You are on page 1of 21

IKALAWANG SEMESTRE

IKALIMANG LINGGO

TALUMPATI
IKALAWANG SEMESTRE
IKALIMANG LINGGO

TALUMPATI
ANG DAPAT MATUTUHAN

Nakasusulat ng talumpati batay


sa napakinggang halimbawa.
(CS_FA11/12PN0g-i-91)
pagbabalik-aral
Panuto: Ilalahad ng bawat grupo ang kanilang
ginawang gawain sa nakaraang aralin.
panimulang gawain
Panuto: Panoorin at unawain nang mabuti ang
isang talumpati mula kay Calvin Advincula at
sagutan ang mga sumusunod na tanong na
inihanda ng inyong guro.

Gamitin ang raise hand upang ibahagi


sa klase ang iyong sagot.
Ano ang paksa ng talumpati?
Ano ang layunin ng
mananalumpati sa kanyang
mga tagapakinig?
Sa paanong paraan magiging
epektibo ang nais o layunin ng
mananalumpati sa kanyang
mga tagapakinig?
Base sa kasalukuyang
panahon at iyong
nararanasan, ano ang iyong
maidaragdag sa mga sinabi
ng mananalumpati?
paghahabi sa layunin
Tanong: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na
magtalumpati sa harap ng mga kabataang Filipino sa
iyong barangay, ano ang paksa ng iyong talumpati, at
bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag.
ano ang talumpati?
Isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng publiko.
Ito ay ang pagpapahayag ng kaisipan o opinyon tungkol
sa isang paksa na maaaring mula sa pananaliksik,
pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid at karanasan.

Layunin:
Makapagbigay ng Kabatiran
Makapanghikayat
Makapagturo at Makapagpaliwanag
Makapagpatupad o Makapagpaganap
Talumpating ayon sa Kahandaan

❖ Impromptu - halos walang paghahanda sa pagsulat


at pagbigkas ng talumpati. Hal. Biglaang pagtawag sa
may kaarawan upang magbigay ng maikling talumpati.

❖ Extemporaneous - pinaghahandaan ito sa pamamagitan


ng pagsulat ng speech plan upang maging epektibo ang
pagbigkas.
Mga bahagi at Dapat Taglayin ng isang
talumpati upang maging Mabisa
1. PANIMULA.
-Dito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig.
-Dito ipinaliliwanag ang layunin ng talumpati.
2. PAGLALAHAD
-Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa ng
paksang tinatalakay.
-Dito rin inilalahad ang mga argumento.
3. KATAPUSAN
-Dito inilalahad ng pinakamalakas na katibayan,
paniniwala at katwiran upang makahikayat ng pagkilos
sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati

1. PAGPILI NG PAKSA.
2. PAGHAHANDA SA PAGSULAT.
Ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga
impormasyon at mga ideya para sa susulatin.
Dito isinasagawa ang paggawa ng balangkas,
ang pagpaplano, pagdedebelop at pagsasaayos
ng mga ideya bago buuin ang balangkas.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati

3. AKTUWAL NA PAGSULAT.
Dito isinasalin ang mga ideya sa mga
pangungusap at talata. Dito rin maaaring alisin,
dagdagan o isaayos muli ang mga detalye.
Gayunpaman, hindi pa rin binibigyan nang
ganoong pansin ang pagwawasto sa mga
kamalian sa gramatika sa gamit ng wika at ng
mekaniks.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati

4. PAGREREBISA AT PAG-EEDIT.
Ang hakbang na ito ay nangangahulugan ng
muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-
iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipan.
Maaring ring pagbabago sa nilalaman, sa
organisasyon ng mga ideya at sa istruktura ng
mga pangungusap at talata.
Gamitin ang raise
hand upang ibahagi pagpapalihan
sa klase ang iyong
sagot. Bakit mahalaga ang
pokus sa pagsulat ng
talumpati?
Gamitin ang raise
hand upang ibahagi pagpapalihan
sa klase ang iyong
sagot. Bakit kailangang tukuyin
ang kahalagahan ng
tatalakaying paksa?
Gamitin ang raise
hand upang ibahagi pagpapalihan
sa klase ang iyong Ano ang papel ng
sagot.
tagapakinig? Bakit
kailangan silang
isaalang-alang sa
pagsulat ng talumpati?
Maraming
Salamat!

You might also like