You are on page 1of 4

PANG UMAGANG GAWAIN:

Panalangin
Panginoon pinupuri ka namin at pinasasalamatan sa lahat ng biyayang
ipinagkakaloob mo sa amin sa araw araw. Naway kaming mag aaral ay
maging bukas ang isipan sa pagtanggap at pag unawa ng mga pangaral ng
aming mga guro. Naway ang aming mga guro ay patuloy na mag ukol ng
lakas at ng panahon sa paghahasik ng kabutihan sa amin. Patnubayan po
ninyo ang aming mga magulang kapatid at mga kaibigan bigyan ng
mahabang buhay at lakas ng katawan. Hinihiling po namin ang lahat ng ito
sa pamamagitan ng inyong anak na si Hesus. Amen

The Philippine National Anthem Lupang Hinirang

Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan


Alab ng Puso sa dibdib mo'y buhay
Lupang Hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa
manlulupig di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula At awit sa paglayang
minamahal.

Ang kislap ng watawat mo'y


Tagumpay na nagniningning; Ang
bituin at araw niya Kailan pa ma'y
di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay
langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi Ang mamatay
nang dahil sa iyo.

CALABARZON MARCH
Dito sa Timog Katagalugan Sumibol ang bagong pangalan
Ang kaunlaran kay bilis at masagana
Lahat kami may pagkakaisa
Sa mithiin ay sama-sama Mabuhay ang CALABARZON
CALABARZON sa habang panahon
Lalawigang Rizal, Cavite Laguna, Batangas, Quezon at mga
lungsod pa Antipolo, San Pablo Cavite, Lucena
Batangas, Calamba Sta. Rosa, Dasmariñas Tayabas, Imus,
Bacoor, Biñan, Cabuyao, General Trias, Tanauan, at Lipa Hey,
Hey!

Mga kawani ay tanging-tangi Maglingkod ay laging gawi


Kaylan pa man sa Diyos ang aming lahi
Kabataan ay paunlarin Ito ay unang layunin
Mabuhay ang CALABARZON CALABARZON sa habang panahon

Lalawigang Rizal, Cavite Laguna, Batangas, Quezon at mga lungsod pa


Antipolo, San Pablo Cavite, Lucena Batangas,
Calamba Sta. Rosa, Dasmariñas Tayabas, Imus, Bacoor, Biñan, Cabuyao,
General Trias, Tanauan, at Lipa Hey, Hey!

Dito sa Timog Katagalugan Sumibol ang bagong pangalan


Ang kaunlaran kay bilis at masagana Lahat kami may pagkakaisa Sa mithiin
ay sama-sama Mabuhay ang
CALABARZON CALABARZON sa habang panahon
Mabuhay ang CALABARZON
CALABARZON sa habang panahon Mabuhay!

HIMNO NG BATANGAN
Batangas, sintang lalawigan
Ang pinakapuso ay Bulkang Taal
Kayganda, malasin, payapa marangal
Ang galing at yaman ay s’yang sandigan

Batangas, binhi ng Kagitingan


May taglay na tapang at bayaning tunay
Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw, Agoncillo Malvar
Maging ang iba’y dangal

Batangas, ay mutya sa dulong silangan Bantayog


ng sipag at kagandahan
Sulo sa dambanan nitong inang bayan
Batangas, Batangas, ngayon at kailanman

Batangas, sintang lalawigan


Ang pinakapuso ay Bulkang Taal
Kayganda, malasin, payapa marangal
Ang galling at yaman ay s’yang sandigan

Batangas binhi ng Kagitingan


May taglay na tapang at bayaning tunay
Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw, Agoncillo Malvar
Maging ang iba’y dangal

Batangas kong mahal ngayon at kailanman


Batangas kong mahal ngayon at kailanman!!

Bayang Walang Maliw”


(The Bauan Hymn) Lyrics by Eugenio C. Ingco Music by F. A. Aguirre

Sintang bayan namin, giliw naming Bauan


Matamis na bunga ng pagmamahalan Ng Lawa ng
Bonbon at Look-Batangan Pagpalain nawa ikaw ng
Maykapal!

Sa timog Batangas ikaw’y hiyas-dagat


May kislap ng Ngayon at sinag ng Bukas
Luha nami’t pawis, layuni’t pangarap
Ay handog sa iyong ganap na pag-unlad.

Ang kasaysayan mo, giliw naming Bayan


Kung baga sa saga’y may dalawang kulay
Itim ang anino niyong Kamatayan
At pula ang sinag ng Muling Pagsilang.

Itim-pulang tatak niyong kagitingang


Sa Kamatayan ma’y ayaw pasasaklaw Ilan ka nang
ulit na halos maparam
Sa halip maglaho’y lalo kang kuminang.

Sa balat ng lupa’y kapirasong langit


Na aming minanang sangla ng pag-ibig
Bayang Walang Maliw na aming daigdig Maglingkod sa iyo’y
anong pagkatamis!

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos
Maka-tao
Makakalikasan at Makabansa.

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas, aking


lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko
ang payo
ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng
mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong
katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap sa
bansang Pilipinas.

You might also like