You are on page 1of 160

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

Senior High School

Filipino sa Piling Larangan-


Akademik

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders
to email their feedback, comments, and recommendations to the Department
Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas
of Education at action@deped.gov.ph.
1

We value your feedback and recommendations.


First Edition
Alternative Delivery Mode
Modyul 1 Filipino sa Piling Larang

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:

Development team of the module


Author: Vanessa Fher M. Temporada-Blase
Editors:
Reviewers: Jesusa V. Sulayao, Maria Lita D. Montalban,
Girlie T.Sumastre
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Layout Artist:
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairperson: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.
EPS-ADM
Dr. Neil Improgo
EPS-LRMDS
Himaya B. Sinatao
EPS-LRMDS

Printed in the Philippines by DepEd, Region X


Department of Education – Bureau of Learning Resources

Office Address: Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang,


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

2
Senior High School

Filipino sa Piling
Larang
Modyul 1:
Ang Kahalagahan ng
Pagsusulat at ang
Akademikong Pagsulat

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders
to email their feedback, comments, and recommendations to the Department
of Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas

3
This page is intentionally blank

4
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin …………………………………………………………………………... ..1

Layunin …………………………………………………………………. ...1

Pangkalahatang Panuto…………………………………………………..2

Subukin …………………………………………………………………………… 4

Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat

Modyul 2: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Akademikong Sulatin

2. 1 Abstrak…………………………………………………………..

2. 2: Sinopsis/Buod………………………………………………….

2. 3: Bionote.................................................................................

Modyul 3: Pagsulat ng Akademikong Sulatin


3.1 Panukalang Proyekto....................................................................
3.2 Talumpati.......................................................................................
3.3 Katitikan ng Pulong........................................................................
3.4 Replektibong Sanaysay..................................................................
Modyul 4:
4.1 Nakalarawang Sanaysay................................................................
4.2 Lakbay Sanaysay.........................................................................
4.3 Posisyong Papel...........................................................................
Isaisip ………………………………………………………………………………

Tayahin…………………………………………………………………………….

Sanggunian ………………………………………………………………………..

5
Paunang Salita
Ang modyul na FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik) ay inilimbag upang
matugunan ang hangarin nga mga mag-aaral ayon sa kanilang pangangailangan
tungo sa isang matagumpay na edukasyon. Ito ay lilinang sa kakayahan upang
mahasa ang galing ng bawat kabataan lalo na sa larangan ng akademikong
pagsulat.

Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat serye ay


iniangkop ayon sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang matutu sa isang
makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at mapanuring isip upang magiging
handa sa pagharap ng mga hamon sa totoong buhay.

Para mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang


iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na tatalakayin sa kabuoan ng iyong pag-aaral.
Hindi mo lamang matututunan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na
kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga sumusunod:

Mga Uri ng Akademikong Sulatin


Abstrak Posisyong Papel
Sintesis/Buod Rekplektibong Sanaysay
Panukalang Proyekto Pictorial Essay
Agenda Talumpati
Katitikan ng Pulong

Napapaloob dito ang mga sumusunod na pagsasanay upang matugunan ang


mabisang pagkatuto.

Alamin

Subukin

Balikan

Tuklasin

Suriin

Pagyamanin

Isaisip

Isagawa

Tayahin

6
Ang Kahalagahan ng Pagsusulat
Modyul at ang Akademikong Pagsulat
1

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?
Gusto mo bang malaman ang iba’t ibang anyo ng sulatin? Gusto
mo bang madagdagan ang iyong kakahayang lumikha sa paraang
pasulat? Kung gusto mo, paano mo ito sisimulan?

Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin tungkol sa: Aralin


1 Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat. Ito ay
magagamit natin sa pagkakaroon ng maayos na pagpapahayag lalong lalo
na sa ating gawaing pang-akademiko. Makatutulong din ito sa lahat ng
aspeto sa larangan ng pagsusulat.

Para sa mga layunin ng modyul na ito:

A. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsusulat(CS_FA11/12PB-Oa-c-


101)
B. Nakikilalang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa(CS_FA11/12PN-Oa-c-
90)

1. Layunin
2. Gamit
3. Katangian
4. Anyo

C. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at


katangian (CS_FA11/12EP-Oa-c-39)
D. Napapahalagahan nag akademikong pagsulat sa pamamagitan ng mga
gawain.

Pangkalahatang Panuto:

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

7
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing
kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

Para sa Guro

1. Ilahad at ipaunawa sa mag-aaral ang bawat paksa sa Modyul.


Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga Gawain nang may tiwala sa
sarili.

2. Bigyan ng tuntunin ang mga mag-aaral na sagutin ang mga gawain


sa Alamin upang suriin ang kanilang kaalaman sa paksang
tatalakayin.

3. Ipagawa ang gawaing Tuklasin para sa masusing pagunawa


mga mag-aaral sa kahalagahan ng pag-aaral sa paksa.

4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Suriin. Hayaan silang tuklasin ng


may pag-unawa ang mgapaksang tatalakayin sa modyul.

5. Ipasagot ang Pagyamanin. Suriing mabuti kung lubos na


nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay.Palalimin
ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng mga pagsagot sa
mga katanungang nasa Isaisip.

6. Ipagawa ang gawaing Isagawa bilang bahagi ng pagsasakatuparan


at aplikasyon sa pangkalahatang pagkatuto mula sa mga paksang
natutunan sa modyul na magagamit sa pang-araw-araw na Gawain.

8
Subukin

Gawain 1

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa pagsulat.

1. Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing


na akademikong pagsulat.
2. Ang paggamit ng mga kolokyal at balbal na wika ay maituturing na
pormal.
3. Ang wikang Filipino ang opisyal na wika ng Pilipinas.
4. Ang mga awit, kwento at dula ay kabilang sa akademikong pagsulat.
5. Hindi dapat isaalang-alang ang paksa at wika at layunin sa anumang
sulatin.

Tuklasin

Alam mo ba na may iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat? Para sa iba ito
ay nagsisilbing aliw sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang
kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili at kaakit-akit para sa
kanila. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang karaniwang dahilan ng pagsusulat ay
matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi sa pagtatamo ng
kasanayan.

Gawain 2

Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.

Sa iyong sariling pananaw, ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusulat at ng


akademikong pagsulat?

Suriin

Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin.


Hayaang mahasa ang iyong kakayahan sa pagsulat. Kung kaya simulan na natin
ang pag-aaral.

9
Ang Pagsusulat

Malaking tulong ang pagsusulat lalong lalo na sa mga taong nakasusulat,


nakababasa at maging sa pagdokumento ng mga mahahalagang pangyayari. Ayon
kay Mabelin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay
maaaring pasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawawala ang alaala ng
sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

Layunin ng Pagsulat

Ayon kay Mabelin (2012). Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay


maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una, ito ay maaaring personal o ekspresibo
kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat. Ang ganitong paraan ng pagsulat ay
maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot, o
pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito
ay ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at
iba pang akdang pampanitikan.
Pangalawa, ito naman ay panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng
pagsulat ay ang makipag-ugnay sa ibang tao o sa lipunan na ginagalawan. Ang
ibang halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham, balita, korespondensiya,
pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.

Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benipesyo na maaaring


makuha sa pagsusulat:

1. Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at


maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinisagawang imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa
sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglatag ng mga
kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan ng mag-aaral at


makikilatis ang mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Maaaliw sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
5. Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga ng paggalang at
pagkilala sa mga gawa at akda.
6. Malilinang ang kasanayan sa pagkalap ng mga impormasyon mula sa
iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may
kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman

10
upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating
interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular
ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:

1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,


damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais
sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling
maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa
malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.

2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang


magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng
sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang
mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.

3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o


nilalaman ng iyong isusulat.

4. Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang


kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.

a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng


bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang
tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.

c. Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o


magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod.

d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay


maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa
mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.

e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa


mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong
dapat pagtalunan o pag-usapan.

5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa


upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa
pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at
mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.

6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa


pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa
wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng
batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang
makabuo ng isang mahusay na sulatin.

11
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang
mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas
na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang
komposisyon.

Mga Uri ng Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)


Pangunahing layunin nito ay mahatid ng aliw, makapukaw ng damdamin, at
makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Karaniwang bunga ito ng
ating malikot na imahenasyon o kathang-isip lamang.

Halimbawa: Maikling kwento, dula, nobela, komiks, iskrip ng teleserye, pelikula,


musika, at iba pa.

2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)


Layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang
pag-aaral na kailangan lutasin ang isang problema o suliranin.

Halimbawa: Feasibility Study on the Construction o Platinum Towers in Makati,


Project on the Renovation o Royal Theatre in Caloocan City, Proyekto sa
Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)


Ito ay kaugnay sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
natutuhan sa paaralan lalo na sa pagawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa
napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

Halimbawa: Guro- lesson plan; doktor at nars- medical report, narrative report

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)


Ito ay tungkol sa sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Mahalagang ang
mga taong sumusulat nito ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo,
obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa kasalukuyan na
kanyang isusulat sa pahayagan, magasin, o kaya naman ay iuulat sa radyo at
telebisyon.

Halimbawa: balita, editoryal, lathalain, artikulo, at iba pa.

5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)


Layunin ng sulatin na mabigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o
impormasyon sa paggawa ng koseptong papel, tesis, at disertasyon.

Halimbawa: Review of Related Literature (RLL), Sanggunian

6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)


Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larang. Ito ay may
sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga

12
ideyang pangangatuwiran. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o
ginagawang pananaliksik. Kaya naman, sa modyul na ito ay lubos na tatalakayin ang
mahahalagang paksa hinggil dito na tiyak na makatutulong nang malaki sa pagharap
mo sa totoong buhay lalo na sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon.


Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o
opinyon.

2. Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip,


gumamit ng mga salitang pormal na madali ng maunawaan ng mga mambabasa.
Ang tono o ang himig ng impormasyon ay dapat maging pormal din.

3. Maliwanag at Organisado- Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at


organisado ng mga kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-
sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap na binubuo nito. Ang
pangunahing paksa ay dapat nabibigyang-diin sa sulatin.

4. May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais


niyang bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbago-
bago ng paksa. Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa
matapos niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa pagsasagawa ng
pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat ng napiling
paksa.

5. May Pananagutan- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o


impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at
pagbibigay galang sa awturidad na ginamit bilang sanggunian.

Pagyamanin

Pagtatalakay ang araling binasa

Gawain 3.1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano kahulugan ng akademikong pagsulat batay sa iyong binasa?


2. Ano-ano ang kabutihang dulot nito sa buhay partikular na sa hinaharap?
3. Bilang isang mag-aaral, naniniwala ka bang dapat talagang kunin ng lahat
ang kurso at asignaturang ito? Ipaliwanang ang sagot.
4. Isa-isahin ang layunin at kahalagahan ng pagsusulat. Naranasan mo na ba

13
ang benepisyo nito sa iyo upang higit na mapaunlad ang iyong kasanayan?
6. Ano-ano ang gamit o pangangailangan sa pagsusulat? Alin dito sa palagay
mo ang pinakamahalaga?

7. Sa iyong sariling opinyon, alin sa mga katangiang dapat taglayin ng


akademikong pagsulat ang alam mo na? Alin sa mga ito ang dapat na
pagbutihin?
8. Sa mga uri ng pagsulat, alin sa mga ito ang pinakagustong-gusto mong
gawin?

Gawain 3.2

Upang mas malinang ang iyong kaalaman subukan ang gawaing ito.

Panuto: Isulat sa journal ang sagot sa tanong na ito:

1. Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng


pagsulat partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin?

Isaisip

Gawain 4.1

Panuto: Kilalanin ang mga uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Ang pangunahing layunin ng pagsulat na ito ay ang pagbuo ng isang pag-aaral o


proyekto.

2. Ang mga paraan na argumentatibo, deskriptibo, impormatibo, naratibo, at


ekspresibo ay nakapaloob sa pangangailangang ito.

3. Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay mahatid ng aliw at makapukaw ng


damdamin at makaantig ng imahinasyon.

4. Gamit sa pagsulat kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing ideyang


dapat nakapaloob sa sinusulat.

5. Ito ay anyo ng pagsulat na dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng mga


doktor, nars, ihenyero at iba pa.

14
6. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga kaalaman at nilalaman ng pagsulat.

7. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang pagsulat.

8. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip o


nadarama gaya ng tula, dula, awit, at iba pang katulad.

9. Ang sulatin itong may nauugnay sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita,


editoryal, lathalain at iba pa.

10. Ito ay maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan


sa institusyong pang-edukasyon.

Gawain 4.2

Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat


gamit ang concept map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat
katangian.

Katangian
ng
Akademiko
ng Pagsulat

Isagawa

Gawain 5

Panuto: Magsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at


katangian ng napiling dalawang uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic
organizer.

1.
Uri ng Akademikong Sulatin: _____

15
Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:

Sanggunian:

2.
Uri ng Akademikong Sulatin: _____
_______________________________

Nasaliksik

Kahulugan:

16
Katangian:

Sanggunian:

Tayahin

Gawain 6

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang wastong
titik ng iyong napiling sagot.

1. Ayon sa kanya “Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman


ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
pasalin-salin sa bawat panahon”.

A. Mabelin B. Jose Rizal C. Rodrigo Duterte D. Emilio Jacinto

2. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,


damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong
sumusulat.

A. Paksa B. Layunin C. Wika D. Pagsulat

3. Ito ay nagsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

A. Paraan B. Layunin C. Personal D. Pagsulat

17
4. Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng
isang pag-aaral na kailangang lutasin ang isang problema o suliranin.

A.Teknikal na Pagsulat C. Akademikong Pagsulat B.


Malikhaing Pagsulat Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat

5. Ito ay may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o


paaralan.

A. Reperensiyal na Pagssulat C. Akademikong Pagsulat B.


Malikhaing Pagsulat Pagsulat D. Propesyonal na Pagsulat

6. Ang ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay


dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.

A. May paninindigan C. Maliwanag at organisado B.


May pananagutan D. Pormal

7. Alin sa mga sumusunod ang katangian na dapat taglayin ng isang mabuting


manunulat.

A. Pagiging impormal sa paglalahad ng pambabatikos.


B. Pagsaalang-alang sa paksa, layunin at mga salitang gagamitin
upang maging mabisa ang paglalahad ng isang sulatin.
C. Paggamit ng mga mahihirap na salita upang mahirap unawain.
D. Pagiging lantaran sa mga sensitibong usapin.

8. Alin sa mga sumusunod ang angkop na paglalarawan sa akademikong sulatin?

A. Ito ay mahirap gawin at hindi nakatutulong sa mga mag-aaral


B. Ito ay nakabatay lamamng sa mga sulatin na may kaugnayan sa
akademiko lalo na sa paaralan.
C. Hindi na kailangan pag-aralan dahil madali lang itong matututunan.
D. Mahalagang matutunan sapagkat kung marunong kang sumulat
nang maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na
nakakaangat siya sa iba at dala na rin ng mahigpit na kompetisyon
sa kasalukulayan sa larangan ng edukasyon at trabaho.

9. Mahalagang iwasan ang paggamit ng mga wikang kolokyal at balbal hahalip ay


gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.

A. Impormal B. Pormal C. Kaakit-akit D. Paglalahad

10. Ang mga kaisipan ay nararapat maayos ang pagkakasunod-sunod at malinaw


ang paglalahad nito.

A. May paninindigan C. Maliwanag at organisado


B. May pananagutan D. Obhetibo

18
19
Karagdagang Gawain

Gawain 7

Panuto: Unawaing mabuti ang pahayag at isulat sa kahon ang iyong kasagutan.

Nakapagpapahayag ng paraan sa pagiging responsable.

Ang kilalang islogang “Think before you click” ay nagbibigay ng isang babala
sa kahit anuman ang iyong ipapahayag o i-post nang pasulat sa social media gaya
ng Facebook, Twitter, Instagram o iba pang social media account ay hindi na
mababawi pa at magagamit na matibay na ebidensiya laban sayo.

Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng Akademikong Pagsulat ay


magbigay ka ng mga paraang magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung
paano magiging responsable at makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga
isinusulat o i-pino-post sa ating mga social media account.

Add comment...

Like Share

Magaling! Nagawa mong lagpasan ang unang pagsubok. Binabati kita!

Puntahan na natin ang susunod na aralin! Tiyak na marami kang matututunan at


magiging bihasa ka sa larangan ng pagsulat. Tara na!

Sanggunian:
https://tl.m.wikipedia.org > wiki> Malikhaing Pagsulat

20
Susi ng Kasagutan

Subukin 1. Tama, 2. Mali, 3. Tama, 4. Tama, 5. Mali

Suriin
(Malayang sasagutin ng mag-aaral ang mga katanungan sa gawaing ito.)
Pagyamanin
(Malayang sasagutin ng mag-aaral ang mga katanungan sa gawaing ito.)
Isaisip
A. Nakikilala ang mahahalagang kaisipan
Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya.
1. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

21
22
Tayahin

1. A
2. C
3. B
4. A
5. D
6. A
7. B
8. D
9. B
10.C

Karagdagang Gawain
(Malayang sasagutin ng mag-aaral ang mga katanungan sa gawaing ito.)

23
Management Team

Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III


Regional Director

Co-Chairperson: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V


Asst. Regional Director

Maia Epra B. Magnaong


CES, CLMD

Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.


EPS-ADM

Himaya B. Sinatao
EPS-LRMDS

24
25
First Edition

26
Alternative Delivery Mode
Modyul 2 Filipino sa Piling Larang

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:

Development team of the module


Author: Myra Capili Cuenca, Jamela R. Almerol
Editors:
Reviewers: Jesusa V. Sulayao, Maria Lita D. Montalban,
Girlie T.Sumastre
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Layout Artist:
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairperson: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.
EPS-ADM
Dr. Neil Improgo
EPS-LRMDS
Himaya B. Sinatao
EPS-LRMDS

Printed in the Philippines by DepEd, Region X


Department of Education – Bureau of Learning Resources

Office Address: Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang,


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

27
Senior High School

Filipino sa Piling
Larang
Modyul 2:
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Iba’t Ibang Akademikong
Sulatin

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders
to email their feedback, comments, and recommendations to the Department
of Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas

28
This page is intentionally blank

29
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin …………………………………………………………………………... ..1

Layunin …………………………………………………………………. ...1

Pangkalahatang Panuto…………………………………………………..2

Subukin …………………………………………………………………………… 4

Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat

Modyul 2: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Akademikong Sulatin

2. 1 Abstrak…………………………………………………………..

2. 2: Sinopsis/Buod………………………………………………….

2. 3: Bionote.................................................................................

Modyul 3: Pagsulat ng Akademikong Sulatin


3.1 Panukalang Proyekto....................................................................
3.2 Talumpati.......................................................................................
3.3 Katitikan ng Pulong........................................................................
3.4 Replektibong Sanaysay..................................................................
Modyul 4:
4.1 Nakalarawang Sanaysay................................................................
4.2 Lakbay Sanaysay.........................................................................
4.3 Posisyong Papel...........................................................................
Isaisip ………………………………………………………………………………

Tayahin…………………………………………………………………………….

Sanggunian ………………………………………………………………………..

30
Paunang Salita
Ang modyul na FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik) ay inilimbag upang
matugunan ang hangarin nga mga mag-aaral ayon sa kanilang pangangailangan
tungo sa isang matagumpay na edukasyon. Ito ay lilinang sa kakayahan upang
mahasa ang galing ng bawat kabataan lalo na sa larangan ng akademikong
pagsulat.

Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat serye ay


iniangkop ayon sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang matutu sa isang
makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at mapanuring isip upang magiging
handa sa pagharap ng mga hamon sa totoong buhay.

Para mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang


iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na tatalakayin sa kabuoan ng iyong pag-aaral.
Hindi mo lamang matututunan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na
kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga sumusunod:

Mga Uri ng Akademikong Sulatin


Abstrak Posisyong Papel
Sintesis/Buod Rekplektibong Sanaysay
Panukalang Proyekto Pictorial Essay
Agenda Talumpati
Katitikan ng Pulong

Napapaloob dito ang mga sumusunod na pagsasanay upang matugunan ang


mabisang pagkatuto.

Alamin

Subukin

Balikan

Tuklasin

Suriin

Pagyamanin

Isaisip

Isagawa

Tayahin

31
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Modyul
Iba’t Ibang Akademikong
2
Sulatin

Alamin

Ang modyul na ito ay binuo upang hubugin ang mga mag-aaral na


may kakayahan at kasanayang makaagapay sa pamantayan sa ika-21
na siglo. Layunin ng module na itong sanayin ang mga mag-aaral sa
pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa kakayahang magpahayag
tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan.

Dito nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na bumuo ng


isang sulatin alinsunod sa wastong pagsulat ng isang sulating pang-
akademiko. Taglay nito ang iba’t ibang istratehiya na naaayon sa
tamang pag-unawa, hakbangin, detalye at tuntunin sa akademikong
pagsulat.

Modyul 2.1 – ABSTRAK

Modyul 2.2 – Sinopsis o Buod


Modyul 2.3 – Bionote

Layunin ng modyul na

 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling


akademikong sulatin. CS_FA12PU-0d-f-92

32
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo
ng katitikang-pulong at sintesis o buod. CS_FAPN-0j-I-92

 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong


sulatin.CS_FAPU-0d-f-93

Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


2. Itala ang mga kaukulang punto na nagangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat Gawain.

Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin ang bawat talata sa ibaba mula sa buod ng kwentong. Ang
Alibughang Anak na hango sa Bibliya, Lukas 15:11-32. Isaayos ang
bawat talata ayon sa simula, gitna at wakas upang mabuo ang
kwento. Isulat sa patlang ang letrang A,B at C.

_____ Inalo siya ng kanyang ama at ipinaliwanag dito ang dahilan na siya ay kasa-
kasama at kapiling nito sa lahat ng oras at ang mga ari-arian ay inihabilin nito sa
kanya samantalang ang kanyang bunsong kapatid na umalis ay itinurin ng patay
ngunit muling nabuhay, nawala ngunit muling nakita.

_____ Dahil sa dinanas na hirap, napagtanto nya ang mga pagkakamaling ginawa
kaya napagpasyahan niyang humingi ng tawad, magpakumbaba at bumalik sa
kaniyang ama. Dahil sa pagmamahal ng ama sa anak, buong puso niya itong
tinanggap at ipinagdiwang pa ang pagbabalik ng anak na siyang ikinasama ng loob
ng panganay na anak.

_____ May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana
nito at kanyang ginugol sa mga makamundong gawain. Ngunit isang araw ay
naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at siya’y naghirap at namuhay ng
isang kahig at isang tuka.

Balikan
33
Gawain 2

Panuto: Sumulat ng isang buod na binubuo ng 100 hanggang 150 na salita hango sa
mahalagang kaganapan mula sa teleseryeng napanood. Gamitin ang mga
natututunan mo sa mga paraan ng pagsulat. Isulat sa malinis na papel ang inyong
kasagutan.

Tuklasin

Pag-unawa sa Binasa

Ekonomiks sa Diwang Pilipino:


Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari
Tereso S. Tullao, Jr.

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng


wikang Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat
lamang sundin, hamak man, ang mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan
ng mga Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez,
Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng wikang
Filipino bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga
konseptong naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan.
Sa sanaysay na ito, tinalakay at sinuri ang limang pangunahing
konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang
makapagbigay ng panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng
agham panlipunan kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng
pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Mga Susing Salita: pagpapaunlad ng wika, intelektwalisasyon, konsepto sa


Gawain 3
ekonomiks, diwang Pilipino, problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang halimbawang makikita sa kahon, isulat
ang tatlong mahalagang sangkap nito, ang paksa, layunin at kahalagahan ng
partikular na akademikong artikulo.

Paksa:

34
Layunin:

Kahalagahan ng partikular na akademikong sulatin:

Suriin

MODYUL 2.1

Ano nga ba ang akademikong sulatin?

Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pormal na sulating isinasagawa sa


isang akademikong institusyon na ginagamitan ng matataas na pamamaraan ng
kasanayan sa pagsulat. Taglay ng Akademikong sulatin ang pagkakaroon ng
proseso na dapat sundin. Bagamat masalimoot ang proseso ng akademikong
sulatin, may maasahang paraan upang malagpasan ang hamon kaugnay sa
pagsulat.

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo


(Pranses: academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16
na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip,

institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at


pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain,
(www.oxforddictionaries.com/Piling Larang sa Filipino;Rex Book Store)

Abstrak

Ang Abstrak ay isang boud ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon,


rebuy, proceedings at papel pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang
gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng
teksto. Kadalasang makikita ito sa Simula pa lang ng manuskrito, ngunit itinuturing
ito na may sapat nang impormasyon kung kaya’t maaaring mag-isa o tumayo sa
kaniyang sarili.

35
Inilalahad ng Abstrak ang masalimuot na datos sa pananaliksik at
pangunahing mga metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng paksang
pangungusap o kaya’y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat bahagi. Ito’y
may layuning magpabatid, mang-aliw at manghikayat.

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang,
tinataglay nito ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng;

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.

2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin at


mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa
mambabasa at sa manunulat.

3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na


kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.

4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.

5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.

6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-


iiwan ng pala-isipan kaugnay sa paksa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan


ng abstrak.

2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng


sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at
konklusyon.
3. Buoin gamit ang mga talata ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging
ito sa kabuoan ng mga papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na
lamang kung sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang
mahahalagang kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak

1. Binubuo ng 200-250 na salita.


2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap
3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
4. Nauunawaan ng target na mambabasa.

36
Pagyamanin

Gawain 4.1: Pagbasa

Panuto: Basahin at intindihin ang Abstrak sa ibaba.

Konsepto ng Bayan isang Akda ng “ Kapitan Sino” ni Bob Ong


Camille L. Valdez

Ang bayani ay tinuturing na isang unibersal na karakter na binibigyang-buhay


sa midya, sining at panitikan. Isa ang bayani sa mga sentral na tauhan kaya
naman hindi kataka-taka na maging laganap ang konseptong ito sa boung
mundo. Ang pukos ng pag-aaral na ito ay ang akdang Kapitan

Sino ni Bob Ong. Layunin ng pag-aaral na matuklasan ang konsepto ng bayani at


pagkabayani sa akda.

Gagamitin ang teoryang arketipo ni Carl Jung at konsepto ng Political


Unconcious ni Fredric Jameson. Sa pamamagitan ng kolektibong memorya ni
Carl Jung at kolektibong represyon ni Jameson, mabubuo ang isang pagbibigay-
kahulugan sa konsepto ng bayani na matatagpuan sa akda.

Mula sa kolektibong memorya, mabubuo ang isang simbolikong imahe mula


sa pinagsama-samang karanasan, mithiin at kultura ng iba’t ibang grupo sa iba’t
ibang panahon. Mula naman sa kolektibong represyon, matutunghayan ang mag
tunggalian a lipunang hindi hayagang makikita. Ang dalawang konseptong ito ay
patuloy na umiiral at naggigiit ng impluwensya sa kamalayan ng bayan.
Nagkakaroon din ng historical na pagbagtas sa mga konsepto ng bayani sa
umiiral sa lipunan tulad ng mga bayani sa epiko at mga superhero sa komiks.

Sa pag-aaral, matutunghayang umaangkop si Kapitan Sino sa mga katangian


ng isang bayani sa teoryang Arketipo ni Jung. Mayroon siyang mga kalakasan at
kahinaan. Batay naman sa kolektibong impresyon, mabibigyang-linaw ang mga
usapin sa Lipunan ni Kapitan Sino. Makikita ang kontradiksyon sa lipunan sa
tunggalian sa pagitan ng naghaharing uri at di-naghaharing-uri. Ang
namamayaning ideolohiya ay nagsisikap na matabunan ang ediolohiya ng
nakararaming api sa lipunan na naghahanap ng mga “bayani” na siyang kikilos
ng sama-sama upang maging kinatawan ng kanilang kolektibong mga mithiin.

37
Si Kapitan Sino ay nagsilbing simbolikong resolusyon na inaasam ng mga
taga-Pelaez na hindi natatamo sa tunay na Buhay. Ipinakita ni Kapitan Sino na
ang pagkabayani ay hindi nangangailangan ng iisang dakilang taong siyang
nagliligtas sa lahat, bagkus ang bayani ay nag-uudyok sa mga taong kumilos at
maging bayani din sa kanilang paraan.

Sanggunian:
Pamela C. Constantino, Galileo S. Zafra; Aurora E. Batnag. Filipino sa Piling
Larangan (AKADEMIK); Rex Book Store

Gawain 4.2

Panuto: Mula sa binasang akda sa itaas, kilalanin ang mga karagdagang bahagi ng
abstrak na binanggit sa loob ng kahon.

Pamagat
Panimula
Metodolohiya
Kaugnay na Literatura
Resulta ng Pag-aaral
Konklusyon

Isaisip

Gawain 5

Panuto: Kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy sa bawat numero. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.

__________ 1. Isang uri ng pormal na sulating isinasagawa sa akademikong


institusyon.
__________ 2. Salitang mula sa wikang Europeo noong gitnang bahagi ng
ika-16 na siglo.

38
__________ 3. Ang nagsabing taglay ng Abstrak ang element o bahagi ng
sulating akademiko.
__________ 4. Ang pinakatema ng akda o sulatin.
__________ 5. Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinion na
mag-iiwan ng palaisipan kaugnay sa paksa.

Isagawa

Gawain 6

Panuto: Bumuo o sumulat ng isang abstrak o lagom batay sa iyong sariling interes o
paksang malapit sa iyong puso. Tandaan ang Katangian ng mahusay na Abstrak.
Sundin ang pamantayan sa ibaba.

5 4 3 1-2
Ang uri ng lagom Ang uri ng lagom Ang uri ng lagom Ang uri ng lagom
na nabuo ay na nabuo ay na nabuo ay ay di naging
talagang organisado, bahagyang organisado, hindi
organisado, maingat na organisado, maayos ang
maingat na naisulat, wasto at maingat na pagkakasula,
naisulat, wasto at maingat ang naisulat nang hindi wasto at
maingat ang wikang ginamit. may bahagayang angkop ang
wikang ginamit. kaingatan, may wikang ginamit.
kawastuhan at
may kaangkupan
ang wikang
ginamit.

Tayahin

Gawain 7

Panuto: Punan ng angkop na bilang 1-5 ang ilang hakbang sa pagbuo ng akademi-
kong sulatin. Isulat ang sagot sa patlang na inilaan sa bawat numero.

39
_____ 1. Pagbuo ng unang draft
_____ 2. Pagpili ng paksa
_____ 3. Paglalahatla/Pagproseso
_____ 4. Pag-E-edit at Pagrerebesa
_____ 5. Pinal na paksa

Karagdagang Gawain

Panuto: Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba hinggil sa iba’t ibang uri ng


paglalagom upang matukoy ang mga hinihingi para rito.

Kahulugan Katangian Layunin

Abstrak

40
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 6
C Malayang sagot ng mag-aaral.
B
A Gawain 7
2
1
Gawain 2 5
Malayang sagot ng mag-aaral. 3
6
Gawain 3 4
Malayang sagot ng mag-aaral.
Gawain 4 Gawain 8
Malayang sagot ng mag-aaral. 2
Gawain 5 1
1. Akademikong Sulatin 5
2. Akademiko o Academic 3
3. Philip Koopman
4. Paksa
5. Konklusyon

41
Modyul 2.2: Sinopsis o Buod

Alamin

Ang pagsusulat ay isa sa pinakamahalagang makrong kasanayan na dapat


taglayin ng mag-aaral. Ito ay nakakatulong upang lalong mahubog ang kaisipan ng
isang tao. Sa araling ito, pag-aaralan natin kung ano nga ba ang buod o sinopsis at
ang bionote at ano ang mga dapat tandaan at hakbang sa pagsulat nito?

Subukin

Sa pamamagitan ng gawaing ito, susubukin ang kaalaman ng mag-aaral


gamit ang pagbibigay ng kaunting ebalwasyon sa tatalakaying aralin.

Gawain 1

Panuto: Basahin nang maayos ang pahayag ayon sa iyong dating kaalaman.
Pagkatapos, isulat ang tsek ( / ) kung tama ang pangungusap at ekis ( X ) kung ito
ay mali.

____1. Ang bionote ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola,
talumpati at iba pang anyo ng panitikan.
____2. Sa pagsulat ng buod o sinopsis, iwasang magbigay ng iyong sariling
pananaw o paliwanag tungkol sa akda. Maging obhetibo sa pagsulat nito.
____3. Huwag ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal sa pagbuo ng sinopsis o
buod.

42
____4. Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta, at iba pa, maaring
gumawa muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy
ng pangyayari.
____5. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.

Balikan

Sa gawaing ito babalikan ang nakaraang aralin na natalakay na upang


malaman ng guro kung naintindihan ba ang natapos na leksyon.

Gawain 2: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang salitang Abstrak batay sa


inyong sariling pagkakaintindi. Kompletuhin ang concept map sa ibaba.

ABSTRAK

Tuklasin

Gawain 3

Panuto: Basahin ang buod ng Alibughang Anak sa baba at pagkatapos mabasa ay


bigyan ito ng iba’t ibang ideya batay sa pagkompleto sa talahanayan na ibinigay na
gawain.

Buod ng Alibughang Anak

May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana
nito at kanyang ginugol sa mga makamundong gawain. Dumating ang panahong
naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at nagdalita
at namuhay nang masahol pa sa katayuan ng mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil

43
sa hirap at sakit na kanyang naranasan, napagtanto niya ang kanyang masasamang
ginawa. Nagpasiya siyang bumalik sa kanyang ama, nagpakumbaba at humingi ng
tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong-puso niya itong
tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na ikinasama
naman ng loob ng panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang
ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit siya ay inalo ng kanyang ama at
ipinaliwanag na siya ay lagi niyang kapiling at ang lahat ng ari-arian niya ay para sa
kanya subalit ang bunsong anak na umalis ay itinuring nang patay ngunit muling
nabuhay, nawala, ngunit muling nasumpungan.

Sanggunian:

Julian A.B. at N.S. Lantoc (2017). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino sa


Piling Larang (Akdemiks). Quezon City, Quezon City, Phoenix Publishing House Inc.
(pahina 28)

Gawain 4

Panuto: Basahin ang buod ng Alibughang Anak sa baba at pagkatapos mabasa ay


bigyan ito ng iba’t ibang ideya batay sa pagkompleto sa talahanayan na ibinigay na
gawain.

IDEYA SA BUOD NG ALIBUGHANG ANAK

1.

2.

3.

4.

5
.

44
Suriin

Sa pag-aaral na ito ay susuriin at pag-aaralan ang mga ang leksyong ibinigay


upang makasagot sa mga gawain na ibinigay sa modyul na ito.

Sinopsis o Buod

Ang Sinopsis o Buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga


akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola,
talumpati, at iba pang anyo ng panitikan. Ang buod ay maaring buoin ng isang talata
o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Sa pagsulat ng sinopsis,
mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang
pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-
unawa sa diwa ng seleksiyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang
mga salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang
taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Sa pagkuha
ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod;
Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.

Sa pagsulat ng Sinopsis o buod, mahalagang maipakilala sa mga babasa


nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbabanggit
sa pamagat, may-akda at pinanggalingan ng akda. Makatutulong ito upang
maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi
galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang
magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda. Maging obhetibo
sa pagsulat nito.

45
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Sinopsis o Buod

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng buod o


synopsis:

1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.


2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang
damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito
sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama na rito ang mga pangunahing tauhan
maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa
kuwentong binubuo ng dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o
kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

Mga hakbang sa pagsulat ng Sinopsis o Buod

Narito naman ang mga hakbang na maaaring gamitin sa masining at maayos


na pagsulat ng buod ng isang akda:

1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha


ang buong kaisipan o paksa ng diwa.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-
kuro ang isinulat.
5. Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaiikli pa ito ng hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta at iba pa, maaring


gumawa muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng
pangyayari. Pagkatapos, isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang
pangunahing karakter, ang tunggalian, at ang resolusyon ng tunggalia

Narito ang ilang halimbawa ng story map:

46
Banghay

A.
Tagpuan Istorya Tauhan

Problema Kalutasan ng
problema

B. Pamagat

Simula
Tagpuan

Gitna
Mga tauhan
Problema/Banghay

Wakas
Kinalabasan/
Solusyon/ Resolusyon

Pagyamanin

47
Pag-unawa sa binasa

Narito ang halimbawa ng isang tula basahin at unawain.

May Huklubang Ama sa May Tumba-tumba

May huklubang ama sa tumba- At ngayon, para bang gusto mong


tumba lumayas
At ikaw, binata, ang kaniyang
kausap, Ang huklubang ama sa may tumba-
Dumuduyan-duyan sa buntung- tumba.
hininga.
Ang iyong kongklusyon inipong pag-
Hangad mo ang palad ng asa’y
kaniyang dalaga Mistulang kulisap sa lantang bulaklak,
Kaya nagtatakang hingin ang Dumuduyan-duyan sa buntung
basbas hininga.
Ng huklubang ama sa may
tumba-tumba. Ngunit kung puso mo’y ipagbukas pa,
Baka magsisi ka at maging katulad
Iyong hinintay ang tamang Ng huklubang ama sa may tumba-
entrada tumba
Ngunit dila’y putol, wika’y Dumuduyan-duyan sa buntung-
tumatakas, hininga.
Dumuduyan-duyan sa buntung
hininga. (Vladimeir Gonzales, halaw sa
tulang Proposals ni Edwin
Kada isang kilos, wari’y Thumboo, Ugat, 2003)
minamata

Gawain 4

48
Panuto: Basahin ang Tulang May Huklubang Ama sa May Tumba-tumba.
Pagkatapos isulat ang buod sa pamamagitan ng Graphic organizer.

______________________________

Pamagat
SIMULA

GITNA

WAKAS

Isaisip

Gawain 5.1

Panuto: Basahin at unawain ang ibinigay na pangungusap, pagkatapos isulat ang


TSEK (✔) kung sa tingin mo ay tama ang nakasaad na pangungusap at EKIS (X)
naman kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.

________1. Sa pagbuo ng sinopsis o buod, habang nagbabasa, magtala at


kung maaari ay magbalangkas.
________2. Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa
mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay,
nobela, dula, parabola, talumpati at iba pang anyo ng panitikan.
________3. Layunin ng buod o sinopsis na maisulat ang pangunahing

49
kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng
tesis nito.
________4. Tiyaking di- wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas
na ginamit sa pagsulat.

Gawain 5.2

Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga hakbang sa pagsulat ng Sinopsis o Buod.


Pumili ng numero mula 1-6 para mapagsunod-sunod ito at isulat sa patlang ang
sagot.

______ Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.


______ Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o
kuro- kuro ang isinulat.
______ Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang
makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa.
______ Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
______ Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaiikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.
______ Ihanay ang ideyang sang-ayon sa orihinal.

Isagawa

Gawain 6

Panuto: Batay sa iyong karanasan, sumulat ng mahalagang pangyayaring hindi mo


makakalimutan na nagtataglay ng simula, gitna at wakas alinsunod sa wastong
pagsulat ng buod o sinopsis. Isulat sa sagutang papel.

Tayahin

50
Sa pamamagitan ng pagbibigay ebalwasyon, susubukin ang kaalaman ng
mag-aaral gamit ang gawain sa ibaba upang malaman ang kanilang naintindihan sa
araling natalakay sa modyul na ito.

Gawain 7

Panuto: Basahin nang maayos ang tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang ______________ ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga


akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
a. Pagsulat ng sinopsis o buod c. Pagsulat ng abstrak
b. Pagsulat ng bionote d. Posisyong papel
2. Layunin ng _________________ na maisulat ang pangunahing
kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis
nito.
a. Pagsulat ng sinopsis o buod c. Pagsulat ng abstrak
b. Pagsulat ng bionote d. Posisyong papel
3. Tiyaking wasto ang _____________, pagbabaybay, at mga bantas na
ginamit sa pagsulat.
a. sukat c. gramatika
b. tugma d. idyoma
4. Sa pagsulat ng sinopsis o buod basahin ang buong
____________________ at unawaing mabuti hanggang makuha ang
buong kaisipan o paksa ng diwa.
a. simula lamang ng seleksyon c. buong seleksyon o akda
b. wakas lamang ng seleksyon d. gitna lamang ng akda
5. Sa pagsulat ng buod o sinopsis iwasang magbigay ng
_______________.
a. sariling pananaw c. obhetibong
b. ideyang sang-ayon sa orihinal d. di obhetibong pananaw

Karagdagang Gawain

51
Gawain 8:

Panuto: Manood ng Pelikulang Anak na pinagbidahan ni Ms. Vilma Santos at


Claudine Baretto sa link na ibinigay sa ibaba, pagkatapos mapanood ay bigyan ito
ng sariling buod. Isulat ang buod sa baba. https://pinoymovieshub.co/movies/anak-
2000/

Buod ng Pelikulang Ang Anak

Sanggunian:
Pamela C. Constantino, Galileo S. Zafra; Aurora E. Batnag. Filipino sa Piling
Larangan (AKADEMIK); Rex Book Store

52
Magaling! Malugod kitang binabati, dahil natapos mo ang araling ito.
Ipagpatuloy mo pa ang mga sumusunod na leksyon nang sa gayun ay
magtagumpay ka sa iyong pag-aaral.

53
Susi sa Pagwawasto

Sinopsis/Buod

Gawain 1: Pre-Test
1. X
2. /
3. X
4. /
5. /
Gawain 6
6.1
1. X
2. X
3. /
4. X

6.2
1. 3
2. 4
3. 1
4. 2
5. 6
6. 5

Gawain 7: Post Test


1. a
2. a
3. c
4. c
5. a

54
MODYUL 2.3: BIONOTE

Alamin

Sa araling ito pag-aaralan mo kung paano gumawa ng isang bionote. Kalakip


dito ay ang mga dapat tandaan sa pagsulat nito. Handa ka na ba sa araling ito?
Kung handa ka na, ipagpatuloy mo ang pag-aaral ng maayos sa araling ito.

Subukin

Sa pamamagitan ng gawaing ito, susubukin ang kaalaman ng mag-aaral


gamit ang pagbibigay ng kaunting ebalwasyon sa tatalakaying aralin.

Gawain 1
Panuto: Basahin nang maayos ang pahayag pagkatapos, isulat ang tsek ( / ) kung
tama ang pangungusap at ekis ( X ) kung ito ay mali.

____1. Ang buod ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng
personal profile ng isang tao.
____2. Ang bionote ay kadalasang makikita o mababasa sa mga journal, aklat,
abstrak ng mga sulating papel, websites at iba pa.
____3. Ang Bionote ay may pagkakatulad sa talambuhay o authobiography.
____4. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.
____5. Ang buod ay upang ipakilala ang isang natatanging indibidwal na bibigyan ng
parangal.

55
Balikan

Babalikan ang nakaraang aralin na natalakay na upang malaman ng guro


kung naintindihan ba ang natapos na leksyon.

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga katanungan ng guro ukol sa natapos na araling natalakay.
1. Ano ang Sinopsis o Buod?
2. Paano nakakatulong ang paggawa ng story map o graphic organizer sa
paggawa ng sinopsis o buod sa isang kuwento?
3. Sa iyong sariling opinyon, ano-ano ang mga alam mo na dapat na hakbang
sa pagsulat ng sinopsis o buod?

Tuklasin

Gawain 3
Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang salitang BIO at NOTE.

BIO ______________________________________________________________
______________________________________________________________

NOTE
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Suriin

56
Sa gawaing ito, pag-aaralan ang leksyong ibinigay upang makasagot sa mga
aktibiti na ibinigay sa modyul.

Bionote

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat


ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o
tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng
isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli
kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na
Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na
naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.

Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang


kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin.
Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita
sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na
maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin
para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang
anim (6) na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye
tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga
interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay
marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang
pagkakasulat nito.

4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita


upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong
maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. May
5. ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito
sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan
na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.

57
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring
ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang
katumpakan at kaayusan nito.

Pagyamanin

Basahin ang mga halimbawa ng Bionote sa loob ng kahon.

Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, at tagasalin.


Nagtapos siya ng kaniyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas
sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the
Philippines-Diliman. Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa
panitikan, wika, at araling Filipino. Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad
ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya (1999), at nakapag-edit ng serye ng
Sawikaan: Mga Salita Mula sa Iba’t Ibang Wika sa Filipinas na kapuwa
proyekto ng Filipinas Instirute of Translation at UP Press. Aktibo rin siyang
contributor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang pamantasan at
institusyong pangkultura.

Gawain 4

Panuto: Batay sa halimbawa sa itaas gawan ng bionote ang inyong Punong Guro o
kahit na sinong guro na alam mo sa inyong paaralan. Isulat ito sa kahon.

Isaisip

58
Gawain 5

Panuto: Kompletuhin ang pangungusap at isulat ito sa ibinigay na patlang.

1. Ang bionote ay ____________sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod


ng kanyang academic career.
2. Ang __________________ ay maituturing ding isang uri ng lagom na
ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
3. Ang bionote ay maihahalintulad sa____________________________
ngunit mas higit na maikli ang pagsulat ng bionote kumapara rito.
4. Ayon kay _____________at_____________ang bionote ay tala sa buhay ng
isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas
ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel,
websites, at iba pa.
5. Ang bionote ay kadalasang ginagamit sa paggawa ng _____________,
resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa
isang propesyonal na layunin.

Isagawa

Gawain 6

Panuto: Batay sa sarili mong kaalaman o pagkakaunawa, itala kung ano ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng Bionote at Talambuhay sa pamamagitan ng Venn
Diagram.

Bionote Talambuhay
(Pagkakaiba) Pagkakatulad
(Pagkakaiba)

59
Tayahin

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng ebalwasyon, susubukin ang kaalaman mo


gamit ang gawain sa ibaba upang malaman ang iyong naintindihan sa araling
natalakay sa modyul na ito.

Gawain 7

Panuto: Basahin ng maayos ang tanong at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang bionote ay ________ sa buhay ng isang tao na naglalaman ng


buod ng kanyang academic career.
a. tula c. tala
b. talumpati d. awit
2. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat
ito sa loob ng __________________ na pangungusap.
a. 4 hanggang 5 c. 8 hanggang 10
b. 7 hanggang 9 d. 5 hanggang 6 na
3. Sa pagsulat ng bionote kailangang gumamit ng _____________ upang
maging malinaw at madali itong maunawaan.
a. talasalitaan c. idyoma
b. payak na salita d. character ketch
4. Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa
pagsulat ng ________________ng isang tao.
a. Personal Profile c. maikling kuwento
b. tula d. epiko
5. Sa pagsulat ng bionote, isulat ito gamit ang _______________ upang
maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
a. Unang Panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang Panauhan d. Ikaapat na Panauhan

60
Karagdagang Gawain

Gawain 8.1

Panuto: Pumunta sa inyong Barangay hall o Health Center sa inyong komunidad at


makipanayam sa isa sa mga empleyado na nagtatrabaho doon at kunin ang
kanilang Bio-data gamit ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Personal na impormasyon
a. Pangalan: _____________________________________
b. Status: _______________________________________
c. Kasarian: _____________________________________
d. Petsa ng kapanganakan: _________________________
e. Lugar ng kapanganakan: _________________________
f. Trabaho o Propesyon: ___________________________
g. Magulang: _____________________________________
2. Mga Natapos na Pag-aaral:
________________________________________________________
________________________________________________________

Gawain 8.2

Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa iyong ginawang pakikipanayam.


Isulat ang sagot sa ibinigay na patlang.

1. Ano ang masasabi mo sa ginawa mong pakikipanayam?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________

2. Sa tingin mo, nakatulong ba sa iyo ang ginawang aktibidades upang lubos


mong maintindihan ang aralin na ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________

61
Magaling! Dahil natapos mo ang modyul na ito, binabati kita, nawa’y
patnubayan ka sana ng Diyos. Sana magpatuloy ka pa sa susunod na aralin upang
matuklasan mo pa ang mga kaalamang kailangan mo sa buhay.

62
Susi sa Pagwawasto

Bionote

Gawain 1: Pre-Test
1. X
2. /
3. /
4. /
5. X

Gawain 6:
1. Tala
2. Bionote
3.Talambuhay o Kathambuhay
4. Duenas at Sanz
5. Bio-data

Gawain 8: Post Test


1. c
2. d
3. b
4. a
5. c

63
Sanggunian:

 Pamela C. Constantino, Galileo S. Zafra; Aurora E. Batnag. Filipino sa


Piling Larangan (AKADEMIK); Rex Book Store
 Julian A.B. at N.S. Lantoc (2017). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa
Filipino sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City, Quezon City, Phoenix
Publishing House Inc. (pahina 28

Internet Sites:

https://pinoymovieshub.co/movies/anak-2000/

64
65
Management Team

Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III


Regional Director

Co-Chairperson: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V


Asst. Regional Director

Maia Epra B. Magnaong


CES, CLMD

Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.


EPS-ADM

Himaya B. Sinatao
EPS-LRMDS

66
67
First Edition

68
Alternative Delivery Mode
Modyul 3 Filipino sa Piling Larang

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:

Development team of the module


Author: Wilma J. Gasal, Christine S. Monternel,
Glenda J. Paradillo, Michelle M. Aguinaldo
Editors:
Reviewers: Jesusa V. Sulayao, Maria Lita D. Montalban,
Girlie T.Sumastre
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Layout Artist:
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairperson: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.
EPS-ADM
Dr. Neil Improgo
EPS-LRMDS
Himaya B. Sinatao
EPS-LRMDS

Printed in the Philippines by DepEd, Region X


Department of Education – Bureau of Learning Resources
Office Address: Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang,
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

69
Senior High School

Filipino sa Piling
Larang
Modyul 3:
Pagsulat ng Akademikong
Sulatin

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders
to email their feedback, comments, and recommendations to the Department
of Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas

70
This page is intentionally blank

71
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin …………………………………………………………………………... ..1

Layunin …………………………………………………………………. ...1

Pangkalahatang Panuto…………………………………………………..2

Subukin …………………………………………………………………………… 4

Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat

Modyul 2: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Akademikong Sulatin

2. 1 Abstrak…………………………………………………………..

2. 2: Sinopsis/Buod………………………………………………….

2. 3: Bionote.................................................................................

Modyul 3: Pagsulat ng Akademikong Sulatin


3.1 Panukalang Proyekto....................................................................
3.2 Talumpati.......................................................................................
3.3 Katitikan ng Pulong........................................................................
3.4 Replektibong Sanaysay..................................................................
Modyul 4:
4.1 Nakalarawang Sanaysay................................................................
4.2 Lakbay Sanaysay.........................................................................
4.3 Posisyong Papel...........................................................................
Isaisip ………………………………………………………………………………

Tayahin…………………………………………………………………………….

Sanggunian ………………………………………………………………………..

72
Paunang Salita
Ang modyul na FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik) ay inilimbag upang
matugunan ang hangarin nga mga mag-aaral ayon sa kanilang pangangailangan
tungo sa isang matagumpay na edukasyon. Ito ay lilinang sa kakayahan upang
mahasa ang galing ng bawat kabataan lalo na sa larangan ng akademikong
pagsulat.

Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat serye ay


iniangkop ayon sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang matutu sa isang
makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at mapanuring isip upang magiging
handa sa pagharap ng mga hamon sa totoong buhay.

Para mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang


iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na tatalakayin sa kabuoan ng iyong pag-aaral.
Hindi mo lamang matututunan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na
kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga sumusunod:

Mga Uri ng Akademikong Sulatin


Abstrak Posisyong Papel
Sintesis/Buod Rekplektibong Sanaysay
Panukalang Proyekto Pictorial Essay
Agenda Talumpati
Katitikan ng Pulong

Napapaloob dito ang mga sumusunod na pagsasanay upang matugunan ang


mabisang pagkatuto.

Alamin

Subukin

Balikan

Tuklasin

Suriin

Pagyamanin

Isaisip

Isagawa

Tayahin

73
Modyul Pagsulat ng Akademikong
3 Sulatin

Alamin

Kumusta na mag-aaral? Sana maganda ang araw mo dahil


sasamahan kita sa iyong pag-aaral. Ang modyul na ito ay sadyang
inilaan para sa iyo. Ngayon ay tutulungan kitang kilalanin ang pagsulat
ng panukalang proyekto, talumpati, katitikang pulong, at replektibong
sanaysay bilang bahagi ng akademikong gawain.
Naghanda ako ng mga aralin at gawain na makatutulong sa iyo
upang lalo mong maintindihan ang paksa. Mayroon din itong mga
pagsasanay upang lalo kang humusay sa pagsulat. Sana ay magiging
maganda ang matagumpay at kasiya-siya ang ating pagsagawa sa
bawat gawain. Galingan mo!

Ang modyul na ito ay naglalaman ng:


Modyul 3.1 - Pagsulat ng Panukalang Proyekto
Modyul 3.2 - Pagsulat ng Talumpati
Modyul 3.3 - Katitikang Pulong
Modyul 3.4 - Replektibong Sanaysay

Layunin:
Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan
ng mga binasang halimbawa. (CS_FA12PB-Om-o-102

1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa


piniling sulatin (CS_FA12PT-Om-o-90)
2. Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng pinakinggang/binasang halimbawa(CS_FA12PN-0g-i-91)
3. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa
pamamagitan ng mga binasang halimbawa. (CS_FA12PB-0m-o-102)

74
4. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin. (CS_FA12PT-0m-o-90)
5. Natitiyak ang mga elemento ng paglalahad ng pinanood na episodyo ng isang
programang pampaglalakbay (CS_FA12PD-Om-o-89)
6. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin
(CS_FA12/PU-Op-r-94)

Pangkalahatang Panuto:
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi modyul at sundin ang
mga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

75
MODYUL 3.1: Panukalang Proyekto
Alamin

Nakaranas ka na bang humiling? Marahil ay naranasan mo nang humihiling


na makapunta sa isang lugar, magdiwang ng kaarawan, maisama sa isang lugar
o pagdiriwang, o magawa ang isang bagay. Minsan, humihiling din tayo ng
pagbabago sa ating magulang, kaibigan, paaralan, at pamahalaan. Sa iyong
paghiling umiisip ka ba ng mga pamamaraan upang mahikayat ang kinakausap
upang ikaw ay pakinggan at mapagbigyan? Isa sa mga pamamaraang ito ay ang
pagpapanukala.

Ang araling ito ay tungkol sa panukalang proyekto. Mararanasan mo na


maglahad ng isang panukala para sa paglulunsad ng isang pagbabago.
Matututuhan mo sa araling ito ang mga iba’t ibang bahagi ng panukalang
proyekto at ang mga dapat gawin. Saklaw ng aralin ang pagsulat ng mga
bahaging ito.

Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na ikaw ay makasusulat o


makagagawa ng isang panukalang proyekto para sa iyong paaralan.

 Kahhulugan ng Panukalang Proyekto


 Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
 Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Subukin

Ang kasunod na Gawain ay paggunita sa mga pinakahuling proyekto sa


inyong paaralan o pamayanan na nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at
sa maraming tao. Isagawa ang hinihingi ng gawain.

GAWAIN 1 : Tala-Kaalaman

Panuto: Anong pinakahuling proyekto sa inyong paaralan ang iyong natatandaang


nagdulot ng malaking pakinabang para sa iyo at sa maraming tao? Ibahagi o
ipahayag mo ang ilang mahahalagang bagay hinggil sa nasabing proyekto sa
pamamagitan ng pagkompleto sa Pyramid Diagram (dalawampung (20) puntos).
Pamagat ng Proyekto
Nagpanukala

76
Lugar kung saan isinagawa

Petsa ng Pagpapatupad

Mga Nagpatupad
Pakinabang ng proyekto

Balikan

Gawain 2
Panuto: Sa unang modyul ay nahasa ang iyong kakayahan sa paglalagom.
Sa araling ito ay mararanasan mo ang paglalahad ng isang panukala upang
makalutas ng isang suliranin. Subalit, bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral, magbigay
ka ng limang bagay na natutunan mo sa modyul 2.
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________

Tuklasin

Gawain 3.1
Panuto: Tunghayan ang halimbawang ito ng panukalang proyekto. Basahing mabuti
ang teksto

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER


PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L Delgado


324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite
Ika-11 ng Disyembre, 2015
Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati
I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng
bayan ng General Trias sa Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agrikultural
bagama’t unti-unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa


kasalukuyan ay ang malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito
ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at mga pananim. Ang
pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-aapaw ng tubig sa ilog na
nanggagaling sa bundok. 77

Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o


pader na pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito
Gawain 3.2
Panuto: Pagkatapos mong napag-aralan ang teksto, isulat ang limang (5) bagay na
natutunan mo mula diro:
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

Suriin

Ano nga ba ang panukalang proyekto?


Panukalang Proyekto

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga nongovernmental organization (NGO) sa paglikha ng
mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Kaya ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang
pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Ayon naman kay Besim
Nebiu, may-akda ng Developing Skills of NGO Project Proposal Writing, ang
panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

78
Sa klase, ang panukalang proyekto ay inihahanda upang mabigyan ang guro
ng pagkakataong masukat at masuri ang halaga at pakinabang ng inihahandang
proyekto ng isang mag-aaral o grupo ng mag-aaral. Ang proyekto ay maaaring isang
pananaliksik namay kaugnayan sa agham, humanidades,o agham panlipunan
Mahalagang maging maingat sa papapalano at pagdidisenyo ng panukalang
proyekto. Ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman, kasanayan, at
maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na
dokumneto na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong
pagbabago. Ayon kay Bartle (2011), kailangan nitong magbigay ng impormasyon at
makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa
sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay
kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito.

Mga dapat gawin sa pagsulat ng Panukalang Proyekto

A. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


Bago lubusang isulat ang panukalang proyekto, kailangang tukuyin ang
pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-uukulan ng iyong
project proposal.Tandaan na ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang
proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago. Ang
pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
1. Magmamasid sa pamayanan o kompanya. Maaaring magsimula sa
pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
a. Ano-ano ang pangunahing suliraning dapat lapatan ng agarang
solusyon?
b. Ano-ano ang pangangailangan ng pamayanan o samahan sa nais
mong gawan ng panukalang proyekto?

2. Mula sa makukuha mong sagot sa mga nakatalang tanong ay


makakakuha ka ng ideya tungkol sa mga suliraning nangangailangan ng
agarang solusyon.
3. Mula sa mga suliraning maitatala ay maitatala mo na rin ang mga
posibleng solusyon upang malutas ang mga nabanggit na suliranin.
Maaaring magkaroon ng maraming solusyon para sa isang suliranin
subalit higit na makabubuti kung magbigay-tuon lamang sa isang solusyon na sa
palagay mo ay higit na mahalagang bigyang-pansin. Dito iikot ang iyong isusulat
na proyekto. Mula rito ay maaari mo nang isulat ang panimula ng iyong
panukalang proyekto kung saan ito ay naglalaman ng suliraning nararanasan ng
pamayanan, kompanya, o organisasyonng pag-uukulan nito at kung paanong
makatutulong sa kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong iyong
isasagawa. Tinatawag ang bahaging ito ng sulatin na Pagpapahayag ng
Suliranin. Tunghayan at suriin ang halimbawang nakatala sa ibaba.

B. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

Matapos na mailahad ang suliranin ay isunod na gawin ang pinakakatawan ng


sulating ito na binubuo ng layunin, planong dapat gawin, at badyet.

79
1. Layunin- Sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makamit o
pinaka-adhikain ng panukala. Kailangang maging tiyak ang layunin at isulat
batay sa mga inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa
kung paano makakamit ang mga resultang ito. Ayon kina Jeremy Miner at
Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE.

Specific- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang


proyekto
Immediate- nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
Measurable- may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing
proyekto
Practical- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
Logical- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
Evaluable- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto

2. Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang
buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga
hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano
itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunud-sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong kakailangin sa pagsasakatuparan ng mga gawain.
Dapat maging makatotohanan.

Mas makabubuti kung maisasama sa talaakdaan ng gawain ang petsa kung


kailan matatapos ang bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin.
Kung hindi tiyak ang mismong araw na maaaring matapos ang mga ito ay
maaaring ilagay na lamang kahit linggo o buwan. Makatutulong kung gagamit
ng chart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.
Suriin ang halimbawa sa ibaba.

3. Badyet- ang wasto at tapat na paglalatag ng kakailanganing badyet ang isa sa


pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto. Ito ay ang talaan ng
mga gagastusin na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng


badyet ayon sa datos mula sa modyul na may pamagat na “Paghahanda ng isang
Simpleng Proyekto.”(http:eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/)
a. Gawing simple at malinaw ang badyet.
b. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito.
c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
d. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin.

C. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

Ang pag-apruba ng panukalang proyekto ay kadalasang nakasalalay sa


malinaw na pagsasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano
ito makatutulong sa kanila. Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao
o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaari ring isama sa
bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito ay

80
maaaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang
panukalang proyekto.

Paano nga ba isulat ang balangkas ng Panukalang Proyekto?

Balangkas ng Panukalang Proyekto

Maraming balangkas ng pagsulat ng panukalang proyekto ang maaaring


gamitin depende sa may-akda na naghahain nito. Ngunit para sa higit na payak na
balangkas para sa pagsulat ng panukalang proyekto ay maaaring gamitin ang
sumusunod:

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- Kadalasan, ito ay hinango mismo sa


inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa- o araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel. Isinasama rin sa
bahaging ito ang tinatayang panahon kung gaano katagal gagawin ang
proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin- dito nakasaad ang suliranin at kung bakit
dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin- naglalaman ito ng mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isigawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin- Dito makikita ang talaan ng pagkakasunud-sunod ng
mga gawaing isasagawa para sa pagsasakatuparan ng proyekto gayundin
ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet- ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng
proyekto.
8. Pakinabang- kadalasan, ito rin ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala
kung saan nakasaad dito ang mga makikinabang ng proyekto at benepisyong
makukuha nila mula rito.

Bilang gabay sa pagsulat nito ay tunghayan ang mga halimbawa ng bawat


bahagi ng panukalang inilahad sa nagdaang talakayan.

1. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa


ng breakwater (1 araw)
 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling
contractor para sa kabatiran ng nakararami.
2. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
bacao ( 3 buwan)
3. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater Php 3, 200,000.00
batay sa isinumite ng napiling contractor
(kasama na rito ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00

81
pagbabasbas nito
Kabuoang Halaga Php 3, 220,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-


pakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa
pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan.
Di na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan
at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang
pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon ng kapanatagan ang puso ng bawat
isa sa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang
tubig sa ilog sa tulong ng ipapatayong mga pader.

Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng


barangay sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa
tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang pagkasira ng
pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay
ng mga mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamamyan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa
panahon ng tag-ulan.

Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang


mapigilan ang pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng
mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa
susunod na buwan.

Pagyamanin

Gawain 4
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mahalagang salita/termino sa pagsulat ng
panukalang papel. Isulat ang iyong sagot sa linya.
1. Panukala:
______________________________________________________________
__________________________________________________
2. Panukalang Proyekto:
______________________________________________________________
__________________________________________________
3. Badyet:
______________________________________________________________
__________________________________________________
4. SIMPLE (para sa layunin ayon kay Jeremy at Lynn Miner)
a. Specific:
___________________________________________________
82
___________________________________________________

Immediate:
Measurable:
___________________________________________________
___________________________________________________

Practical:

Logical:
________________________________________________________
Evaluate:
________________________________________________________

Isaisip

Gawain 5
Panuto: Basahing mabuti ang talata at alamin ang mga salitang nawawala sa
pahayag. Isulat ang mga salitang ito sa patlang upang mabuo ang ninanais nitong
iparating. Piliin ang mga salita sa loob ng kahon upang makumpleto ang mensahe
ng pangungusap sa loob ng talata.

Ilog o mamamayan sa
Ng aapaw kagamitan
Ng mga sasapit
ng baha mga

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa 1) ____ ay magiging kapaki-


pakinabang sa lahat ng mamayan 2) ____ Barangay Bacao. Ang mga panganib sa
pagkawala 3) ____ buhay dahil sa panganib na dulot ng 4) _____ ay
masosolusyunan. Di na makaranas ang mga 5) ______ ng pagkasira ng kanilang
tahanan at mga 6) _____ na tunay na nagdudulot ng malaking epekto 7) _____
kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon ng 8) ____ kapanatagan ang
puso ng bawat isa tuwing 9) _____ ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad 10)
____ ang tubig sa ilog sa tulong ng 11) _____ ipapatayong pader.
Tiyaking ligtas ang buhay ng 12) ____ mamamayan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater 13) ____ pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa
panahon ng tag-ulan.

83
Isagawa

Gawain 6
Panuto: Balikan ang halimbawang binasang panukalang proyekto sa aralin at saka
suriin ito batay sa tseklist sa ibaba. Lagyan ng tsek ( √ ) ang hanay sa mukhang
masaya kung nakitang maayos na nasunod nito ang katangiang dapat taglayin ng
bahaging nakatala sa kaliwa at tsek ( √ ) ang hanay sa mukhang malungkot kung
hindi. Sumulat ng maikling paliwanag tungkol sa napiling sagot.

Bahagi ng Panukalang
Paliwanag
Proyekto

1. Pamagat
2. Pagpapahayag ng
Suliranin
3. Layunin
4. Plano na Dapat Gawin
5. Badyet

6. Pakinabang/Benepisyo

Tayahin

Gawain 7
Panuto: Maghanda ng panukalang proyekto na isusumite sa prinsipal kaugnay sa
proyektong pagpapaunlad ng sariling paaralan. Halimbawa, pagpapanukala ng
recycling center sa paaralan o pagsisimula ng proyektong human library para sa
isang pagdiriwang. Isaalang-alang ang pamantayan sa susunod na pahina sa
pagsulat.

Pamantayan Puntos
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang 5
panukalang proyekto.
Makatotohanan at katanggap-tanggap ang panukalanag 5
proyektong naisulat
Nakasulat ng panukalang proyektong batay sa maingat, wasto, at 5
angkop na paggamit ng wika
Nasasalamin sa kabuoan ng sulatin ang pagsasaalang-alang ng 5

84
etika sa binubuong akademikong sulatin.
Kabuuang Puntos 20

Karagdagang Gawain

Gawain 8
Panuto: Bago mo ipagpatuloy ang susunod na aralin, sagutin mo muna ang
sumusunod na mga katanungan (sampung (10) puntos).

1. Bakit mahalaga ang paggawa ng panukalang proyekto?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Maaari mo bang maiuugnay ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Binabati kita dahil matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa


modyul na ito. Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong naisakatuparan, nagkaroon
ka na nang mas malalim na pag-unawa sa pagsulat ng panukalang proyekto.
Walang dudang isa kang masipag na mag-aaral.

Sanggunian

Julian, A.B. & Lontoc, Nestor S. (2017). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larang
(Akademik), Quezon Ave, QC: Phoenix Publishing House,Inc.,pp.59-92.

Evasco, Eugene Y. & Ortiz, Will P. (2017). Filipino sa Pagbasa at Pagsulat sa Piling
Larangan (Akademik), EDSA, South Triangle:QC, C&E Publishing,Inc.,pp.39-56.

85
MODYUL 3.2: Pagsulat ng Talumpati

Alamin

Nakaririnig ka na ba ng bumibigkas ng talumpati? Tumatak ba sa iyong puso


at isipan ang bawat pahayag na kanilang binibitiwan? Paano kaya ang paghahanda
ng talumpati? Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng talumpati? Ang mga
katanungan na ito ay masasagutan habang pag-aaralan natin ang pagsulat ng
talumpati.

Ang Aralin 2 ay tungkol sa pagsulat ng talumpati. Bahagi rin ng pag-aaral ang


mga uri, layunin at ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati upang
maging mabisa ang pagtatalumpati.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsulat ng isang


talumpating manghihikayat at magbigay impormasyon sa kapwa kabataan upang
mas maging responsable sa pagpapahayag o paggamit ng social media at mga
makabagong teknolohiya batay sa sumusunod na pamantayan: nasusunod ang mga
hakbang, organisado, malikhain at kapani-paniwalang talumpati, wasto at angkop na
paggamit ng wika.

Subukin

Narito ang gawaing makatutulong sa iyo upang masagot ang pokus na tanong
na, Bakit makabuluhan ang pagkakatuto sa pagsulat ng talumpati? Gawin ang mga
sumusunod upang masagot ang mga tanong na ito.

GAWAIN 1: Tala-Kaalaman
Panuto: May kaalaman ka ba tungkol sa talumpati? Ilahad ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer sa susunod na pahina.

86
Pamagat ng Talumpating Alam ko

______________________________________

______________________________________

Iba Pang Bagay na Alam Ko

______________________________________
Talumpati
_____________________________________

Iba Pang Bagay na Alam Ko

______________________________________

_____________________________________

Balikan

Gawain 2
Panuto: Sa unang aralin, natutuhan mo ang pagsulat ng panukalang proyekto
bilang isang akademikong sulatin. Ngayon bago mo sisimulan ang paglalahad ng
iyong opinyon gamit ang talumpati ay itala mo muna sa nakalaang espasyo ang
iyong repleksiyon tungkol sa kahalagahan sa pagsulat ng panukalang proyekto

Nauuunawaan ko na
__________________________________________________________ ____
_________________________________________________________ _____

Napagtanto ko na
__________________________________________________ __
___________________________________________________________________

Tuklasin

87
GAWAIN 3: Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Narito ang halimbawa ng talumpating isinulat ni Manuel L. Quezon. Basahin
itong mabuti at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang
espasyo.

Mensahe sa Aking Mga Kababayan

Manuel L. Quezon

Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi ninyong
tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang
tanging bayan na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat ninyo itong ingatan para
sa inyong mga sarili, sa inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak,
hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan,
at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.

Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan at dakilang


kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng
buhay at yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ngayon
ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di makasarili
at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng
kasaganaan, ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang
noo sa kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang
kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga
mamamayang marangal at may paninindigan na sabay-sabay nagsisikap
mapabuti ang daigdig natin ngayon.

1. Tungkol saan ang talumpati?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________

2. May epekto ba sa iyo ang talumpating iyong binasa? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
_________________________________________________________

Suriin

Sa nakaraang aralin ay nagagawa mo ang pagsulat ng panukalang proyekto. Paano


mo naman ito ilalahad at ipapahayag sa nakararami?

88
Magbasa Tayo

Alam mo ba na …

Pagsulat ng Talumpati

Ang pagtatalumpati ay isang paraan sa pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa


paraang pasalitang tungkol sa isang partikular na paksa. Karaniwang isinusulat ito
upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang uri ng akademikong
sulatin na maaaring ipapahayag sa pamamagitan ng paglalarawan, pagsasalaysay,
paglalahad at pangangatwiran.

Binibigkas ang talumpati sa harap ng tagapakinig batay sa sumusunod na apat na


uri:

1. Biglaang Talumpati (Impromptu) – Ipinapahayag ang talumpati na walang


paghahanda o ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.

2. Maluwag (Extemporaneous) – Sa uri na ito ay binibigyan ng ilang minuto ang


mananalumpati sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay.

3. Manuskrito - Pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat dahil ginagamit ito


sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik.

4. Isinaulong Talumpati – Mahusay rin itong pinag-aralan at hinabi nang maayos


bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang kaibahan lang nito sa manuskrito
ay sinasaulo ito at binibigkas ng tagapagsalita.

Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran – Ang talumpating ito


ay may layuning ipaalam sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o
pangyayari. Mahalagang gumamit ng mga larawan, tsart, dayagram at iba pa na
makatutulong upang maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos
sa pagsulat ng ganitong uri ng talumpati.

2. Talumpating Panlibang – Ang talumpating ito ay may hangarin na magbigay89


ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kadalasang ginagawa ang ganitong uri ng
talumpati sa mga salo-salo, pagtitipong sosyal at mga pulong ng mga samahan.
.

Mga Dapat isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

A. Uri ng mga Tagapakinig

Mahalagang magkaroon ng impormasyon ang mananalumpati tungkol sa kaalaman,


pangangailangan at interes ng kanyang magiging tagapakinig. Ang ilan sa dapat
mabatid ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig (Lorenzo et al.,2002) ay
ang sumusunod:

1. Ang edad o gulang ng mga makikinig


2. Ang bilang ng mga makikinig
3. Kasarian
4. Edukasyon o antas sa lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig

B. Tema o Paksang Tatalakayin

Narito ang mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati.

1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin


2. Pagbuo ng Tesis – Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya.
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto

C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati

90
May tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati (Casanova at
Rubin,2001).
1. Kronolohikal na Hulwaran
2. Topikal na Hulwaran
3. Hulwarang Problema-Solusyon

D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati

Ayon kay Alemitser P. Tumangan, Sr. et al., may-akda ng Retorika sa Kolehiyo, ang
isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi.
1. Introduksiyon – Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang:
a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig
b. makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa
paksa
d. maipaliwanag ang paksa
e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe

2. Diskusyon o Katawan - Ang kawastuhan, kalinawan at kaakit-akit sa


katawan ng talumpati ay kailangang taglayin nito.

3. Katapusan o Kongklusyon - Nilalagom ang mga patunay at


argumentong inilahad sa katawan ng talumpati sa bahaging ito. Ito rin ay
kalimitang maikli ngunit malaman.

4. Haba ng Talumpati – Ito ay nakasalalay kung ilang minuto o oras


ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.

Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto: Naaalala mo pa ba ang iyong binasang talumpati ni Manuel L. Quezon sa
Gawain 2, Pag-unawa sa Binasa? Magsagawa ng pagsusuri dito batay sa gabay na
tanong na makikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Anong uri ng talumpati ang iyong binasa batay sa layunin at sa hulwaran?


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

2. Ano ang pangunahing kaisipan o palagay na makuha sa talumpating ito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
91
3. Kaagad bang napukaw ng iyong interes sa simula pa lamang ng talumpati?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
5. Makikita ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati gaya ng
kawastuhan, kalinawan, hindi paligoy-ligoy, at iba pa? Ilahad ang iyong sagot.
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

6. Maayos ba ang pagkakalagom o kongklusyon nito?


___________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

7. Batay sa halimbawang iyong sinuri, masasabi mo bang nakikilala mo na ngayon


ang katangian ng isang mahusay na talumpati? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________.

Gawain 4.2

Panuto: Isulat ang mga hakbang na dapat gawin o isaalang-alang sa pagsulat ng


isang talumpati ayon sa paksa o temang tatalakayin. Magbigay ng maikling paliwanag
sa bawat hakbang. Isulat ito sa ladder organizer.

3.

2.

1.

92
Isaisip

Gawain 5

Panuto: Sa kahon sa ibaba, ipaliwanag kung paano napagtibay ang iyong kaalaman
sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na isinulat
at sa mga talumpating binasa sa araling ito.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________-.

Isagawa

Gawain 6
Panuto: Magbigay ng dalawang paksang sa palagay mo’y magandang gawan ng
talumpating makatutulong sa kabataang Pilipino sa kasalukuyang henerasyon upang
mas maging responsable sa kanilang pagpapahayag o paggamit sa social media at
mga makabagong teknolohiya. Maglahad ng tigdadalawang paraan kung paano ito
makatutulong sa inyo.
Paksa 1 ______________________________________________________________
______________________________________________________________
______ __
______
______________________________________________________________
______
______________________________________________________________
_

Paksa 2 ______________________________________________________________
______________________________________________________________
______ __
______
______________________________________________________________
______
______________________________________________________________ 93
_
Tayahin

Gawain 7

Panuto: Buoin ang balangkas batay sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa


pagsulat ng talumpati.

1. Mga Uri ng mga Tagapakinig


a. _______________________________________________________
b. _______________________________________________________
c. _______________________________________________________
d. _______________________________________________________
e. _______________________________________________________

2. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati


a. _________________________________________________________
b. _________________________________________________________
c. _________________________________________________________

3. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati


a. ______________________________________________________
b. ______________________________________________________
c. ______________________________________________________
d. ____________________________________________________

Karagdagang Gawain

Gawain 8

Panuto: Sumulat ng isang talumpating manghihikayat at magbigay impormasyon sa


kapwa kabataan upang mas maging responsable sa pagpapahayag o paggamit ng
social media at mga makabagong teknolohiya. Gawing gabay ang sumusunod na
pamantayan:

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 5
talumpati
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang talumpati 5

94
Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto, at angkop na 5
paggamit ng wika
Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik ayon sa 5
pangangailangan.

Malugod kitang binabati sa iyong pagtatapos sa aralin! Maluwalhati mong


natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo upang maipamalas mo ang likas na
galing mo sa pagsulat ng talumpati. Maaari ka nang magpatuloy kung lubos mo
nang nauunawaan ang paksa. Kung may kalituhan sa paksa, maaaring balikan ang
modyul o di kayay magtanong sa guro. Tandaan na ang nagtatanong ay
nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo lahat ay maaari ka
nang magpatuloy sa susunod na aralin - ang pagsulat ng katitikang pulong.

95
Modyul 3.3: Katitikan ng Pulong

Alamin

May karanasan ka na bang dumalo sa isang pulong? Kung mayroon man,


maari mo bang ilarawan ang pulong na iyong dinaluhan?
Sa kasalukuyang panahon, ang pagpupulong o miting, lalo na ang business
meeting ay bahagi na ng buhay ng maraming tao. Pangkaraniwang gawain ito ng
bawat samahan, organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon at iba pa.
Kadalasang nangyayari ito o nagaganap na pulong sa opisina, lingguhang board
meeting sa kompanya, seminar at maging sa pagdaraos ng malalaking
komperensiya.

Subukin

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga sitwasyong ibinigay sa mga letrang A-C na nagpapakita ng
iba’t ibang pagpupulong saka mo sasagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat mo ang
sagot sa nakalaang linya (dalawang (2) puntos bawat bilang).

A. Nag-usap ang dalawang magkakaibigan para sa gagawing ulat mula sa


paksang itinalaga sa kanila ng guro.

96
B. Nagbigay nang anunsiyo ang guro na magkakaroon ng pagpupulong para sa
mga magulang tungkol sa mga problema ng kani-kanilang anak na may
kaugnayan sa marka at pag-uugali nila sa loob ng klase.
C. Nagkaroon ng pag-uusap ang manager at kaniyang mga manggagawa kung
paano papaunlarin at payayabungin ang kanilang negosyo.

1. Anong mga pagpupulong ang iyong nabasa batay sa sitwasyon sa itaas?


______________________________________________________________
__________________________________________________
2. Sa iyong palagay, anong mga bagay na dapat mong gawin o ihanda bago ang
pulong?
______________________________________________________________
__________________________________________________

3. May mga bagay na kailangang gawin upang matandaan ang pinag-uusapan


sa pagpupulong, ano ang mga ito?
______________________________________________________________
__________________________________________________

4. May kaalaman ka ba sa paggawa ng adyenda at katitikan ng pulong?

___________________________________________________________________
_________________________________________________________

5. Kung mayroon, ilahad ang iyong nalalaman sa paggawa nito.


___________________________________________________________________
_________________________________________________________

Balikan

Magaling! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagawa sa gawain 1.


Ngayon naman, bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa Aralin 3.3 Katitikan ng
Pulong, sukatin ko muna ang iyong kaalaman sa nakaraang aralin 3.2 Pagsulat ng
Talumpati.

Gawain 2
Panuto: Magtala ka ng limang (5) natutunan mo sa Talumpati.
1.____________________________________________________________
2.____________________________________________________________
3.____________________________________________________________
4.____________________________________________________________
5.____________________________________________________________

97
Tuklasin

Malaki ang maitutulong ng lahat ng iyong natutunan sa talumpati para sa pag-


aaral ng susunod na aralin, ang katitikan ng pulong. Ang pakikinig o pagsulat ng
talumpati ay katulad ng pakikinig o pagsulat sa isasagawang pulong. Para mas lalo
mong maintindihan ang aralin, sagutin muna ang pokus na tanong-bakit mahalagang
matutuhan ang iba’t ibang uri ng pulong at ang mga bagay na dapat tandaan sa
katitikan ng pulong?
Gawain 3
Panuto: Iminungkahi kong gawin mo ang mga sumusunod upang masagot ang
tanong sa itaas. Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at sagutin ang katanungan
sa linyang nakalaan.

1. May mahahalagang anunsiyo ang guro para sa darating na buwan ng wika at


maraming mga bagay ang dapat ihanda dahil ikaw at kabilang sa opisyales
ng Filipino Club, ano ang iyong gagawin habang ikaw ay nakikinig sa kaniya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Malapit na ang inyong depensa sa inyong isinagawang pag-aaral sa


panahong papel kaya kinausap ka ng iyong kaklase para sa mga bagay na
dapat ninyong gawin at kailangang ihanda, ano ang iyong gagawin?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Nagmiting ang manager ng inyong kompanya para paunlarin at palawakin pa
ang inyong negosyo, kung ikaw ang kabilang sa mga manggagawa, ano ang
gagawin mo habang nakikinig sa mga sinasabi ng inyong manager?

Suriin

Alam mo ba na …

Ang Katitikan ng Pulong

Mababalewala ang pulong kung hindi maitatala ang mga napag-usapan na o


napagkasunduan. Tinatawag na katitikan ng pulong, ang opisyal na tala ng isang
pulong. Isinagawa ito nang pormal, obhetibo at komprehensibo o nagtataglay ng
lahat ng mahahalagang tinalakay sa pulong. Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na
kasulatan ng samahan, kompanya o organisasyong maaaring magamit bilang prima
facie evidence, isang legal na term na ginamit upang sabihin na mayroon kang sapat

98
na katibayan na mapatunayan ang isang bagay sa pamamagitan ng pagturo sa ilang
mga pangunahing katotohanan ngunit ang iyong patunay ay maaaring tanggihan.
Ang katitikan ng pulong ay may mga bagay na dapat isaalang-alang:

Ang Mga Mahahalagang Bahagi

1. Heading – Naglalaman ito ng pangalan ng kompanya, samahan,


organisasyon, o kagawaran gayundin ang ang petsa, ang lokasyon, at ang
oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo – Nakasulat dito ang nanguna sa pagpapadaloy
ng pulong, ang pangalan ng lahat ng mga kasamang mga panauhin at ang
pangalan ng mga liban o hindi nakadalo.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong –
Nakasulat dito ang katibayan sa pagbabagong isinagawa sa nakaraang
katitikan ng pulong.
4. Usaping napagkasunduan – tapos o hindi tapos na gawain o
nagawang proyekto - Nakasulat dito ang mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay gayundin ang taong nanguna sa pagtalakay ng
isyu at ang desisyong nabuo ukol dito.
5. Pabalita o patalastas – Ilagay sa bahaging ito ang iminungkahing
adyenda mula sa mga dumalo para sa susunod na pulong, subalit hindi ito
laging makikita.
6. Iskedyul ng susunod na pulong – Dito nakatala ang petsa o lugar-
ganapan ng pagpupulong.
7. Pagtatapos – Nakasulat dito ang oras ng pagwawakas ng pulong.
8. Lagda – Mahalagang isulat sa bahaging ito ang pangalan ng taong
kumuha ng katitikan ng pulong maging ang petsa ng pagsumite.

99
Ang Mga Kailangang Gawin sa Pagkuha ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng


pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-
usapan sa pulong, sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito.
Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga taong kumukuha ng
katitikan ng pulong na hinango mula sa aklat ni Sudpart (2014) na English na
Workplace 3. Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

1. hindi miyembro sa nasabing pulong


2. nakaupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. may kopya ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4. nakahanda lagi sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang
pulong
5. pokus lamang sa nakatalang adyenda
6. nagtataglay ng tumpak at kompletong heading
7. irekord ang mga mahahalagang nangyayari
8. itala nang maayos ang mga nangyaring mosyon o pormal na
suhestiyon
9. ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan ay
nakatala
10. Isaayos agad ang mga datos na naitala ng katitikan pagkatapos ng
pulong.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong:

a. Ulat ng Katitikan – Nakatala ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa


pulong kasama na ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay ng
paksa at ang pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong
isinagawa.
b. Salaysay ng Katitikan –Ang mahahalagang detalye ng pulong ay
isalaysay. Lahat ng mga dokumentong nakatala ay legal.
c. Resolusyon ng Katitikan – Nakatala dito ang mga isyung
napagkasunduan.

Ang Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Dawn Rosenberg McKay (, isang editor at may-akda ng The Everything
Practice Interview Book at ng The Everything Get-a-Job, sa pagkuha ng katitikan ng
pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong,
habang isinagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong. Ilan sa mga ito ay makikita
sa kabilang pahina.

Bago Mangyayari ang Pulong

1. Pagpasiyahan ang paraan ng pagtatala ng katitikan at maaaring gumamit ng


bolpen at papel, laptop, tablet, computer o recorder.

100
2. Tiyaking ang gagamiting kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon upang
maiwasan ang aberya hanggang matapos ang pulong. Halimbawa, kung ikaw
ay gagamit ng laptop siguraduhing ito ay may sapat na baterya.

3. Gumawa ng outline o balangkas ng katitikan ng pulong. .

Sanggunian

Ailene Baisa-Julian and Nestor S. Lontoc.2016 Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling larang
(Akademik).Quezon City:Phoenix Publishing House

Filipino sa Piling Larang Akademik


Kagamitan ng Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Susi ng Kasagutan

Gawain 1 101
20 puntos. Malayang sagot ng mga mag-aaral
Gawain 2
5 puntos. Malayang sagot ng mga mag-aaral
MODYUL 3.4: Replektibong Sanaysay

Alamin

102
Ang sanaysay ay isa sa mga akdang pampanitikang madalas ipababasa at
tatalakayin sa paaralan simula nang ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang
hanggang sa kasalukuyan. Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan ang kasanayan
o kakayahang manindigan sa iyong desisyong ginawa o pinanghahawakang
katotohanan o prinsipyo. Sa araling ito ay iyo namang lubos na matutuhan ang
kakayahang maglahad sa pamamagitan ng pagsulat ng replektibong sanaysay.

Subukin

Gawain 1

Panuto: Isulat ang letrang M kung tama ang pahayag at letrang T naman kung mali.

1. Kadalasang nakabatay sa karanasan ang Replektibong sanaysay kaya


mula sa nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
2. Ang mga bagay na naiisip, nararamdaman at pananaw hinggil sa isang
paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito ay
bahagi ng Replektibong Sanaysay.
3. Nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.
4. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, at
pangyayaring nakita o nasaksihan.
5. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang dyurnal at akademik portfolio.

BALIKAN

Naitatala ang dating kaalaman hinggil sa aralin

103
Gawin 2

Panuto: Matagumpay ang iyong pagbuo ng sintesis o buod batay sa pulong na


napanood sa nagdaang aralin. Ibigay ang iyong kaalaman hinggil dito.

1. Gaano kahalaga ang pagsulat ng sintesis o buod sa bawat pulong na


dadaluhan?
2. Maari ba nating kapupulatan ng repleksiyon ang bawat Katitikan ng
Pulong na ating naisulat? Ipaliwanag ang sagot.

TUKLASIN

Pag-unawa sa Napakinggan

Gawain 3

Panuto: Pakinggan mo ang awiting pinamagatang “ Kanlungan” ni Noel Cabangon.


Maaaring gamitin ang video na ito: https://www.youtube.com/watch?v=FDuZ_xs7AE.

1. Ano ang ibig sabihin ng “Kanlungan” sa napakinggang awit:


2. Malinaw ba at madaling maunawaan ang ginagawang pagpapaliwanag ng
mga ideya o kaisipan?
3. Anong Antas ng Wika ang ginamit ng may-akda?
4. Mayroon ka bang gusto o nais na balikan sa inyong nakaraan?
5. Maaari bang buoan ng isang sanaysay tungkol sa pagmuni-muni o
repleksiyon ang awiting ito? Ipaliwana

104
SURIIN

Marami ka nang sanaysay na nabasa o naisulat mula sa iyong Junior High .


Alin sa mga sanaysay na iyon ang natatandaan o pinakanagustuhan mo? Basahin at
unawaing lubos ang tungkol sa Replektibong Sanaysay

Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford, isang guro at


manunulat, ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay
na may kinalaman sa pagsuri o pag-arok sa isip o damdamin (introspection).
Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman, pananaw, at damdamin
hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng dyurnal kung saan
nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang
tiyak na paksa o pangyayari. Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga academic
portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung paano
siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa
pagsulat.
Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at
University of Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago
ng isang tao mula sa isang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang
kanyang mga natutuhan at kung paano ito gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya
naman ay kung paano pauunlarin ang mga kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto
ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan, malayang
makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa pagsulat ang manunulat.
Narito ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng replektibong sanaysay.

Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa


pananaliksik, pagsali sa isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso,
paglalakbay sa isang tiyak na lugar, isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot,
isyung pambansa at politika, paglutas sa isang mabigat na suliranin, isang natatanging
karanasan bilang mag-aaral, at marami pang iba.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong


Sanaysay

1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong


sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat
ito ay nagpahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga
naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay
higit na mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa akademikong
sulatin.

105
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong
malinaw at madaling mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan
upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at
kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan,


at wakas o kongklusyon.Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa
mga tanong na: ano, paano, at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin
ang iyong mga sagot sa loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o
pangunahing kaisipan na siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong
sanaysay.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon: siguraduhing ito ay


makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa
pagsulat ng mahusay, gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation,
tanong, anekdota, karanasan, at iba pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at
layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview ng kabuuan ng
sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.

Sa pagsulat ng Katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na


kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga
obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay
ang kaisipang iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian
bilang karagdagang datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita o
isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga
patotoo kung paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.

Sa pagsulat naman ng Kongklusyon, muling banggitin ang tesis o ang


pangunahing paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung
paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang
pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man magnilay
sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na
maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na
pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot na maaaring makapagdulot
ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.
Mula sa Pinagyamang

Ailene Baisa – Julian at Nestor B. Lontoc

106
PAGYAMANIN

Pag-unawa sa Binasa

Sa ibaba ay tunghayan ang isang halimbawa ng replektibong sanaysay tungkol sa


isang seminar na dinaluhan ng isang guro hinggil sa paksang “Paghahanda at Paghubog sa
mga Mag-aaral I Ika-21 Siglo.”

Replektibong sanaysay patungkol sa dinaluhang seminar hinggil sa paksang


“Paghahanda at Paghubog sa mga Mag-aaral ng Ika-21 Siglo”

“We need to prepare our children for a competitive future ang the future is now.”
Ito ang katagang namutawi sa bibig ni Sec. Jesli Lapuz ang dating kalihim ng Kagawaran
ng Edukasyon. Ang masalimuot na bukas na binabanggit dito ay ang mga pagbabagong
nararanasan sa buhay ng mga mag-aaral ng ika-21 siglo dulot ng pagsibol ng
modernisasyon at pagsulpot ng makabagong imbensyon at teknolohiya. Mahalagang
maunawaan natin ang katangian ng mga kabataang mag-aaral sa kasalukuyan at kung
paano sila huhubugin upang maging handa sa pagharap sa totoong buhay.

Ayon sa seminar na aking dinaluhan, ang 21st century skills na dapat mahubog sa
mga mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyang panahon ay may kakayahang
panteknolohiya (technological fluency), komunikasyon (communication), pakikiisa
(teamwork), pamumuno (leadership), at paglutas sa problema (problem solving). Kung
ang mga ito ay maituturo sa mga mag-aaral, maihahanda sila sa pagharap sa totoong
buhay lalo na sa larangan ng pagtatrabaho. Tulad na lang halimbawa ng datos na
inilabas ng Department of Labor and Employment o DOLE, ayon sa kanilang tala, 17.6%
ng 29.1% ng walang trabaho sa bansa noong 2006 ay mga kabataan. Ang pangunahing
dahilan kung bakit hindi sila matanggap sa trabaho ay dulot ng kakulangan nila ng sapat
na kasanayan sa komunikasyon o pakikipagtalastasan. Sa aking personal na karanasan,
ang suliraning ito ay nag-uugat sa kakulangan ng mga gawaing pagtuturo at pagkatuto
sa paaralan na humuhubog sa kakayahan ng mga mag-aaral na magsalita ng mahusay
ito ma’y pasulat o pasalita. Akin ding napagtanto na mahalagang mataya ang kasanayan
ng mga mag-aaral hindi lamang sa antas ng pagsasaulo ng mga datos o mahahalagang
impormasyon sa halip kailangang magamit nila ito sa totoong buhay ang kanilang mga
natutuhan.

Binigyang-pansin din sa seminar na suportahan ang isinusulong na pagbabago ng


pamahalaan sa edukasyon ang paglunsad ng K to 12 Basic Education Program.

107
Pangitain at layunin ng programang ito na bawat magtatapos na mag-aaral sa
Senior High School ay magtataglay ng sapat na kakayahang panteknolohiya
(technology skills),
kasanayang pampagkatuto at paglunsod ng pagbabago (learning and innovation
skills), kahusayan sa pakikipagtalastasan (effective communication skills), at
kahandaan sa pagkakaroon ng maayos na buhay at propesyon o trabaho (life and
career skills).

Bilang isang guro ng makabagong panahon, mahalagang yakapin ko ang mga


pagbabagong inilulunsad ng ating pamahalaan. Magkaroon ng paradigm shift sa aking
pananaw na ang uri ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay may Malaki nang kaibahan
sa mga mag-aaral sa nakalipas na taon. Napakahalaga na magkaroon ako ng
. pagbabago sa paraan ng aking pagtuturo upang makamit ang layuning ito ng ating
gobyerno. Maging guro na huhubog sa mga kabataang magiging handa sa pagharap
sa masalimuot na buhay sa mundo.

Tunay na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang isa sa mga
bumubuo ng malaking bahagdan ng ating populasyon. Higit sa lahat, sila ang
sumusunod na lider ng ating bansa at magtataguyod sa kaunlaran ng ating Inang
Bayan. Taglay ang 21st century skills ng mga kabataang ito, tulungan at hubugin natin
sila. Tayong mga guro, magulang, at mga nakakatanda ang magsisilbing gabay sa
paghubog sa kanilang pagkatao. Ihanda natin sila sa pagharap sa totoong buhay.

Mula sa Pinagyamang Pluma


Isinulat ni: Nestor S. Lontoc

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasa

Gawain 4.1

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Nagtataglay ba ito ng isang tiyak na paksa o tesis na iniikutan ng tiyak ba ng


nilalaman ng Replektibong Sanaysay.
2. Ano ang Panauhan ang ginamit ng may-akda? Magbanggit ng halimbawa na
napapansin mo sa iyong binasa
3. Sa personal na karanasan ba ito nakabatay at nagtataglay rin ba ito ng
patunay o ebidensiya upang maging mabisa at epektibo? Patunayan ang
sagot.
4. Gumamit ba ng mga salitang pormal ang sanaysay na ito?
5. Sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan. Ito ba ay malinaw at madaling
mauunawaan?
6. Nakasunod ba sa tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:
Introduksiyon, katawan, at kongklusyon?
7. Naging lohikal ba at organisado ang pagkakasulat ng mga talata?

108
Gawain 4.2

Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan, mga dapat isaalang-alang, at hakbang sa


pagsulat ng Replektibong Sanaysay.

MGA DAPAT
ISAALANG- MGA HAKBANG
REPLEKTIBONG ALANG SA SA PAGSULAT
SANAYSAY PAGSULAT NG NG LAKBAY
REPLEKTIBONG SANAYSAY
SANAYSAY

Gawain 4.3

Panuto: Ibigay ang hinihinging kasagutan sa sumusunod na tanong

1. Bilang mag-aaral na katulad mo bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat


ng replektibong sanaysay?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ISAISIP

Gawain 5

109
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang replektibong sanaysay? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng
sanaysay?_____________________________________________
2. Isa-isahin ang mga paksang maaaring gawan ng replektibong sanaysay.
Alin sa mga ito ang mga sa palagay mo’y madali mong magagawan ng
sariling replektibong sanaysay?

______________________________________________________________
3. Bakit kailangang gumamit ng pormal na salita sa pagsulat ng replektibong
sanaysay?
______________________________________________________________

ISAGAWA

Nakapagpapahayag ng pagsusuri sa sarili

Gawain 6

Panuto: Ayon kay Socrates na isang kilalang Pilosopo, ang pangunahing daan
upang maging matagumpay sa buhay ay ang makilala ang sarili (“Know thyself”).
Magbanggit ng mga paraan kung paanong lalo pang mahuhubog sa mga kabataang
tulad mo ang mga nasabing kasanayan

Pagsusuri sa Sarili: Mga Hakbang


Kung Paano
Lalong Mahu-
Hubog ang
Sarili:

110
TAYAHIN

Gawain 7

Panuto: Kompletuhin ang balangkas sa pamamagitan ng pagtatala ng mahalagang


detalyeng kinakailangan para rito.

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

A. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat

1. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
4. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
5. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
6. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
7. ________________________________________________________
________________________________________________________

B. Mga Hakbang sa Pagsulat

1. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3. ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

111
KARAGDAGANG GAWAIN

Gawain 8
Panuto: Sumulat ng Replektibong sanaysay batay sa napili mong paksa sa
ibaba. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat.
 Librong o palabas katatapos mo pa lamang basahin
 Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
 Pagsali sa isang pansibikong gawain
 Praktikum tungkol sa isang kurso
 Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral

Pamantayan Puntos

Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang ng 5


replektibong sanaysay.

Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- 5


paniwalang sulatin na replektibong sanaysay

Nakakasulat ng replektibong sanaysay batay sa maingat, 5


wasto, at angkop na paggamit ng wika

May isang tiyak na paksa ang replektibong sanaysay na 5


nabuo.

20

Tanggapin mo ang taos puso kong pagbati. Nalampasan mo nang


matiwasay ang mga yugto ng pagkatuto sa lahat ng aralin sa modyul 3.
Napakagaling.

112
Susi ng Pagwawasto

Gawain1. 1-5 K

Gawain 2. Malayang Sagot

Gawain 3. Malayang Sagot

Gawain 4.1 hanggang Gawain 6: Malayang Sagot

Gawain 7: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

A. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat

1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng


replektibong sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin
sapagkat ito ay nagpahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga
naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon
ay higit na mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Pormal na salita ang gamitin sa pagsulat nito dahil kabilang ito sa
akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin
itong malinaw at madaling mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya
o kaisipan upang maipabatid ang mensahe sa mga mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan,
at kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.
B. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

1. Introduksiyon
2. Katawan
3. Kongklusiyon
text
here
113
Sanggunian:

 Julian A.B. at N.S. Lontoc (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino


sa Piling Larang (Akademiks). Quezon City, Phoenix Publishing House Inc.
(pahina 26-28)

Internet Sites:

 https://www.youtube.com/watch?v=FDuZ_xs7AE.

114
Management Team

Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III


Regional Director

Co-Chairperson: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V


Asst. Regional Director

Maia Epra B. Magnaong


CES, CLMD

Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.


EPS-ADM

115
116
117
First Edition
Alternative Delivery Mode
Modyul 4 Filipino sa Piling Larang

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:

Development team of the module


Author: Charity A. Gonzales, Milen Joyce Napone Torres
Editors:
Reviewers: Jesusa V. Sulayao, Maria Lita D. Montalban,
Girlie T.Sumastre
Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Layout Artist:
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairperson: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.
EPS-ADM
Dr. Neil Improgo
EPS-LRMDS
Himaya B. Sinatao
EPS-LRMDS

Printed in the Philippines by DepEd, Region X


Department of Education – Bureau of Learning Resources
Office Address: Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang,
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

118
Senior High School

Filipino sa Piling
Larang
Modyul 4:
Nakalarawang Sanaysay at
Lakbay Sanaysay

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders
to email their feedback, comments, and recommendations to the Department
of Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas

119
This page is intentionally blank

120
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin …………………………………………………………………………... ..1

Layunin …………………………………………………………………. ...1

Pangkalahatang Panuto…………………………………………………..2

Subukin …………………………………………………………………………… 4

Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat

Modyul 2: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Akademikong Sulatin

2. 1 Abstrak…………………………………………………………..

2. 2: Sinopsis/Buod………………………………………………….

2. 3: Bionote.................................................................................

Modyul 3: Pagsulat ng Akademikong Sulatin


3.1 Panukalang Proyekto....................................................................
3.2 Talumpati.......................................................................................
3.3 Katitikan ng Pulong........................................................................
3.4 Replektibong Sanaysay..................................................................
Modyul 4:
4.1 Nakalarawang Sanaysay................................................................
4.2 Lakbay Sanaysay.........................................................................
4.3 Posisyong Papel...........................................................................
Isaisip ………………………………………………………………………………

Tayahin…………………………………………………………………………….

Sanggunian ………………………………………………………………………..

121
Paunang Salita
Ang modyul na FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik) ay inilimbag upang
matugunan ang hangarin nga mga mag-aaral ayon sa kanilang pangangailangan
tungo sa isang matagumpay na edukasyon. Ito ay lilinang sa kakayahan upang
mahasa ang galing ng bawat kabataan lalo na sa larangan ng akademikong
pagsulat.

Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat serye ay


iniangkop ayon sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang matutu sa isang
makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at mapanuring isip upang magiging
handa sa pagharap ng mga hamon sa totoong buhay.

Para mabigyan ka ng pangkalahatang ideya hinggil sa kursong ito, narito ang


iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na tatalakayin sa kabuoan ng iyong pag-aaral.
Hindi mo lamang matututunan ang mga ito, kundi magkakaroon ka rin ng sapat na
kaalaman at kasanayan kung paano gawin o isulat ang mga sumusunod:

Mga Uri ng Akademikong Sulatin


Abstrak Posisyong Papel
Sintesis/Buod Rekplektibong Sanaysay
Panukalang Proyekto Pictorial Essay
Agenda Talumpati
Katitikan ng Pulong

Napapaloob dito ang mga sumusunod na pagsasanay upang matugunan ang


mabisang pagkatuto.

Alamin

Subukin

Balikan

Tuklasin

Suriin

Pagyamanin

Isaisip

Isagawa

Tayahin

122
Modyul 4.1 Nakalarawang Sanaysay

Alamin

Magandang araw mag-aaral! Kumusta ang araw mo ngayon? Gusto


mo bang pag-usapan natin? Maaari mo bang ilarawan ito sa pamamagitan
ng isang emoji? Naway  ang iyong tugon sa akin. Hindi pa natatapos ang
iyong paglalakbay at sa mga oras na ito ay makakatagpo na naman kayo ng
mga paksang maaari ninyong maging katuwang sa pang-araw-araw na
buhay. Handa na ba kayo?

Sa mga naunang aralin, nakilala mo na ang ibang akademikong sulatin pero,


bukod doon, kinakailangan mo pang kilalanin ang dalawang sanaysay na maaari
nating mauri bilang akademikong pagsulat; ang Nakalarawang Sanaysay at
Lakbay Sanaysay. Matatalakay din ang pagsulat ng Posisyong Papel kung saan
hihikayatin ang bawat isa sa inyo na sumulat ng hindi lamang malikhain, kundi
organisado at laging isinaalang-alang ang etika sa pagsulat ng akademikong sulatin.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng tatlong aralin at ang mga ito ay:

Modyul 4.1: Nakalarawang Sanaysay


Modyul 4.2: Lakbay Sanaysay
Modyul 4.3: Posisyong Papel
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:

A. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan


(CS_FA12PU-0p-r-95)

B. Naisaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin

(CS_FA12EP-0p-r-40)

C. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng


wika. (CS_FA12WG-0p-r-93)

123
D. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.
(CS_FA12PU-0p-r-94)
Pangkalahatang Panuto:

Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahin nang mabuti ang bawat aytem sa modyul.

2. Sundin ang mga direksyon o panuto habang binabasa ang materyales.

3. Sagutin ang mga tanong.

4. Maging mahinahon sa pagsagot at maging pasensyoso upang


matagumpay ang pagsagot.

5. Maging magiliw habang nag-aaral.

Subukin

Gawain 1.1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng


pagkasunod-sunod na pangyayari, maipaliwanag ang isang konsepto o
magpahayag ng damdamin.
a. Lakbay-sanaysay c. Nakalarawang sanaysay
b. Tradisyunal na sanaysay d. Posisyong Papel
2. Isa ito sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng isang manunulat
sapagkat ito ang magiging tema ng kanyang akda.
a. kita c. kariktan
b. pamilya d. paksa
3. Nakalarawang sanaysay: photo essay, Lakbay-sanaysay: ____________.
a. travel brochure c. travel posts
b. travel essay d. travel kit
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI WASTO ang pagkalikha ng
nakalarawang sanaysay?

124
a. Ang manlilikha ay maaring gumamit ng mga salita ngunit maikli
lamang.
b. Ang manlilikha ay hindi pwedeng gumamit ng mga salita pawang
larawan lamang.
c. Kinakailangan na magsaliksik ang manlilikha kung magiging
intereresado ba ang kanyang mambabasa na pinili niyang paksa.
d. Dapat sa paglikha ng nakalarawang sanaysay ay mayroong layunin
ang manlilikha; kung para saan ito at para kanino ito.
______ 5. Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang ng isang manunulat.
Maliban sa isa.

a. Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa


b. Dapat may kaisahan ang mga larawan
c. Dapat hindi lohikal ang pagkakaayos ng mga larawan
d. Dapat gamitin ang mga larawan upang matamo ang layunin

125
Balikan

Gawain 2:
Panuto: Sa mga aralin ng Ikatlong modyul, natalakay ang mga Panukalang
Proyekto, Talumpati, Katitikan ng Pulong at Replektibong Sanaysay. Inaasahang
nakilala na ninyo ang kanilang mga katangian bilang isang sulating akademiko sa
pamamagitan ng mga binasang halimbawa. Ngayon, nais kong ibahagi ninyo kung
gaano kahalaga ang pagkakaroon ng lohikal at organisadong pagkasulat ng bawat
talata sa pamamagitan ng pagbuo ng isang islogan na may 7-10 salita lamang.

Tuklasin

Panuto: Tingnan ang dayalogo sa ibaba at tukuyin kung ano kaya ang pinag-
uusapan nila.

Hi Joyce! Tapos ka na ba
sa ating takdang gawain?

Ah… alin
doon?

Yung kukuha daw tayo ng


isang makabuluhang larawan
tapos dalhin natin ngayon?

Gawain 3: Siyempre. Pero hindi ko


alam anong gagawin dito.
Panuto: Sagutin
Ginuhit n: Raulang sumusunod na katanungan: Isulat ang kasagutan sa isang
V. Dunan

boung papel.

1. Ano kaya ang gagawin ng mga mag-aaral sa mga makabuluhang larawan na


pinadala sa kanila ng kanilang guro?
2. Ano ba ang kahalagahan ng isang larawan sa paglalahad ng isang kaisipan?
3. Kung ikaw ang pinakuha ng larawan ng iyong guro, ano ang magiging paksa
nito? Ibahagi ang sagot.

126
Suriin

Nakalarawang Sanaysay o Photo Essay

Lagi na nating naririnig ang kasabihang “ang isang larawan ay katumbas ng


sanlibong salita o higit pa”. Maaaring maipahayag ang mga hindi simpleng ideya sa
pamamagitan lamang ng isang larawan. Ang pag-aayos ng mga larawan upang
maglahad ng kaisipan o ideya ay tinatawag na nakalarawang sanaysay o photo
essay.

Ang nakalarawang sanaysay o photo essay ay koleksiyon ng mga larawang


maingat na inayos upang makapaglahad ng pagkasunod-sunod na pangyayari,
makapagpaliwanag ng isang konsepto, o makapagpahayag ng damdamin. Ito ay
katulad din ng ibang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga estratehiya o teknik sa
pagsasalaysay. Ang kaibahan lang nito ay gumagamit ito ng mga larawan sa
paglalahad. Ang iba ay nilalagyan ng miikling teksto na siyang sumusuporta sa
larawan. Iwasan ang labis na pagsusulat, hayaang mangusap ang mga larawan.

Hindi ito katulad ng tradisyunal na sanaysay na naglalahad ng kaisipan at


damdamin sa pamamagitan ng salita, ang mensahe ng nakalarawang sanaysay o
photo essay ay pangunahing makikita sa mga larawan. Ang mga larawan ang siyang
pangunahing nagkukuwento.

Narito ang mga bagay na isaalang-alang sa pagbuo ng photo essay:

1. Paksa

a. Siguraduhing pamilyar sa pipiliing paksa (malapit sa puso ng


manlilikha, napapanahong balita, kalagayang politikal ng
isang bayan, at iba pa);
b. Pagnilayan kung magiging interesado ba ang mga
mambabasa nito;
c. Kailangan dumaan sa masusing pagpaplano at pananaliksik
ang pagpili nito.

2. Mambabasa

a. Dapat kilalanin kung sino ang mambabasa (edad, kasarian, hilig,


atbp.)
b. Siguraduhing madaling maaccess ng mambabasa ang ginawang
materyal

127
3. Layunin

a. Dapat malinaw ang patutunguhan ng photo essay


b. Gamitin ang mga larawan upang matamo ang proyekto
c. Dapat may kaisahan ang mga larawan na ginamit
(Consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay)

Sanggunian: Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.

Makati City, Philippines: DIWA Textbooks

Pagyamanin

Gawain 4:
Panuto: Tingnan ang halimbawang nakalarawang sanaysay sa ibaba. Ano kaya ang
paksang pinahihiwatig nito?

Kuha ni: Devin Avery Kuha ni: Precilla Du Preez

Kuha ni: Bewakoof com Kuha ni: Stephanie ecate

128
Sanggunian: https://unsplash.com

Isaisip

GAWAIN 5:

Panuto: Unawain ang sumusunod na katanungan at sagutin.

1. Ano ang kaibabahan ng nakalarawang sanaysay o photo essay sa tradisyunal na


sanaysay?
2. Naniniwala ka ba na popular ang sanaysay sa kasalukuyan? Bakit?
3. Ano-ano ang layunin sa paglikha ng nakalarawang sanaysay?
4. Ano-ano ang konsiderasyon sa paglikha ng nakalarawang sanaysay?
5. Bakit mahalaga ang pananaliksik bago isagawa ang pagkuha ng mga larawan?

Isagawa

Gawain 6.
Panuto: Gamit ang iyong sariling camera, kumuha ng mga larawan at lumikha ng
sariling nakalarawang sanaysay o photo essay. May kalayaan kang pumili ng paksa
basta ito ay napapanahon. (Mamarkahan gamit ang Rubrik sa ibaba)

PAMANTA PINAKAMAHUSAY (8-10) KATAMTAMAN ANG KAILANGAN PANG Kabuua


YAN HUSAY (5-7) PAGHUSAYAN (1-4) n
Barayti ng Ang manlilikha ay gumamit ng Ang manlilikha ay Ang manlilikha ay
mga 5-7 na uri ng larawan. Ang gumamit ng 3-4 na uri gumamit ng 1-2 na
Larawan bawat larawan ay may iba’t ng larawan. Ang bawat larawan lamang upang
ibang pamatnubay o lead, larawan ay may iba’t maghatid ng mensahe
may iba’t ibang anggulo at ibang paksa, may iba’t sa mambabasa.
mga detalye. ibang anggulo at mga
detalye.
Nilalaman Makabuluhan ang Madaling makuha ang Hindi masyadong
mensaheng nais ibahagi ng mensaheng nais ibahagi malinaw ang

129
piyesa; kakikitaan ito ng iba’t ng piyesa; kakikitaan ito mensaheng nais ihatid.
ibang kultura, isyung ng iba’t ibang kultura,
panlipunan at ito ay isyung panlipunan.
napapanahong balita o paksa
Paglalara Ang manlilikha ay naglalagay Ang manlilikha ay Hindi lahat ng larawan
wan o ng mga caption na naglalagay ng mga ay nilagyan ng caption.
Caption naglalarawan sa bawat caption na naglalarawan Hindi man maayos ang
larawan. Mahusay ang sa bawat larawan. Hindi gramatika ng mga
gramatika at malinaw ang man maayos ang salitang sumusuporta
mensaheng nais ipabatid. gramatika ng mga ngunit maiintindihan
salitang sumusuporta naman ito.
ngunit maiintindihan
naman ito.

1111111111Tayahin

Gawain 7
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto
ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI.

Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng tradisyunal na


sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang mga salita lamang.
Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang katangian ng isang
mananaliksik
Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay ay hindi
lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng matibay na argumento, kundi ito
ay naghahasa rin sa pagkamalikhain ng mag-aaral.
Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang mabisa itong
makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang kaakit-akit at lohikal ay mas
madali makuha ang impormasyong hatid nito.
Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o kwaderno
upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o anumang obserbasyon sa
isang lugar.

Karagdagang Gawain

Gawain 8:

130
Panuto: Gamit ang concept map, ilahad ang mga katangian ng isang nakalarawang
sanaysay o photo essay.

___

Nakalarawang
___ Sanaysay ___

___

Panapos na Pananalita

Ang nakalarawang sanaysay ay tulad daw ng isang pelikula. Hindi nga lang ito
gumagalaw ngunit ito ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang kaisipan, damdamin o
mensahe na maaari nating pagnilayan. Tandaang ang sinumang lilikha ng nakalarawang
sanaysay ay hindi lamang maituturing na potograpo kundi isang storyteller. Laging
tandaan na mas mainam na gumamit ka ng sariling mga larawan ngunit kung hindi akma
sa iyong layunin at paksa, maaari kang sumangguni sa mga larawang may pahintulot ng
may-ari na ilathala at huwag silang kalimutang isali sa sanggunian ng iyong awtput.

131
Susi sa Pagwawasto

Nakalarawang Sanaysay
Subukin
Gawain 1.1
1. D
2. D
3. B
4. B
5. C

Balikan
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Tuklasin
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Pagyamanin
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Isaisip
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

132
Isagawa
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.

Tayahin
Gawain 7
1. T
2. T
3. T
4. M
5. T

Karagdagang Gawain
Sariling pagpapasya/Ideya ng mga mag-aaral.
Modyul 4.2 Lakbay Sanaysay

Alamin

Mula sa Nakalarawang sanaysay, talakayin naman natin


ang isapang sanaysay na tinatawag na “Lakbay-sanaysay”, na sa Ingles,
ay tinatawag na travel essay o travelogue. Isa itong anyo ng pagsulat na
maaaring maging gawing propesyon o hanapbuhay. Sa mundong
pinatatakbo ng paglalakbay at turismo, mahalaga ang mga anyo ng
lakbay sanaysay tulad ng mga travel guide at mga artikulo upang ipakilala
at itaguyod ang isang lugar para sa mga manlalakbay. Ito ay kadalasang
naglalaman at nagtatala ng mga karanasan ng may-akda sa paglalakbay,
pagsasaliksik, at pagtuklas ng isang lugar.

May mga dahilan sa pagsulat ng Sanaysay, ang ilan sa mga ito ay:

 Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat;


 Upang makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay
 Upang itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
tulad ng pag-unlad133
ng espiritwalidad, pagpapahilom, o
kaya’y pagtuklas sa sarili; at
 Upang idokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya
Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at tukuyin kung Tama o Mali.

_____ 1. Susi sa mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay ang pagtataglay ng sapat


na kaalaman at pagkatuto ng isang manlalakbay.
_____ 2. Mahalaga na gamitin ng mananalaysay ang kanyang limang pandama sa
pag-obserba sa paligid at sa mga tao.
_____ 3. Kinakailangan na kukuha ang manlalakbay ng punto-de-vista ng local na
mamamayan na maaaring mapagtanungan ng karagdagang impormasyon sa lugar
_____ 4. Ang manlalakbay ay interesado sa kasaysayan, topograpiya ng lugar,
pagkain, pang-araw-araw na pamumuhay, panitikan, politika, wika at rehiyon ng
isang lugar.
_____ 5. Maaaring gumamit ng matatalinghagang mga salita ang mananalaysay
ngunit ailangang ingatan niya ang kanyang wika at istilo upang hindi masayang ang
produkto ng matalas niyang obserbasyon.

Balikan

Gawain 2

Panuto: Ilahad ang kahalagahan ng sumusunod na bagay na dapat isaalang-alang


sa pagbuo ng isang nakalarawang sanaysay batay sa:;

1. Paksa-

2. Mambabasa-

3. Layunin-

134
Tuklasin

Gawain 3

Panuto: Ilista ang limang lugar na nais mong puntahan at ipaliwanag kung bakit nais
mo itong mabisita. Pagkatapos ay ibahagi ito sa iyong mga kaklase.

Lugar Paliwanag

1. _______________ __________________

2. _______________ __________________

3. _______________ __________________

4. _______________ __________________

5. _______________ __________________

Suriin

Lakbay Sanaysay

Ang pagsusulat ng lakbay-sanaysay ay nangaingailangan ng galing,


pamamaraan at kaalaman ng isang manlalakbay. Iba ang manlalakbay sa turista sa
kadahilanang ang manlalakbay ay may kaalaman talaga sa paglalakbay bilang
pagkilala sa mga lugar at pagtuklas ng bagong daigdig; samantalang ang turista
naman ay naglalakbay sa mga piling lugar lamang at madalas ay upang aliwin ang
sarili sa limitadong bilang ng araw.

Ang manlalakbay ay interesado sa kasaysayan, topograpiya ng lugar,


pagkain, pang-araw-araw na pamumuhay, panitikan, politika, wika at rehiyon ng
isang lugar. Kinakailangan na kukuha ang manlalakbay ng punto-de-vista o pananaw
ng lokal na mamamayan upang hind maging gasgas at de-kahon ang impormasyong
binabahagi niya. Mainam na magtanong siya sa mga

135
taong pinanganak talaga sa isang partikular na lugar na kanyang pinuntahan.

Ang kagandahan ng sanaysay ay maaaring ang manlalakbay ay ibahagi ang


kanyang mga natutunan mula sa problema at pagkakamali. Bilang mananalaysay,
may tatak ang kasanayan. Kaya niyang umakyat ng bundok, pumasok ng yungib,
sumisid sa ilalim ng dagat, sumubok ng mga bagong pagkain, tumuklas ng mga
bagong paninda at higit sa lahat kaya niyang makipagkapwa-tao. Taglay ng
mananaysay ang katangian ng historyador, nobelista, makata, mamamahayag,
kuwentista, at mananaliksik.

Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, kailangang sagutin ang mga katanungang:

1. Paano naiba ang lugar na ito sa kinalakihan mong lugar?


2. Bakit ka naglakbay sa lugar na ito?
3. Umunlad ka ba bilang Pilipino sa isinagawang paglalakbay?
4. May natuklasan ka bang kahanga-hangang kaugalian ng mga taong
nakasalamuha mo sa paglalakabay?
5. Ano ang mga kultura o paraan ng pamumuhay ang natuklasan mo?
6. Paano ba nabago ang buhay mo sa pamamagitan ng paglalakbay?
7. Napapaibig ka ba na maglakbay ulit?

Sanggunian: Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.

Makati City, Philippines: DIWA Textbooks

136
Pagyamanin

Gawain 4:

Panuto: Sagutin ang mga katanungan matapos basahin ang dayalogo sa


ibaba at alamin kung tungkol saan ang pinag-usapan nila.

1. Katulad Oy!
ni Pia,
Marvin,
nakaratingnais moHirin bang ibahagi ang iyong kwento noong ikaw
Marvin! Okey lang,
ka na pala?
ay pumunta sa isang lugar? Bakit?angDahil alam
lamig lamig doon. kong maraming katulad ni Pia sa

mundo na interesado mabasa o mapakinggan ang kwento mo!

2. Isulat ang iyong sariling karanasan.


Bukod sa napakalamig na
klima ng Korea, ano pa ang
nagustuhan mo doon?

Hmmm… teka lang, saan ba


ako magsisimula? Ano ba ang
gusto mong malaman?

Ginuhit ni: Raul V. Dunan

Isaisip

Gawain 5:
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, ihambing at ihalintulad ang Nakalarawang Sanaysay at
Lakbay-Sanaysay.

Nakalarawang Lakbay
Sanaysay Sanaysay
Isagawa

137
Gawain 6

Panuto: Ibuod sa tatlong bahagi ang pamamaraan sa pagsulat ng isang lakbay-


sanaysay.

____ Pangatlo

____ Pangalawa

____ Una

Tayahin

Gawain 7.1

Panuto: Basahin ang halimbawa ng isang lakbay sanaysay na nasaliksik sa internet.


BAGUIO TRIP
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t
ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga
turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa o yung mga taong doon na mismo
sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito upang magbakasyon
lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba
ganoon ang tawag sa lugar na iyon. At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng
mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay
lalong lalo na ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang pinakamahalaga at
magandang regalo sa atin ng Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang
masasandalan mo sa oras na ikaw ay may problema.
Pagkakatulad
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang
Baguio ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo na sa North Luzon,
kilala ito bilang Summer Capital of the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil
napakalamig dito lalong lalo na kapag bumagsak ang temperatura dito kapag
sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga namang dinadayo ito ng maramimg tao dahil

138
para sa kanila dito masarap ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga
mahal sa buhay.
Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong panahon ng kapaskuhan bagkus
noong unang araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos naming ipagdiwang
ang BAGONG TAON ay nagsimula na kaming gumayak mula Pampanga hanggang
sa makarating kami sa Baguio. Pumunta kami doon dahil doon nais ng aking pinsan
na ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan. At dahil FIRST TIME naming
magpipinsan na pumunta doon kung kaya’t mas lalo kaming naexcite na makarating
na doon.
Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay ang Burnham Park na kung saan
dito kamI gumala ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang
isang Dancing Fountain at isang parang ilog na kung saan pwede kang mamangka
at maglibot – libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay angBotanical Garden, dito
sa lugar na ito ay may mga matatandang Igorot na kung saan pwede ka sa kanilang
magpakuha ng litrato na kasama sila. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung
saan sila nagmula kahit na ganoon ang kanilang pananamit. At nagpunta rin kami
sa Mines View, ngunit kahit malayo at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil
maganda at talaga namang nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na
iyong nakikita.
At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at ang huling araw na rin namin
doon ay ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na strawberry na
tinatawag din na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa Baguio ay marami akong
nalaman sa lugar na iyon at dito ko rin nalaman kung bakit nga ito tinatangkilik ng
mga turista.

REALISASYON:
Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong
kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo
lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang
bansa niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong kakalimutan ang
iyong Pamilya dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang iyong
kahaharapin na kahit na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at
magkasakitan man kayo ng damdamin ay hinding hindi ka pa rin nila pababayaan at
kakalimutan bagkus ay mamahalin ka pa nila ng lubusan. At higit sa lahat ay
magpasalamat tayo sa Panginoon sa mga Biyayang ating natanggap galing sa
Sanggunian: Kathuson, 2016. Lakbay Sanaysay: Baguio Trip. Available at https://http543.
kanya. (Kathuson, 2016) Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/
accessed on January 18, 2018.

Gawain 7.2
Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga impormasyong kailangang ilahok sa lakbay-sanaysay?


Ano ang dapat isantabi?
2. Bakit kailangang maging mahusay na manlalakbay ang isang

139
mananalaysay ng lakbay sanaysay?
3. Mahalaga ba na magkaroon ng paunang pananaliksik bago sumulat ng
isang lakbay sanaysay? Bakit?
4. Mula sa halimbawang lakbay-sanaysay, ano-ano ang mga mahahalagang
aral na iyong nakuha hinggil sa pagbabahagi niya ng kanyang
paglalakbay?
5. Suriin ang lakbay-sanaysay na iyong binasa, taglay ba nito ang katangian
ng isang mabisang lakbay-sanaysay? Magbigay ng tatlo at ipaliwanag.

Karagdagang Gawain

Gawain 8:
Panuto: Magbalik-tanaw sa mga lugar na napuntahan mo na. Sumulat ng iyong
sariling lakbay-sanaysay. (Mamarkahan gamit ang Rubrik sa ibaba)
KATANGIAN PINAKAMAHUSAY KATAMTAMAN ANG KAILANGAN Kabuuan
(8-10) HUSAY PANG
(5-7) PAGHUSAYAN
(1-4)
POKUS AT May malinaw at tiyak na paksa na May malinaw at tiyak na May isang paksa.
DETALYE sinusuportahan ng mga detalyadong paksa, ngunit hindi Hindi gaanong
impormasyon o argumento. detalyado ang mga malinaw ang mga
suportang impormasyon suportang
o argumento. impormasyon.
ORGANISASY Kawili-wili ang mga introduksyon, May introduksiyon, May introduksyon,
ON naipapakilala nang mahusay ang mahusay na pagtalakay pagtalakay at
paksa. Mahalaga at nauukol sa at may karampatang pagtatapos o
paksa ang mga impormasyo na pagtatapos o konklusyon.
ibinahagi sa isang maayos nan a konklusyon.
paraan. Mahusay ang pagtatapos ng
konklusyon.
TINIG NG Malinaw ang intension na manunulat. May intensyon at layunin May kaunting
MANUNULAT Kapansin-pansin ang kahusayan ng ang manunulat. May kalinawan sa
manunulat sa paksa. kaalaman ang intension at layunin
manunulat sa paksa. ng manunulat.
Limitado ang
kaniyang
kaalaman.
PAGPILI NG Malinaw ang paggamit ng mga salita. Malinaw ang paggamit Nasasabi ng
MGA ANGKOP Angkop at natural at hindi pilit. ng mga salita bagaman manunulat ang nais
NA SALITA sa ilang pagkakataonay sabihin, bagaman
hindi angkop at natural. walang baryasyon
sa paggamit ng
mga salita.
ESTRUKTURA Mahusay ang pagkakaayos ng mga Mainam ang Nakagagawa ng
, GRAMATIKA, salita at pangungusap. Walang pagkakaayos ng mga mga pangungusap
BANTAS, pagkakamali sa gramatika, bantas, at salita at pangungusap. na may saysay.
PAGBABAYBA baybay. May kaunting Maraming mga
Y pagkakamali sa pagkakamali sa
gramatika, bantas at gramatika, bantas
baybay. at baybay.

140
Ayon kay O’Niel (2005), ang lakbay sanaysay naman ay hindi parang diary.
Hindi lamang basta isinusulat ang lahat ng nakita, nalasahan, narinig, namoy,
naramdaman o naisip sa paglalakbay. Hindi ito rekord o simpleng pagdugtong-
dugtong ng mga pangyayari. Nangangailangan ang sulating ito ng malinaw na
pagkaunawa at perspektiba tungkol sa naranasan habang naglalakbay.

Susi sa mainam na pagsulat ng lakbay-sanaysay ang pagtataglay ng sapat na


kaalaman at pagkatuto ng isang manlalakbay. Tumutukoy ito sa pagkilala at
pagpapakilala sa sarili at pagmumuni sa mga naranasan sa proseso ng paglalakbay.
Maaaring gumamit ng matatalinghagang mga salita ang mananalaysay. Kailangang
ingatan niya ang kanyang wika at istilo upang hindi masayang ang produkto ng
matalas niyang obserbasyon. Huwag kalilimutan ang deskripsiyon ng limang
pandama sa paglalarawan ng paglalakbay dahil marka ito ng matalas na gunita.

Sanggunian: Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling

Larangan (Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

141
Susi sa Pagwawasto

Lakbay Sanaysay

Subukin
Gawain 1
1. T
2. T
3. T
4. T
5. T

*Ang ibang Gawain ay nagdedepende sa paliwanag ng mga mag-aaral.

142
SANGGUNIAN:

Aklat:

Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino


sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik. Makati City,

Philippines: DIWA Textbooks

Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan

(Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

Internet:

Chua, C. 2018. Posisyong papel available at https://www.slideshare.net/

Charlschua/posisyong-papel? from action=save accessed on

January 18, 2018.

Kathuson, 2016. Lakbay Sanaysay: Baguio Trip. Available at https://http543.

Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

accessed on January 18, 2018.

Division of City Schools Valenzuela, 2016 available at http://depedvalenzuela.ph/


als-secondary-module-6/ accessed on January 18, 2018.

143
https://unsplash.com

Modyul 4.3: Posisyong Papel

Alamin

ninindigan sa isang prinsipyo na nagtataglay ng katotohanan? Ang pangangatuwiran ay isang desisyon batay sa is

Subukin

Gawain 1

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang mga pahayag tungkol sa pagsulat.


1. Ang isang argumento ay pakikipag-away sa iyong katunggali.
2. Kailangan ng isang matibay na ebidensiya upang maging obhetibo
sa pangangatuwiran.
3. Nararapat lang na panindigan ang isang prinsipyo lalo na kung ito ay
pawang katotohanan.
4. Ang pangangatuwiran ay maaaring nakabatay sa ating damdamin
na wala sa awtoridad.
5. Maaaring gamitin ang isang opinion bilang isang matibay na ebidensiya lalo
na kung ito ay galing sa awtoridad o sa pamahalaan lalo na sa mga
kilalang tao na may sapat na kaalaman kaugnay sa paksa.

144
Balikan

Babalikan ang nakaraang aralin na natalakay na sa klase hinggil sa lakbay


sanaysay.

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa iyong naintindihan sa klase sa nakaraang leksyon, ano ang lakbay
sanaysay?
_____________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay?


________________________________________________________
________________________________________________________

3. Mahalaga ba ito sa ating pag-aaral?


____________________________________________________________

Tuklasin

Gawain 3
Panuto: Batay sa napapanahong isyu sa ibaba, bigyan ito ng sariling opinyon.
Pumili ka lang kung sang-ayon o di ka sang-ayon sa isyung ibinigay.

ISYU: Pagpapatupad ng K-12 kurikulum sa Deped.

Pagpapaliwanag:
Sang-ayon

Pagpapaliwanag:
Di Sang-ayon

145
Suriin

Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga


matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng isang debate,
naghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalaang tama. Ang pangangatwiran
ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa opinyon manunulat. Sa
bawat argumento ginagamitan ito ng mga matitibay na ebidensya mula sa
pinagkakatiwaang datos. Mahirap paniwalaan ang isang isyu kung walang
pinagbabatayang ebidensya. Ang mga ebidensya ay maaaring kunin sa
obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis, abogado, dalubhasa, doctor o
propesor, atbp) upang maipakita na makakatohanan ng ipinaglalabang isyu.
Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito upang
mapatunayang mali o di kapanipaniwala ang mga binabatong isyu. Mas
makatotohan ang pinapanigang isyu kung may tatlo o higit pang matitibay na
ebidensya na magpapatunay.
Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa pangangatwiran ayon
kina Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc,
(2016).
1. Mga katunayan (facts) - nakabatay ito sa makakatotohanang ideya mula sa mga
nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin gumamit ng mga taong
nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari ngunit siguruduhin ang mga
testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay hindi ibig sabihin
pangmatagalan na ebidensya maari itong magbago depende sa mga bagong
tukas na datos.
2. Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling
pananaw. Hindi ito makatotohan sapagkat nakabatay lamang ito sa sariling
pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting itong ebidensya pero kinakailangan
ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may awtoridad o mga kilalang tao
sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal, politiko at siyentipiko

146
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Sa pagsulat ng posisyong papel mahalagang pagukulang pansin ang
ibabahaging paksa sa pamamagitan ng pagsunod sa hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel upang matulungan na makumbinsi ang mambabasa ng panigan
ang nasabing isyu.
Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel mula sa
aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).

1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.


2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat ng
posisyong papel.
1. Panimula
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos ang
paksa at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga
mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon. Kapag sa simula ay maipakita
ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang mambabasa na
paniwalaan ang posisyon.

2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya) –


Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod sunod ng
mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang
mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga argumentong
tumutol sa iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng pangangatwiran bigyan ito ng
mga matitibay na mga batayan mula sa mga pinagkakatiwalaang datos upang
maipakita na makatotohanan ang iyong posiyong pinaglalaban. Mas higit na
kapanipaniwala kapag may tatlo o higit pang matitibay na mga ebidensya na
gagamitin para madepensahan ang pinapanigang posisyon.

147
3. Kongklusyon
Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang magiging
implikasyon nito.

Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu. May mga
sang-ayon at may mga di-sang-ayon sa isyu. Ang posisyon ng bawat indibidwal ay
makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari sa ating lipunan.
Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. Anong
Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu? Sang-ayon ka ba o di ka sang-ayon?
Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay inilalahad na
nag malinaw na komposisyon ng pagtututol. Dapat isa-isahin ang malilinaw na
batayan sa simpleng paraan at maiintindihan ng karaniwang tao. Dapat isaalang-
alang ang kultura ng bayang sinilangan sa pagsulat ng posisyon. Isa sa layunin ng
Posisyong papel ay manghikayat.

Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto 1: Basahin ang Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa
Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN


ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG
FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan
ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP
Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na


Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang
Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga

148
asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin
na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga
kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at
ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga
unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling
ang Purposive Communication sa Ingles.
Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.
Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan
ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng
Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na
isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang
wikang pambansa ng Pilipinas.
Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis
sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng
asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang
ganito: "General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the
community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and
sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As life
becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and
addressing social problems in the general education program increasingly become
more pressing."
Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na
tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang
Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang
Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa
bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga
kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang
Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig.
Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-
pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na
kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad


ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na
binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba't
ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga organisasyon ay matatag
na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng
Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.

Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang


disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang

149
Filipino na magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas
nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang
edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na
konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating
bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at
University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan, St.
Petersburg University at University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng


Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang
pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga
pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa
iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito,
natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities
in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at
kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang AB
Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa
rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa
ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap
ng mga Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng
kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay
tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina
at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito
hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli naming igigiit ang karapatan ng
Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang


pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang
mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng
Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at
Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa
Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga
Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng
Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro,
mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang filipino.


Maghahain ito ng mga mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na
rin ng iba't ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na
asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng


CHED ang malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang
pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng

150
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat.


Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga
Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging
katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga
ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin
ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad
mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.

SANGGUNIAN:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-
kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842/

Gawain 4.2
Panuto 2: Suriin ang nilalaman ng binasang Posisyong Papel ng Kagawaran ng
Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad at ibigay ang mga sumusunod:

Pamagat: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

Pangunahing posisyong:
Argumento 1:
Ebidensya 1: ______
Ebidensya 2:

Argumento 2: _____
Ebidensya 1: _____
Ebidensya 2: _____

Aksyon kaugnay ng isyu:

Isa-isip

Gawain 5

151
Panuto: Inaasahang masasagot ang mga tanong tungkol sa binasang posiyong
papel tungkol sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

1. Tungkol saan ang binasang posisyong papel?

2. Ano ang pangunahing layunin nito?

3. Napatibay ba ang mga ebidensyang inihain sa argumento? Ipaliwanag ang iyong


sagot.

4. Naging kongkreto ba ang aksyon sa ginawang kongklusyon? Ipaliwanag ang


iyong sagot.

5. Sang-ayon ka ba isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at


Unibersidad? Ipaliwanag ang iyong sagot.

6. Bakit mahalaga ang iyong paninindigan tungkol sa isyung Pagtatanggal ng


Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad? Ipaliwanag ang sagot.

Isagawa

Gawain 6
Panuto: Magsaliksik ng mainit na isyu sa ating kasalukuyang panahon. Isulat sa
talahanayan sa unang hanay. Pagkatapos maghanap ng sampung makakapanayam
para kunin ang kanilang sagot kung pabor ba sila o di-pabor sa isyu at ano ang
dahilan.

152
Mga Sagot
Isyu Dahilan
Pabor di-pabor
1.

2.

3.

4.

5.

Tayahin

Gawain 7

Bago magtapos ang paglalakbay mo sa modyul na ito, susukatin muna natin


kung lubos mo bang naunawaan ang paksang tinalakay.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto
ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI.

1. Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng


tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang mga
salita lamang.
2. Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang katangian ng
isang mananaliksik.
3. Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay ay
hindi lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng matibay na
argumento, kundi ito ay naghahasa rin sa pagkamalikhain ng mag-aaral.
4. Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang mabisa
itong makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang kaakit-akit at lohikal
ay mas madali makuha ang impormasyong hatid nito.

153
5. Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o
kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o
anumang obserbasyon sa isang lugar.
6. Kailangang mapatunayang tama ang counterargument na nailahad.
7. Sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensya ang akademikong sulatin.
8. Ang iyong posisyon o stand tungkol sa isyu ay mababasa sa kongklusyon.
9. Mapagkakatiwalaan ang mga testimonyang nakabatay sa nakita, narinig,
naamoy at nadama.
10. Ang mga ebidensya ay mula sa obserbasyon, mga pahayag ng awtoridad
(pulis, abogado, doctor, atbp.).

Karagdagang Gawain

Gawain 8.1
Panuto: Gamit ang Venn diagram, ihambing at ihalintulad ang Nakalarawang
Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.

Nakalarawang Lakbay
Sanaysay Sanaysay
154
Gawain 8.2

Panuto: Pumili ng isang napapanahong paksa at gawan ng posisyong papel. Dapat

lagyan ng kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunod-sunod na argumento,

mga ebidensya at pagtalakay sa implikasyon bilang kongklusyon.

GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat
ng posisyong papel. 5
Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang

155
sulatin na posisyong papel. 5
Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at
angkop na paggamit ng wika. 5
Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya a.\ng
5
posisyong papel na nabuo.
KABUUAN 20
sinipi sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016)

Sa wakas ay natapos mo rin ang aralin na ito. Napakahusay mo na! Binabati


kita sapagkat na dagdagan mo na naman ang iyong kaalaman. Sana magamit mo
ito bilang instrumento sa pag-abot ng iyong tagumpay.

SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin
Gawain 1
1. Mali
2.Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
156

Tayahin
Gawain 7
SANGGUNIAN:

Aklat:

Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino


sa Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik. Makati City,

Philippines: DIWA Textbooks

Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan

(Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

157
Internet:

https://www.slideshare.net/

https://http543.

Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-sanaysay-baguio-trip/

accessed on January 18, 2018.

http://depedvalenzuela.ph/

als-secondary-module-6/

https://unsplash.com

Aklat

Julian A.B. at N.S. Lantoc (2017). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino sa


Piling Larang (Akademik). Quezon City, Quezon City, Phoenix Publishing House Inc.

Pamela, C.C. at G.S. Zafra (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Manila
Philippines: Rex Bookstore Publishing House Inc.

Internet

https://pinoymovieshub.co/movies/anak-2000/

158
Management Team

Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III


Regional Director

Co-Chairperson: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V


Asst. Regional Director

Maia Epra B. Magnaong


CES, CLMD

Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot Jr.


EPS-ADM
159

Himaya B. Sinatao
EPS-LRMDS
160

You might also like