You are on page 1of 9

GROUP 1

Members:
Jade
Rose Dywon
Genie
Solene

Title: Mystery of Murder


Genre: Mystery

•Third Person's POV•

"Azrille pinapa-tawag na tayo ni coach sa gym,"


Biglang napalingon ang dalagang babae sa kaniyang likuran matapos niyang
marinig na tinatawag siya.

"Ah sige, susunod na ko mag papalit lng ako ng damit." sagot naman ng
babae.

Nagtungo siya sa locker room para mag palit ng damit. Binuksan niya ito at
bigla siyang nagulat sa nakita niya. May sulat at bouquet ang nakalagay doon.
Sinamahan rin ito ng tsokolate.

Tiningnan niya kung kanino ito galing. Bigla naman siyang kinabahan.
Madalas ng may naglalagay ng ganito sa locker niya at hindi niya alam kung
kanino ito galing.

“Sino ba kasi ang nasa likod ng mga padalang ito?” tanong niya sa kaniyang
isipan.

May nobyo na siya at alam niyang hindi iyon galing dito. Alam niyang hindi
mahilig sa mga ganito ang nobyo niya.

Binuksan niya ang loob ng sulat. At tulad ng mga unang padala ay kulay may
kulay pulang salita na nakasulat dito. “I Love You.”

Bumuntong hininga nalang ang dalaga at umiling-iling. Kinuha niya ang mga
ito at itinapon sa pinakamalapit na nasubrahan.
Matapos no'n, kinuha na niya ang susuotin niyang damit para sa P.E nila at
tumungo siya sa cubicle. Nagpalit siya dito at nang matapos ay lumabas na
rin siya.

Pag labas niya ay biglang may lalaki ang lumitaw sa harapan niya. Nanlaki
ang mga niya sa nakita niya. Ito ay ang nobyo niya na galit na galit ang
ekspresyon habang nakatingin sa kaniya.

"Azrille! Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Sino ang nagpapadala sayo ng
mga bulaklak at tsokolate ha?!" nagpipigil na galit ng lalaki.

Nagulat siya. Biglang namawis ang mga kamay niya at nanlamig ang mga
kamay niya. Ngayon lang nagka'ganito ang nobyo niya.

"A-Anong pinagsasabi mo Ivhan?" kinakabahang tanong ng babae.

"Alam mong may nobyo ka na! Pero naglalandi ka pa! Putang*na! Tapos
magsinungaling ka pa?! Ha?!" galit na sigaw ng nobyo niya sa kaniya.

"B-Babe, ano bang—" Hindi na natapos ang sasabihin ng babae ng biglang


sinampal siya ng nobyo niya. Nagtagilid naman ang pwesto ng mukha niya.
Hinawakan niya rin ang pisngi niya.

"Makikipaghiwalay na ako sayo! Manloloko ka!" sigaw ng nobyo niya at iniwan


siya doon. Dahan-dahan namang tumulo ang luha niya at inangat ang tingin
niya.

Tiningnan niya ang papalayong bulto ng nobyo niya. Gusto niyang habulin ito
pero natatakot siya.

Lingid sa kaalaman nila may nakakita sa kanila.

Inayos nalang ng babae ang sariling niya at pinunasa ang luha niya. Aalis na
sana siya pero may pumigil sa kaniya. Lumingon siya at tiningnan iyon.

Nakita niya ang isang janitor. Nagulat naman siya at binawi ang kamay niya
dito. "M-Mang Kanor, ano pong—" pinutol ng matanda ang sasabihin niya.
"Anong nangyari iha? Bakit umiiyak ka?" masuyong tanong ng matanda.

Umiling-iling naman si Azrille at nginitian ito.


"W-Wala po. Um, aalis na po ako." nakangiting sambit niya at nagsimula ng
maglakad paalis doon.

Napangiti naman ang matanda.

--------

"THIRD POV"

Oras ng P.E ng college students sa section A kaya nagpasya ang lahat na


magpalit at 'yun na rin ang huli nilang klase bago mag-uwian. Subalit sa
paglipas ng oras ay may isa sa mga estudyante ang hindi nakabalik, kilala
ang estudyante na 'yun bilang masipag at pinakamaganda sa paaralan kaya
inisip ng lahat na baka may emergency lang nangyari kaya hindi na ito
nakabalik

KINABUKASAN kinuha ng Janitor ang mga gamit sa paglilinis. Papito-pito pa


ito habang naglalakad at kita sa mukha nito ang kakaibang saya, ngunit agad
din napalitan 'yun ng takot at gulat ng makita nito ang isang katawan ng
babae sa loob ng banyo, halos wala na itong saplot at kita sa itsura nito ang
hirap na dinanas bago nalagutan ng hininga.

Dahil sa ingay at sigaw ng Janitor may ibang mga guro at estudyante ang
nagmadaling tumakbo papunta sa pwesto nito at nang masaksihan at agad na
tumawag ng pulis.

Kinilala ang biktima na si Azrille Sandoval, ang babaeng biglang hindi na lang
bumalik sa klase kahapon, kilala din ito sa taglay na ganda.

Natataranta lahat ng tao sa paaralan. May mga pulis na nakapalibot sa stock


room. At mayroon ding SOCCO.

"Omygad! Siya si Azrille Sandoval diba? Bakit siya ganiyan? Anong nangyari
sa kaniya?" nagtatakang tanong ng isa sa mga istudyante habang nakatingin
sa bangkay ng babae.
"Oo nga no? Sino kayang may gawa sa kaniya?" sabat naman ng isa.

Maya-maya pa ay biglang dumating ang principal ng paaralan. At tinawag ang


janitor na nakakita at

"Mang Kanor sumunod kayo sa akin." seryosong sambit ng Principal.


Sumunod naman agad ito kahit pa kinakabahan siya.

At pagkapasok doon ay nakita nila ang isang lalaking naksuot ng pormal na


damit. Isang Detective.

"Who first saw the victim's body?" The Detective asked

Napatingin ang lahat sa Janitor na ngayon ay nanginginig sa takot

"A-Ako po, Sir" Kinakabang saad ng Janitor

"You are the first suspect in the murder of the victim" Wika ng pulis na lalong
nagpakaba sa Janitor

"P-pero hindi po ako ang pumatay.... Hindi ko po kayang gawin 'yun!"


Pagtatanggol nito sa sarili

"If you did not kill the victim, you have nothing to worry about, but as long as
there is no proof that you did not kill, you will remain a murder suspect." He
said

Hindi alam ng Janitor ang gagawin pero bigla n'yang naalaala ang nasaksihan
kahapon, kung saan nakita n'ya ang biktima na sinasaktan ng isang lalaki at
kung hindi s'ya nagkakamali nobyo ito ng dalaga.

"S-sir.... Nakita ko po ang biktima kahapon, may kasama po s'yang lalaki at


sigurado akong nagtatalo sila kahapon at sinaktan ng lalaki ang biktima"
Natigilan ang detective at napatingin sa mata ng Janitor bago kumuha ng
notebook at ballpen para isulat ang sinasabi nito na maaaring makatulong sa
kasi
"Maari ba namin malaman kung sino ang tinutukoy mo?" Tanong ng isa sa
mga pulis

Tumingin ito sa paligid at napadako ang tingin n'ya sa lalaki na tabi ng


biktima.

"Hindi ako maaaring magkamali, s'ya ang taong 'yun!" Napatingin ang lahat
ng ituro ng Janitor ang nobyo ng biktima

Sinenyasan ng detective ang isa sa mga pulis na palapitin ang lalaking


nakayakap sa biktima.

Agad itong napalingon sa kinaroroonan nito at lumapit

"Bakit po?"
Mugto ang mga mata nito at masasabi mong nasasaktan ito sa pangyayari.
Ang nobyo ng babae ay hindi makapaniwala sa nakikita niya gusto niyang
maiyak pero hindi niya magawa pero hindi natin masasabi dahil maraming
magaling uamkting.

Pumasok ang mga ito sa isang bakanteng Classroom at doon pinagpatuloy


ang pag tatanong

"Saan ka nung panahong nangyari ang krimen?"

"Pinaghihinalaan niyo ba ako?!" Galit na saad nito

Kinalma nito ang lalaki at nagusap sila ng masinsinan hanggang sa sumunod


na kinuwestyon ay ang kaklase nilang mahilig man trip dito sa babae

"What?! Why me?!"

"Maraming nakakita na sinasaktan mo raw ng pisikal itong biktima kaya


malaki ang posibilidad na isa ka sa suspect"

"Naglalaro lang kami at hanggang doon lang yun wala akong kinalaman sa
nangyari sa kanya" nilagay nito ang kanyang mga paa sa ibabaw ng mesa.
saglit na katahimikan ang nangyari bago ito nagsalita muli "Yung grupo nila
Stacey, nantitrip ako pero pinipisikalan nila yun"

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit nila ginagawa yun sa biktima?"

"Nakipaghiwalay sa kanya yung boyfriend niga at naging sila ni Azi"


--------

Natapos ang pagkuwestion at hindi pinayagang umalis ng paaralan ang


buong section kasama na ang Janitor at nanatili ang mga ito sa Dorm.

Kalagitnaan ng gabi ay isa sa studyante ang bumangon dahil hindi ito


mapakali at may nararamdaman itong hindi tama sa pangyayari, naglakad ito
ng dahan pababa kung saan naroon ang crime scene ngunit sa kanyang
surpresa ay may nauna na sakanya.

"Bles? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong nito

"Kung anong dahilan ng pinunta mo dito, may napapansin din ako" Kumuha
ito ng pins at binuksan ang lock sa stockroom kung saan nangyari ang krimen
"Wala akong tiwala sa detective na yun"

Pumasok ang dalawa at hinalughog ang buong silid, may napansin ang babae
na umiilaw sa ilalim ng shelf kaya agad nila itong tinignan at nakita nila ang
isang cellphone kaya agad nila itong kinuha.

Sabay nilang tinignan ito nakita ang mga numerong nakasulat dito.

4301940173012101320153

"What's that?" Tanong ni Laxus dito

"I think it's a code, wait let me handle this one" Tumango na lamang ang
binata at nagpatuloy sa pagscan ng silid at may nakita itong isa pang pinto
kaya pumasok ito doon.

Namangha na lamang siya kasi ito pala yung lumang cctv room na hindi na
ginagamit kasi raw marami dawng kakaibang nangyayari dito. Napansin nito
ang isang monitor na nakabukas kaya lumapit siya dito.

Napahawak nalang ito sa kanyang bibig sa gulat sa kanyang nakita dito,


naramdaman ng binata na lumapit ang kaklaseng babae nito doon at pati ito'y
nagulat.

Agad agad nitong kinuha ang selpon sa bulsa at pinasa ang video dito ilang
minuto ay bigla silang nakarinig ng kaluskos kaya agad agad silang nagtago.

May nakita silang isang Anino na nakatayo sa harap ng pintuan, pinilit nilang
huwag gumawa ng ingay at pigil hiningang nagtatago sa likod ng mga shelves
ilang minuto pa bago ito nawala.

Napahinga sila ng malakas dahil dito at agad agad na lumapas ng silid na


iyon ilang hakbang pa lamang ay naramdaman ng dalawa ang matigas na
bagay na dumapo sa kanilang ulo at agad na nawalan ng malay.

Nagising na lamang sila na nasa loob ng isang malaking water tank kung
saan pinopundo ng paaralan ang lahat ng tubig, napansin nilang unti unting
may lumalabas na tubig sa gilid kaya nakaramdam ang dalawa ng kaba.

Pinilit nilang manlaban at sumigaw ngunit walang nangyari, umabot hanggang


leeg ang tubig hanggang sa kinain na sila nito.

Nakita sila ng Janitor at agad na tinulungan ang dalawang walang malay.

-----------

8 hours later

"Mr. Alvarez ikaw ay suspect sa pagkamatay ng biktima dahil napatunayan na


hinaharass at binablackmail mo ang biktima na paghindi ito nakipag s*x saiyo
ay ibabagsak siya mo ito at dahil hindi pumayag ay pinatay mo ang kaawa
awang estudyante" Mahabang saad ng detective sa harap ng lahat at
pinosasan.

"What the F*ck are you talking about?! Hindi ko magagawa yun sa sarili kong
studyante!" Kumakawala ito sa hawak ni Detective Millers.
Pinakita nito sa lahat ng estudyane at sa guro ang video kung saan
Binablackmail ng guro ang biktima.

Galit ang buong klase sa kanilang guro, paalis na nasa ang Dalawa ngunit
biglang may dumating na mga pulis at inaresto si Detective Ian Aze Millers.

"What are you doing? Can't you see I'm a detective? Itong hawak ko ang
suspect hindi ako!" Pilit itong kumakawala sa mga pulis ngunit may biglang
nagsalita

"Oh talaga Detective Millers? Or should I call you Izrael Simpson?" Taas kilay
na sagot ni Laxus na nakapagpabigla sa Detective.

"Gulat ka ba? Na buhay kami?" Tumawa ng nakakaloko ang binata at lumapit


dito "Takot ka na malaman ng lahat ang tunay na suspect?"

Humarap siya sa mga police at binigay ang mga ebidensiya na nakuha at


nakita nila Bles sa lumang silid. Lumingom ulit ito sa suspect "Ang
pagkakamali mo lang ay ang iwanan kami ng buhay, ganun din si kaibigan
naming walang awa mong pinatay!" nanggalaiti nitong sigaw.

Kinwelyuhan nito ang suspect at pinigilan ito ng mga police. "Sa huling
hininga niya!! Hustisya ang tinatawag niya! Nag iwan siya ng clue para mahuli
kang hayop ka!!"

Inawat na ng mga police ang lalaki na may lihim pala itong pagtingin sa
biktima kaya nasasaktan ito ng sobra ngayon.

Nakulong ang biktima pati ang Guro dahil napatunayan na totoo ang lahat ng
sinabi ng nagpanggap na Detective sa kanya.

---------

10 Years Later.

Naging matagumpay ang buhay ng dalawang estudyante. Naging Detective Si


Laxus Monteverde at Lawyer naman si Bles Smith.

Napagusapan nilang magkita sa harap ng kanilang lumang paaralan,


maraming nangyari dito. At sabay nilang nilisan ito at nagpuntang Mental
Institute, dahil napagalamang Isa palang Psychopath Si Izrael Simpson o mas
kilala bilang Detective Miller at nagustuhan nito ang kaibigan nilang si Azi at
naging obsess ito dito at nang malaman na ito ay may nobyo at sinasaktan ito
ay ginawa niya ang lahat para makuha ang babae at di na masaktan pa.

Kinidnap nito ang babae at inalagaan na habang wala itong malay, pumalag si
Azi kaya walang nagawa ang killer para patayin ito.

Sa una ay nalungkot ito hanggang sa biglang tumawa na parang baliw


"Ngayon mahal ko hindi ka na masasaktan ng gagong yun at kailanma'y hindi
ka na masasaktan" At ngumiti ito at hinalikan ang babae.

"Nakakabaliw" putol na saad ni Laxus sa katahimikang namamagitan sa


kanila at sumangayon naman si Bles, napatingin sila sa labas ng bintana ng
sasakyan at sabay na bumaba.

Mental Institution, pumunta sila sa desk counter at tinanong ang pangalan ng


lalaki ngunit sa kasamaang palad nagpatiwakal ito last month.

Walang nagawa ang dalawa at sabay silang napatingin sa ulap at sa mata ng


isa't isa.
Sabay silang ngumiti at naghawak kamay na bumalik sa kotse at pinagpatuloy
ang kanilang buhay mag asawa.

Nabigyan rin ng hustisya ang kanilang kaibigan.

THE END.

You might also like