You are on page 1of 3

Ang Chaplet ni San Miguel Arkanghel

GABAY SA PAGDARASAL (Ang Chaplet ni San Miguel Arkanghel)

ANO ITO?
Sinasabing ang Chaplet ni San Miguel ay ibinigay sa isang Portuges na madreng Carmelita na
si Sor Antonio d’Astonaco noong ika-19 na siglo. Pinagtibay ito ni Santo Papa Pio IX noong
taong 1851. “Ang buong buhay ng Simbahan ay nakikinabang sa mahiwaga at
makapangyarihang tulong ng mga anghel.” (CCC 334)

ANG PANANALANGIN NG CHAPLET


NAMUMUNO: O Diyos, ✠ halina’t ako’y alalayan.
BAYAN: Panginoon, magmadali at ako’y tuluyan.
NAMUMUNO: Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
BAYAN: Kapara noong una, ngayon at magpakailanman. Amen.

UNANG KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga SERAFIN,
nawa’y gawin ng Panginoon na karapat-dapat tayong mag-alab nang may apoy ng ganap na
kawanggawa.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)

IKALAWANG KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga KERUBIN,
nawa’y ipagkaloob ng Panginoon ang grasyang iwanan ang mga landas ng kasalanan at
tumungo  sa daan ng ganap na Kristiyano.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)

IKATLONG KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga TRONO,
nawa’y ipalaganap ng Panginoon sa ating mga puso ang isang tunay at tapat na diwa ng
pagpapakumbaba.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)

IKA-APAT NA KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga
DOMINACION, nawa’y ipagkaloob ng Panginoon ang grasyang mapagharian natin ang ating
mga katinuan at mapaglabanan ang anumang walang kaayusang simbuyo ng damdamin.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)


IKALIMANG KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga VIRTUD,
nawa’y ingatan tayo ng Panginoon laban sa kasamaan at pagbagsak sa tukso.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)

IKA-ANIM NA KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga POTESTAD,
nawa’y kalingain ng Panginoon ang ating mga kaluluwa laban sa mga patibong at tukso ng
demonyo.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)

IKAPITONG KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga PRINCIPADO,
nawa’y punuin ng Diyos ang ating kaluluwa ng tunay na espiritu ng pagtalima.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)

IKAWALONG KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga ARKANGHEL,
nawa’y bigyan tayo ng Panginoon ng pagtitiyaga sa pananampalataya at sa lahat ng mabuting
gawain nang makamtan natin ang luwalhati ng langit.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)

IKA-SIYAM NA KORO
NAMUMUNO: Sa pamamagitan ni San Miguel at ang makalangit na koro ng mga ANGHEL,
nawa’y ipagkaloob ng Panginoon na mapangalagaan nila tayo dito sa buhay sa lupa at
pangasiwaan sa darating na buhay sa langit.
BAYAN: Amen.

(dasalin ang Ama Namin at sundan ng tatlong Aba Ginoong Maria)

PANANALANGIN NG AMA NAMIN SA KARANGALAN NG MGA BANAL NA ANGHEL


1.) Sa karangalan ni San Miguel Arkanghel, dasalin atin ang Ama Namin.
2.) Sa karangalan ni San Gabriel Arkanghel, dasalin atin ang Ama Namin.
3.) Sa karangalan ni San Rafael Arkanghel, dasalin atin ang Ama Namin.
4.) Sa karangalan ng mga Anghel na Tagatanod, dasalin atin ang Ama Namin.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
NAMUMUNO: Ating dasalin ang pangwakas na panalangin.
BAYAN: O dakilang prinsipe, San Miguel Arkanghel, pinuno at kumandante ng mga kawal sa
langit, gabay ng kaluluwa, manlulupig ng mga naghihimagsik na espiritu, lingkod sa tahanan ng
Dakilang Hari at aming kahanga-hangang tagapangasiwa; ikaw na nagliliwanag sa iyong
kagalingan at kabutihang higit pa sa tao, iadya Mo kami sa lahat ng masama, kami na lumalapit
sa iyo nang buong tiwala. Bigyan mo kami ng kakayahan, sa pamamagitan ng iyong kalinga, na
lalo pang maglingkod sa Diyos nang buong sigasig araw-araw.
NAMUMUNO: Ipanalangin mo kami, dakilang San Miguel Arkanghel, Prinsipe ng Simbahan ng
ating Panginoong Jesukristo.
BAYAN: Nang kami’y maging karapat-dapat sa Kanyang mga pangako.
NAMUMUNO: Manalangin tayo.
BAYAN: Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, nang dahil sa kagila-gilalas Mong
kabutihan at mabuting hangarin para sa kaligtasan ng sangkatauhan, ay tinalaga ang
pinakadakilang arkanghel na si San Miguel, Prinsipe ng Iyong Simbahan. Aming hiling na gawin
Mo kaming karapat-dapat na mailayo sa lahat ng aming mga kaaway, nang wala sa kanila ang
manggulo sa amin sa oras ng kamatayan, nang sa gayon kami ay pangasiwaan ni San Miguel
patungo sa Iyong presensya. Lahat ng ito ay aming hinihiling sa pamamagitan ni Jesukristo na
aming Panginoon. Amen.

#MOASDampol #MissioadGentes #500YOC #SanMiguelFiesta2021 #UnangHuwebes

You might also like