You are on page 1of 1

Talambuhay ni Francisco balagtas

Francisco Baltazar o mas kilala bilang Francisco Balagtas ay ipinanganak noong Abril 02, 1788 sa Panginay, Biugaa (ngayon ay
Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang
mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at
makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong
siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman
siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.,siya ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling
na Pilipinong manunulat. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra

Buhay bilang isang manunulat


Taong 1836 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang
nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at
Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa
pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni
Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya para kay
Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.

Trabaho at Pamilya
Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko noong 1840 sa Udyong, Bataan. Dito
niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang naging asawa. Nagpakasal sila noong 1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman
ay 54. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal. Doon, nagkaroon siya ng apat na
anak kay Juana Tiambeng. Humawak din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez de semantera.

Huling mga Araw


Nabilanggong muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok ng katulong na babae ni Alferez Lucas.
Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Bago
mamayapa, ibinilin niya sa kanyang asawa na "Huwag mong hahayaan na maging makata ang alin man sa ating mga anak.
Mabuti pang putulin mo ang mga daliri nila kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng tula." Namayapa siya sa piling ng
kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang mga anak noong Pebrero 20, 1862. Namatay siya sa gulang na 73, dahil sa sakit na
pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.

You might also like