You are on page 1of 2

Talumpati ni Renz B.

Agal sa ika-42 Pagtatapos ng Cagayan State University – Sanchez Mira,


June 21, 2020 (Virtual Ceremonies.

Isang mapagpalang araw sa ating lahat!

Hindi matatawaran ang kasiyahang aming nadarama, sapagkat sa wakas ay narating din
namin ang araw na aming kinaaasam, ang aming pagtatapos. Ito ang isang natatanging
selebrasyong gumugunita sa mga sakripisyong aming ibinuhos habang tinatahak namin ang mga
makukulay na paglalakbay sa aming pinakamamahal na pamantasan, ang Cagayan State
University! Sa pagbabalik tanaw sa mga di-mahihigitang karanasan na aming naimbak,
magigisnan ang mga luha, pawis, ngiti, at maging halakhak na bumuo ng kakaibang bersyon ng
aming pagkatao, isang pagpapalit-wangis na nagresulta sa kung sino at ano kami ngayon! Truly,
this transformation signifies the glory of this priceless achievement!

On behalf of Batch 2020, I strongly acknowledge that this is not just our achievement
alone. It is a success shared by many people who have likewise endured with us.

I sincerely express my deepest gratitude to Cagayan State University headed by our ever
courageous and high-principled visionary President, Dr. Urdujah Gaerlan Alvarado, for allowing
us to experience this momentous event in a very rare and historic celebration.

To our committed and intelligent Campus Executive Officer, Dr. Narcitas Biado Ouano,
thank you for always inspiring us to carry and display the true spirit of a CSUan. Thank you for
making CSU-Sanchez Mira an arena of transformation and our home.

To all of our hardworking deans and dedicated teachers, thank you for pushing us
especially in times when we were about to surrender! Hindi ‘niyo lang kami tinulungang matuto,
bagkus ipinakita ninyo sa amin kung paano mas maging tao at makatao. Through your examples,
you have given us a core set of values that would allow us to be movers of society and
responsible individuals who will make a difference in the world.

Thank you to all the parents, relatives, and guardians who have painstakingly cared for all
of us. Thank you for your unconditional love and for your support, be it emotional or financial.
Maraming salamat at hindi ninyo hinayaang mawala ang alab at diwa ng aming mga pangarap.

Sa lahat po ng nag-organisa ng virtual na pagsasalong ito, kami po ay nagpapasalamat


dahil sa kabila ng krisis pangkalusugan, hindi ninyo kami binigo!

At sa pagkakataong ito, nais kong personal na pasalamatan ang mga guro at propesor
ng Kolehiyo ng Edukasong Pangguro na pinangungunahan ng aming mahusay at masikhay na
dekana, Dr. Melba B. Rosales, utang ko po sa inyo ang aking kamalayan kung paano mas
pipiliin ang tama sa mali. Kayo ang tulay. Kayo ang apoy. Kayo ang inspirasyon.
Sa aking inang wika, Gng. Eliza Oamil, maraming salamat po sa lahat ng mga aral at
dunong.

Sa aking pamilya, mga kaibigan, at sa lahat ng naniwala at nagtiwala sa akin, walang


hanggang pasasalamat, kayo po ang aking naging sandigan!

Higit sa lahat, sa ating Poong Maykapal, sa kanyang walang hanggang pagmamahal.

Baon lahat ng kasanayan, kadalubhasaan, at karunungang ikinintal ng Cagayan State


University, buong tapang naming haharapin ang mga hamon ng bagong normal!

Laban, batch 2020!

You might also like