You are on page 1of 3

フィリピン日系人会国際学校

PHILIPPINE NIKKEI JIN KAI INTERNATIONAL SCHOOL


Angliongto Avenue, Brgy. Alfonso Angliongto, Buhangin District, Davao City
S.Y. 2021 – 2022

FILIPINO 9
BUWANANG PAGTATAYA
(Marso)

I. TALASALITAAN
Basahin at unawain ang sumusunod na MATALINGHAGANG PAHAYAG. Tukuyin ang
KAHULUGAN ng salitang nakasulat sa MALAKING TITIK sa bawat pangungusap, at isulat ang
letra ng tamang sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.

1. Nagulat si Edward sa kanyang nasaksihan. Siya ay PARANG TUOD SA


PAGKAKATAYO.
a. hindi makahinga c. hindi makalaban
b. hindi makagalaw d. hindi makatayo

2. Si Maria ay NAPIPI AT NI GAPUTOK AY HINDI NAKAPAGSALITA.


a. natahimik at walang nasabi
b. nautal at nahirapang bumigkas ng salita
c. natakot at nanigas
d. umurong ang dila

3. Kahanga-hanga si Maymay sa pagkakaroon ng DALIRING HUBOG KANDILA.


a. mainit na mga daliri
b. mahahabang daliri
c. mapapayat na daliri
d. magagandang hubog ng daliri

4. Bagama’t nagsasalita ng katunggakan at kababawan ay itinuturing na dakila DAHIL SA


KANILANG DILA.
a. iba ang kula ng dila
b. katabilan
c. iba ang wika na ginagamit
d. kakayahang gumawa ng kuwento

5. NAHULOG ang bantog na si Berto SA KAMAY NG BATAS.


a. nadapa sa harap ng pulis
b. napadpad sa presinto
c. sumuko sa batas
d. nahuli ng mga tagapagpatupad ng batas

II. PAMPANITIKAN
A. Baguhin ang mga dayalogo sa parabulang "Alibughang Anak" upang maiba ang
katangian o karakter ng mga pangunahing tauhan. (5 puntos)
DAYALOGO BINAGONG DAYALOGO
I. “Ama ibigay na po ninyo sa akin ang
mamanahin ko.” -Bunso
II. ”Madali! Dalhin ninyo rito ang
pinamahusay na damit at isuot sa kanya.
Suotan siya ng singsing at panyapak. Kunin
ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo
at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak
kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala
ngunit nasumpungan.” -Ama

III. “Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng


maraming aon at kailanma’y hindi ko kayo
sinuway. Ngunit ni minsan ay hindi ninyo ako
binigyan ng kahit isang bisirong kambing para
magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan.” -
Panganay

B. Suriin at unawain ang buod ng “Parabula ng Alibughang Anak” at isulat sa tahanayan


ang katotohanan, kabutihan, o kagandahang asal na taglay nito. maaaring parirala lang
ang isagot. (5 puntos)
BUOD:
May isang may-kayang pamilya. Ito ay binubuo ng ama at dalawang anak. Simula’t sapul ay
tinutulungan na ng ama ang kanyang dalawang lalaking anak. At magkakasama sila sa
matagal na panahon. Hanggang isang araw ay ipinasya ng bunsong anak na kunin na ang
kaniyang mana at maging mag-isa, ipinagkaloob ito ng ama. At nagsimula nang lumisan ang
bunsong anak, at sa paglipas ng panahon ay nagastos ng bunsong anak ang kanyang mana.
Nabaon sa utang at iba pa, kaya siya ay naghirap, nang maglaon ay nagbalik siya sa kanyang
ama at ang ama ay nagpasayang tanggapin siyang muli. Nung malaman ito ng nakatatandang
kapatid ay nagalit siya sa ama at kinuwestiyon ang desisyon nito, ngunit ng malaman niya na
ginawa ito ng ama, upang malaman ang kahalagahan ng pamilya ay nagbago ang kanyang
saloobin at lubusang pinatawad ang kapatid.

Katotohanan Kabutihan Kagandahang Asal

C. Batay sa elehiyang “Mahatma Gandhi”, ang tula ay binubuo ng anim na saknong.


Isulat sa patlang kung anong bilang ng saknong makikita ang sumusunod na kaisipan
mula sa tulang binasa.

____ 1. Si Gandhi ang naging dahilan kung bakit lumaya ang India sa kamay ng mga
mananakop.
____ 2. Sa pamamagitan ng pamumuno ni Gandhi ay nagising ang damdaming
Makabayan ng mga Hindu.
____ 3. Isang paraang ginamit ni Gandhi upang ipakita ang kanilang pakikipaglaban sa
mananakop na dayuhan ay pagboykot sa mga kalakal na buhat sa mananakop na bansa.
____ 4. Iniwan ni Gandhi ang mariwasang buhay at siya ay namuhay nang simple at
payak lamang.
____ 5. Ang pamumuno ni Gandhi ay kanyang ipinakita sa pamamagitan ng gawa at hindi
puro salita lamang.

D. Mag-isip ng isang natatanging Pilipino na maaaring ihambing at itulad kay Gandhi.


Punan ang Venn diagram. (5 puntos)

Mahatma Gandhi Natatanging Pilipino

III. PAGPAPALIWANAG
Ipaliwanag sa sariling pang-unawa at wastong paggamit ng wika sa Filipino, kung ano ang ibig
ipahiwatig ng kasabihan/kataga sa ibaba. (5 puntos)
“Mga dakilang Asyano modelong totoo, katapangan, kabayanihan, at damdaming
nasyonalismo sa kanila’y nakatatak, iyong mapipiho.”

You might also like