GRADE 7 Name:________________________________________ Date:_____________ Grade and Section:________________ Score:____________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi
upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles? a. Passive resistance b. armadong pakiipaglaban c. pagbabago ng pamahalaan d. Pagtatayo ng mga partido politikal 2. Naghangad din ng kaniyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito upang matamo ang kaniyang hangarin? a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin b. Itinatag ang Indian National congress c. Binoykot ang mga produktong Ingles d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan 3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap- tanggap sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian? a. Pagpapalaganap ng isang Sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles. b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying dagat. c. Pagkakaroon ng “racial discrimination” sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan. d. Pagpapahusay ng mga trasportasyon at komunikasyon. 4. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang naging epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan? a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga India b. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado. c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa. d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno. 5. Ang dahilan ng pagtuloy na paglalabanan ng India at Pakistan ay ang kapwa nila nais angkin ang teritoryong Kashmir. Ano ang naging epekto ng sigalot na ito sa kanilang nasyonalismo? a. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila ang Kashmir. b. Nais ng dalawang bansa na patunayang makapangyarihan sila. c. Umaasa ang mamamayan na malulutas din ang sigalot na ito. d. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United Nations Organization(UNO) sa pagluutas ng kanilang suliranin. 6. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga rehiyon ng Asya? a. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa. b. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhanng bansa. c. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain. d. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan. 7. Sa pakikipagsapalaran nakamtam ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi laban sa pananakop ng Great Britain? a. Aggressive b defensive c. passive d. radikal 8. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India? a. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko b. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles c. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi d. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian 9. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya? a. Pag-unlad ng kalakalan b. c. Pagkamulat sa kanlurang panimula c. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa d. paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas 10. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang pagpresenta ng mag-aaral sa kasalukuyan ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya at kung paano ito mapagyayaman hanggang sa hinaharap. Alina ng mas angkop na gamitin sa isang video conferencing. a. Multimedia presentation at paglalakbay b. Pagkukuwento at pagtatanong c. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka d. Debate at pag-uutos ng dapat gawin 11. Bakit muling nabuo ang bansang Israel? a. Dahil sa layuning lumakas ang Judaism b. Sa kagustuhang magsama-samang muli ng mga Hudyo c. Upang matamo ang kanilang kaligtasan d. Dahil sa pananakop ng ibang lupain 12. Bakit sinabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano? a. dahil dito ay nagtutulungan ang magkaratig bansa sa Asya b. nagsilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa c. maaaring lumaki ang kita sa mga usaping black market d. sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa 13. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay matutong: a. pigilan ang paglaganap ng imperyong kanluranin b. pagiging mapagmahal sa kapwa c. makisalamuha sa mga mananakop d. maging lagging handa sa panganib 14. Ano ang ipinahihiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India? a. mahusay na rebolusyong lider si Mohandas Gandhi. b. Maaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan. c. Ang pag-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan. d. Naging simbolo si Mohandas Gandhi ng pagkakaisa ng mamamayan sa India 15. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga India lalo na ng kababaihan? a. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India b. Pagkakaroon ng pagkaaktaong makapag-aral ang mamamayan ng India c. Pagbabawal sa ilang matatandang kaugaliang Indian tulad ng “sati” at “female infanticide” d. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng foot binding at concubinage.
II. Alin Ka Mo?
Isulat ang E kung ekonomiya, P kung politika, at S/K kung sosyo-kultural ang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya. Isulat ang inyong sagot sa kuwadermo. _________16. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong kanluranin. _________17. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo. _________18. Nagkakaroon ng “fixed boarder” o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa. _________19. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod. _________20. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga kanluranin at katutubo upang mapanatili ang katapatan ng kolonya. _________21. Pag-unlad ng Sistema ng transportasyon at komunikasyon. _________22. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling Sistema. _________23. Nailipat sa Europe ang mga kayamanan ng Asya na dapat pinakinabangan ng mga Asyano. _________24. Nagtayo ng mga irigasyon , ospital, paaralan, at simbahan. _________25. Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na magamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan, ekonomiya , at iba pang aspeto ng buhay. _________26. Nabuo ang mga kilusang nasyonalismo. _________27. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan. _________28. Ang mga kaugalian ay nahaluhan. _________29. Ang mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa kanluranin. _________30. Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o “middle men”