You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

WRITTEN TEST IN ESP 9


(Week 1 and 2)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Pagkatapos, piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sa sumusunod ang


nagpapakita nito?
A. May “Feeding Program ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ang timbang
B. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
C. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
2. Alin sa sumusunod ang kilos ng makatarungang tao?
A. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukyang nagyayari sa sistemang legal ng bansa.
B. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.
C. Binisita ng guro ang mag-aaral na ayaw ng pumasok upang kausapin siya at ang kanyang mga
magulang na bumalik ito sa pag-aaral.
3. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Palaging nasasalamuha ang kapwa
B. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
C. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
4. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
A. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
B. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
C. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba
5. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinababatay sa moral na batas ang legal na batas?
A. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos
B. Ang moral at legal n batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
C. Hindi maaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa
lipunan
6. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.”Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Nakatakda ang batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
B. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga
ito.
C. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan
nito ang kaniyang buhay.
7. Alin ang makabuuang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
A. Sundin ang batas trapikoat ng mga alituntunin sa paaraln
B. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa
C. Igalang ang karapatan ng kapwa
8. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
A. Binubuo ng tao ang lipunan
B. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
C. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan.
9.Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging 2 makatarungan maliban sa
A. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi
10. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita nito?
A. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
B. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.
C. Nagkakaroon ng “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
D. Bumibili ang lahat sa paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
11. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos ng isang makatarungang tao?
A. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
B. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa
lipunan.
C. Binibisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kanyang
mga magulang na bumalik ito sa pag-aaral.
D. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon
upang maglaro ng basketbol.
13. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-unawa sa karapatan ng kapwa maliban sa _________.
A. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.
B. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
C. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
D. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa.
14. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
A. Pakikisalamuha sa kapwa
B. Paglilingkod sa karapatan ng naaapi
C. Pakikipagtulongan sa mga mayayaman at mga mahihirap
D. Pakikipag-ugnayan sa kapwa at kalipunan
15. Ano ang tamang pagtugon upang makamit ang Katarungan Panlipunan?
A. Ikulong ang lumabag sa batas.
B. Patawarin ang humingi ng tawad
C. Sumunod sa tamang proseso
D. Bigyan ng limos ang namamalimos
ANSWER KEY

1. C
2. B
3. B
4. C
5. D
6. C
7. C
8. B
9. A
10. C
11. C
12. C
13. D
14. B
15. C

You might also like