You are on page 1of 1

Mary Joyce Salem

Filipino 1

 Ano- ano ang mga impormasyong nakuha batay sa napanood na video? Tungkol saan ito
pumapaksa?
- Ang video ay pumapaksa tungkol sa bagong kurikulum ngayon, ang K-12 ang
pagkawala ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ayon sa video, manganganib ang
ating wikang Filipino na siyang nagging simbolo ng ating pagkabansa. Dapat daw
ito ipalaganap at paunlarin ang wikang Filipino bilang wikang pambansa at
wikang panturo, na hindi lang sa mababang paaralan ito ituturo kundi sa
matataas rin na paaralan gaya ng kolehiyo.
 Sa pagdating ng K-12 Kurikulum may Malaki bang epekto o pagbabago sa Filipino at
Panitikan?
- Oo, dahil ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang
mga kabataan at pantayan ang Sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong
Asya, kung hindi sa buong mundo. Dahil Pilipinas na lamang ang may sampung
taon ng Basic Education. Dahil hindi na masyadong pinagtutuunan ng pansin ang
wikang Filipino. Hindi rin masyado tinuturo ang mga tagong panitikan sa ating
bansa.
 Ano- ano ang nakikita mong pagbabago o epekto nito sa asignaturang Filipino at
Panitikan?
- Maraming kabataan ang walang alam sa ating sariling kultura at panitikan. Kahit
na simula pa noong kinder ay nag-aaral ka na ng Filipino, hindi parin sapat ang
naituturo noon. Marami pa tayong mga panitikan na hindi pa natin nalalaman at
natutuklasan. Sa pagkalawak-lawak ng ating kultura, marami pa tayong dapat
saliksikin na impormasyon ukol sa ating wikang Filipino.Ang programang K-12 ay
ang karagdagang Grade 11 at 12 na nagnanais na ihanda ang mga mag-aaral
pagkatapos ng sekondaryang pag-aaral, at kung nais na nilan magtrabaho at
hindi na ituloy ang kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagtatrabaho o
pagnenegosyo, o sa kolehiyo mismo. Maihahalintulad na din ang programang K-
12 sa kolehiyo, mas pinapalawak pa nito ang kaalaman ng isang estudyante
upang mas maging mahusay sila sa ibang larangan at gawain. Dito sa
programang K-12 ay mas pinabilis ang proseso ng pagkatuto ng mga estudyante
sapagkat ito ang pinaka-ensayo ng kabtaan.
 Bakit maituturing na makasaysayan ang adbokasiya ng Tanggol Wika sa pagtaguyod ng
wikang Filipino bilang asignatura at wikang panturo?
- Maituturing na makasaysayan dahil ipinaglaban talaga nila ang ating wikang
pambansa, ang Filipino. Hindi nila pinagtabuyan ang wikang kinagisnan nating
lahat. Gusto rin nilang pagyamanin ito para makilala ito bilang simbolo ng ating
bansa.

You might also like