You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Justice
National Prosecution Service
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
Malabon City

Investigating Prosecutor

XXX
Assisted by her mother:
Complainant,

-versus- NPS Doc. No. XV-10-INV-19C-00128


For: Violation of RA 7610

AAA
Respondent.

x-----------------------------------------------------x

KONTRA-SALAYSAY

Ako si XXX, nasa hustong gulang, nakatira at may pahatirang


sulat sa No. 18 Mallari Street. Barangay San Agustin, Malabon City,
pagkatapos makapanumpa ayon sa batas ay malayang nagsasabi at
nagsasalaysay ng buong katotothanan ng mga sumusunod;

1. Na ako ang pinagbibintangang respondent sa kasong ito;

2. Na aking mariing itinatanggi ang mga paratang at akusasyon sa


akin ng complainant na si XXX. Pawang walang katotohanan at
gawa gawa lamang ang kaniyang akusasyon na hinablot ko daw sya
at nasugatan ko ang anak nya sa baba at nagkaroon ng bukol sa
likod ng ulo;

3. Na ang katotohanan sa mga sinasabi nya ay ang mga sumusunod;

a. Na noong March 2, 2019, bandang ala syete ng umaga, ako


ay papasok na sana sa aking trabaho bilang isang Security
Guard na naka assign sa Regional Trial Court sa Dampa
Barangay Niugan, Malabon City;

b. Nagbukas ako ng tindahan ko at habang nagbubukas ay


dumaan saglit si Nanay Chay at tinawag nya ako upang
ipaalam sa akin na magkakaroon ng ambagan para sa
pagpapagawa ng aming kanal sa looban. Walang ganong
salita ay umoo ako at dina nagtanong;
c. Na dahil papasok na ako at nagmamadali ay ni hindi ko na
nagawang itanong ang detalye ng ambagan dahil baka ako ay
ma late. Basta sinabi ko ay oo at magbibigay ako. Di ko na
inintindi;

d. Na ang complainant na si Geraldine Santiago ay nakatira


lamang sa tapat ng aking bahay at katapat na pintuan. Bigla
syang sumabat at sinabi na “Marami kang Kuda, Putang
ina mo ka. Matagal na kong nanggigil sayo!”. Pero di ko
na ito pinansin at wala akong panahon sa kanila at ako ay
magtatrabaho at ma lalate na;

e. Paglabas ko sa eskinita ay sinundan ako ng dalawa kong anak


na sina SHAINA MAE ZAMORA (12 years old) at SHANE KHIAN
ZAMORA na (8 years old) upang ihatid ako sa labas ng
eskinita;

f. Maya mya pa ay nakita ko itong si Geraldine Santiago at


nagulat nalamang ako at hinarap ako at pagalit na sinabi na,
"KAPAL NG MUKHA NG PUTANG INA MO!!! MATAGAL NA
KONG PUNONG PUNO SAYO! GIGIL NA GIGIL AKO SA
INYONG MAG-INA. HINDI PA AKO TAPOS SA IYO!
HUMANDA KA AT ILALAMPASO KO ANG MUKHA MO SA
DAAN GAGO KA!!!”;

g. Noong narinig iyon ng mga anak ko ay biglang nag iyakan sila


sa takot kay Geraldine sapagkat sunod sunod ang
pagmumura at panduduro sa amin ng mga anak ko ng
“PUTANGINA NYO AT MGA GAGO” kaya napayakap na sila
sa akin dahil takot na takot sila;

h. Na dagdag pa nya at iniiskandalo kami sa labas at sinabi na


“KAHIT NAGTATRABAHO KA PA SA JUSTICE AY WALA
AKONG PAKIELAM!LUMAYAS KAYO DITO SA LUGAR NA
TO!!!” Pero imbis na makipag bangayan ako at patulan si
Geraldine ay inisip ko muna nag mga anak ko. Kaya
pinatatahan ko sila;

i. Na matapos nuon ay sa panggigigil ko ay agad kaming


nagtungo sa Barangay upang ireklamo si Geraldine. Maya
maya ay sumunod naman itong si Geraldine, nagpunta ng
Barangay at nagreklamo din ng gawa gawa dahil alam nyang
irereklamo ko tlaga sya. Pormal akong naghain ng reklamo
laban kay Geraldine;

4. Na UNA, sinabi ni Geraldine na nagtitinda sya ng lugaw nung


umagang iyon sa labasan, at sinasabi nya na karga karga nya ang
anak nya. Paano sya magtitinda kung karga nya ang anak nya?;

5. Na PANGALAWA ay malinaw sa kanyang complaint na sya ang


kumausap sa akin. Sya ang nagprovoke at kumonpronta sa akin.
Ipagpalagay natin na ako nga ay nagsalita o nagcomment sa
pagsingil sa akin. Hindi naman sya ang naniningil at hindi ko sya
kinakausap. Kaya napak imposible na lapitan ko sya o ang anak nya
ng walang dahilan;

6. Na PANGATLO, nakita ko lamang ang sinasabing bata nuong


nagsisisigaw na si geraldine at pinagdududuro ako at mga anak ko.
Habang nag iiyakan ang mga anak ko sa ginawa ni Geraldine ay
lumabas ang asawa nyang si ROCKY MALINAB karga ang kanilang
isang taong gulang na anak upang awatin sya at papasukin si
Geraldine;

7. Na habang ako ay busy sa pagpapahupa sa dalawa kong anak na


tumahan ay nakatalikod na inaawat ni ROCKY ang asawa nya,
pumapagitna at itinataboy si Geraldine. Kung kayat ni haplos o
tingin ay hindi ko nakita ang bata dahil mas concern ako sa dalawa
kong babaeng anak na natrauma sa mga pinagsasabi ni Geraldine;

8. Na PANG APAT, bukod duon ay sinabi Geraldine na nabukulan sa


likod ng ulo ang anak nya. Paano mangyayari iyong exageration na
iyon kung sa mismong medico legal ay wala namang ganuong
findings;

9. Na PANG-LIMA ay sinabi nya na sya ang hinablot ko daw, kung


gayon ay paano magkakaroon ng bukol sa likod ng ulo???;

10. Na , kahit mismo sya ay walang naipakitang medico legal na


magpapatunay na sinaktan ko sya. Puro gawa gawa lamang at
eksaherasyon ang kanyang mga kwento;

11.Na,kung totoo ang kanyang sinasabi ay bakit hindi sya nagpa


blotter para dito. Nagging after thought nalamang ang pag fifile ng
kasong ito dahil nakita nya na agad akong nagpa blotter sa
Barangay dahil sa ginawa nya sa mga anak ko. Aking inilalakip ang
kopya ng aking blotter bilang Annex 1. Akin ding pormal na
inireklamo sya sa Barangay. Aking inlalakip ang minutes ng aming
paghaharap bilang Annex 2;

12.Na mukhang gusto nya lang din akong pagkaperahan dahil nuong
March 11, 2019, ay may sinasabi syang bayaran ko nalang daw sya
ng isang libo (P 1,000.00) at iaatras nya ang demanda sa akin;

13.Na hindi ako pumayag dahil wala akong ginagawang masama sa


kanya. Na kahit kaya kong magbayad ng ganuong halaga ay hindi
ko iyon gagawin dahil napakasinungaling nya at gumagawa sya ng
kwento, magkapera lamang at matapatan lang ang aking reklamo
sakanya;

14.Na ako ay mayroon ng nakahaing reklamo laban sa kanya na


kasalukuyang nakabinbin sa opisina ng Kagalang galang na Taga
Usig Panglungsod;

15.Na bukod sa pagpunta sa DSWD at nirefer kami sa CPU-PGH


(Annex 3) ay kasalukuyan din kaming may schedule ng Psychiatric
evaluation sa National center For Mental Health para sa kasong
Child Abuse na aking ipafile laban sa kanya sapagkat nagging
matatakutin at ayaw lumabas ng bahay ng mga anak ko;

16.Na nagharap kami sa Barangay ngunit hindi nagkasundo, kung


kayat aking inilalakip ang aking kopya ng Certificate to file action
bilang Annex 4;

17.Na ng pangyayaring ito kayang patunayan ng testimonya ng anak


ko na aking inilalakip bilang Annex 5;

18. Na dahil sa mga kadahilanang nabanggit ay hinihiling ko po sa


KAGALANG GALANG NA HUKOM na idismiss na ang reklamo
laban sa akin ni XXX sa kawalan ng ebidensya at basehan laban sa
akin.

BILANG PATOTOO SA LAHAT NG ITO, inilagda ko ang aking pangalan


ngayong ika-____ ng April 2019, sa Lungsod ng Malabon

RESPONDNET
Nagsasalaysay / Inirereklamo

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _____ day of APRIL


2019 in Malabon City. I, further, certify that I have personally examined the
affiant and that I am satisfied that he voluntarily executed and understood
his affidavit.

Assistant City Prosecutor

You might also like