You are on page 1of 23

Ikaapat na Markahan- Ikaapat na Linggo

MELC: Napapahalagahan ang


papel ng mamamayan sa
pagkakaroon ng isang mabuting
pamahalaan
- Mabuting Pamamahala o Good Governance

CELEDONIO B. BORRICANO JR. MAED


GUROSAARALINGPANLIPUNAN10
Mga Layunin:
1.Naipaliliwanag ng may kahusayan ang
terminolohiyang Good Governance at Participatory
Governance

2. Nakapagbabahagi sa klase ng mga elemento ng isang


mabuting pamamahala at ang bahagi ng mga
mamamayan sa pagkakaroon ng maayos na
pamahalaan

3. Nakapagpapakita ng mga halimbawa ng katangian ng


isang mabuting mamamayan
Panimula
Ang bahaging ito ng aralin ay nakatuon sa kahalagahan ng aktibong
Title Lorem Ipsum
pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa
pamamalakad ng pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan. Nararapat na
magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang solusyon sa
mga suliraning kinakaharap ng lipunan.

Mangyayari lamang ito kung ang mamamayan ay may kaalaman at


kamalayan sa mga isyung panlipunan. Ang kamalayang ito ang magtutulak sa
mamamayan na aktibong makilahok sa mga hakbanging magbibigay katugunan
sa maraming mga hamong kinakaharap ng bayan.

Makatutulong ang iyong malalim na pagkaunawa sa nakaraang mga paksa


LOREMang
lalo’t higit IPSUM ukol
DOLORsaSIT AMET, NUNC VIVERRA
karapatang pantao IMPERDIET
at kung ENIM.paano
PELLENTESQUE HABITANT MORBI
ito nakapagsusulong ng
CONSECTETUER ADIPISCING ELIT. FUSCE EST. VIVAMUS A TELLUS. TRISTIQUE SENECTUS ET NETUS.
aktibong pakikilahok sa lipunan upang matamo ang mabuting pamamahala o
good governance.
Pagpapakahulugan

Paglalapat ng mga banyagang salita

Good Governance-
Mabuting pamamahala na kinakikitaan ng mabuting
pagsang-ayon ng mga mamamayan

Participatory Governance-
Pakikilahok ng mga mamamayan sa mga programa at
polisiya ng pamahalaan tungo sa maayos na pagtataguyod
sa bansa.
Gawain 1
Gawin natin ito! ( Larawan-suri )
Pag-aralang Mabuti ang larawan upang masagutan ang mga gabay na tanong
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng larawan?

2. Paano ito naiuugnay sa Participatory


Governance?
Pagbasa ng Teksto

Ano ba ang governance o pamamahala? Ayon kay Gerardo


Bulatao, ang pinuno ng Local Governance Citizens and Network, ang
governance ay interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan
sa corporate sector, civil society organizations (CSOs), at mga partido
politikal (ANGOC, 2006).

Ang mahusay na interaksiyong ito ay makapagdudulot ng paggawa


ng mga polisiya, pagtukoy ng mga nararapat na prayoridad, paglaan ng
yaman, pagpili ng mga opisyal, at pagsasakatuparan ng mga
hakbang.Kapag ito ay sinamahan ng lahat ng paraan ng politikal na
pakikilahok tulad ng eleksiyon, paglahok sa iba’t ibang samahang sibiko
at aktibong pakikibahagi sa mga gawaing pambayan. Ito ay hindi na
lamang ukol sa simpleng pamamahala kundi sa paglalayong magkaroon
ng isang mabuting pamamahala o good governance.
Basahin ang mga sumusunod na paglalarawan ng Good Governance
o Mabuting Pamamahala ng World Bank at ng OHCHR.

World Bank OHCHR


(Office of the High Commissioner for Human Rights)

Isang paraan ng pagsasakatuparan proseso kung saan ang mga


ng kapangyarihang mangasiwa sa pampublikong institusyon ay
“economic and social resources” ng naghahatid ng kapakanang
bansa para sa kaunlaran nito pampubliko, nangangasiwa sa pag-
aaring yaman ng publiko, at tinitiyak
na mapangalagaan ang mga
karapatang pantao, maging malaya
sa pang-aabuso at korapsyon, at may
pagpapahalaga sa rule of law

Ikaw? Paano mo ilalarawan ang isang Good Governance?


Gawain 3
Punan ang chart base sa inyong pagkanawa

MABUTING PAMAMAHALA / GOOD GOVERNANCE

Ano ang dapat gawin ng Bilang isang mamamayan, ano ang


pamahalaan upang magkaroon maitutulung mo o ano partisipasyon
ang isang bansa ng Mabuting mo upang magkaroon ng Mabuting
pamamahala o Good Governance? Pamamahala o Good Governance
sa iyong bansa?
Pagpapaunlad

Sa bahaging ito ay inaasahan na iyong matututunang kung


nagnanais tayong magtamo ng mabuting pamamahala o good
governance, mahalaga ang ating paglahok sa mga nagaganap sa
ating pamahalaan o lipunan sa kabuuan. Ang pag-aaral ng Araling
Panlipunan bilang isang asignatura ay walang saysay kung hindi mo
nakikita ang iyong sarili bilang bahagi ng lipunang iyong pinag-
aaralan at kung paanong ang pagiging isang aktibo at produktibong
mamamayan ay malaking bahagi ng tagumpay ng isang bansa sa
pagpapabuti ng buhay ng bawat isa.

Palalimin natin ang pag-aaral sa konsepto ng mabuting


pamamahala sa pamamagitan ng Participatory Governance.
Teksto tungkol sa Participatory Governance

Ang Participatory Governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para


maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan.

Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong
mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng
mga solusyon sa suliranin ng bayan.

Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang


bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan. Ang ganitong uri ng
pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag na ‘elitist democracy’ kung
saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno.

Ngunit, may mga namumuno sa pamahalaan na ang iniisip lamang ay ang kanilang
sariling interes at hindi ng buong bayan. Kung ang kapangyarihan ng isang estado ay
tunay na nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga
mamamayan sa pamamahala dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto
kung malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan(Koryakov & Sisk, 2003).
Mga Gabay na Tanong

1. Sa papaanong mga pamamaraan naisasagawa natin ang tinatawag na


Participatory Governance? Magbigay ng mga halimbawa.

2. Kung ikaw ba ay bomoto noong nakaraang SSG election sa ating


paaralan, nagpapakita ba ito ng participatory Governance? Ipaliwanag
ang iyong sagot. (Localization)

3. Pag-aralang Mabuti ang mga datos na nasa ibaba. Ano ang inyong
mahihinuha dito? Ipaliwanag. (Integration in Mathematics)
Tungkol saan ang datos?

Ano ang ipinapahiwatig ng mga datos na ito?

Nagpapakita o naglalarawan ba ito ng


Participatory Governance?
Gawain 5

Panuto: Unawaing Mabuti ang isinasaad ng tula tungkol sa mga


Magsasaka at sagutin ang mga gabay na taong.
Totoo ba ang isinasaad at inilalarawan ng tula? Sa paanong paraan?

Tayong lahat ba ay maituturing na mga magsasaka? Ipaliwanag.

Paano natin masasabi na ang pagiging magsasaka ay isang mabuting


halimbawa ng Participatory Governnce?
Paglalapat : Pangkatang Gawain

Panuto: Ipakita ang papel na ginagampanan ng mga kabataan bilang isang


mabuting sumusunod at bilang isang mabuting mamamayan sa lipunan.

Unang Grupo: Sabayang pagbigkas


Ikalawang Grupo: Jingle
Ikatlong Grupo: Panel Discussion
Ikaapat na Grupo: Talk show

Pangkalahatang alituntunin:
Pumili ng Lider
Gawin ng sama-sama o sabay sabay at siguraduhing kasama ang lahat ng
miyembro.
Sunding Mabuti ang Rubrics
Ang out-put ay hindi lalagpas sa 3 minuto.
Ipaliliwanag ng Lider ang output sa loob ng 1 minuto
Pagtataya

Panuto: Basahing Mabuti ang


bawat pahayag at tukuyin
kung ito ay nag naglalarawan
ng isang mamamayang
aktibong nakikibahagi sa
pagtatamo ng mabuting
pamamahala o good
governance

Sabihin lang kung OO o HINDI


Maagang nag-ayos ng sarili si Lyndon upang bumoto sa SK Election.

Palagiang sumusunod si Laila sa health protocol ng kanilang barangay.

Nagpalista si Francis bilang Volunteer upang makakuha lamang ng


libreng T-Shirt at bag.

Naglaan ng panahon si Mang Ador upang makadalo sa ipinatawag na


meeting ng kanilang Group Leader

Inuwi ni Sherwin ang 2 kaban na bigas na mula sa community pantry.


Panuto: Gamit ang inyong talento sa pagguhit/drawing, gumawa ng isang makulay
na paglalarawan sa isang mabuting kabatan na sumusunod at nagpapasakop sa kanyang mga
magulang.
Krayterya Napakahusay Mahusay Paghusayan pa
15 10 5
Kalinisan

Mahusay, malinis at
makulay ang
pagkakaguhit
Kaangkupan ng
Konteksto

Akmang akma sa
tema ang naiguhit

Kabuoang puntos
Maraming Salamat
sa inyong pakiki-isa

You might also like