You are on page 1of 14

ARALIN

3.6
Part 1- pangkat 1
Gawain 1- • Ibigay ng iyong posisyon at
Tilamsik ng paninindigan tungkol sa paksang:

Saloobin
• “Ang mga manggagawa ba ay
bayan ng makabagong
panahon?”
Sagot: • Oo, naituturing na bayani sila lalo na
ang mga OFW, sapagkat sila ay
nagsakripisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng kanilang pamilya.
Tiniis nila ang buhay na hindi ayon sa
namalayan nila. Pilit nilang umangkop
sa bansang hindi pamilyar sa kanila
upangh mabuhay at sinikap nilang
huwag magkamali upang malagpasan,
manatili, at matirang buhay sa bansang
kinaroroonan.
Gawain 2- • Ibigay ang layon ng mga
Itugod ang pahayag.
Layon
1. Halika, maupo ka’t pakinggan mo ang plano ng ating pag-atake.
- Ang layon ng pahayag ay ang mabigyan ng aksiyon ang kanilang pagpaplano sa kanilang
pag-atake.
2. Pangako, babalik ako at babawiin ang pag-aari ko na iyong kinamkam
- Ang layon sa pahayag na ito ay maitupad ang pangako ng isang tao na babalik at
babawiin ang kaniyang pag-aari.
3. Sumige ka’t makikita mo ang lupit ng aking kapangyarihan.
- Ang layon sa pahayag na ito ay ang paghahamon ng isang tao na kung kakalabanin siya
ay matitikman nito ang lupit ng kanyang kapangyarihan
4. Mas makatutulong ang digmaan sa pagkamit ng Kalayaan.
-Ang layon sa pahayag ay na upang makamit ang kalayaan, isang paraan ay ang aking
pakikidigmaan.
5. Tama ang iyong paniniwala na dapat mag-ingat sa mga lihim na kaaway.
- Ang layon sa pahayag ay dapat mag-ingat sa mga lihim ng kaaway .
Gawain 3- • Ibigay ang hinihingi.
Magkatulad
na Bayani
• Dalawang kilalang bayani ng epiko
• Ang dalawang bayani sa epiko ay sina Marj Data at Sundiata.

• Ihambing sa kilalang bayani sa kasaysayan


• Maihahambing ko sila kay Andres Bonifacio.

• Patunayan ang paghahambing


• Pareho silang determindadong talunin ang mga nais manakop sa kanilang
teritoryo.
Gawain 4- • Ihanay sa dalawang pangkat ang mga salitang
magkakaugnay at tukuyin ang lohika ng isinagawang

Paglinang pagpapangkat.

ng
Talasalitaa
n
Pangkat 1 Lohika ng pagpapangkat:
Salamangkero Mga salitang hindi kapani-paniwala
Mahiwaga o gumagamit ng mahiko.
Anting-anting
Manghuhula
Kapangyarihan

Pangkat 2 Lohika ng pagpapangkat:


Mangangaso Mga salitang kapani-paniwala at
Panday gumagamit ng sariling lakas.
Kawal
Mamamana
Mananalaysay
Gawain 5- • Sagutin ang mga gabay na
Mabisang tanong.

Tugon
• 1. Ano-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga?
• Sagot: Isang mapagmahal at masunurin na anak. Matapang at determinado siya
sa buhay.
• 2. Mayroon bang suliranin o mga suliraning nangibabaw sa epiko?
Isa-isahin ang mga ito.
• Sagot: Siya ay ipinanganak na hindi nakakalakad o lumpo. Namatay ang
kaniyang ama kaya ipinatapon sila ng isa pa nitong asawa sa likod ng palasyo,
gusto ng kaniyang ina ang puno ng baobao ngunit dahil masama ang ugali ng
inang reyna na isa pang asawa ng kaniyang ama ay pinahiya nito ang kaniyang
ina sapamamagitan ng pagkutya dahil ang kaniyang anak ay walang silbi.
• 3. May kaugnayan ba ito sa nagaganap sa kasalukuyan?
Pangatuwiranan ang sagot.
• Sagot: Oo, nagaganap parin sa kasalukuyan ang agawan ng trono o
kapangyarihan, halimbawa na lamang ang pag-aagawan ng magkakapatid sa
mana at maging sa politika ay nangyayari din ito.
• 4. Sa iyong tingin, si Sundiata ba ay tunay na bayani ng kasaysayan
ng Africa?
• Sagot: Sa tingin ko oo, sapagkat ayon sa kuwento, napagtagumpayan ni Sundiata
ang pakikipaglaban sa mga mananalakay at naipakita niya rin sa mga taong
nangungutya kung sino siya. Nagsisilbi ito na aral sa iba na hindi natin maliitin ang
kakayahan ng ibang tao.
• 5. Pumili ng bahaging naibigan sa akdang binasa. Ipaliwanag ito.
• Sagot: Ang bahaging naibigan ko sa akdang binasa ay, noong nagkaroon ng lakas
si Sundiata na harapin ang hamon ng kanilang pamumuhay sa kabila ng kanyang
kapansanan. At dahil sa kanyang katapangan at lakas ng loob kung kaya’t
nagtagumpay ang kanyang pananakop at naitayo ang Imperyong Mali
• 6. Kaninong tauhan sa epiko mahihahambing ang sarili?
Ipaliwanag ang sagot.
• Sagot: Maihahambing ko ang aking sarili kay Sundiata dahil katulad ni Sundiata
ako ay determinado. Marami mang balakid hahanap pa rin ako ng paraan upang
malagpasan ito at mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay.
• 7. Tama ba ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso? Bakit?
• Sagot: Sa tingin ko, tama lang ang ginawa ni Sundiata sa lungsod ng Sosso dahil
nang mawasak nila ang lungsod ng Sosso naging dahilan ito upang matapos ang
karahasan at mabigyan din ng kapayapaan ang lipunan na bahagi ni Sundiata.
• 8. Sa iyong tingin, bakit mahalagang magplano upang matiyak ang
pagtatagumpay sa hinaharap?
• Sagot: Mahalaga ang magplano upang matiyak ang pagtatagumpay sa hinaharap.
Sa pamamagitan ng pagpaplano, iyong maiisip ang ibat-ibang sitwasyon kung
saan ang tagumpay ay maaaring hindi mo makamit. Kapag alam mo ang mga
posibleng dahilan ng pagkabigo , makakapaghanda ka ng mga solusyon nito sa
hinaharap.

You might also like