You are on page 1of 5

Mayroong siyam na mga uri ng pang-abay: pamanahon, panlunan, pamaraan, pang-agam,

panang-ayon, pananggi, panggaano (tinatawag ding pampanukat), pamitagan,[2] at panulad.

Pamanahon

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng
dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na
mayroong pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda
ay mayroong mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali, at iba pa. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang
pananda ang "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang
pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-
araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing
buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."[2]

Panlunan

Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap
ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang
kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak
upang dalawin ang kanilang mga kamag-anak."[3] Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na
mayroong pang-abay na panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag
ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman
ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa nito Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang
itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa
kaarawan.

Pamaraan

Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng
pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga,
masipag, mabait, atbp. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang
mahigpit", "Mahusay bumigkas ng tula ang batang si Boy".

Pang-agam

Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan


sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahil,
siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na
"Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."[2]
Panang-ayon

Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang
oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis
ang pag-unlad ng bayan."

Pananggi

Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan


ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw. Halimbawang pangungusap para rito ang
"Hindi pa lubusang nagamot ang kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".

Panggaano o pampanukat

Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat, o


sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga.
Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang libra."[2]

Pamitagan

Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasaad ng paggalang. Halimbawang


pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"[2]

Panulad

Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Halimbawa ng


paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling sumayaw si Armando kaysa kay Cristito."

Mga Uri ng Pang-abay

Mga Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na


taglay ng pandiwa.

May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

Halimbawa
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
          Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
          Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.

Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.

Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang
kalusugan.

2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa


pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay

Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.


Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang


kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Tumawa siyang parang sira ang isip.

4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.

Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya,


talaga, atb.
Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.

Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
Ngunit marami pa rin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa


tanong na gaano o magkano.

Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.

Halimbawa:
Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako

9. Ingklitik o paningit – mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang


kinabibilangan

-  Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino


            ba                           daw/raw                          pala                              man
            kasi                        din/rin                              tuloy                              muna
            kaya                       naman                             nga                               pa
            na                           yata                                lamang/lang                 
           sana 

10. Pang-abay na kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad
ng pandiwa

-Pinangungunahan ng kung, kapag o pag at pagka

11. Pang-abay na kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos


ng pandiwa

- Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa

12. Pang-abay na benepaktibo – tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa


isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.
13. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol

You might also like