You are on page 1of 1

MARY JOYCE S.

SALEM BSCE-ST1

FILIPINO 1

DAY 4-6

Tayo ay gumagamit ng iba’t-ibang uri ng pangkomunikasyon. Ginagamit natin ito upang tayo ay
magkakaunawaan at magkakaintindihan. Ang pakikipagkuwentuhan ay isang uri ng pangkomunikasyon,
likas sa atin ang kinasanayang pakikipagkuwentuhan sa ating mga kaibigan o kapitbahay. Sa mga
nagdaan panahon umuusbong rin ang mga iba’t-ibang uri ng teknolohiyang ginagamit sa
pakikpagkomunikasyon. Ang cellphone, laptop, tablet at iba pang uri ng gadyet ay isa sa ginagamit o
tampok na ginmit natin sa pakikipagkomunikasyon. Sa paggamit ng teknolohiya napadali lang natin ang
pakikipagkomuniksyon sa iba kahit nasa malayo sila. Mayroong pormal at di-pormal na uri ng
pangkomunikasyon. Ang tsismisan, umpukan, talakayan, pagnanahay-bahay, pulong- bayan,
komunikasyong di-berbal, ekspresyong local, at iba pa ay mga uri ng di-pormal na
pakikipagkomuniksyon. Ito ay kultura nating mga Pilipino kahit saang dako pa tayo ng daigdig.

Ito ay mga iba’t-ibang uri ng gawaing pangkomunikasyon, una ang umpakan-ito ay isang uri ng
impormal na talakayan ng isang pangkat o grupo na nagtitipon-tipon habang ito ay nagpapahinga o
nagpapalipas oras. Ang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na
usapan lamang o maaari din naming pormal na pakikipagtalo. Dito makikita na ang mga tao ay may
kanya-kanyang katwiran batay sa kanilang mga opinion. Pangalawa, ang talakayan- ito ay isang uri n g
komunikasyong pormal o di-pormal kung saan pinag-uusapan ang isang tiyak na paksa na maty
tagapagsalita at maaaring ang kasapi ay magbahagi at making sa mga impormasyong pinag-uusapan.
Halibawa ng talakayan ay mga pangklasrum na talakayan, symposium, panahon ng homily sa simbahan,
sesyon ng mga opisyal, asamblea, pagdinig sa senado at telebisyon o panradyong talakayan at iba pa.
Pangatlo, ang pulong-bayan- ito ay isang pormal na pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon ng mga
pangkat ng mga tao sa isang komunidad. Tinatalakay rito ang pagsang-ayon, pagbabahagi ng mga
impormasyon, pakikipagkasunduan at alinmang mga bagay para sa ikakaunlad ng pangkat at
pamahayan. Halimbawa nito ay ay State of the Nation Address o SONA. Pang-apat ay ang mga
ekspresyong lokal- ito ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang
uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin o
pakikipag-usap na ang kahulugan ay karamihang hindi lahad at maaaring literal na kahulugan depende
sa layunin nito. Ang ekspresyon ay maaaring makikita sa mukha, salita, at kilos na may ipinapahiwatig na
nais ipaabot ng isang tao sa kanyang kapwa na kadalasang nakikita sa lipunan. Halimbawa nito ay ang
mga millennials, matatanda.

Ito ilan lamang sa mga gawaing pangkomunikasyon na karaniwan nating ginagamit. Sa


pamamgitan nito tayo ay nagkakaintindihan. Napapalawak an gating pagkakaunawaan at
pagkakaintindihan. Marami tayong mga impormasyon na nasasagap sa pamamagitan nito. Ito ay dapat
nating pahalagahan kahit na minsan masamang balita na ang dulot nito.

You might also like