You are on page 1of 9

MAGANDANG

BUHAY 
FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR
Ipinanganak siya sa Bigaa,
Panginay, Bulacan noong Abril 2,
1788.
Ang kanyang mga magulang ay
sina Juan Balagtas at Juana dela
Cruz.
Sina Felipe, Concha at Nicolasa ang
kanyang kapatid at siya ang bunso.
Si Kiko ay naging utusan
sa edad na labing-isa kina
Dona Trinidad na isang
mayaman.
Pinag-aral siya sa Colegio
de San Jose at Colegio de
San Juan de Letran.
Naging guro niya si Padre
Mariano Pilapil sa Pilosopiya sa
nasabing kolehiyo.
Taong 1812 nang matapos siya
sa pag-aaral ng Batas sa
Corones, Kastila, Latin, Pisika,
Doctrina Cristiana, Humanidades,
Teolohiya at Pilosopiya
Nakilalang isang bantog na manunulat at
mambibigkas ng tula si Francisco
Balagtas.
Humingi siya ng tulong sa pagsulat at
pagbigkas ng tula kay Jose dela Cruz
(Huseng Sisiw) na pinakabantog na
makata sa Tondo.
Nanirahan si Kiko sa Pandaan noong 1835
at dito niya nakilala si Maria Asuncion
Rivera.
Si Selya ang nagsilbing
inspirasyon niya sa pagsulat
ng “Florante at Laura.”
Naging mahigpit na karibal
ni Kiko si Mariano Capule sa
pangingibig kay Maria
Asuncion Rivera.
Ipinakulong ni Capule si Kiko
kung saan naisulat sa piitan
ang tulang “Florante at Laura.”
Noong 1840, lumipat si
Balagtas sa Udyong, Bataan
at dito rin niya nakilala si
Juana Tiambeng na taga-
Orion.
Nagpakasal sina Kiko at Juana
noong 1842 at nagkaroon ng labing-
isang anak ngunit ang 7 ay namatay
noong mga bata pa. Sa apat na
nabuhay ay si Ceferino lamang ang
nagkaroon ng hilig sa pagsulat.
Naging dalubhasa ng hukuman si
Kiko sa Bataan. Siya ay naging
Tenyente Mayor at Huwes de
Sementera.
Napiit siyang muli dahil sa isang
asunto hinggil sa pagkakaputol niya
ng buhok ng utusan ng isang
mayaman.
Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat
ng mga komedya, awit, korido nang
siya ay lumaya
Namayapa siya sa iling ng kanyang
asawa at mga anak noong Pebrero
20, 1862, sa gulang na 74.

You might also like