You are on page 1of 1

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan Petsa Marka

Pagtukoy sa Simuno ng Pangungusap

Salungguhitan ang buong simuno ng bawat pangungusap.

1. Ang paninigarilyo ay nakadudulot ng sakit sa puso at baga.

2. Mas makakaiwas sa mga nakakahawang sakit ang mga sanggol


na binakunahan.

3. Ang mga sentrong pangkalusugan ng pamayanan ay magbibigay


ng libreng bakuna sa mga sanggol.

4. Ang pagpapanatili ng kalusugan ng mga bata ay tungkulin ng mga


magulang.

5. Sinusubaybayan ng mga magulang ang paglaki at kalusugan ng


kanilang mga anak.

6. Nag-eehersisyo araw-araw sa parke sina Percy at Pearl.

7. Pumupunta sa dentista dalawang beses sa isang taon ang


buong pamilya Santos.

8. Ang mabuting paghuhugas ng mga kamay ay mabisang paraan


para maiwasan ang iba’t ibang sakit.

9. Si Jeremy ay kumakain ng sari-saring gulay at prutas.

10. Higit sa kalahati ng katawan natin ay binubuo ng tubig.

11. Umiinom ng maraming tubig bago, habang, at pagkatapos


mag- ehersisyo ang mga atleta.

12. Ang kakayahan na labanan ang sakit ay napabubuti habang tayo


ay natutulog.

© 2013 Pia Noche samutsamot.com

You might also like