You are on page 1of 2

Delos Santos, Princes Lovely Rose Q.

BSE-ELT 2

Panuto: Bumuo ng mga salitang maglalarawan o magpapaliwanag sa salitang PANITIKAN. Angkupan ang
bawat titik ng pangungusap na tutugon sa hinihingi ng gawain.

P Pagsusulat ng may pananaw


A Anyong nagbibigay ng interest sa mambabasa
N Naglalantad ng katotohanan
I Isang repleksyon ng nakaraan at salamin ng kasalukuyan
T Talaan ng buhay, kasaysayan at pangarap
I Isang tradisyon o kaugaliang nagpapatunay sa pangyayare sa nakaraan
K Kaalamang maibabagi sa susunod pang henerasyon
A Akdang pinapairal lumipas man ang maraming taon
N Nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at diwa

GAWAIN 1

Panuto: Magtala ng tatlong pangungahing isyung kinahaharap ng bansa ngayon. Suriin ang mga isyung
ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga teorya sa pagsusuring pampanitikan na tinalakay.

ISYU TEORYA PALIWANAG


Covid-19 Pandemic Realismo Ang pandemyang kinakaharap sa kasalukuyan ay hindi
kapani-paniwala noong una bagkus ay minaliit natin ito dahil
iniisip nating isa lamang kalokohan lalo na para sa kabataan.
Isang masalimuot na realidad kung saan napakaraming bagay
ang naapektuhan. Nasaksikan ng bawat indibidwal ang dulot
nitong kahirapan sa bawat isa, gayundin sa ekonomiya ng
bansa. Ang ibay itinuturing itong salot gaya noong unang
panahon, isang kaganapan na hindi natin lubos isipin ngunit
ito ang reyalidad ng buhay, hindi matatakasan.
Kahirapan Sosyolohikal Ang kahirapan ay isang teoryang sosyolohikal sapagkat mulat
tayo sa kahirapan na hindi mawala wala sa ating buhay.
Natatalakay ang kalagayan ng lipunan, ang kapamuhayan,
sitwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa
ganoong buhay, sanhi ng pang-aapi at pagkaapi. Sa kabila
naman nito dala ng kahirapan may mga tao pa ding tunay na
may puso, nagiging bayani sa mata ng mahihirap.Naipapakita
sa buong mundo ang kalagayan ng bansa at gayundin
kung paano ito bigyang solusyon o sugpuin ng nasa
posisyon o kapangyarihan.
Edukasyon Humanismo Ayon kay Dr. Jose Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan
kung saan ang kabataan ang magbabago ng kalagayan sa
susunod na henerasyon. Sa pamamagitan ng edukasyon
maipapakita ang kakayahan ng tao mula sa murang isipan pa
lamang at ito ang layunin ng humanismo. Nakasentro sa
taglay na kakayahan at talento ng bawat tao ang humanismo
kung saan kung may edukasyon ka walang alinlangang
mahuhubog ang lahat ng ito at mailalabas sa buong mundo.
Sinusuri ang pagkatao, pagpapahalaga at kung pano
solusyunan ang suliranin upang sa ganun ay maipamalas ang
pagiging makatao.

GAWAIN 2

Panuto: Tukuyin kung sa anong panahon naganap ang mga sumusunod at ipaliwanag kung bakit. (2
puntos bawat isa)

Kasunduan sa Paris Panahon ng Liberasyon


Paglaganap ng Alpabetong Romano Panahon ng Kastila
Pag-iral ng Sarswela Panahon ng Amerikano
Pag-iral ng Mickey Mouse Money Panahon ng Hapon
Programang Pilipino Muna Panahon ng Liberasyon
Edsa Revolution Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan
ERAP para sa Mahirap Panahong Kasalukuyan
Pagtuturo ng Thomasites Panahon ng Amerikano
Proklamasyon ng Batas Militar Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunanc
Alibata bilang Sistema ng pagsulat Panahong Pre-Kolonyal

You might also like