You are on page 1of 2

Binangonan March

Sa hasik ng giting at tiyaga

Nakamit ang mithing paglaya

Bundok, lawa at bukid

Palad ng kasaganahan

Sa halik ng araw at ulan

Namulat sa gintong aral

Ang mahal ko'y bayang banal

Ang bayan kong Binangonan

Ang tanim na laong nahasik

Hahandugan ng laang pag-ibig

Susog na malasakit

Tatantangin lagi sa isip

Sa hatid na dunong at lakas

Kakamtin bawat pangarap

Aangkini't paglilingkuran

Bayan nating Binangonan

CALABARZON MARCH

By Agapito M. Caritativo
Dito sa Timog Katagalugan Sumibol ang bagong pangalan Ang kaunlaran kay bilis at masagana Lahat kami
may pagkakaisa Sa mithiin ay sama-sama Mabuhay ang CALABARZON CALABARZON sa habang panahon

Lalawigang Rizal, Cavite Laguna, Batangas, Quezon at mga lungsod pa Antipolo, San Pablo Cavite, Lucena
Batangas, Calamba Sta. Rosa, Dasmariñas Tayabas, Imus, Bacoor, Biñan, Cabuyao, Tanauan, at Lipa Hey,
Hey!

Mga kawani ay tanging-tangi Maglingkod ay laging gawi Kaylan pa man sa Diyos ang aming lahi Kabataan
ay paunlarin Ito ay unang layunin Mabuhay ang CALABARZON CALABARZON sa habang panahon

Lalawigang Rizal, Cavite Laguna, Batangas, Quezon at mga lungsod pa Antipolo, San Pablo Cavite, Lucena
Batangas, Calamba Sta. Rosa, Dasmariñas Tayabas, Imus, Bacoor, Biñan, Cabuyao, Tanauan, at Lipa Hey,
Hey!

Dito sa Timog Katagalugan Sumibol ang bagong pangalan Ang kaunlaran kay bilis at masagana Lahat kami
may pagkakaisa Sa mithiin ay sama-sama Mabuhay ang CALABARZON CALABARZON sa habang panahon

Mabuhay ang CALABARZON CALABARZON sa habang panahon Mabuhay!

You might also like