You are on page 1of 2

MGA SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

~PAGSASAKA
Pagliit ng lupang pansakahan.
Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit
ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo ng mga
natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa. Kaakibat ng
suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging
dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman. Ang ganitong sistema ay
nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti
ang kalagayan ng ating kapaligiran.

PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA
Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong
teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking populasyon .Ang kakulangan
ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas
ng ating agrikultura ang isa sa mga kahinaang dapat matugunan. Dahil dito, ang pagpapatatag sa antas ng
teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan.

KAKULANGAN NG MGA PASILIDAD


Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran.
Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating
mga magsasaka. Isa ito sa mga kinakailangang matugunan. Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan
ang ilang suliranin sa irigasyon,

IBA PANGB HALIMNBAWA NG SULIRANIN AY;


1) Kakulangan ng suporta mula sa iba pangsektor.
Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura.Ang
pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyangdiin bilang suporta sa implementasyon ng
modernisasyon sa agrikultura
2) Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang baDahil
dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa
upang maging bahagi ng mga subdibisyon.nsa.
3)climate change
Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong
Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013. Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at
personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa
ang mga bansang iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo.

………..

You might also like