You are on page 1of 9

2

FILIPINO
Ikatlong Markahan Modyul 6
Ikaanim na Linggo

o dl
ng u
s k x
w q
r

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

2
Ano ang target ko?

Pagkatapos ng modyul na ito ay inaaasahan naisasagawa


mo ang layuning ito:

1. Nababaybay nang wasto ang mga salita tatlo o apat na


pantig, batayang talasalitaang pampaningin, at natutunang
salita mula sa mga aralin.

Aralin Nababaybay nang wasto ang


6 mga salita

Ano ako magaling?

Panuto: Basahin at bilugan ang letra ng salitang naiiba sa bawat


aytem.
1. talata A. talata B. talaan C. talata
2. bilihin A. bilihin B. bilihin C. bilihan
3. salamin A. salamin B. salapi C. salamin
4. bukirin A. bakuran B. bakuran C. bakuran
5. sasama A. sasama B. sasama C.sumama

Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Bigkasin ang ngalan ng bawat larawan. Isulat ang tamang


baybay ng mga ito. Ang mga sagot ay may kaugnayan sa ating
nakaraang aralin. Maaaring maiulat nang pasalita ang mga
naobserbahang pangyayari .Tara at simulan na natin.
3
__________ __________ _________ __________ __________ _________

Ano ang gagawin ko?

Sa tagpong ito, iyong tuklasin ang panibagong aralin. Tiyak


ikaw ay matututong muli. Handa ka na bang matuto? Simulan
mo nang basahin ang talata.

Maraming karapatan ang tinatamasa ng bawat kasapi


ng pamilya. Dapat pahalagahan ang mga ito ng bawat isa.
Nararapat magsikap ang mga magulang upang matugunan ang
pangangailangan ng mga anak.
Dapat namang isagawa ng mga anak ang kani-kanilang
tungkulin sa mga magulang at sa bawat miyembro ng mag-anak.

Sagutan:
Patungkol saan ang talatang iyong binasa?
Ano-ano ang iyong mga karapatan bilang isang bata?
Dapat bang pahalagahan ang iyong karapatan?

4
Ano ang kahulugan?

Salitang Nabuo Pagpapantig Bilang ng mga Pantig

kasapi ka-sa-pi 3
magulang ma-gu-lang 3
tungkulin tung-ku-lin 3
miyembro mi-yem-bro 3
karapatan ka-ra-pa-tan 4

• Mabubuo ang isang salita sa pagsasama-sama ng mga


pantig. Sa pagbaybay ng mga salita, laging isaisip ang mga
tunog ng mga titik na bumubuo dito.
• Lahat ng mga salita, ilan man ang bilang ng pantig ay dapat
baybayin nang tama. Malaking titik ang gamit sa mga
pangngalang pantangi at sa simula ng pangungusap.
• Ang pagpapantig ay wastong paghahati o paghihiwalay ng
mga pantig ng salita. Nakatutulong ang pagpapantig sa
tamang pagbigkas at pagbaybay ng mga salita.

Ano pa ang gagawin ko?

Gawain 1
Panuto: Bumuo ng limang salitang may tatlong (3) pantig. Gamitin
ang mga pantig na nasa kahon at isulat sa mga patlang ang
mabubuong mga salita.

5
wa lo mus la ka ko si to
bu tu pu pa ta ma ku mis
ba pat sa ran ne man ni ho

1. ________________________ 4. ________________________
2. ________________________ 5. ________________________
3. ________________________

Gawain 2
Panuto: Bumuo ng limang salitang may apat (4) na pantig. Gamitin
ang mga pantig na nasa kahon at isulat sa mga patlang ang
mabubuong mga salita.

ka ra te syon su yan gan lit


sa le no ha li por pag ku
bu ta ma pa bi ran Pi im

1. ________________________ 4. ________________________
2. ________________________ 5. ________________________
3. ________________________

Gawain 3
Panuto: Alin ang tamang pagpapantig? Bilugan ang titik ng iyong
sagot.

1. simbahan a. sim-ba-han b. sim-ba-ha-n


2. palengke a. pa-le-ng-ke b. pa-leng-ke
3. traysikel a. tray-sikel b. tray-si-kel
4. kabundukan a. ka-bun-du-ka-n b. ka-bun-du-kan
5. silanganan a. si-la-nga-nan b.si-la-ngan-an

Ano ang natamo ko?

6
May mga pamamaraan sa pagtukoy ng maling baybay sa
pangungusap.
• Basahing mabuti ang pangungusap.
• Tingnan mabuti ang mga salita rito.
• Suriin ang mga letrang bumubuo sa bawat salita upang
makita ang pagkakamali.
• Iwasto ang salitang mali ang baybay at basahing muli ang
pangungusap.

Ano ang kaya kong gawin?

Panuto: Isulat ng papantig ang mga sumusunod na salita.

1. traysikel
2. martilyo
3. produkto
4. karagatan
5. kabundukan

Kumusta na ang target ko?

Panuto: Piliin ang salitang may wastong baybay para sa bawat


pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Nagkamit ng maraming __________ si Harry sa paligsahan.
a. medalya b.midalya c.medalia
_____2. Binilhan ni Nanay ng bagong __________ si bunso.
a. uneporme b.uniporme c.oniporme
_____3. Si Alyanna ay nakatanggap ng magagandang __________
bilang regalo sa kaniyang kaarawan.
a. kwaderno b.kuaderno c.kwadernu

7
_____4. __________ ni Kelly sina Gigi at Kristel.
a. kaebigan b.kaybigan c.kaibigan
_____5. Nakakita ako ng __________ sa zoo.
a. elipante b.elepante c.elepanti

Ano pa ang kaya kong gawin?

Panuto: Magsulat ng mga salitang binubuo ng tatlo hanggang apat na


pantig.

Salitang may tatlong pantig Salitang may apat na pantig

Sanggunian
A. Aklat

Luz S. Almeda et.al (2013) Ang Bagong Batang Pinoy – Ikalawang


Baitang Filipino: Rex Book Store Inc.
Grace Urbien-Salvatus et.al (2013) Mother Tongue- Based Multi-
lingual Education: Rex Book Store Inc.

8
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS


Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS

Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA


Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ

Writer: MELANIE A. MINDAROS

Content Evaluators:
Language Evaluator: SHEILA MARIE D. ABONIN
DONNABEL F. BALANTAC

Reviewers: DR. JENNIFER G. RAMA


Illustrator: NATHANIEL C. MACAAMBAC
Lay-out Artist: JEROME B. L0ZADA
Content Validator: AILEEN C. RIEGO
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS – FILIPINO
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like