You are on page 1of 10

GUIUAN SEASIDE RESTAURANTE

A. Deskripsiyon ng Negosyo

Napili ng mga mananaliksik ang pangalang Guiuan Seaside Restaurante dahil ang

“Guiuan” ang tawag sa mismong probinsya, “Seaside” dahil ito ay itatayo malapit sa

dagat at “Restaurante” dahil ang salita ay hango sa Spanish word na ang ibig sabihin

sa English ay restaurant.

Ang Guiuan Seaside Restaurante ay isang negosyo na ipinatayo nina

Macabasag, J.B. et al. na naninirahan sa Guiuan Eastern Samar. Ito ay negosyong

magbibigay ng serbisyo para sa mga dayuhan, islahanon at Guiuanon na gustong mag

relaks, mag celebrate, gustong makatipid sa oras at mahilig sa seafoods at iba pang

lutong pinoy. Bilang pasasalamat ay meron souvenir na libreng ibinibigay sa mga

kostumers. Nabuo ang negosyo dahil sa determinasyon at karanasan nila sa food and

beverage services na meron ang kanilang strand noong high school kaya naman naisip

nila ang negosyong ito para magbigay serbisyo sa mga mamamayan o kustomer na

malayo sa sentro ng probinsya kung saan matatagpuan ang iba pang restaurant, hindi

na nila kakailanganin pa na lumayo para makakain ng masasarap na putahe at

makakatipid pa sila sa oras.


B. Paglalarawan sa Produkto o Serbisyo

Ang Guiuan Seaside Restaurante ay isang restaurant na para sa lahat, ito ay

nagbubukas mula ika 9:00 ng umaga hanggang ika 9:00 ng gabi. Isa sa kanilang

espesyal menu ay ang mas pinasarap na seafoods. Sila din ay nagbibigay ng

serbisyong dine-in, drive-thru, at delivery sa kustomer. Sa pamamagitan nito ay hindi na

kakailanganin ng mga tao na lumabas ng bahay para bumili ng pagkain na lulutuin.

Malaking tulong ito sa mga propesyunal at estudyante para makatipid ng oras. Sa

panahon ngayon ito ay mainam dahil mas masisigurado ang seguridad ng bawat

kostumer.

C. Layunin

Ang restaurant ng Guiuan Seaside Restaurante ay magsisimula sa Enero 31,

2022 at ito ay bukas para sa lahat ng mga kustomer maging bata man o matanda,

residente at maging mga dayuhan sa probinsya ng Guiuan Eastern Samar. Ito ay may

tiyak na layunin:

a. Manguna sa mga restaurants ng Guiuan Eastern Samar at makapagbigay ng mas

sariwa, masarap at masustansiya na pagkain.

b. Maging kilala ang Guiuan sa produkto na meron ang kanilag komunidad.

c. Makapagbigay ng oportunidad sa mga residente na makapaghanapbuhay.

d. Mapanatili ang magandang samahan at kaugalian ng mga mamamayan.

e. Makatulong sa mga kostumer na makatipid ng oras.


D. Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo

Bilang pagsisimula sa negosyo kinakailangan na ang pondo ay nagkakahalaga

ng Php 2,646,877.32 na mangagaling sa sampung miyembro na nag mamay-ari nito.

Ang table sa ibaba ay nagpapakita ng pag gagamitan ng pera at kung paano ito

hahatiin.

Alokasyon Pera ( Peso )

Restaurant Facilities 500, 000

Utilities 23,078

Maintenance 16,500

Ads 44,080.5

Salary 125,679.16

Music Fees 90,000

Food and Beverage Costs 1,795,709.31

Taxes and Fees 1,830.35

Contingency Fund 50,000

Kabuoan 2,646,877.32

E. Pagsusuri ng Lugar

Ang negosyo ay matatagpuan sa Calicoan, Guiuan Eastern Samar na isa sa

mga magagandang lugar na dinarayo ng mga turista. Lumabas sa pananaliksik ng

Guiuan Seaside Restaurante na 7 sa 10 residente ay nagsasabi na mahalaga at mabuti

ang layunin ng negosyo at malaki ang maitutulong nito sa kanilang lugar. Ang target na

kostumer ay ang mga residente na malayo sa sentro ng Guiuan kung saan matatagpuan

ang iba pang restaurants. Ang lugar ay isa sa mga kilalang lugar na dinarayo ng mga

turista, residente, karatig isla, at surfers.


F. Mga Mapagkukunan

Sa pagpapatayo ng restaurant ay tiniyak ng mga staff ng Guiuan Seaside

Restaurante na ang bawat kagamitan na gagamitin ay malinis, at ang mga produkto na

ibinibigay tulad ng souvenirs ay makabago ang desinyo at ang mga pagkain na

ihahanda ay presko, masarap at masustansiya. Ang mga tiyak na suplayer ay ang mga

mangingisda para sa seafoods, Esamelco para sa kuryente, Globe at Home o PLDT

para sa internet at Guiuan water district para sa tubig.

G. Mamamahala

Ang kompanya ay nangangailangan ng maraming tauhan. Ang sumusunod ay ang mga

tauhan na bubuo sa Guiuan Seaside Restaurante.

Tagapamahala: John Bernard

Macabasag

Kahera: Hanley Paderan

Chef: Charmaine Garado

Waitresses: Delivery Staff:

Genevive Altares Marlon Obrar

Regine Baula John Mar De la Cruz

Receptionist:

Joseph Dominic Garado Jr.

Dishwasher:

Jellian Caadan

Hyziel Gunda
H. Pagsusuri ng Kikitain

Ang pera na gagamitin sa pagbuo ng negosyo ay magmumula sa pinagsama-

samang pondo ng sampung miyemro na may-ari ng negosyo at ang kikitain sa kanilang

negosyo ay paiikutin mula rito hanngang maibalik ang puhunan sa kanila. Sa ibaba

makikita ang income statement ng negosyo sa loob ng isang buwan.

INCOME STATEMENT (MONTH)

Less Expenses

Utilities - 23,078

Music - 90,000

Maintenance - 16, 500

Taxes and Fees - 1,830.35

Food & Beverage Costs - 1,795,709.31

Advertisement - 44, 080.5

Salary - 125,679.16

Total - 2,096,877.32

Sales Income: 6,276,216.5 - 2,099,427.32 = 4,176,789.18


Expenses

EXPENSES PER DAY MONTHLY YEARLY

1. Utilities 769.2 23,078 276,936

Electricity 390 11,700 140,400

Water 333.3 10,000 120,000

Internet 45.9 1,378 16,536

2. Music Fees 3,000 90,000 1,080,000

3. Maintenance 550 16, 500 198, 000

(Thrice a

year)

4. Taxes and 61.01 1,830.35 21,964.2

fees

5. Food & 59,856.97 1,795,709.3 21,548,511.7

Beverage 7 1 2

Costs

6. Advertiseme 1,469. 35 44, 080.5 528, 966

nt

7. Salary 4,188.67 125,679.16 870,720

Manager 756 22, 680 272, 160

Cashier 570 17,100 205,200

Dishwasher 456 13, 680 164, 160

Chief 1,500 45,019.16 540, 000

Waiter/ 441.67 13, 250 159,000


Waitress

Delivery Boy 550 16,500 198, 000

Total 69,980.20 2,099,427.3 24,561,097.9

7 2 2

Sales Income

INCOME PHP % OF TOTAL

Food & Beverage

Sales

Food Sales 4,180,811 66.7%

Non-Alcoholic 259,927.5 4.1%

Beverage Sales

Beer Sales 305,913 4.9%

Wine Sales 815,768 13.0%

Liquor Sales 713,797 11.4%

Total Food & 6,276,216.5 100.0.%

Beverage Sales

Other Revenue 0.00 0.0%

Total Income 6,276,216.5 100.0%

COST OF GOODS SOLD (COGS) PHP % OF


TOTAL

Food and Beverage

Food 1,325,623 31.7%

Non-Alcoholic Beverage 56,084.05 22.0%

Beer 73,419.12 24.0%

Wine 212,099.68 26.0%

Liquor 128,483.46 18.0%

Total Food & Beverage COGS 1,795,709.31 28.6%

I. Estratehiya ng Pagbebenta

Napagpasyahan ng pamunuan ng Guiuan Seaside Restaurante na

mamigay ng flyers at maglagay ng posters para maengganyo ang mga

mamamayan na bumili at makilala ang negosyo. Sa tulong din ng social

media ay magpopost ang pamunuan sa kanilang mismong Facebook Page,

Instagram, twitter, email, at newsletter. Upang higit na maengganyo ang mga

kostumer na bumili at makilala ang lugar ay magkakaroon ng promo tulad ng

BOGO, Discounts, take out happy hour, atbp.


J. Daloy ng Proseso

Gamit ang Gantt chart ay mailalarawan ang daloy ng proseso kung paano

maisasakatuparan ang negosyo.


GUIUAN NATIONAL HIGHSCHOOL
GUIUAN EASTERN SAMAR

FEASIBILITY
STUDY
(Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyunal)

12 HE-1
John Bernard Macabasag Hanley Paderan

Charmaine Garado Marlon Obrar

John Mar Dela Cruz Genevive Altares

Joseph Dominic Garado Regine Baula

Hyziel Gunda Jellian Caadan

You might also like