You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
STA. ANA ELEMENTARY SCHOOL
ESP 2
1st Summative Test

Pangalan: _____________________________________Baitang at Pangkat:_______________

I. PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng magandang gawain
at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Tumutulong akong maglinis ng loob at labas ng aming tahanan.

_______2. Tumatakbo ako sa labas upang maglaro pagkatapos kumain.

_______3. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga nakatatandang kasama sa bahay.

_______4. Naghuhugas ako ng kamay bago at pagkatapos kumain.

_______5. Sumunod sa ipinag-uutos ng magulang nang masama ang loob.

_______6. Nakita mong pilit na kinukuha ni Arlan ang laruan ni Jano, masaya ka pang

nagsabing awayin mo pa sya Arlan.

_______7. Mahusay maglaro ng isports na badminton si Karl. Nais magpaturo ng kaibigan niyang
si Gina, kaya pinayuhan niya itong mainggit na lang.

_______8. Nahihiyang sumali si Jane sa kompetisyon sa pagbigkas ng tula kahit na kabisado niya

ang piyesa. Natatakot siyang humarap sa maraming tao. Bilang kaibigan sasabihan mo
siyang lakasan ang loob at subukan upang masanay.

_______9. Iyak nang iyak si Lorenzo dahil hindi niya magawang bumasa ng mabilis.

Ngunit naisip niya ang gagawin at ito ay magpaturo sa nanay o tatay at mag-eensayo.

_______10. Hindi marunong sumayaw si Cathy subalit nais niyang matuto, kaya nagpaturo

siya sa kapatid na mahusay sumayaw.

II. Panuto. Bilugan ang letra ng tamang sagot  na nagpapakita ng kalinisan, kalusugan
at pag-iingat sa katawan.

1. Nagugutom ka, ano ang dapat mong kainin upang mapanatili malusog at malakas
ang iyong katawan?
a.  tsitsirya at softdrink.
b. gulay at prutas
c. frozen foods tulad ng hotdog at longganisa.
2. Sinabihan ka ng iyong nanay na maglinis ng bahay, ano ang gagawin mo?
a. Makikipaglaro na lamang sa mga kaklase.
b. Magcecelphone maghapon.
c. Susundin ang utos ni Nanay bago makipaglaro sa mga kaibigan.
1.Binilinan ka ng iyong tatay na huwag lumabas ng bahay dahil sa paglaganap
ng COVID-19 sa inyong  lugar , ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko siya susundin dahil malungkot ang nasa loob ng bahay.
b. Susundin ko si Tatay dahil alam kong makabubuti ito sa aking kalusugan
c. Tatakas ako upang makihalubilo sa aking mga kapit-bahay.
1. Maiiwasan ang pagkakasakit kung____________.
a.  Kumakain tayo ng masusustansiyang pagkain
b.  Kumakain  ng mga junk foods o tsitsirya
c.  Hinahawakan ang mga pagkain nang hindi naghuhugas ng kamay
1. Ang isang tao ay ay malusog kung siya ay___________
a. malakas at masigla ang katawan 
b. madaling dapuan ng sakit
c. napapagod kahit walang ginagawa

III. Panuto: 5 puntos


Iguhit ang natatangi mong kakayahan at sumulat ng pangungusap kung paano mo
ito isinasagawa nang buong husay.
Gamitin ang wastong baybay, bantas at wastong gamit ng malaking titik sa
pagsulat ng pangungusap.

You might also like