mo." banta ni Atreo habang
seryoso na nakikipag-usap sa nang hostage sa akin.
"Hindi ako tanga para sundin ka. Papatayin ko itong babaeng ito kapag lumapit
kayo!"
Naman. Amoy araw pa si Kuya. Ang lakas pa ng power.
Tumingin ako sa baril na hawak nya at pinakiramdaman ko muna ang lakas nya. Nang
medyo lumapit sila Atreo ay natense ang katawan nya kaya agad kong siniko ang tiyan
nya at inagaw ang baril.
Pinilipit ko ang kamay nya at pinukpok ang batok nya gamit ang baril, kaya
nahimatay ito.
Napahawak ako sa leeg ko dahil ang sakit din ng pagkakahigpit ng sakal nya. Lumapit
sila Sereno, Jun, at Haris para itayo ang terorista. Napatingin ako kela Atreo na
hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Wow. Marunong ka pala sa self depense." manghang-mangha si Regie. Yung baby face
sa kanila.
Ngumiti ako at inabot ang baril kay Atreo. Inabot nya iyon at tumalikod sya.
"Let's go. We need to check if the area is okay."
Napatingin ako sa braso nya nang may tumulo sa kamay nya na dugo. Napamaang ako at
agad na lumapit sa kanya.
"Teka! May sugat ka. Gamutin natin."
Pinigilan ko sya sa damit nya kaya napahinto sya. Lumipat ako sa kabilang braso nya
at kinuha ko iyon bago ipatong sa balikat ko.
"Tsss. Anong alam mo sa pang gagamot, kiddo?"
Napasimangot ako sa sinabi nya kaya inabot ko mula sa likod nya ang braso nyang
sugatan na kinadaing nya.
"Wag mo nga akong tawaging kiddo. Dalaga na ako."
"You're still young for me." aniya kaya tumingin ako sa mukha nya.
"But age doesn't matter."
Tumingin sya sa akin ng sabihin ko iyon.

Kabanata 5
Dinampian ko ng bulak ang sugat ni Atreo. Wala akong alam sa pag gamot pero alam ko
naman kung paano lilinisin ang sugat. Si Sebastian ang nag alis ng bala sa braso ni
Atreo. At ako na ang nagprisinta na maglinis. Pagdating na pagdating namin rito sa
isla ay agad syang ginamot dahil baka maubusan sya ng dugo.
"Siniguro nyo ba na wala na ang grupo ng Bandido ang nasa Isla?"
"Yes, General. Clear na ang bawat sulok ng isla kaya ligtas na ang mamamayan doon."
Napatango naman si Atreo at napatingin sa akin ng mapadiin ang pagdampi ko ng bulak
sa sugat nya.
"Sorry." nag piece sign ako at ngumiti ng paumanhin na kinaiwas nya lang ng tingin
sa akin. Napanguso ako at pinagpatuloy ko ang paglilinis sa sugat nya.
"Sige na, Vipers, magpahinga na kayo."
Nagsitayuan na ang vipers at sumaludo kay Atreo. Isa-isa na silang nag-alisan para
magpunta sa sinasabi nilang camp. Doon sa isa pang bahay na nakatago sa likod ng
rest house ni Atreo.
Nang kami na lamang ang naiwan ni Atreo ay katahimikan ang namayani sa amin. Nang
matapos kong malinis ang sugat nya ay nilagyan ko ng bulak ang sugat nya at tsaka
ko tinape para hindi mainfection. Pagkaraan ay nilagyan ko ng gasa para hindi
magalawa ang sugat nya.
"Done." niligpit ko na ang medicine kit nya at tatayo na sana ako ng pigilan nya
ako sa braso.
Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin ang mala agila nyang mga
mata. Tumingin ako sa kanya upang ipahiwatig kung ano ba ang nais nya at pinigilan
ako?
"Paano ka natuto ng self depense?"
"Well my dad taught me. Why?"
Binitawan nya ang braso ko habang napapatango sya. Hindi nya ako sinagot.
"Ako naman ang magtatanong sa'yo."
"Umuwi ka na." tatayo na sana sya ng pigilan ko sya sa balikat. Tumingin sya sa
akin.
"Do you have girlfriend?"
"At bakit mo gustong malaman?" seryoso nyang tanong habang tinitignan ako sa mukha.
"Because I like you." walang paligoy-ligoy kong pag amin.
Napailing sya at napangiti tila manghang-mangha sya sa akin. Ano naman ang
kamangha-mangha doon? Bakit ngayon lang ba merong umamin sa kanya ng walang
paligoy-ligoy?
"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Masyado ka pang bata."
"Answer me. Do you have girlfriend?" desperada kong tanong.
"Paano kung wala?" nakangisi nyang tanong tila hinahamon pa ako, kaya napangiti
ako.
"Edi..ako nalang ang girlfriend mo."
Natawa sya sa unang pagkakataon na nakita ko. Napakagwapo nya at lalo pa akong
nahuhulog sa kanya ng makita ko at marinig ang maganda nyang pagtawa. Lalo pa
ngayon na malaman ko na wala pala syang girlfriend.
"Hindi ako pumapatol sa bata." tumayo na sya matapos nyang sabihin iyon. Napalunok
ako at napatayo rin. Agad akong humarang sa harap nya kaya napahinto sya sa
paghakbang.
"Hindi porket bata ako ay mamaliitin mo ako. Tandaan mo, kaya kitang makuha kahit
bata ako sa'yo." seryoso kong sabi sa kanya at tumingkayad ako para abutin ang labi
nya. Pumikit ako at dinama ang labi nya. Saglit lang iyon at agad akong bumitaw
bago tumingin sa kanya na hindi ko alam kung ano ang iniisip nya? Para syang
nablanko, "Good night."
Agad na akong tumakbo palabas ng bahay nya habang nakangiti ng maluwag at nakahawak
sa labi ko. Napahinto pa ako saglit at pigil na napatili habang napapatalon pa ako
sa kaligayahan.
"Ang sarap ng labi nya. God."
Agad akong nahiga sa higaan ko ng makarating ako sa bahay ni Aling Consuelo.
Napahawak parin ako sa labi ko at napapahagikgik dahil sa kilig. Nag pagulong-
gulong ako sa higaan at napaupo ako dahil hindi ko malaman ang nararamdaman kong
saya. Hindi ata ako makakatulog nito. Para akong mababaliw.
He's my first crush. My first kiss. I want him to be my boyfriend. Iisipin ko
palang na boyfriend ko sya ay hindi ko mapigilan kiligin. God.
Kaya kinabukasan ay maaga akong nagpunta sa bahay nya. Naabutan ko ang vipers na
kumakain na. Napatingin ako kay Atreo na nakasuot ng apron. Black loose pants. Wala
syang suot na damit na pang itaas kaya tanging apron lang ang tumatakip sa maganda
at masarap nyang katawan. Kasing sarap ng breakfast. Grabe ang ganda naman ng umaga
ko.
Nilapag nya ang ulam na tila sya ang nagluto. Napatingin ako doon at namangha naman
ako dahil marunong pala syang magluto.
"Ikaw ang nagluto ng lahat ng iyan?"
"Maupo ka na." nakangiti parin ako kahit na nagsusungit na naman sya. Naupo na ako
sa bakanteng upuan at ngumiti sa Vipers na nagpapakiramdaman. Tila sila pa ang
nahiya sa akin.
"Bakit kayo nakahubad lahat?" tanong ko kaya ang ilan ay napaubo sa kinakain nila
at ang ilan ay napabuga sa iniinom nila, "Bakit naman ganyan ang reaksyon nyo?
Ngayon lang ba kayo nagpakita ng katawan sa babae? Inferness, ang gaganda ng
katawan nyo. Alam nyo, pwede kayo sa modeling."
"Enough, kiddo."
Tumingin ako kay Atreo na nilapag ang gawa nyang kape sa pwesto nya. Hindi naman
ako makatabi sa kanya dahil si Sebastian at Von ang nasa magkabilang gilid nya na
pareho ring suplado. Kaya hindi ko kavibes.
Tumahimik nalang ako dahil tila mainit na naman ang ulo ni Atreo. Tsss. Wag nyang
sabihin na nagalit sya sa kiss ko? Ano yun, first kiss nya?
Napahagikgik ako kaya napatingin sila sa akin. Nagpaumanhin ako at pinigil ko ang
pag ngiti ko. Tinusok ko ang hotdog gamit ang tinidor at tsaka ko kinagat ito.
Ngumunguya ako nang mapatingin ako kay Atreo na seryoso sa pagkain nya. Nang
mapatingin sya sa akin ay kumindat ako at kinagat ang hotdog na kinasamid nya kaya
napangiti ako at enjoy na enjoy sa pagkain ng hotdog.
Nagpunas sya ng nguso gamit ang table napkin bago sya tumayo kaya napatingin sa
kanya ang vipers at ako naman ay naibaba sa plato ang kinakain kong hotdog.
"I'm done." umiwas sya ng tingin sa akin at umalis sya sa hapagkainan. Sinundan ko
sya ng tingin.
"Ano kaya nangyari kay General? Hindi pa nga nya nangangalahati ang pagkain nya."
napatingin ako kay Erick na kulot ang buhok na maikli.
Nagpatuloy ako sa pagkain at napaisip. Pero lihim akong napangiti dahil alam ko, na
dahil sa akin kaya hindi nya naubos ang pagkain nya.
-
Nang magprisinta ako na ako na ang magliligpit ng pinagkain ay nagsialisan na sa
dinning area ang vipers. Nang matapos ako sa pagliligpit ay naisipan kong hanapin
si Atreo.
Napatingin ako sa labas ng makarinig ako ng talsik ng tubig. Agad kong tinungo ang
pinakagarden at paglabas ko ay napatingin ako sa taas. May hagdanang bakal paakyat
sa rooftop ng bahay ni Atreo. Kaya naisipan kong umakyat. Sumilip ako nang medyo
nasa last step na ako. At nakita ko na may swimming pool pala rito. May nakita
akong lalake na lumalangoy at nang mahinto sya sa gilid ng pool at humarap paharap
sa akin ay napangiti ako ng malamang si Atreo iyon.
Napaisip ako at bumaba ng hagdan. Bumalik ako sa bahay nila Aling Consuelo at
kinuha ang bagong labang bikini bra and panty ko. Mabuti na lamang at ito ang suot
ko ng bumagsak ako rito sa isla nila Atreo. Magagamit ko pala.
Nang maisuot ko ang bikini ko ay sinuot ko muli ang bulaklaking bestida na one
strap sya na nakatali sa leeg ko. Excited na tumungo muli ako sa bahay ni Atreo.
Tinungo ko ang hagdan at umakyat ako.
Nakita ko si Atreo na nakasandal ang likod sa pader ng pool habang nakapikit at
nakadantay ang braso sa pader. Lumakad ako palapit sa pool.
"Can I join you?"
Napadilat sya at napatingin sa akin. Umalis sya sa pagkakasandal ng makita ako.
Ngumiti ako at inalis ang tali ng bestida sa leeg ko at binaba ko iyon to reveal my
beach body.
Ngumiti ako ng makita ko na napatingin sya sa katawan ko. Hinubad ko ang tsinelas
na suot ko bago ako lumapit sa dulo ng pool. Nag dive ako at sumimid sa ilalim ng
tubig patungo sa kanya. Nang makita ko na ang mga binti nya at makita na tanging
brief na itim lamang ang suot nya ay napangiti ako at umahon sa harap nya. Hinagod
ko ang buhok ko at tumingin sa kanya.
Napatingin sya sa akin na tila hindi makapaniwala. Ngumiti ako sa kanya na may
pang-aakit at humawak sa balikat nya. Hinawakan nya ako sa kamay para sana alisin
iyon.
"Hindi mo alam ang ginagawa mo." aniya sa mariin na tono. Mahigpit syang nakahawak
sa pulso ko at ramdam ko na natetense sya. Bakit kinakabahan ang isang Atreo Ripler
Alvarez?
"At anong mali dito? Wala naman akong ginagawa?" nakangiti kong tanong at dumikit
pa sa kanya.
Napapikit sya at ramdam ko ang bigat ng hininga nya na tumatama sa aking mukha.
"This is not right." bulong nya na narinig ko naman.
"Anong mali rito?" bulong ko kaya napadilat sya at napatitig sa akin. Kita ko sa
mata nya ang pagtitimpi at tila nahihirapan sya.
Ngumiti ako at lumayo sa kanya kaya nabitawan nya ang kamay ko.
"Okay. I leave." matapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ako sa kanya at lumangoy
patungo kung saan ko iniwanan ang bestida ko. Umahon ako at naglakad palapit sa
bestida ko.
Piniga ko ang buhok ko at hinawi ang tubig sa mukha ko. Napalingon akong muli sa
pool ng marinig ko ang pag ahon nya. Malalim syang tumingin sa akin at lumakad
palapit. Hinarap nya ako sa kanya at hinapit sa bewang palapit sa katawan nya.
Napatingin ako sa kanya na seryosong lamang na nakatingin sa akin.
"Sinusubukan kong magtimpi pero palagi mo akong tinutukso. Hindi mo alam kung sino
ako, kaya bakit pilit mong pinagsisiksikan ang sarili mo?"
Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko at maging ang kanya. Nakadikit ang aming
dibdib habang sobrang lapit ng aming mukha dahil nakayuko sya sa akin na
nagpalambot ng tuhod ko.
"Sapat na ba kung sabihin ko na love at first sight ako sa'yo? Pwede mo namang
sabihin sa akin ngayon ang buong pagkatao mo. Bakit meron ba akong dapat malaman
para tumigil na ako sa pagkagusto ko sa'yo?"
Napalunok sya habang nakatitig sa akin. Napahawak ako sa balikat nya ng iharap nya
ako patungo sa pool. Lumakad sya kaya napaatras ako. Napatingin ako sa likod ko at
nakita ko na malapit na kaming bumagsak sa pool. Tumingin ako sa kanya at napatili
ako ng isama nya akong ibagsak sa pool. Pero ang tili ko ay natigil ng sakupin nya
ang labi ko.
Napadilat ako sa tubig at tumingin sa kanya habang nasa ilalim kami ng tubig.
Nakapikit sya habang patuloy na sinasakop ang labi ko at mahigpit na nakayakap sa
akin. Napapikit na rin ako at napatugon sa halik nya na hinihigop ang buong
pagkatao ko.
Isinandal nya ako sa pader sa ilalim ng tubig habang patuloy kami sa palitan ng
halik. Walang anumang tubig na pumapasok sa amin dahil hindi kami nagbibitaw ng
labi.
Napahawak ako sa buhok nya at pinulupot ko ang binti ko sa bewang nya. Hindi ko
alam na makakaexperience ako ng underwater kiss. At hindi ko akalain na mismong si
Atreo ang unang bumigay.
Humawak sya sa bewang ko at pinisil habang patuloy kami sa palitan ng halik. Nang
hindi ko na kaya ay bumitaw ako ng halik at napadilat kaya dumilat sya. Umahon kami
at napasinghap ako para makalanghap ng hangin.
Nang umayos na ang hininga ko ay tumingin ako kay Atreo na nakangiti habang hawak-
hawak parin ang bewang ko.
Pareho kaming walang masabi habang nakangiti na nagtitinginan.
"Itago natin ang nangyari ngayon."
Nang sabihin nya iyon ay nawala ang ngiti ko sa labi.
"Bakit?"
"Ayokong isipin ng vipers na pumatol ako sa'yo."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Oo, tama sya, kasi matanda sya at
masyado akong bata para patulan nya. Pero kinakahiya ba nya ako?
"Ano naman kung ano ang isipin nila? Alam naman nila na may gusto ako sa'yo."
Hinawakan nya ang baba ko at pinisil habang nakatitig sa akin ang malaagila nyang
mata na nakakalambot ng tuhod.
"I'm the General of our group. Ayokong mawala ang tingin nila sa akin bilang
General."
Napahinga ako ng malalim at napayuko. Hinawakan naman nya ang baba ko at inangat
para ipatingin muli sa kanya.
"Ayaw mo ba?" tanong nya at dinampian ng halik ang labi ko na kinalunok ko.
"Pero kasi..."
"Trust me." aniya at gumapang ang labi nya sa panga ko patungo sa likod ng tenga ko
na kinaidtad ko.
"S-Sige.."

Kabanata 6
Napasinghap ako ng biglang may yumakap sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si
Atreo na topless at nakaboxer lang sya. Naghuhugas kasi ako ng pinagkainan kaya
hindi ko sya naramdaman na lumapit sa akin.
"Are you done?" bulong nya sa seryosong tono habang marahang pinipisil-pisil ang
bewang ko at ginigitgit ako. Napalunok ako at napakagat ng labi ng dumampi ang
ilong nya sa balikat ko upang amuyin patungo sa expose kong leeg.
"Matatapos na ako rito." kahit hirap akong makagawa ng salita ay sinikap ko na
matugunan sya.
Humawak naman ngayon ang mga kamay nya sa braso ko at hinaplos pagapang sa kamay ko
na puno ng sabon habang may hawak na sponge.
"Hayaan mo na d'yan yan." aniya at binuhay ang gripo at tinapat ang kamay ko para
hugasan nya.
Hindi ko akalain ng dahil sa pang aakit ko at sa nangyaring halikang namagitan sa
amin nung nakaraan ay magiging ganito sya kadikit. Kapag nariyan ang vipers ay para
syang masungit na General, pero kapag kami ang naiiwan ay hinihila nya ako sa isang
sulok para halikan.
Pero ngayon ay kakaiba. Parang bawat haplos nya at dikit sa akin ay may init na
hatid iyon na nagpapataas ng balahibo ko.
Agad nya akong hinila ng makapaghugas at sabon ako ng kamay. Wala ang vipers sa
buong bahay dahil nasa labas ang mga ito tila pinagtrain ni Atreo.
Pagkasara ng pinto ng kwarto nya ay sinandal nya ako at tumitig sa akin. Kitang-
kita ko sa mukha nya ang pananabik, pagnanasa at pagkamangha na hindi ko alam kung
saan sya namamangha?
Unti-unting lumapit ang mukha nya hanggang sa isang pulgada nalang ang layo. Amoy
na amoy ko ang mabango nyang bibig na bagong toothbrush at mouth wash. Pumangay ang
mga mata ko habang nagkatinginan kami.
"Kapag nakuha kita, ayokong may iba kang lalandiin, naiintindihan mo?" aniya habang
sumasayad ang ilong nya sa ilong ko.
"Anong ibig mong sabihin? Ibig sabihin ay boyfriend na kita?"
Napangiti sya habang humihimas-himas ang kamay nya sa bewang ko.
"Yeah. And you are my girlfriend now. I don't want to share what is mine."
Lumuwang ang ngiti ko at napahawak ako sa dibdib ko dahil damang-dama ko ang lakas
ng tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilang kiligin sa kaalaman na boyfriend ko na
sya.
"Ano ba ngayon?"
"Hmmm, saturday?" tugon nya na nalilito.
"Hindi, ang ibig kong sabihin ay anong petsa na."
"August 26."
"Edi yan ang date na mag couple na tayo."
Natawa sya at napailing tila isang kalokohan sa kanya iyon. Napasimangot ako at
tinulak ko sya kaya napatingin sya sa akin ng gulat.
"Pinagtatawanan mo ba ang sinabi ko?"
"No. I'm just impress. Hindi ko akalain na uso pa sa'yo ang gano'n."
Hinampas ko sya sa dibdib at nagpapadyak ako dahil ginagawa nyang biro ang sinabi
ko.
"Syempre uso iyon. Dapat I-de-date mo ako sa first monthsary natin. Kahit weeksary
pa yan o anniversary."
"Okay, okay. Don't worry about that." hinalikan nya ako sa noo kaya napangiti ako.
"Bahala ka, kapag nakalimutan mo ang isa sa mga iyon, mag break na tayo." banta ko
kaya napahalakhak sya.
"Ngayong araw pa nga lang tayo, gusto mo na ng break up?"
Inismiran ko sya at tatalikod na sana ako ng ibalik nya muli ako sa pagkakasandal.
"Okay. I'll never forget our first event of being a couple."
"Promise?"
"Promise." nagtaas pa sya ng kamay bilang panunumpa kaya napangiti ako at humawak
ako sa leeg nya. Ngumiti sya na madalang gawin noong unang pagkikita namin, pero
ngayon ay madalas na. Niyakap nya ang bewang ko kaya masyado kaming naglapit.
Niyuko nya ang ulo para abutin ang labi ko kung kaya agad akong pumikit at
naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa akin.
Tumugon ako sa halik nya na marahan ngunit puno ng kasabikan sa isa't-isa. Binuka
ko ang aking bibig upang hayaan sya. Dinig na dinig ko ang matunog naming palitan
ng halik habang nag e-espadahan ang aming mga dila.
Napaungol ako ng idiin nya ang sarili sa akin kung kaya damang-dama ko ang
katigasan nya. Pinagparte nya ang mga binti ko gamit ang kanyang binti kung kaya ay
mas diniin nya ang sarili sa akin.
Binuhat nya ako habang nakahawak sa pang-upo ko at nakapulupot ang mga binti ko sa
bewang nya. Lumakad sya habang patuloy kami sa palitan ng halik, na ngayon ay
parehong mapusok, nag-aalab, at punong-puno ng kasabikan.
Hinagis nya ako sa kama kung kaya nagbitaw kami ng halik. Agad syang sumampa sa
kama at pumuwesto sa pagitan ng hita ko. Agad nyang inalis ang tali ng strap ng
bestida ko at binaba iyon hanggang tiyan ko. Kung kaya tanging bra na pinahiram sa
akin ni Aling Consuelo ang natira. Bago iyon na itim ngunit masikip sa akin kaya
hindi makahinga ang mga dibdib ko na malulusog.
Napadila sya at pinisil ang mga dibdib ko kaya bumigat ang hininga ko dahil ganito
pala ang feeling na may ibang humahawak sa dibdib ko. Binitawan nya ang dibdib ko
at inalis sa katawan ko ang bestida at hinagis nya lang kung saan. Napahimas sya sa
legs ko at napatingin sa pagitan ng hita ko. Suot ko ang puting panty ko. Masikip
din iyon kung kaya alam kong kitang-kita nya ang nakapaloob dong perlas ng
sinilangan.
God. Bibigay talaga ako sa kanya? Isusuko ko na ba? Pero boyfriend ko naman na sya
kaya ayos lang. Sila Allison at Zylene nga ay nakikipagtalik kahit hindi nila
nobyo. Atleast ako, nobyo ko si Atreo at alam kong sa akin sya.
Napaidtad ako ng haplusin nya ang pagkababae ko na unang beses na may nakahawak.
Ibang pakiramdam. Nakakaubos ng hininga at piling ko ay may paru-parong umiikot sa
tiyan ko. Napakapit ako sa unan at napakagat ako ng labi dahil sa sarap ng ginagawa
nya sa akin.
Napangiti sya at tumigil bago sya dumagan sa akin para sakupin ang labi ko. Agad
akong napayakap sa kanya at tumugon sa halik nya. Napapahalinghing ako sa pagitan
ng labi namin ng gumiling sya sa ibabaw ko upang ipadama ang kanya sa pamamagitan
ng pagdiin nya. Napahigpit ang yakap ko sa kanya at humagilap ng hangin ng bitawan
nya ang labi ko. Gumapang ang basa nyang labi sa panga ko na halos higupin ito.
Gumapang pa ang labi nya patungo sa tenga ko at dinilaan na lalong kinahalinghing
ko.
"God!" ani ko habang bumibigat ang hininga ko dahil sa ginagawa nya.
"This is your first time, baby?" bulong nya.
"Yeah." tugon ko.
"You want me to stop?" mapang-akin nyang tanong.
Hinawakan ko ang mukha nya kung kaya nagkatinginan kami.
"Pero ipangako mo na wag mo akong lolokohin."
Matagal syang napatitig sa akin at hindi ko mabasa ang sinasabi ng mata nya.
Tumango sya kaya napangiti ako. Ngumiti sya at bumaba ang ulo nya sa leeg ko kung
kaya napahawak ako sa buhok nya at napatingala ng sipsip, dilaan, at kagat-kagatin
nya ang leeg ko.
Bumaba ang labi nya pababa sa pagitan ng cleavage ko. Inangat nya ang likod ko at
inalis ang lock ng bra ko na kinabunyag ng dibdib ko.
"They are healthy." aniya ng hawakan nya at pisilin ng dahan-dahan. Napasabunot ako
sa buhok nya ng sumubsob na sya at sakupin ng mainit nyang bibig ang kanan kong
dibdib.
"Ohhhh!" ungol ko habang namimilipit ang mga paa ko na nakapatong sa binti nya.
Napaarko ang katawan ko ng mariin nyang sipsipin at pisilin ang dibdib ko. Tila sya
sarap na sarap at hindi magkandaugaga.
Kinagat nya ang nipples ko at hinatak bago bitawan na kinahalinghing ko. Umalis sya
sa ibabaw ko na kinataka ko. Sinundan ko sya ng tingin at nagpunta sya sa pintuan
para siguro i-lock. Pagkatapos ay lumapit sya sa isang music player. May sinalang
syang cd at may pinindot sya doon bago sya lumakad palapit sa akin.
Sumampa muli sya sa kama at pumagitna sya sa pagitan ng legs ko.
"Ano 'yun?" nagtataka kong tanong na kinangiti nya ng pilyo.
"Loud rock music. Mabuti ng nag iingat." aniya at muling binalikan ang dibdib ko.
Hindi ko marinig ang sarili kong ungol dahil biglang tumugtog ang isang rock song.
Alam ko na kung bakit nya ginawa iyon. Para hindi marinig ng vipers ang nangyayari
sa pagitan namin.
Bumaba ang labi ni Atreo sa tiyan ko habang binibigyan nya ng halik. Mas
pinaghiwalay nya ang legs ko at napakapit ako ng mahigpit sa unan ng dumampi na ang
labi nya sa pagkababae ko kahit pa may suot pa akong panty.
Napaungol ako pero nangingibabaw ang rock song. Napapaarko ang tiyan ko at
napapanganga ang labi ko ng maramdaman ko ang dila nya doon.
Pakiramdam ko ay may lumabas sa akin. Hindi ko na napigilan ang kiliti kung kaya
hindi ko napigilan ang nararamdaman ko. Umalis sya sa pagkakasubsob sa pagitan ng
hita ko at mabilis na inalis ang panty ko. Napatakip ako ng pagkababae ko na
kinangiti nya.
Inalis nya ang kamay ko at nilagay sa magkabilang gilid ko habang hawak-hawak nya.
Muli syang sumubsob at sa pagkakataong ito ay ramdam na ramdam ko ang hininga, labi
at dila nya na nakapagpalala sa nararamdaman kong sarap. Hindi sya tumigil doon at
lahat ng kasukluk-sulukan ng pagkababae ko ay hindi nya pinatawad.
Hinang-hina ako nang tigilan nya ako. Pawis na pawis ako sa ginawa nya. Binaba nya
ang boxer nya kaya napatakip ako ng bibig ng mapatili ako sa nakita kong sawa. God.
He's big. Super big.
Natawa sya sa reaksyon ko at masuyong kinuha ang kanang kamay ko. Kinikilabutan ako
ng mahawakan ko ang kahabaan nya. God. Hindi ko mahawakan iyon ng buo dahil kulang
ang isang kamay ko para sa kahabaan nya. Ngayon lamang ako nakakakita ng aktwal.
Dati hanggang imagine lang ako sa mga kinukwento nila Allison.
"Move your hand, baby." utos nya at ginabayan ako kung kaya ginawa ko kahit na
hindi pa ako sanay.
"Ganito?"
"Yeah. That's right, baby." aniya at napapadila sya ng labi habang kitang-kita ko
sa mukha nya ang sarap. Pinagbutihan ko kung kaya sya ngayon ang napapaungol at
namumula ang maputi nyang balat. Ang adams apple nya ay nagtataas baba sa
kasabikan. Ang mamuscle nyang katawan ay gumagalaw. At ang ugat nya ay naglalabasan
tila may kinuha akong lakas sa katawan nya.
"Enough now, baby. I want you now." aniya at pinigil na ako ng tumigas lalo ang
kahabaan nya. Hinila nya ang bewang ko para iusog palapit sa kanya. Binuka nya ang
maigi ang binti ko kung kaya kinuha ko ang unan at niyakap ko.
Napaidtad ako ng maramdaman ko ang pag sayad nya sa akin. Kiniskis nya na
nagpakislot sa akin.
"Relax." Aniya at napadiin ang yakap ko sa unan at napapikit ako ng maramdaman ko
sya na sumisingit papasok. Napahagulgol ako dahil ang sakit, "Shhh.." pag-aalo nya
at pinisil ang legs ko habang unti-unti syang pumapasok.
"Ouch! Teka! God!" hindi ko alam ang gagawin ko dahil sobrang sakit. Bungad palang
ng pagkalalake nya ang pumapasok pero hanggang gitna na ng pagkababae ko.
Inalis nya ang unan na yakap ko at hinagis kung saan. Pinisil nya ang dibdib ko
para iwala ang atensyon ko sa sakit na dinadaing ko habang unti-unti nyang sinisira
ang pagkababae ko. Alam ko na masakit sa una gaya ng sabi nila Zylene at Allison,
pero hindi ko akalain na sobrang sakit pala, lalo na kung jumbo hotdog ang
pumapasok sa'yo.
Tiniis ko ang sakit kahit na parang niyayanig ang buong pagkatao ko. Mas masakit pa
ito kesa sa pagsakit ng ulo ko. Nang sumagad sya ay napanganga ako at napaiyak
lalo.
"Please don't move."
Pumantay ang mukha nya sa akin at pinunasan ang mukha ko na puno ng luha.
"Okay, okay. Stop crying, baby." hinalikan nya ang mga mata ko at maging labi ko.
Napayakap ako sa kanya ng sakupin nya ang labi ko habang sinisikap nya na wag
gumalaw.
Dinadala nya ako sa mapusok nyang halik na halos ayaw nyang bitawan ang labi ko.
Doon ko lang naramdaman na nagsisimula na pala syang gumalaw ng hindi ko maramdaman
ang sakit. Pero nandoon parin ang hapdi. Napabitaw kami ng halik at napaungol kami
sa tuwing sumasagad sya.
"Baby, you're so tight. My buddy wants you." bulong nya habang hingal na hingal
dahil patuloy sya sa pag indayog sa ibabaw ko.
Hindi ko masabi kung ano ang nararamdaman ko pero nakikiliti na ako at nasasarapan.
God. Para akong kinukunbulsyon sa sarap. Para akong inuugoy sa pagkalasing ng
pakiramdam ko
Muli nyang sinakop ang labi ko habang pabilis na pabilis ang galaw nya. Sumasabay
ang pagsasayaw ng aming katawan sa rock music. Halos lumubog ako sa malambot na
kama ni Atreo dahil sa sobrang gigil nya at pagdiin sa akin.
Napadiin ang kuko ko sa likod nya ng maramdaman ko ang pagsabog ng pinipigil kong
sarap. Patuloy parin si Atreo na ngayon ay binitawan ang labi ko at pinisil ang
dibdib ko habang panaka-naka nyang hinahalikan.
Hinawakan nya ako sa bewang at napakadali para sa kanya na buhatin ako at
pagpalitin ang posisyon namin. Ngayon ay nasa ibabaw nya ako habang sya ay nasa
ilalim. Naupo ako kung kaya napahawak ako sa dibdib nya ng mas sumagad sya sa
kaloob-looban ko.
"Move your ass." utos nya habang mariing nakahawak sa bewang ko. Sinunod ko sya at
pareho kaming napapabuka ng bibig sa ligaya.
Hinawakan nya ang likod ko para ilapit ang dibdib ko sa bibig nya. Napatukod ang
mga kamay ko sa gilid ng ulo nya at napakagat ako ng labi habang tinitignan sya na
nagpapakasasa sa dibdib ko. Nagkatitigan kami habang salitan nyang hinahalikan ang
dibdib ko.
Tumigil sya at hinawakan ako sa mukha para sakupin ang labi ko kaya napapikit ako
at tumugon sa halik nya. Pinagpalit nya muli ang posisyon namin at hindi pa ako
nakakapaghanda ng mabilis syang umindayog sa ibabaw ko habang mapusok akong
hinahalikan.
Pinagsiklop nya ang mga kamay namin na nasa gilid ng ulunan ko habang sabik na
sabik na kami pareho sa sukdulan. Napahigpit ang kapit ng binti ko sa pang upo nya
at pati ang hawakan namin ng kamay ng bigla akong manginig muli sa pangalawang
pagkakataon.
Binitawan nya ang labi ko at sumubsob sya sa leeg ko habang pabilis na pabilis na
ang galaw nya. Binitawan nya ang kamay ko at mahigpit akong niyakap bago sya
nanginig at kinagat ang leeg ko. Hingal na hingal kami habang ramdam ko na parang
may binuhos sya sa loob ko. Hindi ko na pinansin iyon at napayakap nalang ako sa
kanya habang hingal na hingal..
Walang nagsasalita sa amin habang magkayakap kami. Tumingin sya sa akin habang
nakangiti.
"Sarap mo, baby.."
"Bakit baby? Unang tawag mo sa akin kiddo. Ngayon baby? Ayoko no'n." demand ko.
Natawa sya at pinahiran ang pawis sa noo ko.
"Because you are a baby. My baby. Ayaw mo ba?" nakangiti nyang tanong.
Napanguso ako dahil ayoko. Masyadong bata. Pero hinalikan nya lang ang labi ko bago
nya hinugot ang kanya na kinasinghap ko. Umalis sya sa ibabaw ko at nahiga sa tabi
ko.
Hinigit nya ako para ipatong ang ulo ko sa dibdib nya. Nagkumot kami at yumakap ako
sa kanya.
"Atreo, tell me about your self." natigilan sya sa paghaplos sa buhok ko kaya
tumingin ako sa kanya. Napahinga sya ng malalim at muling hinaplos ang buhok ko.
"I'm the General of my army."
"Alam ko na iyon. Yung iba naman." natawa sya at napailing.
"Okay. Hmmm. Meron akong ama at ina na doctor. Pero hindi sila magkasundo."
"Huh? Bakit naman?" Dumapa ako at pinatong ko ang siko ko sa dibdib nya at pinatong
ko ang pisngi ko sa kamay ko habang tinitignan ko sya. Tinaas nya ang kamay nya at
pinatong ang ulo sa braso nya.
"May ibang naging pamilya si Dad. Kaya mula no'n ay hindi na sila nagkasundo."
"Grabe pala ang buhay mo pang teleserye."
"Tsss, kung ano-ano ang sinasabi mo." kunwari nagsusungit pa sya pero nangingiti
naman.
"Pero kung doctor pala ang parents mo, bakit ikaw, hindi ka tumulad sa kanila?"
"Wala, ayoko ng doctor. At kung nag doctor ako, edi sana hindi mo ako nakilala."
aniya at pinisil ang baba ko.
Napangiti naman at nahiga habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib nya.
"Oo nga. Erase. Erase. Tama na naging sundalo ka pala." natawa sya kaya ramdam ko
ang tawa nya sa tiyan nya.
"Hmmm. Pero meron ka bang naging girlfriend noon?"
"Wala na iyon. Wag mo ng babanggitin iyon dahik ikaw na ang girlfriend ko, okay."
tumingin ako sa kanya at ngumiti dahil mabuti nang sinasagot nya ako agad ng totoo.
"Kelan ka ba babalik sa maynila?"
"Bakit? Ayaw mo na ba dito?"
Umiling ako at hinawakan ko ang kamay nyang malaki at tinignan ito..
"Hindi naman. Kasi ipagyayabang lang kita sa mga friends ko na may boyfriend na
ako."
"Sa kanila ka ba natutong mang-akit ng lalake?" tanong nya kaya napakagat ako ng
labi at tumango, "Kung gano'n ay wag ka nang sasama sa kanila, maliwanag." tumingin
muli ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Pero bakit? Friends ko sila."
"Hindi sila magandang kaibigan. Tinuturuan ka nila na mapahamak." aniya na inis.
"Hindi naman. Tinuturuan lang nila ako kung paano maging isang babae."
Kinurot nya ang pisngi ko kaya bumangon ako ng higa at napahawak ako sa pisngi ko
habang nakasimangot na nakatingin sa kanya.
"Tsss, sumusuway ka na ngayon. Simula ngayon, ako lang ang susundin mo. Kapag
ayokong sumama ka sa friends mo, susunod ka, maliwanag?" maawtoridad nyang sabi.
"Nakakainis naman! Ang bossy mo agad. Friends ko nga sila. Bakit ikaw, pwede? Ako,
hindi?"
"Your friends is your enemy, trust me." seryoso nyang sabi kaya napahinga ako ng
malalim at tumango nalang. Hindi pa nga nya kilala sila Allison, e..
Bumangon na sya sa kama at napakagat ako ng labi ng makita ko ang kahabaan nya.
Namula ata ang pisngi ko at napatingin ako sa pagkababae ko na namamaga. Napailing
ako dahil hindi ko akalain na nagkasya iyon.
Pinatay nya ang rock music kaya tumahimik na ang buong kwarto. Sakto naman na may
kumatok sa pinto.
"General!"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang tinig ni Aling Consuelo. Napatingin ako kay
Atreo na nakangising lumakad palapit sa kama tila tuwang-tuwa sa reaksyon ko.
Sinuot nya ang boxer habang ako ay agad na hinagilap ang lahat ng damit ko.
"Atreo!" halos pabulong kong suway sa kanya ng lumakad sya palapit sa pinto. Kahit
masakit pa ang chipapay ko ay agad akong naghanap ng pagtataguan habang bitbit ko
ang damit ko.
Pumasok ako sa nakita kong pinto at napasandal ako sa pinto habang kumakabog ang
dibdib ko sa sobrang kaba. God. Ganito pala ang pakiramdam kapag akala mo ay may
ginawa kang krimen.
Nang makahinga ako ng maluwag ay tsaka ko lang tinignan kung nasaan ako. Napamangha
ako ng makita ang walk-in closet ni Atreo. Nakahilera habang nakahanger ang mga
pang sundalo nyang uniform. Tapos sa kabila ay ilang pang araw-araw nya. At sa
kabila ay ilang formal suit lang.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang hile-hilera nyang sapatos. Kinuha ko
ang ilang formal leather shoes nya at namangha ako dahil talagang malaki ang paa
nya. Sabagay, sobrang tangkad nya.
Inamoy ko ito at napahagikgik ako dahil mabango sya. God. Lahat ata sa kanya
mabango. Binitawan ko na iyon at naisipan kong magbihis na. Pero nakalimutan ko
pala ang panty ko. Shocks.
"Hey, baby!" katok nya kaya wala na akong choice kundi isuot ang bestida ko kahit
wala akong panty.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto. Nakapatong ang isang kamay
nya sa dingding ng pinto habang nakapamewang ang isa sa bewang nya.
"Si Aling Consuelo?"
"Hinahanap ka." ngumisi sya kaya napapadyak ako.
"Paano ako makakalabas? Tsaka Anong sinabi mo kung nasaan ako?"
"Sabi ko narito ka sa kwarto ko."
"Huh? Sinabi mo talaga?" natawa sya sa reaksyon ko at hinawakan nya ako sa bewang
bago hinapit palapit sa kanya.
"I'm just kidding. Sinabi ko na hindi ko alam." nakangisi nyang sabi kaya pinalo ko
sya sa likod.
"Heh! Napakapilyo mo pala." umirap ako na kinangiti nya, "Sige na, aalis na ako,
baka magtaka pa iyon."
"Wag muna. Gusto pa kitang masolo." aniya habang umaatras sya habang ako ay
umaabante.
"Marami pang time." sabi ko.
Huminto kami ng malapit na kami sa pinto habang makayakap. Nakatingala ako sa kanya
habang nakangiti kami sa isa't-isa.
"Okay." aniya at sinakop ang labi ko kaya tumugon ako. Tumagal ang pag angkin nya
sa labi ko tila hindi pa sya solve sa nangyari sa amin. Pinalo ko ng mahina ang
likod nya kaya bumitaw sya at napahalakhak sya.
Bumitaw na ako ng yakap at lumapit sa pintuan. Pinihit ko ang seradura at lumingon
sa kanya na ayaw pa bitawan ang isang kamay ko.
"Paano ako makakalabas kung ayaw mong bitawan?"
Natawa sya at napailing bago binitawan ang kamay ko. Napailing ako at dahan-dahang
binuksan ang pinto. Sumilip ako at tinignan kung may tao ba sa sala? Nang wala ay
lumingon ako kay Atreo na nakahalukipkip at nakasandal sa pader habang nakangisi na
tinitignan ako.
Inirapan ko sya dahil tila tuwang-tuwa pa sya dahil nahihirapan akong lumabas.
Inismiran ko sya at mabilis kong binuksan ng maluwag ang pinto at lumabas ng kwarto
nya bago maingat na sinara ito. Tumingin ako sa paligid at mabilis akong naglakad
palayo sa kwarto ni Atreo.
"Saan ka galing, hija?" halos atakihin ako puso ng magkagulatan pa kami ni Aling
Consuelo ng magkasalubong kami sa main door.
Huminga ako ng malalim at ngumiti ng alanganin kay Aling Consuelo.
"Aling Consuelo, nandito na pala kayo." gusto kong batukan ang sarili ko dahil para
akong tanga na nakangiti habang halata sa boses ko ang kaba.
"Oo, kakarating lang namin. Hindi kita mahanap sa buong bahay. Saan ka ba nagpunta
at hindi kita makita?"
"Ho? Ah-eh... Sa ano po..."
Napaisip ako kung ano ang idadahilan ko?
"Grace."
Napalingon kami kay Atreo ng tawagin nya ako. Seryoso sya pero kita ko ang pilyo sa
labi nya. Nakasuot na sya ng loose pants at black sando.
"Nag banyo ka, iniwanan mo ang panty mo." aniya na kinainit ng pisngi ko ng itaas
nya pa ang panty ko.
Agad akong lumapit sa kanya at agad kong inagaw sa kanya iyon bago ko palihim na
sinuntok ang tiyan na kinadaing nya.
Napapikit ako at agad na humarap kay Aling Consuelo na nagtatakang nakatingin sa
amin. Lumapit ako rito habang tinatago ko sa bulsa ng bestida ang panty ko.
"Sumakit po kasi ang tiyan ko kaya naki C.R ako sa banyo sa labas." para akong
tanga na nangingiti ng alanganin. Habang si Aling Consuelo ay tumango at tila
naniwala naman, "Tara po, uwi na tayo." agad kong inakay si Aling Consuelo palabas
at lumingon ako kay Atreo na ngising-ngisi kaya inirapan ko syang muli dahil balak
nya talaga akong ibuking. Sya itong nagsabi na itago namin, pero ngayon ay tila
gusto nyang ibunyag ang nangyari sa amin.
He's so naughty!

Kabanata 7
Kanina pa salita ng salita at sermon ng sermon sa akin si Aling Consuelo dahil kung
bakit nakigamit pa daw ako ng banyo sa bahay ni Atreo. At kung bakit daw tadtad ako
ng mapulang tila kagat daw sa leeg ko.
Alangan namang aminin ko na si Atreo ang may gawa no'n at nakipagtalik na ako rito.
Naku, tiyak na lalong maghuhumentado si Aling Consuelo kapag nalaman nya iyon.
"Aling Consuelo, marami po atang insect sa bahay nyo. Siguro, kailangan po nating
mag general cleaning."
"Insekto? Kagat ba ng insekto yan?" turo nya sa leeg ko.
"Yes. A big insect."
Napatingin naman sya sa bahay nya at tinignan talaga kung may insekto ba. Napakagat
ako ng labi at kinuha ang panty ko sa bulsa. Sinuot ko sa mga paa ko ito pero
napahinto ako ng makita ko na may sulat na nakadikit doon. Tumingin ako kay Aling
Consuelo na nakatalikod parin. Agad kong kinuha ang papel at agad na sinuot ang
panty ko.
"Ah, Aling Consuelo, pasok po muna ako sa kwarto."
Lumingon sya at napatango. Ngumiti ako rito bago patalikod na naglakad habang
nakaharap parin sa kanya at nakangiti parin ako. Nasa likod kasi ang kamay ko at
nandoon ang papel. Agad akong humarap sa kahoy na hagdan at mabilis na umakyat.
Pagdating sa kwarto ay agad kong binuklat ang sulat ni Atreo. Napakagat ako ng labi
ng mabasa ko ang sulat nya.
[Baby, light tower. 10 pm.]
Omg! It's a date! God.
Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Hinanap ko si Aling Consuelo.
Nasa kusina sya at may hinahanap sa cabinet.
"Aling Consuelo."
Lumingon sya at nakita ko na may nakuha syang isang insect spray sa cabinet.
"Bakit, Hija?"
Ngumiti ako at lumapit sa kanya. Inipit ko ang buhok ko sa tenga ko habang hindi ko
mapigilan na mapangiti.
"Saan po ba ang light house dito?"
"Oh, 'yon ba.. lakarin mo ang mahabang dalampasigan. Tapos sa dulo ay may harang na
dalawang puno ng buko. Tapos makikita mo na ang light house doon."
Napatango naman ako at tinandaan ang sinabi nya.
"Bakit mo nga pala natanong?"
"Wala po.... Oo nga po pala, may magandang dress or bestida po ba kayo na hindi nyo
na nagagamit?"
Napaisip sya saglit, "Meron pa ata... Bakit, wala ka na bang isusuot?"
"Opo, e. Hindi po kasi ako marunong maglaba. Kaya po tambak ang maruming damit na
isinuot ko na pinahiram nyo."
"Hala! Oo nga pala. Inaalala ko nga iyan ng umalis kami. Tatlong bestida at panloob
lang ang napahiram ko sa'yo." aniya at nilapag ang hawak na insect spray sa lamesa,
"Halika, may binili kaming bagong panloob mo at bestida. Baka magustuhan mo."
dagdag pa nya at lumakad palapit sa akin.
"Talaga po?" tuwang-tuwa ako dahil hindi ko akalain na aalalahanin pa nila akong
ibili ng damit. Nakakatuwa naman at parang anak talaga ang turing nila sa akin.
"Oo, at tiyak akong bagay na bagay iyon sa'yo." excited din si Aling Consuelo na
ipakita sa akin dahil hinawakan nya ako sa braso para akayin sa kwarto nila.
Pumasok kami at agad syang lumapit sa bag na dala nila nung umalis. May plastick
syang kinuha na may laman. Lumapit sya sa akin habang kinukuha sa plastick ang
laman no'n.
"Heto, Hija. Uso daw ito sa millenial. Hindi ko alam kung anong klaseng damit ang
millenial pero binili ko na dahil maganda nga." aniya kaya napahagikgik ako dahil
naguguluhan ang reaksyon nya sa sinabing millenial, "Bakit humagikgik ka, Hija?"
Umiling ako at napanguso para pigilin ang tawa, "Wala po. Nakakatuwa lang po at
binili nyo ako ng damit. Salamat po."
Ngumiti naman sya at hinawakan ang kamay ko.
"Walang anuman iyon, Hija. Gusto ko lang maranasan ang magkaanak kaya habang narito
ka, e, ginagawa ko ang lahat para maranasan."
Ngumiti ako rito at niyakap ko sya, "Salamat po. Wag po kayong mag-alala. Habang
buhay ko po kayo ituturing na second parents ko. At hanggang nandito po ako ay
sisikapin ko po na tugunan ang maging anak nyo."
"Salamat, Hija." bumitaw ako at ngumiti muli rito bago napatingin sa hawak nyang
dress. Hinawakan ko ito at isa syang yellow print dress na nagustuhan ko.
"Ang ganda naman nito. Parang mamahaling dress."
"Two hundred bili ko d'yan. Hindi ko tinigilan ang tindera hanggang sa makadiscount
ako."
"Talaga po? Two hundred for this dress?" tumango sya kaya napamangha ako, "Wow."
"Mabuti at nagustuhan mo. Isukat mo nga at nang makita ko kung sakto lang sa'yo."
aniya kaya agad kong kinuha iyon. Pareho kaming excited na makita kong suot ko ang
binili nya. Pero excited talaga ako dahil may isusuot ako sa date namin ni Atreo
mamaya.
Agad kong hinubad ang bestidang suot ko at inalis ko ang bra ko. Sinuot ko ang
dress at nang masuot ko ay tumingin pa ako sa likod ko at hinimas ang tela dahil
fit na fit sa akin.
Agad akong lumabas at pinakita kay Aling Consuelo.
"Kasyang-kasya sa'yo, Hija. Parang naging mamahaling dress nang isuot mo."
"Tingin nyo po ay maganda ako rito?" umikot-ikot pa ako na kinangiti nya.
"Napakaganda mong bata. Kaya hindi ako magtataka kung isa man sa mga lalakeng
tauhan ni General ang magkagusto sa'yo."
Nag-init naman ang pisngi ko at napakagat ako ng labi. Kung alam lang ni Aling
Consuelo.. Wala sa tauhan ni Atreo ang magkakagusto sa akin. Dahil mismong General
ang naakit sa akin. Pinipigilan kong kiligin dahil kapag iniisip ko na boyfriend ko
si Atreo ay parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa.
"Hubarin mo na iyan at tuturuan kitang maglaba. Para kapag nakapag-asawa ka, e,
marunong ka."
"Po? Hindi po ito matitiyo agad, 'di ba po?"
"Matitiyo agad yan, dahil gagamitin natin ang dryer ni General."
"Sige po."
Agad akong bumalik sa banyo at sinuot ko muli ang suot ko kanina. Bitbit ang dress
ay lumabas na 'ko ng banyo.
Wala na si Aling Consuelo sa kwarto kaya agad akong lumabas para hanapin sya.
Kailangang malabhan at matiyo agad ito para maisuot ko mamaya.
Lumabas ako at nakita ko si Aling Consuelo na may kinuhang batya sa gilid ng bahay
nila. Nagtungo sya sa sementadong parte na lupa habang may gripo doon.
"Halika na rito, Hija, at nang maturuan na kita."
"Sige ho." agad akong lumapit sa kanya na naupo sa isang maliit na plastick chair
na sakto lang ang sukat sa taas ng batya. May isang wood chair na maliit din kaya
doon ako nakaupo habang iniipit ko ang dulo ng palda ko sa hita at binti ko.
Tinuruan na nya ako ng malagyan ng kalahating tubig ang batya at nilagay nya ang
mga marurumi kong damit. Tinuruan nya ako using my hands. Mahirap dahil masakit sa
kamay ang pagkukusot pero sineryoso ko dahil kailangan kong matuto for my future
with my Atreo.
Puno na ng sabon ang kamay ko, braso at paa ko dahil sa mabulang sabon. Napaangat
ako ng tingin ng makarinig ako ng mga sumisigaw at nalaman ko ang vipers iyon na
nag ja-jogging. Nahati sa dalawang group ang vipers habang makahilera na nag ja-
jogging.
Nahuli si Atreo na napatingin sa bahay ni Aling Consuelo hanggang sa makita kami na
kinahinto nya. Ngumiti ako at agad na napatingin kay Aling Consuelo ng mahina nyang
pinalo ang kamay ko.
"Ayusin mo, Hija. Jusko, masisira ata ang panty mo sa sobrang gigil mo."
Napakagat ako ng labi at tumingin kay Atreo na napapangiti at nag unat-unat ng
braso habang sinusundan ng tingin ang vipers.
"Ang gwapo nya talaga."
"Sinong gwapo?" tanong ni Aling Consuelo kaya napangiti ako dahil nasabi ko pala
ang iniisip ko.
"Wala po."
"Ikaw, Hija, umamin ka nga sa akin." seryoso si Aling Consuelo kaya agad akong
napalunok habang nakatingin sa kinukusot ko.
"Ano po yun?" napakagat ako ng labi at ayokong tumingin sa kanya dahil baka mamaya
ay may nakikita na syang namamagitan sa amin ni Atreo. Okay iyon para sa akin, pero
sabi ni Atreo ay wag daw naming ipaalam ang namamagitan sa amin.
"Mula ng iwanan kita dito ay napapansin ko na nangingiti ka na parang naloloka.
Tapos nagsasalita ng wala sa loob. Umamin ka nga, may nang kulam ba sa'yo?"
Napaangat ako ng tingin sa sinabi nya. Nakahinga ako ng maluwag dahil iba pala ang
iniisip nya.
"Ho? Kulam? Ano naman po iyon?"
"Kulam, sa mga probinsya lang uso iyon. Pero ang ibig sabihin no'n ay parang
nasaniban o may ginawang orasyon sa'yo ang isang taong may kakayahan no'n."
"Hmmm. Hindi naman po." nangingiti kong tugon.
Napailing sya at pinagpatuloy ang pagkusot, "Mamaya lang, e, magdasal ka. Baka
mamaya, kung ano na nangyayari sa'yo bata ka."
Napailing nalang ako at hindi na pinansin ang pagka over react ni Aling Consuelo.
Tumingin ako kung saan ko nakita si Atreo pero wala na sya.
Nang matapos kami sa pagbabanlaw ay tumayo na kami habang buhat-buhat ni Aling
Consuelo ang batya na inalalayan ko. Napahawak ako sa balakang ko dahil masakit na
nga ito sa pagtatalik namin ni Atreo, sumakit pa lalo dahil sa pagyuko ko sa
paglalaba. Ang hirap palang maglaba.
Nadaanan namin ang vipers na nagpupush up habang si Atreo ay lumalakad-lakad habang
inoorasan ang vipers. Nang mapadaan kami ay napahinto sya sa paglalakad at
napatingin sa akin.
Kumindat sya at ngumuso tila humihingi ng kiss pero binelatan ko lang sya.
Napatingin sa akin ang viper kaya agad akong sumunod kay Aling Consuelo na tuloy-
tuloy sa paglalakad.
Pagdating namin sa space area kung saan nakahilera ang washing machine at dryer ni
Atreo ay agad na sinalang ni Aling Consuelo sa dryer ang mga damit ko.
"Hija, ikaw na ang humango nito at ipagluluto ko lang ng meryenda sila General.
Kapag tapos ng umikot ang dryer ay buksan mo at kunin ang damit. Isampay mo na rin
d'yan sa sampayan para lalong matiyo." bilin nya.
"Sige ho."
Agad naman na syang umalis kaya sumandal ako sa washing machine at hinintay na
matapos ang dryer sa pag ikot.
Pero napaidtad ako ng may biglang yumakap sa akin kaya napatingin ako sa gilid ko
at nakita ko si Atreo.
"Anong ginagawa mo rito?" bulong ko na kinangiti nya.
"Gusto ko lang na ipaalala sa'yo na mamaya ay sumipot ka, kundi yari ka sa akin."
banta nya habang nasa harap ko na sya at ginigitgit ako.
"Oo, hindi ko makakalimutan iyon." ngumiti ako at pinakita ko ang kamay ko, "Tignan
mo. Nagkasugat-sugat ang kamay ko. Ang hirap palang maglaba."
"Bakit kasi nag kamay pa kayo? Heto na nga ang washing machine." aniya at kinuha
ang kamay ko at hinalikan ang paltos kong kamay na kinangiti ko.
"Sabi kasi ni Aling Consuelo, dapat daw matuto akong maglaba para daw kapag nag
asawa ako ay may alam ako."
Ngumiti sya at nilagay ang mga kamay ko para ipayakap sa leeg nya. Niyakap naman
nya ang bewang ko habang nagkakatitigan kami.
"Hija!"
Bubuka sana ang bibig ni Atreo ng magulat kami na marinig ang boses ni Aling
Consuelo. Agad nya akong hinalikan ng mabilis sa labi bago kami nagbitaw at tumakbo
na sya paalis.
Napailing ako at napangiti bago tumingin kay Aling Consuelo na lumabas na mula sa
pinasukan nyang pinto papasok sa kusina ng bahay ni Atreo.
"Hija, heto ang band aid oh. Ilapat mo sa kamay mo pagkatapos mong mag sampay.
Pasensya na at nasugatan ka." aniya at inabot ang band aid.
"Ayos lang ho, Aling Consuelo, pero salamat po rito."
Tumango sya at bumalik na muli sa loob. Napangiti ako at nilagay ko muna sa bulsa
ng bestida ang band aid at tsaka ako tumingin sa dryer na huminto na sa pag ikot.
Sinampay ko na ang mga damit ko maging underwear ko.
Nanlalata na naupo ako sa higaan ko sa bahay nila Aling Consuelo ng matapos akong
magsampay. Nakaramdam ako ng antok kaya parang gusto ko munang matulog bago maligo.
Hinubad ko ang tsinelas ko at nahiga sa higaan. Paglapat palang ng katawan ko sa
higaan ay agad na akong hinila ng antok.
"Hija.."
Naalimpungatan naman ako at napakusot ng mata bago napatingin kay Aling Consuelo na
ginising ako.
"Kumain ka muna ng hapunan. Kakain na tayo."
Agad naman akong bumangon at tumango. Sinabihan nya ako na sumunod nalang ako at
bumaba agad. Tinali ko ang buhok ko at napatingin sa damit ko na heto parin pa nga
pala ang suot ko. Dahil sa antok ay hindi ako nakapaligo. Tumingin ako sa bintana
at nakita ko na madilim na. Agad akong umalis sa higaan ng maalala na may date kami
ni Atreo.
Pagbaba ko ay nakita ko na sila Aling Consuelo at Mang Feliciano na nasa hapagkain
at hinihintay ako.
"Saan ka pupunta, Hija?" tanong ni Mang Feliciano.
"Kukunin ko lang ho ang nilabhan."
Agad akong pinigilan ni Aling Consuelo at tumayo sya.
"Hindi na kailangan, Hija. Naisilong ko na. Masama din kasi na mahamugan ang
damit."
Tumango naman ako at lumapit na sa kanila. Nakita ko na isda at gulay ang ulam.
Naupo ako sa tabi ni Aling Consuelo na pinaglagay pa talaga ako ng kanin.
"Salamat po." pasalamat ko rito at nilublob ko ang kamay ko sa tabong nasa gilid sa
lamesa. Hinugasahan ko ang kamay ko gaya ng nakagawian kong tinuro nila.
"Tila pagod na pagod ka. hija. Nasabi sa akin ni Elo na naglaba ka raw?" si Mang
Feliciano.
"Ah, opo. Yakang-yaka ko naman po."
Napangiti sya at tumango bago sumubo habang naka-kamay kami pare-pareho.
Kaunti lang ang kinain ko para makaligo na ako.
"Tapos ka na, Hija? Kakaunti pa lang ang nakakain mo. Hindi mo ba nagustuhan ang
niluto ko?"
"Busog na po kasi ako. Masarap po ang luto nyo, pero po kasi busog pa po talaga
ako."
"Ganun ba."
"Opo. Ah, maliligo lang po ako at nag lalagkit na po ako."
"O sige."
Alam kong nagtataka sila sa kinikilos ko, pero hindi ko lang talaga mapigilan na
maexcite. Ito ang unang beses na makikipag date ako sa lalakeng gustong-gusto ko.
Pagdating sa kwarto ay agad na hinanda ko ang susuotin ko. At naligo na pagkatapos.
Sinuot ko na ang dress na binili ni Aling Consuelo na kinatuwa ko. Nagpatiyo ako ng
buhok at maayos na sinuklay ang buhok ko para maging kaaya-aya naman ako sa harap
ni Atreo.
Nang makapaghanda na ako ay naupo ako sa higaan para hintayin ang oras ng pagkikita
namin ni Atreo.
"Hija!"
Pumasok na si Aling Consuelo at napatingin sya sa suot ko at napangiti.
"Kaya pala agad mong pinalaba para agad mo ring maisuot."
"Ang ganda po kasi kaya sinuot ko na po agad."
Tumango sya at nakita ko na may bitbit syang gatas.
"Inumin mo muna ito bago ka matulog, Hija. Parang lalo ka atang nangangayayat."
Napanguso naman ako dahil ginagawa nya akong bata. Bakit ba lahat ng tao rito ay
binebaby ako?
"Aling Consuelo, dalaga na po ako para sa gatas. Ayoko po n'yan."
Napatingin sya sa akin ng mailapag nya sa isang wood chair ang gatas.
"Aba, ireng batang ito. Kelan pa nagkaroon ng age limit ang gatas? Kahit dalaga ka
na ay mabuti paring umiinom ng gatas. Para tumibay ang buto mo."
"Ganun po ba iyon?" tumango sya kaya wala na akong choice, "Sige po."
Agad ko nang ininom ang mainit na gatas na tinimpla nya para makalabas na si Aling
Consuelo at makatulog na sila para makaalis na ako. Binilinan nya na matulog na ako
bago sya lumabas ng kwarto. Mga alas otso o alas nuebe ay natutulog na sila kaya
naghintay ako ng dalawang oras bago ako umalis sa pagkakaupo ko sa higaan.
Marahan ang ginawa kong lakad para hindi lumagikgik ang yapak ko at baka marinig pa
nila Aling Consuelo. Maingat kong sinara ang pinto ng kwarto. Baka kasi sakaling
magising sila ay ang iisipin nila ay nasa kwarto ako. Maigi ng naniniguro.
Nang makababa ako ng hagdan ay maingat kong pinakiramdaman ang kabilang kwarto.
Nang sigurado akong tulog na sila ay maingat akong naglakad sa pinakamain door
nila.
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at lumabas ako. Sinara ko muli ang pinto at
nang makalabas na talaga ako ay napangiti ako.
Agad akong lumakad palayo sa bahay at napatingin sa bahay ni Atreo na patay na ang
ilaw. Kaya nilakad ko na ang mahabang dalampasigan.
Suot ko lamang ang tsinelas na pinahiram ni Aling Consuelo. Hindi bagay sa suot
kong dress pero wala akong pagpipilian. Tsaka alangan namang mag heels ako, edi
lumubog lang sa buhangin iyon?
Malayo-layo pala ang Light House pero ayos lang dahil maaga pa naman sa pinag-
usapan at tsaka mahangin kaya masarap maglakad.
Nakakita na ako ng dalawang puno ng buko kaya excited ako na nagmadaling maglakad.
Paglagpas ko sa dalawang puno ng buko ay napahinto ako at napanganga sa nakita kong
light house.
May mga blue light na nakapalibot sa light house. At sa pinakatuktok ay may bukas
na ilaw doon. Pumasok na ako at inakyat ang maraming step ng hagdan na paikot.
Pag-akyat ko ay napangiti ako habang tinitignan ang isang table na nakaset up
habang may dalawang chair. May candle and flower vase sa gitna habang may mga
romantic candle sa bawat palibot na pader sa kinatatayuan ko.
Lumapit ako sa pader at natanaw ko rito ang dagat at ang kabilang isla. Napangiti
ako at tumingin sa langit.
Napababa ako ng tingin ng may biglang pumulupot na braso sa bewang ko. Lumingon ako
at napangiti ng malaman ko si Atreo.
Humarap ako sa kanya habang nakasandal sa pader. Kinorner nya ako habang nakapatong
ang mga kamay nya sa magkabilang gilid ko na mismong pader.
Sinampay ko ang mga kamay ko sa leeg nya habang nagkatinginan kami at nakangiti sa
isa't-isa.
"You like it?" tanong nya kaya tumango ako. Ngumiti sya at tumayo ng tuwid bago ako
akayin sa table, "Seat down, baby." aniya ng ipaghila nya ako ng upuan.
Ngumiti ako at naupo. Tumingin ako sa kanya na naglakad patungo sa isang basket na
dala nya. Binuhat nya iyon at naglakad sya palapit sa akin. Nilapag nya muli sa
sahig ang basket at naupo sya upang kunin ang laman no'n.
Pinatong ko ang siko ko sa lamesa habang nakapalumbaba ako na pinagmasdan sya.
"Ano ang mga iyan?" nakangiti kong tanong.
"This is my specialty. I hope you like it." aniya at nakita ko ang mga luto nya na
nakalagay sa mahabang baunan. Nilapag nya iyon sa lamesa kaya umayos ako ng upo at
tinignan ang mga nilalapag nya.
Nang mailapag lahat pati ang mga cold fresh fruit juice na nakalagay sa bawat bote.
"You cooked this all?" hindi ako makapaniwala na sya lahat gumawa nito.
"Yes."
Napangiti ako ng buksan nya ang bawat baunan. May mga fried shrimp. Vegetable with
barbeque meat. At meron ding chicken fillet with creamy mayonaise. At meron ring
fresh slice mango. Basta ang dami nyang niluto na tila balak nya na ubusin namin
iyon.
"Ang dami nito. Kaya ba nating ubusin ito?"
Tumingin sya sa akin at pinisil ang pisngi ko kaya napasimangot ako.
"Uubusin natin ito. Gusto kong tumaba ka." aniya kaya inalis ko ang kamay nya at
kinagat na kinadaing nya.
"Ayoko ngang tumaba. Alam mo ba na modelo ako? Kaya hindi pwede."
"Tsss. Okay." aniya at akmang tatakpan na nya ay pinigil ko ang braso nya.
"Bakit mo tinatakpan?"
"Ayaw mong tumaba, kaya walang saysay itong niluto ko. Ipapakain ko nalang sa
vipers."
Napahinga ako ng malalim dahil talagang nangongonsensya sya.
"Sige na nga. Kakainin natin 'to lahat."
Napangisi sya at pinindot ng daliri nya ang pisngi ko kung saan ang dimples ko,
"Ang cute mo talaga, baby."
Inirapan ko lang sya na kinahalakhak nya tila tuwang-tuwa talaga sya. Napailing
nalang ako at tinignan sya na pinaglagyan nya ako ng luto nya sa plato ko.
Talagang totoo ang sinabi nya. Naubos namin lahat kaya ngayon ay pakiramdam ko ay
sasabog ang tiyan ko sa kabusugan. Wala kasi syang ginawa kundi subuan ako at para
makaganti ay sinubuan ko din sya.
Nakatanaw kami ngayon kung saan ay kitang-kita ang dagat at kabilang isla na may
ilang ilaw na tanaw mula rito. Nakayakap sya habang nasa likod ko sya habang
tahimik lang kami.
"Baby.." aniya.
"Hmmm.."
"eísai tóso ómorfi."
"Ha? Anong ibig sabihin no'n?" lumingon ako sa kanya at nakita ko na nakangiti sya.
"Basta." napakunot-noo naman ako dahil hindi ko alam ang sinabi nya. Bumitaw sya ng
yakap at tila may kinuha sya sa bulsa nya. Tumanaw nalang muli ako sa paligid at
dinama ang sarap ng hangin.
Napahawak ako sa leeg ko ng may malamig na bagay akong naramdaman. Napatingin ako
sa sinuot ni Atreo at nakita ko na isang silver necklace iyon na may singsing na
ang nasa gitna no'n ay isang pearl.
Hinawakan ko ito dahil maganda sya. Very unique at ngayon lamang ako nakakita ng
ganitong design.
"Bakit mo 'ko sinuotan nito?" lumingon ako sa kanya ng maiayos nya ang buhok ko
matapos nyang masuot sa akin ang kwintas.
"Binibigay ko sa'yo ito dahil ibig sabihin lang nya'n ay seryoso ako sa'yo."
Napangiti ako at muling tumingin sa kwintas habang hindi ko mapigilan na kiligin.
"Ang ganda nito. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong ka-unique na kwintas.".
Muli syang yumakap sa akin kaya napahawak ako sa braso nya na nakapulupot sa bewang
ko.
"I'm happy you like it." aniya at sumayad ang ilong nya sa balikat ko upang amuyin
na kinakiliti ko.
Tinignan ko sya kaya napahinto sya at tumingin sa akin hanggang sa mapatingin sya
sa labi ko. Umayos sya ng tayo at hinarap nya ako sa kanya bago isandal sa pader.
Niyakap nya ako at agad na bumaba ang labi nya para sakupin ang labi ko kaya
napahawak ako sa bewang nya at tumugon sa halik nya.
Palalim ng palalim ang halik namin habang rinig na rinig namin ang bawat tamis ng
palitan namin ng halik.
Ramdam ko ang kasabikan nya sa bawat pagdiin ng katawan nya sa akin. Pahigpit ng
pahigpit ang yakap nya. At halos higupin nya ang buo kong lakas sa kasabikan nya sa
paghalik.
Pumaling ang ulo ko at tumaas ang kamay ko sa likod nya habang hinahaplos ito. Agad
nyang pinagparte ang legs ko at binuhat nya ako kung kaya napayakap ang binti ko sa
bewang nya.
Napahalinghing ako sa halikan namin ng ipadama nya ang katigasan nya. Napahagilap
ako ng hangin ng bitawan nya ang labi ko at mabilis na bumaba ang labi nya sa leeg
ko kaya napatingala ako habang napapakagat ako ng labi dahil masyado syang sabik.
May bigla namang tumunog na ringtone mula sa bulsa ng pantalon nya kaya mahinang
pinalo ko ang likod nya para patigilin sya sa paghalik sa leeg ko.
"Atreo, may tawag ka."
Huminto naman sya at napahinga ng malalim tila nainis sya. Tumingin sya sa akin na
inis kaya napangiti ako at napailing. Ngumiti na sya at kinuha nya ang phone nya sa
bulsa ng pants nya habang nasa ganun parin kaming posisyon. Buhat-buhat parin nya
ako.
Tinignan nya ang tumawag at nakita ko na biglang nag iba ang reaksyon ng mukha nya.
Dahan-dahan nya akong ibinaba kaya nagtaka ako na napatingin sa cellphone nya bago
sa mukha nya.
"Sino ang tumatawag?"
Agad naman syang nagbago ng reaksyon at pinatay ang tawag. Binulsa nya muli ang
cellphone at napahagod sya ng buhok.
"Wala. Wrong number lang." aniya at bumitaw ng yakap sa akin. Tumalikod sya sa akin
bago lumapit sa lamesa, "Kailangan na nating umuwi, masyado sya ng gabi." dagdag pa
nya at niligpit ang lahat ng pinagkainan namin.
Tinignan ko ang likod nya habang napapaisip ako kung bakit tila sya nawalan ng gana
matapos makita ang tumawag sa kanya? Alam ko na hindi lang isang wrong number iyon.
Dahil hindi ko makikita sa mukha nya ang guilty kung wala lang iyon.
Naglalakad na kami sa dalampasigan habang tahimik lang kami. Buhat nya ang basket
habang ako ay napapaisip sa kinikilos nya. Tinignan ko sya na seryoso lamang ngunit
wala akong mabasa ni isa sa kinikilos nya.
Pagdating sa harap ng bahay ni Aling Consuelo ay aalis na sana sya ng pigilan ko
sya sa braso.
"May problema ba, Atreo?"
Lumingon sya sa akin at ngumiti. Huminga sya ng malalim at pinisil ang baba ko.
"Wala akong problema. Sige na, pumasok ka na. Masyado ng gabi." Aniya at hinalikan
ako sa labi bago sya tumalikod na at naglakad palayo patungo sa rest house nya.
Napahinga ako ng malalim at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba sa
tumawag sa kanya?

Kabanata 8
Hindi ako makatulog sa kakaisip sa kinikilos ni Atreo. Kaya ngayon ay para akong
zombie na bumangon sa higaan. Ginawa ko ang morning ritual ko at lumabas na ako ng
kwarto ng makapag-ayos na ako ng sarili ko.
Naabutan ko si Mang Feliciano na inaayos ang dadalhin nyang gamit para pumunta sa
ibayong lugar para mangisda. Lagi syang wala sa umaga dahil nangingisda sya para
itinda at kapag nakabenta ay binibili nya ng kailangan nila ni Aling Consuelo sa
bahay.
"Mang Feliciano, aalis na po kayo?"
Napaangat sya ng tingin sa akin at napatigil.
"Oo, Hija. Matagal din akong natigil sa pangingisda mula ng magpunta kami sa
probinsya ng kaibigan ko. Kaya kailangan kong bumawi para makabili ng mga
kakailanganin sa bahay."
Humahanga naman ako sa sipag at dedikasyon ni Mang Feliciano na itaguyod si Aling
Consuelo kahit pa wala silang anak. Sana kung papalarin, sana ganito kami ni Atreo
hanggang sa pagtanda.
"Mag-iingat po kayo. Ako pong bahala kay Aling Consuelo habang wala po kayo."
Napangiti sya sa sinabi ko at tumango sa akin habang sukbit-sukbit nya ang bag na
dadalhin nya at maging ang paglalagyan ng nahuli nya.
Wala si Aling Consuelo sa bahay kaya tiyak na nasa bahay ni Atreo. Naupo ako sa
upuan at napahinga ng malalim. Nanlalata pa ako dahil kulang ako sa tulog sa
kakaisip kay Atreo.
Kakasimula palang ng relasyon namin, tapos agad-agad ay pinapahirapan na nya ako.
Porket gustong-gusto ko sya at hulog na hulog na ako sa kanya, sasamantalahin naman
nya.
Sino nga kaya yung tumawag? His dad or mom? Aha! Oo nga. Baka nawalan sya ng gana
dahil isa sa parent nya ang tumawag. Baka may sama sya ng loob doon.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumabas ako ng bahay nila Aling Consuelo.
Nilakad ko ang ilang pagitan ng layo ng bahay nila Aling Consuelo sa bahay ni
Atreo.
Pagpasok ko ay tahimik ang kabahayaan kaya naisipan kong tunguhin ang kwarto ni
Atreo. Tumingin muna ako sa paligid bago ko binuksan ang pinto at pumasok. Sinara
ko ang pinto at naglakad ako papasok ng kwarto ni Atreo.
Napahinto ako ng makita ko sya na nakasuot ng army uniform habang nakatalikod sa
akin at nakatanaw sa bintana. May hawak syang phone na nakatapat sa tenga nya tila
may katawagan sya.
Maingat akong naglakad para hindi nya malaman na narito ako. Nais ko syang gulatin.
"Don't act like you hurt, because you are not. Hindi ako tanga para paikutin mo.
Kung napaikot mo sila Dad, pwes, ako hindi!"
Napahinto ako sa paglapit sa kanya dahil sa galit nyang sinabi sa kausap nya sa
kabilang linya. Sino ba ang kausap nya? Ke aga-aga, e, galit na galit sya.
Nakita kong binaba na ni Atreo ang cellphone at napahugot sya ng hininga tila
pinapakalma ang sarili bago sya humarap para siguro umalis sa harap ng bintana.
Pero napahinto sya at nakita ko na gulat na gulat ang mukha nya habang napapalunok.
Namutla sya agad na hindi ko malaman kung bakit?
"B-Baby.."
"Are you okay, Atreo?"
"Kanina ka pa?"
"Kakapasok ko lang din." Tila naman sya nakahinga ng maluwag kaya napahalukipkip
ako, "Bakit galit na galit ka sa kausap mo? At ano yung Don't act like you hurt,
because you are not. Hindi ako tanga para paikutin mo. Kung napaikot mo sila Dad,
pwes, ako hindi!"
Talagang ginaya ko pa ang way ng pagkakasabi nya na may halong galit nyang emosyon
na kinangiti nya. Ibinulsa nya ang cellphone sa bulsa ng army pants nya. Lumakad
sya palapit sa akin at pagkalapit nya ay hinapit nya ako sa bewang kaya nagkalapit
masyado ang aming katawan.
"Bata ka pa para maunawaan iyon." aniya habang pinipisil-pisil ang bewang ko habang
nakatitig sya sa akin.
"I hate you! Ginagawa mo na naman akong bata!" nakanguso ako kaya agad nyang binaba
ang mukha nya at patak na halik ang ginawad nya sa akin.
"You're so cute." aniya at hinaplos ang labi ko habang pinagdikit nya ang noo
namin.
Bigla namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi kaya napangiti sya at muling
dinampian ng halik ang labi ko kaya napapikit ako.
"Gusto man kitang masolo ngayon ay hindi maaari sa oras na ito." aniya habang
padampi-dampi ang halik nya sa labi ko.
"Bakit naman?" tanong ko at humalik sa labi nya.
"Dahil may gagawin kaming operasyon muli sa kabilang isla para masecure ang
kaligtasan ng isla. Hindi ako dapat makampante." tugon nya at sinipsip ang ibabang
labi ko bago nya kagatin.
"Sama nalang ako."
Tumitig sya sa akin at umiling bago ako buhatin kaya pinulupot ko ang binti ko sa
bewang nya habang nakasampay ang mga kamay ko sa leeg nya. Inupo nya ako sa work
table nya habang binibigyan ng halik ang pisngi ko.
"Hindi pwede. Delikado lalo't muntik ka nang mapahamak nung sumama ka."
Hinawakan ko sya sa mukha at nag papuppy eyes ako.
"Pero kaya kong depensahan ang sarili ko. Sama na ako sa inyo.".
Umiling sya at seryosong tinignan ako, "Hindi nga sabi pwede, baby. Ayokong
mapahamak ka. Mabuti ng nandito ka at ligtas. Ayoko ng sinusuway mo ako,
naiintindihan mo?" maawtoridad nyang sabi kaya napanguso ako.
Ngumiti sya at gumapang ang kamay nya sa dibdib ko kaya napalunok ako. Pinisil nya
iyon habang tinitignan ang reaksyon ko.
"Akala ko ba ay kailangan mo ng umalis?" Tanong ko.
"Sinabi ko ba 'yon?" nakangisi sya habang pinapaikot nya ang daliri nya sa tuktok
ng dibdib ko.
"Oo, sinabi mo." hinaplos ko ang mukha nya na napakagwapo. Tinigilan nya ang dibdib
ko at mas hinapit ako sa bewang palapit sa katawan nya.
"Ramdam mo siguro ang kasabikan ko sa'yo. Ganito ang epekto mo sa akin tuwing
aakitin mo ako ng hindi mo sinasadya." aniya at damang-dama ko ang nakatago nyang
galit na batalyon na dumidiin sa akin.
"Damang-dama ko." bulong kong mapang-akit kaya napamura sya at sinakop ang labi ko
habang mabagal ngunit puno ng diin nyang pinapadama sa akin ang nakatago nyang
batalyon. Tumugon ako sa halik nya. Yung halik na alam kong kaaadikan nya. Gusto ko
na habang malayo sya ay hindi maaalis sa isip nya iyon at agad na babalik sya sa
akin para lamang matikman iyon.
Nag a-alab na ang aming palitan ng halik ng may pumukaw sa aming katok mula sa
pinto.
"General, ready na!" dinig ko ang boses ni Sebastian habang patuloy parin kami sa
paghahalikan.
Bumitaw sya ng halik pero hindi sya tumitigil sa pagdiin ng katawan nya sa akin.
"Okay! Susunod ako!" sigaw nya para marinig ni Seb, habang nagkakatinginan kami ng
malagkit. Muli nyang binalikan ang labi ko at binuhat ako paalis sa work table nya.
Pagdating namin sa harap ng pintuan nya ay binaba nya ako at tumigil sya sa
paghalik. Tinignan nya ako at may pilyo syang ngiti sa labi.
"Kailangan ko ng baon mula sa'yo." aniya.
"Anong gusto mong baon?"
Ngumisi sya at bumaba sya para lumuhod sa harap ko. Tinaas nya ang palda ng bestida
ko at walang anu-ano ay binaba nya ang panty ko at hinubad sa akin. Sinampay nya
ang isang legs ko sa balikat nya at napakagat ako ng labi at napahawak sa ulo nya
ng sumubsob sya sa chipapay ko at naramdaman ko ang malaahas nyang dila na
humahagod doon.
Pinigil ko ang ungol ko habang namimilipit na ako sa kinatatayuan ko dahil sa
ginagawa nya. Tumigil sya ng maramdaman na malapit na akong manginig sa sarap.
Hinalikan pa muna nya iyon bago nya inalis ang legs ko sa balikat nya at tumayo
sya. Tinaas nya ang panty ko at binulsa sa pantalon nya.
"Babaunin ko ito, lucky charm." ngumisi sya kaya inirapan ko sya dahil binitin nya
ako, "Sige na, aalis na ako, baby." dagdag pa nya at muling humalik sa akin kaya
lasa ko sa labi nya ang hindi ko maexplain na lasa. Mariin syang humalik at kinagat
ang labi ko na gigil bago nya binitawan.
Ngumisi sya at tumalikod na bago lumabas ng kwarto nya. Napailing ako at inayos ko
ang suot kong bestida. God. Lalabas na naman ako ng walang panty sa kwarto nya.
Naghintay muna ako ng ilang sandali para siguraduhin na nakaalis na sila. Nang
tingin ko ay ayos na ay lumakad na ako palapit sa pinto at pinihit ang seradura.
Binuksan ko ang pinto at sumilip ako kung may tao bang maaaring makakita sa akin.
Nang wala ay dali-dali akong lumabas at sinara ang pinto ng kwarto ni Atreo.
Naglakad ako palabas ng bahay para kumuha ng extra panty. Alangan namang wala akong
suot, baka mahalata pa ni Aling Consuelo.
Inayos ko muna ang sarili ko at pinuntahan si Aling Consuelo na tiyak na nasa
kusina. Pero wala sya doon kaya lumabas ako sa pinto sa kusina kung nasaan ang wash
area ng mga damit.
Nakita ko si Aling Consuelo na may inaamoy sa kumot ni Atreo. Habang hindi ko
maexplain ang reaksyon nya.
"Aling Consuelo, bakit nyo po inaamoy 'yang kumot ni Atreo?"
Napatingin sya sa akin habang hawak-hawak ang basket na naglalaman ng maruming
damit ni Atreo.
"May kakaibang amoy kasi sa kumot ni Atreo. At kahit itim itong kumot nya ay may
bakas ng dugo."
Napalunok naman ako dahil alam ko ng dahil sa pagkabasag ng kainosentehan ko ang
dugong iyon. Shocks. Magaling talagang kumilatis si Aling Consuelo. Parang sandali
nalang, e, malalaman na nya ang sekretong relasyon namin ni Atreo.
"Baka naman po dahil sa sugat nya noong natamaan sya ng bala sa operasyon nya."
Tumango naman sya at umiling bago isalang iyong kumot sa washing machine. Automatic
washing machine na kapag huminto na ito sa pag-ikot ay agad na tiyo ang damit pag
nilabas.
Tinulungan ko nalang si Aling Consuelo sa gawain nya kesa tumanganga ako at mabagok
lang habang naghihintay sa pagbabalik ni Atreo.
Nang wala na akong ginagawa ay naisipan kong gumawa muli ng anklet para kay Atreo.
Hindi ko pa nga pala natatapos ang anklet na ginawa ko para sa kanya.
Pinakatutukan ko ito para mamaya ay maibigay ko na sa kanya. Binusisi ko talaga
kung matibay ang nagawa ko. Tinignan ko ang gawa ko ng matapos ako at napangiti ako
dahil perpekto.
Nag-unat ako ng braso at hinaplos ko ang leeg ko dahil biglang sumakit sa pagyuko
ng ulo ko ng matagal. Tumingin ako sa karagatan at nakita ko na ang kahel na
kalangitan na nagrereflect sa dagat.
Nahiga ako sa beach chair para makita ko kung parating na ba sila Atreo. Napahinga
ako ng malalim at pumikit upang umiglip muna. Dahil siguro sa mahangin na paligid
at tunog ng hampas ng tubig sa dagat ay para akong dinuduyan.
Nakatulog ako ng matagal at hindi pa sana ako magigising kung hindi lang ako
ginising ni Aling Consuelo. Napaupo ako at tumingin sa paligid. Nakita ko na
madilim na ang kalangitan.
"Hija, bakit ka d'yan natutulog? Baka napapak ka na nang lamok." Imbes na sagutin
ang tanong nya ay nagtanong rin ako sa kanya.
"Sila Atreo po ba ay nakabalik na?" tanong ko habang nagmamadali na hinagilap ang
tsinelas ko.
"Hindi pa sila bumabalik, hija." napahinto ako sa ambang pagtayo dahil sa sinabi
nya. Napatingin ako rito at nakita ko ang mapanghinala nyang tingin.
"Wala pa po sila? Gabi na po, ah."
"Sinabi sa akin ni General na baka matagalan sila sa kabilang isla dahil kailangan
nilang masiguro ang kaligtasan ng mga tao doon."
Bigla ay parang nanlumo ako sa sinabi nya. Matatagalan? Bakit hindi nya sinasabi sa
akin? Umaasa pa naman ako at hinintay sya. At nakakalungkot dahil tiyak na
mababagok ako rito sa pagkamiss sa kanya.
"Umamin ka nga, hija, may namamagitan ba sa inyo ni General?" seryosong tanong nya
na kinalunok ko at tumingin ako sa kanya. Napayuko ako dahil useless na kung
magsinungaling pa ako sa kanya. Alam ko na alam na ni Aling Consuelo ang kinikilos
namin ni Atreo.
Naupo sya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. Napayakap ako sa kanya upang doon
ibuhos ang paghingi ko ng sorry dahil nagsinungaling ako sa kanya.
"Kaya pala may kakaiba sa tinginan nyo ng General. At kaya pala palagi ka nyang
tinatanong sa akin kung gising ka na ba sa umaga." napahinga sya ng malalim at
hinimas ang likod ko, "Hija, hindi naman ako tutol kung meron kayong relasyon. Pero
parang masyado kang bata para makipagrelasyon sa General. At kahit na naninilbihan
ako sa kanya ay hindi ko rin alam ang pagkatao nya. Sa edad nyang iyon ay hindi ka
ba nagtataka kung may asawa na ba sya?"
Napabitaw naman ako ng yakap sa kanya dahil sa sinabi nya. Asawa? Hindi ko
naitanong sa kanya iyon. Dahil posible namang may asawa na sya. Wala naman syang
wedding ring na suot.
"Imposible po iyon, Aling Consuelo. Wala naman po syang suot na singsing. At tsaka,
kung may asawa na sya, edi sana nagpupunta po 'yong asawa dito, 'di ba po?"
Napatango naman sya sa sinabi ko, "Siguro nga, hija. Pero tandaan mo na minsan ang
lalaking gustong magbinata muli ay aalisin lang ang singsing at pwede ng sabihin na
single sya. Natatakot lamang ako para sa'yo dahil baka masaktan ka, hija."
Umiling ako rito at ngumiti. Pero nasa isip ko ang lahat ng sinabi nya. Kinabahan
din ako at natatakot.
"Sya ba ang may bigay nito sa'yo?"
Napatingin ako sa necklace na nasa leeg ko. Tumango ako kay Aling Consuelo at
tumingin sa kanya.
"Napakagandang kwintas nito. At masasabi ko na walang katumbas."
Napangiti naman ako at hinaplos ang kwintas na bigay sa akin ni Atreo. Napahinga ng
malalim si Aling Consuelo bago tumayo.
"Halika na, hija, at wag munang hintayin si General hindi dadating iyon ngayon."
Tumango ako rito at tumingin sa karagatan. Nalulungkot ako dahil hindi ko sya
makikita bago ako matulog. Tumayo na ako at binitbit ang gamit sa palamuti bago
sumabay kay Aling Consuelo na maglakad.
-
Two weeks. Two weeks syang wala. At kating-kati na akong puntahan sya doon ngunit
wala naman akong sasakyan na maaaring sakyan papunta doon. Dahil si Mang Feliciano
ay palaging ginagamit ang bangka nya para mangisda. Alangan namang sabihin ko na
samahan ako sa kabilang isla para lamang makita ang lagay ni Atreo. Alangan namang
sayangin ko ang araw ng pangingisda nito.
Pumalumbaba ako habang nakatanaw sa kabilang isla. Narito ako sa light house dahil
dito ay gumagaang ang pakiramdam ko. Nawawala ang pagkabagok ko.
Sa loob ng dalawang linggo ay palagi akong narito sa light house para tanawin ang
kabilang isla. Umaasa ako na matanaw ko sya kahit na napakaimposible. Nakakainis
sya! Mawawala pala sya ng ganung katagal, tapos hindi man lang ipinaalam sa akin.
Napabuntong hininga ako at ngumuso.
"Kapag hindi ka pa nagpakita ngayon, sisiguraduhin kong magsisisi ka." inis kong
sambit at tumayo ng tuwid.
Humarap ako para sana umalis na ngunit nabigla ako ng bumulaga sa harap ko si
Atreo. At hindi pa ako nakakapagsalita ng mahigpit nya akong niyakap at sabik na
sabik na nilamon ang labi ko.
Napayakap ako sa leeg nya at tumugon sa halik nya. Hindi ko mapigilan na kumabog
ang dibdib ko sa tuwa dahil sa wakas ay umuwi na sya. Mariin nyang sipsip ang labi
ko bago kami nagbitaw ng halik at hingal na hingal na nagkatinginan kami.
"Sobra kitang namiss, baby." aniya at pinagdikit ang noo namin.
"Namiss din kita sobra. Bakit ngayon ka lang bumalik?" nagtatampo ako habang
hinahaplos ko ang batok nya.
"Nagkaroon lang ng mahirap na operasyon sa kabilang isla. Meron pa palang
natitirang mga bandido na nanggulo sa kabilang isla, kaya kailangan naming
puksain."
Napahinga ako ng malalim at yumuko dahil naiintindihan ko naman sya. Sinundan nya
ng tingin ang mata ko at panay iwas ko dahil ewan ko, nakakailang sya.
Napahalakhak sya at pinisil ang baba ko na hindi ko alam bakit nakahiligan nyang
pisilin iyon.
"Okay, alam kong nagtatampo ka dahil hindi ko sinabi sa'yo na matatagalan ako. Pero
babawi ako. Ngayon ay tapos na ang operasyon namin kaya hindi mo na ako mamimiss."
Napatingin ako sa kanya at tila sumigla pa lalo ang pakiramdam ko dahil sa sinabi
nya.
"Talaga? Tapos na ang operasyon nyo?" tumango sya at inipit ang tumikas kong buhok
sa tenga ko.
"Oo. Kaya ngayon ay solong-solo mo ako." nakangisi sya at alam ko ang ibig nyang
sabihin.
"Oo nga pala, alam na ni Aling Consuelo ang relasyon natin."
Ngumiti sya at tinalikod nya ako sa kanya bago niyakap. Pinatong nya ang baba nya
sa balikat ko at binigyan iyon ng dampi-damping halik.
"Alam na rin ng vipers ang relasyon natin." aniya na kinalaki ng mata ko at haharap
sana ako sa kanya ng pigilan nya ako. At mas humigpit ang yakap nya sa akin.
"Talaga? Alam na nila?"
"Yes." bulong nya at inamoy nya ang leeg ko na kinakiliti ko.
"Paano nila nalaman?"
"Sinabi ko ng hindi ko sinasadya. Masyado ka kasing maganda kaya hindi mapigilan ni
Regie na magkacrush sa'yo. Ayoko ng may umaagaw sa'yo, kaya wala akong choice kundi
sabihin sa kanila; para alam na nila na akin ka lang." bulong nya na kinakilig ko.
"General."
Agad kaming napalingon sa nagsalita. Si Sebastian. Kaya aalisin ko sana ang
pagkakayakap ni Atreo dahil nakakailang na nakatingin sa amin si Seb. Pero ayaw
nyang alisin ang pagkakayakap sa akin at talagang humarap kami kay Seb habang
yakap-yakap nya ako sa likod.
"Ano 'yon, Seb?"
"Merong naghahanap kay Grace." wala pakialam si Seb kahit magkayakap kami. Formal
parin syang nakipag-usap kay Atreo. Nagkatinginan kami ni Atreo sa sinabi ni Seb.
Sa akin? May naghahanap? Sino?
Umalis kami sa light house at tinungo ang rest house ni Atreo; dahil nandoon daw
ang naghahanap sa akin.
Magkahawak kamay kami na pumasok sa loob at tumingin sa mga taong nasa sala.
Napahinto ako ng makilala ko ang dalawang lalake. Si Bien at Kier. Ang dalawang
tauhan ni Kuya Gab!
Napatingin ako sa lalakeng nakatalikod habang nakatayo sa harap ng malaking glass
wall na kita ang karagatan mula dito. Kilalang-kilala ko kung sino ito.
"K-Kuya Gab!"
Natanggal ang tingin nito sa dagat at dahan-dahan itong lumingon sa amin habang
seryoso ang mukha. Napatingin ako kay Atreo na napahigpit ang hawak nya sa kamay
ko.
"Nice place." komento ni Kuya kaya napatingin ako muli rito na lumakad palapit sa
amin. Pumantay sya kay Atreo kaya kinabahan ako dahil alam kong uusisain ni Kuya si
Atreo. Napatingin si Kuya sa kamay namin kaya ngumisi sya.
Agad akong humarang sa pagitan nila dahil baka anong gawin nya kay Atreo.
"Kuya, anong ginagawa mo rito?"
Natawa sya sa tanong ko at ginulo ang buhok kaya napasimangot ako at hinawi ang
kamay nya.
"Anong klaseng tanong yan, bunso? Syempre narito ako dahil pinapasundo ka na ni
Dad."
"Pero Kuya--"
"Alvarez, right?" tumingin sya kay Atreo kaya lumingon ako kay Atreo na seryoso ang
mukha at tumango kay kuya, "I heard about you. But I don't like you." dagdag pa ni
Kuya.
"Grace, let's go." agad na kinuha ni Kuya ang braso ko para hatakin pero ayokong
sumama.
"Kuya, dito muna ako."
"Sumama ka na, Grace."
Napatingin ako kay Atreo dahil sa sinabi nya. Nangilid ang luha ko at umiling sa
kanya. Ngumiti sya at tumango sa akin para sabihin na sumama ako.
Inalis ko ang kamay ni Kuya at yumakap ako kay Atreo. Hindi ko pa nga sya
nakakasama ng matagal ay malalayo na naman kami sa isa't-isa. Kung ako lang ang
masusunod ay ayoko ng umalis dito. Gusto ko nalang makasama si Atreo habang buhay.

Kabanata 9
Mahigpit na niyakap ko si Aling Consuelo na ngayon ay nagkakaiyakan na kami dahil
aalis na ako. Mahigpit din syang yumakap sa akin tila hindi nya nais na umalis ako.
"Hija, saglit na panahon pa lamang tayo nagkakakilala, pero iba na ang dinala mong
saya sa amin ni Feliciano. Sana lang ay wag mo kaming kakalimutan. Sana ay magkita
muli tayo."
Ngumiti ako rito habang panay ang patak ng luha ko. Hinaplos ko ang likod nya.
"Wag po kayong mag-alala. Hindi ko po kayo kakalimutan at dadalawin ko po kayo
kapag nagkaroon ng pagkakataon. Tandaan nyo po na tinuturing ko na po kayo na
pangalawang magulang. At napamahal na rin po kayo sa akin. Salamat po sa kabutihan
nyo."
Bumitaw kami ng yakap at hinawakan nya ang mukha ko para alisin ang luha ko na
pumatak. Inakbayan ko sya at lumakad kami palapit sa speed boat na dala nila Kuya.
Napatingin ako kay Kuya na nakapamulsang hinihintay ako. Tumingin ako sa paligid at
nakita ko ang vipers. Kumaway sa akin sila Regie, Sonny, at si Quest. Habang ang
ilan ay nakatingin sa akin. Hinanap ko si Atreo ngunit wala sya sa paligid mula ng
akayin ako ni Kuya palabas ng rest house nya.
Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang pagkakaakbay ko kay Aling Consuelo. Kinuha
ko sa bulsa ng bestidang suot ko ang anklet na gawa ko na hindi ko pa naibibigay
kay Atreo.
"Aling Consuelo, pakibigay nalang po ito kay Atreo. Sabihin nyo po sa kanya na
buong puso kong ginawa ito para lang sa kanya."
"Makakaasa ka na makakarating ito sa kanya. Mag-iingat kayo sa byahe, Hija. At sana
baunin mo ang tinuro ko sa'yo nung narito ka."
Tumango ako rito at ngumiti. Hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap muli ng
mahigpit. Bumitaw na kami at naglakad na ako pahakbang palapit kela Kuya.
Lumingon pa ako ng isang beses at kumaway sa kanila bago ko nilibot ang paningin ko
at umaasa na sana ay magpakita si Atreo. Ngunit hindi sya nagpakita kaya tumalikod
na ako at humawak sa kamay ni Kuya ng alalayan nya akong sumakay sa speed boat.
Naupo ako sa gitna at tumingin muli sa mga taong nakilala ko sa pananatili ko sa
isla.
Pinaandar na ni Bien ang speed boat ng makasakay si Kuya. Nalulungkot na nakatanaw
parin ako sa isla ni Atreo habang palayo na ang sinasakyan namin.
"Washing your clothes, ha?"
Tumingin ako kay Kuya na prenteng nakaupo habang naka de-kwarto at nakapatong ang
mga braso sa kinasasandalan nya.
"Bakit ba ikaw ang sumundo sa akin? Hindi ka ata bumubuntot ngayon kay Ate Maqi?"
umirap ako rito habang inis kong tinatanong sya.
"Kung si Jam at Si Dad ang sumundo sa'yo, tsk, tsk, tiyak na bugbog sarado ang
General na iyon."
"Bakit ba galit na galit ka kay Atreo? Wala naman syang ginagawa sa'yo."
Pumito sya at sinuot ang shades nya bago umiling-iling ang ulo.
"Jane, hindi sa lahat ng pagkakataon ay narito kami para protektahan ka sa lahat ng
mananakit sa'yo. Kaya dapat mong matutunan na protektahan ang sarili mo sa maaaring
makasakit sa'yo. At umpisahan mo iyon sa lalakeng iyon."
Hindi ko sya maunawaan. Anong ibig nyang sabihin? Protektahan ko ang sarili ko kay
Atreo?
Magtatanong sana ako pero may biglang tumawag sa cellphone ni Kuya. Agad nyang
sinagot kaya alam kong si Ate Maqi iyon.
"Yes, wife?"
Umirap ako at hindi ko na ito pinansin. Napabuntong-hininga ako at napahawak sa
kwintas na bigay ni Atreo. Ngayon palang ay namimiss ko na sya. Natatakot ako na
baka hindi na kami magkita. Wala pa naman akong contact sa kanya.
Akbay-akbay ako ni Kuya habang papasok kami sa bahay namin. Agad na bumati ang mga
tauhan sa bahay ng makita kami.
"Nasaan sila Mom and Dad?"
"Sir, nasa kwarto ho nila."
Tumango si Kuya at inalis ang pagkakaakbay sa akin. Lumakad sya patungo sa sofa at
pabagsak na naupo.
"Anak!"
Agad akong napatingin sa hagdan at nakita ko na ang pagbaba nila Mommy. Agad na
inilang hakbang ni Mommy ang distansya namin ng makababa sya ng hagdan.
"Mom." yumakap ako sa kanya habang dama ko ang mahigpit nyang yakap.
"Mabuti at ligtas ka, Anak. Pasensya na at ngayon ka lang nasundo ng kuya mo."
"Naku, Mom, ayaw pang sumama n'yan. Ayaw ng umalis sa isla dahil sa Alvarez na
iyon."
Bumitaw ng yakap si Mom at hinawakan ako sa balikat para mas makita ang mukha ko.
"Totoo ba iyon, Anak? Ayaw mong umuwi sa amin?"
Napanguso ako at hindi makasagot. Nakokonsensya kasi ako dahil ngayon ko lang
naisip ang sinabi ko at kinilos ko sa isla.
"Grace, from now on you're grounded. Hindi ka aalis ng walang kasama at hindi ka
aalis ng hindi ka nagpapaalam. Maliwanag ba?"
Napatingin ako kay Dad dahil sa sinabi nya. Nakita ko ang maawtoridad nyang emosyon
na kinakaba ko. Ibig sabihin lang no'n ay hindi ko maaaring suwayin dahil tiyak na
magagalit sya sa akin. Napayuko ako dahil hindi ko alam bakit parang nilalayo nila
ako kay Atreo?
Ano ba ang kasalanan ko? Nagmahal lang naman ako.
"James, wag mo namang paghigpitan ang anak natin."
"Sweet heart, alam ko ang ginagawa ko, at wala ng makakabali sa desisyon ko."
Niyakap ako ni Mom dahil wala syang magawa para sa akin kundi pagaanin nalang ang
loob ko. Alam ko na kapag tungkol sa amin ay palaging tama si Dad. Kaya hindi na
nakikipagdebatehan pa si Mom.
"Magpalit ka ng damit at aalis tayo." sabi ni Dad sa akin kaya tumingin ako kay Mom
na tumango.
"Saan po tayo pupunta?"
"Kamuntikan na kasing makunan ang Ate Hera mo. Dadalaw tayo para kamustahin sya."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom. Buntis si Ate Hera?
"Magkakaanak na sila ni Kuya Jam, Mom?"
Tumango si Mommy kaya kahit paano ay napangiti ako para sa lovelife nila ni Kuya.
Agad akong umakyat sa taas at tinungo ang kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko ay
bigla kong nilanghap ang amoy ng kwarto ko na sobrang namiss ko.
Naupo ako sa kama at hinaplos ang kama ko. Napabuntong hininga ako at nahiga bago
napatingin sa kisame ko na may pintang mga stars and moon. Na glowing in the dark
kapag madilim ang kwarto.
"Atreo.." bulong ko at pumikit saglit para alalahanin ang mukha nya sa isip ko.
Humugot ako ng hangin at naupo bago napailing. Lalo lang akong mababaliw sa
ginagawa ko. Miss na miss ko na sya. Hindi ko alam kung kelan ko sya makikita. Lalo
pa ngayon na grounded ako.
-
Lulan na kami ng sasakyan habang nasa backseat kami nila mommy and daddy. Sila Kuya
Gab at family nya ay nasa kasunod naming kotse. At sa unahan namin at likuran ng
kotseng sinasakyan nila Kuya ay nakasunod ang mga tauhan ni Dad.
"Bumili muna tayo ng prutas, bago tayo magpunta sa hospital." suggest ni Mom na
agad namang sinunod ni Dad.
Pagdating sa fruit store ay pinagbuksan kami ng pinto ng tauhan ni Dad. Naunang
bumaba si Dad at sumunod ako dahil nasa gitna nila ako. Humawak ako sa braso ni Dad
ng pagtinginan kami ng tao.
Paano ba naman kasi, ang oa ng bodyguard.
Napahinga ako ng malalim at sumabay ng lakad kela Dad. Pumasok kami sa loob ng
fruit store. Namili sila Dad ng prutas habang ako ay lumalakad-lakad at
pinagmamasdan ang store na napakaraming iba't-ibang klase ng prutas.
"Grace, let's go!"
Lumingon ako kay Dad at tumango bago naglakad palapit sa kanya. Nauna silang
lumabas ni Mom at kasunod ako. Sakay na muli kami ng kotse patungo sa Esteban
Hospital kung saan dinala si Ate Hera.
Sa bungad palang ng hospital ay hindi na magkandaugaga ang mga doctors and nurse sa
pagbati sa amin. Tanging tango at ngiti ang ginawa namin ni Mom, because Dad will
never greet back.
"Grace!"
Napahinto kami sa paglalakad at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Won. Napangiti
ako ng huminto sya sa harap namin at yumuko bago batiin sila Mom and Dad.
"It's nice to meet you Sir and Ma'am. I'm Won Rusbelt."
"I know you, Boy." tumingin ako kay Dad na tumango kay Won.
"Anong ginagawa mo rito, Won?" tanong ko at tumingin sa hawak nyang bag na
pambabae.
"Sinamahan ko lang ang hipag ko na mag pacheck up."
"Bakit, anong sakit nya?"
"Wala syang sakit, she's pregnant."
Napatango ako. Napakabait naman nitong si Won.
"Bakit ikaw ang kasama?"
"Tarantado kasi ang kuya ko. Umuwi rito, hindi man lang kinamusta ang lagay ng
asawa nya."
Nalungkot naman ako. Bigla ay naalala ko na General nga din pala ang kapatid nya.
"Di ba General din ang kapatid mo?" Nagtaka sya pero tumango sa tanong ko.
"Yeah. Pero bakit may 'din'? May kilala ka bang General ng army?"
Ngumiti lang ako at nakiba't-balikat, "Secret." Natawa sya at napakamot sa batok
nya.
"Ang tagal mong nawala. Sabi kasi sa balita ay sumabog ang sinasakyan nyo. Mabuti
at nakauwi ka ng maayos ang lagay."
"Mahabang kwento, Won. Pero masaya ako sa lugar na sandali kong tinuluyan."
"Mabuti naman. Pero papasok ka na ba sa Lux Calisse?"
Tumingin ako kela dad na nasa harap na ng isang pintuan tila nandoon nag ru-room si
Ate Hera.
"I'm not sure, Won. Grounded ako, e."
"Bakit?"
"Grace!" tumingin ako kela Dad ng tawagin na ako.
"Sige, Won, tsaka nalang ako mag kwe-kwento sa'yo. See you again." bumeso ako sa
kanya at agad syang iniwan doon para sumunod kela Dad.
Naunang pumasok sila Dad kaya sumunod na ako dahil nahuli na ako. Pagpasok ko ay
nakita ko si Ate Hera na gising at kita ko ang gulat sa mukha nya ng makita ako.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Kamusta ka na. Ate?" bumeso ako sa kanya at sumandal sa higaan nya.
"Ayos na ako at pati ang anak ko. Ikaw ang kamusta?"
"Ayos lang ako, Ate. Sa mabuting kamay ako napadpad ng mahulog ako mula sa chopper
na sinasakyan namin nila Mommy."
Napatango naman sya at ngumiti. She's so beautiful. Her beauty is unique. Tha't why
my kuya Jam is so obssess to her. I like her to my kuya.
"Napakulong mo ba ang may gawa sa asawa mo, Jam?" it's Dad na nakaupo na sa sofa
habang naka de-kwarto. Ganun din si Kuya Gab na katabi si Ate Maqi at GM. At si
Kuya Jam naman ay nakaupo sa paanan ni Ate Hera.
"I did, Dad. They need to be in jail. Kamuntikan na nilang ipahamak ang mag-ina
ko."
Tumango si Dad na kinailing ko. Ang daya! Bakit kapag ang dalawang kambal kong kuya
ay wala syang tutol? Bakit sakin ay pinag babawalan ako sa lahat ng gagawin ko?
Tumingin sa akin si Dad kaya umiwas ako ng tingin at ngumuso.
"Grace anak." Agad na sumunod sa akin si Mom ng makauwi kami mula sa hospital.
Umakyat agad ako para pumanik sa taas dahil umiiwas nga ako sa maaaring itanong
nila Dad.
Lumingon ako kay Mom na pumasok ng kwarto ko at sinara ang pinto. Napabuntong-
hininga ako at naupo sa kama ko.
"Anak, maaari mo bang sabihin kay Mommy kung sino ang lalakeng sinasabi ng Kuya Gab
mo?" malambing nyang tanong at lumapit sa akin. Tumabi sya sa akin sa kama at
hinaplos ang buhok ko kaya sumandal ako sa balikat nya at niyakap ang bewang nya.
"Mom, boyfriend ko na po si Atreo."
"Ano?" napahagikgik ako dahil gulat na gulat si Mom at napaidtad pa, "Anak, 'di ba
kakakilala mo palang sa kanya? Bakit naging nobyo mo na agad iyong lalakeng iyon?"
dagdag pa nya.
"Mom, sya lang po kasi ang nakapukaw ng atensyon ko. Tapos sya rin ang nag save sa
akin nung bumagsak ako sa tubig. Tapos niligtas din nya ako ng muntikan na akong
kagatin ng ahas. Kaya po kahit bago palang kaming magkakilala ay na love and first
sight na po ako sa kanya."
Hinawakan ako ni Mom sa balikat at tinignan nya ako bago sya napabuntong-hininga.
"Masyado ka pang bata para sa relasyon, anak. Baka saktan ka lang ng lalakeng
iyon."
Hinawakan ko sya sa kamay at ngumiti ako sa kanya.
"Mom, bata din naman po kayo ng maging mag asawa po kayo ni Daddy. At alam ko po na
hindi ako sasaktan ni Atreo. Alam ko po na mabuti sya."
Napailing sya at ngumiti tila wala na syang magagawa sa akin.
"Alam mo naman na ayokong masasaktan ka. Masyado ka naming pinoprotektahan ng Dad
mo, lalo na sa mga lalake na baka ang habol lang sa'yo ay saktan ka. Ipangako mo na
hindi ko makikita ang luha sa mata mo dahil sa lalakeng iyon? Kundi, ako ang
makakaharap nya."
Napahagikgik ako dahil kahit mag banta si Mom ay hindi nakakatakot. Masyado kasing
sweet ang voice nya at mahinahon kaya siguro hindi natitinag si Dad kapag nagagalit
sya.
"Oh, sige na, magpahinga ka na. Grabe, hindi ko akalain na dalaga na talaga ang
bunso ko." aniya habang hawak-hawak ang mukha ko.
"Mom, kapag po nagkita muli kami ni Atreo, ipapakilala ko kayo sa kanya. At tiyak
po ako na magugustuhan nyo sya."
"Gwapo ba, Anak?" napangiti ako dahil ito ang gusto ko kay Mom. Very supportive at
hindi strict like dad.
"Yes, Mom, gwapong-gwapo."
Natawa kami at napatili pareho tila naiimagine nya si Atreo habang ako ay lumitaw
ang gwapong mukha ni Atreo sa isip ko.
Bumagsak ako pahiga sa kama at napangiti na kahit paano dahil kay Mom. Papatunayan
ko kela Dad na hindi ako nagkamali sa pagkagusto kay Atreo. At alam kong
magugustuhan din nila ito kahit pa halos kaedad na nila Kuya.
"Seniorita Grace, may tawag po kayo." agad akong napalingon sa pinto ng pukawin ako
ni Ate Wena na sumilip sa pintuan ng kwarto ko.
"Pasok, Ate Wena."
Pumasok sya kaya binaba ko muna ang blower. Kakatapos ko lang kasing maligo.
"Sino daw sya, Ate Wena?"
"Hindi ko kilala, Seniorita. Basta kailangan daw nya kayo makausap agad."
Kinuha ko ang wireless landline na hawak nya. Tinapat ko sa tenga ko ang landline
phone habang nakaipit ito sa tenga at balikat ko.
"Hello?" nagpahid ako ng lotion sa braso ko habang hinihintay na sumagot ang nasa
kabilang linya.
"Baby.."
Agad akong napahinto sa pagpahid ng lotion at nanlaki ang mata ko sa pagkabigla ng
marinig ang boses at endearment sa akin ni Atreo.
Agad kong hinawakan ang landline at tinakpan para hindi marinig ni Ate Wena ang
sinasabi ni Atreo sa kabilang linya.
"Sige na, Ate Wena, ako na ang magbababa nito mamaya."
Tumango sya at lumakad na palabas ng kwarto ko. Nang makalabas sya ay agad akong
tumayo mula sa pagkakaharap sa tukador.
"Atreo?" napangiti ako at lumapit sa pinto para ilock.
"Baby, I miss you." kinilig ako at napakagat ng labi sa malambing nyang boses.
"I miss you too, Atreo." naupo ako sa kama at kinuha ang unan para yakapin.
"Anong ginagawa mo ngayon?"
"Kakatapos ko lang maligo."
"Damn." napangiti ako dahil tila naakit sya sa sinabi ko, "Gusto kitang makita,
Baby."
"Pero paano naman? Grounded ako. At hindi ako makakalabas kapag walang bodyguard."
"Don't worry, I have a great plan."
"Ano 'yun?"
"Secret. Basta mamaya." aniya na kinalito ko, "Bye, baby." binaba na nya ang tawag
kaya napanguso ako.
Ano naman kaya ang plano nya? Napabuntong-hininga ako dahil miss ko na talaga sya.
Naghintay ako ng tawag mula sa kanya. Pero hindi parin sya tumatawag. Nahiga na ako
sa kama dahil inaantok na ako. Baka naman bukas pa kami magkikita.
Hindi pa ako masyadong nakakaidlip ng makarinig ako ng kaluskos at pagbukas ng
sliding door mula sa veranda ng kwarto ko. Nagkusot ako ng mata at tumingin sa
paligid. Madilim dahil nakapatay ang ilaw ko. Binuhay ko ang ilaw sa gilid ko at
bumangon ako sa kama.
Nabigla ako ng may lalakeng pumasok sa kwarto ko at sisigaw na sana ako ng takpan
nito ang bibig ko. Pinaghahampas ko ito pero natigilan ako ng magsalita sya.
"Baby, it's me." Binitawan nya ang bibig ko at inalis ang suot nyang sumbrero.
"Atreo?" Gulat na gulat ako at hindi makapaniwala na nakapasok sya ng kwarto ko,
"Paano ka nakapasok?" bulong ko.
"Nakatyempo lang ako. Basta ang mahalaga ay kasama na kita, baby."
Hinapit nya ako sa bewang at niyakap kaya napayakap na rin ako sa kanya. Tumingin
sya sa akin at agad na sinakop ang labi ko kaya tumugon ako sa kanya. Pareho kaming
sabik na sabik sa isa't-isa. Sobra ang pagka miss namin.
Napaatras ako ng umabante sya habang hapit-hapit ako sa bewang habang mapusok
kaming naghahalikan. Naramdaman ko ang kama kaya binuhat nya ako at hiniga sa kama
ko bago sya dumagan sa akin habang hindi pinuputol ang halikan namin.
Bumitaw kami ng halik at hingal na hingal na nagkatitigan kami kahit kaunting
liwanag lamang ang aming nakikita mula sa ilaw na nasa side table ko.
Hinaplos ko ang buhok nya habang nakangiti kami sa isa't-isa at nagkakatinginan.
Dinampian nya muli ako ng halik sa labi ko bago bumaba ang labi nya sa leeg ko kaya
napatingala ako para bigyan sya ng access.
Napahalinghing ako ng pinisil nya ang dibdib ko na tanging suot ko lamang ay
manipis na madulas na dress na may kaiklian na pinantutulog ko. Wala akong suot na
bra kaya malaya nyang nahahaplos ang dibdib ko na tanging tumatakip lang ay ang
kanipisan ng suot ko.
Bumibigat na ang hininga ko at napapaalon ang tiyan ko ng ibaba nya ang neckline ng
suot ko na kinabunyag ng dibdib ko.
Napasabunot ako sa buhok nya at napakagat ako ng labi ng hayok nyang isubo sa
mainit nyang bibig ang dibdib ko. Salitan at halos ayaw nyang tantanan.
Tinigilan nya ang dibdib ko at naupo sya para alisin ang suot nyang t-shirt. Nang
mahubad nya ay pinagparte nya ang legs ko at napakapit ako sa kobre kama ng
haplusin nya ang pagkababae ko kahit may suot pa akong panty.
Pinagpantay nya ang mukha namin at muli nya akong hinalikan habang patuloy sya sa
paghaplos sa pagkababae ko.
Napaarko ang katawan ko at napakapit ako sa balikat nya ng ipasok nya ang kamay nya
sa loob ng panty ko para damhin ang pagkababae ko. Halos mawala ako sa pagtugon sa
halik nya ng gamitan nya ng daliri ang pagpapaligaya nya sa akin.
"A-Atreo. Ohhh.." halos pabulong iyon dahil pinipigilan kong umungol ng malakas
dahil baka marinig sa labas.
"That's right, baby, moan my name." aniya at dinilaan ang labi ko bago nya sipsip
ang ibabang labi ko habang patuloy ang daliri nya.
Napaangat ang ulo ko at napahigpit ang kapit ko sa balikat nya ng manginig agad
ako. Bumagsak ang ulo ko at tumingin sa kanya na nakatitig sa akin ng malalim.
Umalis sya sa ibabaw ko at pinagparte lalo ang legs ko. Bumaba ang ulo nya sa
pagkababae ko kaya napasabunot ako sa buhok nya habang nakapikit ako at taas-baba
ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sarap.
Hinawi nya lang ang panty ko at humahagod na doon ang dila nya na tila may
sinisimot sya doon. Nanghihina na ako at para akong mauubusan ng tubig sa katawan
dahil sa paglunok ko.
"Ohhh.. God, Atreo!" naipit ng hita ko ang ulo nya dahil halos hindi ko na kaya.
Napaangat ako ng ulo at tinignan sya na walang habas sa paghagod ang dila nya sa
pagkababae ko. Hinaplos ko ang buhok nya kaya napatingin sya sa akin.
Tumigil na sya at lumuhod habang inaalis ang belt ng pantalon nya. Napakagat ako ng
labi habang nakatingin sa katawan nya na nakakapang laway. Agad nyang hinubad ang
pants nya at brief kung kaya lumitaw ang batalyon nya na galit na galit.
Napatingin ako rito at hinawakan ko ito na kinadaing nya. Dinama ko sa kamay ko
habang tinitignan ko ang reaksyon nya. Namumula na ang mukha nya at malalim kami
nagkatinginan. Habang pinapaligaya ko sya ay hinawakan nya ang buhok ko para hindi
sumabog sa mukha ko. Napaungol nya ng gamitan ko ng bibig ang sandata nya.
Napasabunot sya sa buhok ko at inalalayan ako kung paano ang gagawin dahil hindi pa
ako sanay.
Palakas ng palakas ang daing nya at mura dahil sa binibigay kong kaligayahan sa
kanya.
"Enough now, baby." Pinigil nya ako at maingat na hiniga muli sa kama. Hinila nya
pausod ang katawan ko palapit sa kanya habang nakapwesto sya sa pagitan ng hita ko.
Pareho kaming napasinghap ng unti-unti syang lumalalim papasok. Mahigpit syang
nakahawak sa bewang ko at pareho kaming napadaing ng tuluyan nyang sinagad ang
pagpasok.
Tinukod nya ang mga kamay nya sa pagitan ng ulo ko kaya nagkalapit ang aming mukha.
Yumakap ako sa likod nya habang nakikipag titigan sa kanya.
Tinagilid nya ang ulo nya at sinakop ang labi ko habang marahan syang nagsisimulang
gumalaw sa ibabaw ko. Halos magkatamaan kami ng ilong sa sobrang diin ng paghalik
nya sa akin.
Hinahaplos-haplos ko ang likod nya habang pareho kaming darang na darang sa
kapusukan.
"Ohhh God." napaungol ako mula sa nakabukas naming bibig ng bumilis ang galaw nya.
Pinasok nya ang dila nya sa bibig ko kaya nakipag espadahan ako sa kanya habang
dinadama ang bilis ng galaw nya.
"Wala silang magagawa kahit pigilan nila ako sa'yo. eísai dikós mou, hmmm." aniya
ng magbitaw kami ng labi habang mabilis syang umiindayog sa ibabaw ko.
Hindi ako makasagot dahil halos hindi ako makagawa ng salita sa nararanasan kong
sarap ngayon.
Sa sobrang gigil ni Atreo ay bumagsak ang portrait painting na nakasabit sa pader.
Umuuga ang kama at tumama ang head board nito sa pader kaya bumagsak ang painting.
Napahinto sya at agad na inangat nya ang ulo ko ng kamuntikan ng tamaan ito.
Nagkatinginan kami at natawa. Hinawakan nya ako sa bewang at binuhat kaya napayakap
ako sa leeg nya.
Nakaupo sya habang nakaupo ako sa hita nya. Pinagdikit ko ang noo namin habang ako
na ang gumagalaw.
"Mag iiwan ako ng contact ko sa'yo. Baka hindi na ako makakapuslit dito, pagkatapos
nito."
"Bakit hindi mo harapin sila Dad?"
"Tsaka na, kapag naayos ko na ang gusot ko sa buhay."
"Anong gusot sa buhay mo?"
Ngumiti sya at dinampian ng halik ang labi ko. Hindi nya ako sinagot at bumaba ang
labi nya para halikan ang dibdib ko.
Nang magsawa sya ay hiniga nya ako muli ngunit paharap na sa paanan ng kama habang
yakap-yakap nya ako. Mabilis syang gumalaw at mahigpit na yumakap sa akin.
Tumunog ang cellphone nya kaya napasuntok sya sa gilid ng ulo ko. Huminto sya sa
pag galaw sa ibabaw ko para abutin ang pants nya na hindi nalaglag sa kama. Kinuha
nya sa bulsa ang phone nya at sinagot ang tawag.
"What?" inis nyang tanong sa tumawag, "Shit!" bigla nyang binaba ang tawag at
tumingin sya sa akin.
"Bakit?"
"Nagkalat ang tauhan ng Dad mo sa paligid. Nakatunog ata na pumasok ako."
Nanlaki ang mata ko kaya dali-dali syang umalis sa ibabaw ko. Napaupo ako at
pinanood sya na agad sinusuot ang mga damit nya. Sinuot ko lang ang strap ng night
dress ko dahil hindi naman ito nahubad sa katawan ko.
Bigla naman ay saktong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kinabahan ako kaya
napatingin ako kay Atreo na naisuot na ang lahat ng damit nya.
"Paano na?"
Hinawakan nya ako sa mukha at hinalikan sa labi.
"Don't worry, makakaalis ako rito ng hindi nya makikita." hinaplos nya ang mukha ko
at kinuha nya ang wallet sa bulsa nya, "Tawagan mo ako rito. Aasahan ko, baby."
tumango ako kaya napangiti sya.
"Grace, open the door!" napaidtad ako ng galit ng kumatok si Dad.
"Good night, baby." malalim na humalik muli si Atreo sa akin at aalis na sana sya
sa kinatatayuan nya ng mapatingin sya sa sahig. Pinulot nya ang panty ko at tinaas
na kinalaki ng mata ko. Aagawin ko sana sa kanya iyon ng ilayo nya iyon sa akin
para hindi ko maabot, "Akin na 'to." pilyong ngumiti sya bago mabilis na naglakad
patungo sa veranda.
Napailing ako at napangiti pero agad akong bumaba ng kama at sinundan sya.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinakabahan ako baka mapahamak sya.
Sumilip ako sa baba at nakita ko na nakababa na sya ng matiwasay. Agad akong
napapasok sa loob ng makita ko ang tauhan ni Dad na may mga lenteng hawak. Malawak
ang paligid ng bahay namin, kaya alam ko na makakatago si Atreo sa madilim na parte
para makatakas.
Inayos ko ang sarili ko bago ko tunguhin ang pinto. Pagbukas ko ay agad na pumasok
si Dad na may dalang baril.
"Mom, what happen?" kasunod kasi ni Dad si Mom na agad na lumapit sa akin.
"Nasaan ang lalakeng iyon, Grace?" dumadagundong na tanong ni Dad.
"Dad, sino po bang lalake? Mag isa lang po ako rito at natutulog?"
"Bakit parang binagyo itong kama mo?"
Napakagat ako ng labi dahil hindi ko pala naayos ang kama ko.
"Dad, iyan nga po pala ang problema. Bigla nalang pong nahulog ang portrait habang
natutulog ako. Tapos alam nyo naman po na malikot akong matulog."
Tinignan pa nya ang bawat kasuluk-sulakan ng kwarto ko. Nang wala syang makita ay
naglakad sya palapit sa amin at inalis ang kasa ng baril nya.
"Lord.."
Napalingon kami sa pinto ng magsalita si kuya Nestor. Ang kanang kamay ni Dad.
"Nahuli nyo ba?"
"Hindi, Lord, wala kaming nakita sa paligid. Baka nagkakamali lang si Ben."
Pinipigil kong mapangiti at nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong nakatakas sya
ng maayos.
"Anong nginingiti-ngiti mo, Grace?"
"Wala po. Masyado lang kasi kayong paranoid, Dad." lumapit ako rito at hinawakan ko
ang likod nya para mahinang itulak palapit sa pinto, "Sige na po, matulog na kayo
ni Mommy at mag loving-loving."
"Grace Jane!" suway sa akin ni Mom na namula ang mukha kaya napahagikgik ako.
"Sige na po. Good night." bumeso ako sa kanila at agad ko nang sinara ang pinto.
Sumandal ako sa pintuan at kinuha ang calling card ni Atreo. Impit na napatili ako
at hinalikan ito.

Kabanata 10
Pinapakiramdaman ko sila Dad and Mom. Tahimik kaming kumakain habang humahanap ako
ng tyempo.
"What it is, Grace?"
Napalunok ako ng mapansin ni Dad ang pag sulyap ko sa kanila. Binaba ko ang spoon
and fork ko bago nagpunas ng bibig gamit ang table napkin.
"Dad, I think I need a new phone. Nawala ang bag ko sa nangyaring pagsabog, nandoon
ang cellphone ko at nandoon pa naman ang contact ko sa friends and work mates ko."
"Okay, later." napangiti ako dahil agad syang pumayag, "Pero sasabihin mo sa akin
ang lahat ng ilalagay mo sa contact list mo." dagdag pa nya na kinahinto ko sa
pagkuha muli sa spoon and fork ko.
Wala talagang lusot kapag pinairal ni Dad ang pagiging over protective nya. Pero
bahala na. Gagawan ko nalang ng paraan para hindi sya manghinala.
"Okay, Dad, noted."
Tumikhim lang sya kaya napangiti ako at maganang kumain.
"How much is this?" tanong ni Dad sa babaeng nag ga-guide sa amin sa magagandang
uri ng cellphone. Naibigan ko ang cellphone na kagaya ng cellphone ni Atreo. Gold
and white nga lang sya. Black kasi ang kay Atreo.
"Thirty five thousand for that, Sir."
"Okay, here's my card." kinuha ni Dad sa wallet nya ang black card nya, pero
pinigil ko.
"Dad, ako na. Meron naman akong pera."
"It's okay, Baby. This is not a big deal."
Napakagat ako ng labi sa tawag nya sa akin.
"Ah, Dad, pwede po bang tawagin nyo nalang akong anak o 'di po kaya ay sa pangalan
ko nalang. Nakakailang po kasi ang baby."
Napakunot-noo sya sa sinabi ko, "At bakit naman? Simula ng nasa sinapupunan ka
palang ng mommy mo ay baby na ang tawag ko sa'yo."
Humawak ako sa braso nya at sinandal ko ang pisngi ko.
"Dad, dalaga na ako, kaya nakakahiya naman po kung baby parin ang tawag nyo. Sige
na po, Grace nalang po."
Napahinga sya ng malalim kaya napangiti ako dahil tiyak na papayag na sya.
"Okay. Tsss." napangiti ako lalo at tumingin sa kanya.
"Thank you, Dad. The best ka talaga." hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap.
Tinapik nya ang balikat ko.
"Sir, heto na po. Thank you and come back again."
Ngumiti ako sa babae at kinuha ang paper bag ng phone na binili namin. Kinuha ko
ang phone sa loob at kinuha ang bagong sim card na binigay ni Dad.
"Save my number and your mom. Even your twin brothers."
Tumango ako at napangiti dahil sa wakas, meron na akong phone. Matatawagan at
matetext ko na si Atreo.
-
Pagdating sa bahay ay agad akong pumanik sa taas. Siniguro kong sarado ang pinto
para hindi makapasok agad ang nais na pumasok sa room ko.
Naupo ako sa kama ko at kinuha sa card holder ko ang calling card ni Atreo. Sinave
ko muna ang number nya at tsaka ko dinial.
Napakagat ako ng labi na hinintay kong sagutin nya ang tawag ko. Nang agad nyang
sinagot ay napangiti ako.
"Yes?"
"Atreo.."
Nakarinig ako ng kalabog mula sa kabilang linya at narinig ko ang daing ni Atreo na
kinangiti ko. Tila nahulog pa sya sa kinauupuan nya.
"Baby?"
"Oo, ako nga ito." napangiti ako at napakagat ng labi.
"Damn, finally... Can we meet?"
"Hmmm. Saan naman?"
"You working at Lux Calisse, right?"
"Paano mo naman nalaman?"
"Because I fucking know it."
"Stalker ka na ngayon? Ganun ba?" tumayo ako at lumakad patungo sa veranda ng room
ko. Sumandal ako sa hamba ng sliding door.
"I'm not a stalker, baby, I'm your boyfriend. Natural lang na alam ko ang lahat
sa'yo." napangiti naman ako at kinilig sa sinabi nya.
Napatayo ako ng tuwid ng matanaw ko si Dad na kasama ang mga dati nyang tauhan.
Nakita ko na humalik si Dad kay Mom bago sya sumakay ng kotse. Nanlaki ang mata ko
ng may dala syang maleta.
"Atreo, tingin ko ay magkikita tayo ngayon."
"Why?"
"Sige, tatawagan nalang ulit kita, kakausapin ko lang si Mom."
"Okay, I'll wait for your call."
Tumango ako kahit hindi nya nakikita. Binaba ko na ang tawag at agad akong umalis
sa veranda at lumabas ng room ko.
Bumaba ako at saktong kakapasok lang ni Mom.
"Mommy, Saan pupunta si Dad?"
Napatingin sya sa akin at napahinga ng malalim.
"May business trip ang Dad mo sa europe, kaya baka matagalan iyon." aniya at naupo
sa sofa.
Lihim na napangiti ako at tila nag diwang ang buong pagkatao ko. Dahil ibig sabihin
lang no'n ay madali ko nalang matakasan ang naiwang mga tauhan ni Dad.
"Kasama din po ba yung mga tauhan nya?" lumapit ako sa kanya at naupo sa kabilang
sofa.
"Oo nga pala. Bilin ng Dad mo, e, kailangan mong mabantayan ng mga naiwang
bodyguard. Hindi ka raw maaaring umalis ng walang kasama."
"Okay, Mom." napakunot-noo sya at alam ko na nagtataka sya kung bakit agad akong
sumang ayon na hindi ko naman ginagawa noon.
"May lakad ka ba ngayon, Anak? Pwede mo bang samahan si Mommy sa bahay ng Kuya Gab
mo. Gusto kong makita si GM. At kamustahin na rin natin ang pagbubuntis ni Maqi."
Yeah. Malapit na ang kabuwanan ni Ate Maqi. Kaya nga nagtataka ako na sumama iyon
noon sa hospital, buntis pa naman sya. Pero siguro, gusto lang no'n na ipakita ang
pamamalasakit nya kay Ate Hera. I heard mag bestfriend na sila.
"E, Mom, nais ko po sanang bumisita sa Lux Calisse para malaman nila na narito na
ako."
"Ganun ba... Edi samahan nalang kita at tsaka tayo magpunta sa mga kuya mo." agad
kong inilingan si Mom. Hindi sya pwedeng sumama. Hindi ako makakatakas kapag kasama
sya.
"Wag na, Mom. Baka matagalan ako doon at mainip lang po kayo. Alam nyo naman po na
baka mag aya pa ang mga ka workmates ko dahil ngayon lang ako magpapakita sa
kanila." Napahinga sya ng malalim at tumango.
Sorry, Mom, ayoko pong pag sinungalingan kayo, pero kasi, nais ko lang makasama si
Atreo.
I wearing my black camisole, printed pencil skirt, and black pumps. I looked at the
mirror and smiling. Kinuha ko ang black shoulder bag ko at umalis na ako sa room
ko.
Naabutan ko si Mommy na nag memeryenda kaya lumapit ako sa kanya at bumeso.
"Mom, I have to go." paalam ko kaya tumango sya. Ngumiti ako at naglakad na palabas
ng bahay.
Napahinto ako ng makita na nakaabang na ang limang baguhang tauhan ni Dad.
Napahinga ako ng malalim at lumakad palapit sa kotse.
"Saan po tayo, Seniorita?"
"Sa Lux Calisse Agency." tumango ang nasa driver seat habang ang isa ay nasa front
seat. May kasunod kaming kotse at doon nakasakay ang tatlo.
Kinuha ko ang phone ko at nakita ko na nag text na si Atreo at tinatanong nya kung
nakaalis na ako ng bahay. Tinext ko sya na papunta na ako sa Lux Calisse. At wala
pang ilang segundo ay nag reply na sya na pupunta na sya.
Napangiti ako at tumingin sa bintana. Napahawak ako sa leeg ko at kinabahan ako ng
makalimutan kong isuot ang necklace na bigay ni Atreo. Pero nang maalala ko na
nailagay ko nga pala sa pouch ko, kaya agad kong kinuha sa bag ko ang pouch at
hinanap ang necklace. Nang makita kong dala ko ay nakahinga ako ng maluwag at
sinuot ito. Tinignan ko pa at bumagay naman.
"Seniorita, narito na po tayo." hindi ko namalayan na narito na pala agad kami.
Tumango ako at inayos ko ang bag ko.
"Sige, dito muna kayo o di kaya ay mag meryenda muna kayo. Baka kasi matagalan ako
sa loob dahil baka meron akong photoshoot."
"Hindi po, dito lang po kami. Baka magalit sa amin si Lord."
Napahinga ako ng malalim at hindi ko na ito pinilit pa. Bumaba na ako ng kotse at
inayos ko muna ang skirt ko bago ako naglakad.
Pero napahinto ako sa paglalakad ng umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko na nasa
bag ko. Agad kong kinuha at nakita ko na si Atreo ang tumatawag.
"Atreo?"
"Baby, change place tayo."
"Huh?"
"Magpahatid ka sa mall. Sa mall nyo."
"Sige, sige." agad akong bumalik kung saan nakaparada at naghihintay ang mga tauhan
ni Dad.
"Bakit kayo bumalik, Seniorita?"
"Sa mall nalang pala. Wala pala akong photo shoot ngayon. Gusto kong mamasyal
nalang sa mall."
Nagtataka sila pero pinagbuksan na ako ng pinto kaya sumakay na ako. Medyo
natagalan bago kami nakarating sa mall dahil nagkaroon pa ng traffic. Bumaba ako at
napatingin sa mga bodyguard ko ng sumunod sila.
"Bakit kayo sumusunod?"
"Seniorita, malaki itong mall, baka hindi namin kayo makita kaya susunod nalang
kami sa inyo."
"Paano ang kotse?"
"Maiiwan ako rito, Seniorita, silang apat ang sasama sa inyo."
Napahinga ako ng malalim dahil tila mahihirapan akong sabihan na wag silang
sumunod.
"Sige, pero dapat kayong dumistansya sa akin ng ilang metro. Ayokong pag tinginan
ng mga tao."
Nagkatinginan sila at tumango kaya tinalikuran ko na sila at naunang maglakad.
Kinuha ko ang phone ko at tinext si Atreo na narito na ako sa mall.
Nagtext sya na magpunta ako sa isang botique. Binigay nya ang name ng botique kaya
hinanap ko kung saan. Nang makita ko ay pumasok ako.
"Welcome to Sunshine Elle botique." ngumiti lamang ako sa sales lady at naglakad
patungo sa mga dress na nakadisplay. Tinignan ko ang mga bodyguard at nakita ko na
nasa bungad sila ng botique kaya napahinga ako ng malalim at tinignan ang paligid
para hanapin si Atreo.
May nagsuot sa akin ng sumbrero at hinatak ako patungo sa fitting room. Pagkasara
ng pinto ay tumingin ako kay Atreo. Napangiti ako at yumakap sa kanya.
"I miss you, baby." aniya kaya napangiti ako.
"Kakakita palang natin kagabi, miss mo na agad ako?"
"Ofcourse. Bawat oras ay namimiss kita kaya hindi mo ako masisisi." aniya habang
nakasandal ang mga kamay nya sa magkabilang gilid ng ulo ko habang nakasandal ako
sa pader ng fitting room.
"Paano tayo makaalis dito? Nasa labas ang bodyguard ko." ngumiti sya at pinisil ang
baba ko.
"Wag kang mag alala. May naisip na akong paraan para makaalis ng hindi nila
nalalaman."
"Paano?"
"You need to change your outfit." nanlaki ang mata ko pero napangiti ako sa suggest
nya. Tumango ako kaya napangiti sya, "Good. Tara, pumili na tayo ng isusuot mo."
Tumango ako sa pag aya nya at hawak nya ako sa kamay na lumabas kami ng fitting
room. Nahiya naman ako ng mabugaran namin ang naghihintay na magsusukat ng damit.
Binigyan nya kami ng tingin na mapanghinala. Natawa lang kami ni Atreo at hindi na
pinansin ito.
Naghanap kami ng damit na isusuot ko. May pinasuot sa aking summer hat si Atreo at
sinuotan nya ako ng malaking shades. Nagpigil sya ng ngiti at napailing na
kinasimangot ko.
Nagpalit ako ng damit na cream shirt, maong skirt, and ankle boots.
Habang si Atreo ay nagsuot lamang ng shades and sumbrero para wala daw makakilala
sa kanya. Sinuotan din nya ako ng sumbrero at shades bago sya napangiti.
Tumingin ako sa labas at nakita ko na nandoon parin ang body guard ko. Nang
mabayaran ni Atreo ang suot ko ay kinuha nya ang paper bag na laman ang suot ko
kanina.
Hawak-kamay kaming lumakad para lumabas. Nang nasa bungad na kami ng pinto ay
hinawakan nya ako sa ulo at sinubsob ako sa dibdib nya. Nakayuko ako habang nasa
ganun kaming posisyon habang naglalakad. Napatingin ako sa body guard at napatingin
sila sa amin kaya mas niyuko ko ang ulo ko at yumakap sa bewang ni Atreo.
Nang makalayo kami ay inalis ko na ang ulo ko sa dibdib nya at natawa kami ng
magkatinginan kami.
"So, saan naman tayo?" tanong ko. Ngumiti sya at hinapit ako sa bewang palapit sa
kanya.
"May alam akong restaurant na walang makakakilala sa atin." Aniya kaya tumango ako
at ngumiti.
Naglakad na kami habang nakahawak sya sa bewang ko habang naglalakad kami. Inakay
nya ako sa parking lot ng mall dahil nandoon daw ang kotse nya.
Huminto kami sa isang Bugatti Chiron car na mix color ng black and white.
"It's that your car?" turo ko sa kotse na kinangiti nya.
"Yes. Alangan namang isakay kita sa jeep ko. Gusto kong isakay kita sa kotse ko na
unang beses ko palang nilabas."
Kinikilig naman ako kaya natawa sya sa reaksyon ko. Pinagbuksan nya ako ng pinto
kaya sumakay na ako. Inayos ko ang upo ko at tinignan ang loob ng kotse nya.
Napangiti ako dahil mukhang bago nga at hindi pa nagagamit.
Tumingin ako sa kanya na mabilis na umikot sa driver seat at sumakay. Tumingin sya
sa akin at nilapit ang katawan nya kaya napasandal ako sa upuan.
"Safety first." aniya at kinabit ang seatbelt ko. Nagnakaw pa sya ng halik sa labi
ko kaya mahinang tinulak ko sya sa dibdib na kinahalakhak nya.
Umirap ako pero napangiti rin ako. Binuhay na nya ang sasakyan at umalis na kami sa
parking lot ng mall.
Inalis ko ang sumbrero ko at shades. Sinuklay ko ang buhok ko habang sinilid ko sa
bag ko ang shades at ang sumbrero ay tinali ko sa bag ko.
Sa buong byahe ay nakangiti lang kami at nakinig ng song sa music player nya.
Hininto nya ang sasakyan sa isang expensive restaurant ngunit very private.
Hawak-kamay kaming pumasok sa restaurant at ginuide kami ng Waiter ng sabihin ni
Atreo ang pinareserved nyang table.
Walang ibang costumer sa table namin at kami lang dalawa.
"Talagang nag pareserved ka kaagad, ha?"
Naupo kami sa pang dalawahang couch. Inakbayan nya ako kaya umusog ako palapit sa
kanya at humawak sa hita nya.
"Pinaghandaan ko na lahat. Buti nalang umayon ang lahat sa atin." bulong nya sa
tenga ko at kinagat kaya napaiwas ako na kinahalakhak nya.
"Mabuti nalang at may business trip si Dad ngayon, kaya nakaalis ako."
"Sir, Ma'am, here's the menu."
Napatingin kami sa babaeng waitres. Umayos ako ng upo at kinuha ni Atreo ang menu.
Binuklat nya iyon kaya tumingin rin ako.
"What do you want, baby?" tanong nya kaya tinuro ko ang pasta, "Ito lang?" tumango
ako sa kanya.
"Baka kasi tawagan ako ni Derek para sa photo shoot, tiyak na alam na nya na
nakauwi na ako. Ayokong tumaba."
"Tsss." inis nyang asik at may tinuro sya sa waitres na puro meat and crabs.
"Bakit marami kang inorder? Kaya mo bang kainin lahat iyon?" tanong ko.
Gumapang ang kamay nya sa bewang ko habang nakapatong ang isang kamay nya sa table.
"Kakainin natin lahat iyon."
"Pero pasta lang ang akin." napahinto sya sa pagtapik ng daliri nya sa table at
tumingin sa akin. Pinisil nya ang baba ko kaya napanguso ako.
"Kapag ako ang kasama mo, kakain ka ng gusto kong kainin mo. Para may mapisil naman
ako sa'yong taba."
Kinurot ko ang tiyan nya na kinadaing nya. Umirap ako at napahalukipkip dahil
napakabossy nya talaga.
"Baka pag tumaba ako ay pumangit ako. Baka ipagpalit mo naman ako."
Inamoy nya ang leeg ko at hinalikan ang pisngi ko.
"Tataba ka lang kapag dala-dala mo na ang anak ko." bulong nya kaya nag-init ang
pisngi ko sa sinabi nya.
"Heh! Nakakainis ka." tinulak ko ang mukha nya kaya napahalakhak sya. Umirap ako
pero ramdam ko parin ang pag init ng pisngi ko dahil sa sinabi nya.
"Here's your order, Sir, Ma'am."
Napatingin ako sa babaeng waitres na umirap sa akin kaya umayos ako ng upo. Nang
ilapag nya ang pasta ko ay parang nagdadabog pa sya.
Yumuko sya at tinignan ako bago irapan na kinataka ko. Sinundan ko sya ng tingin at
nakita ko na may kinuha syang cellphone sa bulsa ng slocks nya at tila may
tinawagan sya.
"Are you okay, baby?" tumingin ako kay Atreo at umiling ako bago ngumiti.
Ano kaya ang problema no'n? Bakit parang inis sya sa akin?
Nakiba't-balikat nalang ako at kinain ang pastang inorder ko. Kahit ayokong kainin
ang mga nakakatabang food ay wala akong choice dahil sinubuan ako ni Atreo.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami sa restaurant.
"Saan tayo pupunta?"
Lumingon sya sa akin at hinalikan ang kamay ko na hawak-hawak nya habang
nagmamaneho sya.
"Sa bahay ko."
"Talaga?" tumango sya kaya napangiti ako. Hindi ko akalain na dadalhin nya ako sa
bahay nya rito.
Sa isang exclusive village kami pumasok. Nakita ko ang isang two storey white house
na may touch of black. Bumisina si Atreo kaya may katulong na lumabas at agad na
binuksan ang gate. Kaya pinasok na ni Atreo ang kotse ng mabuksan ang gate.
Pinarada nya sa harap ng main door ang kotse habang ako ay nakatingin sa buong
paligid ng bahay nya.
Tumingin ako kay Atreo na agad na bumaba. Inalis ko ang seatbelt ko at kinuha ko
ang bag ko bago ito binitbit ng pagbuksan ako ni Atreo.
"Bahay mo 'to?" tumango sya at hinawakan ako sa bewang.
"Yeah. Tara sa loob."
Sumabay ako sa kanya ng akayin nya ako. Pagpasok namin ay napakalinis at ang marble
tiles nya ay napakakintab. Nakita ko na may estatwa pa ng mga sundalo na
nakadisplay sa bahay nya.
Pabagsak na naupo sya sa sofa at inalalayan akong maupo sa hita nya.
"Ang ganda ng bahay mo." kinuha nya ang bag ko at nilapag sa gilid nya.
"Kakalipat ko lang dito." aniya habang pinipisil-pisil ang gilid ng bewang ko.
Tumingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Huh? Kakalipat mo lang? Edi hindi ka dito nakatira noon?"
Mabagal syang tumango at sinandal ang likod sa sandalan ng upuan.
"Palipat-lipat ako ng bansa kaya ang lagi kong inuuwian noon ay ang isla. Pero
dahil narito ka ay kumuha ako ng bahay rito."
Napangiti naman ako dahil talagang ginagawa nya lahat para makasama lang ako.
"Ah, Sir, aalis na po ako."
Napatingin kami kay Manang na tila bumabantay sa bahay nya.
"Salamat, Manang." kinuha ni Atreo ang wallet nya sa bulsa nya at kumuha ng
maraming isang libo, "Heto ang sahod nyo. Sa susunod ho ulit."
"Naku, salamat po rito. Sobra-sobra ho ito. Makakaasa po kayo na palagi kong
lilinisin ang bahay nyo." ngumiti sa akin si Manang kaya ngumiti ako rito.
Nagpaalam na ito kaya kami nalang ni Atreo ang naiwan. Napatili ako ng hawakan ni
Atreo ang legs ko at tumayo sya mula sa pagkakaupo sa sofa habang buhat-buhat ako.
"Tayo nalang ang narito, kaya wala ng istorbo." aniya kaya hinampas ko ang dibdib
nya pero kinantilan nya ako ng halik sa labi, "Siguraduhin mong makakahampas ka pa
kapag hindi kita tinigilan." pilyong bulong nya habang lumalakad sya paakyat sa
paikot na hagdan.
Kinagat ko ang dibdib nya kaya napadaing sya. Bumilis ang pag-akyat nya sa hagdan
at pag-akyat namin ay nakita ko na agad ang kama at kwarto nya. Akala ko maraming
room, pero kwarto na pala agad ito.
Binaba nya ako kaya tumingin ako sa room nya. Niyakap nya ako mula sa likod habang
lumalakad kami patungo sa kama.
"Room na pala ito. Akala ko meron pang mga kwarto."
Gumapang ang labi nya sa leeg ko patungo sa likod ng tenga ko kaya nakiliti ako.
"Isang room lang ang kailangan ko para sa atin. At ako lang naman ang tao rito kaya
hindi na kailangan ng ibang kwarto." bulong nya at humigpit ang yakap nya sa akin.
Gumapang ang kamay nya paakyat sa dibdib ko kaya napakagat ako ng labi. Gigil na
gigil sya sa pagpisil habang patuloy sa paghalik sa leeg ko.
"Atreo.." bulong ko at napahawak sa kamay nya na pumipisil-pisil sa dibdib ko.
"Yes, baby?" bulong nya at bumaba ang kamay nya sa legs ko. Tinaas nya ang maong na
palda na suot ko at napahalinghing ako ng idiin nya ang katawan sa akin kaya ramdam
ko ang katigasan nya sa pang-upo ko.
Pinigil ko ang kamay nya ng ambang ipapasok nya sa loob ng panty ko.
"May menstration ako ngayon."
Napatigil sya sa sinabi ko at pinirmi ang kamay nya sa tiyan ko.
"Damn." asik nya at kinagat ang tenga ko tila nainis sya at nabitin, "Pero pwede
ako sa dinuguan." dagdag pa nya kaya inalis ko ang kamay nya sa bewang ko at
tinulak ko sya palayo sa akin.
"Kadiri ka!" inayos ko ang palda ko at umirap sa kanya ng humalakhak sya.
"Anong nakakadiri doon? Masarap naman talaga ang dinuguan?"
"Heh! Tumigil ka na nga." aalis na sana ako sa kwarto nya ngunit agad syang
humarang sa harap ko at humawak sa bewang ko.
"Okay, hindi na. Binibiro ka lang." aniya at niyakap ako. Napangiti naman ako at
yumakap rin sa kanya pabalik.

Kabanata 11
Palaging ganun ang routine namin ni Atreo kapag kailangang magkita. Palagi akong
nagpapahatid sa mga bodyguard sa mga matataong lugar para doon tumakas para
makipagkita kay Atreo. At kapag gabi na ay tsaka lamang ako babalik para hindi
makahalata ang body guard na nakaalis na ako sa place na pinaghatiran nila.
Palagi akong inuulan ng tanong ni Mom tungkol sa palagi kong pag uwi ng gabi. Kaya
sinabi ko kay Atreo na dapat magkaroon ng distansya ang pagkikita namin.
"Bitch, ano ba ang kinabubusyhan mo at hindi ka na sumasama sa amin sa gimik?
Nakakatampo ka." umirap si Zylene na sinusuklay ng daliri nya ang buhok nyang
kulot.
"Okay. Sasabihin ko sa inyo. Pero ipangako nyo na walang ibang makakaalam nito?"
Nagkatinginan sila at ngumisi kaya umirap ako dahil ganyan sila kapag makakasagap
sila ng chismis.
Huminga ako ng malalim at binaba ang lipstick ko. Kasama ko rin kasi sila sa
modeling. Narito kami ngayon sa Lux Calisse dahil may photoshoot kami para sa mga
sexy night dress..
"I have a boyfriend now."
Nanlaki ang mata nila at impit na napatili bago nag apiran.
"Talaga? Bakit hindi mo man lang ipakilala sa amin?"
"Tsaka na. Medyo mahirap kasi ang sitwasyon namin. Ayaw sa kanya ni Dad."
"Huh? Bakit naman?" si Allison iyon na masyadong mababa ang neckline ng suot nyang
night dress na hugis V. Inayos ko ang neckline nya dahil lumalabas ang padding nya.
"Ewan ko nga. Basta, ayaw nila na makitang kasama ko sya."
"Baka naman... babaero?"
"Ano ka ba, Zylene? Hindi ganun si Atreo. Kapag magkasama nga kami ay hindi man
lang iyon tumitingin sa iba."
"Sus. Ganyan ang boys, Bitch. Syempre sa una lang loyal, pero pag tagal malalaman
mo na may iba na syang kinakalantari. Lalo pa yung mga hindi naman kagwapuhan, kung
mambabae, e, wagas."
"Asus, bitter ka lang, Zylene. Hindi ka parin nakakamove on kay Paulo? Akala ko ba
gwapo sya? Pinanlalandakan mo sa amin kahit na sukang-suka na kami." sarkastikong
sabi ni Allison kaya binato sya ni Zylene ng t-back.
"Wag mo ngang ipaalala ang panget na 'yon. Gosh. Tuwing maaalala ko na ginayuma ako
no'n, god, kinikilabutan ako."
Natawa kami ni Allison sa reaksyon ni Zylene na kilabot na kilabot tila naiimagine
si Paolo. Napailing ako at pinagpatuloy ko ang pagpahid ng lipstick.
"Anyway, Grace, may larawan ka ba ng jowa mo? Baka naman.." ngumisi si Allison at
nakipag apiran kay Zylene. Nasa gitna ako kaya pinagkakaisahan ako ng dalawa.
"Gwapo sya. Baka maglaway pa kayo." pagyayabang ko.
"Sige nga, patingin."
Wala akong choice kundi kunin ang phone ko sa bag at binuksan ang gallery para
hanapin ang larawan ni Atreo. May kuha kaming couple picture ni Atreo ng mag date
kami sa isang floating restaurant.
"Oh." nag-agawan ang dalawa pero mabilis si Zylene kaya sya ang nakahawak ng phone.
Bumaba si Allison sa high chair nya at lumapit kay Zylene para tignan ang larawan
ni Atreo.
"Oh my gosh! Ang hot! Shit, ang abs...ilan? Walo ba? Tapos..god!" inagaw ko na sa
kanila ang phone ko dahil tila nakita nila ang larawan ni Atreo na topless habang
naglilinis ng car nya. Kinuhanan ko kasi si Atreo ng litrato habang pinapanood ko
syang maglinis.
"God! Grace, saan ka nakahanap ng ganyan? Dalhin mo naman kami."
Natawa ako sa dalawa. Talagang mga hayok sa mga gwapo. Ewan ko kung ano ang trip
nila at gusto ata lahat ng lalake sa mundo ay maging nobyo nila?
"Hmmm. Meron syang mga army group. Tawag sa kanila Vipers. Gwapo din at malalaki
ang katawan. Sayang nga at wala kayo no'n. Napapalibutan ako ng gwapo."
Inggit na inggit ang dalawa at natulala habang iniimagine ang vipers. Napailing ako
at bumaba na sa high chair ko.
"Grace.."
Napahinto ako sa paglalakad para lumabas sana ng dressing room ng makasalubong ko
si Won sa pinto.
"Bakit? May problema ba?" Ngumiti sya at umiling.
"Wala naman. Hindi kasi kita matyempuhan this past few days."
"Ah... Kailangan ko din kasing umuwi din ng maaga dahil grounded ako. Bakit mo nga
pala ako kinekyempuhan?"
Napahawak sya sa batok nya at napangiti, "Gusto sana kitang ayaing lumabas. Free ka
ba ngayon?"
Tinignan ko sya at napahinga ako ng malalim. Alam ko at ramdam ko na ang pagkagusto
sa akin ni Won. Pero ayokong paasahin sya. Lalo pa ngayon na mahal na mahal ko na
si Atreo.
"Won, hindi kita nais na paasahin. May nobyo na kasi ako."
"Sino? Bakit hindi naman kita nakikitang may kasamang iba?" gulat sya at hindi
makapaniwala.
"Sorry, Won, pero ayoko munang sabihin sa'yo."
Napahinga sya ng malalim at bumagsak ang balikat nya. Pero ngumiti parin sya kahit
na kita ko ang pagkabigo sa mata nya.
"So, friendly date, baka naman pwede? Alam mo na pangarap kong makadate ka."
Ngumiti ako at napaisip. Tutal ay wala naman ngayon sa pilipinas si Atreo. May
inayos sya sa ibang bansa at hindi ko alam kung ano? Basta saglit lang daw syang
mawawala. Ayoko man na umalis sya pero hinayaan ko na. Ayokong isipin nya na
masyado akong clingly.
"Friendly date lang, ha? Won, ayokong paasahin ka."
Ngumiti sya at tumango, "Oo, friendly date lang."
"Grace, your turn." napatingin ako sa assistant ko na tinatawag na ako hudyat na
ako na ang sasalang sa photoshoot.
"Sige, Won, maya nalang.... What time ba?"
Tumingin sya wrist watch nya at tsaka sya tumingin muli sa akin.
"Mauuna na akong umalis dahil tapos naman na ang trabaho ko. Mga exactly seven ay
susundin kita sa inyo."
"Hindi, wag muna akong sunduin. Pupunta nalang ako... Saan ba tayo magkikita?"
"Sa sofitel plaza. Ayaw mo bang sunduin kita?"
Umiling ako rito, "Hindi na. Dadalhin ko nalang ang isang kotse ni Dad, dahil ayoko
naman na abalahin ka pa sa pag sundo at hatid sa akin."
"Okay.. Sige, kita-kita nalang."
Napatango nalang ako at tinignan sya na sobrang luwang ng ngiti at napapapito pa
sya na naglakad na palayo sa akin. Napangiti ako at napailing dahil nakakatuwa si
Won. Kahit alam nya na wala na syang pag-asa ay nagagawa parin nyang maging masaya.
"Grace, galit na si Derek."
Agad akong napatingin kay Clarissa at tumango rito bago sumunod sa kanya. Niretouch
muna nya ako saglit habang nakaupo na ako sa chair na kailangan sa photoshoot.
Wearing the violet night dress, white cardigan, and white stelletos with white
socks. Nag pose ako sa nais ni Derek na gawin ko. Alam kong daring ito, pero ito
ang gusto kong fashion ng trabaho. Hindi naman nagagalit sila Dad, pero wag lang
daw masyadong revealing dahil tiyak na mahihisterikal iyon. Even my twin brother.
"Good job, Grace! Nice shot!"
Napangiti ako at tumayo na nang sabihin iyon ni Derek. Inirapan nila Zylene at
Allison si Derek dahil halatang inis ang mga lukaret rito. Kanina pa kasi sila
pinapagalitan ni Derek dahil puro kalokohan ang pinagpopose ng dalawa na kinainit
ng ulo ni Derek.
"Kayong dalawa, imbes na irapan nyo ako ay ayusin nyo ang pose nyo. Para kayong mga
nakawala sa kural kung makapose kayo ng nakabukaka. Bakit hindi nyo gayahin si
Grace. Very class, chick, and sophistikada."
"Derek, paano naman, kulang nalang ay maging dancer kami sa bar sa pinasusuot nyo?
Alangan namang nagdadasal pose ang i-pose namin para desente?" sarkastikong sabi ni
Zylene.
"Kahit kailan pilosopo ka, Zylene. Bukas na nga kayo... Okay, team, pack up!"
pumalakpak si Derek at binitbit ang mga gamit nya bago sya kumekembot-kembot na
umalis na with matching irap at flip pa ng hair sa dalawa.
"Argh! Nakakainis talaga ang baklang iyon. Pasalamat sya at mataas ang posisyon nya
sa modeling. Kung hindi, sasabunutan ko talaga iyon."
Inis na inis si Zylene ng bumalik kami sa dressing room. Napailing ako at nagpalit
ng damit kahit nakaharap sa kanila. Nakalock ang room at kaming tatlo lang ang tao.
Tsaka sanay na kaming magbihis sa harap ng isa't-isa. Nung una ay naiilang ako,
pero hindi naman sila tumitingin dahil nagbibihis din sila.
"Dapat kasi ay hindi mo na pinatulan. Bakit ba kasi ganun kayo mag pose? Hindi
naman kayo dating ganun."
"Ewan ko dito kay Allison. Type ata ang new photographer. Kaya todo pang aakit."
Napatingin ako kay Allison na nakasandal sa pader habang pinapaikot sa daliri nya
ang dulo ng buhok nya. Nangingiti sya at natutulala tila may iniisip na malalim.
"Tignan mo, parang tanga. Maniwala ka sa akin, Grace, mamaya lang ay nakikipag one
night stand na 'yan sa photographer."
"Shut up, Zylene. Masyado kang mainit." umalis si Allison sa pagkakasandal sa pader
at lumapit sa amin.
"Baka ikaw ang mainit. Alam kong kating-kati kana na matikman si Aries."
Ngumiti si Allison at sinuot ang skirt nya at pinatungan lang ng jacket ang suot
nyang blouse na revealing.
"Tama ka, Zylene. Eskapo na ako. Baka maudlot pa ang gabing ito sa akin." aniya at
bumeso sa amin bago nagmamadaling umalis bitbit ang bag nya.
"Hoy, Allison! Iiwan mo talaga ako?!" galit na sigaw ni Zylene at binitbit din ang
bag nya, "Mauna na kami, Grace, alam kong hindi ka naman makakasama sa amin."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas na
sya. Napabuntong-hininga ako at kinuha na ang bag ko.
Tinignan ko ang phone ko at hindi parin nagtetext si Atreo. Hindi ko alam kung ano
ang nangyayari sa kanya? Pero kahapon at kaninang umaga ay nakatawag pa sya.
Naglakad na ako para lumabas ng building. Tinulak ko ang glass door ng building
para lumabas. Sinilid ko sa bag ang phone ko ngunit muntik na akong mapaupo sa
sahig ng may nakabangga ako.
Umayos ako tayo at tumingin sa babae na hindi man lang nag-paumanhin. Hindi ko na
nakita ang mukha nya dahil tuloy-tuloy sya sa pagpasok sa loob.
"Mukha pa naman syang respetadong babae, hindi man lang nag sorry."
Umiling ako at naglakad na patungo kung saan nag park ang mga bodyguard ko.
"Ma'am, pauwi na po ba?"
"Yeah. May lakad pa ako, kaya pakibilisan nalang ho.."
Tumango ang driver ko at pinaandar na ang sasakyan. Napahawak ako sa leeg ko dahil
nakakapagod din ang mag pose ng mag pose. Umayos ako ng upo at sinandal ko ang ulo
ko sa pinagsasandalan ko. Umidlip muna ako saglit dahil napagod talaga ako.
Ginising lang ako ng mga body guard ko na nasa bahay na kami. Inayos ko muna ang
sarili ko at bumaba ng kotse bitbit ang bag ko.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Mommy na tinatahi ang slocks ni Daddy. Ganyan
kasi si Mom. Ayaw nya na ipatahi sa iba ang damit namin. At ayaw na ayaw rin nya na
bili ng bili ng damit. Pero si Dad naman ay bili ng bili kapag alam nyang nasisira
ang damit at hindi na nya sinusuot pa iyon.
"Mom.." lumingon sya sa akin at tumigil sa pagtahi sa slocks ni Daddy. Bumeso ako
sa kanya at naupo sa tabi nya.
"Kamusta ang photoshoot, anak?"
"Okay lang, Mom, nakakapagod lang ngayong araw."
"Kumain ka na ba? Meron akong natira pang pagkain doon. Hindi na kita nahintay
dahil akala ko ay gagabihin ka."
Umayos ako ng upo at napabuntong-hininga.
"No need, Mom. Iniimbitahan ako ni Won para sa friendly date. Kaya doon na po ako
sa restaurant kakain."
Nagulat ako ng mapatili si Mom. Natawa ako at nagtaka sa reaksyon nya.
"Date ba kamo, anak?" tumango ako rito na nagtataka, "Edi kailangan mong ayusan?
Meron ka bang dress na isusuot?"
Natawa ako at hinawakan ko sya sa kamay, "Mom, friendly date lang po iyon, hindi po
tulad ng iniisip nyo."
"Ganun din iyon. Inaaya ka nya, Anak... Mabait na bata si Won. Nung nakaraan ay
nakasalubong ko ang batang iyon. At talagang napaka gentleman dahil tinulungan pa
akong mamili ng magandang lulutuin ko at tinulungan rin akong magbuhat ng pinamili
ko. Kaya kung saan ay magugustuhan mo sya, sya sana ang gusto ko para sa'yo, anak."
Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko maunawaan si Mom. Akala ko ay wala syang
tutol sa lovelife ko.
"Mom, you know what I like. And Won is just a friend to me, nothing else."
Hinawakan nya ang mukha ko at hinaplos, "Anak, alam ko na yung lalakeng kinukwento
mo sa akin ang gusto mo. Pero kung talagang gusto ka nya, edi sana humarap sya sa
amin ng dad mo. At hindi ka rin paghihigpitan ng dad mo kung alam nyang maayos ang
lalakeng gugustuhin mo. Sa ginagawa ng Dad mong pag protektahan sa'yo ay alam kong
hindi mabuti sa'yo ang lalakeng iyon."
Nanlalata ako na pumanik sa kwarto ko habang umeecho sa isip ko ang sinabi ni Mom.
Nagdamdam ako dahil bakit ba ayaw nila kay Atreo? Alam ko naman na kaya ayaw
humarap ni Atreo ay natatakot sya sa maaaring gawin ni Dad.
Napahinga ako ng malalim at inalis sa isip ko ang sinabi ni Mom. Hindi masama para
sa akin si Atreo. I love him. Sya lang ang nagpapasaya sa akin ngayon. Ayaw man
nila sa kanya, basta ako ay gustong-gusto at mahal na mahal ko sya.
Huminga ako ng malalim at pinatay ang makina ng kotseng dala ko. Pinayagan ako ni
Mom na walang bodyguard dahil alam nyang si Won ang katatagpuin ko. Gustong-gusto
talaga nila si Won. Narito na ako sa restaurant na sinabi ni Won. Kinuha ko ang
pouch na dala ko at bumaba na ako ng kotse.
Inayos ko ang suot kong cube red dress habang suot ko ang black pumps. Curl ang
dulo ng buhok ko habang light make up ang nakapahid sa mukha ko. Red lipstick
lamang ang nagpatingkad sa lahat.
Naglakad na ako papasok ng restaurant. Tumingin ako sa paligid ng restaurant para
hanapin si Won.
"Yes, Ma'am? Do you have a reservation?" tumingin ako sa waitres at ngumiti.
"I have a date here. He's Won Rusbelt."
"Ah, Si Sir Won.." tumango ako kaya ngumiti sya, "Okay, Ma'am, I guide you.. This
way, please.."
Sinundan ko sya kung saan ang table na nireserved ni Won. Umakyat pa kami sa taas
dahil nandoon daw si Won.
Tinuro nya kung nasaan si Won kaya nagpasalamat ako rito at naglakad palapit kay
Won na panay ang tingin sa wrist watch nya.
"Won..." agad syang napaangat ng tingin sa akin at napatayo ng makita ako.
"Mabuti at dumating ka. Akala ko ay hindi ka sisipot sa date natin."
"Sorry, I'm late." naupo ako ng ipaghila nya ako ng chair.
"It's okay, ang mahalaga ay nakarating ka." aniya at tinawag ang waiter at may
binulong sya.
Umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya ng maupo na sya paharap sa akin.
"You are really beautiful, Grace." nag-init ang pisngi ko sa papuri nya. Naiilang
na ngumiti nalang ako.
"Madalas ka ba rito? Tila kasi kilala ka ng mga empleyado ng restaurant na ito."
pag-iiba ko sa usapan.
"Yes. Masarap kasi ang food nila at maganda ang services nila kaya pabalik-balik
ako rito minsan para kumain."
Napatango naman ako dahil base nga sa accomodation sa akin ng waitres kanina ay
doon palang ay kita ko na ang good services nila.
Napatingin ako sa mga waiter and waitres ng ilapag nila sa table namin ang sari-
saring pagkain.
"Ang dami naman nito, mauubos ba natin ito?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Oo naman. Sure akong magugustuhan mo lahat iyan, dahil mga favorite ko yang
orderin dito. Gusto kong ipatikim sa'yo."
Napatango naman ako at natakam sa amoy palang ng mga pagkain. Ang bango at mukhang
masarap talaga.
Inumpisahan na namin ni Won kumain dahil gutom na ako, pati din pala sya. Natatawa
nalang kami dahil pareho kaming gutom na gutom.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng umalingawngaw ang tunog sa phone nya. Nag
excuse sya kaya tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Maya-maya lang ay sa akin naman umalingawngaw ang tunog. Binitawan ko ang fork and
knife na hawak ko at kinuha sa loob ng pouch ko ang phone ko. Nakita kong nagtext
si Atreo kaya agad kong binuksan.
[My Atreo: Dating with other guy, ha? Come here in my house now!]
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. At paano nya nalaman na may kadate ako? At ano?
Sa bahay nya? Ibig sabihin ay nakauwi na sya!? Oh my gosh!
"Grace.."
Napatingin ako kay Won at nakita ko na seryoso sya.
"Bakit?"
"I need to go. Naglalasing kasi ang hipag ko. May kabit daw kasi ang kapatid ko sa
mismong agency natin. Kailangan ko lang syang puntahan muna."
Tumango ako habang hindi nakapag react sa sinabi nya. Nagpaalam na sya at naunang
umalis.
Grabe naman pala ang kuya nya. May asawa na, kumakabit pa.
Umiling-iling ako at agad ng tumayo para puntahan si Atreo.
God. I miss him. Finally, he's here now.

Kabanata 12
Bumusina ako ng makarating na ako sa harap ng gate ng bahay ni Atreo. Mabuti na
lamang at tyempong pinayagan ako ni Mommy na walang bodyguard, kaya malaya akong
nakapunta kay Atreo.
Pinagbuksan ako ni Manang na nandito pa pala. Pinasok ko ang sasakyan ng mabuksan
nya ang gate. Pinarada ko sa gilid ang sasakyan ko. Agad akong bumaba ng kotse at
napatingin kay Manang.
"Hija, pakisabi nalang kay Sir na aalis na ako. Hindi pa kasi sya lumalabas ng
kwarto nya, e."
Tumango ako rito at ngumiti, "Sige po, sasabihin ko po."
Nagpasalamat sya at umalis na. Napangiti naman ako at naglakad na para pumasok sa
loob ng bahay. Sinara ko ang doble door ng bahay ni Atreo at naglakad na sa
makintab na marble tiles nyang sahig. Tunog ng takong ko ang umaalingawngaw dahil
sa katahimikan ng bahay nya.
Inakyat ko ang hagdan kung saan patungo sa room nya.
Nakita ko syang nakaupo sa isang matatag na upuan na gawa sa rattan na tila upuan
ng isang hari.
Hubad ang pang-itaas nya na nagpapakita sa maputi nyang balat ngunit mamasel na
katawan. Mabato ang tiyan at malapad ang balikat na syang nagpapakita ng bato-bato
nyang braso.
Kitang-kita ko rin ang tattoo nya sa dibdib na lalong nagpakita ng pagkaadonis nya.
Lumapit ako sa kanya kaya napaangat sya ng tingin sa akin. Agad syang napatayo at
nilapag ang baso ng alak na hawak nya bago sya lumakad palapit sa akin.
Napangiti ako at gumapang ang mga kamay ko payakap sa leeg nya. Hinawakan nya ako
sa bewang at mas hinapit palapit sa katawan nya.
"I miss you." aniya at ngumiti habang tinititigan ako ng malagkit sa mata. Sobra ko
syang namiss. Nakakabaliw pala kapag hindi ko sya nakita ng matagal.
Napakagat ako ng labi at tumitig din sa napakakisig nyang mukha na syang
nagpapahulog pa lalo ng damdamin ko sa kanya.
Nagtagpo ang aming mga labi na parehong sabik sa isa't-isa. Kahit ilang beses na
nya akong nahalikan ay para paring nanlalambot ang katawan ko tuwing sasakupin nya
ang mga labi ko na may pang aangkin.
Naramdaman kong gumapang ang kamay nya sa likod ko at naramdaman ko na binaba nya
ang zipper ng dress ko. Nang maibaba nya ay bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at
napakagat-labi ako ng tuluyang maibaba ang dress ko na ngayon ay nasa sahig ko at
paa ko. Malaya ang mga mata nya na pinagmasdan ang hubad kong pang-itaas at tanging
pulang victoria panty na lamang ang tumatakip sa aking pang-ibaba.
Muli kaming naglapit ng katawan at muling dumampi ang kanyang labi sa akin na mas
mapusok at malagkit tila mas lalo syang nanabik. Gumapang ang kanyang kamay sa
aking pang-upo, kaya kusa kong tinaas ang mga binti ko para ipulupot sa bewang nya.
Gumapang ang halik nya sa gilid ng labi ko patungo sa panga ko hanggang magtungo sa
likod ng tenga ko.
Napalunok ako at napatingala ng gumapang ang labi nya sa leeg ko ng maihiga nya ako
sa napakalambot nyang kama.
"Ahhhh.." napahalinghing ako ng paikutin nya ang dila nya sa tuktok ng dibdib ko.
Napakagat ako ng labi at hinawakan ko ang ulo nya para mas ilapit pa sya sa dibdib
ko.
"This is mine." aniya ng bitawan nya ang dibdib ko at dilaan ang guhit sa pagitan
ng dibdib ko patungo muli sa leeg ko hanggang sa muling pagsakop nya sa labi ko.
Napangiti ako ng mabitaw kami ng halik. Mahal na mahal ko talaga sya. Kahit pa
masyado syang misteryoso sa akin ay gusto ko nang makasama habang buhay ang
lalakeng ito.
Napaarko ang katawan ko at napakapit ako sa balikat nya ng gumapang ang kamay nya
pababa sa puson ko at pinasok nya ang malaki nyang kamay sa loob ng panty ko para
paglaruan ang pagkababae ko.
"It's hot inside." aniya habang dinadama ng daliri nya ang kalooban ko.
Hinawakan ko sya sa mukha at hinalikan na kinangiti nya bago sya tumugon sa halik
ko. Tinagilid nya ang ulo nya at halos lumubog ang ulo ko sa unan sa sobrang diin
ng pagkakahalik nya. Napapahalinghing ako sa pagitan ng halik namin ng bumilis ang
ritmo ng daliri nya na nagpalala ng nararamdaman ko. Inalis nya ang daliri nya ng
bigla akong manginig agad sa sarap. Hinawakan nya ako sa bewang at napakadali nyang
pagpalitin ang posisyon namin para dalhin ako sa ibabaw nya.
Napabitaw ako ng halik at binaba ko agad ang panty ko. Bumaba ako sa pagitan ng
hita nya at binaba ko ang boxer nya. Tumingin ako sa kanya ng makita ko kung gaano
kasabik ang kahabaan nya na ngayon ay galit na galit. Hinawakan ko ang kahabaan nya
na nagpanganga sa bibig nya.
"You like it?" tanong ko.
Namula ang mukha nya habang tinitignan ang ginagawa ko sa kahabaan nya. Ngumisi ako
at sinubo sa bibig ko ang kanya na lalong napamura at napatense sa katawan nya.
"Fuck! Fuck!"
Napangiti ako at sinipsip ang dulo ng kahabaan nya na lalong nagpawala sa kanya.
Saglit palang ang pagpapaligaya ko sa kanya ng hilahin na nya ang ulo ko para
huminto ako sa pagsubo sa kahabaan nya. Inalalayan nya akong maupo sa tiyan nya.
Inangat nya ako kaya napahawak ako sa dibdib nya habang sinesentro nya ang kahabaan
nya.
Pareho kaming napaungol ng sumagad sya sa kaloob-looban ko. Gigil na nilamukos nya
ang pang-upo ko habang nagsisimula na akong mangabayo sa kanya.
"Damn it! You're still tight, baby."
"You like this?" malandi kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako sabik
na sabik sa kanya. Hindi ako ganito. Pero simula ng makuha nya ang kainosentehan ko
ay parang biglang may dumaloy sa dugo ko na gusto kong akin lang ang lalakeng ito.
"Yes, let's say I fucking love it." aniya kaya napangiti ako at mas ginalingan ko
para lalo syang mabaliw sa akin.
Tumagal kami sa ganung posisyon at nanginig muli ako sa pangalawang pagkakataon.
Pinagpalit nya ang posisyon namin kaya sya na muli ang nasa ibabaw ko. Tinukod nya
ang mga kamay nya sa gilid ng ulo ko habang walang habas na gumalaw sya sa ibabaw
ko.
"Ohhh.. F-Faster please..."
"I can't hear you, baby?" nanunukso pa sya at binagalan talaga ang paggalaw nya
pero puno naman ng diin syang naglalabas-pasok. Pakiramdaman ko ay punong-puno ako
sa sobrang kalakihan ng batalyon nya. Hindi ko akalain na kakayanin ko sya.
Hinawakan ko ang pang-upo nya para mas sumagad pa sya sa akin.
"Sige na, bilisan mo pa.."
"Masusunod, babe." aniya at bumilis muli sya sa ritmo.
Habang wala syang kasing bilis na gumagalaw sa ibabaw ko ay walang kasawa-sawa
nyang nilalamon ang labi ko.
Gusto ko ito. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng pagkatao ko. Siya ang
lalakeng nagparamdam sa akin ng kakaibang feelings. Pakiramdam ko ay lubos akong
masasaktan oras na iwanan nya ako. Kaya gagawin ko ang lahat para ako lamang ang
babaeng para sa kanya.
Napayakap kami sa isa't-isa at napanganga ako ng isagad nya ang kahuli-hulihang
lakas nya sa akin. Napahinga ako ng malalim at tinanggap ang mainit na likidong
nilabas nya sa kaloob-looban ko.
Muli kaming naghalikan ng mapusok at napangiti kami sa isa't-isa habang
magkatitigan. Hinugot nya ang kahabaan nya sa akin at umalis sya sa ibabaw ko.
Tumabi sya sa akin at niyakap ako kaya sumandal ako sa dibdib nya.
"Atreo, bakit ngayon ka lang? Ano ba ang inayos mo?" tanong ko sa kanya at tumingin
sa kanya. Hinaplos nya ang buhok ko kaya pinatong ko ang baba ko sa dibdib nya.
"Inaasikaso ko ang gusot sa buhay ko. Kaya kapag oras na naayos ko na iyon ay wala
ka nang takas sa akin."
Nagpigil ako ng ngiti dahil sa sinabi nya. Napangiti sya at kinumutan ang hubad
naming katawan. Hiniga nya ako ng maayos sa tabi nya bago nya ako yakapin at
ipatong ang isang binti nya sa binti ko. Humarap ako patagilid sa kanya.
Nagkatinginan kami at ngumiti kami sa isa't-isa.
Dumampi ang labi nya sa akin at pumikit sya. Tinignan ko sya at lihim na napangiti
ako dahil tila matutulog sya na nais ay magkalapat parin ang aming mga labi.
Pumikit na rin ako at yumakap sa kanya habang nakalapat ang aming mga labi.
"Malandi!"
Nagising ako mula sa pagkakatulog ng may biglang humablot sa buhok ko kaya
napangiwi ako sa sobrang sakit lalo na ng hatakin ako nito pabagsak sa kama.
"Suzane!"
"Hayop kayo! Hayop ka, Atreo!"
Naguguluhan ako habang pinupulupot ko ang kumot sa hubad kong katawan. Tumingin ako
sa babaeng maganda, sophistikada, mukha edukada, at siguro ay kaedaran nila Kuya at
ni Atreo.
Galit na galit sya at nanginginig sa hindi ko malamang dahilan?
"Suzane, please, wag dito."
Napatingin ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko maunawaan kung bakit umiiyak ang
babae, habang si Atreo ay walang emosyon ngunit galit na nakatingin din sa babae?
Tumingin sa akin ang babae ng tumayo ako. Nabigla ako ng sampalin nya ako ng
malakas kaya napahawak ako sa pisngi ko at tumingin rito na gulat.. Napabuka ang
bibig ko sa nakitang pagluha nya at galit na tingin na binibigay nya sa akin.
"Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!" sinabunutan muli ako
nito at napabagsak ako sa sahig ng maitumba nya ako at kubabawan ako para sabunutan
muli.
Hindi ako makalaban at hindi ko maprocess sa utak ko ang sinabi nya. Asawa? Asawa
nya si Atreo?
Agad na inawat ni Atreo ang babae at inalis sa ibabaw ko. Agad akong dinaluyan ni
Atreo at hinaplos ang mukha ko.
Napatingin ako kay Atreo Ripler Alvarez. Ang lalakeng akala ko ay single. Ang
lalakeng akala ko ay pwede kong angkinin. Ang akala ko ay boyfriend ko at walang
sabit.
Tumulo ang luha ko at tumaas-baba ang dibdib ko, yung tipong hindi na ako
makahinga. Halos hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Hiyang-hiya ako
para sa sarili ko.
Tinulak ko sya kaya nagulat sya sa pagkabigla. Tumayo ako kahit masakit ang
balakang ko dahil sa pagtulak sa akin ng asawa nya sa sahig.
"Grace, let me explain..."
Napaiyak ako lalo at halos gusto kong lumubog sa lupa sa sitwasyon ko. Diring-diri
ako sa sarili ko. Nakakadiri ako! Hindi ako makatingin sa asawa nya. Para bang ano
mang oras ay bibigay na ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko.
I don't need his explaination. He trick me. He lied to me. God. I want to kill my
self.
Tumakbo ako palabas habang tanging kumot lamang ang tumatakip sa kahubaran ko.
Halos hindi ko makita ang dinadaanan ko dahil sa bumabaha kong luha na
nagpapablurred sa paningin ko.
"Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!"
"Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!"
"Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!"
Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang sinabi ng babae. His wife. The legal one..
Napaupo ako sa isang batong malaki at napayakap ako sa sarili ko habang panay ang
hagulgol ko.
"You are nothing but a mistress, Grace. You're so idiot!"
Sinuntok ko ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga. Parang hindi ko alam ang
nangyayari. Parang ang puso ko ay nahati sa dalawa at nagkapira-piraso sa sobrang
sakit na dinulot ng nalaman ko.
Lalo akong napahagulgol ng maalala ko kung bakit ako nilalayo nila Daddy kay Atreo.
Nagawa ko silang suwayin. Nagawa ko silang pag sinungalingan para lamang kay Atreo.
Napakagaga ko para magdamdam sa kanila dahil sa ginagawa nilang pagpigil sa akin na
makipagrelasyon kay Atreo. Napakatanga ko!
"Grace! Grace!"
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko ng marinig ang tinig ni Atreo. Dali-dali akong
lumapit sa kotse ko. Pasakay na sana ako ng mabilis syang nakalapit sa akin at
hinila ako sa bewang para hindi makapasok. Agad ko syang pinagsusuntok sa dibdib at
tinulak ko sya palayo sa akin.
"Wag kang lalapit! Hayop ka! I hate you so much! Wag na wag ka nang lalapit sa akin
kailanman! Tinatapos ko na kung ano man ang meron tayo."
Nakita ko ang pagdilim ng mukha nya at agad akong sumakay sa kotse ng ambang
lalapit sya. Pinipilit nyang buksan ang pintuan ko pero nilock ko lahat. Agad kong
binuhay ang makina ng sasakyan ko habang humahagulgol.
Mabuti at bukas ang gate kaya agad akong nakasibat paalis ng bahay nya. Malakas
akong humagulgol habang nakatingin sa daan at nagmamaneho ng mabilis palayo sa
bahay nya.
Halos manlabo ang paningin ko dahil sa tuloy-tuloy na pagpatak ng luha ko. Nang
makalayo ako ng malayong-malayo sa bahay ni Atreo ay pinereno ko ang kotse.
Napadukdok ako sa manibela at doon binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Naisip ko na hindi ako pwedeng umuwi sa bahay na ganito ang itsura ko. Hiyang-hiya
ako sa parents ko oras na malaman nila ang nangyari, kaya ayokong mag alala pa sila
sa akin.
Mugto ang mata ko at hikbi ako ng hikbi habang nakatingin sa pouch ko ng
umalingawngaw ang tunog mula sa phone ko. Kinuha ko ang pouch ko at huminga ako ng
malalim habang pinahiran ang luha ko.
Nang makita ko kung sino ang nag text ay agad kong binasa ang text ng malaman kong
si Zylene iyon.
Bitch, where are you? Your parents is trying to call me and they are looking for
you.
Nakita ko nga ang ilang message at missed calls galing kela mommy and daddy. Tila
nalaman nila na hindi na si Won ang kasama ko.
Tinext ko si Zylene at sinabi ko sa kanya na sabihin nya sa parents ko na kasama
nya ako. Pagkatapos kong itinext iyon ay nilapag ko sa kabilang upuan ang phone at
pinaandar na muli ang sasakyan.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa bahay na kinatitirahan nila Zylene at
Allison ay napatingin akong muli sa phone ko ng umalingawngaw muli ito. Nakita ko
na si Atreo ang tumawag kaya iniwas ko ang tingin doon at hindi ito pinansin.
Napahinga ako ng malalim at tumingin sa bahay nila Zylene. Sila lamang ngayon ang
malalapitan ko. Hindi ako pwedeng umuwi ng hindi ako maayos. Ayokong mag-alala sa
akin sila Daddy and Mommy. At ayokong malaman nila ang kahihiyang ginawa ko sa
pamilya namin.
Kinuha ko ang phone ko at hinanap ko ang contact nila Allison. Nakita ko ang tadtad
na missed calls and texts kay Atreo. Inexit ko ito at dinial si Zylene.
"Oh, Grace, mabuti at tumawag ka na? Ano ba ang nangyayari?" ramdam ko ang antok na
boses ni Zylene kaya napakagat ako ng labi dahil naistorbo ko pa sya.
"Zylene, I'm outside of your house. I need your help."
"Huh? Teka! Sige, sige, bababa na ako." agad na nyang pinutol ang tawag at maya-
maya lang ay nakita ko na ang paglabas nya.
May bitbit syang payong dahil malakas ang ulan sa labas. Nang makalapit sya sa
kotse ko ay binuksan ko ang pinto habang hawak-hawak ko ang kumot upang hindi ito
maalis sa pagkakapulupot sa katawan ko..
Nagulat sya sa itsura ko at nagulat sa biglang pagyakap ko sa kanya.
"Anong nangyari sa'yo, Grace?" napahagulgol ako at humigpit ang yakap ko sa kanya.
She's older than me. Kaya tinuturing ko syang ate.
Hindi ako makasagot sa kanya at tanging pag iyak ko ang sumasabay sa bagsak ng
ulan. Niyaya nya akong pumasok sa loob kaya sumama ako. Niyakap ko ang sarili ko
habang tulala na nakatayo sa harap ng pintuan nya.
"Ano ba talaga ang nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang ayos mo?"
Tumingin ako sa kanya habang tumutulo ang luha ko. Napakagat ako ng labi at tila
ako natutuliro.
"Zylene, napakasama ko. Diring-diri ako sa sarili ko."
Inalalayan nya ako na pumasok at maupo sa sofa.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kabit ako."
"Ano?" nagulat sya at naguguluhan. Napahilamos ako ng mukha at sinabunutan ko ang
buhok ko.
"Si Atreo, may asawa na pala sya. At ako naman, napakatanga ko! Dahil hindi ko alam
na ang boyfriend ko pala ay may asawa na. Ang tanga-tanga ko! Binigay ko sa kanya
ang lahat! Hindi ko alam na ginawa pala nya akong kabit!"
"Lintek na lalakeng yan! Sabi na, e, hindi porket gwapo, jackpot na..." napakuyom
ako ng kamay at napayuko, "So... Paano mo nalaman?" alanganin nyang tanong.
"Nagpunta ang asawa nya sa bahay nya at kita nya na may nangyari sa amin. Natutulog
ako no'n ng hatakin nya ang buhok ko at ibagsak ako sa sahig..." mapait akong
napangiti habang umiiyak, "Hindi ko sya masisisi, dahil makita nya na ang asawa nya
ay may kasiping na iba, napakasakit no'n para sa kanya. Nararapat lang sa akin ito.
Kasalanan ko rin kung bakit ako nauwi dito. Kung mas inalam ko at hindi ko sya
inakit ay baka hindi ko ito sasapitin! Napakatanga ko kasi. Ngayon.. Nagsisisi
ako."
Niyakap nya ako at inalo. Pero hindi sapat iyon, dahil ngayon ay para akong
natrauma sa nangyari. Parang gusto ko nalang magtago upang wala ng makakakita sa
akin.
"Bitches! What's happening here?"
Napatingin kami kay Allison na kakauwi lang. Humihigop kami ng kape ni Zylene at
nakabihis na ako ng matinong damit na pinahiram ni Zylene sa akin.
"Sabit, bitch. May asawa na pala si Atreo the hottest abs."
"Huh? May asawa na sya?" napatingin sa akin si Allison kaya napaiwas ako ng tingin,
"Grace, are you okay?" aniya at naupo sa gilid ko kaya napapagitnaan nila ako.
Tumango ako at pilit na ngumiti. Hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.
Dahil kapag gagawin ko iyon ay para akong maiiyak.
"Lintek talagang mga lalakeng yan! Pare-pareho talaga sila!"
"Bakit, Anong problema mo, bitch?" tanong ni Zylene kay Allison.
"Si Aries, God! Nakakaloka! Hindi ko matake na inakit ko sya. Pwe! Pwe!"
"Parang alam ko na ang nangyari..." ngumisi si Zylene at natawa tila alam na nya
ang nangyari kay Allison at Aries.
"Tsss. Lintek! Bakla pala sya. Kaya pala kahit todo gitgit ko na sa kanya sa dance
floor ay hindi parin bumibigay. Tapos ng may lalakeng pumagitna sa amin ay doon
bumigay. Nakakahiya!"
Napangiti naman ako dahil kahit paano ay alam kong ginagawa nila ang lahat para
patawanin ako.
Napahinga ako ng malalim habang nakahiga sa sahig pero may sapin naman akong
makapal na blanket. Kahit pilit nilang sinasabi na doon na ako sa kama ay tumanggi
ako. Kaya wala silang nagawa ng ako na ang mahiga sa sahig.
Tahimik na umiiyak ako habang nakatingin sa kisame at inaalala ang lahat ng
nangyari. Sobra akong nasaktan ng malaman ko ang totoo. Mahal na mahal ko si Atreo,
pero bakit nya ako niloko!?
Binigay ko pa naman ang sarili ko sa kanya. Nangako sya na hindi nya ako sasaktan.
Bakit ginawa nya akong kabit?
"Anak!" humahangos si Mommy ng makitang pumasok na ako sa loob ng bahay. Naisipan
ko nang umuwi agad pagkagising ko ng umaga dahil alam kong nag-aalala na sa akin
sila Mommy.
Niyakap nya ako at hinawakan sa mukha. Kita ko ang pag-alala sa mata at mukha nya.
"Anak, ayos ka lang ba?" ngumiti ako rito at tumango upang ipakita na ayos lang
ako. Ayokong makita nila na meron akong mabigat na dinadala sa puso ko.
"Sinabi ko na nga ba na dapat ay hindi ka hinahayaang umalis na mag-isa. Pinayagan
ka ng mommy mo na umalis dahil ang binatang si Won ang kasama mo. Pero bakit
napunta ka sa bahay ng mga kaibigan mo o doon ka nagpalipas ng gabi? Hindi ka man
lang nag paalam."
Lumunok ako at naglakad kami ni Mommy palapit kay Daddy habang inaalalayan nya ako.
Nakaupo sa sofa si Daddy habang may binabasa sa dyaryo at umiinom ng kape.
"Dad, sorry po." Gusto kong humingi ng paumanhin sa kanila dahil hindi ko sila
sinunod.
Tumingin sya sa akin at kita ko ang strikto nyang tingin.
"Ang sorry ay para sa nakagawa lang ng kasalanan. Bakit, may ginawa ka bang
kasalanan sa amin at nag so-sorry ka?"
Napayuko ako dahil natumbok nya ang sinabi ko. Sinuway sya ni Mommy at hinaplos ni
Mommy ang likod ko.
"Napakasungit mo talaga, James. Nagpapaumanhin lang ang anak natin dahil hindi sya
nag paalam sa atin na pupunta sya sa mga kaibigan nya."
Sinara ni Daddy ang dyaryong binabasa nya at inalis ang salamin nya sa mata. Tumayo
sya at kinuha ang coat ng tuxedo nya na nakasampay sa sofa.
"Don't do anything you'll regret someday, Grace."
Hinalikan nya ako sa noo at humalik sya kay Mommy bago sya nagpaalam sa amin na
kailangan na nyang magpunta sa company. Hinintay nya lang pala akong makauwi bago
sya umalis.

Kabanata 13
Gabi-gabi ay mugto ang mata ko dahil hindi parin matanggap ng puso at isip ko ang
lahat. Kapag naririnig ko ang kwentuhan ng mga katulong sa isang palabas patungkol
sa kabit ay sobra akong natatamaan.
Galit na galit sila at kung sila daw ang nasa posisyon ng legal wife ay baka daw
hindi lang sampal at sabunot ang aabutin ng kabit, papatayin pa raw nila.
Iyak ako ng iyak at natatakot sa sasabihin ng iba. Hindi ko akalain na dadating sa
puntong malalagay ako sa posisyon bilang kontrabida ng buhay ng iba. Pakiramdam ko
ay napakasama ko. Kahit anong pag sisimba pa ata ang gawin ko ay hindi na gaganda
ang imahe ng pagkatao ko. Nagkasala ako. Nagkasala ako! At labag sa diyos ang
ginawa ko.
"Meryenda muna kayo.." nilapag ni Mommy ang meryendang hinanda nya para sa amin ng
tuitor ko.
Hindi muna kasi ako pumapasok sa modeling dahil hindi rin naman ako makakakilos ng
maayos dahil gulong-gulo pa ang utak ko.
At palagi na din akong sumasama kela Mommy kapag dadalaw sila kela Kuya Jam, o, 'di
kaya kela Kuya Gab.
Alam kong nagtataka sila sa kinikilos ko. Dahil ngayon ay hindi ko na sila
sinusuway. Ginagampanan ko rin ang home school activity ko. Hindi muna kasi ako
ngayon pumapasok sa girls school na dating pinapasukan ko. Pumayag naman si Dad
dahil mas gusto nya iyon dahil ligtas ako. At iniisip nya rin na malabo na kaming
magkita ni Atreo kapag gano'n ang set-up.
Kung alam lang nila ang tunay na nangyari. Baka magalit sila sa akin dahil sa
katangahan ko. Ang apelyido ni Daddy na iningatan nya ay masisisira lang ng dahil
sa akin. Kung saan lang ay kasing tatag ako nila Kuya. Na kahit paganahin pa nila
ang kabaliwan nila ay kaya nilang makalusot sa gulong kinasasangkutan nila.
Umakyat ako sa taas ng matapos ang mahabang oras na pag-aaral ko. Naupo ako sa kama
ko at muling natulala. Ganito ako kapag mag-isa lang ako. Natutulala at walang gana
sa buhay. Parang ang maliwanag kong pananaw noon ay nawala. Lahat ng iyon ay nawala
ng isang iglap dahil lamang sa pagmamahal ko kay Atreo.
Napatingin ako sa larawan namin ni Atreo na nasa aking cellphone parin. Napapikit
ako saglit at nanginig ang kamay ko habang tinitignan ang lahat ng kuha naming
dalawa. Pinindot ko ang delete all at sa isang iglap ay nabura na ang lahat ng
litrato naming naipon sa phone ko.
Kailangan kong alisin lahat ng bagay na nag papaalala sa kanya. Even his text
message and number in my contact, I delete it all.
Inis na inis ako kapag patuloy parin syang nagpapadala ng message and calls. Palagi
nya akong tinatawagan at tinetext kahit pa hindi ko iyon sinasagot o ni re-
replayan.
Ano pa ba ang gusto nya? Bakit hindi nalang nya ako tantanan at asikasuhin nalang
nya ang asawa nya?
Nanginig ang labi ko dahil iniisip ko na baka meron na syang anak. Natatakot ako na
baka nasira ko ang pamilya ng bata. Baka ngayon ay tumatanim sa isip ng bata na
merong kabit ang ama nya.
Tila ako mababaliw sa bawat oras ay paiba-iba ang naiisip ko. Sa sobrang pagka
konsensya ng nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung paano iyon mawawala.
Agad akong nag pahid ng luha ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tinignan ko
kung sino ang papasok dahil bumukas na iyon. At nakita ko si Mom na tuluyan na
nyang binuksan iyon ng makitang nakatingin ako sa kanya.
"Anak, narito ang mga kaibigan mo."
Tumingin ako kela Zylene at Allison na kasunod ni Mommy at ngumiti sa akin. Lumabas
na si Mommy para iwanan muna kami.
"Nice room.. Parang prinsesa lang." komento ni Zylene ng mapatingin sila sa kwarto
ko.
"Kamusta ka na, Bitch?" bumeso sa akin ang dalawa at naupo sa kama sa magkabilang
gilid ko.
Ngumiti ako sa kanila para pinakita na ayos na ako, kahit hindi parin.
"Ayos na ako, don't worry about me."
Tinignan nila ako na hindi naniniwala. Kaya napayuko ako at napakutkot sa kuko na
nasa kandungan ko ang kamay ko. Hindi ko na maitago sa kanila kaya napahagulgol
ako.
"Hindi parin ako okay. Hindi ko parin sya makalimutan. Ang sakit-sakit parin
rito.." tinuro ko ang dibdib ko habang taas-baba ito dahil halos hindi ako
makahinga, "Bakit ganun? Nagmahal lang naman ako... Bakit sa maling lalake pa?"
Napayakap ako kay Allison ng yakapin nya ako. Ramdam ko ang paghaplos ni Zylene sa
likod ko. Sa kanila ko nalang nalabas muli ang inipon ko sa dibdib ko. Hindi ko
maipakita sa pamilya ko ang bigat na nararamdaman ko dahil alam ko na hindi
palalagpasin ni Daddy, lalo na nila kuya oras na malaman nila ang nangyari sa
pagitan namin ni Atreo.
Naiinis ako sa puso ko. Mahal na mahal ko parin sya kahit na niloko nya ako at
pinaglaruan. Sya lang ang lalakeng nagpatibok ng puso ko. Sya lang ang lalakeng
pinag-alayan ko ng buong pagkatao ko. Pero sya rin pala ang babaril sa puso ko.
"Grace, hindi mo talaga sya makakalimutan kung palagi ka lang magkukulong sa kwarto
mo. Masyado na ring nag-aalala ang mom mo dahil pinasalamatan pa nya kami ng
magpunta kami rito dahil may makakausap ka na raw."
Napatakip ako ng bibig at lalong napahagulgol dahil pati si Mommy ay ginagawa ang
lahat para sa akin.
"Oh, you still a baby, Grace. Hindi ka dapat sinamantala ni Atreo. Hindi nya alam
na isang babasaging prinsesa ang sinasaktan nya ngayon."
Pinunasan ni Allison ang luha ko at napabuntong-hininga sila ni Zylene.
"Wag ka nang umiyak d'yan. Ang mabuti pa ay sumama ka sa amin." napalingon ako kay
Zylene.
"S-Saan?" humihikbi kong tanong. Ngumisi sya kaya tumingin ako kay Allison na
kumindat sa akin.
Tinignan ko ang mga taong tila walang pakialam sa paligid basta masaya lang sila.
Sumasayaw habang dinadama ang malakas ng tunog na tila nagpapawala ng problema
nila.
Nasiupuan kami ng makahanap kami ng available table, kung saan ay nasa isang sulok.
Kaya pala daring ang suot ng dalawa at all black dahil aayain nila ako na mag bar.
Hindi ko alam kung anong ginawa nila at napapayag nila si Mommy at nang tawagan ko
si Daddy para magpaalam ay pumayag sya agad ng malaman na sila Zylene at Allison
ang kasama ko.
Wearing my blue backless dress and blue stelletos. Makapal ang ginawa kong make up
sa mukha ko para hindi mahalata ang mugto kong mata.
Umorder sila Zylene ng ladies drink habang ako ay inorder nila ng pineapple juice.
Pero ni reject ko iyon at sinabihan sila na gusto kong uminom.
"Sure ka, Grace? Baka hindi mo kaya?"
"I'm okay, don't worry, bitches." hinawakan ko ang straw sa ladies drink at pumikit
ako habang hinihigop ko na ang drink. Medyo napangiwi ako dahil medyo may lasa
syang malakas. Pero carry lang.
"Hi Ladies.." napaangat kami ng tingin sa tatlong lalake na masasabi ko naman na
makikisig rin pero mukhang maangas.
Nakipag friendly shake hands naman ang dalawa sa tatlo pero ako ay pinagpatuloy ko
lang ang pag inom habang tumitingin sa mga wild na costumer na nasa dance floor.
May tumikhim kaya siniko ako ng dalawa kaya napatingin ako sa kanila. Nginuso nila
ang nasa harap ko kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko ang isang nakangiting
lalake na tila nakakasilaw ang good looking at good awra nya. Mukha syang good boy.
Hindi tulad ng dalawang katabi nya.
"Hi.." aniya at naglahad ng kamay. Tumango ako at saglit lang na inabot ang kamay
nya. Ngumiti parin sya at naiilang ako dahil grabe sya makatitig.
"Can we join you, girls?" tanong ng nasa gilid ni Mr. Bright guy. Agad namang
tumango si Allison kaya napailing ako.
"Okay, magpapakilala kami para hindi kayo mailang. Ako si Kurt. Sya si Jayson at
sya si Vincent." turo nung kurt sa huli na si Mr. Bright. Vincent pala ang name
nya.
"Alam nyo, boys, sa pangalan nyo palang mukha na kayong playboy." sabi ni Zylene
kaya natawa ang dalawa na si Kurt at Jayson habang si Vincent ay ngumiti lang.
"Mukha lang kaming playboy, pero good boy kami."
Inismiran ni Allison si Jayson at napailing tila hindi naniniwala sa sinabi ni
Jayson.
"Sus. Kota-kota na kami d'yan. Lahat ata ng lalakeng nakilala namin ay nagamit na
'yang pambobola. Wala ng lalakeng matino sa panahon ngayon."
"Alam nyo, sa nakikita ko, para kayong mga galit sa lahat ng lalake.. Can I ask
why?"
Nakiba't-balikat lang si Zylene at Allison sa kuryosidad ni Kurt. Napatingin ako
kay Vincent ng inusog nya ang small plate na naglalaman ng lemon fruit sa akin.
"Try this. Mas masarap sipsipin ito kapartner ng alak."
Tumango ako at nag pasalamat rito na kinangiti nya. Palagi syang nakangiti. Hindi
ko alam kung bakit sya ganyan?
"Dude, naiilang sa'yo si Miss Beautiful. Masyado ka namang halata." siniko ni Kurt
si Vincent kaya naalis ang pagkakatitig nya sa akin at napakamot ng batok.
"I can't stop my self. She's so beautiful." aniya kaya nailang ako. Dapat bang sa
harap ko talaga sabihin iyon? Nakakailang kaya!
"So.. kami hindi maganda kaya sa kanya ka lang titig na titig?" mahinang pinalo ko
ang legs ni Zylene dahil dinagdagan pa nya.
"Hindi naman sa gano'n. You two are so beautiful also, but she's different for me."
Hindi na ako nakatiis kaya binaba ko sa glass table ang cocktail glass na hawak ko
at tumayo ako na kinatingin nila.
"Rest room lang." hindi ko na sila hinintay na sumagot pa at nag excuse na ako at
lumakad palayo sa table namin.
Nakipagsiksikan ako sa mga dumadaan. Napahinga ako ng malalim ng makalusot ako at
hinanap ang rest room. Nang makita ko na ay agad ako pumasok doon.
Nilapag ko sa lababo ang dala kong pouch at tinignan ko ang mukha ko sa salamin.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Napahinga ako ng malalim at naghugas
ng kamay. Kumuha ako ng tissue at nag retouch ako ng kaunti bago ako makontento sa
ayos ko.
Inaayos ko palang ang gamit ko ng may pumasok na dalawang babae na tila liberated
dahil sa klase ng ayos nila at style ng hair.
"Who's that guy?"
"I don't know. Ngayon ko lang sya nakita sa bar na ito. At tila may hinahanap na
girl."
"Inferness, sya ang pinakagwapo sa group nya."
Hindi ko na pinakinggan pa ang pinag uusapan ng dalawa dahil hindi ko naman kilala
at tila balak nilang makipag flirt sa natipuhan nila.
Pabalik na ako sa table pero napahinto ako ng mahagip ng paningin ko si Atreo at
ang vipers na mga nakaupo sa high chair at pansin ko na nililibot nila ang paningin
sa buong bar.
Agad akong napatakip ng mukha gamit ang pouch ko. Nagmadali akong nagtungo sa table
namin.
"O, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Allison.
"Kailangan na nating umalis rito." pagmamadali ko sa kanila.
"Huh?"
Binulong ko kay Zylene at nanlaki ang mata nya bago nilibot ang paningin sa
paligid.
"Ano yun?" curious na usisa ni Allison. Binulong ni Zylene ang sinabi ko at agad
ding nanlaki ang mata ni Allison at napatingin din sa paligid.
"Let's go." agad kong hinila ang kamay ni Zylene para tumayo na sila.
"Wait.. May problema ba?" tanong agad ni Vincent.
"Sorry, pero kailangan na naming makaalis."
"Nandito kasi ang ex nya. Tila hinahunting sya."
Gusto kong hatakin ang dulo ng buhok ni Allison ng ibunyag nya.
"O, anong problema do'n? Wala naman na kayo. Tsaka kung aalis ka, mas mukha kang
apektado sa break up nyo."
Tumayo si Vincent at lumapit sa akin. Naglahad sya ng kamay na kinaguluhan ko.
"Let's dance." umiling ako ngunit ngumiti sya at kinuha ang kamay ko.
Hinatak nya ako sa gitna ng dance floor at magalang syang yumukod sa akin bago
dalhin ang kamay ko sa labi nya para halikan. Napatingin ako sa mga taong nasa
dance floor na napatingin sa amin kaya nailang ako.
Agad na kinuha ni Vincent ang dalawang kamay ko at pinatong sa balikat nya. Humawak
sya sa bewang ko at ngumiti sa akin.
Ginabayan nya ako sa mabagal na pagsayaw at napakaginoo nya sa pag gabay sa akin.
"Napakatanga naman nya na pinakawalan nya ang isang tulad mo. Kung sino man sya ay
malas nya dahil tiyak na may lalakeng handa kang saluhin."
"Sinong may sabi na pinapakawalan ko sya?".
Tila ako naestatwa sa kinatatayuan ko at napaangat ako ng tingin para masalubong
lang ang walang emosyong tingin ni Atreo, habang nakalugay ang buhok nya na mahaba
at suot ang black leather jacket nya na tumatakip sa white shirt habang naka black
pants sya at leather shoes.
Nakapamulsa sya na naglakad palapit sa amin kaya napabitaw ako kay Vincent at
napaatras.
Humarap si Vincent kay Atreo at nilagay nya ako sa likod nya.
"Bitch.." tumingin ako kela Allison na nasa tabi ko na at nakatingin din sila kay
Atreo.
Kinabahan ako dahil mula ng malaman ko ang lahat sa kanya, ngayon ko nalang muli
syang nakita. Para syang walang-wala sa itsura nya. At nabasa ko ang tingin na
binibigay nya sa akin. Tingin na malalim tila binabalaan nya ako.
"Sino ka naman?" mahinahong tanong ni Vincent.
Gumalaw ang panga ni Atreo at pagak na natawa sa tanong ni Vincent.
"Boyfriend ng sinasayaw mo."
Napakuyom ako ng kamay dahil sinong may sabi na boyfriend ko pa sya!? Kapal nya!
"Boyfriend?" natawa rin si Vincent, "Sa pagkakaalam ko.. single sya ngayon."
Nagdilim ang mukha ni Atreo at napatingin sya sa akin pero wala akong pinakitang
emosyon sa kanya. Agad syang lumapit pa sa amin kaya hindi ko mapigilan ang pag
sibol ng kaba sa dibdib ko.
Hinagod ni Atreo ang buhok nya at napangisi sya bago mariing napahawak sa balikat
ni Vincent.
"Single? Heto ang single!" nanlaki ang mata ko ng sikmuraan nya si Vincent. Agad na
susugod sana sila Kurt at Jayson ng agad humarang ang vipers. Hinatak na ako nila
Zylene.
"Bitch, tara na." aya ni Allison.
"Si Vincent?"
"Mas kailangan mong makaalis, Grace. Lagot kami sa dad mo kapag nakalapit sa'yo si
Atreo." sabi ni Zyrene.
Nag aalala ako kay Vincent at nakonsensya na naman dahil may nasaktan pa ng dahil
sa akin. Pero kailangan ko nga makaalis dahil maging ako ay hindi ko alam ang
tumatakbo sa isip ni Atreo para sundan pa ako rito sa bar at manggulo.
Hindi ko alam kung bakit pinagpipilitan pa nya na meron pang kami? Hindi ba talaga
sya nakokonsensya sa ginagawa nya?
Malapit na sana kami sa kotse ng may humablot sa braso ko kaya napatili ako at
gulat na napatingin sa humablot sa akin. Kumabog ang dibdib ko ng mabugaran si
Atreo na malalim na nakatingin sa akin habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"Sa wakas, muli kitang nakita, baby." aniya at hinawakan nya ako sa mukha habang
hinahaplos-haplos.
Tinulak ko sya sa dibdib palayo sa akin at sinampal ko sya.
"May lakas ka pa talaga ng loob na magpakita sa akin!? At nanakit ka pa ng iba!"
"Bakit hindi? Ngayon na nakahanap ako ng tyempo para malapitan ka, kaya bakit hindi
ako magkakalakas ng loob, ha?" seryoso nyang tanong at lumapit sa akin kaya
napatras ako.
Agad na humarang si Zylene at Allison sa harap ko kaya napahinto si Atreo.
"Tigilan mo sya lalake. May asawa ka na, at hindi deserve ni Grace ang kagaya mo."
"Pwede ba! Nag uusap kami!" galit na sigaw ni Atreo na kinagulat ko. Napaidtad din
ang dalawa.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Atreo. Kailanman ay hindi ko na gugustuhin
pang pakinggan ang sasabihin mo. At ang mabuti pa ay ayusin mo ang buhay mo sa
asawa mo. Hindi yung nanggugulo ka pa sa buhay ko."
Agad akong tumalikod at nagmadaling maglakad palapit sa kotseng dala namin. Pero
nabigla ako at napatili ako ng biglang humarang sa harap ko si Atreo at binuhat ako
nito na parang sako.
Pinaghahampas ko ang likod nya at sumigaw ako ng tulong. Napatingin ako kela Zylene
na kinorner ng vipers. May agad na humarang na pamilyar na kotse at bumaba doon si
Seb.
"Hayop ka! Ibaba mo ako!" nagpupumiglas ako lalo na ng pagbuksan kami ng pinto ni
Seb sa backseat. Agad akong binaba ni Atreo at pinangko agad ako para isakay sa
backseat.
Nagpupumiglas ako at nang maiupo nya ako ay umusog ako sa pinakadulo para abutin
ang isang pinto. Bubuksan ko palang ito ng biglang hatakin ni Atreo ang bewang ko
pausog palapit sa kanya.
"Let's go, Seb." utos nya kay Seb na agad naman nitong sinunod.
"Let me go! This is kidnapping!" galit kong sabi sa kanya at pilit inaalis ang
kamay nya sa bewang ko. Para kasi syang tuko kung makakapit.
"We need to talk privately, baby. Kaya kung kailangan kong gawin ito, gagawin ko."
"Wala na tayong dapat pang pag usapan! Dahil kahit ano pang paliwanag ang sabihin
mo, hindi parin mababago na may asawa ka na at niloko mo ako!" mariin at puno ng
galit kong sinabi iyon sa kanya habang pilit paring inaalis ang kamay nya sa akin.
Hindi sya nakaimik at humigpit lang ang paghawak nya sa bewang ko.
Nasa intersection na kami ng biglang napapreno si Sebastian. Mabuti at hawak ako ni
Atreo kung hindi ay napasubsob ako.
"What the fuck, Seb?" inis na bulalas ni Atreo na hawak-hawak ang ulo ko pero
inalis ko ang kamay nya na kinatingin nya.
"General, Esteban.."
Agad na napatingin kami sa bintana sa side ni Atreo. Nanlaki ang mata ko ng makita
ko si Kuya Gab na may subo-subo pang sigarilyo habang sinesenyasan kami na lumabas.
Napatingin ako kay Atreo na naintense ang katawan at humigpit ang pagkakahawak nya
sa akin. Napahinga sya ng malalim bago nya buksan ang pinto.
"Get out, Alvarez." maangas na sabi ni Kuya kaya bumaba si Atreo. Bumaba na rin ako
dahil kinakabahan ako.
"K-Kuya?" napatingin ako sa sasakyang humarang at bumaba doon si Dad at Kuya Jam.
"Come here, Grace.." maawtoridad na utos ni Dad kaya napatingin pa muna ako kay
Atreo na matapang na hinarap si Kuya Gab na ngising-ngisi.
Naglakad ako patungo kay Dad na seryoso at maawtoridad ang binibigay na tingin.
"D-Dad, ano pong gagawin nyo sa kanya?" tanong ko. Kahit may ginawang kasalanan si
Atreo sa akin ay hindi parin maalis ang pag tingin ko sa kanya at pag aalala para
sa kaligtasan nya. Kilala ko sila Dad. Alam ko na baka may gawin silang hindi
maganda kay Atreo.
"Nestor, iuwi nyo na si Grace sa mansyon."
"D-Dad.." humawak ako sa braso nya para pigilan sya sa gagawin nila kay Atreo.
Pero hinawakan na ako sa braso ni kuya Nestor at pinasakay sa kotse. Napatingin ako
sa unahan at nakita ko na may sinasabi si Kuya Gab at Kuya Jam kay Atreo. Nakita ko
na rin ang paglapit ni Daddy.
Tinanaw ko sila ng umikot na ang kotse na sinasakyan ko paalis sa lugar. Nanlaki
ang mata ko na sikmuraan nila Kuya si Atreo.
"W-Wag.." napaiyak ako at tumingin ako kay Kuya Nestor ng hindi ko na sila matanaw.
"Kuya Nestor, ibalik mo po ako doon. Baka anong gawin nila Daddy kay Atreo?"
"Sorry, Seniorita, pero hindi maaari. Alam nyo na mas magagalit ang Lord kapag
sinuway sya."
Bumagsak ang balikat ko at napapikit ako. Ayokong may masaktan pa sana. Gusto ko na
lamang ay matahimik na ang buhay ko. Ayoko ng lumaki pa ang gulo.

Kabanata 14
Agad akong yumakap kay Mommy ng makarating ako ng mansyon at nakita ko syang nag
aabang sa bungad ng pinto.
"Anak, ginugulo ka naman ba ng lalakeng iyon? Mabuti at tumawag ang mga kaibigan mo
at sinabi sa Daddy mo na kinuha ka raw ng lalakeng iyon."
Tumingin ako sa kanya at umiling ako. Pero hindi ko maibuka ang bibig ko dahil
hindi ko malaman kung dapat ko bang ipagtanggol pa si Atreo?
"Mom, wala naman po siguro silang gagawin kay Atreo?"
Inakay nya ako sa loob at napahinga sya ng malalim.
"Hindi ko alam, Anak. Pero siguro ay kakausapin lang ng Daddy at mga kuya mo ang
lalakeng iyon na tigilan ka na."
"Mom, may alam po ba sila Dad sa katauhan ni Atreo?"
Naitanong ko iyon dahil hindi naman basta-basta magagalit sila Dad kay Atreo ng
walang dahilan. Ngayon ko lang naisip na baka una palang ay alam na nila Dad ang
katauhan ni Atreo kaya pinapalayo nila ako.
Lumingon sa akin si Mom ng makaupo kami sa sofa. Kita ko ang kalituhan sa mga mata
nya.
"Ano ba ang katauhan ng lalakeng iyon?"
Napalunok ako dahil wala palang alam si Mom. Umiling ako at napahawak sa dulo ng
dress ko.
"Wala po. Gusto ko lang pong malaman kung bakit galit sila kay Atreo?"
"Siguro ay hindi gusto ng daddy mo ang lalakeng iyon para sa'yo. Hindi sya humingi
sa amin ng permiso at nalaman namin na nobyo mo na ang lalakeng iyon. Sino ba ang
matutuwa doon, anak?"
Napakagat ako ng labi at napayuko. Paano kaya kung malaman nila na may asawa na si
Atreo at ako ang kabit? Lalo sigurong magagalit sila Dad.
Nakarinig kami ng ugong ng sasakyan kaya nagkatinginan kami ni Mom at tumayo.
Lumakad kami palabas at nakita ko ang pagparada ng sasakyan nila Dad.
Napasiklop ako ng kamay at sumiklab ang kaba sa dibdib ko ng bumaba na si Dad
habang seryoso.
"James, anong ginawa mo sa binatang iyon?"
"Binigyan ko ng leksyon. Siguro ay madadala na iyon at hindi na lalapit pa sa anak
natin." tugon ni Dad at humalik sya sa labi ni Mom bago sya tumingin sa akin ng
seryoso, "Follow me, Grace, We need to talk." aniya at nauna na syang pumasok sa
loob.
Napatingin ako kay Mom ng hawakan nya ako sa braso at tumango sya sa akin bago nya
ako akayin sa loob.
Huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang seradura ng pinto ng opisina ni Dad.
Pumasok ako at napatingin kay Dad na nakatayo sa harap ng bintana habang may hawak
na alak sa isang kamay. Habang ang isang kamay nya ay nakapamulsa.
"Did you know that Alvarez guy has a child already?"
Nanginig ang kamay ko at natulala ako habang hindi ko mapigilan ang pag ngilid ng
luha ko. Umiling ako ng dahan-dahan habang unti-unting sumikip ang dibdib ko sa
sobrang guilt na nararamdaman ko.
Sabi na nga ba at alam na ni Dad ang katauhan ni Atreo. Pero ang malaman kong may
anak na nga ito ang syang lalong nag-pawasak ng puso ko.
Hindi ko alam na may anak na sya. Dahil ang pagkakaroon nga nya ng asawa ay hindi
ko alam, yung anak pa kaya nya.
"I-I don't know, Dad."
Napahinga ng malalim si Dad at lumakad sya patungo sa table nya at naupo sa
recliner nya.
"Kung may nais ka, dapat ang una mong gagawin ay alamin ang pagkatao ng isang tao.
Hindi yung sugod ka ng sugod ng wala kang kaalam-alam sa target mo."
"Ho?" naguluhan ako sa sinabi ni Dad.
"Grace, para kang mommy mo, mabilis bumibigay.."
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
Tinaas nya ang paa sa lamesa at pumikit sya.
"Pero alam ko na mas malakas ang dugo ko kaya alam kong kaya mong solusyonan ang
problema mo."
Napakunot-noo ako at hinintay ko pa ang sasabihin nya. Pero wala na ata syang
sasabihin dahil nakita ko ang pagbigat ng hininga nya tila nakatulog na sya.
Kita ko sa mukha ni Dad ang pagod at nakokonsensya ako dahil imbes na magpahinga
nalang sya ay kailangan pa nyang linisin ang lahat ng problemang dinudulot naming
magkakapatid.
Lumapit ako sa sofa na nasa opisina nya. May nakatiklop doong kumot kaya kinuha ko
iyon at lumapit ako sa kanya. Kinumutan ko sya at hinalikan ko sya sa noo.
"I love you, Daddy. Sorry po sa dinulot ko sa pamilya natin. Pangako po, aayusin ko
po ito."
Matanda na si Dad pero mukha parin syang binata tignan. Hindi man kumukulubot ang
mukha nya ay kita naman iyon sa mata nya.
Napahinga ako ng malalim at aalis na sana ako sa tabi nya ng mapatingin ako sa
folder na nasa table nya. Tumingin muna ako kay Dad bago ko kunin ang folder at
buklatin ito para makita ang laman.
Napamaang ako ng makita ko ang lahat ng profile ng manliligaw ko. At sa nabasa kong
nakalagay ay mga gumagawa ng illegal na bagay ang mga nanligaw sa akin noon kaya
nakaekis na ang mukha nila na alam kong si Dad ang may gawa.
Napangiti ako dahil may dahilan pala kaya agad nyang hinaharang ang mga manliligaw
ko.
Binaba ko na ang folder pero napatingin ako sa nahulog na papel na tumaob sa table
kaya kinuha ko iyon at tinignan. Nanlaki ang mata ko ng makita na profile iyon ni
Atreo.
Walang ekis. Kaya binasa ko ang profile nya at narito nga, nakalagay na meron na
syang asawa at isang anak na lalake. Pero kung nakita na ni Dad iyon.. bakit hindi
nya inekisan?
Bitbit ang profile ni Atreo ay naupo ako rito sa kama ko at napaisip. Alam ko na
meron pang nalalaman si Dad kaya hindi nya inekisan ang profile ni Atreo.
"Anak, siguro ka bang papasok ka pa sa modeling? Wag ka na kayang mag pose-pose sa
ganun. Baka kung ano-ano lang ang pinapasuot sa'yo, naku, hindi pwede sa akin
iyon."
Ngumiti ako kay Mom na hinatid pa ako sa harap ng kotse.
"Mom, isang kilalang model agency ang Lux Calisse. Kaya kung magsuot man po ako ng
revealing ay hindi naman po daring masyado ang pose na pinapagawa nila. Isang
classy pictorial ang pinapagawa sa akin."
Napahinga sya ng malalim at may baunan syang tinaas na naglalaman ng ginayak nyang
healthy diet food. Natawa ako dahil kanina pa nya pinagpipilitan iyon.
"Sige na nga po." napangiti sya kaya kinuha ko na iyon.
"Kainin mo 'yan lahat, anak, ha?" tumango ako at ngumiti.
"Opo. Sige po, aalis na po ako. Kanina pa po kasi ako tinatawagan ni Derek dahil
may good news daw po sya sa akin."
"O, sige, mag-iingat ka, anak." bumeso ako sa kanya at kumaway pa ako bago sumakay
ng sasakyan ng pagbuksan ako ng bodyguard ko.
"Saan po tayo, Seniorita?"
"Sa Lux Calisse."
Tumingin ako sa bintana habang pinagmamasdan ang bawat kalye, establisyamento at
mga batang kalye na namamalimos na nadadaanan namin.
Napatingin ako sa batang babae na nagtitinda ng anklet. Pinahinto ko saglit ang
driver ko sa tapat ng batang babae. Binaba ko ang bintana sa side ko kaya
napatingin sa akin ang bata.
"Magkano mo binebenta ang mga iyan, bata?"
"Trenta po."
"Bakit naman mahal?"
"Kasi mahal po ang ginagawa ng kinukuhanan namin. Limang piso lang po ang puhunan
namin rito."
Napatango naman ako dahil nauunawaan ko sya.
"Alam mo ba na marunong akong gumawa ng ganyan."
"Po?" naguguluhan sya kaya napangiti ako.
"Gusto mo bang turuan kitang gumawa n'yan para kapag marunong ka nang gumawa ay
yung materyales nalang ang kailangang pondohan? Para sa'yo ang products, sa'yo pa
ang kita."
"Pero wala naman po akong pera na pambayad sa inyo. At wala po akong pera na
pambili ng mga beads at nylon."
Ngumiti ako at binuksan ko ang pinto. Bumaba ako at pinagpantay ko ang taas namin
para madali ko syang makausap.
"Hindi mo na kailangang bayaran ako at pati bumili ng materyales. Sagot ko na.."
Nanlaki ang mata nya at hindi sya makapaniwala.
"Talaga po? Pero paano po?"
Hinawakan ko ang tinda nyang anklet at hinaplos ito. Hindi ito katulad ng
materyales na ginagamit ni Aling Consuelo. Mas maganda at makinis iyon kesa sa
nahipo ko ngayon na magaspang.
"Saan ba ang bahay nyo?"
Dinala nya ako sa isang squatter area. Napapatingin sa amin ang mga tao sa bawat
bahay-bahay na dikit-dikit at maging ang mga nakatambay.
"D'yan po ang bahay namin." turo nya sa maliit at barong-baro na bahay. Bumaba kami
at napatingin ako sa bahay nila. Hindi ko akalain na meron palang ganitong lugar at
bahay na napakaliit para tirhan ng tao.
"Apo, ikaw na ba 'yan?"
Napatingin ako sa isang matandang babae na may hawak na kahoy tila ginagawa nyang
pang tukod para hindi sya matumba. Napatingin sya sa akin at inaaninag pa nya ako.
"Ate, sya po ang Lola ko. Kami nalang po kasi ang magkamag-anak kaya po ako nalang
po ang tumataguyod kay Lola."
"Magandang araw ho, Lola."
"Sino ba ito, Apo?"
"Ah, ako po pala si Grace, Lola. Narito po ako kasi nais ko pong bigyan ng
pagkakakitaan ang apo nyo."
"Baka naman niloloko mo lang ang apo ko? Ano namang klaseng pagkakakitaan 'yan?
Baka gagamitan iyan ng pera, eh, wala kaming ganun.."
Ngumiti ako at umiling sa marami nyang tanong, "Hindi po. Sagot ko na po. Lahat po
ay ako ang gagatos."
Nakita ko ang pag nginig ng kamay nya at gulat sa mukha kahit marami ng kulubot sa
mukha nya.
"Totoo ba iyon, Hija? Hindi mo ba kami niloloko?"
"Hindi po."
"Pero bakit mo gagawin iyon? Kakakilala mo pala naman siguro sa apo ko?"
Ngumiti ako at napahinga ng malalim, "Gusto ko ho kasing makilala ang nagturo sa
akin gumawa ng anklet sa pamamagitan nyo. Gusto ko ho na kapag tinanong sa inyo ng
costumer kung kanino po galing ang style ng anklet ay gusto ko pong sabihin nyo na
gawa iyon ni Aling Consuelo. Iyon lang po ang paraan ko para makilala ang gawa nya.
Marami po syang gawa sa bahay nila na hindi naman po nya alam ang gagawin para
ibahagi sa iba."
Nagkatinginan ang mag Lola at muling tumingin sa akin.
"E, kung gano'n ay makakaasa ka doon, Hija. Napakabuti mo naman.."
Napangiti nalang ako ng tipid dahil kung ako ang tatanungin ay wala akong mabuting
ginawa sa buhay ko. Kaya kung sa pamamagitan nito ay makakatulong ako sa iba ay
baka doon ay kahit paano ay makabawas ako sa kasalanan ko.
"What time na, Grace? Jusko! Maloloka ako sa'yo!" histerikal ni Derek ng dumating
ako sa Lux Calisse na late na at tila kanina pa nya ako hinihintay.
"Pasensya na, Derek, may pinuntahan lang kasi ako saglit."
Napahinga sya ng malalim habang nagpapaypay. Sinara nya ang pamaypay nya at
humalukipkip.
"Okay. Okay. Kaya gusto kitang makausap ay merong kumukuha sa atin na isang
international model fashion icon at nais nilang kumuha ng model sa agency natin."
"Ganun po. Edi, Congrats po."
Umirap sya at pumalakpak sa harap ng mukha ko tila ginigising ako sa realidad.
"Congrats to you. Grace. Dahil isa ka sa napili nila."
Napakurap pa ako sa sinabi nya. Tila doon ata ako natulala.
"Ako po?"
"Hindi, ako. Ako." sarkastikong nyang sabi, "Geez. Bakit ba kayong tatlong bitch ay
para mga lutang? Hindi ko kayo maispell, ha." aniya.
"Kasama din ba sila Allison at Zylene?"
"Oo. Alam mo naman na kahit isang gaga at kalahati ang mga friend mo ay masasabi ko
na may ibubuga sila sa mga international model. Kaya kahit palaging pinapainit ng
dalawang iyon ang ulo ko ay natutuwa parin ako sa galing nila sa harap ng camera."
Napatango ako at napangiti. Ibig sabihin ay kaming tatlo pala. Mabuti nalang at
hindi ako nag-iisa. Hindi na ako kakabahan.
Lumabas kami ng dressing room nya at patungo kami sa studio kung nasaan ngayon sila
Zylene at Allison na sumasabak ngayon sa photoshoot.
Pero napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang palapit na si Suzane. Ang asawa
ni Atreo. May kasama sya. Namukhaan ko ito. Dahil ito iyong waitres na umiirap sa
akin kung saan kami restaurant kumain noon ni Atreo.
"Mrs. Alvarez."
Tila natuyot ang lalamunan ko ng marinig ko ang tinawag ni Derek kay Suzane.
Napangisi si Suzane ng mahinto sya sa harap namin.
"Mabuti naman at alam mo na isa akong Mrs. Alvarez, Derek." aniya at pinasadadan
ako ng tingin habang nakangisi sya.
"Ofcourse. Sino ba naman ang hindi makakaalam na asawa mo ang anak ni Doctor
Alvarez.. He's my doctor anyway." tugon ni Derek at bumaling sya sa akin para
sabihin na doctor ang ama ni Atreo.
"E, kasi... Meron kasing tao na walang kamuwang-muwang na hindi alam na meron ng
asawa ang pinatulan nya. Nakakahiya iyon, 'di ba?"
"Ay! Grabe naman.. May pinaparinggan ka ba?"
"Mauna na ako, Derek." agad akong nag-paalam kay Derek at tatalikod na sana ako ng
may biglang humablot ng buhok ko na kinangiwi ko.
"Wag mo akong tatalikuran, hayop kang kabit ka!"
Napangiwi ako sa sakit ng pagkakasabunot nya habang pilit kong inaalis ang kamay
nya. Nag-labasan ang mga empleyado at nakagawa na ng atensyon ang pag hiyaw ni
Suzane.
"Look people! Hindi nyo aakalain na ang batang babaeng ito ay nagawang makikabit sa
asawa ko! Nakakahiya ang katulad nya!"
Napaiyak ako ng hatakin nya ng malakas ang buhok ko. Napaupo ako sahig at napapikit
ako ng sampalin nya ako.
"Walang pipigil! Baka gusto nyo kayo ang sampulan ko!" sigaw nya ng ambang may
pumigil sa kanya.
"Suzane, tila nabilog nga nya si Atreo. Look, suot nya ang kwintas na bigay ng Lola
ni Atreo."
Napatingin sa leeg ko si Suzane at lalong humigpit ang pagkakasabunot nya sa akin.
Ambang hahablutin nya iyon ay tinakpan ko ang leeg ko at hinawi ko ang kamay nya.
Nagalit sya lalo at tinayo ako gamit ang paghila sa buhok ko. Ang sakit na ng anit
ko at hindi ako makalaban sa kanya dahil mas malakas sya sa akin at tinutulungan pa
sya ng kaibigan nya.
"Akin na!" sigaw nya. Sinampal nya ako ng ayaw ko ibigay, "Ash, hawakan mo ang
kamay." utos nya sa kaibigan nya.
"Suzane, tigilan nyo na 'yan. Hindi nyo alam ang ginagawa nyo!" pinigil pa kami ni
Derek pero dinuro sya ni Suzane.
"Tumahimik ka, Derek! Kilala mo ako..." natahimik si Derek sa banta ni Suzane.
Nagpupumiglas ako ng hawakan ako ng kaibigan nya at nilagay sa likod ko ang kamay
ko.
Panay na ang patak ng luha ko dahil hindi ko alam ang gagawin para patigilan sila.
Inalis ni Suzane ang kwintas na bigay ni Atreo sa akin. Hindi ko alam kung bakit
pinatili ko paring isuot iyon. Siguro ay dahil hindi ko na maialis sa sistema ko na
palagi ko na iyon suot.
Nang makuha nya ang kwintas ay binitawan na ako ng kaibigan nya at tinulak pabagsak
sa sahig.
"Bagay lang sa'yo yan, malandi!" sabi ng kaibigan nya.
"Stand up, Grace!" dumadagundong ang boses na tila nag-pasinghap sa lahat ng tao na
narito.
Malabo na ang mata ko habang patuloy ang pagpatak ng luha ko. Lalo akong napaiyak
ng makita ko si Daddy at Mommy.
"Diyos ko! Anong ginawa nyo sa anak ko, ha!?" galit na sabi ni Mommy at agad na
lumapit sa akin at dinaluyan ako. Napayakap ako rito at napahagulgol.
"At sino naman kayo?" napakapit ako sa kamay ni Mommy ng itayo nya ako.
"I know.. you know me, Ms. Suzane." matigas na sabi ni Daddy, "Hindi ko pinalaki
ang anak ko para dampian mo lang ng kamay mo." dagdag pa ni Daddy.
"M-Mr. Esteban.." bulalas ng kaibigan ni Suzane kaya napatingin sa kaibigan nya si
Suzane at nanlaki ang mata.
"Kakasuhan kita sa pananakit sa anak ko at pagnakaw sa pag mamay-ari nya." sabi ni
Dad.
"Ako, magnanakaw? Wala akong ninakaw sa anak nyong malandi!"
"Aba! Lintek kang babae ka!" pinigil ko si Mommy at umiling ako.
"Give that necklace to me, Ms. Suzane." nilahad ni Daddy ang kamay nya kay Suzane
kaya padabog na binigay ni Suzane iyon.
"Sige, kasuhan nyo ako. Kakasuhan ko rin ang anak nyo, dahil kumabit sya sa asawa
ko. Magdemandahan tayo, at tignan natin kung sino ang mapapahiya." tumingin sa akin
si Suzane ng matalim, "Let's go, Ash!"
"James, ganun nalang iyon?" galit na sabi ni Mommy.
"Relax, Sweet heart. Marunong lumaban ang babaeng iyon kaya gusto ko munang
matanggal ang sunggay nya." lumapit sa akin si Dad at hinaplos ang mukha ko, "Next
time, kapag alam mong pabagsak ka na, dapat ka nang lumaban, anak. Hindi kita
tinuruan ng self depense para makitang nakabagsak ka at sugatan." dagdag pa nya.
Napakagat ako ng labi at yumakap kay Dad. Mabuti na lang at dumating sila.
"Grace! Grace!"
Bumitaw ako ng yakap kay Dad at tumingin kela Zylene at Allison na humahangos na
lumapit sa amin.
"Anong nangyari sa'yo? Narinig namin na sumugod daw yung legal wife?" hindi
makandaugaga si Zylene at napatingin sya sa Mom and Dad ko, "Hello po.. Nandyan po
pala kayo." para syang napahiya at agad na tinali ang suot nyang roba ng mapansin
na masyadong revealing ang suot nya.
"Oo, nakita namin ang pananakit ng babaeng iyon sa anak namin."
"Sayang, hindi namin naabutan. Kung hindi lang kami nahuli sa balita ay baka
ngudngod na ang babaeng iyon, 'di ba, Allison."
"Opo."
"Salamat sa effort nyo, Mga Hija." sabi ni Mommy at hinaplos ang buhok ko.
"Hala! May sugat ka, Grace."
Napahawak ako sa pisngi at leeg ko dahil ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng
kalmot ni Suzane.
"Oh my god! James, dali! Dalhin na natin si Grace sa hospital!" histerikal ni Mommy
habang tinitignan ang dumudugong kalmot na dulot sa akin ni Suzane.
Ngumiti ako at pinigil ito sa balikat, "I'm okay, Mom. Gusto ko nalang po umuwi."
Napahinga sya ng malalim at hinaplos ang mukha ko na may pag-aalala. Nagpaalam ako
kela Zylene at Derek bago kami umalis sa Lux Calisse.
Tahimik lamang ako at nakatingin sa bintana habang nasa backseat ako at nasa unahan
sila Mom and Dad.
"Anak, hindi mo ba kukunin itong kwintas mo?" tanong ni Mom.
"Hindi na po. Dahil naman po d'yan kaya lalong lumala ang galit sa akin ni Suzane."
"At bakit naman sya nagalit?",
"Bigay po 'yan ng Lola ni Atreo sa kanya. Siguro po ay alam din iyon ni Suzane.
Kaya po nagalit sya dahil imbes na sa kanya binigay ni Atreo iyan ay sa akin pa
binigay."
"Ha! Haha!"
Napatingin ako kay Mommy na natawa. Napakunot-noo ako dahil hindi ko maunawaan kung
bakit sya natatawa?
"Bakit po kayo tumatawa, Mommy?"
"Sayang at hindi ko nakita ang mukha ng babaeng iyon ng makitang suot mo ito.
Tatawanan ko talaga sya dahil halatang insecure sya dahil sa'yo binigay ng lalakeng
iyon ang kwintas na ito. Baka inaasam nya na sa kanya ibibigay. Inferness,
maganda.. Suotin ko muna, tutal ay ayaw mo pa naman kunin."
"Tsss. Ibibili nalang kita. Sa anak mo 'yan." inis na sabi ni Dad.
"Asus. Pati ba naman sa kwintas na ito nagseselos ka?"
Napangiti ako kahit papaano habang pinapanood sila kung paano maglambingan at
mahalin ang isa't-isa. Gusto ko sana noon na ganyan kami ni Atreo, pero malabo na
iyon ngayon dahil kahit kailan, wala nang pag-asa pa sa amin.

Kabanata 15
Sa ward ng mga babies ay nakatayo ako kasama si Mommy habang pinagmamasdan ang
triplets nila Ate Hera and Kuya Jam. Napakacute nila. Kamukhang-kamukha ni Kuya
Jam. Siguro sa puti lang ang nakuha kay Ate Hera.
"Ang cute-cute naman ng mga apo ko. Hindi ko akalain na ganito agad kadami ang anak
ng Kuya Jam at Ate Hera mo."
Napangiti ako at tumingin kay Mom na nakatingin sa mga bata tila nilalaro pa nya sa
pamamagitan ng paghehele nito. Hindi pa naman sya naiintindihan ng mga ito.
"Nasa lahi naman po, kaya siguro marami agad ang naging anak nila. 'Di ba po, kapag
kambal, posible na magkaanak din po ng higit sa isa?"
"Oo.." napahinga sya ng malalim at tumingin sa akin, "Hindi ka na ba ginugulo ng
asawa nung Alvarez?"
Umiling ako sa bigla nyang paglinis ng usapan na napunta naman ngayon sa akin.
Tumingin muli ako sa kambal na mahimbing na natutulog. Nagpapasalamat ako at hindi
kumalat ang gulong nangyari sa Lux Calisse nung nakaraan. Pero ngayon ay ramdam ko
naman ang ilan kong katrabaho na naiilang sa akin. Ang iba ay naaabutan ko pang
pinag-uusapan ako tungkol sa pagiging kabit ko.
Palagi akong pinagtatanggol nila Zylene at Allison, pero kahit siguro anong gawin
ko ay hindi na maganda ang tingin nila sa akin.
"Hindi na po.."
"Dapat kasi pinakasuhan mo na iyon sa Dad mo. Hindi ka dapat nagpapaapi sa babaeng
iyon."
Hinaplos ko ang likod nya dahil galit na galit talaga sya kay Suzane. Nauunawaan ko
naman dahil sino ba namang magulang ang hindi sasama ang loob kung naaargabyado ang
anak nya? Wala naman..
"Mom, alam nyo naman po na ayoko na nang gulo. At kahit kasuhan ko pa po sya ay ako
lang po ang mapapahiya."
"At bakit? Dahil naging kabit ka nung Alvarez? Hindi mo naman alam, kaya wala kang
kasalanan doon."
Napahinga ako ng malalim at umiling, "Mom, tama na po. Ayoko na pong pag-usapan
iyon.."
"Kasi... Aist! Kung bakit kasi ang hina-hina mo?"
Natawa ako, "Mana lang po ako sa inyo.." tumingin sya sa akin at napailing pero
napangiti.
"Ay, hindi naman ako mahina. Kapag alam kong nasasaktan na ako ay lumalaban ako.
Kapag alam kong wala akong kasalanan ay hindi ako papayag na maapi."
Napatingin ako sa sahig ng hallway ng hospital na nilalakaran namin. Tinignan lang
namin ang triplets bago kami umalis. Nakapagpaalam na rin kami kela kuya. Habang si
Dad ay naunang lumabas para kunin ang sasakyan.
Tinatak ko sa isip at puso ko ang lahat ng sinabi ni Mom. Next time hindi ko na
hahayaan na apihin ako ni Suzane. Hindi ko naman alam na may asawa na si Atreo,
kaya wala akong kasalanan.
"Saan tayo?" Tanong ni Mom.
"Umuwi na tayo. Inaantok pa ako dahil madaling araw palang ay nagising na tayo
dahil sa biglang panganganak ni Hera."
Gaya ng sabi ni Mom ay sinunod sya ni Dad. Kinuha ko ang phone ko at balak ko sana
itext sila Zylene at Allison ngunit napatigil ako ng makita ang text ni Atreo.
Hindi ko kailanman binabasa ang text ni Atreo kahit na natutukso ako na buksan
iyon. Wala naman sigurong masama kung basahin ko?
Can we talk? Please, baby.
Napahinga ako ng malalim sa nabasang text nya. Hindi talaga sya titigil? Hindi ba
nya maunawaan na kailangan na nyang tigilan ako dahil hindi tamang mangaliwa sya sa
asawa nya!?
Hindi ko na ito sinagot. Bahala sya, basta ako nalang ang lalayo para sa ikabubuti
ng lahat.
Pagdating sa bahay ay umakyat agad ako sa taas para makapaglinis ng katawan at
matulog. Napagod ako sa work at sumakit ang ulo ko dahil sa amoy ng hospital.
Pagkalapat na pagkalapat ng katawan ko sa kama ko ay agad akong tinangay ng antok.
Sa pagod at antok ay hindi ko na narinig pa ang mga bagay na nangyayari sa paligid
ko.
Napaupo ako at napaatras sa gulat ng bumungad si Atreo sa pagbukas palang ng mga
mata ko. Agad syang sumenyas na wag akong maingay.
Napalunok ako at kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.
"A-Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na!" galit ngunit halos pabulong kong
pagpapaalis sa kanya.
Hinawakan nya ako sa mukha at umiling sya. Bakas sa mukha nya ang pagtutol sa gusto
kong mangyari.
"Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakaayos, baby. Gusto kitang makausap pero
ayaw mo naman akong pagbigyan."
"At bakit kita pagbibigyan? Wala na tayong dapat pang pag-usapan dahil ang
relasyong namamagitan sa atin ay isang pagkakamali lamang. Niloko mo ako at
pinaglaruan. Alam mo kasi na gustong-gusto kita kaya sinamantala mo ako! Ginawa mo
akong kabit na hindi ko matanggap!"
Hinawi ko ang kamay nya at tinulak ko sya paalis sa kama ko pero hindi sya
nagpatinag.
"Hindi ko naman mahal si Suzane. Kahit kailan hindi ko sya minahal."
Napatigil ako at napatingin sa kanya. Napahinga sya ng malalim at kinuha ang kamay
ko. Ambang aalisin ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya ng higpitan nya iyon.
"Bigyan mo ako ng panahon para mawala ang bisa ng kasal namin. Pinoproseso na sa
korte sa ibang bansa kaya konting panahon nalang."
"At bakit naman ako maniniwala sa'yo?" hinigit ko ang kamay ko kaya napabitaw sya
sa pagkakahawak sa aking kamay, "Atreo, niloko mo na ako, kaya kailanman ay hindi
na ako maniniwala sa'yo."
"Because I love you.." napabuka-sara ang bibig ko sa matigas nyang pagkakasabi
no'n, "I love you, Grace Jane." aniya at lumapit pa sya sa akin.
"Hindi.."
Hinawakan nya ako sa mukha at hinaplos-haplos habang tinititigan ako ng masuyo.
"Nahihirapan ako kung hindi kita nakikita at nahahawakan ng ganito araw-araw. Ikaw
lang ang minahal ko ng ganito.."
Umiling ako at pumatak na ang luha ko, "May asawa ka na at anak, Atreo. Hindi ko na
matutugunan pa 'yang pagmamahal mo."
Hinawakan ko sya sa dibdib ng halikan nya ako sa labi ng mapusok. Pinagsusuntok ko
ang dibdib nya para patigilan sya dahil hindi ito tama. Kinuha nya ang mga kamay ko
at dinala sa leeg nya.
Napahiga ako sa kama ko ng ihiga nya ako. Napahinga ako ng malalim ng bitawan nya
ang labi ko at tumingin sya sa akin ng seryoso.
"Maayos ko lahat, baby. Kaya wag kang mangamba. At alam kong mahal mo ako dahil
ramdam ko."
"Hindi kita mahal."
Ngumisi sya ng mahubad nya ang suot nyang t-shirt na gray.
"It's a lie, baby. A lie..." aniya at muling sinakop ang labi ko na animo'y hindi
ko matatanggihan.
Ramdam ko ang pag ngiti nya sa ginawa kong pagtugon sa kanya. Hindi ko parin sya
matanggihan. Tila ang puso ko ang syang nasusunod kesa sa isip ko na pilit sinasabi
na isa itong kamalian.
Bumuhos ang lahat ng pangungulila sa sabik naming palitan ng halik. Mariin ang
pagkakahawak ng aming kamay habang mabilis ang aming mga labi sa pag tugon sa
mainit na halik.
Sa sobrang pagdadala sa akin ni Atreo ay hindi ko namalayan na kusa na naming
nahubad ang aming saplot. Ramdam ko ang pagkikiskisan ang aming katawan at ramdam
na ramdam ko ang bawat init na binibigay namin sa isa't-isa.
Napasabunot ako sa buhok nya at napasinghap ng paglaruan ng labi at dila nya ang
dibdib ko. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil halos hindi ako makahinga sa kakaibang
tensyon na dinudulot nya sa akin.
Napatingin ako sa kanya ng bumaba sya pababa hanggang sa madaanan nya ang tiyan ko,
kaya kanya iyong hinalikan at dinilaan. Pinagparte nya ang mga binti ko at
napapikit ako at napakapit sa kumot ng maramdaman ko ang humahagod nyang dila sa
pagkababae ko na nagpakiliti sa akin ng todo-todo.
"God Atreo.." halos pigil ang pag sigaw ko kahit halos hindi ko na makayanan pa ang
lahat. Naisip ko na baka posibleng marinig ang ungol ko kaya pinigilan ko ang boses
ko at napatakip nalang ako ng bibig habang namimilipit na ako sa ginagawa nya.
Para akong magaang na bagay na hinila nya palapit sa kanya kung kaya ay halos
nakaangat ang katawan ko mula sa kama habang sobrang dikit ng katawan ko sa kanya.
Mariin syang nakahawak sa bewang ko habang sinesentro nya ang pagkalalake nya.
"May namamagitan na ba sa inyo ng vincent na iyon?" tanong nya habang tinitignan
ako ng matalim habang tinutukso ako.
Umiling ako kaya pumulupot na ang dalawa nyang braso sa bewang ko at napadaing kami
pareho ng sumagad sya hanggang sa kaloob-looban ko.
"Good.." aniya at muling sinakop ang labi ko habang nasa ganun kaming posisyon
habang marahan syang gumagalaw. Napahigpit ang kapit ko sa leeg nya at halos hindi
ako makatugon sa kanya sa diin ng pagdiin ng katawan nya sa akin.
Umuungol ako sa bibig nya habang tinatanggap ang lahat ng pang aangkin nya. Umuuga
ang kama sa sobrang gigil nya kaya agad nya akong binuhat paalis sa kama at dinala
ako sa aking sofa sa kwarto para doon ako ihiga.
Napayakap ako sa likod nya ng bumilis ang galaw nya. Halos igitgit nya ako sa gilid
ng sofa sa sobrang pagkasabik nya.
Hinalikan nya akong muli habang pabilis na pabilis ang galaw nya. Pareho kaming
napasinghap at nanginig kaya humigpit ang yakap namin sa isa't-isa.
Malalim ang paghinga namin habang pinapahupa ang init. Kinantilan nya akong muli ng
malalim na halik bago sya umalis sa ibabaw ko at nahiga sya sa tabi ko. Niyakap nya
ako habang nakatalikod ako sa kanya at nakatagilid kami ng higa.
Pumikit ako at tinablan na naman ako ng konsensya ko dahil bumigay na naman ako sa
kanya. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi lang sya ang dapat na sisihin kundi
pati ako. Gusto ko rin itong nangyari kaya wala akong dapat sisihin kundi ako.
"Hindi ako titigil sa'yo.. Aayusin ko ito agad." aniya ngunit wala akong sinagot na
tugon sa kanya.
Inalis ko ang kamay nya sa bewang ko at bumangon ako sa pagkakahiga. Hindi ko na
ininda ang hubad kong katawan dahil nakita na rin naman nya ang lahat sa akin.
"Pakisara nalang ang sliding door pag-alis mo."
Tumungo ako ng banyo para maglinis. Pagsara ko ng pinto ay napasandal ako doon at
napapikit. Nalakad ako patungo sa shower habang lutang na lutang ang pakiramdam ko.
Naguguluhan ako at natatakot sa maaaring idulot ng mali naming ginawa. Pero paano
ko pipigilan ang damdamin ko kung ito mismo ang lumalabag?
Tumingala ako at pumikit habang bumabagsak sa aking ulo pababa sa aking katawan ang
tubig na nagbibigay ng kaginhawaan at katiwasayan ng aking isipan.
Tila lahat ng kasalanan ko sa batas at diyos ay nililinis nito kahit saglit.
Pinatay ko ang shower kaya natigil ang pagtulo ng tubig sa aking katawan. Napahinga
ako ng malalim at hinagod ko ang buhok ko para ipalis ang tubig na tumutulo sa
aking mukha.
Lumabas ako ng kwarto habang tinatali ang roba sa aking katawan. Napatingin ako sa
sliding door at nakita ko na nakasara na iyon. Hindi ko alam kung anong ginawa nya
para makapasok sya? Siguro ay sinamantala nya ang pagiging panatag ng mga tauhan ni
Dad na hindi na sya pupuslit rito. Kaya walang nakatunog sa kanya na pumasok syang
muli.
Napahinto ako sa paglalakad ng mapatingin ako sa kama at nakita ko na may naiwan
doong nakatiklop na papel. Lumapit ako at kinuha ko ito bago naupo sa kama habang
inaalis ang pagkakatiklop ng papel.
Baby, give me a chance to show you how much I love you. I'll give up everything
just for you.... Good night and I love you. ❤
Naibaba ko sa kandungan ko ang kamay ko na hawak ang sulat nya. Hinaplos ko ang
sulat kamay nya na napakaganda ng hand writing nya. Napakalinis at parang hindi
isang general ang nagsulat.
Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi nya. Hindi ko akalain na mahal nya rin
ako. Kita at ramdam ko na mahal nya ako.
"Bitch, para kang tanga."
Napakurap ako ng mata ng pukawin ako ni Zylene ng pumalakpak sya ng dalawang beses
malapit sa mukha ko. Umayos ako ng pagkakaupo sa heardresser chair na kinauupuan
ko.
"Ano bang sinasabi mo?" umiwas ako ng tingin sa kanila at pinagpatuloy ko ang pag
retouch ko.
"Kanina pa kasi namin napapansin ang pagkatulala mo, tapos napapailing ka pa. May
nililihim ka ba sa amin?"
Napailing ako at napangiti sa kuryosidad ng dalawa.
"Don't mind me. Sige, I have to go." inayos ko na ang bag ko at ambang tatayo na
ako ng hawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso.
"Hep! Hep!"
"What?" napakunot-noo ako habang tinitignan sila na mga nakangisi sa akin.
"Girls night out naman tayo. Tutal ay payag naman na ang parents mo na lumabas-
labas ka basta kami ang kasama mo."
Napahinga ako ng malalim dahil alam kong hindi ako tatantanan ng dalawang ito. Nais
ko sana na umuwi para makasabay sa dinner nila Mom.
"Baka magkaroon na naman gulo? Ayoko ng pumunta sa mga bar."
"Hindi na tayo sa bar pupunta. Magshopping nalang tayo."
"Dali na, bitch. Libre mo kami." sulsol pa ni Allison sa anyaya ni Zylene.
"Okay, okay. Geez. Wala talaga akong takas sa inyo."
Nag-apiran sila kaya sinamagutan ko sila na kinatawa nila.
Sabay-sabay na kaming naglakad para umalis sa Lux Calisse building. Nagtatawanan
kami ng mapahinto ako ng mapatingin sa lalakeng nakatayo habang nakasandal sa isang
kotseng magara. Napaayos sya ng tayo ng makita ako at napangiti sya.
"O. M. G." sabay na bulalas ng dalawa na siniko ako kaya napatingin ako sa kanila
na binibigyan ako ng mapanuksong tingin.
Napahigpit ang hawak ko sa shoulder bag ko ng maglakad sya palapit sa amin. May
hawak syang bouquet ng flower.
"Hi." bati nya na kinakapit ng dalawa sa akin habang tila mga nangingisay sa
kinatatayuan nila.
"God. Mas gwapo pala sya kapag maliwanag at mas malapitan." bulong ni Zylene sa
akin.
Napatikhim ako at tumingin kay Atreo na nilahad ang bulaklak na dala nya.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napangiti sya ng hindi ko kunin ang bulaklak na dala nya.
"Let's watch the movie." aniya at may kinuha sya sa bulsa ng suot nyang coat at
nakita ko ang ticket ng movie.
"Sorry, pero hindi ako pwede."
"Kami, pwede kami. Available na available."
Pinanlakihan ko ng mata ang dalawa dahil sabay pa talaga sila. Akala ko ba ay
magsho-shopping kami?
"Hindi kami pwede, dahil may lakad kami. For girls only lang. Bitch, let's go."
hinawakan ko na ang dalawa at aalis na sana kami ng humarang pa sa amin si Atreo.
"Vipers!" aniya at napatingin kami sa bawat kotse na nakakalat sa paligid.
Nagbabaan doon ang vipers na kinatili ng dalawa, "Quest. Haris, alam nyo na."
tumingin ako kay Atreo na nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko sya ng kilay na
kinangiti nya.
Napatingin ako kay Quest at Haris na lumapit kay Zylene at Allison. Inoffer nila
ang braso sa dalawa kaya agad na inalis ng dalawa ang pagkakahawak ko sa kanila at
agad silang humawak sa braso ni Quest at Haris.
"Omg. Ang tigas-tigas." impit na tili ni Allison habang hinahaplos ang braso ni
Quest.
"Ang bango nya, bitch." napatingin naman ako kay Zylene.
"Hey bitches! Sasama talaga kayo sa kanila? May shopping pa tayo, 'di ba?"
Lumingon ang dalawa ng ambang sasama na sila kela Quest at Haris.
"Sorry, bitch, pero nagbago na ang isip namin." humahagikgik na sabay nilang sabi
at todo kapit kay Quest at Haris na sumama na sila.
Napapadyak ako dahil nakakainis sila. Sila ang nag-aya pero iiwan lang ako sa ere
dahil nakakita ng lalake. Pinagpalit talaga nila ako sa dalawa. Nakakainis!
"Ehem!"
Tumingin ako kay Atreo ng tumikhim sya. Inirapan ko sya at maglalakad na sana ako
ng ibigay nya sa akin ang bulaklak na dala nya at agad nyang hinawakan ang kamay ko
na pinasiklop nya sa mga daliri nya.
"Wala ka nang choice kundi sumama sa akin." aniya at hinila na ako palapit sa kotse
nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa front seat kaya napatingin ako sa kanya.
Magsasalita sana ako ng hawakan nya ang ulo ko at ginabayan na ako sa pagpasok sa
kotse nya.
Nang makaupo ako ay tumingin ako sa kanya na sinara na agad ang pinto. Kinausap pa
nya ang vipers kaya nilapag ko sa kandungan ko ang bag ko at ang bouquet ng flower.
Napatingin akong muli sa kanya ng buksan na nya ang pinto sa driver seat at sumakay
na sya. Umayos sya ng upo at binuhay ang kotse.
"Bakit mo ba ginagawa ito? Hindi mo ba maintindihan na hindi na tayo pwedeng
magkita pa dahil tiyak na marami na ang makakakita?"
"Ginagawa ko ito dahil gusto kong ligawan ka na hindi ko pa nagagawa sa'yo. At
gusto kong makasama ka kaya may masama ba doon?"
Seryoso na nyang pinaandar ang sasakyan kaya napahinga ako ng malalim.
"Masama dahil may asawa ka."
Hindi na sya sumagot at mas binilisan nalang nya ang pagpapatakbo ng sasakyan nya.
Pagdating sa mall ay wala akong imik na sumasabay sa kanya sa paglalakad.
Pinagtitinginan kami ng tao at halos ang mga kababaihan ay nababali ang leeg sa
kakatingin kay Atreo.
Napatingin ako sa bewang ko ng ipulupot ni Atreo ang kamay nya doon. Tumingin ako
sa kanya at nakita ko ang pagtiim ng bagang nya habang matalim ang tingin nya na
kinataka ko.
Hindi ko nalang sya pinansin at nagtungo kami sa second floor ng mall para puntahan
ang cinehan.
Binigay nya ang nabili nyang ticket sa nagbabantay sa entrance ng cinema. Pumasok
na kami habang bitbit nya ang pop corn at drinks na binili nya sa amin. Naupo kami
sa pinakagitna. Marami nang tao kaya nagsimula nang buksan ang malaking screen.
Nagcross legs ako at umayos ng upo habang nakatingin sa screen. Napatingin ako kay
Atreo ng alisin nya ang suot na coat. Nabigla ako at napaalis ako sa pag cross legs
ko ng takpan nya ang hita ko.
"Tsss. Masyadong maikli." aniya at umayos na sya ng upo habang nakasandal ang ulo
sa kinauupuan nya.
Napatingin ako sa paligid at pasimpleng inayos ang pagkakatakip ng coat nya sa hita
ko. Tila nag-init rin ang pisngi ko sa sinabi nya. Hindi ko naman kasi akalain na
aayain nya ako rito. Suot ko pa naman ang fitted dress ko na itim na may slit sa
magkabilang gilid.
Tumikhim nalang ako at kinuha ang drinks na nilapag nya sa upuan ko. Nagsimula na
ang movie kaya doon nalang nakatutok ang mata ko habang paunti-unti lang ang higop
ko sa drinks.
Hindi ko akalain na ang pipiliin nyang movie ay ang fifty shades of grey. Tila
nasamid sya ng maunawaan nya ang pinili nyang movie. Napakuha rin sya sa drinks nya
at napainom sa scene kung saan ay medyo nakakailang.
"Si-Sila Sonny ang pinabili ko ng ticket kaya hindi ko alam ang pelikulang ito."
aniya bigla tila napakadefensive nya at nais na wag akong maturn off.
Lihim na napangiti ako dahil tila hindi naman sya mahilig sa ganito. Hindi man lang
nya inalam ang ticket na pinabili nya.
Mula simula hanggang natapos ay hindi kami naging komportable sa isa't-isa. Lumabas
na kami ng sinehan habang tahimik na lumalakad.
God! Ewan ko kung anong meron sa movie na iyon at pareho kaming naapektuhan?
"Dinner?" napatingin ako sa kanya ng ayain ako kaya tumango ako.
Sa isang sikat na restaurant ang napili naming kainan.. Agad kaming sinalubong ng
waitres at binati kami.
"Table for two." sabi ni Atreo kaya inaya kami ng waitres sa table na pang
dalawahan..
Pinaghila ako ni Atreo ng upuan kaya nagpasalamat ako sa kanya ng makaupo ako.
Naupo na rin sya sa katapat ko at nanghingi ng menu sa waitres. Pumipili ako ng
kakainin ko ng dumikit ang binti ni Atreo sa binti ko. Tumingin ako sa kanya na
namimili ng pagkain at tila wala naman sa kanya iyon. Sa tangkad nya kasi ay halos
umabot na ang hita nya sa akin at nakakulong na ang binti ko sa pagitan ng binti
nya.
Nang ambang titingin sya sa akin ay agad kong pinokus ang paningin ko sa menu.
Tinuro ko sa waitres ang nais kong kainin na agad naman nitong nilista. Binigay ko
na sa kanya ang menu kaya kinuha na nito at umalis.
Napatingin ako kay Atreo na napapatapik ng daliri sa table habang ngiti-ngiti sya..
Tumingin sya sa akin kaya nagkatinginan kami.
Agad akong napaiwas ng tingin dahil halos hindi ko makayanan ngayon ang tingin nya.
Kinakabahan din ako, hindi dahil sa takot, ngunit sa pagbilis ng tibok ng puso ko.
Inabot nya ang baba ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya ng pisilin nya ang
baba ko.
"Nasaan na ang baby kong mahilig mang-akit at kaya akong titigan ng matagal?" pilyo
nyang tanong kaya hinawi ko ang kamay nya na kinahalakhak nya.
"Tumigil ka." suway ko sa kanya.
"Bakit, hindi mo na kaya, ha?" hamon nya at medyo nilapit nya ang mukha habang
titig na titig sa akin.
"Wag mo akong hamunin, baka magsisi ka." seryosong sabi ko at pinatong ko ang braso
ko sa lamesa at medyo nilapit ko rin ang mukha ko kaya ilang pulagad nalang ang
layo ng mukha namin.
Nagpigil sya ng ngiti at napakagat labi habang titig na titig sya sa akin. Hinubad
ko ang pumps na suot ko at sinayad ko ang paa ko sa binti nya na kinalunok nya.
Pumalumbaba ako at kinagat ang dulo hintuturo ko habang tinitignan sya na may pang-
aakit.
Sumandal ako sa upuan ko at inangat ko pa ang paa ko hanggang sa umabot iyon sa
pagitan ng hita nya. Napangisi ako ng maramdaman ko ang umbok sa pants nya na
kinaayos nya ng upo.
Binaba ko na ang paa ko ng makitang palapit na ang waitres. Tumingin ako sa kanya
na napahawak sa gilid ng lamesa at napapalunok habang nakatingin sa pagkaing
inorder namin na nilapag ng waitres.
Napailing ako at lihim na napangiti dahil hindi naman pala nya kaya, lakas pa ng
loob maghamon.
Kabanata 16
"Atreo!" napatili ako ng isandal ako ni Atreo sa kotse nya ng makarating kami sa
parking lot. Napakapit ako sa balikat nya ng sakupin ng labi nya ang labi ko na
animo'y sabik na sabik. Hinatak nya ako sa bewang para buksan ang pinto sa
backseat, "Ouch!" napadaing ako sa sakit ng mauntog ako dahil sa pagmamadali nya na
maipasok ako sa backseat.
"Shit! Sorry, baby." aniya at hinaplos ang ulo ko at hinalikan ang nauntog kong
ulo.
Tumingin ako sa kanya kaya napatingin sya sa akin. Tuluyan akong napahiga sa upuan
ng muli nya akong halikan. Dumagan ang katawan nya sa akin habang palalim na
palalim ang halikan namin. Nakapikit ako habang tumutugon sa halik nya. Napakapit
ako sa coat nyang suot ng haplusin nya ang binti ko paakyat hanggang sa hita ko.
Napabuka ako ng bibig ng mas dumiin sya sa akin para maramdaman ko ang kanina pa
nyang umuumbok na sandata. Sinamantala nya ang pagbuka ng bibig ko kaya malaya ang
dila nya na gumalugad sa loob ng bibig ko.
Napahaplos ako sa buhok nya at napatingala ako ng bumaba ang labi nya sa leeg ko.
Huminga ako ng malalim at napakagat ako ng labi ng ibaba nya ang zipper ng dress ko
sa harap, kung kaya ay malaya na bumaba pa ang labi nya sa guhit sa gitna ng dibdib
ko. Napadaing ako ng hawakan nya ang mga dibdib ko habang humahaplos ang ilong nya
doon. Binaba nya ang zipper hanggang pusod ko kaya madali nyang hinawi ang dress ko
na kinabunyag ng dibdib ko.
"I like your dress, baby.." aniya kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay
nakatingin sa akin habang nakangisi.
Hinaplos ko ang mukha nya kaya napapikit sya at hinawakan ang kamay ko. Dinala nya
ang daliri ko sa labi nya. Sinubo nya ang hintuturo kong daliri kaya napakagat ako
ng labi habang tinitignan sya kung gaano kasexy sumipsip.
Dumilat sya at tumingin sa akin ang mga mata nya na mabangis ngunit kayang
magpatangay ng damdamin.
Inalis nya ako mula sa pagkakahiga at sya ang naupo sa upuan bago nya ako ipaupo sa
kandungan nya paharap sa kanya. Napahawak ako sa balikat nya ng hawiin nya ang
buhok ko at hapitin ako sa bewang palapit pa sa kanya, kaya napahawak ako sa
sandalan ng upuan. Humaplos ang kamay nya sa bewang ko habang nakatingala sya sa
akin.
"Kanina pa ako timping-timpi sa'yo, baby. Napakagaling mo talagang mang-akit."
aniya kaya ngumisi ako na kinangisi nya.
Bumaba ang mukha ko para abutin ang labi nya. Marahan ang aming halik habang
marahan nya akong ginigiling sa kandungan nya.
Inangat nya ako kaya bumitaw ako sa labi nya at napasubsob ako sa leeg nya habang
sya ay mabilis na inaalis ang belt at binababa ang zipper ng pants nya. Humalik ako
sa leeg nya na kinadaing nya kaya napangiti ako.
"Damn baby!" matigas nyang suway sa akin kaya lalo akong napangisi.
"I know you like this.." bulong ko sa tenga nya at kinagat na lalong kinaintense ng
katawan nya.
Pinalo nya ako sa pang-upo kaya napatigil ako sa panunukso sa kanya at tumingin sa
kanya. Ngumisi sya at niyakap ako kaya napahawak ako sa ulo nya bago napadaing ng
hawiin nya ang panty ko at tuluyang maramdaman ko ang pagkalalake nya sa kaloob-
looban ko.
"Yes, I like this." bulong nya habang pisil-pisil ang pang-upo ko habang
ginagabayan ako sa pag-indayog sa kandungan nya.
Tumingin ako sa kanya kaya agad nyang sinakop ang labi ko na agad ko namang
tinugunan. Napayakap ako sa leeg nya habang bumibilis ang galaw ko sa kandungan
nya. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko at maging ang kanya.
Niyakap nya ako ng mahigpit habang sinasalubong nya ang bawat paggalaw ko. Sinipsip
nya ang labi ko at muling nagtagpo ang dila namin na nag-e-espadahan.

Kabanata 17
"Uy! Tulala ka, Bitch."
Tumingin ako kay Allison na umiinom ng fresh fruit juice. Wala naman kaming
ginagawa masyado ngayon sa Lux kaya nakatambay kami rito sa rooftop ng building.
Si Zylene naman ay busy sa cellphone nya na nangingiti tila kinikilig pa. Hindi nya
namalayan na kanina pa sya dinudukutan ni Allison ng banana chips.
"Alam nyo ba na magkapatid pala si Won at Atreo."
Napukaw ko ang atensyon nila at sabay silang napalingon sa akin. Gusto kong matawa
sa reaksyon nila pero para akong latang-lata at walang gana. Mabuti na lamang at
naisipan ng dalawa na mamahinga kami rito sa rooftop kung saan ay pinagtulungan pa
naming iakyat ang isang sofa mula sa dressing room.
"Ano? Magkapatid si Won at Atreo?" halos sabay nilang tanong kaya tumango ako at
pumikit. Mabuti na lamang at suot ko ang shades ko kaya hindi masakit sa mata ang
medyo pahapon palang na araw.
"Teka... Paanong nangyari iyon? Saan mo nalaman?"
"Nagpunta kasi si Won last night sa amin para itanong kung totoo ba yung sa amin ni
Atreo. Umamin ako at nagalit sya dahil bakit daw nakikabit pa ako sa may asawa na.
Sakto namang yakap ako ni Won nang aktong iyon ay nakita kami ni Atreo."
"Omg. Your lovelife is so complicated. Grabe, hindi talaga mareach ang beauty mo,
Day."
Napahinga ako ng malalim at nag-isip sa maraming problema na hinaharap ko. Iniisip
ko kung saan ako magsisimula? Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit nga ba
nagpakasal si Atreo kay Suzane kung hindi naman nya ito mahal?
"Yeah. Zylene is right. Gosh. Hindi ko ata kaya na lumagay sa posisyon mo. Kapag sa
akin nangyari 'yan, baka masiraan ako ng ulo."
Umayos ako ng upo at tumingin sa kanila ng seryoso.
"Bitches, Ano sa tingin nyo ang posibleng dahilan para magpakasal ka sa babaeng
hindi mo naman mahal?"
Tumingin ako sa kanila. Nakasandal sila sa upuan habang nakatingin sa view na aming
nakikita.
"Hmm. Tingin ko ay baka fix marriage?"
"O baka naman ay unwanted marriage?"
Posible ang suggestion nila. Pero sa pagkakakilala ko kay Atreo, hindi sya yung
taong gagawin ang bagay na ayaw nya, maliban nalang kung mapipilitan sya.
"Alam mo, bitch, kung ako sa'yo, kesa mag-isip ka sa wala, bakit hindi mo nalang
alamin sa mga taong nakapaligid kay Atreo ang lahat? Tutal ay kaya mo naman kumuha
ng private investigator."
Napatingin ako kay Allison dahil sa sinabi nya. Napaisip ako at napangiti bago
tumingin kay Allison.
"Thank you, Allison. Sige, alis muna ako." tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa
at binigay ko kay Zylene ang banana chips at fruit juice na hindi ko naman nakain
at nainom.
"Teka, iiwan mo talaga kami? Sama kami."
Napatigil naman ako at napahinga ng malalim. Sinenyasan ko ang dalawa kaya ngiti-
ngiti sila na excited na tumayo habang bitbit ang kinakain nila.
Hindi na kami nagpaalam kay Derek dahil baka hindi lang kami payagan no'n, lalo't
ayaw no'n na umalis pa kami dahil mamaya ay may photoshoot pa kami.
Sa kotse kami ni Allison sumakay. Tinakasan lang namin ang bodyguard ko at sa likod
kami dumaan na pinagpapasalamat namin dahil doon nakaparada ang kotse ni Allison.
Nasa driver seat si Allison, ako ay nasa front seat, habang si Zylene ay nasa
backseat.
"Saan tayo?" baling sa akin ni Allison. Napaisip naman ako kung saan kami
magsisimula?
Tumingin ako kay Allison na naghihintay ng sasabihin ko.
"Alam ko kung saan nag-wo-work ang kaibigan ni Suzane. Doon muna tayo." tumango si
Allison at pinagpatuloy ang pagmamaneho patungo kung saan ang daan ng restaurant na
kinainan namin noon.
Pagtapat sa restaurant ay hindi kami lumabas ng kotse. Tinitignan ko sa salamin ng
restaurant kung masisipat ko si Ash sa loob. Yun ang pangalan na narinig kong
itinawag ni Suzane sa kaibigan nya.
Napaayos ako ng upo ng makita ito na lumabas ng restaurant. Tumingin ako kay
Allison at tumango kaya pinaandar nya ang sasakyan ngunit mabagal habang sinusundan
namin ito na naglalakad.
"May kaya ba sa buhay si Suzane? Kung sa kagaya nya na maarte at masama ang ugali,
ay nakakapagtaka na nakipagkaibigan sya sa isang waitres?"
"Wala naman akong nakikitang masama doon, Zylene. Siguro ay schoolmate or classmate
sila noong nag-aaral sila."
Hindi na sumagot si Zylene kaya pinokus ko na ang mata ko kay Ash. Sumakay ito ng
bus kaya pinaalerto ko si Allison na dapat ay masundan namin ito dahil baka hindi
na namin masundan kung mawawala ito sa paningin namin.
Sa isang pampublikong hospital ay bumaba sya kaya nagkatinginan kami. Pinarada ni
Allison sa parking lot ang kotse at bumaba na kami para sundan si Ash.
Pasimple at medyo malayo ang distansya namin rito. Nagsuot din ako ng shades at
yung scarf na nasa leeg ko ay pinatakip ko sa bibig ko.
"Bakit nga ba nakasuot ka ng scarf, Bitch? Ang baduy, ha? Hindi mo fashion yan."
komento ni Allison ng mapansin ang pagtakip ko ng scarf sa bibig ko.
"Paano, baka may kiss mark ni Atreo kaya todo takip."
Hindi ko na pinansin ang pang-aasar ni Zylene dahil tama naman sya. Kaninang umaga
ko lang nakita ang dinulot na kagat ni Atreo sa leeg ko. Halos napakapula no'n at
hindi matakpan ng ano mang cover cream o bb cream dahil halata masyado. Kaya wala
akong choice kundi takpan ng scarf kahit nakakairita at mainit sa leeg.
Lumiko si Ash at nakita namin na pumasok sa isang room. Nag-tanguan kaming tatlo at
lumapit sa kwartong pinagpasukan ni Ash. Sumilip ako sa loob dahil kita ang loob
dahil may salamin ang kalahati ng pintuan. Maraming pasyente sa loob at tanging
kurtina lamang ang naghahati sa bawat pasyente.
Nanlaki ang mata ko ng makitang palabas muli si Ash na tila problemado kaya agad
kaming umalis sa pinto at tumayo sa gilid ng pader. Kunwari ay nagkwe-kwentuhan
kami nila Zylene habang ako ay nakatakip parin ang scarf sa bibig ko. Tutal ay
hindi naman nakita ni Ash noon ang dalawa kaya useless lang kung magdisguise din
sila.
Nang makalagpas sa amin si Ash ay nagkatinginan kami at sinundan ito. Lumapit ito
sa nurse station kaya pasimple kaming lumapit para marinig ang sasabihin nito.
"Nurse, bakit hindi nyo pa binibigyan ng lunas ang nanay ko? Sumasakit na ang tiyan
nya."
"I'm sorry, Miss Castro, pero hindi pa kayo nakakabayad sa bill nyo, kaya hindi
namin mabigyan pa ng gamot ang nanay mo."
"Anong klase kayong hospital!? Porket wala kaming pambayad ay hindi nyo gagamutin
ang may sakit! Tinawag pa kayong mga professional nurse, wala rin naman pala kayong
silbi!"
Matapos sigaw-sigawan ni Ash ang mga nurse sa nurse station ay kinuha nya ang phone
habang lumalakad sya palayo sa nurse station. Napahinto sya at tinapat sa tenga ang
phone nya.
"Suzane, tulungan mo ako. Kailangan ko ng pera. Baka mabigyan mo ako... Wala kang
pera? Pinagloloko mo ba ako? Nahihiga ka nga sa pera, tapos sasabihin mo sa akin na
wala kang pera? Aba! Baka lumabas ang baho mo kung hindi mo ako papahiramin...
Mabuti naman at nagbago ang isip mo. Sige, pupuntahan kita d'yan."
Matapos ang pag-uusap ni Ash at Suzane sa kabilang linya ay nagkatinginan kami nila
Zylene sa nalaman namin.
"Sundan natin. May alam yang babaeng yan sa baho ni Suzane." tumango ako at
determinadong gawin ang lahat. Kung malalaman ko na mas masahol pa si Suzane kesa
sa akin, hindi ako magdadalawang isip na tuluyang agawin si Atreo.
Sa isang exclusive hotel ay bumaba si Ash sa tricycle na sinakyan nya.. Agad kaming
bumaba at maingat na sinundan ito. Narinig namin ang sinabi ni Ash sa attendant
kung anong room ang pupuntahan nya. Kaya nang kami ang tanungin ng attendant ay
sinabi namin na kasama namin iyon at doon din kami patungo.
Sumakay si Ash sa elevator kaya pumasok rin kami habang ako ay todo takip para
hindi nya makilala.. Pinagtaasan pa nya ng kilay si Allison at Zylene kaya hindi
naman nagpatalo ang dalawa. Napailing ako ng maglabas ng pabango si Allison at
pinisik sa paligid.
"God. Bakit ang sangsang ng amoy dito? Eww."
"Ako ba ang pinaparinggan mo?" mataray na tanong ni Ash.
"What? What are you saying? May sinabi ba akong pangalan?"
Umirap si Ash at lumabas na nang bumukas ang pinto sa designation floor na
pupuntahan nya. Lumabas din kami ngunit nauna sa akin ang dalawa para takpan ako.
Napahinto naman ako sa paglalakad ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko sa bag ko at
tinignan ang tumatawag. Nakita ko na si Mommy kaya agad kong sinagot.
"Yes, Mom?"
"Anak, umuwi ka na at magpunta ka rito sa bahay ng kuya mo. Nawawala ang Ate Hera
mo."
Nanlaki ang mata ko sa binalita ni Mom. Agad kong inaya ang dalawa na umalis na
rito.
"Paano ang pagsunod natin doon sa babaeng iyon?"
"Tsaka nalang. Kailangan ko ng umuwi dahil kailangan ako ng pamilya ko." tumango si
Allison kaya naisipan na naming umalis sa hotel.
Bumalik kami sa Lux at agad kong tinungo ang bodyguard ko na naghihintay sa akin.
"Seniorita, tumatawag ho ang Lord at pinapauwi na kayo."
"Oo nga, nasabi sa akin ni Mommy. Sa bahay ho tayo nila Kuya Jam."
Umusad na paalis ng Lux ang kotse kaya napahinga ako ng malalim at nag-alala para
sa pamilya ni Kuya. Bakit ganito ang nangyayari? Tila palagi nalang kami lapitin ng
malas.
Sana naman ay makita na si Ate Hera. Dahil paano ang mga bata kung wala silang Ina
na mag-aalaga at magpapakain sa kanila?
Ilang minuto lang ay agad na kaming nakarating sa bahay ni Kuya. Agad akong bumaba
ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Dinig ko agad ang iyakan ng mga bata at sa
sala ay doon ko sila nakita.
"Mom, Dad, Kuya.."
Bumeso ako kay Mom at Dad bago napatingin kay Kuya na kitang-kita ang pagkatulala
habang nakatingin sa mga anak nya na nag-iiyakan.
"Anak, nagugutom na ang mga iyan.. Gamitan mo muna kaya ng de boteng gatas."
"Mom, hindi pwede, dahil ang gusto ni Hera ay breast feeding palagi ang mga bata.
Dito ho muna kayo, maghahanap lang po ako ng maaaring pagkuhaan ng ipapainom ko sa
kanila."
Tumayo na si Kuya at umakyat sa taas para magbihis. Lumapit kami nila Mommy sa
triplets na patuloy sa pag-iyak.
"Diyos ko. Kawawa naman itong mga apo ko." kinilik ni Mommy si Jace. At kinuha ko
naman si Edward na kinangiti ko. First time kong kumilik ng bata kaya napakasarap
pala sa feeling.
Nilaro ko ito kaya tumahan na ito habang nakasubo ang isang daliri sa bibig nya.
Napakacute at nakakaawa talaga kapag umiiyak.
Napatingin ako kay Dad na binuhat si Hammer. Gusto lang pala ng kilik ng tatlo at
tila natakot si Hammer kay Dad kaya natahimik rin.
"Dad, mom, aalis lang ho saglit ako... Grace." tumango ako kay Kuya ng balingan nya
ako. Lumapit sya sa tatlong anak nya at humalik sa noo ng mga ito. Ngayon ko lamang
nakita si Kuya na ganito. Naging responsableng ama sya ngayon.
"Dad, nalaman ho ba kung sino ang dumukot kay Ate?"
Naupo ako sa sofa habang maingat na kilik-kilik ko si Edward. Nakakatuwa dahil
hinayaan ako ni Ate na pangalanan ko ang isa sa mga anak nila.
"Hindi pa, pero kailangan isa-isahin ang mga kaaway sa paligid. Hindi pwedeng
maging padalos-dalos dahil kapag nagkamali ay baka lalo lang mapahamak ang Ate Hera
mo sa humahawak sa kanya ngayon."
Tumango ako at nalulungkot para sa mga pamangkin ko. Sana mahanap na si Ate, dahil
kawawa ang mga bata kapag matatagalan pa bago makita ang ina nila.
-
Natagalan din bago nakabalik si Kuya at may dala na syang maraming breast feed bag.
Agad na nilagay namin sa boteng binili nya ang mga gatas at pinainom sa mga bata na
nakahiga na sa higaan na mga ito sa isang baby cribs.
"Grace anak.." tumingin ako kay Mommy ng tawagin nya ako, "Mauna ka nang umuwi at
alam kong pagod ka na. Magpahatid ka nalang muna sa mga bodyguard mo."
Tumango ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Kinuha ko ang bag ko at bumeso
kela mommy at daddy.
"Kuya, mauna na ako. Bukas ay pupunta ako rito. Hindi muna ako papasok para
matulungan ka sa pag-aalaga."
Ngumiti sya at umiling, "Wag na. Pumasok ka na sa work mo. 'Di ba may home study ka
pa din?"
Tumango ako kaya hindi nya ako pinayagan na lumiban muna sa work at sa home study
ko.
Nagpahatid na ako sa mga bodyguard ko sa bahay. Pero malapit na sana kami sa lupain
namin ay biglang napapreno ang driver ko.
"Anong problema, Manong?"
"Seniorita, may humarang ho sa atin." tugon nito at naglabas ng baril. Tumingin ako
sa unahan at nakita ko na nagbabaan ang mga sakay ng kotse na humarang sa amin.
Napayuko ako ng magpaputok ang mga humarang sa amin. Bumukas ang pinto sa side ko
kaya napatingin ako rito.
"Seniorita, tumakas na ho kayo. Kami na ang bahala rito."
Tumango ako at nagmadaling bumaba. Inalalayan ako ng isang bodyguard ko at tumakbo
na ako.
May nakita akong paraan na nakamotor kaya agad ko itong hinarang. Napahinto ito
kaya binaba ko na ang kamay ko at lumapit rito.
"Kuya, help us, there's a--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng alisin nito ang helmet nito at sumalubong sa akin
ang mukha ni Atreo.
"Atreo?"
"Sakay, baby." aniya kaya tumingin ako sa pinaghintuan ng kotse at nakita ko na
nakikibakbakan ang mga bodyguard.
Agad akong sumakay sa likod ni Atreo at kumapit sa bewang nya. Napapikit ako ng
magpaputok sa gawi namin ang mga humarang sa amin, pero bumunot rin ng baril si
Atreo at pinaputukan ang mga namamaril sa amin habang ginegewang nya ang motor.
"Baby, hold this." agad akong napadilat at tumingin sa kanya. Inabot nya ang baril
na hawak nya kaya kinuha ko iyon at tinignan, "Paputukan mo sila habang pabalik
tayo."
Napahinga ako ng malalim at tumango. Nag U-turn si Atreo at medyo mild lang ang
pagpapatakbo nya ng makalapit na kami sa mga humarang sa amin.
Umayos ako ng upo at inuma sa isang nakamask ang baril at binaril ko ito. Tumumba
ito kaya napangiti ako. Binaril ko rin ang ilan na napatumba ko. Hininto ni Atreo
ang pagpapatakbo kaya binaril ko ang isa na nakikipagbarilan pa sa mga bodyguard
ko.
"Psst!" sinitsitan ko ito na kinalingon nito, kaya ngumiti ako at binaril ito na
kinatumba nito.
Lumingon sa akin si Atreo na nakakunot ang noo.
"Tsss." nagtaka naman ako ng mag sungit sya pero napahawak muli ako sa bewang nya
ng patakbuhin nya ang motor nya sa pinangyarihang barilan.
"Wait! Saan tayo pupunta?"
Hindi sya sumagot at binilisan ang pagpapatakbo nya. Malayo-layo ang naging byahe
bago kami nakarating sa isang malaking bahay.
Bumusina sya kaya kusa na bumukas ang gate ng bahay. Pinasok nya ang motor at
huminto kami sa hagdan kung saan patungo sa main door ng bahay.
May mga nakaparadang sasakyan sa labas. Bumaba ako habang tumitingi sa paligid ng
bahay. Napakalaki at parang isa na itong hotel.
Napatingin ako kay Atreo ng hawakan nya ako sa kamay.
"Teka, anong ginagawa natin rito?" tumingin sya sa akin at ngumiti lang sya bago
ako hinila papasok.
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang pinapasok namin. Para akong pumasok sa
lobby ng hotel sa itsura ng bahay. Naglalakihan ang chandelier at mamahalin ang
lahat ng appliances
Nakarinig ako ng halakhakan at tunog ng kubyertos. Napahawak ako sa braso ni Atreo
habang sumasabay sa kanya sa paglalakad.
Pumasok kami sa isang room. Binuksan ni Atreo ang pinto at hinila ako papasok doon.
Pagpasok namin ay napatigil ang halakhak at napatingin sa amin ang mga taong
nakaupo sa harap ng hapag tila naghahapunan.
Napatayo si Suzane kaya napatingin ako kay Atreo.
Bakit nya ako dinala rito? Anong pinaplano nya?
"Bakit mo sya dinala rito, Atreo?" tanong ni Suzane.
"Who's that girl, Atreo?" tanong ng isang ginang na maputi ang kutis at bakas sa
mukha nya ang striktong mukha.
"Ma, sya ang kabit ni Atreo. Ang kapal naman ng mukha na sumama pa rito at umeksena
sa hapunan natin." si Suzane ang sumagot sa tanong ng ginang na nalaman ko na Mommy
ni Atreo. Kinabahan ako dahil pamilya pala ni Atreo ang lahat ng narito. Napatingin
ako kay Won na seryoso ang mukha habang nakatingin sa plato nya.
"What are you doing, Atreo? Are you out of your mind? Bakit mo dinala ang babae mo
rito?" matigas na tanong ng ginoo na nasa pinakagitna ng lamesa tila sya ang
nakakataas.
Napatingin ako kay Atreo nang humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Seryoso
ang mukha nya at wala akong mabasa sa iniisip nya.
"I want you all to know that this girl is my girlfriend. And I want to marry her."
Napamaang ako sa sinabi nya at hindi makapaniwala.
"What? Are you crazy, Atreo? Nasasabi mo talaga yan sa harap ng pamilya mo? At sa
mismong anak natin?" galit na tanong ni Suzane at napatingin ako sa batang nasa
tabi nya habang nakaupo at nakatingin sa amin.
Inalis ko ang kamay ni Atreo sa akin kaya napatingin sya sa akin. Yumuko ako para
humingi ng paumanhin.
"Pasensya na po sa abala. Hindi na po mauulit ito. Aalis na po ako."
"Mabuting umalis ka na nga, kabit."
"Stop it, Suzane! Don't you dare call her like that." suway ni Atreo kay Suzane na
hindi makapaniwala.
Tumalikod na ako dahil hindi ko makayanan pa ang nangyayari at tila bibigay na ang
luha ko.
Tumakbo ako palabas ng room na iyon at nangingilid na ang luha ko. May humaklit sa
braso ko at hinarap ako nito kaya agad ko syang sinalubong ng sampal.
"Bakit mo ginagawa sa akin ito? Talagang dinala mo ako rito para ipahiya!"
"Hindi kita dinala rito para ipahiya. Gusto kong malaman nila na ikaw ang mahal
ko!"
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nya. Napailing ako habang pumapatak na ang luha
ko.
"Lalo mo lang pinapamukha sa akin na kabit lang ako at mababang babae.
Napakaimposible ng sinasabi mo, Atreo. Napakaimposible."
Tinalikuran ko na sya at tumakbo na ako palabas. Pinahid ko ang luha ko habang
humihikbi sa pag-iyak.
Lumabas ako ng bahay nila at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero nilakad ko
lang ang kahabaan ng kalsada habang patuloy sa pagtulo ang luha ko.
Pagod na akong umiyak. Pagod na akong mahalin sya. Hindi ito ang ginusto kong
lovelife.
Pumara ako ng taxi ng makarating ako sa highway.
"Grace! Grace!" agad akong sumakay ng marinig ang pagtawag ni Atreo.
"Manong, bilis po, paandarin nyo na po."
"Grace! Grace!" hindi ako tumingin kay Atreo na pinupukpok ang bintana ng taxi.
Nang binilisan na ni Manong ang pagmaneho ay hindi na nakahabol pa si Atreo.
Kabanata 18
Sa lumipas na panahon ay marami na ang nagbago. May nawawala. May dumadating. At
napagtanto ko na sa buhay ay dapat hindi ka padalos-dalos sa damdamin mo. Hindi
lahat ng gustuhin mo ay makukuha mo. At hindi lahat ng akala mo sa'yo ay hindi
pala.
I'm very greatful to my life now. All the things is in the right place. At masaya
ako para kay kuya dahil natagpuan na nya si Ate Hera. Nagkaroon pa ng pagsubok sa
buhay mag-asawa nila pero nakayanan iyon lahat ni Kuya.
"Grace, good job!" ngumiti ako kay Derek ng makababa ako mula sa stage. We are now
here in Victoria secret fashion show. Kami nila Zylene at Allison ang napili para
maging victoria secret angels.
I'm a little bit shy for what I wearing right now. Suot ko ang sexy black and red
bikini. Wings at my back. Black stocking hanggang hita ko na nakakonekta sa panty
na suot ko. At boots na hanggang tuhod ko.
Hindi ko akalain na ako ang gagawing sentro ng event kaya sobra ang excitement ko
dahil pangarap ko talaga ito kahit daring ang pag rampa ko.
"Gosh. Success!" tili ni Zylene at nagtatalon kami dahil sa wakas ay nawala na ang
kaba sa aming dibdib.
"Congrats sa atin!" napangiti kami sa sinabi ni Allison at nagyakapan kami.
"Oh, girls, Congratulation. Dahil sa inyo kaya mas lumakas pa ang pangalan ng Lux."
pumalakpak si Derek kaya napangiti kami at nagtungo sa dressing room para magpalit.
Nagpalit ako ng white dress ko at black pumps ko. Sinuklay ko lang ang buhok ko
gamit ang daliri ko.
"Grace.." tumingin ako kay Zylene ng sambitin nya ang pangalan ko.
"Oh?" tumingin muli ako sa salamin para tignan kung ayos pa ba ang make-up ko.
"My babe text me.." napailing ako dahil hindi ko talaga akalain na magkakatuluyan
si Zylene at Haris.
"Ano naman ang kinalaman ko sa text ng boyfriend mo?"
"He's back."
Nang sabihin iyon ni Zylene ay alam ko na agad ang pinapahiwatig ng sinabi nya.
Tumikhim ako at nakiba't-balikat para ipakita kay Zylene na hindi ako apektado at
hindi kumabog ang dibdib ko sa nalaman ko.
"Oh? 'Yun lang ba? Akala ko naman ay importante." inayos ko ang bag ko at nang
makita kong ayos ay sinukbit ko na sa balikat ko.
"Grace--"
"I need to go, Zylene. Tumawag si Momny at meron na namang problema kela Kuya Jam.
At pakisabi na rin kay Derek at Allison na mauuna na ako. Sige, bye." bumeso ako sa
kanya at hindi ko na sya pinagsalita.
Dumeretso na ako palabas at ang mabilis kong paglalakad ay napabagal dahil sa
panghihina ng mga tuhod ko. Napahawak ako sa bubong ng kotse ko at napapikit ako ng
mata habang nakahawak sa dibdib ko.
Napailing ako at huminga ng malalim. I'm not affected. Who cares if he's back?
Sumakay na ako sa kotse at pinaharurot na iyon paalis ng Lux Calisse. Dumeretso ako
sa bahay nila Kuya at nagtaka ako na maraming media at police mobile sa harap ng
bahay. Agad akong bumaba at napapikit ako ng masilaw ako sa kislap ng camera.
"Miss Esteban, anong masasabi nyo sa kaso ng kapatid nyo na si Mr. Jam Esteban?"
"Ano?" napamaang ako sa sinabi ng reporter na babae. Nag-tanong na rin ang iba pang
reporter kaya nahirapan akong makaalis sa kinatatayuan ko.
"Seniorita!" napatingin ako sa tauhan ni Dad na nilapitan ako at pinaghahawi ang
mga reporter. Nang makalapit sila ay agad akong pinalibutan para hindi na makalapit
pa ang mga reporter. Naglakad na ako papasok ng gate at mabilis akong naglakad
papasok sa bahay.
Narinig ko agad ang iyak ni Ate Hera at pagpapatahan ni Mommy rito. Lumapit ako sa
kanila. Ang unang nakakita sa akin ay si Mom kaya bumeso ako rito. Napatingin ako
sa television kung saan ay balitang-balita ang pagdampot at pagposas kay Kuya Jam.
"Mom, wala naman pong kasalanan si Jam. Bakit sya hinuli?"
Napatingin ako kay Ate Hera na iyak ng iyak habang nakatingin sa balita. Napahinga
ako ng malalim at nanlalata na naupo sa sofa. Wala si Dad kaya alam kong kasama ito
ni Kuya Jam. Naiwan lang ang tauhan nya para siguro magbantay rito.
Naisipan kong umakyat sa taas para bantayan muna ang mga pamangkin ko. Pag-akyat ko
ay nakita ko ang mga kapatid ni Ate Hera na si Cathy at Louie.
"Bakit umiiyak ang mga bata?" tanong ko at agad na lumapit sa mga pamangkin ko na
iyak ng iyak. Kinuha ko si Jace mula sa stroller at inayos ang pagkakakilik rito.
"Ate Grace, hindi namin alam kung bakit sila umiiyak. Kanina pa nga iyan, mula ng
kunin ng mga pulis si Kuya Jam."
"Tita!" napalingon ako sa pinto ng marinig ang boses ni Greyson.
"Greyson, sinong kasama mo?"
"Si Mommy po." tumango ako at pinatahan si Jace.
"Cathy, nasaan ba ang gatas nila? Baka nagugutom lang ang mga ito."
"Heto, Ate. Pinapainom na nga po namin sila ng gatas ni Ate, pero ayaw parin nilang
tumigil."
Kinuha ko ang isang boteng inabot ni Cathy at sinubo ko kay Jace. Ayaw nitong
tanggapin at iyak parin ito ng iyak.
"Hindi kaya may pupu na sila?"
Sinilip ko ang pampers ni Jace pero wala naman. Pinasilip ko kela Cathy kung meron
ang dalawa pero wala din.
"Cathy, tawagin mo na nga si Ate Hera. Baka masobrahan na sa pag-iyak ang mga
bata."
Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko at tumakbo na palabas ng kwarto. Hinele ko
si Jace habang mahinang pinapalo ko sa binti sila Hammer at Edward para patahanin
din.
"Anong nangyayari, Grace?"
Lumingon ako kay Ate Hera kasama si Cathy.
"Ate, ayaw naman nilang uminom ng gatas. Tapos wala naman silang pupu. Pero iyak
parin sila ng iyak."
Napahagod sya sa buhok habang palapit sa amin. Kita ko ang pagod sa mukha ni Ate.
Ramdam ko ang problemang dinadala nya. Hinaplos nya ang mukha nila Edward at
Hammer.
"Diyos ko!" nagtaka naman ako sa biglang bulaslas ni Ate Hera tila kinakabahan sya.
Lumapit sya kay Jace na hawak ko at kinapa rin ang noo at leeg.
"Bakit, Ate?" tanong ko.
"Nilalagnat sila." hindi sya mapakali at maging ako dahil hindi ko akalain na
nilalagnat na pala ang tatlo. Diyos ko, bakit hindi ko agad nalaman? Kung hindi pa
kinapa ni Ate ay baka hindi na tumigil ang tatlo sa kakaiyak.
Nakokonsensya ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kapag may nangyari sa tatlo
dahil baka hindi agad maagapan.
Bumaba kami sa sala, habang buhat ko si Jace. Nataranta na rin si Mommy at Ate Maqi
ng malaman na nilalagnat ang tatlo.
Agad-agad kaming sumugod sa hospital nila mommy. Naiwan sa bahay si Ate Maqi dahil
hindi naman maaaring maexpose sa hospital si Greyson at Cienti.
Napasiklop ako ng kamay habang tinitignan si Ate Hera na umiiyak habang tinitignan
ang doctor na sinusuri ang mga anak nya.
Pero nang sabihin ng doctor na stable na ang kalagayan ng tatlo ay pare-pareho
kaming napahinga ng malalim.
"Grace.." tumingin ako kay Mom na akayin ako para lumabas at iniwan muna namin si
Ate Hera sa mga anak nya. Naupo kami sa labas ng emergency room.
"Mom, ang hirap po ng sitwasyon ngayon ni Ate Hera, tila walang katapusan ang
problemang dinadala nila."
"Ganyan talaga ang buhay kapag may pamilya na. Hindi rin madali ang magkaroon ng
pamilya dahil kapag nandoon ka na ay kailangan mo nang maging responsable. Kaya
ikaw, isipin mo muna ang lahat, bago magpadalos-dalos."
Tumango ako kay Mommy at sumandal sa balikat nya. Nag-ring ang cellphone nya kaya
umalis ako sa pagsandal sa kanya at tinignan namin ang tumawag.
"Daddy mo.." tumango ako kaya sinagot nya agad.. Nalaman ko na si Kuya Jam pala ang
nasa kabilang linya kaya pumasok muli kami sa loob para ibigay kay Ate Hera ang
cellphone.
Naupo ako sa gilid ng higaan ng mga pamangkin ko at pinagmasdan ang mga ito. Ang
sarap nilang titigan. Napakacute. Gwapo tiyak ang mga ito paglaki.
Napangiti ako at kinuha ko ang cellphone ko ng marinig ko ang pag-pop ng message
tone ko.
I miss you..
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko ng mabasa ko ang pinadala sa aking mensahe.
At kahit hindi ko ata tanungin pa kung sino sya ay alam ko na kung sino.
Agad kong binura ang message at sinilid ko na muli sa bag ko ang phone ko. Niwaglit
ko sa isipan ko iyon.
Matapos ang araw na dalhin nya ako sa bahay ng parents nya ay hindi na sya
nagpakita pa, at nabalitaan ko nalang kela Zylene na umalis ito para magpunta sa
ibang bansa. Hindi ko alam kung saang bansa dahil hindi ko na tinanong pa.
Sa hospital nalang kami nagpalipas ng gabi. At kinabukasan ay umuwi na kami.
Tinulungan muna namin ni Mommy si Ate Hera bago kami umuwi ni Mommy sa bahay namin.
Magpapalit lang ng damit si Mommy at babalik muli kela Ate Hera at ako naman ay
patungo sa Lux.
Gamit ang sasakyang binili sa akin ni Dad ay nagtungo na ako sa Lux. Hinahayaan na
ako ni Dad na mag-isang lumakad. Nalaman nya na wala si Atreo sa bansa kaya
hinahayaan nya ako. Pero ngayon kaya alam ni Dad? Siguro ay hindi. Mas focus ngayon
si Dad sa kaso ni Kuya.
Pagdating sa Lux ay bitbit ang hand bag ko ay naglakad ako papasok. Binati ako ng
mga katrabaho ko at ang ilan ay ngiting-ngiti sa akin.
Nakiba't-balikat ako sa kinikilos nila at tinungo ang dressing room ko. Pagpasok ko
ay bumulaga sa akin ang tadtad na bulaklak. Napakarami at halos naging hardin na
ang buong dressing room ko.
Napatingin ako kay Benny na dumaan sa dressing room ko kaya agad ko itong tinawag.
"Benny, bakit tambak ng bulaklak ang buong dressing room ko?"
Kumekendeng na pumasok sya sa dressing room ko at nagflip pa kunwari ng hair, wala
naman syang mahabang buhok.
"Well your admirer send all that flower for you. Check the card, Gracy."
Umikot pa sya bago kumekendeng-kendeng na umalis. Napailing ako at tumingin sa mga
bulaklak. Ang gaganda. Mga imported flowers pa.
Kinuha ko ang isang bouquet ng bulaklak, ito kasi ang nakalagay sa harap ng
salamin. Inamoy ko ito at mabango dahil mga pink tulips at sunflower ang nakalagay.
Nakita ko ang card doon kaya nakangiti na kinuha ko ito at binuksan para malaman ko
kung sino ang nagpadala.
[I still remember. 8-26]
Nanginig ang kamay ko at naibaba ko muli sa harap ng salamin ang bulaklak.
Napahagod ako ng buhok at lumapit sa pinto.
"Benny!" tumawag ako at sumilip. Nakita ko na si Benny na nagmamadaling lumapit sa
akin.
"Yes, Gracy?"
"Alisin mo nga ang mga bulaklak na ito sa dressing room ko o 'di kaya ay itapon
mo."
"What? Sayang naman."
"Edi sa'yo nalang kung gusto mo. Basta ayokong makikita yan." iniwan ko na sya at
lumabas ako ng dressing room ko.
Napahinga ako ng malalim at nagtungo sa rooftop. Nanlalata na naupo ako sa sofa at
sinandal ko ang ulo ko sa sandalan. Pumikit ako para kahit papaano ay mawala ang
inis ko.
Bakit ba umuwi pa sya? Tahimik na ang lahat. Nawala na ang tingin sa akin ng mga
katrabaho ko na isa akong kabit. Sa wakas ay hindi rin ako ginugulo ni Suzane.
At matapos nyang umalis ay ngayon ay babalik sya para ano? Para manggulo?
"Hey Bitch!"
Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Allison. Napatingin ako sa dalawa na
lumapit palapit sa akin.
"Sabi na, e, narito ka lang. Ano yung mga bulaklak sa dressing room mo? Tsaka bakit
pinapaalis mo."
Umiwas ako ng tingin at muling pumikit. Naramdaman ko ang pag-upo nila sa tabi ko.
"Wala iyon. Masyadong marami kaya nais kong ibigay nalang sa iba."
"Si Vince ba ang nagbigay no'n." umiling ako na kinasinghap nila.
"Omg! Tila alam ko na kung sino."
"Stop it, Zylene. I don't want to hear anything about him."
"Ayaw mong marinig o baka natatakot ka dahil hanggang ngayon ay nariyan parin sya
sa puso mo."
"Ano bang pinagsasabi nyo? Wala na akong natitirang feelings sa kanya. Tsaka si
Vince na ang gusto ko."
"Gusto lang, pero si Atreo ang mahal mo?" ani ni Allison.
Hindi ko sila inimikan. Napahinga sila ng malalim at tila sumandal din sila ng upo.
"Baka naman pinapaasa mo lang si Vince, Grace." ani ni Zylene.
"I like Vince. Hindi ko sya pinapaasa."
"Sabi mo, e. Pero paano kung sumulpot sa harap mo si Atreo? Anong gagawin mo?"
Umalis ako sa pagkakasandal sa sofa at hinagod ko ang buhok ko.
"Wala. Hindi ko sya papansin. Wala na dapat pang mangyari."
Pumito ang dalawa kaya tinignan ko sila ng masama. Iniwan ko nga sila doon at
bumalik nalang ako sa dressing room ko. Mula kasi ng maging successful ang Lux ay
binigyan na kami ni Derek ng tig-iisang dressing room para hindi na masikip. Premyo
nya sa aming tatlo nila Zylene dahil naging maganda ang feed up sa amin ng victoria
secret.
Pinili kong magpahinga muna. At nang magising ako ay dahil kay Zylene. Inaaya ako
ng dalawa na mag bar. Siguro ay nasanay na ako dahil palaging nag-aaya ang dalawa
kapag gusto nilang magpakasaya.
Hindi nila sinasama ang nobyo nila dahil ayoko. Lahat ng related kay Atreo ay
ayokong makikita. Sakto naman na palaging nandoon ang grupo ni Vince. Doon nga sya
nagtapat ng feelings nya sa akin. Nung una ay tinanggihan ko sya. Pero dahil naging
masigasig sya ay pinagbigyan ko na ligawan ako.
Alam ng parents ko. At hindi naman sila tutol, hindi katulad ng kay Atreo.
Nagtatawanan ang dalawa habang ako ay tahimik lang na sumusunod sa paglalakad nila
palabas ng building.
"Teka, Grace. May naiwan pala kami sa loob. Dito ka muna, hintayin mo nalang kami."
Tumango ako kahit nagtataka ako dahil pareho pa silang may naiwanan. Naglakad ako
patungo sa nakapark kong kotse pero napahinto ako ng may biglang humintong isang
kotse sa harap ko.
Nang makita kong nagbabaan ang vipers ay biglang kumabog ang dibdib ko. Napaatras
ako pero agad nila akong pinalibutan para hindi makaalis.
"Anong ibig sabihin nito!?" galit ko silang tinignan pero napatingin ako sa bumaba
na si Atreo. Ang long hair nya noon ay pinagupitan nya pero medyo mahaba parin,
hanggang sa batok nya at lagpas sa tenga ang haba. Nakatarintas ang kalahati kaya
nagmukhang mayabang ang dating nya.
"It's nice to see you again, baby." aniya habang binubutones ang suot na coat.
Nakaformal suit sya na ngayon ko lamang nakita. Palagi kasi syang nakaarmy o
ordinaryong damit.
"Well it's not nice to see you again." sarkastiko kong sabi sa kanya na
kinahalakhak nya. Lumapit sya sa akin kaya umatras ako pero napatingin ako sa
vipers na mga nakaharang kaya wala akong tatakbuhan.
Napasinghap ako ng hilahin ni Atreo ang bewang ko palapit sa katawan nya kaya
napahawak ako sa dibdib nya at napatingala sa kanya.
Ngumisi sya at inaamin ko na may kakaibang takot akong nararamdaman sa presensya
nya. Parang naging mas mabagsik sya at walang pipiliing batas basta magawa lang
gusto nya.
"I like your being a matured woman now, baby." aniya at hinaplos ang panga ko pero
umiwas ako, "Anyway, let's go. Let's celebrate our first and one month anniversary,
baby." aniya kaya nagpumiglas ako.
"Walang ano mang anniversary o monthsary sa atin. Kaya pwede ba, bitawan mo ako!"
Ngumiti lang sya at sinenyasan si Von kaya binuksan muli ni Von ang pinto ng kotse
nya. Nagpupumiglas ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahapit ni Atreo sa bewang
ko kaya hindi ako makaalis sa bisig nya.
Pinangko nya ako at sinakay ng sapilitan. Nang makaupo ako ay inayos ko ang dulo ng
dress ko na suot at umusog sa gilid ng sumakay sya at tumabi sa akin.
Hinila nya ako palapit sa kanya kaya napalunok ako ng pisilin nya ng mariin ang
bewang ko.
"Wag kang masyadong dumistansya, ayoko ng ganun." bulong nya.
Hindi ko alam kung ano itong pinapakita nya? Pero kinakabahan ako at ayoko ng
nangyayari ngayon.
Nasa intersection na kami kung saan ang daan patungo sa lugar nila Ate Hera ng
mapansin nya ang suot kong kwintas.
"Maganda ang kwintas mo, baby." bulong nya habang hinahaplos-haplos ang kwintas na
bigay sa akin ni Vince. Nabigla ako ng hilahin nya iyon kaya nasira ang lock at
naalis sa akin.
Binuksan nya ang bintana sa side ko at tinapon ang kwintas. Ngumisi sya tila masaya
sya sa ginagawa nya.
Napapikit ako dahil ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko at panginginig ng sistema
ko. Pinilit ko mang lumayo sa kanya ay hindi sya nagpatinag at patuloy na
nakapulupot ang braso nya.
Sa isang Casino, hotel and resort huminto ang sasakyan. Pinagbuksan sya ng pintuan
ni Seb kaya nauna syang bumaba. Pinababa nya ako kaya wala akong choice.
Pero nang maisipan kong tumakbo ay agad nyang nahagilap ang bewang ko at sinandal
ako sa kotse nya.
"Do not try, because I'll never let you go." aniya kaya napaiyak ako at
pinaghahampas sya sa dibdib.
"Hayop ka! Wala kang karapatan na gawin sa akin ito! Hayop--hmmp!" Nawalan ako ng
boses ng sakupin nya ang labi ko. Mariin nyang sinipsip ang labi ko bago bitawan.
"Don't say bad words, baby. Hindi bagay sa'yo." aniya at pinunasan ang luha ko.
Napaiwas ang mga vipers ng tingin pero napapasipol naman sila sa ginawang paghalik
sa akin ni Atreo.
Inakay na ako nito patungo sa loob ng casino, hotel and resort at hindi ako
makawala sa kanya dahil mahigpit na nakapulupot ang isang braso nya sa bewang ko.

Kabanata 19
Pumasok kami sa loob ng Casino, hotel and resort habang tahimik lamang ako na
nagpapahila sa kanya. Kahit anong pumiglas ko ay hindi ako makaalis sa bisig nya.
Para syang tuko kung makakapit.
"General, may napareserve na kaming restaurant." tumango si Atreo sa sinabi ni
Sereno.
Malaki ang lugar at very class ang bawat structure ng building.. Narito kami sa
resort pero sa main hall, dahil narito ang mga fast food chain, restaurant, game
zone, botique at iba pa.
Sumakay kami sa escalator at pag-akyat namin sa unang floor ay restaurant at fast
food chain ang makikita.
"Bakit mo ba ako dinala dito? Gusto ko nang umuwi."
Napahinto sya sa paglalakad kaya napahinto rin ako dahil hawak nya ako. Binaba nya
ang mukha kaya napaiwas ako dahil masyado syang nakakailang.
"Mamili ka, mag-ce-celebrate tayo rito o gusto mong tumuloy agad tayo sa hotel?"
aniya na kinainit ng pisngi ko. Napahalakhak sya at binitawan ang bewang ko para
akbayan ako, "Just enjoy this day, Baby. Gusto kong bumawi sa'yo." dagdag pa nya
bago ako akayin na.
Pasimple na tumingin ako sa kanya at bakas sa mukha nya ang kasiyahan. Tila ang
madilim nyang mukha noon ay nagkaroon ng liwanag.
Naupo kami sa upuan na pangdalawahang lamesa rito sa pinareserve nyang restaurant.
Nakayuko ako habang sya ay pumipili ng kakainin.
"That's all. Thank you." nagpasalamat sya sa waitres ng makuha na ang order at
umalis na ito. Tumikhim sya pero hindi parin ako nag-aangat ng tingin at nanatili
ang mata ko sa kamay ko.
"Mananatili ka nalang bang nakayuko d'yan? Baka sumakit ang leeg mo?"
Pumikit ako at hindi ko sya pinansin. Nakarinig ako ng pag-usog ng upuan kaya
napadilat ako at gulat na napatingin sa kanya ng itabi nya ang upuan nya sa akin..
"Hindi ako sanay na tahimik ka. Magsalita ka baka manatili ka nang pipi d'yan."
aniya kaya napakuyom ang kamay ko at matalim na tumingin sa kanya.
"Bakit mo ba ako dinala rito? Hindi mo ba nauunawaan na tapos na ang lahat sa atin?
Ayoko na relationship kung matanda lang din ang magiging nobyo ko at may asawa na."
punong-puno ng diin ang bawat salita na binato ko sa kanya.
Tila sya mangha-mangha at tuwang-tuwa sa galit kong mukha. Humarap sya sa akin at
pinatong ang kamay sa upuan ko.
"Really? Ayaw mo sa matanda? Ayaw mo na sa relasyon natin?" ngumisi sya at hinawi
ang buhok ko pero hinawi ko lang ang kamay nya at sa iba ko binaling ang mukha ko.
Hinawakan nya ako sa baba at pinaharap sa kanya. Tinapatan ko ng matapang na tingin
ang may pilyo nyang tingin.
"Pasensya na, baby, pero gusto ko sa mga bata. At gusto ko ang relasyon na ito. At
mas lalong gusto ko na hindi na matapos ito. Akin ka lang." pinisil nya ang baba ko
at tumingin sya sa labi ko.
Napahawak ako sa kamay nya ng hawakan nya ang panga ko at pisilin na kinabuka ang
bibig ko. Agad nyang nilamon ang bibig ko at pumasok doon ang dila nya.
Tinulak ko sya kaya napabitaw sya pero nakangiti parin sya. Sinampal ko sya pero
natawa pa sya habang nakahawak sa pisngi nya.
"Ang sarap mong sumampal. Nakakagigil." kumagat sya ng labi habang minamasahe ang
panga nya.
Tumayo ako sa upuan ko at tatakbo na sana ako ng mapatigil ako sa vipers na nakaupo
sa ibang table habang nakapalibot sa amin. Nabigla ako ng hatakin muli ako ni Atreo
paupo.
"Subukan mo ulit tumakas, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." aniya.
Nag-ring ang phone ko kaya agad kong kinuha sa dala kong bag. Nakita ko na si Vince
kaya akmang sasagutin ko na nang biglang kinuha iyon ni Atreo na kinainis ko.
"Akin na yan!" hindi ko na natiis at pinagtaasan ko sya ng boses.
"Kapag ako ang kasama mo ay ayoko na nababaling sa iba ang atensyon mo. At sinong
may sabi na pwede kang makipagflirt sa iba?" binulsa nya ang phone ko at tumingin
sa akin ng seryoso.
Napakuyom ako ng kamay at inis na lumihis ako ng tingin.
"Here's your order, Sir and Ma'am."
Umayos ng upo si Atreo ng dumating na ang order at nilapag na nang waitres sa
lamesa. Wala akong imik hanggang sa makaalis na waitres at nailapag na ang lahat ng
inorder ni Atreo.
"Eat this.." inuma nya sa bibig ko ang kutsara na may lamang pagkain. Hindi ko sya
sinunod at umiwas lang ako ng mukha. Napahinga sya ng malalim at inusog pa ang
upuan palapit sa akin, "Kainin mo na ito." inusog nalang nya ang pinggan sa harap
ko at hindi na ako balak na subuan.
Kinuha nya ang mga kamay ko at pinahawak ang kutsara at tinidor. Kumuha nalang sya
ng kanya. Gumalaw ang kamay ko para kainin ang chicken roasted slice. Kumain na ako
at hindi ko na pinansin ang pasimple nyang tingin.
Tahimik lang kaming kumakain. At nang matapos ay may dalang dessert ang waitres na
isang buko na ang laman ay halo-halo.
Busog na ako pero sayang naman ito. Nang makalahati ko ang dessert ay inayawan ko
na. Uminom ako ng tubig at tumayo na kinaagap nya.
"Saan ka pupunta?" tumingin ako sa kanya at kamay nya na mahigpit na nakahawak sa
pulso ko.
"Rest room." nagtaka naman ako ng magpunas sya ng nguso at tumayo rin.
"Samahan na kita." aniya na kinainis ko na naman.
"Hindi ako tatakas, kaya hindi mo na kailangang sumama."
Tinignan nya ako tila binabalaan bago nya bitawan ang pulso ko. Naupo muli sya kaya
kinuha ko ang bag ko at umalis na sa lamesa.
Tumingin ako kela Quest at inirapan ko sila na kinangisi nila. Tsk. Napakasiraulo
talaga nila. Manang-mana sa General nila.
Inis na pumasok ako sa ladies comfort room. Nilapag ko sa lababo ang bag ko at
binuhay ko ang faucet at naghilamos. Tumingin ako sa salamin at napahinga ng
malalim.
Napapikit ako at naalala ko ang tagpong pinuntahan pa ako ng mommy ni Atreo.
"Dito ka pala nagtatrabaho?" hindi ako makapaniwala na napatayo mula sa hairdress
chair ko. Nagkatinginan kami nila Zylene at alam kong nalilito sila kung sino ang
babaeng nasa harap nila.
Tinanguan ko sila kaya ayaw man nila akong iwan ay wala silang choice kundi lumabas
dahil tinignan sila ng mommy ni Atreo.
Nang kami nalang ang naiwan ay ngumiti ako rito.
"Magandang araw ho, Ma'am." tumingin sya sa akin na nakataas ang kilay.
"Walang maganda sa araw ko kung ikaw ang kaharap ko." aniya na kinalunok ko, "Hindi
ko akalain na sa ganito nagtatrabaho ang kabit ng anak ko." dagdag pa nya at
tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Suot ko ang maiksing damit para sa gagawing
photoshoot ko mamaya.
"Wala naman pong masama sa trabaho ko." natawa sya at tinignan ako na may
pagkadisguto.
"Wala nga namang masama sa babaeng halos maghubad na nang damit. Malayong-malayo ka
kay Suzane. My son's wife." pinagdiinan talaga nya ang huli nyang sinabi na
kinayuko ko. Naramdaman ko ang paglapit nya at napamaang ako ng sampalin nya ako
kaya napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa kanya, "Tigilan mo na ang
paglalandi sa anak ko. May asawa at anak na pero nilalandi mo parin. Buntis pa
ngayon si Suzane kaya kung hindi ka titigil ay ako ang puputol ng sungay mo."
"Iniiwasan ko na po si Atreo. Bakit po ako pa ang lumalabas rito na masama?"
Hindi sya makapaniwala na tumingin sa akin at ambang sasampalin nya ako ulit ay
mahigpit kong pinigil ang kamay nya habang matapang akong nakatingin sa mata nya.
"Wala kayong karapatan na saktan ako dahil narito kayo sa teritoryo ko. At kung
nais nyong tumigil na ang anak nyo sa pangungulit sa akin ay sya ang sabihan nyo
hindi ako."
"Walang modo! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng magandang asal? O baka kagaya
ka rin ng magulang mo."
"Umalis nalang po kayo. Hindi ko na po lalapitan ang anak nyo kung 'yan po ang
gusto nyo."
Tinignan nya ako ng masama bago sya tumalikod na at umalis sa dressing room.
Napatulala ako at nanlalata na naupo sa hairdresser chair ko.
"Sino yun, bitch?" pumasok sila Allison at napahinto ng makita ang pag-iyak ko.
"Anong ginawa sa'yo no'n?" umiling ako kay Zylene at pinahiran ang luha ko.
"Wala iyon." Humarap ako sa salamin at kinuha ang press powder ko para takpan ang
bakas ng luha at sampal sa akin ng mommy ni Atreo.
"Wala lang pero bakit ka umiiyak? Sino ba yun?"
Umiling ako at ngumiti sa salamin habang nakatingin sa kanila. Napahinga sila ng
malalim at hindi na nila ako kinulit para tanungin muli. Ayokong sabihin sa kanila
dahil baka magkagulo lang.
Bumukas ang pinto ng comfort room kaya agad akong mapabalik sa sarili. Nakita ko sa
salamin si Atreo kaya agad akong nagpunas ng basang mukha.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba nakakaintindi ng privacy?" kinuha ko ang press
powder ko at nagpahid sa mukha.
"Ang tagal mo. Akala ko ay tinakasan mo na ako." aniya na kinairap ko. Hindi ko na
sya pinansin at pinagpatuloy ko na ang pag re-retouch ko. Sumandal sya sa pader
habang pinapanood ako. Binilisan ko nalang ang pag retouch at agad ko nang sinilid
sa bag ko. Kinuha ko ang red lipstick ko at nagpahid ako sa labi.
Napatingin ako sa kanya at nailang ako sa tingin nya kaya agad akong umiwas ng
tingin at niligpit ko na ang lipstick ko. Nang ayos na ako ay binitbit ko ang bag
ko at naglakad na ako palapit sa kanya.
"Kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako nila Mommy." ngumisi sya at napailing
na kinataka ko.
"Hindi ka hahanapin no'n." aniya at kinuha ang bag ko bago ang kamay ko.
"Paano mo naman nasabi na hindi ako hahanapin?"
Hindi na nya ako sinagot at hinila na ako palabas. Lumabas kami ng restaurant
habang kasunod ang vipers. Napatingin ako sa kamay namin ng pagsiklupin nya ang
daliri namin.
"General, exactly six in the evening the ceremony will be start."
Napatingin ako kay Erick ng sabihin nya iyon kay Atreo. Napatango si Atreo at
tumingin sa pamisig na relo nya.
"We have one hour to prepare." naguguluhan ako sa sinasabi nila. Hinila ako ni
Atreo at sa isang botique at salon kami huminto. Pumasok kami kaya agad kaming
binati ng mga parlorista.
"Ayusan nyo sya." sabi ni Atreo sa mga ito at hinila ako sa mga dress na
nakahilera. May kinuha syang red dress at hinila ako sa hilera ng sapatos at kinuha
nya ang nude pumps. Binigay nya sa mga empleyado ang napili nyang dress at pumps,
"Pasuotin nyo sa kanya iyan at aalis lang ako saglit." bilin nya sa mga empleyado
na tumango sa kanya kaya tumingin na sya sa akin.
"Bakit kailangan kong magpalit at ayusan?" ngumiti sya at nabigla ako ng kantilan
nya ako ng halik sa labi na kinatikhim ng mga empleyado kaya tila nag-init ang
pisngi ko.
"Basta.. Babalikan kita rito. Wag kang tatakasan dahil may magbabantay sa'yo."
aniya at binigay sa akin ang bag ko kaya kinuha ko.
Umalis na sya kaya naiwan ako sa mga empleyado ng salon. Nahihiya na napangiti ako
sa kanila na nangingiti sa akin.
"Gosh Madam, ang gwapo ng boyfriend nyo." tipid na ngumiti nalang ako at sumama sa
kanila ng pagsuotin ako ng roba kaya inalis ko ang suot ko kaninang dress.
Naupo ako sa hairdresser chair nila at sinimulan na nila akong ayusan.
"Madali lang kayong ayusan, Madam. Sa ganda nyo ay hindi na kailangan pang
pagandahin. Beauty nyo lang ay sapat na." sabi ng isang gay beautician.
Ngumiti nalang ako at bagok na hinayaan silang ayusan ako. Nang matapos na ay
pinasuot na nila sa akin ang red dress at nude pumps.
Paglabas ko ng fitting room ay nakita ko na si Atreo na nakatalikod habang may
kausap sa phone nya. Kinalabit sya ng nag make-up sa akin kaya lumingon sya at
napatingin sa akin.
Napangiti ako ng makitang nakanganga sya. Hindi ko alam kung ano pa ba ang
kinamamangha nya, e, palagi naman nya akong nakikitang nakaayos?
Lumakad ako palapit sa kanya at inalis ko na ang ngiti ko. Nagpalit pala sya ng
suot. Mula sa casual formal suit, ngayon ay nakaformal na talaga sya. Black coat,
black polo and white necktie, and black pants with leather black shoes. Mas lalong
nakakaattract ang looks nya kapag pala masyado kagalang-galang ang ayos nya.
Tumikhim ako kaya napakurap sya at napatingin sa phone nya. Agad syang nagpaalam sa
kausap nya sa kabilang linya at binulsa nya sa bulsa ng pants nya ang cellphone
bago sya tumingin muli sa akin mula ulo hanggang paa habang napapalunok pa.
"You are so gorgeous, baby." aniya kaya tumango lang ako bilang pagpapasalamat sa
papuri nya. Ngumiti sya at kinuha ang kamay ko bago nya ilagay sa braso nya, "Let's
go. We have ten minutes before to start the ceremony." dagdag pa nya at inakay na
ako.
"Thank you, Sir and Ma'am. Welcome back!" tumango at ngumiti ako sa empleyado ng
salon bago kami lumabas.
Nakita ko ang vipers na agad sumunod sa amin. Tila sa lahat ng pupuntahan namin ay
nakasunod ang vipers.
Sa isang function hall ay nakita ko ang mga nakaformal suit at mga matataas na tao
na pumapasok rin. Tila isang wedding ceremony ang gaganapin dahil maraming bulaklak
at ang mga upuan ay may mga tela at bulaklak na nakapalibot.
"General Alvarez." may bumati kay Atreo na ginoo na tingin ko ay nasa singkwenta na
ang edad.
"Sergeant Major Buenitez." nag-saludo si Atreo rito na kinangiti ng matanda.
Sumaludo rin ang matanda bilang tugon sa paggalang ni Atreo kaya binaba na nila ang
kamay, "Happy anniversary sa inyo ni Mrs. Buenitez, Major." magalang si Atreo at
tila nakakataas itong kausap nya.
Napahalakhak ang matanda at tinapik ang balikat ni Atreo.
"Salamat. Salamat. Anyway, nabalitaan ko ang ginawa mong pagligtas sa isla ng bayan
ng Carlota. Kaya lalong tumataas ang pangalan mo sa batch nyo. Kung papasok ka sa
gobyerno ay baka lalong makabuti kung ikaw ang hahawak doon."
Umiling si Atreo at tipid na ngumiti sa matanda.
"Hindi ko ho kailangan ng posisyon sa gobyerno. Masaya na ako sa sarili kong grupo
at nakakatulong ako sa bansa."
"Sabagay, magagaling ang pag train mo sa grupo mo. Kaya hindi nakakapagtaka na ikaw
ang palaging ninanais ng mga nakakataas."
Napatingin sa akin ang matanda kaya tipid na ngumiti ako rito.
"Who is this gorgeous lady beside you, General Alvarez?"
Tumingin ako kay Atreo ng alisin nya ang kamay ko sa braso nya at pumulupot ang
kamay sa bewang ko.
"She's Grace, my girlfriend, Major."
"Oh, I thought she's your wife." napayuko ako at napahigpit sa hawak kong bag.
"Mr. Buenitez, nandyan na po ang bride." may biglang sumingit na tila organizer ng
kasal na kinahinga ko ng maluwag.
"Oh, General Alvarez, maupo na kayo at sasalubungin ko lang ang aking asawa."
ngumiti ito sa amin at tinapik ang balikat namin kaya ngumiti ako rito.
Inalis ko ang kamay ni Atreo sa bewang ko at nauna akong maglakad sa kanya para
maupo sa bakanteng upuan.
Naupo ako sa dulo at sumunod sya. Tahimik ako habang sya ay panay ang sulyap sa
akin. Nagsimula nang maglakad ang bride habang sabay na sila ng groom na si Mr.
Buenitez. Pumalakpak ako at nakinig sa seremonya.
Hindi siguro sila magpapakasal muli kung hindi nila mahal ang isa't-isa. At kitang-
kita ko ang saya sa mukha nila at pagmamahalan kahit pa nasa edad na sila kung saan
ay pareho na silang matanda.
Pagkatapos ng seremonya ay lumipat lang sa reception hall na katabi ng function
hall. Malawak at sosyal ang bawat pagkain at ang motif ng kasal.
Kumakain na kami at panaka-naka ang tingin ko sa mga taong narito sa reception.
"Try this." nilagyan ni Atreo ang plato ko ng isang putahe. Kanina pa sya at hindi
lang ako makatanggi sa kanya dahil baka makagawa pa ako ng eksena.
Busog na busog na ako at halos ayoko na nga pero sya ay lagay pa ng lagay. Binaba
ko na ang kubyertos ko at uminom ako ng tubig na kinatingin nya sa akin.
"Finish your food, baby." aniya pero hindi ko sya inimikan.
Napahinga sya ng malalim at sya na ang kumain ng natira ko.
"Oh, kamusta kayo d'yan." napatingin kami sa mag-asawang Buenitez at ngumiti ako sa
mga ito.
"We're okay, Mr. And Mrs. Buenitez. Actually we enjoy a lot." tugon ni Atreo na
tumayo at bumeso kay Mrs. Buenitez.
"Mabuti naman at nagustuhan nyo. Salamat sa pagdalo. Pasensya na kayo kung boring
ang kasal.. alam nyo na matatanda na." napahalakhak si Atreo at Mr. Buenitez sa
sinabi ni Mrs. Buenitez. Nakingiti nalang ako sa kanila.
"Oh darling, this is Miss Grace, Atreo's girlfriend." biglang pakilala sa akin ni
Mr. Buenitez.
"Hello, Grace. You're so gorgeous lady. You really looks like someone I know."
Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Tumingin ako kay Atreo na hinawakan ang balikat
ko.
"She's Grace Jane Esteban, Ma'am."
"Oh, really. Esteban.. Daughter of Mr. James?"
Tumango ako rito kaya ngumiti ito, "Anyway, I'm happy to meet you, Grace."
"Same with you, Mrs. Buenitez. Congrats po." hinalikan nya ako sa pisngi bago sila
lumipat ng table.
Nang kami nalang muli ang naiwan ni Atreo ay natahimik muli ang table namin.
Tumikhim sya ng makaupo syang muli at humawak sa legs ko kaya agad kong hinawi ang
kamay nya.
"Are you tired, baby?" aniya kaya tumingin ako sa kanya.
"Yes, I'm tired. Actually, dapat ay kanina pa ako nakauwi kung hindi mo lang ako
dinala rito na walang permiso ko."
Nag-seryoso sya at binutones ang coat nya bago sya tumayo at hinila ako patayo.
Napasunod ako sa kanya kaya kinuha ko ang bag ko habang nagtataka na nakatingin sa
kanya.
Inakay nya ako palapit sa mag-asawang Buenitez.
"Excuse me, Sergeant Major, Mrs. Buenitez. We have to go. Pasensya na ho kung hindi
namin matatapos ang seremonya."
"Don't be sorry. It's okay. If you want, pwede kayo sa reserve room na para sa mga
guest namin. Malayo pa ang bahay mo rito, right?"
Napatingin ako kay Atreo nang tumango sya. Pinisil ko ang kamay nya na nakahawak sa
kamay ko kaya napatingin sya sa akin.
"Okay, Major. I accept it. Actually, pagod na itong girlfriend ko at baka hindi na
kaya ang mahabang byahe." inakbayan ako ni Atreo at napamaang ako sa sinabi nya.
Napatapik ang matanda sa balikat ni Atreo habang nakangiti sa amin. Hinila ako ni
Atreo palabas ng reception hall at pilit akong nagpupumiglas ngunit mahigpit ang
hawak nya sa kamay ko. Pinindot nya ang elevator ng hotel at hinila ako papasok ng
bumukas na iyon.
Hindi ko sya masigawan dahil may tao rin na nasa loob ng elevator. Nang matapat sa
sinabi ng matanda na floor ay bumukas ang elevator at hinila na ako ni Atreo.
"Ano ba, Atreo!? Uuwi na ako!" nagpupumiglas ako sa hawak nya pero hindi nya ako
binitawan.
Binuksan nya ang pinto gamit ang card na binigay ni Mr. Buenitez bilang susi ng
room na nireserve nya. Hinila ako ni Atreo papasok at nabigla ako ng isandal nya
ako sa pinto.
"Kanina pa ako nagtitimpi, baby. Ngayon tignan natin kung makapumiglas ka pa at
makauwi." seryoso nyang sabi at hinubad ang suot na coat habang nakatitig sa akin
ng seryoso.
Napalunok ako at kumabog ang dibdib ko. Pinihit ko ang pinto at tatalikod sana ako
sa kanya para buksan ang pinto ng isandal nya muli ako sa pinto at napahalinghing
ako ng lamunin nya agad ang labi ko.
Pinagsusuntok ko ang dibdib nya at hindi ako tumutugon sa halik nya. Pero hinapit
nya ako sa bewang at mas ginitgit sa pinto habang mapusok akong hinahalikan.
Hinawakan nya ang isang binti ko at tinaas hanggang bewang nya.
Napabuka ako ng labi ng kagatin nya ibabang labi ko na agad nyang sinamantala.
Humahalugad ang dila nya at hindi ko namalayan na kusa na akong tumutugon sa halik
nya habang nakapikit ang mga mata ko.
Lumalim ang halik at naging marahan na ngunit puno ng kapusukan. Binitawan nya ang
labi ko kaya napadilat ako at sumalubong sa akin ang mata nyang mabagsik.
"I love you. And I still want you. All of you is mine. Do you love me?"
Tinignan ko sya at nahihirapan akong sagutin dahil kapag sinagot ko ay alam kong
gulo na naman ang kalalabasan nito. Napayuko ako pero hinawakan nya ang baba ko at
inangat kaya nasalubong ko ang masuyo nyang tingin.
"Do you love me? Answer me.." napapikit ako at dahan-dahan na tumango. Naramdaman
ko ang paglapat ng noo nya sa noo ko kaya dumilat ako at halos maduling ako sa
pagsalubong ng tingin namin, "Good answer." ngumiti sya at tinagilid nya ang mukha
nya bago nya sakupin muli ang labi ko na puno ng kaingatan at kasabikan.

Kabanata 20
Napakuyom ang kamay ko at napaarko ang katawan ko sa lubos na kiliti at kilabot na
ginagawa ni Atreo sa katawan ko. Simula ng meron muling nangyari sa amin sa hotel
noon ay halos hindi na nya ako tigilan at hindi ko na rin sya mapigilan.
Magaling syang manukso ngayon at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin kung
bakit naging sunod-sunuran ako sa kanya. Palagi nya akong pinapasaya at piling ko
ay ako lang ang pinakamagandang babae sa mga mata nya kung paano nya ako ituring.
Kaya hindi ko masisisi ang puso ko kung bakit sumuway na naman ako sa sinasabi ng
isip ko at batas sa bawal na relasyon namin.
Napahawak ako sa unan at napakagat ako ng labi ng maramdaman ko ang dila nya na
humahagod sa pagkababae ko. Naipit ng aking mga hita ang kanyang ulo ng manginig
ako sa sobrang sarap ng ginagawa nya sa akin.
Gumapang sya paakyat sa katawan ko. Napasabunot ako sa buhok nya ng muling sakupin
ang dibdib ko ng kanyang mainit na bibig. Pisil-pisil nya ang dibdib ko habang
paakyat ang halik nya sa leeg ko at pinagpantay nya ang mukha namin.
Hingal na hingal ako na napapikit habang pinagdikit nya ang noo namin.
"Baby.." aniya kaya dumilat ako. Nasalubong ko ang mata nya na malalim na
nakatingin sa akin.
"Hmm.."
"Tinantanan ka na ba ni Olivares?" tanong nya kaya tumango ako na kinaangat ng
sulok ng labi nya. Pinagparte nya ang binti ko gamit ang mga binti nya kaya
napakapit ako sa balikat nya ng mahigpit habang magkatitigan kami ng mata sa isa't-
isa, "Good. Mabuti at alam nya kung sino ang nagma-may-ari sa'yo." dagdag pa nya at
hinawakan ako sa ulo bago kami parehong napadaing ng maramdaman ko na sa loob ko
ang kahabaan nya.
"Paano naman ay halos tutukan mo ng baril. Nakakaawa naman si Vince."
napahalinghing ako ng mariin nyang idiin ang sarili kaya halos magbigay iyon ng
ibang kiliti sa akin.
"Nakakaawa? Ha? Pinagtatanggol mo pa sya?" maanghang nyang tanong at marahan ang
galaw nya habang puno ng diin.
Napayakap ako sa leeg nya habang tinitignan ko ang inis nyang mukha. Umiling ako
kaya napangiti sya at bumilis ang galaw nya. Hinalikan nya ako ng mapang-akin kaya
pumikit ako at tumugon sa halik nya habang tinatanggap ang bawat pag-angkin nya.
Habang pabilis na pabilis ang galaw nya ay palalim na palalim ang palitan namin ng
halik na halos kinabaliw ko. Napasabunot ako sa buhok nya at napayakap ang mga
binti ko sa pang-upo nya.
Binitawan nya ang labi ko at niyakap ako sa ulo bago nya ibigay todo ang paggalaw
sa ibabaw ko.
"Damn! Baby!" mura sya ng mura habang walang humpay ang pag-indayog nya. Huminto
sya saglit at inusog ako sa head board ng kama na halos nakaupo na ako sa unan.
Hinawakan nya ang pang-upo ko at muli syang umindayog na kinayakap ko sa kanya.
"Ohhh! Atreo! God!" halos mamilipit ako at kahit halos igitgit nya ako ay balewala
sa akin iyon dahil hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.
"B-Baby, I'll marry you. Pangako yan." bulong nya pero tanging ungol lang ang
naisagot ko dahil halos magdeliryo na ako.
Napatugon ako sa halik nya ng muli nyang sakupin ang labi ko ngunit napabitaw ako
ng bigla akong manginig at napayakap sa kanya. Hingal na hingal ako habang sya
patuloy lang sa paggalaw.
Binuhat nya ako kaya napakapit ako sa balikat nya. Hiniga nya muli ako at hinugot
ang kanya mula sa akin. Pinatalikod nya ako at hinila ang bewang ko pasandal sa
katawan nya. Napahawak ako sa braso nya at napanganga ng muli ko syang naramdaman
papasok.
"I love you. I love you." bulong nya at hinalikan ang tenga ko na kinangiti ko
habang tinatanggap ang bawat pag-ulos nya sa likod ko.
Gumapang ang isa nyang kamay sa dibdib ko at pinisil na kinamaang ko. Pinabaling
nya ang mukha ko sa kanya at inabot ang labi ko para halikan. Humigpit ang hawak
nya sa tiyan ko at bumilis ang galaw nya habang pabilis na pabilis rin ang palitan
namin ng halik. Nang mangawit ako ay bumitaw ako ng halik.
Mahigpit syang yumakap sa akin at ang mabilis nyang galaw ay puno ng diin. Kinagat
nya ang leeg ko bago sya nanginig at ako man ay nanginig din sa pangalawang
pagkakataon.
Napabagsak kami ng higa habang hingal na hingal. Tumagilid ako kaya nahiga sya sa
tabi ko patagilid rin at niyakap ako habang nakapatong ang isa nyang binti sa binti
ko.
Nag-pop ang message tone ko kaya napadilat ako at napatingin sa side table. Inabot
ko iyon at nakita ko na nag-text si Zylene at sinabi na pabalik na sila sa Lux.
Mahinang pinalo ko ang kamay ni Atreo na nakahawak sa tiyan ko.
"Atreo, pabalik na raw sila Zylene sa Lux." babangon na sana ako ng pigilan ako ni
Atreo kaya lumingon ako sa kanya. Nakapikit sya at pinahiga muli ang ulo ko sa unan
hanggang sa maramdaman ko ang pagsubsob ng mukha nya sa buhok ko.
"Bukas ka na umuwi. Dito ka muna." bulong nya.
"Pero baka magtaka na sila Dad kung bakit ako palaging inuumaga ng uwi."
"Hindi iyon, ako ang bahala sa'yo." aniya at inabot nya ang makapal na kumot nyang
itim at tinakip sa hubad naming katawan, "Matulog ka na. Wag kang mangamba dahil
ako ang bahala sa'yo." dagdag pa nya at hinalikan ang ulo ko bago humigpit pa ang
yakap nya sa akin.
Napahinga ako ng malalim at tinext si Zylene na kay Atreo ako magpapalipas ng gabi.
Humawak ako sa kamay ni Atreo na nasa tiyan ko at pumikit na ako.
Napadilat ako at napahawak ako sa bibig ko ng makaramdam ako ng pagbigat ng dibdib
ko at pag-ikot ng kung ano sa tiyan ko. Inalis ko ang kamay ni Atreo at mabilis
akong bumangon sa kama.
Tumakbo ako patungo sa banyo at agad na sumalampak sa toilet. Pakiramdam ko ay
masusuka ako pero halos tubig lang naman. Napahawak ako sa tiyan ko at nanlalata na
tumayo at lumapit sa lababo. Binuhay ko ang gripo at nagmumog ako. Naghilamos ako
ng mukha para mahimasmasan ako.
Napahinga ako ng malalim at napahawak sa tiyan ko. Shit. May nakain ata akong hindi
maganda kagabi.
Lumabas ako ng banyo at tumingin kay Atreo na tulog na tulog. Naupo ako sa kama at
niyugyog ko sya.
"Atreo, gising!"
"Hmmm. Baby.." umungot lang sya at hinalikan ang kamay ko bago sya muling natulog.
"Gising.. Atreo." napahinga ako ng malalim at umalis ng kama. Tumingin ako sa
paligid para maghanap ng gamot. Pero wala akong makita.
Napatingin ako kay Atreo na sarap na sarap sa pagtulog. Habang ako ay napaaga ang
gising. Napailing ako at nagtungo sa banyo para maligo baka mahimasmasan ako, dahil
baka sumama lang sikmura ko.
Hay! Nakakapanglata at parang gusto kong matulog muli.
Nang matapos ako sa morning ritual ko ay lumabas ako habang tinatali ang roba.
Nagtungo ako sa walking closet nya. Pagpasok ko ay tinungo ko ang isang closet kung
saan nya nilagay ang mga damit ko na naiiwan rito. Nilagyan nya ako ng place sa
wardrobe nya. Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag iniisip ko na sya mismo ang
naglagay noon at nag-ayos.
Kumuha ako ng plain white shirt, maong short-short at ankle brown boots. Lumabas na
ako ng walking closet habang inaalis ang tuwalya sa ulo ko. Tumingin ako sa kanya
at napailing ako dahil tulog parin sya at halata ang puyat pero nakangiti naman ang
labi.
Sinuklay ko lang buhok ko at lumabas ako ng kwarto nya. Pagbaba ko ng hagdan ay
nakita ko si Manang na palaging naglilinis ng bahay ni Atreo.
"Manang, nakapagluto na po ba kayo?" tumingin sya sa akin mula sa pagva-vacuum.
"Hindi pa, hija." napangiti naman ako na kinangiwi nya.
"Sige po, ako na po ang maghahanda."
"Teka, Hija.." hindi ko na sya pinatapos at maligalig akong nagtungo sa kitchen.
Nag-unat ako ng braso at pinagalaw ko ang leeg ko. Nang makapag-unat na ako ng
katawan ay lumapit na ako sa refrigerator at binuksan.
Bumungad sa akin ang maraming laman ng ref ni Atreo. Napahawak ako sa baba ko at
tinignan ang maaari kong lutuin.
Tutal ay breakfast naman ang kakainin namin ay kumuha ako ng hotdog at bacon. At
nilapag ko sa kitchen bar ang mga iyon. Kinuha ko ang apron at sinuot ko sa
katawan.
Napatingin ako sa isang bowl ng itlog kaya napangiti ako dahil pang breakfast din
iyon. Kumuha ako ng mga limang itlog at nilapag ko sa kitchen bar.
Kinuha ko ang kawali at spatula. Nilagay ko na ang kawali sa electric stove.
Binuhay ko ito sa mild lang gaya ng nakikita ko sa telebisyon.
First is cooking oil.
Kinuha ko ang mantika at binuksan ang takip. Binuhos ko ang isang malaking bote ng
mantika sa kawali kaya halos mapuno na ang kawali. Tinapon ko na sa basurahan iyon
dahil kailangan din daw sa pagluluto ay malinis. Napangiti ako at tumingin sa
hotdog at bacon.
Ano nga ba ang gagawin rito? Nakita ko na nilagay nalang sa kawali ang hotdog kaya
siguro ay ilalagay ko nalang ito.
Nilagay ko sa kawali ang hotdog at bacon. Nagpagpag ako ng kamay at napangiti dahil
madali lang palang magluto.
Kinuha ko ang spatula at biniling-biling ko hotdog at bacon. Napaidtad naman ako ng
biglang may humawak sa bewang ko. Napalingon ako at nakita ko ang pikit-pikit pa
ang mga mata na si Atreo.
Tinignan ko ang katawan nya at nakita ko na nakaboxer naman sya kaya hinayaan ko na
dahil akala ko ay hibang pa sya ng bumangon sa higaan at nagpunta sya rito na
nakahubad.
"Doon ka muna. Ginugulo mo lang ako." napahalakhak sya at hinawakan ang buhok ko
para iipon sa kamay nya at ipusod dahil sumasabog sa mukha ko, "Sige, d'yan ka pala
muna. Hawakan mo nalang ang buhok ko at wala akong dalang pamusod."
"Nagluluto ka?" parang ngayon lang sya nagising at sinilip ang niluluto ko, "What
the fuck!"
Agad nya akong nilayo sa niluluto ko at agad na pinatay ang stove. Napatingin ako
sa kanya na hindi makapaniwala na nakatingin sa kawali.
"Bakit mo pinatay? Hindi pa nga naluluto, e."
Tumingin sya sa akin at napahawak sya sa noo nya. Natawa sya at napailing. Napataas
ako ng kilay at tinignan sya na tila nababaliw na.
"Damn. Mabubutas ata ang bulsa ko sa'yo kapag nagsasama na tayo." bulong nya.
"Ano?" hindi nya ako pinansin at kumuha sya ng isang apron at sinuot. Kumuha sya ng
plato at spatula para hanguin ang hotdog at bacon.
Binawasan nya ang mantika at nilagay sa malinis na lalagyan ang ibang mantika.
Binuksan nya ang ref at kumuha ng panibagong hotdog at bacon.
Napalaki ang mata ko ng makita ko na inalis nya ang balat ng hotdog at hiniwa pa.
Pagkatapos ay kumuha sya ng sibuyas at hiniwa. Pagkatapos ay sa itlog naman sya at
nilagay nya ang laman sa bowl at binate nya iyon para maghalo at nilagay ng sapat
na asin.
Nang matapos ang pag prepare nya ay binuhay na nya muli ang stove at pinainit ang
mantika. Nang mainit na ay sinalang muna nya ang itlog at napakagaling nya sa
pagluluto kaya napanguso ako dahil mali pala lahat ng ginawa ko.
Nang matapos sya sa pagluluto ng itlog ay ilagay nya sa clean plate ang niluto
nyang itlog at sinalang naman nya ang hotdog. Nang maluto ang hotdog ay ang huli
nyang niluto ay ang bacon.
Pinanood ko lang sya at nagsalang sya ng bread sa oven bago sya tumingin sa akin.
Ngumiti sya at inalis ang apron. Kinuha nya ang hawak kong spatula at hinila ako sa
gripo.
"Next time hayaan mo na si Manang ang magluto. Kaya pala hindi mapakali si Manang
dahil nagluluto ka pala." aniya habang hinuhugasan ang kamay ko.
"Bakit naman parang sa tono mo, e, ayaw ko na akong magluto? Marunong naman ako,
a."
Napahalakhak sya sa tenga ko kaya napalayo ako. Nang matapos kami sa paghuhugas ay
kumuha sya ng tissue at pinunasan ang kamay ko.
Humarap ako sa kanya habang nakasandal sa lababo. Pinatong nya sa lababo ang kamay
nya, bale sa magkabilang gilid ko para makorner ako.
"Basta. Ipangako mo na wag na wag ka nang magtutungo rito para magluto."
Napasimangot ako sa sinabi nya kaya napangiti sya. Kinantilan nya ako ng halik sa
labi kaya tinulak ko sya sa dibdib na kinahalakhak nya.
"Ang baho mo, maligo ka nga."
Napakunot-noo sya at naalis ang pagkapilyo nyang ngiti. Inamoy nya talaga ang kili-
kili nya kaya napahawak ako sa labi ko at pinigil na mapangiti.
"Okay. Wait me here. Wag ka munang kakain." tumango ako kaya agad syang tumalikod
habang inaamoy ang sarili.
Actually, mabango parin sya. Gusto ko lang syang patigilin dahil tiyak na
mangangalabit na naman sya.
Kinuha ko ang bread sa oven at dinala na ito sa kitchen bar. Natakam ako sa gatas
kaya nagtimpla ako at pati na ang kape na gusto ni Atreo sa umaga.
Nilapag ko na sa lamesa ang gatas at kape. Naupo ako sa high chair at nag-tyagang
hintayin si Atreo.
"I'm done. Let's eat." basa pa ang buhok nya at nakabihis na sya ng simpleng black
shirt at lumang punit-punit na pantalon habang nakarubber na white. Tumabi sya sa
akin sa isang high chair.
"Pinagtimpla na kita ng kape." tumingin sya sa kape at hinawakan ang tasa. Humigop
sya at tumingin sa akin bago ngumiti.
"nóstimo san eséna." napakunot-noo ako sa sinabi nya.
"Huh? Anong ibig sabihin no'n." ngumiti sya at binaba sa platito ang tasa. Dinilaan
nya ang labi nya at ngumiti sa akin.
"Delicious like you." nag-init ang pisngi ko at umiwas ako ng tingin na kinatawa
nya. Humigop muli sya ng kape kaya lihim akong napangiti at nagpalaman ng bacon at
egg sa bread.
Pagkatapos naming mag breakfast ay hinatid na nya ako pauwi. Sa bungad lang ng gate
nya ako hinatid dahil hindi sya makakapasok sa loob dahil baka makita kami ni Dad.
"Mag-iingat ka sa pagdadrive, ha?" tumango sya kaya napahinga ako ng malalim at
kinuha ko na ang bag ko. Hinawakan ko na ang pintuan pero napalingon ako ng hawakan
nya ang mukha ko at ipaharap sa kanya.
Hinalikan nya ako kaya napapikit ako at tumugon. Saglit lang din at bumitaw na
kami.
"Sige na, mamaya ay papasok ka ba sa Lux?"
"Oo, magte-text nalang ako sa'yo." tumango sya kaya bumaba na ako.
Naglakad ako palapit sa gate at tsaka humarap muli. Kumaway ako ng iatras na nya
ang kotse nya. Napangiti ako at binuksan ang gate.
"Seniorita, bakit ho ngayon lang kayo?"
Napahawak ako sa dibdib ng mabigla ako ng sumulpot sa harap ko si Sally.
"Nandyan ba sila Dad?"
"Oho, nand'yan po." tumango ako at huminga ng malalim.
Pumasok na ako at tumingin sa loob ng bahay. Naabutan ko ang mga katulong na
naglalagay ng mga bulaklak sa bawat sulok at sa mga lamesa.
Napatingin ako kay Mommy na may buhat na flower vase tila kakatapos lang nya i-
arrange iyon.
"Oh, anak, nandyan ka na pala. Kamusta ang pag-over night mo sa mga kaibigan mo?"
Napalunok ako at gusto kong sabunutan ang dalawa dahil nakagawa na naman ng palusot
kela Mom. Sila kasi minsan ang pasimuno kapag nagkikita kami ni Atreo. Ewan ko kung
talagang naniniwala si Dad sa alibi ng dalawa. Dahil alam ko ay hindi madaling
maloko si Dad.
Pero hindi naman ako sinisita ni Dad kapag palagi na akong nag-o-over night kela
Zylene kahit hindi naman.
Bumeso ako kay Mom at naupo sa sofa para panoorin sya na nag-a-ayos ng flower vase.
"Pansin ko na parang tumataba ka ata, anak."
"Ho?" tumingin ako sa katawan ko at napahawak ako sa mukha ko, "Tumataba na po?
Sigurado po kayo?"
Bumaling sya sa akin at tinignan ako bago sya tumango. Nabalisa naman ako.
"Hindi ba makakasira sa trabaho mo 'yan? Pero bagay naman sa'yo."
"Mom, makakasira ho kapag tumaba ako. Ako pa naman po ang kinuha ng sikat na
magazine para gawing cover girl. Next month na ho ang photoshoot."
"Edi, mag-exercise ka. Panay kasi ang kain mo ngayon."
Tumango ako at tumayo na sofa. Umakyat ako sa taas at nagpalit ng gym outfit ko.
Suot ang cotton short-short at racer back sando na kulay black na may pink ay
nagtungo na ako sa gym room.
Binuhay ko ang trendmills at sinet ko sa medyo mild lang. Sinikap ko talaga na
pagpawisan. Nandyan ang nag-trendmills ako, exercise ball, at elliptical trainer.
Hingal na hingal ako na tumigil at pinunasan ko ang pawis ko gamit ang bimpo. Naupo
ako habang nakahawak sa binti ko.
Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader at nakita ko na mag-a-alas dose na
pala. Tumayo na ako at lumabas ng gym room habang nagpupunas ng pawis.
Nagpahinga lang ako saglit at pagkatapos ay naligo muli. Suot ang blue dress at
blue sandals. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko at nagpahid lang ng red lipstick.
Kinuha ko na ang sling bag kong itim at lumabas na ako ng kwarto ko. Pagbaba ko ay
nakita ko sila Mom at Dad na naghaharutan sa sofa kaya napangiti ako. Napansin nila
ako kaya hinampas ni Mom si Dad at umalis sya sa pagkakaupo sa kandungan ni Dad.
"I need to go, Mom and Dad." bumeso ako sa kanila at ngumiti ako na may panunukso,
"Sige, ipagpatuloy nyo na po ang paglalambingan nyo."
"Grace!" suway ni Mommy kaya napahagikgik ako at lumakad na palabas.
"Kuya, pahatid po ako sa Lux. Naiwan ko ho kasi doon ang kotse ko." agad namang
tumango ang dalawang bodyguard ko dati at kinuha ang kotseng available.
Pinagbuksan na ako ng pinto ng huminto sa harap ko ang kotse. Sumakay na ako at
kinuha ko ang phone ko. Tinext ko si Atreo at sinabing patungo na ako sa Lux.
Tumingin ako sa bintana pero napatingin muli ako sa phone ko ng mag-reply agad si
Atreo.
Okay. Keep safe, baby. I fetch you later. I love you. ❤
Napangiti naman ako at kinilig sa sinabi nya. Nireplyan ko sya ng 'I love you
too'..
...
"Good mood, bitch?" ngumiti ako kay Allison na inaayusan ng buhok ng stylish nya.
Naupo ako sa sofa at kinuha ang isang unan.
"Yes. Wala lang, masaya lang ako.'
"Asus. Kami pa niloko mo. Alam naman namin na si Atreo ang dahilan. Don't denied
it."
Tumango nalang ako kay Zylene at napahawak ako sa tiyan ko. Napangiwi ako ng
makaramdam ng sakit ng tiyan ko.
"A-Ahh! Ouch!"
"Anong nangyari sa'yo?" napalingon sa akin ang dalawa.
"Ang sakit. Ang sakit ng tiyan ko." nagtaka sila at napatingin sa akin.
"Omg! Dinudugo ka!" Agad nila akong dinaluyan.
"A-Ano? P-Paano ako dinudugo?" tinulungan nila ako na tumayo sa sofa at pakiramdam
ko ay nanlalamig ang katawan ko.
Hindi ko na alam ang nangyayari at bigla ay dumilim ang paningin ko.

Kabanata 21
Natulala ako habang hindi ko maproseso sa isip ko ang lahat. Halos ramdam ko ang
kabog ng dibdib ko sa sobrang takot sa kaalaman na may laman na ang tiyan ko.
"Ms. Esteban, kailangan mong mag-ingat sa susunod. Mabuti agad na naagapan ang
pagdudugo mo kaya hindi ka tuluyang nakunan. Dahil kapag naulit pa muli ang
pagdudugo mo ay malaki ang chance na baka mawala sa'yo ang baby mo."
'Yon ang lintaya ng doctor na tumingin sa akin pagkamulat ko mula sa pagkakahimatay
ko. Kita ko sa mga mukha nila Zylene at Allison ang gulat na ganun din ang
mababakas sa mukha ko.
"D-Doc, ang ibig nyo pong sabihin ay buntis ako?"
Nang tumango si Doc ay agad akong napahawak sa tiyan ko. Diyos ko. Ano ba ito?
Kamuntikan nang mawala ang baby ko dahil sa kapabayaan ko? Naalala ko na balak ko
pa sanang uminom ng gamot sa pagkakaakala na nasira ako sa kinain ko. Ang dahilan
pala ng pagsusuka ko ay dahil buntis ako. At naalala ko na nag-gym pa ako kaya
sobra ang pagod na natamo ko kaya kamuntikan ng mapahamak ang baby ko.
"You're two months pregnant, Hija. Hindi mo ba nararamdaman na buntis ka?" umiling
ako kaya napatango ito habang may sinusulat sa check board nya, "Okay, bibigyan
kita ng pangpakapit para makatulong sa pinagbubuntis mo. At palagi ka rin mag-
vitamins at kumain ng healthy food. At sa pag-e-ehersisyo ay hindi ka maaaring
gumamit ng mga mabibigat na gym equipment. Kung gusto mo ay may programa kami rito
para sa safe pregnancy exercise."
"Salamat po, Doc. Pag-iisipan ko po yan." tumango sya at nagpaalam na sa amin.
Nang kami nalang tatlo ang naiwan sa buong kwarto ay napahinga ako ng malalim at
napapikit.
"Bitch, gusto mong tawagan namin si Atreo para--"
"Wag!" dumilat ako agad at tumingin sa dalawa bago umiling na kinataka nila,
"Please, wag nyo munang sasabihin. Ako na ang bahala."
"Pero muntik ka nang makunan. Dapat ay alam nya dahil sya ang ama."
"Allison, ayoko munang sabihin sa kanya. Natatakot ako. Ano ang sasabihin nila Dad
at mom? Nila kuya? At lalo na nang ibang tao kapag tinanong kung sino ang ama
nitong pinagbubuntis ko? Hindi ko nga alam kung pananagutan ba ako ni Atreo, lalo't
may asawa sya."
"Pero sana ay wag mong ilihim ng matagal sa kanya iyan. Nand'yan na 'yan, e. At
kahit ano pang sabihin ng mga tao ay ang dapat na mas isipin mo ang sarili mo at
ang baby mo."
Ngumiti ako at napatango, "Salamat sa inyo. Kung wala kayo ay baka hindi ko na
kayanin pa ito."
Ngumiti sila at hinawakan ako sa kamay. Magkabilaan sila.
"Ofcourse, kaibigan mo kami. Kaya kahit ano pang kagagahan ang ginagawa ng bawat
isa sa atin ay palagi lang dapat na nakasuporta at palagi lang dapat na
ipagtatanggol ang isa't-isa. We're bitch, right?"
Tumango ako at napangiti sa sinabi ni Allison. Pinisil ni Zylene ang kamay ko
habang nakangiti rin sa akin.
Huminga ako ng malalim habang pabalik-balik ako ng lakad. Hindi ko alam kung paano
ko uumpisahan ang pagsabi kela Dad ng sitwasyon ko. Natatakot ako dahil baka itawil
nila ako kapag nalaman nila kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko.
Naisipan kong tawagan si Ate Hera. Right! I know she understand me. She's good at
hiding the secret.
Tinext ko sya at naghingi ako ng payo about my condition. Ilang saglit lang ay nag-
ring na ang phone ko kaya agad kong sinagot.
"Hello, Grace?"
"Ate, paano 'to? Hindi ko alam kung anong gagawin ko?" napakagat ako sa kuko ko at
bakas sa tono ko ang pagkataranta.
"Kalma ka lang, Grace. Ano ba ang problema? Sabihin mo sa akin baka sakaling
makatulong ako."
Huminga ako ng malalim at hindi ko na mapigilan na mapaiyak. Oo, natatakot ako
ngayon. Natatakot ako na baka hindi ko kayain ang sitwasyon ko ngayon. Paano kung
ang maging sanhi ng kasalanan ko ay ang anak ko ang magdusa?
"Ate, I'm pregnant. At hindi ko alam kung paano ang gagawin ko?"
Narinig ko ang pagsinghap ni Ate Hera sa kabilang linya kaya napakagat ako ng labi.
"Edi sabihin mo sa parents mo at sa mga kuya mo. Tsaka pananagutan ka naman ng
nakabuntis sa'yo, 'di ba?"
Napaiyak ako lalo sa sinabi nya. Hindi nya alam na ang nakabuntis sa akin ay may
asawa na. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Ate Hera iyon. Dahil isang
kahihiyan iyon kung sasabihin ko pa. Pero wala akong ibang mahihingan ng tulong sa
pamilya ko kundi sya lang.
"Ate, kung sana lang ay madaling sabihin, ginawa ko na. Pero mali ang relasyon
namin. Pumatol ako sa lalaking alam kong pagmamay-ari na ng iba."
Natahimik si Ate kaya napahawak ako sa dibdib ko at naupo sa kama ko. Napayuko ako
dahil baka iba na ang tingin sa akin ni Ate. Hindi ko sya masisisi kung husgahan
nya ako ngayon.
"Grace, alam ko na wala akong karapatan na sabihin ito. Pero alam mo naman 'di ba
ang tama sa mali? Kaya alam mo na siguro ngayon ang sinasabi ko. Alam ko naman na
hindi ka matitiis ng pamilya mo. Kaya sabihin mo na sa kanila at alam ko na kaya ka
nilang proteksyonan kesa sa ama ng dinadala mo."
Napatango ako at napangiti kahit papaano sa binigay nyang payo. Akala ko ay
huhusgahan nya rin ako, pero imbes na ganun ay mas naunawaan nya ako.
"Salamat, Ate. Napag-isip isip ko na iyon. Sige, Ate."
Binaba ko na ang tawag at napapahid ako ng luha. Tumayo ako at napahinga ng
malalim. Tumingin ako sa tiyan ko at hinaplos ito. Hindi ko inaasahan na may buhay
na sa sinapupunan ko.
"Seniorita.."
Lumingon ako sa pintuan ng tawagin ako ni Wena.
"Nand'yan na ba sila Dad?"
"Opo. Nasa kwarto ho nila at nagbibihis. Sinabi ko po na hinahanap nyo sila kaya
hintayin nyo na lang daw po sila sa garden."
Tumango ako at napasiklop ang mga kamay ko sa kaba. Huminga muli ako ng malalim at
tsaka ako naglakad palabas ng kwarto ko.
Nagtungo ako sa garden habang natutulala kung paano ko sisimulan na sabihin kela
Dad.
"Ahem. Dad, I'm pregnant!" napailing ako dahil parang nakakainsulto iyon kela Dad
na masaya pa ako.
Huminga ako ng malalim at pinalungkot ang mukha ko.
"Dad, mom, wag po kayong mabibigla.."
"Bakit kami hindi dapat mabigla, anak?"
Gulat na napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Mom at Dad na nakatingin sa
akin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Oh! Mom, Dad, nand'yan na po pala kayo."
"Yes, anak, nandito na kami. Ano bang sasabihin mo sa amin?" naupo si Mom sa rattan
chair habang may pabilog na rattan table sa harap nila. Naupo din si Dad at
humalukipkip sya bago tumingin sa akin ng maawtoridad na kinakaba ko.
Napayuko ako at naglakad palapit sa upuan paharap sa kanila para maupo. Matagal
bago ako hindi nakapagsalita.
"Don't tell me you're pregnant, Grace." napahawak ako sa dulo ng dress na suot ko
at nanginig ang tuhod at kamay ko nang agad na mahulaan ni Dad ang sasabihin ko.
"Anak, hindi naman siguro iyon ang sasabihin mo, 'di ba?"
Napapikit ako sa tanong ni Mom. Napakagat ako ng labi ng maramdaman ko ang pag-init
ng gilid ng mata ko hanggang sa pumatak na iyon kaya napadilat ako at tumingin sa
kanila na may paghihingi ng patawad na tingin.
"I-I'm sorry po..."
Napatakip sa bibig nya si Mom at napasinghap. Habang si Dad ay gumalaw ang panga at
hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nya ngayon sa akin.
"Diyos ko. Anak, wag mong sabihin na ang Alvarez na iyon ang ama ng pinagbubuntis
mo?" histerikal na tanong ni Mom.
Agad akong umalis sa pagkakaupo ko at agad na lumuhod sa harap ni Mom. Hinawakan ko
sya sa kamay habang humahagulgol na ako.
"Mom, Dad, sorry po. Sorry po."
"Stand up!" maawtoridad at matigas na utos ni Dad. Tinayo ako ni Mom at niyakap
kaya yumakap ako rito pabalik habang hindi ako makatingin kay Dad.
"Lord.."
Napatingin ako kay Kuya Nestor at lumapit sya kay Dad. May binulong ito kay Dad at
tumango si Dad.
"Papasukin mo." matigas na utos ni Dad kay Kuya Nestor. Tumango si Kuya Nestor at
umalis na. Tumayo si Dad kaya napasubsob akong muli sa balikat ni Mom dahil
natatakot ako kay Dad.
Nakarinig ako ng mga yapak kaya muling lumingon ako doon at nanlaki ang mata ko ng
makita ko si Atreo na napapalibutan ng mga tauhan ni Dad.
"Sir. Ma'am." bati nya at yumuko bilang paggalang. Napabitaw ako ng yakap kay Mom
at tumingin ako sa kanya na hindi makapaniwala. Anong ginagawa nya rito? Bakit sya
nagpunta rito?
Tumingin ako kay Dad na seryosong nakatingin kay Atreo. Napatingin ako kay Mom na
nakatingin din kay Atreo.
"What brings you here?"
Tumayo ng tuwid si Atreo at tinapatan ang tingin ni Dad.
"I came here to propose to your daughter. I want to marry her."
Napasinghap ako kaya napatingin sya sa akin.
Anong pinagsasabi nya? Nasisiraan na ba sya? Magpopropose sya, e, may asawa pa sya.
"Documents." napatingin ako kay Dad ng sabihin nya iyon.
"Here, Sir." agad na inabot ni Atreo kay Kuya Nestor ang isang folder. Inabot ni
Kuya Nestor iyon kay Dad.
Binuklat ni Dad ang folder at seryoso nyang tinignan ang laman no'n. Nang matapos
mabasa ni Dad ang laman ng folder ay sinara na nya iyon at inabot kay Kuya Nestor.
Sinenyasan ni Dad si Atreo na lumapit at hinawakan ni Dad sa balikat si Atreo ng
makalapit ito.
"Good job, Alvarez." napangiti ako dahil nakita ko na napangiti si Altreo, pero
pareho kaming nagulat ng bigla syang sikmuraan ni Dad.
"Dad! Altreo!" agad akong tumakbo kay Atreo para daluhan ito ng mapaluhod sya sa
lupa pero agad akong hinarang ng mga tauhan ni Dad.
"Pero hindi ko sinabi sa'yo na gapangin mo ang anak ko at talagang siniguro mo na
maiisahan mo ako, ha?"
Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila. Tumayo si Atreo habang nakahawak sa tiyan
nya at napapangiwi ang mukha sa sakit na pinag-alala ko sa kanya.
"Ano pong ibig nyong sabihin, Sir?" tanong nya.
"Tsss. Hindi ko alam na masyado kang mabilis. Nanggigigil ako sa'yo dahil bakit mo
binuntis agad ang anak ko!" sinapak ni Dad sa pisngi si Atreo kaya hinawi ko na ang
mga tauhan ni Dad at hindi ako pumayag na hindi makalapit kay Atreo. Hinayaan na
nila ako kaya agad akong lumuhod at agad kong hinawakan ang mukha ni Atreo.
"Dad, bakit nyo sya sinapak?" may dugo sa gilid ng labi ni Atreo kaya hinawakan ko
iyon na kinadaing nya at kinangiwi.
"Welcome greet ko 'yan, Anak. 'Di ba, Alvarez!?" matigas na sabi ni Dad kaya
nagtaka ako na agad bumangon si Atreo at lumuhod kay Dad.
"Yes, Sir. Thank you for that, Sir." hindi ako makapaniwala na tinignan si Atreo.
"You want to marry my daughter?"
"Yes, Sir."
"Paano kung malaman ko na sasaktan mo lang ang anak ko? Alam mo siguro ang
mangyayari sa'yo?"
"Yes, Sir. Pangako po na hindi ko sasaktan si Grace."
May biglang nag-ring na phone at nanggagaling iyon kay Dad. Agad namang kinuha ni
Dad ang phone nya sa bulsa at sinagot ang tumawag.
"Yes, Son?... Okay." binaba na nya ang tawag at binulsa muli ang phone nya, "Sweet
heart, manganganak na raw si Hera. Let's go, kailangan tayo ng anak mo." baling nya
kay Mom.
"Teka, magpapalit lang ako ng damit." tumingin ako kay Mom at lumapit sya sa akin,
"I'm happy for you, Anak." aniya at hinalikan ang ulo ko bago sya pumasok na sa
loob.
"Iiwan ko dito ang anak ko at wag kayong aalis rito dahil hindi pa tayo tapos,
Alvarez."
"Yes, Sir. I'll wait for your comeback."
Nakapamulsa na naglakad na si Dad paalis ng garden. Sumunod ang mga tauhan nya kaya
kami nalang ang naiwan ni Atreo. Agad kong hinawakan ang mukha nya at tinignan sya.
"Atreo, ano bang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba? 'Di ba kasal ka pa kay
Suzane?"
Tumayo sya at inalalayan akong tumayo rin. Inakay nya ako na maupo sa kinauupuan
nila Dad kanina. Lumapit sya sa folder na nakabagsak sa organic grass. Lumapit
syang muli sa akin at lumuhod sa harap ko.
Tumingin sya sa mga mata ko at ngumiti pero napangiwi din ng maramdaman ang sugat
nya sa gilid ng labi.
"Hindi ako nahihibang, baby. Totoo ang sinasabi ko na gusto kitang pakasalan.
Narito ang katibayan na wala ng bisa ang kasal namin ni Suzane. Malaya na ako at
malaya na akong pakasalan ka sa kahit ano pa mang simbahan."
Napakurap ako at nag-init ang gilid ng mata ko. Napatingin ako sa folder na nilahad
nya sa akin. Kinuha ko iyon at nanginginig ang kamay ko na binuklat iyon.
Binasa ko ang nakasulat at kitang-kita ko na meron ring pirma si Suzane na
nagsasabi na pumapayag sya sa divorce nila. Tumingin ako kay Atreo habang pumapatak
na ang luha ko.
"Totoo ba ito? Hindi mo ba ako niloloko?" natawa sya at hinawakan ang kaliwang
kamay ko. Hinalikan nya ng mariin ang likod ng palad ko bago sya tumingin sa akin
habang nakangiti.
"Totoo iyan, hindi kita niloloko. Kaya ngayon ay ako naman ang magtatanong sa'yo."
may kinuha sya sa bulsa ng suot nyang leather jacket at napakagat ako ng labi at
lalong napaiyak ng makita ang maliit na box na kulay ginto. Binitawan muna nya ang
kamay ko at tsaka nya binuksan iyong box at pinakita sa akin ang laman. Isang blue
diamond na singsing. Kinuha nya ang singsing sa box at tsaka nya kinuha muli ang
kamay ko at tumitig sa akin ng malalim, "Will you marry me, Grace? Pasensya na kung
ganito lang ang proposal ko, pero babawi ako. Pero please, pakasalan mo ako, baby."
Natawa ako sa pagkademanding nya. Para bang natatakot sya na hindi ko sya sagutin
para pakasalan.
"Yes, I will marry you, Atreo."
"Yes!" napahiyaw sya kaya napangiti ako at tinignan ang pagsuot nya sa daliri ko ng
singsing. Hinalikan nya ng mariin ang kamay ko kung saan nya sinuot ang singsing
bago sya tumayo at tinayo ako. Hinawakan nya ako sa mukha at tumitig sya sa akin.
Binaba nya ang mukha nya at agad na sinakop ng labi nya ang labi ko. Napapikit ako
at napayakap sa bewang nya bago tumugon sa halik nya.
Sobra ang saya ko. Ang bigat na dinadala ko kanina ay biglang naglaho at napalitan
iyon ng kakaibang saya at pagkalutang ng pakiramdam ko. Hindi ko akalain na devorce
na sila ni Suzane. At hindi ko akalain na magpoprose sya sa akin ngayon. Mas lalong
hindi ko inaasahan na kaya nyang harapin si Dad at ipakita ang tapang nya para mag
propose.
Bumitaw kami ng halik at nagkatitigan kami sa mata habang hinahaplos-haplos nya ang
mukha ko.
"You're pregnant." tumango ako kaya lalo syang napangiti, "I'm so happy, baby. Wala
akong pakialam kung sobra ang galit ng dad mo sa akin, pero ang mahalaga ay nakuha
na kita."
"Plano mo na buntisin ako?" napanguso ako nang mapahalakhak sya.
"Hmmm.. Sabihin na natin na ganun nga. Hindi mo kasi ako masisisi dahil kapag
ganitong malapit ka ay hindi ko mapigilan ang sarili ko." aniya.
Napayakap ako sa kanya at nilapat ko ang gilid ng mukha ko sa dibdib nya.
"Alam mo ba na sobra ang takot ko ng malaman ko na buntis ako. Hindi ko alam kung
paano ko sisimulan na sabihin kela Dad iyon dahil baka itakwil nila ako. At hindi
ko rin alam kung pananagutan mo ba ako, dahil nga akala ko ay hindi pa kayo devorce
ni Suzane."
Inalis nya ang kamay ko sa bewang nya at inakay nya ako. Naupo sya sa inuupuan ni
Dad kanina at pinaupo nya ako sa kandungan nya patagilid.
Sumandal sya sa upuan kaya sumandal ako sa kanya at niyakap ko muli sya.
"Hindi ko gagawin sa'yo iyon, dahil kahit hindi ko pa malaman na buntis ka ay plano
ko na talagang magpropose sa'yo ngayon para hingin ang basbas ng magulang mo."
"So.. Kelan pa kayo devorce ni Suzane?"
"Hmmm. Medyo matagal na rin."
Napaalis ako sa pagkakayakap sa kanya at umayos ako ng upo sa hita nya bago ako
tumingin sa kanya.
"Matagal na?" tumango sya kaya napasimangot ako, "Bakit hindi mo sinabi sa akin?
Todo ang paglayo ko pa naman sa'yo simula nung magkita muli tayo, dahil ayoko na
nang gulo, pero 'yun pala ay devorce na kayo ni Suzane."
Umalis sya sa pagkakasandal sa upuan at pumalibot ang isang braso nya sa bewang ko
at ang isa nyang kamay ay humaplos sa tiyan ko kaya napatingin ako sa kamay nya na
humahaplos sa tiyan ko.
"Hindi ko talaga sinabi muna sa'yo dahil masisira ang diskarte ko sa pag propose
sa'yo."
"Pero bakit natagalan ka sa ibang bansa? Dahil ba nahirapan ka sa pag-asikaso ng
papel?"
"Hindi lang naman dahil doon kaya ako nagtagal sa ibang bansa."
Napatitig ako sa mukha nya at nakita ko ang pag-ngiti nya habang hinahaplos ang
tiyan ko.
"So, ano pang dahilan mo kaya matagal kang nawala?"
Nag-angat sya ng tingin sa akin at tumitig sya sa akin habang nakangiti.
"Dinalaw ko ang Grand Ma ko."
"Grand Ma? May Grand Ma ka sa ibang bansa nakatira." tumango sya kaya nawala ang
pagkagulat ko.
"Oo. Actually, sa kanya ako lumaki noon at doon ako sa greece namalagi ng bata ako.
Nahiwalay lang ako sa kanya dahil nga sa pag-a-army ko."
Napahinga ako ng malalim dahil marami pa talaga akong hindi nakikilala sa pamilya
nya. At marami pa akong hindi nalalaman kay Atreo.
"Para saan naman 'yang pag buntong-hininga mo?" Tanong nya.
"Kasi, wala pa akong kilala sa pamilya mo maliban sa magulang mo at kay Won. Baka
kapag nakilala ko pa ang iba mong pamilya ay baka ayawan din nila ako."
Pinisil nya ang bewang ko at kinuha ang isang kamay ko para ipagsiklop sa kamay
nya.
"Wala akong pakialam kung ayaw nila sa'yo. Basta ang mahalaga ay gusto kita at
lalong mahal na mahal kita. At katunayan, naikwento kita kay Grand Ma. Gusto ka nga
nyang makilala."
Napalaki ang mata ko at hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya.
"Really? Gusto nya akong makilala?"
Tumango sya at ngumiti, "Yes. Kaya nga pagkatapos ng kasal natin ay gusto mo bang
dumeretso na tayo sa greece para puntahan si Grand Ma?"
Napaisip naman ako, "Hindi ba sya masungit at istrikta? Kasi ang nakikita ko minsan
sa palabas sa teleserye ay ang ibang Grand Ma ay masungit."
Napahalakhak sya sa sinabi ko at mariing hinalikan ang pisngi ko.
"You're so cute, baby." ngumuso ako kaya pinisil nya ang pisngi ko, "Hindi masungit
si Grand Ma at lalong hindi istrikta. Parang anghel iyon dahil sa kahinhinan at
kabaitan. Magkaiba sila ni Mom. Sya ay sobrang bait at maunawain. Pero..."
"Pero?"
"Makulit." napangiti naman ako sa sinabi nya, "Ano, gusto mo doon na tayo tumuloy
kapag naikasal na tayo?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya, "Sige. Excited na akong makilala ang Grand Ma mo.
Tsaka hindi pa ako nakakapunta sa greece, e."
"Okay, baby." aniya at pinisil ang baba ko.

Kabanata 22
We are preparing for our wedding. Naging busy kami ni Atreo dahil gusto nya na
makasal na kami this year. At hindi na rin ako pinipigilan ni Dad na sumama o
makipagkita kay Atreo, basta wag lang daw akong papabayaan ni Atreo.
"Derek, pasensya na kung hindi ko na gagawin ang photo shoot para sa cover ng
magazine."
"Ano ka ba, okay lang yun. Actually, mas gusto na ngayon ng ibang magazine na
mafeature ang wedding nyo ni handsome." kinikilig sya habang pakagat-kagat pa sa
scarf nya. Napakunot-noo ako na tumingin sa tinitignan nya at nakita ko na kay
Atreo pala sya nakatingin.
Nakaupo si Atreo sa sofa rito sa dressing room dahil sinamahan nya lang ako para
magpaalam na hindi na muna ako papasok sa Lux.
"Sino naman may sabi sa'yo na ikakasal kami?"
"Sino pa ba? Edi yung madaldal mong mga kaibigan."
Napailing ako at napahinga ng malalim. Napakadaldal talaga ng dalawa. Hindi ko nga
nais na kumalat pa sa iba ang kasal namin, dahil ayokong pag-usapan pa ng ibang
tao.
"Bitch!"
Tumingin ako kay Zylene at Allison na kagagaling lang sa photo shoot. Binigyan ko
sila ng tingin na matalim dahil sa pagdadaldal nila.
"Allison, 'di ba sabi mo ay ikakasal na si Grace?"
"Huh? Wala naman akong sinasabi sa'yo." inismiran ko si Allison dahil nagpapalusot
pa sya.
"Anyway, Derek, we need to go." bumeso ako rito at tumingin sa dalawa, "Naku, kayo
talaga.."
"Sorry, bitch. Ito kasing si Allison, sa excitement ay nadaldal nya tuloy na
malapit na kayong ikasal."
Napahinga ako ng malalim at ngumiti sa kanila.
"Okay, okay. Wala na rin naman akong magagawa dahil alam na ata ng lahat. Mauna na
kami, titingin pa kami ng wedding dress ko."
Tumango sila at ngumiti, "Basta ako ang bride's maid mo, ha?"
"Anong ikaw? Ako kaya."
Napailing nalang akong muli dahil nag-aaway pa sila para sa pwesto nila sa kasal
ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Atreo ang humawak sa bewang ko.
"Let's go." tumango ako sa kanya at tumingin sa dalawa. Bumeso ako sa dalawa at
nagpaalam na kami sa mga katrabaho ko.
"Ang daldal talaga ng dalawang iyon. Pati sa ibang magazine publisher ay umabot ang
pagpapakasal natin."
Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko na nasa kandungan ko at dinala sa hita nya
habang hawak-hawak nya.
"It's okay, baby. Masaya lang ang mga kaibigan mo kaya nasabi nila sa iba."
"Yeah. Sanay na ako sa mga iyon kaya wala rin naman na akong magagawa kung mas
excited pa sila sa akin."
Napangiti sya kaya ngumiti rin ako na tumingin sa daan. Tumingin ako sa bintana sa
side ko at napakaganda ng panahon ngayon.
Kasing ganda ng takbo ng buhay ko ngayon. Sana ay maging maayos na ang lahat at
sana ay wala nang anu pa mang gulo sa relasyon namin ni Atreo.
"Baby.." tumingin ako kay Atreo at hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami,
"May problema ba?" umiling ako at ngumiti.
"Wala. Nandito na ba tayo?" tumingin ako sa labas at nakita ko na narito kami sa
tapat ng isang sikat na wedding botique.
"Yeah." tugon nya at binitawan ang kamay ko bago nya buksan ang pinto sa side nya.
Kinuha ko na ang bag kong dala at inalis ang seat belt ko. Napatingin ako kay Atreo
ng pagbuksan nya ako ng pinto kaya bumaba na ako habang inaalalayan nya ako.
Tumingin ako sa paligid at halos napapaligiran ng mga sosyal na shop ang sikat na
wedding botique.
"Let's go." tumango ako kay Atreo ng ipalibot nya ang braso sa bewang ko at akayin
na ako papasok sa botique.
"Welcome, Sir, Ma'am." bati ng empleyado ng botique at tila Designer sya dahil may
medida sa leeg nya na nakasabit.
"Ako ang tumawag sa inyo para sa gown ng fiancé ko."
"Ah, Mr. Alvarez." tumango ang Designer at ngumiti, "Sya po ang fiancé nyo."
tumango si Atreo at tumingin sa akin.
"Sumama ka na sa kanila at magsusukat ka ng gusto mong gown. Hintayin kita dito."
aniya kaya tumango ako at tumingin sa designer na ngumiti sa akin.
Sumama ako sa designer at inaya nya ako sa loob. Namangha ako at napangiti dahil
ang daming wedding gowns na ang gaganda ng mga design. Hindi ako makandaugaga kung
ano ang pipiliin ko.
"Ma'am, if you want. You can try all of this." tumingin ako sa designer na
pinagsama-sama sa isang sabitan ang mga gown na naibigan ko.
"Pwede ba?"
"Oo naman po. So, ano pong gusto nyong unahin?" tumingin ako sa mga napili ko at
tinuro ko ang pa off shoulder at puno ng diamonds ang bawat tela.
Ngumiti sya at kinuha iyon. Pinapasok nya ako sa tila isang fitting room.
Tinulungan ako ng iba pang empleyadong babae na isuot ang wedding dress. Tapos may
isang hair stylish na inayos ang buhok ko na pamessy buns. At pagkatapos ay kinabit
sa buhok ko ang belo.
Nang maisuot ko na ang gown at makabit na ang belo ay binigyan nila ako ng plastick
na bride's flower para hawakan.
Nabigla ako ng biglang gumalaw ang kinatatayuan ko tila umiikot paharap sa pader.
Napatingin ako sa pader ng humarap ako doon. Bumukas iyon na kinamaang ko. Pero
napangiti ako ng makita ko si Atreo na prenteng nakaupo sa couch habang
nakahalukipkip at nakapikit.
Dumilat sya ng tawagin sya ng isang empleyado. Tumingin ako sa designer ng ayusin
nya ang dulo ng gown na suot ko. Pero napatingin muli ako kay Atreo at nakita ko na
napatingin sya sa akin mula ulo hanggang paa habang natutulala kaya lalo akong
napangiti sa naging reaksyon nya.
Sinenyasan ko sya kung ayos ba at napatango naman sya at napangiti.
"Ma'am, isusukat nyo pa ba ang ibang naibigan nyo?"
Tumingin ako sa designer at umiling na ako rito.
"Hindi na, heto na ang napili ko. May ipapadagdag nalang ako sa design." tumango
ito at ngumiti.
Huminga ako ng malalim at napangiti na tumingin kay Atreo. Ang sarap pala isuot ang
wedding gown. Ngayon ay nararamdaman ko na ang feeling ng mga bride ng ikasal sila.
Hinubad ko na muli ang gown at sinuot ang suot ko kanina. Lumabas ako ng fitting
room at lumapit kay Atreo.
"May ipapadagdag lang ako sa design." tumango sya at tumayo.
"Okay. Pagkatapos rito ay sa flower naman tayo, right?" tumango ako sa kanya at
tumingin sa kumalabit sa akin.
"Ma'am, ano pa ho ang nais nyong ipalagay sa gown?"
Sinabi ko ang nais ko at agad naman nilang ni jot down sa notes nila. Nang matapos
ang pag-uusap tungkol sa wedding gown ko ay umalis na kami ni Atreo doon.
Nagtungo naman kami sa isang flower shop at napakaraming magagandang bulaklak ang
bumungad sa amin pagpasok namin. Lumapit ako sa yellow at pink flowers. Inamoy ko
ang mga ito at napangiti ako dahil ang bango nila.
"You like it?" Lumingon ako kay Atreo na nasa likod ko habang nakahawak sa bewang
ko.
"Oo, ang bango tsaka ang ganda ng mix ng color. Ito nalang ang motif natin, ha?"
"Sure. Maganda nga." napangiti naman ako sa pag sang-ayon nya at tumingin sa owner
ng shop.
"Oorder kami nito. Gagawin namin sa motif ng kasal namin."
"Sure, Ma'am. Pati ba sa bulaklak nyo ay ito na ang gusto nyong bulaklak?"
"Oo, kung pwede sana. Medyo gamit na ang white rose. Maganda siguro ang pink rose."
"Good idea, Ma'am." ngumiti ako rito at tumingin kay Atreo.
"Nagugutom na ako. Parang gusto kong kumain na."
"Okay. Ah, Miss, babalik nalang kami bago ang kasal para macheck kung ayos lang ang
order namin."
"Ah, sige po. Tatawagan ko nalang po kayo pag na-arrange na namin."
Tumango kami ni Atreo sa owner at lumabas na kami. Nagpunta kami sa isang fine
dinning restaurant.
"Welcome, Sir. Ma'am. Table for two?"
"Yes, please." tugon ni Atreo. Marami din kasi ang kumakain kaya naghanap kami ng
magandang pwesto. Inaya kami ng waitres sa tabi ng bintana at maganda ang pwesto
dahil couch ang upuan na kasya ang anim siguro.
"Dito po, Ma'am. Sir. Heto nalang po ang bakante."
"It's okay. Ayos na kami rito." sabi ko rito kaya tumango ito at umalis na para
siguro kunin ang menu. Inalalayan akong maupo ni Atreo sa dulo at tumabi sya sa
akin.
"Here's your menu, Ma'am. Sir." ngumiti ako sa waitres ng agad syang makabalik at
kinuha ni Atreo ang menu.
Tumingin kami sa mga recipe nila. Tila natakam ako ng makita ko ang larawan ng
chicken feet.
"Gusto ko nito. Tsaka nitong special palabok nila.... Ah miss, pakibigyan ako ng
ketchup."
"Huh? Aanhin mo 'yun, baby?" ngumiti lang ako at hindi ko sinagot si Atreo.
Nagbigay na rin sya ng order sa waitres ng kakainin nya.
Napahikab ako at sinandal ang ulo ko sa balikat ni Atreo. Inakbayan naman nya ako
kaya napangiti ako.
"Are you tired already, baby?"
"Oo. Inaantok agad ako." Hinaplos nya ang braso ko at inayos ang ulo ko sa balikat
nya.
"Sabi naman ni Doctora ay dahil sa pagbubuntis mo lang iyan."
"Oo nga. Ang hirap pala magbuntis, saglit lang ay lowbatt na ako." napahalakhak sya
kaya napanguso ako.
"Tiis lang, pinagpaguran natin 'yan." bulong nya kaya pinalo ko ang hita nya at
inalis ko ang pagkakaakbay nya sa akin. Tumingin ako sa kanya at inirapan sya ng
ngumiti sya ng pilyo.
"Wag ka nga. Mamaya ay may makarinig pa sa'yo."
"Oh? Anong masama doon? Talaga namang lahat ng bagay ay pinagpapaguran."
"Heh! Tumigil ka." natawa sya at muling inakbayan ako.
"Ginigising lang kita. Baka mamaya ay makatulog ka pa rito." aniya kaya napanguso
akong muli at muling sinandal ang ulo ko sa balikat nya.
Kinuha ko ang phone ko sa bag at binuksan ang camera.
"Picture tayo." umayos ako ng upo kaya bumaba ang kamay nya sa bewang ko at dinikit
ang mukha sa akin kaya napangiti ako ng makita ko syang nakangiti sa camera.
"Ang sweet naman."
Napatingin kami sa nagsalita at agad akong napatigil sa pagkuha ng litrato ng
makita ko ang mommy ni Atreo at si Suzane na nakangisi sa akin.
Tumayo si Atreo kaya tumayo rin ako at napahawak sa braso nya.
"Anong ginagawa nyo rito, Mom?"
"Bakit bawal na ba kami rito, anak? Inaya ko si Suzane na kumain dahil napagod kami
sa pag shopping."
Napayuko ako ng tumingin sa akin ang mommy ni Atreo na may pagdisgustong tingin.
"Can we join to your table, Anak?"
Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Atreo kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti
bago tumango.
"Okay."
Inalalayan akong maupo muli ni Atreo at pakiramdam ko ay ang awkward ng paligid
dahil nasa harap ko sila.
"I heard magpapakasal ka rito, anak? Kakadivorce nyo palang ni Suzane ay agad kang
magpapakasal?"
"Mom, wag nyo nang pakialam ang desisyon ko."
"Ah ganun. So paano kapag gusto kong sa bahay kayo tumira ng kabit mo, hindi ka ba
papayag?"
"Pwede ba, mom, kung iinsultuhin nyo lang si Grace ay lumipat nalang kayo ng
table."
"Wala namang nakakainsulto na sinabi si Mama, Atreo. Talaga namang kabit sya, kahit
pa pakasalan mo."
"Shut up, Suzane. Let's go, Grace." ambang tatayo na si Atreo ay pinigilan sya ng
Mom nya.
"Okay.. Hindi na, anak. Pero gusto ko sana na sa bahay kayo tumira pag nakasal na
kayo. Siguro naman ayos lang sa'yo, Grace?" bumaling sa akin ang Mom ni Atreo.
Tinignan ako nito nang masama kaya napatango ako.
"Hindi pwede, Mom. May bahay ako at doon kami titira."
"Ayaw mo bang makilala ni Grace ang pamilya mo? At kung sa bahay na sinasabi mo ay
isang kwarto lang iyon. Kasya ba kayo doon kapag nagkaanak na kayo?"
Pinisil ko ang braso ni Atreo kaya napatingin sya sa akin. Tumango ako at ngumiti
para pumayag na sya sa nais ng Mom nya. Gusto ko rin na tumira sa bahay ng parents
nya para makilala ang iba pa nyang pamilya na hindi ko pa nakikilala.
"Okay. Pero hindi rin kami habang buhay mamalagi doon. May nais ako sa magiging
pamilya namin ni Grace, Mom, kaya sana ay wag na kayong kumontra doon."
"Oo, walang problema, anak."
Napatingin ako kay Suzane na ngumisi sa akin. Hindi ko na sya pinansin at tumingin
ako sa waitres ng ilapag nya ang order namin. Umorder din sila Suzane dahil wala pa
silang kakainin.
Hinalo ni Atreo ang palabok ko. At kung kanina ay gutom ako, ngayon ay parang tila
umurong iyon dahil sa dalawang tao na nasa harap namin na pinapanood kami.
Kinuha ko ang ketchup at nilagay sa palabok ko na kinatigil ni Atreo sa paghalo.
"Baby, bakit mo nilagyan nya'n? Baka masira ang tiyan mo?"
"Gusto ko kasi may ketchup. Mukhang masarap."
"Eww. Kadiri." bulong ni Suzane at nagtakip pa ng ilong. Hindi ko sya pinansin at
hinawakan ko ang tinidor at hinalo ang ketchup sa palabok.
Kinain ko na iyon at nasarapan ako. Hindi naman ako mahilig sa palabok na may
ketchup pero ito siguro ang nais ng baby ko na nasa tiyan ko.
Kumuha rin ako ng chicken feet at pinapak iyon.
Dumating na rin ang order nila Suzane at very class pa silang kumain habang ako ay
kinamay ang pagkain ng chicken feet.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng mag-ring ang phone ni Atreo na nasa bulsa ng
pants nya. Kinuha nya iyon at tumingin sya sa akin..
"Sagutin ko lang, si Major." tumango ako kaya tumingin sya sa Mom nya at nag-excuse
rin.
Tahimik na pinagpatuloy ko ang pagkain at lalong naging awkward ng maiwan kaming
tatlo.
"Hindi porket magiging asawa ka ng anak ko ay magugustuhan na kita bilang manugang
ko. Galit ako sa katulad mong kabit at nang-aagaw ng may asawa na. Pasalamat ka at
mabait si Suzane at pumayag sa devorce nila ng anak ko. Kung hindi, baka kailanman
ay hindi ka papakasalan ni Atreo."
Napahigpit ang hawak ko sa tinidor at hindi ako makaangat ng tingin dahil nasaktan
ako sa sinabi ng Mom ni Atreo.
"Wash room lang, Suzane my dear."
"Sure, Mama."
Tumayo ang Mom ni Atreo at hindi parin ako nag-aangat ng tingin. Umalis na ito kaya
narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Suzane.
"Kawawa ka naman. Ang sakit no? Hindi ka kailanman magugustuhan ng parents ni
Atreo. At kahit kailan ang tingin nila sa'yo ay isang kabit."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang pang-asar nyang tingin habang
nakangisi.
"Wala ka nang pakialam doon kung hindi man ako magustuhan ng parents nya."
"Oh really? Paano ako mawawalan ng pakialam, kung doon parin ako sa bahay nila Mama
nakatira kasama ng mga anak namin ni Atreo? At kung akala mo ay sasaya ka kapag
naging asawa mo si Atreo, nagkakamali ka, kabit. Dahil oras na tumuntong ka sa
bahay nila Mama, impyerno ang ipapadanas ko sa'yo."
Hindi ako nagpakita ng pagkatalo sa kanya. Pero sa loob-loob ko ay nakaramdam ako
ng takot.
"Hindi ko hahayaang mangyari iyon.",
"You wish, kabit. Dahil hindi lang naman ako ang magpapadanas sa'yo no'n, kundi
pati si Mama. Alam mo ba na malakas rin ako sa ama ni Atreo? Kaya sinasabi ko sa'yo
na kailanman ay hindi ka nila magugustuhan. Dahil sa pamamahay na iyon, ako parin
ang ituturing nila na asawa ni Atreo. Hindi ikaw."
"May problema ba dito?" biglang umayos ng upo si Suzane at ngumiti. Yung ngiti na
plastick.
"Walang problema, Atreo. Sinabi ko lang kay Grace na mag-ingat sya."
Tumingin sa akin si Atreo at kumuha sya ng tissue at pinahiran ang nguso ko.
"Are you alright, baby?" tumango ako sa kanya at ngumiti para ipakita na ayos lang
ako.
Dumating na ang Mom nya na galing sa wash room. Naupo muli ito at pinagpatuloy ang
pagkain.
"Ayos ka lang ba talaga, baby?" nakailang ulit na ni Atreo na tinatanong sa akin
iyon, at puro tango at ngiti ang tinutugon ko sa kanya.
"Ayos nga lang ako, don't worry about me."
Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan.
"Sabihin mo lang kung ayaw mo na tumira tayo kela Mom. Hindi ko nais na hindi ka
maging komportable kapag doon tayo tumira. Kung saan ang nais mo ay iyon ang
susundin ko."
Napangiti ako at umiling sa kanya, "Hindi. Okay lang kung tumira tayo doon. Hindi
mo naman ako papabayaan, 'di ba?"
"Oo naman. Hindi kita papabayaan. At kapag oras na hindi mo na gusto doon ay
sabihin mo agad sa akin, ha?"
Tumango ako at umusog ng upo para isandal ang ulo ko sa balikat nya. Humawak ako sa
braso nya at pumikit.
"Kakayanin ko basta kasama lang kita, Atreo. Mahal na mahal kita."
"I love you too, baby."
Dumilat ako at tumitig sa mukha nya na seryoso. Nakapokus sya sa daan habang
nagmamaneho na nakangiti.
Natatakot ako sa banta ng Mom nya at ni Suzane. Pero kaya kong alisin ang takot na
iyon basta kasama ko lang sya. At sisikapin ko na mapalapit sa pamilya nya. Masakit
isipin na ang tingin lang nila sa akin ay tanging kabit. Para bang sinasabi nila na
walang saysay ang nalalapit na pagpapakasal namin dahil sa paningin nila ay ako
parin ang pangalawa. Ako parin ang kabit. Ako parin ang mang-aagaw.
Masakit at parang pinanghihinaan ako ng loob kapag pinagmumukha nila sa akin iyon.
Pero gagawin ko ang lahat para lumakas at iwaglit sa isip ko ang sasabihin ng iba.
Basta para sa anak namin. At para sa aming dalawa, kakayanin ko.
Hindi man sila dumalo ngayon sa aming kasal. Masaya parin ako na makita ang pamilya
ko at ilang kaibigan namin na nakasuporta sa kasal natin.
Napakagwapo nya sa suot nyang tuxedo na puro puti. Para syang prinsipe at
pakiramdam ko sa suot kong gown ay ako ang prinsesa nya.
Tumingin ako sa mga taong nakangiti na pinagmamasdan akong lumalakad sa aisle.
Nakita ko ang vipers na nakasuot ng pang-army habang nakataas ang kanilang kamay
habang nakasaludo sa dadaanan ko.
Napangiti ako ng umayos sila ng tayo at binaba na ang kamay. Napatingin ako kela
Mom at Dad na kasabay kong lumalakad sa aisle.
"Your wedding is so beautiful, anak. At talagang kitang-kita ko na mahal na mahal
ka ni Alvarez."
"Mom, Atreo nalang po ang itawag nyo sa kanya."
"Okay, basta para sa'yo." napangiti ako at tumingin kay Dad ng tapikin nya ang
kamay ko.
"Hindi man halata sa itsura ko ay masaya ako para sa'yo, Grace. Alam kong kaya kang
protektahan ng lalakeng iyan. Dahil kapag hindi nya ginawa iyon, ako ang
makakaharap nya."
"Dad.." mahinang suway ko sa kanya kaya napahinga sya ng malalim at kita ko ang
pagngilid ng luha nya na pinipigil nya. Ngayon ko lamang nakita na mangilid ang mga
mata ni Dad.
"Nalulungkot lang ako, anak, dahil malalayo ka na sa amin ng Mommy mo. Kung alam ko
lang na aagawin ka sa amin ni Alvarez ay sana nagbuntis pa ng isa ang mommy mo."
Napangiti ako sa sinabi nya. Alam ko na sobra ang lungkot nila dahil ako na nga
lang ang isang anak nila na makakasama nila sa bahay, tapos mawawala pa at
malalayo.
"Dad, kahit naman po may asawa na ako ay hindi ko po makakalimutan na dalawin kayo.
Pangako po yan."
Tumango sya at tinapik ang kamay ko bago kami huminto sa harap ni Atreo.
"Ipangako mo na wag mong sasaktan at dadampian ng kamay ang anak ko. Alam mo siguro
na masama akong magalit, Alvarez."
"Pinapangako ko po na mamahalin at hindi ko sasaktan si Grace, Sir." nagsaludo pa
si Atreo kaya napangiti ako.
Binigay na ni Dad ang kamay ko kay Atreo. Habang si Mom ay bumeso sa akin at pati
kay Atreo. Tinapik ni Dad ang balikat ni Atreo bago sila umalis sa harap namin para
maupo sa kanilang pwesto.
Ngumiti sa akin si Atreo habang mahigpit ang hawak nya sa kamay ko. Humarap na kami
sa priest na magkakasal sa amin.
Sa bawat seremonya ay nakangiti kami sa isa't-isa. Mabuting nakikinig sa seremonya
ng pare at bawat basbas nito at dasal para sa aming pagsasama ay sinasapuso namin.
Magkaharap kami at magkatitigan habang sinusuot ang singsing sa bawat isa. Narinig
ko ang palakpak ng mga tao na narito sa loob ng simbahan na nakasaksi sa pag-iisang
dibdib namin ni Atreo.
Kita ko ang pag-ngiti ni Atreo ng kantyawan kami para sa kiss na magsasarado sa
pag-iisa namin sa altar. Nakangiti na inalis nya ang harang na belo sa mukha ko at
pagkaraan ay tumitig sya sa akin.
"Sa wakas, akin ka na habang buhay, baby." aniya kaya humawak ako sa leeg nya ng
hapitin nya ang bewang ko para mapalapit ang katawan ko sa katawan nya.
Ngumiti lang ako sa sinabi nya at pumikit ng binaba nya ang mukha para abutin ang
labi ko. Agad akong tumugon sa halik nya at sa gitna ng halikan namin ay napangiti
kami ng marinig namin ang hiyaw ng bisita para patigilin na kami sa paghahalikan
namin.
Bumitaw kami ng halik at nagkatinginan. Nakita ko ang pagpatak ng luha nya kaya
agad akong nag-alala.
"Bakit?" natawa sya at niyakap ako ng mahigpit habang nakasubsob ang mukha nya sa
leeg ko.
"Masaya lang ako. Ganito ang gusto kong pakiramdam na kahit kailan ay hindi ko
naramdaman ng ikasal kami ni Suzane. Masaya ako at nakilala kita. I love you,
Grace. My wife." bulong nya na kinangiti ko at hinaplos ko ang buhok nya habang
hindi ko na rin napigilan na mangilid ang luha sa saya ng malaman ko na masaya
talaga sya sa kasal namin. At alam ko na mahal na mahal nya ako.

Kabanata 23
Nakangiti kami sa isa't-isa habang buhat-buhat nya ako papasok sa bahay nya. Walang
kahirap-hirap nya akong binuhat kahit pa suot-suot ko pa ang wedding gown ko na
nagpapabigat sa kanya.
Napatili ako ng ibaba nya ako sa sofa at agad na sumubsob sya sa leeg ko at sabik
na humalik doon. Napahawak ako sa coat nya at napakagat ako ng labi ng kagatin nya
ng mariin ang balat ko sa leeg.
"Bullshit! Kanina pa ako atat na atat, baby." bulong nya at dinilaan ang leeg ko
paakyat sa panga ko na kinahalinghing ko habang mahigpit akong nakakapit sa coat
nya.
Hinawakan nya ang panga ko at agad nyang inangkin ang labi ko na animo'y sabik na
sabik. Tumugon ako sa halik nya habang nagsisimula ng uminit ang buong paligid
namin. Gumalugad ang dila nya sa bibig ko kaya nakipag-espadahan ako ng dila sa
kanya.
Dumilat ako at nakita ko na nakapikit sya habang buong gigil sya na
nakikipagpalitan sa akin ng halik. Dumilat sya kaya nagsalubong ang aming tingin.
Tumigil sya sa paghalik at bumangon sya bago ako inalalayan na tumayo. Mabilis na
inalis nya ang coat nya at tinapon na lang sa sahig bago nya ako agad na pinangko.
Binaba nya ang mukha at muling inangkin ang labi ko habang humahakbang sya sa
hagdan. Hinawakan ko ang mukha nya at nilayo ang labi nya sa labi ko.
"Baka mahulog tayo." napangisi sya at mas binilisan ang paghakbang nya patungo sa
kwarto. Binaba nya ako sa sahig ng makarating kami sa kwarto nya.
Ambang hahalik muli sya ay pinigil ko ang labi nya gamit ang hintuturo ko.
"Relax." mapang-akit kong sabi sa kanya at tinulak ko ang dibdib nya kaya
napabagsak sya sa kama habang hindi makapaniwalang nakatingin sya sa akin, "Wait me
here. I need to change my outfit."
"No need. Just take off your clothes."
"Hmm. Ayaw mo bang makita ang bagong bili kong nighties?"
Napalunok sya at inalis ang butones sa bandang leeg nya. Natawa ako sa reaksyon nya
kaya napailing ako na nagtungo sa walk- in closet nya.
Binuksan ko ang closet kung saan nakalagay ang mga damit ko na nilipat ko na bago
pa man ang kasal namin.. Kinuha ko ang nighties na itim na binili sa mall.
Actually, parang gift na 'to ni Allison sa akin. Sya ang bumili dahil ayoko sana,
kaso wala akong choice dahil binili na nya.
Hinubad ko ang wedding gown na suot ko at nilagay ko iyon sa kahon kung saan ang
pinaglagyan nito nung una. Sinuot ko na ang nighties at halos mamula ang pisngi ko
dahil parang hindi na rin ako nagsuot sa sobrang nipis at see thru ng tela nito.
Suot ko rin ang itim na t-back na kinasanayan ko.
Huminga ako ng malalim at pinusod ko ang buhok ko. Aalis na sana ako ng mahagip ng
mata ko ang isang malaking kahon na nakatago sa gilid, yung tipong tila
pinakatatago talaga doon iyon para walang makakakita.
Lumapit ako roon at inabot ko ang takip ng kahon para silipin ang laman no'n.
Kinuha ko ang laman na isang magazine pala. Pagkakuha ko at nang mapatingin ako sa
cover ay halos mapasinghap ako ng makita ang mga pose ko sa isang magazine kung
saan ay ako ang cover noong rumampa ako sa victoria secret event.
Kaya ba sold out at wala ng pinalabas pang copy dahil binili nya lahat? Kaya pala
nakakapagtaka na mabilis na nasold out ang cover ko kahit na hindi naman ako
masyadong kilala sa industry para bilhin ng mga tao ang cover ko. 'Yun pala ay si
Atreo ang bumili lahat. Pero sabi ni Derek ay may nagrereklamo na mga kalalakihan
sa opisina ng magazine dahil bakit wala na raw. Now I know the reason.
Napailing ako at binalik sa kahon ang magazine. Ngumiti ako na lumabas ng walk-in
closet. Tinignan ko si Atreo na nakaupo sa kama habang tanging boxer nalang ang
naiwan sa saplot nya.
Naglakad ako patungo sa harap nya na kinatingin nya sa akin mula paa hanggang
pataas. Napatitig sya sa akin habang nakabuka ang bibig nya at habang gumagalaw ang
adams apple nya. Humawak ako sa balikat nya at nakaparte ang mga binti ko sa
magkabilang gilid nya nang maupo ako sa kandungan nya paharap sa kanya. Agad nyang
pinulupot ang dalawang kamay sa bewang ko at napakislot kaming pareho ng maramdaman
ko ang matigas at nakasaludo nyang kahabaan.
"Damn, baby.." bulong nya habang umaamoy ang ilong nya sa leeg ko. Mabagal na
gumiling ako sa kandungan nya na nagpasimula ng pag-iinit ng aming katawan.
Naramdaman ko ang paghaplos nya sa legs ko paakyat sa hita ko. Pinasok nya ang
malalaki at mainit nyang mga kamay sa suot kong nighties hanggang sa mahawakan nya
ang pang-upo ko.
Tumayo sya at ako ang hiniga nya sa kama. Napayakap ako sa leeg nya ng agad nyang
sakupin ang labi ko hanggang sa dumagan ang katawan nya sa akin.
Namilipit ang mga daliri ko sa paa ng haplusin nya ang magkabila kong dibdib habang
mainit na nakikipagpalitan sya sa akin ng halik.
Pinagparte nya ang aking mga binti na kusa ko namang ginawa. Diniin nya ang sarili
sa akin na nagpapusok pa sa aming halikan..
Kinagat nya ang ibabang labi ko at binitawan nya ang labi ko para gumapang ang basa
nyang labi sa panga ko patungo sa tenga ko. Napayakap ako sa likod nya at nahipo ko
ang malapad at matigas nyang katawan.
Bumaba ang halik nya sa leeg ko hanggang sa magkabilang dibdib ko na ito huminto.
Agad kong naramdaman ang mainit nyang bibig na sumakop sa korona ko kahit pa suot
ko ang nighties ko.
Napasinghap ako ng sirain nya ang nighties ko at sabik na pinagpasa-pasaan ng bibig
nya ang magkabila kong dibdib.
Napaalon ang tiyan ko at taas-baba ang dibdib ko dahil sa sobrang pigil ng hininga
ko sa ginagawa nya. Muli nyang sinira ang natitirang parte ng nighties ko hanggang
sa lumitaw na sa mata nya ang naked body ko.
"Damn your body. Kahit may umbok na ang tiyan mo ay mas lalo kang nakakaakit."
matigas nyang wika habang pisil-pisil ang magkabila kong dibdib nang bumaba ang
mainit at basang labi nya sa tiyan ko. Napasabunot ako sa buhok nya at napapikit
ako sa kiliting binibigay nya sa katawan ko. Pinagparte nya pa lalo ang binti ko at
humaplos ang kamay nya sa tiyan ko.
Napakapit ako sa unan at napakislot ako ng maramdaman ko ang paghalik nya sa aking
pagkababae. Naipit ko ang ulo nya at halos hindi ako mapakali sa pagkakahiga ko
dahil halos malagutan ako ng hininga sa binibigay nyang kiliti sa akin.
"God Atreo!" napalinghing ako ng bumilis ang galaw ng labi nya at ginamitan nya ng
dila ang pagpapaligaya sa akin habang hawi-hawi nya ang t-back ko.
"That's right. Moan my name. Just moan." bulong nya at sumubsob syang muling sa
pagkababae ko ng alisin nya ang t-back ko.
Pawis na pawis agad ako at taas-baba na ang dibdib ko habang sobra ang pamimilipit
ko sa ginagawa ni Atreo.
Nang manginig ako ay halos maubusan ako ng lakas at ramdam ko ang bilis ng tibok ng
puso ko.
Gumapang sya sa katawan ko at mas pinagparte ang legs ko. Napahawak ako sa braso
nya at napakagat ako ng labi ng maramdaman ko ang dulo ng kahabaan nya.
Hinawakan nya ako sa bewang ng mariin at napanganga ako ng bigla syang sumagad sa
kaloob-looban ko. Namula sya at lumabas ang ugat sa katawan nya tila buong pwersa
nya ang binuhos sa pagpasok nya.
Tumingin sya sa akin ng malagkit at pinagpantay nya ang mukha namin habang
nakatukod ang braso nya sa magkabilang gilid ng mukha ko.
"That was so hot. Fuck shit! You're still tight!" aniya at puno ng diin ngunit
mabagal na gumalaw sa ibabaw ko habang magkatitigan kami.
Humawak ako sa bewang nya at napakagat ng labi na matapang kong sinalubong ang
tingin nya.
"I'm so full." mapang-akit syang napahalakhak sa sinabi ko at hinawakan ang mukha
ko bago unti-unting lumapat ang labi nya sa akin.
Panaka-naka ang pagdampi ng aming labi habang pareho naming ninanamnam ang pag-iisa
ng aming katawan. Napayakap ako sa katawan nya at napabuka ako ng bibig para
salubungin ang unti-unting paglalim ng aming halik.
Pareho kaming darang na darang sa init ng aming pag-iisa habang walang tigil ang
aming mga labi sa paggalaw para mas namnamin ang matamis na halik na binibigay
namin sa isa't-isa.
Hinawakan nya ang ulo ko at likod ko para pagpalitin nya ang posisyon namin at
dalhin ako sa ibabaw nya habang hindi parin napuputol ang aming halikan. Gumiling
ako sa ibabaw nya habang nagpapalitan parin kami ng halik.
Bumangon sya at pareho na kaming nakaupo habang pareho naming sinasalubong ang
bawat isa. Nagbitaw kami ng halik at hingal na hingal na nagkatinginan.
Pinahinto nya ako sa paggalaw at inalis nya ako sa kandungan nya. Pinatalikod nya
ako sa kanya at niyakap ako hanggang sa maramdaman ko syang muli sa loob ko.
Nakaluhod kaming dalawa sa kama habang puno ng diin syang gumagalaw habang mahigpit
na nakayakap sa likod ko. Tinatanggap ko lang ang lahat at halos magdeliryo ako sa
posisyon namin.
Napahawak ako sa braso nya na nasa bewang ko at nanginig ako bigla ng bilisan nya
ang galaw. Nanlalata na sumunod ako sa kanya ng sabay kaming bumaba ng kama habang
nasa likod ko parin sya.
Inakay nya ako sa banyo habang yakap-yakap nya ako at sa shower kami tumapat.
Binuksan nya iyon na kinabagsak ng tubig sa katawan namin. Sinabayan nya ang
pagbagsak ng tubig sa pag-indayog nya sa likod ko, habang ako ay napasandal ang
kamay sa pader. Gumapang ang isang kamay nya sa dibdib ko at napabuka ang bibig ko
ng pisilin nya iyon ng mariin.
"Fuck your b**bs. This is so big for your age."
"You don't like it?"
"Damn! Ofcourse I fucking like it!" bulong nya habang pabilis na pabilis ang galaw
nya sa likod ko.
Pinatay nya ang shower at hinugot nya ang kanya bago nya ako iharap sa kanya at
isandal sa pader. Kinuha nya ang isang legs ko at sinampay sa braso nya. Sinentro
nya muli ang kahabaan nya habang nakatingin sa akin ng malagkit.
"Kung pwede lang ay ikulong nalang kita para walang makakikita sa'yo."
"You're so unfair." ngumisi sya at napanganga ako ng muli ko syang maramdaman sa
loob ko.
"Life is not unfair, but this is so fair." aniya at madiin syang dumiin sa katawan
ko habang gumagalaw sya.
Napahawak ako sa balikat nya at napaungol ako ng malakas kapag binibilisan nya.
Binitawan nya ang legs ko at huminto sya saglit para buhatin ako kaya niyakap ko
ang mga binti ko sa bewang nya habang nakahawak sa balikat nya.
Hinawakan ng isang kamay nya ang leeg ko at mapusok akong hinalikan habang muling
syang umindayog ng mabilis. Pabilis na pabilis ang paghampas ng katawan nya sa akin
habang pabilis na pabilis at palalim ng palalim ang halikan namin.
Mariin syang napahawak sa leeg ko habang ako ay napabaon ang kuko ko sa balikat nya
ng sabay kaming makarating sa kawalhatian. Bumitaw sya ng halik at niyakap ako ng
mahigpit habang nanginginig sya.
Hingal na hingal kaming magkayakap. Tumingin kami sa isa't-isa at napangiti.
Humalik ako saglit sa kanya kaya napangiti sya lalo.
Napakagat sya ng labi nya at binaba na ako. Binuhay nya muli ang shower at
tinalikod nya ako sa kanya. Napangiti ako ng lagyan nya ako ng shampoo sa buhok at
sabunin. Pumikit ako at ninamnam ang sarap ng pagmasahe ng kamay nya sa ulo ko.
Nang matapos sya sa ulo ko, ang katawan ko naman ang sinabon nya. Hinampas ko ang
kamay nya dahil pasimple na naman sya. Napahalakhak sya sa likod ng tenga ko at
pinagpatuloy na ang pagsasabon sa akin.
Humarap ako sa kanya at sya naman ang sinabon ko. Binuhat nya ako kaya pinulupot ko
ang binti ko sa bewang nya at pinatakan ko ng shampoo ang buhok nya. Sinabon ko ang
buhok nya at napangiti kami sa isa't-isa habang ginagawa ko iyon.
Binaba na nya ako ng mashampoo ko ang buhok nya at kinuha ko naman ang sabon para
sabunin ang katawan nya. Napakagat ako ng labi ng maramdaman ng kamay ko ang bawat
muscle sa katawan nya. Hinaplos ko ang tattoo nya na ahas.
"Bakit mo nga pala nilagyan ng tattoo na ahas ang katawan mo?"
"This is the sign of our group in army. Next time, your name will be place here in
my chest." turo nya sa dibdib nya na kinainit ng pisngi ko sa kilig.
"Kahit wag na. Baka masaktan ka lang." pinigil nya ang kamay ko sa pagsabon sa
dibdib nya at hinawakan nya ang baba ko.
"Sanay na ako sa tusok ng karayom. At walang kaso iyon kung pangalan mo ang
ilalagay ko. Kung gusto mo...dito." aniya at dinala ang kamay ko sa pagkalalake nya
kaya sinuntok ko ng mahina ang tiyan nya na kinahalakhak nya.
"Ewan ko sa'yo. Puro ka kapilyuhan." tinulak ko sya at tumapat ako sa shower.
Nagbanlaw ako ng maramdaman ko sya sa likod ko.
"Hindi ako nagbibiro. Gagawin ko iyon para sa'yo. Ikaw lang ang babaeng iuukit ko
sa katawan ko." bulong nya habang hinahaplos ang bewang ko.
"Bahala ka.."
"Thanks, baby wife."
"Baby wife?" halos umusok ang ilong ko sa tawag nya. Parang baby wipes lang?
"Why? Talaga namang baby kita pero asawa na. Kaya baby wife."
"Ang corny, ha." napahalakhak sya at yumakap sa likod ko.
"Baby wife. Baby wife." lumingon ako sa kanya at hinawakan ko ang labi nya para
patigilin.
"Ayoko no'n kasi! Ang panget mo talagang magbigay ng endearment." inalis nya ang
kamay ko at dinala sa tiyan ko habang mahigpit nyang hawak.
"Sus. Ako nga wala kang endearment. Kaya wag kang magreklamo, baby wife." pang-
aasar nya.
"Tanda?"
"Ah ganun?" napadaing ako ng pisilin nya ng mariin ang parehong dibdib ko.
"A-Ano bang gusto mo?"
"Ripler ko." aniya kaya napangiti ako.
"Bakit 'yon?"
"Dahil ikaw lang ang hahayaan kong tumawag sa akin no'n." bulong nya habang patuloy
sa pagpisil sa dibdib ko.
"Okay, Ripler ko."
"That's right, baby wife." bulong nya at inamoy ang leeg ko.
"Tama na." pinigil ko na ang kamay nya at hinarap ko na sya, "Maligo ka na at
lalabas na ako. Pagod na ako, e. Tapos may flight pa tayo bukas."
"Okay, baby wife." aniya at niyuko nya ang ulo at napasinghap ako ng sakupin pa ng
bibig nya ang kanan kong dibdib. Napahawak ako sa buhok nya at napadaing ng mariin
nyang kagatin ang tuktok ng dibdib ko bago nya bitawan.
Ngumisi sya sa akin kaya umirap ako at umalis na sa harap nya. Narinig ko ang
halakhak nya at pagsipol ng makalabas ako. Napailing ako at nagtungo na sa walk-in
closet para magbihis.
Nang matapos ako ay nag-blower lang ako ng buhok saglit at nagtungo na ako sa kama.
Nahiga na ako at napatingin kay Atreo na lumabas na nakatapis ng tuwalya.
Nagpupunas sya ng buhok na nagtungo sa walk-in closet kaya umayos na ako ng higa at
pumikit.
Hindi pa ako masyadong nakakaidlip ng maramdaman ko ang paglundo ng kama at paghiga
nya sa tabi ko. Nagkumot din sya at niyakap ako mula sa likod habang nakatagilid
kami ng higa.
"Good night, baby wife." bulong nya sa tenga ko at hinalikan ang ulo ko bago
humigpit ang yakap nya sa akin.
Umungot lang ako bilang tugon at tuluyan na akong nakaidlip ng makontento ako sa
yakap nya.
-
Madaling araw palang ng magising kami. Dahil alas dyes ang flight namin patungong
greece. Gaya ng pangako nya ay dadalhin nya ako sa Grand Ma nya. And I'm so excited
to meet her Grand Ma. I hope she like me.. I'm scared of being hate by the family
of my husband. Sana naman this time, merong magkagusto sa akin.
"Are you done, baby wife?" napukaw ako at napatingin kay Atreo ng pumasok sya ng
kwarto. Tumango ako at inayos ang pagsusuot ko ng kwintas na dati nang bigay sa
akin ni Atreo na pinamana sa kanya ng Grand Ma nya.
Kukunin ko sana ang pumps ko ng sipain nya iyon kaya napatingin ako sa kanya. May
kinuha sya sa shoe stand namin at kinuha nya ang rubber shoes kong puti.
"From now on you are not allowed to wear any heels or stelleto, understand?" aniya
habang sinusuot sa paa ko ang rubber shoes ko na kinanguso ko.
"Okay, Ripler ko." napaangat sya ng tingin at napangiti. Tumayo na sya ng maisuot
sa akin ang rubber shoes ko.
"Very good, baby wife." aniya at kinuha ang kamay ko, "Let's go. Baka mahuli pa
tayo sa flight." tumango ako at nagpahila na sa kanya.
Sakay na ako ng kotse ng magpaalam sya kay Manang. Sumakay na rin sya at umalis na
kami.
Lulan na kami ng sasakyan habang tumitingin-tingin ako sa paligid. Huminto kami
dahil nagkaroon ng kaunting traffic. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa isang
hotel na kita ang entrance at exit nito. Nakita ko si Suzane at may kasunod sya.
Ayoko naman na magconclude agad pero bakit sila lumalabas ng hotel?
Tumingin ako kay Atreo na muling pinaandar ang sasakyan at napatingin sya sa akin
saglit ng maramdaman nya siguro ang pagtingin ko.
"Bakit, baby wife?"
"Ah... Wala." umiling ako kaya tumango sya at inextend nya ang kamay para abutin
ang tiyan ko.
"Nagugutom na ba agad ang baby natin?"
Ngumiti ako at umiling bago ko hawakan ang kamay nya. Hindi maalis sa isipan ko ang
nakita ko. Pero ayoko namang mag-isip ng masama sa iba.
"Ripler ko, bakit nga pala agad na pumayag na makipagdevorce sa'yo si Suzane?"
Matagal syang hindi na nakasagot at huminga sya ng malalim.
"Wala naman syang pagpipilian. Dahil alam nya na malaki lalo ang mawawala sa kanya
kapag hindi nya ako dinivorce."
Napakuno't-noo naman ako sa sinabi nya, "Ano 'yung mawawala sa kanya?"
"Lahat-lahat. She's a devil, so don't come near her."
Nais ko pa sanang itanong kung bakit ganun ang expression nya kay Suzane, pero baka
makulitan na sya sa akin kaya tumango nalang ako at inisip kung bakit nya nagawang
sabihin iyon?
Hindi ko pa nalalaman ang baho ni Suzane, kaya kapag oras na nakauwi na kami at
tumira sa iisang bubong, aalamin ko iyon. Dahil gusto kong malaman ang ugat kung
bakit nagpakasal si Atreo kay Suzane na hindi naman pala nya mahal.

Kabanata 24
Napamangha ako na napatingin sa mataas na gate na tila pang maharlika ang nakatira.
May mga gwardya na nakasuot ng uniform na kulay maroon habang may sumbrero rin sa
ulo na katerno ng uniform nilang suot. Binuksan nila ang gate ng bumusina ang
nagmamaneho sa amin ng isang limousine. Bale, sinundo lang kami nito mula sa
airport rito sa greece.
Napakaganda ng greece. Tahimik, malinis, at medyo malamig rin. Kita ko rin ang mga
tila ancient greek establishment na nasa paligid.
"Dito ba nakatira ang Grand Ma mo?" tanong ko kay Atreo na nasa tabi ko habang
pinaglalaruan ang kaliwang kamay ko na nasa kanyang kandungan.
"Yeah. Dito rin ako lumaki." aniya kaya napangiti ako.
Pumasok na ang limousine na sinasakyan namin kaya napatingin ako sa bintana at
nakita ko ang malaki at puro puting kulay na isang greek interior design house.
Napatingin ako sa underground pool na napakalawak na syang lalong nagpaganda sa
bahay.
Mangha-mangha ako sa ganda ng bahay. At parang aabutin ka ng isang araw bago mo
malibot ang buong bahay.
Pinagbuksan kami ng isa sa mga gwardya. Naunang bumaba si Atreo at pagkatapos ay
inalalayan nya ako para makababa rin. Nang makababa ako ay muling lumibot ang
paningin ko.
"Let's go, baby wife." tumango ako kay Atreo ng pisilin nya ang bewang ko para
pukawin ako at inakay na nya ako.
"Kalós ílthate píso, kýrie." bati ng dalawang gwardya na yumukod sa amin ng
madaanan namin sila.
"Anong sabi nila?" napangiti si Atreo ng bumulong ako sa kanya para itanong iyon.
"They said.. welcome back, master.."
"Paano ko kakausapin ang mga tao rito kung iba ang lengwahe nila?"
"Don't worry, you have me."
"Eh, yung Grand Ma mo? Ganun din kaya sya magsalita?"
"Marunong syang magtagalog, dahil pilipina sya. Si Grand Pa ang greek sa kanilang
dalawa."
"Nandyan din ba ang Grand Pa mo?" napahinga sya ng malalim at umiling na kinataka
ko.
"Patay na sya nung limang taon palang ako."
"Oh, I'm sorry." ngumiti sya at umiling.
"It's okay, you just asking." ngumiti ako at tumingin kami sa nilalakaran namin
papasok sa bahay. Napatingin ako sa loob ng bahay na bawat parte ng bahay ay may
bawat room. May sariling room na halos puro puti ang makikita mong kulay ng
dingding. Naupo kami sa isang U-shape couch na may isang glass table sa harap.
"o engonós mou! My Grandson!"
Napabaling kami ng tingin ng may biglang humiyaw. Napatingin ako kay Atreo ng
tumayo sya kaya tumayo rin ako at tumingin sa isang ginang na puro puti ang kulay
ng maikli nyang buhok. Ang kutis nya ay makinis at maputi. Habang nakasuot sya ng
isang sosyal na pang winter outfit habang may balabal sya na raffles sa kanyang
balikat.
May hawak sya na puting panyo na pinahid nya sa kanyang mata tila napaiyak pa sya
ng makita si Atreo.
"Efcharistó Theé mou. O, My Grandson. I'm miss you so much. Huhu.." napangiti ako
habang pinagmamasdan ang ginang na panay ang haplos sa mukha ni Atreo at nariyang
sobrang higpit nya itong niyayakap.
"I miss you, too, Grand Ma. Pero bitawan nyo muna ako, please."
"Giatí? den me cháseis?" napanguso ang Grand Ma ni Atreo ngunit hindi ko naunawaan
ang sinasabi nya.
"Ofcourse, I miss you, Grand Ma. But can't you see, my wife is here?"
Napalingon-lingon ang matanda. Napakunot-noo ako ng hawiin nya si Atreo tila may
hinahanap sya sa likod ni Atreo. Nang wala syang makita ay napatingin sya sa akin
at napaturo pa.
"She's your wife?" Nanlaki ang mata nya ng tumango si Atreo at ngumiti. Napatakip
sya ng bibig na napatingin sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa na
kinailang ko, "O Theé mou! I thought that bitch Suzane is with you, Grandson...
Anyway, Ikaw siguro ang kinukwento ng apo ko."
Napatango nalang ako dahil hindi pala nya alam na ako na ang asawa ni Atreo. Pero
masaya ako dahil talagang totoo yung sinasabi ni Atreo na kinukwento nya ako sa
Grand Ma nya.
"I like you, my missy. Salamat at kinuha mo ang apo ko sa Suzane na iyon." aniya na
kinatingin ko kay Atreo na ngumiti sa akin at tumango bago sya naupo para panoorin
kami. Napatingin muli ako sa Grand Ma ni Atreo.
"Wala po iyon." nahihiya ako dahil hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin.
Napahalakhak sya at nanlaki ang mata ko ng pisilin nya ang pisngi ko.
"You're so gorgeous, Missy. Your name is Grace, right?"
"Yes, Grand Ma." ngumiti sya at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Anyway, I'm so happy to finally meet you."
"Same with you, Grand Ma." ngumiti sya at napatingin sa tiyan ko.
Nanlaki ang mata nya at napatingin sya sa akin, "You're pregnant?" tumango ako na
kinatalon nya kaya inalalayan ko sya dahil baka matumba pa sya. Pero tila
napakalakas pa nya para kumilos ng ganun, "Vey good. Very good. I'm so surprise for
your gift to me, Grandson."
"Masaya ako at nagustuhan nyo sya, Grand Ma. At tsaka wag na kayong magsalita ng
grego dahil hindi kayo maunawaan ng asawa ko."
"Oh! I'm sorry, Missy." paumanhin nya sa akin na inilingan ko at ngumiti ako sa
kanya.
"It's okay, Grand Ma."
"Wait! I prepare the food. Let's go in the dinning area. I know you are both tired
in flight."
Tumayo si Atreo habang si Grand Ma ay pumalakpak na kinasulpot agad ng mga maids.
"To fagitó eínai étoimo?"
"Naí, Mrs. Grabis." sabay-sabay na bigkas ng mga maids. Hindi ko naunawaan kung ano
iyon pero tila patungkol sa pinahandang pagkain iyon.
Naglakad na muli ang Grand Ma ni Atreo kaya sumunod kami rito. Napatingin ako kay
Atreo ng akbayan nya ako.
"Are you alright?"
Tumango ako pero napanguso ako, "Yeah. Pero duduguin ata ang ilong ko sa sinasabi
ng Grand Ma mo at ng mga tao rito." napahalakhak sya at pinisil ang baikat ko
habang naglalakad kami.
"Kita ko nga sa mukha mo. Pero wag kang mag-alala, masasanay ka rin." tumango ako
at napangiti nalang. Masasanay raw? Eh, ang sakit sa ulo ng lengwahe. Parang ang
hirap aralin.
Sa hapagkainan ay nakaupo na kami sa harap ng mahabang lamesa na tila bente
kwartong upuan ang nakatapat. Sa laki ay kasya ang ganung kadaming katao.
Nasa dulo si Grand Ma habang kami ni Atreo ay magkatabi habang nasa kabilang side
kami ni Grand Ma. Napakaraming hindi pamilyar sa akin ang nakahain sa aming
harapan. Pero mukha namang masasarap.
"Kumain na tayo. At sana ay maibigan mo, missy."
Deretso ang tagalog ni Grand Ma at seryoso sya tila kapag nasa hapagkainan. Tumango
ako kay Grand Ma at tumingin sa mga pagkaing nilalagay ni Atreo sa aking plato.
Napatingin ako kay Grand Ma at nakita ko syang nakangiti habang pinagmamasdan si
Atreo na inaasikaso ang pagkain ko. Ngumiti sya sa akin at sinenyasan ako na wag ko
na syang pansin at kumain nalang ako, kaya ginawa ko.
Ramdam ko na pinagmamasdan nya kami. At hindi ko nalang pinahalata na naiilang ako.
"Ngayon ko lamang nakita ang aking apo na mag-asikaso sa isang babae. At nakita ko
ang masaya nyang mukha habang tinititigan ka."
Nais nya na makausap ako ng sarilinan kaya hinayaan kami ni Atreo at nagtungo sya
sa room kung saan dinala ang aming mga dalang maleta. Tila sa room kung saan ay
kwarto nya mismo sa bahay na ito.
Narito kami sa terrace ni Grand Ma. Na may mahabang wooden chair na may malambot na
kutson. Habang kitang-kita ang isang malawak na pond, at kita rin ang bangin kung
saan nakikita rin ang ibang lugar sa greece mula sa pwesto namin.
May nagserve sa aming maid ng isang tsaa na mismong si Grand Ma pa ang gumawa. Gawa
sa luya ang tsaa na sya mismo ang nakaisip.
"Bakit po nasabi nyo iyan? Hindi po ba ganun si Atreo kay Suzane?"
Binaba ni Grand Ma ang tasa sa platitong nasa kandungan nya habang hawak nya iyon.
Tumingin sya sa malayo at matagal bago nya nasagot ang katanungan ko.
"Hindi, dahil kailanman ay walang pakialam si Atreo sa babaeng iyon. Kung hindi
lamang naipit ang aking apo ay 'di sana hindi nya ito pinakasalan."
Napukaw no'n ang aking atensyon. Napaayos ako ng upo at napatitig kay Grand Ma.
"Paano pong naipit si Atreo?"
Huminga sya ng malalim at muling humigop ng tsaa. Binaba nya sa lamesa ang tsaa ng
makahigop sya at tsaka sya humarap sa akin.
"I don't know the real story. Pero alam kong nagamit lang ang aking apo ng babaeng
iyon para umangat sa buhay."
Iyon ang palaging umiikot sa isip ko hanggang sa mawala na sa tabi ko si Grand Ma.
Nais ko sanang itanong kay Atreo ang lahat pero baka magkagalit lang kami kung
kukulitin ko sya.
Napaidtad ako ng may humalik sa pisngi ko kaya napatingin ako kay Atreo na naupo sa
tabi ko at yakapin ako.
"Malalim ata ang iniisip mo?"
Napatayo ako ng itayo nya ako at paupuin sa hita nya patagilid. Niyakap ko ang
braso ko sa leeg nya habang nakatingin sa kanya.
"Atreo, paano mo nakilala si Suzane?" napatigil sya sa paghaplos sa tiyan ko at
tumingin sya sa akin.
"Bakit mo naman natanong?"
"Wala lang." nakiba't-balikat ako at hinintay ang tugon nya.
"Hindi ko talaga sya kilala noon. Pero pinakilala sya ni Won sa akin na girlfriend
nya."
Napamaang ako at naalala ko ang sinabi ni Won noon na inagaw daw ng kuya nya ang
girlfriend nya noon. At si Atreo iyon.
"Nasabi sa akin ni Won noon na inagaw mo daw si Suzane sa kanya. Hindi iyon ang
exact na pagkakasabi nya, pero ikaw iyon dahil ikaw naman yung kuya nya."
Napatiim-bagang sya at matagal na hindi nakasagot.
"Hindi ko inagaw sa kanya ang babaeng iyon dahil isang pagkakamali lang talaga ang
nangyari. Kita ko noon ang galit ni Won at sakit sa mata nya ng umuwi sya ng
malaman na ikakasal na kami ni Suzane. Hindi ko maexplain sa kanya ang reason noon
dahil ako man ay naguguluhan sa nangyayari, pero ngayon ay alam ko na ang lahat ng
baho ni Suzane."
Napaayos ako ng upo sa hita nya at nacurious sa sinabi nya.
"Ano ba talaga ang nangyari at nagpakasal ka kay Suzane? At ano yung baho nya?"
napahinga sya ng malalim at nabigla ako ng kunin nya ang mga legs ko at pinangko
ako ng tumayo sya mula sa pagkakaupo.
"Wag na nga nating pag-usapan iyon. Masama lang sa'yo ang nag-iisip at ma-i-
stress."
"Pero gusto kong malaman, Atreo."
Tumingin sya sa akin na may naniningkit na tingin.
"Atreo na naman? Hindi ba sabi ko ay Riple ko ang itawag mo sa akin." aniya kaya
napanguso ako at mahinang hinampas ang dibdib nya.
"Sus. Ang arte mo. O, sige, ripler ko, sabihin mo na sa akin, please..." umiling
sya at ngumiti lang kaya napasimangot ako.
Binaba nya ako kaya napatingin ako sa paligid at hindi ko napansin na narito na
pala kami sa isang malaking room. Namangha ako sa interior ng design ng kwarto.
Mababa ang bintana at ang pinaka kisame ng bahay ay gawa rin sa bato na pahugis
kweba ang tema ng kwarto. Puro puti ang makikitang pintura at napakalinis.
"Ang ganda naman ng kwarto. Kwarto mo ba dito ito, Ripler ko?" lumingon ako kay
Atreo at nakita ko sya na bini-videohan pala ako, "Ano ba! Tigilan mo nga 'yan!"
pilit kong kinukuha sa kanya ang video cam na dala nya pero ayaw nyang ibigay at
tawa lang sya ng tawa.
Nilagay nya sa likod nya ang video cam at hinapit ako sa bewang kaya napalapit ako
sa kanya.
"Don't worry, maganda ka parin sa video na ito." Aniya kaya napasimangot ako.
Ngumiti sya at pinatakan ako ng halik saglit at tumingin sya sa akin habang
nakangiti, "Wag kang sumimangot, baka maging ganyan ang itsura ng baby natin."
aniya kaya kinurot ko ang dibdib nya na kinangiwi nya.
Napatili ako ng buhatin nya ako habang nakayakap ang mga braso't kamay nya sa hita
ko. Napahawak ako sa ulo nya at natakot ako na baka mahulog ako. Binaba nya ako ng
makalapit kami sa kama. Hinapit nya akong muli sa bewang at inaya na mahiga sa
kama.
Napahiga ako sa kama at dumagan sya sa akin kaya napahawak ako sa dibdib nya habang
nagkatinginan kami. Hindi sya masyadong nakadagan sa akin dahil maiipit ang tiyan
ko.
"We have time to explore, baby." pilyo syang ngumiti na kinairap ko.
"Tigilan mo nga ako. Hindi ka na nahiya, dito pa talaga? Tsaka may laman na nga ang
tiyan ko, gusto mo pang dagdagan."
Napangiti sya at hinawi ang buhok ko na lumihis sa mukha ko. Hinaplos nya ang
pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko.
"Natatakot ako." napakunot-noo ako at tinignan sya na may nalilitong tingin.
"Saan ka naman natatakot?"
Ngumisi sya at hinaplos ang labi ko, "Natatakot ako na baka kapag babae ang maging
anak natin ay makuha ang ugali mo."
Halos umusok ang ilong ko sa sinabi nya na kinangisi nya.
"Bakit? Anong problema sa ugali ko, ha?" binayo ko ang dibdib nya na kinahalakhak
nya at pinigil ang kamay ko at mahigpit na hinawakan bago dinala sa gilid ng ulo
ko.
"Nakakatakot dahil baka marami ang manliligaw kapag lumaki na ang baby natin. Sa'yo
nga lang ay kailangan pa kitang bantayan, paano pa kaya kung babae ang anak natin,
edi dalawang Grace version mo ang babantayan ko?"
"Oh, anong problema doon? Mabuti nga iyon na sa amin lang mafocus ang paningin mo.
Baka pagtagal ng relasyon natin ay ipagpalit mo na ako."
"Hindi mangyayari iyon, dahil sa'yo lang ay sapat na ako, baby wife." aniya at
dumampi ang labi nya sa akin kaya napabuka ako ng bibig para tugunan ang halik nya.
"Ahem! Ahem!" agad kong naitulak si Atreo ng marinig ang pagtikhim ni Grand Ma.
Napaupo ako ng maalis sa ibabaw ko si Atreo at nag-init ang pisngi ko na napatingin
ako kay Grand Ma.
"Grand Ma, bakit hindi kayo kumatok bago pumasok?" inis na tanong ni Atreo sa Grand
Ma nya kaya mahinang hinampas ko ang hita nya.
"Sorry for that, Grand Son. Akala ko ay nakabihis na kayo para sa pagpunta natin sa
exhibit. Hindi ko naman akalain na may something-something pa pala kayong nais na
gawin." mapanukso si Grand Ma na tumingin sa akin kaya napayuko ako habang
pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko, "O, sige, ipagpatuloy nyo nalang iyan at
ako na lamang ang aalis."
Tumayo ako at pinigil ko ito, "Hindi po, sasama po kami, Grand Ma."
Ngumiti ito at tumingin kay Atreo kaya tumingin rin ako kay Atreo. Napahagod sya sa
buhok nya at bakas sa mukha nya ang inis.
"Ayusin mo nga ang mukha mo. Baka isipin ng Grand Ma mo ay ayaw mong samahan natin
sya." bulong ko habang patungo na kami sa labas.
"Alam nya na ayoko talagang samahan sya. Ayokong pumunta sa exhibit dahil mababagok
lang ako." huminto ako at tinignan ko sya na may pagbabanta.
"Ayaw mo?" tumango sya habang nakatingin sya sa akin na nagtataka, "Edi, sige,
maiwan ka rito at ako nalang ang sasama kay Grand Ma." dagdag ko pa at naglakad na
muli ako.
Agad nya akong nahabol at humawak sya sa bewang ko.
"Tsss." asik nya na lihim na kinangiti ko.
Pinagbuksan kami ng mga gwardya ng pinto ng limousine. Nauna akong sumakay at
napatingin ako kay Grand Ma na nakasakay na pala at kami nalang ang hinihintay.
"Mabuti at sumama ka, Grandson." nakangiting baling nya kay Atreo na nakaupo sa
tabi ko habang labag sa loob ang pagsama.
"Grand Ma. bakit po ba ayaw nitong sumama?" tanong ko.
"Noong una ko syang sinasama noon sa exhibit noong bata sya ay nababagok lang sya
dahil puro paintings lang ang nakikita nya. Kaya ang ginagawa nya noon para hindi
na makasama sa akin ay nagtutulog-tulugan."
Napatingin ako kay Atreo at nakita ko na salubong ang kilay nya na nakatingin sa
labas ng bintana ng kotse.
"Hayaan nyo po, habang narito kami ay sasamahan na po kayo ng apo nyo, 'di ba,
Ripler ko?" pasimpleng pinisil ko ang hita ni Atreo habang nakangiti kay Grand Ma.
"Yeah." bagok na tugon ni Atreo kaya nagulat ako ng mangiyak-ngiyak ang mata at
napahawak pa sa dibdib nya si Grand Ma.
"Nakakagulat, Grandson. It's that you?" bakas sa boses ni Grand Ma ang sarkastikong
tono na kinapigil ko sa pagtawa.
"Tsss. Grand Ma!" inis na inis si Atreo kaya pareho na kaming natawa ni Grand Ma.
Hindi parin matigil ang paghalakhak ni Grand Ma habang ako ay ngiting-ngiting
bumaba na kami sa kotse ng makarating kami sa tapat ng isang exhibit studio
building.
"Welcome to arts of nature exhibit." bati sa amin ng mga empleyado nitong
ginaganapan ng exhibit. May binigay silang Brochure sa amin kung saan ay nakasulat
ang lahat ng details ng mga paintings na nasa exhibit.
Maraming mga dumalo sa exhibit at pansin ko na halos lahat ay interesado sa
paintings maliban kay Atreo na nakasunod sa amin ni Grand Ma.
Maraming magagandang paintings at talagang mapapaisip ka kung ano ang sinasabi ng
paintings. Lalo na sa tulad ko na ngayon lamang dumalo sa mga ganito, kaya hindi ko
maunawaan ang mensahe ng bawat paintings.
"Missy, tignan mo ito. This is fit for your baby." agad akong lumapit kay Grand Ma
at tinignan ang sinabi nya.
Napamaang ako dahil ang ganda ng paintings. At kahit hindi sabihin ni Grand Ma ang
sinasabi ng paintings ay alam ko na isa iyong sanggol na nasa loob ng tiyan ng
isang Ina.
"Ang ganda nga po."
"Yes, this is so beautiful. Full of emotion and inspiration. The painters is so
emotional when she or he paint this."
Napatango ako sa sinabi ni Grand Ma. Tama sya. Ramdam mo agad ang emosyon sa
paintings kapag napapatingin ka. Napahawak ako sa tiyan ko at napangiti na hinaplos
ang tiyan ko.
Lumingon ako kay Atreo na nakapamulsa na nakatayo lang sa bandang likod namin at
bagok na bagok ang mukha. Tumingin nalang muli ako sa paintings at pinagmasdan
iyon.
"Atreo..."
Napatingin muli ako kay Atreo ng marinig kong may bumanggit sa pangalan nya. At
nakita ko ang isang magandang babae na nakangiti kay Atreo at hindi ko alam kung
bakit pero nakaramdam ako ng selos.
Napatingin ako kay Atreo at kita ko ang gulat sa mukha nya habang nakatitig sa
babae. Napabuka-sara pa ang bibig nya.
"Liz.."
"Hindi ko akalain na makikita kita rito matapos nang mahabang panahon na
nagkahiwalay tayo." so, pinoy sya???? At ano yung naghiwalay silang pinagsasabi
nito?
"Actually. I'm here..." napatigil si Atreo sa sasabihin nya at agad na napatingin
sa akin ng maalala nya na kasama nya kami. Umirap ako at binalik ko nalang ang
tingin ko sa paintings kahit na nawalan na ako ng gana.
Napahigpit ang hawak ko sa brochure at hindi ko alam kung bakit naiinis ako kay
Atreo at nagseselos dahil pakiramdam ko ay malaki ang kaugnayan ng babaeng iyan sa
kanya.
"Oh, this is my art works. You like it?" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko
ang babae na tinawag ni Atreo na Liz.
Tumango nalang ako at tumingin muli ako sa paintings.
"You must be Atreo's friend or relative?"
Hinarap ko sya dahil nakakairita sya. Hindi ba nya tinanong kay Atreo bago sya
lumapit sa akin. Tumingin ako kay Atreo na napamaang nang tignan ko sya ng masama.
"Ah, Liz, she's my wife."
"O.. really? I thought..",
"Akala mo single si Atreo? Sino ka ba at feeling close ka?"
Tila sya napahiya at ang ngiti nya ay nahilaw.
"Grace.." tumingin ako kay Atreo ng pigilan nya ako at hinawakan ako sa braso.
"I'm sorry, Liz." pagkatapos sabihin ni Atreo iyon ay hinila na nya ako paalis
doon.
Dinala nya ako sa labas at tsaka nya ako binitawan ng hawiin ko ang kamay nya.
"Bakit mo pinagsalitaan ng ganun si Liz? She just want talking to you."
"Ah, ganun? So, galit ka sa akin dahil pinagsalitaan ko sya ng ganun? Wow, ha? Sa
tono mo ay parang ako pa ang mali? Sabagay, tila may gusto sa'yo iyon, at tila may
gusto ka rin. Ano, ex mo sya?"
"Yes, she's my ex, but--"
"Kaya pala. Kaya pala ng makita mo sya ay parang bumalik ang feelings mo sa kanya.
Kaya pala kung magtinginan kayo ay parang kayo lang ang tao sa paligid nyo.. Alam
mo, bumalik ka lang doon at ako ay uuwi na." matapos kong sabihin iyon ay nagmarcha
na ako para umalis pero agad nya akong pinigil at hinila.
Dumeretso kami kung nasaan ang limousine. Hinawi ko ang kamay nya at ako na mismo
ang naunang pumasok sa kotse at sumakay.
Nakatingin lamang ako sa bintana ng makasakay sya at maupo. Umandar na ang sasakyan
at namayani ang katahimikan sa amin.
Nanginginig ang buong kalamnan ko sa inis. God. Ngayon lamang ako nagselos ng
ganito. At merong takot sa dibdib ko na hindi ko masabi kung ano. Pero ayokong
isipin pa iyon.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Atreo at pag-usod nya palapit sa akin.
Hinawakan nya ang braso ko pero hinawi ko iyon habang nakatingin parin ako sa
bintana.
"She's nothing to me, okay? You are my wife now. I love you so much, so please..
Stop thinking a nonsense."
Hinarap ko sya at tinignan ko kung nagsasabi sya ng totoo.
"Bakit kung makatingin ka sa kanya ay parang bumalik ang feelings mo?"
Natawa sya at hindi makapaniwala na nakatingin sa akin.
"What feelings? At hindi mo ako masisisi kung magulat ako ng makita ko sya sa
exhibit. Kapag may tao bang matagal mo nang hindi nakikita, ano ang magiging
reaksyon mo?"
Ngumuso ako at umiwas ng tingin. Napahinga sya ng malalim at kinuha ang kanang
kamay ko para ipagsiklop sa kamay nya.
"Nakakatakot kang magselos. Mahirap ka palang paamuhin kapag nagseselos." bulong
nya sa tenga ko kaya siniko ko sya na kinalayo ng mukha nya sa akin.
"Sinong may sabi na nagseselos ako?"
Ngumiti sya at tumingin sa akin ng mapanukso.
"Don't deny it, because it's all writen on your face."
Huminga ako ng malalim at umiwas muli ng tingin.
"Hindi naman kita ipagpapalit kung kanino, kaya wala kang dapat na ipagselos kay
Liz. At makita kong nagseselos ka nang ganyan ay mas lalo lang kitang nagustuhan."
bulong nya kaya napangiti na ako at tumingin sa kanya. Napanguso ako at humawak sa
braso nya.
"Sorry, hindi ko dapat inasal iyon. Nakakahiya tuloy."
"Ayos lang, nauunawaan ko na hindi ka pa masyadong nagmamatured."
"Heh! Ayan ka na naman." napahalakhak sya at hinalikan ang kamay ko na hawak nya.
Huminto ang sinasakyan namin at biglang nanlaki ang mata ko ng may napagtanto ako.
Tumingin ako kay Atreo at napatingin sya sa akin na nalilito kung bakit ganun ang
reaksyon ko.
"Patay! Naiwan natin si Grand Ma."
Nanlaki rin ang mata nya at tila pareho kaming natawa.
"I guess, we need to go back in exhibit."

Kabanata 25
Sobrang tahimik ng paligid at parang may mga bugs na umaalingawngaw sa paligid sa
sobrang tahimik at tensyon na lumulukob ngayon. Parehong nagpapakiramdaman ang
bawat panig.
"Mommy, who is she?"
Ang batang lalake ang syang nag-alis ng katahimikan sa harap ng hapagkainan.
"She's your daddy's mistress, Ethan."
Galing din nitong si Suzane. Talagang nagagawa nyang sabihin iyon sa anak nya! Ang
inosenteng bata na ngayon ay tila nakakaintindi ng sinabi ng kanyang ina kaya
masama itong tumingin sa akin.
"Stop it, Suzane."
"At bakit? Totoo naman ang sinasabi ko. She's still a mistress. YOUR. MISTRESS,
Atreo." talagang pinagdiinan pa nya.
"Suzane.." pinigilan ng mommy ni Atreo si Suzane kaya tumahimik na ang bruha pero
ngumisi ito sa akin.
Matapos ang isang linggong pag-stay namin ni Atreo sa Greece, umuwi na kami at dito
na nga kami tumuloy. Masaya ako sa naging bakasyon kela Grand Ma. Sobra talaga ang
hiya ko sa matands ng maiwan namin ito dahil sa pagseselos ko, pero hindi naman
pala nito napansin ang pag-alis namin kaya nakahinga ako ng maluwag no'n nung
binalikan namin ito.
Mabuti pa sa bahay ni Grand Ma, pakiramdam ko ay welcome ako. Pero sa bahay ng
parents ni Atreo ay sa bungad palang ng pinto ay ramdam ko na ang hindi pagtanggap
ng mga tao sa akin rito. Even the maids.
"Bakit ba nandidito kayo, Atreo? Hindi ba, may bahay ka sa pampanga?"
"Ah, Romero, ako ang nagsabi na dumito na tumira ang anak natin. Tutal ay malaki
naman ang bahay."
"What a bad idea, Carissa." kanina pa ako nagtataka kung sino itong isang ginang na
nasa tabi ni Won. Ang kulot at blonde nitong buhok ay nakapusod. Makapal din ang
make-up kahit pa nasa bahay lang naman ito. Makinis at maputi rin ang balat. At
bongga kung manamit. Sosyal ang suot nya at may raffles pa sya na nakabalabal sa
balikat nya. At napansin ko na tila masyadong malaki ang tensyon sa pagitan nito at
sa Mommy ni Atreo.
"You don't have a right to speak, Editha. This is just between me and my FAMILY.
So, you just shut up."
"May karapatan ako dahil parte ako ng pamamahay na ito. Bakit, masama na bang
magbigay ng komento?" ngumisi ito na kinabigat ng paghinga ng Mommy ni Atreo habang
nakikipagtagisan ito ng tingin kay Mrs. Editha.
"Enough! Nasa harap kayo ng hapagkainan." nagsalita ang ama ni Atreo na nasa gitna.
Nasa kanang side nito ang mother ni Atreo at si Suzane at Ethan. Sa kaliwang side
nito ay si Mrs. Editha at Won. Habang si Atreo ay katabi ni Won at ako ang katabi
nya.
Tahimik ang dalawang partido sa biglang pagdaundong ng boses ng Ama ni Atreo.
Napahilot ito sa bridge ng ilong nito at napahinga ng malalim.
"Atreo, hindi mo na nga sinunod ang nais kong kunin mong propesyon, nagawa mo pang
magpakasal sa tila menor de edad na babaeng ito."
"Wala kayong karapatan na insultuhin ang desisyon ko patungkol sa babaeng nais kong
makasama sa buhay. At sinong may sabi na gusto kong tumira sa pamamahay na ito?
Kung hindi lamang dahil kay Mommy, hindi ko nanaisin na tumira sa pamamahay na ito
na kahit kailan ay hindi naging tahanan para sa akin."
"Wala ka talagang paggalang sa akin. Dahil sa pagsusundalo mo ay pati ugali mo ay
naapektuhan."
Napatayo si Atreo at kita ko ang paggalaw ng kanyang panga at pagkuyom ng kanyang
kamay.
"Tapos na kaming kumain. Grace, let's go." agad na hinawakan ni Atreo ang kamay ko
at hinila na ako patayo kaya napasunod ako.
"Sige po.." nagpaalam ako kahit na tingi ko ay hindi na nararapat pa. Dahil kita ko
lang ang matalim na tingin sa akin ni Suzane habang ang mommy ni Atreo ay sumama
ang timpla ng mukha.
Mahigpit ang hawak ni Atreo sa kamay ko habang hila-hila ako sa hagdan. Nang
makarating kami sa taas ay huminto kami sa pinakadulong pinto. Binuksan iyon ni
Atreo at hinila na ako papasok.
Agad nya akong niyakap ng makapasok kami kaya hinaplos ko ang likod nya dahil
ramdam ko ang inis nya.
"Kaya ayokong bumalik rito, dahil ganito lamang ang mangyayari kapag sila ang
kasama ko sa pagkain." bumitaw sya ng yakap at hinawakan ako sa mukha habang
hinahaplos-haplos ang mukha ko, "Pero kaya kong sikmurain ang pagtira ko rito para
sa'yo."
Napabuntong hininga ako at humawak ako sa bewang nya.
"Hindi ko akalain na ganun pala ang palaging eksena kapag nagkakaharap kayo ng
pamilya mo. Gusto ko lang naman kasi na mapalapit sa mommy at Daddy mo. Gusto ko na
magustuhan nila ako para sa'yo."
"Wag mo nang hilingin na mangyari pa iyon.. dahil malabo, Baby wife. Pero kapag
oras na sinaktan ka nila ay ora-mismo ay lilisanin natin ang bahay na ito. Kaya
magsabi ka agad, ha?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya, "Oo, sasabihin ko agad sa'yo. Kapag ayoko na rito
ay bumalik nalang tayo sa bahay mo."
Ngumiti sya at muling niyakap ako kaya niyakap ko ang bewang nya at dinama ang
yakap nya.
Dahil sa pagod sa byahe mula sa greece ay agad naming naisipan ni Atreo na
magpahinga na. Pero nagising naman ako sa kalagitnaan ng gabi ng makaramdam ako ng
gutom. Parang nais kong uminom ng gatas.
Tumingin ako kay Atreo at nakita ko sya na tulog na tulog habang nakahiga sa tabi
ko.
"Atreo, gising... Gusto ko ng gatas." niyugyog ko sya pero hinila nya lang ako
pahiga muli at niyakap.
"Hmmm." umungot lang sya at bumigat na muli ang paghinga nya na kinasimangot ko.
Bumangon muli ako at napili ko nalang na ako na ang gagawa ng sarili kong gatas
kesa maubos ang boses at lakas ko sa kakagising kay Atreo.
Sinuot ko ang tsinelas na pambahay at tumayo na ako mula sa kama. Inayos ko ang
dulo ng night dress ko bago ko kunin ang roba na katerno ng suot kong night dress.
Sinuot ko ang roba at tinali ko sa bewang ko ang tali habang lumalakad palabas ng
kwarto.
Maingat akong bumaba ng hagdan dahil medyo madilim dahil dim lang ilaw. Mahirap na
at baka mapano pa ako kung hindi ako mag-iingat.
Nagtungo ako sa kusina at binuhay ang ilaw. Bumungad sa akin ang malaki at ang mga
gamit sa kusina ay maayos na nakaset-up sa kanila-kanilang lalagyan.
Kumuha ako ng crystal glass at lumapit ako sa refrigerator. Hinanap ko sa laman ng
refrigerator ang gatas at may nakita ako na isang trusted brand I litre pack ng
milk. Kinuha ko iyon at sinara ko ang pinto ng refrigerator. Nagsalin ako at nang
mapuno ang baso ko ng gatas ay binalik ko muli sa refrigerator ang milk.
Kukunin ko na sana ang baso ng gatas ko na nilapag ko sa bar counter ng may
maramdam ako na papalapit na masamang awra. Agad akong umilag at hawak ko ang kamay
nito ng lumingon ako para harapin ito. Nakita ko si Suzane na pilit na kinukuha ang
kamay nya mula sa pagkakahawak ko.
Malakas kong binitawan ang kamay nya kaya napaatras sya na kinatingin nya sa akin
ng masama.
"Wag mong susubukan na hawakan ang buhok ko. Mamahaling brand pa ng shampoo ang
nilalagay ko d'yan, para lang dampian ng marurumi mong kamay."
Ngumisi sya pero ngumisi din ako. Grabe din ka-trying hard ang babaeng ito. Kulang
nalang lumuwa ang dibdib nya sa suot na night dress para masabi lang na may dibdib
sya. At halos kita na ang singit nya at pang-upo nya sa sobrang ikli ng suot nya.
"Ayaw mo bang masubukan muli ang sarap ng sabunot ko, gaya ng ginawa ko sa'yo noon
nang magkaharap tayo?"
"Pinagbigyan lang kita noon. Gusto ko lang malaman ang pakiramdam ng sinasabunutan.
Para naman magkaroon ako nang experience."
Ngumisi sya pero halata sa mukha nya ang pagkapikon.
"Kung gano'n ay ipaparanas ko ulit. Para malaman natin kung maganda ba ang brand ng
shampoo mo sa simpleng sabunot ko lang."
Nang maramdaman ko ang pag-amba ng kamay nya para sabunutan ako ay agad kong
binuksan ang takip ng lalagyan ng paminta at walang anu-ano'y sinaboy ko sa mukha
nya.
Naghihiyaw sya at napapapikit ang mga mata nya sa sakit ng dulot ng paminta. Agad
kong binitbit ang baso ng gatas ko at nagmadali aking umalis sa kusina at pumanik
sa taas, lalo na nang makita ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ng ama ni Atreo, at
pati na ang ibang taong nakatira rito sa bahay ng mabulabog dahil sa hiyaw ni
Suzane.
Inubos ko agad ang gatas ko ng makarating ako sa kwarto namin at nilapag ko sa side
table ang baso. Hinubad ko ang roba at agad akong nahiga sa kama bago nagkumot at
yumakap kay Atreo.
Napangiti ako dahil sa wakas ay nakaganti din ako sa babaeng iyon. She deserved it.
"Atreo, pagsabihan mo nga iyang babaeng mo. Sinabuyan nya si Suzane ng paminta sa
mukha."
Kakaupo pa lamang namin ni Atreo sa upuan na kinauupuan namin kagabi nang ibungad
iyon ng mommy ni Atreo sa amin. Napatingin ako kay Suzane na may suot na shades at
ramdam ko ang sama ng kanyang tingin na tumatagos mula sa salamin.
"Huh?" alam ko na maguguluhan si Atreo dahil wala syang alam sa nangyari kagabi,
"Ano na naman ang sinasabi mong paninira kay Grace, Suzane?"
"What the hell, Atreo! Pinagtatanggol mo pa ang babaeng iyan? Can't you see what
she did to my eyes? I can't open my eyes normally." hinubad nya ang shades nya at
nakita ko ang namumulang gilid ng mata nya at papikit-pikit ang mata nya.
"Totoo bang ginawa mo iyon sa kanya, Grace?" napakurot ako sa hita ko habang
nakayuko dahil hindi ako makatingin kay Atreo.
"Tinatanong mo pa? Syempre hindi magsasalita iyan, dahil totoo."
"Miss, I can't tolorate your childish action in my house. If you want a peaceful
house, you need to give a respect to your fellow housemate."
Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ng Ama ni Atreo.
"Paano ko ho bibigyan ng respeto ang taong hindi naman ho karespe-respeto? At sa
pagkakaalam ko po, ang isang pamilya ay nagmamahalan, hindi yung nagbabangayan at
hindi puro makasalanan ang nakatira."
Napatikhim ang ama ni Atreo at tila hindi pa nya nagustuhan ang sinabi ko.
"Pwede bang tumahimik man lang kahit saglit ang pagkain ko? Palagi nalang ang tenga
ko ang nabubusog sa mga palitan nyo ng maaanghang na salita."
Mula ng dumating kami ni Atreo sa bahay na ito ay ngayon lamang nagsalita si Won.
Hindi ako nito pinapansin at tila malamig na rin ang pagtrato nya sa lahat.
"Ma'am Suzane, umiiyak ho si baby pamela."
Tumikhim ang ama ni Atreo kaya tumayo si Suzane.
"Excuse me." bago sya umalis ay ramdam ko ang masamang tingin na binibigay nya sa
akin. Pagkatapos ay umalis na sya kasunod ng maid na tumawag sa kanya para sabihin
na umiiyak ang baby.
"Umamin ka nga sa akin, Baby wife, totoo bang ginawa mo iyon kay Suzane?"
Dahil sa nakakaumay na eksena sa hapagkainan ay naisipan namin ni Atreo na magpunta
rito sa pool side ng bahay kung saan ay may isang rattan swing chair na aming
inuupuan. Nakahiga kami ni Atreo habang nakatingala sa kalangitan.
"Paano kasi, sasabunutan nya ako kaya ayun..sinabuyan ko sya ng paminta." Humaplos
ang daliri ko sa dibdib nya habang nagsusumbong ako.
"Tsss. Sinabi ko na nga ba at may ginawa sa'yo si Suzane kaya nagawa mo iyon."
galit sya kaya napangiti ako, "Pero wag mo nang uulitin iyon. Iwasan mo lang sya
kung maaari. Ayokong mapahamak ka pa dahil lumapit ka sa kanya."
Napanguso ako at tumango. Pinatong ko ang mukha ko sa dibdib nya habang nakayakap
na ako sa bewang nya. Namayani ang katahimikan sa amin habang nakatingin kami sa
kalangitan.
Pero ang tahimik naming pagpapahinga ay nabulabog ng umalingaw-ngaw ang isang tunog
na nanggagaling sa cellphone ni Atreo. Naupo ako kaya naupo din sya at kinuha sa
bulsa ng pantalon nya ang cellphone nya. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at
nakita ko na si Sebastian.
"Yes, Seb?" tinapat ko ang tenga ko para marinig ang usapan nila.
"General, Major Buenitez is in danger. May tumambang sa kanyang bahay sa bulacan at
pinaputukan."
"Okay. We need to help him. Sabihin mo sa Vipers na maghanda." tumingin sa akin si
Atreo ng maibaba na nya ang tawag. "I need to go there, wife."
"Sasama nalang ako sa'yo." nanlumo ako nang umiling sya.
"Hindi pwede, dahil delikado sa'yo kung sasama ka. Promise, saglit lang ako doon."
hinalikan nya ang noo ko at tumayo na sya kaya tumayo rin ako at pinigil sya sa
damit ng ambang aalis na sya. Tumingin sya sa akin at hinintay ang sasabihin ko pa.
"O, sige, pero mag-iingat ka. Kapag umuwi kang sugatan, yari ka sa akin." natawa
sya at tumango.
"Oo ba. Uuwi ako sa'yo na walang kagalos-galos."
"O sige na, mag-iingat ka at wag mo palang kalimutan na uwian ako ng pasalubong."
napahalakhak sya sa pahabol ko.
"Sa bulacan lang ako pupunta hindi sa ibang bansa, baby wife... Anyway, sige,
uuwian kita ng maraming pasalubong. At mag-iingat ka rin rito at wag ka nang
lumapit kay Suzane, dahil baka kung ano pa ang mangyari sa inyo ni baby."
Tumango ako kaya ngumiti sya at binigay ako ng isang matunog na halik sa labi.
Bumaba sya para mapantayan ang tiyan ko at hinalikan nya rin iyon bago sya tumayo.
Nagpaalam na sya at umalis na kaya naupo nalang muli ako sa rattan swing chair at
tumingin sa paligid.
Pero napabaling ang atensyon ko sa batang si Ethan ng makita ko syang naglalakad na
nakayuko habang may hawak syang isang papel.
Naglakad sya patungo sa puno at nagtago doon kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo
ko sa rattan swing chair. Lumakad ako palapit doon at malapit na ako ng marinig ko
ang impit ng pag-iyak nya.
Nakita ko sya na nakaupo habang nakasandal sa puno habang umiiyak. Naupo ako sa
hagdan na bato at inipit ko sa pagitan ng hita at binti ko ang dulo ng dress ko
habang tinitignan sya. Tinignan ko ang hawak nyang papel at nakita ko na isang test
paper iyon. Nakita ko ang pulang marka na nakasulat ang grado na A+.
"Bakit ka umiiyak?" tila hindi nya naramdaman ang presensya ko at nagulat pa sya na
napatingin sa akin. Agad syang umiwas at tumalikod sa akin..
"Leave me alone. I don't want talk to you."
"Test paper mo ba 'yan? Wow. Ang galing mo. Ang taas ng score mo. Alam mo ba na
hindi pa ako nakakakuha ng score na ganyan. Puro flat one ang score ko sa test."
Hindi sya umimik kaya napahinga ako ng malalim.
"Nakita na ba 'yan ng daddy mo?"
"He's busy and he don't care about me."
Pansin ko na ganun nga ang pagtrato ni Atreo sa bata. Pero kawawa naman si Ethan.
Hindi sya ang dapat na magdusa sa nangyayari sa magulang nya.
"Sorry for destroying your family, but I'll never sorry for loving your daddy."
Napatayo sya ngunit nakatalikod parin sya sa akin.
"I hate you!" tumakbo na sya paalis matapos nyang sabihin iyon. Para akong
nakaramdam ng tusok ng karayom sa dibdib ko ng sabihin nya iyon. Alam ko na hindi
ko na dapat damdamin ang sinabi nito, pero iba parin. Ang sakit sa pakiramdam na
sabihan ka ng isang batang alam ko na naapektuhan sa ginawa ko.
Napatingin ako sa papel na nakabagsak sa lupa kaya inabot ko ito at pinagpag.
Maganda ang sulat kamay nya na napakalinis. At pansin ko na matalinong bata si
Ethan. Nakita ko ang score nya sa test. Perfect score lahat at wala ni isang mali.
Pero tila nais nya na ipakita ito sa pamilya nya ngunit wala ni isang interesado.
"Atreo, bakit hindi ka pa umuuwi? Gabi na, a."
"Sorry, baby wife. Hindi ako makakauwi ngayon dahil kailangan kong makasiguro na
mailipat muna si Major sa safety place."
Napanguso ako at napabuntong hininga. Akala ko ay saglit lang sya, 'yun pala ay
matatagalan pa sya.
"Okay, basta mag-iingat ka d'yan at wag kang mambabae d'yan agad, kundi makikita mo
ang hinahanap mo." napahalakhak sya sa kabilang linya at nakarinig ko din ang mga
halakhak sa kabilang linya. Tila nakikinig ang vipers sa mga sinasabi ko.
"Don't worry, Mrs. General. Kami ang titingin kay General kung mambababae sya."
"Tsss." napaasik si Atreo sa sinabi ni Quest kaya napangiti ako dahil may titingin
pala para sa akin sa vipers, "Hindi ako mambababae rito, kaya hindi mo na ako
kailangan pang bilinan, baby wife.",
"Mabuti nang nagkakaintindihan tayo."
"Okay, okay, I understand. Anyway, naghabilin ako sa mga kasambahay na pakain ka
kapag nagugutom ka na. At wag mo na akong hintayin pa. Kumain ka na at pagkatapos
ay wag ka nang magpuyat dahil masama sa'yo iyon. At iwasan mo rin si Suzane
hangga't maaari, ha?"
"Okay. Ikaw rin mag-iingat ka d'yan. I love you."
"Yes. I love you, too."
Napangiti ako na binaba na ang tawag at napatingin ako sa hawak kong test paper ni
Ethan. Nais ko sanang ipakita ito ngayon kay Atreo pero hindi pala sya makakauwi
ngayon. Nilagay ko nalang muna ito sa drawer at kapag dumating nalang si Atreo
tsaka ko nalang ipapakita.
Nag-unat ako ng braso pero napukaw ako ng may kumatok. Naglakad ako palapit sa
pintuan at pinihit ko ang seradura para buksan ang pinto. Nang mabuksan ko ay
bumungad sa akin ang maid na namukhaan ko. Ito yung maid na tumawag kay Suzane
dahil umiiyak si baby pamela.
"Pinadala ho ito sa inyo ni Sir."
"Pakilapag nalang sa side table." Niluwagan ko ang pinto para makapasok sya.
Pumasok sya at sinunod ang sinabi ko. Nilapag nya sa side table at yumuko sya bago
naglakad na. Lumapit ako sa dala nitong pagkain at naupo ako sa kama. Napansin ko
na hindi pa ito umaalis kaya napatingin ako rito at nakita ko na tila inaabangan
nya na kainin ko na ang dala nya, "May kailangan ka pa ba?"
Nagulat sya at umiling bago dali-daling lumabas at sinara na ang pintuan. Nagtataka
ako pero nakiba't-balikat nalang. Tumingin ako sa dala nyang pagkain. Tinolang
manok, isang pirasong saging, isang basong tubig at gatas.
Nilapit ko ang bowl ng tinola sa akin at kinuha ko ang spoon. Kumuha ako ng sabaw
at ambang hihigupin ko na nang mapakuno't noo ako. Inamoy ko ang sabaw at napaasik
ako sa sarili ko bago ko binaba ang spoon sa bowl. Inamoy ko rin ang gatas at
napailing ako.
Tumayo ako at kinuha ang tray. Bitbit ko ang tray palabas ng kwarto ko at bumaba na
ako. Sa hapagkainan ay naroon na ang lahat at naghahapunan. Napatingin ang lahat sa
akin kaya tumingin ako kay Suzane na ngumisi habang umiinom ng tubig.
So, it's you bitch!
"There's something bad smell in my food. I don't wan't this."
"Ang daming arte. Ikaw na nga ang dinalhan ng pagkain at pinagluto, ikaw pa ang
umaayaw. Luto pa naman ni Mama iyan."
Lumapit ako kay Suzane at nilapag ko ang tray na bitbit ko sa tabi nya.
"Kung gano'n ay subukan mo na kainin itong tinola ko at inunim ang gatas ko."
"Bakit mo inuutusan si Suzane na kainin 'yan? At parang sinasabi mo na hindi
masarap ang luto ko sa tono mo? Kung ayaw mo pala, edi sana nagluto ka ng sarili
mo."
Namula sa galit sa akin ang mommy ni Atreo at napatayo sya dahilan kaya umatras ang
upuan nya.
"Hindi ho ganun ang ibig kong sabihin.. May kakaiba po kasing amoy sa pagkaing
dinala sa akin. Hindi naman po pwedeng kainin ko ito dahil baka maapektuhan po ako
at ang batang nasa sinapupunan ko."
"Naku, Mama, wag kayong magpaniwala sa babaeng iyan. Gumagawa lang ng kwento 'yan
para manggulo."
Tumingin ako kay Suzane na nakangisi, "Bakit hindi mo nga subukan para malaman mo
kung sino sa atin ang gumagawa ng gulo."
"No way! Bakit ko naman kakainin 'yan? Gusto mo ata na ako ang malason ng pagkain
mo, at ako pa ang pinagbibintangan mo na naglagay ng lason d'yan."
Napangisi ako dahil lumabas din sa bibig nya ang ginawa nya.
"Paano mo nalaman na may lason 'yan? At wala naman akong sinasabi na ikaw ang
naglagay."
Nawala ang ngisi nya at natigilan sya habang namumutla. Napatingin ako kay Mrs.
Editha na napapailing na pinagpatuloy ang pagkain nya.
"Minsan talaga sa mismong bibig nahuhuli ang salarin."

Kabanata 26
May biglang humablot sa buhok ko bago pa ako makapanik sa hagdan. Lumingon ako para
makita ang salarin at nakita ko na si Suzane iyon.
Siniko ko sya para makaalis sa pagkakasabunot nya pero tila malakas talaga sya.
Humarap ako at sinabunutan ko rin sya.
"Hayop kang kabit ka! Hindi ka mawala-wala!" aniya habang walang nagpapatalo sa
amin sa pagsabunot.
"Hindi ako mawawala dahil hindi naman ako masama kagaya mo."
Tumalim ang mata nya at mas sinabunutan pa nya ako.
"Sige, sabunutan mo pa ako, tignan natin kung hindi kita ipaambush sa mga kapatid
ko."
"Talaga? Nakakatakot naman.." aniya at ngumisi pa sya. Tinulak ko sya kaya
napabitaw sya sa buhok ko at napaatras. Huminga ako ng malalim at tumingin sa phone
ko. May dinial ako at niloud speaker ko ang tawag.
"Hello, Grace?"
"Kuya Jam, may ipa-paambush ako, pwede mo ba akong tulungan?"
"Sure, tell me who is she/he?"
Ngumisi ako kay Suzane at ginawa kong video call ang tawag. Hinarap ko kay Suzane
ang mukha ni Kuya Jam.
"Kuya, 'yan oh. Gusto akong mamatay ng babaeng iyan."
Nakita ko ang pagputla ng mukha ni Suzane habang nakatingin kay Kuya Jam na nasa
video call. Tinignan ko kung anong ginagawa ni Kuya sa video at nakita ko na may
nililinis pala syang baril at tingin ko ay nasa agency sya.
"Who are you, bitch? Alam mo ba kung sino ang nais mong ipapatay?"
"She deserve to die! Mang-aagaw sya!"
"Oh? Really? Gusto mong hukayin ko ang background mo?"
Natigalgal si Suzane kaya inalis ko na ang video at ako na ang humarap kay kuya.
"Kuya, salamat sa support, pakibigay nalang sa akin ang background check ni Suzane.
Love you, kuya."
"Okay, love you, too, Bunso. Bye." pinatay ko na ang tawag at tumingin ako kay
Suzane na napakuyom ang kamay at nagmartsa na paalis.
Napangisi ako at binulsa ang phone ko sa bulsa ng dress ko. Naisipan ko na umakyat
na sa kwarto namin ni Atreo para ipahinga ang katawan ko at masakit kong anit.
Pero bago ako matulog ay tinext ko muna si Atreo at tinanong ko kung kelan sya
makakauwi. Hindi sya nagreply at dahil sa kakahintay ng reply nya ay nakatulugan ko
na.
Nagising lamang ako ng makaramdam ng gutom.. Madilim ang buong paligid at hindi ko
nabuhay ang ilaw sa Lamp. Binuhay ko ang ilaw sa lamp at sumandal ako sa head board
ng kama. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko na sumagot na pala si Atreo sa text
ko.
Sorry, baby wife. Baka abutin ako ng ilang araw na mawala. Sa tagong probinsya
namin tinago si Major para walang makatunog. Hope you understand me. Promise, I'll
be back soon. Take care of your self. I love you..
Inis kong inexit ang text nya. Akala ko ba ay saglit lang? Bakit parang
pinapahiwatig nya na matatagalan syang mawala? Ano pa ba ang saysay ng kasal namin
kung ganito naman pala na madalas syang wala?
Hindi ko na sya sinagot at inis na umalis ako sa kama at sinuot ang tsinelas ko.
Sinuot ko ang roba ko at lumabas ako ng kwarto. As usual, madilim muli ang ibang
bahagi ng bahay.
Bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Kumuha ako ng
makakain ko. Nakita ko na may cake slice na natira kaya kumuha ako ng platito at
kumuha ako no'n. Ayos na iyon para mawala ang gutom ko.
Lumabas ako na bibit ang gatas at cake. Naisipan ko na sa pool side sa rattan chair
nalang ako magpahangin. Pero paglabas ko ay nakita ko na nandoon ang Mommy ni
Atreo.
Nais ko sana na umalis na at hayaan ito pero tila yumuyugyog ang balikat nya sa
pag-iyak. Lumapit ako sa kanya at agad syang napatigil sa pag-iyak ng makita ako sa
tapat nya.
"Bakit po kayo umiiyak?"
Nagpunas sya ng luha habang nakaiwas sa akin ng tingin tila inis din sya sa
presensya ko.
"Wala kang pakialam. Umalis ka nga sa harap ko."
"Bakit po ba kayo galit sa akin? Wala naman po akong ginagawang masama sa inyo."
Tumingin sya sa akin ng masama, "Wala? Dapat lang sa kagaya mong kabit ay
kasuklaman. Dahil sa kagaya mo, kaya nawala ang atensyon sa akin ni Romero. Hindi
na sya muli pang tumingin sa akin gaya ng unang tingin nya kung paano nya ako
ligawan. Ngayon ay ramdam ko na meron oa syang ibang babaeng kinagigiliwan kaya
ngayon ay parang hangin nalang ako na dinadaanan nya..." nagpahid sya ng luha bago
tumayo kaya medyo umatras ako, "Ngayon sabihin mo, dapat bang matuwa ako sa'yo
dahil ang katulad kong legal na asawa ay nababalewala ng dahil sa kabit? Masaya ba
kayo na may nasisira kayong buhay at pamilya?"
Tulala ako hanggang sa makaalis sya at pumasok sa loob. Ramdam ko na sobra syang
nasasaktan. At dahil isa akong kabit dati, sa akin binubuhos ng Mommy ni Atreo ang
galit nya sa kabit ng asawa nya.
Nawalan ako ng gana na kainin ang cake at inumin ang gatas. Napahinga ako ng
malalim habang nakaupo rito sa rattan chair. Gusto ko sana na gumanda ang tingin sa
akin ng Mommy ni Atreo, pero paano ko gagawin iyon kung makikita nya palang ako ay
sumasama agad ang timpla ng mukha nya.
Naisipan ko na bumalik na sa loob at para ibalik ang cake sa refrigerator at inumin
ang gatas. Pero napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Suzane. Agad akong
nagtago sa likod ng isang sofa at sumilip ako para tignan sya.
"Peste talaga ang babaeng iyon. Kailangan nyang maalis sa buhay ng mga Alvarez."
Napahigpit ang hawak ko sa baso ng marinig ko ang sinasabi nya sa kabilang linya.
"Sige, sige. Papahiramin kita ng pera, basta tumahimik ka lang. Oras na pamanahan
ako ng matandang iyon ay makakaalis na ako sa pamamahay na ito."
Matapos ang pag-uusap nya sa kausap nya sa kabilang linya ay napabuntong-hininga
sya.
"Letche, kailangan ko pang utuin ngayon ang matandang iyon para pirmahan na nya ang
pamana nya sa akin."
Umalis na sya matapos sabihin iyon. Naiwan akong may tumatakbo sa isip ko. Sa dami
ng narinig ko ay isa lang ang alam ko. Pero kailangan ko munang makasiguro.
Tumayo ako at sinundan si Suzane. Nakita ko sya na nagtungo sa labas kaya agad kong
nilapag muna sa nakita kong table ang dala kong cake at gatas bago ko sya sinundan.
Palinga-linga sya at mabilis na tinawid ang pagitan ng pinto sa back door.
Nagmadali syang lumakad sa likod ng bahay kaya maingat akong sumunod.
May isang tila bodega ng mga gamit ng sasakyan. Gawa sa kahoy ang buong pader pero
yero ang bubong. Sinara nya ang pintuang kahoy. Maingat akong naglakad palapit
doon.
May siwang akong nakita sa pader na kahoy kaya maingat akong lumapit doon. Sinikap
kong itapat ang mata ko doon habang medyo nakayuko ako.
Inaaninag ko kung may makikita ba ako. May kaunting liwanag sa loob. Lumibot ang
paningin ko at nakita ko si Suzane na nakangiti habang unti-unti nyang inaalis ang
butones ng suot nyang night dress. Hindi ko alam kung kanino sya naghuhubad at kung
sino ang tinitignan at nginingitian nya.
"Take off your clothes now."
Napatakip ako ng bibig ng mabosesan ko ang nagsalita. Ngumiti si Suzane at naglakad
sya palapit sa nagsalita.
"Mas maganda siguro na ikaw naman ang maghubad sa akin." aniya. Hindi ko na sya
makita dahil may nakaharang. Pero narinig ko ang pagpunit ng damit at paghalinghing
ni Suzane.
Napaayos na ako ng tayo at malalim akong napaisip. May posiblidad ba na hindi si
Atreo ang ama ng mga anak ni Suzane? Dahil kung ganito na may iba syang
kinakalantari ay posible iyon.
Naisip ko ang Mommy ni Atreo. Kailangan nyang makita ito. Agad akong naglakad
paalis doon. Pumasok akong muli sa bahay at pinuntahan ko ang kwarto nito.
Huminga ako ng malalim at kumatok ako. Matagal bago ako pagbuksan pero nang makita
nya ako na bumungad sa kanyang harapan ay isasara na sana nya ang pinto.
"Sandali lang po." inis na binuksan nya muli ang pinto.
"Ano bang kailangan mo at pati sa pagtulog ko ay ginugulo mo?" galit nyang tanong.
"Sumama po kayo sa akin. May dapat po kayong makita."
"Anong pinagsasabi mo?"
"Basta po." agad ko syang hinawakan sa braso at hinila. Napahinga ako ng maluwag ng
sumama sya.
"Saan mo ba ako dadalhin babae ka?"
"Shhh... Wag po kayong maingay, please.." sinenyasan ko sya kaya umismid lang sya
at nagpahila sa akin hanggang makalabas kami.
Lumakad kami patungo sa bodega. At nang matapat kami ay sinenyasan ko sya.
"Buksan nyo po ang pinto at makikita nyo kung sino ang kabit ng asawa nyo." bulong
ko.
Tila sya nablanko at napalunok. Hinawakan nya ang pintuan na hindi masyadong
naisara ni Suzane. Tumingin sya sa akin kaya tumango ako. Tumingin sya muli sa
pinto at maingat na tinulak iyon.
Napasiklop ako ng kamay ng pumasok na sya. Hindi ko alam kung dapat ba akong
sumunod papasok, baka kasi may makita akong milagro.
"Mga hayop kayo!"
Narinig ko ang malakas na hiyaw ng Mommy ni Atreo.
"Carissa.." boses iyon ng ama ni Atreo.
"Hayop kayo! Walang hiya ka, Suzane! Sobra ang tiwala ko sa'yo, 'yun pala ay ikaw
ang tinatagong bagong kabit ni Romero!"
"Stop it, Carissa! Wag kang gumawa ng eskandalo!"
"Ako pa ngayon ang gumagawa ng eskandalo!? Kayo ang mga baboy! Mga walanghiya!"
"Carissa!"
Nanlaki ang mata ko at ayaw ko mang pumasok ay wala akong choice. Pagpasok ko ay
napatingin ako sa Mommy ni Atreo. Napatakip ako ng bibig ng makita itong
nakahalundusay sa sahig. Tumingin ako kay Mr. Romero at kay Suzane. Nakaayos na ang
damit ni Mr. Romero pero si Suzane ay tinakip ang suot nyang night dress sa private
parts ng katawan nya. Tumingin sya sa akin ng masama pero hindi ko na pinansin iyon
at agad akong lumapit sa mommy ni Atreo.
"Mrs. Carissa, gising po." sinalat ko ang pulso nya sa leeg at mahina na kaya
kinabahan ako, "Dalhin po natin sya sa hospital, Mr. Romero!" baling ko kay Mr.
Romero na agad na dinaluyan ang asawa nya.
"Carissa, wake up. I'm sorry. I'm sorry." iyon ang narinig kong sinabi ni Mr.
Romero bago sya nagmadaling lumabas ng bodega buhat-buhat ang walang malay nyang
asawa.
Bago ako umalis ng bodega ay tumingin muna ako kay Suzane.
"Sino sa atin ngayon ang kabit? Kadiri ka, pati ama ni Atreo, pinatulan mo.
Nanghihinala tuloy ako na baka hindi anak ni Atreo si Ethan at Pamela."
"Hayop ka! Bwisit kang babae ka! Mapapatay kita!"
Ngumisi ako ng makita kong galit na galit sya. Hindi sya makagalaw para sabunutan
ako o patayin gaya ng sinasabi nya dahil wala syang saplot na maaaring ipangtakip.
"Bago mangyari iyon ikaw muna ang mauuna. Tapos na ang kasamang ginawa mo sa
pamilya nila Atreo."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako at narinig ko pa ang pagsigaw sa
galit ni Suzane.
Naglakad na ako patungo sa bahay at tila nakaalis na sila Mr. Romero dahil
nagpasukan na ang mga kasambahay na nabulabog ang pagtulog.
"Hey, What's going on here? Bakit walang malay si Carissa?"
Ako ang binalingan ni Mrs. Editha. Suot nya pa ang pantulog nya at roba habang ang
magulo nyang buhok ay inipon nya para itali.
"Nalaman ko ho kasi na si Suzane ang kabit ni Mr. Romero. Kaya po nang makita sa
eksena ni Mrs. Carissa na nagtatalik ho ang dalawa ay bumuhos ang galit nya at
nahimatay."
"What!? That bitch Suzane is the new mistress of Romero?"
Tumango ako at nagtaka ng makita ang nagliliyab sa galit na mata ni Mrs. Editha.
"Nasaan sya?" mariin nyang tanong.
"Nasa bodega po." napaturo pa ako habang naguguluhan sa naging reaksyon nya.
Napakuyom sya ng kamay at dali-daling umalis para magpunta sa likod.
"Bakit ganun ang reaksyon ni Mrs. Editha?" tanong ko sa mga maids.
"Dahil kabit din sya ni Mr. Romero." matapos sabihin iyon ng isang maids ay
nagsialisan na sila habang ako ay naiwang natulala.
Kabit din pala ni Mr. Romero si Mrs. Editha? Edi ibig sabihin mother ni Won iyon.
Shocks! Bakit ngayon ko lang narealize iyon? Kaya pala palaging katabi ni Mrs.
Editha si Won sa pagkain. At kaya pala ang lakas ng pwersa kapag naghaharap sa
hapagkain ang Mommy ni Atreo at Mrs. Editha.
Pumanik ako sa taas para magbihis para makapunta sa hospital na pinagdalhan sa
Mommy ni Atreo.
Habang nagbibihis ako ay tinawagan ko si Atreo, pero puro ring lamang ang phone nya
at hindi nya sinasagot.
Inis na binaba ko ang tawag at sinara ko na ang zipper ng suot kong dress. Sinuot
ko ang flat sandals ko at kinuha ko ang sling bag ko bago ako lumabas ng kwarto.
Ano kaya ang pinagkakaabalahan ni Atreo at hindi ko sya macontact? Kung kailan
kailangan sya, doon naman sya wala.
Kinausap ko ang isang driver ng mga Alvarez. Mabuti at mabait ito dahil willing
syang ihatid ako kung saan dinala ang mommy ni Atreo.
Habang lulan ng sasakyan ay pinilit ko muli na tawagan si Atreo, pero ayaw talaga
nyang sagutin. Kaya nagtext ako kela Zylene para ipatanong sa mga boyfriend nilang
Vipers kung nasaan ba si Atreo at hindi ko macontact.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa pinakamalapit na hospital. At dito
siguro nagtatrabaho ang magulang ni Atreo na parehong doctor.
Agad akong bumaba ng kotse at sinabihan ko ang driver ng mga Alvarez na pwede na
itong bumalik sa bahay.
Habang nilalakad ko papasok ang hospital ay tumunog ang message tone ko kaya
tinignan ko ang nagtext at nakita ko na si Zylene.
Zylene: Bitch, sa batangas daw sila.
Napakalayo mula bulacan ang narating nila Atreo. Bakit doon sa malayo pa?
Nagpasalamat ako kay Zylene at lumapit sa nurse station.
"Nurse, pwede bang malaman kung saan dinala si Mrs. Alvarez."
"Ah, Si Doctora Alvarez ho?" tumango ako at tinuro nya ang way sa emergency room.
"Sige, salamat." tumango sya at ngumiti kaya umalis na ako doon at tinungo ang
emergency room.
Tumayo ako sa bungad ng pinto ng emergency room at mahigpit na napahawak sa hawak
kong phone dahil kahit na hindi naging maganda ang trato sa akin ng Mommy ni Atreo,
meron parin akong pag-aalala bilang manugang. At Ina parin sya ng asawa ko kaya
mahalaga na sana ay maging ayos ito.
Matagal akong naghintay sa emergency room nang sa wakas ay bumukas rin ang pinto
kaya tumingin ako sa lumabas. Nakita ko ang Ama ni Atreo. Napatingin sya sa akin at
seryoso nya akong tinignan.
"This is your fault. Kung hindi ka namakialam sa buhay namin mag-asawa, edi sana ay
hindi nacoma si Carissa."
Napatakip ako ng bibig at natulala sa sinabi nito. Nakaramdam ako ng guilt sa puso
ko dahil ako ang dahilan kung bakit nasa ganung sitwasyon ngayon ang Mommy ni
Atreo.
Kung hindi ba ako nagsumbong at kung hindi ko na lang sana pinakialaman kung ano
man ang relasyon ng pamilya nila ay hindi ba ito mangyayari?
Hindi ko mapigilan ang mapaiyak hanggang sa lagpasan ako ni Mr. Romero habang tila
sya pinagbagsakan rin ng langit at lupa. Tumingin ako rito at likod nito ang nakita
ko habang nanlulumo na naglalakad sa hallway ng hospital.
Naupo ako sa waiting patient chair at napahawak sa bibig na umiyak. Pumikit ako at
ramdam ko ang takot sa dibdib ko na baka hindi na magising ang Mommy ni Atreo.
Sobra ang konsensya na nararamdaman ko.
Tinawagan ko muli si Atreo pero cannot be reached na ang phone nya. Tinext ko sila
Zylene at muli kong pinatanong sa kanila ang lugar sa batangas na kinaroroonan nila
Atreo.
Maya-maya pa ay nagtext na sila Zylene at sinabi nila ang address. Bakit sila Quest
at Haris ay nakakasagot sa text or tawag ng dalawa? Bakit si Atreo ay hindi ko
matawagan man lang.
Naisipan kong itext si Atreo at nagpadala akong mensahe na sabihin kung anong
nangyayari sa kanya.
Nagpunas ako ng luha at tumayo na para umalis ng hospital. Hindi ko man nais na
iwanan si Mrs. Carissa, pero kailangan kong malaman ang kalagayan ni Atreo.
Susundan ko ito kung nasaan man ito ngayon.

Kabanata 27
Naisip ko na baka hindi ko kayanin ang byahe kung mag-isa lamang akong lalakad para
puntahan si Atreo. Kaya nagpasama ako sa dalawa--kay Zylene at Allison. Hindi ko
naman maaaring kunin ang kotse ko sa bahay nila Dad. Dahil natitiyak ko na uusisain
nila ako kung saan ko dadalhin ang sasakyan ko. Kaya minabuti ko nalang na
magpasama nalang sa dalawa, kahit na nahihiya ako dahil masyado ng gabi.
Gusto nila na ipagpabukas nalang namin ang pagbyahe, kaso hindi ko na ata
mahihintay pa ang umaga dahil lubos na ang pag-aalala ko kay Atreo.
Kulang na kulang ako sa tulog kaya hindi ko tuloy mapigilan ang antok ko kaya panay
ang hikab ko.
"Bitch, matulog ka muna. Masama pa naman sa'yo ang magpuyat."
"Huh? Eh, kayo?"
"Wag mo kaming alalahanin. Sana'y na kami sa puyatan. Tsaka hindi naman kami buntis
kagaya mo." Nakaramdam ako nang hiya sa sinabi ni Zylene.
"Pasensya na, ha? Hindi ko na dapat kayo inistorbo pa."
"Ano ka ba, okay lang yun. Hindi rin naman kami makakampante kung mag-isa ka lang
na bibyahe sa kalagayan mo na iyan."
Napangiti naman ako sa sinabi ng dalawa. Hindi ko alam kung gaano ako kaswerte na
nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya nila.
"Salamat sa inyo."
"Welcome, bitch."
Napangiti ako lalo at tsaka na ako umayos sa pagkakaupo. Sinandal ko lang ng maayos
ang ulo ko sa sandalan para maayos akong makakahiga. Pinikit ko ang mga mata ko
hanggang sa dapuan na ako ng antok.
Parang lumilipad ang pakiramdam ko. Parang naglalakabay ang diwa ko sa kung saan.
Dumilat ako at napakuno't noo ako ng makita ang sarili ko na nakatayo sa harap ng
isang hindi pamilyar na bahay. Tila isa itong bakasyunan at wala akong makitang
kabahayan sa paligid. At tila malayo ito sa bayan.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. At hindi ko namamalayan na kusa na palang
humakbang ang mga paa ko para tunguhin ang bahay na iyon.
Nasaan kaya sila Zylene at Allison? Nandito na ba kami kung nasaan sila Atreo?
Dahil sa pag-iisip ko na iyon ay kusa na akong humakbang palapit sa bahay. Sobrang
tahimik. Nakakakaba.
"Tao po?" Humiyaw ako ng humiyaw para alamin kung may tao ba sa loob ng bahay.
Nakarinig ako ng kaluskos na nagmumula sa loob ng bahay.
"Sandali!" nang may sumagot mula sa loob ay huminto ako sa paglalakad ko.
Napakuno't noo ako dahil tila humahagikgik pa ang babaeng sumagot sa pagtawag ko.
Tila ba may kumikiliti sa kanya at gustong-gusto nya ang kiliting iyon.
Naghintay ako sa paglabas nito habang nakatingin ako sa mga paa ko.
"Yes?"
Agad akong napaangat ng tingin at halos paglamigan ako ng katawan ng makilala ko
kung sino ang babae. Para naman akong matutumba sa kinatatayuan ko ng makitang
kasunod na lumabas din si Atreo. Na topless at boxer short lamang ang suot. Yumakap
sya mula sa likod ng babae at humalik sa pisngi nito na para bang nasa honeymoon
stage sila kung titignan.
"A-Atreo.." napaangat ito ng tingin at hindi man lang sya nagulat o nagsisi nang
makita nya ako. Para bang tagos ang tingin nya at hindi nya ako nakikita bilang
kanyang asawa.
"What are you doing here?"
Hindi ko pinansin ang tanong nya dahil isa lamang ang umiikot sa isipan ko.
"Atreo, anong ibig sabihin nito? Bakit kayo magkasama?" Pinipilit ko na wag
pumiyok. Kahit na parang gusto ko nang magwala at manghina sa nakikita ko.
"Hindi pa ba obvious? We're back together."
Gigil na kumuyom ang kamay ko at hindi na ako nakatiis. Sinugod ko ang babaeng ito.
Agad kong hinablot ang buhok nya at hinila ko sya pabagsak sa sahig at
pinagtatadyakan.
"Walanghiya ka! Asawa ko sya, pero nagawa mo pang patulan sya!"
"Grace, stop it! Don't hurt her!"
Hindi ako makapaniwala na tumingin kay Atreo. Parang dinudurog ang puso ko ng
makita na niyakap nya ang babae at masuyong pinapatahan dahil sa sakit ng ginawa
kong sabunot at tadyak.
Bumigat ang paghinga ko at halos manginig ang kalamnan ko sa sobrang sakit ng
nakikita ko.
"Dapat lang na saktan ko sya! At pati na rin ikaw! Mga hayop kayo!"
Ambang susugurin ko muli ang babae ay hindi ko inaasahan na bigla nalang akong
itulak ni Atreo na syang kinaupo ko sa lupa. Tila ako nablanko sa ginawa nya.
Ngumisi sa akin ang babae at hinarap ako.
"Alalahanin mo, kabit ka rin nang maging kayo ni Atreo. At pinakasalan ka lang nya
dahil wala lang syang magawa sa buhay nya. Ako parin ang mahal ni Atreo, kaya kahit
anong gawin mo ay hindi na sya babalik pa sa'yo. Pathetic!"
Napahawak ako sa tiyan ko. Napatingin ako sa mga binti ko. Umaagos doon ang dugo na
syang kinalamig pa lalo ng pakiramdam ko.
Tumingin ako kay Atreo at nakita ko sila na papasok na sa loob ng bahay.
"Atreo! Ang anak natin! Atreo!!!"
Naubos na ang boses ko sa pagsigaw pero hindi nila ako pinansin. Hindi nya ako
pinansin man lang. At ang masakit sa lahat ay pinagsaraduhan nila ako ng pinto at
iniwan na duguan at luhaan.
"Bitch, gising!"
Napasinghap ako ng mapabalikwas ako mula sa pagkakatulog. Napatingin ako kela
Zylene at Allison na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Ginising ka namin dahil tila binabangungot ka."
Natulala ako at napahawak sa tiyan ko. Hindi totoo ang nangyari. Panaginip lang
lahat. Isang bangungot!
Pero kahit na ganun ay ramdam ko parin ang sakit sa dibdib ko. Ang basa sa mukha ng
dahil sa pag-iyak ko. Napapikit ang mga mata ko at bumalik sa isipan ko ang naging
panaginip ko.
Parang totoo. Malinaw na malinaw ang lahat. At iyon ang mas lalong nagpabigay sa
akin ng sobrang takot sa dibdib ko.
"Sinisigaw mo ang pangalan ni Atreo. Bakit?"
Umiling ako sa tanong ni Zylene. Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko ay
manginginig lamang ang bibig ko sa sobrang panginginig ng kalamnan ko hanggang
ngayon.
Napahinga ng malalim si Allison at hinaplos ang buhok ko.
"Malapit na tayo kung saan ang sinasabi ni Haris."
Napatingin ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya.
"Please, bilisan natin." nagtataka sila sa reaksyon ko, pero nang makita kong
nagkatinginan sila ay napili nalang nilang tumahimik at umalis sa tabi ko para
lumipat sa unahan para ipagpatuloy ang pagmamaneho.
Napapisil ako sa kamay ko at tumingin sa labas ng bintana. Malapit na palang ng
mag-umaga. Masyado palang napahaba ang naging tulog ko.
Napahinga ako ng malalim at niwaglit ko sa isipan ko ang masamang panaginip na iyon
na hindi ko gugustuhing mangyari kahit kailan. Pero kahit anong waglit ko ay abo't-
abo't parin ang kaba, takot, at pangamba ko na baka mangyari ang napanaginipan ko.
Umiling-iling ako at napahilamos ako sa mukha ko para magising. Napahawak ako sa
sling bag ko at kinuha ko ang phone ko.
Tinignan ko nalang kung nagtext na ba si Atreo. At nang makita kong nagtext nga ito
ay parang nagliwanag ang mukha ko.
Agad kong binuksan ang text nya at tsaka ko binasa.
[Baby wife, don't worry about me, I'm ok. Hindi ko lang hawak ang phone ko dahil
nawala. Kaya ngayon 'ko lang nabasa ang txt mo.]
Nakahinga ako ng maluwag at napangiti. Ganun naman pala. Wala naman pala akong
dapat na ipag-alala.
"Oh, nakangiti ka na ngayon."
Tumingin ako kay Allison na nagmamaneho pero pasulyap-sulyap sya sa akin mula sa
rear mirror.
"Nagtext na si Atreo sa akin. Okay naman pala sya."
Tumingin din sa akin si Zylene at ngumiti na kinangiti ko rin.
"Mabuti naman. Wala naman kasing nabanggit si Quest tungkol doon, kaya hindi rin
namin masabi sa'yo ang lagay ni Atreo."
"Naku, ayos lang. Yung masabi lang kung nasaan ito ay malaki na ang pagpapasalamat
'ko sa inyo at sa mga nobyo nyo."
"Oh, nandito na pala tayo, bitches."
Napatingin kami ni Zylene kay Allison ng sabihin nya iyon. Napatingin din kami sa
labas at parang pinanlamigan ako ng makita ang pamilyar na bakasyunan.
Parang bigla akong nanghina at nakaramdam ng takot.
"Bitch, are you okay?"
Tumingin ako kay Zylene at ngumiti bago tumango.
"Oo, okay lang ako. Tara, puntahan na natin."
Ayokong sabihin sa kanila na ito ang bakasyunan na nakita ko sa panaginip ko.
Agad akong bumaba ng kotse, kahit na parang nanginginig ang tuhod ko sa sobrang
kaba. Sinikap kong makatayo ng tuwid at humakbang.
Paglapit namin sa bahay ay wala kaming makitang tao. Tumingin ako sa dalawa at
sinenyasan ko sila.
"Magtungo kayo sa likod bahay, baka nandoon lang sila sa likod."
"Pero ikaw?"
"Ako na sa loob." tumango sila at nauna ng pumasok sa gate ng bahay.
Huminga ako ng malalim at umiling. Tinapangan ko ang loob ko at humakbang na ako
palapit sa pintuan nang malaking bahay bakasyunan.
Pagtapat ko sa pintuan ay humugot muli ako ng lakas ng loob at hinawakan ko na ang
seradura. Pinihit ko na ito at binuksan ang pinto.
Pagtingin ko sa loob ay walang tao, kaya pumasok ako at maingat na sinara ang
pintuan.
Naglakad ako habang nililibot ko ang paningin ko.
"Atreo?"
Sa gawing sofa sa sala ay may lamesa. At nakita ko ang mga buksan na can beer na
nakakalat. May gasa din na pinagpalitan ng sugat at mga medicine kit.
Naglakad pa ako at napatingin ako sa tila kwarto na medyo nakasiwang ang pinto tila
hindi na nailapat ng kung sino man ang pintuan ng pumasok ito.
Binilisan ko ang lakad ko para tunguhin iyon.. Tinignan ko pa ang pinto bago ko ito
itulak ito para makita ko ang loob ng kwarto. Napatingin ako sa sahig at nakita ko
ang mga nakakalat na damit sa sahig.
Lumibot ang paningin ko sa kwarto at nabitawan ko ang pinto ng makita ko si Atreo
na nakahiga sa kama at may kayakap na babae. At alam ko na pareho silang walang
saplot sa ilalim ng kumot.
Napahakbang ako papasok habang pakiramdam ko ay matutumba ako kaya humawak ako sa
pader. Ang luha ko ay umaagos mula sa mga mata ko hanggang mabasa na ang aking
mukha.
Napatakip ako ng bibig at napahagulgol--dahil hindi na isang panaginip ito! Totoo
na ang nakikita ko!
At ang masakit pa ay iisang babae lang ang nasa panaginip ko na kasama nya.
"G-Grace.." napabalikwas si Atreo mula sa.pagkakahiga ng marinig ang hagulgol ko at
nang makita ako sa pagbukas ng kanyang mga mata. Ambang tatayo na dapat sya ng
mapatingin sya sa katabi nya. Napabukas-sara ang bibig nya at napatingin syang muli
sa akin na takot at hindi na makapagsalita.
"Bakit, Atreo?" 'yun ang lumabas sa bibig ko ng alisin ko ang kamay ko sa bibig ko
mula sa pagkakatakip. Rinig na rinig na ngayon ang malakas kong hagulgol na
kinaalimpungatan din ng babae.
"G-Grace.."
"Wag! Wag kang lalapit sa akin!"
Umiling ako kay Atreo habang nakasenyas ako sa kanya na wag syang magbabalak na
lumapit sa akin.
"Grace, let me.. Let me explain." hirap na hirap ang pagsasalita nya na tila hindi
nya alam ang gagawing pagpaliwanag sa akin.
Umatras ako habang umiiling habang patuloy ang pagbuhos ng luha ko.
"Grace, nasa labas si---"
Hindi na naituloy nila Zylene ang sasabihin ng makita rin ang ayos ni Atreo at ang
babae nya. Napahinto sila at natahimik sa nasaksihan.
"G-Grace.."
"Sinabi nang wag kang lalapit! Wag! Ayokong lapitan mo ako dahil baka mapatay lang
kita! Hindi ko akalain na ganito pala ngayon ang paraan mo ng pagrescue. Sana
nagsabi ka nalang na maayos pala ang lagay mo sa piling ng ibang babae, para naman
hindi kami napagod ng mga kaibigan ko sa pagpunta rito dahil sa sobrang pag-alala
ko sa'yo!"
"Grace, dinudugo ka!"
Tila ako bingi sa mga boses na puno nang pag-aalala ngunit wala akong ibang
naririnig. Basta nakatingin lang ako kay Atreo na ngayon ay nanlalaki ang mata at
agad na pinulot ang boxer nya para isuot. Nang maisuot nya at lumapit sya sa akin.
Napatingin ako kay Quest at iba pang vipers na nagsipasukan. Agad kong kinuha sa
gilid ng bewang ni Quest ang baril nya at tinutok ko iyon kay Atreo na kinasinghap
nya at maging ng lahat nang narito.
Napahinto sya sa paglapit sa akin at napalunok habang nangingilid ang luha nya.
"Wag kang lalapit sinabi! Hindi ka ba marunong makaintindi?! Ayokong lapitan at
hawakan mo ako, hayop ka!"
"Grace, a-ang anak natin..."
"Mabubuhay ang ANAK KO. Narinig mo? Anak ko lang, at walang natin. Dahil simula
ngayon ay wala ka nang karapatan pa sa amin! Wala!"
Halos maubusan ako ng hangin sa pagsigaw ko. Tumingin ako sa babaeng katalik nya na
walang iba kundi si Liz.
Nanghina ang braso ko ng itatapat ko na sana rito ang baril. Nanlabo ang paningin
ko at para akong nauubusan ng lakas. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit sa
tiyan ko. Nabitawan ko ang baril at napahawak ako sa tiyan ko.
Humawak ako kay Allison at Zylene na agad akong hinawakan.
"D-Dalhin nyo ako sa hospital, please.."
"O-oo.. Quest, pakibuhat si Grace, bilis!"
Naramdaman ko na may bumuhat sa akin. Bago ko isara ang mga mata ko ay tumingin ako
kay Atreo. Malamig na tingin ang binibigay ko sa kanya.
Umiiyak sya habang may pag-aalalang tingin sa akin. Pero wala nang halaga iyon para
sa akin. Dahil kahit lumuhod at umiiyak pa sya sa pagmamakaawa ay hindi na no'n
maaalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Parang namanhid na ang lahat sa akin. At parang gusto ko nalang mamatay para hindi
ko na maramdaman pa ang pagtibok ng puso ko na tanging sinisigaw ay sya.

Kabanata 28
ATREO'S POV
Bumagsak ako sa sahig dahil sa malakas na suntok na natamo ko mula sa mga Esteban..
Ang dalawang lalakeng kapatid ni Grace. Hinila ni Gab Esteban ang kwelyo ng polo ko
para itayo ako. Humithit sya ng sigarilyo bago nya itapon iyon sa sahig habang
nakatingin sa akin ng seryoso at mariin.
"Sinabi ka na namin, Alvarez, pero talagang wala kang isang salita."
Napaubo ako ng sikmuraan ako nito. Hindi ako lumaban. Nararapat lang sa akin ito.
"Fuck! Laban! Ano? Wala ka pala, Asshole!"
Muli ako nitong sinapak sa mukha at binitawan ang kwelyo ko kaya humagis ako
pabagsak sa sahig.
Napaubo ako na kinalabas ng dugo sa bibig ko. Babangon palang ako ng may sumipa sa
mukha ko na muli kong kinahiga.
"You are a asshole! Ang saktan ang kapatid namin ay hindi katanggap-tanggap!
Binigyan mo lang kami ng karapatan na patayin ka!"
Bumangon ako habang isang mata ko ay nakapikit dahil sa pagputok dahil sa malakas
na suntok ni Gab. Pero nakayanan kong lumuhod sa kanila para humingi ng patawad.
"S-Saktan nyo ako, hahayaan ko. Pero please, kailangan kong makausap si Grace.."
Ngumisi sila tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Hindi na, Ul*l! Dahil hindi na namin hahayaan sa'yo ang kapatid ko! Damn you!"
"Bro, tama na... Hinahanap na tayo ni Dad. Nagising na raw si Grace."
Binigyan pa nila ako ng sabay na suntok sa sikmura bago nila ako iniwan rito sa
isang bodega na lumpasay sa sahig at nanghihina.
Napasuntok ako sa sahig habang bumabangon sa pagkabagsak. Kasabay ng pagtulo ng
dugo ko sa sahig ang pagtulo ng luha ko.
Maraming beses na akong nagkamali sa buhay ko. At isa na doon ang labag sa loob
kong pagkasalan si Suzane.
Matapos ang matagumpay na amerikan army forces duties ko ay naisipan kong bumalik
sa pilipinas. Kasa-kasama ko ang vipers; Ang ginawa kong grupo para makatulong sa
pagpuligsa sa mga terorista ng bansa. Sa katunayan, sila ang mga pilipinong naging
kasa-kasama ko mula pa ng mag-umpisa ako sa pag-aaral sa forces.
Bale, dose silang lahat. Doseng nagtitiwala sa kakayahan ko bilang general nila.
Hindi ko na kailangan ng maraming alagad, dahil tiwala din ako sa kakayahan nila.
Marami akong nakaaway sa american army. Kaya naisipan ko na lisanin ang
paglilingkod ko doon para matahimik na. At sakto nga dahil natapat na may nais na
ipadala sa pilipinas para tulungan ang bansang kinaroroonan ng magulang ko.
"Mabuti naman at naisipan mo kaming dalawin, Atreo?"
Tumango ako sa vipers kaya lumabas muli sila ng bahay para iwanan ako sa harap ng
magulang ko. Gabi no'n nang makarating kami ng vipers sa bahay. May party pa sa
labas, gawa ng kapatid ko sa labas na si Won.
"Nandito lang ako para ipaalam na nandito na ako sa pilipinas. Sige, mauna na ako."
Tumayo na ako at ambang aalis na nang pigilan ako ni Mommy.
"Anak, dumito ka muna, please." mapungay ang mata nya na nakikiusap sa akin. Kahit
na bwisit na bwisit ako kay Mommy dahil hinahayaan nya na lokohin sya ni Daddy ay
hindi ko parin ito matanggihan. I love my mom. Kahit pa hindi ko iyon madalas
ipakita sa kanya.
Tuwang-tuwa sya na wala akong magawa kundi pumayag. Hindi ko na inabala pang tignan
si Dad, at dumeretso ako sa kwarto na ewan ko kung nandoon pa ba ang kama ko o
ilang gamit ko.
But I was surprised when I saw my room. Nandoon pa ang bed at malinis ang kwarto
tila inalagaan. Tumawag ako sa maid's quarters area para ipag-utos na bigyan ng
room ang vipers at pakainin.
Nanlalata ako sa tagal ng byahe kaya agad ko nang itinulog iyon. Saglit lamang
akong nakatulog at hanggang ngayon pala ay hindi pa tapos ang party ni Won.
Napahilamos ako sa aking mukha habang pababa ng hagdan. Nagpunta ako sa kusina para
uminom ng tubig.
Binuksan ko ang ref para maghanap ng food. Pero nang may pumasok sa kusina kaya
doon nabaling ang tingin ko. Isang babae.
"Hi, I'm Suzane, Won's girlfriend." tumango lang ako at hindi pinansin ito, "May
natira pang barbeque and liquior. Gusto mo ba?"
Tumingin ako sa nilapag nya. Pansin ko na sobrang iksi ng dress nya na hakab sa
katawan nya. I know the girl like her. A wh*re. Sorry for my word. But it's my
opinion.
"Thanks." kinuha ko ang barbeque at liquior. Saktong-sakto ito dahil may pang laman
ng tiyan bago ako muling umiglip.
Nagtungo ako sa bar counter at naupo sa high chair. Hindi ko matanto kung bakit
nakasunod parin ang babaeng ito.
"Umalis si Won, hinatid ang ilang friends namin."
Tumango lang ako habang kinakain ang barbeque kasabay ng alak. Swabeng-swabe sa
lalamunan. Napa 'aahh' pa ako sa sarap.
Hindi ko na mabilang kung ilang barbeque na ang nakain ko. Pero nakakatatlong shots
palang ako ng liquior ng parang umaalon na ang paningin ko.
Kaya ng makarinig ako ng sigaw ay doon nagising ang diwa ko. Nakita ko nalang na
kinuwelyuhan ako ni Won at sinapak. Nahatak ko ang kumot na syang pinantakip ko sa
private parts ko. Tumingin ako sa kama at nakita ko ang syota ni Won na naghanap ng
pangtakip sa hubad nyang katawan.
Napailing ako habang napapahid sa gilid ng labi ko ng malasahan ko ang dugo na gawa
ng sapak ni Won.
"How dare you! Pati sa girlpren ko nagawa mong makipags*x!"
Pagak akong natawa sa sinabi nya. Napaturo pa ako sa syota nya na paiyak-iyak pa.
"What? S*x to her? Oh c'mon, Won. Hindi nga ako tinitigasan d'yan, at wala akong
maramdaman na pinasok ko sya. Baka nand'yang hinubaran lang ako at tumabi sa akin
ang syota mong naghubad para palabasin na may nangyari sa amin."
Napatingin ako kela Dad na pumasok. Napahawak ako sa bridge ng ilong ko ng sumakit
ang ulo ko.
"Atreo, pati nobya ng kapatid mo ay pinatulan mo. Kakahiyan ka! Makakasira ito sa
reputasyon natin."
"Yeah.. Yeah.. Reputation my ass."
Nagsuot ako sa harap nila ng boxer at short kong tiniklop pa ng babae ni Won. Put*!
Galing talagang pumili ni Won sa babae. Puro genius ang kinukuha. Wala akong
masabe.
"Atreo, bumalik ka rito!",
"Vipers, let's go!"
Sumakay ako sa kotseng matagal ko nang hindi nagagamit. Ang ilang vipers ay sa akin
sumakay, ang ilan ay pinagamit ko ang sasakyan na hindi ginagamit.
Sa head quarters ni Major Buenitez kami dumeretso. He's our mentor in training camp
when we are juniors.
"General Alvarez, welcome back. Vipers."
"Thanks, Major." Naupo ako at pati na ang vipers ng paupuin kami ni Major.
"Mabuti at narito kayo ngayon. Kailangan ko kasi ng tao para sa operasyon sa
mindanao crisis dahil sa terorista."
"Sorry, Major, pero hindi kami sasali d'yan. May sarili kaming gulo na aayusin.
Kaya ibalato nyo na ang trabahong iyan sa bata nyo."
Napangiti sya at tumango, "Talagang maprinsipyo ka, bata. Kaya hindi nakakapagtaka
na naabot mo agad ang mataas na katungkulan sa army forces."
"Salamat, Major."
"Anyway, kamusta kayo ni Liz?"
Alam kong itatanong nya ang tungkol sa amin ng pamangkin nya. Sya ang dahilan kaya
kami nagkakilala ni Liz.
"We're over, Major."
"Akala ko maling balita lang." natawa sya pero kita ko ang panghihinayang nya,
"Sayang. Mabait naman si Liz. Bakit kayo nagkahiwalay?"
"Hindi ho ako sumasagot sa ganyang tanong, Major."
Natawa sya at tumango. Alam na nya ang ibig kong sabihin.
"Kaya hindi nakakapagtaka na maraming humahabol sa'yo. Bukod sa magandang lalake
ka, e, masyado kang lulong sa trabaho kung kaya pati girlfriend ay wala kang
oras.."
"Hindi mahalaga sa akin ang pang matagalang relasyon at mga babae. Sapat nang
maging libangan lang sila."
Natawa sya na wala akong naging reaksyon. Hindi ko alam kung komedyante ba ako at
natatawa sya.
Pero hinayaan ko na dahil minsan lang tumawa ang mga kagaya nyang nakalubog sa lupa
ang mga paa.
Nagpaalam na kami kay Major at bumisita kami sa bawat quarters sa manila.
Mahigit dalawang buwan na rin na hindi ako umuwi sa bahay dahil wala rin namang
saysay kung titira ako doon.
Sa nabili kong bagong bahay sa pampanga ako namalagi. Kakatapos ko lang kumain ng
sabihin sa akin ni Manang Josie na may bisita raw ako.
Nagpunas ako ng bibig sa table napkin at tsaka ako tumayo para tunguhin ang
bisitang sinasabi nito.
Pero hindi ko inaasahan ang mabubugaran ko. Si Dad at Mom, kasama yung girlfriend
ni Won.
"Anong ginagawa nyo rito?"
"Anak, nagpunta kami rito dahil may kailangan kang malaman."
Napakuno't noo naman akong lumapit sa mga ito at pabagsak na naupo sa single sofa.
"What it is?"
Tumingin ako sa syota ni Won na ngumiti sa akin.
"I'm pregnant."
"Oh? Who cares?" ngumisi ako ng makita kong nagpipigil ito ng inis. She's hiding
her true colors.
"Atreo, nabuntis mo si Suzane. Hindi pupwede na hindi mo sya pananagutan dahil baka
makasira sa pangalan natin ang ginawa nyo."
Napatiim-bagang ako. Bullshit! Kahit wala akong malay, alam kong hindi ko ginalaw
ang babaeng 'yan.
"Bakit sa akin nyo ipinapaako ang pagbubuntis ng babaeng iyan? Baka si Won o kaya
ibang lalake ang ama ng batang nasa tiyan n'yan."
"Sino ka para sabihan ako n'yan? Kung ayaw mo akong panagutan, tignan natin kung
hindi masira ang pangalan mo bilang ginagalang ka pa naman bilang general."
Humagulgol pa sya at tumayo na. Umalis na ito na kinailing sa akin ni Dad at Mom.
"Atreo, alalahanin mo ang ginawa mo. Kung hindi mo sya papakasalan ay baka mag-
ingay ang babaeng iyan."
Iyon ang sinabi ni Dad bago ito tumayo at umalis na rin sa harap ko. Tumayo si Mom
at humawak sa ulo ko.
"Anak, para matapos na. Pakasalan mo na si Suzane. Mabait naman sya dahil napalapit
na rin sya sa akin kahit pa naging nobya sya ni Won. At alam kong magiging mabuti
syang asawa."
"Mom, bakit nyo ako pinipilit sa babaeng iyon? Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis
nya!"
"Eh, ikaw ang nakatalik nya nung nagdaang buwan. At may sinasabi din sya na may
video daw kayo na kinuhanan ng mga kaibigan nila ni Won noong nagkaroon noon ng
party sa bahay. Makakasira iyon sa trabaho mo, anak. Gusto mo bang kumalat pa
iyon?"
Napatiim-bagang ako dahil sa pagkasura sa babaeng iyon. Wala akong maalala nung
gabing iyon. At lalong wala naman akong naramdaman nung nakatabi ko sya. Kaya alam
ko sa sarili ko na walang nangyari sa amin. Pero shit!
Paano kung totoo nga na akong ama no'n?
Wala akong makuhang ebidensya sa pagbubuntis nung syota ni won. Inofferan ko nang
pera pero ayaw nito. Ang gusto nito ay panagutan ko sya at pakasalan. Kung hindi ay
sisirain nya ang pangalan ko.
Sino ba ang tinakot nya? Wala akong pangamba sa pananakot nya. Pero nang sabihin
nya na ipapalaglag ang bata ay doon ako mas nasuklam kay Suzane. So, I do not have
a choice but to marry her.
Nagpakasal ako sa kanya sa ibang bansa. Dahil kapag sa pilipinas ay aabutin ng
siyam-siyam bago ma-file ang devorce. Wala akong planong habang buhay na makasal sa
kanya. Makikipag devorce din ako kapag alam ko na ang tinatago ng babaeng iyon.
Pinapaikot nya sila Dad at Mom, pero ako ay hindi nya mapapaikot.
At para hindi ko makita ang babaeng iyon. Bumalik muli kami ng Vipers sa ibang
bansa. Nilibot namin ang iba't-ibang bansa. Hindi dahil sa trabaho namin, kundi
gusto lang namin makapagbigay tulong sa iba.
Bumabalik-balik ako sa pilipinas na hindi pinapaalam sa pamilya ko ang pagbabalik
ako. Sa Carlota Negros Occidental. Kung saan ay ginagawa kong bakasyunan. Nabili ko
ang kalahating isla ng Carlota. Na syang tinayuan ko ng bakasyunan ko. Kaso meron
doon mag-asawa na matagal nang naninirahan kaya hindi ko na pinaalis ito. Bagkus ay
nagsabi pa sila sa akin na maaari nilang ipagkatiwala ko ang bakasyunan para
linisin habang paalis-alis ako ng bansa.
Naging ganun ang routine ko. Pabalik-balik ako ng ibang bansa hanggang sa
magdesisyon ako na manatili nalang muna sa pilipinas lalo na nang mabalitaan ko ang
ginagawang gulo ng mga terorista sa lugar kung saan ako nagtayo ng bakusyunan.
Kasama ang vipers na bumalik ako. At sa Carlota kami tumuloy.
"Anak, nasaan ka ngayon? Bakit hindi mo sinabi sa akin na nakauwi ka na pala."
Hindi ko alam kung paano nila nabalitaan na nakauwi na ako. Hindi ko sinabi kay Mom
kung nasaan ako. Basta sinabi ko na nasa maayos lang ako.
"Hindi ka ba dadalaw rito, Anak? Malaki na si Ethan. Hindi mo man lang nakikita."
"Mom, I'm busy. May gagawin pa ako, bye." binabaan ko na agad sya dahil doon na
naman pupunta ang usapan.
Dahil sa pagkabanas ay naisipan kong mag speed boat. Ngayon lamang ako nagkaroon ng
time na libutin ang islang binili ko.
Habang naglilibot sa karagatan ay napatingin ako sa kalangitan at nakita ko na may
taong bumagsak. Hindi ako naniniwala sa hulog ng langit o anghel. Pero posible bang
may bumagsak mula sa langit?
Natawa ako sa iniisip ko. Hinubad ko ang sandong itim na suot ko at inalis ko ang
shades na suot ko. Umalis ako sa pagkakaupo sa speed boat at tumalon ako sa dagat
para sagipin ang taong bumagsak sa dagat.
Lumangoy-langoy ako hanggang sa makita ko ito na kumakampay ang paa tila hindi
makaalis sa kinalalagyan nya. Napansin ko na isang babae iyon.
Agad akong lumapit at napamaang ako ng matitigan ko ang mukha nya na napakaamo.
Nawalan na sya ng malay kaya agad kong hinawakan ang bewang nya na tila mababali ko
sa liit.
Napamura ako at umiling bago ngumisi. Hinawakan ko ito sa leeg at umahon kami kung
saan ang speed boat ko.
Inupo ko sya sa speed boat ko at tsaka ako umahon. Inupo ko sya sa unahan ko
patagilid bago ako maupo at hawakan ang manibela ng speed boat.
Tumingin ako sa mukha ng babae at napakagat ako ng labi sa ganda ng kanyang mukha.
Napadila ako ng labi ng makita ang mapula nyang labi na basa dahil sa tubig.
Napabuntong-hininga ako dahil bakat ang bra at kita ang cleavage nya.
"Nice view." ngumisi ako at umiling bago ko paandarin ang speed boat patungo sa
pangpang ng bakasyunan ko.
Binuhat ko ang babae patungo sa pangpang.
"General, sino ho iyan?"
Tumingin ako kay Aling Consuelo na tumakbo patungo rito ng makita ako.
"Hindi ko ho alam. Aling Consuelo. Pero pakuha nalang ho sya ng tuwalya."
Nang makaalis si Aling Consuelo ay binaba ko ang babae sa buhangin. Napakuyom pa
ako ng kamay bago ko ilapat ito sa dibdib nya.
"One..two..three....twenty." nang hindi parin sya nagigising ay binuka ko ang bibig
nya. Huminga ako ng malalim at nilapat ko ang bibig ko sa kanya. Binigyan ko sya ng
hangin at nang maramdaman ko na magkakamalay na sya ay nagnakaw ako ng isang halik
sa labi nya bago ako bumitaw..
Nang idilat nya ang mga mata nya ay nakita ko kung gaano iyon kaganda. Asul na
hindi pangkaraniwan sa pilipino. Baka may lahi ito kaya ganito ang mata nya.
Nakakapanghina ng tuhod kung sya'y tumingin.
Tumayo na ako para hindi nya makita ang ngisi ko. Tumalikod na ako ng makita ko ang
paglapit ni Aling Consuelo sa babae. Napadila ako sa aking labi dahil ito ang
kauna-unahan na malakas ang impact sa akin ng isang babae.
"General, nakita namin 'yon."
"Anong pinagsasabi nyo? Lumabas na nga kayo at gawin ang 1000 push ups at sit ups."
Aangal sana sila ng talikuran ko na sila para magpalit ng damit sa room ko.
Napailing ako ng isara ko ang closet ko habang nakahawak ako sa labi ko.
"Damn, Atreo."
Parang tanga ako na lumabas ng bahay para puntahan ang vipers.
Nakita ko na nagpupush ups na sila at panay ang suway ko kapag nakikita kong hindi
sila nagseseryoso.
Napatingin ako kay Aling Consuelo ng mapadaan ito sa gawi ko. Agad ko itong
tinawag.
"Aling Consuelo, nasaan ho ang babae?"
"Nasa bahay, General. Pinahiram ko muna ng susuotin nya dahil lalabhan ko pa itong
basang damit nya."
Napatango ako at napatingin ako sa two storey nipa house ni Aling Consuelo.
"May ipapasabi ho ba kayo sa kanya?"
Umiling ako rito, "Wala ho."
Tumango ito, "Sige ho, General. Lalabhan ko pa itong damit nya."
Napatingin ako sa underwear na hawak ni Aling Consuelo. Ngumisi ako dahil tantya ko
na menor de edad pa ang babae, pero bakit hindi pang teens ang underwear nya?
"Regie, gusto mong ilakad ka namin sa bagong salta?"
Napatingin ako sa vipers at kay Quest ng sabihin nya iyon. Namula si Regie na
kinahalakhak ng iba.
"Quest Sivilia, puro ka kalokohan. Focus!"
"General, totoo ang sinabi ko. Hindi pa nagkakagirlpren itong si Regie. Baka ito na
ang chance nya."
Napatiim-bagang ako. Hindi nila nakita iyon dahil napatingin sila sa gawing bahay
ni Aling Consuelo, kaya napatingin rin ako.
Lintek!
"Focus, Vipers!"
Nang matunugan nila ang seryoso kong boses ay agad silang umiwas ng tingin sa
babae.
Lintek kasi! Bakit kasi lumabas ito?
"General, isasama ko lang ho sya sa pagluluto. Tsaka itatanong ko lang ho kung kela
ang uwi nyo sa maynila?"
"No permanent day. Bakit, Aling Consuelo?"
"Heto ho kasing si Grace ay nais na sumabay pa maynila dahil wala ho syang maaaring
sakyan paalis ng resort nyo."
So, she's from manila. And her name is Grace, ha?
Tumingin ako kay Grace. Napangisi ako dahil ramdam ko agad ang tingin nya. Ramdam
ko agad ang kilos nya.
"I'm not sure about that, kakarating ko lang dito. Kaya baka matagalan bago ko
lisanin ito."
It's true. Dahil kakarating ko lang dito para agad na umalis. At mukhang mag-e-
enjoy ako ngayon, kaya mas lalong matatagalan pa.
Hindi nya alam ang numero ng pamilya nya? Baka gawa-gawa lang nya?
Masyadong inosente ang kanyang mukha. Nakakatakot ang kanyang kainosentehan.
Nakaupo ako sa beach chair nang mapatingin ako kay Aling Consuelo at Grace ng
lumabas sila mula sa bahay ko.
Umiwas ako ng tingin ng nginitian nya ako. Napahawak ako sa bridge ng ilong ko at
napatingin muli ako kay Grace. Nakatalikod na sya habang sumusunod kay Aling
Consuelo.
Napatingin ako kay Borge ng sumipol sya kaya binato ko sya ng dala kong mineral
water.
"Focus, Cruz!"
Napakamot ito sa ulo bago nagmadaling mag-push up. Pinagtawanan lang sya ng grupo.
"General, ang sexy pala no'n, kaso menor de edad. Sayang."
"Kay Regie nga sya bagay. Twenty two palang itong si Regie."
"Hoy! Bakit ako na naman ang nakita nyo?!"
Huminto si Regie sa pag-push up ng matapos sya. Napatiim-bagang ako dahil namumula
ang pisngi ng siraulo ng asarin sya nila Quest.
"Tulong! Tulungan nyo ako!!"
Napatingin ako sa halamanan ng marinig ang sigaw ni Grace. Agad akong tumayo at
tumakbo para puntahan ito.
"General, nawawala ho si Grace."
Agad akong nagtungo sa kagubatan at nakita ko ito na nakaupo habang may ahas na
gumagapang palapit sa kanya.
Nilabas ko ang baril ko at binaril ko ang buntot ng ahas na kinatakbo pa nito. Pero
agad kong binaril ang ulo nito na kinamatay nito.
"Tsk."
Tumingin sya sa akin ng marinig ang asik ko.
"Salamat."
"Sa susunod, wag kang lalayo kung hindi mo kayang protektahan ang sarili mo. Pinag-
alala mo lang si Aling Consuelo."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ako. Pero sumunod sya at nangulit na
hindi ko naman pinansin. Dumating si Aling Consuelo at nagpasalamat sa akin.
Gusto ko sanang sabihin na tumanggap lang sya ng sakit sa ulo. At sakit sa puson..
Kada araw na makikita ko si Grace ay nasabi ko sa sarili ko na may gusto sa akin
ang bata.
Lalo na nang pagkatuwaan syang tanungin ng vipers na kinatuwa pa nya.
Ibig kong mabulunan ng sabihin nya na matanda ang type nyang lalake. Masyado syang
obvious.
Naiinis ako sa katulad nya na walang galang sa sarili. Inakbayan na sya ni Erick
pero hindi man lang nya inalis.
"This is not a playground, Kiddo." matapos kong sabihin iyon ay tumayo na ako at
kinuha ang sumbrero ko, "Vipers, four o'clock."
Para mawala ang init ng ulo ko at kumuha lang ako ng tuwalya sa kwarto at lumabas.
Nasalubong ko si Grace na kinahinto ko at hindi ko alam kung mag-aapologize ba ako
sa nangyari sa hapagkain. Pero kusa nang humakbang ang mga paa ko para iwasan
nalang ito.
Sa swimming pool ako nagtampisaw at umahon din agad ako ng masyado ng malalim ang
gabi.
Napadaan ako sa beach chair at nakita ko ang bestidang suot kanina ni Grace.
Tumingin ako sa paligid, pero wala naman ito sa paligid. Kaya binitbit ko nalang
itong bestida hanggang makapasok ako sa kwarto.
Nang matanaw ko ang bukas na sliding door sa veranda ko ay isasara ko sana ito nang
mapahinto ako sa labas ng makita ko si Grace na ang tanging suot ay ang kanyang
bikini. Napalunok ako ng tumama sa kanya ang buwan na kinakita ng hubog ng kanyang
katawan. Agad akong nagtago sa pader ng mapatingin sya sa kwarto ko.
Fuck shit! Hinahanap nya siguro itong bestida.
Shit.
Para makalimot sa nakita ko kagabi ay maghapon ang ginugol ko kasama ng vipers sa
kabilang isla. Kaya hindi ko nakita si Grace sa maghapon na pinagpapasalamat ko.
Pagbalik namin sa Rest house ay nakita ko ito na ngiting-ngiting lumapit sa akin.
"Hello sa inyo!"
"Hi, little kid."
Ibig kong mapangiti ng sumimangot sya sa sinabi ni Quest.
"For you." may inabot sya sa akin na anklet na kinatikhim at sipol ng vipers.
Pasimpleng tumingin ako sa Vipers bago ipamulsa ang mga kamay ko sa bulsa ng
pantalon ko. Fuck. Gusto kong kunin pero ayokong isipan ako ng iba ng Vipers.
"Tsk. It's so childish." nilagpasan ko sya at narinig ko pa ang sinabi nya na
maarte daw ako na kinangiti ko.
Pero napahinto ako at agad na lumingon. Nakita kong binigay nya kay Regie ang
anklet. Humarap ako sa daan ko at naabutan nya ako.
Inismiran nya ako bago sya lumapit sa gamit nya. Inirapan pa nya ako at nag-flip pa
sya ng hair na kinailing ko.
"Ayos 'to! Ang ganda... Bagay sa akin."
Nang matanaw kong pumasok na sa bahay nina Aling Consuelo si Grace ay humarap ako
sa vipers. Specially kay Regie.
"Bawal ang ganyan sa trabaho, Regie." kinuha ko ang anklet sa kanya at tumalikod na
ako. Narinig ko pa ang pag-angal nito pero hindi ko na pinansin at napangiti ako na
binulsa ang anklet.
Dahil sa maghapong paglilibot sa kabilang isla ay naligo ako para malamigan. Pero
paglabas ko ay hindi ko inaasahan na narito si Grace sa kwarto ko. Tinitignan ang
Condom na regalo sa akin ng siraulong si Borge nung magdiwang ako ng kaarawan noong
nagdaang taon.
Humarap sya sa akin na kinasinghap nya.
"Why are you here?" malmig ko syang tinanong dahil nag-iinit ang katawan ko habang
tinitignan sya.
"I'm just here to bring your food."
Matapang syang tumingin sa mga mata ko. Ngumuso sya habang nakapikit na kinataka
ko.
"Hey!" napakuno't noo ako ng magsalita sya na halikan ko daw. Napakagat ako ng labi
pero sinungitan ko sya para pukawin na kinaidtad nya.
"Huh?" ibig kong mapangiti sa kawalan nya sa sarili.
"Sabi ko..wag mong sandalan ang table ko."
Hindi ko ibig na sungitan sya pero kailangan kong gawin. Dahil kapag pinatulan ko
sya ay baka makasuhan ako ng parents nya.
"General, aalis kami ni Feliciano. Ipapahabilin ko sana muna sa inyo si Grace--kung
maaari lang naman ho."
"Wala hong problema, Aling Consuelo. Mag-iingat nalang ho kayo sa pag-alis nyo."
Nagpasalamat ito at umalis na. Nang oras na babalik muli ako kasama ng vipers sa
kabilang isla ay naabutan ko agad si Grace.
Ayokong isama sya pero nakonsensya ako na maiwan syang mag-isa. Kaya wala akong
pagpipiliin kundi isama sya.
Naiinis lang ako sa iksi ng suot nya na halos kita na ang cleavage nya. Pinagsuot
ko sya ng life vest pero nagpamatigasan pa sya sa akin.
Napahiya sya na kinakonsensya ko. Dahil nasigawan ko sya at napahiya. Natahimik sya
kaya hindi ako mapakali habang sinasabi ko sa vipers ang plano ukol sa pagsugod
namin sa mga terorista na nagtatago sa kabilang isla.
Bumaba kami ng bangka. At nang makababa ako at ang vipers ay tumingin ako kay Grace
para offeran ito ng kamay. Pero may isa pang kamay na nag-offer din. Si Gorge.
Napatiim-bagang ako ng kunin nya ang kamay ni Gorge. Napakuyom ako ng kamay na nasa
bulsa na nang pantalon ko. Tumingin ako sa isla bago ko harapin ang vipers.
"Grupo ni Seb, sa kabilang kanto. And the rest..follow me."
Tumingin ako kay Grace bago humarap sa daan para pangunahan ang grupo ko. Nang
medyo nakakalayo na kami ng biglang nagsalita si Regie.
"Hala! Nawawala si Grace."
Agad akong humarap sa likod ko at lihim na napaasik ako ng makitang wala nga si
Grace.
"Mauna na kayo sa pinagplanuhan. Hahanapin ko lang ang babaeng iyon." Tumango sila
kaya agad na akong tumakbo para balikan ang dinaraan namin kanina.
Sa parke kung saan may pamilihan ay nakita ko syang nakaupo at kausap ang ilang
bata na tumakbo na paalis sa kanya na may mga dalang banana que.
"You're here." napaangat sya ng tingin nang pumunta ako sa harap nya.
"Uuwi na ba tayo?"
Tumayo sya habang kagat-kagat ang banana que na hindi ko alam kung saan nya kinuha.
Hinawakan ko ang kamay nya. Napakalambot at makinis.
Ramdam ko ang tingin nya tila hindi nya inaasahan ang paghawak ko. Maging ako man
ay hindi ko inaasahan ang pagkuha ko sa kamay nya kaya nagseryoso ako para ipakita
na wala lang iyon.
"Let's go. Tsk. Pinahirapan mo ako." matapos kong sabihin iyon ay hinatak ko na sya
para maalis ang tingin nya.
Pagdating sa ruta. Iniwan ko sya sa vipers. Agad akong tumakbo para puntahan ang
mga terorista na nanggugulo sa simbahan.
Pero bago pa kami makalapit ay nagpasabog sila kaya nagtago ako sa pader. Nang wala
nang impact ang bomba ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at pinagbabaril ang
nakita kong mga terorista. Isa nalang ang natira ng mapatay namin ang mga kasama
nito. Nabaril pa ako nito bago ito nakatakbo.
"May tama ka, General."
"Wag mo akong alalahanin, Seb. Sundan nyo iyon, baka magpunta sa evacuation
center."
Umalis na ang vipers para sundin ang utos ko. Binalikan ko kung nasaan si Grace
pero wala. Sinabi ni Quest na nasa evacuation daw na kinamura ko.
Sumunod ako kela Seb at pagpasok ko sa evacuation ay lalo akong napamura ng makita
na maging hostage ng terorista si Grace. Sinenyasan ko ang vipers na pumalibot.
"Ibaba mo 'yan kung ayaw mong lumabas ang dugo sa bibig mo!" Banta ko sa terorista.
"Hindi ako tanga para sundin ka! Papatayin ko ang babaeng ito kapag lumapit kayo!"
Napatiim-bagang ako at lalapit na sana rito nang mapatingin kami sa ginawa ni Grace
sa terorista. Napamangha ako dahil marunong pala sya sa self defense.
Bumalik kami sa rest house na tagumpay matapos ang bakbakan. Nilinis ni Grace ang
sugat nang maalis ni Seb ang bala sa braso ko. Ibig kong matawa sa age doesn't
matter nya. Talagang bulgar na bulgar ang pagkagusto nya sa akin.
"Do you have girlfriend?"
Nang tanungin nya muli sa akin iyon ay hindi ko na napigilan na patulan sya.
"At bakit mo gustong malaman?"
"Because I like you."
Napailing ako at napangiti habang mangha-mangha sa tuluyan na pagkabulgar nya.
Shit! Lintek na buhay 'to! Bakit kasi bata pa?
"Hindi mo alam ang ang sinasabi mo. Masyado ka pang bata."
"Answer me. Do you have girlfriend?"
Damn! Wala nang bawian ito!
"Paano kung wala?" ngumisi ako habang hinahamon ko sya.
"Edi..ako nalang ang girlfriend mo."
Tinawanan ko lang ang sinabi nya.
God. Hindi ko alam ang gagawin sa kanya. Masyado syang mapanukso.
"Hindi ako pumapatol sa bata."
Napailing ako na tumayo na. Pero aalis na sana ako ng tumayo din sya at harangan
ang daan ko.
"Hindi porke't bata ako ay mamaliitin mo ako. Tandaan mo, kaya kitang makuha kahit
na bata ako."
Matapos nyang sabihin iyon ay tumingkayad sya at inabot ang labi ko na kinablanko
ko. Nagtagpo ang labi namin. Kahit saglit lang iyon ay nagbigay parin iyon ng impak
sa akin.
Hindi ko sya maalis sa sistema ko. Lalo na tuwing aasarin at aakitin nya ako.
Kaya dahil sa underwater kiss na namagitan sa amin ay hindi ko na sya maalis sa
akin. Bahala na.. Masyado akong hibang na hibang sa nakakaakit na si Grace.
Doon na nagkaroon ng namamagitan sa amin. Naging girlpren ko sya. Naangkin ko sya
ng paulit-ulit. Nung una ay nais ko lamang na gawin syang libangan dahil sa
pagpipilit nya na gusto nya ako. Pero nang mas lalo kong nakilala ang ugali nya,
napakadali na nya akong napasunod sa kamandag nya.
Pero ang panandaliang saya, sarap, at tamis ng pagsasama namin ay agad na naputol
nang dumating si Gab Esteban. Hindi ko akalain na kapatid pala ni Grace ito. Lalong
hindi ko akalain na isang Esteban si Grace.
Ramdam ko ang pagdisgusto nito sa akin, base palang sa binitawan nyang salita.
Ayaw pa sana sumama ni Grace pero pinilit ko lang.
"General, phone nyo."
Napabaling ako kay Regie. Mula nang umalis si Grace ay nagkaroon ng katahimikan ang
rest house. Napabuntong-hininga ako at inabot ang phone ko.
Nakita ko si Mom ang tumatawag kaya sinagot ko.
"Mom?"
"Anak, alam mo na ba na buntis muli si Suzane sa pangalawa nyong anak?"
Napatiim-bagang ako dahil alam ko ang iniisip ni Mom.
"Mom, wala na akong kinalaman d'yan."
"Anong wala? Eh, kakagaling lang ni Suzane kung nasaan ka ngayon. Kakauwi nya lang
at d'yan palang daw ay nalaman nya na buntis na sya."
Napatayo ako habang nakakuyom ang kamay.
"Fuck! Mom, hindi ko anak iyon!"
"Anak, hanggang ngayon ba ay hindi mo parin aakuin? Matapos mong buntisin ay hindi
mo inaamin na ikaw ang ama. Kasal naman na kayo at naaawa ako kay Suzane dahil sya
lang ang nag-aalaga kay Ethan. Maawa ka naman dito sa asawa mo."
Dahil sa inis ko ay binabaan ko ng tawag si Mom. Napahagod ako sa buhok at
napahilot ako sa sentido ko.
Bwisit talaga ang babaeng iyan! Matapos magpabuntis sa iba ay ako ang palaging
pinapaako.
Kaya dahil sa dami ng kailangan kong gawin sa maynila ay agad kaming lumisan sa
rest house ko.
Pagdating sa maynila ay agad kong tinungo ang teritoryo ng mga Esteban para
puntahan si Grace.
Kakaunti lang ang tauhan na naglisawan kaya nakagawa ako ng paraan para makapuslit.
Nakamatyag naman ang vipers sa labas.
Hindi ko alam kung tama ba ang kwartong pinasok ko pero nang makita ko na maraming
bulaklak sa veranda at kulay pink ang kurtina ay alam ko na kay Grace na iyon.
Nakaramdam man ako ng takot na baka mahuli ay nilakas ko ang loob ko. Lalo na nang
masilayan ko muli ang baby ko. Damn. Sa pagkasabik ko sa kanya ay hindi ko
mapigilan ang sarili ko na angkinin sya sa teritoryo ng mga mafia.
Hindi pa nga ako nakakahome base ng matunugan agad ako ng mga Esteban kaya agad din
akong pumuslit. Naging tago ang relasyon namin para hindi malaman ng mga Esteban.
Dahil bago ko pa ata makuha si Grace ay mamatay muna ako.
"Kuya!" napatingin ako kay Won. Tsk, "Nandito ka lang pala. Bakit hindi mo alagaan
ang mag-ina mo?"
"Wala ka na doon. Alam mo, mabuti pang kunin mo na ang babaeng iyon. Tutal ay patay
na patay ka naman sa kanya. Hindi yung nakikipagdate ka sa iba na pag mamay-ari na
nang iba."
Sinapak nya ako ngunit hindi ko ininda iyon.
"Fuck you! Matapos mong agawin sa akin si Suzane ay babalewalain mo lang sya!
Napakasama mo talaga!"
Matapos nyang sabihin iyon ay umalis na sya. Napahawak ako sa labi ko at napailing.
Tumingin ako sa restaurant kung saan nag-date si Won at Grace.
Tsk. Tinext ko si Grace para magpunta sa bahay ko.
Nilagok ko ang alak sa sobrang inis parin ng nararamdaman ko. Tila may gusto pa si
Won kay Grace. Hindi pwede. Aking lang iyon.
Nang makarating si Grace ay agad ko syang sinunggaban. Hindi ako tumigil hanggang
hindi ko pinaparamdam sa kanya ang pag-angkin ko.
Damn. Kailangan nang maayos ang devorce namin ni Suzane. Para maangkin ko na nang
tuluyan si Grace.
Pero walanghiya! Ayos na sana. Umeksena pa si Suzane. Nalaman ni Grace ang sa amin.
"Fuck you, Bitch!" sinakal ko si Suzane sa sobrang galit ko sa kanya.. Hindi sya
makahinga kaya panay ang pagpalo nya sa braso ko.
"B-Bitawan..mo..ako..Accckk!"
Namumutla na sya kaya binitawan ko sya.
"Lumayas ka! At wag na wag mong papakialaman ang samin ni Grace!"
"Bakit? Asawa mo ako!"
Ngumisi ako sa sinabi nya.
"Hindi kailanman kita tinuring na asawa. At oras na malaman ko ang totoong
nangyari. Sisiguraduhin kong bilang na ang araw mo."
Nang makaalis si Suzane ay hinagis ko ang bote ng alak bago napahagod sa buhok ko.
Damn! Paano ko ipapaliwanag ang lahat kay Grace? Ayaw nyang sumagot sa tawag ko.
"General, nasa isang exclusive bar sila Grace at kaibigan nya."
Matapos ibalita sa akin ni Von iyon ay agad akong sumugod doon. Hinagilap ko si
Grace ng maupo kami sa high chair sa bar counter.
"General, ayun si Grace!"
Agad kong nakita ang tinuro ni Regie. Napatiim-bagang ako at agad na sinugod iyon.
Walanghiya! May lalake na agad na umaaligid habang wala ako!
Ayoko man na bumugbog ng inosente, pero bahala nang mawala ako sa pagkaarmy ko.
Masampulan ko lang ang lalakeng ito.
"General, tumakas sila Grace." agad kong binitawan ang lalake at hinabol si Grace.
Agad ko itong nakita at inilang hakbang ko ang pagitan bago ko hinaklit ang braso
nya.
"Sa wakas. Muli kitang nakita, baby." hinaplos ko ang mukha nya. Pero nabigla ako
nang itulak nya ako.
"May lakas ka pa talaga ng loob na magpakita sa akin! At nanakit ka pa ng tao!"
"Bakit hindi? Ngayon na nakahanap na ako ng tyempo para malapitan ka, kaya bakit
hindi ako makakalakas ng loob, ha?"
Humarang ang mga kaibigan nya na kinainis ko. Kaya wala akong choice. Agad ko syang
pinangko na parang sako ng bigas ng ambang tatakas sya. Sinakay ko sya sa kotse at
kahit nagpupumiglas sya sa tabi ko ay hindi ko sya hinayaan.
Pero nang mapahinto si Sebastian sa pagmamaneho ay napamura ako dahil mga Esteban
ang dahilan.
"Get out, Alvarez."
Napakuyom ako ng kamay at bumaba ng kotse.
"Come here, Grace." napatingin ako kay Grace ng tawagin sya ng Daddy nya. Dinumbol
ng kaba ang dibdib ko ng magtagpo ang mata namin ni Mr. James Esteban.
Inalis nila si Grace at nang umalis na ang sasakyan ay bigla akong sinikmuraan ni
Gab.
"Talagang hindi mo tinatantan si Grace, ha?"
Napaluhod ako ng sikmuraan ako ni Gab. Sinenyasan ko si Sebastian na wag
makikialam.
"I love your sister."
Pagak na natawa ang kakambal nito na si Jam Esteban.
"Fuck you, Dude. Gusto mo talagang gawing kabit ang kapatid namin, ha? Bago mo
paganahin ang ibaba mo, paganahin mo muna ang isip mo. Hindi namin kailanman
hahayaan na mapunta sa'yo ang kapatid namin hangga't kasal ka."
"Please, give me a chance. Promise, aasikasuhin ko na nang mas mabilis ang
devorce."
Napadaing ako ng may tumamang bala sa braso ko. Daplis lang iyon. Napatingin ako
kay Mr. James Esteban.
"Hindi uso sa amin ang pangako. At hindi ko kailanman hahayaan sa'yo ang anak ko.
Bago mo makuha si Grace, bala ko muna ang harapin ko."
Matapos nyang sabihin iyon ay nagpaputok syang muli kaya agad akong umiwas. Agad
akong sumakay sa sasakyan ko na agad namang pinaharurot ni Seb nang makasakay ito.
"General, bakit tayo umatras?"
"Fuck Seb, hindi ko pwedeng kalabanin iyon, baka mabad shots ako."
Ngumisi si Seb sa akin pero hindi ko na pinansin iyon at napatingin ako sa daplis
ko.
Alam na ni Grace na si Won ang kapatid ko. Hindi ko naman alam na wala palang alam
si Grace tungkol doon.
"Inagaw mo na nga si Suzane, pati si Grace ay aagawin mo rin!"
"Hindi ko inagaw sa'yo si Suzane. Bakit ba paniwalang-paniwala ka sa babaeng iyon?
Pare-pareho kayong pinapaikot nila Dad."
Agad kong sinangga ang kamao nya. Nilagay ko sa likod nya ang mga kamay nya na
kinapumiglas nya.
"Won, alamin mo ang baho ni Suzane.. Hindi ko sya ginalaw kaya paanong buntis na
naman sya ngayon?"
"Wag mo syang siraan dahil sinabi nya sa amin na nagkikita kayo at meron nangyayari
kahit pa hindi mo sya inuuwian."
"Tang-in*! Nagpaniwala naman kayo?"
"Bakit hindi? Mas mapagkakatiwalaan ko sya kesa sa'yo!"
Binitawan ko ang kamay nya kaya humarap sya sa akin.
"Hindi ako papayag na pati si Grace ay kukunin mo."
Matapos nang banta nyang iyon ay hindi na ako napalagay. Kaya ginawa ko na ang
lahat para malaman ng buong pamilya ko kung sino mahal ko. Kung sino ang gusto kong
maging asawa.
Pero nagalit lamang sa akin si Grace at iniwan. Nais ko sana na magkabati kami bago
ako umalis, pero wala na akong oras. Nagpunta ako sa ibang bansa para kunin ang
papel ng devorce namin ni Suzane. Isang taon akong nawala. Dahil dinalaw ko pa si
Grand ma at nagkaroon pa kami ng bakbakan sa karatig na bayan sa greece.
Pagbalik sa pilipinas ay sa bahay agad ako nila Dad pumunta. Hinanap ko si Suzane.
Magtutungo sana ako sa kwarto nito ng makarinig ako ng boses sa kwarto ni Dad.
Sumilip ako mula sa pinto at nakita ko ang magkatabi sa kama na si Dad at Suzane.
Tanging kumot ang tumatakip sa kahubaran nila.
"Paano kung mabuntis na naman ako, Romero? Baka malaman na ni Atreo na ikaw ang ama
ni Ethan at pamela."
"I don't care kung paano mo sosolusyunan 'yan. Basta wag mo lang sisirain ang
pangalan ko, kundi alam mo na ang mangyayari sa'yo."
Now, I know the truth. Tsk. What a whore!
Sa bar counter ko nalang hinintay ang babaeng iyon. Ngayon ay mapapadali ang
pagpapapirma ko rito.
"Oh, Atreo, nandito ka pala."
Tumingin ako kay Dad na hindi man lang nahiya sa akin at hindi kinabahan kung
manghihinala ako kung bakit sila magkasama ni Suzane.
"Nandito ako dahil gusto kong pirmahan mo itong devorce paper natin, Suzane."
"Ano? Bakit naman, Atreo?" Ngayon pa na dalawa na ang anak natin."
"Fuck you, Bitch! Wag mo akong daanin sa ganyan. Pirmahan mo ito at kay Dad mo
nalang ipaako ang mga anak nyo. Tutal sya naman ang ama, hindi ba?"
Namutla sya at maging si Dad na kinangisi ko sa sura.
"H-How--"
"Hindi ko na kailangan na i-explain pa sa inyo dahil kita naman. Pirmahan mo na ito
ngayon din, Suzane."
Nagkatinginan pa sila tila tinitimbang ang sitwasyon.
"Atreo, hindi ko pipirmahan iyan. Masisira ang image ng dad mo."
"Wala akong pakialam. Kapag hindi mo pinirmahan ito ay magkakaalam tayo."
Napahinga ng malalim si Dad at tumango kay Suzane. Tinignan ko si Suzane dahil ayaw
pa nyang pirmahan.
"Ipangako mo na walang makakaalam nito, Atreo."
"Ewan ko lang kung bakit patuloy parin kayong minamahal ni Mom kahit na paulit-ulit
nyo syang pinagtataksilan ng harapan."
Umiling ako at sagad ang pagkasuklam ko kay Dad. Pero ang mahalaga ngayon ay malaya
na ako. Kaya ko nang hingin ang kamay ni Grace.
Ang pinakamasaya na atang pangyayari sa buhay ko ay ang maging asawa ko si Grace at
bonus pa dahil magkakaanak kami.
Akala ko isang beses lamang ako magkakamali. Pero bakit nagkamali na naman ako.
Nirescue ko si Major Buenitez sa bulacan. Pero hindi ko ineexpect si Liz.
"General Alvarez, iligtas mo ang pamangkin ko. Kailangan kong dalhin sa hospital
ang misis ko."
Yun ang pakiusap sa akin ni Major ng maabutin namin silang sugatan ng misis nya.
Pinaiwan ko si Erick, Von, Borge, at Sonny kay Major para maging back up. Habang
ang natirang vipers ay sumama sa akin.
"Atreo, sabi ni Tito meron syang bakasyunan sa batangas. Wala daw nakakaalam no'n,
kaya doon daw tayo tumuloy."
Tumango nalang ako sa sinabi ni Liz at tinungo nga namin ang malayong batangas.
Nang makarating kami doon ay meron nga.
"Halika kayo."
Sumunod kami rito papasok sa bakasyunan at medyo walang masyadong gamit dahil
siguro walang tumitira.
"Atreo, may tama ka."
Agad akong napatingin sa braso ko. At meron nga, hindi ko man lang napansin at
naramdam.
"Saglit, maghahanap lang ako kung may medicine kit."
"General, 'di ba ex mo iyon?"
Tumango ako kay Regie ng makaupo ako sofa. Pero nangiwi ako ng sumandal ang braso
ko sa sofa. Maraming dugo na ang nawala sa akin kaya siguro nanghihina na ako at
medyo masakit na.
"Heto, meron akong nakita."
Naupo sa tabi ko si Liz at ambang hahawakan nya ako ay pinigil ko sya.
"Si Seb nalang."
Ngumiti sya at tumango bago tumayo para paupuin si Seb sa tabi ko. Umalis sya kaya
kami nalang ang naiwan sa sala muli ng grupo ko.
"Hanep, General. May gusto pa ata sa inyo iyon."
Ngumisi ako sa sinabi ni Quest, "May asawa na ako."
"Oo nga pala. Nag-text ba sa inyo si Grace? Si Allison ay nag-text sa akin at
tinatanong kung nasaaan tayo."
Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko. Wala ba akong dalang phone?
"Regie, pakikuha nga ang phone ko sa sasakyan. Baka naiwan ko lang doon."
"Okay, General." Sumaludo sya at sinunod ang nais ko.
Maya-maya lang ay bumalik na si Regie at bitbit na ang phone ko. Nagpasalamat ako
rito at agad na tinignan kung nagtext ba si Grace.
Nagtext nga si Grace, kaya agad kong tinugon ang mensahe nito at sinabi kong ayos
lang ako.
"May can beer pa pala sa Refrigerator. Baka gusto nyo?"
Napaangat ako ng tingin at napatingin ako kay Liz. Agad na tumango ang vipers kahit
wala pang approval ko.
Kumuha ng tig-iisa ang vipers ng can beer at sumali sa amin ni Liz.
"Ah, vipers, isa lang kwarto rito sa loob. Nasa labas ang ibang kwarto."
"No, it's okay, Liz. Kaya naman namin sa labas."
"Dito ka na sa sofa, Atreo. Paano kung may pumasok?"
Tumingin ako sa vipers na nagsisipulan.
"Si Regie.. pwede dito. Tsaka nasa labas naman kami, kaya walang mangangahas na
pumasok dito."
"Oo nga. Pwede ako dito, Miss."
"Hindi ko maipagkakatiwala ang sarili ko sa kanya, Atreo. Kaya ikaw na rito."
Tumayo si Liz at nagtungo na sa isang kwarto.
"General, mukhang patay na patay sa'yo. Mag-iingat ka baka gapangin ka."
Napailing ako sa biro ni Regie na kinahalakhak ng ilan.
Pinagpahinga ko na ang vipers. Kaya naiwan ako rito sa sofa. Umayos ako ng higa ng
makaramdam ng hilo.
Damn. Madami ata akong nainom na beer.
Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako pero nakita ko si Grace na nakahubad
habang nasa ibabaw ko..
"Atreo, angkinin mo ako."
Pinahawak nya sa akin ang dibdib nya. Hinalikan ako ni Grace kaya agad kong
sinunggaban. Inakay nya ako sa kwarto at isang iglap ay wala na akong saplot.
Nakagawa ako ng pagkakamali na hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"General!"
Agad akong nilapitan nila Seb. Itinayo nila ako mula sa pagkabagsak sa sahig.
"Dalhin nyo ako kung nasaan si Grace. Please, kailangan ko syang makita."
Ngayon lamang ako umiyak sa harap nila na kinamaang nila. Tumango sila at inakay na
ako. Sumandal ako sa upuan sa backseat ng maisakay nila ako. Pumikit ako at kumuyom
ang kamay ko ng maalala ang dugo sa binti ni Grace.
Please, save our baby.. Please..Lord.
"General, nandito sa Esteban hospital ngayon si Grace."
Agad akong dumilat at tumingin sa labas. Narito na nga kami. Agad akong bumaba
kahit pa halos hindi ako makalakad ng deretso at hindi makakita ang isang mata ko
sa tinamo kong bugbog.
"Dito nalang kayo, Seb." tumango sila at nagpaiwan sa kotse. Pumasok ako ng
hospital at agad na nagtanong sa nurse.
"Saan ang room ni Grace Esteban?"
"Ah, Sir, magpapagamot ho ba kayo? Dumudugo ho ang mukha nyo."
"Wala ito. Ang room ni Grace, saan?"
Agad nitong sinabi sa akin kaya agad akong umalis sa nurse station. Nilakad ko ang
kahabaan ng first floor hallway. Pero napatigil ako ng makita ko ang mga Esteban at
si Grace na nakasakay sa wheel chair.
Agad akong lumapit at luluhod na sana ako kay Grace ng pigilan ako ni Gab at Jam.
"Grace.." nakatingin ako kay Grace na tulala habang wala syang emosyon. Nagpumiglas
ako sa dalawa habang hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko, "Grace, magpapaliwanag
ako. Hindi ko alam ang nangyari. Nakainom ako."
"Umalis ka na, Alvarez. Dahil wala nang saysay yang paliwanag mo."
"Grace, mahal na mahal kita. Please, pakinggan mo ako."
Tumingin sa akin si Grace na wala akong makitang emosyon sa mga mata nya.
"Una ay ginawa mo akong pangalawa. Nang nasa una na ako ay gumawa ka naman nang
pangalawa. Hindi ko naranasan na masali sa top sa klase, pero sa'yo naranasan ko.
Pero hindi pala masaya mapunta sa top kung hindi naman worth it ang pinag-aksayahan
ko ng oras. Minsan maganda nang good ka lang kesa very good ka nga, kailangan mo
pang makipagkompetensya. Hindi ko kailangan ng tulad mo, Atreo. Ang pagkakamali sa
una ay hindi na magiging tama sa huli. Mabuti pang tinatapos na para hindi muling
magkami."
Napatulala ako habang naiwan na dama na dama ang iniwang salita sa akin ni Grace.
Sumandal ako sa pader at napahawak ako sa tuhod ko.
Nakita ko ang pagpatak ng luha ko sa sahig. At ang dugo na humalo doon. Napaupo ako
at pumikit. Hanggang sa hindi ko na makayanan at napahagulgol na ako.
"Grace!!!!"

Kabanata 29
Maangas na tumingin ako sa mga gangster na pinapalibutan ako. Inalis ko ang tali ng
buhok ko bago ko ibuhaghag ang buhok ko sa paraan na pag iling-iling ng ulo ko.
Tumingin ako sa mga gangster na mga nakanganga kaya ngumisi ako.
"Tapos na ba kayo?" tila sila nagising kaya mas lalo akong ngumisi, "Ako naman.."
Agad kong sinipa sa tiyan ang isa bago ko binigyan ng suntok ang isa sa mukha na
parehong kinatumba nito. Bale lima silang lahat..Agad kong pinaglabitan sa leeg ang
isa at ang isa naman ay kinawit ko ang mga binti ko para sakalin ito at baliin ang
leeg nito. Kinuha ko ang kamay ng pinanlabitan ko at umikot ako sa likod nya at
malakas pinilipit ko ang kamay nya na kinadaing nito bago ito umikot pabagsak sa
sahig.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa nag-iisa nalang. Umayos ako ng tayo at
seryosong tinignan ito.
"Nasaan sya?"
"Hindi ko alam."
Napatiim-bagang ako at lumapit sa kanya pero agad na itong tumakbo.
"Bumalik ka rito!!!"
Sinipa ko ang batong nakita ko bago ako sumandal sa kotse at napayuko.
"And.....cut!"
Agad akong nilapitan ng mga personal assistant ko para bigyan ako ng tissue.
"Good job, Gracy. Ang galing mo talaga.." napahinga ako ng malalim at umalis sa
pagkakasandal sa kotse. "Very good. Very good. Sa ngayon ay tapos na ang eksema for
today." tumango ako sa derektor na si Hans at bumaling kay Danie.
"Danie, pakilagay nalang sa trunk ang mga gamit ko."
Hinubad ko na ang leather black jacket na suot ko bago ko ito binitbit patungo sa
kotse ko.
"Ma'am, bukas ay may cutting ribbon kayo."
Tumango ako kay Danie at binuksan ko ang pinto ng kotse ko para sumakay. Inistart
ko na ang kotse bago ko binaba ang bintana.
"Danie!" lumingon ito sa akin ng ambang aalis na ito, "Thanks for today." ngumiti
ito at tumango. Tumango ako at sinara na ang bintana.
Huminga ako ng malalim at bago ako umalis sa set.
This is my job now. To be a star is my dream. At ngayon ay masaya ako dahil nakuha
ko na ito ngayon.
Malamig at walang kangiti-ngiti ang trato ko sa ibang taong nakakasalamuha ko.
Iilan nalang ngayon ang pinagkakatiwalaan ko. Wala na rin ang dating ako.
Napatingin ako sa store kung saan may display na mga laruan. Agad kong ginilid ang
sasakyan at pinatay ang makina ng kotse. Bumaba ako at tumingin sa isang manika.
"Ah, Ma'am, magsasara na ho kami."
Tumingin ako sa babae na nasa pinto ng store tila sya ang nagbabantay sa store.
Lumapit ako rito at huminto sa harap nito. Huminga ako ng malalim at nilabas ang
pitaka ko.
"Bibilin ko lang ang manikang nakadisplay nyo."
"Pero pasara na kami."
Tumingin ako sa relo ko at napansin ko na masyado na palang gabi. Tumangin ako sa
babae at tumango.
"Okay."
Tumalikod na ako rito pero napatingin akong muli sa laruan. I wish, she's not mad
at me.
"Wait, Miss!"
Maglalakad na sana muli ako ng mapatingin ako sa babae ng tawagin ako nito Ngumiti
ito sa akin.
"Tila kailangan mo talagang mabili ito kaya pinagbigyan na kita. Tiyak na
magugustuhan ng pagbibigyan mo ito dahil kaisa-isang gothic doll nalang ito na
ginawa."
"Thank you." binitbit ko na ang paper bag at lumabas na ako sa toy store. Napahinga
ako ng malalim at napatingin sa paper bag na nasa front seat.
Napapikit ako at napahilamos ako ng mukha bago ko hinagod ang buhok ko. Dumukdok
ako saglit sa manibela at pagod na napabuntong-hininga. Seryoso akong umayos ng upo
bago paandarin ang kotse.
Kung maibabalik ko lang ang oras. Sana naging maayos ang lahat. Sana hindi ako
nakokonsensya ngayon dahil sa hindi ko pag-iingat sa sarili ko.
Pero kasalanan parin ito ng mga taong nagdulot sa akin ng lahat ng pasakit. Kaya
hindi ko kailanman malilimutan ang bakas ng kahapon.
Dumiin ang hawak ko sa manibela at binilisan ang pagmamaneho para makauwi na agad
sa bahay. Sa bahay kung saan ako mismo ang nagpagawa. Hindi na kailanman ako umaasa
sa parents ko. Gusto ko na tumayo sa sariling mga paa ko na kayang ipagtanggol ang
sarili ko at mahal ko sa buhay. Hindi na ako ang dating parang bata na padalos-
dalos sa desisyon. Hindi na ako ang bata na madaling bumigay. Dahil tinatak ko na
sa isip ko na wag mabulag sa sinasabi ng puso ko. Dapat na ang paganahin ang isip,
hindi ang puso. Sa madaling salita...hindi na dapat ako magpakatanga.
Bumusina ako ng makarating sa bahay ko. Pinagbuksan ako ni Manong Pido. Nakita ko
na may isang pamilyar na kotseng mercedez. Kaya napahinga ako ng malalim at
pinarada ang kotse sa harap ng bahay.
Kinuha ko ang paper bag at bag ko bago ako bumaba at inabot kay Mang Pido ang susi
ng kotse.
"Pakipark nalang ho sa garahe."
Naglakad na ako papasok ng tumango ito. Agad akong sinalubong ni Sally. Kasambahay
ko na dating kasambahay nila Mom.
"Nandyan sila Dad, Ate Sally?"
"Yes, Seniorita. Kanina pa hong hapon."
Lalo akong napahinga ng malalim at nagtungo na kung saan alam kong naroon sila.
Binuksan ko ang pinto ng entertainment room. Flash agad ng ilaw sa malaking cinema
television ang bumungad sa paningin ko.
Pumasok ako na hindi man lang napapansin ng mga ito. Tumingin ako sa screen at
nakita ko na yung ginawa kong movie nung nakaraang taon ang pinapanood nila.
"Grace, nandyan ka na pala."
Tumingin ako kay Dad at tumango rito. Napatingin sa akin si Mom at napatayo din.
Lumapit ako sa kanila at napahinga ng malalim.
"Dad, Mom, thank you po."
"Wala iyon, Anak. Pero sana ay wag kang gagabihin ng ganito. Mabuti nalang at
dumalaw kami rito, kundi walang kasama si Aallotar."
Tumingin ako kay Aallotar na hindi man lang umiimik at nakatitig lamang sa pinanood
kong movie.
"Ginabi lang po ako, Mom. Pero hindi na mauulit."
Ngumiti si Mom at hinaplos ang buhok ko, "Masyado mo lang pinapagod ang sarili mo
sa pag-aartista mo. Baka pati private life mo ay mabunyag sa ibang tao dahil d'yan,
anak."
"Wag po kayong mag-alala, hindi kailanman madudungisan ng show business ko ang
private life ko, Mom. Kaya ko na pong protektahan ang sarili ko maging ang taong
nasa paligid ko."
"Wag mo syang hahayaan na malapitan ng media, Grace. She's a precious gem to us."
Tumango ako kay dad at ngumiti. Tumingin ako kay Aallotar bago napabuntong-hininga
muli.
"Anyway, we have to go, Grace."
"Salamat po ulit, Mom, Dad." tumango ang mga ito kaya bumeso ako sa kanila. Lumapit
sila kay Aallotar at nagpaalam.
"Bye-bye po. Ingat po kayo. Dalawin nyo po ako ulit, ah?"
"Ofcourse, Darling. We can't say no to you."
Ngumiti ako at tumingin kela Dad na hinalikan ako sa noo at inaya na si Mom. Sinara
ko ang pinto bago humarap kay Aallotar.
Lumapit ako rito at tumapat sa harap nito. Naupo ako para makita ang mukha nya.
Ngumuso sya at humalukipkip ang mga braso bago umiwas sa akin ng tingin.
"You are late. Ayokong makita ka."
"Ayoko mo akong makita? Bakit pinapanood mo ang movie ko?"
Lumikot ang mga mata nya at lalo syang napanguso ng mapagtanto ang sinabi ko.
"Sila Dad and Mom ang nagplay nya'n."
Napangiti ako sa palusot nya. Sobrang talas nyang magsalita. At madaling mabuking
kahit pa anong palusot nya.
"Okay, ayaw mo talaga akong makita? Fine. I leave."
Tatayo na sana ako ng agad nitong hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at
napangiti ako ng makita ang pag-ngiti nya.
"No. I missed you, Gracy."
Napangiti ako at hinawakan ang mga kamay nya. Hinalikan ko ang maliit nyang mga
kamay at nilagay sa mukha ko.
"Well, I have a gift for you."
Nanlaki ang mata nya at tumingin sya sa paligid at lumingon pa sya likod ko upang
tignan kung nasaan ang regalo ko.
"Nasaan ang gift mo?"
Ngumiti ako at tumayo. Nagpunta ako sa likod ng sofa at kinuha ang paper bag na
nilapag ko doon para itago doon. Dahil alam kong hahanapin nya agad.
Nilagay ko ito sa likod ko at nagpunta ako sa harap nya bago muling lumuhod sa
harap nya.
"Gracy, nasaan po?"
"Here!" nilabas ko na kaya napapalakpak sya at agad na kinuha ang paper bag. Kinuha
nya ang regalo ko sa loob ng paper bag at nang makita nya ay napabuka ang bibig nya
at tila kumislap ang kanyang mata.
"Wow! She's beautiful."
Napailing ako dahil anong maganda sa gothic doll? Nakakatakot kaya. Pero alam ko na
mahilig sya doon kaya iyon ang binili ko.
"You like it?"
"Yes, I like it po. Thank you, Gracy." inabot nito ang leeg ko para yakapin kaya
lumapit ako. Hinalikan nya ako sa lips kaya napangiti ako at tumingin sa kanya.
"Kapag wala pa ako sa bahay ay sya muna ang libangan mo."
"Okay po. Kalaro ko na si Lora."
Natawa ako at pinisil ang pisngi nya, "Nakuha mo sa movie ko?"
"Yes. Lora is so fierce and cool. And this doll is so cool and scary."
Napahalakhak ako at napailing dito. Tumayo na ako at binuhat sya. Kaya agad syang
yumakap sa leeg ko.
"Okay. Basta kung ano ang gusto mo, Aallotar."
Ngumiti ito bago isubsob ang mukha sa balikat ko. Hinaplos ko ang likod nya habang
palabas kami ng entertainment room. Nakita ko si Sally kaya agad ko itong tinawag.
"Yes, Seniorita?"
"Kumain na ba si Aallotar?"
"Opo. Marami ho syang nakain at uminom na rin po ng gatas."
"Mabuti naman..."
"May kailangan pa ho kayo?"
"Yung cinema screen hindi pa napapatay. Pakipatay nalang at salamat sa pagbantay
kay Aallotar."
"Naku, wala ho iyon. Masaya ako na inaalagaan at binabantayan si Aallotar."
Ngumiti ako rito at nagpaalam na ako. Tinungo ko ang kwarto namin ni Aallotar at
sinilip ko sya. Napangiti ako ng makita na tulog na pala agad ito. Tila kanina pa
sya inaantok at talagang hinihintay lang ako.
Hiniga ko sya sa kabilang side ng kama at inayos ko ng higa bago ko kumutan.
Niyakap nito si Lora habang bumubuka ang bibig nya.
"Let's sleep na, Gracy."
Napangiti ako at tumango, "Sige, mauna ka na. Maglilinis lang ako ng katawan."
Hinaplos ko ang buhok nito bago ako tumayo. Napakagat ako ng labi habang
nangingilid ang luha ko. Hindi ako mabubuhayan ng loob kundi sa kanya. Sya ang
nagpalakas pa ng loob ko at kinaya ang lahat. Kung nawala sya ay baka hindi ako
ngayon ako. At kung wala sya ay hindi ako sasaya.
Apat na taon na rin.. At kapag naaalala ko ang nakalipas ay nasasabi ko sa sarili
ko na masyado pa talaga akong bata noon. Hindi ko pala dapat pinairal ang mapusok
kong damdamin noon. Pero ngayon, 24 years old na ako. Wala nang kakaunting bakas ng
batang isip ko. Wala na.
-
"Gracy, where are we going?"
Lumingon ako kay Aallotar na nasa frontseat. Ngumiti ako rito at tumingin muli sa
daan habang nagmamameho.
"In my new business. At alam ko na magugustuhan mo doon."
"Really?" tumango ako habang nakangiti, "May makakalaro po ba kami ni Lora?"
"Hmmm. Yes."
Napangiti ako ng pumalakpak sya sa tuwa. At hinarap sa kanya si Lora.
"Lora, magkakaroon tayo ng bagong playmate. This is so exciting!"
Napailing nalang ako at napangiti dahil ewan ko kung bakit nya kinakausap ang mga
bagay na hindi naman sumasagot.
Sa isang bagong tayong workshop center kami huminto. Nakita ko na nandoon na ang
mga taong kailangan ng presensya sa cutting ribbon para sa pagbubukas ng bagong
business ko.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Zylene at Allison.
"Yes, bitch?"
"Nasaan na kayo?"
"Nandito na kami. Kayo ang nasaan?"
"Nandito na."
Nang makita ko ang dalawa na nakita na ang kotse ko ay binaba ko na ang tawag.
Inalis ko ang seatbelt ko at tumingin kay Aallotar.
"Aallotar, nandito na tayo."
"Yehey! Baba na ako!",
"Okay, wait for me."
Bumaba na ako ng kotse at may kinuha ako sa backseat. Tinulak ko ito patungo sa
gawi ni Aallotar. Binuksan ko ang pinto at tsaka ko sya binuhat bago inupo.
"Hi Aallotar!"
Lumingon kami kela Allison at Zylene na nakangiting bumeso sa akin bago harapin si
Aallotar.
"Hello po. Makakalaro ko din kayo?"
Natawa ako ng mapangiwi ang dalawa. Umiling-iling ako at kinuha ang bag na
naglalaman ng gamit ni Aallotar at gamit ko rin.
"Hindi na kami naglalaro, Aallotar. Malaki na kami."
"Bakit po, sabi nyo sa katawagan nyo sa phone ay maglalaro kayo? Ngayon hindi na po
dahil malaki na kayo?"
Napahalakhak ako na mamula ang dalawa. Tinignan nila ako ng masama na kinabalikat
ko lang.
"Dapat kasi hindi nyo pinaparinig sa kanya ang mga ganung bagay."
"Grabe naman kasi. Ang daldal ng batang ito. Lahat ng maisip sinasabi."
Ngumiti nalang ako at tumingin sa mga taong nakaabang na sa amin.
"Ate Gracy! Ate Gracy Jane!"
Maraming kislap ng camera ang tumama sa akin kaya sinenyasan ko ang dalawa kaya
lumayo muna sila kasama si Aallotar. Tumingin ako sa mga tao at tumango sa mga ito
ng humingi sila ng litrato.
"Maraming salamat ho sa pagdalo sa aking pagbubukas ng bagong negosyo. At alam ko
po na iba sa inyo ay gusto na matuto at magkapera. Kaya saktong-sakto itong
workshop center ko para sa inyo."
"Grace.." napalingon ako at nagulat, pero agad akong napayakap kay Aling Consuelo
ng lumitaw sya sa gilid ko.
"Aling Consuelo, mabuti at dumating po kayo. Si Mang Feliciano po?"
"Pasensya na, hindi nakasama dahil kailangan nyang mangisda dahil marami daw ang
isda ngayon."
"Ganun ho ba. Ayos lang po iyon naiintindihan ko po sya. Ang mahalaga ay nakapunta
po kayo."
"Tatanggihan ko ba naman itong hiling mo. At masaya ako dahil ginawa mo ang lahat
para makatulong sa akin, at sa mga batang ito."
Ngumiti ako rito at tumingin sa mga batang nakita ko sa lansangan na nagtatrabaho
at namamalimos. Mga maaayos ang kanilang suot kaya napangiti ako. Pati ang batang
si Rica na kasama ang kanyang lola. Ngayon ay nasa maayos na silang buhay. Malayo
sa barong-barong at sa squatter.. Masaya ako at nakatulong ang binigay ko sa
kanilang workshop at negosyo.
"Tara na po. Buksan na natin ang workshop center ko."
Ngumiti sa akin si Aling Consuelo at inabot namin ang guting sa mga taong kinuha ko
para mag-guide sa mga bisita ko.
"Okay...One..two...three!" sabay-sabay na ginupit namin ang ribbon at tinaas ko ang
ribbon habang nakaharap sa mga bata at sa mga guardian ng mga ito. Pumalakpak sila
kaya napangiti ako.
"Tara na po kayong lahat para makapagsimula na tayo."
Ngumiti sila kaya tumingin na ako sa pinto ng center. Tumingin ako kela Zylene at
tumango sila dahil nakuha nila ang ibig kong sabihin. Pumasok na kami at bumungad
ang malawak na loob na maraming lamesa at mga gamit na kakailanganin sa workshop.
"Magsiupo na po kayong lahat at humarap sa inyong mga lamesa." humawak ako sa
balikat ni Aling Consuelo na ngumiti sa akin, "Itong Consuelo Accesories ay
pinangalan ko kay Aling Consuelo. Sya rin ang magtuturo sa ating lahat ng kanyang
kaalaman sa paggawa ng anklet, accesories nyo sa bahay, at iba pa."
"Ah, Miss Gracy Jane, totoo ho ba na ang magagawa namin ay malalagay sa bawat
mall?"
"Opo. Pero mga guardian, inimbitahan ko po kayo rito at mga anak nyo para po
magkaroon kayo ng pagkakakitaan at kaalaman sa paggawa ng anklet o mga palamuti.
Kaya po sana.. maging libangan lang ho ito at pagtuunan nyo parin ho ng pansin ang
pag-aaral ng anak nyo. Para hindi ho nasa panganib ang buhay nila dahil sa lasangan
sila naroon."
"Makakaasa ka, Gracy Jane. Itong tulong mo sa amin ay malaki na para maipagpatuloy
ng anak ko ang pag-aaral nya."
Napangiti ako at tumango. Tumingin ako kay Aling Consuelo na ngumiti sa akin at
hinawakan ang braso ko.
Masaya ako na makatulong sa iba gaya ng ipinangako ko sa mga taong malapit sa akin
gaya ni Aling Consuelo. Tinayo ko itong accessories workshop center para sa mga
taong kapos at gusto ng pagkakakitaan. Sana ay maging tulad din sila ni Rica at
Lola nito.
"Grace.." tumingin ako kay Aling Consuelo nang magkaroon ng break ang workshop ng
mga tao.
"Bakit po, Aling Consuelo?" binaba ko ang iniinom kong juice at kinakaing tuna
bread.
"Pwede ba kitang makausap ng sarilinan." tumango ako at tumingin ako kela Zylene na
tumango sa akin.
They are with Aallotar.
Kaya iniwan ko muna sila at nagtungo kami ni Aling Consuelo sa tahimik at walang
tao na lugar dito sa loob ng shop.
"Hindi ko na dapat itanong ito sa'yo...pero anong nangyari sa inyo ni General
Atreo?"
Hindi na dapat ako nagulat sa tanong na iyon, pero nagpanting talaga ang tenga ko
ng marinig ko ang pangalan ng hindi ko na nais pang marinig. Nakita ko sa mukha ni
Aling Consuelo ang kuryosidad.
"Wala na po iyon, Aling Consuelo. Ayoko na pong pag-usapan."
Napahinga sya ng malalim at malungkot na ngumiti sa akin. Masyadong malungkot na
tila ba may panghihinayang sa parte nya. Kaya umiwas ako ng tingin.
"Hindi na kita kukulitin pa doon, pero hiling ko sana ay makadalaw ka sa Carlota
kahit minsan. Tanging kami nalang kasi ni Feliciano ang nandoon simula ng hindi na
iyon balikan ni General."
Tumingin muli ako sa kanya ngunit hindi ako nagpakita nang anumang reaksyon sa
sinabi nya.
"Tignan ko ho.."
Ngumiti sya at hinawakan ang braso ko bago ako iwanan. Tinitigan ko pa ang likod ni
Aling Consuelo na palayo sa akin. Huminga ako ng malalim bago napasandal sa pader.
Tumingin ako kay Aallotar. Tuwang-tuwa sya habang nakikisama sa mga batang bisita
ko na gumagawa ng anklet. Tumingin sa akin sila Allison at ngumiti sa akin kaya
tumango ako at ngumiti rin.
"Ma'am, tumatawag ho si Derek."
Napakurap pa ako ng hindi ko namalayan ang paglapit ni Danie. Tinignan ko ang phone
na hawak nya at napahinga ako ng malalim bago ito kumuha.
"Yes, Derek Hans?"
"Gracy, may shooting tayo sa Quezon city."
Tumingin ako sa wrist watch ko at nakita ko na patapos na rin pala ang workshop.
Huminga ako ng malalim at tumango kahit pa hindi nito nakikita.
"Okay. Pakitext nalang kay Danie ang eksaktong lugar."
"Naku, wag na. Sa Camp aguinaldo lang iyon. Alam nyo na siguro ang papunta doon."
Saglit akong natigilan. Pero kalaunan ay napahinga ako ng malalim.
"Okay, alam ko na iyon."
"Good. Sige, bye, Gracy."
Binaba ko na ang tawag at naglakad na ako patungo sa mga bisita ko.
"Marami na ba kayong natutunan?"
"Oo, Miss Gracy. Nakakangawit lang pero nakakaenganyong gumawa. Nakagawa na ako ng
isa."
Ngumiti ako sa isang Ale na magiliw na pinagmamalaki ang kanyang kauna-unahang
gawa.
"Mabuti naman po. Ganyan talaga kapag sa una, pero pag nasanay ho kayo ay tiyak
akong marami na kayong magagawa... Anyway, alam ko na bitin sa oras ngayon, pero
hanggang dito nalang po. Bukas po ay magpunta po ulit kayo at ang mga tao ko ho ang
bahala sa inyo."
Nagpasalamat naman sila at ngumiti sa akin. Nagtulungan kami sa pagliligpit ng mga
pinaggamitan para bukas ay madali lang nilang mahanap ang hindi nila natapos na
anklet at ibang palamuti.
Matapos ang lahat ay sinara ko na ang workshop center ko at tumingin ako kela
Zylene.
"Bitches, may movie shoots ako. May gagawin ba kayo?"
"Ay, sorry, bitch. Pupuntahan ko kasi si Mama. May dinner kami sa restaurant."
Tumango ako kay Allison at tumingin kay Zylene na binigyan ako ng tingin na hindi
din sya pwede.
"It's okay. Kela Mom ko nalang muli iiwan si Aallotar."
"Gracy, sama nalang po ako sa'yo. Gusto kong makita ang shooting nyo po."
Napabaling ako kay Aallotar at umiling.
"Aallotar, hindi ka pwede doon. Baka hindi kita mabantayan."
"Please, Gracy. Promise, I'm behave there."
"Aallotar.." napahinga ako ng malalim dahil ngumiti ito habang nakasiklop ang mga
kamay habang ang mga mata ay pumungay-pungay.
"Isama mo na, Bitch. Nandyan naman si Danie, pwede mong ipabantay habang nasa
eksena ka."
"Pero baka maexpose sya sa camera."
"Hindi 'yan. Tsaka pagbigyan mo na, kesa iwanan mo na naman sa magulang mo. Hayaan
mong makita nya ang trabaho mo."
"Tsss."
Ngumiti si Allison at Zylene sa kawalan ko ng sasabihin. Tumingin ako kay Aallotar
na ngumiti sa akin kaya ngumiti ako at tumango sa kanya na kinangiti nya lalo.
"Yehey! Makikita ko na si Fatima. Kapag inaway ka nya ay ako ang bahala sa'yo,
Gracy."
Natawa nalang kami nila Allison. Ang role ni Fatima ay ginaganapan ni Sofia Claire
na kasa-kasama ko sa pelikula at ito ang kontrabida sa pelikula ko. Masyadong
dalang-dala si Aallotar sa mga movies na ginawa ko kaya kilalang-kilala na nya si
Sofia Claire.
"Danie, ipapabantay ko sa'yo si Aallotar habang may eksena ako. Wag mong iwawala sa
paningin mo, malikot pa naman 'yan."
"Okay, Ma'am." tumingin ako sa rear mirror at ngumiti kay Danie na nasa backseat.
Napahinga ako ng malalim at pinasok ko na sa gate ng camp aguinaldo ang kotse ko.
Nasa open area ang production kaya pinarking ko sa tabi ng mga kotseng nakapark
din.
Bumaba na kami habang hawak-hawak at tulak-tulak ang kinauupuan ni Aallotar. Ang
wheel chair na mula palang nung tatlong taon sya ay kanya nang kasa-kasama.
"Oh, Gracy, finally you're here."
Tumango ako kay Derek at sa mga co-star ko na kasama sa pelikula ko.
"Danie, doon muna kayo sa tent ni Aallotar." tumango ito at inalis na si Aallotar.
"Gracy, heto ang script mo." habol ni Danie kaya agad kong tinignan at binasa. May
eksena pala kami Sofia ngayon at Alexander.
Naupo ako sa chair ko habang binabasa ang script. Tumingin ako sa nilapag sa table
na nasa gilid ko bago ako napatingin sa harap ko. Nakita ko si Alexander Gomez.
"Baka mainip ka habang binabasa ang script."
Tumango lang ako rito at kinuha ko ang starbucks coffee na nilapag nya. Humigop ako
at pinokus ko muli ang paningin ko sa script.
Napansin ko na nakatayo parin si Alexander sa harap ko kaya tumingin muli ako rito
habang walang anumang emosyon na pinapakita.
"Ah, pansin ko na masyado kang mailap sa amin kapag wala sa harap ng camera. Pero
pag nasa harap ka na nang camera ay parang iba ka."
"Ayoko lang ng maistorbo habang seryoso sa trabaho."
Natawa sya pero hindi ko na pinansin at humigop ako ng kape habang binabasa ang
script.
"Okay! Gracy, Sofia, take nyo na!"
Inubos ko ang kape at uminom ng tubig bago ko isara ang script at tumayo na ako.
Tumingin ako kay Alexander na ngumiti sa akin kaya tumango lang ako rito. Agad na
lumapit sa akin si Danie para ipasuot ang leather brown jacket. May nagretouch
naman ng make-up ko.
"Okay, ayos na." agad na akong lumakad patungo kay Derek Hans. Tumingin ako kay
Sofia na maraming alalay at pinapayungan pa sya habang may nagpapaypay sa kanya.
"Gracy, Sofia, magkakaroon kayo ng fight scene. Dapat ipakita nyo na totoo ang
mano-mano nyong pagsanggaan ng kamao at sipa. Maliwanag ba?",
Tumango lang ako habang si Sofia ay hindi maipinta ang mukha dahil medyo mainit pa
kahit na pahapon na. Tumatama ang kahel na kalangitan sa amin na medyo nagpapainit
sa paligid.
Sumakay kami sa magkaibang kotse na kasama sa shoot.
"Okay! In one...two...three...action!"
Bumaba ako ng kotse at tinakbo ang kotse ni Sofia. Bumaba doon si Sofia at tatakbo
na sana ito ng hawakan ko ito sa balikat, pero hinawi nito ang kamay ko at ambang
susuntok sya ay umilag ako at hinawakan ko ang braso nya bago ko sya tuhudin sa
tiyan nya na hindi naman sumasayad sa kanya.
Napaluhod sya at kunwari ay hindi ko alam pero dapat ay acting ang pagkabagsak ko
sa semento pero talagang hinatak ni Sofia ang binti ko na kinaupo ko hanggang
mapahiga ako na kinauntog ng ulo ko sa semento.
"Shit! Ang sakit!"
"Cut!.. Gracy, wala sa script 'yan!"
Naupo ako at tumingin kay Sofia na ngumisi sa akin. Nakiba't-balikat sya at may
pang-aasar na tingin na binigay sa akin.
"Dapat makatotohanan daw sabi ni Derek, Gracy Jane."
Lihim na ngumisi ako sa sinabi nya. Tinignan ko sya ng seryoso nang makatayo ako
habang nagpapagpag ng kamay.
"Okay."
Tinalikuran ko na sya at bumalik ako sa kotse. Nang masignal muli si Derek ay
bumaba ako ng kotse at tumakbo patungo kay Sofia. Ginawa ko ulit ang ginawa ko, at
nang doon na kami sa part na totohanin nya ang pagbagsak sa akin ay iniwas ko ang
paa ko at umarte ako na napabagsak nya.
Tumirik ang mata nya sa inis kaya ngumisi ako at sinipa sya sa mukha na kinahiga
nya sa semento. Nagvertical ako patayo at tinignan sya at inapakan ang tiyan nya na
kinataas ng ulo nya.
"Papatayin ko kayo! At ikaw na ang uunahin ko!"
"Cut! Very good, Gracy and sofia!"
Inis na inalis ni Sofia ang paa ko sa tiyan at nakahawak sya sa mukha na tumayo.
"Derek, sinipa nya ng totoo ang mukha ko. Look, my nose is bleeding!"
"Hayaan mo na, Sofia. Maganda naman ang kinalabasan ng eksena nyo na iyon.",
Ngumisi ako na tinalikuran na si Sofia na inis na inis. Nakangisi na nakapamulsa
ako sa jacket habang patungo ako sa tent.
"Ma'am! Ma'am!"
Tumingin ako kay Danie na tumakbo palapit sa akin. Nilapit nya ang bibig sa tenga
ko.
"Ma'am, bigla pong nawala si Aallotar. Iniwan ko lang ho sya saglit dahil nagbanyo
lang ho ako pero wala na ho sya sa pinag-iwanan ko."
"Ano? Bakit mo pinabayaan, Danie? Sinabi ko na wag mong iwawala sa paningin mo."
agad akong naglakad kung saan maaaring nagtungo si Aallotar.
"Sorry po, Ma'am.."
"Tulungan mo na nga lang ako. Tignan mo doon sa side na iyon, ako dito." tumango
ito kaya napailing ako at agad na naglakad habang nililibot ang paningin ko.
Tumingin ako sa set habang sinisikap na tinatanaw baka nandoon lang si Aallotar.
Saan kaya nagpunta iyon? Baka mamaya ay napahamak na iyon.
Tinungo ko ang likod at nilakad ko iyon. Napatingin ako sa general headquarters
building. Naglakad-lakad ako habang nililibot ang paningin ko.
Humawak ako sa bewang ko at napahinto sa paglalakad habang tinitignan ang maluwang
na harapan ng headquarters.
"Gracy!"
Agad akong napalingon sa likod ko ng marinig ko ang pagtawag ni Aallotar. Nakahinga
ako ng maluwag ng makita ito at lalapit na sana ako ng mapatingin ako sa kasama
nya. Nakatingin ito sa akin na gulat na gulat. Hindi ako nagpakita ng kahit na ano
mang reaksyon at agad na nilapitan ko si Aallotar.
"Let's go... Napakulit mo. Sinabi ko na wag kang aalis."
Agad kong inagaw rito ang wheel chair ni Aallotar.
"Gracy, nakilala ko si General Atreo. Niligtas nya ako ng muntik na akong matumba."
Agad kong tinulak paalis ang wheel chair ni Aallotar na hindi tumitingin kay Atreo.
Oo, sya nga. Sya ang kasa-kasama ni Aallotar.
"Babye, General!"
Binilisan ko ang pagtulak kay Aallotar para makalayo na kami doon. Huminga ako ng
malalim habang mahigpit na nakahawak sa wheel chair.
Nilingon ako ni Aallotar at binibigyan nya ako ng tingin tila nagtataka sya sa
kinikilos ko.
"You're so bad, Gracy. Hindi mo po binati si General."
Huminto ako at binitawan ang wheel chair nya. Napahilot ako sa sentido ko at
humawak sa bewang ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso.
"Sa uli-uli, wag kang lalapit sa mga tao na hindi mo kakilala. Napakulit mo. Sa
susunod, hindi na kita isasama."
Napasimangot ito hanggang sa unti-unti ng tumulo ang luha nya. Umiwas sa akin ito
ng tingin at niyakap si Lora habang tahimik syang umiiyak.
Napahinga ako ng malalim at hinawakan ko na ulit ang wheel chair para itulak.
"Sorry. Pero ayoko na sinusuway mo ako, Aallotar. Naiintindihan mo?"
Hindi sya sumagot kaya napahigpit ang hawak ko sa wheel chair habang damang-dama ko
ang kabog ng dibdib ko.

Kabanata 30
ATREO'S POV
Who's that kid?
Mula greece ay bumalik ako rito sa pilipinas para tignan ang report ukol sa mga
tagong terorista sa bansa. Dito agad ako tumuloy para hindi na masayang ang oras
ko.
"General Alvarez, I'm happy to see you again."
Sumaludo ako kay Major Buenitez. Nakatayo rin sya at sumaludo sa akin.
"Have a seat."
Hinubad ko ang suot na sumbrero at shades bago naupo sa upuan sa harap ng table
nya. Maraming papel na nakakalat sa table nya tila marami syang nirereview na
plano.
"Masaya ako at pumayag ka na maging bahagi ng operasyon na gagawin para sa mindanao
crisis. Talagang kailangan namin ng katulad mo."
"Tapos na rin ho ang pagvolunteer ko sa greece kaya bumalik ako rito dahil sa tawag
nyo. Kailan ho ba ang operasyon?"
Ngumiti sya at sumandal sa swilver chair nya..
"Pinaplano ko palang, ngunit pinaalam ko na agad sa'yo ng maaga dahil nagbakasakali
ako na pagbigyan mo."
Tumango ako at humalukipkip habang umuugoy ang mga nakabuka kong binti.
"Anyway, hindi pa ako nagpapasalamat at hindi pa ako nagpapasensya sa'yo noong
nagdaang nirescue mo ang pamilya ko... Dahil--"
"It's okay, Major. Wala na rin ho iyon.."
Napahinga sya ng malalim at napasiklop sya sa mga kamay nya.
"Hindi lang dapat na balewalain ko iyon, General Alvarez. Lovelife mo ang nawala."
"Atreo.."
Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakayuko ng ulo ko dahil sa kalasingan. Hindi ko
alam noon kung namamalik-mata ba ako pero talagang nasa harap ko noon si Grace.
Agad akong napatayo ngunit napaupo din dahil sa hilo.
"B-Baby, magpapaliwanag ako.."
"Wag mo nang subukan na lumapit sa akin dahil may kailangan lang ako sa'yo kaya
ngayon ay nasa harap mo ako."
"Ano 'yon? Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo lang ako.."
Nakatayo na ako sa harap nya habang pilit na wag mapaupo. Unti-unti rin nawala ang
alak sa ulo ko dahil nakita ko sya..
"Here." Napatingin ako sa envelope na nilahad nya. Inabot ko iyon at naupo akong
muli dahil nahihilo talaga ako. Tumingin pa ako sa kanya dahil baka mawala sya sa
paningin ko. Fuck. Dapat pala hindi ako nagpakalasing... Kung alam ko na lilitaw
sya sa harap ko.
Napangiti ako na binuksan ang envelope at kinuha ang laman no'n. Pilit kong
idinidilat ang mga mata ko at pilit na binabasa ang nakasaad sa papel.
"Annulment paper natin 'yan. Gusto ko na pirmahan mo na agad ngayon para maproseso
na agad."
Naibaba ko ang papel at napatingin ako sa kanya. Pinilit kong tumayo at naglakad
palapit sa kanya habang pasuray-suray.
"Nagpapatawa ka ba? Ha? Annulment natin?"
"Hindi ako nagbibiro. Gusto ko nang mawala ang ano mang kumokonekta sa atin. Madali
lang naman pumirma, gawin mo na at mauubos pa ang oras ko."
Bullshit! Tama ba ang naririnig ko?
Hindi ako makapaniwala na tumingin sa kanya. Tumingin ako sa annulment paper at
kita ko ang pagpirma nya doon. Napatawa ako ng pagak habang hindi ko mapigilan na
mangilid ang luha ko.
"Bago ko pirmahan ito.." tumingin ako sa mata nya at nakita ko na wala syang
anumang emosyon na pinapakita, "G-Gusto kong malaman mo na mahal kita at hindi kita
pinagtaksilan. Wala akong maalala.."
"Nonsense na ang pagpapaliwanag mo. Walang lasing na hindi naaalala ang nangyari sa
kanya! Kahit pa lasing ka, alam mo tiyak na tumugon ka sa halik nya! Tiyak din alam
mo kung gaano ka kaligaya dahil pinapaligaya ka nya! Kaya wag mong sabihin sa akin
na hindi mo ako pinagtaksilan at wala kang maalala, dahil isang kalokohan lang ang
sinasabi mo!"
"Oo! Oo, tumugon ako sa halik nya dahil ikaw ang nakikita ko! Ikaw ang akala ko na
hinahalikan ko! At alam ko na hanggang doon lang ang nangyari, dahil hanggang doon
lang ang naalala ko!" Hinawakan ko sya sa balikat ng mariin at tinignan ko sya na
may pagmamakaawa na wag nyang gawin sa akin ito, "Tignan mo ako sa mata. Nagsasabi
ako ng totoo."
Inalis nya ang kamay ko at umatras sya para lumayo sa akin.
"Tigilan mo na ang drama. Pirmahan mo na ang annulment paper ng makaalis na ako."
Napaiyak ako habang nakatingin sa kanya. Napayuko ako at pumikit. Napatango nalang
ako at nanghihina na humarap sa sofa at muling naupo.
"Wala na ba talagang pag-asa na patawarin mo ako? Talaga bang gusto mo ito?",
"Wala na, at gusto ko na mawala na ang bisa ng kasal natin."
Huminga ako ng malalim at tumingin ako sa side table. Binuksan ko ang drawer nito
at naghanap ng ballpen. Nang makakita ako ay nanghihina na kinuha ko ito at
tumingin ako sa annulment paper.
"Kung ito ang nais mo ay wala na akong magagawa. Pero tandaan mo na mahal na mahal
kita.,"
Pinirmahan ko na ang annulment paper at kinuha ko ang bote ng alak bago ito
nilagok. Tumingin ako kay Grace na agad na kinuha ang papel at agad na tinalikuran
ako. Natulala ako at natawa habang walang habas ang luha ko sa pagtulo.
Nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan nito ay hinagis ko ang bote ng alak sa
sahig at napasabunot ako sa buhok habang humahagulgol.
"Fuck this life!" sinipa ko ang lamesa na kinatumba nito at kinabasag. Wala akong
pakialam kung masira na ang lahat ng gamit sa bahay ko. Dahil sira na rin naman ang
lahat sa buhay ko. Walanghiyang buhay ito! Bakit ba ang malas ko? Bakit ba ganito
pa ang nangyari?
Dahil kela Dad at kay Suzane kaya nacomatose si Mom! At ngayon ay si Grace ay
nawala sa akin! Tuluyan na syang nawala dahil sa katarantaduhan ko!
"General Alvarez, ayos ka lang?"
Nagbalik ako sa sarili at napatingin kay Major.. Tipid na ngumiti lamang ako at
tumango.
"Wag ka sanang magagalit sa pamangkin ko, pero umamin sya sa akin na walang
nangyari sa inyo. Mahal na mahal ka daw kasi nya kaya nya nagawa iyon."
Napakuyom ako ng kamao at napatayo.
"What the fuck! Bakit hindi ako magagalit kay Liz, Major? She's ruined my life! My
married! Four years! Four years ang nagdaan pero bakit ngayon nyo lang sinabi?
Put*!"
"General Alvarez, tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot noon. At alam ko na mali
ang ginawa ng pamangkin ko pero natatakot sya na umamin. At nauunawaan ko sya dahil
mahal ka parin nya kaya nya nagawa iyon."
Napahinto ako sa pagpabalik-balik ko sa lakad sa sobrang frustration. Damn! Damn!
Damn!
Humawak ako sa table ni Major at pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko sa
galit.
"Major, hindi ko mamahalin ang kagaya ni Liz na sarili lang ang iniisip! Ngayon na
nalaman ko ang lahat. Dito! Dito sa puso ko, ubod ang pagkasuklam ko sa kanya!
Sinira nya ang lahat! Ano bang ginawa kong mali? Tinulungan ko ang pamilya nyo
dahil kailangan nyo ng tulong! Pero bakit ang binalik nyo ay bangungot?! Fuck!
Hindi nyo ba alam kung ano ang dinulot na sakit sa akin ang ginawa ng pamangkin
nyo! Sobrang sakit! Nakipaghiwalay pa sa akin si Grace at yung anak namin...hindi
ko man lang nakita! Hindi ko alam kung nabuhay ba ito dahil dinugo si Grace! Buong
akala ko ay nagtaksil ako sa kanya! Alam nyo ba na sarili ko ang sinisisi ko sa
lahat. Hindi ko sinaktan o sinisi si Liz dahil iniisip ko na kasalanan ko rin kaya
may nangyari! Pero ngayon...gusto ko syang patayin! Gusto kong itanong sa kanya
kung hindi ba sya nakokonsensya sa ginawa nya?!"
Napaupo ako sa upuan at napahilamos sa mukha. Nanggigigil ako. Apat na taon. Apat
na taon akong nagdusa. Ang totoo ay nasa bundok ako kung saan may mosque. Hindi
totoong nasa greece ako para sa volunteer operasyon. Ang totoo ay doon ay nanatili
ako para paulit-ulit na pagdusahan ko ang kasalan ko. Kahit na pinapauwi na ako ni
Grand Ma ay hindi ako bumaba. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako bababa
hanggang hindi naalis sa katawan ko ang kasalanan ko.
Pero ngayon ay sinasabi ni Major na wala naman palang nangyari sa amin ni Liz. Fuck
her! How she do this to me?
"I'm sorry, General Alvarez. Ako na ang humihingi ng patawad para kay Liz."
Tumayo ako at napapailing. Umalis ako sa opisina nya na puno ng pagkawalan ko ng
paghanga sa kanya. Tinuring ko syang idolo dahil matuwid sya sa lahat ng
katotohanan pero bakit ngayon nya lang sinabi? Ngayon na hindi ko na alam kung
maibabalik ko pa ba ang kahapon.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid. Nakita ko na tila may shooting ang
mga artista sa gawing open area. Bumaba ako ng hagdan pero napatingin ako sa isang
batang babae na nakasakay sa wheel chair na pababa sa daan kung saan ay bumibilis
ang pag-usad ng wheel chair nya tila hindi nya mapigilan.
Agad akong tumakbo palapit rito at nang tumama sa bato ang wheel chair nya ay agad
kong napigil ang pagbagsak nya.
Nanlalaki ang mata nya na napatingin sa akin. Napatitig ako rito. Kakaiba ang
kanyang ayos. May suot-suot syang wig na itim na itim at tuwid na tuwid na hanggang
balikat nya lang ang haba habang tuwid na tuwid din ang bangs nito.
Maputi at makinis ang balat. At nakasuot ng mahabang manggas na damit. Napatingin
ako sa paa nya na may nakatakip na balabal dahil nakapalda sya at suot ang flat
shoes.
"Salamat po. Naku, magagalit sa akin si Gracy kapag nasaktan ako. She's like a wild
tiger when she's mad."
Napangiti ako sa sinabi nya. Napakagalang nya at napakabilis nyang magsalita.
"Bakit ka nag-iisa? Nasaan ang parents mo? Bakit pinabayaan kang mag-isa?"
"May shooting po kasi si Gracy dito kaya hindi nya alam na umalis ako."
"Oh, bakit ka umalis? Dapat ay nagpapaalam ka sa kanya. Lalo't hindi mo kaya ang
sarili mo sa sitwasyon mo."
Ngumuso sya at niyakap ang manikang scary ang itsura.
"Hinabol ko po kasi ang butterfly. Ang ganda po kasi at pinapasunod nya ako."
natawa ako sa sinabi nya.
"Hindi naman nagsasalita ang butterfly. Paano mo nalaman na pinapasunod ka?"
"Hmm.. Sinabi lang po ng instinct ko."
Ngumiti ako dahil ang cute nya. May dimples din sya at ang mata ay asul na kagaya
ng kay Grace. Napahinga ako ng malalim dahil naalala ko muli ang nangyari sa amin.
At tiyak ako na kasing-edad ng batang ito ang anak namin--kung buhay man ito ngayon
o patay. Wala akong makuhang balita kay Grace. Dahil magaling magtago ang mga
Esteban ng mga information.
"Ano nga pala ang pangalan mo?"
Nagalak sya at nilahad ang kamay kaya nagtataka na hinawakan ko ang kamay nya na
maliliit.
"My name is Aallotar."
"Wow. Beautiful name."
"Really?" tumango ako at napangiti ng kumislap ang mga mata nya. Tila masayahing
bata sya at kahit na sa maliit na bagay ay ang dali nyang mapasaya.
"Oo, ang unique pa ng name mo..."
"Thank you po.. Hmm, kayo po, anong name nyo?"
"Ako si Atreo. General Atreo." kinuha ko ang wallet ko at kinuha ko doon ang
calling card ko, "Here.."
"Para saan po ito?" Ngumiti ako at muling humawak sa wheel chair nya.
"Iyan ang name ko at number ko. You can call me if you want help."
Nanlaki ang mata nya at ngumiti ng malaki, "Oh, thank you po, General Atreo."
Napangiti ako at pinat ko ang ulo nya, "So..magbalik tayo sa tanong. Ilang taon ka
na ba ngayon?"
Binitawan nya ang isang kamay ko at nagmuwestra sya sa daliri nya ng apat.
"I'm four years old."
"Really?" tumango sya at ngumiti, "Alam mo ba na four years old din sana ang anak
ko ngayon."
Napatitig naman sa akin ang mga mata nya na may pagtataka.
"Nasaan po ang anak nyo?"
Nakiba't-balikat ako at mapait na ngumiti.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya."
Nagulat ako ng hawakan nya ang mukha ko. Napahawak ako sa kamay nya na nasa mukha
ko at tumingin ako sa kanya.
"Nakakaawa naman po pala kayo." natawa ako at tumingin ako sa kanya na tuwang-tuwa.
"Bakit naman naaawa ka sa akin?"
"Kasi malungkot ka. Kita ko po sa mga mata nyo."
Napatitig naman ako sa kanya at napahinga ako ng malalim dahil hindi ko akalain na
makikita nya ang nararamdaman ko.
"Wag na po kayong malungkot. Ang gwapo-gwapo nyo po. Sige po, baka pumanget po kayo
like Lora."
Napangiti ako at natawa sa sinabi nya, "Sino naman si Lora?"
Kinuha nya ang manika na nakaupo sa kandungan nya. Napailing ako at napangiti ng
maunawaan ko.
"She's Lora?"
"Opo. This is gracy gift to me."
"Ah..." napatango ako habang iniisip kung sino kaya ang Gracy na sinasabi nya?
Bukang bibig nya iyon. Baka kapatid nya o friend.
"Aallotar!"
"Oh-oh! Gracy is here!"
Tumayo ako at tumingin sa paligid. Napatingin ako sa harap ng headquarters at may
nakita akong babae na nakatalikod.
"Sya ba si Gracy?" turo ko kaya lumingon sya at napatakip sya sa bibig nya habang
tumatango-tango. Natawa ako at nagpunta ako sa likod ng wheel chair nya at tinulak
ko sya patungo doon sa Gracy.
"Gracy!"
Lumingon ang babae ng tawagin ito ni Aallotar. Sa paglingon nito ay hindi ko
inaasahan na si Grace pala ito. Natigilan ako habang nakatitig sa kanya na sa bata
agad tumama ang paningin nya. Tila sya nakahinga ng maluwag ng makita si Aallotar.
Hahakbang na sana sya ng mapatingin sya sa akin. Ngunit walang pagkagulat ang
kanyang reaksyon. Para bang wala syang anumang emosyon na pinapakita.
Agad nitong inagaw sa akin ang wheel chair ni Aallotar at tinulak na iyon para
makaalis.. Para akong natuod sa kinatatayuan ko sa hindi ko inaasahang pagkakita sa
kanya. Tinignan ko ang likod nya habang papalayo sila. Parang may kakaiba na sa
kanya. Parang hindi ko nakikita ang dating Grace.
"Let's go... Napakulit mo. Sinabi ko na wag kang aalis." napalunok ako ng pagalitan
nya si Aallotar. Parang nais kong humakbang para sundan sila, pero hindi ako
makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Gracy, nakilala ko si General Atreo. Niligtas nya ako ng muntik na akong matumba."
Hindi ko narinig ang pagtugon ni Grace sa sinabi ni Aallotar. Lumingon sa akin si
Aallotar kaya ngumiti ako ng kumaway ito sa akin.
"Babye, General!"
Kumaway ako habang nakangiti rito. Nang makalayo na sila ay naibaba ko ang kamay ko
at pinagmasdan ko sila. Nang lumiko na sila ay hindi ko na sila natanaw pa.
"General!"
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko sila Seb, Von, Erick and Quest. Mula nang
magpasya akong umalis ng pilipinas ay nagpasya ako na ibigay kay Seb ang posisyon
ko bilang leader ng viper. Ayoko na walang kapupuntahan ang lahat ng training at
experience nila sa pagsusundalo.
"Kayo pala. Long time, no see."
Sumaludo sila kaya sumaludo habang nakangiti na nakatingin sa kanila.
"Hindi namin inaasahan ang pagbabalik mo. Binalita lang sa amin ni Major na narito
ka."
"Yeah. Hindi ko rin inaasahan ang lahat.." bulong ko habang iniisip muli si Grace.
"Ano 'yun, General?"
Napatingin ako kela Seb at umiling habang nakangiti. Tinapik ko ang balikat nito at
tumingin kela Erick.
"Kamusta kayo? Nasaan ang iba?"
"Sila Sonny, Regie, Sereno, Borge, at Gorge ay may duty. Si Haris ay busy sa
pagkikipag-date."
Napatango ako sa sinabi ni Quest. Napahinga ako ng malalim at pumamulsa.
"Tara doon, General."
Tumingin ako kay Erick at napakuno't noo ako sa sinabi nya.
"Huh? Saan?"
"Balita ko may artista daw dito. Maglibangan muna tayo, tutal ay wala na kaming
ginagawa."
Natawa ako sa sinabi ni Erick at napailing. Tinungo namin ang sinasabi ng mga ito
at sa bandang puno kami huminto kung saan ay tanaw ang mga tao. Tila kasama sa
shooting.
"Si Sofia Claire oh!"
"Grabe ka, Quest. Parang ngayon ka lang nakakita ng artista." si Erick.
"Bakit, anong problema? Eh, ngayon lang talaga ako nakakita ng artista."
Naupo ako sa bato at tumingin doon. Napatigil ako nang matanaw ko si Grace. May
kausap sya at tumatango sya sa kausap nyang lalake na may scarf sa leeg.
Nang mag-alisan ang nakapaligid sa kanya ay naiwan na sila ng sinabi ni Quest na
Sofia Claire.
Napatayo ako ng makipagsanggaan ito sa babae. At napatingin ako sa lalakeng agad na
lumapit kela Grace.
Nakita ko na sinakal nito si Grace kaya agad akong napatakbo doon.
"General! Saan ka pupunta. General!?"
Hindi ko pinansin ang tawag nila Seb at mabilis akong tumalon sa bakod at tumakbo
ako patungo kela Grace.
Nang makalapit ako ay agad kong inalis ang kamay ng lalake sa pagkakasakal kay
Grace at sinapak ko ito na kinabagsak nito sa sahig.
Napatingin ako kay Grace at lalapitan ko na sana sya ng mapailing ito at
tinalikuran ako.
"Oh my! Anong nangyari? My god! Sino ka ba, Mister?"
Lumingon ako sa likod ko at nakita ang pagkahisterikal ng kausap kanina ni Grace.
Pero nang humarap ako ay tila nawala ang pagkainis ng mukha nya.
"Oh.. Handsome, bakit mo naman sinuntok si Alexander?"
"Hindi nyo ba nakikita? Sinasakal nya si Grace."
Lumingon ako kay Grace pero wala na ito kaya lumingon ako sa paligid.
"Ah, Handsome, shooting kasi ito. Acting lang iyon."
Natigilan ako sa sinabi ng lalake. Fuck! Shooting? Acting lang?

Kabanata 31
"Ma'am, sino po yung lalakeng bigla nalang umeksena?"
"I don't know. Baka baliw."
Padarag kong binuklat ang page ng script habang nakakuno't ang noo ko. Aist.
"General Atreo." tumingin ako kay Aallotar ng ibulong nya iyon kay Danie. Napatikom
ang bibig nya at hinarang nya sa mukha nya si Lora. Napailing ako at muling
binaling sa script ang mata ko.
"Gracy, take ulit tayo."
Napahinga ako ng malalim at tumayo na bago ko iabot kay Danie ang script.
"Wag na." pinigil ko ang make-up artist ko ng ambang i-reretouch muli ako nito.
Tumingin ako kay Danie at sinenyasan ko sya na bantayan si Aallotar na kinatango
nito.
Naglakad na ako patungo kay Derek Hans na may sinasabi kay Claire at Alexander.
"Diyos ko. Kitang-kita ang pasa mo, Alexander. Hindi na matatapalan 'yan ng make-
up."
"Eh, Derek, sa lakas ng suntok sa akin ng lalakeng iyon, parang umuga ang ngipin ko
sa gilid."
"Paano 'yan? Kailangan mo muna ngayon ng kadoble"
"Director Hans, tutal ay gwapo naman ang sumuntok kay Alexander. Sya nalang ang
ipalit mo." matalim na tingin ang binigay ko kay Sofia Claire. Tsk.
"Hindi sya artista, Sofia Claire. Kaya maghanap nalang kayo ng iba sa mga crew."
"Gracy, tingin mo may iba pang gwapo sa crew? Eh, mas lamang ang kagwapuhan nung
army na iyon kesa kay Alexander."
"Are you insulting me, Claire?" sabi ni Alexander.
Tumingin ako kay Derek Hans at halos umikot ang mata ko ng makita ito na lumapit
kat Atreo at kinausap. Nang mapatingin sa gawi ko si Atreo ay agad akong umiwas ng
tingin at umismid sa iritasyon.
"Okay, guys, two minutes break muna!"
Nang inanunsyon iyon ni Derek ay agad akong nagmarcha sa tent ko habang napupuyos
sa inis dahil tila balak na sundin ni Derek ang suggestion ni Sofia.
"Ma'am, tapos na agad ang eksena nyo?"
"Hindi pa." padarag na binuklat ko muli ang script ko habang nakaupo ako sa chair
ko.
"Gracy, are you mad?"
"No."
"But you're shaking."
Huminga ako ng malalim dahil hindi ko napansin na nanginginig pala ang kamay ko
habang hawak ang script. Binitawan ko ito sa kandungan ko at kinuha ko ang bottled
water at uminom ako.
"Ma'am, pasensya na po sa itatanong ko. Pero nagtataka po ako kung sino Aallotar sa
buhay nyo?"
Napatigil ako sa tanong ni Danie. Oo, kasama ko na sya na mahigit taon na rin
bilang assistant ko, pero kailanman ay wala syang alam sa relasyon namin ni
Aallotar sa isa't-isa. Dahil ayokong ibahagi sa kanya ang sekreto ko sa buhay. Ayos
na kaunti lang ang nakakaalam na anak ko si Aallotar. Ayokong maexpose sya sa media
at sa ibang taong maaaring makasakit sa kanya.
Si Aallotar Agafya ay ang aking anak. Sya ang pinagbuntis ko na siyam na buwan na
kamuntikan nang mawala sa akin.
Pero nang ipanganak ko na sya ay sobrang saya ko talaga na masilayan ko sya. Iba
ang saya at sigla na idinulot nya sa akin. Habang kilik-kilik ko sya ay pakiramdam
ko ay mababali ko ang buto nya o 'di kaya ay mahulog ko sya dahil sobrang
kinakabahan ako sa unang pagkilik ko sa kanya. Ang sarap sa feeling na nahawakan ko
sya at natitigan ang cute nyang mukha. Kamukha ko sya kaya sobra ang kasiyahan ko
na hindi nya nakuha ang mukha ng ama nya.
Ang ama nya na ang idulot lamang sa akin ang sakit. I gave him a chance but I
realize that he didn't want it.
Nang araw na kamuntikan na akong makunan at nasa kwarto ako noon para magpahinga
dahil kakagaling ko lang sa hospital noon. Pumasok si Mom sa kwarto ko at naupo sa
gilid ng kama; sa gilid ko.
"Anak, sigurado ka ba na puputulin mo na ang sa inyo ni Atreo? Paano ang anak nyo?
Narinig mo ba ang paliwanag nya?"
Hindi ko alam kung bakit tinatanong pa iyon ni Mom? Hindi ko alam kung bakit
concern sya kay Atreo?
"Mom, hindi na po nya kailangan na magpaliwanag pa. Kitang-kita na mismo ng mga
mata ko na hubad silang pareho sa ilalalim ng kumot. Kaya bakit ko pa po
papakinggan ang paliwanag nya?"
Napahinga sya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. Tumingin sya sa akin ng
seryoso.
"Alam mo ba na ganyan din ang sinapit ko noon sa Dad mo. Nahuli ko rin sya noon na
may babae. Sobra ang pagkasuklam ko sa kanya dahil nalaman ko pa na sya ang
nagpapatay sa parents ko. Hindi ko rin alam no'n na buntis na pala ako sa mga kuya
mo. Pero talagang may mga tao lang na masayang makasira ng pamilya at relasyon.
Nagkamali lang pala ako. Hindi pala ako pinagtaksilan ng Dad mo. Hindi pala sya ang
pumatay sa pamilya ko. Dahil kagagawan pala iyon ng mga kaaway nya sa business.
Kaya mula noon ay tumatak na sa akin ang bagay na dapat ay magkaroon muna ng
masinsinan na pakikinig at maliwanag na paliwanag bago magdesisyon. Dapat ay alamin
muna ang tunay na nangyari bago gumawa ng desisyon na habang buhay na tiyak na
pagsisisihan.... Kaya kung ako sa'yo ay alamin mo at pakinggan mo muna si Atreo.
Hindi ko sya masyadong ka-close pero ramdam at kita ko na mahal ka nya, anak. Kaya
give him a chance. One last chance."
Matapos nyang sabihin iyon ay lumabas na sya ng kwarto ko kaya naiwan akong mag-isa
na iniisip ang sinabi nya..
Give him one last chance..
So, I'll give him another chance. Nagpunta ako sa bahay ni Atreo para makausap sya.
Gusto kong malaman ang lahat. Kung talaga bang deserve nya ang pagpapatawad ko.
Nag-doorbell ako pero walang lumalabas kaya minabuti ko na buksan na ang gate at
pumasok. Inilang hakbang ko ang gate hanggang sa makalapit ako sa pinto ng bahay
nya.
Hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit no'n ng makarinig ako ng nag-uusap. So I
decided to open the door.
Kaunting bukas ang ginawa ko at sinilip ko ang ulo ko bago napatingin sa loob. Pero
napatingin ako sa dalawang tao. Nakatalikod sa akin si Atreo at kita ko si Liz sa
harap nya.
Bumigat ang hininga ko at dumiin ang pagkuyom ng kamay ko sa nakita kong tila
naghahalikan sila. Agad akong umalis sa pagkakasilip at pumatak na naman ang luha
ko na akala ko ay naubos na.
Nagpunta ako rito para bigyan sya ng isang pagkakataon. But he with liz after all.
He bring Liz to his house. Akala ko ba ay walang nangyari? Bakit nagawa pa nyang
makipaghalikan kay Liz sa mismong bahay nya?
I hate him! To the death!
Sobrang sakit ang dinanas ko sa kanya kaya hindi ko na hahayaang pasakitin muli nya
ang puso ko at baka mag-cause iyon ng muli kong pagdudugo na hindi ko na hahayaang
mangyari.
I move in state. To erase all the pain. To create a new life with my child. Ako at
ang anak ko nalang ang tanging magkasama. At gagawin ko ang lahat para alagaan sya
kahit ako lamang.
After two years ay bumalik ako ng pilipinas kasa-kasama si Aallotar. Doon ay may
tayo na kaming bahay na si Dad at Mom ang nag-asikaso, pero sariling pera ko ang
pinagawa ko doon.
Dahil habang nasa state ako ay nagtatrabaho ako bilang model kahit na super busy
din ako na matutukan si Aallotar.
Akala ko noon ay masaya na ang lahat. Wala nang problema. Pero napansin ko noon kay
Aallotar na dalawang taon na sya pero hindi nya kayang makatayo o gumapang man
lang. At sobra ang pag-iyak nya noon kaya sa sobrang taranta ko dahil hindi ko alam
ang nangyayari sa kanya kaya sinugod ko sya sa hospital.
"Miss Esteban, sorry for saying this. But your daughter has a Birth defects. Hindi
katulad sa ibang birth defects na kulang ng body parts o may abnormality sa paglaki
o pag-iisip. Pero ang masama naman ay mahina ang buto ni baby Aallotar sa mga paa
nya. At wala ring lakas ang muscle nya sa mga paa nya na nag-cause ng maaga nyang
pagkalumpo."
Bigla ay para akong matutumba sa narinig kong sinabi ng Doctor sa anak ko. Nanlamig
ang buo kong katawan. Hindi maproseso sa utak ko lahat. Napahawak ako sa higaan ni
Aallotar at pumatak ang luha ko habang tinitignan sya na mahimbing na natutulog.
Gusto kong magwala noon. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko
kaya si Aallotar ang nagdusa.
Sobra akong nasasaktan tuwing maaalala ko ang posiblidad na hindi na makalakad ang
anak ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat kung bakit hindi
nagtatanong si Aallotar ngayon sa sitwasyon nya. Pati na rin sa ama nya. Kung
maitanong man nya iyon ay baka wala akong maisagot. Baka mawalan ako ng lakas na
ipaliwanag sa kanya ang lahat.
Kaya naman ginawa ko ang lahat para maibigay ko ang lahat sa kanya sa abot ng aking
makakaya. Hinayaan ko rin sya na tawagin akong Gracy. Iyon kasi ang naririnig nya
mula ng tatlong taon sya. Kaya iyon na ang itinatawag nya sa akin. Ayos lamang
iyon. Dahil maaaring isipin ng iba na hindi ko sya anak. Lalo pa't pinasok ko ang
magulong showbiz na kahit pribadong buhay ay tiyak na aalamin ng ibang tao.
Pero hindi ko kailanman hahayaang makakuha ni katiting na impormasyon ang sino man
sa akin, lalo na kay Aallotar.
"Gracy, take na!"
Nagbalik ako sa sarili ng marinig ang pagtawag ni Derek. Napahinga ako ng malalim
at binigyan ko ng tingin si Danie.. Tingin na sinasabi na dapat nyang bantayang
maigi si Aallotar na kinatango naman nya.
Tumayo na ako at umalis ng tent ko. Tinungo ko sila Derek na nasa tapat kung saan
kami eeksena.
"Okay. Gracy, Sofia, alam nyo na ang gagawin nyo, ha?" tumango ako habang si Sofia
ay busangot na sumang-ayon nalang habang may mga PA sya na todo payong at paypay sa
kanya.
Pumuwesto na kami ni Sofia. Kung saan kami nahinto. Nang mag-take na si Derek ay
nakipagsanggaan muli ako ng kamao kay Sofia.
Sa parteng lilitaw na si Alexander ay nagulat ako ng lumitaw si Atreo. Pinaghiwalay
nya kami ni Sofia at hinawakan nya ng maingat ang leeg ko para palabasin na kunwari
ay sinasakal nya ako.
Napatigil ako habang nakatingin sa kanya. Iba ang ayos nya. Suot nya ang kagaya ng
suot ni Alexander. White shirt na hakab sa katawan nya kaya kita parin ang matigas
at umbok-umbok nang katawan nya. May suot din syang leather black jacket na ngayon
ko lamang nakita. Usually kasi ay plain shirt at army jeans ang suot nya. Minsan ay
lumang pantalon at ripped jeans lang. Pero ngayon ay kakaiba. Dahil nagmukha lalong
matapang, mabagsik at gangster ang itsura nya. Ang buhok nyang medyo mahaba ay
naka-pigtails ang harapan habang may naiwang buhok sa likod. May isang hikaw din
sya sa isang tenga na kulay itim na lalong nagbigay angas sa itsura nya.
Hinawakan ko ang braso nya para alisin. Pero mula sa pagkakahawak sa leeg ko ay
pinatalikod nya ako at ang isang braso nya ay kunwari na pinangsakal sa akin.
"Grace, marami akong dapat sabihin sa'yo.. Kailangan mong malaman."
Bigla ay nag-init ang ulo ko kaya siniko ko sya na kinaluwag ng yakap nya sa leeg
ko. Humarap ako sa kanya at sinuntok ko sa mukha na kinabagsak nya.
Gigil na gigil ako sa pagmumukha nya. Ano pa ba ang dapat kong malaman? Wala na.
Dahil tapos na ang lahat sa amin.
"Pagbabayaran nyo ang lahat ng pasakit na dinulot nyo! Kulang pa ang kamatayan para
sa kapatawaran ko!"
Ambang sisipain ko sya sa mukha ay agad nyang nahawakan ang paa ko at agad syang
tumayo bago bitawan ang paa ko.
"Nagdusa na ako. Kaya kailangan lamang ay pakinggan mo na ako."
Sinapak ko pero agad nyang nasanggi ang kamao ko at umiwas sya. Agad kong syang
tinuhuran sa sikmura at sinuntok ko sya sa mukha na kinabagsak nya. Pero nagawa pa
nyang ngumiti habang nakahawak sa panga at nakahiga sa lupa.
Agad kong syang inupuan sa tiyan at binigyan ko sya muli ng suntok.
"Wala nang dapat akong marinig galing sa'yo. Dahil kahit ano pang sabihin mo ay
papatayin kita. Walang-hiya ka!"
Umiilag sya sa suntok ko at mariing pinigil ang mga kamay ko bago pagpalitin ang
posisyon namin.
"Sige, patayin mo ako. Papatayin kita sa halik para tumahimik ka." nakangisi nyang
sabi habang nakatitig sa akin. Ambang ibaba nya ang mukha ay sinampal ko sya at
ibinagsak ko syang muli sa lupa at naupo muli ako sa tiyan nya at sinakal ko sya.
"Hindi ako kailanman mahuhulog sa patibong mo. Dahil wala na akong anumang
nararamdaman sa'yo....kundi pagkamunhi."
"Cut! Cut!"
Doon lang ata ako natauhan at napatingin ako sa paligid namin at halos nakanganga
sila habang nakatingin sa amin tila ba pinapanood ang sariling mundo namin.
Agad kong binitawan ang leeg ni Atreo at agad akong tumayo.
"Ano ba 'yon? Wala sa script ang mga sinasabi nyo. Pero inferness, may chemistry
kayo."
Agad kong tinalikuran sila Derek at tinungo ko ang tent ko.
"Gracy, saan ka pupunta??" hiyaw ni Derek pero hindi ko na pinansin.
"Ma'am, tapos na?"
"Danie, pack all my things. We need to go home." agad kong kinuha ang bag ko at bag
ni Aallotar at hinawakan ko ang wheel chair nya patulak kung nasaan ang kotse ko.
Nang makalapit kami sa kotse ko ay binuksan ko ang front seat. Pero napahinto ako
sa ambang pagbuhat kay Aallotar ng may humawak sa braso ko. Napatingin ako sa
humawak sa akin at nakita ko na si Atreo. Agad kong hinawi ang kamay nya at binuhat
ko si Aallotar papasok at maayos ko syang inupo.
"Grace, tell me the truth. Si Aallotar ba ang anak natin?"
Umayos ako ng tayo at tumingin ako kay Atreo na walang emosyon. Nakayanan ko syang
tignan sa mata ng matapang.
"Hindi. Dahil adopted child ko sya. Happy?"
Natahimik sya at napalunok habang kita ko sa mata nya at mukha ang pagkabigo.
Umiwas ako ng tingin at napatingin ako kay Aallotar. Sinara ko na ang pinto nya at
umalis na ako sa harap ni Atreo para tunguhin ang driver seat.
Pagsakay ko ay binuhay ko na ang kotse at hinintay ko lamang si Danie na maisakay
ang lahat ng gamit sa trunk at ang pagsakay nito. Pinaandar ko na ang sasakyan
paalis sa set.
Sa bus station kami nagtungo. Iginilid ko ang sasakyan ng makarating kami.
"Danie, i-text mo nalang sa akin ang schedule ko bukas."
"Okay, Ma'am. May re-take ulit kayo sa scene nyo nung huli sabi ni Derek." tumango
ako,
"Babye, Aallotar."
Hindi umimik si Aallotar sa sinabi ni Danie kaya tumango ako kay Danie. Bumaba na
sya at pinaandar ko na muli ang sasakyan. Tumingin ako saglit kay Aallotar na
himala at tahimik at hindi dumadaldal.
"Aallotar, wag na wag ka nang lalapit sa lalakeng iyon. Naiintindihan mo?"
Hindi sya sumagot kaya tinignan ko syang muli na sa bintana nakatingin. Hindi ko
makita ang mukha nya dahil nakaharang ang buhok nya.
Napahinga ako ng malalim dahil sinusumpong na naman ata sya. Kaya naman tahimik ang
buong byahe bago kami nakarating sa bahay. Hindi ko napansin na madilim na pala.
Pinasok ko ang kotse ng pagbuksan ako ni Mang Pido ng gate at pinarada ko ang kotse
ko sa harap ng bahay. Bumaba ako at kinuha ko ang wheel chair ni Aallotar. Tinulak
ko ito sa side nya at binuksan ko ang pinto. Pero agad akong napahawak sa kanya ng
muntik na syang mahulog.
Tulog na pala sya. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay sinusumpong na naman
sya. 'Yun pala ay nakatulog lang kaya hindi sumasagot sa akin.
Binuhat ko sya at inayos ko ang ulo nya sa balikat ko.
"Seniorita!"
Lumingon ako at nakita ko si Sally na patungo sa amin.
"Sally, mabuti at narito ka. Pakisunod nalang ng wheel chair ni Aallotar at pati na
rin ang gamit namin."
"Okay po, Seniorita."
Kaya naman tinungo ko na ang loob ng bahay. Agad na tinungo ko ang kwarto namin at
hiniga ko ng maayos si Aallotar sa kama. Hinubad ko ang shoes nya at wig na
gustong-gusto nyang sinusuot. Gusto nya kasing maging katulad ng mga manika nya'ng
gothic.
Napahinga ako ng malalim at kinumutan ko sya bago ako naupo sa gilid nya. Hinaplos
ko ang mukha nya at napatitig ako.
"Sorry anak, pero hindi mo maaaring malaman na ama mo si Atreo. Ayokong masaktan
ka. Tiyak akong may ibang pamilya na ito. Ayokong nakikihati ka. Hindi mo kailangan
ng isang ama, dahil narito ako para sa'yo na handang magpaka-ama at ina sa'yo."
Napahinga ako muli ng malalim at hinalikan ko sya sa noo bago ako tumayo para
makapag-shower.
Nang matapos ako ay lumabas ako ng banyo. Nakita ko na naipasok na ni Sally ang
lahat ng gamit namin. Pati ang wheel chair na nasa gilid ni Aallotar.
Humarap ako sa tukador ko at nag-blower lamang ako ng buhok para patiyuin at
pagkatapos ay nagpahid ako ng lotion.
Tumabi ako ng higa kay Aallotar at niyakap ko sya. Mamaya nalang ako gigising,
dahil tiyak na magigising ito mamaya para kumain. Pinakain na tiyak ito ni Danie
kaya mamaya ay gigisingin ko nalang muli para makakain muli.
Nakatulog agad ako sa pagod ko sa magdamag na trabaho kaya hindi ko namalayan ang
nangyari sa paligid ko. Nagising ako ng hindi ko makapa sa tabi ko si Aallotar.
Lumingon ako sa likod ko dahil baka napatalikod lang ako ng higa rito, pero wala
talaga sya sa tabi ko.
Napaupo ako at napatingin sa gilid ng kama. Wala ang wheel chair nya. Kaya dali-
dali akong bumaba ng kama at kinuha ang roba ko.
"Aallotar!" tinawag ko ito habang nagmamadali akong lumabas ng kwarto.
"Sally! Sally!"
Habang tinatawag ko si Sally ay tinungo ko ang entertainment room dahil baka dito
lamang nagpunta si Aallotar. Pero pagbukas ko ng ilaw ay walang katao-tao.
"Seniorita, bakit ho?"
Lumingon ako at nakita ko si Sally na kakagising lamang at mababakas mo iyon sa
mukha nya.
"Si Aallotar, nakita mo ba?"
Tila nagising sya ng tuluyan at umiling sa akin.
"Hindi po. Natutulog po ako, Seniorita. 'Di po ba..kayo ang kasama nya?"
Napagulo ako sa buhok at napakagat ako ng ibabang labi sa pag-alala kay Aallotar.
"Tulungan mo nga ako na hanapin sya sa buong bahay. Nawawala sya."
Agad na akong bumaba ng hagdan matapos kong sabihin iyon. Lahat ng rooms at mga
pasilyo sa bahay ko ay tinungo ko ngunit wala akong makita na Aallotar.
Kaya sobra na ang pag-aalala ko. Minabuti ko na tumawag na kela Dad.
"Napatawag ka, Anak?"
"Dad, nawawala po si Aallotar. Paggising ko po ay hindi ko na sya nakita sa tabi
ko."
"What?" napakagat ako ng kuko ko dahil sa kaba. Lalo't tila nagalit si Dad ng
marinig ang sinabi ko.
"Tsss. Okay, hahanapin ko sya.. Libutin nyo ang buong bahay mo dahil baka nandyan
lang sya."
"Okay po, Dad." binaba ko na ang tawag pero bago iyon ay narinig ko ang pagsinghap
ni Mom tila nagulat sa pagkawala ni Aallotar.
Binaba ko na ang landline phone at naupo ako sa sofa. Napahilamos ako ng mukha at
napahagod ako ng buhok bago ko pagsiklopin ang mga kamay ko.
Hindi ko alam ang maaaring puntahan ni Aallotar. Wala sya sa bahay. Madali syang
makakalabas ng bahay mula sa kwarto, dahil may elevator akong pinalagay para sa
kanya. Para madali lang din syang makababa. At may back door din na konekta sa
labas na deretso lang ang daan kaya madali lang nya maitutulak ang wheel chair nya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi na pinagawa ko pa iyon.
Napatayo ako at agad na nagmadaling lumabas ng bahay. Hindi pupwedeng nakaupo
lamang ako. Baka mamaya ay kung ano na ang nangyari kay Aallotar.
-
ATREO'S POV
Nasa gym ako at nagpapawis dahil hindi naman ako makatulog. Iniisip ko parin si
Grace mula ng makauwi ako. Ramdam ko ang matinding galit nya sa akin. At talagang
nanghinayang ako ng sabihin nya na inampon nya lang si Aallotar.
Damn!
It means...our child is..is dead?
Napahinto ako sa pagba-barbel at naupo ako sa gym equipment ko bago napahawak sa
mga tuhod ko. Hingal na hingal ako at natulala.
Para akong biglang nanhina ng pumasok sa isip ko na posibleng patay na ang anak
namin. Hinagis ko ang bimpo sa sahig sa sobrang galit ng nararamdaman ko.
Fuck! This is all my fault!
Kaya hindi ko masisisi si Grace kung bakit ganun nalang ang galit nya sa akin.
I deserve her cold treatment.
Napaangat ako ng mukha at napatingin sa phone ko ng mag-ring ito. Napahinga ako ng
malalim at tumayo bago lumapit sa phone ko na nasa table.
Nakita ko na hindi naka-register ang number pero sinagot ko parin dahil baka
importante.
"Hello?" Pinahid ko ang pawis ko gamit ang likod ng palad ko.
"General Atreo.."
Napatigil ako sa pagpunas at nanlaki ang mata ko ng maging pamilyar sa akin ang
boses na nasa kabilang linya.
"Aallotar?"
"Opo.."
Napakuno't-noo ako ng marinig ko ang pagbasag ng boses nya tila sya umiiyak.
"Are you crying?"
"General Atreo, puntahan nyo po ako rito sa park sa village namin."
"Huh? Anong ginagawa mo d'yan? At bakit nandyan ka? Si Grace?"
"Basta po, puntahan nyo na po ako. Please.."
"Okay, okay. I'll be there. Wag kang aalis d'yan, ha?"
"Opo."
Agad na akong tumakbo palabas ng gym room habang hindi parin pinuputol ang tawag
mula kay Aallotar. Sumakay ako agad ng kotse at binuhay ko ito.
"Aallotar, saang village ka?"
Nang sabihin nya kung saan ay binaba ko na ang tawag at mabilis na pinaharurot ang
kotse para puntahan sya.
Ilang minuto bago ako nakarating sa sinasabi nya. Huminto ako sa park at agad na
bumaba ng patayin ko ang makina ng kotse ko. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid
ng park upang hanapin si Aallotar habang lumalakad.
Pero nang makita ko ang batang nakatalikod habang sakay ng wheel chair ay nakahinga
ako ng maluwag ng matanto ko na si Aallotar ito. Nakaharap sya sa malaking doll
house.
Paano kaya sya nakalabas ng bahay sa sitwasyon nya? At si Grace, bakit pinabayaan
nyang makalabas si Aallotar?
"Aallotar.."
Naupo ako sa harap nya ng makarating ako sa kanya. Nagulat pa ako sa itsura nya.
Nagiging kamukha na sya si Lora sa ayos nya.
Pero napatitig ako sa kanya ng bigla nalang tumulo ang luha nya. Agad nyang inabot
ang leeg ko at yumakap sa akin na kinagulat ko.
"Bakit, Aallotar?" hinaplos ko ang likod nya habang ramdam ko ang pag-iyak nya at
mahigpit nyang yakap sa akin.
"Are you my father?"
Napatigil ako sa paghaplos sa likod nya ng itanong nya iyon. Inalis ko ang yakap
nya at tumingin ako sa kanya na nalilito.
"Huh? Anong sabi mo?"
"You are my dad, right?"
"Bakit mo nasabi?"
Suminghot sya at hirap na hirap sa paghinga dahil sa pag-iyak nya.
"Dahil hindi naman po ako ampon ni Gracy. She's my real mom. My biological mom."
Napamaang ako sa sinabi nya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at napatitig ako kay
Aallotar. Nangilid ang luha ko at nanginginig ang mga kamay ko na napahawak sa
balikat nya.
"Totoo ba ang sinasabi mo? Hindi ka ampon ni Grace? Ikaw ang pinagbuntis nya noon."
"Hindi naman po ako sinungaling. At hindi nyo po ba pansin na kamukha ako ni
Gracy." inalis nya ang wig nya at bumunyag ang mahaba nyang buhok na umaalon at
kulot ang pinakadulo. May bangs din sya na hindi katulad ng wig nya na tuwid na
tuwid. Tama lamang sa kanya.
"I-Ikaw ang anak ko? Anak namin ni Grace. Hindi ka nawala?"
Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pumapatak ang luha ko. Nang ngumiti sya ay
agad ko syang niyakap ng mahigpit.
"God. Anak kita. Buhay ka."
"Kayo po ba ang ama ko? Kayo po ba yung walang-hiyang Atreo na sinasabi ni Gracy?"
Napangiti ako sa sinabi nya. Bumitaw ako ng yakap at hinawakan ko ang mukha nya.
"Ako nga...."
Ngumiti sya kaya ngumiti din ako. Hinawakan nya ang mukha ko.
"Aallotar!"
Agad kaming napatingin sa paligid ng marinig ang boses ni Grace. Tumayo ako ng
makita ko na naglakad sya ng mabilis patungo sa amin.
"Bakit mo sya dinala rito, Atreo? Alam mo ba na maaari kitang kasuhan ng
kidnaping!"
Pinamulsa ko ang mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at tumingin ako sa kanya ng
seryoso.
"She's our child, Grace...right?"
Napamaang sya at kita ko ang pag-iba ng emosyon. Takot.
"No, she's not your child. She's my only child!!"
"Wag ka nang magsinungaling. Dahil mismong si Aallotar ang nagsabi sa akin na hindi
mo sya ampon! Ikaw ang tunay nyang ina. At alam ko na sya ang anak natin!" giit ko.
Hindi sya nakasagot at tila sya nawalan ng sasabihin. Pagak akong natawa habang
nakatingin sa kanya na makumpirma ko talaga na totoong anak namin si Aallotar.
"Don't lie to me again, Grace. I'm the father."
Lumapit ako sa kanya at inalis ko sa pagkapamulsa ang mga kamay ko. Hinawakan ko
sya sa baba para ipatingin sa akin.
"Walang nangyari sa pagitan namin ni Liz. Wala. Umamin sya. Kaya wala akong
kasalanan."
Hinawi nya ang kamay ko at ambang lalagpasan nya ako ng mariin ko syang hinawakan
sa braso at binalik ko sya sa harap ko.
"At malaman kong buhay ang anak natin ay mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob
na muling ayusin ang lahat ng nasira."
Inalis nya ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa braso nya. Matapang nya akong
tinignan sa mata.
"Hindi ako naniniwala. At kahit ano pang ayos ang gawin mo...hinding-hindi na
maayos. Dahil hindi na kailanman makakalakad si Aallotar---at dahil iyon sa ginawa
nyo ni Liz." binulong lang nya ang huling sinabi nya na nagpalamig sa buong katawan
ko.
Naiwan akong gulat na gulat at natulala habang nakatingin sa mag-ina kong papalayo
sa akin.
Pumatak nalang ang luha ko at napaatras ako sa panghihina ng mga tuhod ko.
'Dahil hindi na kailanman makakalakad si Aallotar---at dahil iyon sa ginawa nyo ni
Liz.'
'Dahil hindi na kailanman makakalakad si Aallotar---at dahil iyon sa ginawa nyo ni
Liz.'
Dahil hindi na kailanman makakalakad si 'Aallotar---at dahil iyon sa ginawa nyo ni
Liz.'
Fuck! Bakit nangyayari itong lahat?!

Kabanata 32
Napainom ako ng tubig at halos mabasag ang baso ng ibaba ko ito sa kitchen bar
matapos kong uminom. Taas-baba ang dibdib ko at hindi ko mapigilan na panginigan ng
kamay sa nangyari.
God. Why she tell that to him? Hindi nya dapat malaman. Ayokong magkaroon sya ng
dahilan para lapitan muli ako o 'di kaya si Aallotar.
Huminga ako ng malalim at seryoso ang mukha na lumabas ako ng kusina. Umakyat ako
sa taas at tinungo ko ang kwarto namin.
Nakita si Aallotar na hawak ang cellphone ko kaya agad akong lumapit sa kanya at
inagaw ito na kinagulat nya.
"Ito ba? Ito ba ang ginamit mo para tawagan sya? Kelan ka pa natutong gumamit nito?
At bakit ba napakatigas ng ulo mo?!"
"I want to know him more, Gracy. He's my father."
"He's not your father, okay?! He's not!"
Tumulo ang luha nya habang nakikipagtitigan sya sa akin. Hindi ko alam kung bakit
napakaadvance nya mag-isip. Kaya madali na syang sumuway sa akin.
"He's my father. I feel it.."
Napamaang ako habang nakatingin sa kanya na lumuluha. Napalunok ako sa sinabi nya.
"Bakit po ba ayaw nyong makilala ko ang ama ko? It because he hurts you? What about
me? I want a father, Gracy." huminto sya at inabot ang phone ko na hawak ko. May
kinalikot sya sa phone ko. Napabuka-sara ang bibig ko ng ipakita nya sa akin ang
last conversation namin ni Allison.."Tita Allison, confirmed it. He's my father....
Noon po, nagtataka ako kung bakit galit agad kayo sa kanya?, kakakita nyo palang
naman po.. Kaya inobserbahan ko po kayo. And the way you two looked each other--I
know there's something going on with you two.... Gracy, I'm so desperate to have a
father..... He's so nice to me when we first time we met. Gracy, gusto ko pong
makilala ko sya. Makasama. Gusto ko po na may father ako."
Napakurap ako at napahawak sa dibdib ko dahil wala na akong masabi sa kanya. Para
akong biglang tinakasan ng lakas at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Umiling ako at inagaw ko muli sa kanya ang phone ko.
"Hindi... Hindi mo sya kailangan, Aallotar. At ayoko na lalapit o tatawagan mo
syang muli, maliwanag ba? Dahil oras na gawin mo ulit iyon...magagalit na ako
sa'yo."
Napasimangot sya at tumulo ang luha nya. Tinignan nya ako habang lumuluha sya.
"I don't understand you, Mother."
Matapos nyang sabihin iyon ay agad nyang hinawakan ang button ng wheel chair nya
para paganahin upang umusad. Napamaang ako at napaluha habang tinitignan sya na
lumabas ng kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko at lumapit ako sa kama bago napaupo..
Napapikit ako at napaiyak. Hindi ko gustong ipagkait sa kanya. Pero ayoko nang
magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon kay Atreo. Ayoko nang magulo muli ang
buhay ko dahil sa kanya. Quotang-qouta na ako sa sakit. Sa lahat ng pait na dinala
nya sa buhay ko.
Sana maintindihan ni Aallotar na mahirap sa akin ang hinihiling nya. Hindi madali
sa akin na muling makita o makaharap muli si Atreo. Na pag nakikita ko ay
pagkamunhi agad ang nararamdaman ko.
Nang mahimasmasan ako ay nagpahid ako ng pisngi at tumayo. Pinaghawak ko ang mga
kamay ko habang palabas ng kwarto. Nagpunta ako sa room kung saan gusto ni Aallotar
na mapag-isa.
Sa kanyang room. Pinihit ko ang seradura at walang ingay na binuksan ko ang pinto.
Nakita ko sya na nakatalikod sa akin. Umiiyak sya habang nag-dodrawing sa sketch
pad nya.
Nagkalat ang mga nakabilot na papel sa sahig na pinag-drawingan nya. Maingat akong
humakbang papasok at pinulot ko ang papel na kakatapos nya lang itapon. Binuklat ko
ito at nakita ko na gumuhit sya ng lalake. At alam ko na si Atreo ito.
Napatakip ako ng bibig at tumingin sa kanya habang pumapatak na naman ang luha ko.
"She's so cold. I want to know more about my father. I know he still love her."
Nabitawan ko ang papel at bagsak ang balikat ko na lumabas ako ng kwarto nya.
Bumalik akong muli ng kwarto at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay bigla akong
nagkasakit. Para akong pinanlalamigan at halos manginig rin ako.
Tahimik na iniyak ko ang lahat at pinalipas ko lang ang ilang oras bago ako
bumangon muli at nagpunas ng pisngi. Tinungo ko muli si Aallotar at pagpasok ko sa
kwarto nya ay nakita ko na nakadukdok na sya sa table nya, kaya agad akong lumapit
sa kanya at maingat na inayos ko ang upo nya. Napatingin ako sa table at napakagat
ako ng labi ng makita ko na ginuhit nya ang pagtatagpo nila ni Atreo. Kahit hindi
pa pulido ang drawing nya dahil nga bata pa sya ay naunawaan ko na iyon.
Tumingin ako kay Aallotar at napahinga ako ng malalim habang pinipigil ko nalang
ang emosyon ko.
Binuhat ko sya at tinungo ko ang kwarto namin para ihiga sya sa kama. Nang maihiga
ko sya ay hinaplos ko ang buhok nya at mukha. Ilang buntong-hininga na ang ginawa
ko dahil alam ko na bukas ay kukulitin na naman nya ako.
-
Pagsikat palang araw ay bumangon na agad ako. Ginawa ko ang morning ritual ko at
pagkatapos ay sa kusina agad ang punta ko para i-try na ipagluto si Aallotar habang
tulog pa ito.
Nag-search ako sa google ng mga recipe na pang-breakfast.
"Okay. Scramble egg. Easy."
Tumango-tango pa ako habang inahanda ang gagamitin ko. Sinubukan ko nang gawin ang
nasa google. Napalunok ako ng unti-unti nang nagtatalsikan ang mantika.. Naghanap
ako ng maaaring ipang-sangga. Kumuha ako ng takip ng kaldero at nang kumulo na nang
tuluyan ay kinuha ko ang bowl ng binate kong itlog. Binuhos ko sa kawali at
tinakpan ko nalang ang kaldero para hindi na tumalsik.
Binasa ko kung paano ang gagawin. Saglit lang daw maluto kaya naghintay lang ako ng
saglit.
Nang buksan ko ang takip ay pasunog na at halos hindi pa luto ang ibabaw, kaya
nataranta ako. Agad kong pinatay ang stove at napahinga ako ng malalim dahil palpak
ang luto ko.
"Naku, Seniorita, ako na po d'yan."
Dumating si Sally at napatingin sya sa niluto ko. Napangiwi sya kaya napailing ako
at napasabunot ng buhok. Wala talaga akong katalent-talent sa pagluluto.
"Mabuti pa nga na ikaw na.. Papanoorin nalang kita baka matuto pa ako."
"Eh, Seniorita, itatapon ko na po ba ito?"
Lumapit ako sa refrigerator at kinuha ang pitsel ng tubig. Napahinga ako ng malalim
at tumango bilang tugon. Nilapag ko sa kitchen bar ang pitsel at kinuha ko ang
crystal glass at nilagyan ko ito ng tubig.
Muli akong natulala at iniisip ang sinabi ni Aallotar kagabi. Natatakot ako na
magalit sya sa akin kung hindi ko sya pagbibigyan sa nais nya. Pero mas natatakot
ako na paglapitin sila ng ama nya. Baka masaktan lamang si Aallotar.
Paano kung may pamilya na si Atreo kay Liz? Kung nagkaanak ba sila?
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Atreo na walang nangyari sa kanila ni Liz.
Bakit nang bigyan ko sya ng chance no'n ay nakita ko na nakikipaghalikan pa sya kay
Liz sa bahay nya? 'Yun ba ang walang nangyari? Parang nabitin pa sila at sa bahay
nya pa pinagpatuloy.
Ang kapal lang talaga ng mukha at ngayon ay nais nya sigurong gamitin si Aallotar.
Bakit sawa na ba sya kay Liz? Napakababaero nya.
Aist. Dapat sa katulad nya ay pinuputulan. Kung hindi lang ako mapaparusan ng batas
ay gagawin ko iyon noong magtaksil sya.
"Seniorita..."
"What?!"
Nabigla sya sa bigla kong pagsigaw kaya napahinga ako ng malalim.
"Pasensya na.. May iniisip lang ako. Hindi ko intensyon na sigawan ka."
"Ah, okay po. Pero may tao po ata sa labas. Bubuksan ko lang po."
"Oh? Eh, si Mang Pido, wala ba sa labas?"
"Day-off po nya ngayon."
Napatango ako at napahampas ng noo ko dahil naalala ko na nagpaalam nga pala ito
para magday-off.
"Ipagpatuloy mo nalang 'yan at baka magising na si Aallotar. Ako na ang titingin
kung sino ang tao sa labas."
Tumango ito kaya nilapag ko ang hawak kong baso at tinungo ko ang labas. Lumapit
ako sa gate at binuksan ko ang maliit na gate para tignan kung sino ang tao.
Pagbukas ko ay nanlaki ang mata ko ng bumungad sa akin si Atreo na napatingin sa
akin. Tinignan ko sya at nakaayos ang porma nya. nakatuck-in ang white sleeve polo,
maong pants at brown belt. Kasama na ang black leather shoes. Pero ang kinagulat ko
ang bagong gupit nyang buhok. Medyo shaggy ang gupit ng buhok nya.
"What are you doing here?" malamig ko syang tinignan para takpan ang pagkagulat ko
kanina.
Umayos sya ng tayo at nilahad ang kumpos na bulaklak na tiyak na mahal ang
pagkakabili nya. Napataas ako ng kilay na kinangiti nya.
"I'm here to visit my daughter and ofcourse to see you."
"Wala akong panahon sa kalokohan mo. Wag na wag ka nang magpapakita rito." ambang
isasara ko na ang gate ng pigilan nya iyon at lumusot sya para makapasok na
kinausok ng ilong ko.
"Ano ba! Get out!"
Hinawakan ko sya sa braso para pigilin sa pagpasok.
"Aallotar!"
Pinilit ko na pabalikin sya palabas pero ako lang yung nahihila nya. Napasinghap
ako ng hapitin nya ako sa bewang kaya napasubsob ako sa dibdib nya.
Bigla kong narinig ang tibok ng puso ko na halos magpabingi sa tenga ko.
"Masyado kang nagpapakahirap. Hindi naman ako aalis, kahit na anong gawin mo."
Bulong nya. Napaangat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nakangiti at
maaliwalas nyang mukha.
Agad ko syang tinulak kaya napalayo sya sa akin. Tinignan ko sya ng matalim habang
sya ay ngiting-ngiti tila ba maligalig na maligalig sya.
"Father!!!"
Napatingala ako sa veranda ng room namin. At doon ay nakita ko si Aallotar na
lumabas at nakasilip.
"Hi, daughter!"
"Pumasok ka sa loob, Aallotar!"
"Don't be hard to her, Grace."
Napakuyom ako ng kamay ng sumisipol-sipol na naglakad sya para pumasok. Kaya agad
akong napasunod at agad na hinarangan ang daan nya.
"Umalis ka sa pamamahay ko. Gusto mong magpatawag ako ng security?!"
Hindi nya ako pinansin at iniwasan nya ako habang sumisipol at tumitingin-tingin
sya sa paligid na nagpatuloy sa paglalakad.
Kinuha ko ang tsinelas kong pambahay at binato ko sa kanya kaya tumama iyon sa ulo
nya. Napahawak sya sa ulo nya at lumingon sya sa akin.
Ngumisi sya at nagpatuloy muli sa paglalakad. Tumaas-baba ang dibdib ko sa sobrang
inis ko. Nanginginig ang labi ko at kamay kong nakakuyom habang pinapatay ito sa
isip ko.
Napatingin ako kay Aallotar ng bumungad sya ng bumukas ang pinto ng elevator. Agad
akong lumapit sa kanya at pinigil ko sya sa ambang pagpapaandar nya ng wheel chair
nya para puntahan ang walang-hiyang iyon.
"Go back to your room, Aallotar."
"No! I want to see my father!"
"Sinabing bumalik ka. Tumitigas na ang ulo mo, Aallotar." hinawakan ko ang wheel
chair nya at pinaharap ko syang muli sa elevator para itulak pabalik. Pero
napatigil ako ng may pumigil sya akin at nakita ko na si Atreo iyon na seryoso ang
mukha.
"Wag kang malupit kay Aallotar. Gusto ko nya akong makita, at ako gusto kong
makasama sya." aniya.
"Bakit ba namamakialam ka!? Wala kang karapatan kay Aallotar!" agad ko syang
pinigil ng bubuhatin nya si Aallotar.
"Grace, hindi ko naman ilalayo sa'yo si Aallotar. Gusto ko lang syang makasama
rito." giit nya.
Lumakas ang iyak ni Aallotar na kinabigat ng loob ko. Sinampal ko si Atreo at
tinalikuran ko sila.
Agad akong umakyat sa taas at pagdating sa kwarto ay padapa akong humiga at
sinubsob ko ang mukha ko sa unan habang tahimik na umiiyak.
-
ATREO'S POV
Napahinga ako ng malalim at napahaplos sa pisngi ko sa sobrang lakas ng sampal nya.
"Father.." agad akong naupo sa harap ni Aallotar at agad itong yumakap sa akin kaya
sinuklian ko. Hinaplos ko ang likod nya dahil patuloy sya sa pag-iyak.
"Anak, galit sa akin ang Mommy mo."
"Because you hurt her."
Napakagat ako ng labi dahil hindi ko alam kung nanunumbat ba si Aallotar o talagang
ganun lang sya magsabi.
"Yes, I hurt her. But I'm innocent."
Umalis sya ng yakap sa akin at tinignan ako. Wala syang suot na wig kaya hinawi ko
ang buhok nya para iipit sa tenga nya para hindi sumabog sa mukha nya.
"Gracy is mad at me also. Pero gusto ko po kayong makita."
Tumayo ako at pumunta sa likod nya. Tinulak ko ang wheel chair at sa sala kami
nagpunta. Naupo ako sa sofa at tumingin muli ako sa kanya.
"Anak, gusto kong mapatawad ako ng Mom mo. Matutulungan mo ba ako?"
Napanguso sya at napakamot sa ulo na kinangiti ko. She's so cute. Para syang si
Grace kapag titignan.
"Well, hindi ko po alam kung mapapatawad nya kayo. Gracy is like a wild tiger. I
swear. Kapag po nagalit sya, nakakatakot..." napangiti ako sa paglalarawan nya kay
Grace. Para bang kabisadong-kabisado na nya ang Mom nya. Ang pinagtatakahan ko lang
ay kung bakit Gracy ang tawag nya kay Grace?
"But I help you, Father."
"Really?" napangiti ako ng tumango sya, "So, how?"
Ngumiti sya at sinenyasan nya akong lumapit sa kanya kaya lumapit ako. Nilapit ko
ang tenga ko sa bibig nya.
"Make her like she's the only one. Wag nyo na pong hayaan na maramdaman nya kung
ano ang trinato nyo sa kanya noon. Gusto po ni Gracy na hindi nagsisinungaling.
Ayaw din po nya na kapag kinakausap ka nya ay sa iba ang atensyon nyo. At gawin nyo
po ang lahat para mapangiti sya. At kapag napangiti nyo na po sya ay tiyak po na
unti-unti ng gagaan ang pagtrato nya sa inyo."
Lahat ng sinabi ng anak ko ay tinatak ko sa isip ko. Kung kailangan kong gawin ang
lahat ay gagawin ko. Gusto kong mabawi syang muli. Gusto kong makasama sya at si
Aallotar. Hindi ko na hahayaang mangyari muli ang dati.
"Hmmm. Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa po."
Napangiti naman ako at tumayo na. Kinindatan ko sya at napatakip sya ng bibig at
nanlaki ang mata nya.
Napangiti ako lalo sa reaksyon nya at napaunat ako ng braso bago nagpunta sa likod
nya para tinulak ang wheel chair nya.
"Kung gano'n ay uumpisahan ko na ngayon.."
Pumalakpak sya at napa 'yehey' kaya natawa ako. Pagdating sa kusina ay naabutan ko
ang tila isang kasambahay nila.
"Yaya, this is my father. General Atreo. Ipagluluto po nya si Mommy."
"P-Pero baka magalit sa akin ang Mom mo."
"Hindi po. Trust me."
Nahihiya na yumuko sa akin ang Yaya pala ni Aallotar. Nang kami nalang ang naiwan
ng anak ko ay tinupi ko na ang dulo ng mangas ng polo ko para hindi makasagabal sa
pagluluto ko.
Kinuha ko ang apron at tinignan. Gracy. Napangiti ako dahil hand made ang
pagkakatahi ng pangalan. Tumingin ako sa maliit na apron at nakita ko na Aallotar.
"Anak, sinong may gawa nitong apron?"
"Bigay po 'yan ni Tito John."
Napakuno't noo ako sa sinabi nyang pangalan. Who's that bastard?
Napatingin ako kay Aallotar ng humagikgik sya.
"Are you jealous? Don't worry, father. Tito John is just a suitor."
Agad kong kinuha ang apron ni Aallotar at kasabay ng apron ng kay Grace ay tinapon
ko iyon sa basurahan.
"Anak, dadalhan ko nalang kayo ng bagong apron. At kapag nagbigay pa iyong John na
iyon ay wag mong tanggapin, ha?"
Napangiti sya at nag-thumbs up sa akin na kinangiti ko. Pero iniisip ko kung sino
ba ang John na iyon? Tila meron pang eeksena sa paglapit ko muli sa mag-ina ko.
Hindi ko nalang muna inisip ito at nagsimula na akong magluto. Lahat ng pang-
breakfast na pagkain ay niluto ko at siniguro ko na masarap.
Nang mailuto ko na ang lahat ay pinaglalapag ko na ito sa lamesa. Kumuha din ako ng
tatlong plato. At mga kubyertos at mga basong gagamitin namin.
Nagtimpla ako ng gatas para sa dalawa at para sa akin ay kape. Inalis ko na ang
suot kong apron at tumingin ako kay Aallotar.
"So what's next?"
"Puntahan nyo po sya sa kwarto namin. Sigurado po akong nandoon sya."
Napaisip ako at napahinga ng malalim. Tumango ako kay Aallotar at tinulak ko ang
wheel chair nya para dalhin sa hapagkain.
"Just wait for us, okay?"
"Okay, Father." napangiti ako at pinisil ang pisngi nya. Napangiti sya kaya tumayo
na ako ng tuwid at bumuga ng hangin.
Sana ay wag nya akong bugahan ng apoy kapag inaya ko sya.
Umakyat na ako ng hagdan at inayos ko ang buhok ko at napadila pa ako ng labi.
Ngumiti ako at nang makatuntong ako sa taas ay nilibot ko ang tingin. Tinungo ko
ang isang kwarto at pagkakita ko sa loob nito ay madilim kaya binuhay ko ang ilaw.
Napamaang ako ng bumungad sa akin ang malaking entertainment room. Parang nasa
cinehan. Malaking screen ng television at may ilang seat. Nilibot ko ang tingin at
nakita ko ang mga standee ni Grace. Puro mga fierce look katulad ng ayos nya nung
may shooting sila sa kampo.
Sinara ko na ang pinto at nilibot ko ang paningin ko. Napatingin ako sa pinto na
hindi masyadong naisara kaya doon ako nagtungo.
Unti-unti ko tinulak ang pinto para mas buksan, at sinilip ko ang ulo ko. Nilibot
ko ang tingin sa loob hanggang sa mapatingin ako sa kama. Nakahiga si Grace habang
nakatukod ang paa nya sa kama na kinataas ng mga binti nyang kitang-kita ang
kaputian at kakinisan.
Kanina ko pa napansin ang sexy nyang suot. Kahit na simpleng cotton short at sport
sando ay ang lakas parin ng alindog nya. Nakapikit ang mga mata nya at hindi ko
alam kung natutulog ba sya?
Kaya dahan-dahan akong humakbang papasok. Lumapit ako sa kama nya at napagmasdan ko
ang katawan nya ng malapitan. Napalunok ako at pinakalma ang sarili.
Hindi pupwede na sunggab ng sunggab, Atreo. Baka imbes na patawarin ka ay
patalsikin ka pa.
"Grace.."
Nagulat ko ata sya kaya napadilat sya at napaupo.
"Walang-hiya ka! Anong ginagawa mo rito!?"
Napapikit ako ng ihampas nya sa mukha ko ang unan. Agad ko syang hinawakan sa
bewang at binuhat ng parang sako ng bigas.
"Kakain na tayo." nakangiti kong sabi at naglakad na ako palabas ng kwarto.
"Ibaba mo ako! Walang-hiya ka talaga"
"Palagi mo nang sinasabi 'yan, ha? Saan ka natuto? Wag na wag mo nang sasabihin
'yan kahit sa harap ni Aallotar."
"Pakialam mo ba?! Wala kang karapatan na pagsabihan ako."
Napahinga ako ng malalim at nang makalapit na kami sa hapagkain ay inupo ko sya sa
upuan.
"Father, paano nyo po nabuhat si Gracy?"
Tumingin ako kay Aallotar at kumindat na kinangiti nya. Tumingin ako kay Grace na
inis ang mukha habang nakatingin sa kawalan.
"Okay. Let's eat." nakangiti na naupo ako sa harap ni Grace. Tumingin ako kay
Aallotar ng kalabitin nya ako. Napangiti ako lalo nang maunawaan ko. Kaya tumayo
ako at binuhat ko sya. Naupo muli ako at inupo ko sya sa hita ko. Napatingin ako sa
mga binti nya at lihim na napabuga ako ng hangin dahil walang kabuhay-buhay ang mga
paa nya.
"Ayokong kumain. Kayo nalang." napatingin ako kay Grace na ambang tatayo na sya.
"Aallotar, ayaw kumain ng Mom mo. It is a good example to you?"
Tumingin sa akin ang anak ko at umiling sya na lihim kong kinangiti. Tumingin ako
kay Grace na matalim na nakatingin sa akin.
"Sit down." ngumiti ako sa kanya na kinairap nya. Hinalikan ko sa pisngi si
Aallotar na kinahagikgik nito.
Ngiti-ngiti na kumuha na ako ng kakainin ni Aallotar.
"Grace.."
Napatingin ako sa hindi pamilyar na boses na nagsalita. At napataas ang isang kilay
ko ng makita na isang lalake na tila kakagaling lang sa busines meeting. Suot nya
kasi ang formal suit.
"John!" napatingin ako kay Grace na napatayo. Nag-igting ang bagang ko ng lumapit
si Grace rito, "It's nice to see you again."
"Yes, it's nice to see you again also."
"Ah, Aallotar, maiwan ka muna d'yan sa lalakeng iyan.. Mag-uusap lang kami ni
John.",
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara habang matalim na tinignan si Grace na ngumisi
lang at umirap sa akin bago humawak sa braso ni John para umalis na sila.
Naibaba ko ang kutsara at napasandal ako sa upuan.
"Palagi bang dumadalaw sa Mom mo ang lalakeng iyon, anak?"
"Hmmm.. Actually po, ngayon lang po sya ulit nagpakita. I heard may business trip
sya sa ibang bansa."
Napakuyom ang kamay ko sa inis. Hindi pupwedeng humadlang ang lalakeng iyon. Kung
kelan nagsisimula na akong ayusin ang pamilya ko at tsaka pa ito eeksena.
"Father, do you want my help?"
Napatingin ako kay Aallotar at nagkatinginan kami. Unti-unti akong napangiti kaya
napangiti sya bago kami nag-apir.
"Tingin ko ay mas malaki ang maitutulong mo, anak."
Napahagikgik sya at yumakap sa akin kaya napangiti ako at hinaplos ang buhok nya.
"And I know you like my idea, Father."
"Yes, I like it." pareho kaming natawa at kinuha ko na ang kubyertos para pakainin
na ang anak ko.
Kabanata 33
"John, kamusta ang paghahagilap mo?"
Niluwagan nya ang kurbata nyang suot at nilapag nya ang attaché case na hawak nya.
May kinuha sya doon at nilabas ang ilang papel na naka-stapler.
"Wala sya sa ibang bansa, dito lang sya nagtatago."
Napakuyom ang kamay ko sa sinabi nya. Pero pinakalma ko ang sarili ko.
"Saan sya nagtatago kung gano'n?"
"Here.." napatingin ako sa papel na inabot nya kaya kinuha ko iyon, "D'yan nakasaad
ang address nya."
"Sigurado ka ba rito?"
"Oo."
Anong ginagawa nito doon?
"Oh, kape mo dude."
Agad kong na naibilot ang papel at tumingin ako kay Atreo na sumingit na naman.
Kanina pa sya. Nandyan na dito pa talaga sila naglaro ni Aallotar at ang
napakalakas ng tawa nya kaya halos madistract si John sa pag-uusap namin.
Napataas ang kilay ko na naupo sya sa isang bakanteng silya na rattan at
humalukipkip sya habang nakangiti sa amin.
"Wag nyo akong pansinin. Go ahead. Hindi ako makikinig."
Tsss.
Tumingin ako kay John at ngumiti sya. Tumayo na sya kaya napahinga ako ng malalim
at tumayo na rin.
"I have to go, Grace. Text mo nalang ako kung may kailangan ka pa sa akin."
Tumango ako at ngumiti sa kanya, "Salamat, John."
"Walang anuman... Sige." tumingin sya kay Atreo kaya tumingin din ako rito.
Ngising-ngisi si Atreo na kinairap ko. Umalis kami ni John sa harap ni Atreo para
ihatid ko sya sa labas.
"Grace, sya ba ang ama ni Aallotar?"
Tumango ako at napahinga ng malalim, "Yes."
"Nagkabati na ba kayo?"
"Hindi pa."
"Bakit hindi mo alamin sa kanya ang totoo?"
Tumingin ako kay John at umiling, "Ayoko. Ayokong sa kanya marinig. Gusto kong ako
mismo ang umalam."
"Okay, sabi mo... Pero selos na selos iyon. Kanina pa nagpapansin."
"Wala lang magawan iyan... Sige na, umalis ka na."
Napailing sya at may kinuha sa bulsa ng tuxedo nya. Nakita ko na isang invitation.
"Dumalo ka sa engagement party namin ni Dave."
Kinuha ko ang invitation na hawak nya at napabuntong hininga ako habang tinitignan
ang sweet photo nila ni Dave.
"Tsss." asik ko at napailing ako na tumingin sa kanya.
"Sorry, Grace, pero hanap ka nalang ng pagpapanggapin mong suitor. Oh 'di kaya,
patawarin mo na ang gwapong iyon."
"Tigilan mo ako, John. Umalis ka na nga." Binuksan ko na ang gate kaya napailing
sya at lumabas na. Sinara ko na ang gate at tinago ko mula sa garter ng short ko
ang invitation nya dahil baka may makakita pa.
Pumasok na ako sa loob. Tumingin ako sa sala pero wala doon sila Aallotar.
Napatingin ako kay Sally na lumabas tila kagagaling lang sa garden.
"Sally, nasaan sila Aallotar?"
"Ah, Seniorita, nasa taas po."
Napatango ako at nagpasalamat rito bago tinungo ang taas. Tinungo ko ang
entertainment room pero wala naman sila doon. Kaya sa kwarto na ako dumeretso.
Pagpasok ko ay napakuno't noo ako ng makarinig ng tawanan mula sa banyo kaya
lumakad ako palapit doon.
Marahan kong tinulak ng kaunti ang pinto at sumilip ako. Sa bathtub ay nakita ko na
nakababad doon si Aallotar habang sinasabon ni Atreo ang buhok nya.
"Okay, taas mo ang mga kamay mo, anak."
Tinaas nga ni Aallotar ang mga kamay nya at napahalakhak sya ng sabunin ni Atreo
ang kili-kili nya tila nakiliti sya.
Napahigpit ang hawak ko sa pinto at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
Ngayon ko lamang nakita si Aallotar na ganitong kasaya. At tila si Atreo ang
nagpapabigay no'n kay Aallotar.
Maingat na sinara ko ang pinto at nang maisara ko na ay rinig ko parin ang tawanan
nila. Napangiti ako kahit paano.
Umalis ako sa harap ng pinto at tinungo ko ang walk-in closet para ikuha ng isusuot
si Aallotar. Pagbalik ko ay nag-ring ang phone ko na nasa side table.
Nilapag ko sa kama ang mga damit ni Aallotar at tsaka ko nilapitan ang phone ko.
Napahinga ako ng malalim na makita na si Danie ang tumatawag. Naalala ko na meron
nga pala kaming taping.
"Yes, hello?"
"Ah, Ma'am, pinapasabi ni Derek na cancel daw muna ngayong araw ang taping. Bukas
nalang daw po, tutal ay patapos na daw po ang eksenang gagawin nyo."
"Ganun ba, mabuti naman. Sige, salamat sa pag-inform."
"No problem, Ma'am. Sige po.."
Binaba na nya ang tawag kaya napahinga ako ng malalim. Tumingin ako sa wall clock
at nakita ko na alas diyes na pala. Malapit nang mag-tanghalian.
"Hahahaha!"
Napalingon ako ng marinig ko ang tawa ng dalawa. At nakita ko si Atreo na buhat-
buhat si Aallotar na bagong ligo habang nakasuot ng roba nya.
Napatingin sila sa akin kaya umismid ako at tumingin sa damit ni Aallotar.
"Heto ang damit nya."
"Okay." ngumiti sa akin si Atreo kaya inismiran ko sya at naglakad na ako para
magtungo muli sa closet.
Nagpalit ako ng simpleng gray shirt and maong boyfriend jeans. Sinuot ko ang white
rubber shoes at lumabas na ako.
Naabutan ko na binibihisan ni Atreo si Aallotar na kinahinto ko. Pinanood ko sila.
Ganadong-ganado si Atreo na bihisan si Aallotar. Bumigat ang hininga ko at
napakurap ang mga mata ko sa ambang pag-ngilid ng mga luha ko.
Huminga ako ng malalim at naglakad na palapit sa kanila.
"Ahem!"
Lumingon si Atreo at tumingin sa akin. Hindi ako nagpakita nang anu mang
pagkailang.. Walang emosyon ko parin syang tinignan.
"Gusto mong alagaan si Aallotar, 'di ba?"
Tumango sya at kinuha ang pulbos para lagyan ang likod ni Aallotar.
"Oo, bakit mo natanong?"
"Kung gano'n ay bantayan mo sya rito. Wag na wag mong ilalabas, kundi hindi ka na
makakalapit pa." lumapit ako sa kanila at naupo ako para makaharap si Aallotar,
"Aallotar, aalis lang ako saglit. Okay lang ba sa'yo?"
Ngumiti sya at tumango, "Okay na okay po. Basta po kasama ko po si Father."
Napasimangot ako dahil parang ayos lang sa kanya na umalis ako. Napahagikgik sya at
hinawakan ang mukha ko.
"Ingat ka po, Gracy." aniya at hinalikan ako sa lips kaya napangiti na ako.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko na nasa side table.
"Gracy, saan po ang kiss din ni Father?"
Napatigil ako sa pagsilid ng phone ko sa bag dahil sa demand ni Aallotar. Tumingin
ako rito at napatingin ako kay Atreo na patuloy lang sa paglagay ng pulbos sa likod
ni Aallotar.
"I need to go, Aallotar." sinukbit ko na ang bag sa braso ko.
"Gracy, kiss father please.."
"Wag na, anak." pigil ni Atreo kay Aallotar, "Baka nahihiya lang ang mom mo."
Matalim ko syang tinignan. Napataas ang sulok ng labi nya tila pinipigil nya ang
mapangiti bago nya sinuotan ng damit si Aallotar.
"Okay." Ani ni Aallotar.
Napakuyom ang kamay ko habang pinipigilan kong sigawan si Atreo. Lumapit ako rito
at medyo binend ko ang katawan ko at nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Dadampian ko
lang sana sya sa pisngi ng halik ngunit nabigla ako ng humarap sya at tumitig sa
akin ng malalim bago nya sakupin ang labi ko.
"Waaaahhh!"
Agad kong naitulak si Atreo na kinahiga nya sa kama. Natauhan ako sa tili ni
Aallotar at parang pakiramdam ko ay nag-init ang mga pisngi ko, kaya agad na akong
nagmadaling lumabas ng kwarto. Pagsara ko ng pinto ay narinig ko pa ang pagtili sa
tuwa ni Aallotar at ang halakhak ni Atreo tila nanalo sa ano mang papremyo.
Napapikit ako at napahawak ako sa labi ko. Rinig na rinig ko ang kalabog ng dibdib
ko at ngayon ko lang naibuga ang hangin na halos pigilin ko kanina. Nanginig bigla
ang mga kamay ko kaya huminga ako ng malalim at umiling-iling.
Agad na akong nagmadaling bumaba at lumabas ng bahay para makaalis na. Pagsakay ko
ng kotse ay agad ko na itong binuhay at pinaandar..
Habang lulan ako ng sasakyan ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Pero agad ko ring
inalis ng maalala ko ang dapat kong puntahan.
Medyo malayo din ang binayahe ko para makita ang pupuntahan ko rito sa mandaluyong.
Hininto ko ang sasakyan ng makarating ako sa harap ng isang mental hospital.
Tumingala ako sa mataas na building at napatingin ako sa paligid. Nakita ko ang mga
pasyenteng may mga problema sa pag-iisip na kasunod ang mga nurse na nakabantay sa
mga ito.
Kinuha ko ang sumbrero at shades ko para isuot. Tumingin ako sa rear mirror para
makita ko kung hindi na ba ako makikilala.. Nang kontento na ako sa ayos ko ay
kinuha ko na ang bag ko at bumaba ng kotse.
Naglakad na ako para tahakin ang loob ng hospital. Marami ang napapatingin sa akin
kaya medyo yumuko ako at tinabunan ng buhok ko ang isang side ng mukha ko.
Nang makarating ako sa nurse station ay huminto ako.
"Ah, Nurse, pwede bang magtanong?"
Napaangat ito ng tingin at agad na lumapit para marinig ang sasabihin ko.
"Sige po, ano po ba iyon?"
"Hmmm... May Liz ba kayong pasyente rito?"
"Sorry po, Ma'am, pero hindi po kami nagbibigay ng information sa pasyente namin."
"Kaibigan nya ako. Nag-aalala kasi ako sa kanya. Sabi ng tito nya ay nandito daw
sya."
Napatingin sa akin ang nurse at lihim na napangiti ako ng buklatin nya ang patient
book record.
"Sorry, Ma'am. Ano po bang apelyido ng Liz?"
Ano nga ba?
Agad kong kinuha ang papel na binigay ni John sa akin.
"Ah, Liz Buenitez?"
Tinignan nya ulit sa book record at umiling sya.
"Wala po kaming Liz Buenitez. Meron lang hong Elizabeth Buenitez."
"Oh, 'yan nga. Elizabeth."
"Nasa garden ho ngayon si Elizabeth. Puntahan nyo nalang ho doon."
Napatango ako at huminga ng malalim, "Ah, saan ba ang garden?"
"Deretsuhin nyo lang ho itong pasilyo at makakakita po kayo ng pinto. Lumabas lang
ho kayo at doon na ang garden."
"Sige, salamat." tumango sya habang minumukhaan ako.
Agad akong umalis sa harap nito at tinahak ko ang mahabang pasilyo. Nang makarating
ako sa harap ng pinto ay tinulak ko ito at lumabas ako.
Paglabas ko ay maaliwalas na paligid at puno ng mga puno at tanim na mga bulaklak
ang bumungad sa akin. Lumakad ako palabas habang nililibot ko ang tingin.
"Joy! Wag ka d'yan!"
Nakita ko ang babaeng wala sa sarili na natatawa na tinatakbuhan ang nurse na
bantay nya. Marami ring mga pasyente at nurse sa paligid. Lumakad pa ako hanggang
sa mapatingin ako sa babae na nakaupo sa bench habang nakatulala sa kawalan.
Napakuyom ang kamay ko ng makilala ko ito. Agad akong lumapit rito at humarang sa
harap nya. Napaidtad sya at napatingala sa akin. Kumuno't ang noo nya kaya inalis
ko ang shades ko at sumbrero na kinatigalgal nya.
Napaatras sya sa upuan nya habang nangingilid na agad ang mga mata nya.
"G-Grace."
Napatawa ako ng pagak habang tinitignan sya na may pagkamunhi.
"Mabuti naman at naaalala mo pa ako? Dito ka lang pala nagtatago. Gusto mong
takasan ang kasalanan mo, ano?"
"H-Hindi... P-Patawarin mo ako.." ambang hahawakan nya ako ay agad ko syang
sinampal.
"Hindi kita mapapatawad! Dahil kahit anong gawin mo ay hindi na makakalakad ang
anak ko nang dahil sa inyo ni Atreo! Sinira mo ang lahat! Hayop ka!"
Napahagulgol sya at umiling, "Sorry.. Sorry.. Mahal na mahal ko lang si Atreo. Wala
syang kasalanan. Wala syang kasalanan."
"Anong pinagsasabi mo?"
Napadaop ang kamay nya at lumuhod sya sa harap ko. Mas lalo syang humagulgol at
nanginginig sya.
"W-Walang nangyari sa amin ni Atreo.. P-Pinatulog ko lang sya. Mahal na mahal ko
sya kaya baka makuha ko sya kung iisipin nya na may nangyari sa amin."
Hindi ako makapaniwala na napatingin sa kanya. Napakagat ako ng labi dahil totoo
ang sinasabi ni Atreo.
"A-Apat na taon, Liz. Apat na taon mong pinatagal. Kung hindi pa kita nahanap
ngayon ay hindi ko pa malalaman! Alam mo ba na suklam na suklam ako kay Atreo dahil
sa nangyari sa anak namin!? At sa ginawa nyo! Nasusuklam ako sa kanya na wala naman
palang kasalanan! Ikaw, masaya ka ba na nasira mo ang lahat sa amin, ha!?"
Umiling-iling sya, "So-Sorry.. K-Kasalanan ko. Kasalanan ko.." napasabunot sya sa
buhok nya kaya napaatras ako.
"Naku! Ma'am!" agad na naglapitan ang dalawang nurse kay Liz. Nagwala na si Liz
habang iyak na iyak. Agad nilang inalis si Liz sa harap ko. Napasunod ang tingin ko
sa kanila.
"Kasalanan ko! Kasalanan ko! Napakasama ko!!!" iyon ang huling hiyaw ni Liz bago
sila nakapasok sa loob.
Naupo ako sa bench at napahawak sa dibdib ko. Napahagulgol ako dahil ngayon ko
lamang nailabas ang emosyon ko. Nawala ang harang na nilagay ko sa puso ko. Parang
lahat ng tanong sa isip ko ay nasagot. Pero pinalitan naman ng panghihinayang sa
panahon na nasayang dahil kay Liz. Sinira nya ang lahat.
Napatingin ako sa bag ko ng umalingawngaw ang phone ko. Pinahid ko ang pisngi ko at
kinuha ang phone ko.
Pagtingin ko ay nakita ko na hindi nakaregister ang number na nakalagay. Number
siguro ito ni Atreo kaya sinagot ko ang tawag.
"Gracy!" napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Aallotar.
"Oh?"
"Gracy, pauwi ka na po?"
"Hmm.. Bakit?"
"Nandito po kasi sila Mom and Dad."
Napatayo ako sa sinabi nito at kinabahan ako.
"Sige, pauwi na ako." agad na akong lumakad pabalik para makalabas ng building.
Pagdating sa kotse ay agad na akong sumakay at nilapag ko sa front seat ang bag,
sumbrero at shades ko. Pinaandar ko na ang sasakyan at agad na akong umalis sa
mental hospital.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela at mabilis ko nang pinatakbo ang sasakyan para
mabilis akong makauwi.
Kinakabahan ako na baka anong gawin ni Dad kay Atreo kung nagkaharap man sila
ngayon.
-
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko na ang mercedez na itim na kotse ni Dad. Agad
kong pinarada sa harap ng bahay ang kotse ko at bumaba na agad ako.
Nagmadali akong pumasok at pagtingin ko sa sala ay nakita ko sila Dad at Mom habang
nilalaro si Aallotar. Napatingin ako sa paligid para hanapin si Atreo. Dahil wala
ito at tila wala namang nangyaring kakaiba sa bahay.
"Oh, anak, narito ka na pala."
Napatango ako kay Mom at tumingin kay Aallotar. Kumindat sya at may nginuso.
Nginuso nya ang itaas kaya naunawaan ko na nandoon si Atreo at nagtatago.
Nakahinga ako ng maluwag na lumakad palapit sa kanila. Naupo ako sa single couch at
tumingin kela Dad.
"Oo nga pala.. Kanino yung sasakyan na nasa tapat ng bahay mo, Anak?"
"Ah... Baka nakiparada lang po, Mom."
Napatango naman si Mom. Tumingin sa akin si Dad kaya lihim na napalunok ako.
"Saan ka ba nagpunta at iniwan mo si Aallotar?"
Napahinga ako ng malalim at sumandal sa sandalan. Napahilot ako sa sentido ko ng
maalala ko muli ang paghaharap namin ni Liz at ang mga sinabi nito.
"May pinuntahan lang po ako saglit na kakilala."
"Sa susunod, kung iiwan mo lang rin si Aallotar ay tawagan mo kami."
"Nandyan naman po si Sally.."
"Kay Sally mo lang iiwan? Paano kung may pumasok na ibang tao sa bahay mo? Sinabi
ko kasi sa'yo na kunin mo na ang mga bodyguard mo at para hindi kami nangangamba na
maiiwan ng mag-isa si Aallotar dito."
Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Dad. Matagal na nyang pinipilit iyon pero
ayoko.
"Dad, hindi naman po. Tsaka saglit lang naman ho akong umalis... Sige ho, sa
susunod ay isasama ko na po na si Aallotar."
Napailing si Mom at ngumiti sa akin kaya napangiti ako.
"Ano ka ba, Tanda. Hayaan mo na ang anak natin at alam na nya ang ginagawa nya sa
buhay nya."
Ibig kong matawa ng magsalubong ang kilay ni Dad. Ayaw nya kasing tinatawag sya ni
Mom ng matanda.
"Halika na nga, Sweet heart. At ipapakita ko sa'yo kung sino ang matandang sinasabi
mo." tumayo na si Dad at lumapit kay Mom para kunin ang kamay para ipatayo.
"Ano ka ba naman, James! Nakakahiya ka!" ayaw pang tumayo ni Mom pero hinawakan na
sya sa bewang ni Dad at hinila.
"Babye po, Mom at Dad!"
"Bye, Sweetie. Grace.." tumango ako kay Mom at napangiti na tinignan sila na
naglakad na. Tinanaw ko lang sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
Agad na tumingin ako kay Aallotar at lumapit ako sa kanya bago naupo sa tabi nya.
Nakaupo kasi sya sa sofa at nasa tabi nya ang wheel chair.
"Nasaan ang ama mo?"
"Nasa taas po." napatango ako at tumayo na. Kinilik ko sya at tumingala ako sa
taas. Napahinga ako ng malalim at tinungo ko na hagdan at umakyat.
Pagdating sa taas ay nilibot ko ang tingin ko.
"Nasa kwarto po sya, Gracy."
Napahinga muli ako ng malalim at naglakad na patungo sa kwarto. Pagpasok namin ay
nilibot ko ang tingin para hanapin kung saan nagtatago si Atreo.
"Atreo..."
Napatingin ako sa pintuan ng walk-in closet at nakita ko na lumabas doon si Atreo.
Napatingin sya sa akin at napangiti bago inilang hakbang ang pagitan namin. Nanlaki
ang mata ko ng agad nya kaming niyakap ni Aallotar at ang mas nagpasinghap sa akin
ng sakupin nya ang labi ko.
Agad ko syang tinulak sa dibdib kaya napalayo sya, pero niyakap nya muli kami ni
Aallotar.
"God. Thank you, baby wife." napalunok ako at kinabahan sa sinabi nya.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
Bumitaw sya ng yakap at hinawakan nya ang mukha ko habang nakangiti. Pero kinayanan
ko parin syang tignan nang walang emosyon.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.. Akin ka lang talaga. At kahit na ano
pang ipakita mo o paalis mo man ako ngayon ay hindi mo ako mapapaalis pa sa buhay
mo, sa buhay anak natin. I love you.."
Natulala ako pero napasinghap ako ng yakapin nya ang bewang ko at binuhat nya kami
ni Aallotar.
"Ano ba! Ibaba mo nga kami!" napasubsob ako sa leeg ni Aallotar sa takot na baka
mahulog kami. Habang si Aallotar naman ay napapahagikgik pa tila tuwang-tuwa pa.
Hindi ko alam kung ano ang kinikilos at sinasabi ni Atreo pero kinabahan ako na
hindi ko alam kung para saan.
Nakita kaya nya?

Kabanata 34
Hinahalughog ko na ang closet ko ngunit hindi ko makita ang tinago ko sa box.
Napaisip ako at lumipat sa jewelry drawer at tinignan ko kung doon ko ba nailagay.
Ngunit wala doon.
Inipit ko ang tikas ng buhok ko sa tenga ko at napamewang ako habang iniisip kung
saan ko nga ba nailagay ang folder? Napabuntong hininga ako at napakagat ng labi.
Kinakabahan ako. Hindi kaya ay nakita nya o nakuha nya?
Umiling ako. Hindi. Hindi siguro nya nakita. Binuksan ko pa ang isang closet at
hinawi ko ang mga dress ko na nakahanger.
"Ito ba ang hinahanap mo?"
Agad akong napahinto sa paghalungkat sa closet ko at napalingon ako sa pinto.
Muntik na akong ma-out of balance ng makita ko ang hawak nya.
Ngumisi sya na lumakad palapit sa akin habang tinitignan ako. Napalunok ako at
napakapit sa dress ko habang tinitignan ang hawak nya.
Nang makalapit sya ay ambang hahablutin ko iyon ng agad nyang ilayo habang
umiiling-iling sya.
"Nah. Nah. Hindi ko ibibigay sa'yo ito hanggang hindi nasasagot ang tanong ko..."
"Wala iyan. Akin na nga!" pinakita ko na wala akong emosyon, ngunit hindi iyon
tumalab sa kanya. Mapapasandal sana ako ngunit wala nga palang matibay na pader sa
likod ko dahil bukas ang closet kaya kamuntikan na akong mapaupo kung hindi lang
ako nahawakan ni Atreo sa bewang.
"Masyado kang tense.. Bakit, dahil alam mo kung ano ang nakita ko sa folder na
ito?" ngumiti sya habang nakatitig sa akin at napatingin sa labi ko habang
pinipigilan nya na mapangisi.
Inabot ko ang hawak nyang folder pero napasinghap ako ng alisin nya ako sa harap ng
closet at sinandal nya ako sa pader. Tinulak ko sya sa dibdib pero hindi sya
nagpatinag.
"Tell me... Bakit hindi mo pinasa sa korte ang annulment paper natin?" tanong nya.
Napaiwas ako ng tingin at naibaba ko ang mga kamay ko sa biglang panlalata..
Napapikit ako ng sumayad ang ilong nya sa pisngi ko tila inaamoy-amoy.
"Tell me... I'm waiting, baby wife." bulong nya.
"W-Wala lang iyan.. Kopya lang yan."
Tinulak ko sya ng dilaan nya ang tenga ko dahil nakikiliti ako. Pero hindi sya
nagpatinag.
"This is the true copy, baby wife. So, don't lie to me... Answer me. Or. Else. You.
Regret."
Tumingin ako sa kanya at tinignan ko sya ng matapang sa mata. Unti-unting nag-init
ang gilid ng mata ko at binayo ko ang dibdib nya.
"Because I can't. Hindi ko kaya! Oo, sinaktan mo ako noon, pero hindi ko alam sa
sarili ko kung bakit ayaw ng puso ko na putulin ang kasal natin! Nakakainis ka!
Kahit na sinaktan mo ako ay hindi parin kita maalis sa puso ko! Nandito ka parin!
Kahit na ano pang lamig o pader ang iharang ko sa puso ko ay hindi parin kita
maalis sa puso ko!" napahagulgol ako kaya agad nya akong niyakap, "Naiinis ako
sa'yo dahil pakiramdam ko ay pinaglaruan mo lang ako, kaya ako lang ang
nasasaktan."
Humigpit ang hawak nya sa likod ko at hinaplos nya ang buhok ko.
"Shhh. Hindi kita pinaglaruan. Ako man ay nasaktan sa nangyari sa atin. Pero
patawarin mo ako kung naging duwag ako."
Umalis ako ng yakap at tumingin ako sa kanya habang umiiyak.
"Alam mo ba na nais sana kitang bigyan ng chance para patawarin ka, pero nasaktan
lang ako ng makita ko kayo ni Liz na naghahalikan sa mismong bahay mo."
Napakuno't ang noo nya at tila napaisip sya. Pero agad din ata nyang naalala dahil
napatango sya.
"Hindi ko sya hinalikan."
"Hindi daw. Kita ko kaya na naghahalikan kayo."
Ngumiti sya at pinahid ang luha sa pisngi ko ng may pumatak na naman.
"Hindi ko sya hinalikan. Oo, sya, balak akong halikan, pero agad kong pinigil ang
pisngi nya. Saglit ka lang ata tumingin. Hindi mo ata nakita ang pagtulak ko sa
kanya."
Napanguso ako dahil tama ang sinabi nya. Syempre, sino ba ang tatagal panoorin ang
halikan nila? Hindi naman ako martir para panoorin pa.
"Pero hindi mo naman ginawa ang lahat. Apat na taon, pero wala ka namang ginawa
para ipaliwanag ang lahat."
Napahinga sya ng malalim at napatingala bago tumingin sa akin.
"Hindi naman kasi ako makalapit sa'yo dahil sa dad at mga kapatid mo. At meron din
sa puso ko na sakit ng papirmahan mo ako ng annulment natin. Kaya nawalan ako ng
lakas at halos sirain ko ang sarili ko noon. Pero dahil nandyan si Grand Ma ay
umuwi muna ako ng greece. Nagpunta rin ako sa ibang bansa at namalagi sa isang
mosque para pagdusahan ang kasalan ko sa'yo at sa anak natin. Kaya nito lang ako
nakabalik muli. Patawarin mo ako kung naging mahina ako. Dahil nang mga panahon na
iyon ay wala din akong kaalam-alam sa nangyari. Kaya wala na din akong mukhang
maihaharap sa'yo."
Napatango ako at ngumiti sa kanya sa muling pagkakataon. Napahinga sya ng malalim
at ngumiti bago pisilin ang baba ko.
"Mabuti naman at nginitian mo na ako. Namiss ko ang mga ngiti mong ito."
"Pinipilit ko lang naman na itago ang ngiti ko. Kasi gusto kong malaman ng iba na
hindi na ako madaling maloko. Gusto kong isipin ng iba na malakas ako. Pero ewan ko
ba. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit wala akong tapang na kagaya ng pamilya
ko. Para bang napakahina ko at duwag."
Umiling sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Hindi ka mahina o duwag. Dahil ang palakihin si Aallotar ng mag-isa ay isang
katapangan na iyon. Kaya wag mong sabihin 'yan, ha?"
Tumango ako kaya ngumiti sya. Tumingin sya sa labi ko at napapikit ako ng lumapit
ang mukha nya at sakupin nya ang labi ko. Napakapit ako sa damit nya at napabuka
ang labi ko para tugunan ang halik nya.
Nagpalitan kami ng halik habang ramdam na ramdam namin ang pagtibok ng aming puso
dahil sa magkalapat naming dibdib. Hinaplos nya ang buhok ko at bumaba ang kamay
nya sa balikat ko pababa sa braso ko.
Bumitaw kami ng halik at napadilat ako kaya nasalubong ko ang mga mata nya. Ngumiti
kami sa isa't-isa.
Nagkatitigan kami at muling bumaba ang labi nya kaya kusa ko nang sinalubong ang
halik nya. Naging malalim ang palitan namin ng halik at ramdam ko ang kasabikan sa
haplos nya sa braso ko pababa sa bewang ko.
Napahawak ako sa balikat nya at pumikit habang dinadama ang mapang-angkin nyang
halik.
Bumitaw sya ng halik at agad na hinubad ang polo nya habang panaka-naka na
nagnanakaw ng halik sa akin.
"Atreo, I don't think this is the right time.."
"Shhh.. May karapatan ako sa'yo dahil asawa parin kita. Kaya wag mo akong
pipigilan." aniya at agad na niyakap ako ng mahubad nya ang polo nya.
Napahalinghing ako sa pagitan ng labi namin ng sabik nya akong hinalikan muli.
Napahawak ako sa mabato nyang dibdib paakyat sa mabato nyang balikat. Napasinghap
ako at napatingala ng bitawan nya ang labi ko at bumaba ang labi nya sa leeg ko.
Napalunok ako at mahinang napahalinghing ng kagat-kagatin nya ang leeg ko. Halos
igitgit nya ako sa pader at bawat haplos nya sa bewang ko ay puno ng gigil.
Tinigilan nya ang leeg ko at hinawakan ang dulo ng shirt ko para hubarin. Nang
mahubad nya ay agad syang napatingin sa dibdib ko habang may takip na bra ko.
"Damn.. Kung ano ang katawan mo noon ay ganun parin. Pero mas lumaki ata." pilyo
syang ngumiti kaya hinarangan ng braso ko ang dibdib ko.
"Syempre, nag-breast feed ako kay Aallotar."
"Fuck." lalo ata syang nanggigil sa narinig nya. Inalis nya ang mga braso ko at
nilagay sa gilid ko ang mga kamay ko. Tumingin sya sa akin habang pagapang ang
kamay nya paakyat sa dibdib ko. Dumampi muli ang labi nya habang ramdam ko na ang
mga malalaki nyang mga kamay sa dibdib ko na humahaplos.
Napahawak ako sa bewang nya habang nakikipagpalitan ng halik sa kanya. Binitawan
nya ang labi ko at bumaba ang labi nya sa dibdib ko.
Napasabunot ako sa buhok nya at napakagat ako ng labi ng alisin nya ang bra ko.
Namilipit ang mga daliri ko sa paa ko ng maramdaman ko ang mainit nyang bibig.
"Damn. I love your milk." bulong nya habang humahaplos-haplos ang mga kamay nya sa
dibdib ko.
Hindi ako makapagsalita dahil nakikiliti ako. Ngayon ko nalang muli naramdaman ang
mga haplos at halik nya.
"Gracy! Father!",
Napahawak ako sa mukha ni Atreo para patigilin sya. Agad kong pinalayo sya at
pinulot ko ang shirt ko. Pinulot ko rin ang bra ko at agad na sinuot.
"Magbihis ka na nga, baka mag-isip pa ng iba si Aallotar.",
"Bakit? May dapat naman talagang isipin ang anak natin. Dahil gumagawa tayo ng
milagro." sinipa ko ang binti nya na kinangiwi nya at napahawak sya sa binti nya.
"Wag kang magsasalita ng ganyan sa harap ni Aallotar."
Ngumisi sya kaya umirap ako at umalis ako sa harap nya ng maayos ko na ang damit
ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko bago ko binuksan ang pinto ng
walk-in closet.
Lumingon ako kay Atreo na ngising-ngisi na pinanood ako kaya hindi ko na sya
pinansin at agad na akong lumabas. De javú. Parang ganito din ang nangyari tuwing
may nangyayari sa pagitan namin. Napailing ako at napangiti dahil pakiramdam ko ay
nanumbalik ang lahat sa akin.
Napatingin ako kay Aallotar na tinitignan ako tila ba nababaliw na ako. Kaya inalis
ko ang ngiti ko.
"Nasaan po si Father, Gracy."
"Yes, anak." napalingon ako kay Atreo na lumabas ng walk-in closet na hindi man
lang sinusuot ang polo nya.
"Pareho po kayo ng nilabasang pinto. Ano pong ginagawa nyo d'yan?"
Napaiwas ako ng tingin at napaipit ako ng buhok sa tenga ko ng maramdaman ko ang
pag-init ng pisngi ko sa tanong ni Aallotar.
"Nagkabati na kami ng Mom mo, Anak."
"Talaga po?" napatingin ako kay Atreo na nakangiting lumapit kay Aallotar at
binuhat ito para kilikin.
"Yes. At palagi nyo na akong makakasama, anak. Dahil hindi na ako papayag na malayo
kayo sa akin ng mom mo."
Napapalakpak si Aallotar sa tuwa kaya napahinga ako ng malalim. Tumingin ako kay
Atreo ng lumakad sya palapit sa akin at hapitin ako sa bewang.
"At pinapangako ko na kailanman ay magiging mabuting ama at asawa ako sa inyo."
hinalikan nya sa pisngi si Aallotar at tumingin sya sa akin bago halikan ang labi
ko saglit.
Napangiti ako at sinandal ang ulo ko sa balikat nya bago napatingin kay Aallotar na
ngiting-ngiti.
"Yehey! I have a complete family now!"
"Yes, anak. At kapag nag-school ka na ay ako ang maghahatid sa'yo palagi. At ang
mom ay hihintayin tayo sa bahay.",
"Nakalimutan mo na ba na artista na ako ngayon."
Tumingin sa akin si Atreo at umiling, "Baby, kailangan mo nang huminto. Hindi mo
naman kailangan na magtrabaho."
"Pero hindi naman dahil sa trabaho kaya ako nag-artista. Libangan ko iyon at
matagal ko nang pangarap."
Napabuntong-hininga sya at napatango bago ngumiti.
"Okay. Pero nag-aalala lang ako dahil baka pati ang privacy mo ay mawala.",
Ngumiti ako at umiling, " Hindi ko hahayaan iyon. At kapag naman kontento na ako ay
aalis rin ako sa showbiz."
"Good." ngumiti sya at muling nagnakaw ng halik sa akin.
"Palagi nyo na pong kinakain ang lips ni Gracy. Gutom na rin po ba kayo, Father?"
Napatingin si Atreo kay Aallotar at natawa, "Yes, I'm hungry na. Pero sa Mom mo ako
natatakam."
Kinurot ko ang tiyan ni Atreo na kinadaing nya. Napatingin sya sa akin habang
nakangiti.
"Tumigil ka nga. Halika na sa baba at nang makakain na tayo ng tanghalian. Anong
oras na, oh."
"Okay." ngumisi sya at nilapit ang bibig sa tenga ko, "Pero mamayang gabi ay ikaw
ang kakainin ko."
Nag-init ang pisngi ko kaya napahalakhak sya at inakay na ako habang buhat-buhat si
Aallotar.
Napangiti nalang ako at sumabay sa paglalakad. Guminhawa ang pakiramdam ko at
masaya akong napatingin kay Atreo. Hindi talaga maitatanggi na mahal ko parin sya.
At kahit na sino pang lalake ang nagparamdam ng pag-ibig sa akin ay hindi ko
pinapansin dahil si Atreo parin talaga ang mahal ko. Natabunan lang ng galit kaya
akala ko ay wala na.
-
Lumipas ang araw at naging masaya ang pamilya namin ni Atreo. Naging palihim parin
ang pagbabalik nya sa buhay namin ni Aallotar at nagtatago parin sya kapag
nagpupunta si Dad o kaya sila Kuya sa bahay.
Gusto ko nang sabihin pero ayaw nya. Kaya naiintindihan ko sya dahil natrauma ata
sya na makaharap si Dad at sila Kuya.
Nalaman ko naman kay Atreo na magaling na pala ang mom nya. Nasa greece ito kasama
si Grand Ma para doon mas makarecover. Nalaman ko rin na nakakulong si Suzane at
ang Dad nya, dahil nagsampa ng kaso ang Mom nya dahil sa ginawang pagtataksil ng
dalawa.
Si Ethan ay mailap sa amin. Naiintindihan ko dahil sya ang mas naapektuhan sa
nangyari. Pero wala itong magawa dahil si Atreo pala ang tumatayong guardian nila
ni Pamela na ngayon ay limang taon na.
"Gracy, they are my uncle and auntie?"
"Oo, anak. Pero pwede mo pa naman silang makalaro, pero dapat na galangin mo sila
dahil tito at tita mo sila, ha?"
Tumango si Aallotar habang nakatingin kay Ethan at Pamela. Nakasakay kami sa isang
limousine para magpunta sa premiere night ng movie ko. Sinama namin ni Atreo ang
mga bata bilang bonding na rin.. Hindi naman porket masama ang ginawa ng ina at ama
nila Ethan ay babalewalain na ang mga ito.
Mabuti nga at napilit sila ni Atreo. Si Pamela ay masunuring bata, pero si Ethan ay
tila nagtanim ng sama ng loob.
Tumingin ako kay Atreo na nasa tabi ko. Tumingin sya sa akin at ngumiti habang
mahigpit na hawak ang kamay ko. Ngumiti ako at napabuntong hininga.
Napatingin ako sa labas ng bintana ng huminto na ang limousine. Nakita ko sa labas
ang napakaraming reporter na naghihintay sa red carpet. Nandoon din ang mga taga-
hanga ko dala-dala ang bandera na nakapaskil ang mukha ko at ang movie kasama sila
Alexander.
"Atreo, ako nalang muna ang bababa. Sa likod nalang kayo dumaan."
"Okay." tumingin ako sa kanya na tila labag sa loob nya. Hinawakan ko ang hita nya
at pinisil. Ngumiti sya at nilapit ang mukha sa akin bago ako bigyan ng saglit na
halik sa labi, "You're so gorgeous and hot, baby wife. Wag lang magkakamali ang
Alexander na iyon na hawakan ka, kundi baka tuluyang mabungi ang ngipin nya."
Natawa ako at napailing sa sinabi nya. Napanood nya kasi ang interview namin
kahapon at syempre si Alexander ay todo magbigay ng sweet word para kiligin ang
viewers. Kaya pag-uwi ko ay naabutan ko si Atreo na seryoso at agad na inulan ako
ng tanong tungkol sa amin ni Alexander.
"It's just a promotion, Atreo. So don't worry. Hmm?"
"Okay." ngumiti sya at binigyan muli ako ng halik sa labi kaya napangiti ako at
tumingin kay Aallotar.
"Aallotar, mauuna muna ako, ha?"
"Okay po, Gracy." Ngumiti ako at hinalikan ko sya sa labi bago inayos ang wig nyang
suot. Tumingin ako kela Ethan at Pamela.
"Pamela, sumama kayo kela Aallotar, ha?"
"Okay po, Ate Grace." ngumiti ako kay Pamela at tumingin kay Ethan na sa bintana
lamang nakatingin habang ramdam ko ang mailap nyang pakikitungo sa amin.
Napabuntong hininga akong muli at inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba ng
pagbuksan ako ng pinto ng guard. Ako lamang ang bumaba at sinara na nang guard ang
pinto. Agad na nagsuguran ang mga media kaya nasilaw ako sa kislap ng kanilang
camera.
Gaya ng dati ay naglakad ako sa red carpet na walang kangiti-ngiti. Huminto ako sa
gitna para sa interview ng mga media.
"Gracy Jane, we have a question regarding in your viral video."
Napakuno't noo ako sa sinasabi ng reporter na viral video ko.
"Totoo ba yung pananakit mo sa isang babaeng baliw sa mental hospital nung
nakaraang araw?"
Natuod ako sa tanong na iyon. Napatingin ako sa malaking screen at nakita ko ang
pag-play ng video kung saan ay kuha ang pagsampal ko kay Liz at pagsigaw ko rito.
"At totoo ba yung kumakalat na may anak ka na raw at may kinikita ka raw na lalake
na inuuwi mo pa sa bahay mo?"
Nakita ko ang mga larawan kung saan ay tulak-tulak ko ang wheel chair ni Allotar sa
camp aguinaldo. At kita ko rin ang kamakailan lang na kuha namin ni Atreo ng sumama
sya sa taping. At ang masama ay kita na nakikipaghalikan ako sa kanya sa loob ng
kotse.
"Hey! Gracy Jane! It's that true? Iniidolo ka namin dahil ang fierce mo at cool mo
pero pakawala ka pala at may anak na tinatago mo pa!"
Napakurap ako ng ibato ng mga fans na naghihintay sa akin ang mga magazine cover ko
na binili nila at pati na ang banner na nakapaskil ang mukha ko kasama si
Alexander. Isabay pa ang pagkuyod sa akin ng mga reporter kaya agad na sumingit
sila Danie at ibang staff ng cinehan para hindi na makalapit sa akin ang mga
reporter.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi pa ako nakakapasok ng tigilan ako ng
reporter. Tumingin ako sa pinagkaguluhan nila at nanlaki ang mata ko ng makita si
Atreo.
Seryoso sya na lumakad para makalapit sa akin habang kinukuyod sya ng mga reporter.
Pero balewala iyon sa kanya hanggang sa makalapit sya sa akin. Hinawakan nya ang
balikat ko at tinignan ako ng masuyo.
"Are you alright?"
Tumango ako kaya napabuntong hininga sya bago tumayo ng tuwid at hinawakan ako sa
bewang bago kami humarap sa mga reporter.
"She's not a whore. Yes, she has a child. We have a child. And for answering your
question about us. She's my wife. I'm her husband. Ginagawa nya ang trabaho nya
nang maranggal, pero kung ganito rin na huhusgahan nyo sya agad ay mabuti pa na
tumigil na sya. Wala kayong karapatan na gawin ang nais nyo para sumaya lang kayo.
Hindi naman nya nais na gastusan nyo sya para sa mga banner na ganito. Gusto lang
nya na matupad ang pangarap nya na maging artista." tumingin sa akin si Atreo ng
seryoso, "Let's go, Grace."
Napatango ako at napasunod sa kanya ng akayin nya ako para maglakad pababa ng
hagdan. Napatingin ako sa mga fans ko na nakayuko.
Napabuntong hininga ako at nalungkot dahil akala ko ay hinahangan nila ako dahil sa
binigay kong saya sa kanila. Pero tila hindi talaga lahat ay kaya kong i-please.
Dumeretso na ako ng lakad pasabay kay Atreo. Siguro nga ay kailangan ko nang ihinto
ito. Masaya na ako na maging artista. Pero ayoko na pagpyestahan ng media ang buhay
ko at pati si Aallotar ay nadadamay.
"Gracy, what happen? I thought we watch your movie?"
Hinaplos ko ang buhok na wig ni Aallotar habang kalong-kalong ko sya at yakap-
yakap.
"Sa bahay nalang tayo manood, Aallotar. Maingay kasi kung maraming tao. 'Di ba mas
masaya kung tayo lang?"
"Ah, okay po. Gusto ko po iyon." ngumiti ako dahil napakabilis nyang sumang-ayon.
Napatingin ako kay Atreo ng hawakan nya ang kamay ko.
"It's alright, baby. Sorry dahil pinangunahan kita, pero ayoko na masasaktan ka
dahil sa pag-aakusa ng ibang tao."
Ngumiti ako sa kanya at umiling. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at pumikit.
"Wala iyon. Naisip ko na kailangan ko nang huminto. Natupad naman na ang pangarap
ko, kaya ayos na iyon. Kesa naman ikaw at si Aallotar ang pagpyestahan nila..
Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan na madawit sa gulo ng showbiz na
pinasok ko si Aallotar. Kaya nang mangyari ito ngayon ay iyon na ang sign na
kailangan ko nang huminto. Kontento na ako."
"I'm happy to hear that, baby." bulong nya kaya ngumiti ako at inayos ang ulo ko sa
balikat nya. Hindi na pagiging star ang pangarap ko ngayon, kundi ang pangarap ko
ngayon ay mabuo ang pamilya ko at makasama muli si Atreo.

Kabanata 35
ATREO'S POV
Pakiramdam ko ay napakalas ng pwersa na nakapalibot sa paligid ko. Inaamin ko na
kumakabog ang dibdib ko. Pero nilakasan ko ang loob ko habang pinapakiramdaman ang
mga Esteban. Si Sir James, Gab and Jam Esteban ang nasa harap ko.
Siguro ay napanood nila ang nangyari kagabi sa premiere night ng movie ni Grace.
Kaya umagang-umaga ay agad silang napasugod rito.
"Anong intensyon mo ngayon sa kapatid namin, Alvarez?"
Tumingin ako kay Jam na nakatingin sa akin ng seryoso habang nakadekwarto at
nakahalukipkip na nakaupo sa sofa.
"Wala akong intensyon na masama kay Grace. Gusto ko lang na makasama sya at ang
anak namin, at mabuo ang pamilya namin."
Napahalakhak ang kambal tila ba isang biro ang sinabi ko.
"C'mon, hindi lang sinasabi iyon, ginagawa iyon. Baka kapag hinayaan ka namin ay
saktan mo muli si Grace. Baka puro ka lang salita." wika ni Gab.
"Hindi. Nangangako ako sa inyo. Hindi ko man maipapangako na hindi ko sya
masasaktan, pero pinapangako ko naman na mamahalin at hindi na muli ako
magkakamali."
Napatingin ako kay Sir James ng may inabot syang black card sa akin. Kinuha ko ito
at nakita ko ang pagkislap ng nakaukit na salita sa black card. Mafia.
"Gusto mo bang sumali sa agency ko?"
Napalunok ako dahil kinakabahan ako kapag tumanggi ako. Mafia. Hindi ko alam kung
ano ang kalakaran nila, pero masyadong madugo at maraming kalaban kung sasali ako.
"Pwede ho bang tanggihan?"
Ngumisi ito na kinaasik ng dalawa na si Gab at Jam. Tila ba nainis sila sa sinabi
ko. Damn. Napakainit ng ulo nila, at tila kanina pa ako gustong barilin ng dalawa
kung hindi lang namin kaharap ang ama nila.
"Bakit mo tinatanggihan ang alok ko?" humigop ng kape si Sir James habang
hinihintay ang tugon ko.
"Sir, masyadong magulo ang mundo ng mafia. Ayos na ako sa pagsusundalo. At ayoko
rin ho na mapahamak ang pamilya ko."
"Kaya mo bang buhayin ang anak ko at apo ko sa pagsusundalo mo?"
"Kaya ko ho. May naipon po ako, at may bahay at rest house."
Napatango si Sir James at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa. Naglahad sya ng
kamay kaya agad akong tumayo at tinanggap ang kamay nito.
"Oras na mambabae ka o saktan ang anak ko ay sinisiguro ko sa'yo na hindi na kita
pagbibigyan." tumango ako at bumitaw sa kamay nya, "Tinatanggap na kita. You can
call me Dad if you want."
Ngumiti ako at tinignan sya na umalis na sa harap ko. Siguro ay pupuntahan nito ang
Mom ni Grace na kasama ni baby sa kusina. Maging ang mga asawa ni Gab at Jam.
Tumingin ako sa dalawa ng tumayo sila at lumapit sa akin bago ako hawakan sa
balikat.
"Let's drink later. Siguro naman ay hindi ka tatanggi."
"Hindi. Sige, sabihin nyo lang kung saan."
Ngumisi sila at alam ko na may pinaplano ang dalawa. Pero hinayaan ko na dahil
gusto kong umayos ang tingin nila sa akin at tanggapin bilang asawa ng kapatid
nila.
Inaya na kami ng mga babae at sabay-sabay na nagsalo-salo ng agahan. Pagkatapos
no'n ay umuwi din naman ang pamilya ni Grace.
"Father, when can I go to school?"
Hinaplos ko ang likod ni Aallotar habang nakahiga sya sa akin habang nakadapa.
Narito kami at nakahiga sa sofa at nagpapahinga. Inaantok pa daw sya.
"Hmmm.. Siguro kapag five ka na. Itatanong natin kay Mommy kung kelan, ha?"
"Okay po."
Napangiti naman ako at hinaplos ang wig nyang buhok "Bakit mo nga pala naitanong,
anak?"
"Hmm.. Kasi po sila Kuya Greyson, Ate Cienti, pati na rin sila Kuya Edward, Kuya
Hammer, Kuya Jace, Ate Krystal at Ate Kristen ay pumapasok na po sa school. Gusto
ko rin pong mag-school. I can write my name na."
"Really?" binuhat ko sya at naupo ako bago ko sya i-upo sa hita ko, "Pakita nga
ako. Tignan natin kung marunong ka na talaga."
Napangiti sya at tumango kaya binuhat ko syang muli at umalis kami sa sofa. Sa
kwarto nya sinabi na magpunta kami dahil nandoon daw ang mga gamit nya. Pagpasok
namin ay nandoon nga kaya inupo ko sya sa sofa at kinuha ang notes at lapis nya.
"Anak, dito mo isulat." inabot ko sa kanya ang note at lapis at naupo ako sa tabi
nya bago ko isandal ang likod ko sa sandalan.
Nilapag nya sa hita nya ang notebook nya at nagpokus na sya. Pinanood ko syang
magsulat at napangiti ako dahil tuwid na ang pagsulat nya.
"Wow. Ang galing naman ng anak ko. Ang ganda pa." pinisil ko ang pisngi nya na
kinahagikgik nya.
"Marunong din po akong magdrawing, Father."
"Really?" tumango sya kaya napangiti ako lalo, "Sige nga, i-drawing mo nga ako."
Napatango sya at nilipat sa isang page ang papel. Gumuhit sya kaya pinanood ko lang
sya. Nakakatuwa na malaman na napakadaling matuto sa mga bagay na tungkol sa pag-
aaral ang anak ko. Maganda talaga ang pagpapalaki ni Grace.
Nag-drawing sya ng lalakeng nakaupo sa sofa at isang batang babae. Napangiti ako
dahil alam kong ako iyon at sya. Hinaplos ko ang wig nyang buhok at hinalikan ko
sya sa ulo.
"Oh, narito lang pala kayo."
Napabaling ako ng tingin sa pinto at nakita ko doon si Grace na kakapasok lang..
Agad ko syang hinawakan sa kamay ng makalapit sya sa amin. Inalalayan ko syang
maupo sa hita ko.
"Tinitignan ko lang ang pagsusulat at pagdo-drawing ng anak natin. She's amazing,
baby wife. Thanks to you."
Ngumiti sya at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri nya sa kamay.
"Wala naman akong naitulong sa ginagawa ngayon ng anak natin.. Sya mismo ang kusang
natuto nya'n. Kaunti lang ang naituro ko sa kanya."
"Kahit na. Dahil sa'yo kaya lumaking malusog at matalino ang anak natin. Magaling
ka talagang mag-alaga." nakangiti kong sabi at pinisil ang bewang nya na kinangiti
nya.
Inamoy ko ang balikat nya at napakabango talaga ng baby ko. Nakakaakit. Pinisil ko
muli ang bewang nya kaya napatingin sya sa akin. Sinenyasan ko sya kaya namula sya
na kinangiti ko.
Damn. She's cute.
Tinayo ko sya at tumingin ako kay Aallotar na busy sa pagdo-drawing nya.
"Anak, may pag-uusapan lang kami ng mommy mo sa kwarto. Ayos lang ba iwanan ka muna
namin?"
"Go ahead, Father. I'm okay." Tumango sya at tumugon ng hindi man lang tumitingin
sa akin.. Napangiti ako at agad nang tumayo. Tumingin ako kay Grace at ngumisi.
"This is the perfect time for our baby time, baby wife." bulong ko kay Grace at
inakbayan ko sya bago agad na hinatak patungo sa kwarto.
Pagpasok namin sa kwarto ay agad kong nilock ang pinto. At nang masiguro kong
nakasarado na nang mabuti ay agad akong humarap kay Grace at niyakap sya. Sabik na
sinakop ko kaagad ang labi nya para wala na syang tanggi pa.
God. Hindi ko talaga mapigilan na mas lalong mahumaling sa kanya. Napakasarap
halikan ng labi nyang napakalambot. Napakaswerte ko at akin sya. Asawa ko parin
sya.
"T-Teka... Baka hanapin tayo ng anak natin."
Ngumisi ako habang pinagdikit ko ang noo namin. Hinalikan ko ang ilong nya at
tumitig ako sa mga mata nya.
"Hindi, busy iyon, kaya magpakabusy din tayo." Hindi ko na sya pinagsalita pa at
agad ko muling sinakop ang labi nya na sabik na sabik. Pinisil ko ang pang-upo nya
habang umaabante ako ng lakad, habang sya ay paatras.
Nang marating namin ang kama ay agad ko syang binuhat at hiniga sa kama. Dumagan
ako sa katawan nya at kinuha ko ang kamay nya para ipasiklop sa mga kamay ko bago
ko ipako sa gilid ng mukha nya.
Hinaplos ng ilong ko ang ilong nya bago ko muling halikan ang labi nya. Habang
tumatagal ang palitan namin ng halik ay mas lumalalim at nagiging mapusok na kami
sa isa't-isa.
Binitawan ko ang labi nya at agad na bumaba ang labi ko sa leeg nya upang langhapin
at kagat-kagatin ang leeg nyang makinis, mabango at maputi na kaakit-akit.
Napahalinghing sya kaya ngumisi ako at mas binigyan ko pa sya ng dahilan para mas
lalong bumigay sya sa akin..
Binitawan ko ang kamay nya at pinasok ko ang mga kamay ko sa loob ng t-shirt nya.
Napadila ako sa leeg nya ng mahaplos ko ang makinis nyang balat. Tumigil ako sa
paghalik sa leeg nya at mabilis kong hinubad ang t-shirt nya. Hinubad ko na rin ang
bra nya. Maging ang short at panty nya.
Napalunok ako habang pinagmamasdan ang hubad nyang katawan. Mas lalo atang nag-apoy
ang mata ko sa nakikita kong kaakit-akit nyang alindog.
Hinubad ko na rin ang lahat ng saplot ko dahil init na init na ako. Hinaplos ko ang
hita nya bago ko ipagparte. Ang haplos ko ay mas mainit hanggang sa umabot ang
isang kamay ko sa gitna ng hita nya. Nagtaas-baba ang dibdib nya at pumungay ang
mga mata nya na kinangisi ko.
Tinukod ko ang isang kamay ko sa gilid ng mukha nya at inabot ng labi ko ang tuktok
ng dibdib nya upang magpasarap.
Damn! Her b**bs are big.. I'm so lucky.
Tumingin ako sa kanya habang halinlinan kong hinahalikan ang dibdib nya habang
humahaplos parin ang kamay ko sa pagitan ng hita nya.
"God... Atreo!"
That's right, baby. Moan for me. Moan my name.
Nang magsawa ako sa dibdib nya ay labi naman nya ang hinalikan ko muli. Sabik na
sabik kaming nag-e-espadahan ng dila, habang mas pinagparte ko ang binti nya. Nang
maipagparte ko ay binitawan ko muna ang labi nya. Pumuwesto ako sa pagitan ng hita
nya at hinawakan ko ang bewang nya nang mariin bago ako napatingin sa kanya.
Napabuka ang labi ko habang sya napasinghap ng muling mag-isa ang aming katawan.
Tuluyan ko syang dinaganan, at mahigpit na niyakap ko sya at muling hinalikan
habang sumasabay ang aming halik sa paggiling ng aming katawan.
Halos umuga ang kama sa sobrang bilis ng aking galaw. Napangisi ako at huminto bago
pagpalitin ang aming posisyon. Inayos ko sya sa ibabaw ko at mariin ko syang
hinawakan sa pang-upo.
"Damn, baby wife. You're still tight."
Hinawakan nya ang dibdib ko habang nagsisimula syang gumiling sa ibabaw ko.
"And you're still big.."
Napangisi ako at inabot ng labi ko ang dibdib nya. Hinawakan ko ang likod nya at
tinignan sya na napakagat labi habang tinitignan ang labi ko na sakop na sakop ang
dibdib nya.
Binitawan ko ang dibdib nya at inabot ko naman ang labi nya kaya napahiga sya ng
kaunti sa akin habang tumutugon sa halik ko. Naupo ako habang yakap-yakap sya at
hindi pinuputol ang aming halik.
Diniin ko sya sa aking katawan habang pinipisil ko ang pang-upo nya. Hingal na
hingal kaming bumitaw ng halik at nagkatinginan kami.
"Tell me... Sa buong buhay mo ay ako palang ba ang nakatalik mo?"
Ngumisi ako at muli ko syang hiniga sa kama. Hinaplos ko ang buhok nya at
kinantilan ko sya ng halik sa labi bago ko sya titigan sa mata.
"Hmmm.. Hindi." napasimangot sya kaya natawa ako, "Hindi ka nagkakamali. Oo, ikaw
palang." napakagat ako ng labi ng mapangiti sya at hinalikan nya ako sa labi.
Tinignan ko sya ng malalim at muli akong gumalaw sa ibabaw nya. Sinakop ko muli ang
labi nya at napangiti naman ako ng maging ganado syang tumugon sa halik ko.
Bumilis na ang galaw ko at halos magpalitan kami ng pawis sa katawan sa sobrang
init ng aming pag-iisa. Niyakap ko pa sya ng mahigpit at mas binilisan ko pa ang
galaw ko.
"Sir! Seniorita!"
Hinawakan ako sa dibdib ni Grace para itulak pero hindi ako nagpatinag at mas
niyakap ko sya ng mahigpit habang hindi ko tinatantanan ang labi nya.
"Father! Gracy! Your fans are here!"
Nag-init ang ulo ko ng itulak ako ng tuluyan ni Grace kaya napaalis ako sa ibabaw
nya.
"We need to stop." aniya pero agad ko syang hiniga muli at agad kong pinasok syang
muli. Hinawakan ko ang kamay nya at pinako sa ulunan nya para hindi na nya ako
mapigilan pa.
"Damn it. Makakapaghintay sila, baby. Kaya wag mo akong pipigilan." hindi ko na sya
pinagsalita pa at muli ko syang hinalikan muli ng malalim sa labi nya habang
mabilis na gumalaw ako sa ibabaw nya.
Lintek! Palagi na akong nabibitin. Pero hindi na ako makakapayag ngayon.
Napasabunot sya sa buhok ko ng bitawan ko ang kamay nya, habang ako ay napabitaw sa
labi nya at napasubsob sa leeg nya ng marating ko ang rurok ng sarap. Nanginig ako
at hingal na naubusan ng lakas na napasubsob sa leeg nya..
Hingal na hingal na tumingin ako kay Grace na nakapikit kaya kinantilan ko sya ng
halik sa labi na kinadilat nya.
"You're fans are here.. Let's see them."
Umirap sya at tinulak ako paalis sa ibabaw nya bago sya agad na umalis ng kama.
Tumakbo na sya patungo sa banyo kaya mapahalakhak ako at nahiga muli sa kama.
Inunan ng ulo ko ang braso ko habang nakatingin ako sa kisame.
Napangiti ako dahil naangkin ko na syang muli. At talaga nga namang nanunuot sa
sistema ko ang tagpong nangyari sa amin ngayon.
Napailing ako at naupo bago ko inabot ang boxer at pants ko para isuot. At sunod na
sinuot ko ang t-shirt ko.
Tumayo ako habang pasipol-sipol at napatingin ako sa kama na kung kanina ay tuwid
na tuwid ang sapin, pero ngayon ay parang binagyo at halos mawala sa pagkakalapat
sa pader ang headboard ng kama.
Napangisi ako at muling sumipol habang napagdesisyunan kong ayusin habang
hinihintay si Grace.
Nang matapos ako ay sya naman bukas ng pinto ng banyo kaya lumingon ako. Napaayos
ako ng tayo at tinignan si Grace na nakapulupot lamang ang towel sa katawan nya.
"Wag mo nga akong tignan ng ganyan." napangisi ako kaya umirap sya at nagmarcha
papunta sa walk-in closet. Napailing ako at naupo muli sa kama para hintayin sya.
Maya-maya lang ay lumabas na sya na nakasuot ng floral dress nya. Tinignan ko sya
mula ulo hanggang paa. Hindi nya pinansin ang pagsuyod ko ng tingin sa kanya at
dumeretso sya sa tukador at nagsuklay.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumakad palapit sa kanya. Inagaw ko ang
suklay nya at ako na ang nagsuklay sa kanya.
"Bakit ba nag-aayos ka pa? Haharapin mo lang naman ang mga fans mo na ngayon ay
galit sa'yo."
"Syempre, kailangan ko paring mag-ayos para wala silang masabi sa akin."
Nilagay ko ang lahat ng hibla ng buhok nya sa likod nya.
"Hindi mo kailangan na mag-ayos. Dahil kahit ano pang itsura mo ay napakaganda mo
parin."
Nakita ko ang pag-ngiti nya mula sa salamin kaya ngumiti ako.
"Ganun ba. Okay, tara, puntahan na natin sila."
Napahalakhak ako at hinawakan ko ang kamay nya ng tumayo na sya.
"You're so cute, baby wife." nagnakaw ako ng halik sa labi nya na kinanguso nya
kaya napangiti ako lalo.
Inakay ko na sya palabas ng kwarto at pagbaba namin ay nakita ko si Sally at
Aallotar na nakatanaw sa labas.
"Sally, nasaan sila?"
Lumingon ito, "Nasa harap ho ng gate."
Tumingin ako kay Grace na napabuntong-hininga at naunang maglakad sa akin kaya agad
akong sumunod habang hawak-hawak ko parin ang kamay nya.
"Mang Pido, pakibuksan nga po ng gate." utos nya sa hardinero nya. At gaya ng utos
nya ay agad na sinunod ni Mang Pido.
Pinisil ko ang kamay nya kaya napatingin sya sa akin. Ngumiti ako para sabihin na
wag syang mangamba at narito lang ako sa tabi nya. Ngumiti sya at tumango bago
tumingin sa fans nya.
"Kung narito lang kayo para manggulo at saktan ang asawa ko. Ang mabuti pa ay
umalis na kayo."
Napayuko ang mga fans ni Grace sa sinabi ko. May isang naglakas ng loob na magpunta
sa harap kaya sa kanya kami napatingin.
"We are here to say sorry, Gracy Jane. Patawarin mo kami kung nasabihan ka namin ng
masama."
Napabuntong-hininga si Grace at ngumiti, "Pasensya na rin kayo kung hindi ko nameet
ang expectation nyo. Tao lang din naman ako at may ibang buhay sa likod ng camera.
Hindi ko naman hiniling sa inyo na suportahan ako, pero nagpapasalamat ako dahil
inidolo nyo ako. Pero kung ayaw nyo na sa akin ay ayos lang. Dahil napagdesisyunan
ko na iwan na ang pag-aartista at mabuhay ng tahimik kasama ng pamilya ko."
"Naku, kami nga ang dapat na mahiya sa'yo. Naging makasarili kami at nagalit sa'yo
ng wala naman sa lugar... Pero Gracy Jane, kahit na hindi ka na mag-aartista ay
fans mo parin kami. Sa katunayan ay may bago nang bansag sa fans club namin."
Nagkatingin kami ni Grace at napangiti bago nakiba't balikat at muling tumingin sa
babaeng tagapagsalita ng fans nya.
Binuklat nila ang malaking banner na dala nila at bumulaga sa paningin namin ang
larawan namin ni Grace.
"We are now the Grace-Atreo loveteams!"
Napangiti na napatingin ako kay Grace at nakita ko na napatakip sya ng bibig na
lalo kong kinangiti. Kamukhang-kamukha nya si Aallotar kapag masaya.
Binitawan nya ang kamay ko at lumapit sya sa mga fans nya.
"Gosh. Thank you for this. Hindi ko akalain na gagawin nyo ito sa amin."
Pinamulsa ko ang mga kamay ko sa bulsa ng pants ko at pinanood si Grace na niyakap
ng mga fans nya.
Pero napagawi ang tingin ko sa isang kotseng puti na nakaparada sa kabilang gilid
ng kalsada sa tapat ng bahay ni Grace. Napasunod ang tingin ko rito nang bigla
naman nitong pinaharurot ang sasakyan paalis.
"Atreo, are you alright? Sinong tinitignan mo?"
Napatingin ako kay Grace at ngumiti agad bago ko sya inilingan. Lumapit ako sa
kanya at inakbayan sya na kinaimpit sa tili ng mga fans nya.
"Bagay ba kami?" tanong ko sa mga ito.
"Oo, bagay na bagay! Team Grace-Atreo kami!"
Napangiti ako ng mapangiti si Grace at mamula. Pero bigla ko muling naisip ang
kotseng puti na nakaabang sa harap ng bahay.

This is the end of the story. Hope you will enjoy.


EPILOGUE
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday-happy birthday! Happy
birthday our Dear Aallotar!"
Napangiti ako habang kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Aallotar habang
kinakantahan sya ng mga pinsan nya at ilang batang nasa village na kapitbahay
namin.
"Anak, make a wish."
Tumingin ako kay Atreo na kinukuhanan ng litrato at video si Aallotar. Nakikita ko
talaga sa kanya ang pagiging mabuti nyang asawa at ama sa amin ni Aallotar.
Itong birthday party ni Aallotar ay sya mismo ang nag-asikaso. At ang nakakatawa;
ang vipers ang ginawa nyang clown. May nagsayaw sa vipers na hindi ko alam kung
puro kaliwa ba ang mga paa nila. Meron namang nag-magic at masasabi ko na pupwede
na. Pero nagpapasalamat parin ako sa kanila dahil hindi sila tumanggi sa alok ni
Atreo. Ngayon ay masayang-masaya si Aallotar sa ikalimang kaarawan nya.
"Grace, ang gwapo talaga ng asawa mo. At maalaga pa." tukso sa akin ni Ate Hera
habang buhat-buhat nya ang bagong panganak nyang anak na babae. Si Nana.
"Talaga lang, ha?" napatingin ako kay Kuya Jam na bigla nalang sumulpot. Napangiti
ako ng makitang umirap si Ate Hera ng maupo sa tabi nya si Kuya at tinignan sya ng
matalim, "Sinong gwapo? Si Alvarez? Tsss. Wala sa kalingkingnan ko 'yon."
"Hep. Kuya, hindi mo ata nakikita na narito ako?" pinagtaas ko sya ng kilay dahil
nilalait nya si Atreo.
Natawa sya at pinagtaasan din ako ng kilay. Napakaseloso nya. Kaya hindi
nakakapagtaka kung tinataon-taon nya binubuntis si Ate. Tss.
"Oh, tila mainit ang atmosphere rito?" naupo si Kuya Gab sa tabi ko kaya mas lalo
akong nainis. Nagsama na naman ang dalawa.
"Bro, gwapo daw si Alvarez?"
Napahalakhak si Kuya Gab kaya napakuyom ako ng kamay habang matalim kong tinitignan
si Kuya Jam. Sinuway sya ni Ate Hera pero hindi naman nagpaawat sa pagtawa.
"Naku Ate Hera, hiwalayan mo yang si Kuya. Wala sa bokubolaryo nya ang salitang
pahinga. Kaya kung ayaw mong matiyuan ng dugo ay hiwalayan mo na."
Namula si Ate Hera sa sinabi ko habang si Kuya Jam ay nawala ang ngiti at binigyan
ako ng inis na tingin.
Napatawa ako at inirapan sya bago tumayo. Hays! Nakakainis talaga sila kahit kuya
ko sila. Lagi nalang nila kinakawawa si Atreo.
Naalala ko tuloy yung inaya nila si Atreo na mag-inuman. Hinayaan ko naman dahil
sabi ni Atreo ay gusto nyang mapalapit sa dalawang kapatid ko. Pero inabot na nang
madaling araw no'n nung hindi pa umuuwi si Atreo. At dahil inatake na naman ako ng
pagkaparanoid ko ay agad kong tinawagan ang kambal kong kuya para itanong kung
nasaan si Atreo. At nang sabihin nang mga ito na nasa isang bar at may katable ay
halos umusok ako sa galit.
Kaya sumugod ako sa bar. Pagdating ko doon ay halos pamulahan ako ng pisngi ng
makitang nagsasayaw si Atreo sa stage.
Hinanap ko ang dalawa kong kuya at nainis ako ng makita na nakaupo lang ang mga ito
habang tuwang-tuwa na vinivideohan si Atreo.
"Hey, baby wife." Napakurap ako ng mawala ako sa pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan.
Napansin ko na nandito na pala sa harap ko si Atreo.
"Oh?" Natawa sya at binitawan ang camerang hawak nya na nakasukbit ang tali sa leeg
nya.
"Sabi ko, narinig mo ba ang wish ni Aallotar?"
"Huh? Ano bang niwish nya?"
Ngumiti sya ng pilyo at naglakad sya patungo sa likod ko bago ako niyakap.
Pagkaraan ay hinaplos nya ang tiyan ko.
"Little brother."
Namula ako sa sinabi nya kaya agad kong inalis ang kamay nya bago ko sya hinarap.
"Gumagawa ka lang ng kwento, eh. Hindi naman nya sinabi iyon."
Napatawa sya at hinawakan ang kamay ko bago nya dalhin sa labi nya.
"Hindi ako gumagawa ng kwento. At kahit naman ayaw mo ay tiyak akong magkakaroon."
Mahinang tinulak ko sya sa dibdib at inirapan ko sya bago ako humarap kung nasaan
si Aallotar.
Napahalakhak nalang sa likod ko si Atreo at niyakap nya muli ako habang pinapanood
namin si Aallotar na masayang-masaya na kalaro ang mga pinsan nya.
"Seniorita.."
Napatingin ako kay Sally ng tawagin nya ako at lumapit sya sa amin ni Atreo.
"Oh, bakit?"
"Nandyan po ang Consuelo group. Pinapasok ko ho, kaso nahihiya po sila."
"Ganun ba." napangiti ako at inalis ko ang kamay ni Atreo sa bewang ko.
"Consuelo group?" tumingin ako kay Atreo na kita ang pagtataka sa mukha nya kaya
agad akong ngumiti.
"D'yan ka lang. Gusto kong masurprise ka kung sino ang nandito."
Nginitian ko si Atreo at tumango ako kay Sally para ayain na ito para puntahan sila
Aling Consuelo. Paglapit palang namin sa gate ay kita ko na sila Aling Consuelo
kasama ang mga bata at mga nanay na kasama sa workshop.
Nagtulong kami ni Sally na buksan ang gate at nang mabuksan ko ay agad akong
lumabas at lumapit kela Aling Consuelo na kasama na si Mang Feliciano.
"Mabuti at nakarating po kayong lahat." agad kong niyakap si Aling Consuelo at
sunod ay si Mang Feliciano.
"Matatanggihan ka ba namin." ngumiti ako kay Aling Consuelo at tumingin pa sa iba.
May nahagip ang mata ko pero hindi ko pinahalata sa kanila.
"Salamat po sa pagdalo sa kaarawan ng anak ko. Halika ho kayo at tumuloy.
Nagsisimula na po ang party at nang makakain na rin kayo." pagkasabi ko no'n ay
tumingin ako kay Sally, "Sally, pakiguide sila sa mga lamesang bakante."
"Sige po, Seniorita."
Pinauna ko na sila Aling Consuelo.. Nang makalayo na sila ay napatingin ako sa box
na nasa kabilang kalsada. May balot pa iyon. Kaya naglakad ako patawid ng kalsada
at nilapitan ito.
Hinanapan ko ng notes pero wala naman. Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao
na maaaring makita kung sino ang nag-iwan nito. Sinira ko ang wrapper at binuksan
ang kahon. Pagbukas ko ay wala namang laman.
Napailing ako dahil baka tinapon lang ito dito. Haharap na sana ako para bumalik sa
bahay ng mapatingin ako sa kotseng itim na mabilis na umuusad at ang dereksyon ay
patungo sa akin..
Para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi agad gumagana ang isip ko para umalis
sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat ko.
Napapikit ako ng makita na malapit na ito sa akin. Naramdaman kong may nagtulak sa
akin kaya napangiwi ako ng magpagulong-gulong ako sa kalsada.
Mariin akong napapikit at narinig ko ang mabilis na paglayo ng sasakyan kaya dahan-
dahan akong dumilat. Napatingin ako sa katawan ko at konting galos lang ang natamo
ko. At napansin ko na wala na ako sa kinatatayuan ko kanina. Napatingin ako bigla
sa taong nagtulak sa akin at nanlaki ang mata ko ng makita si Won na nakahandusay
sa sahig at namimilipit sa sakit habang may dugo sa binti nya.
"Won!!" agad akong tumayo at agad na tumakbo palapit sa kanya, "Won.." hinawakan ko
sya sa mukha at nakita ko ang pagpikit ng mga mata nya.
"Tulong! Tulong!"
Napaiyak ako at natakot habang tinitignan sya. Agad na kinapa ko ang bulsa ng
pantalon ko at kinuha ko ang phone ko na nasa loob ng bulsa ko. Agad kong tinawagan
si Atreo.
"Oh, baby?"
"Atreo, lumabas ka.. Si Won.. Si Won!"
Hindi ko na sya narinig na sumagot at pinatay na nya ang tawag. Mahinang pinalo ko
ang pisngi ni Won para magising.
"G-Grace... S-Si S-Suzane.."
Suzane?
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi na sya sumagot at natakot ako ng mawalan na sya ng malay.
"Baby, anong nangyari?"
Tumingin ako kay Atreo na agad na dumalo kay Won.
"May dumating na kotse at balak akong sagasaan. Niligtas nya ako. Atreo, buhay pa
sya, 'di ba?" naiiyak ako.
Pinakiramdaman ni Atreo ang paghinga ni Won at binuhat nya ito.
"Buhay pa sya, don't worry. Tawagin mo ang mga Kuya mo."
"Pero baka masira ang party ng anak natin. At tingin ko ay alam ko na kung sino ang
balak na ipapatay ako."
Napahinga sya ng malalim at nagmadali kaming pumasok muli para isakay sa kotse si
Won. Tinawagan ko si Mommy at sinabi ko na ito muna ang bahala kay Aallotar at sa
mga bisita.
-
Pagdating namin sa hospital ay nagmamadali namin pinasok si Won. Agad namang
sinalubong, at inasikaso ng mga nurse si Won.
Magkahawak-kamay kami ni Atreo habang hinihintay na matapos ang paggamot kay Won.
Nang bumukas ang pinto ay agad kaming napatayo ni Atreo.
"Doc, kamusta ho ang kapatid ko?"
"He's stable now. Nagkaroon lang sya ng injured sa kaliwang binti nya kaya
kailangan nyang manatili ng ilang araw rito para pagalingin iyon."
Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. Pero nalulungkot parin ako
dahil sa akin kaya nabalian si Won.
Pumasok kami sa kwarto na nilaan kay Won. Nakita namin ito na nakapikit habang ang
kaliwang paa nito ay nakasabit para siguro hindi magalaw.
"Sabi na nga ba at sa kanya ang puting kotse."
Napatingin ako kay Atreo ng magsalita sya tungkol sa puting kotse.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Napapansin ko na palaging nasa paligid ang puting kotse. At nang makita ko ang
plaka ay alam ko na kay Won iyon. Hindi ko na sya sinita dahil tila nag-aalangan
sya na lapitan tayo. Siguro, kaya sya palaging nasa harap ng bahay ay dahil nais
nyang makausap tayo, ngunit nahihiya sya na lumapit."
Napatango ako at tumingin kay Won. Napangiti ako nang dumilat ito at tumingin sa
amin.
"Yeah. It's true." aniya kaya napangiti ako, "Nahihiya akong lumapit sa inyo. Kaya
sa malayo ko nalang kayo tinatanaw."
"Pero bakit mo nasabi na si Suzane ang may tangka na pasagasaan ako?"
Napahinga sya at tumingin sa amin. Lalo na sa akin.
"One time. Nang balak kong bisitahin sya at si Dad sa kulungan. Nakita ko na may
dumalaw sa kanya na isang medyo maedad na lalake; kasama si Ashley.. Kaya
nanghinala ako no'n. Sinundan ko sila at sa parking lot ay narinig ko ang pag-uusap
nila. Gaya daw ng utos ni Suzane ay dapat na mamatay ka.. Gusto nyang maghiganti
sa'yo, Grace.. At ang sakay nang kotseng itim na nakasagasa sa akin ay iyon ang
lalake. Ang ama ni Suzane na isang sindikato."
Napakuyom ako ng kamay sa narinig ko. Talagang hindi pa pala patatahimikin ni
Suzane ang buhay ko.
"Atreo, bantayan mo muna si Won.. May pupuntahan lang ako."
"Saan ka pupunta?"
"Kay Suzane." tatalikod na sana ako ng pigilan ako ni Atreo. Tumingin ako sa kanya
at nakita ko ang pag-seryoso nya.
"No, you'll stay here. Ako ang haharap sa kanya." aniya at tumingin sya kay Won
bago kami talikuran. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas na sya.
"Hayaan mo na sya. Siguro ay punong-puno na sya kay Suzane."
Napabuntong-hininga ako at humiling na sana ay maging maayos na ang lahat.
-
ATREO'S POV
Sa kulungan kung nasaan nakakulong si Dad at Suzane ay doon ako nagpunta. Nakaupo
ako sa upuan para hintayin ang paglabas ni Suzane.
Napaangat ako ng tingin ng may humalakhak. Nakita ko si Suzane na nakangisi habang
nakaposas na inupo ng mga pulis para iharap sa akin. Sinenyasan ko ang mga pulis na
umalis, kaya naiwan nalang kami ni Suzane.
"Sa tingin ko ay may malalang nangyari ngayon. Base palang sa mukha mo ay parang
namatayan ka na."
Humalukipkip ako at tinignan ko sya ng seryoso.
"Ikaw ang may pakana para ipasagasa si Grace."
Tumawa sya tila ba tuwang-tuwa, "So? Ano, Critical na ba sya? O wala na? Patay?"
"Alam mo ba na si Won ang nakahiga sa hospital bed ngayon?"
Nakita ko ang pagwala ng ngiti sa labi nya. At kita ko ang pagkagulat sa mata nya.
"S-Si Won?"
"Dahil sa kasamaan mo kaya ang pinakamamahal mong si Won ang napahamak."
Napatulala sya at kita ko ang pagputla ng mukha nya. Alam ko na minahal nya si Won.
Masyado lang syang naging sakim sa pera at binalewala ang taong nasa paligid nya.
"Harapin mo ang lahat ng kasong nakasampa sa'yo, Suzane. Dahil hindi ako papayag na
hindi mo pagdusahan ang ginawa mong pag-utos na pasagasaan ang asawa ko. At ngayon
ay mas nadagdagan pa dahil sa ginawa mo kay Won."
Tumayo na ako at tinignan ko pa sya. Ngayon ay umiiyak na sya. Iniwan ko na sya
doon. Nararapat lang sa kanya na pagdusahan habang buhay ang lahat ng kasalanan
nya. Wala syang kasing-sama.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang mga pulis na tinawagan ko para ipahuli
ang ama ni Suzane at si Ashley.
"Wag nyong hahayaang makatakas ang mga iyan. Dapat na pagsisihan nila ang ginawa
nilang kasalanan."
Masamang tumingin sa akin ang ama ni Suzane habang pinipilit nyang magpumiglas sa
pagkakahawak ng mga pulis sa kanya.
"Hayop ka. Oras lang na makalabas ako, papatayin kita." banta nya na kinangisi ko.
"Oh? 'Yun, e, kung makalaya ka pa. Alam mo ba na anak ng mga Esteban ang nais mong
ipapatay?"
Nakita ko na nagbago ang itsura nito at biglang namutla. Napangiti ako dahil hindi
ko naman ineexpect na kilala rin ng Ama ni Suzane ang mga Esteban. Talagang malaki
ang impluwensya nila, ha?
"E-Esteban? Anak ni James Esteban?"
"Yes. At oras na malaman nya ang nangyari." Minuwestra ko kunwari ang kamay ko na
ginigilitan ang leeg ko, "Patay ka."
Lalo itong namutla kaya napangisi ako at napailing.
"Sige na, ikulong nyo na iyan. Nag-iwan na ako nang statement kaya deretso nyo na
sa kulungan 'yan."
"Mr. Alvarez.."
Hindi ko pinansin ang pagmamakaawa ni Ashley sa akin at nilagpasan ko na lang sila.
"Oh, General Alvarez."
Napahinto ako muli sa paglalakad at napatingin kay Lieutenant De Jesus.
"Oh, Lieutenant De Jesus." nakipagkamay ako sa kanya at nakangiti na tinignan sya.
"Bakit ka napadpad rito? May dinalaw ka ba?"
Tumango ako at napamewang, "Yeah. Ikaw, hindi ko alam na dito ka nakaduty ngayon."
Ngumiti sya at may kinuha sa wallet nya. Tinignan nya ito bago inabot sa akin kaya
kinuha ko.
"Pwede bang magkahingi ng autograph kay Gracy Jane."
Napatiim-bagang ako ng makita ang litrato ni Grace noon pang model sya habang
rumarampa sa Victoria Secret.
Tumingin ako kay De Jesus. Kinuwelyuhan ko sya at tinignan ng matalim.
"Bakit ka merong litratong ganito?"
"Huh? Nabili ko 'yan sa mismong event noon ng victoria secret."
Damn. Binili ko na nga lahat ng lumalabas na magazine o ano mang litratong
lumalabas na kuha ni Grace. Pero tila may nakalusot. Tsk.
Tumingin ako sa paligid at lumapit ako kay Policarpio na nakaupo sa table nito.
"Pre, pahingi lang ng papel at ballpen."
"Sure. Basta ikaw." ngumiti ako at kinuha ko ang ballpen nya bago pumirma sa papel.
"Salamat sa ballpen." binalik ko na kay Policarpio ang ballpen nya at binalikan ko
si De Jesus, "Here. May pirma ka na.."
"Pero--"
"May iba ka pa bang ganito?"
"Wala na."
"Good." tinapik ko lang ang balikat nya at umalis na ako sa harap nya at sa pulis
station. Paglapit ko sa kotse ko ay sumakay na ako. Tinignan ko ang litrato ni
Grace at kinuha ko ang wallet ko para ilagay doon.
Napahinga ako ng malalim at umalis na ako sa harap ng kulungan. Hindi pa ako
nakakalayo ng umalingawngaw ang tunog ng ringtone ng phone ko kaya kinapa ko ang
bulsa ko at agad na kinuha ang phone ko doon.
Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko na number sa bahay kaya agad kong
sinagot. Hininto ko muna sa gilid ang sasakyan para maayos na masagot ko ang tawag.
"Yes, Hello?"
"Father! Where are you?! Where's Gracy?" napangiti ako ng marinig ang pag-iyak ni
Aallotar sa kabilang linya. Tila nalaman nya na wala na kami sa bahay.
"Umalis lang kami saglit ng mom mo. Pabalik na kami."
"Okay po, basta po bumalik na kayo. Magbubukas na po ako ng gift." humihikbi nitong
sabi.
Napangiti ako lalo dahil saglit lang kami umalis ay hinahanap na nya kami, "Oo
naman. Sige, hintayin mo lang kami, ha?"
"Okay po. Ingat po sa pagda-drive."
"Bye, anak."
Binaba ko na ang tawag at napailing ako bago binulsa muli ang phone ko. Pinaharurot
ko na paalis ang sasakyan patungo sa hospital na pinagdalhan kay Won.
Pagdating ko doon ay bubuksan ko na sana ng tuluyan ang pinto ng kwarto ni Won ng
marinig ko ang pag-uusap ni Grace at Won.
"Grace, salamat sa pagtanggap mo sa mga bata. Alam ko na hindi maganda ang unang
nangyari sa'yo, pero humahanga talaga ako sa kabaitan mo."
"Ano ka ba, wala iyon. Tsaka hindi naman pwedeng madamay ang mga bata sa gulo
namin."
Pumasok na ako at nakita ko na hinawakan ni Won ang kamay ni Grace.
"Ahem!"
Napatingin sila sa akin at agad namang binitawan ni Won ang kamay ni Grace.
"Grace, hinahanap na tayo ni Aallotar."
"Pero.. Paano si Won?"
"Don't worry, kaya ko nang mag-isa. Tsaka baka dumating na din si Mama." agad na
wika ni Won.
Tumango ako rito at lumapit sa gilid nya. Hinawakan ko sya sa balikat.
"Pagaling ka, Won."
"Oo ba. Pasensya nga pala kung hindi kita naituring ng maayos, kuya."
"Wala iyon. Tsaka magpagaling ka agad at humanap ka naman ng babaeng matino. Pwera
sa asawa ko, ha?"
Natawa sya habang ako ay nakatikim ng hampas kay Grace.
"Oo. Sana lang ay makahanap ako ng katulad ni Grace. Swerte mo, Kuya."
"Naman.." ginulo ko ang buhok nya at napangiti, "Sige, mauna na kami at
nagmamarikolyo na ang anak namin."
Ngumiti sya at tumango kaya hinawakan ko na ang kamay ni Grace at inaya na sya.
Paglabas namin ay tahimik na magkahawak-kamay kami ni Grace na lumakad sa hallway
ng hospital. Pinisil ko ang kamay nya kaya napatingin sya sa akin.
"Bakit nagpapahawak ka ng kamay kay Won, ha?"
Hinampas nya ako gamit ang bag nya at umirap sya na kinangiti ko.
"Sus. Selos ka naman. Hinawakan lang naman."
"Ah, talagang gusto mong magpahawak, ha?" huminto ako sa paglalakad kaya napahinto
rin sya. Tinaas ko ang kamay namin na magkahawak, "Ako lang ang dapat na humawak sa
kamay mo. Tignan mo, fit ka sa kamay ko, kaya ako lang ang dapat na hahawak nito."
Ngumuso sya at tinulak ako sa dibdib ng mahina.
"Ang corny mo. Tara na nga." napahalakhak ako at humakbang na nang hatakin nya ako.
-
Pagbalik namin sa bahay ay nagkakainan na ang mga bisita. Napatingin sa amin ang
pamilya ni Grace.
"Finally, narito na kayo." sabi ng mommy ni Grace.
"Sorry, Mom. May nangyari lang kaya napaalis kami ni Atreo."
Tumikhim ang ama ni Grace kaya napalunok ako ng tignan ako nito para bang nais na
sabihin ko kung ano ang nangyari.
"Father! Gracy!" napatingin kami kay Aallotar nang umalingawngaw ang boses nito.
Napangiti kami na lumapit rito, "Saan po kayo nagpunta? Akala ko po ay iniwanan nyo
na ako."
Ngumiti ako at pumantay sa kanya. Pinisil ko ang pisngi nya habang nakatingin sa
kanya.
"Bumili lang kami ng another gift for you."
"Talaga po?" kumislap ang mata nito sa saya kaya nagkatinginan kami ni Grace at
napangiti, "Mabubukas na po ako ng gift." excited nyang sabi sa amin.
Tumayo ako at nagpunta sa likod nya bago hawakan ang wheel chair nya.
"Okay. Let's open the gifts."
Tinulak ko ang wheel chair nya sa lamesa na puno ng marami at malalaking regalo.
Nilagay ko sya sa gitna paharap sa mga bisita.
"Anak, anong gusto mong unahin?" tanong ko.
"Syempre po, yung sa inyo po ni Gracy."
Tumingin ako kay Grace at tumango kaya napangiti sya.
"Okay, baby, eto na." may inabot kami sa kanya na regalo. Agad nyang kinuha iyon at
inalis ang tali ng box na regalo. Agad nyang inalis ang takip at nakita ko na
napangiti sya.
"Wow. Ang ganda naman pong shoes ito.. Pero hindi ko naman po ito maiaapak sa
lupa."
Nagkatinginan kami ni Grace ng bigla itong lumungkot.
"Syempre magagamit mo rin 'yan, Apo."
Napatingin kami sa nagsalita at nagulat ako ng makita si Grand Ma at Mommy.
"Grand Ma.. Mommy." agad akong lumapit sa kanila habang gulat. Bumeso ako kanila at
tinignan sila habang hindi makapaniwala, "Bakit hindi nyo po sinabi na narito na
kayo?"
"Ang asawa mo ang nag-imbita sa amin."
Napatango ako at napangiti na inalalayan ko sila palapit kay Aallotar. Tumabi ako
kay Grace at hinawakan ko sya sa bewang.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" bulong ko sa kanya na kinangiti nya.
"Syempre, gusto kong masurprise kayong mag-ama."
Pinisil ko ang bewang nya at napangiti ako dahil araw-araw talaga na lagi nya akong
napapangiti.
"Kayo po ba ang Mommy at Grand Ma ni Father ko po?"
Tinignan namin sila Grand Ma at Aallotar na nagkaharap.
"Oo, Apo. Ako si Grand Ma Lora mo."
"Lora po? Katulad po kayo ng name ni Lora ko." kinuha nya ang doll nyang si Lora na
nakatago sa gilid nya at hinarap kela Grand Ma na kinagulat ata ni Grand Ma.
Napahalakhak ako dahil sino ba naman ang hindi matatakot sa doll? Scary. Tsaka
ngayon ko lang naalala na magkapangalan nga pala si Grand Ma at ang laruan ni
Aallotar.
"Apo, itago mo muna iyan, ha? Aatakihin ata ako sa nerbyos." napahagikgik si
Aallotar at tumango bago itago ang manika nya. Huminga ng malalim si Grand Ma at
tumingin kay Mom. Ngumiti sya na tumingin muli kay Aallotar at hinawakan ang mukha.
"Apo, meron kaming gift sa'yo.. At tiyak ako na masusuot mo na 'yang sapatos na
bigay ng parents mo sa kahit saan."
"Po? Paano po? Hindi naman po ako nakakalakad."
Tumingin sa amin sila Mommy. Kaya tumango kami ni Grace sa kanila. May nilabas
silang maliit na regalo at binigay kay Aallotar.
"Apo, ito ang gift namin sa'yo."
Agad namang kinuha ni Aallotar ang gift nila Mommy. Binuksan nya iyon kaya
nakitingin rin kami dahil hindi namin alam ang regalo nila Mommy.
Pagkuha ni Aallotar sa box ay isang tila card. Napakuno't noo ako at kinuha kay
Aallotar ang card. Nakita ko na isang calling card ng isang Wilson Gomez. A doctor.
"Grand Ma, Mom, para saan ito?"
"Nalaman namin ang sitwasyon ng anak nyo. At dahil kaibigan ko yang si Doctor
Wilson Gomez ay ire-rekomenda ko kayo sa kanya. Magaling na doctor si Wilson,
Grandson.. At sinisiguro ko sa inyo na makakalakad si Aallotar kapag sya ang nag-
opera. Alam nyo ba na hindi sya basta-basta tumatanggap ng pasyente. Dahil simula
ng matuklasan ng iba ang galing nya ay inabuso naman sya kaya pinagpasyahan nya na
maging lihim nalang ang paggagamot nya at naging mapili na rin sya sa pasyente."
napabuntong-hininga si Grand Ma at saglit na huminto sa pagsasalita, "Mabuti at
agad ko syang napahanap bago kami nagpunta rito sa kaarawan ng apo ko. Sinabi ko
ang sitwasyon ng apo ko at mabuti nga at pumayag sya."
"Pero Grand Ma, baka hindi na sya magaling? Baka mapasama lang ang sitwasyon ng
anak ko?"
"Ano ka ba naman, Atreo apo. Ire-rekomenda ko ba sya sa inyo kung ipapahamak ko
lang ang apo ko. Trust me. He's a genius doctor."
"Excuse me, Madam." napatingin ako kay Sir James ng sumingit sya. Magalang na
kinuha nya ang kamay ni Grand Ma at hinalikan. Napailing ako ng mapangiti si Grand
Ma sa ginawa ni Sir James.
"Ikaw si?"
"I'm James Esteban, Madam; Grace's father."
"Oh. You're so handsome. Hindi ko akalain na isa ka nang ama."
"Thank you for your compliment. Anyway, may I asked what are you talking about?"
"Oh. May kilala kasi akong doctor na kayang pagalingin ang mga paa ng apo ko. Dati
kasi ay nalumpo rin ang asawa ko. Pero dahil kay Wilson ay nakalakad muli ang asawa
ko."
"Wilson? Wala ata akong naririnig na ganyang pangalan sa mga research ko? Dati ho
kasi ay lumpo ang isang kambal ko. Naghanap ako ng magaling na doctor at napagaling
naman ang anak ko. Pero nang tignan nya ang apo kong si Aallotar ay hindi na raw
magagamot."
"Ah, siguro ay gusto mo lang makasiguro.. Pero sinisiguro ko sa'yo na magaling si
Doc Wilson.. Hindi mo talaga sya mahahagilap dahil isa syang scientist ngayon. Pero
doctor din sya. At lahat ng mga nagpapagamot sa kanya, kahit na mahirap na cases ay
kaya nyang gamutin. Kaya tiwala ako sa kakayahan ni Doc Wilson."
Napatango si Sir James at tumingin sya sa amin.
"Anong desisyon nyo?" tanong nya sa amin. Nagkatinginan kami ni Grace at tumango sa
isa't-isa. Tumingin ako kay Aallotar na nakatingin sa amin habang hinihintay ang
tugon namin.
"Kung makakalakad ho si Aallotar sa nirekomenda nyong doctor, Grand Ma, bakit hindi
'di ba?"
Napangiti si Grand Ma sa sinabi ko habang si Sir James ay napatango.
"Ako man. Gusto kong makalakad muli si Aallotar. Kaya Grand Ma, sa lalong madaling
panahon, pwede na po ba naming mapuntahan ang doctor na sinasabi nyo?"
Tumango si Grand Ma at napangiti sa sinabi ni Grace.
"Good decision. Wag kayong mag-alala, agad kong tatawagan si Doc Wilson para sa
paghahanda sa operasyon ng apo ko."
Napangiti ang lahat at napatingin kay Aallotar na napapalakpak habang nakangiti.
Nagkatinginan kami ni Grace. Hinaplos ko ang braso nya ng isandal nya ang ulo nya
sa dibdib ko habang nakatingin sa anak namin.
Wala na akong ibang mahihiling pa sa sarili ko. Ang tanging nais ko nalang, sana ay
mapagaling ng doctor ang mga paa ni Aallotar. Maalis lang ang guilt sa puso ko kung
gagaling agad si Aallotar.
-
Airport
"Apo, dapat ay magpagaling ka kaagad, ha? At tsaka tatagan mo ang loob mo at wag
kang matatakot. Ipagdadasal ka namin para pagbalik mo rito ay tatakbo kang yayakap
sa amin."
Napangiti ako na pinapanood si Mommy at Aallotar. Tumingin ako kela Atreo at Dad
kasama ang dalawang kuya ko na nag-uusap.
"Opo, Mom. Kapag magaling na po ako ay kayo po agad ang una kong pupuntahan."
"Oh, you're so sweet, Sweetie. Promise mo 'yan, ha?" nagpromise finger sila kaya
napangiti ako lalo dahil ang cute nilang mag-lola.
"Baby wife.." napatingin ako kay Atreo nang tawagin nya ako. Tumango sya sa akin
upang sabihin na kailangan na naming makasakay ng plane.
"Mom, kailangan na po naming umalis. Mag-iingat po kayo."
"Ano ka ba. Kayo nga ang dapat na mag-ingat. Alagaan nyong mabuti ang apo ko at
para mabilis kayong makabalik."
Tumango ako at bumeso sa kanya. Tumingin ako kela Dad na lumapit na sa amin.
"Dad." bumeso rin ako sa kanya. "Kuya Gab and Kuya Jam." Bumeso rin ako sa mga ito
at tumango sa kanila.
"Uwian nyo kami ng good news. At Alvarez, alagaan mong mabuti ang mag-ina mo. Oras
na mabalitaan kong magloko ka doon dahil maraming sexy na nurse doon ay sinisiguro
ko sa'yo na tutumba ka."
"Bakit alam mong may sexy nurse doon, tanda?"
Napahalakhak kami ng pingutin ni Mom si Dad sa tenga.Tumingin ako kay Atreo ng
hawakan nya ang wheel chair ni Aallotar.
Tumingin ako kela Kuya at tumango sila sa amin. Napailing ako habang nakangiti na
tinignan muli sila Mom na parang teenager na naghaharutan.
"Babye po!" paalam ni Aallotar.
"Mag-iingat kayo. Apo, palakas ka ha."
Kumaway kami sa kanila bago sila talikuran at humakbang na. Humawak ako sa braso ni
Atreo habang buhat ko ang bag namin at ang maletang naglalaman ng kaunting damit
namin. Doon nalang kami bibili ng ibang damit para hindi na kami mahirapan sa
byahe.
Lumingon ako kela Mom at napangiti na kumaway muli sa kanila.
Masaya ako sa takbo ng buhay ko. At tinatak ko sa puso ko na wag susuko sa buhay.
Alam ko na lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan.
Tumingin ako kay Atreo at napangiti.
Sabi ko noon ay umpisa palang ay mali na ang relasyon namin, at kailangan na
magtuldok ito sa tama. Pero nagkakamali pala ako sa aking sinabi. Dahil ang
desisyon ko sa buhay ang tanging mali at dapat ay noon pa man ay tinama ko na lahat
kung naging matured lang ako noon.
Alam ko na ang mistress ay walang mabuting dinudulot sa iba. Pero hindi naman lahat
ng mistress ay gulo ang dulot sa iba. May iba lang na sumasabay lang sa agos at
tibok ng puso nila. Kaya huli na bago pa nila malaman na mali pala ang
pinagbagsakan nila. Pero tulad ko, alam ko na alam nila na dapat sila lumagar sa
dapat nilang kalagyan.
Swerte nalang kung ang maling lalakeng minahal nila ay sa huli ay magiging tamang
lalake pala para sa kanila.
All reserved September 27, 2017.
By: MinieMendz
Thank you!!!!

You might also like