You are on page 1of 1

Tanong# 1

Malaki ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino sapagkat labis na
nabihag ang kaisipan ng mga Filipino at nagmistulang sunud sunuran tayo sakanilang may
kapangyarihan. Ginamit ng Amerikano ang edukasyon na nagsilbing ating kahinaan upang unti-
unting lasunin ang kaisipan nating mga Filipino, ang kanilang sistemang sinasabing pinairal ay
para rin lamang sakanilang sariling pangangailang pampulitika at pang-ekonomiya. Matapos
mapaniwala ang mga Filipino inakala ng bawat isa na makakabuti ito sa ating bansa na sabay
namang pagsasamantala ng mga Amerikano upang makakuha ng pagkakataon para tayo ay
matuluyang mapamasakupan.

Tanong # 2
Mula noon hanggang sa kasalukuyan panahon tila pareho pa din ang pagtingin ng mga
mamamayan sa pangkabuhayang pananaw sa kabukiran, sabihin na lamang natin na natutukoy
ng mas nakakarami sa kasukuluyan ang sitwasyon sa kabukiran ngunit magpasa hanggang
ngayon ay wala pa riin naibibigay na sapat na aksyon para rito. Sa kasamaang palad, lalo pang
bumababa ang halaga ng palay para sa mga magsasaka sa kabukiran. Nasasaksihan ng halos
lahat, ngunit hindi nabibigyan ng solusyon sapagkat nananatili ang iilan na sunud sunuran,
nananatili ang iilan na walang nakikita, naniniwala pa din ang iilan na tama lamang yon para
sakanilang nasa kabukiran sapagkat hindi naabot ng industriyaslismo roon at mas maganda ang
pamumuhay nila na alam naman natin na walang katotohanan.

Tanong # 3

Nararapat lamang na gumising ang bawat isa mula sa natutulog nating kaisipan, hingkayatin at
iparating na nararapat ng bigyan ng kaakibat na solusyon ang bawat kinahaharap na suliranin.
Ang ating bansa ay maaari din na maging maunlad gaya ng iba, na kaya din natin na maging
isang ganap na industriyalismong bansa at mananatiling kayang pangalagaan ang agrikultura.
Maaaring magsilbing boses ang mga kabataan sa panahon ngayon, nagkalat ang social media na
pwedeng gamitin sa paglalabas ng suhestiyon/opinyon o sa simpleng pagtangkilik ng sariling
atin labis na itong makakatulong at magsisilbing solusyon sa lisyang edukasyon ng mga Filipino.

You might also like