You are on page 1of 4

IRENE C.

GABOR
MAED-FILIPINO
MaFil 102- Kayarian ng Pilipino at Kontemporaryong Literatura ng Pilipinas

PAGSUSURI SA KWENTONG UHAW ANG TIGANG NA LUPA


I. Pamagat: Uhaw ang Tigang na Lupa
II. May-Akda: Ni Liwayway B. Arceo
III. Tagpuan:
a. Pook
Aklatan: Maaring sa tagpuan ng kwento mapupuna ang mga bagay na maaaring pinagmulan o
mga bagay na tatalakayin sa kwento. Dito ay matatagpuan ang talaarawan at liham ng ama na
ginamit upang buksan ang ang paksa kung saan matutukoy ang problema o suliranin sa kwento.
Dito din naganap ang mga bagay na di inaasahan, gaya ng mga bagay na doon lamang nadiskubre
ng ama,ina at ng anak na siyang bumasa dito. Kung hihimayhimayin ang parteng ito ngkwento
makikita na hindi lamang ang liham ang binanggit o ipinakita, nariyan din ang ang sobre, larawan,
at ang pelus na rosas. Maaaring mabanghay sa pagkakasunod sunod ang mga mahahalagang
detalye sa tagpuan.

b. Panahon:
Sa pagkakasunod sunod na ito sa banghay ng tagpuan ipinapakita ang pagkakaugnay ugnay ng
bawat isa na siya ring nagbibigay ng magandang daloy sa kwento nakung susuriing mabuti ay may
ibang mas malalim na kahulugan ang bawat isa na inilihim o di agad ipinakita ng may akda upang
magkaroon ng oras ang mambabasa na galugading maiigi ang loob ng kwento sa pamamagitan
palang ng tagpuan.
IV. Tauhan:
Anak: Ang tauhan sa kwento na siyang nagbukas sa mga papaksain ng mga iba pang tauhan. Sa
kanya din unang umikot ang kwento na siyang nagpakilala pa sa ibang tauhan.Kung papansinin ang
pamagat pa lamang ng kwento ay mapupukaw na kaagad kung ano o bakit yun ang pamagat ngunit
habang pinapasadahan ang kwento matatalakay ang pagkauhaw ng anaksa kanayang pamilya. Hindi
nito nararanasan ang saya ng isang tunay na pamilya dahil sa kalagayan ng kanyang ama at ina.
Ama: Isa siya sa pantulong na tauhan na kung saan kung susuriin o babasahing mabuti siya ang
dahilanbakit ang lungkot ng ina ay nadarama. Sa pamamagitan din niya naipakita ng may akda ang
mga problema sa kwento, kung bakit dinadanas ng ibang tauhan ang mga bagay sa suliranin sa
kwento. Sa kanya din sinimulan ang suliranin dahil sa liham na ipinakita palang sa bahagi ng
tagpuan.
Ina: Pantulong na tauhan na kung saan siya ang nagbigay ng emosyon sa kwento sa una pa lamang
nabahagi ng kwento ay ipinakita na ang emosyong kalungkutang namamayani sa kanya.
Mapapansin din na may kaugnayan ang ama at maging ng kanayang anak ang pag-ikot ng kwento.
IV.Simula Sinimulan ni Arceo ang maikling kwento sa pamamagitan ng paglalantad ng
pagpapakahulugan sa pamagat mismo. Sa simula pa.lamang ay ipinaliwang na niya kaagad ang
kahulugan ng Pamagat. Ang Uhaw ang tigang na lupa ay binigyang kahulugan sa pamamagitan ng
anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang pamilya.
VI. Saglit na Kasiglahan. Sa bahaging ito ang kawilihan ng kwento ay makikita sa pangungulila ng anak
sa pagmamahal ng kanyang mga magulang. Ang kasiglahan ng kwento ay sa pamamagitan ng
paglalarawan ng anak sa pananabik niya na magkaroon ng masaya at magandang pamilya, maging
ang pagkakaroon ng kapatid ay binanggit din.
VII.Suliraning inihahanap ng lunas. Paano kaya mapanunumbalik ng anak ang kasiyahan ng kanyang
pamilya. Paano mapipigilan ng anak ang pagiging malungkot ng ina at paano ang gagawin nito
upang malaman ang totoong nasapit ng ama bakit ganoon na lamang ang kanyang mga
magulang.Suliranin ito ng ama ngunit kailangan ang tulong ng anak dahil kung papansinin ang
kalungkutanng ina ay nagmula sa ama na siyang tinatalakay ng anak sa kwento.
VIII. Kasukdulan. Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamahlgitan ng liham
mahihinuha sa kwento na may hadlang sa kaligayahan ng ama at ng ina kung kayat ganun na lamang
ang lungkot na nakaukit sa mukha ng ina. Sa pamamagitan din ng isang larawan mas naintindihan ng
anak ang mga pangyayari na isinalaysay sa kwento."Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban,
ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina."Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na
ang dahilan ng kalungkutan ng ina. Kung gagalugarin ang linya ay makikita ang tunay na dahilan ng
kalungkutan ng ina.
IX. Kapanapanabik na Pangyayari
Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa
tuwina…Halos kasing gulang moa o nang pagtaliin ang mga puso naming ng iyong Ina…Mura pang
lubha ang labingwalong taon…Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang
magpapahirap sa iyo habang buhay…
Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamahlgitan ng liham mahihinuha sa
kwento na may hadlang sa kaligayahan ng ama at ng ina kung kayat ganun na lamang ang lungkot na
nakaukit sa mukha ng ina. Sa pamamagitan din ng isang larawan mas naintindihan ng anak ang mga
pangyayari na isinalaysay sa kwento.
"Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina."
Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan ng ina. Kung gagalugarin
ang linya ay makikita ang tunay na dahilan ng kalungkutan ng ina.
X. Kakalasan
Hindi naramdaman ng anak ang pagpasok ng kanyang ina sa aklatan. Ang kanyang ina ay lumisan sa
silid ng walang binitawang anumang kataga ngunit binati siya nito sa pamamagitan ng pagtapik sa
kanyang balikat. Malungkot ang kanyang ina ngunit pinuntahan pa rin nito ang pwesto kung saan
nakahiga ang kanyang ama. Naupo ang kanyang ina sa gilid ng higaan ng kanyang Ama at ang
kaliwang kamay nito ay kinulong sa kanyang mga palad. Sinabi ng kanyang ama sa kanyang ina na
magaling na siya at nais niyang makalaya sa moog na kaniyang kinabibilangguan. Ang pangyayaring
ito’y muling nagpaluha sa kanyang ina.
XI. Wakas
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na
ang kaligayahan ko... Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi
ko naaming kay Ina ang tinig na yaon: Maaangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni Ina ang
kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng
pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak
niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa..
Naipapakita ang pagmamahal aking inay sa aking ama.ngunit hindi ko lubos maintindihan kung ano
ano ang ibig sabihin kung ano ang ipinapahiwatig ng salita ni ama bago siya lumisan. Ngunit narooon
parin ang aking kalituhan sa mga pangyayari .

XII. Kalutasan ng Sulirananin


XIII. Mga Bisa ng Akda
Bisang Pangkaisipan: Walang perpektong magulang tao din sila nasasaktan. Kung hindi man nila maibigay
sa atin ang lahat ng ating pangangailangan subukan din nating silang unawain dahil
ang pagiging magulang ay hindi madaling responsibilidad.

Bisang Pandamdamin: Nakakalungkot dahil nakikita ko rin ang aking ina sa kuwento na sa kabila ng lahat ng
piangdaanan niya sa buhay kahit alam ko na malungkot siya hindi niya ipinakita sa
amin na umiiyak siya bagkus pinipigil niya ito.

Bisang Kaasalan: Bago tayo gumawa ng isang bagay o desisyon isipin muna natin kung ano ang
kahihinatnan ito dahil baka may nasasaktan tayong iba

XIV. Karagdagan
1. Paksang diwa o Tema.
Tinalakay sa kwento ang suliranin ng isang pamilya na dahil sa suliraning iyon ang anak ay
nauuhaw sa pagmamahal ng kanayang mga magulang. Naghahanap ito ng tunay na masasabing
pamilya.Tinalakay din dito ang suliraning pampamilya na kadalasang nagaganap sa ating bayan
o pamayanan.
2. Simbolismo
Liham- ang may akda ay gumamit ng liham upang di lantarang ipakita o sabihin ang mga unang
kaganapan sa kwento na kung babasahin ay makikita o malalaman ng isang may malawak na
pagiisip na mambabasa.Pelus na Rosas- o ang pagibig na dula ng tauhan sa kwento.Larawan- sa
pamamagitan ng larawan ang mga nakaraan sa kwento ay maaring malaman sa tulong na rin ng
liham na kalakip nito.Ama,ina at ang anak- sumisimbolo sa pamilyaPamagat "Uhaw ang tigang
na Lupa"- sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal sa isang anak dahil sa suliranin ng
pamilya.
3. Linggwahe
Gumamit si Arceo ng pormal na mga pananalita na kinapalooban din ng mga matatayutay na
pagpapahayag gaya ng linyang."Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko."Na maaaring
may iba pang lalim ng kahulugan na nais niyang iparating sa mambabasa kung gagalugarin ng
mambabasa.
Repleksyon
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway B. Arceo.
Paano ba mapapatunayan na tunay ang pagmamahal?
Ang isa bang pagkakamali ays apat na dahilan para iwanan ang minamahal?
Ito marahil ang nais sagutin ni Bb. Arceo sa kanyang akdang Uhaw ang Tigang na Lupa.

Isinulat sa mata ng isang bata,nais ng akda na patunayan sa atin na sa panahonngayon,mayroon pa ring


tunay na pagmamahal,at mayroon pa ring halaga sa lipunan angpamilya.Sa mata ng batang
karakter,ang kanyang pamilya ay perpekto-ang kanyang inaay mabait,sadyang di galitin,at di
masyadong masalita.Ang kanyang ama ay huwaran sapamilya-masipag,mabait at maaruga.Para sa
bata,ang kanyang pamilya ay masaya atpara bang wala nang suliranin,ngunit di nya naiisip na isang
bagay pala ang titibag sakanyang mga impresyon.Tunggalian sa akda ang pagsulpot ng kerida ng
kanyang ama-na isikreto ngmatagal na panahon hanggang sa natuklasan ito nang natagpuan ang
kanyangtalaarawan.Sa gitna ng pagsubok na ito ang kanyang ina ay nanahimik at nagsawalang-
kibo,huwaran kung iisipin dahil kadalasang di kakayanin ng isang babae na harapin nangpasibo ang
ganitong mga bagay.Sa pagkakasakit ng kanyang asawa nagawa pa nyangarugain ito ng buong puso,at
nang ito ay gumaling naibigay na rin nya ang kanyangpagpapatawad.Marahil ay nagtagumpay ang akda
dahil nagawa nitong makawala sa tradisyunalna mga kaganapan sa buhay.Maaring isipin natin na ang
ginawang pagpapatawad sa inasa kasalanan ng asawa ay pantasyang malabo nang maging
realidad,ngunit sa totoo langay kahanga-hanga man kung ito ay maganap.Palagian na nating naririnig
sa balita atnapapanuod sa mga telenobela ang kuwento ng mga pamilyang nasisira dahil
sapakikiapid,ngunit kung iisipin natin ay malungkot na repleksyon lang ito sa kunganumanang
nagaganap sa lipunan natin.Marahil,kung ang mga mag-asawa ay magagawa lamangna tibayin ang
pagsasama para sa kapakanan ng pamilya,mas mabibigyan natin ngmagandang kinabukasan ang mga
musmod,na madalas naiiwang nagtataka atnagrerebelde sa dahilang wala silang ina o ama.Dito
makikita natin ang akda bilang isang “feel-good” na akdana kapag mataposmong basahin ay
mapapaisip ka at mapapahanga.Ang kuwento,sa kabuuan ay inspirasyonsa atin na may mga bagay na
posible pang mangyari.Sa mata ng isang bata,lahat aymaganda,lahat ay inosente,lahat ay mapagmaha

You might also like