You are on page 1of 1

MANLANGIT, KATHLEEN KYLA

BSED2-FILIPINO
PANITIKANG PILIPINO
MR. JOSE MARTIN BONGAO

Pagiging Pilipino ang sumasalamin sa pagkakakilanlan ng bawat isa sa atin. Ang iba’t
ibang kultura, wika, at paniniwala ang siyang mas nagbibigay kulay sa ating buhay. Sa nagdaang
taon, tila maraming Pilipino na ang nakalilimot ng ating nakagisnan at tila mas binibigyang
pansin ang wika at kultura ng ibang bansa. Dapat nga bang hayaan lamang ito? O oras na para
bigyang aksyon ang bagay na ito?
Bilang isang mamamayang Pilipino na mayroong sapat na kaalaman tungo sa Panitikan
ng ating bansa ay akin itong gagamitin upang maipalaganap ang aking natatamong kaalaman sa
ibang tao lalong lalo na sa makabagong henerasyon. Sapagkat tila mas apektado sila sa isyung
pagkakaroon ng kamangmangan sa ating wikang nakagisnan dahil na rin sa epekto ng mga taong
nakapaligid sakanila. Hihikayatin ko ang bawat isa na makialam sa natatanging isyu sapagkat
kung ito’y hahayaan na lamang ay lalala ito at maaaring mag dulot ng hindi maganda sa ating
bansa. Bilang panghihikayat ay gagawa ako ng isang infographics na naglalaman ng mga
impormasyon tungo sa ating Pampanitikang mga Akda, dito ay nakapaloob rin ang kasaysayan
ng ating wika, kultura, at mga paniniwala upang mas maging kawili wili ito sa mga mata ng
mambabasa. Ang panghihikayat na ito ay maaari ring isagawa sa tulong ng social media na kung
saan mas malaki ang masasakupan nito, sa simpleng pagpopost at pagkuha ng pansin ng madla
ay maeengganyo ang bawat isa na maglaan ng kanilang oras upang magbasa ng naturang
nakapost at mga impormasyong nakalahad. Sa tulong nito ay tuluyang tatangkilikin ng bawat
indibidwal ang ating Panitikan at nasisigurong sila naman ang magbabahagi ng mga
impormasyong ito sa iba pang darating na henerasyon.
Ating sikapin na huwag kumupas ang pagkakakilanlan natin sapagkat ito ang natatanging
iba sa bawat isa sa atin. Responsibilidad ng bawat isa ang mag-aral ng mga bagay na ito ngunit
atin ring isaisip na mayroong mga taong walang interes dito kaya nama’y dito papasok ang
responsibilidad natin bilang isang mamamayang nag-aalala sa kanyang bansa.

You might also like