You are on page 1of 2

QUEZON MEMORIAL ACADEMY

Progreso St., Poblacion West, Umingan Pangasinan


(Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo)

MALA-DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8 – KASAYSAYAN


NG DAIGDIG

I. LAYUNIN:
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Masusuri ang pag-usbong ng imperyalismo; at
 Nasusuri ang dahilan,pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo
 Mapapahalagahan ang mga kontribusyon ng imperyalismo at explorasyon sa pamumuhay ng
mga tao sa kasalukuyan.
II. NILALAMAN
A. PAKSA: Unang Yugto ng Imperyalismo sa Kanluran
B. BANGKAS NG ARALIN
• Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
• Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
• Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon
C. BABASAHIN: Kasaysayan ng Daigdig (Vibal - Kto12)
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagtatala sa mga lumiban
B. PAGLINANG NG GAWAIN
PAGGANYAK
 Pagpapanood ng video patungkol sa Unang Yugto ng Imperyalismo at ang mga mag-
aaral ay maglalahad ng pansariling obserbasyon at pang-unawa sa video.
C. TALAKAYIN:
Gamit ang Power Point Presentation, tatalakayin ng guro kung ano ang mga salik sa Unang
Yugto ng Imperyalismo.
 Sino at ano ang kontribusyon ni Ferdinand Magellan?
 Ipaliwanag ang mga pangyayari at karanasan ni Ferdinand Magellan habang ito’y
naglalayag.
 Ilahad ang kahalagahan ng mga paglalayag at pagtuklas ng mga lupain.
 Ipaliwanag ang epekto ng unang yugto ng kolonisasyon.
 Ano-ano ang mahahalagang epekto ng unang yugto ng Imperyalismo?
IV. PAGLALAPAT
PANUTO: Isulat ang iyong sagot batay sa konteksto na iyong binasa.

Magbigay ng tatlong mahahalagang epekto ng unang yugto ng Imperyalismo.


1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________

V. TAKDANG ARALIN
Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon at imperyalismo?
Patunayan.
_________________________________________________________________________________

Nilalaman 10
Kaayusan 10
TOTAL: 20

Inihanda ni:

Bb. Camille Joy F. Cada


Guro sa Araling Panlipunan 8

You might also like