You are on page 1of 3

Mga Panalangin sa Araw-araw na Pagbangon Tuwing Umaga

Marcos 1:35
Madaling-araw pa'y bumangon na si Jesus at nagpunta
sa isang lugar kung saan maaari siyang manalanging
mag-isa.

Panginoon,
Magandang umaga po. Maraming salamat po sa bawat umaga
na kami ay iyong ginigising. Binibigyan ng pag-asa sa lungkot
at ligaya, sa hirap man o ginhawa, ikaw ay laging kasama.
Salamat sa mga pagpapala, sa mapagmahal na pamilya na
iyong pinakamagandang biyaya.. Araw-araw nawa ay iyo
kaming pakaingatan saan man kami mapunta at gagabayan
sa lahat ng aming gawain. Ikaw nawa ang manguna sa lahat
ng aming disisyon at mga plano sa buhay..
Maraming salamat po. Amen.
___________

Chaplet ng Pananampalataya (Chaplet of Faith)

(Sa umpisa, dasalin ang)


Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.(7x)
________

(Sa bawat malalaking butil ng bawat dekada)


Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na Maylikha ng langit at
lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng
mga yumao; nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat; at doon magmumulang paririto't maghuhukom sa
nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na
Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasa-lanan, sa
pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
_______
(Sa sampung maliliit na butil bawat dekada)
Hesus, Maria, Mahal kita
Iligtas ang mga kaluluwa,
Iligtas ang mga konsagrado(10x)
_______

(Pagkatapos, bigkasin)
Aba po, Santa Mariang Harì, Iná ng Awà,
ikaw ang kabuhayan at katamisan;
aba, pinananaligan ka namin.
Ikaw ang tinatawag namin,
pinapanaw ng taong anak ni Eba.
Ikaw rin ang pinagbúbuntuhang-hiningá namin
ng aming pagtangis dito sa lupang bayang
kahapis-hapis.

Ay! Abá pintakasi ka namin,


ilingón mo sa amin ang mga matá mong maawaín,
at saká kung matapos yaríng pagpanaw sa amin,
ipakità mo sa amin ang iyóng Anak na si Hesús.
Santa María, Iná ng Diyos,
maawaín at maalám at matamís na Birhen.(5x)

V. Ipanalangin mo kami, O santang Ina ng Diyos.

R. Nang kami'y makinabang sa mga pangako ni Jesu-cristong aming Panginoon.

Manalangin tayo.

Panginoon, pagkalooban Mo kami ng kalusugan sa aming


katawan at kalooban

pakundangan sa pagdalangin ng Mahal na Birheng Maria

ay mahango kami sa hapis sa kasalukuyan

at makinabang sa walang-maliw na kaligayahan;

alang-alang kay Cristong aming Panginoon.

R. Amen
Panalangin sa Anghel na Tagatanod

(Awit)
Anghel ng Diyos,
Tagatanod kong mahal,
na sa Pag-ibig Niya
ako sa iyo'y ipinaubaya--
sa araw na ito
sa piling ko'y huwag lumisan,
ako'y tanglawan, bantayan,
pamunuan at gabayan.
Amen.
________

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.


Kapara ng unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.(7x)
_____________

Panalangin kay San Jose

O San Jose na ang proteksyon ay napakadakila, napakalakas, napakabilis sa harap ng trono ng


Diyos, inilalagay ko sa iyo ang lahat ng aking mga interes at hangarin. O San Jose, tulungan mo
ako sa iyong makapangyarihang pamamagitan at kunin para sa akin mula sa iyong Banal na
Anak ang lahat ng espirituwal na pagpapala sa pamamagitan ni Hesukristo, aming Panginoon;
nang sa gayon, ang pagkakasalin dito sa ibaba ng iyong maluwalhating kapangyarihan ay
maialay ko ang aking pasasalamat at pagpupugay sa pinakamamahal na mga ama. O San
Jose, hindi ako nagsasawa sa pagmumuni-muni sa iyo at kay Hesus na natutulog sa iyong mga
bisig. Hindi ako maglalakas-loob na lumapit habang Siya ay nagpapahinga malapit sa iyong
puso. Himukin mo Siya sa aking pangalan at halikan ang Kanyang dalisay na ulo para sa akin,
at hilingin sa Kanya na ibalik ang halik kapag ako ay naghihingalo. San Jose, patron ng mga
yumaong kaluluwa, ipanalangin mo kami. Amen.

You might also like