You are on page 1of 12

Department of Education

Region V
CHAMSOMANG CHRISTIAN SCHOOL OF BALAOGAN INC.
Balaogan Bula, Camarines Sur
Division of Camarines Sur
“The School that Brings Hope for the Future”

Filipino 8
Modyul
Ikaapat na Markahan
16
Paglalahad ng Damdamin, Saloobin
Pangyayari at Pagsusuri ng Kaisipan

Pangalan:
__________________________________________________________________
___
Petsa:
__________________________________________________________________
________
Magandang araw! Alam mo bang ang tulang “Kay Selya” na nalikha ni Francisco “Kiko”
Balagtas Baltazar ay nagsasalaysay at naglalarawan bilang pagbabalik-tanaw sa kanilang matatamis,
masasaya at malulungkot na sandali ng kanilang pagiibigan ni Selya?
Kung ating babalikan ang kasaysayan ang kalungkutang nadarama dulot ng matinding kabiguan at
kawalang katarungan sa loob ng bilangguan ang nagudyok kay Balagtas na likhain ang kanyang
obrang Florante at Laura. Ito ay handog niya sa kanyang pinakamamahal na si Selya na ang
pinatutungkulan niya ay walang iba kundi si Maria Asuncion Rivera na naipakasal na sa iba.
Ang obrang ito ay pinakapopular dahil ito ay naglalarawan sa makatotohanang pangyayari sa buhay
ang pagmamalupit, pagtataksil at kawalang katarungan.
Ang nilalaman ng obra ni Balagtas ay ang mga paghihirap ng pangunahing tauhan na si Florante sa
loob ng masukal na gubat. Ang mga paghihirap niyang ito ay kagagawan ni Konde Afoldo bunga ng
labis nitong inggit sa kanya. Ang mga pangyayaring ito ay repleksyon sa mga karanasan ng ating
butihing makatang si Balagtas.

Sa araling ito ay matutunghayan mo ang paghahandog niya ng tula kay Selya, ang mga mahahalagang
tauhan at ang papel na kanilang ginagampanan sa buhay ng ating pangunahing tauhan at higit sa lahat
ang paghihinagpis ng pangunahing tauhan na si Florante.

Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang:

 Nakalalahad ng mahahalagang pangyayari sa mga tulang


Atin ng Suungin!
tinalakay;
 Nakasusuri ng pangunahing kaisipan na nakapaloob sa
tula/kabanata;
 Nakabubuo ng hugot lines gamit ang wika ng kabataan na
naglalahad ng damdamin o saloobin ng may-akda at;
 Nakapagpapahalaga sa obra maestrang Florante at Laura sa
pamamagitan ng masusing pag-aanalisa sa damdamin at saloobing
nakapaloob rito.
Panuto: Basahin o kantahin ang piling liriko sa awiting “Paubaya” ni Moira Dela Torre at sagutin ang
sumusunod na mga katanungan nito.
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na ‘pipilit pa Ang tanging hiling ko
lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya.

Mga katanungan:

1. Ano ang nais ipahiwatig ng manunulat sa piling lirikong ito?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Ano ang damdamin o saloobing nangingibabaw sa liriko?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Bakit kaya naisulat niya ang awiting ito?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Ang damdamin at saloobin ng isang tao ay maaaring bunga ng kanyang karanasan o mga pangyayaring
naganap sa kanyang buhay.

Ang damdamin ay tumutukoy sa pakiramdam, panloob na emosyon o reaksyon sa isang bagay o


kalagayan ng tao. Ang mga halimbawa nito ay galit, tuwa, lungkot, kaba, hinanakit at iba pa. Sa
pagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon ginagamitan ito ng bantas na padamdam o pananong at
maikling sambitla (aray! naku! wooww! atbp.) upang higit na matiyak ang damdaming nais ipahayag. Ang
saloobin ay tumutukoy sa kalagayan ng pag-iisip, pananaw, persepsyon, kaisipan, ideya, opinyon, pag-
uugali at pagkilos bunga ng damdaming naghahari sa isang tao sa isang takdang oras o panahon. Ang
saloobin ay maaaring positibo o negatibo. Ang mga halimbawa nito ay pagpapakumbaba, hindi
pagpapatinag sa bawat problemang dumating, pagdarasal at pagpapatawad. Maaari ring negatibo kagaya
ng pagkawala ng pag-asa, paghihiganti, paghihimagsik at iba pa.

Sa mga sumusunod na mga tula ay masusubaybayan mo ang mga damdamin o emosyon at saloobing
naghahari rito.

KAY SELYA
Mababasa sa mga saknong sa tulang “Kay Selya” ang pagbabalik-tanaw ni Balagtas sa babaeng
minahal niya nang labis. Kung babalikan mo ang kasaysayan ang pangalang “Selya” ay hinango sa
salitang “Celia” na tawag noon sa isang uri ng serbesang sinasangkapan ng katas ng trigo, isang uri ng
inuming lalong sumasarap lumalaon. Bukod pa rito ang pangalang “Selya” ay hango sa pangalan ni Sta.
Cecilia, ang patron ng musika sapagkat ang dalagang pinatutungkulan niyang “Selya” na si M.A.R o
Maria Asuncion Rivera ay kilala sa kanyang husay sa pagawit at pagtugtog ng alpa. Nangingibabaw sa
tula ang sari-saring emosyon o damdamin habang inaalala ni Balagtas ang nakalipas tulad ng tuwa,
lungkot, takot, kaba, hinanakit, pangungulila at atbp. Inaalala niya ang matatamis, masasaya at
malulungkot na sandali ng kanilang pag-iibigan bilang pang-aliw sa kanyang dusa’t kabiguan. Palaging
nasa alaala ni Balagtas si Selya. Ang kanilang pamamasyal sa ilog Beata’t Hilom at sa mga lansangang
may puno ng mangga; ang pag-aalala niya kay Selya noong ito ay nagkasakit; ang pagmamahal at
pangungulila niya kay Selya.

Ngunit hindi sila itinadhana ng kapalaran. Ipinakasal si Selya sa isang mayaman at makapangyarihang
lalaki na si Nanong Kapule. Ang kabiguan niyang ito ay siyang nagbigay-daan sa paglikha niya ng
obra maestrang Florante at Laura. At ang obra maestrang ito ay inihandog niya kay Selya. Ipinayo niya
sa mambabasa na maging maagap sa anumang ibig gawin upang di-matulad sa kanyang naunahan ng
iba sa kanyang pag-ibig. Masasaksihan mo sa mga linya ang katatagan at pagpaparaya bilang saloobin
ng ating butihing makata sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

Mahahalagang Tauhan ng Florante at Laura


Mga Tauhang Kristiyano
Florante- Anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Kasintahan ni Laura. Siya ang magiting na
heneral ng hukbo ng Albanya at nagpapabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at
naipatapon sa gubat.

Laura- Anak ni Haring Linceo at kasintahan ni Florante. Siya ay magandang dalagang hinangaan at
hinangad ng maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-ibig ay
nanatiling laan lamang kay Florante.

Konde Adolfo- Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa
husay at popularidad habang sila ay nag-aaral pa sa Atenas. Siya ang nagpapatay kina Haring Linceo at
Duke Briseo, nagpahirap kay Florante, at nagtangkang umagaw kay Laura.

Duke Briseo- Ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ni Haring Linceo.

Prinsesa Floresca- Ang mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo at anak ng hari ng
Krotona. Maaga niyang inulila si Florante sapagkat namatay siya habang nag-aaral pa lang si Florante
sa Atenas.

Haring Linceo- Ama ni Laura. Siya ay makatarungan at mabuting hari ng Albanya.


Konde Sileno- Ama ni Adolfo na taga- Albanya.

Menalipo- Pinsan ni Florante. Nakapagligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya’y
sanggol pa lamang.

Menandro- Matalik na kaibigan ni Florante. Naging kaklase niya sa Atenas. Naging matapat na
kanang kamay ni Florante sa mga digmaan at nakapagligtas din sa kanyang buhay.

Antenor- Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo at Menandro habang sila’y nagaaral pa sa Atenas.
Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.

Mga Tauhang Moro


Aladin- Isang gererong Moro at prinsipe ng Persya; anak ni Sultan Ali-Adab. Naging kaagaw niya ang
ama sa kasintahang si Flerida kaya’t pinili niyang magparaya at maglagalag sa kagubatan. Dito niya
iniligtas si Florante na itinuring na mahigpit na kaaway ng kanilang bayan at relihiyon.

Flerida- Kasintahan ni Aladin na tinangkang agawin ng ama ni Aladin na si Sultan Ali-Adab. Tumakas
siya sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa
kamay ni Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay ang buhong.

Sultan Ali-Adab – Malupit na ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.

Emir- Gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng
dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ni
Florante.
Heneral Osmalik- Magiting na Heneral ng Persya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo
at napatay ni Florante.

Heneral Miramolin- Heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya subalit nalupig nina
Florante at ng kanyang hukbo.

BUOD
ANG HINAGPIS NI FLORANTE

Sa pambungad na tagpuang ito ay makikilala mo ang isang lalaking nasa kaawa-awang kalagayan,
nakagapos sa isang punong higera sa gitna ng isang madilim at mapanglaw na gubat, siya ay walang iba
kundi si Florante, ang pangunahing tauhan ng awit. Siya ay isang matikas at magiting na heneral ng
Albanya at sa ngayo’y nawawalan na ng pag-asa. Dito makikita ang mga baging at kahoy na nababalot
ng tinik. Ang mga bulaklak naman ay pawang kulay luksa na nakikiayon sa nakaliliyong masangsang
na amoy. Ang mga hayop na gumagala na karamiha’y ahas o serpiyente; halimaw na mukhang butiki;
mga tigreng ganid at mababangis. Maririnig mula sa binata ang kanyang mga pagtangis at hinagpis
dulot ng sama ng loob dahil sa pagkakagapi sa kanya at ang paghihirap ng kanyang mga minamahal na
nasa kahariang Albanya dahil sa pananakop ng taksil at masamang Konde Adolfo.

Inilalarawan sa mga saknong ang mga pang-aapi sa bayan niyang minamahal. Ironya ang nangyari sa
kaharian ng Albanya sapagkat ang iniluklok sa posisyon ay ang mga sukab at mga trahidor. Bukod dito
ay kaliluhan ang naghahari at ang mga taong nagsasabi ng katotohanan ay tiyak na may kalalagyan.

Isinasaad ng mga saknong ang matinding emosyon gaya ng galit, lungkot, takot at poot. Mababasa mo
rin ang panghihina ng kalooban ni Florante at ang paghahangad niyang maparusahan ang mga taong
nagtaksil sa kanya habang tinatawag ang panginoon. Ngunit sa kabila ng lahat ay nananaig ang
pagtitiwala sa diyos.

Sa pilosopiyang ito nagkaisip at lumaki si Balagtas sa turong ito ng simbahan, ang magtiwala sa
Maykapal upang madali niyang maisalin sa mensahe ng tula.

Ngayon ay babasahin mo ang tatlo sa mga tulang nakapaloob sa Florante at Laura. Upang magabayan
ka sa iyong pagbabasa ay pansinin mo ang mga mahihirap na salitang makikita sa babasahin mong tula.

pagsaulan- alalahanin dilidili- alaala

hilahil-suliranin mawatasan- maunawaan

panimdim-gunita dalata’t- lupang malapit pampang

sanlang-alaala Pebo- araw

tabsing- talsik ng tubig dagat naumid- napipi

kutad- di pa sanay kalis-espada; tabak

basilisko- halimaw na mukhang butiki

nimpas-magagandang diwata o diyosa ng kagubatan

higera- isang punong mayabong, malalapad ang dahon

sipres- uri ng punong mataas at matuwid lahat ang sanga

Kay Selya
(Mga Saknong 1-22)
1 8
Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang Di maikailang mupo ang panimdim sa
nangakaraang araw ng pag-ibig, may puno ng manggang naraanan natin, sa
mahahagilap kayang natititik liban na kay nagbiting bungang ibig mong pitasin, ang
Selyang namugad sa dibdib? ulillang sinta’y aking inaaliw.

2 9
Yaong Selyang laging pinanganganiban, Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik sa
Baka makalimot sa pag-iibigan, Ang buntonghininga nang ikaw’y may sakit,
ikinalubog niring kapalaran sa
himutok ko noo’y inaaring Langit, Paraiso
lubhang malalim na karalitaan.
naman ang may-tulong silid.
3
10
Makaligtaan ko kayang di basahin,
Liniligawan ko ang iyong larawan sa
Nagdaang panahon ng suyuan namin
makating iog na kinalalagyan, binabakas ko
Kaniyang pagsintang ginugol sa akin at
rin sa masayang doongan, yapak ng paa mo
pinuhunan kong pagod at hilahil.
sa batong tuntungan.
4
11
Lumipas ang araw na lubhang matamis at
Nagbabalik mandi’t parang hinaharap dito
walang natira kundi ang pag-ibig, Tapat na
sa panahong masayang lumipas, na kung
pagsuyong lalagi sa dibdib, Hanggang sa
libingan bangkay ko’y maidlip. maliligo’y sa tubig aagap nang hindi abutin
ng tabsing sa dagat.
5
Ngayong namamanglaw sa pangungulila 12
Parang naririnig ang lagi mong wika:
Ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalala sa iyong “Tatlong araw na di nagtatanaw-tama.” at
sinasagot ng sabing may tuwa:
larawa’y ninitang ginhawa.
“Sa isa katao’y marami ang handa.”
6
13
Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel
kusang inilimbag sa puso’t panimdim, nag- Ano pa nga’t walang di nasisiyasat ang
iisang salnlang naiwan sa akin at di pag-iisip ko sa tuwang lumipas, sa
mananakaw magpahanggang libing. kagugunita, luha’y lalagaslas
sabay ng taghoy kong “O, nasawing palad!”
7
Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw sa 14
lansanga’t nayong iyong niyayapakan, sa ilog Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
Beata’t Hilom na mababaw yaring akong ang suyuan nami’y bakit di lumawig? nahan
puso’y lagging lumiligaw. ang panahong isa niyang titig ang siyang
buhay ko, kaluluwa’t langit?
15 19
Bakit baga noong kami’y maghiwalay ay di Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop, tubo
pa nakitil yaring abang buhay? Kung gunitain ko’y dakila sa puhunang pagod, kung binabasa
ka’y aking kamatayan, Sa puso ko Selya’y di mo’y isa mang himutok ay alalahanin yaring
mapaparam. naghahandog.

16 Itong di matiis 20
na pagdaralita nang dahil sa iyo, O Masayang nimpas sa lawa ng Bay, sirena, ang
nalayong tuwa, ang siyang umakay na tinig ay kawili-wili, kayo ngayo’y siyang
ako’y tumula, awitin ang buhay ng isang pinipintakasi ng lubhang mapanglaw na musa
naaba. kong imbi.

17 21
Selya’y talastas ko’t malabis naumid. Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,
mangmang ang musa ko’t malumbay ang tinig, di tonohan ng lira yaring abang awit, na
kinabahagya kung hindi malait palaring dinggin nagsasalitang buhay ma’y mapatid, tapat
mo ng tainga’t isip. na pagsinta’y tapat na lumawig.

18 22
Ito’y unang bukal ng bait kong kutad na Ikaw na bulaklak niring dilidili, Selyang
inihahandog sa mahal mong yapak, sagisag mo’y ang M.A.R. sa Birheng mag-
tanggapin mo nawa kahit walang lasap, ina’y ipamintakasi ang tapat mong
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
lingkod na si F.B.

Ang Hinagpis ni Florante

(Mga Saknong 1-25)

1 5
Sa isang madilim gubat na mapanglaw, Karamiha’y cipres at higuerang kutad Na
dawag na matinik ay walang pagitan; halos ang lilim niyon ay nakasisindak; Ito’y
naghihirap ang kay Pebong silang, dumalaw walang bunga’t daho’y malalapad Na
sa loob na lubhang masukal. nakadidilim sa loob ng gubat.
2 6
Malalaking kahoy ang inihahandog, Ang mga hayop pang dito’y gumagala,
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
karamiha’y Syerpe’t basiliskong madla;
huni pa ng ibon ay nakalulunos, sa lalong
hyena’t tigreng ganid na nagsisila ng
matimpi’t nagsasayang loob.
buhay ng tao’t daiging kapuwa.
3
7
Tanang mga baging na namimilipit, sa
Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit sa
sanga ng kahoy ay balot ng tinik, may bulo
Abernong reyno ni Plutong masungit; ang
ang bunga’t nagbibigay-sakit.
nasasakupang lupa’y dinidilig ng ilog
sa kangino pa mang sumagi’t malapit.
Kositong kamandag ang tubig.
4
8
Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat, may
Pnakamaputing nag-ungos sa dahon, Pawang
punong higerang daho’y kulay pupas, dito
kulay-luksa at nakikiayon
nakagapos ang kahabag-habag, isang pinag-
Sa nakaliliyong masangsang na amoy.
usig ng masamang palad.
9 18
Bagong-taong basal ang anyo at tindig, “At ang balang bibig na binubukalan ng
kahit nakatali kamay, paa’t leeg, kung di si sabing magaling at katotohanan, agad
Narciso’y tunay na Adonis mukha’y binibiyak at sinisikangan ng kalis ng lalong
sumisilang sa gitna ng sakit. dustang kamatayan.
10 19
Makinis ang balat at anaki’y burok, pilik-mata’t “O taksil na pita sa yama’t mataas! O
kilay mistulang balantok; bagong sapong ginto hangad sa puring hanging lumilipas! ikaw
ang kulay ng buhok, sangkap ng katawa’y ang dahilan ng kasam-ang lahat at niring
pawang magkaayos. nasapit na kahabag-habag.
11 20
Dangan doo’y walang oreadas nimpas, “Sa korona dahil ng Haring Linceo at sa
kayamanan ng dukeng ama ko ang
gubat na palasyo ng masidhing harpias;
ipinangahas ng Konde Adolfo sabugan ng
nangaawa disi’t naakay lumiyag sa
sama ang Albanyong reyno.
himalang tipon ng karika’t hirap.
21
12
“Ang lahat ng ito, maawaing langit Iyong
Ang abang uyamin ng dalita’t sakit ang
tinutunghaya’y ano’t natitiis? mula ka ng
dalawang mata’y bukal ang kaparis; sa
buong katuwira’t bait, pinapayagan
luhang nanatak at tinatangis-tangis ganito’y
mong ilubog ng lupit.
damdamin ng may awing didib.
22
13
“Makapangyarihang kamay mo’y ikilos,
“Mahiganting langit, bangis mo’y nasaan?
papamilansikin ang kalis ng poot; sa
ngayo’y naniniig sa pagkagulaygay bago’y ang Reynong Albanya’y kusang ibulusok ang
bandila ng lalong kasam’an sa Reynong iyong higanti sa masamang loob.
Albanya’y iwinawagayway. 23
14 “Bakit kalangita’y bingi ka sa akin, ang tapat
“Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kong lubog ay hindi mo dinggin?
kaliluha’y siyang nangyayaring hari, diyata’t sa isang alipusta’t iring sampung
kagalinga’t bait ay nalulugami, ininis sa tainga mo’y ipinangunguling?
hukay ng dusa’t pighati. 24
15 “Datapuwat sino ang tatarok kaya sa
“Ang magandang asal ay ipinupukol sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?
laot ng dagat ng kutya’t linggatong; walang mangyayari sa balat ng lupa, di
baling magagaling ay ibinabaon at may kagalingang iyong ninanasa.
inililibing na walang kabaong. 25
16 “Ay saan ngayon ako mangangapit? saan
“Ngunit ay ang lilo’t masasamang loob, ipupukol ang tinangis-tangis, kung ayaw na
sa trono ng puri ay iniluluklok; at sa ngayong dinggin ng langit, ang sigaw ng
balang sukab na may asal-hayop aking malumbay na boses!
mabangong insenso ang isinusuob.
17
“Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo at
ang kabaita’y kimi’t nakayuko; santong
katuwira’y lugami at hapo at luha na
lamang ang pinatutulo.
Pamprosesong Tanong:

1. Kanino inihandog ni Balagtas ang kanyang obra na Florante at Laura?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ano-anong emosyon o damdamin ang naghahari sa mga tula?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Paano inilalarawan ni Florante ang kaharian ng Albanya habang siya ay nasa gubat?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

PAGSASANAY

A. PANUTO: Isulat sa iyong kuwaderno ang pangunahing kaisipan ng mga kabanatang nabasa o buod
ng tulang natalakay sa katapat nitong kahon.

Kay Selya

Ang Hinagpis ni Florante

B. Panuto: Ilahad ang mahahalagang pangyayari batay sa mga saknong sa ibaba.

1. Ngayong namamanglaw sa pangungulila ang


ginagawa kong pang-aliw sa dusa, nagdaang panaho’y
inaalala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa. (Kay Selya)
Sagot: ________________________________________________________

2. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw sa


lansanga’t nayong iyong niyapakan,
sa ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw. (Kay Selya)

Sagot: ________________________________________________________

3. “At ang balang bibig na binubukalan ng


sabing magaling at katotohanan, agad binibiyak
at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan. (Ang Hinagpis ni Florante)

Sagot: ________________________________________________________

4. Sa loob at labas ng bayan kong sawi


Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Iniinis sa hukay ng dusa’t pighati. (Ang Hinagpis ni Florante)

Sagot: ________________________________________________________

PAGGAWA

Sa kasalukuyan, maraming mga salita na ang umuusbong batay sa mga pangangailangan ng mga tao.
Lalo na sa panahon ng sosyal midya, maraming salita na at wika ang nagawa bunga ng mga
karanasan at mga pangyayari.
PANUTO: Gamit ang wika ng kabataan, bumuo ng hugot lines na nagpapahayag ng damdamin o
saloobin (partikular na sa kanyang kabiguan at mga panyayari sa lipunan) ng may- akda na
nag-udyok sa kanya sa paglikha ng obrang Florante at Laura.

Halimbawa:

Hindi ko hiniling na jowain mo ako ‘pagkat wala akong gaanong datung dito sa mundo. Gurl
tulungan mo na lang akong makaahon mula sa pagkalunod ng pag-ibig ko sa iyo.
Gamitin ang pamantayan sa ibaba.

Rubrik sa Isusulat na Hugot Lines


Kategorya Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan Iskor
mahusay pa ng pagsasanay
(5) (4) (3) (1)

Kaisipan o Malinaw na Malinaw at Di-gaanong Magulo o di


Konsepto malinaw at maayos na malinaw at malinaw ang
maayos na naihanay maayos na pagkakahanay ng
maayos na ang mga naihanay mga kaisipan o
naihanay ang kaisipan o ang mga konsepto.
mga kaisipan konsepto. kaisipan o
o konsepto. konsepto.
Kaangkupan Angkop na Angkop ang Di-gaanong Magulo ang
angkop ang mensahe sa angkop ang mensahe at walang
mensahe sa damdamin mensahe sa koneksyon ng
damdamin at at saloobin ng damdamin damdamin at
saloobin ng mayakda sa at saloobin ng saloobin ng
may-akda sa tulang mayakda sa mayakda sa tulang
tulang naitalakay. tulang naitalakay.
naitalakay. naitalakay.
Pagkamalikhai n Napakagand Maganda at Di-gaanong Hindi maganda ang
a at napakalinaw maganda ang pagkakasulat o
napakalinaw ng ng pagkakasul pagkakabuo ng
pagkakasulat pagkakasul at o hugot lines.
at o
o pagkakabuo pagkakabuo pagkakabuo
ng hugot lines. ng hugot ng hugot
lines. lines.

Wika ng Gumamit ng 3 Gumamit ng Gumamit ng Hindi gumamit ng


Kabataan pataas na wika 2-3 wika ng 1-2 wika ng wika ng kabataan.
ng kabataan. kabataan. kabataan.

Kabuuan
Ang Florante at Laura ay naisilang dulot ng malaking kabiguan sa pag-ibig
at kawalang katarungang nararanasan ni Francisco “Kiko” Balagtas
Baltazar. Ito ay handog niya sa kanyang pinakamamahal na si Selya na si
Maria Asuncion Rivera. Ang pinakapopular na obrang ito ay naglalarawan
sa mga makatotohanang pangyayari sa ating lipunan. Nagsimula ang
pagsasalaysay sa isang gubat na mapanglaw na kung saan ang
pangunahing tauhan na si Florante ay nakagapos sa isang puno ng higera.

Mga Sanggunian:
Aklat: Badua Zenaida S. (2001). Forante at Laura. Quezon City. Vibal Publishing House. Baisa-Julian A.
et.al. (2014). Pinagyamang Pluma 8. Quezon City. Phoenix Publishing House Inc. Cruz, Emerlinda G.
et.al. (1999). Florante at Laura Ni Francisco Balagtas. Paraňaque, Metro Manila. Emerald Publishing
House.

You might also like