You are on page 1of 2

Isagawa

Page 1

Sa kasalukuyan, hindi mabilang ang mga pagbabagong nagaganap sa ekonomiya,


politika, at sosyo-kultural na aspekto ng buhay nating mga tao. Lingid sa ating mga kaalaman, ito
ay nagiging bunga ng globalisasyon.

Anon ga ba ang globalisasyon? Nakakabuti ba ito o hindi? Ayon kay Ritzer, ito ay
proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa
iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Kung pagbabasehan ang
pangkahalatang epekto nito, nakakabuti ito sa mundo.

Mayroong apat na pagbabago ang dulot o dinudulot ng globalisasyon. Una’y ang


pagbabago sa lipunan, politika at ekonomiya. Pangalawa ay nakatutulong ito pagdating sa
pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan(world market) at ang mabilis na pakikipagkalakan
gamit ang social media, perang iniluluwas, perang inililipat sa ating kultura. Pangatlo ay dahil sa
koneksyon ng mga bansa pagdating sa mobilisasyon ng mga electronic gadgets ay gumanda ang
komunikasyon, transportasyon, at turismo kaya mas umunlad pa lalo ang ekonomiya ng mga
bansa. Ang huling pagbabago ay dahil sa koneksyon ng mga bansa, nagkakaroon ng pagpapasa-
pasa ng mga opinyon, datos, scientific findings, at breakthroughs.

Ayon kay Angie Mohr, ang globalisasyong pang ekonomiya ay nagbibigay ng


opurtunidad sa mga bansang umuusbong pa lang na manghiram ng pera mula sa ibang bansa
upang magamit sa imprasraktura, pang medikal, edukasyon at iba pang serbisyo. Ang
pamantayan ng pamumuhay sa isang bansa ay tataas kung tama o maayos ang paggamit sa pera
nguit hindi lahat ng mamamayan ay makikinabang at maaari rin itong magdulot ng mas
malayang pakikipagkalakalan. Dahil sa paglawak ng kalakalan, ang biglag bugso ng
kompanyang banyaga ay maraming mawawala nng trabaho ngunit dahil sa globalisasyon mas
nagiging pili ang pagkuha ng mga trabahador at ang sahod ay mas nagiging mas mataas.

Kung titingnan natin ang 150 taong nakalipas ay makikita natin na mayroon ng
globalisasyon kung saan ito ang nagbigay daan upang umunlad ang ibang mga bansa sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng maganda serbisyo, magandang pakikipagkalakalan sa iba’t
ibang mga bansa at magandang mga produktong binebenta at tinatanggap. Sa pangkahalatan,
kung walang globalisasyon na nagaganap ay wala ding pag-usbong at pagkakaisa. Ikan nga ni
Barrack Obama, “Globalization is a fact because of technology, because of an integrated global
supply chain, because of changes in transportation. And we’re not going to be able to build a
wall around that.”

You might also like