You are on page 1of 2

Mga Panalangin sa Araw-araw na Pagbangon Tuwing Umaga

Chaplet ng Pananampalataya

(Sa umpisa, dasalin ang)


Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.(7x)
________

(Sa bawat malalaking butil ng bawat dekada)


Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na Maylikha ng langit at
lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng
mga yumao; nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; at doon magmumulang paririto't maghuhukom sa
nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na
Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasa-lanan, sa
pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
_______

(Sa sampung maliliit na butil bawat dekada)


Hesus, Maria, Mahal kita
Iligtas ang mga kaluluwa,
Lalo na yaong mga banal(10x)
_______

(Pagkatapos, bigkasin)
Aba Po Santa Mariang Reyna, Ina ng awa, ikaw ang kabuhayan, pag-asa't katamisan; aba
pinananaligan ka namin. Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw na anak ni Eva. Ikaw rin ang
pinagbubuntuhang-hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung
matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong anak na si Hesus. O magiliw,
mahabagin, matamis na Birheng Maria.(5x)
Panalangin sa Anghel na Tagatanod

(Awit)
Anghel ng Diyos,
Tagatanod kong mahal,
na sa Pag-ibig Niya
ako sa iyo'y ipinaubaya--
sa araw na ito
sa piling ko'y huwag lumisan,
ako'y tanglawan, bantayan,
pamunuan at gabayan.
Amen.
________

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.(7x)
_____________

Panalangin kay San Jose

O San Jose na ang proteksyon ay napakadakila, napakalakas, napakabilis sa


harap ng trono ng Diyos, inilalagay ko sa iyo ang lahat ng aking mga interes at hangarin. O San
Jose, tulungan mo ako sa pamamagitan ng iyong makapangyarihang pakikibahagi at kunin para
sa akin mula sa iyong Banal na Anak ang lahat ng espirituwal na pagpapala sa pamamagitan ni
Hesukristo, aming Panginoon; nang sa gayon, ang pagkakasalin dito sa ibaba ng iyong
maluwalhating kapangyarihan ay maialay ko ang aking pasasalamat at pagpupugay sa
pinakamamahal na mga ama. O San Jose, hindi ako nagsasawa sa pagmumuni-muni sa iyo at
kay Hesus na natutulog sa iyong mga bisig. Hindi ako naglakas-loob na lumapit habang Siya ay
nagpapahinga malapit sa iyong puso. Himukin mo Siya sa aking pangalan at halikan ang
Kanyang dalisay na ulo para sa akin, at hilingin sa Kanya na ibalik ang halik kapag ako ay
naghihingalo. San Jose, patron ng mga yumaong kaluluwa, ipanalangin mo kami. Amen.

You might also like