You are on page 1of 6

PACIFIC SOUTHBAY COLLEGE, INC.

PurokCarmenville, Brgy. Calumpang General Santos City

HUMSS
(Humanities and Social Sciences)

MODULE 2
2nd SEMESTER S.Y. 2021-2022

NAME: _______________________________________________
GRADE & SECTION: 11-Newton
SUBJECT: Filipino sa Piling Kaunlaran
SUBJECT TEACHER: Aron Adarson Bago
PACIFIC SOUTHBAY COLLEGE, INC
Purok Carmenville, Calumpang, General Santos City
HUMSS 11-Newton
MODULE NO. 2
2nd Term, 2nd Semester, SY 2021-2022

Descriptive Title : FILIPINO SA PILING KAUNLARAN


Course Credit : 4 units
Class Schedule : Monday-Friday (Online and Modular)
Room : Google Classroom
Instructor : ARON ADARSON J. BAGO
Contact Details : arkaye1220@gmail.com

WEEK 1 – Layunin, Gamit, Katangian at Anyo ng Akademikong Sulatin

Layunin:
Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang…
A.natutukoy ang layunin, gamit, katangian at anyo ng akademikong sulatin
B.nailalahad ng pasalita ang kahulugan ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin
C.nakikilala kung anong anyo ng akademikong sulatin ang sumusunod na halimbawa
D.napapahalagahan ang bawat gamit ng akademikong sulatin

Anyo ng Akademikong Layunin at Gamit Katangian


Sulatin

Ito ay ginagamit sa mga Ito ay hindi gaanong


akademikong sulatin tulad mahaba ngunit ang lahat
ng tesis, papel na ng nilalaman nito ay
siyentipiko at teknikal, makikita sa kabuoan ng
Abstrak
lektyur at mga report. papel.
Naglalayun ito na maibigay
ang buod ng kabuoang
akda.

Sinopsis Madalas itong ginagamit Maari itong maikli o


sa mga akdang nasa bimubuo lamang ng ilang
teksto tulad ng mga nobela talata na nakapaloob na
teksto at iba pa. ang kaisipan ng orihinal na
Naglalayun ito na akda.
maibigaya ang buod ng
akda upang mas madaling
maunawaan ang diwa ng
teksto.

Ito ay ginagamit sa Ito ay mas maikli kaysa sa


pagsulat ng personal na autobiography at
Bionote propayl ng isang tao na biography. At nagsisimula
naglalaman ng mga nawa ito sa pagbanggit ng mga
niya sa buhay. personal na detalye.

Ito ay ginagamit upang Maikli lamang ang


magbigay ng kabatiran pagkakasulat nito na
kung may gagawing naglalaman ng mga
pagpupulong o may impormasyon sa gagawing
mahalagang impormasyon pagpupulong o bagong
na kailangan. Layunin din alituntunin na pinapatupad.
Memorandum nito na mapakilos ang
isang tao batay sa kung
ano ang hinihingi sa
memorandum tulad ng
pagdalo ng miting,
pagsunod sa bagong
alituntunin at iba pa.

Ginagamit ito upang Naglalaman ito ng mga


malaman kung ano ang paksang tatalakayin sa
paksang tatalakayin sa gagawing pagpupulong,
Adyenda
pagpupulong. Layunin din
nito maging maayos ang
pagpupulong.

Itp ay ginagamit upang Ito ay sistematiko at pinag-


makapaglatag ng mga araralan. Ang nilalaman
Panukalang Proyekto
proyektong nais na nito ay dapat totoo sa
maipatupad. layuning nakapaloob.

Talumpati Ginagamit upang Ito ay binibigkas sa harap


magpahayag ng ideya ng maraming tao.
tungkol sa particular na
ideya tungkol sa particular
na paksa. Layunin nito na
magbigay ng
impormasyon, manlibang,
manghikayat at magbigay-
puri.

Katitikan ng Pulong Ginagamit ito upang Ang nilalaman ay obhetibo


maitala ang mga at organisado base sa
mahahalagang punto na ginawang pagpupulong.
natalakay sa pagpupulong.

Posisyong papel Ginagamit ito upang Ang mga ideya nito ay


mangatwiran at magkakasunod-sunod at
maipahayag ang nararapat lamang na may
katotohanan. Layunin din ebedinsiya o ang mga
nito na mapaniwala ang opinyong makikita rito ay
tao sa kung ano ang totoo nagmula sa mga awtoridad
gamit ang mga ebedinsiya. na may sapat na alam sa
paksa.

Replekti Ito ay isang sulatin na Maaring gamitin ang


bong Sanaysay tungkol sa kung ano ang unang panauhansa
naging epekto sa awtor ng sulating ito ngunit
isang particular na paksa. nangangailangan pa rin ng
patunay upang ang akda
ay maging epektibo.

Pictorial Essay Isang uri ng sulatin na mas Dapat maikli lamang ang
marami ang larawan kaysa paglalarawan na
sa sulatin. sumusuporta sa larawang
nakalagay. Dapat na
magkakaugnay ang
larawan sa layunin na nais
iparating ng iyong sulatin.

Lakbay Sanaysay Ito ay isang lathalain na Mas marami ang sulatin


naglalayung mailahad ang kaysa sa mga larawan.
mga naging karanasan ng Minsan ay naiuugnay ito
isang tao sa kanyang mga sa pictorial essay dahil
naging paglalakbay. pareho silang mayroong
larawan ngunit maari
naman din itong walang
larawan tanging
paglalahad lang ng iyong
paglalakbay.

Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na
ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1.Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang


isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa
kanyang isipan.

A.Pakikinig C.Panonood

B.Pagbabasa D.Pagsulat

2.Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga
sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning
makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi
kapangkat/kasama ng transakyonal?

A.kwento C.sulating panteknikal

B.pananaliksik D.balita

3.Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas


ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo
et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang
pananaliksik.

A.Malikhain C.Akademiko

B.Teknikal D.Reperensyal

4.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o


paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa
sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor
o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination
sa pasyente at iba pa.

A.Malikhain C.Dyornalistik

B. Propesyonal D. Teknikal

5. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang


magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat
na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos
na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.

A.Paksa C.Layunin

B Wika D.Pamamaraan ng Pagsulat

6.Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na
mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang
paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging
obhetibo sa sulating ilalahad.

A.Paksa C.Layunin

B Wika D.Kasanayang Pampag-iisip

7.Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa


mga mambabasa.

A.Naratibo C.Impormatibo

B.Ekspresibo D.Argumentatibo

8.Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng


mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at
nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.

A.Argumentatibo C.Ekspresibo

B.Naratibo D.Deskriptibo

9.Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng
larangang pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalita
iii ,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa
larangan. Analisis ,panunuring kritikal , pananaliksik , at eksperimentasyon ang mga
isinasagawa rito.

A.opisina C.librari

B.akademiya D.entablado

10.Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga
pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.

A.Obhetibo C.Maliwanag at Organisado

B.Pormal D.May Paninindigan

You might also like