You are on page 1of 447

Teach Me Back (Teach Series #...

TEACH ME BACK [Teach Me Back (Teach Series #...]

<img src="https://img.wattpad.com/f2c13176366c278f3e364f287913a95e81aff6ec/
68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d73657
2766963652f53746f7279496d6167652f33686f556b51757a6261516f51513d3d2d3834383436323237
302e313636306366323236316465343332653534393937333837313138322e6a7067" style='max-
width:90%'>

TEACH SERIES #3

Lisa Lyndel Montero's life is full of pretending. She has two faces—not literally.
She's sweet, polite, and gentle inside their house and around her family. And it
sucks, not until she met Yeomra Kevin Rowan. She started to let him see her true
colors; she doesn't need to pretend and hide.

An unexpected friendship with a random person.

As their friendship deepens, Lisa begins to realize something. She found herself
wanting him, as they try to defy the odds and be just friends, they fail miserably.
After all, when you fight fire with fire, you're bound to get burnt.

Funny how fate played tricks on them.

»»————- ♡ ————-««

This is a work of fiction. Names, businesses, places, events are either the product
of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an
actual person, living or dead, or actual event is purely coincidental.

»»————- ♡ ————-««

• Grammatical and Typographical errors ahead. Be warned that this is the


first/rough draft story.

»»————- ♡ ————-««

SaviorKitty ⓒ2021. All Rights Reserved. This book or any portion thereof may not be
reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission
of the author. Any infringement of copyright is punishable by law.

•♕•

Started: Feb. 05, 2021

Finished: April 02, 2021

SaviorKitty

SIMULA [Teach Me Back (Teach Series #...]


SIMULA:

"Is this even a grade Lisa Lyndel? Ninety four, really? Are you proud of this
average?"

I bit my lower lip when I heard my Mom's question about my grade that I presented
to her. I can see disappointment in her face, as always.

Kahit siguro gawin ko ang pinaka the best ko ay wala pa rin, hindi ko pa rin
mapapantayan ang expectations nila sa akin. Nakakapanliit lalo't pakiramdam ko ay
ginagawa ko na ang lahat ng kaya ko sa academic pero sa huli, kulang pa rin.

Sobrang excited ako kanina ipakita iyon sa kanya, dahil sa kabila ng nagkasakit ako
at hindi nakapasok ng halos isang linggo ay nabawi ko pa rin ang grade ko pero
mukhang hindi iyon ang gustong marinig ni Mommy.

Baka lalo lang siyang magalit kapag ipinaalala ko iyon.

"Why don't you try to be like your sister? Your ate always got a perfect scores!
May tutor ka na, may Saturday class ka pa, tapos ito? Saan ba napupunta ang mga
pinag-aaralan mo?" I'm afraid to look at her face, I'm afraid to see how unworthy I
am.

Lumunok ako habang nakayuko, pinakalma ko ang aking sarili.

"Look at your younger brother, he's excellent both academic and sports. Dapat ikaw
ang maging huwaran niya, ayoko ng ganito Lisa, sa susunod siguraduhin mong ikaw ang
mataas sa kanilang lahat."

"M-Mom, top one pa rin naman po ako at—"

She laughed. "Ilang points ang taas mo sa sumunod sa'yo? Mas maganda kung malaki
ang lamang mo."

Malakas akong napabuntonghininga, kinuha ko na ang aking card na nasa itaas ng


lamesa. Tama siya, kaunti lang ang nilamang ko.

I need to answer or else she will keep saying it over and over again. Slapping to
my face that I am not enough, that I can't do better.

"I-I'll do better next time, Mom. I promise."

Mom frowned, and I couldn't tell if she were more disappointed or relieved at my
words.

Napailing siya saka sinenyasan akong umalis na. Malalaki ang hakbang na umalis ako
sa garden kung nasaan siya naka-tambay at nagkakape. Habang papunta sa aking kwarto
ay hindi ko maiwasan maikuyom ang aking kamay.

I'm the middle child.


Ang hirap dahil kung hindi ako ikukumpara sa panganay ay sa bunso naman.

Laging dapat ganito, dapat ganyan.

Tama sila, sa panahon ngayon dapat ay angat ka. Kahit saan, sa school o sa trabaho.
Dahil kapag mas mataas ka, mas igagalang ka, mas madaming oportunidad para sa'yo.

Iyon ang itinanim ko sa isip ko.

Nang makarating sa sala ay naabutan ko ang bunso kong kapatid na lalaki na abala sa
bago niyang phone, Mom bought it for him because he won a gold medal in archery
last competition.

"Ate Lisa, look!" Masayang iniharap niya sa akin ang malaking phone niya na mas
tatlong camera.

That's too much for a nine years old, but I know he deserves it.

Nagpeke ako ng ngisi saka palihim na itinago ang card ko sa aking likod. "I will
buy too." I said confidently.

He stuck his tongue out of me, I smirked and brushed his hair before going
upstairs.
Wala si Ate, she's probably out with her new boyfriend. 'Yong anak ng kaibigan ni
Mommy.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay isinubsob ko ang aking mukha sa unan at malakas na


sumigaw. Sinugurado kong hindi nila maririnig, ang aking sigaw ay nauwi sa pag-
iyak.

Ang tanga-tanga mo naman kasi, Lisa.

Bakit ba kasi kulang pa? Ano pa ba ang kulang? Nagre-review naman ako palagi, hindi
naman ako lumiliban sa klase, pero bakit gano'n, bakit kulang pa?

Sumigaw ulit ako, bahagya ko pang naikuyom sa sapin ng kama ang aking palad.

I know, my pillow won't get tired of me.

Napabalikwas ako sa aking kama nang maalala kung bakit ako nagkasakit ng isang
linggo.

Kung hindi sana ako nabasa ng ulan, hindi sana ako lalagnatin, hindi sana ako
mawawala sa school ng isang linggo edi sana hindi ko nabaktawan ang ilang activity
namin.

Mabilis kong inayos ang aking salamin at buhok bago nagmamadaling bumaba ng bahay.
Narinig kong tinawag ako ng kapatid ko pero hindi ko na siya pinansin, sumakay ako
sa aking bike upang puntahan siya.

Hingal ako nang makarating sa bahay nila. Malakas na kinatok ko ang kanilamg gate,
hah!

Nameywang ako habang hinihintay bumukas iyon, nang bumukas ang pintuan ay tumambad
sa akin ang lalaking-lalaki na si Kevin. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa
presensya ko sa labas ng bahay nila.

He's my new classmate. He's transferee student, we are in the first year of
highschool.

Magbabakasyon na at sigurado akong next year ay magiging kaklase ko pa rin siya.


Hindi kami close at ayoko sa kanya dahil ang ingay niya sa school at isa pa, isa
siya sa kakompetensya ko.

"B-Bakit na nandito?"

Naningkit ang aking mata dahil malalim ang kanyang boses, ibang-ibang sa school.

Ibubukas ko na sana aking bibig nang may sumigaw mula sa loob ng bahay nila.

"Anak, sino 'yan?"


Bigla akong nakaramdam ng hiya nang lumabas ang tatay niya na naka-Police uniform
pa.

Napakamot si Kevin sa batok, hinila niya ang braso ko palayo sa gate nila. "Wala,
Papa. Kaklase ko lang may hinihiram," he lied.

Ikaw manghihiram ng mukha sa aso, boy!

May sinabi pa ang Daddy niya pero hinila na niya ako palayo sa bahay nila, doon
niya lang ako binitawan nang tumapat kami sa isang puno.

"Why are you here, Lisa?" Kunot-noong tanong niya habang sinisipat ang aking mata.

Nagngitngit ang aking galit para sa kanya nang makitang mukhang kakagising lang
niya. Wow, habang ako puro problema siya patulog-tulog lang.

"Dahil sa'yo kaya bumaba ang grade ko!" I blamed him and pointed a finger on his
chest.

Napamaang siya.

"Luh, anong ginawa ko sa'yo?"


Napapantastikuhang tinitigan ko siya. Ngayon, nag mamaang-maangan siya. Magaling!

"Remember when I saved you! Noong umuulan at muntik ka ng mabundol ng kotse, dahil
doon nagkasakit ako, dahil doon bumaba ang grade ko!" Nanlaki pa ang mata ko habang
inaalis ang galit sa dibdib.

"H-Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako ha! Saka bakit ngayon ka lang nagagalit,
halos tatlong buwan na 'yon, ni hindi mo nga ako pinapansin sa school," aniya
habang salubong ang kilay animong hindi niya maintindihan ang pagsabog ng galit ko.

"Hah! Malamang, hindi naman tayo close. Ang point ko ay dahil sa'yo kaya bumagsak
ako! I hate you! Akala mo mabait puro babae naman kasama sa school, kahit kailan
hindi ako makikipagkaibigan sa babaero katulad—"

"I'm gay."

"W-What?"

Nagkibit-balikat siya.

"I'm always with girl because I'm gay, I'm one of them. So... let's be friend?"
Naglahad siya ng kamay sa akin.

________________

SaviorKitty
Kabanata 1 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 1:

"Mga putang ina niyoooooo!"

Itinirik ko ang aking mata dahil sa malakas na sigaw ni Kevin na lasing na lasing
na. Hinimas-himas ko pa ang kanyang likod habang nakaupo siya sa gutter sa parking
lot kung nasaan kami.

"Papapapapa-fuck you kayong mga lalaki!" Ipinakita niya ang middle finger niya sa
asong dumaan na mabilis naman tumakbo.

Hala, natakot. Kingina naman kasi ni Kevin e.

Finuck you niya rin ang mga halaman sa gilid.

Bahagya kong hinarangan si Kev sa mga dumaan na napapatingin sa amin. This bitch,
kapag talaga kami nakita ng mga nakakakilala sa amin siguradong matatanggalan kami
ng lisensya sa ginagawa niya.

"Tama na 'yan, Kev. Umuwi na kaya tayo? Beb, anong oras na oh? Titilaok na ang
manok, nalaklak mo na ata lahat ng alak," mahinang wika ko at kurap-kurap pa para
maka-focus ang aking mata.
I scanned my eyes around the area, I'm not drunk, not yet. Compared to Kevin, I can
still think properly... I think.

"B-Bakit gano'n, Lisa Lyndel? Binigay ko naman lahat ha? Pagmamahal, pera at oras,
kulang pa ba 'yon? Bakit dahil b-bakla ako?" puno ng galit ang kanyang boses.

Lumuhod ako sa kanyang harapan at sinapo ang pisngi ng aking kaibigan. "Si Kevin
Yeomra ka, wala kang inuurungan, wala kang tinatalikuran. Naiintindihan mo? Lalaki
lang 'yan, bukas hahanap tayo sampo!" pang-uuto ko sa kanya.

Bigla ay naging alerto ang mata ng bakla at sinubukan tumitig sa akin. As he


blinked, I saw his long eyelashes.

"Talaga? L-Legit 'yan ha?" parang tangang tanong niya.

"Oo naman! Kailan ba kita ini-scam."

Ang malungkot na mukha niya ay napalitan nang malawak na ngiti, pero alam kong
pilit lang iyon. Lasing na hinimas niya ang buhok ko.

"You're my favorite Lisa, you know that right? You're my bestfriend," mahinang sabi
niya sabay tampal sa pisngi ko nang mahina.
Sandali akong napatigil pero sa huli ay nginisian ko siya't inalalayan tumango.
Akala ko ay uuwi na kami pero nagtatakbo siya papasok ulit sa bar kaya wala akong
nagawa kung hindi sundan na lang siya.

༺❀༻

Napakapit ako sa bakal na hawakan ng elevator ng magsimulang umangat ito. Parehas


kaming natawa ng lalaking kasama ko sa hindi malaman dahilan. Pinilit kong idilat
ang mapungay kong mga mata upang sulyapan ang lalaking katabi ko.

I just want to sleep.

Who are you boy, hmm?

Nakaakbay siya sa akin habang paulit-ulit niyang dinadampian ng mainit na labi ang
gilid ng aking sentido.

"Hmm. You smell good," bulong niya sa akin tainga kaya bahagyang napa-igtad pa ako,
napakunot ang aking noo dahil parang kilala ko ang boses na 'yon.

He sounds so familiar... Smell familiar too.

Hindi ko mai-deretsyo ang aking tingin sa kanya, pero nasisigurado kong mas higit
na matangkad siya sa akin. Uh-huh. Bakit kamuka 'to ng kakilala ko? Gano'n na ba
ako ka-hayok sa kupal na 'yon para makita ko siya sa ibang lalaki?
Pinikit ko ang aking mga mata habang pilit na inaalala ang mga nangyari kanina. I
remember I went to bar with my friend, Kevin. We parted our ways after an hour, I'm
not sure. Panigurado naman na may nabingwit na naman iyon na lalaki at pinabayaan
na akong mag-isang uminom.

Ayos din naman iyon dahil ayoko rin naman siya makasama talaga.

Leche siya.

I knew that alcohol is not good for me, mahina ang alcohol tolerance ko but here I
am being drunk again. Great Lisa!

Pinilig ko ang aking ulo upang mawala sa isip ang dahilan kung bakit ba ako
nagpakasalasing ngayon gabi.

I'm just confuse, alright!

'Yong pakiramdam na may magustuhan kang bagay na alam mo sa sarili mo na kahit


kailan ay hindi naman mapapasayo? 'Yong may gusto akong makuha pero alam kong hindi
para sa akin.

"Calm down," I laughed when I heard the sounds from his keys.
Naniningkit ang matang pinanood ko ang mabangong lalaki na pulutin ang nahulog
nitong susi. Bahagya pa akong natawa nang makitang nanginginig ang kamay ng lalaki.

Nang mabuksan niya ang pintuan sa aming harapan ay kaagad niya akong hinawakan sa
pulsuhan upang makapasok. Kaagad niya akong itinulak sa nakasarang pinto at walang
sabi-sabing sinakop nito ang aking labi.

"Damn! You're making me excited baby," he groaned on my lips.

His kisses are very toxicating. Nakakaliyo ang bawat dampi ng labi niya, ipinatong
ko ang aking kamay sa kanyang balikat at unti-unting bumaba ang aking kamay upang
tanggalin ang butones ng kanyang damit.

Ginantihan ko ang kaniyang halik, I want to forget someone. Ilang araw na akong
ginugulo ng pesteng pakiramdam na ito.

Ayoko! Ayokong maramdaman ito, hindi sa kanya. Bawal sa kanya! Hindi pwede!

Bumaba ang halik ng lalaki sa aking panga, he smells so good too. So manly. Hindi
ko alam kung bakit wala akong pagtutol na nararamdaman?

Umangat ako't naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa isang malambot na kama.


Tinanggap ko ang bawat haplos niya sa akin katawan, sobrang bilis ng pangyayari
parang pumikit lang ako't naramdaman kong lumamig na ang paligid.

Wow magic! I giggled.


I tried to open my eyes to see his face again, baka sa pagkakataon na ito ay hindi
na siya kamuka ng lalaking gusto ko. Baka sa pagkakataon na ito ay magising na ako
sa katangahan ko.

Pilit kong inaaninag ang mukha ng lalaki pero masiyadong madilim ang kwarto
dagdagan pa ng pag-ikot ng aking paningin.

Unti-unting bumaba ang halik ng lalaki sa aking lantad na dibdib.

"Hmm..."

"What baby? What is it? You want this?" paos na boses ng lalaki at dahan-dahan
bumaba ang halik sa aking tiyan.

"Y-Yes," aniko na may kasamang pagtango pa.

Damn it! I'll forget him.

NANG magising kinabukasan ay para akong binuhusan ng malamig na tubig nang


maramdaman kong may nakayakap na braso sa aking beywang mula sa likudan.

Unti-unting bumalik sa tamang wisyo ang aking pag-iisip. Parang isang kidlat na
bumalik ang nangyari kagabi, malabo ang ala-ala pero alam na alam kong totoo iyon.
Hindi panaginip ang nangyari dahil ramdam ko ang sakit ng aking ibaba, sa aking
hita. What the!

Oh Gosh! Ang tanga-tanga mo Lisa Lyndel! Nakipag-jack n poy ka sa hindi mo


kakilala! Ang gaga!

Napakurap-kurap at huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili.

Wait, Am I hallucinating?

Malakas na kumabog ang aking dibdib, para sa sagot bahagya akong bumaling sa
lalaking nasa likod ko upang makita ito. Hindi ko na maalala ang itsura niya
kagabi, kung mabuntis man ako at least alam ko mukha ng naka-sisid sa perlas ng
Silangan ko.

Para akong sinampal ng tatlong kabayong bakla nang makita ang gwapong mukha ng
lalaki na mahimbing na natutulog at mahigpit ang yakap sa kaniyang beywang.

Napakurap-kurap pa ako nagbabakasakaling mababago ang nakikita ko.

"Oh no!"

Napatakip ako sa aking bibig ng unti-unting maisip ang ginawang kabaliwan.


I had a wild steamy night with my bestfriend.

My gay best friend -- Yeomra Kevin Rowan.

➵➵➵

SaviorKitty

Kabanata 2 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Note: From this chapter, hanggang sa ilan pang susunod na chapter ay flashback sa
college.

Kabanata 2

Palihim akong napamura nang makita ang sunod na tanong sa examination paper sa
aking harapan. What the hell? I don't know anything about this damn question. Saan
ba nila nakuha 'to? Wala naman akong natatandaan naging topic namin na ganito ah.

"What is REPUBLIC ACT No. 7836?" basa ko ulit sa tanong.

Nagbabakasakaling malaman ko na ang sagot kapag binasa ulit, pero wala pa rin. Ano
kasi 'yon? Nabasa ko ba 'to kagabi? Nakakainis!

Mas lalo akong nainis nang bahagya kong inilibot ang paningin sa buong kwarto.
Lahat ng kaklase ko ay parang daling-dali sa exam namin. Ni hindi nila inaangat ang
paningin nila.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Kaya mo 'yan Lisa! You can do it!

Muli kong binaba ang tingin ko sa aking papel. Nasa number thirty six pa lang ako
at sampong minuto na lang ay tapos na ang oras namin.

"Eeny, meeny, miny, moe," I murmured while taping the letters on the choices.

I looked at my right side when I heard a soft chuckled.

Natatawang nagsasagot si Kevin, para bang may nakakatawa siyang nabasa doon sa
kanyang papel. Napairap ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin paniguradong
narinig niya ang panghuhula ko.

Nakakainis naman kasi, bakit ba ang rupok ko sa phone? Imbes na magreview kahapon
ay inubos ko ang aking oras sa pakikipag-landian kung kanino man. Oh, crap that
word, hindi landian, nakikipag-usap lang pala.

Ngayon ako nagsisisi.


Pumikit ako saglit para isipin ang lahat ng napag-aralan namin pero lalo lang ako
kinabahan dahil ang iba kong kaklase ay nagsitayuan na upang ipasa ang papel.

Mas lalo akong nataranta.

Hindi ako pwedeng bumagsak, finals na namin ngayon. Malaki ang mahahatak sa grade
ko kung bumagsak ako rito.

Kinagat ko ang ibabang labi para mag-concentrate, naka-dalawang items pa lang ako
pero wala na akong maisip.

"Beb."

Napalingon ako kay Kevin nang tawagin niya ako. Pa-simpile ko siyang sinulyapan,
mukhang tapos na siya. Tinapik niya ang kanyang papel gamit ang dulo ng ballpen,
para bang pinapahiwatig niyang tutulungan niya ako.

My lips protrude because of his gesture. I slowly shook my head. Nakaka-akit ang
alok niya pero ayoko naman mangopya. Gusto kong makapasa ako dahil sa paghihirap ko
pero kung pipilitin niya ako... e baka... baka pwede naman?

Habang pilit kong sinasagutan ang mga natirang limang tanong ay nahulog ang ballpen
ni Kevin at saktong papalapit iyon sa akin.

Tingnan mo 'tong bakla na 'to, tapos mamaya magrereklamo bakit laging sira ang
ballpen.

From the corner of my eye I saw him stand to his seat to pick up his ballpen.

Napatigil ako sa pagsagot dahil sa paglingon niya sa aking papel, mabagal na yumuko
siya upang damputin ang ballpen.

"BDCBB..." Kumunot ang noo ko dahil sa bulong niya, animong dinasalan pa ako ako
bumalik sa upuan.

Ano raw? Sagot ba 'yon? Gano'n niya kabilis nakita kung nasaan numero na ako.

"Pass your paper forward."

Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi ng Professor namin. Kaagad kong binilugan
ang mga letrang sinabi ni Kevin.

NANG mag-uwian ay latang-lata akong lumabas sa classroom. Gano'n pala iyon? Kapag
pakiramdam mong babagsak ka ay nakakapanlata.

Parang gusto ko na lang maging bulbol. Tamang kulot lang, tamang singit sa
underwear.
Napatuwid lang ako ng tayo nang akbayan ako ni Kevin, pagod na inangat ko ang
tingin sa aking kaibigan.

"Anyare bakla?" Napanguso ako sa bungad na tanong niya.

Malalim ang boses niya, siguro dahil nagbibinata. Ayon nga lang ang puso ata'y
nagdadalaga.

Sinong mag-aakalang naging matalik na kaibigan ko pa siya pagkatapos ng sumbat ko


sa kanya ay pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. He's actually so positive,
like even I'm so negative, I'm so sad he can light it up.

Hindi ko rin alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na lagi na siyang kasama at
kausap sa school noon hanggang ngayon.

Noong una ay hindi pa rin ako makapaniwalang pusong mamon siya. Paano ba naman
kasi, sa unang tingin ay hindi mo naman talaga mahahalata.

Ngayon second year college na kami ay medyo lumalabas na ang tunay na balat niya.
Naaalala ko pa noong unang buwan na magkaklase kami, sa classroom ay hindi pa rin
niya pinapahalata pero habang tumatagal ay bumibigay na siya, parang wala rin naman
sa mga kaklase namin iyon.

Ayon nga lang, hanggang loob ng klase lang iyon dahil wala naman daw siyang kabit-
bahay doon. Kapag nasa labas ay behave pa rin siya. Mahirap na daw baka putulan
siya ng buntot sa harap ng kanyang ama.
We are like the same, I can't be myself infront of my family.

"Hindi ko alam ang mga sagot sa tanong." Bumuntong-hininga ako.

Naglalakad kami sa field papunta sa labas para umuwi.

"Paano mo malalaman e alas-dos na ata kagabi ay online ka pa, sino ka-chat mo ha?"
akusa niya.

Pabirong inirapan ko siya. "E bakit mo nalaman? Edi madaling araw rin ay online ka
pa?"

Hindi siya sumagot bahagya kong sinulyapan ang kamay niyang malayang naka-akbay sa
akin dahil mas matangkad siya.

Mahaba ang daliri niya't maninipis, parang babae.

"Where's Alice?" tanong ko pagkaliko namin sa isang gusali.

Si Alice ay isang kaklase namin na naka-close na rin namin. Medyo may sariling
mundo nga lang talaga.

"I don't know, Beb. Gutom na gutom na ako, daan tayo sa chichawan ha?"
Sasagot pa sana ako nang may humarang sa dadaanan namin dalawa, dali-dali kong
tinanggal ang pagkaka-akbay ni Kevin sa akin para harapin ang lalaki.

"Hi, Lisa," bati ni Reymark.

"Hello, Reymark, uwian niyo na rin?" pabebeng usal ko sabay hawi ng buhok sa
tainga.

Nakita kong sinundan niya ang buhok ko bago ngumisi, gwapo si Reymark. Matangkad at
medyo moreno. Pwede na. As far as I remember, he's part of varsity.

"Buti at nakita kita, hindi ka na nagreply kagabi e," maangas na aniya. Alright, I
like badboys. Gusto ko kasi 'yong mga tigasin at lalambot lang pagdating sa akin.

"Ah nakatulog kasi ako at-"

"Lisa Lyndel, Let's go, I'm starving," bulong ni Kevin sa likod ko.

Ingeterang bakla!

"Aha, may lakad ata kayo ng-" pinutol ko ang sasabihin ni Reymark.
"Kaibigan ko, ah hehe may lakad kasi kami. Chat na lang tayo ha?"

Maayos naman na pumayag si Reymark at hinayaan akong hilahin ni Kevin papunta sa


labas ng school.

Inis na inagaw ko ang braso ko sa intrimiditang bakla.

"Ano ba naman Kevin? Nagmamadali? Natatae ka na ba?" Natatawang usal ko.

Inismidan niya ako.

"Hellew, Reymerk. Hehe Chet ne leng teye he?" panggagaya niya sinabi mo kanina pero
mas inartehan niya kaya humagalpak ako ng tawa.

"Hoy! Hindi ganyan pagkakasabi ko ah! Siguro crush mo iyon no? Ang damot nito e."

Inirapan niya ako, sasagot pa sana ako nang huminto ang kotse nila. Sabay kaming
pumasok doon, nagmano ako sa Daddy ni Kevin na siyang sumusundo sa kanya.

Pupunta kami ngayon sa kanila dahil birthday ng Mommy niya.


"Kamusta iha?" ani ng Daddy niya habang nasa biyahe. Ngingiti-ngiti ito, malamang
hanggang ngayon ay akala nila ay kasintahan ko ang bayot nilang anak.

Kung alam lang nila na ang anak nila ang umuubos ng liptint ko.

"Ayos naman po, Tito. Wala po pala akong nabiling regalo para kay Tita kasi po
medyo naging busy po sa pagre-review hindi na po ako nakalabas kahapon," dahilan
ko.

Though, totoo naman na hindi ako makalabas kahapon dahil maulan at nasa bahay sila
Mommy.

Humalakhak ang Daddy niya. "Ayos lang iyon, Iha."

Nilingin ko si Kevin na bumubulong-bulong sa gilid.

"Busy sa pagrereview, baka pakikipag-chat." Pinandilatan ko siya't bahagyang


siniko.

Inirapan niya ulit ako. Ang arte!

Nang makarating sa bahay nila ay abot-abot ang himas sa akin ng Mommy niya, ilang
beses na akong nakapunta sa kanila. Karaniwan ay kapag may assignment o project
kami, si Kevin ang tumutulong sa akin.
Hindi ko alam bakit hinihimas-himas ako ng Mommy niya, sabi niya noon pa kasi ay
gustong-gusto na niya magkaruon ng babaeng anak. Kaya natutuwa siyang pumupunta
ako.

Gusto ko ngang sabihin may babae naman silang anak, Kevina ang pangalan kaso baka
tambangan ako ni Kevin.

"Nako Iha, akala ko hindi ka darating nagluto pa naman ako ng maja." Malaking ngiti
ng Mommy niya.

Napangiti ako. Magbabalot talaga ako mamaya, pero hindi ko pinahalata may masamang
balak ako.

"Thank you po, Tita."

"Wala iyon, madami itong niluto ko. Mag-uwi ka para hindi ka pagalitan ng Mama mo.
Hahaha," tawa niya.

Napangiwi ako. Ganon ba 'yon? Suhol?

I don't think Mommy will eat maja from other house or people. Masyadong mataas ang
pride niya para roon, ayaw niya ng gano'n.
"My, akyat lang ako saglit magbihis lang ako." Pasimple akong napanguso dahil
lalaking-lalaki ang boses ni Kevin.

Ang galing. Infairness! Hanggang ngayon nakakatuwa pa rin parang sinasapian e.

"Sure sige, Oh Lisa akyat muna raw kayo hehe."

Nanlalaking matang napalingon ako sa Mommy niya. "Po?"

"Mommy naman!"

"Sige na. Maghahain muna ako, akyat muna kayo tatawagin ko na lang kayo." Bahagya
pang tinulak ng Mommy niya si Kevin palabas ng kusina.

Nakasimangot na umakyat si Kevin sa taas, wala akong nagawa kung hindi sumunod sa
kanya. Hindi naman ito ang unang beses na makapasok ako rito kaya ayos lang.

Bakit gano'n ang Mommy niya? Parang binubugaw anak sa akin.

Umupo ako sa kama habang pumasok naman sa banyo si Kevin saka ni-lock pa iyon.
Akala naman nito bobosohan ko siya.

Neknek niya!
Tinanggal ko ang dala kong bag saka nahiga sa kama niya, napatitig ako sa kisame ng
kanyang kwarto. Ilang minuto pa ay bumukas na ang banyo kaya napa-upo ulit ako.

Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang suot niya. Cotton black short at plain
white shirt. Hmm.

"Buhok ba 'yan o pugad?" tanong niya sabay nguso sa buhok ko.

Kaagad kong sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay. Siguro ingget lang 'to sa
buhok ko e.

Pumunta si Kevin sa tukador niya sa kwarto saka sumampa sa kama, sa likod ko.

Halos mapaigtad ako nang simulan niyang suklayin ang aking buhok. Pasimple akong
humugot ng malalim na bumuntong-hininga dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib.

Winaksi ko kaagad ang pakiramdam na iyon. Hindi tama! Bakit ka kumakabog ng ganyan
ha heart? Ano self? Kinikilig ka kasi sinusuklayan ka niya? Wake up! Sinusuklayan
ka niya kasi bakla siya, gusto niya magkaruon ng buhok katulad ng sayo. Huwag kang
marupok, sisteret mo 'yan.

Dumilat ako at napanguso, magaan ang kanyang kamay sa bawat hagod ng suklay.
Tahimik na kinuha niya ang ponytail ko sa pulsuhan at sinimulang i-braid ang aking
buhok.
Nang matapos siya't lumayo ay doon pa lang ako tuluyan nakahinga ng maluwag.
Sinipat-sipat pa niya ang buhok ko.

Pabiro ko siyang kinurot sa braso.

"Uy, nainggit ka buhok ko no?" I laughed.

"Why would I? May buhok din ako. Mas mahaba lang sa'yo, pero atleast sa akin walang
kuto." komento niya.

"Hoy! Wala akong kuto, mema ka! May maikli rin naman akong buhok," dagdag ko pa.

"Saan?"

"Sa ibaba, kulot pa nga e. Try mo rin i-braid." Natatawang biro ko.

Hindi siya tumawa, tumitig lang siya sa akin na para bang pino-proseso ang biro ko.

Tumalikod siya at akmang lalakad ay hinawakan ko ang braso niya. Nagalit ba?
"Huy, saan ka pupunta? Baba na tayo gutom na ako."

Kumunot ang makapal niyang kilay.

"I'll get my comb."

"Huh?"

"Sabi mo i-braid ko rin, kukunin ko suklay ko," seryosong wika niya.

Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Weh? Gagu ata 'to.

Ilang sandali kaming gano'n na nagkatitigan saka siya humalakhak.

"You look constipated Beb, I'm just kidding. Come on, Mom is waiting."

Akala ko naman totoo.

***
Pronunciation:

Lisa - Lay-sa

Yeomra - Ye-om-ra

Kabanata 3 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 3:

"Dyan na lang ako sa may kanto," mabilis na sabi ko kay Reymark.

Bahagya ko pangtinapik ang balikat niya para mas malaman niyang ayokong i-diretso
niya ang motor sa harap ng bahay namin.

Imbes na sundin ay binagalan niya lang ang pagmamaneho.

Ang isang kamay ko ay naka-hawak sa hawakan sa likuran ng mio na gamit niya, habang
ang isa ay naka-patong sa kanan niyang balikat.

"Ayos lang, idiretso ko na, ang lapit na para hindi ka mapagod maglakad."
Natatawang aniya.

Gusto ko siyang kutusan, okay na siguro mapagod ang paa kong lakarin ang kaunting
distansya sa bahay at sa kanto kaysa mapagod ang singit ko kakakurot ni Mommy.
Lalong kumabog nang malakas ang dibdib ko nang maihinto niya ang motor sa gilid ng
gate namin. Kaagad akong bumaba, natatarantang inabot sa kanya ang helmet niya.

Gosh, what am I doing to my life?

Bahagya kong nilingon ang bahay namin, maliwanag na sa loob nh bahay. Madilim na
rin ang paligid, siguro naman ay hindi kami makikita, hindi naman siguro lalabas
bigla sila Papa at Mommy.

"Thank you sa pagpayag, Lisa. I really enjoy this day." Kumamot sa batok si Reymark
habang may ilang na ngisi sa labi.

Ngumiti ako para ipakitang nag-enjoy rin ako sa ginawa namin. Halos ilang buwan na
rin kasi kaming magka-chat, lagi kaming nagkikita sa school. Hindi naman pormal na
nanliligaw siya pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na gusto niya
ako. Nitong nakaraan araw ay inaya niya akong lumabas at ito nga't napag-desisyunan
namin na ngayon araw gawin iyon dahil matapos na ang school year.

"Thank you rin nag-enjoy talaga ako. Saka salamat pala rito." Tinuro ko ang goto na
binili namin.

I really find it cute, simple but sweet. Akala ko noon ay sobrang mayabang at pa-
cool si Reymark, but actually he's humble. Alam mo 'yung maloko pero 'yong magaan
lang kasama.

He chuckled. "Actually, ikaw lang ang naka-date ko na dinala ko sa gotohan, some


girls asked me to mall or restaurant. Mukhang mas lalo akong mahuhulog sa'yo nyan,"
biro niya.

Natawa rin ako sa sinabi niya, hindi naman sa ayaw ko sa mga gano'n.

Naisip ko lang na, paniguradong maraming tao sa mga lugar na iyon ngayon dahil
Sunday tapos lagi na rin naman ako nando'n, kaya nag-suggest ako na sa gotohan na
lang kami sa San Fernando kumain, kung saan ako dinala ni Kevin dati.

"Ahm... papasok na ako. Ingat sa pag-uwi," sabi ko.

Tinapik ko ang harap ng sasakyan niya para umandar na pero nakatitig lang siya sa
akin, mas nailang ako roon.

"Mauulit naman 'to hindi ba? I mean, nag-enjoy talaga ako kanina baka lang... baka
gusto mo lumabas ulit tayo sa susunod?"

Grabe, pakiramdam ko ang ganda ko. Maybe it's okay huh? Una pa lang naman 'to, baka
pwede ko pa siyang bigyan ng pagkakataon.

Inayos ko ang buhok ko at inilagay iyon sa likod ng aking tainga, nakita ko pang
sinundan niya iyon ng tingin.

Oh men, ang rupok niyo.


"Sure, message mo na lang ako."

Unti-unti sumilay ang ngiti sa labi niya, hinawakan niya ang pulsuhan ko saka ako
hinila papalapit sa kaniya. Halos mapaigtad ako nang halikan niya ako sa tungki ng
ilong ko.

Napakurap-kurap ako roon.

"B-Bakit?" gulat na tanong ko. Binitawan niya ang aking kamay.

"Ah, sorry nabigla ba kita?" nahihiyang wika niya.

"Bakit sa ilong?"

Sandali niya akong tinitigan bago natawa. "Gusto mo sa lips? Haha. Sige susunod at
—"

"Beb you're here!" Halos masamid ako ng sarili kong laway nang marinig ang sigaw ni
Kevin mula sa bahay namin. Lumingon ako at nakita kong nakadungaw ang ulo niya sa
pintuan. "Tito nandito na si Lisa—oh wait! May kasamang lalaki, Tito oh!" sigaw
niya.

Napangiwi ako saka mabilis na humarap kay Reymark.


"Ah, umalis ka na Reymark baka mapagalitan tayo, sige na."

Bahagya ko siyang tinulak-tulak, kahit naguguluhan ay binuhay niya ang makina ng


motor. "Ayos lang naman, teka ano mo ba iyon?" tukoy niya kay Kevin.

"Sige na! Kita na lang tayo bukas sa pagkuha ng card."

Tumango siya saka umalis, napa-buntonghininga na lang ako.

Pinanuod kong makalayo ang sinasakyan niya bago pumasok sa gate, kaagad nalukot ang
aking mukha nang maabutan si Kevin sa may pintuan namin.

"Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah," I pointed out.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo sa labas, gabi na ah." Pabirong inirapan ko siya saka
kami sabay na pumasok.

Nauna akong pumasok naabutan ko si Papa na nanunuod ng tv kaya nagmano ako, nandoon
din ang bunso kong kapatud. Kaagad na dumapo ang mata ni Papa sa dala kong goto.

"Saan ka galing, Lisa? Kanina pa nandito ang kaibigan mo. Tinatawagan ka ni Mommy
mo, hindi ka sumasagot, aba't nag-cellphone ka pa." Naglalambing na tumabi ako ng
upo kay Papa.
"Papa, dyan lang naman ako sa San Fernando, saka nagpaalam ako kay Mommy kanina na
aalis ako, wala ka naman kanina e." Sana gumana.

Ngumisi ako sa kanya pero nailing lang siya. "Saan ka galing? Akala ng Mommy mo si
Kevin ang kasama mo." Tinuro niya ang kaibigan ko.

Napanguso ako napatingin kay Kevin na prenteng nakaupo sa sofa namin. Bakit naman
kasi nandito 'tong bakla na 'to e? Edi sana may pwede akong idahilan kung wala siya
rito. Hays.

"Nako, Tito nakipag-date iyan," sabat ni Kevin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang epal talaga.

"Totoo ba iyon, Lisa? Hindi ba't si Kevin ang kasintahan mo? Huwag mo sabihin
nangangaliwa ka," sermon ni Papa.

Nakasimangot na tumayo ako para makapagbihis na.

"Papa naman e, mag kaibigan lang kami nyan, saka tingnan mo nga siya mas maputi pa
siya sa akin, mas mahaba pilik mata at mas maarte iyan sa akin."

Tumalikod na ako, dumretso ako kay Mommy na naghahain na sa kusina. Tumikhim muna
ako.
"Hi, Mom. I'm home." Hinalikan ko siya pisngi. Nilapag ang goto sa lamesa.

"May naghatid daw sa'yo? Lalaki? Akala ko ba kila Kevin ka pupunta, kaya kita
pinayagan kanina kasi si Kevin naman makakasam mo," aniya.

I bit my lower lip, wala na huli na talaga ako.

"My, k-kaibigan lang po iyon."

Inismidan niya ako bago patayin ang kalan. "Anong apelido no'n? Mayaman ba ang
pamilya?" kaagad na tanong niya.

I sighed because of her question, for her the status in life is more important.

Hindi mahigpit si Mommy kung mag-boyfriend ako o ano, basta 'yong mayaman daw at
kaya akong buhayin. Kaya nga rin siguro hindi siya mahigpit sa amin ni Kevin, dahil
kilala sa lugar namin ang ama ni Kevin.

Hindi sila gano'n kayaman pero may kaya, nasa gitna lang.

"Look at your Ate, Lisa. Nakapangasawa ang Ate mo ng abogado, gano'n dapat ang
kuhanin mo," pangangaral niya.
My older sister got married at the age of twenty one, ang daming ipinakilala sa
kanya ni Mommy at nauwi siya sa isang abogado na mas matanda sa kanya ng sampong
taon.

I don't like that idea.

Na hindi ko kayang yumaman nang ako lang, na kailangan ko pang humanap ng mayaman
para yumaman ako. I want to prove to my Mom that I can do it on my own. That I
don't need a man just to say I'm successful.

Imbes na makipagtalo pa kay Mommy ay inilapag ko ang goto sa lamesa, bumaba roon
ang mata niya. "Ano naman 'yan?"

"G-Goto po."

"Yung nabibili sa gilid-gilid? Baka magkasakit ka dyan. Baka kapag nakatuluyan mo


iyan naka-date mo at iyan lang ang ipapakain sa'yo." Malakas siyang tumawa.

Gustong-gusto kong sagutin si Mommy pero alam ko naman na kahit anong sabihin ko ay
sarado ang isip niya dahil may iba siyang paniniwala sa buhay.

Inilagay ko na lang sa ref ang goto at nagpaalam na sa kanya na magbibihis na.


Nang dumaan ako sa sala paakyat sa kwarto ay nagtama ang mata namin ni Kevin.
Nakita kong may sinabi siya kay Papa bago sumunod sa akin sa taas.

Nang makapasok ako ay wala pang ilang segundo ay pumasok na rin siya.

Kaagad akong dumiretso sa aparador para kumuha ng damit, sa gilid ng aking mata ay
nakita ko siyang umupo sa kama.

"Bakit ka ba nandito? I texted you 'di ba? Sabi ko may lakad ako ngayon." Tumalikod
ako sa kanya saka hinubad ang blouse na suot ko.

Wala akong banyo sa kwarto, saka ayos lang. Si Kevin lang naman 'to.

Mabilis kong sinuot ang malaking t-shirt ko, nang humarap ako sa kanya ay naabutan
ko siyang nakahiga na sa kama, nakatagilid habang nakatingin sa akin.

"Nabo-boring ako sa bahay," he whispered.

"At dito hindi?" Tumalikod ulit ako, hinubad ang pantalon.

"Bakit ganyan panty mo? Nakaipit sa pwet," natatawang wika niya.


"Gago, huwag ka tumingin." Sinuot ko na ang panjama.

Nang humarap ako ay tumatawa pa rin siya. "Wala ka kasing pwet kaya naiipit, dapat
huwag ka na magpanty."

"Eh, ikaw bakit ka nagbi-brief? Wala ka naman—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko.

Napailing na lang ako sa usapan namin. Lumapit ako sa kama, sinundan niya ako ng
tingin.

Hinila ko ang binti niya. "Tara na baba na tayo."

"Did he kissed you?" tanong niya.

Hindi ako sumagot, mas hinila ko siya para tumayo na.

"Saan?" tanong niya ulit.

"Inggetera naman 'to, sa ilong lang." Natatawa ako kasi nahuhulog na siya sa kama.
"Kevin dali na, ang bigat mo!" Natatawang usal ko.

Isang malakas na hila sa paa niya ang ginawa ko para tuluyan na siyang mahulog.
Napatili ako nang isama niya ako pahulog, hinila niya ang kamay ko kaya sabay
kaming natumba sa ibaba, sa ibabaw niya.

Nanlaki ang mata namin nang tumama ang aking labi sa kaniya.

Shit!

Mabilis akong tumayo at inis na tiningnan siya nang masama.

"Yan kasi! Ang likot mo kasi!" sisi niya sa akin sabay punas ng labi niya,
eksaheradang niyakap niya ang kaniyang katawan habang nakaupo na rin sa lapag. "You
took advantage of me!" pag-aakusa niya.

"H-Hoy! Ikaw 'tong nagpapahila! Malay ko bang matutumba ako, first kiss ko iyon
bwiset ka!" Akala naman nitong baklang 'to inabuso ko siya.

"First kiss ko rin 'yon no!" maarteng aniya habang yakap pa rin ang sarili.

"Edi patas lang." Mabilis akong tumayo at naunang lumabas ng kwarto. Shit!

***
Kabanata 4 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 4:

"Huwag kang malikot, itatarak ko 'tong nail pusher sa'yo," banta ko kay Kevin
habang nililinisan siya ng kuko.

Kevin rolled his eyes. "Grabe ka naman kasi magkutkot, balak mo atang tanggalin
buong kuko ko. Dahan-dahan lang kasi, Li," maarteng aniya. He's the only one
calling me like that, Li.

"Basta ipirmi mo lang 'yong kamay mo." I grabbed his pulse so he can't move again.

Kanina pa kami naglilinisan ng kuko pero tumagal sa kanya dahil ang daming arte,
habang nililinis ay roon ko napansin ang mahahaba niyang daliri na parang daliri ng
Koreano, ang puti at malambot.

"Hindi ka gumagawa sa bahay no?" I teased him.

Pumalumbaba siya saka pinanuod ang ginagawa ko sa kanyang kamay. Ramdam ko ang
pagkayamot niya pero dahil tiis-ganda ay hindi na siya umaanggal pa.

"Gumagawa ako, hindi lang mabibigat na gawain. Wala naman binubuhat-buhat sa bahay,
tiga-hugas ng pinggan at walis lang ako roon," bagot na aniya saka pa-simpleng
hihiga sa kama ko nang hilahin ko siya.

This man!

"Come on, Beb. Papatuyuin lang natin 'to tapos pwede mo na isukat 'yong pang-maid
costume," I said like it's an agreement. We both bought maid costume, mahilig mag-
cosplay si Kevin kaya nagaya na rin ako.

Para siyang nabuhayan sa sinabi ko at tuwid na umupo.

Nang matapos sa kanyang kamay ay sinuklay ko ang medyo mahaba na niyang buhok,
hanggang ilalim na ng tainga. They are too soft and shinny.

"You've been warned to cut your hair, right? Baka hindi ka nyan makapasok next year
kapag hindi mo 'to pinaiklian, third year pa naman tayo. Magsisimula na 'yong
observation natin niyan," paalala ko sa kanya.

Simula highschool hanggang nag-college ay naging magkaklase na kami kaya rin siya
na ang lagi kong kasama, bukod pa roon ay kilala nila Papa at Mommy.

He protruded his lips.

"Ayoko nga magpagupit e, ang tagal ko kayang pinahaba 'yan. Parang tungek naman
kasi, kaya ko naman mag-aral kahit mahaba buhok ko. Bakit ba kasi may gano'n rules,
kapag ako naging Presidente, aalisin ko 'yan," mahabang litanya niya.
I laughed and handed him his costume.

Walang hiya-hiyang tinanggal niya ang shirt niya at sweater short, tanging boxer
lang ang natira.

He's not masculine, his body type is like Korean actor, matangkad na medyo payat.
Pinasadahan ko siya ng tingin habang sinusuot niya ang maid costume niya.

Tumaas ang sulok ng aking labi nang makitang nahihirapan siyang isara ang zipper sa
likuran niya, sinenyasan ko siyang lumapit sa akin habang nakaupo ako sa kama.

Mabilis niyang ipinakita sa akin ang likod niya. I can't help but to look at his
booty, it's too cute. Omg.

"You look so sexy," I said in puzzling tone. He's really cute maid. Pwede bang ako
na lang ang Boss?

"Bihis ka na rin, Beb tapos picture tayo!" excited na sabi niya.

Tumayo ako at kinuha ang sa akin, nilingon ko siya. "Tumalikod ka," utos ko.

"Luh, bakit? Ang arte nakita ko naman na 'yan ah."


"Gagi, may mens ako. Makikita mo dugo ko, usto mo eon?" biro ko sa huli.

His face turned pale. Napangiwi siya saka tumalikod. "Dugyot nito e, kaya hindi
tinuloy ni Reymark panliligaw sa'yo dugyot ka," komento niya.

Natawa ako saka mabilis nagbihis habang nakatingin sa likod niya.

"Pinatigil ko siya, ako may gusto no'n tumigil siya no. Hindi ko keri ang long
distance, saka mamaya kapag nasa abroad na siya may makilala siya roon edi mas
mahirap," sabi ko at tuluyan naisuot ang maid costume.

Reymark migrated to Canada, sinama siya ng Papa niya roon. Medyo okay naman si
Reymark, mabait saka masaya kasama ang kaso ay aalis siya at ayoko ng malayo. Hindi
ko pa kaya ng gano'n kahit pa nanliligaw pa lang. Mas okay na rin iyon, saka bata
pa naman kami siguradong marami pa roon makikilala.

"Woy, Kevs tanggalin mo nga 'yong tag sa likuran ko. Hindi ko pala natanggal, ang
kati," inis na sabi ko nang maramdaman ang tag price sa may bandang batok.

Mabilis lumapit si Kevin, hinawi niya ang buhok ko saka hinila ang tag pero ayaw
matanggal.

"Ay, ang strong naman nito. Mas strong pa sa relasyon." Natawa kami parehas, pero
kaagad din akong natigil at napatayo nang tuwid nang maramdaman ang mainit niyang
hininga sa batok ko.
He bit the string to cut the tag price, I blinked because of that.

Nang matanggal ay kaagad siyang pumunta sa harap ng full body mirror ko saka nag-
pose roon. Hindi kaagad ako nakakilos, ano ba 'tong nararamdan ko.

Bigla akong kinabahan.

"Hoy, ano tinutunganga mo ryan? Lika rito dali, picture tayo beb!"

Pinilit kong ngumisi saka lumapit sa kanya.

Nakailang pose kami sa harap ng salamin, gumawa pa kami ng video na sumasayaw kami.

I love dancing, well... Kevin learned how to dance because of me. Ang dami ba naman
oras na magkasama kami na bigla na lang ako kekembot o tatabling, nahawa ata siya.

Sabay kaming napalingon sa nakasarang pintuan ng kwarto ko nang may malakas na


kumatok.

"Ate! Nandyan sa ibaba 'yong Daddy ni Kuya Kevin." Nagkatinginan kaming dalawa at
sabay pang nanlaki ang mata.
"Huwag mong bubuksan ang pinto!" sigaw ko.

Kaagad tumalikod si Kevin, tinulungan ko siyang ibaba ang zipper no'n.

Nagmamadali siyang nagbihis, halos liparin niya ang mga damit na hinagis niya
kanina. Kevin is close with my family, gano'n din ako sa kanila pero hindi pa nila
alam na bakla si Kevin, siguro may pakiramdam si Papa pero hindi namin iyon pinag-
uusapan, si Mommy naman, hindi ko alam. Basta ang importante sa kanya ay
makipagkaibigan ako sa may kayang pamilya, ayos na iyon.

"Shit!" Napamura si Kevin nang natataranta siyang sinuot ang pantalon, lumuhod ako
para tulungan siyang i-angat iyon sakto naman bumukas ang pintuan.

"Ate, 'yong Daddy nga ni ohh—my gulay!" Sabay kaming napalingon sa bunso kong
kapatid. Lumabas sa ilong niya ang iniinom na milktea, kaagad akong tumayo.

Damn, Lisa.

Napaubo ang kapatid ko, kaagad ko siyang sinenyasan na huwag maingay. Tumango siya
saka dahan-dahan lumabas, pagkasarang-pagkasara ng pintuan ay bigla siyang sumigaw.

"Mommy! Si Ate Lisa at Kuya Kevin nag-aano! Nag-tu-toot!" sigaw niya at nagtatakbo
pababa.

Sabay kaming napamura ni Kevin, kaagad siyang lumabas habang mabilis naman akong
nagbihis.
Bakit ba kasi gano'n ang kapatid ko, sinabi ng huwag buksan, bubuksan pa. Dapat ata
sinabi ko baliktad para hindi niya buksan.

Inayos ko ang aking sarili at bumaba, naabutan kong nagtatawanan si Mommy at Papa
ni Kevin habang kumakamot sa batok si Kevin sa gilid.

Pinandilatan ko ang aking kapatid, ano na naman kaya sinabi ng punggok na 'to?

"Ganyan talaga ang mga kabataan ngayon, kung ano-anong naiisip." Natatawang sabi ni
Mommy.

"Kevin, anak. Baka bigyan mo kami nyan ng apo hindi pa kayo graduate ni Lisa," ani
ng Papa niya.

Napasinghap ako dahil doon, mukhang alam ko na kung anong sinumbong ng kapatid ko.

"P-Papa naman, hindi po gano'n 'yon." Malumay ngunit malalim na ang boses ni Kevin,
wala na ang lambot doon.

Tuluyan na akong lumapit at nagmano sa Papa niya na kita ko ang saya sa mukha. Kung
alam niyo lang Tito, hindi kami nagbahay-bahayan sa kwarto, parehas po kaming maid.
"Oo na, sige na sabi mo e. Sige na magpaalam ka na sa nobya mo't pinapasundo ka na
ni Mama mo."

Tumango si Kevin, nilingon niya ako at napanguso, ngumisi ako sa kanya.

I know, beb. I know.

Alam kong nahihirapan siya dahil hindi pa niya maamin sa magulang niya.

***

MABILIS lumipas ang linggo at buwan, nang pasukan ng last sem ng taon ay nakilala
namin si Sascha. She's a tranferee student. Mahiyain pa siya noong una, mabuti at
kahit papaano ay gumaan na ang loob niya sa amin at kay Alice.

She's sweet and funny. I like her.

"Nasaan si Sascha?" I asked Kevin, isang hapon pauwi na kami.

I looked at Alice, nakita ko ang paglibot niya ng tingin sa paligid animong doon
lang niya namalayan na nawawala si Sascha. She's too busy with her manwha.

May binabasa siyang lalaki na naka-maskara, iyon lang ang nakita ko kanina. Bj—hmm
something. I forgot.

"Hmm, si Ate mo girl nagbanyo raw," ani Kevin habang subo-subo ang lollipo, tinuro
niya ang restroom na malapit sa amin.

Tumango ako. "Iihi rin muna ako, teka lang! Diyan lang kayo, oh bantayan mo bag
ko." Inabot ko ang aking kulay pink na bag kay Kevin.

Hindi ko na sila hinintay pa, pumasok ako sa banyo. Nakita ko ang bag ni Sascha sa
lababo kaya pumasok na ako sa isang cubicle para magbanyo, narinig kong bumukas ang
kabilang cubicle.

Tatawagin ko sana siya para hintayin ako nang marinig kong may kausap siya sa
telepono.

"Oo nga, nabayad ko na 'yong pinadala mo no'ng nakaraan. Hmm, oo ayos naman 'yong
school," sandaling natahimik. "May mga kaibigan na ako... ano? Huwag ka na
magpadala ng pera, may allowance pa naman ako. S-Sige na, bye na."

Hanggang makalabas si Sascha ay nakakunot ang noo ko. Napadala ng pera? Allowance?

Nanlaki ang aking mata sa naisip.

Oh my gosh, may sugar Daddy siya?


***

Kabanata 5 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 5:

Lumipas ang buwan ay hindi namin tinanong si Sascha tungkol sa narinig ko, sinabi
ko iyon kay Kevin at tama siya, maybe that was her father.

Kung ano-ano lang talaga ang pumapasok sa isip ko.

I let a long sighed while listening to the pastor, hindi ako relihiyoso pero ang
pamilya ko ay gano'n kaya nakikisali na rin ako. I grew up with bible study, sunday
service and youth camp. Ayos naman, pero parang may kulang, I can't feel it.

I believe to him, to our saviour. I just can't find myself here.

Na kahit iyon ang kinalakihan ko ay parang hindi ako nararapat doon, siguro dahil
napipilitan lang ako dahil ito ang gusto ni Mommy. Ginagawa ko lang iyon dahil iyon
ang gusto nila.

Napailing ako sa naisip.


I'm having a competition tomorrow, I join dance battle to our foundation day. Ako
ang representative ng room namin at kinakabahan ako dahil tatlong araw lang ang
naging practice namin ng kapartner ko mula sa ibang section.

Nang matapos ang service ay pinilit kong ngumiti sa lahat ng bumabati sa akin.
Pinapakiramdaman ko sila Mommy dahil maya-maya lang ay aalis na ako.

May last practice pa kami ngayon at hindi pa ako nakakapag-paalam.

Ako lang ata 'tong may schedule na ng alis pero hindi pa nagpapaalam.

I bit my lower lip when Mommy motioned me to come closer to them.

"This is my daughter, Lisa Lyndel. She's a future teacher," Mom said proudly.

Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o ano. I bowed my head a little, sign of respect
for them. Hindi ko naman sila kilala, mukhang bagong amiga na naman ni Mommy.

"Oh, Teacher, edi matalino ang anak mo," komento ng Ginang, naningkit ang mata ko
dahil doon.

Humalakhak si Mommy.
"Saan pa ba magmamana?" aniya. Alam ko na ang ibig niya.

Gusto ko na lang umalis, ano bang ganap ko rito? Pang-yabang purposes, hindi ko
alam.

"Oh, this is my son, Jaren. He's an engineering and a future pastor," proud na sabi
ng babaeng kausap ni Mommy sabay turo sa isang lalaki sa likuran.

Matangkad siya, nakasalamin, gwapo naman siya pero hindi ganyan ang type ko.
Mukhang mabait naman pero wala akong tiwala sa itsura, ako na mukhang mabait pero
hindi naman talaga.

I chuckled because of that.

Naitikom ko rin kaagad ang aking bibig nang tingnan ako ni Mommy, nagbabanta. Okay,
I'll shut up.

Lumapit ang lalaki sa amin na may nakahanda ng ngiti, nakita kong pinasadahan niya
ako ng tingin. What are you looking at huh?

"Good afternoon, Mrs. Montero." Nagmano siya kay Mommy. "Miss Montero," aniya saka
inabot ang aking kamay para halikan sa likod pero kagaad ko na iyon binawi.

Napapantastikuhan ko siyang tinitigan, ang bastos ng kupal. Hindi uso paalam?


Siniko ako ni Mommy. Jaren's Mom gave us awkward chuckled.

"Oh, I'm sorry," ani Jaren, hindi ko makita ang pagsisisi sa boses niya.

"Pasensya ka na, Jaren," ani Mommy.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya, bakit siya pa ang humihingi ng


paumanhin, hindi ba't dapat ang kupal na 'yan ang gumawa no'n dahil bigla na lang
hahawak? Hindi naman kami close.

Nagpaalam na ang nag-ina, malakas akong bumuntonghininga nang nasa parking lot na
kami ni Mommy.

"Ipinahiya mo ako sa kaibigan ko Lisa," kaagad na sabi niya.

Wala si Daddy dahil sa trabaho, may asawa naman na si Ate at ang bunso kong kapatid
ay hindi sumama dahil masakit daw ang katawan dahil sa practice niya. Ako lang
talaga ang laging sumasama kay Mommy. Ako rin lagi ang napapagalitan, minsan nga
naiisip kong kaya kaagad nag-asawa si Ate ay para lang makaalis na kay Mommy. Baka
iyon lang ang naisip niyang paraan para hindi na siya hawakan ni Mommy.

"Mom, he touched me without my consent," I said calmly.


Marahas siyang umiling. "Sa kamay lang naman, jusmiyo. Bakit si Kevin kung mag-
akbay kayo ay gano'n lang, tabi kayong natutulog, pinapasok mo sa kwarto mo, oh
ano?" dudang tanong niya, naningkit pa ang mata.

I sighed. "Ma, iba si Kevin. He's my bestfriend, kilala mo naman siya simula noong
highschool ako..." And he's gay.

Hindi ko na naituloy pa iyon.

"Ewan ko sa'yo, Lisa. Walang lalaking makikipagkaibigan sa babae ng walang malisya.


Okay naman sa akin si Kevin, mayaman sila. Mag-Teacher siya tapos 'yong negosyo
nila siguradong sa kanya ibibigay ng Papa niya—"

"Mommy, tama na please! Tama na! Hindi ako nakikipagkaibigan kay Kevin dahil doon,"
I said in frustration.

Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa klase ng mindset mayroon si Mommy. I don't
know what happened to her before, for her to be like that. Hindi ko alam kung bakit
siya ganiyan, minsan naiisip ko na lang kung bakit ibigay ako ni Lord sa kanya.

Kasi kung papapiliin ako, ayoko na.

Nangilid ang luha ko. "Tama na sa ganyan, Mommy. Puro na lang pera ang iniisip mo,
si Ate kaya siya umalis sa bahay kasi ganyan. You pressured her to—" Hindi ko
natuloy ang sasabihin ko nang malakas na tumama ang palad ni Mommy sa pisngi ko.

"Wala kang karapatan sabihin sa akin iyan, anak lang kita Lisa! Wala ka rito kung
wala ako!" sigaw niya.

Suminghap siya saka mabilis akong tinalikuran, sumakay sa kotse at iniwan ako roon.

Naikuyom ko ang aking kamao habang nakatingin sa papalayong sasakyan namin. Pinilit
kong hindi maiyak, hindi ka pa ba sanay Lisa?

Nanginginig ako sa galit, galit para sa sitwasyon pero hindi kay Mommy. Kahit anong
gawin niya ay siya pa rin ang ina ko.

Inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Kevin. I need someone now.

"Hello, beb? Wassap?" bungad niya, rinig ko sa background ang ingay. He's watching
thai drama again.

"B-Busy ka ba?"

Nawala ang ingay, mukhang pinatay niya ang pinapanuod.

"Hindi naman, beb. Tamang higa lang ako rito. Gusto nga kitang puntahan kaso
naalala ko may lakad ka ngayon tapos—"

"P-Pwede ka bang pumunta rito?"


Nakarinig ako nang malalim na buntonghininga.

"Warla na naman kayo ni Mudrakels mo?" Tumango ako kahit pa hindi niya ako
nakikita, dahan-dahan ako umupo sa gutter sa parking lot.

Malakas akong bumuntonghininga, tinitingnan na ako ng ibang dumadaan. Tsk, ngayon


lang ba sila nakakita ng maganda na sinampal ng Nanay?

"Ano pa bang bago? Libangan ata ni Mommy pagalitan ako."

"Anyare ba?"

"Ikwento ko na lang maya, bilisan mo tapos dala ka rin ng pera hindi pa ako naglu-
lunch," mahinang sabi ko saka pinatay ang tawag, alam naman niya kung nasaan ako.

Ilang minuto pa akong nakaupo roon nang may humintong tricycle sa gilid, pinanuod
kong kinausap ni Kevin ang driver. He's wearing a taslan short and white shirt.

Mukha siyang fuck boy, lalo na sa bagong haircut niyang voguish hairstyle.

Kung hindi ko alam ang totoo ay gano'n ang iisipin ko.


Sinenyasan niya akong lumapit. "Saan tayo kakain? Hindi ba may practice ka ng
sayaw? Kain muna tayo, sakay ka na." Turo niya sa tricycle na sinakyan niya.

Sumakay ako, bago siya. Ako ang nakasandal tapos siya ay halos kalahating puwet na
lang dahil masikip, sinabi niya sa driver ang lugar na kakainin namin.

Binunggo ng tuhod niya ang tuhod ko saka ako nilingon. "Ayos ka lang, beb?" nag-
aalalang bulong niya.

Nanginig ang ibabang labi ko, ayoko ng tinatanong ako ng ganyan dahil lalo akong
maiiyak.

Imbes na sumagot ay dahan-dahan kong isinandal ang noo ko sa balikat ni Kevin,


unti-unting tumulo ang luha ko at tahimik akong umiyak.

Marahan niyang hinimas ang ulo ko habang nasa gano'n kaming posisyon.

"Ayos lang 'yan, iiyak mo lang. Hmm. Jojombagin ko mga umaaway sa'yo."

Natawa ako kahit tumutulo ang luha.

_________________
Kabanata 6 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 6:

"Hala shuta, oh tapos?" reaksyon ni Kevin habang kumakain kami sa isang fastfood
restaurant malapit sa school. Tutok na tutok siya habang nagkukwento ako ng
nangyari kanina.

Linunok ko muna ang nginunguya kong chicken wings.

"Edi inalis ko 'yong kamay ko, syempre nagulat ako. Tapos sa akin pa nagalit si
Mommy," kwento ko sa kanya na may kasama pang senyas ng kamay.

Kumunot ang noo ni Kevin, nilapagan niya ako ng wings sa pinggan na tinanggalan na
niya ng buto.

"Mayaman siguro? Hayaan mo na 'yon, hindi ka pa sanay kay Mudrakels mo, pinaglihi
ata sa sama ng loob," aniya kaya tumaas ang sulok ng labi ko.

Dati takot na takot pa siya kay Mommy, ngayon nagta-trashtalk na. Plastik talaga e
'to e, pagkaharap naman si Mommy, ang bait.

"Ewan ko rin e, mabuti kay Daddy ako nagmana. Kalmado lang." Pareho kaming natawa,
natigil lang ako nang makita ang papasok na lalaki sa restaurant kung nasaan kami.
"Huwag kang lilingon, nandiyan 'yong Jaren at-kingina mo naman Kevin sabi ko huwag
kang lilingon."

Hinampas ko si Kevin sa braso nang hindi pa ako natatapos sa sinasabi ko ay


lumingon na siya. Sinipat niya si Jaren, may kasamang dalawang lalaki at
nagtatawanan pa sila.

Umismid si Kevin saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Hindi naman efek," sabi niya, hindi raw gwapo.

Tumango ako. "Troot, beb."

Pinagpatuloy namin ang pagkain, wala naman akong pakialam sa kanya, kaya bakit ako
iiwas.

Pinagpatuloy namin ang kwentuhan, siya ang nakakamay at may plastik gloves kaya
siya ang naghihimay ng manok ko.

Patapos na kami ni Kevin nang may huminto sa gilid namin. Sabay kaming napalingon
doon, si Jaren. Malawak ang kanyang ngiti, humigop ng juice si Kevin at pinasadahan
ng tingin ang lalaki kaya sinipa ko siya sa paa.

Gagu 'to, akala ko ba hindi gwapo.


"Hey, Lisa."

"Oh," sagot ko, hinalo ang yelo sa baso.

"Hmm, I just wanna say sorry about what happened. Kanina. Kabastusan nga 'yong
ginawa ko bigla kitang hinawakan, sorry." May ngiti sa kanyang labi, imbes na
gumaan ang loob ko ay parang mas nainis pa ako pero hindi ko na iyon pinahalata pa.

I faked my smile and sweet voice. "Ayos lang, sige." Sinabi ko ang gusto niyang
marinig.

Akala ko ay aalis na siya pero lumipat lang ang tingin niya kay Kevin na abala sa
juice niya at juice ko, parang pinagkukumpara pa niya ang lasa kung anong mas
masarap kahit magkaparehas lang naman kami.

"Ano pang kailangan mo?" tanong ko kay Jaren.

"Boyfriend mo?" tanong niya sabay turo kay Kevin.

Doon nag-angat ng tingin si Kevin. Kumurap-kurap siya at nagpalipat-lipat ng tingin


sa amin.

"Ha, ano?" takang tanong niya, dahil siguro hindi naman niya alam na madadamay siya
sa usapan.
"Boyfriend mo, Lisa? Alam 'to ng Mommy mo?" parang iba ang kanyang tono, may
pagbanda.

Napalingon ako kay Kevin nang hawakan niya ang kamay ng lalaki dahilan para mapa-
atras si Jaren sa gulat dahil sa haplos niya.

"W-What are you doing?" kabadong tanong ni Jaren kay Kevin.

Sumandal si Kevin sa upuan niya saka inilagay sa harap ng dibdib ang mga braso.
"Oh, 'di ba? Nagulat ka. Hindi ayos sa pakiramdam na may bigla na lang hahawak
sa'yo lalo't hindi mo kakilala." Umamba pa siyang hihimasin ang braso ni Jaren kaya
mas napaatras si Jaren, may pandidiri na sa mukha. "Oh bakit ka natatakot? I just
wanna say sorry about what happened. Kanina. Kabastusan nga 'yong ginawa ko bigla
kitang hinawakan, sorry." Pag-uulit pa niya sa sinabi ni Jaren kanina. Ginaya pa
niya ang tono.

Hindi ko maiwasan matawa, hindi talaga papatalo 'tong mokong na 'to.

Narinig kong mahinang napamura si Jaren bago tumalikod. "Bakla," bulong niya. Akala
ko ba magpa-Pastor 'yan? Sayang wala rito ang Mama niya para makita kung gaano
talaga kabait ang anak niya.

"Alam ko! Hindi ko nakakalimutan! Ulul," sigaw ni Kevin nang makalayo sila Jaren
palabas na sa restaurant.

Hinampas ko siya sa braso niya na nasa ibabaw ng lamesa.


"Hoy, bunganga mo naman, mapapaaway tayo nyan e," saway ko sa kanya.

Inirapan niya ako. "Edi aabangan natin, resbakan natin," aniya na parang sanay na
sanay na kami roon.

"Wow, naalala mo ba 'yong third year high school tayo? Lakas ng loob mo mag-square-
ran kayo noong kaaway mo tapos noong ano na bigla kang tumakbo, naiwan ako!"
Inambahan ko siya ng sapak.

Napahalakhak si Kevin, mukhang naalala ang ginawa namin noon.

"Sabi ko kasi takbo e, tumulala ka pa. Bakit? Bumalik naman ako, may dala nga akong
bato," proud na sabi pa niya.

Sabay kaming natawa dahil binato niya ang mga kaaway namin, ni isa walang tumama.
Ang lamya kasing bumato.

Napailing ako at hindi na sumagot, inubos na lang ang inumin ko, naghalf-half kami
sa bayad na ginastos namin. Lagi naman.

Magkakasakit 'to kapag siya ang buong nagbayad, lalagnatin at hindi makakatulog.
Sumama si Kevin sa school para manuod ng practice ko, hindi pa niya napapanuod ang
sayaw namin sa lumipas na araw na nag-practice kami dahil nasa klase siya. Ngayon
pa lang niya makikita.

"Akala ko hindi ka dadating," bungad sa akin ng kapartner ko sa kabilang section,


Elementary siya at Secondary kami pero parehas pa rin naman Education kaya pwedeng
magkasama.

Gwapo siya. Isa rin iyon sa paghatak namin sa audience marami siyang supporters, sa
audience impact ay medyo malakas ang laban namin.

Hindi ko lang talaga siya bet.

Ngumisi ako saka ko inayos ang bag na bitbit na may laman na damit ko pamalit,
siguradong pagpapawisan ako.

"Hindi naman ako superlate, Sher. Kumain pa kasi kami." Turo ko kay Kevin na
inililibot ang tingin sa isang room kung saan kami nagpa-practice.

"Hello, Sher Pol! Wassap," bati ni Kevin na may kasamang kaway pa.

Oh 'di ba, kapag nasa school ay nag-iiba.

Pol chuckled. "Hindi talaga kayo mapaghiwalay no? Para na kayong kambal," aniya may
pagkamangha sa boses.
Natawa ako sa sinabi ni Pol, gano'n nga ata. Kapag may Kevin, dapat may Lisa. Kung
nasaan si Lisa, nandoon si Kevin. Kasunod na ng pangalan namin ang isa't isa at
nasanay na ako roon, hindi ko alam ang gagawin kapag wala siya. Kapag nawala siya.

"Hindi kasi mabubuhay si Lisa na wala ako e," ani Kevin saka nagliha ng isang upuan
sa gilid para roon umupo, prente niyang itinaas ang paa sa isa pang upuan.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Baka ikaw kamo." Humarap na ako kay Pol. "Bihis lang ako ha, may pinuntahan kasi
ako e."

"Ayos lang naman kaso walang banyo rito," Pol shrugged.

Inilibot ko ang tingin sa buong room, wala nga. Tinatamad na akong bumaba pa,
sarado ang ibang room. Mahihirapan akong humanap ng bukas na room na may banyo.

Hinila ko si Kevin na prenteng nakaupo roon at pumunta sa likod ng pintuan.

"Takpan mo ako, magbibihis lang ako."

Hindi siya nagsalita pero ginawa niya ang sinabi ko, nakatalikod siya habang
nagbibihis ako sa likod ng pintuan.
Bahagya pa akong natawa dahil nakadipa pa siya animong hinaharangan pa si Pol na
natatawang lumalikod na lang sa amin.

"Hindi na ako magugulat kapag in-announce niyo na kayo na," asar ni Pol habang
inaayos ang speaker, hindi ko siya nakikita pero naririnig ko ang tunog ng speaker
nang buhayin niya.

"Ay wit. Dugyot mo, Pol. Friends lang kami nito, hindi kami talo."

Tipid akong napangiti sa sinabi ni Kevin, he's right. We're friends. Hindi kami
bagay.

May pinag-uusapan na sila. Sa aming dalawa ay mas friendly talaga si Kevin, mas
madali siyang makapalagayan ng loob kasi madaldal siya. Ako naman, madaling
makahanap ng kaaway dahil sa expression ng mukha ko, akala nila lagi akong nagta-
taray kahit hindi naman.

Nang matapos ako ay nagsimula na kami ni Pol, he's a great dancer.

Rumba ang sayaw namin, super intimate dahil iyon ang theme. Faded by Alan Walker
ang napili namin tugtog, slow 'yong version bagay sa Rumba.

I made a fierce face when I heard the first beat.


Maraming pilantik at hawak ang steps namin. Nang umikot ako at tumalikod kay Pol ay
nagtama ang mata namin ni Kevin, seryoso siyang nanunuod habang pinaglalaruan ang
ibabang labi niya.

Pol grabbed my waist, he moved our hips in the beat of sounds. Naramdaman ko ang
hininga ni Pol sa balikat ko, pinaglandas niya ang palad sa hita ko. I don't mind,
it's part of choreograph.

Umawang ang labi ko nang pasadahan ako ng tingin ni Kevin habang gumagalaw ang
balakang ko sa ritmo.

"You're too tense," Pol whispered.

I gulped, I don't know why too.

Pumikit ako upang pakalmahin ang sarili, nang dumilat ako ay palabas na si Kevin sa
kwarto.

Saan 'yon pupunta?

_____________________

Kabanata 7 [Teach Me Back (Teach Series #...]


Kabanata 7:

Malalaki ang hakbang ko papalapit kay Kevin nang matapos na ang practice namin,
madilim na ang paligid nang makalabas ako. Naabutan ko siya sa parking lot na
sumisipa-sipa ng maliit na bato habang nakapameywang.

Akala ko iniwan niya ako.

"Woy, bakit ka biglang umalis?" Huminto ako sa harapan niya.

Hindi niya ako nilingon at nanatili sa kanyang paanan lang ang tingin, higit siyang
mas matangkad sa akin kaya sinipat ko ang mukha niya. Nag-iwas ulit siya ng tingin
at bumaling na lang sa kanan niya, nagkunwaring may sinisipat doon.

Kinabahan na ako dahil baka may problema siya.

Hinawakan ko ang kanyang braso. Napaigtad siya kaya napaigtad din ako.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo Kevs?"

Ngumuso siya saka umiling bago tuluyan tumingin sa akin, ginulo niya ang sariling
buhok saka malakas na bumuntonghininga. "Wala 'to, Beb. Biglang sumama lang siguro
ang pakiramdam ko, kaya lumabas muna ako. Okay naman na ngayon, hmm tapos na ba
kayo?"
Tumango ako, bahagyang nakakunot ang noo sa kanya. Parang may mali e.

"Oo, uwi na tayo, baka hinahanap na rin ko nila Mommy."

Hindi na niya ako hinintay, pumara na siya ng tricycle. Hanggang makarating kami sa
tapat ng bahay ko ay tumahimik siya, bumaba ako at kumaway. Tumango siya saka
umalis na.

Anong nangyari roon? Masama nga ata talaga ang pakiramdam.

Sinubukan ko siyang i-chat pero seen lang niya.

KINABUKASAN ay maaga ako sa school, chinat ko na lang si Kevin na mauuna na ako


kasi mag-aayos pa ako. Malakas akong bumuntonghininga habang nakatingin sa
replekson ko sa salamin.

I'm wearing a latin red rumba dress; there were sequins around the skirts. A see-
through long sleeves. There were three inches split that made my dress a little
revealing.

The corner of my lips turned up, ang ganda ko naman.

Napalingon ako sa likod ko nang may tumapik sa akin, lumawak ang ngiti ko nang
makita si Sascha at Alice.

"Galingan mo ah?" ani Sascha, malumay ang kanyang boses.

Napanguso ako dahil kapit na kapit sa kanya si Alice, animong takot mawala.
Sabagay, ang dami nga naman tao rito sa backstage.

Nilingon ko ang likuran nila, baka may kasama pa sila pero wala.

Tumikhim ako. "Hmm, si Kevin?"

"Ay, wala ba rito? Akala ko nandito kaya nga pumunta na kami e." Sascha shrugged.

"Nakita ko siya kanina, nandoon sa room. Nakadukmo," mahinhin na sabi ni Alice saka
inayos ang suot niyang salamin.

Naningkit ang aking mata. Kinabahan kaagad ako.

"M-May sakit ba? Baka may lagnat 'yon, kahapon pa 'yon gano'n," I informed them.
Gusto ko na lang umalis at puntahan siya, huhubarin ko sana ang heels ko para
puntahan siya pero dumating na si Pol, sumilip siya sa pintuan at bahagyang nagulat
pa nang makita ang mga kaibigan ko.
"Oh, hey. Lisa, malapit na tayo. Okay ka na ba?" tanong niya.

Nag-aalinlangan akong tumango. Okay nga lang ba ako?

Tinapik ni Sascha ang balikat ko. "Kinakabahan ka ba? Mukha kang natataranta, relax
ka lang sus ikaw pa ba?"

Itinikom ko na lang ang bibig ko saka tipid siyang nginitian, nagpaalam silang
dalawa na lalabas na para bumalik sa upuan nila sa labas. Nakisuyo lang daw sila
kay Nade—President ng klase namin na bantayan ang upuan nila.

Malakas akong bumuntonghininga habang sinisipat ang entrance ng backstage. Hindi ba


talaga siya pupunta? Ni good luck wala man lang? May problema ba sila sa bahay?

Lumipas ang minuto ay iyon ang naisip ko.

Sasampalin ko talaga ang bakla na 'yon mamaya.

May sinabi si Pol sa akin pero tulala na ako, hindi ko alam. Sinabi niya ata 'yong
oras kaya tumango na lang ako saka pinanuod siyang nagmamadaling umalis.

Pukingina, ano bang nangyayari sa'yo Lisa?


"Please welcome, Education Department." Narinig kong announce ng emcee, isa sa mga
member ng council.

I shook my head and about to stand when someone offers a hand to me. I looked up,
and my jaw dropped when I see Kevin wearing Pol's uniform. Sa gulat ko ay sinampal
ko siya.

"Aray," gulat na sabi niya sabay hawak sa kanyang pisngi.

Napatayo ako sa gulat saka inilibot ang paningin, nasaan si Pol?

"A-Anong ginagawa mo?" Pinasadahan ko siya ng tingin, bagay sa kanya ang suot siya.
Mas lalo siyang pumuti.

Kumamot siya ng batok saka ngumuso. "U-Uh, masakit daw kasi ang tiyan niya."

"Huh?" Pero may sayaw kami.

"Ako ang papalit, tara na tinatawag na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at
hinila.

"Pero hindi mo naman alam ang sayaw namin." Marunong ng sumayaw si Kevin, ewan ko
pero natuto na rin siguro siya dahil lagi kaming magkasama at isa ay mabilis lang
siyang matuto. Fast learner.
"Di mo sure, Sis." He chuckled.

Kinabahan ako noon una pero nang hawiin niya ang kurtina papuntang stage at makita
ko ang nakatutok na spotlight sa amin ay nawala ang kaba ko, mas lalong lumakas ang
loob ko dahil si Kevin ang kasama ko.

And he was right. He knows every steps. Kung kailan iikot, kailan hahawak at kung
saan.

Hindi ko alam kung dapat mas matuwa ako dahil wala akong ilang sa kanya, kahit saan
siya humawak o kahit sobrang lapit namin. He's Kevin... my bestfriend.

Nang matapos ang sayaw ay napalundag ako sa backstage sa sobrang tuwa dahil hindi
kami nagkamali. Malawak ang aking ngiti nang humarap sa kanya at niyugyog ang
balikat niya.

"Kevin Yeomra Rowan omg! Ang galing natin!" tili ko saka siya mahigpit na niyakap.

Natawa rin siya saka niyakap ako.

Nang i-announce ang panalo ay pang first kami, pero may champion pa. Nang hinayang
ako sa kaunting points na lamang ng kabilang department pero ayos lang din dahil
ginawa namin ang best namin. Wala naman dapat pagsisihan lalo't dagdag kaalaman din
ang nangyari. Atleast ay na-experience namin.
Ako 'yong tipo na gusto lang madagdagan ang kaalaman ko, I just wanna explore and
add experience. Pero minsan na pe-pressure ako kay Mommy dahil alam kong bawat
galaw ko ay sinusundan niya, bawat galaw ay dapat tama sa mata niya.

Minsan nakakatakot din magkamali.

"Congrats, Lisa, Kevin," bati ni Sascha nang nasa labas na kami, may ilan pang
bumabati sa amin na tinatanguan ko at pinapasalamatan.

"Congrats, bagay kayo," mahinang sabi ni Alice. Natawa ako sa sinabi niya, iyan ang
napapala niya kakanuod ng kung ano-ano.

Tumayo ako nang tuwid nang akbayan ako ni Kevin, nang lingunin ko siya ay malawak
ang ngiti sa kanyang labi, nakasuot na ngayon ng sweater at jeans.

"Salamat, gusto niyo kain tayo? Libre ni Lisa," aya ni Kevin.

Siniko ko siya. "Gagu, wala na me money," sabi ko. Totoo naman.

Binibigyan akong allowance at naubos na 'yon dahil sa mga nakaraan practice namin
na namamasahe ako, ayoko naman humingi kay Mommy dahil papagalitan lang ako no'n.
Mabuti sana kung nandyan si Daddy, siguradong pa-simple ako no'n aabutan kaso
laging wala si Daddy, seaman siya.

"Hindi ako pwede, a-ahm, pinapauwi na kaagad ako ng hmm tatay ko." Paputol-putol na
sabi ni Sascha.
Lumingon sa kanya si Alice. "Hindi na rin ako makakasama."

"Jusko, ang ke-KJ niyo. Oh, anong sasakyan niyo pauwi? Hatid na muna namin kayo sa
sakayan," presinta ni Kevin.

Gano'n nga ang ginawa namin, una namin pinara ng tricycle si Alice bago si Sascha
dahil magkahiwalay naman sila ng daan.

Nang kami na lang ang maiwan ay roon ko lang napansin na nakaakbay pa rin siya sa
akin. Hindi ko alam pero dahil sa sobrang lapit ay roon ko napansin ang matapos
niyang ilong at makinis na pisngi.

Siguro ay napansin niya ang tingin ko kaya nilingon niya ako. "Gwapo ka pala, beb,"
komento ko.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero sa huli ay natawa na lang. "Maganda beb,
maganda," pagtatama niya.

Ngumisi ako.

Pumunta kami sa isang food park, may napalanunan kaming kaunting pera at may
certificate pa, department namin ang nakalagay na pangalan pero ayos na rin.
Nakapalumbaba ako habang pinapanuod umorder si Kevin ng shawarma at fries.

Mukhang may kakilala pa siya dahil may humarang pa sa kanyang lalaki at may sinabi,
parehas silang lumingon sa akin, may sinabi si Kevin at pareho silang natawa.

Chismoso.

"Sino 'yon? Hindi ko 'yon kilala ah," bungad ko nang ilapag niya ang tray ng
pagkain namin.

"Kaklase ko 'yon no'ng Elementary."

"Oh, ano sabi?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala naman, nangamusta lang."

"Nangamusta e bakit lumingon kayo?"

He pursed his lips. "Wala, tinatanong lang sino kasama ko. Kumain ka na nga para
makauwi na tayo, sumakit ata balakang ko kanina."

Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa pinag-usapan nila ng lalaki.


"Salamat pala kanina, kung hindi ka pumalit kay Pol baka napahiya na ako roon.
Nasaan na ba kasi 'yon? Tadtarin ko siya mamaya ng chat loko siya, bigla-bigla
umalis. Kung pala hindi mo alam 'yong sayaw edi ako mag-isa magru-rumba roon, ang
epic sis," mahabang litanya ko.

"Yeah, nakita nga lang niya ako. Pinilit niya ako." He informed me. I nodded,
mabuti at napilit ni Pol si Kevin.

Napalingon ako sa kanya nang ilagay niya ang isang certificate sa ibabaw ng lamesa.

"Ikaw na mag-uwi niyan," he offered.

Kumunot ang noo ko. "H-Hindi na sa'yo na."

Natawa siya. "Hati na lang tayo?"

"Parang tanga 'to."

"Sa'yo na lang, beb. Madami ng papel sa bahay." Natawa siya sa pagmamayabang niya.
Edi ikaw na matalino.

Sa huli ay sumuko ako. Ako na ang mag-uuwi ng certificate. Napunta naman ang usapan
namin tungkol sa nanalo.
"Honestly, magaling talaga sila," I agreed to the result.

Sumimsim siya ng juice. "Oo, saka hot 'yong lalaki."

I rolled my eyes, basta talaga lalaki ay ang linaw ng mata. Kinuha ko ang
certificate at inilagay iyon sa bag kaya sinundan niya iyon nang tingin habang
nilalagyan pa ng pagkain ang pinggan ko.

"Hindi mo ba 'yan ipapakita sa Mommy mo?"

I protruded my lips, I don't have a plan.

"Hindi na siguro, hindi naman ako ang champion. H-Hindi siya matutuwa," mahinang
sabi ko.

Hindi ako makatingin sa kanya, mula sa gilid ng mata ay nakita ko siyang sumandal
at pinag-krus ang mga braso sa harap ng dibdib.

"Ipakita mo pa rin, hindi ba't sabi ko maging proud ka sa lahat ng bagay na


nakukuha mo? Maganda o hindi. Maliit o malaki ay pinaghirapan mo iyan. Do it for
yourself 'di ba?" seryosong aniya.
Hindi ako sanay ng gano'n siya, mas sanay akong nagbabardagulan kami.

Tipid akong ngumiti bago tumango, I will try.

Nang naglalakad na kami pauwi ay napadaan kami sa isang malaki at puting bahay.
Bahagya kong sinisipa-sipa ang maliit na bato sa paanan namin.

"Kapag nagka-trabaho na tayo, patayo tayo ng ganyan," biglang sabi niya.

Natawa ako. "Ano 'yon, parang friend house natin?"

Tumango siya pero seryoso pa rin nakatingin sa puting bahay, maganda naman talaga
iyon.

"Oo naman, tapos kapag malungkot ka sa bahay mo at trip na naman ni Mudrakels mo


mag-rap ay pwede tayo roon. Bahay natin 'yon, safe place natin," aniya.

Napangiti ako nang makita ang pagiging desidido sa kanyang mata. Nakakahanga iyon.

"Hmm, wala naman tayong perang pangpatayo." I commented.

"Kaya nga tayo magtatrabaho." Lumingon siya sa akin saka ngumiti.


Huminga ako nang malalim para alisin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko, nailang
ako sa ngiting 'yon.

"H-Hmm, paano kapag nagkapamilya na tayo? Syempre magkakaruon na tayo ng kanya-


kanyang bahay, edi balewala rin."

Inismidan niya ako.

"Saka mo na isipin 'yon, saka hindi ako mag-a-asawa, alam mo naman. Walang lalaking
tatagal sa tulad ko. I-Ikaw ba may plano ka?"

Natawa ako. "Syempre may plano ako, gusto ko rin naman magkaanak no. Saka huwag
mong sabihin walang tatagal sa'yong lalaki, kung iwan ka man ay kawalan nila iyon.
Hindi nila mararanasan paano mag-alaga ang isang Kevin Yeomra Rowan," I teased him.

He chuckled and tapped my head.

"Kapag hindi ako nakahanap ng partner ko, ikaw na lang aalagaan ko hanggang tumanda
na tayo. Nandyan ka naman e, hindi mo naman ako iiwan hindi ba? K-Kahit magka-asawa
ka na, ako pa rin naman bestfriend mo?" His voice sounded so serious and so sad.

Parang may kumurot sa puso ko sa sinabi niya pero unti-unti ko siyang niyakap.
"Hanggat hindi mo ako tinutulak palayo, nandito lang ako."

________________

Kabanata 8 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 8:

The days turn into weeks. The weeks turn into months. The months become a year.
They said third year college is the most stressful, I'm actually excited.

I pouted my lips when I saw Daryl and Sascha, talking. Daryl is our a transferee
student. Mabait naman siya, medyo tahimik lang at laging tulog.

Daryl saw me staring at them, the corner of his lips turned up. Like he caught me
in a crime. I raised my left brow to him. Hindi ako nag-iwas tingin sa kanya, sa
huli'y umiling siya saka ibinigay ang buong atensyon kay Sascha. Ano kayang iniisip
ng lalaking 'to? Akala siguro niya crush ko siya.

Duh. Ang dami ko ng crush, hindi na siya kasya sa listahan ko kaya ipapaubaya ko na
siya sa iba.

I chuckled because of that thought. I turned to Alice and Kevin, they are watching
some anime.
Dumungaw na lang ako sa kanila dahil ako na lang ang hindi abala sa kanila habang
nasa bench kami.

"Nagugutom na ako," bulong ko saka malakas na bumuntonghininga.

Kasalukuyan kaming walang subject, alas-dos pa lang at mamaya pang ala-singko ang
last subject namin. Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa gutom, paniguradong malalaki
ang bulate ko.

Doon ko napansin na hindi pala nuod, nagbabasa pala sila. Suminghap ako nang
makitang naggo-glow ang hawak ng isang lalaki.

"Ano 'yon? Bakit umiilaw?" takang tanong ko saka mas sumilip sa phone ni Alice.

Mukhang natatabunan ko ang screen kaya tinulak ni Kevin paatras ang noo ko.

"Etits 'yan sis, wala ka no'n." He chuckled.

"Eh bakit naka-ganyan?" takang tanong ko, parang ang weird lang tingnan ng drawing.
Naiisip kong may kapangyarihan ang mahabang bagay na 'yon dahil sa pa-glow effect
ng drawing.

Alice turned to me like I said something stupid. She fixed her eyeglasses.
Inismidan ko sila saka tumayo na lang, nanlalata ako habang nakaupo lang. Maghu-
hunting na lang ako ng mga pwedeng ilista sa crush list ko.

Sinenyasan ko sila na aalis muna ako.

Hindi pa ako nakaka-sampong hakbang ay may kumapit na sa braso ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Kevin, malawak ng ngisi sa labi.

Napailing ako sa kanya, sobrang hyper.

"Nadiligan ka ba?" tanong ko habang naglalakad kami, nginingitian ko ang mga


nakakasulubong namin na kakilala ko.

"Tag-tuyo't tayo, beb. Walang hardinero ang nais magdilig e." Natawa kaming pareho
sa salitang ginamit niya.

"Ikaw lang El ñino, baks. Bagong fertilize ako." Siniko ko siya nang may
makasalubong kaming grupo ng mga engineer student.

Kinindatan ko ang isa, okay. One point.


"Scam ulul, virgin ka oy."

"Paano mo nasabi?" Tinaasan ko siya ng kilay, ang lakas pa naman ng bunganga niya.

Lumiko kami papunta sa canteen. Mabuti na lang at naiwan ko ang wallet ko sa bag,
papa-libre na lang ako sa kanya.

"Duh, girl. Ako kasama mo hindi ka pa nireregla, bahay at school ka lang. Alam ko
kapag may kalokohan kang ginagawa. Huwag ako oy," he said.

Inismiran ko siya.

Nang makarating kami sa canteen ay kaagad akong humanap ng table namin, sumimangot
siya dahil alam na niyang wala akong dalang kahit ano. Nang makabalik siya ay may
dala na siyang dalawang C2 at kwek-kwek.

"Trenta 'yan, bayad mo, teka i-chat kita para hindi ko makalimutan," paninigurado
niya.

Natawa ako nang mabilis siyang magtipa sa phone, hindi ko dala ang phone ko pero
alam kong chinat na niya ako niyan.

"Hindi ka na naman makakatulog nyan, parang trenta lang."


"Hoy, babae. Tipid-tipid no, baka nakakalimutan mo, next-sem mag-student teacher na
tayo. Sariling sikap mga photo copies, nako. Balak kong bumili ng printer,"
paliwanag niya.

Napatango ako, tama si Kevin. Magiging student teacher na kami, kinakabahan ako
pero ayos lang doon din naman talaga kami papunta.

Mabuti pa si Kevin, napagsasabay ang pag-aaral at lovelife.

Well, iyon ang alam ko. Ewan ko ba sa kanya, simula noon sumayaw kami, pagkatapos
no'n ay nagsimula na siyang magkaruon ng mga ka-MU na lalaki, madalas ay gumagamit
siya ng sites or app para makipag-chat. Hanggang doon lang, wala pa sa school,
siguro ayaw rin niyang tiga-rito malapit dahil kilala ang pamilya nila.

"Buti ka pa may experience na sa relationship," wala sa sariling sabi ko.

Napataas ang kilay niya saka sinubo ang buong kwek-kwek. "Ano 'to, paunahan? Iba
ako, iba ikaw. May dahilan ako."

"Anong dahilan mo? I mean, last year ko lang nalaman o nabalitaan na nagbi-bf ka na
ah," puna ko.

Sandali niya akong tiningnan saka siya natawa.


"Wala lang, medyo naguluhan ako last year e napa-syota tuloy ako ng wala sa oras."

"Huh? Guluhan saan?"

"Wala, chismosa mo naman."

"Speaking of syota, ano ka, top or buttom?" buong kuryosidad na tanong ko.

Naibuga niya ang iniinom, mabuti na lang at nakaiwas ako kaagad. He looked at me
flatly.

"Ano nga?"

Ngumuwi siya. "Basta. Ang awkward ng tanong mo."

"Curious lang ako, hindi ba... maybe you're gay but hindi ba mero'n 'yon kung sino
mas feminine ganern? Feeling ko buttom ka e, ano feeling?"

"Parang gago, Lisa." Sinubo niya sa akin ang isang kwek-kwek. "Oh, itong itlog ng
kwek-kwek na lang muna ang kainin mo, saka ka na kumain ng ibang itlog."

"Ay, kumakain ka ng itlog?"


Natawa ako nang makita ang pagkailang ng mukha niya, curious talaga ako e pero
hindi ko na siya pipilitin baka bigla pa 'tong umiyak kawawa naman.

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko.

Nang-hapon na iyon ay naunang umuwi si Kevin dahil may emergency sa bahay nila,
hindi ko alam kung ano. Basta nagmamadali siyang umalis kaya mag-isa lang akong
uuwi.

Nagpalinga-linga ako pagkalabas ng school, biglang nawala si Sascha. Nasaan na ba


'yon?

"Hey." Napalingon ako sa nagsalita, si Daryl.

Tinanguan ko siya at hinintay lumapit sa akin.

"Wassap, hindi ka pa uuwi?" tanong ko kahit obvious naman.

Umiling siya habang seryoso ang mukha. "Hindi pa, may pupuntahan pa ako."

"Hindi ka ba pwedeng ngumiti?" I asked him, pansin ko lagi siyang seryoso.


Daryl shrugged. "Mukha raw akong hmm, pervert."

I laughed of of his words. He's actually good. Feeling ko lang, luminga-linga siya
animong may hinahanap.

"Where's Kevin? Hindi ba't sabay kayo?"

Tinusok ko siya sa braso. "Uy, napapansin niya kami. Crush mo ako no? Amin-amin din
brad," asar ko sa kanya.

Imbes na magalit ay tipid siyang ngumiti. "Maybe..." He teased.

Inirapan ko siya, gagong 'to. Papaasahin pa ako.

"Babaero ka pala," komento ko.

"I'm just kidding. Saan ka ba sumasakay? Tricycle? Ihatid na kita sa sakayan,"


presinta niya, hawak niya ang straps ng kanyang bag.

Binigyan ko siya ng nanunuksong ngisi. Pa-fall 'to ah, mabuti at hindi ako kasing
rupok ng iba.
"Sus, ikaw ha baka bukas-makalawa may pa-i love you ka na sa akin. Hahaha. Sabihin
mo na kaagad para handa ako sa makabagbag damdaming speech ko."

Tinapik niya ang balikat ko. "Gutom lang 'yan, tara hatid na kita."

Napanguso ako nang lagpasan ako ni Daryl at nauna ng maglakad, may mga napapatingin
sa kanyang ibang estudyante.

"Dami tumitingin sa'yo," I informed him.

Deretsyo lang ang tingin niya, balewala ang sinabi ko. "Sa'yo sila tumitingin hindi
sa akin," tanggi niya.

"Sus, pa-humble ka pa. May insecurities ka ba Daryl?" takang tanong ko, parang ang
perfect niya kasi.

Nagkibit-balikat siya. "Lahat naman meron."

Tumango ako, ako rin marami. "Hindi ata kayo sabay ni Kevin?"

"Hmm, may emergency siya e." Sinipa ko ang maliit na bato, napalingon ako sa kanya
nang may maalala.
"Close na kayo ni Nade ah."

Nakita kong natigilan siya kaya ngumisi ako. May something hmm.

"Crush mo siya? Gano'n pala type mo ah," tukso ko sakto nakarating kami sa
paradahan.

"Ikaw, crush mo si Kevin?" balik tanong niya saka ako tinaasan ng kilay, may tumaas
ang labi niya nang makita ang paglaki ng mata ko.

Eksaheradang humalakhak ako.

"Gagi, kaibigan ko 'yon."

"Kaibigan ko rin naman si Sascha at gusto ko siya. Anong masama roon?" puno ng
kuryosidad na tanong niya.

Laglag ang aking panga sa sinabi niya. Mukhang naisip niya ang sinabi kaya bahagya
niya akong tinulak saka siya tumikhim. Huli!

"Sumakay ka na, Lisa. Paulan na."


Napatingin naman ako sa langit dahil sa sinabi niya, sobrang dilim na nga.

Bago ako sumakay ay kinuha ko ang maliit kong payong sa bag at iniabot sa kanya.
"Salamat, Daryl. Ingat sa pag-uwi."

"Babalik pa akong school."

"Huh, bakit?"

"Nandoon pa si Sascha, balikan ko lang. Ingat ka."

Napakurap-kurap ako dahil mabilis na siyang tumalikod para bumalik sa school dala
ang payong ko.

Nang makauwi ako sa bahay ay may katawagan si Mommy, tahimik akong nagmano sa
kanya. Paakyat na sana ako nang tawagin niya ako.

"Lisa, have you heard what happened to Kevin's father?" Nakababa na ang telepono
niya, puno ng pag-aalala ang mukha.

Kinabahan din ako.


"Huh, hindi po. Ano po 'yon, Ma?"

"He got shot, Kevin didn't tell you about it? Nasa ospital pa ata." Sinabi ni Mommy
kung saan ospital, napailing siya saka may tinawagan ulit, mukhang may sasabihin na
naman tungkol sa balitang iyon.

Kinabahan ako, naisip ko kaagad si Kevin. Masiyado siyang mahina pagdating sa


Magulang niya.

Mabilis akong umakyat sa kwarto ko upang ibaba ang gamit ko at magpalit ng damit,
sinubukan ko siyang i-chat pero naisip kong mas maganda kung puntahan ko siya.

Bakit hindi niya sa akin sinabi?

Nagpaalam ako kay Mommy na aalis ako, masiyado siyang abala para pigilan ako kaya
mabilis na akong umalis papunta sa ospital. Habang papalapit ay mas lalo akong
kinakabahan, sana ayos lang ang Papa niya.

Pagdating ko sa ospital ay naabutan ko sila sa harap ng emergency room. Nakaupo


siya habang nakatukod ang mga siko sa magkabilang siko at nakayuko, si Tita naman
ay nasa kabila habang tahimik na umiiyak.

Nang makita ako ni Tita ay tipid niya akong nginitian at sinenyas sa akin si Kevin,
tumayo siya upang lumayo sa amin.

Dahan-dahan akong lumapit at huminto sa harapan niya, hindi siya nagsalita. Hindi
ko alam kung anong dapat sabihin ko para pagaanin ang loob niya.
I bit my lower lip when Kevin wrapped his arms around my waist, he buried his face
on my stomach.

Kaagad akong napahawak sa buhok niya habang yakap niya ako, pakiramdam ko ay
napapasa sa akin lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil sumikip ang kabog ng
dibdib ko.

"You can cry, if you want to cry. Ako 'to, si Lisa ang bestfriend mo. You don't
have to pretend."

I slowly brushed his soft hair, he started sobbing.

Suminghap ako nang mas humigpit ang yakap niya. Mariin akong pumikit.

"Hindi kita iiwan."

Tumango siya saka mahinang nagsalita.

"K-Kapag nakalabas na si Papa, aamin na ako. Sasabihin ko na sa kanila, please help


me?" Umawang ang labi ko, aaminin na siya? "Naisip kong hindi natin alam ang
pwedeng mangyari, madaming mangyayari at ayokong pagsisihan na hindi ko sinabi sa
kanila."
Mabilis akong tumango.

"I'll help you, Kevin. Huwag kang mag-alala mahal ka ng magulang mo, kung ano ka
man."

Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin, hinimas ko ang likod niya.

"Mahal na mahal—" Hindi ko na narinig pa ang sasabihin niya.

***

Kabanata 9 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 9:

"Gising na! Woy! Good morning! Sleeping beast!" I groaned when I heard Kevin's loud
voice. Kung hindi ba naman ganito ang gigising sa'yo, sinong hindi maba-badtrip.

Sinubukan kong takpan ang mukha ko ng unan pero kaagad niyang hinila iyon, sinamaan
ko siya nang tingin. Doon ko nakitang bihis na bihis siya.

He was wearing a dark blue skinny jeans and plain white shirt. Mahilig siya sa
white shirt kaya parang hindi siya nagpapalit ng damit palagi, kapag binuksan ang
closet niya para ka lang nasa tindahan ng white t-shirt.
"B-Bakit ba ang aga mo? Anong meron?" inis na wika ko at sinubukan iyakap sa
katawan ko ang kumot pero hinila niya iyon.

Sasapakin ko talaga 'to.

"Puyat ka sis? Ikaw ang nagsabi sa akin puntahan kita nang maaga dahil magpapasama
kung saan, tapos ikaw 'tong tulog na tulog. May pa-mag alarm ka para magising ka
tapos ikaw pala tanghali," litanya niya.

Naupo ako sa sinabi niya, nakatayo lang siya sa gilid ng aking kama. Oo nga pala,
nakalimutan kong kinulit ko nga pala siya kahapon para samahan ako.

Hinampas niya ako ng unan pero marahan lang, ginulo ko ang aking buhok.

"Hindi ka kasi makaalis ng wala ako e," komento niya saka naupo sa gilid ng kama.

Tumayo na ako para mag-asikaso. Totoo naman iyon, ayokong umalis ng bahay mag-isa.
Kinakabahan ako kapag bibiyahe mag-isa, kapag tatawid sa kalsada na walang kasama,
kapag kakain sa restaurant ay hindi ako maka-order dahil inaatake ako ng anxiety.

"Samahan mo lang ako para may magawa ka man lang."


"Manggagamit!" he ranted.

Natatawang umalis ako sa kama, tanging malaking t-shirt at underwear lang ang suot.

Sanay naman na si Kevin, ilang beses na akong nagbihis sa harapan niya. Ilang beses
na kaming nag-beach at naka-swimsuit lang ako, ilang beses na akong sumali sa
pageant noon high school kami at siya ang kasama ko sa dressing room. Ang makita
akong ganito ay hindi na bago, walang malisya dahil magkaibigan kami.

Mabilis akong naligo, nang makalabas sa banyo suot ang tapis ng tuwalya ay
nakahanda na ang susuotin ko sa ibabaw ng kama.

Kevin prepared my clothes, brown dress, black crop top and high waisted jeans.
Isusuot ko ang dress dito sa bahay, kapag nasa labas na kami maybe mall I'll change
into jeans and crop top. Magagalit kasi si Mommy kapag nakita akong nakasuot ng
pantalon at top.

Sanay na tuloy ako na iba ang suot ko paalis at magpapalit na lang kung saan.
Kabisado na rin ako ni Kevin.

Noon, sinubukan kong magsuot ng plain shirt at short. Nakita ako ni Mommy at hindi
ako pinayahan lumabas kaya simula noon ay ginagawa ko na lang ang gusto niya.

I bit my tongue inside my mouth when I saw my black bra and panty too. Mukhang siya
na rin ang nagdesisyon tungkol doon.

Pala-desisyon.
"Kinuha na kita, ang bagal mong kumilos. Baka gusto mo ako na rin magdamit at
toothbrush sa'yo?" Inirapan niya ako, abala siya sa kakapindot sa telepono habang
nakasandal sa headboard ng kama.

I gave him a chef's kiss before running inside the bathroom.

Pagkababa namin ay nasa sala si Mommy at nagbabasa ng isang magazine.

Umangat ang tingin niya sa amin.

"Mommy, aalis na po kami ni Kevin, doon na lang po kami mag-aalmusal," paalam ko.

Ang tingin ni Mommy sa akin ay lumipat kay Kevin, mukhang may naiisip siya tungkol
sa amin. Tumikhim si Kevin saka tipid na ngumiti kay Mommy.

"Una na ho kami Tita, hatid ko na lang po si Lisa mamaya."

"Sige, hmm how's your Dad, Kevin?" Isinara ni Mommy ang magazine saka ibinigay ang
buong atensyon kay Kevin.

"Ayos naman na po, nasa bahay na nakaka-recover na."


Marahan tumango si Mommy, may itatanong pa sana siya pero sa huli ay itinikom na
lang niya ang bibig saka sinenyasan kaming umalis na.

Nagkatinginan pa kami ni Kevin bago tuluyan umalis.

Pumara kami ng jeep, mas mura kapag doon. Siksikan na nang makasakay kami, anim pa
raw ang kulang pero parang isang tao na lang ang kasya.

Nagsikuhan kami ni Kevin kung sino ang uupo, sa huli ay ako ang naupo nang itulak
ko siya. Muntik na siyang masubsob sa isang criminology student. Sinamaan ako ng
tingin ni Kevin bago sumiksik sa pagitan ko at ng criminology student.

Kaunting parte lang ng puwit niya ang nakaupo.

"Beb, imaginary chair lang gamit ko, kunwari lang akong nakaupo, gagi," bulong
niya. Natawa ako nang makitang bahagyang nanginginig pa ang tuhod niya sa pwesto.

I crossed my legs so he can sit a little. He gripped the tube metal. I chuckled
because of his position. Mukha siyang natatae, pawis na pawis na.

"Magbayad ka na oh." Inabot ko ang singkwenta sa kanya, bayad namin dalawa. Siya
naman mamaya.
Bahagya akong napanguso nang makitang pinasadahn ako ng tingin ng isa pang
criminology student sa harapan namin, mukhang magkakasama sila.

I sighed.

Kaya ayoko nagde-dress kasi ganito. Naiilang akong kumilos.

Sasabihin ko na sana kay Kevin pero nagulat ako nang ilabas niya ang kanyang panyo,
iniladlad niya iyon at inilagay sa tuhod ko, sa parte ng balat na nakikita sa dress
ko.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang ipirmi niya ang palad doon para hindi
liparin ang panyo.

Huminga ako nang malalim para pigilan ang pagkabog ng dibdib ko.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Normal lang 'to, dapat hindi ako mailang.

Nang bababa na kami ay pinaupo niya ako, dahil bahagyang nakatuwad sa loob ng jeep
ay alam kong bahagayang aangat ang dulo kaya hinawakan ko iyon. Kevin pulled the
hem of my dress.

Nang makababa kami ay kaagad akong kumapit sa kanyang braso dahil tatawid kami.
"Gutom na ako, magpapalit lang akong damit tapos kain na muna tayo," sabi ko.

"Sige, saan ba tayo pupunta? Bibili lang damit?" tanong niya nang makapasok kami sa
Mall, natawa pa ako kasi sumunod siya sa akin sa pila.

Nakalimutan ata niya na sa ibang linya niya, hinayaan na lang siya ng guard.

"Magpa-spa ako sandali, papalinis lang akong kuko tapos pa-massage sandali," I
said.

Suminghap siya at madramang nilingon ako.

"Ay wow, richkid ka teh? Daming pera ah," puna niya.

Natawa ako. "Ilibre ko man lang sarili ko, isang beses lang naman sa isang taon.
Spoil ko muna sarili ko," sabi ko. Siya ang nagturo sa akin nito, na kahit minsan
sa isang taon ay i-treat ko ang sarili ko.

Lumawak ang ngiti niya. "Libre mo 'ko?"

"Lul, sarili ko lang spoil ko. Walang libre-libre, ang dami mong ipon."
"Walang libre-libre, kuripot," he mocked me.

Sinamahan niya akong magbihis, katulad ng plano ay kumain kami sandali saka pumunta
sa spa.

Masyadong maingay si Kevin habang minamasahe ang paa niya, tawa siya nang tawa
dahil nakakakiliti raw muntik pa niyang masipa si Ateng na nagmamasahe.

"Ang sweet niyo naman po ng boyfriend niyo, Ma'am," sabi ng babae na naglalagay ng
nail polish sa akin. Kakatapos lang namin magpa-body massage.

Mabilis akong umiling.

"Nako, bestfriend ko po 'yan," tanggi ko.

"Ay gano'n po? Akala ko po boyfriend niyo. Doon po sa body massage hindi man siya
natulog, nakatingin lang siya sa'yo habang tulog ka. Magkahawak kamay pa nga po
kayo kaya akala ko magkasintahan kayo," chika niya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya, tabi kami kanina ng bed ni Kevin pero hindi naman kami
magkahawak kamay.

Baka naman jino-joke lang ako ni Ateng masahista. Imbes na sumagot ay ngumiti na
lang ako.
Paglabas namin sa spa ay dumaan kami sa Watson.

"Teka lang, may titingnan lang ako," sabi ko habang nakatingin sa Watson, parang
tinatawag na ako ng mga paninda.

Kevin looked at me flatly. "Sus, luma na 'yan titingin na 'yan, mamaya niyan
pustahan ang dami mong bumili."

"Ang daming comment, tara na kasi para makapunta tayo sa mga damit." Hinila ko na
siya.

Noong una ay tanggi-tanggi pa siya pero kalaunan ay siya na mismo ang nagtuturo sa
akin ng magagandang items, lalo na sa makeup at skincare.

"Ano ba kasing pinagkaiba nila, pare-prehas brush lang iyan," reklamo ko nang
abutan niya ako ng isang set ng brush. Sabi ko ay isa or dalawa na lang pero sabi
niya ay bilhin ko raw lahat mas makakamura ako.

"Iba-iba kasi 'yan beb, ito oh pang-blush, tapos itong medyo manipis ay pang-
concealer, ito naman maliit pang eye-shadow, ito pang-brows." Iniisa-isa niya ang
iba't ibang brush at sinusubukan ipaliwanag sa akin.

Napangiwi ako dahil may mga napapalingon na samin, sa huli ay kinuha ko na lang ang
sinasabi niya.
Paglabas namin ng Watson ay nagpaalam siyang iihi muna, habang naghihintay sa kanya
sa labas ng banyo ay nabunggo ako ng isang lalaking kakalabas lang.

"Oh, shit sorry," aniya saka tinulungan akong pulutin ang mga gamit ko.

Nanlaki ang mata ko nang makitang nabasag ang isang foundation na binili ko. Handa
ko na sanang bugahan ng apoy ang lalaki pero nagtama ang mata namin kaya natigilan
ako.

"Sorry, nasira ko ba? Papalitan ko na lang, uhm sorry nagmamadali kasi ako,
papalitan ko 'yan," he explained.

"Paano?" Wala sa sariling sabi ko.

"Pwede next time na lang kita bibilhan? May emergency kasi ako. Hmm, kunin ko na
lang number mo para sure na hindi ako magtago." Kumurap-kurap ako nang ilahad niya
ang phone sa akin, itinipa ko roon ang numero ko.

Tinawagan niya ang number ko bago ibulsa ang phone niya.

"Sorry talaga, I have to go." Tumalikod na siya pero bigla rin bumalik. "Ano kasing
pangalan mo?" he asked me.

Kumurap-kurap ako sa pagkabila, lalo't parang may kamukha siya.


"L-Lisa."

"Oh, nice name. Simple. Anyway, just save my number. Terron." Naglahad siya ng
kamay saka ngumuti, tinanggap ko ang kanyang kamay.

"Terron De Vega," pagpatuloy niya sa pangalan niya. De Vega? Is he related to...

"Lisa... Lisa Lyndell Mon—"

"Beb!"

__________

Kabanata 10 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Check Kevin's visual ߑưߑưߑ

Kabanata 10

Hindi ko maiwasan maiyak habang nakaupo sa bench, ako na lang mag-isa ang naka-
tambay. Dati ang dami namin.
Sascha experienced a lot of pain, she needed time for herself. She left the country
with Daryl Ajax, iyon lang ang huli kong narinig tungkol sa kanila. Samantalang si
Alice naman ay ipinasok sa mental institution. Ang sakit-sakit lang dahil parang
kapatid ko na sila, mas close ko pa sila kaysa sa mga kapatid ko kaya sobrang sakit
din sa akin ang nangyari. Nade was busy with her sister, iyon lang ang nasabi niya
noong hulo kaming nagkausap, kakakita lang nila sa nawawala niyang kapatid.

Kevin... he was with his boyfriend, his partner. Anniversary nila ngayon kaya hindi
siya pumasok.

Dati ay nandito kaming lahat sa bench na 'to.

Malakas akong napabuntonghininga, I hope they'll be okay, they will find their true
happiness.

Habang ako... ito pa rin. Hindi pa rin alam kung ano ba talaga ang gustong gawin sa
buhay. Basta sumusunod lang ako sa agos ng buhay, kung maging masaya ay ayos lang
at kung hindi ay ayos lang din.

Kinagat ko ang aking ibabang labi saka pinunasan ang basa sa aking pisngi.
Pakiramdam ko ay napag-iwanan ako, ayoko man aminin pero masakit sa akin kasi alam
kong hindi ako ang kailangan nila ngayon.

May kanya-kanya kaming buhay.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa ako roon habang inaalala ang mga nangyari
hanggang mapagpasyahan ko ng umuwi. Isinukbit ko ang aking bag na kulay krema saka
naglakad palabas nang school.
I stopped halfway when I saw Sir Travis in the parking lot. The last time I heard
about him, he resigned to our University.

I walked closely to him, he was fixing some box in the passenger seat.

"Good afternoon, Sir." I greeted him, I got his fully attention.

Mukhang doon lang niya napansin nakalapit na ako, nasa loob ng pantalon niya ang
kanyang mga kamao. Pansin ko ang itim sa ilalim ng kanyang mata.

"Oh, Lisa right? How are you?" He forced to smile but ended up with awkward smirk.

I sighed because of that.

"Ayos lang po, Sir. Hmm. B-Buti po nabisita kayo?"

Tinuro niya ang nakasarang kotse. "I just took my things, mga naiwan no'ng nakaraan
sa office." His voice sounded serious but also in pain. LikeƂ any time he'll burst
into tears.

Tumango ako, nagpaalam na lang ako sa kanya dahil mas lalo lang akong nalulungkot
sa itsura niya. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, parang ayaw niyang may
kumausap sa kanya pero napipilitan lang siya kumausap sa akin.

Naiintindihan ko naman 'yon, gano'n din ako kapag nakasumpong. Ayoko ng may kausap.

Pagkalabas ko ng school ay lalakad na sana ako papunta sa paradahan nang may


tumawag sa pangalan ko.

"Lisa Lyndell, wohoo!"

I squeezed my eyes shut when I heard Kevin's voice. Bumuga muna ako ng hangin at
nagpekeng ngiti bago humarap sa gawi niya.

Parang may kumurot sa puso ko dahil sa tampo nang makitang kasama niya si Jude. Ang
kasintahan niya.

Nagtatampo lang ako dahil hindi ako sanay na may iba siyang kasama, na may ibang
tao na kampante na siya bukod sa akin. Siguro nga gano'n lang.

Saka mabait naman si Jude.

Saksi ako kung paano nila ipinaglaban ang relasyon nilang dalawa. Pagkatapos
makalabas ng Daddy ni Kevin sa ospital ay dalawang linggo lang ay sinabi na niya sa
magulang lang niya ang kasarian niya. Noong una ay nagulat, pero sabi ng Mommy niya
ay nararamdaman naman daw nila at pagkaraan ng ilan panglinggo, ipinakilala na ni
Kevin si Jude.
Lumapit ako sa kanila. Jude tapped my shoulder and offered a donut.

"Ano 'to suhol?" Natatawang tanong ko, pinipigilan magselos dahil sa lapit nilang
dalawa.

Malawak ang ngiti ni Kevin, siguro ay naka-dilig na naman sa hardinero niya.

"Naibigay mo ba 'yong excuse letter ko, beb?" tanong ni Kevin.

Ngumisi ako saka tumango. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Sorry about that, Lisa. We owe you a lot," ani Jude. They're wearing clothes with
same color schemes. Gray, black and sky blue.

"Sus, ayos lang 'yon. Malakas kayo sa akin. Ano bang ginagawa niyo rito? Tapos na
ang date niyo?" takang tanong ko, alas-singko pa lang ng hapon.

Ngumuso si Jude at tinuro si Kevin. "Kevin said that you can't commute alone, kaya
dinaanan ka namin."

Napakamot sa batok si Kevin kaya natawa ako. "Kaya ko naman, jusko. Eh paano na
'yan? Ano ba dala niyong sasakyan?"
"Dala niya kotse niya," ani Kevin saka ako inakbayan para sumakay na roon.

Hindi nakalagpas sa paningin ko ang tingin ni Jude sa braso ng boyfriend niya sa


balikat ko kaya pa-simple kong tinulak si Kevin palayo sa akin dahilan para maalis
niya ang braso sa akin.

Ayoko sanang sumama sa kanila pero mas magmumukha akong kawawa kapag tumanggi ako.

Sumakay kami sa kotse ni Jude, mas matanda siya sa amin ng dalawang taon. Business
ang course niya noon at ngayon ay nagta-trabaho na siya sa Clark.

Tahimik ako habang nasa biyahe, pilit kong inaabala ang sarili ko sa cellphone para
hindi naman ako magmukhang third wheel nila, pero napalingon pa rin ako nang abutin
ni Jude ang kamay ni Kevin at pinagsaklob iyon.

Kinagat ko ang aking ibabang labi saka nagkunwaring may ka-chat kahit ang totoo ay
china-chat ko lang ang sarili ko nang kung ano-ano.

Tangina niyan, kahit isang taon na sila hindi pa rin ako sanay makita si Kevin na
ganito. Jusmiyo.

Naging tahimik na ako buong biyahe kapag kinakausap ako ni Kevin ay sumasagot naman
ako at nakikitawa kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ng bumaba ng kotse.
Ano bang nangyayari sa akin? Dapat maging masaya nga ako kasi masaya na ang
bestfriend ko. He's happy with Jude, kita ko naman iyon pero may parte sa akin na
nagseselos?

Halos makahinga ako nang maluwag nang makababa ako sa kotse nang makatapat kami sa
bahay namin.

Ibinaba ni Kevin ang bintana, I sighed when he kissed my cheek. Bumeso siya bilang
pamamaalam.

"Ingat, beb!" masiglang aniya saka kumaway.

"Ingat sa pagda-drive, Jude. Thank you sa paghatid. Chat na lang Kevs!" Pinasigla
ko ang boses ko at pinanuod ko ang kotse hanggang makalayo sila.

Nang makapasok sa bahay ay naabutan kong nag-aaway si Mommy at Daddy sa kusina,


sinenyasan ako ni Manang na umakyat na ako. Napailing ako saka dumeretsyo sa
kwarto, bakit kaya gano'n silang dalawa. Minsan na nga lang magkita tapos nag-aaway
pa.

Gusto ko silang patigilin pero kaagad din sila mag-aaway n'yan, kapag sumingit ako
at pagalitan ni Mommy, syempre ipagtatanggol ako ni Papa.

Inubos ko ang oras ko sa pag-i-sketch ng mga gown. Isa sa mga stress reliever ko
ang pagguhit.

Natigil ako nang tumunog ang aking cellphone, notification sa messenger iyon.
From: Eggplant Lover 0ߒհߍ

Beb, may post ako. Heart mo.

I rolled my eyes because of Kevin's message. Mabilis kong binuksan ang facebook,
siya ang nasa newsfeed.

Mukha nila ni Jude, normal na selfie lang, apat na photos iyon at iba't ibang lugar
ang background. Public na public na talaga, kaya siguro sila nagtagal kasi alam
kong ito ang atagal ng gusto ni Kevin. 'Yong hindi siya nahihirapan magtago.

I tapped the heart sign.

To: Eggplant Lover ưߒհߍ

uki na naheart na lodi

From: Eggplant Lover ưߒհߍ

May pasok ba bukas? Papasok ka ba bukas?

Tuluyan ko ng binitawan ang sketch pad ko at lapis, umayos ako ng upo sa kama.

To: Eggplant Lover ưߒհߍ

meron malamang kuhanan ng card


From: Eggplant Lover ưߒհߍ

Kung papasok ka, papasok ako. Kung hindi kanpapasok, hindi na rin ako papasok

To: Eggplant Lover ưߒհߍ

lul buntot ka gurl? sa friday na lang ako kukuha

From: Eggplant Lover ưߒհߍ

Sa friday na lang din ako kukuha.

Kinain mo na ba 'yong donut? Pera ko 'yan don't worry.

Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa box ng donut sa ibabaw ng lamesa ko. Wala
akong gana na kainin iyon. Niyakap ko ang isa sa aking unan, hindi kaagad nakapag-
reply sa kanya kaya tumawag siya.

Nang sagutin ko ang video call ay tumambad sa akin si Kevin na nakadapa sa kama.

He pouted his lips when he saw my forehead on the screen. I chuckled because of his
cute reaction.

Muntanga talaga 'to e.

"Ba't puro noo? Nahiya ka pa araw-araw ko naman nakikita 'yang pagmu-mukha mo," he
commented.

Itinapat ko ang camera sa aking mukha saka tipid akong ngumiti. "Kaya nga, baka
nagsasawa ka na sa mukha ko e, kaya noo na lang."

"Sus, sanay na ako sa mukha mo. Immune na ako, sis."

Sandali kaming natahimik. I chuckled to change the atmosphere. "Oh, kumusta naman
ang date?"

His eyes glittered in excitement.

Nang ibukas niya ang bibig niya ay sunod-sunod na ang naikwento niya. Simula sa
pagkain, sa lugar at sa pakiramdam, kung gaano kasaya.

"Tapos ayon, pumunta kami sa work place niya sa Clark. Ipinakita rin niya sa akin
'yong apartment niya, sabi pa nga ni Jude kapag graduate na ako ay pwedeng doon ako
mag-stay, lalo na kapag reviewing na sa LET." He giggled.

Ang ngiti sa aking labi ay nanatili lang pero parang may kumurot sa puso ko. Unti-
unting sumisikip habang nakatingin sa masaya niyang mukha.

Paano na 'yong dream house namin after graduation? 'Yong pag-iipunan namin bahay,
wala na 'yon?
Imbes na magtanong ay nagkunwari akong kinilig. "Wow, talaga? Ang sweet naman ni
Jude. Ayos 'yon, tapos makakapag-pundar na kayo paunti-unti." I said while smiling.

Tumango siya habang may ngiti sa labi.

Tumikhim ako saka kunwaring humikab. "Inaantok na ako beb, matutulog na siguro
ako."

"Huh? Ang aga pa."

"Sige na, chat na lang bukas ganern. Bye na!" Hindi ko na siya hinintay pang
magkomento at kaagad pinatay iyon.

Mabilis din akong nagpatay ng data.

I buried my face on my pillow, trying to calm myself. I don't want to feel like
this. I shouldn't feel this.

Bumangon ako at kinuha ang isang box sa pinaka ilalim ng aking parador. Hindi ko
mapigilan matawa nang makita ang mga letters ko para sa kanya simula noon, mga
loveletter na gusto kong ibigay pero naubusan na ako ng lakas ng loob.

Napangunahan ng takot, dahil ayokong masira kung anong mayroon kami. Ayokong
sabihin dahil alam ko naman mawawala siya kapag ginawa ko iyon.
Mabilis akong bumaba saka kinuha ang lighter sa estante, sinundan pa ako ng tingin
ni Manang pero tipid ko lang siya nginitian bago lumabas sa bahay.

That night, I burned my letters for him. Hoping to burn my feelings for him too.

Ayaw na kitang magustuhan, Kevin. Ang hirap mong mahalin...

Nasa gano'n akong posisyon nang makita ko si Manang, mukhang hinahanap ako.

"Oh, anong ginagawa mo dyan?"

"M-May sinunog lang po ako, bakit po? Tapos na ba mag-away si Mommy at Papa?"
Pahina nang pahina ang aking boses.

"Umalis ang Daddy mo, nasa kwarto naman ang Mommy mo. May bisita ka, nasa sala."

"Huh?" Wala naman akong inaasahan.

"Yong manliligaw mo, si Terron."


_____________

Kabanata 11 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 11

Nagulat ko nang ilagay ako ni Kevin sa kanyang likuran, bahagya akong sumilip kay
Terron na nagulat din sa biglang sulpot ng bestfriend ko.

"Hina-harass ka ba nito, beb? Hoy! Hindi porket gwapo ka attitude ka na ha! Nag-
aral ako ng teakwondo." Umasta pa si Kevin na parang attack sa kalaban kaya kaagad
ko ng hinawakan ang braso niya.

"Kevin... hoy t-tama na 'yan."

Tumabingi ang ulo ni Terron bago umangat ang sulok ng labi at lumingon sa akin.
Mukhang natuwa siya sa inasta ni Kevin.

"I have to go, Miss Lisa. Nice meeting you and you too... Mr. Taekwondo," may bahid
ng pang-aasar ang tono niya at makahulugan akong tinitigan bago tumalikod at
kumaway pa.

Umamba si Kevin na sisipain si Terron kaya tanggal ang sapatos siya,Ƃ pinanlakihan
ko siya ng mata.
Nakakahiya, pinagtitinginan tuloy kami.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya.

Eksaherada niya akong inirapan saka nilagpasan. Oh my gosh! Anong problema niya?

***

Napailing ako nang maalala ang una namin pagkikita ni Terron, hindi talaga naging
maganda iyon pero at least napalitan ang foundation ko.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay naabutan ko siya sa sala, prenteng nakaupo at


inosenteng inililibot pa ang paningin sa mga display namin. Nang makita ako ay
tumayo siya at inabot sa akin ang kalamares na nasa transparent plastic kaya natawa
ako.

Umalingsaw kagaad ang amoy ng prinitong pusit, mabuti at wala si Mommy, maarte pa
naman siya sa mga gano'n klaseng amoy.

"Ikaw 'yong manliligaw na hindi bulaklak ang binibigay kung 'di mga ganito,
pagkain." Natatawang komento ko.

Lumawak ang ngiti siya, he was wearing a black sweater and jeans. Looks like,
dumaan lang siya para rito.
"Hindi ka naman mabubusog sa bulaklak," aniya saka luminga-linga. "Si Tita,
nasaan?"

Inilapag ko ang kalamares sa center table at umayos ng upo, upong lalaki pa naman
ako't lalo na't si Ke"oh no, don't go there Lisa. Move on, move on din kapag may
time.

Tumikhim ako.

"Nasa kwarto niya, gabi na ah?"

"Hmm, dumaan lang ako. I visited Kuya."

Napatango ako sa sinabi niya. "How's Sir Travis pala? Okay lang siya?" Terron is
Sir Travis' brother. That's why he looked familiar to me, para nga lang akong
tumitingin sa batang version ni Sir. Nalaman ko lang noon sunod namin pagkikita,
ilang buwan na rin ang nakakaraan.

"Okay na siya... medyo lang. Hmm, pakiramdam ko mauubos na ang ipon niya kababalik
at alis ng bansa." Terron laughed. Ang alam ko ay binibisita niya sa ibang bansa si
Sascha, iyon ang nabanggit ni Terron noon. Chismoso naman talaga 'to.

"Edi pautangin mo, tutal madami ka naman pera galing sa sugarmommy mo," biro ko.
Terron smirked. "Nag-iipon ako para sa future natin, Lisa."

I rolled my eyes, iyan na naman siya sa future na 'yan. "Hindi ba sinabi ko na


sa'yo, hindi ako nagpapaligaw? Ayokong magpaligaw, ikaw 'tong tumuloy pa rin.
Sinabi ko naman study first ako." Napanguso ako nang makitang mas lumiwanag ang
mukha niya. "Do you really like me or this is just because you're challenge?"

Ngumiti siya sa sinabi ko.

"I really like you."

Napaismid tuloy ako. "Bahala ka sa buhay mo, sinabi ko naman sa'yo."

"Pero ikaw... study first nga ba o naghihintay ka sa isang tao?" pang-asar pa niya.

Sasagot pa sana ako nang bumukas ang pintuan. Sabay kaming napalingon doon nang
pumasok si Kevin na naka-pajama at may hawak na unan na kulay pink.

Terron chuckled.

Alam ko naman kaya 'to tuwang-tuwa, trip na trip niyang asarin si Kevin. Kung
walang jowa si Kevin ay aasarin ko na silang dalawa, kung hindi ko lang din alam na
babae ang gusto ni Terron.
Kumunot ang noo ko, mukhang hindi nagulat si Kevin na nandito si Terron. Lumabas si
Manang galing kusina, naiilang na ngumiti siya sa akin.

Napatampal ako sa noo.

Siguradong chinika na kaagad ako ni Manang kay Kevin kaya kaagad 'tong pumunta
rito.

"B-Bakit ka nandito?" takang tanong ko nang lumakad siya at walang salitang


sumalapak sa sofa.

"Boring sa bahay, overnight ako rito. Beb," diniin niya ang huling salita.

Napapantastikuhan tinitigan ko siya, kanina sa call ang akala ko'y matutulog na


siya.

Nagkatinginan kami ni Terron. He gave me a smirked, I shook my head. I know, he'll


mock me again.

"Why am I interupting something?" Napa-wow ako nang biglang nag-English si Kevin,


ganyan siya kapag galit o naiinis.

Biglang nakakapag-English.
"Hmm, aalis na ako Lisa. Mukhang papasama na ata ang panahon, mukhang uulan na,"
kalmadong wika ni Terron saka tumayo, napatayo rin ako para ihatid siya hanggang sa
pintuan.

"Dapat lang umuwi ka na." Narinig kong bulong ni Kevin.

Sinamaan ko siya ng tingin, kahit kailan napaka-attitude. Hindi talaga sila


magkasundo ni Terron, kahit pa noon.

Pinanuod ko pangsumakay si Terron sa kotse niyang kulay itim bago bumaling kay
Kevin na yakap-yakap ang unan niya sa sofa at mapang-akusang nakatingin sa akin.

Nilagpasan ko siya at dumeretsyo sa itaas, naramdaman kong sinundan niya ako


hanggang sa kwarto. Siguradong sasabihin naman ni Manang kay Mommy na nandito si
Kevin.

"Akala ko ba matutulog ka na? Sabi mo inaantok ka, scam ka talaga," bungad niya
pagkapasok sa kwarto, inirapan ko siya nang dumapa siya sa kama ko at bahagyang
hinimas iyon.

"Matutulog na sana talaga ako, dumating lang si Terron."

Kumuha ako ng damit sa cabinet at pumasok sa banyo. Pagkalabas ko ay gano'n pa rin


ang kanyang posisyon.
Nakapikit siya kaya akala ko'y tulog na siya pero nagulat ako nang magsalita siya.

"Nagsisinungaling ka na sa akin," mahinang sabi niya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi saka umupo sa gilid ng kama.

Kung alam mo lang Kevin kung ano pa ang sikreto ko. Pinigilan ko naman e, kasi
magkaibigan tayo, bestfriend tayo, sisters at alam kong mali 'to. Pero paano ko
naman pipigilan kung ikaw lang ang taong nagparamdaman sa akin na hindi ko
kailangan magpanggap?

Malakas akong bumuntonghininga, hindi ko alam kung kailan ito nagsimula. O sadyang
nagbulag-bulagan lang ako noon, kasi pakiramdam ko hindi naman niya ako iiwan kaya
ayos lang, pero nang magkaroon siya sa boyfriend... nang makilala niya Jude ay
natakot ako.

Natakot akong maiwan kaya 'yong taong nagparamdam sa akin na hindi dapat ako
magpanggap, nagpapanggap na rin ako sa harap niya.

Nagpapanggap akong hindi ako nagseselos at nasasaktan, kasi nakakatakot kapag


nalaman niya.

Natatatakot akong malaman ng ibang tao 'yong totoong ako.

"Totoo pala 'yong kapag nagkaruon na ng lovelife ang kaibigan mo ay makakalimutan


ka na?" Hindi ko maiwasan ang pait sa tono ko.
Nagsalubong ang kilay niya saka dahan-dahan umupo sa aking kama.

"Ayaw mo ba kay Jude, Lisa?" deretsyahan tanong niya, nakita ko pa ang paglunok
niya.

Umiling ako saka natawa.

"Importante ba ang opinyon ko sa bagay na 'yan? Kayo naman ang magsasama h-hindi
naman ako kasali sa relasyon niyo. Napansin ko lang simula nang naging kayo...
hindi na tayo katulad ng dati e," sa wakas ay nasabi ko.

Parang may kumurot sa puso ko nang kinagat niya ang ibabang labi.

"Hindi 'yan totoo beb, may oras pa rin ako sa'yo pero ikaw 'tong laging umaayaw
kapag inaaya kita," mahinang aniya.

Napailing ako, paano ako papayag kung pakiramdam ko ay nakikihati na lang ako sa
atensyon?

Nasanay akong kami lang, kami lang. Sometimes you just have to stay silent because
no words can explain what’s going on in your heart and mind.

Tipid ko siyang nginitian saka tinapik ang balikat niya. "Siguro nga, Kevs. Baka
nagiging ma-drama lang ako, hays kaya ayokong may regla e kung ano-anong naiisip
ko. Pakiramdam ko nagiging emosyonal ako." Natawa ako at pinasigla pa ang aking
boses.

Kinuha ko ang aking unan saka nahiga na patalikod sa kanya, ramdam kong nakatingin
lang siya sa akin.

Gusto kong umiyak kasi unti-unti kong naiisip na nagiging toxic na ako sa
friendship namin. Nagiging demanding na ba ako? Ang hirap naman magkagusto sa
kaibigan.

Narinig ko ang malakas niyang buntonghininga saka hinawakan ang braso ko, napaigtad
ako roon lalo't pilit niya akong pinapaharap.

"Nagugustuhan mo na ba ako, Lisa?"

________________

Kabanata 12 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 12:

Lumipas ang buwan hanggang maka-graduate kami, mas naging abala ako sa pagre-review
para sa Licensure Exam for Teachers sa susunod na buwan. Kevin awarded as Magna cum
laude, while I got a cum laude award. Hindi ko alam kung natuwa ba si Mommy no'n,
wala naman siyang sinabi sa akin dahil masiyado siyang abala noong mga nakaraan
buwan, lagi siyang umaalis ng bahay habang si Papa ay halos hindi na umuuwi, ang
huling uwi niya ay noong graduation ko.
'Yong ibang kabataan, hinihiling na sana wala ang magulang nila para malaya silang
makaalis o walang babawal.

Aaminin kong gano'n din naman ako noon, pero habang tumatanda mas hinihiling ko na
lang na umuwi sila kasi pakiramdam ko ang layo-layo na ng loob ko sa pamilya ko.

"Baks, kape?"

Hindi ako nag-angat ng tingin kay Kevin nang maglapag siya ng kape at cheese bread
sa aking gilid. Naamoy ko kaagad iyon.

Naghila siya ng upuan sa aking gilid, lumikha iyon ng ingay lalo't tahimik kung
nasaan kami. Coffee shop na pwedeng tumambay.

Madalas ay nandito ako, masiyadong nakaka-antok kung sa bahay.

Imbes na makapagbasa ay nakakaidlip ako, hindi ko lang alam kung bakit nandito si
Kevin, lagi siyang sumasama kahit maganda naman ang study room niya sa kanila.

Minsan siya, minsan si Terron. Minsan nakakapag-sabay sila at buong oras ay puro
barahan lang ang dalawa. Siguradong bardagulan kapag silang dalawa, ayaw
magpapatalo ni Kevin, hindi ko rin naman sigurado kung ano ang ipinaglalaban ni
Terron.
"Psst."

I looked at Kevin when his elbow hit mine. His lips protruded when he mentioned the
coffee he bought for me.

"Kumain ka na muna, balak mo bang mamatay?" eksaheradong bulong niya.

Inilapag ko ang aking hawak na ballpen saka siya nilingon, he was wearing his black
sweater jacket. Bumili rin ako ng ganyan noon, para parehas kami.

"Hindi pa naman kasi ako gutom," sabi ko bago humigop na lang din ng kape na binili
niya para lang matahimik na siya, sinabihan ko na siya kanina na huwag na pero ang
kulit.

"Kahit na, dapat kumain ka sa oras hindi 'yong kakain ka lang kapag gutom. Paano
kung hindi ka makaramdam ng gutom sa isang buwan edi magugulat ka na lang kalansay
ka na. Kaya ang payat mo e, tingnan mo pulso mo, sakop ng daliri ko."

Ipinalibot niya ang hinlalaki at hintuturo sa pulso ko animong sinusukat ang taba,
napanguso ako.

"Mahaba lang kasi ang daliri mo, hindi naman ako masyadong payat. Saka ang sabi nga
ni Terron ang takaw ko raw sa—"

"Oh whatever, sis," maarteng aniya saka naglagay ng earphone sa tainga, saka
nagbukas ng libro.
"Bakit ba galit na galit ka kay Terron?"

Sinulyapan niya ako saka tinanggal ang suot n earphone.

"Bakit ba lagi mo siyang pinagtatanggol? Sino bang bestfriend mo?" he pointed out.

He closed his eyes and remained silent a long time.

"Ikaw s-syempre, pero wala naman kasi ginagawa 'yong tao sa'yo, mag-iisang taon na
ayaw mo pa rin sa kanya?" Pinag-aralan ko ang kanyang mukha habang nasa gano'n
siyang posisyon.

Hindi siya sumagot, hinayaan ko siyang mag-inarte roon.

Tingan mo 'tong bakla na 'to, pupunta lang dito para mag-inarte.

Napailing ako nang maisip ang tanong niya noon, syempre ay hindi ako sumagot.
Nagpanggap akong tulog hanggang tuluyan makatulog, simula naman noon ay hindi na
siya nagtanong.

Nakaka-tang ina lang kasi gusto ko na nga mag-move on pero siya naman lagi ang
kasama ko.
Pero kahit papaano ay nakapag-isip na ako, pinipili ko ang pagkakaibigan namin
kaysa sa kung ano man 'yong nararamdaman ko, iniisip ko na lang aka simpleng
atraksyon lamang iyon dahil siya ang lagi kong kasama at dadating ang panahon na
mawawala iyon.

Napa-angat ang tingin ko nang may umupo sa lamesa sa aming harapan.

"Pol," I called the guy.

Lumawak ang ngiti niya, sinimangutan ko siya.

Aba! Akala ata niya nakalimutan ko na ang pang-iiwan niya sa akin sa sayaw noon.

"Hi, date niyo?" Pol teased.

Dumilat si Kevin saka inirapan siya, humalakhak si Pol.

"Parehas ba kayong badtrip?" Bumaba ang tingin niya sa mga notes na nag kalat sa
lamesa. "Oh, reviewing? Bakit hindi na lang kayo mag-enroll sa review center?"
takang tanong niya, siguro ay nakapag-enroll na siya.

"Sayang ang pera, may pinag-iipunan kami," sabi ko saka nginuso si Kevin na nag-i-
sketch na ng kung ano.

"Ano naman?" chismosong ani Pol, inilagay pa niya ang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Bahay... magpapatayo kaming bahay," si Kevin ang sumagot habang nasa notes na niya
ang tingin.

Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Pol, napanguso ako dahil alam ko na ang


iniisip niya. Hindi lang naman siya ang ganyan ang iniisip.

"May boyfriend siya," tanggi ko kaagad sa naiisip ni Pol.

"May manliligaw siya," segunda ni Kevin.

Nilingon ko siya.

Tumaas ang kilay ni Pol. "Oh okay? Wala naman akong sinabi. Pero wow, buti pa kayo
naka-plano na ang future samantalang ako sabay sa agos lang. Kung papalarin edi
ayos, kung hindi edi iyak." Natawa siya sa biro niya bago ilibot ang paningin sa
paligid. "Nasaan na ba 'yong pinsan ko... sabi bibili lang kape."

Wala sa sariling inilibot ko rin tuloy ang tingin sa loob ng cafe.


Kumaway si Pol sa isang parte, kumunot ang noo ko nang makilala ang pinsan na
tinutukoy niya. Si Jaren. Lumapit sa lamesa namin si Jaren, nang makilala ako ay
mukhang nagulat din siya.

"Pinsan ko, Si Jaren," pakilala ni Pol saka kami iminuwestra ni Kevin. "Si Kevin at
Lisa, magka—ibigan..." Hindi ko alam kung sinadaya niya bang putulin ang salita.

Tipid na ngumiti si Jaren sa akin, wala na ang yabang noon.

Ang totoo ay hindi ko na siya nakita pagkatapos no'n, nakikita ko pa ang Mommy niya
pero hindi na siya kasama, dahil siguro ay naging abala rin siya.

"Yeah, Pol. I know them... hmm Lisa, how are you?" maingat na tanong ni Jaren at
inilagay pa ang kamay niya sa bulsa, para bang sinasabi niyang hindi niya ako
hahawakan.

Natawa ako kaya natawa rin siya.

"Okay lang, ikaw?"

"Magkakilala kayo?" tanong ni Pol.

"Oo, nagkakilala na kami noon."


Sabay-sabay kaming napalingon kay Kevin nang tumayo siya. Hindi siya nagpaalam pero
dumeretsyo siya sa banyo.

Natawa si Pol at nagpaalam na sila.

Napatitig ako sa phone ni Kevin nang tumunog, parang may sumakal sa puso ko nang
makitang boyfriend niya iyon. Si Jude, wala akong balak sagutin iyon dahil baka
ayaw ni Kevin.

Picture nila ang wallpaper niya.

Natawa ako saka napatitig sa wallpaper ko, picture namin.

**

MABILIS lumipas ang buwan hanggang dumating araw na ipo-post na ang result ng exam
namin. Malakas akong bumuntonghininga habang nakatitig sa screen ng laptop ko.

Wala si Mommy, nitong mga nakaraan buwan ay parang naging abala siya at hindi ko
alam kung bakit. Nasa barko si Papa, si Ate naman ay buntis kaya hindi rin madalas
bumisita, ang bunso kong kapatid ay nasa Lola ko.

Halos hindi ko na matandaan kung kailan kami nagkasabay-sabay kumain.


Bumaba ang tingin ko sa phone ko para i-text si Kevin kung nasaan na siya.

Nangako siyang sabay namin titingnan ang resulta. Pinapangarap pa namin noon
natitili kami pareho kapag nakita na namin ang pangalan namin sa mga nakapasa.

To Beb:

kevs, nasaan ka na?

Ilang sandali bago siya nakapag-reply.

From Beb:

Hala beb, sorry. Bigla kasing nag-aya si Jude sa family dinner nila, kakatapos lang
namin. Pwede mo na tingnan 'yong sayo once na lumabas na. Advance congrats, Ma'am.

Natawa ako sa text niya.

Gano'n lang 'yon? Ang tagal namin 'tong plinano. Nang mag-educ kami ay ito na ang
plano namin tapos dahil sa biglang lakad wala na. Gano'n lang?

Hindi ko alam kung mababaw ako o ano, nagiging emosyonal ako lalo. Hindi naman
seryosong tao pero habang mas tumatanda pala, mas madaming problema, mas
nakakapanghina lalo't pakiramdam ko ay wala na akong masasandalan.
Nasanay akong malayo ang loob sa pamilya ko, nasanay akong si Kevin ang pinaka
malapit sa akin kaya ngayon iba na ang mga priority niya pakiramdam ko ay naiiwan
na ako.

Naiiwan na naman ako.

Pinunasan ko ang luha ko saka hindi na siya ni-reply-an.

Lumipas ang oras.

Nanginginig ang aking kamay nang makitang naka-post na ang site. Humugot muna ako
nang malalim na hininga bago hinanap ang apelido ni Kevin.

Lumawak ang ngiti ko nang makita ang pangalan niya.

Hindi ako nagdududa sa'yo Kevin, ang laki ng tiwala kong ipapasa mo. Mas may tiwala
pa ako sa'yo kaysa sa sarili ko.

Nang makabawi ay apelido ko naman ang hinanap ko.

Dumaan ako sa mga apelidong letrang J, K, L, M...

Montero, Lisa Lyndell... please.


Hanggang makarating ako ng N at O ay wala ang apelido ko.

Hindi ako nakapasa. Hindi ko nakuha ang lisensya ko.

Natulala ako, walang luha na lumabas. Sinubukan ko pang i-refresh dahil baka may
glitch, baka nakapasa talaga ako dahil ginawa ko naman ang best ko. Halos hindi na
ako natutulog kaka-review.

Mas lalong sumukip ang dibdib ko dahil wala talaga ang pangalan ko, kahit ang ibang
kakilala ko ay nandoon.

Unti-unti nang nahulog ang luha ko, sobra akong nadi-disappoint sa sarili ko, lagi
na lang.

Naisip ko kaagad na mas lalo akong mapag-iiwanan lalo na ang mga kasabayan ko,
makakapag-trabaho na sila sa public school.

Naisip ko si Mommy, wala pa man ay naririnig ko na kaagad kung paano siya ka-
disappointed sa akin. Naririnig ko na kaagad ang mga pagkukumpara ng mga kamag-anak
ko sa iba kong pinsan.

Sinapo ko ang mukha saka tahimik na umiyak.


Hindi ako nag-abalang tumingin sa pinto nang bumukas iyon, mas lalo akong
napahagulgol nang ikulong niya ako sa kanyang braso.

Kaagad kong nakilala ang amoy niya, humigpit ang yakap niya sa akin.

"It's okay, Lisa. Ayos lang. You're still the best, okay? Ginawa mo ang best mo,
may susunod pa beb. Kaya natin 'to."

Umiling ako, wala siya sa posisyon ko kaya madali lang sa kanyang sabihin ang bagay
na iyan.

Nasa kanya ang lahat, tanggap siya ng pamilya niya, mahal siya ng magulang niya,
malaya siya at may kasintahan siya, mahal na mahal nila ang isa't isa.

Samantalang ako, wala.

Hindi niya ako maiintindihan.

Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa akin, akala ko ba may dinner sila.

Hindi ako tumingin sa kanya, tinuro ko ang pintuan.


"Umalis ka."

"Beb..."

Pilit niya akong inabot pero umiling ako, hindi ko kailangan ng sino man ngayon,
hindi ko kailangan ng awa niya.

Nag-angat ako ng tingin, nagtama ang aming mata. Puno ng pag-aalala at awa iyon,
bagay na ayokong makita ngayon.

"Umalis ka na muna please..." paki-usap ko.

"W-Wala naman akong ginagawa, beb."

"Oo, wala pero isa ka sa mga dahilan kung bakit nararamdaman ko 'to." Nakita ko ang
kaguluhan sa mata niya, umiling ako habang umiiyak. "H-Hindi lang 'to tungkol sa
result Kevin, napuno na lang dito," sigaw ko.

Inabot niya ang kamay ko, binawi ko iyon sa kanya habang patuloy na humihikbi.

"Gusto mo malaman kung ano pa ang dahilan?" Hindi siya sa nagsalita, mapait akong
ngumiti. "M-Mahal na kita, higit pa sa dapat. Hindi ko na rin alam ang gagawin ko,
ayoko ko 'tong nararamdaman ko. Itinanggi ko noon. Ayoko ko 'to pero anong gagawin
ko hulog na hulog na ako sa kaibigan ko."
Napahagulgol ako, nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.

Bigo akong tumingin sa kanya, alam ko naman magkaiba kami ng nararamdaman.

"H-Hindi mo ba 'yon nararamdaman? Kevin? W-Wala ka bang nararamdaman para sa akin.


Hanggang kaibigan lang ba?" Napahikbi ako.

Pakiramdam ko ay sobrang baba ko na, sobrang kahihiyan pero ang bigat-bigat na ng


dibdib ko, kailangan ko na aminin.

Kinagat niya ang ibabang labi saka nag-iwas tingin.

Mabilis ko siyang hinawakan sa batok at hinalikan habang tumutulo ang luha ko,
ramdam ko ang pagtigas nang buo niyang katawan sa ginawa ko.

"Please... Kevin, ako na lang," bulong ko sa pagitan ng aming mga labi, ginalaw ko
ang aking labi sa kanya, mas diniin ko ang aking halik umaasang tutugunan niya iyon
pero wala lang siyang ginawa.

Unti-unti akong tumigil, sunod-sunod bumuhos ang luha ko habang nakatingin sa mata
niyang walang buhay na nakatingin sa akin.

"Sorry, Lisa. Hanggang dito lang ang kaya kong ibigay sa'yo... hindi ko alam na
ganyan, may boyfriend ako, kung alam kong ganyan sana... sana lumayo ako," mahinang
sabi niya.
Dahan-dahan akong tumango, ngayon sinabi ko na at tinanggihan na niya ay alam kong
hindi na kami magiging katulad ng dati.

May mababago na.

"Alam ko kaya umalis ka na. Hindi naman ako umaasa na may katugon 'tong
nararamdaman ko, sinabi ko lang. Sorry hinalikan kita." Pinunasan ko ang luha ko,
iniiwas pumiyok.

Narinig ko ang malakas na buntonghininga niya bago umalis sa kama. "Sorry."

Hindi ko siya nilingon hanggang marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan.

Doon ako napahagulgol. Ang tanga-tanga ko, bakit ako umaasang pipiliin niya ako, na
gusto niya rin ako, na baka nagpipigil lang din siya.

Hinawakan ko ang dibdib ko at bahagyang kinabog ang aking dibdib dahil hindi ako
makahinga, kailangan ko ng kausap.

Mabilis kong diniall ang number ng isang tao, sumagot siya pagkaraan ng ilang ring.

[Yow. Lisa, bakit?]


Napahikbi ako habang hinihimas ang tapat ng dibdib.

"P-Pwede mo ba akong sunduin, T-Terron? K-Kailangan ko ng kausap."

____________________

Kabanata 13 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 13:

"Happy twenty fifth birthday, Madam," sigaw ni Terron habang winawagayway ang bote
ng wine na hawak niya, natawa ako dahil mukha siyang tanga kaya pinagtitingin kami
ng nasa kabilang lamesa.

"Huy, nakakahiya. Maupo ka na," natatawang saway ko habang hinihila ang laylayan ng
longsleeve niya.

Ngumisi siya saka bumaling sa mga napapatingin sa amin. "Girlfriend ko, Teacher.
Birthday niya," sabi niya animong tinatanong ng nasa kabilang lamesa kahit hindi
naman.

Gusto kong magtago sa ilalim ng lamesa, kapag talaga kasama siya dapat ihanda mo na
ang kapal ng mukha mo.

Natatawang umupo siya, dumukwang siya sa lamesa upang halikan ako. Terron gave me a
peck kiss on my lips, I smirked because of that. Abuso na 'to ah.

Siya ang kasama kong mag-celebrate ng birthday ko, ang totoo ay apat na rin siya
lagi at ito ang pangalawang birthday ko na i-celebrate namin na magkasintahan kami.

"How's Kev?" tanong niya habang naghihiwa ng steak, kasalukuyan kaming nasa isang
restaurant.

Nagkibit-balikat ako.

"Jude is planning a proposal, iyon ang sabi niya sa akin noong huli kaming
nagkausap."

"Are they still together? Ilang beses na niyang nahuhuling nagche-cheat si Jude
ah," puna ni Terron saka sinubuan ako ng isang hiwa na kaagad ko naman tinanggap.

"Hindi ko nga alam kay Kevin, maybe he really loves him," balewalang sabi ko saka
nagpatuloy sa pagkain.

Masiyadong maraming nangyari sa lumipas na taon, after I confessed my feelings for


Kevin and he declined... my parents cut their ties. Hindi sila legal na hiwalay
pero parang gano'n na nga, Mommy didn't explain it. Basta isang araw umuwi si Papa
para kunin ang mga damit niya.
Ate migrated to Canada with her husband and children. My younger brother lived with
Mommy, while me... I'm living with Kevin. Like our promise, we bought a small house
and lot.

Siguro gano'n nga ang buhay, kailangan magpatuloy.

After no'n ay nag-take ulit ako ng exam, naging abala ako. Pasalamat ako at sa
pangalawang pagkatataon ay nakapasa na ako. Terron gave me a personalized
tarpaulin, ipinaskil niya iyon sa harap ng bahay niya at bahay ko pati sa baranggay
hall.

Nagkaayos naman kami ni Kevin, buwan pagkatapos no'n. He explained his feeling, I
admit I was too self-centered that time.

Pakiramdam ko sa akin lang dapat iikot ang mundo, sa amin lang dalawa.

Hindi ko alam kung paano nangyari na nagising na lang ako isang araw na wala na
akong maramdaman sa kanya, na kaibigan na lang talaga.

Na naka-move on na ako, acceptance lang siguro. Tinanggap ko na hanggang doon lang


kami at kailangan magpatuloy sa ibang bagay.

Nag-focus ako sa kung anong mayroon ako.


Nagtuloy ang relasyon nila ni Jude, medyo nagiging malabo dahil cheater si Jude.
Hindi ko alam ang dahilan, sinubukan ko siyang kausapin pero sinasabi niyang mahal
naman niya si Kevin at masaya sila. Ayoko na lang talaga makielam.

Sinagot ko naman si Terron dalawang taon na ang nakakaraan. Siya ang nandyan noong
mga panahon na kailangan ko.

Natatawa na lang ako kapag naaalala ang pag-amin ko kay Kevin. Infatuation? Hindi
ko alam.

Mabilis kaming natapos ni Terron sa dinner namin, hinatid niya ako sa bahay namin
ni Kevin. Sarado ang bahay ibig sabihin ay wala pa siya.

Umakyat ako sa itaas kung nasaan ang kwarto ko, katapat ng kwarto ni Kevin.

"Pasok ka, magbihis lang ako," sabi ko kay Terron, kumuha ako ng pajama at sando
bago pumasok sa banyo.

Nang makalabas sa banyo ay naabutan ko si Terron na nakahiga sa kama at nakapikit,


napangiti ako saka umupo sa gilid. Maingat kong tinanggal ang sapatos niya at
longsleeve para makapagpahinga siya nang maayos.

Gising siya, nag-iinarte lang.

Marahan kong hinimas ang noo niya, habang tumatagal mas lalo ko siyang nagugustuhan
at minamahal.
"Maaga trabaho mo bukas?" tanong ko habang minamasahe ang noo niya.

He groaned and hugged my waist, ibinaon niya ang mukha sa aking tagiliran.

"Kailangan kong bumalik sa site, gusto mong sumama?" bulong niya.

Natawa ako saka umiling. "May trabaho na rin ako bukas e. Text-text na lang tayo."

"Hmm, sige. Sabi nga pala ni Mommy kailangan ka raw babalik sa bahay. Namimiss ka
na niya."

Napangiti ako sa sinabi niya, ilang beses na niya akong dinala sa kanila at sobra
akong natutuwa dahil mabait ang magulang niya at tinanggap ako lalo na noong
nalaman nilang dati kong kaklase si Sascha.

"Pagtapos na lang ng grading na 'to, medyo marami rin kaming inaasikaso sa school
lalo't palaro. May hawak akong sport hindi ba?" tanong ko.

Dumilat siya saka ngumiti. "Ang talented mo talaga kaya mahal na mahal kita e ang
perfect mo," pang-uuto niya.

Napanguso ako kasi kinikilig ako, ibang klase talaga.


Tinusok niya ang tiyan ko. "Uy, kinikilig ang girlfriend ko. Gusto ng kiss niyan,"
tukso niya.

Natawa ako saka ako na ang dumukwang upang bigyan siya ng halik, sandali lang dapat
iyon pero hinawakan niya ang batok ko at siya mismo ang gumalaw.

Mahina akong napaungol nang mabilis niya akong hinila, sa isang kurap ay siya na
ang nasa ibabaw ko.

Nag-init ang mukha ko nang bumaba ang halik niya sa aking pinsgi at panga. I moaned
when Terron sucked my neck.

"T-Terron, may pasok ako bukas!" Nataranta ako dahil siguradong magmamarka iyon,
ayokong mag-turtle, noong last na nilagyan niya ako ng ganyan ilang araw akong init
na init sa school.

Natawa siya saka mahigpit na niyakap ako.

"Ilan gusto mong anak?" biglang tanong niya.

Nanlaki ang mata ko, bahagya ko siyang tinulak paalis sa ibabaw ko pero hindi siya
natinag. Itinukod niya ang dalawang siko sa magkabilang gilid ng aking ulo.
"Ilan nga?" tanong niya ulit, may ngisi sa labi.

"Ilan ba kaya mo?" ganti ko sa kanya, ha! Akala niya ata magpapatalo ako.

"Kung pwede ka lang manganak araw-araw e baka araw-araw kang buntis," sabi niya.

Sinapak ko siya sa tiyan. "Gago ka, malibog. Ikaw panay halik sa akin."

Humalakhak siya saka ako hinalikan sa noo saka sumeryoso. "Sinusulit ko lang habang
nasa akin ka pa."

Kumunot ang noo ko. "Sa'yo naman talaga ako, girlfriend mo ako," naguguluhan sabi
ko.

Umalis siya sa ibabaw ko saka tumabi sa akin ng higa, napatitig ako sa kisame
habang yakap niya ako. Medyo nakainom kaming dalawa, hindi naman lasing. Nakainom
lang.

"Oo nga, pero hindi naman natin alam ang pwedeng mangyari."

"Hindi kita iiwan, kung iyan ang—"


"Huwag kang magsalita ng tapos, Lisa. Masaya na akong masaya ka, basta nandito lang
ako." Sumiksik siya sa leeg ko. "Kapag dumating ang araw na ayaw mo na, sabihin mo.
Huwag mo akong lolokohin."

Sumikip ang didbib ko sa sinabi niya, hinimas ko ang braso niyang nakayakap sa
akin.

"H-Hindi ko gagawin 'yon, Terron. You know I'm loyal."

"Hindi ko rin naman gagawin 'yon sa'yo pero sinasabi ko lang. Kung sakaling
dumating ang panahon na masaktan mo ako ng hindi mo sinasadya, siguraduhin mo na
magiging masaya ka. Iyon lang," seryosong bulong niya.

Kinabahan ako sa sinabi niya, ayoko siyang saktan. Hindi ko siya sasaktan.

"Don't say that, hon. I love you so much." I whispered.

Hindi siya sumagot, unti-unti ay naramdaman kong nakatulog na siya. Hindi ko siya
ginising, baka dito ko na lang siya patulugin para makapagpahinga siya.

Nasa gano'n kaming posisyon nang bumukas ang pintuan.

Napatigil pa si Kevin nang makitang, nandoon pala si Terron. Sinenyasan ko siyang


huwag maingay.
Dahan-dahan siyang lumapit, hindi ko maiwasan mapansin ang pagbabago sa katawan
niya, nitong mga nakaraan ay natatambay siya sa gym. Minsan kasama ako, minsan
silang dalawa ni Jude.

Mugto ang kanyang mata.

"Beb," sabi niya parang tuta.

Gusto kong bumangon pero yakap ako ni Terron. "Bakit? Anong nangyari sa'yo?"
mahinang tanong ko.

Kinagat niya ang ibabang labi.

"Break na kami ni Jude, I broke up with him." Nagulat ako sa sinabi niya, mapula
ang mata niya. "Please, samahan mo akong uminom. Gusto kong magwalwal," aniya.

Napakurap-kurap.

Nilingon ko ang natutulog na si Terron sa tabi ko, kinagat ko ang ibabang labi ko
bago bumaling kay Kevin. "Sorry, Kevs. Hindi ako pwedeng uminom ngayon, si Terron
kasi maaga ko panggigisin bukas."

Nakita kong bumagsak ang balikat niya saka mahinang tumawa.


"Sorry, may boyfriend ka nga pala," ramdam ko ang sakit doon.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto, napabuntonghininga ako saka napatitig sa


kisame. Mariin akong pumikit dahil gusto ko siyang labasin, baka kung anong gawin
no'n.

"Sundan mo na, ayos lang ako."

Nagulat ako nang biglang magsalita si Terron, gising pala siya.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa tiyan ko, hindi idinilat ang mata. "Don't
drink too much, I'll sleep here. Mag-text ka kung pauwi na kayo, pwede ko kayong
sunduin, buksan mo lang GPS ng phone mo para alam ko kung nasaan ka," mahinang sabi
niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Dahan-dahan akong umalis sa kama, imbes na lumabas nang kwarto ay nilock ko ang
pintuan, hininaan ang aircon saka bumalik sa kama at kinumutan siya.

Hindi ako nagsalita pero alam kong gising siya, pinapakiramdaman ako.

Dumilat siya at nilingon ako.


"Hindi ka aalis?" tanong niya.

Ngumiti ako saka umiling. "Hindi naman lagi dapat samahan ko si Kevs, Terron.
Magiging ayos lang siya. Matulog ka na, gigisingin kita bukas para maaga ka sa
site."

Kinagat niya ang ibabang labi, natawa ako dahil namula siya.

Magkaharap kaming natulog nang gabing iyon, hawak niya ang kamay ko at paulit-ulit
na hinahalikan hanggang tuluyan kaming makatulog.

Pinagdadasal ko na sana hindi ko magawa ang sinabi niya, sana hindi ko siya
masaktan.

_________________________

Present na next chap.

Don't judge Lisa for having a bf, this is the reality. Hindi ka maghihintay sa
isang tao ng sampo o ilang taon. You'll move on, love other people and yourself.
Masiyado pang maaga, sabi ko comedy ito pero mukhang hindi haha. :>

Kabanata 14 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 14:
MABILIS kong isinuot ang aking damit habang nanginginig pa ang kamay, nananalangin
na sana ay panaginip lang ito pero hindi dahil kahit anong kurap ko ay nandoon pa
rin siya, nakahiga pa rin si Kevin doon habang payapang natutulog.

Sinigurado kong wala akong maiiwan na kahit ako bago umalis sa hotel.

Nagpalinga-linga ako sa parking lot, nanginginig ang kamay na kinuha ko ang aking
phone. Napahikbi ako nang mabilis sagutin ni Terron ang aking tawag.

"Lisa? Hey, what happened? Are you okay? Where are you?" sunod-sunod na tanong niya
sa kabilang linya.

"P-Please sunduin mo ako, please." Sinabi ko ang lugar kung nasaan ako, hindi ko
kayang mamasahe ng ganitong itsura, wala pang limang minuto ay dumating na siya.

Tulala ako habang nakasakay sa kanyang kotse. He didn’t ask, he didn’t question me
why I was in that kind of place. He just drove home to his condo.

Unti-unti kong naisip ang ginawa ko, unti-unti akong kinain ng takot at kunsensya.

Nang makarating kami sa condo niya ay kaagad niya akong hinila sa sofa, lumuhod
siya sa aking harapan habang umiiyak ako.
Terron cupped my face, wiping my tears away. I couldn't stop but to burst into
tears, I hugged him tight.

Hinimas ni Terron ang aking likod, huminga siya nang malalim.

"Did someone force y-you?" nanginig ang kanyang boses, sa galit. "You can tell me
Lisa, may p-pumilit ba sa'yo? Pinilit ka ba?" madiin tanong niya habang yakap ako.

Mas lalo akong naiyak nang iyon ang marinig, hindi niya ako pinag-isipan ng masama.
Iniisip niyang may pumilit sa akin makipagtalik, na ni-rape ako ng kung sino kaya
ako nasa gano'n lugar at kung bakit ako umiiyak.

"N-No one force me," hikbi ko.

Tinulak niya ang balikat ko upang tingnan ang aking mukha, hilam ang mata na
tinitigan ko siya upang makita ang panghuhusga pero seryoso niya lang akong
tinitigan.

Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi. "Huwag kang umiyak," sabi niya.

Umiling ako, paanong hindi ako iiyak? Alam kong mali ang nagawa ko at kahit anong
dahilan ko ay alam kong hindi tama, alam kong mali.

Pilit kong pinapakalma ang sarili, iniisip sa pwedeng kalabasan ng kagagahan ko.
Hindi ko na iyon uulitin, hindi na 'yon mauulit.
"Kilala mo ba ang lalaki?" mahinahong tanong niya.

Hindi ako nagsalita, ayokong sabihin. Wala akong balak na sabihin kung sino ang
lalaking kasama ko. Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot iyon, ngayon ko lang
naramdaman ang hangover.

"Okay lang kung hindi mo gustong sabihin, basta nandito lang ako kapag gusto mo ng
kausap."

Terron tapped my shoulder, the door behind us opened. Terron's wife come out,
frowning.

"Girl, anyare sa'yo mukha kang tilapiang bilasa," bungad niya. Mas lalo akong
naiyak sa sinabi niya.

Terron chuckled and kissed his wife. "Good morning, babe. May kagagahan ginawa si
Lisa. Moment of realization niya 'to, hayaan na natin," narinig kong bulungan nila.

"Ay gano'n?"

Bigla akong nahiya, sa dami ng tatawagan ko ay si Terron pa.

Terron and I broke up, a year ago. Napag-usapan namin iyon nang maayos, sinabi ko
sa kanyang hindi ko nakikita ang sarili ko sa kanya habang patanda kami, na mas may
deserving sa binibigay niya at alam kong hindi ako iyon.

Naging mabuti siyang kaibigan, naging mabuting kasintahan pero hanggang doon na
lang siguro iyon.

After that break up, his parent settled an arranged marriage. Nagulat din ako noong
unang sinabi sa akin ni Terron lalo na noong sabihin niyang pumayag siya.

Like Sir Travis and Sascha. Arrange marriage sila, pero ngayon na nakikita ko
silang maayos at masaya na parang nagpakasal sila dahil mahal nila ang isa't isa ay
naisip kong tama lang ang ginawa kong palayain siya.

Hinayaan nila akong umiyak, nagluto si Terron habang nag-zumba sa harapan ko ang
asawa niya habang umiiyak ako kaya hindi ko rin maiwasan matawa.

Nang kumalma ako ay umupo siya sa tabi ko.

"Ubos na luha mo? Ano bang ginawa mong kalokohan? Baka wala pa 'yan sa mga nagawa
ko," paghahamon niya.

Pinaglaruan ko ang daliri ko.

"I sleep with my bestfriend..." mahinang sabi ko na parang maririnig ni Kevin iyon
kapag nilakasan ko.
Terron's wife laughed like a witch, I shook my head. Bagay sila, parehas sila mas
hyper nga lang 'to, kumbaga si Terron level five ng hyper, siya ay level ten na.

"Yon lang? Girl, wala iyan sa akin," para bang nagmamayabang pa siya, bahagya
siyang dumukwang at bumulong. "Blinockmail ko magulang ng asawa ko para ipakasal
kami," she chuckled.

Gulat akong napatingin sa kanya, talaga? Ngayon ko lang nalaman iyan. Alam ba ni
Terron iyan?

Mas lumapit siya sa akin, mas bumulong. "Saka girl, 'yong hot ba na bakla na lagi
mong kasama? Grabe naman kasi 'yon. Kahit naman ako nasa kalagayan mo, baka buntis
na ako now," biro niya saka napatakip ng bibig. "Ay, kasal na pala. Papatayin ako
ni Terron kapag narinig 'yon, huwag kang maingay." Sinenyasan pa niya ako.

Nang araw na iyon ay nanatili ako sa kanila, nakatulong ang daldal nilang dalawa
para kumalma ako. Pinahiram din ako ng damit ng asawa ni Terron para makapagpalit.

Hindi ko alam kung uuwi ako sa bahay namin ni Kevin dahil siguradong nandoon na
siya, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kaya dumiretsyo na lang ako kila
Mommy.

Naabutan ko siyang umiinom sa kusina. "Mommy, ang aga naman po nyan," bungad ko sa
kanya.

Hindi niya ako nilingon, tumungga siya ng alak. "Why are you here? Himala at alam
mo pa pala ang bahay mo pauwi," sabi niya, nahihimigan ang inis sa boses.
"Mommy, busy lang po ako sa school. Kumain na ba kayo? Si bunso po?" Hindi ko
pinansin ang init ng ulo niya.

Hindi siya kaagad nagsalita, nagpaalam ako sa kanya na aakyat ako sa itaas para may
kunin pero bago pa ako makalabas sa kusina ay nagsalita siya.

"Lahat naman kayo iniiwan ako, lahat naman kayo hindi ako naiintindihan," lasing na
bulong niya.

Nilingon ko siya, natawa siya sandali bago umiling saka ako sinenyasan na umalis
na.

Hindi open si Mama sa akin, kumbaga kami ang mag-ina na hindi open sa isa't isa.
Hindi ako nasanay na nagsasabi ng problema sa kanya at siguro ay gano'n din siya sa
akin.

Umakyat ako sa itaas, napansin kong wala ang kapatid ko. Mas naglalagi siya sa Lola
ko, sa side ni Papa.

Kinuha ko ang ilang papeles ko sa bahay, kung sakali at ilang damit. Mabilis din
akong naligo ulit dahil pakiramdam ko ay naiwan pa rin sa akin ang amoy ni Kevin.

Nang pababa na ako ay may narinig akong mahihinang sigawan, animong natatakot may
makarinig. Kumunot ang noo ko, sino 'yon? Wala na si Manang, tinanggal ni Mommy.
"Hindi ba sinabi ko huwag kang pupunta rito!" boses ni Mommy sa labas.

"Karapatan ko 'to," mas lalong kumunot ang noo ko nang makilala ang boses na iyon.

Mama ni Kevin.

Lumabas ako bitbit ang bag pero hindi ako nagpakita sa kanila. Bakit nandito ang
Mama ni Kevin?

"Pwede ba, Rowena wala siya rito. Ano bang gusto mo? Nasa iyo na lahat," buong puot
na sabi ni Mommy.

"Wala kang karapatan magkaruon ng hinanakit, Talia. Ikaw ang may kasalanan ng
lahat," ani Tita Rowena.

Lumabas na ako bago pa sila magkasakitan, kaagad akong lumapit kay Mommy at gulat
silang napalingon sa akin.

"My, ano pong nangyayari? Tita... bakit po kayo sumusugod dito?" Naguguluhan sabi
ko, sandali akong tinitigan ni Tita Rowena bago bumaling kay Mommy.

"Hindi pa rin niya alam? Alam na ni Kevin."


Mas lalo akong naguluhan, anong hindi ko alam na alam ni Kevin?

"Rowena ano ba?! Umalis ka sa bahay ko, pwede kitang idemanda!"

Natulala ako nang tapunan ni Tita Rowena si Mommy ng matalim na tingin bago
tumalikod at tuluyan umalis, hindi makapaniwalang nilingon ko si Mommy. Alam kong
magkakilala sila pero hindi ko alam na ganito, may pinagtatalunan sila pero tungkol
saan?

"Umalis ka na, Lisa," sabi ni Mommy.

Hinawakan ko siya sa braso. "My, bakit ba galit na galit si Tita Rowena? Ano bang
ginawa mo?" hindi ko maiwasan kabahan.

Natawa si Mommy. "Ginawa ko? Even you, you're blaming me," hindi makapaniwalang
sabi niya saka binawi ang kamay sa akin.

Sinara niya ang gate, tulalang naiwan ako sa labas.

Sobrang pagod ko pag-uwi sa bahay namin ni Kevin, pakiramdam ko ay ang daming


nangyari buong araw.

Tumambad si Kevin sa akin sa sala, palakad-lakad animong hindi mapakali.


Nang makita ako ay nanlaki ang mata niya saka malalaki ang hakbang na lumapit sa
akin at mahigpit akong niyakap.

Natulos ako sa aking kinatatayuan, gulat sa ginawa niya. Naaalala ba niya? Gusto ko
na lang tumakbo palabas.

"God, I thought something bad happened to you." Humiwalay ako sa yakap niya, mas
tumangkad siya at nagkalaman lalo ang katawan. "Saan ka ba galing? Nagising na lang
ako sa hotel. Nagkahiwalay ba tayo kagabi? Sorry, hindi ko na matandaan. Alam mo
naman ako kapag nalasing, tinatawagan kita kanina hindi ka sumasagot," sunod-sunod
na wika niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan sa nalaman, hindi niya naaalala.

Nagpeka ako ng tawa. "A-Ah, oo nagkahiwalay tayo. Umuwi na ako kagabi, sa bahay
namin."

Nawala ang pag-aalala sa mukha niya at naging blanko. "Nagkausap kayo ng Mommy mo?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tono niya, parang may galit.

Tatanungin ko na sana siya kung ano 'yong alam niya na hindi ko alam pero tumunog
ang phone niya, tumikhim siya bago kunin iyon.
Nakita kong pagkabahala sa mukha niya bago sagutin.

"Hello, Daddy?" ani Kevin, bahagya siyang lumayo sa akin para makipag-usap sa
tumawag.

Kumunot ang noo ko. Sino 'yon? Sa pagkakaalam ko, Papa ang tawag niya sa ama niya
simula noon.

______________________

Kabanata 15 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Note: Para sa nalilito, Kabanata 2-13 po ay flashback lang bago may nangyari sa
kanila. Kabanata 14 ay present na, dito talaga magsisimula story. Nabanggit ko sa
last chapter (14) na one year ago na po ang nakalipas simula noong scene ni Terron
at Lisa noong 25 birthday niya. I can't give more chapters about Terron and Lisa,
pahapyaw lang kasi naging part siya ng life ni Lisa bago may nangyari sa kanila ni
Kevin. Which is malaking part talaga, ay basta ayoko mag-spoil. Hindi siya male
lead so hindi siya ang focus, pero nandyan pa rin naman siya. Hahaha.

So ayon po, kabanata 14 is present after chugchugan. Uki?

Age nila rito ay 26 na sila. Time na pauwi na sila Sascha at Daryl galing abroad.
Thank you!

Kabanata 15:
"Sino 'yon?" tanong ko kay Kevin nang makabalik siya pagkatapos ng tawag,
dumeretsyo ako sa kusina para uminom at naramdaman ko naman na sumunod siya sa
akin.

"Ah, k-kaibigan ni Papa," he stated.

Nilingon ko siya habang umiinom, bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. Pulang-pula
iyon, bigla akong nailang dahil pakiramdam ko ay dahil pa rin iyon kagabi.

I don't have a courage to face him after that night. Oh God!

What if he remember me? Pero imposible, kilala ko siya. Hindi malakas ang alcohol
tolerance niya, ilang beses na siyang nalasing na walang maalala. Sigurado ako.

"Ah, bakit Daddy? Sugar daddy mo 'yon no? Share naman dyan," I teased him, I almost
choked on my words.

Pinaikot niya ang mata saka umupo sa mataas na upuan sa harap ng countertop. "Sira,
hindi. E ikaw bakit ganyan ang suot mo? Init na init?" He pointed with his snout my
turtle neck long sleeve.

Mukhang ngayon niya lang napansin iyon, nagpeke ako ng ngisi dahil pakiramdam ko ay
aatakihin na ako sa kaba.

"Bagong fashion, napanuod ko."


Paano ako hindi mag-turtle neck? Tadtad ng kiss marks ang aking leeg hanggang
dibdib. Naisip kong daig pa niya ang linta kung sumipsip, grabe.

I don't know if he's sexually active. I never asked. Siguro noong college kami ay
nakapagbibiruan kami pero nang lumaon ay hindi na, hindi naman na kailangan
ipagsabi pa iyon.

Napakurap-kurap ako sa aking naisip saka ako naglakad na palabas sa kusina,


nananalangin na sana ay hindi na siya sumunod pa. "Maaga akong matutulog ha? Ikaw
na magsara ng pintuan," bilin ko pero ang totoo ay gusto ko lang umiwas sa kanya.

Hindi ko siya kayang tingnan, pakiramdam ko ay mababasa niya ang nasa isip ko kapag
nagtama ang nata namin. Nakakahiya! Hindi siya sumagot kaya mabilis akong umakyat
sa aking kwarto at nilock iyon, doon pa lang ako nakahinga nang maluwag.

Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib saka dahan-dahan napasalampak sa sahig.

I don’t know if I should be grateful or hurt because he doesn’t remember. Ang totoo
ay hindi ko rin maalala na siya ang kasama ko, hindi ko maalala na sumama ako sa
isang lalaki—bakla pala.

Kung hindi ako kaagad nagising kasama siya, kung nagising ako at wala na siya ay
baka hindi ko rin malaman na siya iyon.

I bit my tongue, trying to calm myself.


Terron was right, I still like him. Deep inside of me, I still have a feelings for
him. Noong maghiwalay kami ni Terron ay iyon ang una niyang sinabi, incase raw na
hindi ko alam at nabulag ako sa sakit... pinapaalala niya lang.

Hindi ko pa rin matanggap, ako? May gusto pa rin sa baklang 'yon? Impossible, pero
nitong mga nakaraan linggo ay para na naman akong mababaliw.

Posible ba 'yon? Bumalik ang pagmamahal mo para sa isang tao na matagal mo ng


kinalimutan? Hindi ba't katangahan na iyon?

"Beb?"

"Ay, shuta!" Mura ko nang biglang may kumatok, napatakip ako sa aking bibig.

"Anong ginagawa mo sa likod ng pintuan?" sabi niya sa labas.

Mariin akong pumikit saka dahan-dahan tumayo. Napaka istorbo talaga, hindi pa nga
ako tapos sa muni-muni ko tapos sisingit na naman.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, sumilip siya kaagad sa akin.

"Ayos ka lang ba?" His brows knitted.


Kumunot ang noo ko. "Ayos lang, bakit ba? Nag-e-exercise ako sa likod ng pinto.
Actually, nakaka-istorbo ka."

"Diyan ako matutulog." Binalewala niya ang sinabi ko at bahagyang itinulak ang
pintuan kaya nataranta ako't isinara ko iyon. "Ouch, beb!"

Mabilis kong niluwagan ang pintuan nang maipit ang kamay niya, kaagad ko iyon
kinuha at tiningnan. "Ikaw kasi bakit mo hinarang? Nag-iisip ka ba?" pagalit na
sabi ko habang sinisipat ang daliri niya, bahagyang namula ang kuko dahil iyon ang
natamaan.

Ang puti pa naman niya kaya kitang-kita.

Nang mag-angat ako ng tingin sa mukha niya ay nakanguso na siya.

"Iniisip kita," sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya, bahagyang natigilan at binitawan ang kanyang kamay.
"Umalis ka na nga, Kevin. Magpapahinga ako, pagod ako."

"Bakit ka ba pagod?"

Kasi pinagod mo. Gusto kong isigaw pero napabuntonghininga na lang ako, hindi
talaga ako nito titigilan.

"Duh, ang dami natin nainom kagabi. Huwag ka na kasi makulit please, bukas mo na
ako kulitin. Huwag ngayon." Dahil kailangan ko ng oras para sa sarili ko, para
turuan ang sarili ko na naman na magpanggap. "Lagi na tayong magkasama, para na nga
tayong magkapatid," wala sa sariling sabi ko.

Kitang-kita ko kung paano nawala ang emosyon sa kanyang mukha. "I don't want you to
be my sister, Lisa," sabi niya saka pumasok na sa kwarto niya sa tapat.

Sandali pa akong nanatili roon bago isara ang pintuan. Ano ba ng nagyari roon?
Sinabi ko lang naman ha.

Inis na nilock ko ang pintuan saka patalon na nahiga sa kama.

The next day, I received a text from Jude; he asked me to meet him at a restaurant.
At first, I didn’t want to because I wanted to rest; I feel exhausted, but he was
too persistent. He said he has something to say about Kevin.

"Lisa," bungad ni Jude sa akin, nakasuot siya ng shirt na sky blue at black jeans.

Hindi nagkakalayo ang katawan nila ni Kevin pero masasabi kong mas maganda na ang
katawan ni Kevin kaysa noong college kami. Laging nakatambay sa gym, siguro
maraming lalaki roon.

"Jude, anong sasabihin mo?" sabi ko kaagad.


Tipid siyang ngumiti saka iminuwestra ang mga pagkain sa lamesa. Doon ko nakita ang
mga nakahain na Italian food.

"Kumain ka na ba?" tanong niya, pansin ko ang itim sa ilalim ng kanyang mata.

"Kumain na ako, ikaw?"

Nagbaba siya ng tingin sa suot kong turtle neck ulit. Imbes na sagutin ang tanong
ko ay nagtanong din siya. "Kumusta si Kevin? Hindi kasi niya sinasagot ang mga
tawag at text ko, sinusubukan ko siyang puntahan sa village niyo pero ayaw na akong
papasukin ng guard. May nakwento ba siya sa'yo?" Inabot niya ang aking kamay sa
ibabaw ng lamesa.

Nagulat ako sa biglang galaw niya pero hinayaan na rin siya.

Kita ko ang lungkot sa kanyang mukha, kung noon ay naaawa ako sa kanya ay ngayon ay
hindi na. Ilang beses na silang naghiwalay at balikan ni Kevin, ginawa nila iyong
libangan sa lumipas na taon nila kaya nasanay na ako pero nitong huli ay hindi ko
na kaya.

Jude cheated... sexually.

Hindi ko maiwasan sisihin si Jude sa isip ko, kung hindi siya nagcheat edi sana
hindi kami maglalasing edi sana...
"Please, Lisa. Tulungan mo naman ako oh, you know I love Kevin so much. Hindi ba
sinabi ko naman sa'yo, siya 'yong gusto kong makasama pagtanda," he said
desperately.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, dahan-dahan binawi ang kamay ko sa kanya.

"Palayain mo na si Kevin, Jude. Tama na," I muttured.

Nakita kong natigilan siya at umiling. "Mahal namin ang isa't isa, Lisa. Saksi ka
roon, ang layo na ng narating namin."

Hindi ko maiwasan taliman ang tingin sa kanya, nagiging mabait lang ako sa kanya
kasi kahit papaano ay naging kaibigan ko rin siya.

"Pero bakit mo siya niloko? Paulit-ulit, kaya pa kitang ipagtanggol noon, Jude.
Kasi naaawa ako sa'yo pero ngayon ay hindi na. Hindi dapat kaaawan ang mga taong
manloloko, kung hindi niyo na mahal ang isa't isa ay tama na, palayain niyo na
lang," parang may kumurot sa puso ko.

Naalala ko kung paano kami nag-break ni Terron, para kaming hindi nag-break. Nakuha
pa namin mag-party, last labas namin bilang magkasintahan. Gusto ko sanang maging
gano'n sila, pero mukhang malabo, sila siguro 'yong mag-ex na hindi na pwedeng
maging magkaibigan.

Umiling si Jude, dismayado sa sagot ko.


"Ayaw mo ba sa akin para kay Kevin?"

Hindi ako sumagot, tumayo na ako para umalis pero bago pa ako makalagpas sa lamesa
ay hinila ako ni Jude, tumama ako sa lamesa at gumawa iyon ng ingay sa buong
restaurant.

"Ayaw mo sa akin?! Sinisiraan mo siguro ako kay Kevin!" Napatayo na siya.

Napasinghap ako sa gulat sa bigla niyang pagsabog ng galit.

Hinawakan ko kaagad ang pulso ko na tumama sa lamesa, lumayo ako sa kanya at


pasalamat na lang ako nang umawat na ang mga guard at staff. Narinig ko pang
tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.

Pagdating ko sa bahay ay walang tao sa sala, kumuha ako ng yelo para hindi mamaga
ang kamay ko.

"Anong nangyari dyan?" gulat akong napatingin sa bungad ng pintuan nang makitang
nakasandal doon si Kevin, his arms folded on his chest.

Mabilis ko 'yong tinago lalo na nang maglakad siya papalapit sa akin.

"Wala 'to, may napanuod lang ako nakakaputi raw ang yelo," kabadong sabi ko.
Inilahad niya ang kamay niya, umiling ako. Tinaasan niya ako ng kilay. "Patingin."

Napapikit na lang ako ng kunin niya ang kamay ko at sipatin ang iyon. "Masakit?"

"Hindi!" mabilis kong tanggi. "Aray!" Napaigtad ako nang pisilin niya ang namamaga
kong pulso.

He looked so serious, his jaw clenched. "Napano 'to, Lisa?" he blurted out.

Pilit ko naman binabawi ang aking kamay, ayoko ng mas lumaki pa 'to. "Wala, natumba
lang ako kanina," malumay kong paliwanag sa kanya.

"Did Jude hurt you?" he whispered, he pursed his lips.

Mabilis akong umiling habang nakaawang ang labi, paano niya nalaman si Jude? Paano
niya nalaman nakipagkita ako kay Jude?

Sandali niya akong tinitigan bago siya lumabas sa kusina, kinakabahan sinundan ko
siya. Halos atakihin ako sa kaba nang makitang nagsuot siya ng leather jacket niya
at kinuha ang susi ng kotse.

"K-Kevin!"
Malalaki ang aking hakbang nang makitang sumakay siya sa kotse at buhayin iyon, sa
sobrang takot na kung anong gawin niya ay sumakay rin ako.

Hindi siya nagsalita, humigpit ang hawak niya sa manibela. I can see his veins
because he gripped the steering wheel so hard using his right arm while playing his
lips using the other hand.

"K-Kevin, calm down. Okay? Aksidente," paliwanag ko habang tinatahak namin ang
papunta sa bahay ni Jude.

Mas palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko, anong bang gagawin niya?

Sinubukan kong hawakan ang braso niya, nilingon niya ako sandali bago ibalik ang
tingin sa kalsada.

Hindi niya ako pinakinggan hanggang makarating kami sa bahay ni Jude, malakas
siyang bumusina ng tatlong beses bago bumaba sa kotse, halos kumalampag ang pintuan
pagsara niya, dali-dali ko siyang sinundan pababa.

Ano bang gagawin niya?! Muntik na atang matanggal ang pintuan, samantalang ingat na
ingat siya diyan, gusto nga niya kapag isasara ay walang tunog tapos halos ihampas
niya.

Lumabas si Jude sa kanyang bahay, noong una ay nagtataka pero nang makita si Kevin
ay biglang lumiwanag ang kanyang mukha, mabilis niyang binuksan ang gate.
"Kevs! Alam ko naman na hindi mo ako matitiis at—"

Malakas akong napasinghap nang hindi siya pinatapos ni Kevin sa pagsasalita,


malakas na tumama ang kamao ni Kevin sa kanyang mukha dahilan upang mapaupo siya sa
sahig.

"Tangina mo, Jude!!" Kevin shouted in rage.

Napahiyaw ako sa gulat, tinawag ko si Kevin pero hindi niya ako pinansin. Kitang-
kita ko ang gulat sa mukha ni Jude dahil sa ginawa ni Kevin, hawak niya kanyang
ilong nang hilahin ni Kevin ang kanyang kwelyo upang itayo siya na kahit
magkasingtangkad lang sila ay parang mas naging malaki si Kevin.

Napatakip ako sa aking bibig, ito ang unang beses kong nakitang nanuntok si Kevin
at si Jude pa!

His trembling hand gripped Jude's collar tighter.

"Hindi kita sinaktan noon kahit ilang beses mo akong ginago, pero ngayon baka
mapatay kitang gago ka. Hindi ako magdadalawang isip na tanggalan ka ng bayag,
kapag inulit mo ang ginawa mo kay Lisa, huwag mo akong subukan Jude. Hindi mo pa
ako totoong kilala."

Binitawan niya si Jude pahagis dahilan upang mapasalampak ulit ito, nanlaki ang
aking mata dahil putlang-putla siya, tulala rin sa nangyari.
Hinawakan ni Kev ang kamay ko at pinasok ako sa kotse, tulala ako hanggang makaalis
kami sa lugar na iyon.

______________________

Kabanata 16 [Teach Me Back (Teach Series #...]

No portrayer intended. No'ng time na nag-maid custome sila Lisa at Kevin. ߑưߑ

Kabanata 16:

"Ma'am, nasa labas po si Sir Kevin, tinatawag po kayo." Napalingon ako sa isa sa
mga estudyante ko nang sabihin niya iyon, kumunot ang aking noo saka napatingin sa
labas ng room.

I saw Kevin outside the room, he waved his hand. Sinenyasan niya akong lumabas sa
sandali, tumayo ako.

"Finish your lecture," bilin ko sa mga estudyante ko bago lumabas, wala pa naman ay
nag-ingay na sila kaya sumilip ulit ako. "President, maglista ka ng maingay, bawas
sa scores kanina," pananakot ko, kaagad silang natahimik.

I'm wearing my gray uniform, like Kevin. May roon burda sa balikat hanggang dibdib.

Hindi maiwasan puruhin ang itsura niya sa uniform niya, napaka linis niyang tingnan
lalo't nagpa-clean cut siya noong nakaraan.

"Bakit? May klase pa ako, tapos na 'yong ginagawa niyo?" bungad ko sa kanya,
tiningnan ko ang orasan sa aking pulso.

Mag-aalas tres na ng hapon.

Ang alam ko ay isa siya sa mga teachers na naka-assign sa english choir sa susunod
na linggo kaya medyo busy sila lalo't may grade ten siya na tinuturuan na lalaban.

"Oo kakatapos lang namin, kumain ka na ba?" he asked me with a low voice.

Kumunot ang noo ko saka tumango, hindi kami nagkasabay kanina dahil nga marami
silang ginagawa. Hindi ko naman siya mahintay pa kasi may klase rin ako saka ang
bilis kong magutom ngayon.

"Hmm, oo." Nahiya pa ako dahil nasa harap lang kami nang room, bahagya akong
lumakad palayo pa para hindi marinig ng mga bata. "Ikaw ba? Kumain na kayo?"

Kev nodded.

"Wala na akong klase, ano bang oras last class mo?" tanong niya habang nakapamulsa.
His eyes travelled to my hair, walang pag-aalinlangan inayos niya iyon.
Halos mapaigtad ako, ako na ang tumapos no'n.

Sandali kong inisip ang oras, mayroon pa akong isang klase sa kabilang section.
"Ala-singko na ang tapos ko, kung gusto mo na magpahinga ay umuwi ka na, mamamasahe
na lang ako pauwi." Naisip kong baka pagod siya, karaniwan kasi ay sa kotse niya
kami sumasakay lalo't isang bahay lang naman ang inuuwian namin.

Lagi tuloy kaming napagkakamalan ng ibang katrabaho namin, hindi ko alam kung alam
nila ang sexual orientation ni Kevin. Siguro nahahalata naman nila, hindi lang
nagtatanong. Hindi naman kasi sobrang lambot na ni Kevin o siguro dahil na rin sa
propesyon namin ay nasanay na rin siya na ganito sa school.

Sumimangot siya saka umiling.

"Hindi, hihintayin na lang kita sa office. Sige na, pasok ka na."

Salubong ang aking kilay nang bahagya niyang guluhin ang buhok ko saka naglakad
palayo papunta sa office, kumaway pa siya sa akin. Aayusin tapos guguluhin? Buang
na talaga.

Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga, halos dalawang linggo na simula


noong may nangyari sa amin at hindi ko alam kung paano ako nakakaarte sa harapan
niya na parang wala lang.

Mas pinili kong hindi siya iwasan, kapag ginawa ko iyon ay mas lalo siyang
maghihinala. Mas lalo siyang magtatanong. Pasalamat na lang talaga ako at wala rin
ako maalala sa mismong gabi, kasi kung mayroon ay baka hindi ko siya mahaharap.
Naiiling na pumasok ako sa room, ang mga mapanuksong tingin ng mga estudyante ko
ang bumungad sa akin.

"Uy, ang sweet naman ni Sir Kevin, Ma'am. May pabisita, kayo po ni Sir?" tanong ng
isa.

Umiling ako saka ngumiti. "Magkaibigan kami."

"Aw. Ma'am ilang taon na po kayong magkaibigan ni Sir?" tanong ng isa sa likod,
napaisip tuloy ako.

Simula high school ay kakilala ko na siya. "Mag-fifteen years na, halos kalahati ng
edad ko kakilala ko na siya." Gumawa sila ng ingay na parang kinikilig, may
naririnig pa ako na sana ay sila ay meron. Sa isip ko ay kaagad ko iyon kinontra
dahil alam kong mahirap. "Oh, tapos niyo na ba ang sinusulat niyo? Nililibang niyo
lang ata ako e. Tapusin niyo na 'yan."

Mabilis lumipas ang oras, katulad ng tinuro ko sa kabilang section ay itinuro ko


rin sa kabila. Mas maingay nga lang sa kabila pero ayos lang, basta 'yong ingay
nila ay sa pagsagot at hindi kwentuhan ay ayos lang.

Nang matapos ang buling klase ko ay bitbit ko ang chalk box at index cards pabalik
sa faculty.

Habang naglalakad sa hallway malapit na sa faculty ay nagulat ako nang may isang
lalaking titig na titig sa akin animong kinikilala ako, nang mas makalapit ay mas
nakilala ko siya.
"Lisa?" gulat na sabi niya saka natawa. "Lisa ikaw nga! Wow, teacher na ah,"
natatawang sabi ni Reymark, 'yong nanliligaw sa akin noon.

Napangiti ako, ang tagal ko siyang hindi nakita. Hindi ko siya nakilala, ganyan
pala kapag napupunta sa ibang bansa, guma-gwapo. "Reymark. Nakabalik ka na pala,
kumusta? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Nginuso niya ang isang room. "Transferee student kapatid ko rito, kinausap ko lang
'yong magiging adviser. Ayos naman, ito baka rito na ulit kami. How about you?
Married?"

Umiling ako, itinaas ang bakante kong kamay na walang suot na singsing.

"Tatanda na siguro akong dalaga," sabi ko saka humalakhak.

Napapantastikuhan tinitigan niya ako. "Eh, nasaan 'yong boyfriend mo noong college?
'Yong lagi mong kasama? What's his name again? K... something? Oh yes! Kevin. Yeah,
naalala ko na," konyong sabi niya, iba na talaga ang accent niya kahit magtagalog
siya.

"Si Kevin?" I raised a brow. "Bestfriend ko 'yon hindi ba?" baka kasi nakalimutan
niya lang.

Pabirong hinampas niya ako sa balikat. "Sus, alam ko na no. Why are you still
hiding it? Sinabi niya kaya sa akin noon. Dapat talaga itutuloy ko ang panliligaw
sa'yo kahit sa malayo ako kaso kinausap niya ako e. Kayo na raw, kaya tigilan na
kita," balewalang kwento niya.
Napapantastikuhang tinitigan ko pa si Reymark, baka gumagawa lang siya ng kwento.

Magtatanong pa sana ako pero tinawag na siya ng teacher ng kapatid niya kaya
naguguluhan na naglakad na ako.

Sinabi 'yon ni Kevin noon? Bakit hindi ko alam 'yon, hindi niya nabanggit sa akin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil bumibilis na naman ang tibok nito, alam
kong delikado na talaga ako.

Nang makapasok sa faculty ay walang ibang guro roon maliban kay Kevin na nakaupo sa
upuan ko, kahit katabi lang no'n ang sa kanya. Nakatitig siya sa mga picture sa
lamesa ko, karaniwan picture namin kasi siya lang naman lagi ko kasama noon, may
picture rin kami nila Sascha noong fieldtrip namin.

Meron din kami ni Terron at pamilya ko.

Lumapit ako at ibinaba ang dala ko, seryoso ang kanyang mukha.

Mula sa gilid ng mata ay nakita ko siyang isinandal ang ulo sa sandalan ng swivel
chair ko saka tumingin sa aking gawi. Nagkunwari akong sinasalansan ang mga
notebook na nagkalat na kanina ay chine-check ko.
"Lisa," he called me.

I gasped a little because of his voice. Palihim akong suminghap, ang lalim ng boses
niya. Bakit malalim? Pakiramdam ko ay malambing iyon o sadyang mahihibang na ako.

"Oh?" kunwaring walang pakielam na sabi ko.

"Date tayo?"

Gulat akong napalingon sa kanya, pakiramdam ko ay nanlaki pa ang mata ko. "Ano
kamo?"

He chewed on his bottom lip. "Date tayo mamaya, Saturday naman bukas hindi ba?"

Tumuwid ako nang tayo, nanatili siya sa gano'n posisyon. Sumandal ako sa aking
lamesa at pinagkrus ang braso sa tapat ng aking dibdib, para itago ang kaba.

"Ano bang meron? Hindi pa naman natin sweldo ah."

Malakas siyang bumuntonghininga. "Wala lang, naisip ko lang na nitong lumipas na


taon hindi tayo masyadong nakakalabas. Busy ako at busy ka rin, nagkikita tayo sa
bahay pero hindi talaga tayo nakakalabas ng tayo lang. Come on, I'm single, you're
single. Walang magagalit, friendly date like before." Humalakhak siya,Ƃ pangpalubag
loob sa akin.
Friendly date.

Kinagat ko ang aking dila para pigilan ang isang emosyon sa aking didbib.

Naiisip kong baka isa 'to sa mga paraan niya para mag-move on kay Jude. Gusto
niyang maglibang at bilang bestfriend ay dapat ko siyang samahan.

Dahan-dahan akong tumango, lumawak ang kanyang ngiti.

Umuwi muna kami sa bahay para magpalit ng damit. I wore a simple high waisted
leggings and maroon crop top jacket. Si Kevin naman ay nag-jeans at white shirt,
saka denim jacket.

Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta, siguradong kakain.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" sabi ko sa kanya habang nasa biyahe kami.

"Huwag kang atat, gorl," biro niya. Natawa ako kasi namiss ko 'yong ganyan niya.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin, nagtataka akong nilingon siya. Akala ko ay
naniningil siya ng ambagan namin, mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya natawa
rin siya.
"Kamay mo," sabi niya habang nasa daan pa rin ang tingin.

Kahit naguguluhan ay inilahad ko ang kamay sa kanya, kinuha niya ang kamay ko
mabilis nagtahip-tahip ang ka ba sa dibdib ko dahil sa ginawa niya.

Tiningnan niya ang daliri ko, walang kulay.

"Pa-tattoo tayo," biglang sabi niya, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Gagi ka ba? Baka nakakalimutan mong Teacher tayo, bukod sa mukha ay kamay ang
tinitingnan sa atin kapag nasa harapan tayo ng silid. Bawal," mabilis kong sabi
saka binawi ang kamay ko sa kanya.

Pinaglaruan niya ang ibabang labi. Ipinirmi ko naman ang kamay ko sa ibabaw ng
aking hita.

"Hmm, edi hindi sa kamay. Kahit sa tagong part, maybe chest or waist, Beb."

Ano naman kaya ang nakain nito at kung ano-ano ang naiisip?

"E-Ewan ko, Kevs. Pag-iisipan ko." Nag-iwas tingin ako sa kanya at tinuon na lang
ang atensyon sa labas.
Papadilim na nang makarating kami sa tabing dagat, hindi gano'n kalapit pero tanaw
namin ang dagat. Ipinarada niya ang kotse patalikod sa dagat kaya nagsalubong ang
kilay ko.

"Bakit tayo nandito? May malapit bang resto rito? Dapat paharap sa beach ka
pumarada," suwestyon ko.

Nakilala ko kaagad kung nasaan kami, Porac Pampanga.

Hindi niya ako sinagot, bumaba siya sa kotse kaya sinundan ko siya. Kaagad tumama
ang malamig na hangin sa aking katawan, napasinghap ako dahil iba ang simoy ng
hangin sa tabing dagat.

Binuksan niya ang likuran ng kotse, napakurap-kurap ako nang makitang may basket at
mga unan doon.

Kailangan pa niya iyan inayos?

Mabilis siyang binaba ang upuan ng kotse para maging pantay, nilatag niya ang
kutson at mga unan pati pagkain namin. Kaagad akong natakam nang makita ang chicken
wings at fries.

Hindi ko maiwasan ma-excite dahil hindi ko pa nata-try ang ganito.

Nang matapos siya ay umupo kami roon, paharap sa dagat. Nagpapalit na ang kulay ng
langit, sumisilip na rin ang buwan, rinig ang paghampas ng alon.

Hindi ko maalala kung kailan ako huling nakapunta sa tabing dagat.

Niyakap ko ang aking tuhod saka nilingon si Kevin, bahagyang nakataas ang sulok ng
kanyang labi, nakatukod ang mga braso sa likod.

"You planned this huh?" may tinatago pala siyang ka-sweet-an sa katawan.

Marahan siyang tumango, nasa dagat pa rin ang tingin nang magsalita siya.

"Wanna play?" Hindi ako nagsalita, hinihintay ang sunod na sasabihin niya. "Truth
or dare."

_________________________

For visual purposes only.

<img
src="https://img.wattpad.com/ff2a3ab59464880a4a08f4726f504b99c5e7ad14/68747470733a2
f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53
746f7279496d6167652f4e68665557716267414d33416e413d3d2d313034343233323138382e3136366
56630383162636538386264653231353435373534373231302e6a7067" style='max-width:90%'>
Kabanata 17 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 17:

Kumakain kami habang naglalaro, kagaya ng sinabi ni Kevin ay nag-truth or dare


kami. Hindi ko alam ang itatanong, ano pa bang hindi ko alam tungkol sa kanya?
Halos sabay kaming tumanda, bawat dulo ng daliri niya ay alam ko at hindi ko
makakalimutan.

Kevin asked a question. "When was the last time you cried?" tanong niya habang
pinapaikot ang baso niya na may laman ice tea.

Uminom muna ako. Alam na alam ko kung kailan, noong kinaumagahan na may nangyari sa
amin, halos ubusin ko lahat ng luha na mailalabas ko sa sobrang kagagahan ko.

Nakakahiya na nakakainis dahil kaibigan ko siya at hindi basta-basta ang bagay na


iyon sa akin.

Tumikhim ako. "Noong nagbreak kami ni Terron." I lied, umiyak ako noon pero hindi
iyon ang huli.

Napatango siya bago sumubo ng fries. "Bakit kayo naghiwalay? I mean, you looked
happy and in love. Masaya kayo tapos biglang isang araw hiwalay na, hindi naman
siguro siya nambabae?" puna niya.

Marahas akong umiling, iyon ang bagay na hindi magagawa ni Terron.


Doon ko naisip na hindi pala namin napag-usapan ni Kevin noon ang tungkol sa bagay
na iyon. Hindi siya nagtanong kaya hindi rin ako nagsabi, basta ang sinabi ko lang
na naghiwalay na kami.

Itinuon ko ang atensyon ko sa dagat, bilog na bilog ang buwan kaya maliwanag sa
labas. Tumatama ang liwanag nito sa dagat.

"Mahirap ipaliwanag e, minahal ko si Terron hindi lang siguro sapat. May kulang e,"
sabi ko saka nagkibit-balikat.

Ako naman ang nag-isip ng tanong dahil puro truth muna kami. "Ikaw... wala ka na
bang planong balikan si Jude? I mean almost eight years kayo. Ang tagal no'n Kev.
Ang tagal niyang naging parte sa buhay mo," pahina nang pahinang sabi ko.

Hindi ko alam kung naging mapait ang tunog no'n, bigla ko lang naisip na bukod sa
akin ay si Jude ang isa pa niyang nakilala na malaki ang parte sa kanya.

Nang lingunin ko siya ay tumigil na siya sa pagkain, sa dagat na rin nakatingin.

"It was a toxic love. Nakakasakal. Ang totoo, hindi ako deserve ni Jude kasi umpisa
pa lang mali na 'yong simula namin. Ginamit ko siya, may mga bagay na habang
tumatagal ay hinihiling niya na hindi ko maibigay. Well, maybe that's why he
cheated. I don't know, actually pagod na lang siguro ako, pagod kaming pareho.
Aanhin pa 'yong tagal ng pinagsamahan kung naglolokohan na lang kami," ramdam ko
ang lungkot sa kanyang boses.
Tipid akong ngumiti nang magtama ang aming mata. "Nakakatawang isipin beb, noong
college tayo problema natin about grades at bahay lang. Ngayon trabaho at personal
na, nakakapagod pa lang maging adult," biro ko.

He chuckled. "Hmm, my turn?" tanong niya nang maalala ang laro, sandali siyang nag-
isip. "Paano kung lalaki ako?"

Natigilan ako sa tanong niya, hilaw na tumawa ako. "Lalaki ka naman, pusong mamon
lang."

He gave a half-smile.

"Saka kahit lalaki o gay ka, kahit ano ka pa naman bestfriend pa rin naman kita
wala naman magbabago ro'n," dagdag ko.

Sumubo ulit ako ng manok, hindi naman ako palakain at lagi nga niya akong
pinapagalitan pero ang sarap talaga nito. Saan ba niya 'to binili?

Nang lingunin ko siya ay naabutan ko siyang pinapanuod akong kumain, baka nagsisisi
na siya sa libre niya. "Pumayat ka noong naging kayo ni Terron, hindi ka hiyang sa
kanya," komento niya.

Natawa ako. "Sira, masyadong stress noon kaya hindi talaga ako madalas nakakain
saka payat naman talaga ako noon pa. Lahit namin, kahit kumain pa ako ay sagad na
'to."

Mabilis siyang tumango bilang pagsang-ayon, ni hindi man lang tumanggi. "Oo nga
beb, dalawa nga likod mo sa sobrang payat."

Inirapan ko siya, nasa mood siyang mang-asar.

"Ako na magtatanong no? Hmm..." Inilagay ko sa aking daliri sa baba, umarteng nag-
iisip. Ano pa bang pwede kong itanong? Lagi naman kasi kaming magkasama.

"Nagkagusto ka na ba sa babae? I mean, kasi simula noon wala ka naman nababanggit


hindi ba? Crush ganern?" Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko, masakit.

Bigla kong naalala ang nangyari sa amin, 'yong part lang na naaalala ko parang
lalaki siya no'n grabe.

Bigay na bigay, jusko bakit?

Tinapos muna niya ang nginunguya niya bago sumagot.

"Meron."

Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Kaklase natin? Si Sascha? Si Nade? Si Alice?" hula ko
pa.

Tumawa si Kevin. "Bakit wala ka sa pamimilian?"


"Gago, malamang." Hindi tayo pwede, katulad ng sinabi mo noon.

He wrinkled his nose. "Mabait at maganda si Sascha pero wititit, hindi. Si Nade,
parang kapatid lang siya sa akin. Si Alice, jusko naman Lisa alam mo naman hanggang
ngayon may trauma pa rin ako dyan," histerikal na sabi niya kaya pumalahaw ako ng
tawa.

Hindi ko alam pero bentang-benta talaga sa akin kapag siya ang nagsasalita, kahit
seryoso o nagpapatawa siya.

"So sino nga? Wala sa barkada natin. Edi ibang section?" usisa ko, naubos na rin
ang chicken wings.

"Secret, hindi mo naman kilala pero maganda 'yon saka mabait. Hmm, strong. Siya
pinaka strong na nakilala ko," buong pagmamalaki na sabi niya.

Hindi ko inalis ang ngiti sa labi ko kahit nasaktan ako, siguro nga maganda 'yon.
Bakla nga nagkagusto sa kanya e paano pa kaya 'yong iba.

Tumango na lang ako, may kinuha siya ulit sa basket.

Kinabahan kaagad ako nang makitang Jack Daniel's iyon, iinom kami? Bigla kong
naalala noong may nangyari sa amin dahil sa pesteng alak na iyon.
"H-Huwag tayong uminom, Kev," pigil ko kaagad sa kanya at bahagyang napataas ang
boses sa kaba.

Kumunot ang noo niya saka tinago iyon. "O"kay? Dare na tayo." Hindi na siya
nagpumilit pa.

Napailing ako saka bahagyang sumandal sa malambot na unan, niyakap ko pa ang isa.
Kaamoy niya iyon, ang bango.

"Sige, ikaw na muna."

Niyakap din niya ang isang unan, halos hindi kami kasya sa loob ng kotse dahil ang
tangkad niya. Lumalagpas ang paa niya kung idederetsyo.

"Hmm, I dare you to..." Hinampas ko siya ng unan dahil nang-aasar na kaagad ang
tono niya kahit wala pa man. Siguradong may naiisip na naman itong kalokohan.
"Sayawan mo ako."

Kaagad ko siyang binatukan. "Ang panget ng pagkakasabi mo, beb parang ano!"
Pinandilatan ko pa siya kaya natawa siya.

"Sayaw lang, kahit hiphop gano'n. Hindi ko naman sinabing sexy dance. Ang tagal na
kasi kitang hindi nakikitang sumayaw."

Ngumuso ako saka gumapang palabas ng kotse, para siyang batang excited na niyakap
ang unan habang inaabangan ang isasayaw ko.

Hinanap ko sa cellphone ko ang isang tugtog na dance challenge sa TikTok, lumingon


muna ako sa kaliwa at kanan bago ko iyon sayawin.

Lagi naman ako sumasayaw sa harapan niya noon pero ngayon ay sobra akong nahiya,
mabuti at gabi dahil kung umaga ay paniguradong pulang-pula na ako.

Nang matapos ako ay mas lalo akong nahiya dahil nakapalumbaba lang siya at
nakatingin sa akin, hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o ano.

Tiningnan ko ang phone ko at namatay na, lowbat na ako.

"Oh, tapos na. Ikaw naman." Nag-isip kaagad ako, 'yong mahirap. "Hmm, tawagan mo
'yong crush mo ngayon, gusto ko marinig boses," paghahamon ko sa kanya.

Sa loob-loob ko ay may kaunting selos akong naramdaman, kaunti lang. Gusto ko lang
naman malaman.

Kaagad siyang umiling. "Huwag 'yon, baka magalit siya."

I looked at him flatly. "Ang daya ha, ako nga ginawa ko kaagad kanina na walang
reklamo," segunda ko at humalukipkip pa.
He pouted his lips.

Malakas siyang bumuntonghininga bago kunin ang telepono. May diniall siya pero
nakapatay ang phone, kinagat niya ang ibabang labi.

"Iba na lang, ayaw sumagot. Busy ata," sabi niya.

Napairap ako, iisip pa sana ako ng dare pero lumabas na siya sa kotse kaya bumaba
rin ako, naka-paa lang kami dahil hinubad na namin kanina sa kotse.

Naglakad kami papalapit sa dagat, walang tao sa paligid, hindi naman kasi 'to parte
ng resort. Nasa kabilang parte iyon at malayo rin ang high way kung nasaan kami.

Inakbayan ako ni Kevin nang tumama ang tubig nang dagat sa aming paa, mainit iyon.
Naisip ko tuloy na masarap maligo.

"Sayang wala tayong damit, masarap sana maligo," wala sa sariling komento ko, pilit
inaalis ang kaba dahil sa kamay ni Kev sa akin balikat.

Nilingon niya ako, walang sabi-sabi niyang hinubad ang shirt niya kaya nanlalaking
mata akong tumalikod sa kanya.

"Maligo tayo, maghubad ka na lang. Gabi naman na." Narinig ko ang pagkalas niya ng
pantalon niya. "Bakit ka pa tumatalikod, beb nakita mo naman 'to noon," his voice
sounded so soft.
My eyes widened. Naalala ba niya? Shit!

"Hindi ba? Naliligo na tayo sa beach noon, tara na," yaya niya.

Para akong nakahinga nang maluwag sa sinabi niya, narinig ko ang ingay ng tubig
ibig sabihin ay naligo talaga siya. Nang lingunin ko siya ay nasa hanggang beywang
pa lang siya, kitang-kita ko ang malapad niyang likuran.

Nahuli niya ako nang lingunin niya ako pero parang wala lang iyon sa kanya, mas
lumangoy siya sa malalim. "Tara na beb, ang init ng tubig."

"T-Tumalikod ka," sabi ko.

Tumalikod siya habang natatawa. Dahan-dahan kong hinubad ang aking damit habang
lumilinga sa paligid, mabuti at walang tao.

Dati ay kaya ko pang magbihis sa harap ni Kevin pero ngayon ay hindi na ata.
Pagkatapos nang nangyari ay pakiramdam ko ba'y kapag nakita niya ang katawan ko ay
bigla niyang maaalala iyon at ayoko.

Okay na 'yong ganito.

"Okay na?" tanong niya nang makalusong ako sa dagat.


Tama siya, mainit ang tubig. Ang sarap sa katawan, mas pumunta ako sa malalim,
hanggang dibdib ko pero malayo sa kanya.

Nilingon niya ako, sumimangot siya nang makitang ang layo ko sa kanya.

"Dito ka, beb. Hindi ka marunong lumangoy sa dagat," sabi niya na parang
nagbabanda.

Umiling ako, ayoko pa rin. "Hindi ako pupunta sa masiyadong malalim, dito lang
ako."

Sanay naman ako pero hindi sa masyadong malalim, natataranta na ako dahil
pakiramdam ko ay may hihila sa paa ko.

Hinayaan niya ako, lumalangoy-langoy siya habang sumisisid din ako para mabasa ang
buhok.

Nasa ilalim ako nang parang may nakita akong jelly fish, kaagad akong kinain nang
kaba na baka madikit ako sa galamay niya kaya mabilis akong lumangoy palayo, nang
medyo nakalayo na ako at aahon ay hindi ko na maabot ang ilalim.

Pinilit kong kumalma pero sumabay pa ang alon, hinampas ako mas papalayo sa
mababaw.
"Kev!" I shouted his name.

Bigla akong kinabahan nang pumailalim ako sa tubig, itinaas ko ang kamay ko at
tinandaan ang tinuro ni Kevin sa akin noon pero hindi talaga ako makaangat,
naaubusan na ako ng hangin.

"Lisa, shit!"

Narinig ko ang paggalaw ng tubig papalapit sa akin, para akong nakahinga nang
maluwag nang maabot ng isang braso ang aking beywang at iniahon ako sa tubig.

Kaagad akong kumapit sa leeg ni Kev sa sobrang takot na baka lumubog ulit ako.

Napaubo ako habang lumalangoy siya papunta sa mababaw, huminto siya sa sapat lang
para hindi makita ang katawan ko.

"Hindi ba sinabi ko huwag ka sa malalim!" sigaw niya, nagulat ako roon.

Sa pinagsamang takot sa dagat at biglang sigaw niya ay napaiyak ako, ngayon niya
lang ako sinigawan ng ganyan, biglang bumabaw ang luha ko.

"B-Bakit ka sa akin nagagalit? Bakit mo ako sinisigawan muntik na nga akong mamatay
roon tapos ako pa ang papagalitan mo!" sigaw ko pabalik habang humihikbi na.
Sinubukan ko siyang itulak pero hindi niya ako binitawan, lumalam ang mata niya.

Pakiramdam ko ay ang dami kong nainom na tubig dagat, mas humigpit ang hawak ko sa
leeg niya nang himasin niya ng likuran ko, bahagyang inalis ang mga buhok kong
sumabog sa mukha habang hawak pa rin ako sa beywang, bahagyang karga.

"I told you to stay beside me," he whispered, more worried. "I'm sorry I snapped at
you baby. Hush. Hindi na, hindi mo kasalanan. Huwag ka na umiyak please."

____________________

Kabanata 18 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 18:

"Oh, kumot." Inabutan ako ni Kevin ng kumot, pagkatapos nang nangyari sa dagat ay
mabilis na kaming umahon, ako ang naunang magbihis.

Niyakap ko sa katawan ko ang kumot saka umayos ng higa, magkaharap kami.

I remember the last time we slept together. A mistake that I can't correct now.
Hindi ko alam kung makakatulog ako ngayon gabi, hindi ko naman alam na ganito pala
ang pupuntaham namin.
Pumikit ako, ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya dumilat ako.

"Maganda ka pala," he whispered, his eyes gleamed.

Natigilan ako at pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil sa kilig na naramdaman pero


sa huli ay natawa na lang. "Aray ha? Ngayon mo lang nalaman? Grabe ka naman," I
joked.

Sandali kaming natahimik, naging mabagal ang aking paghinga dahil natatakot marinig
niya ang lakas ng kabog ng aking puso.

Naiilang ako sa kanya. Bakit parang naging mainit ang kotse?

"Kumusta pala kayo Papa mo?" biglang natanong niya, tumihaya ako at napatitig sa
bubong.

"Ayos naman, hindi kami masiyado nakakapag-usap. Text minsan. I don't know, nasanay
na lang siguro ako." Dati ay close kami ni Papa, hindi ko alam kung dahil sa
trabaho niya ay parang lumayo siya.

Pero kung pamimiliin ako, si Papa pa rin ang pipiliin ko kaysa kay Mommy. Ewan ko,
nasasakal ako kapag si Mommy ang kasama ko kaya siguro mas pinush ko 'yong bahay
namin ni Kevin, kahit nagka-utang-utang kami.
"Hmm, may sama ka ba ng loob sa mga magulang mo, beb?" mahinang sabi niya, kumunot
ang noo ko at nilingon siya.

"Hindi ko masabing sama ng loob, hindi lang siguro ako gano'n kalapit sa kanila
alam mo naman 'yon. Hindi kami tulad ng ibang pamilya na super close... katulad
niyo." Kevin nodded.

Ang totoo ay naiinggit ako sa pamilya nila, kaunti lang sila. Silang tatlo lang ng
magulang siya pero super supportive ng parents niya, saksi ako roon.

Malakas na bumuntonghininga si Kevin. "Mukha lang perpekto ang pamilya ko pero


hindi..." he paused. "Sana kapag ako nagkapamilya, sana kahit gaano kahirap ang
buhay namin sana hindi kami mag-iwanan ng magiging asawa ko," mahinang sabi niya
habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam bakit naiiyak ako, nakaka-touch 'yong sinasabi niya at ramdam ko iyon
dahil gusto ko rin iyon. Iyon din ang hinihiling ko, na sana kapag kinasal ako,
sana sa tamang tao na.

"Sana ako rin no," sabi ko.

"Naaalala mo pa 'yong sinabi natin dati? Kapag wala tayong nakatuluyan at lumagpas
na tayo sa kalendaryo ay tayo na lang," he chuckled.

Napanguso ako, noon ay wala lang iyon sa akin pero ngayon na parang bumabalik lahat
ay naisip kong pwede kaya? Kaya ba namin iyon? Sa iba siguro ang weird kasi
bestfriend, pero sa akin pakiramdam ko ay mas ayos iyon dahil mas kakilala ko siya
higit kung kanino man.
"Keri ba 'yon? I mean... hindi ba weird?" mahinang sabi ko, natatakot sa isasagot
niya.

"Weird bakit naman? Mas maganda nga iyon. Para bang nagligawan tayo ng halos
fifteen years bago ikasal," he reached my hand so I let him.

Palihim akong lumunok, hindi ko alam kung kailan bumalik 'to? O nandyan lang 'tong
nararamdaman ko sa kanya at nagbulag-bulagan lang ako kasi nasaktan ako noon.

Hindi ko alam.

Siguro dapat tanungin ko ang iba kong kakilala kung narasana na nila ito, 'yong
akala mo wala na pero nandoon pa rin pala, siya pa rin pala.

Naisip kong hindi pa kami nag-aaway ng sobra, kung magkakatampuhan kami ay araw
lang at pinaka matagal na ay buwan noong umamin ako sa kanya, ako rin naman ang
lumayo no'n kasi ay nahiya ako.

Naiisip kong paano kaya kung mag-away kami ng todo? Parang hindi ko kayang
mahiwalay sa kanya nang matagal dahil nasanay na ako.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa gano'n posisyon, nakatulog ako na hawak
niya ang kamay ko at nagising ako na nakatalikod na ako sa kanya habang bahagyang
nakayakap sa aking tiyan ang kanyang kamay kaya napabangon ako, muntik pa akong
mauntog sa bubog ng kotse.
Sandali pa kaming tumambay roon bago tuluyan umuwi.

Dumaan kami sa SM Pampanga para bumili ng groceries, ubos na ang laman ng ref namin
at kapag bibili kami ay laging hati kaya kailangan ay may resibo madalas pa naman
niya akong dinuduga sa presyo.

Nasa bilihin kami ng mga fresh foods. Meat and fish, nang madaan kami sa mga isda
ay hinarang kami ng sales lady.

"Ma'am ano po 'yon? Bangus? Fresh na fresh po," magiliw na sabi niya.

"Hindi po siya kumakain ng isda, thank you," magalang na sabi niya saka tinulak ang
cart.

Ang sungit, ang aga-aga.

Pero hindi talaga ako nag-iisda, lalo ba ang paksiw. Ayoko talaga, nakakatuwa lang
kasi hindi pa rin iyon nakakalimutan ni Kevin.

Napadaan kami sa mga chocolates. I love dark chocolates, iyon lang. Hinanap kaagad
ng mata ko ang brand na lagi kong binibili, napanguso pa ako nang makitang
nilalagay na iyon ni Kev sa cart namin, anim ang binili niya.

"Akin isa ha," paalala niya kaya natawa ako, akala mong aagawan nang aagawan.
Nang matapos kami ay naisipan namin kumain sa isang resto, paalis na sana kami sa
parking lot nang huminto ang isang itim na kotse hindi kalayuan sa amin, kaagad ko
iyon nakilala dahil ilang beses na akong nakasakay roon.

Terron's car.

"Uy, si Terron beb. Teka!" pigil ko kay Kevin nang akmang aandar na kami, binuksan
ko ang pintuan para sana tawagin sila ng asawa niya pero natigilan ako nang
makitang padabog na isinara ng asawa niya ang pintuan.

"Wait, calm down okay?" Dahil nakabukas ang pintuan ay rinig na rinig namin ni
Kevin, nasa mismong harapan lang namin sila.

Tinted ang kotse ni Kevin at mukhang hindi nila nahalata na kami ang nasa loob.

"Calm down, Terron?! Hanggang kailan pa ako magtitiis? Isang taon pero siya pa rin?
Hindi ba? Ako ang kasama mo pero pangalan pa rin niya ang nababanggit mo, ano ako?
Display? Lisa where do you wanna go? Lisa you want anything? Lisa are you okay?
Tangina hindi Lisa ang pangalan ko pero walang araw Terron na hindi ka namali sa
pagtawag sa akin na pangalan niya ang binibigkas mo!" malakas na singhal niya saka
tumalikod.

Nagkatinginan kami ni Kevin, hinabol ni Terron ang asawa.

"Umuwi na tayo, saan ka ba pupunta ha?"


"Bitawan mo ako, Terron! Ayoko na, sabihin na lang natin sa mga magulang natin na
ayaw na natin kaysa ganito."

"Ikaw na ang asawa ko ano pa bang—"

"Ako nga pero siya pa rin hindi ba? Sa papel lang ako pero siya pa rin diyan sa
puso mo. Mahal na mahal mo pa rin!"

Nang tuluyan silang mawala sa parking lot ay natulala ako, hindi ko tanga para
hindi ma-gets ang pinag-uusapan nila.

Suminghap ako saka bumaling kay Kevin, pinapanuod niya ako mukhang alam niya ang
naisip ko kaya bahagyang tinapik niya ang aking balikat bago buhayin ang kotse.

"Hindi mo iyon kasalanan, problema nila 'yong mag-asawa at labas ka na roon,"


mahinang sabi niya.

Hindi ako sumagot at lumingon na lang sa labas ng kotse.

Ayokong makasira sa kanila at mas lalong ayoko sa pakiramdam na nakakagulo na pala


na hindi ko alam.

Habang naipit kami ni Kevin sa traffic sa gawing San Fernando at tulala ako sa
labas ng kotse ay napalingon ako sa kabilang kotse, hindi sila tinted kaya kita ang
tao sa loob.

"Papa?" Kumunot ang noo ko dahil parang si Papa ang nasa kabilang kotse, may kasama
siya.

Hindi ko masyadong makita dahil bahagya silang nauuna sa amin.

Hinampas ko si Kevin. "Kevin! Si Papa 'yon dali! Tapatan mo may kasama, hindi 'yon
si Mama! Bakit siya nandito? Akala ko may sakay siya sa barko ngayon buwan,"
mabilis na sabi ko habang pilit tinutulak ang kotse gamit ang puwet ko na animong
may magagawa iyon.

Imbes na bumilis ay bumagal pa si Kevin.

"Kevin, nawala na tuloy!" inis na sabi ko.

"Sorry, b-baka naman kamuka lang? Nakita mo ba 'yong kasama?"

Humalukipkip ako. "Hindi, ang bagal mo kasi."

Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga saka nagpatuloy na lang sa pagda-


drive, buong biyahe ay hinahanap ko ulit ang sasakyan pero hindi ko na makita.
Mabilis lumipas ang araw, gano'n pa rin. Sabay kami pumasok ni Kev, kadalasan ay
sabay rin kaming kumain.

Nang dumating ang biyernes ay araw ng laban ng English Choir sa ibang school at
kasama si Kevin doon kaya ako lang ang umuwi, magko-commute sana ako pero may
lumapit sa akin pagkalabas ko pa lang ng gate.

"J-Jude..."

Magulo ang buhok ni Jude, madilim ang ilalim ng mata. Napaatras ako dahil natakot
akong baka masaktan niya ulit ako pero mas nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa
harapan ko.

Umawang ang labi ko dahil ang daming tao, kapwa guro at estudyante na pauwi pa lang
din.

Pilit ko siyang hinawakan sa braso at tinatayo pero umiyak na siya na parang bata
na inagawan ko ng laruan.

"L-Lisa please, huwag mo naman kunin si Kevin sa akin... please. Mahal na mahal ko
siya, sabihin mo naman sa kanya na nagsisisi na ako. Hindi ko na uulitin." Pinilit
niyang kumapit na tuhod ko.

"Jude tumayo ka, please!" Halos mapataas ang boses ko sa sobrang kaba sa ginagawa
niya.

Umiling si Jude, liham ang mata. Akmang hahawakan siya ng guard para ilayo sa akin
pero umiling ako, dahan-dahan akong lumuhod upang magpantay kami.

"J-Jude, huwag mong gawin 'to sa sarili mo."

"Mahal ko siya, I love Kevin so much. Siya na 'yong buhay ko. Hindi ko siya kayang
pakawalan. Please, help me. You're my friend right?" buong pagmamakaawang tanong
niya.

"Huwag ako ang kausapin mo diyan, wala sa akin ang desisyon. Kung babalikan ka ni
K-Kevin, kung hindi ay nasa kanya iyon. Wala sa akin."

Tumayo na ako at tumalikod, nakakailang hakbang pa lang ako ay napatigil na ako


dahil parang gumalaw ang paningin ko.

Inalalayan kaagad ako ni Jude.

"Lisa okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Humigpit ang hawak ko sa braso niya nang kumirot ang puson ko, sobrang sakit.

Napaawang ang aking labi nang may maramdaman likido na lumabas sa aking pagkababae,
mabilis napuno ang panty ko at pakiramdam ko'y kumalat iyon sa uniform kong kulay
gray.
"Lisa!" Jude slapped my face slightly. "Ayos ka lang ba?"

"J-Jude, dinudugo ako," I whispered at him.

"Period?"

"N-No, this is not normal."

Nanlaki ang mata niya, kaagad akong inalalayan sa kotse niyang nakaparada sa hindi
kalayuan. Mabilis ang naging kilos niya, may mga sinasabi siya sa akin sa biyahe
papuntang ospital pero hindi ko na maintindihan, sobrang sakit.

Napapadaing ako at sigaw sa loob ng kotse.

Halos hindi ko na matandaan kung paano ako na-check ng Doctor, Jude stay beside me.

Kung ano-ano na ang naiisip ko, baka may sakit ako sa ovaries o kaya abnormal
menstrual, mga gano'n.

Nang bumalik ang Doctor ay in-announce niya ang bagay na hindi ko naisip.

"The baby is okay, Misis."


Napakurapkurap ako. What? Okay? Who?

"P-Po?"

"Your baby is okay, thankfully. Congratulations, Ma'am you're pregnant," anunsyo


siya. May sinasabi pa siya na gamot na kailangan kong bilhin para mas kumapit ang
bata dahil nasa stage pa lang daw ako ng delikado pa pero natulala na ako.

Si Jude ang nag notes ng lahat.

Nang umalis ang Doctor ay ngiting-ngiti si Jude, masayang hinawakan niya ang kamay
ko. "Lisa magkaka-baby ka na! Ninang ako? Alam na ba ng boyfriend mo?" masiglang
sabi niya.

Unti-unti ay para akong sinampal ng katotohanan, unti-unti kong naisip ang


nangyayari.

Buntis ako at ang bestfriend ko ang ama.

Hinawakan ko si Jude sa braso, nagulat siya sa ginawa ko. Unti-unting nangilid ang
luha ko. "H-Hindi pwede 'to, Jude. Hindi pwede. K-Kailangan ko 'tong alisin habang
maaga pa, I-I don't want this baby!" Humagulgol na ako, hindi ko na naiisip pa
basta ang alam ko ay hindi 'to pwede.
Sinuntok-suntok ko ang aking tiyan habang umiiyak, hinawakan kaagad ni Jude ang
kamay ko at pinigilan.

"Lisa! Ano ba?! Kumalma ka! Ano bang nangyayari sa'yo?!" sigaw niya.

Umiling ako, ayoko 'to. Ayoko sa baby na 'to.

I need an abortion...

_______________________

Kabanata 19 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 19:

"Sigurado ka ba rito, Lisa? This is your decision, I'll respect you pero hindi ba
mas maganda kung ipaalam mo muna sa ama ng anak mo?" mabagal na sabi ni Jude habang
nasa loob kami ng abortion clinic.

Hindi pa kami nakakauwi, nang gabi rin iyon ay kaagad akong humanap ng abortion
clinic na malapit. Nakapagpalit na rin ng ako ng damit.
Mali ito, mali 'yong nangyari sa amin. Kapag itinuloy ko ay masisira lahat, maayos
ang buhay ni Kevin at kapag nalaman niya ay natatakot akong hindi niya matanggap.

Tulala ako habang nakaupo sa hospital bed, inaasikaso na ang gagawin sa akin.

Wala akong maramdaman, blanko lang.

Jude held my hand. "Sure ka na ba? Pwede tayong umalis pa," sabi niya.

Kanina pa siya tanong nang tanong, mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko dahil alam
kong isa siya sa masasaktan kapag tinuloy ko 'to.

Hindi ako samagot.

"Ready na po kayo, Miss?" sabi ng nurse sa clinic, pinatay ko ang aking phone na
kanina pa ilaw nang ilaw.

Tumayo ako at pinapakiramdaman ang sarili, akmang papasok na sa loob nang bumukas
ang pintuan sa kwarto na iyon, gulat na napalingon ako kay Terron na hingal na
hingal. Malalaki ang kanyang hakbang na lumapit sa akin.

"T-Terron, anong ginagawa mo—hey!" Nanlaki ang aking mata nang walang sali-salita
niya akong hinila palabas sa lugar na iyon.
Narinig kong tinawag ako ni Jude pero tuloy-tuloy lang si Terron habang makalabas
kami sa clinic, ipinasok niya ako sa kanyang kotse sa likod bago rin siya pumasok.

Paano niya nalaman nandito ako? Ano bang ginagawa niya rito?

Binitawan niya ang braso ko nang parehas kaming makapasok sa kotse, inis na hinarap
ko siya kaagad para sawayin sa biglang niyang paghila sa akin pero naunahan niya
kaagad ako.

"Bobo ka ba?" seryosong tanong niya, bigla akong nakaramdam ng panliliit sa tanong
niya.

Palihim akong napalunok nang pagak siyang tumayo. "Kung hindi ko pa chineck ang
location mo ay hindi ko pa malalaman," madiin sabi niya. Naka-konek pa rin sa phone
niya ang location ko?

"T-Terron anong ginagawa mo rito?" Pinilit ko buksan ang pintuan ng kotse pero
naka-lock iyon.

"Ikaw ang dapat kong tanungin ng bagay na iyan, Lisa. Anong ginagawa mo sa lugar na
'to?" Hinawakan niya ang braso ko upang humarap sa kanya pero nag-iwas tingin ako.

Hindi niya ako naiintindihan, wala siya sa lugar ko. Ayokong lumaki ang bata na
'to, hindi 'to tama.
"H-Hindi mo ako n-naiintindihan," nanginig ang aking boses.

Suminghap siya. "Lisa, mag-isip ka muna. Huwag kang padalos-dalos, matalino ka


hindi ba? Anong nangyari sayo? Please lang, walang kasalanan ang bata. Ang dami
riyan hindi magka-anak tapos ikaw 'tong binigyan gano'n-gano'n mo lang aalisin?
Don't be self-centered!"

Unti-unting tumulo ang luha ko at nilingon siya. "N-Natatakot ako... hindi 'to
matatanggap ni Kevin. Si Mama, madi-disappoint ko na naman siya. Sa s-school, anong
sasabihin nila? Teacher na walang asawa pero buntis? I'm not self-centered, Terron.
I-Iniisip ko sila." Umiling-iling ako habang iniisip lahat ng mga maririnig ko mula
sa ibang tao.

Ayoko na no'n.

"S-Si Kevin?" tanong niya nang maisip ang sinabi ko. Hindi ako nakasagot at mas
umagos ang aking luha pababa sa aking pisngi.

Napamura si Terron. "Tangina, ano naman? Kung ayaw ni Kevin. Bakit? Si Lisa ka,
hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo, hindi ba? Kaya mo buhayin ang anak mo.
Ano bang sinabi ko sa'yo tungkol sa sasabihin ng iba ha? Kahit gumawa ka ng tama o
mali ay may sasabihin sila kaya huwag kang gumawa ng desisyon ng dahil sa kanila!"
malakas at madiin sabi niya.

Mas napahagulgol ako nang yakapin niya ako nang sobrang higpit.

"N-Natatakot ako..."
"Hindi ba sabi ko sa'yo maging masaya ka... akala ko ba kapag pinalaya kita ay
magiging masaya ka?" mahinang sabi niya.

Umiling ako, saka bahagya siyang tinulak nang maalala ang narinig ko noon nakaraan
na pag-aaway nila ng kanyang asawa.

"M-Mahal mo pa ako?"

He gave me a half-smile, he touched my chin. Nakangiti siya pero malungkot ang mga
mata. "Mahal na mahal, Lisa. Sobra pa rin."

Umiling ako, sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil mali ang nararamdaman niya.

Tinulak ko siya palayo at pinagbigyan niya ako, nagkaruon ng distansya ang pagitan
namin. Matagal ko siyang tinitigan bago magsalita.

"M-May asawa ka, Terron. Hindi ba maayos tayong naghiwalay? Magkaibigan tayo."

Mahina siyang natawa saka umiling at nag-iwas tingin. "Binitawan kita kasi iyon ang
gusto mo, gano'n ako magmahal e. Kahit ako na lang masaktan." Nakita kong pinunasan
niya ang pisngi niya.

Mas lalo akong nadurog nang makita siyang umiiyak, kaagad akong nataranta.
"Huwag mong gawin 'to sa asawa mo, Terron. Alam mo ang pagkakamali ng Kuya mo... ni
Sir Travis. Huwag mo naman ganituhin ang asawa mo. Hindi niya 'to deserve."

"Kapag ba... kapag ba hiniwalayan ko siya babalik ka sa akin? Papanagutan ko ang


bata. Aakuin ko." He looked at me, his eyes glinted.

Mabilis akong umiling. "Kapag ginawa mo iyan, hindi na ako magpapakita sayo Terron.
Huwag mong hintayin mawala ang asawa mo sa'yo," paos kong sabi.

Malakas siyang bumuntonghininga saka yumuko.

"Alam ko naman, hindi ko deserve ang pagmamahal niya dahil hindi ko pa iyon kayang
pantayan. Hindi ko alam kung mapapantay ko ba iyon kasi... kahit anong pilit ko
ikaw pa rin naiisip ko, Lisa."

Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero umiling ako.

"Tama na Terron. Alam kong mahal mo na siya, kaya hindi ko alam bakit mo pinipilit
na mahal mo pa rin ako," mahinahong sabi ko.

Pinunasan ko na ang luha sa aking pisngi.

Lihim kong hinawakan ang tiyan ko, sorry baby. I'm sorry. Natakot si Mommy. Naduwag
ako.
Hindi na siya nagsalita pa, hindi ko alam kung ilang minuto pa kami roon bago niya
ako ihatid sa bahay. Tinext ko na lang si Jude na nakauwi na ako at salamat sa
tulong at kung maaari ay sa amin muna ang balita na iyon dahil hindi pa ako handa
sabihin sa iba.

Pinanuod kong umalis ang kotse ni Terron bago pumasok sa bahay, naabutan kong bukas
na ang ilaw ibig sabihin ay nandyan na si Kevin.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Huminga ako nang malalim bago buksan ang pintuan, narinig ko kaagad ang boses niya
sa kusina animong may kausap sa telepono.

Nang marinig ang pagsara ko ng pintuan ay kaagad siyang sumilip, palihim akong
napalunok nang makitang naka-apron siya, tanging short lang ang suot.

"Beb, are you okay?" Kaagad tanong niya nang makita ang itsura ko, ibinaba na niya
ang tawag.

Hindi na ako magtataka kung maga ang aking mga mata, gusto kong maiyak sa tanong
niya dahil hindi ako okay.

Pisikal at emosyonal ay hindi ako ayos.


May hawak pa siyang sandok nang lumapit sa akin, kaagad niyang kinuha ang bag ko.

"Bumalik ako sa school pero nakauwi ka na raw. Hmm, ayos ka lang ba bakit ganyan
ang mata mo? Umiyak ka? Nagluluto na ako ng dinner, bumili akong squid kanina,
kakain ka ha?" ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang tono.

Hindi ko alam pero dahan-dahan akong lumapit at yumakap sa kanyang beywang,


naramdaman kong natigilan siya pero niyakap din ako pabalik pagkaraan ng ilang
minuto.

Kailangan ko lang ng pahinga, kahit sandali lang.

Mariin akong pumikit, pinakiramdaman ang init ng yakap niya. Hinimas ni Kevin ang
buhok at likod ko, ang bango niya.

Hindi ko maiwasan mapangiti.

Anak, yakap tayo ng Daddy mo, mahinang sabi ko sa aking isip.

"Shit, nasusunog niluluto ko!" tili niya nang may maamoy, nagtatakbo siya papuntang
kusina kaya natawa ako.

Hinimas ko ang aking tiyan.


Yes baby... that's your dadi mami.

_____________________

Kabanata 20 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Thank you for reading TMB, I always appreciate you.

Kabanata 20:

Hinilot ko ang aking noo pagka-sent ng text ko kay Papa, kinamusta ko siya at hindi
siya nag-reply. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko noon galing kamin Porac
ni Kevin, para talagang si Papa iyon pero bakit naman siya nandito at saka dapat ay
bisitahin man lang niya kami kung nasa Pampanga na pala siya.

Kasalukuyan akong nasa school, nilingon ko si Nade. Isa sa naging kaibigan ko nanfg
college, tahimik lang siya, may kausap siya sa telepono habang tumatawa.

Naningkit ang aking mata, I heard her calling that person—her baby. Baby ko, iyon
ang narinig ko kanina habang kunwari akong abala sa pagche-check ng papel. I didn't
know she has a boyfriend.

Napailing ako saka natawa nang mahina, nagiging chismosa na ako. Parte ba 'to ng
pagbubuntis?
Bigla kong naisip kung anong sasabihin nila Mommy kapag sinabi ko na, lalo na ang
mga kamag-anak kong lagi akong kinukumpara sa mga ibang kamag-anak namin.

Pero buo na ang desisyon ko, I'll keep my baby.

Kung hindi siya tanggap ng iba, kung husgahan nila ako ay ayos lang. Bahala na, ang
importante ay ang baby ko saka ko na lang sila iisipin.

"Good afternoon," bati ni Kevin pagkapasok ng faculty, hindi ko maiwasan pasadahan


siya ng tingin.

May kasama siyang dalawang estudyante niyang babae na nagbubuhat ng sampong


notebook na pinaghatian pa, animong mabigat iyon.

Kumunot ang aking noo habang pinapanuod sila mula sa gilid ng aking mata. "Sige
diyan niyo na lang ilapag, thank you. Lunch na kayo," sabi ni Kev sa mga bata.

"S-Sir baka po gusto niyo sumama sa amin, buong klase po may foodtrip po kami sa
bahay nila Joy sa susunod na linggo," aya ng isa kay Kevin.

Tumaas ang kilay ko, huh? Subukan lang niya sumama isusumbong ko siya sa office.
Bawal 'yon.

Kevin chuckled. Oh, tuwang-tuwa pa. "I want to but I can't. Bawal e, enjoy na lang
kayo."
Gumawa ng ingay ang mga bata na parang nanghinayang bago umalis, napanguso pa ako
nang hilahin ni Kevin ang upuan papalapit sa akin. Nilingon ko si Nade nang bigla
siyang tumayo at umalis na nag-iiwas tingin sa amin, kami na lang tuloy ang naiwan
sa faculty.

I faked my yawn.

"Inaantok ka?" tanong niya.

Pinatalikod niya ang upuan niya sa akin saka siya roon umupo, ipinatong ang mga
braso sa sandalan ng upuan na nasa harapan niya.

"Kaya nga sandalan iyan, para sa likod hindi sa baba mo," puna ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya, pansin ko ang pagkaputi niya. Noon pa man ay maputi
na siya, mas madami pa siyang screen care sa akin. Naalala ko noon may pinapaligo
pa siyang parang gatas, basta amoy gatas siya noon tuwing pagkatapos maligo.

"Bakit ba ang sungit mo?" asar niya.

Hindi ko siya sinagot, nagkunwari akong may sinusulat sa class record ko habang
nakapatong ang baba niya sa sandalan ng upuan at nakatitig sa akin.
Mukha siyang tanga.

"Ano ba 'yang ginagawa mo, Kevin?" inis na sabi ko saka isinara ang class record at
hinarap siya.

He pouted his lips. "Galit kaagad? Buntis ka ba?" He chuckled.

Unti-unti nawala ang inis sa aking mukha sa sinabi niya, tumikhim ako saka nag-
abala na lang sa panunuod ng video sa isang app.

Tumayo si Kevin. "Bibili akong miryenda, ano gusto mo?"

Tumayo rin lang at kinuha ang wallet sa bag. "Sama na lang ako, baka hindi ko
magustuhan ang bibilhin mo."

Inirapan niya ako at bahagyang inayos ang gulo kong buhok. "Alam ko lahat ng
tungkol sa'yo," mayabang na sabi niya.

Nilagpasan ko na siya, hindi lahat Kevin. Madami ka pang hindi alam sa akin at
gano'n din ako sa'yo.

Pagkalabas ko ng faculty papuntang canteen ay nakasunod na kaagad siya sa akin,


sumabay siya ng lakad. May ilang estudyanteng bumabati sa amin, binabati ko naman
pabalik, si Kevin naman ay tinatanguan lang.
"Ma'am, good afternoon po. Ang ganda niyo raw po sabi ni Juwaw," sabi ng isang
kabataan sa labas ng canteen, doon sila nakatambay magbabarkada.

Nagtuksuhan sila, pamilyar ang mukha pero hindi ko lang matandaan ang pangalan.

Ngumiti ko sa kanila. "Ma'am may bf kayo?" tanong ng isa.

Sasagot sana ako pero hinawakan ni Kevin ang siko ko at siya na ang sumagot.
"Meron, bakit?" tanong niya sa mga bata gamit ang seryosong boses.

Bahagya ko siyang siniko bago hinila papasok sa canteen, nang lingunin ko ang mga
bata ay nagtakbuhan na paalis.

"Tinakot mo naman 'yong mga bata," puna ko sa kanya, suminghap ako nang maayos ang
kakaibang amoy sa canteen.

Ano 'yon? Ang baho.

"Tinanong ko lang—hey." Tawag ni Kev pero mabilis akong lumabas ng canteen at


tumakbo sa malapit na restroom at doon sumuka.

Parang hinahalukay ang tiyan ko, napahawak ako sa lababo habang nilalabas lahat.
Naramdaman ko si Kevin na sumunod sa akin sa loob, hinawakan niya ang buhok ko
upang hindi mahulog sa lababo habang sumusuka ako.
Nang matapos ay nagmumog ako at lumingon sa repleksyon niya sa salamin.

Hinarap niya ako, pinunasan niya ang kaunting luha ko sa mata gamit ang likod ng
palad niya, parang may humaplos sa puso ko dahil sa simpleng galaw niya na iyon.

Dati ay balewala lang sa akin ngayon ay napapansin ko na lahat.

"Ay sus, ang baby ko naman pawis na pawis oh," biro niya pero seryoso ang mukha.

Napaismid ako sa sinabi niya, simula noong nag-friendly date kami, inaasar na niya
akong baby niya ako. Hindi ko alam, siguro dahil kinarga niya ako noon na parang
bata.

Hinawi ko ang kamay niya. "Ang baho sa canteen, nagugutom na ako," nanghihinang
sabi ko.

"Anong mabaho beb? Ang bango nga, nagluluto sila ng turon. Favorite mo 'yon."

Bigla akong natakam sa sinabi niya. "Gusto ko ng saging," sabi ko sa kanya.

"Edi mamaya sa bahay may—"


Kaagad akong umiling, ayoko 'yon. "Gusto ko ngayon ih, please Kev. Saging lang
ayokong turon."

Sandali niya akong tinitigan parang iniintindi niya ang sinabi ko. "Sige, tatanong
ko kung may saging silang hindi luto."

Napasimangot na ako dahil ang engot niyang utusan. "Hindi, bumili ka ng turon pero
'yong loob kakainin ko ayoko 'yong wrap."

"Edi hilaw na lang —"

"Kevin!"

"Oo na! G na g? Doon ka na lang sa bench, ako na bibili. Akin na pera mo." Inilahad
niya ang palad.

Ang kuripot talaga.

Nag-abot ako ng isang daan. "Hoy, sukli ko ha?"

"Oo akala mo naman lalamangan, sige na upo ka na roon."


Ginawa ko ang sinabi niya, may malapit na bench sa labas ng canteen. Wala naman
masyadong estudyanteng nakalabas dahil mag-aalas-dos na ng hapon, karaniwan ay nasa
klase.

Nang bumalik si Kevin ay dala-dala na niya ang turon, tig-lima kami pero ang sa
akin ay wala ng balat.

Lumawak ang ngiti ko dahil ang cute nilang tingnan, para silang hubad na saging.

Inilapag ni Kevin ang tubig sa lamesa, tahimik kaming kumain habang magkaharap sa
bench. Kumunot ang noo ko nang mapansing titig na titig siya sa sinusubo kong
saging.

"Gusto mo?" alok ko saka dumila sa kanya. "Asa, bili ka girl."

Natawa ako nang gigil na kinain niya ang sa kanya, ngumisi ako saka inunahan siyang
ubusin ang isang haba ng saging pero competitive si Kevin.

Nilunok niya nang buo ang isang turon. Nanlaki ang mata ko dahil deep throat iyon.

"Wala ka pala e," mayabang na sabi niya nang malunok ang turon niya.

Inismidan ko siya. "Sanay na sanay ah," biro ko. Sa loob-loob ko ay parang


bumibigat na.
Binato niya ako ng tissue. "Salahula, virgin ka pero bunganga mo pang menopause
na," asar niya habang ngising-ngisi.

"Virgin? Hindi mo sure." Humalakhak ako nang makitang nawala ang ngisi niya.

Hindi na talaga, may baby na nga e. Bigla ko tuloy naisip kung may experience na si
Kevin bago may nangyari sa amin, hindi ko matawag na aksidente ang nangyari kasi
hindi naman aksidente na shoot ang jumbo hotdog niya sa tinapay ko, sa monay ko.

"What do you mean?" tanong niya.

Hindi ko na siya sinagot dahil biglang may tumawag sa kanya.

Nang hapon na iyon ay sinabi niyang may pupuntahan siya at kakausapin, hinatid lang
niya ako sa bahay.

Pagkatapos kong magluto ng dinner namin ay aakyat na sana ako para gumawa ng lesson
plan pero nasa hagdanan pa lang ako ay tumunog na ang aking phone.

"Jude?" tanong ko sa tumawag.

Rinig ko ang hingal sa kabilang linya kaya kinabahan ako. "Hello Lisa? I'm so
sorry. G-Galit na galit si Kevin susugudin niya ang ex mo. Sorry, magkasama kami ni
Kevin, n-nagkasagutan kami tapos nabanggit kita a-at—"

Nanlaki ang mata ko. No way.

"Jude anong sinabi m-mo kay Kevin?!" Nataranta na ako.

"S-Sinabi kong buntis ka at ang ex mo ang ama. Sabi ko kasing magsama na kami na
ayusin namin pero sabi niya hindi na t-tapos wala ka raw kasama kung bumalik siya
k-kaya nasabi ko iyon Lisa. Sorry. N-Nasabi kong nabuntis ka ng ex mo, 'yong
sumundo sa'yo? S-Sabi kong magiging ayos ka lang kasi may baby na kayo!" mabilis na
kwento niya.

Natulala pa ako sandali, laglag ang panga.

"H-Hinahabol ko siya ngayon! Nasa kotse ako, papunta siya roon sa ex mo! Lisa,
galit na galit siya! Oh my God! He's over speeding!" sigaw niya bago mawala sa
kabilang linya.

Mabilis akong nagsuot ng jacket at lumabas ng bahay para pumunta kila Terron dahil
papunta na roon si Kevin.

Shit! Malaking gulo, kapag nagpang-abot sila.

Ano ba naman 'tong si Jude!


Mabuti na lang ay kagaad akong nakasakay sa tricycle at nakapunta sa bahay nila
Terron, sa apartment nila.

Mas lalo akong kinabahan ng makitang nandoon na ang kotse ni Kevin at Jude, basta
nakaparada lang sa gitna ng parking lot.

Malalaking hakbang ang ginawa ko, habang nasa elevator ay pinagdadasal kong wala na
sanang masabi si Jude o si Terron.

Mas lalo lang lumalala.

Nang saktong bukas nang elevator ay naabutan ko sila sa hallway, hawak-hawak ni


Kevin ang kwelyo ni Terron, umiiyak na ang asawa ni Terron habang pilit inalalayo
ni Jude ang dalawa.

Malalaki ang aking hakbang na lumapit, palakas nang palakas ang kabog ng puso ko.

"Gago ka! May asawa ka ng tao, wala ka bang hiya sa katawan? Gagawin mo rin kay
Lisa 'yong ginawa ng Kuya mo kay Sascha ha! Gagawin mo rin kabit! Putangina mo De
Vega!" malakas na sigaw ni Kevin.

Kitang-kita ko ang paggalaw ng kanyang panga, bahagyanga nanginginig ang kamay.

"K-Kevin tama na 'yan," awat ni Jude.


"A-Ano bang nangyayari? Bitawan mo ang asawa ko!" sigaw ng asawa ni Terron.

Nangilid ang luha ko dahil pati sila ay nadadamay sa kagagahan ko.

"What the hell are you talking about, Rowan?! Bitawan mo ako, wala kang alam!"
balik na sigaw ni Terron umambang susuntok din.

Mabilis akong lumapit ay pumagitna na sa kanila. Hinawakan ko ang braso ni Kevin,


nagngingitngit sa galit, madilim ang mukha.

"K-Kevin..."

Mas lalo siyang nagalit nang makita ang luha ko, bumaba ang tingin niya sa tiyan ko
bago bumalik kay Terron.

"Buntis si Lisa at ikaw ang ama, gago ka!" Kevin shouted, dinuro pa niya si Terron.

Laglag ang panga ni Terron na kaagad lumingon sa asawa niya at umiling animong
nagpapaliwanag. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya habang nakatingin sa akin, mas
lalo akong nahabag dahil nadadamay silang mag-asawa.

"T-Totoo ba, Lisa?" tanong ng asawa ni Terron, puno ng puot at inggit ang boses.
"Yes I'm pregnant." Mas lalong napahagulgol ang asawa ni Terron, malutong na
napamura si Kevin habang si Jude ay tahimik sa gilid. "But N-No, h-he's not the
father."

Gulat silang napalingon sa akin maliban kay Terron na hawak ang gilid ng labi,
mukhang nasuntok na siya ni Kevin bago pa ako dumating.

Unti-unti nang bumuhos ang aking luha, may pagdududa ang tingin ng asawa ni Terron.
Hawak siya ni Terron sa braso, animong natatakot siyang bitawan. Nanlalaki ang mata
ni Jude, alam ko... dahil iyon ang naisip niya dahil nandoon siya noon.

Nagsalubong ang kilay ni Kevin.

Napahikbi na ako.

"L-Lisa..." tawag niya sa akin, may banta.

Nagtama ang aming mata, umagos ang luha sa aking mukha. "I-I'm pregnant... with
your child Kevin. Nabuntis mo ako."

_____________________
#pahug :<

Kabanata 21 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 21:

Matagal akong tinitigan ni Kevin, naghihintay ako ng reaksyon sa kanyang mukha.


Maybe he won't believe me, maybe he will deny the baby and I'm scared, terrified.
Sinabi ko noon na ayos lang pero ngayon na sinabi ko na sa mismong harapan niya,
nakakaduwag pala.

Pakiramdam ko ba ay ako ang may kasalanan ng lahat ng iyon, lasing na siya no'n.
Ako ang mas maayos pa ang lagay, dapat ako ang nagpigil. Dapat hindi ko na siya
hinayaan mas uminom pa.

"H-Hindi totoo 'yan, Lisa. He's gay. Kevin is gay! Don't use Kevin, come on!" Jude
claimed.

I squeezed my eyes shut. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero alam kong
nasasaktan si Jude at mas masasaktan siya kapag nalaman niyang si Kevin talaga,
wala akong ibang lalaking nakasama sa kama.

Naiipit ako sa gitna.

Terron chuckled. "His body is still a man, he still has semen and a penis, Jude,"
he said in sarcastic tone.
Hindi iyon nakakatulong, mas uminit ang tensyon. Hilam pa rin ang luha ko habang
nakatingin kay Kevin, reaksyon niya ang hinihintay ko.

Kevin froze infront of me for a moment like he was processing the information.
Kumunot ang noo niya bago bumaba ang tingin sa tiyan ko para bang nakikita na niya
roon ang baby ko.

"Daddy na ako," he whispered to himself. Para bang sinabi niya iyon dahil hindi pa
tuluyan napo-proseso ng utak niya.

Marahan akong tumango at napayuko na lang nang makita ang gulat at pagkasuklam sa
mata ni Jude, like I betrayed him.

Nag-walk out si Jude, tinapik ni Terron ang balikat ko. "Umuwi na kayo, sa bahay na
kayo mag-usap. Papasok na kami, my wife needs a rest too," sabi ni Terron. Hindi ko
siya nilingon, naramdaman kong pumasok na sila sa bahay nila, may sinasabi pa siya
sa asawa niya hanggang tuluyan ko na silang hindi narinig kaya naiwan kaming dalawa
ni Kevin.

Parang hindi na siya humihinga, natatakot akong hawakan siya habang tulala siya sa
aking tiyan.

"K-Kevin magsalita ka naman..."

He gasped and blinked. "I-I don't know what to say..." he trailed off.
Sumikip ang dibdib ko, kung gano'n ay hindi ba siya naniniwala? Ayaw niya sa baby?

"But I know you're not going to lie about that important thing... alam ko, baby ko
'yan," mahinang sabi niya.

Napasinghap ako nang dahan-dahan siyang lumapit at mahigpit akong niyakap.


Napapikit ako dahil doon at nanatiling deretsyong nakatayo habang yakap-yakap niya
ako. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso, hindi ko alam kung sa akin o sa kanya
iyon.

"Pananagutan ko, Lisa. Papalakihin natin ang bata na magkasama, walang magbabago,"
Kevin assured me.

Bumagsak ulit ang aking luha dahil sa sinabi niya, alam kong madaming mababago.
Hindi na 'to basta-basta bagay lang na paghahatian namin at aalagan. Bata na 'to.

"K-Kaya ba natin? Hindi ka ba galit? Hindi mo ba tatanungin kung kailan nangyari?"


I demanded. Hindi man lang ba siya magtatanong? Hindi ba niya ako sisigawan o
sisisihin.

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang magkabila kong balikat, bahagyang namumula
ang kanyang mata. His was fighting back his tears.

"Ang totoo, naaalala ko 'yong umaga. Sa elavator, parang ikaw ang kasama ko pero
hindi ko gano'n matandaan. Nang magising ako noong umaga, nakita kita... palabas
na. Kilalang-kilala ko ang likod mo kaya alam kong ikaw 'yon. I know... may
nangyari, hinintay kitang magsabi dahil natatakot akong baka galit ka, baka
nabastos kita, baka isipin mong..." Mariin siyang pumikit. "Nang sabihin sa akin ni
Jude ang nangyari noong nakaraan, h-hindi ko na naisip 'yong sa atin. Naisip ko
kaagad na baka... baka may nangyari rin sainyo ni Terron para kalimutan 'yong—"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya, kinagat niya ang ibabang labi.

Umawang ang aking labi ng tuluyan nang bumagsak ang luha niya sa mata. "I'm sorry.
Kasalanan ko rin, pero hindi na natin maibabalik. Please, h-huwag mong ipagkait ang
mundo sa anak ko... Lisa. Hindi kita mapapatawad kapag balakan mo ulit ng gano'n
ang baby ko, hindi ko na alam," may bantang sabi niya habang umiiling, mas pumula
ang mata.

Tumango ako. Hindi na talaga.

Nanginig ang aking ibabang labi, nahihirapan akong huminga dahil sa luha. Alam kong
padalos-dalos ako noon, hindi ko iyon sinasadya at naiintindihan ko kung magalit
siya pero sana maintindihan din niya ako.

Natatakot ako, naiipit sa ganitong sitwasyon.

Bumaba na lang ang tingin ko sa kalsada, suminghap si Kevin saka ginulo ang buhok
ko.

"Mommy ka na... you'll be a good and best mother Lisa. Alam ko." Tumango ako at
tipid na ngumiti.

Hindi ko alam kung paano kami magsisimula, paano maging mabuting ina? Kung ako
mismo hindi naranasan ang bagay na 'yon.

Natatakot akong baka hindi ko maibigay ang bagay na deserve ng anak ko.
***

"Lisa, look! Bilhin natin 'yon," masayang sabi ni Kevin habang tinuturo ang
pangbatang bike sa Mall. Kasalukuyan kaming bumibili ng groceries para sa buong
linggo.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang malaman niya, napansin ko ang pagbabago
niya, mukhang mas excited pa siya.

"Kevin... hindi naman paglabas ng baby magbi-bike kaagad. Taon pa lilipas baka
kalawangin na 'yan, hindi muna tayo bibiling ganyan. Ang advance," natatawang sabi
ko habang nakahawak sa braso niya.

Kevin groaned. "Ang tagal niyang lumabas. Gusto ko na siyang lumabas tapos
maglalaro kami, ibibili ko siyang mga laruan na gusto niya 'yong mga hindi ko
nabili noon," excited na sabi niya kaya hindi ko maiwasan hindi mapangisi.

"Baka kapag lumabas na umangal ka, mabilis lumaki ang mga bata. Magugulat ka na
lang hindi na uuwi sa bahay," I laughed.

Hinawakan ko ang aking tiyan, hindi pa masyadong malaki. Lumiko kami sa isang
stool, si Kevin ang namimili dahil may mas alam siya sa kusina kaysa sa akin.
Binabasa niya ang mga nasa likod bago bilhin samantalang ako basta lagay lang nang
lagay.

"Dapat masusustansya na kakain mo," bulong niya habang binabasa ang ingredients ng
isang pack ng biscuits.
Habang nasa gano'n kami ay hindi ko maiwasan maisip ang isang bagay. "K-Kailan
natin sasabihin sa mga magulang natin, Kev?" mahinang tanong ko.

Alam ko, tinanggap namin ang responsibilidad. We're old and matured for this, we
can take this responsibility but they're our parents. Karapatan pa rin nilang
malaman ang nga nangyayari sa amin.

Nakita kong natigilan si Kevin, ayaw ba niyang ipaalam?

Tumikhim siya saka ngumiti. "Kuha lang tayong tyempo," sabi niya.

Tumango ako sa sinabi niya, matagal pa naman bago lumaki ang tiyan ko pero lalabas
at lalabas pa rin at wala akong balak itago maski sa mga kamag-anak ko.

Nang makarating kami sa cashier ay mag-aabot ako ng pera sa kanya katulad ng


nakasanayan namin pero umiling siya. Ituro niya ang upuan sa gilid. "Umupo ka muna
roon, matagal 'to baka mangawit ka. Ako na magbabayad."

Pinigilan kong mangiti saka tumango na lang at umupo, pinanuod ko siyang nasa
counter. Ang puti niya, 'yong hita niya may kaunting buhok pero maputi pa rin.

May sinabi ang cashier kay Kevin, tumango si Kevin saka ngumiti at nilingon ako
kaya kumunot ang aking noo.
Anong pinag-uusapan nila? Ba't ngingiti-ngiti 'tong baklang 'to?

Kaagad kong sinuway ang isang parte sa isip ko. Hindi ko dapat maramdaman ang
selos, wala naman kaming relasyon. Parehas lang namin tinanggap ang bata, pero
hindi naman ibig sabihin no'n ay kailangan namin pumasok sa relasyon. Tingin ko
mapupunan namin ang pangangailangan ng anak namin kahit walang gano'n.

Nang makauwi kami sa bahay ay may tumawag sa kanya, sinabi niyang si Mama niya iyon
at pinapapunta siya sa bahay.

"Ayos ka lang, ikaw lang mag-isa rito? Gusto mo i-text ko si Nade, beb?" tanong
niya, nakaupo ako sa kama niya habang nagsusuot siya ng sapatos.

Ngumiti ako saka umiling.

"Hindi na, ano ka ba? Para naman any time manganganak na ako ang layo pa huwag kang
atat Sir Rowan." I teased him.

Kevin lips turned up. "Nagsu-sure lang ako, Ma'am Montero."

Inismidan ko siya, hinatid ko pa siya sa labas bago isara ang pintuan. Hindi ko
naman natanong kung anong problema sa kanila dahil magsasabi naman siya kapag gusto
niya, kapag ready na siya.

Habang nanunuod ng tv ay may nag-door bell kaya kumunot ang aking noo.
Wala naman kaming inaasahan na bisita.

Nahigit ko ang aking hininga nang makita ang lalaki sa labas ng pintuan. "J-
Jude..."

Kinabahan ako, may dalang basket ng prutas si Jude habang may ngiti sa labi. Wala
akong mabakas na galit o ano man katulad ng huli namin pagkikita kaya mas natakot
ako.

"Hm, pwede bang pumasok?" Nakangiting sabi niya, dahan-dahan kong niluwagan ang
bukas ng pintuan.

Nakakahiya naman kung papaalisin ko siya.

"U-Upo ka muna Jude, wala si K-Kevin e. Uh, gusto mo bang juice?"

Umupo siya sa sofa, hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsulyap niya sa tiyan ko
bago ngumiti.

"Tubig lang, Lisa."

Mabilis ko siyang binigyan ng malamig na tubig, nang makabalik ako sa sala ay


naabutan ko siyang tinitingnan ang mga picture namin ni Kevin na naka-frame.

"Thank you," aniya pagkalapag ko ng tubig.

Umupo ako sa katapan niyang sofa, hindi ko alam kung paano ko siya papakitunguhan.
Alam kong mahal na mahal niya si Kevin, siguro ay pakiramdam niya ay inagaw ko sa
kanya si Kevin at maiintindihan ko kung magagalit siya.

"Wala naman 'tong lason?" Jude chuckled. Hindi ako natawa sa biro niya, uminom pa
rin naman siya. "Sorry wala na kasi akong tiwala," komento niya.

Pakiramdam ko ay umiinit ang hangin sa pagitan namin.

Umupo siya nang maayos saka ako tinitigan. "Lisa umamin ka nga, gusto mo na talaga
si Kevin simula noon hindi ba? Maybe you planned everything, baka sinamantala mong
lasing siya. Sinamantala mong hiwalay kami," madiin sabi niya habang may nang-aasar
na ngisi sa labi.

Para akong sinampal sa sinabi niya. "Wala akong balak ng ganyan, Jude."

Humalakhak siya. "Hindi mo itinangging gusto mo siya? I trusted you Lisa.


Magkakabalikan pa kami ni K-Kevin... parang cool off lang kami pero alam ko babalik
siya sa akin pero heto ka't sinira ang lahat," tumaas na ang kanyang boses.

Sumikip ang dibdib ko at palihim na naikuyom ang palad dahil ramdam ko ang sakit sa
kanyang boses.
"I-Im sorry, Jude. Alam ko kahit anong sorry ko hindi namin maibabalik. W-Wala
kaming relasyon, kung gusto niyang bumalik ay babalik pa rin siya sa'yo at hindi ko
siya pipigilan." Parang may bumara sa aking lalamunan nang sabihin ko iyon.

Yumuko si Jude, unti-unting namula ang mata.

"You're the girl he told me not to worry about, Lisa. He refused and told me I had
nothing to worry about. For eight fucking years Lisa... He kept repeating that I
was being paranoid. That you're his bestfriend. Just friend. Yes. I cheated
physically but he was emotionally cheating on me for eight years. Buong relasyon
namin pakiramdam ko display lang ako, sobra ko siyang minahal, nilaban namin 'yong
relasyon na ito alam mo iyan Lisa. Hindi ko hahayaan na mawala 'to ng ganito
lang..." Tumigil siya sandali puno ng luha ang mata, humikbi ako dahil sa sobrang
sakit ng aking dibdib.

"Kahit ano gagawin ko para bumalik siya... I'm just here to warning you. That's a
warning, Lisa. I won't give up Kevin easily, even it means I need to hurt you,"
blankong sabi niya bago mabilis umalis.

Binalot ako ng takot, love is dangerous thing. I'm scared.

__________________________

Kabanata 22 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 22:
NANG magdalawang buwan ang aking tiyan ay mas lalong naging maingat si Kevin, para
bang ano mang oras ay pwede ng lumabas ang bata.

Kung minsan ay natatawa ako, minsan ay hindi na nakakatuwa dahil maya-maya ay


sumisilip siya sa room. Nadi-distract na ang ibang estudyante sa padaan-daan niya
sa harap ng room.

"Kev naman, ayos lang ako. Bumalik ka na roon sa room mo, mapapagalitan tayo ng
Principal nyan sa ginagawa mo." Bahagya ko siyang tinulak paalis dahil
pinagtitinginan na kami.

Kahit ang ibang teacher sa ibang room ay napapalingon na.

Kakasilip niya lang kanina, wala pang sampong minuto. Masiyado siyang kabado.

"Oo na, sige na. Huwag kang magbubuhat ng mga libro ha? Pabuhat mo na lang sa mga
estudyante mo," bilin niya mabilis akong tumango para lang umalis siya.

Nakakahiya 'to.

Pinitik niya ang aking noo bago tumalikod, napanguso ako nang may sinabi pa siya sa
isang estudyante ko. Parang pinagsasabihan niyang dalhin ang mga gamit ko mamaya.
Napaka oa niya, dalawang buwan pa lang naman ang tiyan ko kaya ko pa naman, hindi
pa nga malaki dahil payat lang din ako, hindi masyadong kita.

Papasok na sana ako sa room nang dumaan si Nade, suot niya ang kanyang salamin.
Mukha siyang masungit, hindi siya huminto pero narinig ko ang bulong niya.

"Hulog na hulog," she whispered.

Kumunot ang noo ko saka sinundan siya ng tingin, hulog? Sino? Ang weird talaga niya
kaya hindi siya crush ng crush niya e.

Natapos ang morning class ko nang gano'n. Nang tanghalian ay naabutan kong nasa
table ko na si Kevin, inaayos ang pagkain namin.

Simula noong nalaman niya ay nagbabaon na kami ng lunch, mas gusto raw niyang siya
ang magluto para mas safe at alam niya ang ingredients. Gano'n siya ka-hands down
sa pagbubuntis ko, siguro kung pwede lang niya kunin ang bata at siya ang magbuntis
ay ginawa na ng bakla.

Hindi ko maiwasan matuwa, hindi ko inaasahan na ganito siya.

"Ma'am swerte mo naman," komento ng isang teacher, medyo matanda sa amin.

Ngumiti ako bago ilapag ang class record at chalk box. "Oo nga po, Ma'am."
Tinukso pa nila kami, si Nade naman ay tahimik lang sa kabilang lamesa. May kausap
na naman sa cellphone, pakiramdam ko tuloy ay may sugar daddy siyang tinatago niya.
Tuwing break ay lagi siyang may katawagan, hindi naman siya masyadong open sa amin
pero kaibigan namin siya hindi lang halata.

Hindi ko maiwasan mapangiti, speaking of friend. Daryl and Sascha, our college,
babalik na sila rito sa Pilipinas sa susunod sa araw. For good.

Nag-email si Daryl sa akin noong nakaraan hindi ko pa lang nasasabi kay Nade.

Excited na akong makita sila.

"Huy, okay ka lang?" Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang pumitik sa harapan
ko si Kevin. Pinaghila niya ako ng upuan.

Tumango ako at saka umupo na. Ang bango ng niluto niyang nilaga, nakakaiyak.

"Nade kain," aya ko kay Nade, tumango lang siya saka ngumiti tinuro ang kausap sa
phone kaya tumango ako.

Bumaba ang tingin ko sa pagkain. "Ang bango naman nito," komento ko.

The corner of his lips quirked up. "Kumain ka nang madami... dalawa kayo," he
reminded me.
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya, kahit naman hindi niya sabihin ay kakain
talaga ako nang madami. Malakas akong magutom, pakiramdam ko nga ay tataba na ako.

Habang kumakain ay naramdaman kong hinimas ni Kevin ang likod ko, tinitingnan kung
pawis.

Hinayaan ko siya, nanatili roon ang kamay niya habang kumakain kami. Kinuha niya
ang mapaypay ko at nagsimulang magpaypay sa akin habang kumakain kami, may electric
fan naman pero initin talaga ako ngayon.

Iba ang singaw ng katawan ko, madaling pagpawisan. Halos hirap akong lumunok dahil
sa kakaibang pakiramdam ng simpleng galaw niya.

Nilingon ko siya, nahihirapan tuloy siyang kumain dahil isang kamay lang ang gamit
niya.

Hindi niya magamit ang tinidor paghiwa ng baboy kaya malakas akong
bumuntonghininga, pinaghiwa ko siya habang hindi naman niya tinigil ang pagpaypay.

"Ahh," sabi niya saka binukas ang bibig.

Inirapan ko siya pero sinubuan din. Nilagyan niya ng kanin ang kutsara niya at ulam
at inilapit sa bibig ko, bahagya pa aking napa-atras dahil sa biglang galaw niya.
"Beb, isubo mo," utos niya.

Wala akong nagawa at isinubo iyon, nakakahiya pa naman sa ibang teacher na


pakiramdam ko ay pinapanuod kami.

"Masarap?" tanong niya nang matapos kaming kumain, mukhang mas marami siyang kumain

Napaubo ako sa biglang tanong niya natapon tuloy ang tubig sa blouse ko, kaagad ko
iyon pinunasan, inabutan niya ako ng tissue habang kunot ang noo niya

"Basa ka na tuloy."

"A-Ah, masarap 'yong pagkain. Salamat." Tumango ako at binigyan siya ng chef's
kiss. Natawa siya saka sinapo iyon.

Nang hapon na iyon ay isa lang ang klase ko habang tatlo ang kay Kevin kaya
tumambay lang ako sa faculty, natulog.

Nang magising ako ay inabala ko na ang sarili sa cellphone.

From: Papa

Kumusta ka na anak? Miss ko na kayo.

Nasa barko ako ngayon anak. Kapag nakauwi ako dadalawin ko kayo, sorry anak.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang mensahe ni Papa. Mabilis akong nag-reply sa
kanya na ayos lang at naiintindihan ko ang trabaho niya.

Natigil ako sa pag-scroll sa fb nang makita ang post ni Jude, friend ko pa rin siya
sa fb at wala naman akong balak i-unfriend siya. Hindi rin naman ako madalas mag-
online.

Kagabi ay may post si Jude na picture, mukhang sa loob ng isang bar tapos ang isang
post niya ay words lang.

I'll keep my mouth shut for now. ߤ

Kumunot ang noo dahil sa post niyang iyon, walang picture at tanging iyon lang.
What is that? Tungkol saan iyan?

Hindi ko maiwasan ang huli namin pag-uusap. Sa lumipas na hindi ko na nakita o


nakausap pa, iniisip ko na lang na baka... baka wala naman talaga intensyon na kung
ano si Jude, baka naman sobrang nasaktan lang siya.

Mabait naman siya.

***
Nang gabi na 'yon ay hindi kaagad ako nakatulog, dilat lang ako. Inis na bumangon
ako at para pumunta sa kusina, magtitimpla na lang ako ng gatas baka makatulog ako
kapag nabusog ako.

Habang nasa hagdanan ay tumunog ang aking cellphone, sinagot ko iyon nang makitang
si Terron iyon.

"Hello, Terron?" mahinang tanong ko, bakit tumatawag pa siya na ganitong oras.

Kaagad kumunot ang noo ko nang marinig ang mabigat na paghinga ni Terron. Tumigil
ako sa paglakad nang tuluyan akong makababa sa hagdanan at hinintay siyang sumagot.

"Lisa... my w-wife left me," his voice cracked. Para siyang batang nagsusumbong sa
akin.

Napalunok at kinabahan ako. Dahan-dahan akong umupo sa sofa sa sala, medyo madilim
na ang paligid.

"Ano? Ano bang nangyari? May ginawa ka bang mali?" nataranta na ako, baka ako ang
dahilan.

Suminghap siya, halatang problemado. "Sabi siya magfi-file na siya ng annulment,


sinukuan na niya ako." Doon ko napansin na lasing siya.

"Anong ginawa mo? Hindi mo man lang pinigilan? Terron naman. Bakit mo ginaganyan
ang relasyon niyo?" mahinang singhal ko sa kanya. Bigla akong natauhan. "Oh, hindi
ba sabi mo naman hindi mo siya mahal, e bakit ka mukhang namomroblema diyan?"
Hindi siya nakapagsalita, napailing ako dahil mukhang hanggang ngayon ay in denial
pa rin siya.

"Hindi mo naman siya gusto, so ayos lang kung maghiwalay kayo tapos sasama siya sa
ibang lalaki? Okay lang kung iba ang humalik sa kanya, can you imagine her having
wild sex withТ"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang patayin niya ang tawag kaya mahina akong
natawa.

I hope Terron will realize his feelings, like how I accepted mine.

"Sino 'yon?"

Napalingon ako sa kusina nang may magsalita, kumunot ang makitang lasing si Kevin.
Itsura pa lang niya ay alam ko ng nakainom siya, dahil maputi siya ay kapag
nakainom ay namumula ang mukha niya.

Hindi ako nakasagot, lumapit siya sa akin at huminto sa mismong harapan ko.

"Sino 'yon?" Umupo siya sa center table sa aking harapan.


Napalunok ako, nalanghap ko ang amoy ng mamahaling alak. "B-Bakit ka ba uminom? May
problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

Hindi siya nagsalita, tinitigan niya lang ako.

Inalis ko ang ilang hibla ng buhok sa kanyang noo, mukhang medyo madami na ang
nainom niya. Ano bang problema niya?

"H-Huwag kang makipag-usap sa ex mo..." mahinang sabi niya.

Suminghap ako nang mapansin ang pwesto namin. Sobrang lapit ng aming mukha sa isa't
isa, bahagya akong lumayo pero hinawakan na niya ang aking pulso.

"Kevin!" Nataranta ako, bigla kong naalala ang huling beses na nalasing siya.

"N-Nagseselos ako, Lisa. Seloso ako. Ayokong may ibang lalaking kumakausap sayo."
His eyes dropped to my lips. "Natatakot akong piliin mo ang iba, katulad ng pagpili
ko sa iba noon kaysa sayo. Natatakot akong baka gantihan mo ako, sorry." Mariin
siyang pumikit.

I gulped and pushed him a little.

"I've been so stupid."


Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib, dahil sa lalim ng titig niya. Ano bang
sinasabi niya? Bakit siya magseselos?

"K-Kevin lumayo ka, lasing ka," my voice trembled.

"I'm not drunk," he chuckled. Kumurap-kurap siya saka umiling. "Naiipit ako sa
sitwasyon, Lisa hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko na alam," mahinang sabi niya
saka umiling.

Suminghap siya, hinimas ang aking baba kaya bahagyang umawang aking labi. Para
akong kakapusin nang hininga nang unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa akin.

Kinilabutan ako, para akong nakuryente sa hawak niya at pakiramdam ko ay naramdaman


din niya iyon.

"Kev..."

My chest felt so heavy.

"I want to kiss you," he informed me.

Tumama ang mainit niyang hininga sa aking labi, napahawak na lang ako sa balikat
niya at mariin napapikit nang lumapat ang malambit niyang labi sa akin.
Nahihirapan akong huminga sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko, hindi ko mapigilan
maluha. Hindi ko alam kung bakit, kung nakatayo ako ay baka napaluhod na ako sa
sobrang panghihina ng tuhod ko.

Humigpit ang hawak ko sa balikat niya nang hawakan niya ang aking panga upang mas
palalimin ang halik, ang dampi ng labi niya ay unti-unting gumalaw kaya mahina
akong napadaing.

We began to breathe heavily. I could feel warmth. I kissed him back.

Tumayo siya pero hindi pa rin pinaghihiwalay ang labi namin, bahagya akong
nakatingala sa kanya habang ginagantihan ang mapusok na halik niya.

Kevin entered his tongue inside my mouth, I groaned when he sucked my tongue.

Kevin cupped my face, caressing my wet cheek.

"The first time I saw you, I fell in love with you. I'm in love with you for almost
fifteen years, baby," he confessed, resting his forehead on mine.

__________________________

Kabanata 23 [Teach Me Back (Teach Series #...]


Warning ߔ

Kabanata 23:

Hinilot ko ang aking ulo at pasalampak na naupo sa sofa, kagagaling lang namin sa
bahay nila Daryl at Sascha. I still can't believe they're married, with a twin.

Mukhang masaya naman sila, sa totoo lang ay team Travis ako, ayoko kay Daryl. Hindi
sila bagay pero anong magagawa ko e buhay naman nila iyon. Mahirap pigilan ang
nararamdaman.

"Beb, tubig?" Tumingala ako kay Kev nang maglapag siya nang tubig, siya ang nag-
drive pero mas mukhang pagod pa ako.

Umupo siya sa kabilang side ng sofa at‫ ނ‬kinuha ang paa ko, ngumisi ako nang simulan
niyang masasahihin ang aking paa.

Noon pa naman ginagawa na namin ito, kapag pagod kami. Minsan ako naman ang
nagmamasahe sa kanya pero iba lang ngayon dahil alam kong ginagawa niya ito dahil
buntis ako.

"Ganda ng girlfriend ko," biro ko sa kanya pagkaraan ng ilang sandali.

Inirapan niya ako saka mahinang kinurot ang paa ko kaya hindi ko maiwasan mas
matawa.

May label na kami.

Ang totoo, pinilit lang ako ng baklang 'to. Pagkatapos niyang umamin nagustuhan na
niya ako simula noon ay ina-announce niyang magkasintahan na kami, gano'n lang.
Wala na akong choice, simula no'n inaasar ko na siya na siya 'yong girlfriend at
ako ang boyfriend.

"Kevs, anong gusto mong itawang sa'yo ng baby natin kapag lumabas na?" tanong ko sa
kanya, mas sumandal ako sa sofa.

Bahagyang iniikot-ikot ang paa ko, mainit at malambot ang palad niya. Alagang
lotion.

His eyes sparkled. "Hm, gusto ko Papu, tapos sa'yo Mamu."

Sumimangot ako. "Bakit naman ikaw mamimili pati ng tawag sa akin? Ako na bahala sa
akin."

"Ano bang gusto mo? Para nga partner e," dahilan niya.

"Mare, gusto ko tawagin niya akong mare. Para kapag hihingi ng dede sasabihin
niyang Mare pa-dede." Humalakhak ako sa sariling korning joke ko.
Umiling si Kevin, tumaas ang sulok ng labi niya animong pinipigilan ang tawa kaya
tinusok ko siya sa tagiliran. Doon ko napansin na matigas ang tiyan niya,
kakatambay sa gym.

Nanlalaki roon noon.

Sandali akong natahimik bago magtanong, ang isang paa ko naman ang minamasahe niya
hanggang hita.

"P-Pero bakla ka talaga hindi ba, beb? I mean... ano ba? Kasi naging kayo ni Jude,
minahal mo naman si Jude hindi ba?" buong kuryosidad na tanong ko.

Parang ako kay Terron, o parang napunta lang ang atensyon namin sa iba.

Kevin sighed. "Bisexual ako, nagkakagusto sa lalaki at babae." Tumaas ang sulok ng
labi niya. "Mas lamang na ata ang babae ngayon," dagdag pa niya.

Napaismid ako.

"Feeling ko buttom ka, kasi noong college ang lantod mo. Naalala mo noong unang
pasok ni Daryl sabi mo daks siya." Pinandilatan ko siya ng mata.

Humalakhak si Kevin, ibinaba na niya ang paa ko saka ako niyakap sa beywang,
pagkaharap kami sa mahabang sofa.
"Hm, both ako. Top or buttom. Kahit saan. Honestly high school hanggang college
alam ko sa sarili kong straight gay ako, lalaki talaga gusto ko ang kaso inakit mo
ako," he accused me, napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

Inalis ko ang yakap niya pero binalik niya rin.

"Hoy, anong inakit?! Wala akong ginagawa sayo," tanggi ko.

Isinandal niya ang ulo sa sandalan ng sofa, nanatiling nakatingin pa rin sa akin.
"Hindi ko rin alam, nakakalito kasi itinanim ko na sa isip kong bakla ako. Sa
lalaki ako attracted. Naaalala mo ba 'yong sumayaw tayo?"

Inosenteng tumango ako, paano ko makakalimutan hanggang ngayon may sama ng loob pa
rin ako kay Pol.

"Nagandahan na talaga ako sa'yo no'ng high school, kaya nga kita kinaibigan hindi
ako nakikipagkaibigan sa panget," sabi niya saka natawa. "Pero noong college, no'ng
sumayaw na tayo. Doon ako nalito kasi... hmm paano ba ipapaliwanag? Hmm, na-arouse
ako."

Hinampas ko siya braso. "Anong arouse, gagi tinigasan ka?" gulat na sabi ko.

Kevin nibbled his lower lip before nodding. "Parang gano'n na nga, pinigilan ko
naman beb! Pramis peksman. Tapos ayon naisip kong na-attract din pala ako sa babae,
o sayo lang? Kasi hindi naman sa iba e," parang naguguluhan sabi niya.
Tumango, naiintindihan ko naman iyon.

"So parang ginamit mo si J-Jude? Ang sama mo," komento ko, hindi ko maiwasan.

Sinapo ni Kevin ang dibdib, animong nagbibiro bago hawakan ang kamay ko.
Pinaglaruan niya iyon. "Sinabi ko naman sa'yo, mali ang simula namin. Minahal ko na
rin naman si Jude kaya nga n-noong nag-confess ka sa akin noon pinili ko siya kasi
minahal ko na rin siya at naisip kong katulad ko ay naguluhan ka lang din,"
mahinang sabi niya.

Ini-angat niya ang kamay ko at hinalikan, parang may humaplos sa puso ko sa


simpleng galaw na iyon.

"I feel bad for Jude, p-paano kapag dumating ang araw na magkagusto ka ulit sa
lalaki..." pag-aamin ko.

Napatitig ako sa kamay namin na magkasaklob. "Don't be. Maayos ang break up namin,
hindi pa lang niya matanggap na wala na talaga. And about liking someone? Hindi
gano'n kababaw ang pagmamahal ko sa'yo, Lisa. Hulog na hulog na nga ako, hindi ko
na nga alam paano ako aahon."

Tiningnan ko siya sa mata, kasabay nang kabog ng dibdib ko. "B-Baka mahal mo pa
siya, Kev. Baka sinasabi mo lang gusto mo ako, na mahal mo ako kasi may baby na
tayo. Please kung dahil doon huwag""

Napatigil ako at nanlaki ang mata nang dampian niya ng halik ang aking labi.
"I love you," he whispered.

Napakurap-kurap ako, hindi kaagad nakapagsalita. Parang nalunok ko na ang dila ko


habang nakatingin kay Kev, humalakhak siya nang makita ang reaksyon ko.

"Sus, keleg yern?" asar niya sabay kurot sa pisngi ko, pabirong inirapan ko siya
saka umalis sa sofa para pumunta sa kusina.

Bumuga ako nang hangin sa sobrang kaba, hindi pa rin ako sanay. Jusko.

Narinig ko pa ang pagtawa niya bago ako tuluyan makapasok sa kusina.

**

NANG gabing iyon ay hindi kaagad ako nakatulog, pabaling-baling ako sa higaan.
Napagpasyahan kong lumabas ng kwarto dala ang aking phone, dapat ay bababa ako ng
kusina pero natagpuan ko na lang ang sarili ko sa harap ng kwarto ni Kevin, kumatok
ako.

Inayos ko ang suot kong night dress.

"Kev? Kev!"
Matagal bago niya buksan, tumambad sa akin si Kev na nagpupunas ng buhok, mukhang
kakatapos lang maligo. Hindi ko maiwasan pasadahan niya ng tingin, kinagat ko ang
aking labi dahil naka-boxer lang siya, noon ay normal lang pero ewan ko bakit iba
ang naramdaman ko ngayon.

Dala ba ng pagbubuntis? Hindi ko alam.

"Beb, ayos ka lang ba? May masakit?" kaagad tanong niya, nakita kong pinasadahan
niya ako ng tingin.

Tumikhim ako at sumilip sa kwarto niya. Kahit naman may label na kami ay sa kanya-
kanyang kwarto pa rin kami natutulog. "H-Hindi ako makatulog, Kev. Dyan muna ako
please?" Nagpa-cute pa ako sa kanya.

Naningkit ang mata niya bago niluwagan ang pintuan, lumawak ang ngiti ko saka
patalon na nahiga sa kama niya, kaagad akong suminghot dahil ang bango no'n.

"May tinatapos akong powerpoint, may meeting ako bukas," imporma niya sa akin na
para bang sinasabi niyang hindi niya ako madadaldal.

Tumango ako saka niyakap ang isa niyang unan. Pinanuod ko siyang magsuot ng shirt
na puti, bago umupo sa study table niya roon.

Napanguso ako dahil hindi niya talaga ako dadaldalin.


Inabala ko na lang ang sarili ko sa facebook habang may ginagawa siya, baka mamaya
ay antukin na ako.

"Beb, kilala mo 'yong kaklase natin si Mae noong third year? 'Yong mataba?"

Kevin hummed.

"Ang payat na niya ngayon oh, tapos may jowang kano, sana all," chika ko sa kanya.

Tumango siya, nilingon ko siya. May tina-type na siya. Bumuntonghininga ako, ang
busy naman boyfriend ko.

Boyfriend ko.

Inabala ko na lang ulit ang sarili sa mga apps, kapag may nakikita akong
interesante ay sinasabi ko sa kanya.

Hindi niya ako pinapansin. Minsan tumatango lang siya, unti-unti ng sumasama ang
loob ko. Ayaw ko man sumama ang loob ko kasi alam kong busy talaga siya pero
nakaramdam ako ng tampo sa kanya.

Niyakap ko ang unan saka sumandal sa headboard ng kama, hindi na ako nagsalita.
Bahala siya dyan, jowain niya 'yang powerpoint na 'yan. Hmp.

Hinawakan ko ang tiyan ko saka hinimas. Baby, tayo na lang dalawa. Hindi na tayo
mahal ng Daddy mo, mas mahal niya ang power point.

Umiling ako saka tumayo para kulitin siya, tumayo ako sa likod niya at pinaglaruan
ang buhok niya. Naramdaman kong nanigas siya bago iniwas ang buhok sa akin.

"Lisa ano ba may ginagawa ako!" medyo tumaas ang boses niya.

Hindi ako emosyonal o hindi ako iyakin sa gano'n kaliit na bagay pero sa
pagkakataon na 'to ay mabilis nangilid ang luha ko.

Tumikhim ako saka nag-iwas tingin. "Okay sorry, hindi mo naman kailangan sumigaw,"
walang buhay na sabi ko saka lumabas sa kwarto niya.

Hindi na ako nagpaalam kay Kevin, lumabas na lang ako saka pumasok sa aking kwarto.

Tumingala ako para pigilan ang luha.

Napabuntonghininga ako dahil hindi pa ako inaantok pero hating gabi na, tapos sa
umaga naman tulog ako.
Sumandal ako sa headboard ng kama ko saka inabala na ang sarili sa TikTok, nagulat
ako nang bumukas ang pintuan pagkaraan ng limang minuto. Sumilip si Kevin, tinaasan
ko siya nang kilay nang pumasok siya at naupo sa aking kama.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa screen, scroll lang ako nang scroll sa mga videos at
hinayaan siya roon.

"Beb, tapos na 'yong ginagawa ko," imporma niya sa akin gamit ang malumanay na
boses. Tumango ako pero hindi siya nilingon.

Ang bilis naman? Minadali ata niya?

Umusog siya kaunti, hinawakan ang tuhod ko para pansinin siya.

Dumaan ako sa isang video na sumasayaw ang mga lalaki, kita abs. Hindi ko maiwasang
mamangha, wow. Ang tagal siguro nilang nag-work out para sa ganyan katawan.

Nagulat ako nang biglang agawin ni Kevin ang cellphone ko.

Inis na nilingon ko siya. "Ano ba, Kevin akin na 'yong phone ko."

"Nandito na ako, mag-usap na tayo," seryosong sabi niya.


"Akin na 'yan, may pinapanuod ako."

"Bakit nanunuod ka ng mga abs?" inis na sabi niya, napasinghap ako nang itaas niya
ang shirt niya. Kinuha niya ang kamay ko't idinikit sa abs niya. "Meron naman ako
no'n ha."

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at nag-iwas tingin, ayoko nga siyang makausap ang
kulit naman.

"Beb, come on, sorry na. Tinapos ko lang kaagad para masasamahan kita." Hinawakan
niya ang baba ko para humarap sa kanya, naiintindihan ko naman iyon. "Sorry na,
bati na tayo. Sorry nasigawan kita, pinipigilan ko kasi sarili ko tapos tinutukso
mo ako. Huwag na magtampo 'yong buntis ko, please," mahinang sabi niya.

Wala na, marupok na naman ako letche.

Natibag na 'yong galit ko, pero kunwari galit pa rin ako. "Sige na, ayos lang sorry
rin. Matutulog na ako, check mo na ulit power point mo baka may mali at—"

Nanlaki ang aking mata nang sapuhin niya ang mukha ko at halikan, malutong niyang
napamura.

"Fuck, powerpoint."

"Kev!"
Nagulat ako nang kagatin niya ang aking ibabang labi dahilan para mapadaing ako,
dahan-dahan bumaba sa aking leeg ang malambot niyang labi. I felt his breath
brushing softly against my neck.

"Kev..." I whispered, breathless.

Pakiramdam ko ay mas uminit sa kwarto, nabura na lahat ng galit ko at ang tanging


naiisip ko na lang ay ang kakaibang sensasyon bumabalot sa buo kong katawan.

One of his hand held my thigh while kissing my neck. Umawang ang labi ko at mas
naidiin ang likod sa headboard ng kama dahil sa init ng kanyang palad.

Kevin hand travelled down to my wetness, suminghap ako nang lumapat ang mainit
niyang palad sa undewear na suot ko, pakiramdam ko ay mas lalo akong nabasa.

Pakiramdam ko ay wala pa man ay basang-basa na ako.

Mariin akong napapikit at kapit sa balikat niya nang bahagya niyang hawiin ang
panty ko. I threw my head back in satisfaction when his fingers touch my sensitive
part.

"Baby," he called me.


I moaned for the answer.

Kevin rammed his one finger inside my wet hole, I almost scratched his back because
of the sensation.

Mas napaawang ako nang maramdaman sagad na sagad ang daliri niya sa akin, siya ang
unang lalaking nakahawak sa akin doon. Noon hindi namin maalala pero sigurado akong
hindi ko makakalimutan 'to.

His finger was slowly but deep moving in and out of me. Naramdaman kong sinipsip
niya ang isang parte sa aking leeg.

"K-Kev..." I moaned.

"Does it feel good, beb?" tanong niya, wala sa sariling tumango ako.

Nang iangat niya ang tingin sa akin ay nagtama ang aming mata, umawang ang labi ko
nang mas bilisan niya ang ginagawa. Hinawakan niya ang isa kong hita upang mas
ibukas at bigyan laya siya.

He looked at me intently while fingering my pussy. He nibbled his lower lip.

Dahan-dahan siyang dumapa habang nakasandal pa rin ako sa head board ng kama,
suminghap ako nang walang hirap niyang i-angat ang puwitan ko para alisin nang
tuluyan ang aking pang-ibaba.
I lost myself when I felt his hot tongue in my clit. Teasing.

"B-Beb, Oh shit!"

Halos umangat ang aking balakang nang sipsipin niya ako roon, hinawakan niya ang
beywang ko at ipinirmi. Bumaba ang tingin ko sa kanya at mas lalo akong nag-init
nang makitang pinapanuod niya ako habang kinakain niya.

Napakapit ako sa buhok niya, mas diniin siya sa akin. Ang sarap.

He gripped my waist closer to his mouth. I moved my hips against his lips,
mimicking the movement of his tongue.

Rinig na rinig ko ang ingay na ginagawa ng labi niya sa akin, para akong mahihibang
sa sarap na dulot no'n sa aking katawan.

Mapungay ang mata ko nang tumigil siya, nagmamadaling hinubad ang suot niyang
shirt. I bit my lower lip when he removed his boxer, I gulped when I saw his
member, hard, proud and long. He gave me a cocky smirk, he stroke his member
infront of me.

"Come here, baby."

Mabilis kong sinunod ang sinabi ni Kev, gumapang ako sa kama papalapit kanya. He
shaved, oh my God!

Inangat niya ang suot kong night dress, tinulungan ko siyang alisin iyon. Bahagya
pa akong nahiya.

"Ang bango mo," komento niya.

Hinawakan niya ang hita ko at bahagyang hinila sa gilid ng kama, mas ibinuka ang
aking hita habang nakatayo siya sa gilid.

I felt dizzy, I want him inside.

He massaged my tummy a little, like informing our baby.

Bahagya niyang kinalat ang basa sa aking pagkababae dahilan upang mapaungol ako,
nakita kong suminghap siya nang malalim.

I rolled my eyes when he plunged inside of me. Gusto kong pumikit pero gusto ko
siyang makita, humigpit ang hawak niya sa magkabila kong beywang habang dahan-dahan
pumapasok, umawang ang kanyang labi habang nakatingin sa akin, para siyang
nasasaktan.

"K-Kevin!"
Inabot niya ang noo ko at hinalikan ako sa sentido nang maisagad niya ang kahabaan.
Pain and pleasure.

Dahan-dahan siyang gumalaw habang hinahalikan ako sa leeg. He cupped my right


breast, while sucking the other one. He swirled his tongue around my nipple.

Halos hindi na ako makahinga nang unti-unti siyang bumilis, lumikha iyon nang ingay
na mas nakapag pabaliw sa akin.

I held onto his shoulders. He pounded so hard and deep, my bed started banging
against the wall.

"Tangina," bulong niya habang umuulos.

Pumikit ako, pakiramdam ko ay punong-puno na ako. Mas bumaon ang aking kuko dahil
sa kakaibang ritmo na ginagawa niya.

He moved his hips in circular motion, then deep again.

"Ahh. Ahh." I moaned.

My legs started to shake uncontrollably. Tuyong-tuyo na ang lalamunan ko kaka-


ungol, unti-unti ko nang nararamdaman ang namumuong sarap sa aking loob. Malapit
na.
"Kev, baby! Oh! Ahh ang sarap!" He pulled out just to slam back his cock.

He started deeply into my eyes. "Right here baby?" he asked me while pounding so
deep and hard.

Hindi ako nakasagot, niyakap niya ako nang sobrang higpit at may binubulong siya sa
akin pero hindi ko na maintindihan.

I hugged him too. I almost screamed out his name when I reach my orgasm. Nanginig
ang tuhod ko, patuloy siyang umuulos, kinagat niya ang leeg ko bago ko maramdaman
ang pagsabog niya sa akin.

I could feel his hot semen deep inside of me, making me feel breathless.

Parehas kaming hingal, hindi siya kaagad umalis sa ibabaw ko at nanatili sa aking
loob. Hinimas ko ang likod niyang pawis, bahagya siyang natawa nang maramdaman
nanginginig ang tuhod ko.

Tinukod niya ang kamay sa magkabila kong ulo saka masuyo akong tinitigan. "Mahal na
mahal kita, Lisa. Sobra."

***

NAGISING ako kinabukasan dahil sa ingay ng cellphone ko, napangiwi ako at inabot
iyon sa gilid. Nilingon ko si Kevin na mahimbing na natutulog sa aking tabi.

Nag-init ang mukha ko nang maalala ang kagabi, ba't ang wild niya pala?

Doon ko napansin na parehas na kaming nakabihis, sinubukan kong tumayo pero napaupo
rin kaagad nang maramdaman nang hihina pa rin ang tuhod ko.

Nauuhaw ako.

Sinagot ko ang tawag nang makitang Mama iyon ni Kevin.

"Hello po, Tita? G-Good morning po," mahinang sabi ko.

Natatakot na baka magising si Kevin, ang totoo ay hindi ko na masyadong nakakausap


ang Mama niya.

Sandali siyang natahimik bago nagsalita. "Gusto kitang makausap sa personal, Lisa.
Huwag sana 'tong malaman ni Kevin."

Napatitig ako sa aking phone nang patayin na niya ang tawag. Bigla kong naalala
noong huli ko siyang nakita, magkaaway sila ni Mommy.

Nakatanggap ako ng mensahe kung saan kami magkikita, nag-iwan ako ng notes kay
Kevin na may pupuntahan lang ako at babalik din.

Nang makarating sa restaurant ay nandoon na si Tita Rowena.

Magbebeso sana ako sa kanya pero iniwas niya ang mukha niya sa akin saka sinenyasan
akong umupo, bigla akong nanliit. Hindi ko alam kung bakit nag-iba ang trato niya
sa akin, kung bakit ganito na.

Wala naman akong ginagawa, naiisip ko tuloy na baka sinisiraan ako ni Jude. Hindi
ko maiwasan mag-over think.

"Hindi ako magpapaligoy-ligoy, Lisa. Sinubukan ko ng kausapin si Kev sa bagay na


ito at matigas ang ulo niya kaya ikaw na ang kakausapin ko..." Tumigil siya
sandali. "Layuan mo na lang si Kevin, you can come back to your home with your Mom.
Oh kaya naman, pauuwiin ko na lang si Kevin sa bahay," seryosong sabi niya.

Biglang bumigat ang aking paghinga, bakit?

Hindi ako kaagad nakapagsalita, ano bang nangyayari?

Umiling siya. "Hindi kayo pwedeng magsama, habang maaga pa ay maglayo na lang kayo.
H-Hindi ko alam kung anong meron sainyo ngayon pero bitawan mo na Lisa," may
pagbabantang sabi niya.

Umawang ang labi ko, sandaling natahimik.


"Hindi ko po... hindi ko iiwan si Kev. Tita, Sorry," mahinang sabi ko.

Hinampas niya ang lamesa, doon ko nakita ang namumula na niyang mata at handa ng
umiyak anong oras.

"Hindi kayo pwede! Naiintindihan mo ba?!" sigaw niya.

Nagulat ako roon, sasagot na sana ako nang may kamay na humila sa akin patayo at
ilagay ako sa likuran. Mas nagulat ako nang makitang si Mommy iyon.

"Wala kang karapatan sigawan ang anak ko ng ganyan, Rowena! Maliitin niyo na ako,
sisihin niyo na ako sa nangyari pero huwag na huwag niyong papakielaman ang anak
ko!" sigaw ni Mommy.

Sa unang pagkakataon ay pinagtanggol niya ako pero hindi ko magawang maging masaya
dahil Ina ng lalaking mahal ko ang kaaway niya.

"Mommy..."

Alam kong pinagtitinginan na kami, nagtataka kung bakit nagsisigawan sa lamesa


namin.

Mas itinago ako ni Mommy sa likod niya, animong pinoprotektahan ako kay Tita.
"Talagang kasalanan mo! Bakit hindi mo sabihin sa anak mo! Bakit hindi pa niya alam
ang importanteng bagay na 'to ha?!" sigaw ni Tita Rowena

Sinilip ko siya at nakita kong umiiyak na siya, mas napaiyak ako nang lingunin ko
si Mommy ay namumula na ang mata niya pero seryoso pa rin ang mukha, ganyan siya.
Ayaw niyang umiyak sa harap ng ibang tao.

Ayaw niyang kaawaan.

"Walang kinalaman ang anak ko rito Rowena! Huwag mong sisihin sa anak ko ang
nangyayari!"

"Diyan ka magaling Talia, sa pagmamalinis, bakit totoo naman hindi ba hindi sila
pwede!"

Umawang ang labi ko, unti-unti akong bumuo ng konklusyon kung bakit sila nag-aaway
at kung bakit kami hindi pwede ni Kevin.

Simula sa paghihiwalay nila Mommy at Daddy, sa pagkita ko kay Daddy na may kasama,
si Tita Rowena ba? Kaya ba malayo ang loob ko kay Mommy kasi hindi ko siya totoong
ina? Parang dinukot ang puso ko sa dami nang tumatakbo sa aking isip.

Kaya ba magaan ang loob ko kay Kevin? Hindi ba 'to pagmamahal kung hindi lukso ng
dugo?
Tuluyan akong napaiyak dahil naisip ko ang baby ko. Is he a product of incest love?
Are we related? Kaya kami hindi pwede.

Nanginginig ang kamay na binawi ko iyon kay Mommy, sabay silang napalingon sa akin.

"M-Magkapatid kami ni K-Kevin?"

__________________________

Kabanata 24 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 24:

Walang nakasagot sa kanila sa tanong ko, nagpalipat-lipat ang aking tingin sa


kanilang dalawa. Parang natigilan din sila sa naisip ko, unti-unti nang sumisikip
ang kabog ng aking dibdib.

I don't want to overthink. Maybe that's my talent... to overthink.

Umiling si Mommy. "A-Ano bang pinagsasabi mo, Lisa? Hindi. Syempre hindi,"
paglilinaw niya na may kasamang pag-iling pa.
Para akong nabunutan ng malaking tinik sa sinabi niya, iyon lang gusto kong
marinig. Iyon lang naman ang naiisip kong malaking dahilan para maging hindi kami
pwede. We’ve known each other since we were high school, he know me more than
anyone.

"Buntis ako," biglang sabi ko.

Kumunot ang noo ni Mommy, si Tita Rowena naman ay umiling na para bang alam na niya
ang sunod kong sasabihin.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila, bakit hindi nila ipaliwanag para
maintindihan ko, namin?

"Kevin and I, we'll having a b-baby, ilang buwan na po," anunsyo ko.

Hindi naman ako umaasa nang maayos na bati o congrats sa kanilang dalawa dahil
unang-una ay ay hindi kami kasal, that was premarital sex. I know, it's forbidden.
I'm not perfect.

Napatakip na si Tita Rowena sa kanyang bibig habang umiiling, ayaw maniwala.


"No..."

Para akong sinaksak sa naging reaksyon niya, hindi niya matanggap at hindi niya
tatanggapin iyon ang nakita ko sa kanyang mukha na para bang maling-mali ang bagay
na 'to.
Mommy laughed and shook her head. "Why am I not surprised at all?"

"Talia, malaking gulo ito!" segunda ni Tita.

Umiling si Mommy saka bumaling sa akin, hindi pinansin ang sinabi ni Tita. "You
will keep the baby?"

Mabilis akong tumango.

"Anong sa sabi ni Kevin?" tanong niya ulit, seryoso ang boses.

"T-Tanggap niya, we're in relationship now. Inuunti-unti po namin," pilit kong


paliwanag sa kanila.

Bumaba ang tingin ni Tita sa tiyan ko, si Mommy naman ay malakas na


bumuntonghininga. "Then keep the baby, akong bahala," makahulugang sabi ni Mommy,
tumanim ang mga salita niya sa puso ko.

Gusto ko siyang yakapin.

"Talia! Ano ba?"

"Anong ano ba, Rowena? Nabuntis ng anak mo ang anak ko, babae 'tong sa akin. Pwede
ba huwag tayong magsisihan dito? Kausapin mo ang anak mo. Akong bahala sa anak ko,"
pagkasabi no'n ay hinawakan ako ni Mommy sa braso at hinila palabas sa restaurant.

Hindi mabigat ang kanyang hawak sa aking braso pero hindi rin naman magaan, nang
makarating kami sa parking lot ay pinasakay niya ako sa kotse niya.

"M-Mommy, ano po ba talagang nangyayari? Please... please..."

Nagpakawala siya malakas na buntonghininga bago paandarin ang kotse.

"May hindi lang kami pagkakaintindihan ni Rowena, labas kayo roon. Sabihin mo kay
Kevin ay gusto ko siyang makausap, pumunta siya sa bahay," madiin sabi niya.

Ilang beses ko siyang tinanong kung tungkol saan ang bagay na iyon at kung may
kinalaman ba kay Daddy pero hindi na siya nagsalita hanggang makarating kami sa
harap ng bahay namin ni Kevin.

"Hindi ka pwedeng ma-stress, huwag mo nang isipin 'yon, labas ka ro'n." Iyon ang
huli niyang sinabi bago tuluyan umalis.

Pakiramdam ko ay wala lang siyang tiwala sa akin, na para bang hindi ko kayang
hawakang ang sikretong iyon kaya mas lalong gusto kong malaman kung ano.

Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan kong pababa na si Kevin, nagsusuot ng damit
niya habang nasa tainga ang phone.
Nang makita ako ay para siyang nakahinga nang maluwag. He ended the call and walked
towards me.

Mukhang kakagising lang niya, gulo-gulo pa ang buhok niya.

"Beb! Kanina pa kita tinatawagan, saan ka ba galing? Anong oras pa lang? Akala ko
iniwan mo ako, nagutom ka ba? Hindi ba sabi ko gigisingin mo ako kapag nagutom ka,"
sunod-sunod na sabi niya.

Unti-unti tumaas ang aking labi kahit pigilan kong mangiti, mukha siyang
nagtatampong bakla.

Hinimas ko ang gulo niyang buhok, ayokong magsinungaling sa kanya.

Saksi ako sa mga nangyari sa kaibigan ko dahil sa mga sikreto na iyan at ayoko 'yon
mangyari sa amin lalo't nagsisimula pa lang kami.

"Lumabas lang ako sandali, tumawag ang Mama mo at nakipagkita ako sa kanya. U-Uh,
sinabi niyang tigilan na kita, dumating din si Mommy." I saw him stilled. "N-Nasabi
ko sa kanila ang tungkol sa atin, tungkol sa baby. Gusto ka raw makausap ni Mommy
at saka..." Sandali akong tumigil. "Mukhang may malaki silang problema, mukhang may
nangyayari Kev. M-May alam ka ba?" deretsyong tanong ko.

Sandali niya akong tinitigan, salubong ang kilay bago dahan-dahan umiling.
"H-Hindi ko alam, beb. Uh, kakausapin ko si Mommy saka ang Mama mo, ako na bahala."

Nakahinga ako nang maluwag, akala ko talaga ay may alam siya.

Alam ko naman hindi magsisinungaling si Kevin sa akin, wala naman dahilan para
magsinungaling siya. He's not like that.

"Nag-almusal ka na ba? Magluluto ako bago ako umalis, wala kang pasok ngayon no?"
Inalalayan na niya ako sa kusina, tumango ako.

Oo nga pala, may meeting siya.

"Natapos mo ba talaga 'yong power point mo?" nag-aalalang tanong ko, bigla kong
naalala ang kagagahan ko kagabi.

Mood swings.

Kevin pinched my right cheek. "Natapos ko, minadali. Tampororot ka kasi 'yan
nadiligan ka tuloy." Natawa siya, saka ngumisi sa akin na parang may naalala.

Nag-init ko sa salitang ginamit niya, hindi lang dilig iyon kagabi. Sagana ang
bulaklak ko kagabi, hindi lang dilig may kasamang fertilizer pa.
Nag-iwas tingin ako at nagkunwaring nauuhaw, binuksan ko ang ref at doon bumuga ng
hangin.

Nakakahiya.

Napatuwid ako nang tayo nang maramdaman si Kevin sa likod ko, he hugged me from
behind, resting his chin on my shoulder.

"Lisa..." tawag niya sa akin.

Suminghap ako, napatitig na lang sa mga itlog sa loob ng ref.

Nanlamig ang katawan ko dahil sa marahan na halik niya sa aking balikat. Hindi ko
kung galing ba ang lamig sa ref o ano.

Palihim akong napalunok.

"O-Oh?"

"Magpakasal tayo... gusto kitang pakasalan."

Nakurap-kurap ako, literal na tumigil ang aking paghinga. Kinailangan ko pang umubo
para lang bumalik sa dati ang paghinga ko.

Nang lingunin ko si Kevin ay pulang-pula ang mukha niya, hanggang tainga.

Seryoso ko siyang tinitigan. "Alam mo ba 'yang sinasabi mo Kev?" Kinabahan ako


bigla dahil baka ginawa niya lang ito dahil nabuntis ako. Baka, ginagawa lang niya
dahil ito ang tingin niyang tama.

"Oo naman, magpakasal. Alam ko naman meaning no'n beb," nakakunot ang noong sabi
niya.

"P-Pang habang buhay iyon, Kev. Naiisip mo ba 'yang inaalok mo? Para ka kasing nag-
aalok lang ng almusal... b-baka naman tulog ka pa? Masiyado kang nagmamadali."

Napanguso siya sa sinabi ko.

"Nagmamadali, Li? Ang tagal na natin magkakilala, kailangan pa ba ng ilang taon?


Nagsasama na rin naman tayo, may anak na tayo. 'Yon na lang kulang," pahina nang
pahina ang kanyang boses. Pumikit siya at hinawakan ang kamay ko. "Sorry, Am I
pressuring you? Ayoko lang mawala ka. Sorry kung nabibigla kita, hindi ko alam
paano ko ko-control-in ang nararamdaman ko sa'yo," bumuga siya ng hangin saka
napakamot sa batok.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, pinigilan siyang panggigilan.

"Pumayag ako sa relasyon, kasi gusto ko rin naman may panghawakan... pero pwede ba
'yong kasal saka na? Pag-iisipan ko, hindi sa nagdadalawang-isip ako sa'yo pero
gusto ko sana kapag um-oo na ako ay handa na ako para sa stage na 'yon, sana
maintinditan mo," mahinahong sabi ko.

Akala ko ay magagalit siya, hinimas niya ang baba ko.

"Ayos lang, naiintindihan ko. Hihintay kita. I love you."

Tipid akong ngumiti. "I love you."

Nakita kong natigilan siya, hinampas ko siya sa dibdib dahil parang hindi siya
humihinga. Nang makabawi ay mahigpit niya akong niyakap, ramdam ko ang pinagsamang
malakas na kabog ng dibdib namin.

"I hope you'll forgive me someday..."

I looked at his eyes. "Forgive you for what?"

"For loving you... too much."

____________________________

Kabanata 25 [Teach Me Back (Teach Series #...]


Kabanata 25:

"NABUNTIS lang iyan ng kaibigan niya, friends with benefits sila. Teacher iyan sa
high school, nakakahiya hindi ba? Nagtuturo pa naman siya tapos sarili niya hindi
niya maturuan kung anong tama."

"Ang balita e 'yong nakabuntis dyan may long term na kasintahan, sinulot niya ata.
Syempre, buka kaagad. Ano pa bang aasahan mo sa mga lalaki edi nagpatukso sa
kanya."

"Hay, kaya ayoko na roon pag-aralin ang anak ko. Ganyan pala mga teacher doon."

Bumaba ang tingin ko sa tiyan kong may umbok na, apat na buwan na.

Kumalat na ang balita at kahit anong paliwanag namin sa iba na may relasyon na kami
ni Kevin, ay may masasabi pa rin sila.

Kesyo makati, haliparot at kung ano pa.

Hindi ko sila masisisi, nakilala nila kami bilang magkaibigan tapos biglang buntis
na. Nakakapagod na rin magpaliwanag.

Hindi ko pinansin ang mga nagchi-chismisan habang naghihintay kay Kevin sa waiting
shed, pauwi.

May usapan kaming susunduhin niya ako dahil galing ako kay Mommy, ang totoo ay
kahit papaano ay parang bumait si Mommy. Pinapayuhan niya ako tungkol sa
pagbubuntis ko, sinasabihan kung anong dapat gawin. Nakapag-usap na sila ni Kevin,
sila lang at hindi ako kasama.

Hindi ko alam kung anong naging kinalabasan pero ang sabi ni Kev ay ayos na. Sinabi
niya kay Mommy na pagka-panganak ko ay roon kami magpapakasal, iyon ang sinabi ko
kay Kevin at sumang-ayon naman siya.

Hindi ko alam pero parang ang bilis, parang isang kurap ay ganito na kami.

I can't help but to over think, pakiramdam ko ay ayaw niya lang masaktan ako kaya
niya ito ginagawa.

Itinuon ko ang atensyon ko sa daan habang hinihintay si Kevin, mabuti na lang ay


umalis na rin ang dalawa na pinagchi-chismisan ako kanina. Hindi lang naman iyon
ang una, madalas na akong makarinig ng mga gano'n kahit sa school. Alam kong pinag-
uusapan ako ng mga estudyante at ilang guro.

Pariwarang babae, teacher pa naman, pakarat, nasa loob ang kulo.

Ilan lang iyan pero nilulunok ko lahat, iniisip ko na lang ang baby ko. Ayos lang,
nasa akin naman ang baby ko at si Kevin.

Ang importante naman ay sila, wala na ata akong pakielam sa sasabihin ng iba hindi
katulad ng dati na bawat galaw ko ay natatakot ako.

I want to be strong for my son... yes son. Hindi pa namin alam pero feeling ko
lalaki, malakas ang kutob ko.

Ang daming nagbago, totoo pala 'yong kasabihan na makikita mo kung sino ang totoo
mong kaibigan kapag nagkagipitan na?

Karaniwan sa mga high school friends at ilang mutual friends namin ni Jude ay bigla
na lang akong iniwasan.

Iniisip nilang inagaw ko si Kevin kay Jude, na ginamit ko ang pagiging babae ko.

Gusto ko sanang tawagan si Nade pero umuwi na rin si Nade sa probinsya nila, hindi
ko alam kung bakit. Si Sascha naman ay kaka-engaged lang kay Sir Travis ulit, ayoko
naman silang guluhin. Si Terron, masyado rin magulo ang buhay ng isang 'yon.

Niyakap ko ang aking sarili ng bumuhos na ang ulan.

Nagpadala ulit ako ng mensahe kay Kev pero wala na naman siyang reply.

Mas lumakas ang ulan, naiiyak na ako dahil madilim na. Sana pala ay namasahe na
lang ako, kung kailan gabi na at wala ng dumadaan. Dapat sinabi na lang niyang
hindi niya ako masusundo.
Lagi na lang.

Pinunasan ko ang luha ko, saka napaangat ang tingin nang may bumusina.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas lalong maiiyak nang makita si Kevin. Lumabas
siya sa kotse na may dalang payong, magulo ang buhok niya at halatang nagmamadali.

"Beb, sorry. Sobrang traffic kasi tapos may ginagawang—"

"Ayos lang, tara na," pigil ko sa kanya.

Nang makapasok sa kotse ay inabutan niya ako nang tissue, pinunasan ko ang kaunting
basa sa aking braso. Hindi siya kaagad umandar, tinulungan niya akong pagpunas.

"Beb, sorry na." Lagi naman e, puro sorry.

"Ayos lang Kev, sige na. Mag-drive ka na gusto kong magpahinga e."

Pinaandar nga niya ang kotse, mula sa gilid ng mata ay nakita kong nililingon-
lingon niya ako. Ayokong magsalita dahil ayokong mag-away kami.
Dahil buntis ako ay naging sensitive ang pang-amoy ko, napansin ko kaagad ang ibang
pabango. Hindi niya iyon pabango dahil alam ko ang amoy niya, mas lalong hindi sa
akin dahil panglalaki ang amoy.

Kumunot ang noo ko, pamilyar ang amoy.

Hindi ako nagsalita hanggang makarating kami sa bahay, wala na akong ganang kumain.

Dumiretsyo na ako sa kwarto ko at nilinis ang sarili, nang makalabas ako sa banyo
ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama. Nakapagpalit na rin ng damit.

Pumungay ang mata niya habang pinapanuod ang galaw ko, dumeretsyo ako sa salamin at
nagsuklay, ramdam ko ang titig niya.

Maya-maya ay lumapit na siya at mukhang hindi nakatiis, niyakap niya ako.

"Sorry, may emergency lang kasi," paliwanag niya kaagad, hinalikan ang balikat ko
at bahagya pang suminghap doon.

"Saan ka ba galing?" malumay na tanong ko, pilit ko siyang iintindihin kahit ilang
linggo na 'to. Hindi lang ngayon, napapansin ko na.

Hindi siya kaagad nakasagot. "Nagpatulong lang si Mama, pasensya na."


Tumango ako at unti-unting ngumiti. "Ayos lang, sana nagsabi ka. Akala ko kung
anong nangyari sa'yo."

Hinimas niya ang tiyan ko, bahagyang inipit ang ilang buhok sa likod ng aking
tainga.

"Sorry, pinag-alala kita. Babawi ako beb."

Tumango na lang ako, naniniwala naman ako Kev.

***

KINABUKASAN ay pinatawag ako sa Principal office. Kaagad akong kinabahan dahil wala
akong maisip na dahilan bakit ako pinapatawag, baka may ipagawa na naman sa akin.

"Good morning, Ma'am," bati ko sa matandang babae Principal.

May pinipirmahan siya, seryoso ang mukhang umangat ang tingin sa akin. Nang makita
ako ay tipid siyang ngumiti ay sinenyasan akong maupo sa visitor's chair.

Tuwid ang aking upo, pinagsaklob niya ang palad sa ibabaw ng lamesa.
"Bakit niyo po ako pinatawag Ma'am?" tanong ko.

Nagpakawala siya buntonghininga, inusog ang isang envelope sa aking harapan.

Kunot ang aking noo na binuksan iyon at mas lalo akong naguluhan nang mabasa ang
pangalan ng papels sa loob.

Dismissal Form.

Maraming nakasulat pero pumukaw sa atensyon ko ang aking pangalan.

Lisa Lyndell Montero.

Reason for dismissal — Inefficiency and incompetence in the performance of official


conduct — Disgraceful and immoral conduct.

Gulat akong napalingon sa kanya, bakit ako tatanggalin? May nalabag ako?

Tumikhim siya, mukhang nakita ang reaksyon ko.

"M-Ma'am..."
"I'm sorry, Ma'am Montero. Masyado ng mainit ang issue sa school, sa loob at labas.
Kahit sabihin pang nasa legal na edad na kayo ay hindi kayo kasal, ilang guro na
ang nagsumbong sa opisina na nakikita kayong naglalampungan—sorry for my word. Iyon
ang ginamit nilang salita, naapektuhan na ang trabaho niyo dahil sa relasyon niyo
at ngayon ay may bunga ay nadadamay na ang pangalan ng school. Kesyo parehong guro
galing sa paaralan na ito, na kung ano ang maituturo niyo sa mga bata kung kayo
mismo ay ganyan. Pasensya na Miss Montero, sinubukan ko naman ipagtanggol kayo.
Parehas kayong maaalis sa pwesto," paliwanag niya.

Umawang ang labi ko sa gulat, pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.

"Ma'am! Ako na lang po ang aalis, ako na lang po ang magre-resign. Huwag niyo na
pong idamay si Sir Rowan. Ako naman po ang buntis, hindi po makaka-apekto sa
trabaho niya iyon. Please po," halos magmakaawa na ako.

Hindi ko na naisip ang sarili ko, ayokong maalis si Kevin nang dahil sa akin.

Hinilot ni Ma'am ang sentido niya. "Gagawan ko ng paraan."

***

HINDI ko alam kung paano ko sasabihin kay Kevin na nag-resign na ako sa trabaho. Na
tinanggal ako.

Ayokong sisihin niya ang sarili niya, naisip kong idadahilan ko na lang na malaki
na ang tiyan ko at gusto ko na lang ipahinga ang aking katawan sa bahay.
Siguro naman ay maniniwala siya...

Nakarating ako sa bahay na wala siya, sabi sa faculty ay maaga siyang umalis sa
meeting nila. Akala ko nandito na siya.

Nagpalit ako nang damit at nagluto, mag-aalasais na pero wala pa rin siya.
Sumalampak ako sa sofa at inabala na lang ang sarili sa pag-scroll sa social media.

Natigilan ako nang madaan sa post ni Jude. Matagal ko na siyang hindi nakikita,
wala naman siyang ginawang masama sa akin. Naisip kong baka naka-move on na siya
lalo na't lagi siyang may pino-post na mukha siyang in love... ulit.

Binasa ko ang caption ni Jude sa isang picture na pinost niya sa IG kagabi, parang
hotel. Larawan sa veranda.

True love never ends, #lovewins ߌ

Kumirot ang puso ko nang makita siyang nakahiga sa kama, pinipicturan ang isang
bulto ng tao sa veranda ng kwarto. Madilim ang picture at parang silhouette lang ng
lalaki ang nakikita pero kilalang-kilala ko iyon.

"Kev... wag naman ganito," bulong ko kasabay nang pagtulo ng luha.

_____________________________
Kabanata 26 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 26:

MARIIN akong pumikit nang halikan ako ni Kevin sa ulo, hindi ako gumalaw at
nagpanggap pa rin na tulog hanggang marinig ko ang pagbukas at sara ng pintuan ng
aking kwarto.

Nang marinig kong umalis ang kotse niya ay roon lang ako bumangon para tingnan ang
oras.

Five in the morning.

Hindi na bago, halos araw-araw ay ganyan ang alis niya at kung gabi naman ay tulog
na ako kapag uuwi siya.

Hindi ako nagtatanong dahil natatakot ako sa maaari niyang isagot pero alam kong
may problema. Sa amin may problema, nang malaman niyang umalis ako sa trabaho ay
wala siyang naging komento. Tumango lang siya at iniba na ang usapan na para bang
gano'n lang iyon.

Pangarap ko ang binitawan ko para sa kanya pero mukhang balewala lang iyon.

Hindi ko maiwasan ikumpara ang sarili ko, ulit.


Bakit gano'n? Sa ganitong sitwasyon bakit babae ang laging sinisisi? Bakit parang
babae lang ang may kasalanan? Sa lumipas na isang linggo ko sa bahay ay mas lalo
akong binalot ng lungkot.

Buntis ako, walang trabaho at wala rin lagi si Kevin.

I know, something's off.

Pakiramdam ko at malakas ang pakiramdam ko na nag-uusap na ulit sila ni Jude. Na


baka nagbalikan na sila, baka tamang sandali lang 'yong feelings ni Kevin sa akin,
baka naisip niyang mahal pala talaga niya si Jude at hindi niya lang masabi sa akin
dahil natatakot siya.

Hindi ko naman siya pipigilan kung iyon na ang nararamdaman niya pero sana sinasabi
niya para hindi ako mukhang tanga na naghihintay.

Napapagod din naman ako.

Bagsak ang balikat na bumangon ako at lumipat sa kwarto niya, niyakap ko ang unan
niya at inamoy iyon.

Hindi na kami nakakapag-usap, miss ko na siya.


Tumuon ang atensyon ko sa laptop niya sa ibabaw ng study table niya, hindi ko alam
pero binuksan ko iyon. Nagbabakasaling may makita, may tiwala naman ako kay Kev
pero ewan ko, iba ang pakiramdam ko.

Walang password ang laptop niya kaya kaagad ko iyon nabuksan, naka-sleep mood lang.
Siguro ay nagmamadali siya at hindi na niya na-shut down.

Bumungad sa screen ang google. Kumunot ang noo ko, ano naman kayang sine-search
niya?

Mabilis akong pumunta sa google history, pakiramdam ko ay hinalukay ang tiyan ko


habang binabasa ang mga latest search niya sa laptop.

How to be come a good father?

What is the best diaper for a baby?

Things to know about the new born

How to take care of the pregnant woman?

Food for pregnant woman


Names for baby boy and girl

Perfect proposal

Best position to sleep when pregnant?

Is it okay to make love while pregnant?

Hindi ko maiwasan humalakhak nang mabasa ang huli na iyon, hinawakan ko ang aking
tiyan.

Mukhang wala naman pala tayong dapat ipag-alala sa Papu mo, baby. Mukhang excited
na siyang lumabas ka, sigurado ako.

Inabala ko ang aking umaga sa paglinis, nang magtanghali ay naisipan kong lumabas
para bumili ng ice cream. Nagke-crave ako, parang ang sarap ng ice cream at
scrambled egg? Hmm.

Mabilis akong nakarating sa Mall para bumili ng ice cream, malapit lang naman kami
roon nakatira at mas madaming sakayan kaysa sa ibang stores, pahiram humanap ng
tricycle.

Habang namimili pa ng ibang pwedeng bilhin ay may nakabungguan ang aking cart.
"Sorry hindi koȢJude..."

Nagulat ako nang makita si Jude, mukhang hindi siya nagulat na makita ako.

Halos ilang buwan na rin simula noong huli ko siyang makita, bumaba ang tingin niya
sa aking tiyan. Kaagad kong hinawakan iyon, tumaas ang sulok ng labi niya sa naging
reaksyon ko.

"Oh, Lisa ikaw pala. Kumusta?" masigla ang boses niya, wala akong makitang lungkot
sa kanyang mukha.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano. "Ayos naman... ikaw ba?" Bumaba ang
tingin ko sa cart niya.

Napalunok ako nang makita ang isang bote ng wine, isang box ng condom at pasta—
Kevin's favorite.

Nang umangat ang tingin ko sa mukha ni Jude ay mas lumawak ang ngiti niya. "Ayos
naman masaya, mukhang mas masaya kaysa sayo," diretsyong sabi niya.

Nagulat ako sa tono niya, hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko tuloy
alam kung nagbibiro ba siya o iniinsulto ako.

"Mukha kang hagard, huwag ka masyado paka-stress baka iwan ni Kevin nyan,"
makahulugan sabi niya bago ako lagpasan.
Napatitig ako sa cart ko. Hagard na ba ako? Panget na ako?

Bigla akong kinain ng insecurities dahil sa sinabi ni Jude, nang lingunin ko siya
ay may tinatawagan na siya, tumatawa pa siya.

Mabilis kong tinawagan si Kevin, mariin akong napapikit dahil busy ang line niya.

May kausap siya, mas lalo akong kinain ng selos. Sila ang magkausap.

Mabilis akong umalis doon, pagdating ko sa bahay ay nawalan na ako ng ganang


kumain. Nakatulog ako kakatingin sa mga old photos namin ni Kevin, nang magising
ako ay pagabi na.

Alas-singko pero wala pa siya kaya pinadalahan ko na lang siya ng text.

To: Beb

magluluto ako, uwi ka maaga. sabay tayong mag-dinner. I love you.

Matagal bago siya nakapag-reply.

From: Beb
Huwag ka na magluto, may i-send ako sayong address. Dito na lang tayo kumain. I-
date man lang kita para makabawi, I love you.

Napangiti ako nang mabasa ang text ni Kevin, ang sunod niyang text ay address ng
isang hotel. Kinagat ko ang aking ibabang labi lalo't bigla kong naalala 'yong
google history niya.

Mabilis akong naligo, I scrubbed my body, prepared a pair of black lingerie. Hindi
ko alam kung gaano ako katagal naligo, sinigurado kong malinis ang buo kong katawan
at para pa akong tangang ngingisi-ngisi habang naliligo.

Inilatag ko sa kama ang dalawang damit na pwede kong suotin, parehas

maternity dress dahil iniiwasan ko na mag-jeans. Isang Leakage of shoulder na kulay


light pink at isang black.

Napili ko 'yong light pink, para presko sa pakiramdam.

Hindi ako naglagay ng koloreta sa mukha, inayos ko lang ang buhok ko saka nagsuot
na ng flat shoes.

Baby, magde-date kami ni Papu mo. Babawi raw siya. Excited kong sabi sa isip ko.

Masayang umalis ako sa bahay, sinigurado kong sarado ang lahat. Nang makarating ako
sa parking lot ay kaagad kong chineck ang text ni Kevin kung anong number kami.
Siguro ay kakain muna ako, hindi ko alam pero excited ako. Siguro ay kaya siya busy
nitong mga nakaraan dahil may pinaplano siya, suminghap ako nang may maisip.

Magpo-propose ba siya?

Namula kaagad ang mukha ko, mas lumawak ang ngiti ko sa kilig. Papayag na ako
ngayon, I'll accept his proposal this time, ready na ako.

Habang naglalakad sa parking lot ay napahinto ako nang may makitang pamilyar.

"Papa?" Kunot-noong bulong ko nang mahagip nang mata si Papa, madaming dalang paper
bag. Malakas na kumabog ang puso ko, sigurado akong si Papa 'yon! Regalo ko ang
suot niyang polo.

Mabilis ang lakad ko't sinundan ko si Papa sa parking lot, under ground kaya medyo
madilim. Lumiko siya kaya sumilip muna ako bago siya sundan. Nang makita ko siyang
pumasok sa isang puting kotse na hindi pamilyar sa akin ay mas lalo akong
kinabahan.

Dumaan ako sa kabila, bahagya pa akong yumuko para hindi nila makita.

Nang sumilip ako sa pader ay kitang-kita ko na ang kotse nila, nakaharap sa aking
pwesto. Pasalamat ako dahil hindi gano'n ka-tinted, bukas ang ilaw sa loob kaya
kitang-kita ko si Papa.

My heart broke when I saw Papa and Tito, Kevin's father.


Kissing passionately inside the white car.

Malawak ang ngiti nila nang maghiwalay at parehas pang natawa. Bago pa nila ako
makita ay napatago na ulit ako sa pader kung saan ako nakatayo, sobrang lakas ng
kabog ng aking puso.

Kumikirot, hindi maipaliwanag at hindi kayang tanggapin. Kinilabutan ako, hindi ko


matanggap. Bakit? Paano nangyari at kailan pa nagsimula?

Mas nasaktan ako nang-replay sa utak ko ang aking nakita, hindi ko nakitang gano'n
kasaya si Papa sa amin. Sa pamilya namin.

They have an affair. Papa and Tito... oh my god!

Ito ba 'yong sinasabi nila Mama? Alam ba 'to ni Kevin?

Gusto kong umiyak sa sobrang frustration pero gusto kong makumpira. Mabilis akong
pumasok sa hotel, nanlalamig na ang buo kong kamay.

Sinabi ko sa babae sa front desk kung saan ako, mukhang nilista nga ni Kev ang
aking pangalan dahil binigyan kaagad ako ng babae ng susi ng kwarto.

Malalaki ang aking hakbang papasok sa elevator, gusto kong magsumbong kay Kevin.
Sigurado akong hindi niya ililihim ang bagay na 'to, sigurado akong sasabihin niya
sa akin. Kilala ko si Kevin, paniguradong hind niya rin ito alam at karapatan
niyang malaman.

Nang makarating sa floor ay kaagad kong hinanap ang kwarto namin. Malakas kong
itinulak ang pintuan dahil parang sasabog na ang puso ko, gusto ko na ilabas.

Nasaan ba si Kev?

Madilim ang sala ng kwarto, kumunot ang noo ko nang may marinig na mahihinang
daing. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa nakabukas na pintuan, kilala ko ang
boses na iyon. Habang papalapit nang papalapit ay mas lumalakas, mas lalo akong
nasasaktan.

Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pintuan, tuluyan na akong nadurog sa


nakita ko.

Kevin was sitting in the bed, Jude was kneeling in front him. Giving him a head.

Hindi ako tanga para hindi mahulaan ang ginagawa nila, alam ko. Alam na alam ko
kung anong kababuyan ang ginagawa nila.

Niluwagan ko ang bukas ng pintuan, gulat na napalingon sa aking gawi si Kevin.


Nanlaki ang kanyang mata nang makita ako, hindi kaagad nakagalaw. Nang tumayo siya
ay napaupo ulit siya, mabilis niyang binutones ang bukas niyang pantalon.
For some reason, I refused to believe it. Hindi niya sa akin magagawa ito, hindi
niya ako sasaktan ng ganito.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa sakit. I felt the stabbing pain inside my
chest.

Totoo pala 'yong kasabihan... kung paano mo siya nakuha ay gano'n din siya
mawawala. Kinuha ko siya kay Jude, binawi siya sa akin sa parehong paraan pero iba
ang sakit.

Tumayo si Jude, pinunasan niya ang gilid ng labi niya. Blanko ang mukha, walang
gulat o pagsisisi na nahuli ko siya.

Sinubukan tumayo ni Kevin, halatang tuliro pa.

Umiling ako nang subukan niya akong abutin, bahagya akong umatras habang patuloy na
tumutulo ang aking luha, paunti-unting sumisikip at parang anong oras ay sasabog
na.

"B-Baby..." Kevin mumbled.

Mariin akong pumikit, ayokong marinig. Wala akong gustong marinit dahil kitang-kita
ko na, mas masakit dahil iba ang inaasahan kong makita rito. Tears of joy ang
inaasahan ko hindi ganito.
"Masarap ba?" tanong ko kay Kevin.

Umawang ang labi niya hindi nagsalita, nang linginun ko si Jude ay walang pagsisisi
sa kanyang mukha.

Mas lalo akong nasaktan dahil ang laki ng tiwala ko kay Kevin, sa lahat ng taong
nakapaligid sa akin ay siya 'yong pinagkatiwalaan kong hindi ako sasaktan ng
ganito.

Siya 'yong lakas ko, pero siya rin pala ang kahinaan ko.

Siya ang nagbibigay saya sa akin pero siya rin ang mananakit.

"Masarap ba Kev? Putangina. Napaka baboy niyo. Hinahanap ba ng katawan mo? Kailan
pa 'to? Ilang buwan mo na akong niloloko? B-Bakit ganito? A-Alam mong hindi ko 'to
kaya," tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking luha. "H-Hindi ko ba napupunan 'yong
pangangailangan mo? Kulang ba 'yong pagmamahal ko? Kulang ba kami ng anak mo?"
Napahikbi na ako, hindi na ako makahinga sa sakit.

Nakita kong kumurap-kurap siya, namula ang mata, sinubukan niyang magpaliwanag pero
walang salitang lumabas sa kanyang bibig kaya natawa ako.

"I-I trusted too much, I trusted you more than myself, Kev!" I sobbed.

He tried to reach me but I stepped back. Hindi ko kayang hawakan niya ako
pagkatapos ng nakita ko, akala ko gagaan ang loob ko kapag nakita ko siya dahil sa
nakita ko sa labas pero mali... mas lalo lang akong nadurog.

Lahat ng lalaking pinagkatiwalaan ko, sinaktan ako. Papa and Kevin... lahat sila ay
pare-pareho lang.

"Li-Lisa... m-mag... magpapaliwanag ako..." utal-utal na sabi niya.

Napaupo siya sa kama, parang nanghihina, siguro dahil sa ginagawa nilang kababuyan.

"Let her, Kevin! Bakit ba takot na takot ka dyan? Sabihin mo ang totoo na hindi mo
naman talaga siya mahal, na ako pa rin ang gusto at ginagamit mo lang siya dahil
gusto mong makatikim ng babae. Gusto mo lang subukan! Sabihin mo sa kanya nang
matauhan siya!" sigaw ni Jude.

Tinaliman ko ng mata si Jude, hindi ko napigilan ang aking sarili na sugurin siya
sa sobrang galit na naramdaman ko.

Pinaghahampas ko siya habang umiiyak.

"Napakasama mo, Jude! Hayop ka!"

"Alam mo na kung paano masaktan!" sigaw niya, inabot ko ang kanyang mukha upang
kalmutin siya.
Napapikit ako sa sobrang dami ng luha sa aking mata habang sinusugod siya.

"T-Tama na!" Narinig kong sigaw ni Kevin.

Ang sunod ko na lang namalayan ay may tumulak sa akin, nanlaki ang aking mata at
napadilat nang tumama ang aking balakang sa sahig, napasalampak ako.

Mas lalo akong napahagulgol nang ang kulay pink na dress ko ay unti-unting naging
pula. Kumalat sa sahig ang aking dugo.

Ang baby ko...

Napaangat ang tingin ko sa kanila, mas lalo akong nasaktan nang si Kevin ang
malapit sa akin, nakaupo na rin siya sa sahig. He pushed me away from Jude.

Kevin pulled me. He hurt me for Jude!

Napaawang ang labi ko nang sumirit ang sakit sa aking tiyan, parang binibiyak. I
screamed in so much pain. Nanlalaki ang mata ni Jude habang tulala lang si Kevin,
wala akong balak tulungan.

Wala silang balak iligtas ako. Hahayaan lang nila.


Pinilit kong tumayo kahit nahihilo na ako, patuloy na umaagos ang luha at dugo.

"Y-Yung baby ko... please... please tulungan niyo ako, 'yong baby ko! Please, K-
Kev. Papakawalan na kita, t-tulungan mo lang ako. 'Yung baby ko..." Humahagulgol na
ako habang nagmamakaawa.

Walang gumalaw, mas lalo akong naiyak dahil pakiramdam ko ay mawawala na ang baby
ko.

Pinilit kong gumapang palabas sa kwarto para dalhin ang sarili sa ospital.
Ililigtas kita baby, si Mamu ang bahala sa'yo, kumapit ka lang.

Gumapang ako hanggang makahawak sa hamba ng pintuan.

Mariin akong napapikit at namilipit sa sakit dahil hindi ko na kaya, tinawag ko ang
pangalan ni Kevin sa huling pagkakataon bago ako tuluyan mawalan ng malay.

**

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata, iyak ng pamilyar na boses ang bumungad sa
akin.

Nanghihina ako, ano bang nangyari?


Pinilit kong ilibot ang paningin sa buong kwarto. Ospital?

Nakita ko si Tita Rowena sa aking kaliwa, umiiyak. Si Mama na seryoso ang mukha at
tulala, halatang galit. Nang lumingon ako sa kanan ay nakita ko si Kevin na hawak
ang aking kamay, nakayuko at tahimik na humahagulgol doon.

Bakit siya umiiyak? Sino nagpaiyak sa bakla ko?

Aabutin ko sana siya upang patahanin nang unti-unting bumalik sa aking isip ang
huling nangyari bago ako mawalan ng malay.

Kaagad akong napabangon.

Sabay-sabay silang napalingon sa akin. "M-Mommy, nakita ko si Papa at si Tito!"


sumbong ko kaagad kay Mommy, paos na paos ang boses ko. Pakiramdam ko ay uhaw na
uhaw ako.

Mukhang hindi sila nagulat sa sinabi ko. "Tapos isusumbong ko dapat siya kay Kevin
kaso—" Natigilan ako nang maalala ang sunod na nangyari.

Umawang ang labi ko at gamit ang bakanteng kamay ay hinawakan ko ang aking tiyan.

"M-Mom... dinugo ako... 'yong baby ko? Ayos lang 'yong baby ko hindi ba? Malakas
'yong baby ko, h-hindi niya ako iiwan. S-Siya lang 'yong hindi ako iiwan," pilit
akong ngumiti habang hinihimas ang tiyan ko.

Malakas ang baby ko.

Mas lumakas ang iyak ni Tita Rowena, napalingon ako kay Kevin nang halikan niya ang
kamay ko paulit-ulit habang namumula ang mukha.

"I-I'm sorry... I'm sorry baby... I'm sorry..." sunod-sunod na bulong niya habang
umiiyak sa kamay ko.

Gulo-gulo ang kanyang buhok, puro dugo ang damit at katawan.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya, naalala ko ang nakita ko. Hindi no'n mabubura ng
sorry niya. Bahala na siya sa buhay niya basta ligtas ang baby ko, hindi ko siya
kailangan.

"Lisa..." Suminghap si Mommy.

Itinuro niya ang isang garapon sa aking gilid. I saw a small fetus, a blood inside
the jar.

Napailing ako.
"A-Ano ba kayo? H-Hindi nakakatuwa. Tama na..." Napahikbi na ako mas dumiin ang
kamay ko sa aking tiyan.

Doon ko napansin ang isang Doctor sa paanan ko at dalawang nurse.

Pakiramdam ko ay nandoon pa ang baby ko, nandito pa ang baby ko hindi niya ako
iiwan.

"I'm sorry, iha. Kinailangan ng tanggalin ang bata. Wala na siyang buhay nang
isugod ka at kung magtatagal siya ay pati ang buhay mo ay malalagay sa peligro,
ginawa namin ang makabubuti. Condolence," sabi ng Doctor.

Para akong nabingi sa sinabi niya, may sinabi pa sila pero wala na akong narinig.

"I-I'm sorry, baby..." Kevin tried to reach my hand.

Mabilis ko siyang sinampal. Lumagapak iyon sa kanyang pisngi, mariin siyang


pumikit. Namanhid ang aking palad pero wala ang sakit ng kamay ko sa kirot ng puso
ko ngayon.

Nang makita kong nagloko si Kevin, naisip kong ayos lang. Kaya ko siyang bitawan
kasi may baby pa ako... ngayon pati siya kinuha sa akin, pati ang baby ko iniwan
din ako.

My head and heart was surely going to burst with pain. I can't take this. I can't.
"H-Hindi totoo 'yan! Hindi ako naniniwala! Nandito 'yong baby ko! Ibalik niyo 'yong
baby ko! Ibalik niyo!" sigaw ko sa Doctor.

Sinubukan akong hawakan ni Kevin pero sinampal ko ulit siya.

"Huwag na huwag mo akong hahawakan Kevin. D-Dahil sa'yo... dahil sainyo namatay ang
anak ko!" Inilibot ko ang tingin sa kanila. Hindi makatingin si Mommy sa akin,
namumula na ang mata niya. "A-Alam niyong lahat ang tungkol kila Papa? Ito ba 'yong
sekreto? Ha?!"

Napahagulgol na ako, sinubukan akong yakapin ni Kevin pero tinulak ko siya palayo.
Nandidiri na ako sa kanya, hindi ko kaya madikitan niya ako. Hindi ko kaya.

Sobra siyang mag-alaga sa baby ko, siya rin pala ang kukuha sa buhay ng baby ko.

Pareho lang sila ni Papa, kayang kalimutan ang lahat para sa pangsariling
kasiyahan.

"L-Lisa hindi ko sinasadya," tuloy-tuloy na umaagos ang luha niya, wala akong awang
naramdaman.

Galit para sa kanilang lahat ang namuo sa dibdib ko. Galit dahil nagtiwala ako.
Galit dahil naging mahina ako.
He just looked and watched me lost our son. He could have help me but he didn't, he
killed my baby too. They planned everything.

Siguro plinano nilang papuntahin ako roon, ginusto talaga nilang mawala ang baby ko
para makapagsama na sila na walang hadlang.

"Y-You killed my son... s-so you can back to your ex right? Hinayaan mong mamatay
ang anak ko!" sigaw ko, parang nabibiyak na ang ulo ko.

"Lisa..." parehas tawag ni Mommy at Tita Rowena, pipigilan ako.

"Huwag kayong makielam! Bakit ngayon kayo mangingielam kailan tapos na? Kailangan
wala na ang baby ko? B-Bakit dati wala kayong pakielam sa akin!" buong puot na sabi
ko.

Kinalas ko ang dextrose sa aking kamay.

Pinigilan ni Kevin ang kamay ko, nagtama ang mata namin. Matalim ko siyang
tinitigan, wala na akong maramdaman kung hindi pagkamuhi sa dating lalaking naging
lakas ko.

Siya ang bumuo sa akin pero siya rin ang dumurog. Mas sobra pa, mas masakit.

"P-Please... don't leave me... Lisa. Hindi ko kaya, huwag naman ganito. Mahal na
mahal kita."
Natawa ako habang umiiyak, mahal? Kung ganito siya klaseng magmahal, ayoko na.

Ayoko na.

"Wala na akong pagmamahal na natitira para sa'yo Kevin, h-hindi ko... hindi ko
kayang mahalin 'yong lalaking pumatay sa anak ko."

I don't know anymore... I'm hurt and scared. I want to believe that I wasn't hurt.
But I know, I lost myself and I'll never come back.

___________________________

:>

Kabanata 27 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 27:

Tumama sa aking paa ang malamig na tubig ng dagat, huminto ako at tumanaw sa
payapang karagatan. Suminghap ako nang dumampi ang simoy ng hangin sa aking pisngi.
Naghahalo na ang kulay ng kahel at asul, nagtatago na ang haring araw.
"Mam! Mam Lyn!" Napalingon ako sa boses ng isang bata na tumawag sa akin.

Kusang umangat ang sulok ng aking labi nang makita siyang hirap na tumatakbo sa
buhangin, papalapit sa akin.

"Huwag kang tumakbo Tonton." Sinalubong ko na siya hanggang magkalapit kami, wala
pa siyang suot na tsinelas.

"Mam, kailan po ulit kayo magtuturo sa amin?" masiglang tanong niya.

Ang kulay ng kanyang balat ay makintab na kayumanggi na dahil sa laging paliligo sa


dagat, pati ang amoy niya ay amoy dagat na.

"Sa Lunes pa, Ton. Anong araw na ba ngayon?" natatawang tanong ko, masyado siyang
excited.

"Sabado po... ata."

Lumawak ang aking ngiti, mabuti naman at nakakabisado na nila ang mga araw. Noong
una ko silang turuan ay hindi nila alam ang mga pinagkaiba ng araw.

"Tama, sabado pa lang. Saan ka ba galing? Umuwi ka na't baka hinahanap ka ng Nanay
mo," pangangaral ko sa kanya.
Sumaludo siya. "Uuwi na po, Mam ganda! Ingat po!"

Natatawang pinanuod ko siyang magtatakbo patungo sa bahayan. Isa si Tonton sa mga


batang tinuturuan ko sa lugar na ito, walang sweldo pero hindi ko alam kung bakit
gusto ko ang pagtuturo na para bang nabuhay ako para roon.

Saka isa pa, kawawa rin ang mga bata rito. Ni magbilang at kung paano isulat ang
kanilang pangalan ay hindi nila alam, ano ba naman ibahagi ko ang kaunti kong
nalalaman?

Nang makuntento sa pagtanaw sa dagat ay umuwi na ako sa bahay, malapit lang. Bawat
makakasalubong ko ay binabati ako, nakakataba ng puso dahil lahat ay magkakaibigan
sa baryong ito.

Hindi mo kailangan isipin ang gagawin ko kung huhusgahan nila ako kasi hindi sila
gano'n.

"Magandang gabi, Lyn. Uuwi ka na?" bati sa akin ng isang matandang lalaki na may
hawak na lambat.

Tumango ako at mas niyakap sa katawan ang balabal. "Opo, papalaot na po kayo? Ingat
po kayo Tay."

"Oo, kapag nakakuha ako ng alimango ay dadalhin ko sa bahay niyo," sabi niya.
Natawa ako saka masayang tumango, tuluyan nagpaalam.
Sa hindi kalayuan ay may mga matatandang babae na nagliligpit ng binilad na mga
isda, kinawayan nila ako.

"Lyn! Gusto mo ba ng daing?" sigaw ng isa.

Ngumiti ako saka umiling "Mayroon pa po sa bahay noong binigay niyo noong nakaraan,
sa susunod na lang po!" sigaw ko rin para marinig nila, kumaway pa ako bago tuluyan
umalis.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Rosa, isa sa mga tiga rito na naging


kaibigan ko.

"Lyn! Mabuti at nakita kita. Gusto mo bang sumama sa bayan mamayang gabi?" Pinanuod
kong gumalaw ang kanyang tuyong labi habang nagsasalita.

Kumunot ang aking noo.

"Bakit? May ano ba?"

"Ano ka ba? Syempre magpapasko, madaming tinda sa bayan. Pwede kang bumili ng mga
bagong damit, tapos masarap ang puto bumbong!" Hinawakan pa niya ang braso ko,
mukhang desidido na isama ako.

Gusto ko kaso sayang ang pera.


"Wala naman akong pera," mahinang sabi ko.

Tumawa siya saka pabirong hinampas ako. "Ano ka ba? Engineer ang asawa mo. Aba't
edi manghingi ka, magkano lang 'yon. Kahit isang daan."

Napanguso ako, ayoko naman maghingi sa kanya ng gano'n. Nakakahiya naman.

"Sige pag-iisipan ko." Iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko rin alam kung papayag
siya, masyado pa naman iyon mahigpit.

"Sige, kapag ano, alas-diyes labas ka na lang dadaanan kita ha?"

Tumango ako, hindi ko sigurado pero gusto ko rin naman pumunta. Ang totoo ay
nabuburyo na ako sa bahay kaya nga tuwing hapon ay lumalabas na lang ako sa tabing
dagat.

Nang makarating sa bahay ay bukas na ang ilaw, nakauwi na siya.

Simple lang ang bahay namin, sakto lang para sa amin. Ang sala ay naka-konekta na
sa kusina at tanging naghihiwalay lang ay ang istante ng tv namin, may isang kwarto
kami para sa amin.

Mabilis akong pumasok, nakita ko siya sa kusina at nakatalikod. Mukhang nagluluto,


bigla akong nahiya dahil umalis ako kanina na walang luto.

Nang maramdaman niya ang aking presensya ay lumingon siya, pumasok ako at tinanggal
ang aking balabal.

Matangkad siya, moreno ang kulay. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang asawa
ko, bukod sa pisikal ay mabait siya. Wala akong masabi.

Lumapit ako at tiningnan ang niluluto niya, naka-tshirt na puti na siya. Mukhang
nakaligo na siya.

"Sorry, hapon pa kasi nang umalis ako. Hindi ko alam na medyo gagabihin ako,
pumunta ako sa tabing dagat," paliwanag ko kaagad sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin. Naamoy ko ang mabangong niluluto niya, hipon na
sinigang.

"Ayos lang, mabuti rin iyon at lumalabas-labas ka. Hindi ba sumasakit ang tiyan
mo?" tanong niya, bumaba ang tingin sa tiyan ko.

Kabuwanan ko na. Umiling ako saka hinimas ang malaking umbok sa aking tiyan.

"Hindi naman, ayos lang. Kumusta sa site?" tanong ko.


May ginagawa silang isang school sa bayan, maliit lang iyon pero ayos na rin.

Tinikman niya ang niluluto, inihipan niya iyon at pinatikim sa akin.

Tinikman ko naman, kinagat ko ang aking ibabang labi dahil ang sarap, mas lalo
akong nangasim.

"Ayos naman sa site, gusto kitang isama kaso delikado e. Sa susunod na lang. Nga
pala, dumaan ako sa bayan kanina nagtanong ako kay Doctora tungkol panganganak mo,
pumunta na lang daw tayo roon isang araw para hindi tayo susugod, lalo't delikado
ang pagbubuntis mo," paliwanag niya.

Tumango ako sa sinabi niya, pinatay niya ang sindi ng kalan.

Nag hugas siya nang kamay, pinanuod ko siyang lumapit sa akin saka hinimas ang
tiyan ko bahagya akong napaigtad pero hinayaan siya.

"Gusto ko na siyang lumabas," nakangiting sabi niya, naningkit ang aking mata dahil
pakiramdam ko ay narinig ko na ang sinabi niya dati.

"Ako rin, tapos baka hindi ko siya mabitawan," komento ko, ito ang unang baby
namin. Pakiramdam ko ay hindi ko mapapahawak sa iba ang baby ko.

Hindi ko alam kung bakit.

Inalalayan niya akong umupo, siya na ang naghain para sa amin. Nakakataba ng puso,
mabuti na lang at tamang lalaki ang pinili ko. Kita mo nga naman, galing pa siyang
trabaho niya pero siya pa ang nagtatrabaho pagkadating sa bahay. Hindi siya
nagrereklamo kahit kailan, kahit madalas sumasakit ang tiyan at ulo ko ay lagi niya
akong inaalagaan.

"Nga pala, inaaya ako ni Rosa sa bayan mamaya," sabi ko habang kumakain kami nang
maalala ko ang sinabi ni Rosa.

Tumigil siya sa pagsubo, uminom nang tubig bago ako tingnan.

"Anong oras?"

"Alas-diyes daw. Hindi naman ako magtatagal tapos magsusuot ako ng makapal at
tatakpan ko ang ulo ko para hindi ako mahamugan," kaagad paliwanag ko.

Gusto ko lang talaga lumabas.

Napabuntonghininga siya parang sumusuko. "Sige, pero sasama ako. Samahan ko na lang
kayo hindi ako mapapakali kung hahayaan ko ang buntis kong asawa roon."

Napanguso ako. Ayos lang naman sa akin iyon, atleast ay kasama ko siya kung ano man
mangyari.

"Pero m-maaga ang pasok mo sa site bukas?"


Nagkibit-balikat siya. "Mas importante ka sa trabaho, Lyn. Mas importante kayo ni
baby. Sige na kumain ka na," seryoso ang kanyang boses saka ako nginitian.

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ng aking asawa.

"Salamat, Jaren."

________________________

Kabanata 28 [Teach Me Back (Teach Series #...]

THE END

Thank you for reading TMB—charot lang, sige enjoy reading! :P

Kabanata 28:

Katulad ng sinabi ni Rosa ay dinaanan niya ako, nagulat pa siya nang makitang
kasama kong nag-aabang si Jaren sa labas ng bahay, nakaupo sa isang mahabang upuang
kahoy na ginawa niya noon una kaming tumira rito.
Ngingisi-ngisi tuloy siyang lumapit nang alalayan akong tumayo ni Jaren at ayusin
ang takip sa aking ulo.

"Aysus, hindi mapaghiwalay ah, takot na takot, Engineer? Kahit isang oras ayaw
iwan?" pang-asar niya kay Jaren.

Natawa ang aking asawa sa sinabi niya bago umiling, walang balak sagutin ang sagot
ni Rosa. Kumapit na si Rosa sa braso ko at naglakad na kami papunta sa sakayan sa
labas. Si Jaren ay nasa gilid ko lang din, nagtalo pa kami kanina dahil nagsuot na
ako ng jacket ay gusto pa niyang doublehin ko pa, para na akong penguin maglakad sa
sobrang kapal.

Sumakay kami sa isang tricycle, kami ni Rosa sa loob habang sa likod si Jaren.

"Tatlo po sa bayan." Narinig kong sabi niya sa likod.

Binayad niya kaming tatlo, tuwang-tuwa naman si Rosa kasi raw libre, dapat daw
laging isama si Jaren.

Habang nasa biyahe ay mula sa likod ay kinalabit ako ni Jaren, sinilip ko siya sa
bakanteng awang na naghihiwalay sa amin. Matangkad siya kaya bahagya siyang
nakayuko roon, mukhang hirap na hirap pa.

"Okay ka lang?" tanong niya, tumango ako. Inabot niya sa akin ang wallet niya kaya
nagulat ako. "Oh, ikaw ang maghawak para kapag may gusto kang bilhin."

Nahiya ako pero tinanggap ko na rin. Wala naman kasi akong pera, si Jaren lahat
kaya nga naiisip ko na magtrabaho pagkapanganak ko kaso wala naman mag-aalaga sa
baby ko.

Nang makarating kami sa mismong bayan ay tama nga si Rosa, ang daming tinda. Buhay
na buhay ang paligid, nakapunta na ako rito noon dahil nagpapa-check up ako pero
wala masyadong tinda, saka umaga ako nakakapunta, ngayon pa lang ako nakapunta na
gabi.

Nang makababa ay kaagad hinawakan ni Jaren ang siko ko, napaigtad ako dahil doon.

Napanguso siya saka nagpigil ng tawa. "Lagi kang nagugulat kapag hinahawakan kita,
parang noon lang. Nagalit ka noon una tayong nagkita kasi bigla kitang hinawakan,"
kwento niya natatawa na talaga.

Napatitig ako sa kanya, gusto ko rin magkomento. Gusto ko maalala ang bagay na iyon
pero alam kong wala, kaya ngumiti lang ako.

Maraming sinasabi ni Rosa, may kinukwento siya tungkol sa pageant ata sa susunod na
gabi. Gusto raw niyang sumali kaso baka aakyat pa lang siya sa stage ay panalo na
siya, nagpaubaya na lang daw siya sa mga iba kasi kawawa naman.

Tumatango-tango na lang ako, kunwari naniniwala.

Sa huli ay kumain kami ng puto bumbong. Pinaghiwa ako ni Jaren, kinagat ko ang
aking labi dahil parang pamilyar.

"Pinaghihiwa mo na ako noon no?" tanong ko sa kanya, pinanuod kong tumungga ng


salabat si Rosa na libre, ginawa niyang tubig.

"Huh?" tanong ni Jaren, inabot sa akin ang tinidor.

"Ito..." Turo ko sa pagkain namin. "Parang pamilyar... parang may naghihiwa ng


pagkain ko dati, noong magkasintahan ba tayo lagi mo siguro itong ginagawa?"
komento ko, bahagyang nakakunot ang noo.

Hindi siya kaagad nakasagot pero sa huli ay marahan siyang tumango.

"Parang gano'n na nga, huwag mo na masyadong isipin baka sumakit na naman ang ulo
mo hindi mo ma-e-enjoy 'tong gabi," paalala niya.

Sinunod ko ang sinabi niya, gusto ko naman ma-enjoy 'to.

Nang matapos kumain ay nakasalubong namin ang ilang kalalakihan, ipinahinga ni


Jaren ang kamay na likod ko nang tuluyan makalapit ang mga lalaki.

"Engineer, ikaw pala 'yan!" sabi ng isa saka bumaba ang tingin sa akin, tipid akong
ngumiti.

"Kaya pala kayo laging late sa site, gumigimik kayo," bakas ang tukso sa tono ni
Jaren. Mga katrabaho niya? Nilingon ako ni Jaren, bahagyang hinimas ang likod ko.
"Asawa ko, si Lyn."
Pumalahaw sila ng tuksuhan.

"Ayon! Kaya pala atat ka laging umuwi, Engineer. Ganda pala ng inuuwian ah!" tukso
ng isa.

Nahiya ako bigla, pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. Napailing si Jaren, may
ngisi sa labi animong nagmamalaki pa.

"Sige na mauna na kami. Ingat kayo."

"Kayo rin, Engineer! Enjoy ang date ni Misis! Sundan na 'yan!"

Nang makalayo kami ay inilibot ko ang aking paningin sa lugar, nawala bigla si
Rosa. Saan ba 'yon pumunta?

"Si Rosa?" takang tanong ko, palinga-linga.

"Iihi lang daw, doon muna tayo, upo ka muna bawal ka laging nakatayo." Tinuro niya
ang isang bench sa gilid.

Umupo kami roon at tumanaw sa madaming tao, hindi ko maiwasan mapangiti. Ang ganda,
lalo na ang mga ilaw. Ramdam na ramdam na magpapasko na, malamig ang hangin pero
hindi ako nilalamig.
Habang nasa gano'n posisyon ay sandali kaming natahimik bago ako magtanong, ayoko
talaga magtanong kasi natatakot ako sa mga malalaman ko saka para sa akin balewala
naman na ang nakaraan pero curious pa rin ako.

"Jaren... anong... anong klaseng babae ba ako noon?" tanong ko sa kanya, bahagyang
kinakabahan.

Nilingon niya ako ng may pagtataka bago abutin ang aking kamay, pinigilan kong
magulat dahil baka akalain niya natatakot ako sa kanya.

Ang totoo ay parang hindi lang ako sanay, kahit na asawa ko siya. Pakiramdam ko ay
hindi ako sanay hawakan, pero dapat sanay ako sa kanya kasi asawa ko siya.

May anak kami.

"Hmm, ano nga ba? Ang totoo ay hindi tayo masyadong close noon. Mabait ka naman,
medyo lang..." Tinaasan ko siya ng kilay, kaagad niyang binawi ang huling sinabi.
"Pero may circle of friends ka lang kasi so hindi ka masyado ano sa iba... malapit
pero mabait ka naman. Masunurin sa magulang..." pahina nang pahina ang boses niya.

Dahil sinabi niya iyon ay sumikip ang dibdib ko. Ang hirap na maski ako ay hindi ko
kilala ang sarili ko, siya lang ang nakakakilala sa akin kaya pinagkakatiwalaan ko
siya.

Wala akong maalala.


Nang magising ako sa ospital ay si Jaren ang kasama ko at malaki ang tiyan ko.

Ang sabi ni Jaren ay may nangyaring aksidente, papaalis kami papunta rito sa
Palawan. Galing kaming Manila nang maaksidente kami, napuruhan daw ang ulo ko pero
mabuti na lang at naligtas ang baby ko.

Buntis ako, siya ang lalaking kasama ko kaya siya ang asawa ko. Iyon ang itinanim
ko sa isip ko. Hindi naman siguro ako sasama sa kanya kung hindi.

Iyon lang din ang sabi niya, patay na ang mga magulang ko at kami na lang ang
magkasama, wala akong ibang kamag-anak.

Sinubukan namin ipatingin ang ulo ko pero magiging delikado raw sa pagbubuntis ko
lalo't kung iinom ako ng gamot kaya pagkatapos ko na lang manganak.

Ayos lang naman sa akin, wala akong maalala simula bata ako hanggang bago
maaksidente. Naisip kong kung importante iyon ay bakit ko makakalimutan?

Hindi naman siguro gano'n ka-importante iyon kaya hindi rin ako nagmamadali,
paminsan-minsan ay parang pamilyar ang mga bagay sa akin kaya naiisip kong baka
nangyari na iyon noon.

"Lyn, nandito na si Rosa," napukaw ang atensyon ko nang tapikin ni Jaren ang
balikat ko.
Hawak ni Rosa ang tiyan habang papalapit. "Sumama ang tiyan ko sa salabat," sumbong
niya kaagad. Paano ba naman porket libre ay ginawa niyang juice.

"Gabi na rin naman, uwi na tayo," aya ko.

Pumayag naman sila, naisip ko rin maaga ang pasok ni Jaren sa site. Nang nasa bahay
na kami ay naglinis ako nang katawan, nasa labas si Jaren.

Sandali akong napatitig sa kisame ng kwarto namin pero hindi pa rin ako inaantok at
hindi pa siya pumapasok kaya lumabas ako.

Naabutan ko siya sa labas ng bahay na nagtitirik ng kandila.

"Anong ginagawa mo?" buong kuryosidad na tanong ko.

Nagulat pa siya sa biglang salita ko kaya mahina akong natawa, tumayo siya at
inalalayan akong umupo sa upuan sa labas ng bahay at tumabi sa akin roon.

Nakaharap kami sa payapang dagat, malaki ang buwan kaya maliwanag ang paligid.

Bumaba ang tingin ko sa kandila na may sindi. "Anong ibig sabihin nyan?" takang
tanong ko, naiisip ko tuloy na baka may asawang.
Tumikhim siya.

"M-May kaibigan akong namatay..." sabi niya.

Napalingon tuloy ako sa kanya, hindi siya masyadong nagkukwento tungkol sa buhay
namin noon. Kung anong klase kaming tao noon, kung paano ko siya sinagot, paano
kami kinasal, kung tiga saan kami. Basta ang nakwento lang niya ay nagkakilala kami
sa simbahan.

Dapat ay magpa-pastor siya pero hindi niya itinuloy, sabi niya hindi naman niya
iyon calling, hindi siya para roon.

"Kaibigan mo sa dati natin lugar?" paninigurado ko, kaibigan ko rin ba iyon? Kasi
kaibigan niya, baka kakilala ko rin.

Tumango siya.

Siguro gusto niyang bisitahin pero hindi niya magawa kaya nagturok na lang siya ng
kandila.

"Bakit namatay?"

Malakas siyang bumuntonghininga, pinaglaruan ang kamay ko. "Nagpakamatay siya e."
Nagulat ako sa sinabi niya, sandaling natigilan. "Nagpakamatay? Grabe naman.
Bakit?"

"Maraming problema, nagkasabay-sabay. Hindi niya nakayanan." Nilingon niya ako,


lumilipad ang ilang buhok niya dahil sa hangin.

Parang may kumurot sa puso ko, iba-iba nga ang pain tolerance ng tao. Minsan may
mahihina sa mga problema, 'yong mga walang napagsasabihan at kinikimkim. Hindi ko
alam kung gano'n din ba ako noon? Kung may problema na bang nangyari sa akin noon
na hindi ko nakayanan at kung ano ginawa ko?

"Wala ba siyang nasasabihan ng problema niya?"

Umiling siya. "W-Wala. Nawala 'yong pinagsasabihan niya ng problema noon. Hindi
niya nakayanan lahat, sinisisi niya ang sarili niya sa isang bagay. Nakunsensya ako
kaya ginagawan ko siya ng pabor ngayon," mahinang sabi niya.

Pinaglalaruan ang mga kamay namin.

Bigla akong nakaramdaman ng awa para sa kaibigan niyang tinutukoy niya. Mabuti na
lang ako, kahit papaano ay nandito si Jaren, wala naman akong problema.

Maayos ang lugar ko, mabait din si Jaren sa akin... hindi niya ako sinasaktan at
hindi siya nambababae kaya maswerte na rin ako.

"Anong pangalan ng kaibigan mo?"


Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bakas ang lungkot.

"Kev..."

__________________

Kabanata 29 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Note: Uki, lilinawin ko lang last na sa naguguluhan sa transition po. Flashback


lang 'yong mga unang scene hanggang sa relasyon nila Terron, pinakita lang
importante scenes nila bago sila mapunta sa present. Mas magugulo kayo kung bigla
kong ipasok si Terron at ibang tauhan sa present tapos hindi niyo sila kilala.
Hindi sa past nila focus kaya hindi detailed po uki? Saka may story si Terron, doon
niyo na lang alamin nangyari sa kanila haha.

Tapos after sa hospital, biglang talon sa probinsya scene ni Lyn(Lisa) at Jaren.


Sinadya ko kasi walang thrill kung ikwento ko na kung ano nangyari bago siya
mawalan ng ala-ala, magiging plain po so wala ng gulat kapag lumabas si Jaren. Alam
niyo na bakit sila magkasama, the end na kaagad. Part po siya ng pagku-kwento,
hindi ko po binibilisan. Hindi ko naman babaktawan iyon, maipapaliwanag naman teka
lang kasi hahaha wait lang po nagta-type pa kasi ako. Sorry na, 'yon writing style
ko po, magpahilo. Surina, ako rin naman hilo na. ߘ

Kabanata 29:

"SIGURADO ka bang ayos ka lang na maiwan dito? Pwede naman ako um-absent, tatawag
na lang ako sa site," nag-aalalang sabi ni Jaren na ayaw pang-umalis kahit bitbit
na ang bag.

Mabilis akong umiling, kasalukuyan kong pinapa-dede ang aking anak. Si Kian,
masyado siyang maliit para sa isang taon na bata.

"Ayos lang ako, Jaren. Sige na umalis ka na." Ngumiti pa ako sa kanya, para hindi
siya mag-alala dahil ayaw niya akong iwan. Sinabi ko naman na sasamahan ako ni Rosa
mamaya kaya ayos lang.

Tumango siya saka naglapag ng limang daan sa lamesa.

"Mag-iiwan ako ng pera, magpabili ka na lang kay Rosa mamaya kung may kailangan ka
ha?" sabi niya bago umalis.

Napailing ako bago bumaba ang tingin sa gwapo kong anak. Ang puti niya, pareho
kaming kayumanggi ni Jaren kaya hindi ko alam kung saan 'to nagmana, ang tangos ng
ilong niya at mahaba ang pilik-mata. Mabuti ay namana sa akin ang labi, manipis.

Hinimas ko ang ulo ni Kian habang dumedede sa akin. Ang isa niyang kamay ay
pinaglalaruan ang nipple ko sa kabilang dibdib, nasanay siyang ganyan hanggang
makatulog.

Minsan pinipigilan ko pero umiiyak, saan kaya 'to nagmana ng kaartihan? Hindi naman
ako maarte ah.

Nanatili kaming gano'n, nang tuluyan siyang makatulog ay inilapag ko siya sa higaan
niya. May harang naman kaya ayos lang iwanan, hindi naman 'to iyakin kapag gutom
lang.

Habang natutulog siya ay naglinis na ako nang bahay, sakto naman dumating si Rosa
sisigaw pa sana siya nang batuhin ko siya ng walis.

"Aray!" reklamo niya kahit hindi naman natamaan.

Sinenyasan ko siya na huwag maingay. "Tulog si Kian, huwag ka maingay alam mo naman
mahirap patulugin iyon."

"Aysus, antukin ang bebe."

Tumango siya saka nilapag ang dalang‚turon sa lamesa, doon ko napansin ang isang
folder.

"Hala, nakalimutan ni Jaren." Binuksan ko iyon. Mukhang mahalaga, ito ata 'yong
ginagawa niya kagabi. Nagpuyat pa siya rito, tapos nakalimutan lang.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Pwede mo bang hatid 'to sa site?"

Kaagad umiling si Rosa. "Lyn, tingnan mo naman suot ko nakakahiya, naka-daster lang
ako tapos wala pa akong bra. Ikaw pwede kang magpalit, nakakahiya naman sa mga
construction worker doon baka magulat sa ganda ko magka-aksidente pa, ako pa may
kasalanan," segunda niya kaagad.
Mukhang wala na nga akong magagawa. Sobra pa naman imagination ni Rosa.

"Bantayan mo si Kian ah, natutulog naman siya. Babalik din ako kaagad," sabi ko.

"Oo naman sige, ako na bahala kay bebe boy. Ingat ka."

Mabilis akong nagbihis, pantalon at isang plain shirt lang. Tinali ko ang mahaba
kong buhok, hinalikan ko pa si Kian sa noo bago lumabas ng kwarto.

Nakapalumbaba si Rosa na pinapanuod ako. "Ang ganda mo no, kahit ang tagal mo na
rito hindi ka nangingitim masyado, samantalang ako sunog na sunog na."

"Maganda ka iyon ang isipin mo. Kahit anong kulay," pangangaral ko sa kanya. "Sige
na aalis na ako para makabalik ako kaagad, 'yong anak ko ha?" Lumapit ako sa lamesa
saka kinuha ang tatlong turon. "Dadalhan ko nito si Jaren."

Sumaludo siya kaya naiiling na umalis na ako, mabilis akong nakarating sa site.
Tapos na ang school na ginagawa nila, ang alam ko ay sa susunod pa na linggo ang
opening nito.

Habang naglalakad sa loob ng school ay palinga-linga ako. Ang alam ko nasa likod
ang office nila e, kilala naman na ako ng nga katrabaho niya kaya ayos lang.

Liliko na sana ako nang may nakabungguan ako, kaagad akong napahawak sa braso niya
sa sobrang gulat, napahawak naman siya sa beywang ko.

Mumurahin ko sana siya kasi ang laki ng daan tapos hindi tumitingin pero nakita
kong may puting benda nakapaikot sa kanyang ulo, sa may gawing mata at may hawak na
tungkod.

Napasinghap ako at napabitaw sa braso niya saka umayos ng tayo.

"Sorry, are you okay?" malumanay ang boses niya, napatitig ako sa kanyang mukha.
Mukha siyang malungkot kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa blanko
niyang boses.

Naka-man bun ang mahaba niyang buhok.

Tumango ako at napatampal sa noo. Bulag nga pala. Bobo mo Lyn.

"Ayos lang po, sensya na. Sir," sabi ko saka nagpalinga-linga pa.

Wala masyadong tao dahil umaga pa, kung mayroon man ay nasa likod sila sa may tent.

Nakita kong umawang ang labi niya, kinawag-kawag ang bakanteng kamay na walang
hawak na tungkod sa harap animong hinahanap ako.
Hinawakan ko ang kamay niya.

Muntik pa siyang mapasubsob nang hilain niya ako. "L-Lisa? Baby? Ikaw ba 'yan?!"
gulat na sabi niya, mahigpit ang hawak sa kamay ko animong pinipigilan akong
tumakbo.

Kinabahan kaagad ako, ano bang ginagawa niya?

Napangiwi ako nang ang kamay niya sa kamay ko ay kumapa-kapa papunta sa aking
balikat, paakyat sa aking mukha, bago pa niya ako mahawakan doon ay umatras na ako.

"Lisa!" tawag niya sa kung sino.

Mabuti at walang tao, nakakahiya 'to. Gwapo pa naman, buang ata.

"Serr, pasensya na ho. Hindi kasi ako 'yong Lisa na hinahanap niyo. Lyn ho ang
pangalan ko," mahinahong paliwanag ko sa kanya.

Kita ko kung paano siya lumunok, pakiramdam ko ay kinilabutan pa siya dahil sa


boses ko. Ano bang problema niya?

"Y-Yes. Lisa Lyndel."


Umamba siyang hahawakan ulit ako ay may dumating na isang babae na may salamin.
"Kevin, ano bang ginagawa mo? Hindi ba sabi ko huwag kang aalis? Balik na tayo
roon. Ikaw lang ang bulag na gala."

Oh, jowa niya?

"Alice, L-Lisa's here right? She's here! Narinig ko. Hindi ba siya 'to?" Tumuro ang
bulag na lalaki na Kevin ang pangalan.

Malayo ang turo niya sa akin, tuturo-turo pa kasi hindi naman nakikita.

Humakbang ako patagilid para tumama ang turo niya, para hindi siya mapahiya
masyado.

Lumingon ang babae sa akin, nakita kong tumaas ang dalawa niyang kilay bago
tumagilid ang ulo animong may nakakatawa.

"Hindi Kevin... May babae rito pero hindi naman si Lisa 'to. Maganda si Lisa, saka
payat medyo malaman 'tong babae, saka hindi gano'n kagandahan," sabi no'ng Alice na
para bang wala ako sa harapan nila.

Tumaas pa ang sulok ng labi niya.

Aba, sampalin ko 'to.


Hindi kaagad nakapagsalita 'yong lalaki. Nakita kong bumagsak ang balikat no'ng
Kevin. "A-Akala ko siya, sabagay hindi naman ito ang una napagkamalan ko ang iba na
siya," mahinang bulong niya na parang sinasabi niya iyon sa sarili niya bago
humarap sa gawi ko, hindi na naman tama kaya inayos siya no'ng Alice para tumapat
sa akin. "Sorry, Miss akala ko ikaw 'yong fiance ko."

Napalunok ako.

Ay, akala ko itong punggok na ito ang jowa niya. Mabuti na lang hindi kasi masama
tabas ng bunganga ng babaeng 'to.

"A-Ayos lang ho, Serr." Aalis na sana ako nang may bigla akong naalala. Kinuha ko
ang isang turon na nakabalot sa dahon ng saging.

Kinuha ko ang kamay niya para ilagay roon ang turon, mukhang nagulat pa siya.

"Sa'yo na 'yan, Serr. Masarap 'yan. Mataba ang saging at matamis. Ingat ho."

Kumaway pa ako kahit hindi niya ako nakikita, nang makalayo na ako ay nilingon ko
ang dalawa. May sinasabi ang lalaki sa babae, tumawa lang ang babae saka umiling.

Mukhang hindi sila tiga-rito. Mukhang bakasyonista? Galing Manila?

Nang makita ko si Jaren ay mukhang hindi siya nagulat sa presensya ko parang


inaasahan na niya iyon. "Oh, thank you, nakalimutan ko pala," sabi niya nang iabot
ko ang folder.

"Dinala ko baka kasi importante, uuwi na rin ako. Iniwan ko lang si Kian kay Rosa
e," sabi ko.

Inilibot ko ang paningin, ang ibang trabahador ay lumilingon sa amin.

Hinawakan ni Jaren ang siko ko saka hinila sa gilid.

"Nga pala, Lyn. Nakausap ko 'yong kaibigan ko sa Manila, kapag pwede na bumiyahe si
Kian. Pwede na tayong lumuwas para maipatingin ka na," nakangiting sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. "Talaga?" bigla akong natuwa, kahit papaano ay gusto ko na rin
naman bumalik ang ala-ala ko.

Sabi ko noong una ay ayos lang pero parang may kulang.

Tumango siya saka ginulo ang buhok ko. "Kapag nakaalala ka na baka sipain mo ako,"
natatawag sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"

"Wala, wala. Sige na, ingat ka ha?"


"Sige, turon nga pala. Kaso dalawa na lang 'yan naibigay ko roon sa kawawang lalaki
'yong isa, mukhang nalilipasan na kasi ng gutom," paliwanag ko sa kanya saka inabot
ang turon.

Kumaway ako sa kanya, nanatili siyang pinapanuod ako hanggang tuluyan akong
makalayo at makaliko.

Papalabas na sana ako sa school nang makita ko ulit 'yong babaeng kasama no'ng
bulag.

Hinarang niya ako, aayain ata niya ako ng square-ran. Abangan sa labas ng school
gano'n kaya kinabahan ako. Hindi ako marunong sumuntok.

"Hi."

Kumurap-kurap ako saka nagpalinga-linga, hindi ba niya kasama 'yong bulag.

"Hi," ulit niya.

"Hello kasi."

Natawa siya. "Tiga rito ka?"


"Obvious?"

"Medyo. Alice." Inilahad niya ang kamay.

Naningkit ang aking mata bago tinanggap iyon at inalis din. "Lyn."

Marahan siyang tumango bago nakangiting nagsalita. "Nagbabakasyon lang kami rito,
kasama kami noong lalaking bulag kanina sa mga under treatment na pasyente,"
malumanay na sabi niya, hindi ko maintindihan bakit sinasabi niya iyon.

"Pasyente saan?" Pakiramdam ko ay aalukin niya ako sa pyramiding.

"Mental illness. Under treatment pa kami, kaya kami nandito dahil kasama 'to sa
therapy namin."

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib. Nagpapasalamat ako at hindi ko na


nararanasan 'yong gano'n klase ng sakit, tahimik pero pinapatay ka na sa loob mo.

"O-Oh... ayos 'yan. Pero bakit mo sa akin sinasabi iyan?" takang tanong ko.

Kinagat niya ang ibabang labi.


"Ilang linggo kami rito, 'yong kasama kong lalaki ay walang kasama. Hindi niya ako
pwedeng kasama kasi may surot na sunod na sunod sa akin, seloso pa naman 'yong
surot ko," mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

Ako na ata ang sunod na kailangan ng treatment.

"Kukunin kitang tour guide niya, parang gano'n bantay niya habang nandito kami,
tutal tiga rito ka naman. Alam mo ang lugar at mga tao," may paghahamon na sa
kanyang boses.

Mabilis akong umiling. "H-Hindi ako pwede Miss, may baby kasi akong""

"Dalhin mo."

Kumunot ang noo ko, ayoko talaga. Saka makapag-utos naman 'to.

"Sensya na Miss, ayoko talaga."

Lalagpasan ko sana siya nang hawakan niya ang kamay ko at ilagay ang isang papel.
"Kapag nagbago ang isip mo ay tawagan mo iyan, malaki ang sweldo, makakatulong 'to
sa baby mo," makahulugang sabi niya.

Tumalikod na siya pero bago pa tuluyan makalayo ay lumingon ulit saka tipid na
ngumiti.

"Bumalik ka na... sa kanya."

______________________________

Kabanata 30 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 30:

Keviel Jude Pangilinan

Hindi ko makalimutan ang pangalan na iyon na sinabi ni Jaren sa akin noon. Lalo't
kamamatayan niya ngayon, pinanuod ko si Jaren na magtirik ulit ng kandila sa labas
ng bahay para sa kaibigan... hindi lang pala basta kaibigan kung hindi kapatid.
Jaren Pangilinan.

Napabuntonghininga ako saka hinilot ang batok ko, ilang araw na itong sumasakit
hanggang noo. Palipat-lipat 'yong sakit, kaya kadalasan ay natutulog na lang ako sa
sobrang kirot dahil ayoko naman mag-alala si Jaren, ayoko rin uminom ng gamot kasi
sa akin dume-dede si Kian.

Lumapit ako sa kanya.


Nilingon ako ni Jaren nang maramdaman ang presensya ko. "Ikaw pala, Lyn ang aga
mong nagising ah."

"Hmm, nagising ako no'ng bumangon ka." Umupo ako sa upuan sa labas ng bahay,
papasikat pa lang ang araw pero mula sa malayo ay tanaw ko na ang abalang mga
mangingisda sa dagat.

Tumabi siya sa akin saka ako inabutan ng kape, tinanggap ko iyon.

"May napaginipan ako, Jaren," pag-amin ko sa kanya pagkalipas ng mahabang


katahimikan.

Mula sa gilid ng mata ay nakita kong napalingon siya sa akin, bumaba ang tingin ko
sa kape na hawak. "Sa panaginip ko ay may kasama akong isang lalaki, hindi ko
masyadong makita ang mukha dahil blured pero hindi ikaw 'yon... alam ko." Malakas
akong bumuntonghininga habang inaalala ang panaginip habang malinaw pa sa memorya
ko. "Nakasakay kami sa kotse, may humahabol sa amin... sigaw ako nang sigaw sa
panaginip ko. 'Nandyan na sila Papa! Maabutan tayo!' iyon 'yong sinisigaw ko sa
panaginip ko." Pakiramdam ko ay sumisikip ang aking dibdib.

Nang lingunin ko si Jaren ay puno ng pag-aalala ang mukha niya.

"Ano pa? Mga pangalan?" puno ng pag-asang tanong niya pero umiling na ako.

Wala na akong maalala, iyon lang.


Sandali siyang natahimik bago ngumiti. "Ayos lang 'yan, unti-unti kapag bumalik na
ng kusa ang ala-ala mo maiintindihan mo rin ang lahat."

Humigop ako nang kape, siya rin ay humigop sa tasa niya.

"Hindi kita asawa hindi ba?"

Halos maibuga niya sa mukha ko ang ininom niyang kape sa sobrang gulat. Kumurap-
kurap pa siya animong naninigurado sa narinig mula sa akin.

Tipid akong ngumiti.

"Ang totoo, pagkatapos kong manganak ay roon ko lang napansin. Bakit wala tayong
singsing? Nasaan ang marriage certificate natin? Bakit..." Kinagat ko ang aking
ibabang labi dahil hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin. "Bakit hindi tayo
ano, alam mo na. Nagsisiping? Hindi ko rin maramdaman na... mahal kita. Sorry,
Jaren."

Nang lingunin ko siya ay nakatulala na siya sa akin.

Naisip ko rin naman noon una na baka mahal ko talaga siya, na dahil nawala ang ala-
ala ko ay nakalimutan ko lang iyon pero hindi. May kulang.

"Unti-unti ay naisip kong nagpapanggap ka lang. Hindi ko alam kung para saan o
bakit, ayoko sanang magtanong pero... bakit mo ito ginagawa Jaren?" takang tanong
ko.
Parang lumuwag ang dibdib ko nang sabihin ko iyon sa kanya. Nakita ko ang gulat sa
mukha niya napalitan ng lungkot.

"Tama ka... hindi nga." Suminghap siya. "B-Bago mamatay ang kapatid ko ay nag-iwan
siya ng sulat sa akin. May sinabi siyang pangalan at kung ano ang dapat kong gawin.
Tinutupad ko lang, pakiramdam ko kapag hindi ko natupad 'yon, madi-disappoint ko
siya."

"At ako 'yon? 'Yong sinabi niya sa sulat?" Dahan-dahan siyang tumango. "S-Siya ba
ang ama ng anak ko?"

Bigla akong kinabahan, bigla akong natakot. Kung pwede ko lang pilitin makaalala
kaagad ay ginawa ko na.

Malakas na natawa si Jaren na parang may nakakatawa sa tinanong ko. Hinampas ko


siya sa sobrang inis. "Hindi no, baka masuka 'yon kapag narinig ka at bumangon sa
hukay para lang sampalin ka," biro niya pero bakas ang lungkot tuwing binabanggit
ang kapatid.

Lumingon siya sa dagat. "Hindi kami magkasundo ng kapatid ko. Simula noon, kasi...
kasi bakla siya. I found it disgusting, I couldn't accept it. Hindi namin tinanggap
si Jude, kahit mga magulang ko. Isang tao lang ang tumanggap sa kanya, kaso nawala
ang taong iyon sa kanya. Lyn. Kinain ang kapatid ko ng galit, selos at kasakiman
niya. Sobra siyang nagmahal, sobra. He made mistakes. Things that you couldn't
imagine."

Hindi ko alam kung bakit bawat salitang binibitawan ni Jaren ay bumabaon sa puso
ko, na para bang kasama ako sa istoryang iyon.
Hindi ko maisip kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng kapatid niya, kaya rin siguro
ganito kaapektado si Jaren kasi noong nabubuhay pa ay hindi niya naparamdam sa
kapatid na mahal nila ito.

Hinawakan ko ang kamay ni Jaren nang makitang naiiyak na siya.

"Patawarin mo siya... Sana dumating ang panahon na patawarin mo siya," mahinang


sabi niya.

Pinisil ko ang kamay niya, base sa mga salita niya. Malaki ang parte ni Jude sa
akin, sa past ko.

"Pinapatawad ko na ang kapatid mo, Jaren. Hindi ko pa man alam ang dahilan pero
pinapatawad ko na siya, kung nasaan man siya ngayon sana ay makita niyang ayos lang
ako. Na ayos na ako."

Mahigpit akong niyakap ni Jaren, pinigilan ko ang maiyak pero sunod-sunod na tumulo
ang luha ko.

Pakiramdam ko ay parang may bato na nakabara sa lalamunan ko na natanggal na, ang


luwag sa pakiramdam.

***

Nang umagang iyon ay umalis ulit si Jaren papunta sa site, mas naging busy sila
dahil sa susunod na lunes na ang bukas ng school. Sinisigurado nilang maayos na ang
lahat.

Bihis na ako at bihis na rin si Kian, hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko
pero naisip kong kailangan ko ng pera. Nakakahiya na kay Jaren, lalo't ngayon
malinaw na nawala kaming kahit anong ugnayan. Masyado na siyang maraming natulong
sa akin at sa anak ko.

Inayos ko ang suot na jumper ni Kian, balbon siya kaya makapal na kaagad ang buhok
niya sa ulo, tinatali ko iyon ng isa para hindi siya masyadong mainitan.

"Baby, magwo-work si Mamu ha? Magwo-work tayo. Please huwag ka magkukulit nako,
mukhang pinaglihi pa naman sa sama ng loob ang amo natin." Hindi ko naman siya
maiwan kay Rosa lalo't dumedede pa siya sa akin. Tapos may trabaho rin si Rosa sa
palengke.

Hinalikan ko si Kian sa ilong. Lagi kong pinanggigigilan dahil ang tangos niya, ang
puti parang naliligo sa gatas.

Gamit ang baby carrier niya ay binuhat ko siya at nilagay ko sa likod ko. Pwede
naman sa harap ko kaso baka mahirapan ako kumilos.

Dala ang papel na may address at numero ay umalis ako ng bahay. May isa pa akong
bag para sa mga gamit ni Kian, sana lang talaga hindi siya magkulit.

Nakarating kaagad kami ni Kian sa tinutuluyang cabin ng lalaking bulag, na-kontak


ko na kagabi si Alice 'yong babae. Ipinaalam na raw niya sa lalaking babantayan ko
na pupunta ako ngayon araw.
Kumatok ako sa pintuan pero walang sumasagot.

"Sir??" bahagya kong nilakasan ang boses ko.

"Seeerr!" sigaw rin ni Kian.

"Hush, Kian."

"Hoss, Ki! Yan! Yan!"

Sinenyasan ko siyang huwag maingay dahil ginagaya niya lahat ng sinasabi ko, hinila
niya ang buhok ko.

Maldito talaga, hmp.

Nilingon ko siya at tinakot ng tingin pero ang bata ay inirapan pa ako. Aba!

"Saan mo ba natutunan 'yan?" mahinang bulong ko na lang. Kaagad ata akong tatanda
rito.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob, madilim sa buong cabin. Kinapa ko ang ilaw
sa gilid, nang kumalat ang liwanag ay halos mapanganga ako nang makita ang maduming
kwarto. Malaki iyon pero madaming kalat, mula sa mga bote ng alak, sa mga damit, sa
mga gamit.

"Mukhang bantay slash yaya tayo, Kian," bulong ko sa anak ko.

Tuluyan akong pumasok at isinara ang pintuan. Doon ko napansin si Sir Kevin, ang
lalaking babantay ko na nakahiga sa sofa. May benda pa rin ang mata.

Bahagya akong lumapit dahil parang hindi siya humihinga, naningkit ang aking mata
habang pinapanuod ang hubad na dibdib niya na gumalaw.

Buhay pa.

Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya, pababa pa at—

"Pap... pa... pa..." Gumawa ng ingay si Kian, kaagad ko siyang sinenyasan na huwag
siyang gumawa ng ingay, inilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng bibig.

Napangiwi ako nang sumenyas din siya. Ang pinagkaibahan ay tatlong daliri ang gamit
niya.

Dahan-dahan kong inalis ang baby carrier backpack para maibaba siya. Inilapag ko
siya sa sahig, sa may malinis na parte, hinawakan ko ang pisngi niya.
"Huwag kang aalis ha, upo ka lang okay? Kukuha lang akong walis."

Kumurap-kurap siya, kaya tumayo na ako. Sa maliit na kusina ko nakita ang walis,
halos mangasim na ang kusina dahil sa dami ng mga hugasin.

Depressed.

Iyong ang sabi ni Miss Alice, kaibigan niya si Sir Kevin. Hindi naman niya sinabi
kung anong dahilan, basta broken hearted daw.

Nang makabalik ako sa sala ay halos atakihin ako sa kaba nang wala na sa
pinaglapagan ko si Kian.

Dali-dali akong lumapit sa sala, mas lalo akong nataranta nang makitang nakatayo na
si Kian sa gilid ng sofa.

Hinahampas-hampas ng maliit niyang kamay ang ilong at pisngi ni Sir Kevin.

"Pap! Pu! Seeer! Seeer! Hoss!"

Laglag ang panga ko nang ilapit ni Kian ang maliit niyang labi sa ilong ni Sir
Kevin animong ginagaya ang ginagawa ko sa kanya kapag nanggigigil ako.
Kiniss niya sa ilong.

Nabitawan ko ang walis sa gulat nang gumalaw si Kevin. Oh no baby!

__________________________

Kabanata 31 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 31:

Palingon-lingon ako kay Kian habang naglilinis, tahimik na siya sofa habang
naglalaro ng learning toys niya. May iba't ibang shapes doon at ipapasok niya sa
loob ng box sa saktong butas. Paulit-ulit, hanggang magsawa na siya.

Minsan ay kumukunot pa ang noo niya kapag hindi naipapasok ang heart-shaped sa
circle na butas.

Hinilot ko ang aking batok. Nilingon ko naman si Sir Kevin na nasa kusina, talagang
sinadya kong malayo kay Kian para kung gumawa man ng ingay ang bata ay hindi niya
kaagad maririnig. Binuksan ko pa ang tv.

Para akong nag-aalaga ng dalawang bata. Ang isa maingay, ang isa tulala.
Tulala lang siya roon kahit dumating na ang breakfast niya galing sa room service
kanina. Hindi ko alam kung ayaw niya ba akong nandito o ano, hindi naman niya ako
pinansin kanina noong nagpakilala ako.

"Kumain ho kayo, hindi ka mabubusog ng titingnan lang iyan," sabi ko.

"H-Hindi ko naman tinitingnan. I can't see it remember?"

Napakamot na lang ako sa aking pisngi dahil sa sagot niya. Lumapit ako sa lamesa,
doon ko nakita ang chicken wings niyang ulam.

"Mukhang masarap naman 'to."

"Hindi ko kasi makita."

"Obvious nga ho," mahinang sabi ko. "Ipaghihimay ho kita ng manok Sir Kevin, kumain
ka para makalabas tayo mamaya, mas maganda kung maarawan ka, iyon din ang sabi ni
Miss Alice, igala raw kita rito." Inagaw ko sa kamay niya tinidor.

Kinagat niya ang ibabang labi. "Drop the ho and Sir. " Bumuga siya ng hangin.
"Ganyan ba talaga ang boses mo?" May pagdududa pa sa kanyang boses.

Ako naman ang naguluhan. "Oho—este oo ganito. Bakit?"


Sandali siyang natahimik. "K-Kaboses mo 'yong namatay kong girlfriend," mahinang
sabi niya, pinanuod kong basain niya ng dila ang kanyang tuyong labi.

Suminghap ako, iyon ba 'yong Lisa? 'Yong napagkamalan niyang ako noong nasa school
kami?

Inabutan ko muna siya ng tubig bago ako magsimulang mag himay ng manok, nilingon ko
si Kian na abala sa ginagawa at salubong ang kilay.

"Pwede ko bang malaman kung bakit?" tanong ko pero hindi na siya nagsalita.

Hindi na ako nagtanong pa dahil baka isa iyon sa dahilan kung bakit siya nasa
ganitong sitwasyon, binilisan ko na lang ang ginagawa ko para makalayo sa kanya.
Ayoko sa pakiramdam na malapit siya.

Nang matapos siyang kumain ay pumasok siya sa kwarto, muntik pa siyang makabasag ng
vase nang masipa niya. Ako naman ay tumawag ng maglilinis, para makapaglinis sila
habang nasa labas kami.

Nilapitan ko si Kian.

"Ang behave naman ng baby ko," puri ko sa kanya, hinimas ang matambok na pisngi.

Hinawi niya ang kamay ko, ayaw magpahawak. Hinalikan ko siya sa pisngi bago pumasok
sa kwarto para sana tulungan siya kung may kailangan pero mukhang nasa banyo na
siya.
Inayos ko na lang ang gusot-gusot na sapin ng kama. Ilang minuto pa ang lumipas ay
bumukas ang pintuan ng banyo sa aking likuran.

Umawang ang bibig ko para magsalita pero pagharap ko ay naiwan na iyong nakanganga
nang makita siyang walang saplot, basa ang katawan at buhok pero may benda pa rin
ang mata.

Napakurap-kurap ako, halos lumuwa ang mata.

Hoomaygad!

Napahigpit ang kapit ko sa unan na inaayos ko nang maglakad siya papunta cabinet sa
gilid ko lang. Kumapa-kapa siya sa kama para marating iyon kaya todo iwas ako para
hindi niya ako matamaan.

Humakbang siya ng isa, napamura ako sa isip ko nang pader na ang nasa likuran ko
kaya napaupo na lang ako.

Mas lalo akong hindi nakahinga nang sakto sa mukha ko ang alaga niya, mukhang
galit. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng ingay.

Ganon ba talaga 'yon? Ba't pink?!


Nang tumalikod siya ay napatitig na ako sa bilog na bilog niyang pang-upo, gusto
kong lumabas pero ayaw na kumilos ng paa ko. Siguradong kapag inihakbang ko ito ay
madadapa ako, nanghina ako bigla.

Pigil ko ang aking paghinga, nagbihis siya sa mismong harapan ko. Gamit ang tungkod
ay kinapa niya ang palabas sa kwarto.

Nanatili ang tingin ko sa kinatatayuan niya ng ilang segundo. Ilang beses pa akong
lumunok para lang makahinga ulit nang maayos.

"Li—Lyn?" sigaw niya sa labas.

Dali-dali akong lumabas, walang ingay.

Nahigit ko ang aking hininga nang pabalik na siya sa sala. Nagtama ang mata namin
ni Kian, umiling ako sa kanya dahil nakangiti siya animong may naiisip na
kalokohan.

No anak, please huwag mo ako ipahamak, ibabalik talaga kita sa matres ko.

"Lyn?" tawag ulit ni Kevin.

Parang bumagsak ang langit sa akin nang sumigaw si Kian.


"Lyn! Lyn!" sigaw ni Kian habang ngiting-ngiti mariin akong napapikit.

Shit!

"Bakit?" mabilis akong lumapit sa kanya, nagbabakasaling hindi niya narinig ang
anak ko.

Nagpalinga-linga si Kevin, may hinahanap. "Who's that?"

"S-Sino? Wala naman, baka sa tv. Tara labas na tayo, doon sa dagat."

"N-No. I heard him." Sandali siyang tumigil parang inaalala kung saan galing ang
boses. Halos kapusin na ako ng hininga sa kaba nang dahan-dahan siyang naglakad
papalapit sa sofa. Nang tumama ang paa niya sa gilid ng sofa ay tumigil siya.

Dahan-dahan siyang umupo, umawang ang labi ko nang ilapat ni Kevin ang kamay sa
couch, dahan-dahan inusog papalapit sa kabilang dulo kung nasaan ang anak ko.

Bago pa ako makahakbang para pigilan iyon ay si Kian mismo ang umabot sa kamay ni
Kevin.

Niyakap ng maliit niyang braso ang kamay ni Kevin, nakita ko kung paano siya
natigilan sa paghinga. Para siyang natuod doon habang ako, hindi ko alam bakit
sumikip ang dibdib ko.
Hindi ako makagalaw, may parte sa akin na gustong ilayo ang anak ko roon pero may
parte rin na gusto ko silang panuorin.

"H-Hey..." usal ni Kevin pagkaraan ng mahabang nakatahimik.

Gamit ang isa niyang kamay, inabot niya ang pisngi ng anak ko.

Humagikgik si Kian na parang nakiliti sa haplos ng lalaking ngayon niya lang


nakita.

"Pap! Pap! Up! Arga!" sigaw ni Kian, nagpapakarga na.

"K-Kevin..."

Hindi niya ako pinansin, maingat niyang kinapa ang anak ko at binuhat. Kaagad
hinawakan ni Kian ang pisngi ni Kevin at sa unang pagkakataon ay nakita kong tumaas
ang sulok ng labi ni Kevin.

Umawang pa nang kaunti ang labi, parang nahirapan pa siyang huminga.

"Hey..." bati niya sa anak ko kahit hindi nakikita, ang malaki niyang kamay ay
nakasuporta sa likod ni Kian.
"Heeeey!" balik na sigaw ni Kian.

Natawa si Kevin, umawang ang labi ko dahil doon. Ngayon ko lang siya nakitang
tumawa, hinimas niya ang likod ni Kian.

"Eyes! Eyes!" Turo ni Kian sa nakatakip na mata ni Kevin.

Doon lang ako nakabawi nang akmang tatanggalin iyon ni Kian.

"Kian!" Mabilis akong lumapit upang kuhanin siya, noong una ay nagdadalawang-isip
pa si Kevin kung ia-abot sa akin ang anak ko pero sa huli ay pinaubaya na niya.

Pumasag pa si Kian animong magpapababa pero hindi ko siya hinayaan. Bakit ba kasi
naisip kong pwedeng dalhin si Kian sa ganito? Mali ata ang desisyon ko tungkol sa
trabahong ito, siguradong papagalitan ako.

Bahagya akong umatras nang tumayo si Kevin.

Seryoso na ang kanyang mukha, malalim ang iniisip. Nakita ko kung paano tumaas ang
kanyang balikat tanda ng malalim na paghinga.

Inaabot ni Kian si Kevin, animong gusto niyang magpakarga sa lalaki, ipinirmi ko


ang mga braso niya.
"Sir, sorry. Sinabi ko naman kasi kay Miss Alice na may anak ako e. Sabi niya okay
lang daw kaya sinama ko 'yong anak ko at—"

"W-What's his name?" mababa na ang kanyang boses.

"Kian..."

"Iyaaaaan!" sigaw ni Kian, nakikigaya na naman.

"Ilang taon na siya?" paos na sabi niya, hindi ko alam kung bakit niya tinatanong.

Hindi ako sumagot, kinagat ni Kevin ang ibabang labi, inilahad ang kamay. Hindi ko
alam kung anong gagawin doon, pilit inaabot iyon ni Kian. Kusa kong inihakbang ang
aking paa papalapit sa kanya, nang naghawak ang kamay nila ay kaagad lumapit si
Kevin at hinalikan niya ang kamay ng anak ko.

Ang kamay niya ay humawak sa braso kong nakapalibot sa aking anak, nakakapagtaka na
hindi ako nagulat sa hawak na iyon, na para bang sanay ako sa init ng palad niya.

Pinaglandas niya ang malambot at mainit niyang palad sa aking braso hanggang
balikat.
Napapikit ako nang dumapo ang palad niya sa aking pisngi. Marahan niya iyong
hinahaplos, ang kanyang hintuturo ay lumandas sa aking mata, ilong at labi para
bang sinusukat pa niya ang mga iyon.

Umawang ang labi ko dahil sa ginawa niya, dapat ay magalit ako pero nanatili lang
akong nakatayo roon habang karga ang anak ko.

Parang may kumurot sa puso ko nang ang benda sa mata niya ay unti-unting nabasa,
may luha na umagos pababa sa kanyang pisngi.

Tuloy-tuloy at tahimik siyang umiiyak habang hawak ang kamay ng anak ko gamit ang
isa niyang kanay at hawak ang aking pisngi gamit ang isa pa.

"K-Kevin... anong ginagawa mo?"

Pinunanuod kong mas mabasa ang pisngi at benda niya. Bakit ba siya umiiyak? Naiiyak
na tuloy ako.

Ang luha kong pinipigilan ay tuluyan nahulog nang yakapin niya kaming dalawa.
Ikinulong niya kami sa kanyang braso, hindi mahigpit pero sapat lang para
maramdaman ang init niya.

Hinalikan niya ang sentido ni Kian at noo ko.

Kumunot ang noo ko dahil doon, hindi ko alam kung itutulak ko ba siya palayo.
Inabot ni Kian ang mukha niya, pinupunasan ang luha niya. Hindi ko alam pero umiyak
na rin si Kian, hinimas ko ang likod niya, para kaming mga tanga na nag-iiyakan.

Naawa ako bigla sa anak ko, parang hindi niya rin alam kung bakit siya naiiyak.
Napahigpit ang yakap ko sa aking anak nang bahagyang kumirot ang ulo ko.

Inabot niya si Kian at paulit-ulit hinalikan sa noo at pisngi bago bumulong. "Don't
cry, baby. Don't cry, Papu's here."

_________________________

Kabanata 32 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Warning: Suicide

Please don't read this part if it'll trigger something, save yourself from
bad/negative thoughts. I'm not promoting. You know the right and wrong, good and
bad. Look at the lesson, uki.

This is after the hospital scene.

Kabanata 32:
Gumawa ng ingay sa sahig ang paghila ko ng upuan papunta sa aking kwarto. Dalawang
araw na simula nang malaman kong wala na ang baby ko, hindi ko matanggap at hindi
ko kayang tanggapin lalo't sa gano'n paraan siya nawala sa akin.

Hindi ko alam kung karma ko ba iyon? Karma ko kasi ginusto ko siyang alisin noong
una kaya tuluyan na siyang inalis sa akin?

The man I trusted the most, betrayed me. He turned into everything he said he'd
never be.

I hate him for ruining everything we had but I hate myself too for depending my
happiness to him. He made me worth it, the happiness and love but he shattered that
all quite well.

Bakit gano'n? Kung sino pa 'yong mga taong pinagkakatiwalaan mo na hindi ka gagawan
ng masama ay sila pa ang mananakit sa'yo? Is that really a human nature? I don't
know anymore, pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng lahat kasabwat ang mundo.

I wiped the tears from my eyes and picked the rope up off the floor.

For the last time, I roamed my eyes at the house we had built along with our
dreams. Sa bahay na akala kong kakalakihan ng anak ko pero wala na siya, kinuha
nila ang anak ko sa akin.

Madilim ang buong bahay, ayoko sa madilim noon pero ngayon hindi ko alam ba't
parang naging kampante ako sa dilim. Darkness became my comfort.
Dumiretsyo ako sa aking kwarto at siniguradong lock iyon. Itinapat ko ang upuan at
tumungtong doon, iniayos ang pagkakatali ng lubid sa kisame. Bawat paghigpit ko sa
lubid ay patuloy na umaagos ang butil ng luha sa aking pisngi, nanginginig din ang
aking kamay, pakiramdam ko ay manhid na ang buo kong katawan.

Hindi ako makahinga, bawat paghinga ko ay mas sumisikip lang ang dibdib ko. I
sighed heavily. I wanna rest.

Napangiti ako nang makita ang lubid na naka-porma na paikot, hinila ko iyon para
tingnan kung hindi babagsak. Wala akong maramdaman takot, ang tanging gusto lang ay
mawala na lang 'yong sakit sa dibdib ko.

Sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi ako nakaramdam ng takot mawala sa mundo.

I fixed my teacher's uniform for the last time. I smiled before putting the rope
around my neck. It was cold, but I like it. I like the feeling of it around my
neck, hugging it tighter.

I teach children how to obey, to forgive, to love, to reach their dreams but here I
am, I can't even help myself.

I realized that no matter how I tried, I will never be good enough. I'm tried of
getting hurt, tired of all lies and my insecurities.

Pumikit ako kasabay ng pagtulak ng aking paa sa upuan upang magawa ko ang plano na
paulit-ulit bumubulong sa isip ko sa lumipas na araw.
Anak... susunod na ako.

My heart thudded, my vision disfigured, I was breathing hard, slowly choking on my


saliva.

Unti-unti nang bumabagal ang aking paghinga, nang pumikit ako ay mukha ni Kevin ang
aking nakita.

Umawang ang aking labi, nararamdaman kong unti-unti nang sumisikip ang lubid sa
aking leeg, humahapdi na kaya natawa ako dahil manhid na ako sa sakit, nasa gitna
ako nang pag-aagaw ng hinga nang nakarinig ako nang malakas na kalabog.

Ang sunod ko na lang namalayan ay may nakahawak na sa aking beywang. Pilit akong
inaangat upang hindi ako tuluyan mabigti, pumasag ako para mabitawan niya pero mas
humigpit ang yakap niya sa akin, ayaw akong pakawalan at pilit akong inaangat.

Napaubo ako nang unti-unting lumuwag ang aking paghinga.

Hindi ko alam kung paano ako naibaba ni Mommy. Habol ko ang aking hininga habang
nasa sahig, napatitig ako sa kisame habang hawak ang aking leeg.

I'm still alive...

Pinilit kong maupo, napatulala ako nang tumama ang malakas na sampal ni Mommy sa
aking kanan pisngi dahilan upang mapatigil ako sa pag-ubo. Humahagulgol na siya, sa
unang pagkakataon ay nakita ko siyang umiyak, nanghina.
Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at inalog-alog, napatitig lang ako sa kanya
at parang nabingi na.

Bakas ang pag-aalala at galit sa kanyang mukha. Ang kanyang matalim na titig sa
akin ay para bang trinaydor ko siya.

"A-Alam mo ba ang ginagawa mo Lisa Lyndel?! Are you out of your mind hah?! Hindi
kita pinalaking malakas para manghina nang ganyan! Sa lahat ng anak ko ikaw ang
pinaka malakas, anong ginagawa mo sa sarili mo?! Parang iyan lang!" umalingawngaw
ang sigaw niya sa buong kwarto.

Kumawala ang malalakas na hikbi sa aking labi.

"H-Hindi 'to parang iyan lang, Mommy. I'm fighting for this for almost fifteen
years! Labing-limang taon ko nilalaban 'tong nasa loob ko, sa pamilya natin, sa
sarili ko at kay Kevin! H-Hindi ako malakas, simula noon nanghihina ako! Pinipilit
niyo akong maging hindi ako! Hindi ako 'yong Lisa na gusto niyong maging! Pagod na
pagod na ako magpanggap! Dapat mataas grade, dapat lahat ng kaibigan may kaya,
dapat maka-Diyos, dapat mag-teacher, puro dapat ganito! Ikaw, My! Bakit simula no'n
naisip mo ba ako? Kami nila ate at bunso? Naisip mo ba 'yong mararamdaman ko?
Laging dapat ganito! Dapat ganyan! Anong magagawa ko kung hindi ako gano'n!"
Napahagulgol na ako, nilalabas ang lahat ng sama ng loob ko.

"Lisa..." Sinubukan akong hawakan ni Mommy pero umatras ako.

"N-Napaka selfish mo Mommy! Kayong lahat. Nasaan ka noong mga panahon na kailangan
ko ng isang ina? Even you gave me money, even you support my financial needs I
don't care about those things Mommy! K-Kasi sa pamilya natin h-hindi ko naramdaman
'yong pagmamahal na hinahanap ko. Kanino ko nakuha 'yong pagmamahal at pagtanggap?
Pero pati siya... pati siya peke rin pala. Napaka selfish niyong lahat! Bakit...
bakit ba napaka malas ko!" Hindi ko mapigilan pumiyok sa sobrang galit sa dibdib
ko.

Mommy cried more, trying to reach me.

"L-Lisa... mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo, ginagawa ko lahat para sa
inyo. Patawad kung iba 'yong paraan ko para maipakita 'yong suporta at pagmamahal
ko... sorry anak kung patago ako magmahal." Mas humagulgol si Mommy mahigpit niya
akong niyakap.

Mas lalong naiyak, nagkapatong-patong na lahat ng iniisip ko at hindi ko na


kinakaya. Hindi ko na kaya.

"K-Kailangan kong maging malakas kasi gusto kong mapabuti kayo. Simula noon,
minamaliit ako... tayo ng mga kamag-anak ng Papa mo kaya g-gusto ko makuha niyo
'yong mga hindi ko nakuha. I want the best for you and your siblings. K-Kahit
magmukha akong masama sa mata niyo ay ayos lang, naialis ko ang ate mo sa
impyernong bahay na 'yon, I saved bunso from harrasment, now... I'm saving you from
manipulation," my Mom whispered.

Sinapo niya ang aking mukha, parehas hilam ang aming mata. Unti-unti bumabagal ang
kabog ng puso ko.

"You need to escape now."

Natigil ang luha ko, pilit iniintindi ang sinasabi niya. I still can't process what
she had said when she handed me a small bag containing money and a ticket.
"Listen, anak..." Mommy cupped my cheek, she wiped the tears that flowing down from
my eyes. "Listen carefully okay? These are the last money that I saved, your Dad
sold our house already. Wala na sa atin 'yon, taon na ang nakalipas. Tingin mo
bakit kita pinayagan umalis sa bahay? Dahil alam kong makakabuti iyon." Suminghap
siya, namalabis ang mga luha niya. "Y-Your Daddy have an affair with Kevin's
father... we found out years ago. I found out first b-but I kept my mouth shut
because I was scared. N-Natatakot akong madamay kayo, gusto kong mag-work 'yong
relasyon kaya kahit malabo ay pinilit ko..." Parang may kumurot sa puso ko sa
sinasabi niya, ngayon ko lang nalalaman ang lahat. "Pinilit kong ilaban kahit alam
kong talo na, sabihin ng martir ako pero ginagawa ko lahat ng iyon para sa inyo.
Rowena found out too... she blamed me. Sinasabi niyang kung sinabi ko kaagad ay
baka napigilan pa, baka hindi natuloy ang dalawa."

Tinitigan ko siya sa mata sa para tingnan kung nagsisinungaling siya pero wala
akong makita. Hindi ko alam kung magaling ba siyang magsinungaling dahil parang
totoo.

Pinisil niya ang kamay ko.

"K-Kevin found out too... I begged him to keep the relationship." Napahikbi si
Mommy. "They threatened me that if the people find out about them... babalikan
tayo, kasi kami lang naman ang may alam."

Umiling ako hindi makapaniwala, I'm not against about same sex relationship, I'll
never judge someone about their sex orientation but this is different. They have
family, child and wife.

How they manage to turned their back to their family? Abandoned their family like
that.

"Love... is powerful, anak. They love each other too much. Natatakot silang malaman
ng iba, Pulis ang tatay ni Kevin, natatakot siyang may masabi ang mga kasamahan
niya gano'n din si Papa mo. Your relationship with Kevin... they see it as a threat
to their relationship. Kung magiging kayo ni Kevin ay mas lalo silang mahihirapan
sa relasyon nila."

Mariin pumikit si Mommy, mas sumikip ang dibdib ko unti-unting iniintindi ang
sinasabi niya.

Sobra akong naguguluhan, kung pwede lang maglaho na lang ay ginawa ko na.

"N-Nalaman na sa Pulisya na may karelasyon ang Papa ni Kevin na lalaki... may


nagpadala ng mensahe. Your name included to the email, Lisa. Your name was there."

Marahas akong umiling. "W-Wala akong pinapadala, wala akong alam!"

Tumango si Mommy, pinapakalma ako. Hinimas niya ang aking braso.

"Alam ko... pero sila Daddy mo at Tito mo ay hindi. Galit na galit sila, sayo. N-Na
suspended ang Tatay ni Kevin dahil nakipag-away siya sa Pulisya. Hiyang-hiya naman
ang Daddy mo dahil kumalat ang larawan nila sa mga trabaho nila... they are looking
for you. Sinubukan kong magpaliwanag pero sabi ni Papa mo baka ginawa mo iyon para
maging kayo ni Kevin..." Nanginig ang boses ni Mommy.

Pinilit niya akong tinatayo, nanghihina ako. Alam ni Papa na hindi ko iyon gagawin,
hindi ba niya kilala ang sarili niyang anak?

"Wala na tayong oras Lisa. Please, sundin mo ako kahit huli na anak. Umalis ka...
habang inaayos namin ang gulo. Natatakot ako sa pwede nilang gawin." Mahigpit niya
ang niyakap.
Sa isip ko ay iniisip kong magpaliwang kay Daddy pero papaniwalaan ba niya ako?

"Save your baby."

Kumunot ang noo ko, nang humiwalay si Mommy ay may malungkot siyang ngiti.

"Your baby is fine. Ito lang ang naiisip kong paraan para isipin nilang tuluyan ka
ng lumayo, para rin isipin nila na wala na kayo ni Kevin. I-I'm sorry... I faked
everything."

Hindi ko alam pero natuwa ako, hindi ako nagalit. Ang tangi ko lang naisip ay buhay
talaga ang baby ko. Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan, napaiyak ako
dahil doon.

"A-Alam ba ni Kevin?"

Naikuyom ko ang kamao ko nang maalala ang nangyari sa hotel.

"H-Hindi..."

Suminghap ako at tumanggo. "D-Don't tell him. He cheated on me Mommy. Hinayaan niya
lang ako roon no'ng dinudugo ako. His son doesn't deserve a father like him,"
madiin kong wika.
Pumungay ang mata ni Mommy.

"It's your decision. I'll support you. Wala na akong pakielam sa iba, ikaw muna."

Mahigpit niya akong niyakap, namalabis ang luha ko. "I love you Lisa. Always
remember that okay? Mommy loves you."

**

NAKASAKAY ako sa isang pang-publikong bus papunta sa pyer kung saan ako sasakay,
papunta sa isla na nasa papel na ibinigay ni Mommy sa akin.

Huminto kami sa isang terminal, bumaba ang ilang pasahero para kumain at umihi pero
nanatili lang akong nakaupo at nakatanaw sa labas ng bintana habang yakap ang tiyan
ko.

Hindi ko maiwasan maalala kung paano ako nakarating dito. Jude saw me walking down
the street, kahit ayoko ay pinilit niya akong ipasok sa kotse niya, natakot pa ako
kasi akala ko sasaktan niya ako pero pinag-drive niya ako papuntang airport. Muntik
pa kaming maabutan nila Papa, galit na galit si Tito. Alam ko, sobrang lakas ng
busina at sigaw nila mabuti at mabilis magmaneho si Jude.

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang inaalala ang sinabi ni Jude bago ako
bumaba sa kotse niya.
"I love him so much, Lisa. Siya lang din 'yong meron ako. Sorry, for the mess I
made. Hindi ko alam na ganito ang kakalabasan, huwag kang mag-alala aayusin ko
lahat ng gulong ginawa ko. I just wanna clear his name. I-I drugged Kevin, I
planned everything Lisa. Doon sa parking lot at sa loob ng hotel. His body was
paralyzed that time, he can't moved his body because of the meds I put to his
drink. S-Sorry... hindi ko naman ginusto gano'n kalabasan. Noong makita ko siyang
gumagapang para lang tulungan ka, umiiyak siya at nagmamakaawa sa akin na tulungan
ko kayo ng anak niyo. Natakot ako, I realized how monsters I am. I-I'm sorry. Alam
kong walang magagawa ang sorry ko para ibalik ang anak n-niyo. Please, come back. I
know he'll wait for you."

Pinunasan ko ang luha ko, mas lamang ang awa ko para kay Jude dahil alam ko kung
paano magmahal ng walang kapalit. I hugged Jude that time, hindi ako nagsalita
basta niyakap ko siya.

Sana lang mapatawad niya ang sarili niya, sana mahanap niya ang totoong magmamahal
sa kanya na walang sinasaktan na ibang tao.

Magsisimula tayo ng bago anak, tayo lang. Hindi natin kailangan ng iba. Tayo lang.

Tipid akong napangiti habang inaalala ang mga pinagsamahan namin ni Kevin. Masasaya
at malulungkot.

After this... we're just strangers with memories. I have so much left to say to him
but our good bye was never said.

May umupo sa aking tabi, hindi ako lumingon. Umandar na ang bus, tumikhim ang
katabi ko pero pumikit na lang ako para matulog habang hawak ang aking tiyan.
Nagising ako sa malakas na pagsalpok, kaagad kong niyakap ang tiyan ko nang
humampas ako sa bintana. Ang huli kong naaalala ay ang pagyakap ng katabi ko sa
akin bago ako mawalan ng malay.

_______________________________

Kabanata 33 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 33:

NANG magising ako mula sa pagkahimatay ay parang binibiyak ang aking ulo, ang huli
kong naaalala ay nag-iiyakan kami sa sala ng cabin tapos ay iniabot ko ang aking
anak kay Kevin bago ako mawalan ng malay.

I remember everything now.

From my childhood to the accident. Pawis na pawis akong napabalikwas ng upo at


napahawak sa aking dibdib sa sobrang lakas ng kabog nito, inilibot ko ang aking
paningin sa buong kwarto. Hospital?

Yung anak ko!

Una ko kaagad naisip si Kian, aalis na sana ako sa kama para hanapin siya nang
tumama ang aking tingin sa isang gilid. Alice was there, she was one of my friend
in college. Her arms were crossed to her chest while looking at me, straight. Like
she was watching me the whole time. Doon ko napansin na may isang gwapong lalaki
siyang katabi sa sofa na hindi pamilyar sa akin.

Lumipat ang tingin ko kay Kevin.

Nakatayo siya sa gilid, buhat si Kian na bahagya niyang sinasayaw-sayaw. Tulog ang
anak ko sa kanyang balikat, bahagya pang naka-awang ang labi. Parang may kumurot sa
puso ko habang nakatingin sa kanila, bahagyang gulo ang may kahabaang buhok ni
Kevin.

He can't see but he managed to take care of my son, even if it was hard to put Kian
to sleep.

What happened? Siya ba ang nagdala sa akin dito o dumating si Alice?

Bumukas ang bibig ko, handa na sanang tawagin si Kevin para kunin ang atensyon at
sabihin nakakaalala na ako nang biglang magsalita si Alice.

"Kev, what if Lisa won't come back? I mean... syempre ang tagal nilang magkasama
no'ng lalaki rito mahigit isang taon din 'yon. What his name again? Jaren? Paano
kung na-in love na si Lisa ro'n?" Ang boses ni Alice ay parang nag-aalala pero
nakangisi siya sa akin na para bang alam na niyang nakakaalala na ako.

I can't believe, she can easily change her voice and her facial expression.
Nakakatakot 'yon, ang hirap niyang pagkatiwalaan dahil hindi ko alam kung alin ba
ang totoo o hindi.

Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya, ang huling kita namin ay binisita namin
siya ni Kevin sa institutions. Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil ayos na siya o
sasapakin ko siya.

Siniko siya ng lalaking katabi niya bago ako ngitian ng lalaki, nakita iyon ni
Alice kaya siniko rin siya. Nagsikuhan silang dalawa at parang nag-uusap gamit ang
mata.

Kevin stopped swaying our son, he gritted his teeth.

"Then I'll make her remember me... remember how we love each other."

"Eh paano nga kung hindi ka na love? You cheated kaya, I hate cheaters..." ani
Alice nakataas ang kilay sa akin parang naghahamon.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, hindi ko alam pero hindi ko siya pinigilan.
Gusto ko malaman ang mga isasagot ni Kevin, hindi ko tuloy maiwasan matitigan siya
na ngayon na aalala ko na siya, roon ko napansin ang pag-iba ng kanyang itsura.

May balbas at bigote siya, hindi gano'n kahaba parang trimmed lang pero hindi ako
sanay. Masyado siyang neat noon, mas lumaki rin ang kanyang katawan malayo sa
androgyne body type niya noon.

Hinimas ni Kevin ang likod ni Kian. Doon ko napansin na nakapagpalit na siya ng


benda sa mata. Anong oras na ba?

"I didn't cheat! I'll never do that to her. Alam niyo kung gaano ko kamahal si
Lisa," madiin ngunit kalmadong dipensa niya.
Alice chuckled. "Alam ko, kaya nga wala sa kanya nakakaligaw noong college kasi
tinatakot mong sasabunutan mo."

Kinagat ko ang aking labi, hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Talaga?

"P-Pinoprotektahan ko lang siya no'n, b-bestfriend kami noon syempre."

Tumayo si Alice at naglakad papalapit sa akin, huminto siya mismong gilid ng aking
kama. "Hmm talaga? Pero nakita kita noon. You threatened a man, mas malaki nga
'yong lalaki sa'yo. Nagulat ako noon kasi parang hindi ka bakla, I mean... You
punched him twice because he tried to take Lisa to a dinner date. Naaalala ko pa
noong may seminar tayo sa Zambales, you kissed her lips while she was sleeping in
the bus. Nakita ko 'yon, hindi ako tulog. Bestfriend huh? Kung ganyan ang may
bestfriend, sana all pala parang gusto na rin humanap ng bestfriend," nanunuyang
sabi ni Alice, tumikhim ang kasama niyang lalaki pero hindi niya pinansin.

Nilingon ko si Kevin, mahaba na ang kanyang nguso, wala siyang balak itanggi iyon.
Hindi ko naman alam kung anong dapat kong i-react sa bagay na iyon. He kissed me?
Why?

"Huwag mong sasabihin 'yan kay Lisa. H-Hindi pa niya ako naaalala e. Ayoko siyang
biglain baka lalo siyang mahirapan makaalala kapag pinilit ko," mahinang aniya.

Alice lips turned up. "Hindi ko naman sasabihin, hindi ako madaldal. Pero uuwi na
tayo sa susunod na linggo? Tapos na 'yong binigay na oras sa atin dito. Nga pala,
iniinom mo ba 'yong gamot mo?"
Tumango si Kevin. "Oo, hindi ko na kakalimutan." Gamot? Para saan?

Hinalikan ni Kev sa noo si Kian bago ulit magsalita. "Hindi ako uuwi sa Pampanga,
hihintayin ko makaalala si Lisa. K-Kung hindi na dito na lang ako titira, baka
pwede akong kumuha ng maliit na bahay malapit sa bahay nila at—"

"She has a husband, right?"

Natahimik si Kevin, kahit hindi ko nakikita ang kanyang mata ay pakiramdam ko ay


matalim ang kanyang tingin, bahagya pang gumagalaw ang panga niya sa pagtatama ng
ngipin.

"Masama na ba ako kung sasabihin kong aagawin ko siya sa asawa niya?" Napasinghap
ako nang sabihin iyon ni Kevin.

Tumawa si Alice nang makita ang gulat sa mukha ko, naiiling pa siya. "Oo masama,
pero mas masama ako. Oh, wait... nagigising na siya! Hey are you okay?" kunwaring
gulat niya.

Nang lingunin ko ang lalaking kasama ni Alice ay kitang-kita ko ang paghanga sa


mata niya habang pinapanuod si Alice. Inalalayan ng lalaki si Kevin na lumapit sa
kama, malakas akong bumuntong-hininga.

"Tatawagin ko lang 'yong Doctor," sabi ni Alice saka lumabas ng kwarto kasama ang
lalaki.
"L-Lyn?" tawag ni Kevin, gamit ang isang kamay ay kinapa niya ako.

Nang maabot niya ang kamay ko ay mahigpit niya iyon hinawakan. Wala akong balak
isekreto sa kanya na naalala ko na lahat, I don't want to pretend tapos na ako sa
gano'n part ng buhay ko.

"Let me hold my son, Kev." I whispered.

Umawang ang labi niya, hindi kaagad nakagalaw. Sa huli ay marahan ko na lang kinuha
si Kian, nanatiling tulog sa bisig ko.

Ang sarap ng tulog ng anak ko ah.

"D-Do you remember me? Naaalala mo na ba ako?" medyo nagdadalawang-isip na sabi


niya.

I kissed my son's forehead before looking at him. "Yes. Maybe you triggered my lost
memories. It’s funny that until now you still affect me."

"Beb..."

"Please don't call me that." Nakita kong natigilan siya, kinagat niya ang ibabang
labi na para bang nasaktan siya sa sinabi ko. "What happened to your eyes?"
pagkuwan tanong ko habang nakatingin sa nakatago niyang mata.
Gusto ko tuloy malaman kung gano'n pa rin ang pakiramdam kung nakatingin sa kanya o
wala na.

Ba't ang tagal nila Alice?

Hinawakan niya ang benda sa kanyang mata, saka yumuko. "I-I was there in the bus
with you... Jude told me, but when I wake up after the accident. Sinabi ng Mommy na
hindi ka nakaligtas, na nawala ka rin sa akin. I-I didn't know..." Umiling-iling pa
siya.

Unti-unti kong naisip ang nangyari, Mommy knew everything. Alam din ni Jude, dahil
pagkagising ko ay si Jaren na ang kasama ko.

Hinilot ko ang aking ulo.

Bahagya kong nilayo kay Kevin si Kian nang akmang aabutin niya, umawang ang labi
niya sa biglang galaw ko.

"L-Lisa huwag mo naman ilayo 'yong anak ko sa akin. That's my son. I know. I can
feel it! Alam mo bang ang dami kong tanong, paanong buhay ang bata, anong nangyari
sa'yo, bakit hindi ka bumalik?" ramdam ko ang galit sa boses niya at puno ng
hinanakit.

Umiling ako kahit hindi niya nakikita, pinunasan ko ang aking luha na kusang
tumulo. "N-Naalala ko na lahat Kev. Ibig sabihin naaalala ko na 'yong ginawa niyo
sa akin. Alam ko naiisip ko ngayon na baka plinano talaga ng Diyos na mawalan ako
ng ala-ala kasi sobrang sakit noon mga nangyari, hindi ko kaya. B-Baka paraan 'yon
para mag-survive ako noong panahon na 'yon. I trusted you too much."
Mahihinang hikbi ang lumabas sa akin, pinunasan ni Kevin ang kanyang pisngi. Naisip
kong sana hindi na lang bumalik ang ala-ala ko kung babalik din ang sakit.

"I love you so much... I'm still in love with you," mahinang bulong niya na para
bang iyon ang sagot sa lahat.

"P-Pasensya ka na kung hindi na ako naniniwala, matagal na 'yong nakalipas pero


'yong sakit nandito pa rin. God, I don't know how can you act like you really care
when in fact you pushed me—"

"I didn't beb!" Marahas siyang umiling. "Sinubukan kong tumayo, tutulungan kita,
gusto ko magsalita at sumigaw. Gusto ko tumayo pero namamanhid 'yong buong katawan
ko no'n. When Jude pushed you and I saw blood, gustong-gusto kitang abutin, p-pero
'yong katawan ko ayaw... takot na takot ako. H-Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa
lumipas na taon, hindi lang ikaw ang nasaktan. Nabuhay ako sa lumipas na taon na
sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng anak ko at ng babaeng—" suminghap siya.
"I'm sorry... sorry hindi ko gustong sumbatan ka, Li."

Hindi na ako nagsalita, naiintindihan ko 'yong paliwanag niya pero ba't ang sakit
pa rin?

Pumasok na sila Alice kasama ang Doctor. May mga tinanong sila sa akin, hindi ko
alam kung ilang minuto kaming gano'n hanggang magising na lang si Kian, nalaman ko
rin na buong araw akong walang malay.

Ala-sais na ng gabi, nang mawalan ako ng malay ay tumawag si Kevin kay Alice. Alice
and her surot helped Kevin, 'yon ang sabi nila.
Nang makaalis ang Doctor ay karga na ulit ni Kevin si Kian para hindi raw ako
mapagod, hindi ko na siya ulit kinausap.

Bumukas ang pintuan at humahangos

na pumasok si Jaren, kaagad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Lyn ayos ka lang ba? Ngayon ko lang nalaman pag-uwi ko na wala kayo sa bahay. Ano
bang nangyari?! Sinabi lang sa akin no'ng tricycle driver na nakasalubong ko na
hinatid ka rito," buong pag-aalalang sabi niya.

Pinisil ko ng kanyang kamay upang kumalma siya. "Ayos lang ako, Jaren. Kaunting
pahinga lang ayos na ako." Tipid akong ngumiti sa kanya, naalala ko lahat ng
mabubuting ginawa niya sa akin habang wala akong maalala. Ang totoo ay hindi ako
galit, pero may mga bagay akong gustong malaman. "Gusto kitang makausap na tayong
lang," sabi ko sabay lingon kila Alice.

Nang makita ni Kian si Jaren ay pumasag-pasag siya sa pagkakarga kay Kevin,


nagpapababa para pagkarga kay Jaren.

Nakita kong gumalaw ang panga ni Kevin na kanina pa pala nakikinig sa amin, may
binulong siya kay Kian pero ayaw magpapigil ng anak ko.

"Dada! Arga! Dada!" sigaw niya kay Jaren.

Kinagat ni Jaren ang ibabang labi bago lumapit, mukhang ayaw pang ibigay ni Kevin
ang anak pero sa huli ay iniabot niya rin.
Halatang nasaktan siya roon.

Hindi ko naman masisi si Kian, siguro nga may lukso siya ng dugo kay Kevin pero si
Jaren pa rin ang kinalakihan niya.

"Pwede bang lumabas muna kayo? May pag-uusapan lang kami ni Jaren," mahinang sabi
ko.

Tumango si Alice at 'yong lalaki, inalalayan nila si Kevin palabas. Pinanuod ko


silang lumabas, bago pa tuluyan maisara ang pintuan ay lumingon si Kevin sa gawi
namin.

"Babalik ako..." makahulugan sabi niya bago isara ang pintuan.

_____________________________

Kabanata 34 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 34:

"I remember everything now, Jaren. Nagpapasalamat ako sa lahat ng naitulong mo sa


akin habang wala akong maalala, nakakatawa lang isipin na kung sino pa 'yong hindi
mo kamag-anak ay 'yon pa 'yong mag-aaruga sa'yo." Hindi ko maitago ang pait sa
aking tono.
Nagulat si Jaren pero nakabawi rin, malakas siyang napabuntong-hininga saka natawa.

"Mabuti naman at nakakaalala ka na, muntik ko na maisip na tatanda na tayong


magkasama." Humalakhak siya na may tono ng pagbibiro.

Napangiti ako habang pinapanuod si Kian na paglaruan ang adam's apple ni Jaren
habang nakakandong.

"Hindi ka naman siguro na-in love sa akin no? I mean..." Hindi ko na alam ang
isasagot ko, 'yon kaagad ang naisip ko. Ayoko na makasakit pa ng ibang tao, bigla
ko tuloy naalala si Terron. Kumusta na kaya siya? Siguro nabalitaan niya rin ang
peke kong pagkamatay... sana maayos lang sila ng asawa niya.

Jaren chuckled. "Hindi, parang kapatid lang talaga ang tingin ko sa'yo Lisa. Don't
get me wrong, may babaeng naghihintay rin kasi sa pagbabalik ko sa Pampanga."

Tumaas ang dalawang kilay ko, bahagyang umawang ang labi dahil sa sinabi niya.
Talaga?

"Iniwan ko siya para tuparin 'yong huling hiling ng kapatid ko, sana maintindihan
niya 'yon. Hindi ko lang alam kung may babalikan pa ako," malungkot na sabi niya.

Bumagsak ang aking balikat, hindi ko alam na may kasintahan siya.


"S-Sorry, Jaren..."

Hinimas niya ang ulo ni Kian. "Ayos lang iyon ang mahalaga ay ayos na kayo,
mamimiss ko 'tong bulilit na 'to. Kapag bumalik na tayo sa Pampanga lagi ko kayong
bibisitahin," sabi niya na parang pinapagaan ang aking loob.

Wala pa sa isip kong bumalik doon pero kung magkataon man ay hindi ko makakalimutan
si Jaren.

Tumango ako. "P-Pero hmm bakit ka nagpanggap na asawa ko?" takang tanong ko.

Kaya pala wala akong maramdaman sa kanya kahit ano. Ni hindi nga kami magkaibigan
noon.

"Noong nagising ka, wala akong ibang maisip na dahilan. Buntis ka at may kasamang
lalaki, kapag ba sinabi kong kakilala lang ay sasama ka sa akin? Titira ka ba
kasama ako? Hindi siguro. And also, your mom told me to pretend, kahit gusto kong
sabihin sa'yo ang totoo ay pinigilan ko dahil baka makasama raw sa'yo kapag pinilit
lalo't muntik na rin mawala ang baby mo dahil sa... kapatid ko," humina ang boses
niya.

Suminghap ako saka tumango, unti-unting iniintindi ang sinabi niya pero natigilan
din nang maisip ang huling sinabi niya.

"A-Alam ni M-Mommy?"
Marahan siyang tumango, tumaas ang sulok ng labi niya.

"Alam niya... sila ni Jude ang nagdala sa'yo rito. Ako lang ang naiwan pagkagising
mo."

Sunod-sunod na tumulo na ang aking luha sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala,
hindi ko alam na mangyayari ang ganito sa akin na napapanuod ko lang noon sa mga
palabas. I was just a normal high school teacher.

Natigil ako sa pag-iyak nang dahan-dahan bumukas ang pintuan, sumilip ang ulo ni
Kevin.

"Pwede na pumasok?" maingat na tanong niya, para siyang batang natatakot pagalitan.

Nagkatinginan kami ni Jaren, tipid siyang ngumiti sa akin bago tumayo.

"Ilalabas ko muna si Kian."

Tumango ako, sinuotan niya nag jacket si Kian bago sila lumabas, nang mawala si
Kian at Jaren ay dahan-dahan pumasok si Kevin, maingat siyang naglakad dala ang
tungkod niya, tinatama-tama niya iyon sa gilid para makaupo sa sofa.

Uupo sana siya roon nang tawagin ko siya.


"Dito ka maupo sa malapit."

"Hah?"

"Dito ka may sasabihin ako, ayokong malayo, mahirap sumigaw kumikirot ang ulo ko,"
pag-aamin ko. "Kunin mo 'yong upuan," utos ko.

Napanguso siya.

"N-Nasaan ba, b-beb—I mean Lisa?"

Tumikhim ako. "Kanan."

Humarap siya sa kaliwa. "Kanan nga!"

Bumuga siya ng hangin. "Nakakakaba kasi, ngayon ko lang ulit narinig ang boses mo.
Kinakabahan ako," pag-aamin niya saka humarap sa kaliwa.

"Oh sige, huwag ka na magdrama, deretsyo."

Nakangusong dahan-dahan siyang dumeretsyo. Narinig ko pang may binubulong-bulong


siya.
"Hooop! Stop. Harap sa kaliwa mo."

Napataas ang kilay ko nang gumamit pa siya ng kamay para alamin ang kaliwa't kanan
niya. Jusko, anong nangyari sa Magna Cum Laude?

Naglakad siya, kaunti na lang makukuha na niya 'yong silya pero ewan ko bakit
natuwa ako't mas pinahirapan ko siya. I'm so bad.

"Saan na? Nahihilo na ako? Hindi na ako uupo." Sumipa-sipa pa siya


nagbabakasakaling matatamaan ang upuan.

"Kaunti na lang, ikot ka tapos lakad ka ng tatlo pakanan ulit, tapos isa sa kaliwa
saka ka kumembot, tapos iyon na." Pinigilan kong natawa nang ginawa nga niya ang
sinabi ko, napatakip ako nang bibig nang kumembot siya, ang laki na ng katawan niya
ang sagwa.

Nang maabot niya ang upuan ay kumamot siya sa batok.

"Come," utos ko.

"Where?"
"To me... come closer to me."

Kumunot ang noo niya, namangha ako nang malaman niya kung nasaan gawi ang kama na
kinakaupuan ko dahil sa aking boses.

Nang makaupo siya sa gilid ay kaagad niyang hinanap ang kamay ko at hinalikan,
hinayaan ko siyang gawin 'yon.

"Yong mata mo ba dahil sa aksidente? Ikaw 'yong yumakap sa akin no'n... hindi ba?
H-Hindi ka na makakakita?" Kahit papaano ay nag-alala ako, he's a teacher at isa sa
puhunan ng guro ang kanyang mata.

Pinagsaklob niya ang kamay namin. "W-Wala na akong makita kahit ano, kahit liwanag
wala." Tumikhim siya. "Pwedeng operahan pero sa ibang bansa dadalhin, papalitan ng
hmm mata. A-Ayokong umalis kasi baka b-bumalik ka sa bahay natin gusto kong kapag
bumalik ka ay nandoon ako, gusto kong yakapin ka kapag bumalik ka," mahinang sabi
niya.

Nahirapan akong lumunok sa kanyang sinabi.

"Dapat nagpagamot ka, dapat inuna mo ang sarili mo at—"

"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala. Ayos na ako, nandito na k-kayo." Bahagyang
nanginig ang boses niya pero sa huli ay tumikhim na lang siya, para bang
pinipigilan niyang maiyak. "Sorry if I hurt you, sorry kung wala ako noong mga
panahon na nanghihina ka, natakot ako ng sobra, binigyan kita ng oras mapag-isa p-
pero hindi ibig sabihin no'n tinalikuran kita. Alam mo ba kung anong naramdaman ko
nang makita ang lubid at upuan sa kwarto mo? Takot na takot ako, halos mabaliw ako
kakahanap sa'yo... sinabi lang ni Jude k-kung nasaan ka kaya nasundan kita,"
mahinang sabi niya.
Bigla kong naalala si Jude pero hindi na ako nagsalita, wala akong alam sa buong
nangyari pagkatapos no'n.

Sandali kaming natahimik ni Kevin, kinuha ko ang aking kamay sa kanya pero hindi
niya binibitawan.

"N-Ngayon naaalala mo na lahat at naipaliwag ko na ang lahat, sasama ba kayo sa


amin pauwi sa Pampanga? B-Buo pa rin 'yong bahay, pwede tayong—"

"Kevin, hindi naman gano'n kadali 'yon. Hindi naman porket naalala ko na lahat ay
ayos na lahat, maybe we need to give time to each other... baka hindi ka sigurado—"

"Don't doubt my love for you, it's the only thing I'm sure of. Be brave to risk
again please..." Suminghap siya sa kamay ko.

"You know what the bravest thing I was ever did? It was continuing my life when I
wanted to die, fighting alone, surviving is my biggest achievement." I smiled even
he can't see me.

"Lisa..."

"We can be friends instead," paos na sabi ko, pinunasan ko ang luha sa kanyang
pisngi.
That's all I can give to him, naisip kong masyado kaming pabigla-bigla noon. Kaya
siguro madali rin kaming nagkahiwalay. Iyon ang naging bunga ng pabigla-bigla namin
desisyon.

We did premarital sex, I almost killed my son, kahit sabihin na katawan ko 'to at
desisyon ko naisip kong mali iyon base sa paniniwala ko, dahil plinano ko iyon
dahil takot ako sa maaaring sabihin ng iba. Para sa ibang tao.

Ngayon, hindi ko na makita ang sarili ko na kasama siya na para bang nasanay akong
kami lang ni Kian, na hindi ko na kailangan ng iba.

Marahas siyang umiling. "You know it's hard to pretend to be friends with someone
special to you, I can't do that again. Sorry kung nape-pressure kita, masyado bang
mabilis? Ayoko na magsayang ng taon, ang dami na nawala sa atin. S-Sige,
maghihintay ako. Kung kailan pwede, liligawan kita. Gagawin ko ng tama ngayon,"
desididong sabi niya.

"Kevin Yeomra," tawag ko mismong pangalan niya, umiling na siya parang alam ang
sasabihin ko.

"I don't think I'll be able to remember what happened before again without pain,
sorry... h-hindi ko na kasi makita 'yong sarili ko sayo. Ayos lang sa akin kung
susustentuhan mo si Kian kasi karapatan mo iyon, hindi rin naman kita babawalan
makita siya—"

"Stop please, baby!" he said, his breathing ragged.

"P-Pwede rin kapag malaki na siya, pwedeng may araw na sa'yo siya. Pero ngayon baby
pa siya, sa akin muna kasi dumedede pa siya." Paliwanag ko.
Sunod-sunod na tumulo ang luha niya, niyakap na niya ako sa tiyan at sinubsob ang
mukha roon. Hinimas ang kanyang likod.

"God damn it, baby I freaking love you," umiiyak na bulong niya.

Tipid akong ngumiti habang hinihimas ang likod niya, sana kasi gano'n kadali lang
iyon.

"If you truly love me, let me go. Kev." Mas humigpit ang yakap niya.

"Am I that easy to let go, Lisa? Yung mga pinagsamahan natin wala na ba?
Maghihintay ako, okay? If you want to stay here in Palawan okay we'll stay here,
hindi na tayo babalik. Dito na lang tayo k-kung iyon ang gusto mo."

"Maaalala ko iyon lahat Kevin, hanggang tumanda ako hindi ko makakalimutan ang
parte mo sa buhay ko pero hanggang doon na lang siguri iyon. Hindi ako handang
magmahal ulit—"

"You don't have to love me the way I do, kahit ako lang magmahal sige ayos lang."

"Kevin, huwag mo 'tong gawin. Magpagaling ka, ayusin mo 'yong mata mo, tapos
bumalik ka sa pagtuturo at aayusin ko naman lahat ng iniwan ko. Sometimes we don't
need someone to be happy. Soon we will just laugh in our past." Hinimas ko ang
kanyang buhok. "I just realize I cannot find my worth in someone else."
Tumingala si Kevin sa akin, gusto kong makita ang kanyang mata pero nakatakip iyon
nakuntento ako sa pagtitig sa namumula niyang pisngi at tainga.

"Sabi mo h-hindi mo ako iiwan... you promised."

Bumagsak na ang aking luha, pinigilan kong maiyak pero parang gripo na iyon. "S-
Sabi mo rin naman hindi mo ako sasaktan noon. Patas lang tayo Kev."

"Gumaganti ka? Lisa sobra na. Alam mong sobra akong matatag na tao, pero pagdating
sayo hinang-hina ako, never ko na-imagine 'yong sarili kong magmakaawa sa
pagmamahal ng iba kasi nakukuha ko 'yon noon."

"Hindi ako gumaganti, wala sa isip ko 'yon. Pakawalan mo na lang ako, iyon lang
hinihiling ko, magsimula tayo na hindi kasama ang isa't isa. Nabuhay na tayo ng
isang taon wala ang isa't isa kaya sigurado akong kaya natin—"

"Hindi ko kaya! Ayoko!"

Umiling si Kevin, pinunasan niya ang luha. Alam kong nasasaktan siya pero wala na
talaga, wala akong balak na papasukin siya ulit sa buhay ko.

May obligasyon sa anak ko pero sa akin wala.

His expression hardened.


"I'll take you back Lisa. You will come back to me. If I need to seduce you and
romance you, I will fucking strip. You can't run away again to me. I won't let that
happen again." He threatened me, a muscle in his jaw twitched.

____________________________

:>

Kab 35 and Wakas na next up. We'll say bye to TMB.

And also I got my first job after pandemic, medyo maganda pasok ni April. Sana
tuloy-tuloy. Good evening!

Kabanata 35 [Teach Me Back (Teach Series #...]

Kabanata 35:

"Congratulations Miss Montero, you're hired." The Principal announced with a smirk,
I smiled at him, he offered me his hand.

"Thank you, Sir Travis." Tinanggap ko ang kanyang kamay, sobrang laki no'n. Bahagya
pa siyang natawa nang maramdaman ang panlalamig ng aking palad, nahiya ako bigla.
Sinong hindi kakabahan? Nag-demo ako sa harap niya, sobra siyang nakakaintimida.

Nakipagkamay ako sa kanya, dati ko siyang Professor sa college na asawa ng kaibigan


ko. Hindi ko akalain makakabalik ako sa Pampanga at makakapagturo ulit.

Tumango siya saka umalis na pagkatapos kong pirmahan ang kontrata.

Ngiting-ngiti ako pagkalabas ng office, dala-dala ang aking bag at folder. Gumagawa
ng ingay ang suot kong stilettos habang naglalakad sa hallway, may mga guro na
napapatingin sa akin ang iba ay lumalabas pa sa classroom para tingnan ako, ang
bagong guro sa kanilang school.

I smiled proudly to myself, I will teach again. Thank God!

Pagkarating ko sa parking lot ay binuksan ko ang nabili kong itim na kotse, hindi
brand new pero pwede na gawing kong service papasok sa school, ayoko naman
tumanggap ng pera galing kay Mommy lalo't nagsisimula rin siya ng maliit na negosyo
para sa pag-aaral ng kapatid ko na balak ko rin tulungan.

Mas okay na 'tong magsimula sa maliit tapos unti-unting lalago.

Pagkasakay ko sa kotse ay tumawag muna ako kay Mommy gamit ang messenger dahil
nagbilin siyang tumawag pagkatapos. Ilang ring lang ay tumambad na siya, nasa isang
parlor spa siya at nagpa-beauty rest kuno.
Natawa ako nang makita si Tita Rowena na kasama niya, mukhang may bonding na naman
ang dalawa, naging mag-bestfriend pa sila. Tawang-tawa pa ako noon nang ikwento ni
Mommy noon na sila ang magkasama ni Tita Rowena na uminom para maka-move on.

"Mommy, hired po ako," masayang balita ko sa kanya, nakita kong sinenyasan niya
sandali ang nag-aayos sa kuko niya bago umayos ng upo.

"Talaga nak? Sabi ko sa'yo makukuha mo 'yan, kahit madami pa sila walang-wala 'yang
mga 'yan," proud na sabi niya at may pagmamayabang pa rin katulad ng dati at hindi
na niya ata iyon maiaalis. Itinapat niya sa mga staff na nag-aayos sa kanya ang
camera. "Anak ko, teacher 'to."

Napangiti ako sa sinabi niya, kung dati ay naiinis ako kapag ginagawa niya iyon
ngayon ay natatawa na lang ako. She just proud, she just love me.

Hinarap niya ang camera kay Tita Rowena, na kasakuluyan nag-a-eyebrow lamination.

"Good afternoon, Tita. Pak na pak ang eyebrows ah?" biro ko.

She chukled. "Syempre, para makahanap ng Daddy sa BGC." Nagtawanan sila kaya
napailing ako. "Pauwi ka na, Li? Ingat ka ha?"

Nagpaalam pa ako sa kanilang dalawa sandali bago paandarin ang kotse.

Mabilis akong nakarating sa bahay ni Jaren para kunin ang anak ko, sa kanya ko
iniwan ngayon araw. Naabutan ko pa silang naghaharutan sa sala, dumungaw ang asawa
ni Jaren na buntis.

"Lisa, kumusta ang trabaho? Magpapa-samgyup ka na ba?" biro niya kaya natawa ako,
noong nakaraan pa niya ako inaaya at mukhang pinaglilihihan din ako ng asawa niya.

"Tanggap na, saka na tayo mag-samgyup baka next week birthday ni Kian," paalala ko
tinaas ko pa ng kilay si Jaren dahil nangako siyang sasagutin niya ang kalahati.

Tumaas din ang kilay niya, nag-usap kami sa mata para lang inisin ang asawa niya.

"Anong pinag-uusapan niyo ha?!" selos kaagad siya kaya nakakatuwang asarin, bagay
sila ni Jaren kasi balanse lang sila.

Natatawang kinarga ko si Kian, kinuha ko ang mga gamit niya. "Uuwi na kami, salamat
sa pag-aalaga sa baby ko. Babawi ako sa inyo ha next week, two years old birthday
ni Kian huwag kalimutan mga Ninong at Ninang," paalala ko.

Hinatid pa nila ako sa labas, sa likod ko sinakay si Kian. May baby car seats siya
roon para maisasama ko siya kapag nagda-drive ako.

Medyo matatas na siya ngayon, madaldal na lalo.

Daldal nang daldal si Kian habang nagda-drive ako may kinukwento siya tungkol sa
pinanuod nila ni Jaren, putol-putol ang salita niya pero ewan ko kung bakit
naiintindihan ko, gano'n ata kapag ikaw ang ina maski maliliit na bagay tungkol sa
anak mo ay kabisado mo.
"And then what happened?" I faked my shock.

Nang matapos siyang magkwento ay saktong huminto kami sa ospital kung nasaan si
Papa, sinuotan ko si Kian ng mask bago pumasok sa ospital.

Ngayon ko pa lang siya bibisitan kahit limang buwan na akong nakabalik sa Pampanga,
hindi ko pa kasi kaya noon.

Naabutan ko siyang nakahiga sa kama, nakatingin sa labas. May nurse na lalaki sa


loob at nang makita ako ay sinenyasan akong lalabas muna siya.

Hindi ako nagsalita, mukhang napansin niya ang presensya ko kaya lumingon siya,
kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. Bumaba ang tingin niya kay Kian at ang
gulat niyang mukha ay napalitan ng lungkot, kaagad namula ang mata niya at pinilit
niyang tumayo.

Kaagad akong lumapit upang pigilan siya.

"H-Huwag na po kayong umupo, Pa. Ayos lang po."

"L-Lisa anak..." nanginig ang boses niya at pinilit pa rin umupo.


Umupo ako sa silya na malapit sa kama niya, hindi ko alam kung kailan nagsimula
pero ang kwento ni Mommy ay unti-unting lumabas ang sakit ni Papa. Sakit sa puso.

"A-Anak mo?" tukoy niya kay Kian na nasa kandungan mo.

Marahan akong tumango. "Kian po ang pangalan niya."

Hindi siya kaagad nakapagsalita, inabot niya ang kamay ko at parang gatilyo iyon
dahil sunod-sunod na tumulo ang luha ko na pinipigilan ko napahikbi ako lalo nang
yakapin kaagad ako ni Kian at pinunasan ang luha ko gamit ang maliit na kamay.

"Mamu, no. Stop! Kian sad," bulong niya.

Tumango ako sa kanya at kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang luha ko.

"S-Sorry anak. Sorry sa nagawa ni Papa. Alam ko walang kapatawaran iyon at kahit
anong paliwanag ko ay hindi namin maibabalik. Mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid
mo."

Mas lalo akong mahabag nang umiiyak na si Papa habang mahigpit ang hawak sa kamay
ko, naging mabuting ama si Papa pero hindi siya perpekto at alam kong may nagagawa
siyang bagay na hindi tama.

I kissed my Papa's forehead.


"Forgive yourself Papa, pinapatawad ko na kayo matagal na. H-Huwag kang mag-alala
ayos na po ako, mas matatag na Lisa na ako. K-Kung gusto niyo bumawi kay bunso na
lang at Mommy, mas kailangan nila iyon."

Mas lalo siyang humagulgol, parang kinukurot at sinasaksak ang puso ko habang
naririnig ang iyak ng aking ama.

"P-Patawarin mo ako... sobra akong nagmahal. Hindi ko alam kung paano babawi sa
inyo, hiyang-hiya ako sa Mommy mo at—"

"Magpagaling ka Papa, iyon ang dapat mong gawin para sa sarili mo. H-Huwag mo pong
intindihin si Mommy dahil masaya na siya, she's a strong woman. Maybe she lost her
husband but she found a true friend." Bumaba ang tingin ko sa daliri ni Papa, suot
pa rin niya ang wedding ring nila.

Bahagya kong tinakpan ang tainga ni Kian. "Sinabi na sa akin ni Mommy lahat,
Kevin's father is your first love? Mommy was a stripper, right? You got her
pregnant? Kaya gano'n na lang kababa ang tingin sa kanya ng pamilya mo, kaya gano'n
kami pinu-push ni Mommy." Hindi ko maiwasan manginig ang boses kapag naiisip ko
'yong kinuwento ni Mommy, kung aksidente lang 'yong una bakit naging tatlo pa kami.

Marahan tumango si Papa, hindi nakapagsalita.

Huminga ako nang malalim. "B-Bisitahin ko po ulit kayo, sana mas bumuti ang lagay
niyo. Sana... palayin niyo 'yong sarili niyo mula sa nakaraan. Aalis na po kami."

Niyakap ako ni Papa, wala akong ibang maramdaman kung hindi sakit.
Gusto ko sanang puntahan si Tito pero hindi ko pa kaya, hindi sa ngayon.

Ilang minuto kaming nanatili ni Kian sa kotse upang kumalma ako mula sa pag-iyak,
sige siyang kwento para tumigil ako.

"Mamu! Look! Kian want!" Tawag niya sa akin habang nagda-drive, nilingon ko ang
tinuturo niya, sky ranch iyon sa likod ng SM Pampanga.

Pinaka mataas na ferris wheel sa buong Pilipinas kaya nga tinawag na Pampanga eye.
Madalas kami roon noon nag-aaral pa ako.

"Wanna go there?" tanong ko, niliko ko na sa papuntang parking lot ang kotse kahit
hindi pa siya sumasagot.

Naisip kong kumain na rin kami, tutal minsan ko lang din naman siya nailalabas at
saka parang celebration na rin namin dalawa ni Kian dahil may trabaho na ako.

Excited siya habang karga-karga ko, kaya naman niyang maglakad na pero masyadong
madaming tao.

Pumasag-pasag pa siya habang nakayakap sa aking leeg, natatawang hinalikan ko siya


sa pisngi. "Kian want food! Food!" Laging ganyan siya, laging third point of view
ang gamit, minsan nakakalito dahil binabanggit pa niya ang pangalan niya.
"All right Kian, kakain muna tayo saka tayo pupunta sa ferris wheel."

Tumango siya, habang karga siya ay napansin kong habang mas tumatanda ay mas lalo
siyang nakakamuka ang ama niya.

Mula sa mata, sa labi at sa mga reaksyon sa mukha.

Binaba ko si Kian nang makatapat kami sa isang restaurant, pipila sana ako pero
nagtatakbo siya.

"Kian!" tawag ko sa kanya.

Mas napangiwi pa ako nang nabunggo niya ang isang hita ng lalaki, kaagad kong
dinaluhan si Kian pero nabuhat na siya ng lalaki.

Laglag ang aking panga, literal nang makita kung sino iyon.

Pakiramdam ko ay dinadaya ako ng aking mga mata kaya kumurap-kurap ako pero walang
nagbago, nandoon pa rin siya at nakatayo habang karga ang anak ko.

"J-Jude!" I gasped.

Jude smiled at me, hinalikan niya si Kian sa pisngi na napangiwi naman kaagad at
nagtatakang tinitigan siya dahil hindi siya kilala.

"Mamu!" Pinilit akong abutin ni Kian, tulala ako hanggang makalapit silang dalawa
sa akin.

Kinarga ko si Kian habang hindi inaalis ang tingin kay Jude, naka-jacket siyang
gray habang naka-cap.

"Hey..."

Umawang ang labi ko nang marinig ang boses niya saka kaagad nangilid ang luha ko,
sinapak ko siya sa tiyan sa sobrang emosyon.

Gulat. Takot. Kaba. Saya.

"Gago ka!" singhal ko sa kanya, wala nang pakielam sa mga napapatingin sa amin.

Hindi ko alam kung paano nangyari, natatakot akong baka imagination ko lang kaya
hinawakan ko siya kaagad sa braso para hindi siya mawala.

Jude chuckled, he hugged me so tight.

"Thank you for coming back, Lisa," he whispered.


Mas lalo akong napaiyak, ginantihan ko siya ng yakap dahil sa isip ko ay may
pagsisisi rin ako tungkol sa pagkamatay niya. Na pakiramdam ko ay may kasalanan din
ako, na kung sinabi ko sanang hindi nawala ang baby ay hindi niya gagawin iyon, na
magpapatuloy siya kaya para akong nabunutan ng isang tinik nang makita siyang
buhay.

"Ga—goooo." Napabitaw kami nang biglang nagmura si Kian, gulat akong napatingin sa
anak ko.

"K-Kian bad 'yon, don't say bad words," pangangaral ko kahit pa alam kong sa akin
niya narinig.

Natawa si Jude. "Parang batang Kevin, penge nga, 'yong baltikan," biro niya.

Sumeryoso ako. "We need to talk."

Hindi ko na siya hinintay magsalita, hinila ko siya sa loob ng restaurant. Ako ang
um-order, kumain kaagad si Kian pagkarating ng fries niya at spaghetti.

Jude bit his lower lip.

Pinaglalaruan niya ang yelo sa ice tea niya.


"B-Bakit buhay ka?" unang tanong ko.

Napahawak siya sa dibdib niya. "Aray, parang ayaw mo?"

Hindi ako sumagot kaya tumikhim siya at hinilot ang sentido niya. "Misunderstanding
lahat, Lisa. Sabi ko sa sulat mawawala na ang dating Jude. I mean the toxic one.
Hindi... hindi ko naman sinabi magpapakamatay ako nagbakasyon lang ako sa Baguio
para makapag-isip-isip tapos... tapos pag-uwi ko sa Pampanga ay may binuburol na sa
bahay," histerikal na kwento niya sa akin, humigop siya ng juice niya.

Suminghap ako unti-unti pino-proseso ang kinuwento niya, edi puta balewala 'yong
pagtirik ni Jaren taon-taon?

"A-Ano?"

"Hindi ko rin alam, nagulat ako nang pag-uwi ko naglulumpasay na 'yong nanay ko
tapos si Kuya Jaren nag-e-emote na sa gilid nagwa-walling pa siya no'n habang hawak
'yong sulat ko. Kinain ako ng kaba kasi 'yong picture kong malaki noong graduation
nandoon sa harapan katabi ng nakasarang kabaong. Hindi ko alam sino 'yong bangkay
na inilibing nila. W-Wala na akong nagawa pinangatawanan ko na tegi na ako,
hanggang makabalik ka. Halos dalawang taon na ako tago nang tago," Jude frowned.

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya, hindi ko alam kung matatawa ako o
maaawa sa kanya.

"Sinubukan ko naman lumabas at magpakita kay Mama kaso nahimatay siya at ilang araw
sa ospital, natakot akong baka matuluyan siya kaya hindi na ulit ako nagpakita,"
mababang boses niya.
Bumaba ang tingin niya kay Kian na kumakain ng fries.

"Hi," kuha niya ng atensyon sa anak ko.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang irapan siya ni Kian, parang may hinanakit pa
ang anak ko sa kanya dahil inilayo pa ang fries kay Jude.

Natawa si Jude saka nailing. "Yong anak mo may galit ata sa akin."

Ngumisi ako pero sa huli ay hinawakan ko ang kamay niya, nagulat pa siya roon.

"Magpakita ka na sa pamilya mo lalo sa kapatid mo, sobra ang sinakripisyo niya para
sa'yo."

Malakas siyang napabuntong-hininga. "Baka mapatay na talaga ako ni Kuya Jaren


nyan," nanlulumong sabi niya.

"Handa ko na ba ang kabaong?" biro ko.

Nangingiting inirapan niya ako. "Basta kulay pink ayos lang, may LED lights sana sa
loob at wifi," request pa niya.
Mabilis din umalis si Jude dahil limitado lang daw ang labas niya at may
naghihintay raw sa kanya sa bahay, hindi ko alam kung sino pero mukhang excited
siyang umuwi.

Nangako ako sa kanya na hindi ko muna sasabihin kay Jaren at siya na lang ang
gagawa ng paraan, sa totoo lang ay sobrang saya ko para kay Jude.

Masaya ako kasi hindi niya narasan 'yong plinano ko noon, na wakasan ang buhay ko.

Nang makapunta kami sa likod nang SM Pampanga kung nasaan ang ferris wheel ay hindi
rin kami nakasakay dahil may age at height limit pala ang sasakay.

"Carousel na lang tayo nak ha? Bawal ka pa pala sa ferris wheel."

Ngumuso siya pero sa huli ay tumango na lang pero ang leeg niya ay nasa ferris
wheel pa rin.

Sumakay kami sa carousel, pinagdarasal ko na sana ay hindi ako mahilo kakaikot


lalo't nasa harapan ko si Kian.

Isang kulay puting kabayo ang sinakyan namin, tawang-tawa ako dahil parang first
time ko rin nakasakay sa gano'n.

Nakakailang ikot pa lang kami nang may makita akong pamilyar na lalaki na nakatayo
sa gilid, nakapamulsa habang pinapanuod kami.
Umikot ang carousel kaya nawala sa paningin ko, nang paglabas namin sa kabila ay
wala na roon ang pamilyar na lalaki.

Namamalik-mata ba ako?

Kinagat ko ang aking ibabang labi, simula noon ay hindi na kami ulit nagkita,
umalis siya kasama nila Alice.

Sabi ni Tita Rowena ay hindi niya alam, hindi na ako umaasang babalik siya o baka
nawalan na rin na siya ng pag-asa kaya lumayo na rin siya. Hindi ko alam.

Malakas akong napabuntong-hininga, hanggang matapos ang carousel ay hindi ko


nahinto.

Kian looked so happy, I kissed his shoulder.

Ibinaba ko si Kian para bumili ng cotton candy. Nang makabayad ako ay kaagad akong
kinain nang kaba nang hindi ko makita ang anak ko sa gilid ko.

"Kian?! Kian!" tawag ko.

Nanginig na ang tuhod ko, kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko.
Handa na sana akong bumalik sa ferris wheel dahil baka tumakbo siya roon pero may
mga nagsigawan sa gilid.

"Yong bata! Naipit sa isang rides jusko!" malakas na sigawan.

Kinilabutan kaagad ako, nabitawan ko ang cotton candy kasabay nang pagkalat ng
lamig sa buo kong katawan.

No... not my baby please.

___________________________

Wakas [Teach Me Back (Teach Series #...]

WAKAS

"Ma, kailangan ko ng pentel at manila paper," maingat na sabi ko kay Mama isang
gabi habang naghuhugas siya ng plato, pagkatapos namin kumain ng gabihan.

Malakas na bumuntonghininga si Mama kaya mas lalo akong kinabahan. "Kevin naman,
anong oras na? Bakit ngayon mo lang sinabi? Wala ng bukas na tindahan nyan. Kung
kailan alanganin saka magsasabi ang haba ng umaga, Yeomra Kevin."
Napanguso ako nang banggitin na niya ang pangalan ko.

"Ngayon lang kasi naubos, Ma. May ginagawa ako e kulang pala," pagdadahilan ko pa.

Inabutan niya ako ng isang daan. "Oh, mag-bike ka na lang, gumilid ka ha? Palayo sa
sasakyan baka 'yong gilid mo palapit sa sasakyan e," pangaral niya pa.

Natatawang lumabas na ako ng bahay para bumili. Saan naman kaya ako bibili? Hindi
naman pwedeng bukas 'to, report namin bukas. Last report na, tapos grade six na
kami.

Nakakainis maging president ng classroom, 'yong mga kaklase ko akala ata nila
binabayaran nila ako.

Napailing ako bago lumiko sa kanto, palabas sa village kung saan kami nakatira,
mabuti ay may bukas sa labas. Habang hinihintay kong kumuha ang tindera ay
napalingon ako sa bungad ng village nang makita si Papa, kakababa niya lang sa
isang kotse.

Akala ko ba may duty siya?

Nang makabili na ako ay tatawagin ko sana si Papa pero nagulat ako nang may
kayakapan siya, napamaang ako nang dakmaan ng isang lalaki bribadong parte ni Papa
habang nasa madilim silang parte.
"Papa?" tanong ko para makasigurado.

Gulat na nilingon nila ako, si Papa nga at hindi ko kilala pero naka-uniform din
katulad ni Papa. Naghiwalay sila kaya mas lalo akong lumapit habang sakay ng bike.

"S-Sige pare, salamat sa paghatid," sabi ni Papa. Bumaba sa akin ang tingin ng
lalaki bago sumakay sa kanyang kotse at umalis.

Nagtatakang tumingin ako kay Papa. "Sino 'yon, Pa? Katrabaho mo po? B-Bakit kayo...
bakit ka hinawakan sa ano... 'yong ano po." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko nang
humalakhak si Papa.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Kung ano-ano ang nai-imagine mo Kevin, bakla ka ba? Hindi ko gagawin 'yon kung
ano-ano kasing napapanuod mo kaya nababakla ka na," magaspang na sabi niya.

Kumunot ang noo ko nang tumalikod na si Papa at naglakad papasok sa village.

Bakla ako?

Lumipas ang taon hanggang mag-high school ako, lagi ko pa rin nakikita si Papa na
may kasamang lalaki at lagi niyang sinasabing bakla ako at mapag-isip ng kung ano-
ano.
Itinanim ko sa aking isip na gano'n ako, iyon ang sabi ni Papa.

"I'm Yeomra Kevin Rowan, nice to meet you!" Ngumiti ako sa mga bago kong kaklase sa
school na pinasukan ko.

Kaagad tumama ang tingin ko sa isang babaeng nakabusangot sa gilid, naka-pony tail
niya na sobrang taas. Kinagat ko ang aking ibabang labi, ang cute niyang tingnan.

Natigilan ako bigla, gusto ko bang maging katulad siya? Gusto ko rin mag-pony tail?

Bakante ang upuan sa tabi niya kaya roon ako umupo, pinaglalaruan niya ang ballpen
niya at nagsusulat-sulat habang may sinasabi ang teacher namin sa harapan.

Nang mag-break time ay naglabasan ang ibang kaklase namin. Sa gilid ng aking mata
ay nanatili sa upuan niya ang babae, wala ba siyang kaibigan?

Huminga ako nang malalim.

"Hi. I'm Kevin. Anong pangalan mo? G-Gusto mo bang sumama sa akin mag recess? Saan
ka ba nakatira?" Nang linungin ko siya ay natigilan ako nang makitang naka-earphone
siya.
Shit, nakakahiya.

Simula noon ay hindi na ako nakipag-usap sa kanya, may mga naging kaibigan naman
ako. Mas marami ang babae, ang cute kasi nila saka natutuwa ako sa daldal nila.
Naisip kong baka tama si Papa, baka gano'n nga ako kasi lagi ko gustong kasama ang
mga babae kaysa sa kapwa ko.

Araw kuhanan nang card ay tuwang-tuwa si Mama at Papa na mataas ang marka ko, hindi
naman ako sobrang talino sadyang tamad lang ang mga kaklase ko.

Aalis sana kami para i-treat nila ako sa labas nang dumating si Lisa... iyon lang
pangalan niya.

"Hah! Malamang, hindi naman tayo close. Ang point ko ay dahil sa'yo kaya bumagsak
ako! I hate you! Akala mo mabait puro babae naman kasama sa school, kahit kailan
hindi ako makikipagkaibigan sa babaero katulad—"

"I'm gay," pigil ko sa kanya, napatitig ako sa namumula niyang pisngi.

"W-What?"

"I'm always with girl because I'm gay, I'm one of them. So... let's be friend?"
Naglahad ako ng kamay sa kanya, sandali siyang nakatingin doon bago tanggapin.

Lumawak ang ngiti ko.


Mabilis lumipas ang taon, mas naging close kami ni Lisa, mas naging kampante siya
nang sabihin kong bakla ako, na hindi ko siya gusto kaya iyon ang itinanim ko sa
isip ko.

Natutuwa ako kapag pumipilantik ako at nakikita ko ang tuwa sa mukha niya na para
bang ang gaan-gaan akong kasama, parang tumitili ako ay tawa niya kaagad ang
hinihintay ko.

Gusto kong mag-abogado pero sa huli ay nag-enroll na lang ako kung nasaan si Lisa,
unti-unti naman ay minahal ko na ang Education lalo't kasama ko lagi si Lisa.

Nang mapanuod ko siyang sumayaw, parang nabingi ako at biglang nanlamig kaya dali-
dali akong lumabas doon at pinakalma ang sarili sa parking lot ng University kung
saan kami nag-aaral pareho.

"Kevin, ano ba 'yang iniisip mo? Best friend mo 'yon. Calm down bud. Babae siya,
hindi siya type mo, bakit ka natu-turn on?" bulong ko sa sarili ko habang nasa
beywang ang kamay.

Palakad-lakad sa parking lot.

Napatampal ako sa aking noo dahil ramdam ko ang bukol sa aking gitna, ano bang
nangyayari sa akin?

God, Lisa. Ano bang ginagawa mo?


"Pol, inom ka muna." Abot ko kay Pol ng isang juice, may ngiti sa aking labi.
Tinanggap niya iyon at ininom, napalunok ako dahil sa ginawa ko.

Sorry Pol, enjoy sa banyo. Tae well.

Nag mag-fourth year ay nakilala ko si Jude, mabait siya at masarap kausap. Mabilis
kaming nakapagpalagayan ng loob, gano'n lang. Para alisin 'yong naiisip ko sa
kaibigan ko ay itinuon ko ang atensyon ko kay Jude.

Napangiti ako at tinungga ang alak, sinama ako ni Jude sa birthday ng isa sa mga
kaibigan niya.

"Kevin, dahan-dahan lang ha," paalala ni Jude. Tumango ako, tinukso nila kami pero
ngumiti lang ako.

Mas umingay ang lugar habang palalim nang palalim ang gabi, nilabas ko ang aking
phone para i-text si Lisa.

To Baby:

Lisa matulog ka na.

Pinilit kong itama ang typings ko kahit umiikot na ang paningin ko. Patingin-tingin
ako sa phone ko habang naghihintay sa reply niya. Bakit ang tagal?
"Sino 'yang hinihintay mo?" tanong ni Jude sa gilid ko at bahagyang dinungaw ang
phone ko.

Nasa hita ko ang kanyang mga kamay, hinayaan ko siya roon. "Si Lisa."

"A-Ah, super close kayo no?"

Ngumiti ako saka tumango, habang inaalala kung gaano kami ka-close, 'yong tipong
alam namin lahat. "Ako ang pinaka malapit sa kanya," proud na sabi ko na para bang
napaka laking achievement iyon sa buhay ko.

"Uy, 'yong Lisa Montero ba iyan?" tanong ng isa sa kaibigan ni Jude, mukhang
narinig ang usapan namin.

Tumabingi ang ulo ko. "Oo bakit?"

Lasing na humalakhak siya. "Kakilala ni Mommy 'yong Mama niya dati, may pa-simba-
simba pa e pokpok iyon noon nabuntis lang ng Daddy nila, madami rin kalandian
siguro 'yong si Lisa kasi nakikita ko siya may lumalapit sa kanya roon, lagi siya
nagpapaligaw sa mamayan lang."

Kaagad hinawakan ni Jude ang kamay ko nang tumayo ako, binawi ko iyon. Walang sali-
salitang tinumba ko ang lamesa sa harapan namin at kumalat ang mga alak at pagkain,
hindi ako tumigil kahit tinawag nila ang pangalan ko hinila ko ang kwelyo nang
bastos na lalaki at itinayo.

Narinig ko ang hiyawan nila pero wala na akong pakielam, nagdidilim ang paningin ko
sa galit, gusto ko siyang sapakin.

"Hindi ganyan Lisa! Bawiin mo 'yan gago ka!" sigaw ko.

Parang nawala ang pagkalasing niya, tinulak ko siya. Inakmaan ko siyang sasapakin
pero inawat na nila kami, simula noon ay hindi na ako sumasama sa kanila.

Ayokong ipahiya si Jude pero hindi rin ako papayag na ganunin nila si Lisa lalo't
sa harapan ko kaya ako na rin ang nag-a-adjust, minsan nakakasama ko pa rin sila
pero iwas na sila magbukas ng topic tungkol doon dahil sasabunutan ko talaga sila
hanggang ibaba.

Ipinakilala ako ni Jude sa pamilya niya, sa Mama at Papa niya lang dahil wala ang
kapatid niya. Hindi maganda ang kinalabasan, hindi masyadong tanggap pero ayos lang
kasi unti-unti pa lang naman.

Hinawakan ko ang kamay ni Jude habang nasa loob kami ng kotse niya. "Huwag mo na
isipin iyon, dadating ang panahon magiging okay din lahat, Jude," sabi ko saka
pinisil ang kamay, para bang sinabi ko iyon sa sarili ko.

Lumapit siya para halikan ako sa labi pero bago pa mangyari iyon ay tumawag na si
Lisa, mariin akong pumikit bago sagutin ang tawag.

Kagat ko ang aking itaas na labi na nilingon ko si Jude. "J-Jude pwede bang umuwi
na ako?"

"Hindi ba may plano tayo ngayon, aabangan natin'yong result ng LET mo."
"Pasensya na, Jude. Si Lisa kasi..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko, wala akong
paliwanag basta gusto ko lang puntahan si Lisa dahil alam kong kailangan niya ako.

Wala na akong maisip, si Lisa na lang.

Sandali akong tinitigan ni Jude bago tumango. "Sige. Text na lang tayo ha?"

Ngumiti ako saka, hinawakan ko siya sa pisngi upang halikan.

Nang gabi na 'yon ay nag-confess si Lisa, na gusto niya ako at naisip kong baka
naguguluhan lang din siya katulad ko noon at saka kasintahan ko si Jude, ayokong
saktan si Jude.

Natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin ni Lisa, natatakot akong mawala siya
sa akin. Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya.

Iniwasan ako ni Lisa ng halos isang buwan. Text ako nang text pero wala siyang
reply.

Sinabunutan ko ang buhok ko isang gabi, nasa apartment kami ni Jude.

"May problema ba?" tanong ni Jude pagkalabas ng banyo, kakaligo niya lang.
Napatitig ako sa kanya saka umiling.

Alam kong nagseselos siya kay Lisa, noon sinabi niya. Kaya minsan kapag tungkol kay
Lisa ay hindi ko na kinukwento pa sa kanya dahil ayoko naman masaktan si Jude.

Lumapit si Jude sa akin habang nakaupo ako sa sofa, inagaw niya ang phone na hawak
ko saka dahan-dahan siyang lumuhod sa aking harapan.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang dahan-dahan niyang binukas ang zipper
ko, pinapakiramdam ko ang aking sarili.

Napabuga ako nang hangin nang akmang ibaba na niya ang pantalon ko ay hinawakan ko
ang kamay niya upang pigilan.

"A-Ayoko Jude."

"Huh?"

"Ayoko... hmm gawin 'yan."

Parang nasaktan siya sa sinabi ko, sumeryoso siya saka tumayo. "Bakit? Ang tagal na
natin Kev, magdalawang taon. Ayaw mo bang gawin 'yon? Akala ko ba mahal mo ako?"
Kinagat ko ang aking ibabang labi, sinusubukan ko naman.

"Sorry Jude. Hindi pa ako handa sa... sa ganyan," mahinang sabi ko.

Natahimik siya, tumayo ako at mahigpit siyang niyakap. Hinalikan ko siya sa noo.

"I love you," bulong niya.

"I love you too," kaagad sagot ko, parang awtomatiko na iyon.

Ang mga lingo ay naging mga buwan, hanggang taon. Nang makapasa rin si Lisa sa LET
ay tuwang-tuwa ako, pinag-pray ko siya. Gabi-gabi ko iyon pinagdadasal para
magkasama na kami sa work.

Kaagad kong pina-tarpaulin 'yong pinagawa kong congratulations greeting, excited pa


ako pero pagdating ko sa bahay nila ay kasama niya si Terron, 'yong nanliligaw sa
kanya at may kinakabit na silang tarpaulin sa labas ng bahay nila.

Nagtatawanan sila, napalunok ako dahil hindi ako sanay na close sa iba si Lisa.

Kaagad akong tumalikod bago pa nila ako makita, sa kwarto ko na lang nilagay ang
tarpaulin na pinagawa ko.
Ang hirap pa lang panuorin siyang nahuhulog sa iba. Ang hirap pala. Hindi ko kaya
pero ayoko naman siyang pigilan kung mahal niya si Terron, suporta na lang ako kas
kaibigan lang naman ako. Best friend lang ako.

Kung pwede ko lang ipagsigawan kung gaano ako ka-proud sa kanya ay ginawa ko na.

"Beb, okay na 'to no?" tanong ko kay Lisa habang sinisipat ang bahay na huhulog-
hulugan namin. Sakto lang iyon, hindi masyadong malaki pero dalawa ang kwarto para
sa amin.

Inakbayan ko siya, nakangiting nilingon niya ako. Mas lalo siyang gumaganda habang
tumatagal, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.

"May bahay na tayo, Kevs," masayang sabi niya, kumabog ang puso ko dahil doon.

Hinalikan ko ang sentido niya, ang totoo ay matagal ko 'tong pinag-iipunan dahil
alam kong gustong-gusto niyang umalis sa bahay nila, gusto kong maging kampante
siya sa paligid niya lalo't nagta-trabaho na kami dahil sa bahay nila alam kong
hindi niya iyon nagagawa hindi katulad ko na malaya na sa bahay.

Kada sweldo namin ay naghuhulog kami sa alkansiya namin panghulog sa bahay at iba
pang bayarin.

"One hundred pesos nito, Kuya," sabi ko sa nagtitinda ng kalamares. Gusto ni Lisa
ng ganito.

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko sila ni Terron sa sala, kumakain na. Kaagad kong
itago ang binili kong pagkain.

Sinenyasan ko silang aakyat na ako, sa kwarto at kumain na lang akong mag-isa.


Napailing ako saka minasahe ang dibdib ko dahil kumikirot iyon, ano ba naman 'to?

Masyado akong sensitive pagdating sa kanya.

"Ang ganda nito, dito na rin kaya ako tumira," natatawang sabi ni Jude nang dalhin
ko siya roon isang araw. Hinimas niya ang aking kama, kakatapos ko lang mag-shower.

Nagpupunas ako ng buhok, hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Naramdaman ko siya sa aking likuran, hinalikan niya ang aking balikat. "Mag-gym ka
mamaya?" malambing na sabi niya.

"Hmm, oo sama ka?" Nagsuot ako ng shirt na puti, kumain na kaya si Lisa? Bakit
hindi pa siya umuuwi, anong oras na ha?

Hinawakan ni Jude ang laylayan ng damit ko, hinawakan niya ang aking tiyan na
matigas na. Hindi ko alam pero na-enjoy ko ang paggi-gym, pakiramdam ko ay hindi
ako nanlalata kapag nakapag-gym ako.

"Kev, please?" bulong ni Jude sa pagitan ng labi namin.


Mabango ang kanyang hininga, mapula ang kanyang labi. Ang kamay niya ay dahan-dahan
bumaba siya cotton short ko, umawang ang labi ko nang mahawakan niya ako roon.

"Jude..."

"You'll enjoy this, you can fuck me and I can fuck you, you will love this."
Pinadampi-dampi niya ang labi sa aking leeg, para akong tuod na nakatayo roon.

Wala akong maramdaman pero malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba, para bang may
ginagawa akong mali sa sarili ko.

Ipapasok na sana ni Jude ang palad niya sa short ko pero umatras na ako, kitang-
kita ko ang pagka-inis sa mukha ni Jude, para siyang nainsulto sa ginawa ko.

"Ano bang problema mo Kevin? Gusto mo ba talaga ako ha? Lalaki ba talaga gusto mo
ha?" pagsabog ng galit niya.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at inisip ang sinabi niya, tama siya lalaki ba
talaga ang gusto ko? Gusto ko ba itong ginagawa ko? Masaya ba ako rito?

"J-Jude..." Suminghap ako. "I-I think I'm not gay," mahinang sabi ko.

"Ano?!"
Nang gabi na 'yon lumong-lumo ako dahil alam kong nasaktan ko si Jude, ako ang
unang nagpakita ng motibo sa kanya. Mali ako.

Bagsak ang aking balikat pero nagkunwari akong masigla nang marinig kong pagbukas
nang pintuan habang nasa kusina na ako at nagluluto ng dinner namin ni Lisa.

Gusto ko siyang tanungin kung saan siya galing, sino kasama niya at anong ginawa
nila pero pinigilan ko.

"Kevin!" tili niya, pinatay ko ang kalan at hinarap niya.

Nagtatalon siya sa harapan ko, may nangyari ba?

"Oh my god! Kev. Sinagot ko na si Terron, he kissed me sa lips! Shit, sabi niya
ganito... Lisa I love you hahaha gago kilig ako roon," kinikilig na kwento niya.

Nanatili ang ngiti sa labi ko pero sa loob ko, sumisikip ang dibdib ko.

"Talaga? Congrats!" kunwaring masayang bati ko.

Kung saan ka masaya, doon ako. Kung si Terron ang magpapasaya sayo, masaya akong
ibibigay ang kamay mo sa kanya Lisa.
Lumipas ang taon, unti-unti kaming nagkagulo ni Jude. Ilang beses kong sinubukan
makipaghiwalay dahil ayoko na siyang saktan, inamin ko sa kanya na naguguluhan na
ako sa pagkatao ko at ayoko na siyang madamay pa roon.

Ilang beses na rin siyang nagloko, ilang beses ko siyang nakitang may kasamang
lalaki, kahalikan pero pinapalampas ko kasi pakiramdam ko ay kasalanan ko rin.

Hindi ko maibigay iyon sakanya.

"T-Tama na Jude, pakawalan mo na ako. Nasasaktan na kita," buong magmamakaawa ko,


lasing na lasing siya.

Umiiling siya habang matalim ang tingin sa akin.

"Ngayon pa kung kailan matagal na tayo? Kung kailan unti-unti na tayong natatanggap
ng magulang ko Kevin! Kung kailan ang dami na natin pinagsamahan ngayon ka pa
bibitaw ha?!" sigaw niya.

Kasakuluyan kaming nasa bahay, wala si Lisa. Pinuntahan lang ako ni Jude at sobrang
lasing siya.

Nangilid ang aking luha sa sobrang frustration na nararamdaman.

"Ayoko na Jude, tama na please. Hindi na ako masaya. Nagkakasakitan na tayo. I-I'm
not in love with you anymore. Jude. Know your worth, hindi mo ako deserve. Huwag
tayong manghinayang sa mga—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Subukan mo makipaghiwalay sa akin, magpapakamatay ako Kevin! Tandaan mo 'yan!"

Tuwing sinusubukan kong kumalas ay iyon ang sinasabi niya, sasaktan niya ang sarili
niya. Ipit na ipit na ako sa sitwasyon, hindi ko siya maintindihan ayaw niyang
makipaghiwalay pero patuloy naman siya sa pakikipagrelasyon sa iba habang kami.

Nanlaki ang mata ko isang araw na pinuntahan ko siya sa apartment niya para dalhan
siya ng pagkain para makabawi man lang, nabitawan ko ang tupper ware nang makitang
nakikipagtalik siya sa isang lalaki.

Nagdilim ang paningin ko, pakiramdam ko ay binaboy nila ako. Binaboy niya 'yong
relasyon namin, malakas kong sinapak ang lalaki.

"K-Kevin magpapaliwanag ako!" gulat na wika ni Jude.

Malakas akong natawa. "Tama na, Jude. Putangina, kahit ayoko na hindi naman kita
niloko ng ganito. Nirerespeto pa rin kita pero ikaw... hindi ko alam. Bahala ka sa
buhay mo, hindi mo na ako matatakot." Binaklas ko ang kwintas na binigay niya at
hinagis iyon sa kama.

Amoy na amoy sa buong kwarto ang kahayupan nila, hawak ng lalaki ang kanyang panga.
Gusto kong suntukin si Jude pero nangpipigil ako, nanginginig ang kamay ko habang
nakatingin sa kanya.
"I'm breaking up with you, Jude. Pagod na ako."

Kahit gano'n, masakit pa rin pala. Kahit alam ko sa sarili kong hindi na gano'n
kalalim 'yong pagmamahal ko kay Jude ay masakit pa rin dahil nirerespeto ko siya.

Hindi ko maiwasan mapaluha habang pauwi sa bahay. Kailangan ko ng kasama,


pagkarating ko sa bahay ay dumeretsyo ako sa kusina at tinungga ang isang bote ng
alak doon.

Nagulat ako pagpasok ko sa kwarto ni Lisa nang maabutan ko sila ni Terron na


magkayakap, gusto ko siyang hilahin palabas sa kwarto na iyon.

"Break na kami ni Jude, I broke up with him. Please, samahan mo akong uminom. Gusto
kong magwalwal," hindi ko maiwasan maglabas ng sama ng loob, gusto ko rin siyang
ialis sa kwarto na iyon.

Napakurap-kurap siya at nilingon ang boyfriend niya. "Sorry, Kevs. Hindi ako
pwedeng uminom ngayon, si Terron kasi maaga ko pang gigisingin bukas."

Mahina akong natawa, oo nga pala.

"Sorry, may boyfriend ka nga pala."


Isinara ko na ang pintuan ng kanyang kwarto, imbes na umalis at unti-unti akong
napaupo sa labas ng kwarto niya at niyakap ang aking tuhod at doon dumukmo.

Dito na lang ako, at least malapit ka sa akin Lisa. Presensya mo lang naman ang
kailangan ko ngayon at alam kong hindi mo kayang ibigay 'yon.

Tahimik akong umiyak, sobra akong nanghihina.

Kung ano-anong pumapasok sa isip ko na ginagawa nila sa loob, wala akong karapatan
pero nagalit ako. Hindi ko na alam kung para saan ba ang sakit sa dibdib ko, kung
dahil ba kay Jude o kay Lisa.

Lumipas ang taon, hindi ko alam kung bakit naghiwalay si Lisa at si Terron, sabihin
na masama ako pero ako ata ang pinaka masaya sa araw na iyon.

Umiyak si Lisa at nanatili ako sa tabi niya.

Nagkabalikan pa kami ulit ni Jude, pinilit niya ako at ginamit ang isang sikreto na
tinatago ko, akala ko ay matino na siya pero gano'n pa rin. Nakikisiping pa rin
siya sa iba, ang malala ay gusto niya akong isama.

Nananatili na lang ako roon dahil sa pananakot niya.

Nagpakalasing ako isang gabi, kasama si Lisa. Nagkapatong-patong na talaga, hindi


ko na alam ang gagawin ko lalo na kay Jude. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya,
minsan naiisip kong sana pala hindi ko na siya naging karelasyon noon.
May nangyari sa amin ni Lisa, alam ko. Nakita ko siyang paalis pero nanatili akong
tahimik, natakot akong magalit siya at isipin niyang sinadya ko iyon, natakot akong
baka pinilit ko siya noong gabi dahil wala talaga akong maalala.

Siya ang una ko. Una sa lahat.

Ako na ata ang pinaka masayang bakla nang malaman na may baby na kami, na magkaka-
baby na kami. Kahit wala akong alam sa pagiging tatay ay pinilit kong ipakita kay
Lisa na hindi siya magsisisi sa akin, sa bata na sinapupunan niya.

Hinalikan ko siya sa noo habang natutulog.

"Mahal na mahal kita, gusto kitang pakasalan dahil mahal kita. Sorry kung huli ako,
sorry kung ngayon ko lang naiisip lahat ng 'to," bulong ko.

Nangiti ako nang bahagya pa siyang humihilik, hinimas ko ang tiyan niya. Mahal na
mahal ko kayo, pangako magiging mabuting Ama ako, pupunan ko 'yong mga
pangangailangan niyo, mamahalin ko kayong dalawa.

"Sige, Kevin! Ito ba ang gusto mo ha? Ipagsasabi ko sa ibang tao na may karelasyon
ang tatay mo na lalaki at Papa pa ni Lisa. Hindi ba ayaw mong masira sila, isang
pindot ko lang sira na lahat ng pinaghirapan nila. Madami akong ebidensya Kevin!
Tingin mo hindi magagalit si Lisa sa'yo ha? Matagal mo ng alam pero nililihim mo sa
kanya!" malakas na sigaw ni Jude, nakipagkita ako sa kanya.

Mariin akong pumikit, bakas pa mukha niya ang pagkakasapak ko sa kanya noong
nakaraan.

Gumalaw ang aking panga sa galit, parang hindi na siya 'yong dating Jude na minahal
ko.

"Jude ganyan ka na ba kasama?"

"Oo! Masama na kung masama Kevin! Wala akong pakielam. Makipagbalikan ka sa akin at
hindi ko ikakalat ang nalalaman ko, sisiguraduhin kong pati si Lisa madadamay kapag
nagmatigas ka," puno ng galit ang kanyang mata.

Naikuyom ko ang aking kamao, gustong-gusto ko siyang saktan.

"Huwag mo gagalawin ang mag-ina ko, gawin mo kung anong gusto mo sa akin akin.
Huwag mong idadamay si Lisa at baby namin, talagang mapapatay na kita." Padabog
akong tumayo at umalis sa lugar na iyon.

Mabilis kong pinuntahan si Papa sa bahay nila ni Tito.

Si Papa ang nagbukas ng pintuan, nagulat pa siya sa presensya ko. Sa lumipas na


panahon ay nanatili akong tahimik sa relasyon nila, pero sobra na. Sinasaktan na
nila ang mga asawa nila at pati mga anak nila, hindi ko alam kung paano nila
naaatim ang bagay na iyon.

"K-Kevin..."
Lumabas na rin sa pintuan si Tito, gumalaw ang panga ko. Gusto ko silang saktan
dahil sinasaktan nila ang mahahalagang babae sa buhay ko.

Si Mama, gabi-gabi siyang umiiyak.

"Itigil niyo na 'yan, tama na. Pa," madiin na wika ko.

"Anong pinagsasabi mo?!" inis na sabi niya.

"May mga nasasaktan na kayo, ipit na ipit na ako sa sitwasyon, gusto kong
protektahan ang pangalan niyo dahil ama ko kayo, sobrang laki ng respeto ko sainyo
Pa. Sainyo rin Tito, pero hindi ba kayo naaawa sa mga nasasaktan niyo?"

"Huwag kang magmalinis Kevin!" sigaw ni Papa, tumama ang palad niya sa akin.

Kaagad siyang pinigilan ni Tito at hinila na ako paalis doon.

Hawak ko ang aking panga, binawi ko ang aking kamay kay Tito. "Hindi ko ho alam
kung kailan ito nagsimula at bakit humantong sa ganito. Nananatili akong tahimik
pero huwag lang madamay ang mag-ina ko rito, kaya ko kayong pabagsakin dalawa na
hindi humihingi ng tulong sa iba."

Gano'n nga ata mapaglaro ang tadhana, natatawang napailing ako nang maramdaman kong
namanhid ang paa ko nang may ipainom sa akin si Jude.
Ang sabi niya ay papayag na siyang makipaghiwalay basta makipagkita ako, he fooled
me.

"A-Anong g-gina—wa mo?!" Nanlaki ang mata ko nang hindi ko na maiangat ang binti
ko, pati ang mga kamay.

Ang aking dila ay unti-unti nang tumitigas.

Ngumisi si Jude sa akin, may kausap siya sa telepono, nang matapos ang tawag ay
lumuhod siya sa harapan ko.

"Hmm, ang laki mo, nasarapan siguro si Lisa rito," bulong niya habang hinihimas ang
aking pagkalalaki.

Gusto ko siyang itulak pero para akong nantang gulay na nakaupo sa kama.

Binuksan ni Jude ang sinturon ko, tumunog ang pintuan sa labas at mas lumawak ang
ngiti niya.

Diring-diri na ako kay Jude dahil hindi ko alam na aabot siya ng ganito, buong
lakas kong ini-angat ang kamay ko upang itulak siya palayo sa akin.
No...

Nanlaki ang mata ko nang makita si Lisa, una ko kaagad naisip na mawawala siya sa
akin. Para akong binuhuasan ng malamig na tubig at napatayo ako pero kaagad din
napaupo.

"B-Baby..."

Gusto kong magpaliwanag pero ayaw nang bumukas nang bibig ko, may sinasabi siya
pero nabingi na ako tulala na habang sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Nang makita kong itutulak siya si Jude pinilit kong tumayo pero natumba lang ako sa
sahig, umawang ang labi ko nang makitang kumalat ang diugo sa sahig.

Pinilit kong gumapang para maabot siya. No baby please, fight for me, for our baby.

"Ano bang ginagawa mo Kevin?! Talaga bang ganyan na lang? Lulunurin mo ang sarili
mo sa alak dito sa bahay niyo ha? Ano?!" Malakas na sigaw ni Mama.

Naramdam ko siyang lumuhod sa harapan ko, mas niyakap ko ang tuhod ko habang
nakasandal sa kama ni Lisa. Hinihintay ko siya pero hindi na siya bumalik, hindi na
sila babalik kasi iniwan na nila ako ng baby ko.

Napahikbi ako, mahigpit akong niyakap ni Mama.


"Please Kev, magpagamot ka na. Tama na, mag-iisang taon na? Please. Palayain mo na
ang sarili mo."

Marahas akong umiling. "A-Ayoko Ma. Hihintayin ko si Lisa, babalik 'yon, mahal ako
no'n. Hindi niya ako matitiis, Ma. G-Gusto ko maabutan niya ako rito kapag umuwi
siya."

Hinimas ni Mama ang likod ko. "Anak wala na sila, tama na."

"H-Hanggat walang bangkay, hindi ako naniniwala. M-Magkasama kami Ma, nandoon ako
ih. D-Dapat ako na lang namatay!"

Mas humigpit ang yakap ni Mama, mas lumakas ang iyak niya kaya napasubsob ako sa
balikat niya.

Hindi ko na kaya, gusto ko na sumunod na mag-ina ko.

"Don't say that, anak. Okay? Lumaban ka, magpagaling ka para kapag bumalik siya ay
mababawi mo siya." Pagpapagaan niya sa loob ko.

Hindi ako sumagot, humigpit ang hawak ko sa singsing na dapat ibibigay ko sa kanya.

Maghihintay ako.
Hihintayin kita mahal ko.

________________________________

Special Chapter [Teach Me Back (Teach Series #...]

You are now in the last of the Kevin and Lisa's story. Thank you for joining their
journey.

Warning: ްߔߔް

Special Chapter

Hinilot ko ang aking leeg pagkababa ng tawag galing sa school, magka-karuon daw
kami ng online class dahil sobrang lakas ng bagyo at hindi titila ng ilang araw,
hindi pwedeng mahuli ang mga bata sa lesson dahil papadating na ang exam sa susunod
na linggo.

Hay, mahal ko ang pagtuturo pero minsan na parang gusto ko na lang maging full-time
mommy.

Dahil sa aking naisip may mabilis akong lumabas sa kwarto, nasa hagdanan pa lang
ako ay rinig ko na ang tawanan sa sala kaya hindi ko maiwasan mapangiti. Sumandal
ako sa hamba ng hagdanan saka sila pinanuod sa may sofa bed.

My four year old daughter, Kiana was sitting on her father's chest. Mas umangat ang
sulok ng aking labi nang makitang pino-ponytail niya ang buhok ng ama, hindi
nakalagpas sa paningin ko ang kulay pulang daliri ng aking asawa dagdag pa ang labi
niyang pulang-pula rin.

"Papu, close your eyes. I will put some eyeshadow okay?"

Suminghap si Kevin saka pumikit din. "Okay, my princess. Blend Papu's contour."

Natatawang lumapit ako sa kanilang dalawa, Kevin opened his eyes when he felt me ‫ޢ‬
sitting on the sofa but immediately closed his eyes because of his make-up artist.

"Papu don't!"

"All right, geez. I just wanna see your Mamu," parang batang bulong ni Kevin,
inabot na lang niya ang aking kamay habang nasa gano'n posisyon kaya lalo akong
natawa.

"Yan, anak-anak ka ha. Baby girl pa ang nais ah," asar ko sa kanya.

Ngumisi siya, hindi na nagkomento pero bahagya niyang pinisil ang aking kamay.

"May meeting ako mamaya, beb, baka mag-online class kami." I informed Kevin.
Tumaas ang kanyang kilay. "Mahirap na 'yan, baka walang internet ang ibang bata."

"Wala naman tayong magagawa." Hinimas ko ang ulo ni Kiana na Papa's girl at hindi
man lang talaga ako nilingon.

Tumayo na ako at pumunta sa playroom kung nasaan si Kian, siguradong abala na naman
siya. Habang mas tumatanda ay mas nagiging seryoso ata ang anak ko, napalabi pa ako
nang makita siyang naglalaro sa playroom ng board games, siya lang mag-isa.

"Kuya Kian, bakit ka nandito? Nasa baba sila Papu ah?" Umupo ako sa carpet at
pinanuod ang ginagawa niya, hindi ko maiwasan mapangiti nang maalala ang nangyari
noon.

Akala ko talaga mawawala siya sa akin, karga pala siya ni Kevin. Doon kami ulit
nagkita ni Kevin, pasalamat na rin ako at hindi naman pala bata ang naipit sa isang
rides kundi laruan lang na bitbit ng isang bata.

Kaya pala siya nawala dahil nagpagamot siya, inakit niya ako pagbalik niya.
Literal, kaya nga may Kiana kaagad e, pagkatapos no'n ay kinasal na kami.

Ang bilis ng panahon.

Kian pouted his lips. "Si Kiana kasi Mamu, me-make up-an ako kaya nagtatago ako
rito saka na ako lalabas kapag tapos na sila," parang nagsusumbong pang sabi niya
kaya natawa ako.

Ang bilis niyang lumaki, parang kailan lang karga-karga ko pa siya tapos ngayon
magwawalong taon na siya.

Hinalikan ko siya sa pisngi. "Magluluto na ako, maglinis ka ng katawan bago ka


bumaba ha?"

Naglalambing na niyakap niya ako saka tumango. "I love you too, Mamu."

NANG gabing iyon ay um-attend ako sa online meeting ng mga grade ten teachers, para
i-inform kami sa magaganap na online teaching buong linggo o ba ka sumobra pa.

Habang nagte-take down notes ay bumukas ang pintuan sa banyo sa gilid ko,
napalingon ako sa aking asawa. Kevin brushed his hair using a towel, he was just
wearing a black boxer short.

Ngumisi siya nang maabutan akong tinitingnan ang katawan niya.

'So after that, we can use this tools and resources...' Bumaba ang tingin ko sa
nagsasalita, tumango-tango ako kahit wala na akong naiintindihan.

Nanlaki ang mata ko nang may kumalabit sa hita ko, palihim akong tumingin sa ilalim
ng lamesa at muntik na akong mapatayo sa gulat nang makitang nandoon na si Kevin.

"K-Kevs.." I whispered, he winked at me.


'Yes Mrs. Rowan?' Marahas akong umiling dahil narinig ata nila, I faked my
chuckles. "I said gets. G-Gets ko po, continue po."

Nanatili ang ngiti ko habang tumatagaktak na ang pawis ko na butil-butil. Ano bang
ginagawa niya? Oh ghaaad!

Bahagya ko siyang sinipa pero ang loko-loko ay hinuli lang ang hita ko at ipinirmi.
Palihim akong suminghap nang bahagya niyang natamaan ang lamesa sa sobrang laki
niya roon.

I gasped when I feel his rough hand on my thighs. He looked at me innocently.

Nagpapasalamat na lang ako at medyo mataas ang aking lamesa at hanggang dibdib lang
kita sa aking screen. Kevin spread my legs, umayos ako nang umupo.

Sasapakin ko talaga siya mamaya.

"Spread your legs baby, let me eat your pussy," he mouthed at me.

I gulped.

Malikot ang palad ni Kevin sa aking hita paakyat sa aking kaselanan, halos
mapakapit ako sa gilid ng lamesa nang hinila niya pababa ang suot kong pajama,
kasama na ang aking panty kaya bahagya kong itinaas ang pwet ko, nagkunwari akong
may iniabot na ballpen sa gilid.
Pinatigas ko ang aking ekspresyon at kunwaring seryosong nakikinig habang binabalot
na ng sensasyon ang buo kong katawan dahil sa ginagawa ni Kevin.

Pinatigas niya ang kanyang dila, dinudutdot sa aking bukana na pakiramdam ko ay mas
naglawa dahil nakatingin siya sa akin habang ginagawa iyon.

Suminghap ako at kunwaring nag-iisip, tinakpan ko ang aking bibig at tumango-tango


habang abala ang dila ni Kevin sa aking pagkababae.

He licked me on my entrance, then he sucked my clitoris. The tension in the room


was thick and heavy.

Ohh shit!

He grabbed my thighs and kissed me down there slowly. Like, teasing.

I want to moan so bad, pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko. Kinagat ko ang
aking ibabang labi at kunwaring umubo nang mas ibuka pa ni Kevin ang hita ko sa
ilalim ng lamesa at ipinatong sa balikat niya.

He slowly entered his middle finger inside me. My breathing picked up speed.

My toes curled, I gripped to the table so hard, still pocker face.


Kevin started to finger-fuck me, halos bumigat ang paghinga ko nang pagsabayin niya
ang malikot na dila at daliri sa aking pagkababae, salitan ang mga iyon, gumagawa
na ng ingay.

'All right thats for...' Hindi ko na napatapos ang paalam nila, kaagad akong nag-
leave sa call room. Tinanggal ko ang sasak ng laptop at isinara iyon.

Napasandal ako sa swivel chair at hinawakan ang buhok ni Kevin, mas pinagduldulan
ko ang kanyang bibig sa akin. Bihasang-bihasa siya kung paano ako papaligayahin,
alam na alam niya kung saan ako hahawakan.

My body grew stiff as I felt his hot breath on my wetness.

"K-Kev... sige pa. Ah! Shit, muntik na ako mahuli, ohh fuck!" Halos tumirik ang
mata ko sa sarap nang dalawahin niya ang daliri sa aking loob habang sinipsip ang
naninigas at sensitibo kong balat doon.

I threw my head back in satisfaction when I released my orgasm on his mouth and
tongue, wala siyang sinayang doon kaya halos manginig ako habang sinisimot niya
iyon, sinisipsip hanggang walang matira.

Mabilis siyang lumabas sa ilalim ng lamesa, hinila niya ako upang halikan.
Nalasahan ko ang pinaghalong katas ko sa kanya pero mas uminit lang ang paligid,
wala akong maramdaman panididiri.

Kevin trailed his lips on my neck, he cupped my breast.


"K-Kev..."

"Hmm baby?"

Halos mapasinghap ako nang sirain niya ang blouse ko, nagtalsikan ang mga botones
no'n sa sahig, hinampas ko siya sa braso, ang mahal no'n.

"Kevin, h-huwag ka naman sira nang ohhh!" Napahawak na ako sa braso niya nang
maramdaman ang mainitb na loob ng bibig niya sa kaliwa kong dibdib.

He swirled his tongue around my hard nipple, he sucked on it like a baby. I was
whimpering like a crazy, I grabbed his soft hair to suck me more.

I want more.

Nanginginig ang tuhod ko, hindi siya tumigil sa paghalik sa dibdib ko habang
tinutulak niya ako papunta sa kama, sabay kaming natumba roon.

Imbes na masaktan ay mas lalo akong kinain ng init ng katawan nang dumagan siya sa
akin, maramdaman ko ang mabigat at mainit niyang katawan.

Bumaba ang mainit niyang kamay sa aking tiyan pababa sa aking suson at sinapo ang
basang-basa kong pagkababae. Hinalikan ni Kevin ang dibdib ko at nag-iwan ng mga
marka roon habang kinakalat ang basa sa aking ibaba.

"I told you don't look at me like that," pagsisi niya pa sa akin, hinalikan niya
ang aking pisngi. Look like him, what? Wala naman akong ginagawa.

Nang pagtama ang aming mata seryoso ang mga iyon, umawang ang labi ko nang nilaro
niya ang mga daliri sa aking pagkababae, ginigitara ang aking ibaba. Nanunukso. He
rubbed his hand up and down on my flesh.

"Ohh!" I gripped to his arms.

"Does that feel good? Sarap ba?" he muttered on me.

Sunod-sunod akong tumango, nakita kong mas lalong namula ang hubad niyang dibdib at
leeg, para bang may nakakagalit sa ginawa ko. I felt his hard bulge in his boxer,
he rubbed it on my thigh.

Titig na titig kami sa isa't isa na para bang nakakapag-usap kami gamit ang mga
mata, mabilis niyang hinubad ang suot na boxer, lumuhod ako sa kama upang tulungan
siya.

Nakita kong gumalaw ang panga ni Kev nang kaagad kong hinawakan ang matigas niyang
pagkalalaki, kasing laki ng pulso ng bata.

Ipinalibot ko ang aking palad sa kanyang pagkalalaki.


Kinagat ko ang aking ibabang labi nang mahina siyang napaungol sa hawak ko pa lang,
pakiramdam ko ay bigla akong nagkaruon ng kapangyarihan, iba sa pakiramdam kapag
alam mong may epekto ka sa partner mo.

"B-Baby..." He groaned when I stroke his manhood.

I grinned mischievously. He was really big and smell good. Masyadong malinis si
Kevin sa katawan.

Mas binilisan ko ang galaw ng aking palad, mainit iyon. Ang isa kong palad ay abala
sa tuktok no'n habang ang isa ay sa dalawang bilog, galit na galit at sobrang init.

Umangat ang tingin ko kay Kevin bago ko isubo ang kanyang pagkalalaki. I took him
inside my mouth.

Napahawak siya sa balikat ko dahil sa aking ginawa, bakas sa mukha niya ang sarap
dahil sa ginawa ko kaya mas ginanahan ako.

"Ah, tangina sarap," he moaned. Mas lalo akong ginanahan lalo't mas maingay talaga
si Kevin. Ako kaya kong pigilan ang ungol ko pero siya hindi. "Baby ah! Suck me
deeper."

His moan sounds so hot, mas lalo akong nababasa.


I sucked him harder, I cupped his balls. Naramdaman kong mas umiigting ang
pagkalalaki niya sa aking bibig, nang tinangalain ko si Kevin ay nakaawang ang labi
niya habang pinapanuod ako.

Niluwa ko ang pagkalalaki niya pero pinasok ko ulit, mas sagad sa aking lalamunan.
Napakapit ako sa hita ni Kevin nang hindi siya makatiis, siya na mismo ang gumalaw
sa balakang niya.

He fucked my mouth, he gripped my hair, guiding me to the speed he wanted.

"Ahh! Fuck! Hmm. Lisa," he groaned.

Hingal na hingal ako nang hugutin niya iyon mabilis siyang lumuhod sa kama at mas
ibinuka ang aking hita.

Kevin grabbed my jaw, kinagat niya ang aking labi at bahagya pang sinipsip kaya mas
napadaing ako. "I'm gonna fuck you so hard tonight baby, I gonna take you in every
way I know and want." He dirty talked to me.

Napalunok ako nang dahan-dahan niyang ipasok ang umiigting niyang pagkalalaki sa
aking loob habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ko. Napakapit ako sa kama sa
sobrang sarap ng ginawa niya, sagad na sagad tangina.

"K-Kev, sagad mo pa. Please!"

"Uh-huh, my wife wants deeper huh?" nanunuyang aniya tumango ako, mas lalo akong
nabaliw nang bahagya niyang ini-angat ang balakang ko upang mas idiniin ang
kahabaan sa akin.

I lifted my waist for him to fuck me more.

"Sagad na?" he whispered, breathless.

Hindi ako nakasagot, napakapit na lang ako sa braso niya nang magsimula siyang
gumalaw, inilagay niya ang dalawa kong hita sa kanyang balikat, mas dumidiin ang
bawat ulos niya kapag napapasigaw ako, lumilikha na ng ingay ang pagsasalpukan ng
aming katawan.

Kevin kissed my legs while fucking me hard, he growled.

I rolled my eyes back when he started to thrust harder. My legs were shaky and
weaky.

Halos ihampas ko ang aking ulo sa kama nang abutin niya ang dalawa kong dibdib
habang nasa gano'n posisyon at minasahe iyon. Napupuno ng ingay namin ang buong
kwarto, he pinched my nipples.

Marahas niyang hinila ang balakang ko upang itayo, kinarga niya ako paalis sa kama.

His arms wrapped around my waist. Napakapit na lang ako sa kanyang leeg nang
magsimula siyang umulos habang nakatayo at karga ako, lahat ay madiin at sagad.
Hindi na ako magtataka kung mapaos ako bukas. Bukang-buka ang aking hita habang
karga niya, kinagat niya ang balikat ko habang umuulos.

Mas lalo akong nabasa dahil nagdi-dirty talk siya sa tainga ko.

Inibaba niya ako sa harapan ng full body mirror namin, mapungay na ang aking mata.
Niyakap niya ako upang hindi ako napaluhod dahil nanginginig na ang aking tuhod,
napakapit ako sa kanyang braso.

Kevin rubbed his dick on my ass. I gasped when he sucked my neck while looking to
our reflection.

"Kevin..."

"I want all your holes baby, I wanna fuck your ass too," he whispered, he stared
deeply into my eyes.

Sinapo niya ang dibdib ko at marahan iyong minasahe. "N-Now?" gulat na tanong ko,
napapalunok pa.

He chuckled, kissed my shoulder.

"Not now wife, I will stretch your hole first. So you'll be ready next time. Next
time I will make your holes sore." Kinagat ko ang aking ibabang labi, sandali ko
siyang tinitagan puno ng pagnanasa ang kanyang mata.

Hinalikan niya ang aking panga. "I won't force you if you—"

Umiling ako, nabubuo na ang pagnanasa na maramdaman din iyon.

"I-I'm fine, let's try it."

Sandali siyang nawala sa likod ko, nang bumalik siya kaagad siyang lumuhod sa aking
likuran, bahagya akong pinatuwad.

Kevin bit my butt cheek, he slapped it too.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may malamig na bagay akong maramdaman doon,
bahagya niya iyon tinataas-baba sa aking butas, kumalat ang malagkit na bagay na
nakabalot sa bagay na iyon.

Nanuyo ang lalamunan ko nang maramdaman ang daliri niya doon, sensitibo ako roon
kaya napahiyaw ako sa kakaibang sensasyon.

He started driving his tongue in and out, down and up to my pussy and back hole.

Umawang ang labi ko at mapahawak sa gilid ng salamin nang unti-unting pumasok ang
isang bagay sa aking likuran. He rammed the plug inside my back hole. I felt so
full, it feels so new and so good. I cried out from pain and pleasure.

Halos tagaktak ang pawis ko nang paikutin iyon ni Kevin, upang mas sumagad sa loob
ko, halos bumaon na ang ngipin ko sa aking labi.

"Relax baby, I won't hurt you don't worry. I know your body," he assured me.

Suminghap ako nang masagad iyon, kakaibang sarap ang dulot noon sa akin, sa una ay
masakit pero parang tumatagal ay sumasarap.

Tumayo si Kevin at hinalikan ako sa sentido.

"What a good girl," nang-aasar na sabi niya.

Hinampas ko siya sa braso, inayos niya ang magulo ko g buhok, hinawakan ang aking
panga.

"Stop taking pills, I want you a baby again."

Hindi ako nakapagsalita, masyadong focus sa malamig na bagay sa aking likuran.

"Turn around, I will make you beg to me for a baby," ghaad! Hanggang ngayon hindi
pa rin ako nasasanay sa kanya.

He loves dirty talking, he dirty talked a lot!

Kevin picked me up roughly, I wrapped my legs around his waist and his torso. We
were both panting, I almost cried when he entered my wet again while the plug was
in other hole.

I don't feel dirty at all, because Kevin looked at me with so much love and
adoration. Like his life depends on me.

He started moving like looking at my eyes, my nails were digging into his shoulder.
His thick cock wasn't being gentle at all, I love it.

"Hmm, Lisa baby, you feels so good and sexy."

"Kev... more ohh!" I screamed on the top of my lungs.

Naramdaman kong mas bumilis ang ulos niya, mas diniin niya rin ang plug kaya halos
umikot ang mata ko. Pakiramdam ko ay punong-puno ako.

"I'm cumming, baby. Fuck! Move your ass, fuck me too, shit!" he demanded.
Parehas kaming napaungol nang sumabog siya kaibuturan ko kasabay ko. Mahigpit akong
napayakap sa kaniya, naging mabagal na ang ulos niya pero madiin, sobrang init no'n
sa loob ko.

Bigla akong nanghina, naramdaman kong hiniga niya ako sa kama at hinalikan ang
gilid ng aking labi.

"Rest, wife. I'll clean you, thank you I love you."

***

TIPID akong napangiti nang makita ang mga lumang picture na nasa album. Nilipat ko
ang pahina, hinimas ko ang larawan ni Papa. He died at the age of sixty eight,
nalampasan niya ang sakit sa puso pero nawala rin dahil sa katandaan at mahinang
katawan. I know he's happy, kung nasaan man siya ngayon.

Nilipat ko ang isa pang pahina, roon ko naman nakita ang larawan ng magulang ng
aking asawa. Tito... I already forgive him, wala naman talaga siyang kasalanan sa
akin. Sila ng asawa ko ang nakapag-usap talaga, he's now seventy-five, nakatira
siyang mag-isa sa Pampanga kung saan sila dati nakatira pero binibisita rin naman
namin kung may pagkakataon.

Napangiti ako nang may humalik sa aking balikat. My husband gave me a flower.

Natatawang tinaggap ko iyon at inamoy. "Saan mo 'to ninakaw?" asar ko sa kanya.

Kevin chuckled. "Ako pumitas niyan." He kissed my forehead. "Happy fourty five
birthday, baby."

Naglalambing na niyakap niya ako sa beywang, inayos ko ang suot niyang polo.

"Uuwi ang mga bata mamaya," malungkot na sabi ko nang maalalang abala na ang apat
kong anak sa pag-aaral nila kaya halos hindi namin sila nakikita sa bahay madalas
lalo't malayo ang paaralan nila sa amin.

Mahigpit akong niyakap ng aking asawa, sabay namin pinanuod ang paglubog ng araw sa
may dagat.

Nasa gano'n kaming posisyon nang bigla niyang sinapo ang kanyang puso, kaagad kong
binitawan ang bulaklak nang makitang nahihirapan siyang huminga.

"K-Kevin? Anong nangyayari?" Kaagad nangilid ang luha ko, napahawak si Kevin sa may
teresa at braso ko.

Mas napahagulgol ako nang pulang-pula na ang mukha niya habang sapo-sapo ang
dibdib.

Heart attack?

"T-Tatawag ako ng t-tulong! Please... please huwag mo akong iwan ng ganito. Kevin,
please!" Natakot ako, baka mawala na siya sa akin hindi ako handa, hindi ako
magiging handa kahit kailan, mas gugustuhin ko nang ako ang mauna.
Napayakap si Kevin sa akin. "M-Mahal na ma—hal kita..." bulong niya.

Mas lalo akong napahagulgol nang bigla siyang napaluhod, iiyak na sana ako lalo
nang makitang may hawak siyang singsing at ngiting-ngiti wala na ang sakit sa mukha
kanina.

Mas nagulat ako nang sabay-sabay na lumabas ang mga anak ko at ibang kaibigan.

"Gago ka!" sigaw ko sa kanya, hinampas ko siya ng bulaklak. "H-Hindi nakakatuwa,


mauuna akong mamatay sa'yo! Akala mo nakakatuwa! Sino nakaisip nito?!" malakas na
sigaw ko.

Napakamot sa batok si Kevin, tinuro niya si Terron napangiwi. "Baby, sabi niya kasi
e, gayahin daw 'yong kila Sascha, gusto nga niya uubo akong dugo, may binili pa
siyang pekeng dugo," sumbong ni Kevin.

Hindi ako makapaniwala sa kanila, galit talaga ako. Hindi kumakalma ang puso ko sa
kaba.

"Will you marry me again, Lisa?" tanong ni Kevin, doon ko nakita na nginginig na
ang tuhod niya sa pagkakaluhod niya.

Pinagkrus ko ang aking braso sa harap ng didbib. "Balakadyan."


"Baby naman! Sorry na, hindi na. Mali nga 'yon, si Terron kasi..."

Sa huli ay napabuntonghininga ako saka inilahad ang kamay ko sa kanya, dahan-dahan


niyang sinuot ang isang singing.

Mahigpit niya akong niyakap. Lul, papahirapan kita. Akala ata niya hindi ako
natakot.

"Sa sala ka matutulog mamaya ha," sabi ko.

He chuckled and kissed my nose.

"Thank you for coming back to my life. I will choose you and keep choosing you. My
best friend, my wife, my baby. I freaking love you."

____________________________

* THE END *

Author's Note:

Thank you for reading Teach Me Back. I hope you enjoy and learn something from the
story.
I know, this is not perfect story but I really enjoy writing this one. Inaayos ko
rin writing style ko, medyo magulo 'yong series #1, well still learning and
exploring pa rin tayo. Hindi ito kasing mabulaklak ng ibang story, I made this for
my stress reliever at kapag masyado akong focus sa technicalities hindi ko ma-e-
enjoy 'yong sinusulat ko so ayon po. If you'll see wrong grammar, typos. Comment
lang po, thank you!

Ayon lang, see you on the next story!

Started: February 05, 2021

Finished: April 02, 2021

_________________________

SaviorKitty

You might also like