You are on page 1of 16

Ikaapat na Markahan

Modyul 1
FLORANTE AT LAURA:
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
KALIGIRANG
KASAYSAYAN NG
FLORANTE AT
LAURA
SINO BA SI
FRANCISCO
BALTAZAR?
-Isinilang ang makatang si Francisco
Balagtas Y Dela Cruz na kinikilala rin bilang
“Francisco Balagtas” o “Francisco
Baltazar” na tinaguriang “Prinsipe ng
Manunulang Tagalog” noong Abril 2, 1788 sa
Panginay, Bigaa (kilala ngayon bilang
Balagtas sa kanyang karangalan), lalawigan ng
Bulacan.
- Si Francisco Baltazar na may
palayaw na Kikong Balagtas o Kiko
ay anak nina Juan Balagtas at Juana
Cruz. Siya ang bunso sa kanilang
magkakatapid na sina Felipe at
Concha.
- Noong nasa edad na upang mag-
aral, ipinadala siya ng Ina sa
isang kamag-anak na si Trinidad
sa Tondo, Maynila.
- Natapos ni Balagtas ang degree
ng Kanones, Kastila, Huminades,
Teolohiya, at Pilosopiya sa
Colegio de San Jose noong 1812.
- Sa nasabing kolehiyo, naging guro
ni Balagtas ang sikat na
mangangantha ng aklat na pasyong
Mahal ng Ating Panginoong
Hesukristo na si Padre Mariano
Pilapil.
- Noong 1835, nanirahan siya sa
Pandacan at doon niya natagpuan
ang kanyang musa na si Maria
Asuncion Rivera na nagbigay sa
kanya ng ibayong inspirasyon.
- Lubos na umasa si Balagtas na
magkakatuuyan sila. Subalit may
karibal siya sa pag-ibig nito, si
Mariano Capule na nagparatang sa
kaniya mula sa pinagbuhol-buhol na
sabi-sabi at nabilanggo si Balagtas
buhat sa kasalanang hindi naman niya
nalalaman.
- Habang nasa kulungan na puno ng
sakit, kabiguan at pang-aapi, isinulat ni
Balagtasang kaniyang makasaysayang
akdang “Florante at Laura na alay
niya kay ‘Selya’ o Maria Asuncion
Rivera. Nagwakas ang kanyang
pagdurusa nang palayasin siya noong
1838.
- Noong 1840 nagtungo si balagtas sa
Balanga, Bataan. Namasukan siya
bilang kawani ng Jues de Reidencia.
- Napadako si Balagtas sa Udyong,
Bataan. Nakilala niya rito si Juana
Tiambeng na nagmula sa isang
marangyang pamilya. Nagpakasal sila
noong 1842. Biniyayaan sila ng labing-
isang anak subalit sina Victor, Isabel,
Silveria at Caferino lamang ang
nabuhay.
-Namuhay nang matiwasay ang
pamilya ni Balagtas. Siya ay naging
Jues Mayor de Sementera
at Tinente Primero. Nakulong muli si
Balagtas dahil sa isang akusasiyong
ginupitan niya raw ng buhok
ang isang katulong, dahil dito ay
bumagsak ang pamumuhay nina
-Habang nakapiit, ginugol
ni Balagtas ang oras sa pagsusulat.
Nakapagsulat siya ng mga akdang
komedya na itinanghal naman sa
Teatro de Tondo.
Nakalaya si Balagtas noong taong
1860. Namuhay kasama ang pamilya at
nagpatuloy sa
-Sumakabilangbuhay si Balagtas noong
Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.
Pinayuhan niya ang
asawang huwag maging makata ang
sinuman sa anak nila at mabuti pang
putulin ang mga daliri kaysa
gawing bokasyon ang paggawa ng tula
sakaling may susunod sa landas na

You might also like