You are on page 1of 6

Si Francisco Baltazar (ipinanganak na Francisco Balagtas y de la Cruz; 2 Abril 1788—20 Pebrero 1862),

mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong makata, at malawakang itinuturing na
isa sa mga pinakadakilang Pilipinong pampanitikan na laureate para sa kanyang epekto sa panitikang
Filipino. Ang sikat na epiko, ang Florante at Laura, ang kanyang pinakakilalang obra maestra. [1]

Talambuhay ni Balagtas
Unang mga taon

Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong 02 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon
ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina
Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa.
Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok
siya una sa paaralang, Parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging
katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose
sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro
niya si Padre Mariano Pilapil.

Buhay bilang isang manunulat

Taong 1836 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion
Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na
"Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal
niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at
malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni
Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya,
pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay
Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz
para kay Selya.

Trabaho at Pamilya

Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko noong
1840 sa Udyong, Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang naging asawa.
Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay 54. Sa kauna-unahang
pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal. Doon, nagkaroon siya ng
apat na anak kay Juana Tiambeng. Humawak din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente
mayor at juez de semantera.

Huling mga Araw

Nabilanggo muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok ng
katulong na babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang
pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Bago mamayapa, ibinilin niya
sa kanyang asawa na "Huwag mong hahayaan na maging makata ang alin man sa ating mga
anak. Mabuti pang putulin mo ang mga daliri nila kaysa gawin nilang bokasyon ang
paggawa ng tula." Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at mga anak
noong 20 Pebrero 1862. Namatay siya sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin
sa kanyang katandaan.

Sinasabing ang mga pagsubok sa buhay ni Balagtas, at ang kaniyang pagsusumikap upang
malagpasan ang mga ito, ang pumanday sa kaniya upang maging isang mabisa at matagumpay
na makata.

Francisco Baltazar (Balagtas), 1788-1862

Mula sa maralitang angkan sa nayon ng Panginay, bayan ng Bigas, lalawigang Bulakan, si


Francisco Baltazar ay umakyat sa pinakamataas na luklukan ng mga manunulang Pilipino,
nakapag-aral ng kanones, batas sa pananampalataya, naging bantog na mandudula, naging
Tenyente Mayor at Huwes de Sementera sa Udyong, Bataan, at nahirang na dalubhasa sa
hukuman ng nabanggit na lalawigan.

Ipinanganak noon ika-2 ng Abril ng taong 1788, at anak nina Juana de la Cruz at Juan Baltazar,
si Francisco sa gulang na labing-isang taon ay natutuhan na ang mga biyaya ng karunungang
dapat ituro ng kanyang bayan. Ang pambihirang katalinuhang ipinamalas ni Francisco ay siyang
nagbunsod sa kanyang mga magulang na siya’y iluwas sa Maynila upang sa ilalim ng anumang
kaparaanan ay makapagpatuloy ng pag-aaral.

TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALTAZAR (BALAGTAS)

Hindi maáaring̃ sumulat ng̃ ukol sa pánitikang̃ Tagalog nang̃ dî bábang̃gitín ang̃ pang̃alan ng̃
dakilang̃ Makatà ng̃ Wikang̃ Tagalog, ng̃ Harì ng̃ mg̃a mang̃aáwit, na si Francisco Baltazar.

Ang̃ maykathâ ng̃ «Florante at Laura» ay isá sa mg̃a nápilì at namukód na higít sa isáng̃
maning̃níng̃ na talà at karapátdapat na mápapiling̃ kina Goethe, Virgilio, Dante Aligieri na
pinípiging̃ ng̃ mg̃a «Diosa» sa kanyáng̃ dulang̃, na dî nadádaluhán nino mán kundî ng̃ mg̃a tunay
na diwà lamang ng̃ mg̃a lahì.

Si G. Hermenegildo H. Cruz ay nagukol sa kanyá ng̃ isáng̃ mahalagáng̃ aklát na kátataluntunán


ng̃ kanyáng mg̃a lálong̃ lihim na pinang̃daánan at búhay. Si G. Epifanio de los Santos Cristóbal
sa pagsasálin ng̃ kanyáng̃ «Florante at Laura» sa wikang̃ kastilà ay naninop ng̃ boóng̃ panítikáng̃
Tagalog magbuhat ng̃ 1593 hang̃gáng̃ 1886, upáng sa gitnâ ng̃ masayáng̃ halamanan ng̃
pánitikáng̃ Tagalog ay pagitawin siyáng isáng̃ mabang̃ó at kahang̃ahang̃ang̃ buláklák noón na
ang̃ samyô ay waláng̃ pagkapawi.

Sa pánitíkáng̃ Tagalog ng̃â ay si Balagtás ang̃ dakilang tang̃láw at sa mg̃a tilamsík ng̃ kanyáng̃
liwánag ay sukat mabuô ang̃ lalong̃ maririkit na kathain. Siyá’y ipinang̃anák niyaóng̃ ika 2 ng̃
Abril ng̃ taóng̃ 1788.

Anák palibhasà ng̃ mg̃a tunay na Tagalog, si G. Juan Balagtas at Juana Cruz, at kumita ng̃ unang̃
liwanag sa mg̃a lupaíng̃ Tagalog. Sa Pang̃inay, Bulakán, ang̃ sing̃áw dito na lumílikhâ ng̃ mg̃a
túlain ay gumising̃ sa kanyáng̃ diwang̃ silang̃anin na umawit tuwi na; ng̃uni’t isáng pagáawit na
nagbabadhâ ng̃ mg̃a dakilà at laging̃ kapanahóng̃ mg̃a aral, gaya ng̃ sabi ni G. Lope K. Santos, na
ang̃ kanyáng mg̃a katagà sa «Florante» ay isáng̃ ebanhelyo sa mg̃a ang̃káng̃ Tagalog na
naníniráhan sa mg̃a tagóng̃ nayon nitóng̃ Kapuluán. Ang̃ «Florante» ay inawit, binasa,
pinaking̃gan, at tinándaán, ínulítulit na tandáan at awitin ng̃ nang̃akáring̃íg na dî marunong̃
bumasa, upáng matándaán at tuwî na’y talúntunin at paganihan ang kanyáng̃ mayamang̃ diwà ng̃
ikapapanuto at ikapagiging̃ mapalad ng̃ madlâ.

Aní Mariano Ponce, si Balagtás ay «ang̃ Principe ng̃ mg̃a Makatang̃ Tagalog», at aní Dr. José
Rizal, nang̃ tukuyin ang̃ kanyáng̃ waláng̃ kamátayang̃ awit: «Ang Florante ay isáng̃ kathâ sa
wikang Tagalog, nang̃ kapanáhunang̃ ang̃ wikang̃ Tagalog ay lumulusog at dumíding̃al».

Nagaral si Balagtás gaya ng̃ lahát ng̃ mg̃a tubò rito sa atin ng̃ mg̃a unang̃ dako, sa «Cartilla»,
«Misterio», «Trisagio» at «Doctrina Cristiana», mg̃a aklát na ginágamit sa mg̃a unang bugsô ng̃
pagaaral nang̃ kanyáng kapanahunan.

Anák dukhâ palibhasà at iniwi sa duyan ng̃ karálitaán, ay dî nagawáng̃ linang̃in nang̃ gaya ng̃
kanyáng hilig ang̃ sariling̃ munì at napilitang̃ ang̃ lakás niyá ay ilakong̃ agád, at yamang̃ walang̃
anó mang̃ katang̃iang̃ gáwain na mapagukulan sa pagng̃agdóg buhay, ay minabuting̃ mások na
alilà sa isáng̃ maganak sa Bayan ng̃ Tundó, málapít lámang̃ sa kamayniláan (Atenas) na kung̃
saán ninánasang̃ tuklasín ang̃ mg̃a unang̃ balità ng̃ karunung̃an. Bukál palibhásà ang kabaitan at
pagkámasúnurin, biyayà na ikinapatang̃ì tuwî na ng̃ mg̃a salát sa ginhawa, ay kinálugdan siyá ng̃
kanyáng̃ mg̃a pang̃inoón, at siyá kinaling̃ang̃ tulad sa anák na tunay. Pinápang̃aral siyá sa
Páaraláng̃ San José, at doó’y kinápansinán siyá ng̃ isáng̃ siból na katang̃ian sa pagtulâ at isáng̃ dî
karaniwang̃ talino na ikinámahál sa kanyá ng̃ mg̃a Gurô roón.

Niyaóng̃ 1835, ay nanahanan siyá sa Pandakan, at binatà siya palibhasà, ay linigalìg ang kanyáng̃
pusò ng̃ himaláng̃ gandá ni M. A. R. (María Asunción Rivera) isáng̃ magandáng̃ dalagang̃
Tagalog na kinabalisahan ng̃ tanáng̃ binatang̃ kapanahón.

Dayo siyá palibhasà sa bayang̃ Pandakan, ay pinang̃imbuluhan siyá ng̃ mg̃a binatang̃ binihag din
ng̃ kagandahan ni María, at ang̃ mg̃a kabasang̃ál (Adolfo sa kanyáng̃ awit) ay lumikhâ ng̃ mg̃a
pakanâ na kanyáng̃ ikápapahamak hang̃áng̃ siyá’y másadlák sa dilím ng̃ isáng̃ kakilákilabot na
bílanguan.

Sa paliháng̃ itó ng̃ hirap, na kung̃ saán linílikhâ ang̃ mg̃a dakilang̃ kálolwa, ay dito binuô ang̃
waláng̃ kamatayang̃ «Florante at Laura», tulad kay Victor Hugo ng̃ Francia na sa kadilimán ng̃
isáng̃ bilang̃guan sa Bruselas kinathâ ang̃ isa sa kanyáng̃ mg̃a dakilang̃ aklát na pinamatáng̃
«Napoleon, el pequeño:»

Nang̃ tamuhín niyá ang̃ layà ay nanahanan siyáng̃ mulî sa makasaysayang̃ bayan ng̃ Tundó, at
dito ay nakilala niyá ang̃ isáng̃ babaing̃ guró sa sining̃ ng̃ pagtulâ, si aling̃ Manding̃ (Agapita
Bernardo Rivera) at ang̃ balitan Husén Sisiw na lubós masásabing̃ siyá niyáng̃ unang̃
pinagparang̃álanan ng̃ kanyang̃ kinatháng̃ awit bago limbagín.
Sa atas ng̃ likas na pagnánasang̃ tumuklás ng̃ kaligayahan sa silong̃ ng̃ ibáng̃ lang̃it ay tinawíd
niyá ang̃ luok ng̃ Maynilà at nanirahan siyá sa Balang̃à at nások na tagasulat sa Hukuman, at sa
mg̃a pistá ng̃ bayan sa mg̃a nápabantóg siyáng̃ lubhâ sa kanyáng̃ mg̃a maririkit na «Moro-moro»
na siyáng̃ tang̃ing̃ libang̃an ng̃ mg̃a panahóng̃ yaón.

Niyaóng̃ 1842 ay lumipat siyá sa bayan ng̃ Udyóng̃ at dito tinamaán ng̃ kanyáng̃ malas ang̃ isáng̃
babaing̃ pumukaw na mulî ng̃ kanyáng̃ pusò si aling̃ Juana Tiomng̃beng̃, isáng̃ maharlikáng̃ babai
na nábihag ng̃ kanyáng̃ sinumpaán ng̃ isáng̃ wagás, dalisay at dî magmámaliw na pagibig.

Anáng̃ kanyáng̃ mg̃a anák na nabúbuhay pa hang̃ga ng̃ayon na dinalaw kong̃ sadyà upang̃
makilala,ay náririníg, nilá, umano, sa kanilang̃ tatay kung̃ nanínibughô ang̃ kanilang̃ nanay, na
ang̃ M. A. R. sa «Florante» ay hindi María Asunción Rivera, na lubhang̃ pumúpukaw ng̃
kaligaligán ni aling̃ Juana, kundî María Ana Ramos. Kung̃ saán mapagkíkitang̃ ang̃ Makatà ni
Laura ay nátututo ring̃ mamang̃kâ sa dalawáng̃ ilog.

Si Francisco Balagtás, ay nagíng̃ maginoó sa bayan ng̃ Udyóng̃, at siyá’y nagtagláy ng̃ mg̃a
katung̃kulang̃ «Juez Mayor de Sementera» at «Teniente Mayor».

Sa isáng̃ kapusukán ng̃ loob ay ginupitán niyá ng̃ buhók ang̃ isá niyáng̃ alilang̃ babai, na nagíng̃
daán ng̃ isáng̃ panibagong̃ pagúusig sa kanyá at mulíng̃ idinalaw sa mapáng̃angláw na silid ng̃
bilang̃guan.

Ang ibon ay kahit piitín sa isáng̃ kulung̃áng̃ bakal ay dî napipigilang̃ umawit, at si Balagtás ay
gayón, sa loób ng̃ nápipiníd na bílang̃guan na pawang̃ pang̃láw ang̃ naghaharì, pawang̃ mukhàng̃
nang̃lílisik, pawang̃ luhà, at kadalamhatían sa pagkákawalay sa mg̃a kapilas ng̃ búhay, sa gitnâ
ng̃ búhay na yaón, ang̃ kanyáng̃ panitik ay dî nang̃lumó at ang̃ kanyáng̃ «La India Elegante y la
Negrita amante», ang̃ «Orosman at Záfira» at ibá páng̃ kathâ, ay binuô niyá roón, at lumwál sa
maliwanag at nagpáyaman ng̃ pánitikáng̃ Tagalog.

Nang̃ tamuhín niyáng̃ pamulî ang̃ layà ay dinatnán niyáng̃ hughóg na ang̃ kaniláng̃ kabuhayan
dahil sa malakíng̃ usapíng̃ hinaráp ng̃ kanyáng̃ asawa, at salamat sa kanyáng̃ mg̃a kathâ at
nabigyán niyá ng̃ maginhawang̃ kabuhayan ang̃ marami niyáng̃ anák na nang̃ang̃ailang̃an ng̃
kanyáng̃ arugâ.

Magsalitá ng̃ nanúkol sa kabuhayan ng̃ dakilang̃ Hari ng̃ Tulang̃ Tagalog ay nang̃ang̃ahulung̃áng̃
gumawâ ng̃ sapagka’t waláng̃ dakilang̃ bung̃a ng̃ lahát ng̃ tanyág na panitik na hindî kumadlô sa
mg̃a dakilà niyáng̃ simulain, waláng̃ káliliklikang̃ nayon na hindi umáawit ng̃ kanyáng̃
«Florante»; waláng̃ sang̃gol na iniwi sa lilim ng̃ lang̃it ng̃ Pilipinas na hindi ipinaghele ng̃
kanyáng mg̃a magagandáng̃ tulâ; waláng̃ dakilang̃ hatol na iginawad ang̃ mg̃a nunò sa kaniláng̃
mg̃a apó na hindî sa simulain ni Balagtás hinugot; waláng̃ anómang̃ paálaala ng̃ kaibigan sa
kaibigan na hindî nábang̃git ang̃ mg̃a katagá ni Balagtás; anó pa’t si Balagtás at ang̃ mabuting̃
gawî ay magkapatid na tunay. Kaáliwan ng̃ nang̃alulunos, pambúhay sa nang̃lúlupaypáy na pusò,
panuto ng̃ nagasa kamalian, at dakílang̃ guró ng̃ liping̃ Tagalog.
Tinawag siyá sa sinápupunan ni Bathalà niyaóng̃ iká 20 ng̃ Febrero ng̃ taong̃ 1862, ng̃uni’t ang̃
luning̃ning̃ ng̃ kanyáng̃ waláng̃ kahulilip na kaisipán ay tumátang̃láw pa hang̃gá ng̃ayón sa ating̃
pánitikán at tátang̃law hang̃gáng̃ sa bukas ng̃ ating̃ lipi.

Kabanata: “Paraiso naman ang may tulong silid" Uri ng Tayutay: Paradoks Kabanata 1- Kay
Celya

Kabanata: "himutok ko noo'y inaaring Langit" Uri ng Tayutay: Paradoks Kabanata 1- Kay Celya

Kabanata: "luha'y lalagaslas" Uri ng Tayutay: Eksaherasyon Kabanata 1- Kay Celya

Kabanata: "sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!" Uri ng Tayutay: Ekslamasyon Kabanata
1- Kay Celya

Kabanata: "O, nalayong tuwa" Uri ng Tayutay: Metonomiya Kabanata 1- Kay Celya Kabanata:
"Ikaw na bulaklak niring dili-dili" Uri ng Tayutay: Simili Kabanata 1- Kay Celya

Kabanata: "parang korales na iyong daliri" Uri ng Tayutay: Metapora

Kabanata: Kabanata 6 "kaagaw ni Benus" Uri ng Tayutay: Alusyon

Kabanata: Kabanata 19 "anaki ay bagong umahon sa bubog" Uri ng Tayutay: Simili Kabanata:
Kabanata 19 "perlas na batok" Uri ng Tayutay: Metapora Kabanata: Kabanata 19

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/519067#readmore

"Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw"


personipikasyon
"Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik"
personipikasyon
"paraiso naman ang may tulong silid"
paradoks
"himutok ko noo'y inaaring Langit"
paradoks
"luha'y lalagaslas"
eksaherasyon
"sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"
eksklamasyon
"O, nalayong tuwa"
metonomiya
"Ikaw na bulaklak niring dili-dili"
metapora
"parang korales na iyong daliri"
simili
"ang rubi mong labi"
metapora
"kaagaw ni Benus"
alusyon
"anaki ay bagong umahon sa bubog"
simili
"perlas na batok"
metapora
"Sa kaligayaha'y ang nakakaayos--bulaklak na bagong hinawi ng hamog;"
metapora
"bakit itinulot, langit na mataas, na mapanood ko, kung di ako dapat!"
apostrope
"nabagong bituin"
metapora
"puso'y nangilabot"
sinekdoke

Nakatuon ito sa bisa sa isip (may kakayahang mag-isip at magtuklas ng katotohaan); bisa sa
damdamin (ipinahihiwatig ang damdaming nais pukawin sa puso ng bumabasa); at bisa sa asal
(ang nagdadala sa tao sa mabuting kahalagahan bilang tao at bilang bahagi ng lipunan).
Teoryang Moralistiko
Aralin 4
Nilgitas ni Aladin si Florante
Si Aladin ay Muslim, si Florante ay Kristiyano
Ang bansa ni Aladin at bansa ni Florante ay magkaaway
Pinagtaksilan si Florante ng sarili niyang mga kababayan

 KALAGAYANG PANLIPUNAN Maihahambing ko ang ginawa ni Adolfo sa kasalukuyang panahon kagaya


nalang nang nagpumorsige siyang pagharian ang Albanya at kunin si Laura. Katulad ng mga ginagawa
ngayon ng mga namumuno sa ating bansa wala silang ginawa kung hindi puro kurakot kinuha nila ang
kaban ng ating bayan at wala nang natira sa ating mga mamamayan kaya tayo ay lugmok na sa
kahirapan.

 19. ARAL Marami akong natutunan sa akdang Florante at Laura. Hindi dapat tayo mapanghusga sa
ating kapwa tao dahil hindi natin alam kung ano ang dala nilang kabutihan sa ating buhay. Kailangan
kapag may nakita tayong tao na nangangailangan kahit hindi natin ito kaano- ano dapat tulungan natin
nang may bukal sa kalooban. Huwag tayong taksil dahil ito ay masama lalong-lalo na sa taong malalapit
sa atin hindi natin alam kung gaano kasakit ang ginawa mo sa kanya. Palakihin ng mabuti at may aral ang
anak nang saganon ay madadala niya ito hanggang sa kanyang paglaki. Matuto tayong rumespeto sa
relihiyon, lahi at iba ng mga taong nasa ating paligid.

You might also like